You are on page 1of 2

TAYABAS WESTERN ACADEMY

Founded 1928 SCORE:


Recognized by the Government
Candelaria, Quezon

FILIPINO 7
PANIMULANG PAGTATAYA
(UNA-IKALAWANG MARKAHAN)
Pangalan:__________________________________ Guro:______________________
Baitang/Pangkat:_________________________ Petsa:________________________

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Itiman ang bilog na katumbas ng titik ng tamang sagot.

A B C D A B C D A B C D A B C D A B C D A B C D
1. 6. 11 16. 21. 26.
2. 7. 12. 17. 22. 27.
3. 8. 13. 18. 23. 28.
4. 9. 14. 19. 24. 29.
5. 10. 15. 20. 25. 30.

1. Ang pabula ay salitang nagsimula sa Griyegong __________ na ang ibig sabihin ay myth o “mito” na
nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpapasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon.
A. Musoz B. Muzos C. Mysoz D. Mysuz
2. Sino ang lalaking sinasabing isinilang na kuba at lumaking alipin, binigyang-kalayaan ng kanyang amo
at hinayaang maglakbay at makilahok sa kilusang pambayan?
A. Aesop B. Odon C. Phalacrus D. Socrates
3. Sino ang Griyego na namuhay noong panahong 620 hanggang 560 BCE, siya ay itinuturing na ama ng
mga sinaunang pabula (ancient fables)?
A. Aesop B. Phalacrus C. Odon D. Socrates
4. Ito ay nagtataglay ng makatotohanang katangian tulad din ng sa isang totoong tao. Ano ang tawag sa
tauhang ito ng pabula?
A. Tauhang Bilog B. Tauhang Haba C. Tauhang Lapad D. Tauhang Mababa
5. Ano ang tawag sa tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang sa katapusan ng akda?
A. Tauhang Bilog B. Tauhang Haba C. Tauhang Lapad D. Tauhang Mababa
6. Ano ang tawag sa lugar kung saan dinidinig o nililitis ang mga suliranin o sigalot ng mga mamamayan?
A. Bahay Ampunan B. Bahay Pamahalaan C. Kagawaran ng Edukasyon D. Hukuman
7. Ito ang elemento ng pabula na kakikitaan kung saan nangyari ang aksyon o insidente at kung kailan
naganap ang paksa.
A. Banghay B. Mahalagang Kaisipan C. Tagpuan D. Tauhan
8. Sa aling element ng pabula makikita ang maayos na pagkakasunud-sunod ng magkakaugnay na
pangyayari sa paksa/ akda?
A. Banghay B. Mahahalagang Kaisipan C. Tagpuan D. Tauhan
9. Sino ang kinikilalang kauna-unahang nagsalin sa Latin ng mga pabulang hango sa mga pabula ni Aesop,
gayundin sina Romulus, Socrates, Phalacrus, at Planudes. Sino siya?
A. Ambroise Bierce B. Jean La Fontaine Odon C. Odon D. Phaedrus
10. Ayon sa kasabihan, mayroon daw humugit-kumulang na 24,000 uri ng paruparo. Ang bigat daw ng
paruparo ay katumbas lamang ng ______________________ subalit nakalilipad ang mga ito ng libu-
libong milya.
A. 2 kilong bigas B. 2 kahon C. 2 talulot ng rosas D. Wala sa nabanggit
11. Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang loob o sumuporta sa tauhan, sino
ang karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
A. Kaibigang Tauhan C. May Akda
B. Katunggaling Tauhan D. Pantulong na Tauhan
12. Mahalaga ang papel na kanyang ginagampanan sapagkat sa mga tunggaliang ito nabubuhay ang mga
pangyayari sa akda, siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
A. Kaibigang Tauhan C. May Akda
B. Katunggaling Tauhan D. Pantulong na Tauhan
13. Sa kanya umiikot ang kwento, mula simula hanggang wakas.
A. Katunggaling Tauhan C. Pangunahing Tauhan
B. May Akda D. Pantulong na Tauhan
14. Sa bahaging ito nagkakaroon ang kwento ng isang makabuluhang wakas.
A. Pababang Pangyayari C. Papataas na Pangyayari
B. Panimulang Pangyayari D. Wakas
15. Ito ang pinakamasidhing pangyayari kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
A. Kasukdulan C. Panimulang Pangyayari
B. Pababang Pangyayari D. Papataas na Pangyayari
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 SCORE:
Recognized by the Government
Candelaria, Quezon

FILIPINO 7
PANIMULANG PAGTATAYA
(UNA-IKALAWANG MARKAHAN)
Pangalan:__________________________________ Guro:______________________
Baitang/Pangkat:_________________________ Petsa:________________________

16. Saang bahagi ipinakikilala ang pangunahing tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin?
A. Tagpuan B. Kasukdulan C. Resolusyon D. Wakas
17. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o
kapanabikan.
A. Kasukdulan C. Panimulang Pangyayari
B. Pababang Pangyayari D. Papataas na Pangyayari
18. Saang bahagi magkakaroon ng kalutasan ang suliranin at matatamo ng pangunahing tauhan ang kanyang
layunin.
A. Panimulang Pangyayari C. Papataas na Pangyayari
B. Pababang Pangyayari D. Kasukdulan
19. Ito ay ang pook, lugar, at panahon kung saan nangyari ang kabuuan ng akdang alamat.
A. Kasukdulan B. Resolusyon C.Tagpuan D. Wakas
20. Ito ang akdang nagsasaad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay at karaniwang kapupulutan ng aral sa
buhay at madalas na may kalakip itong supernatural na elemento.
A. Alamat B. Kuwento C. Pabula D. Parabula
21. Ang tumpong at ang suling ay uri ng plawtang yari sa kawayan, ano naman ang tawag sa plawtang
kawayan na ginagamit ng mga Maguindanawon na itinuturing na pinakamahirap gamitin sa tatlong uri?
A. Bale B. Kiwil C. Lidi D. Palendag
22. “Kumikidlat”. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ito?
A. Eksistensiyal B. Maikling Sambitla C. Pahanga D. Penominal
23. “Salamat po”. Ito ay isang uri ng pangungusap na walang paksa na _________.
A. Eksistensiyal B. Pahanga C. Penominal D. Pormularyong Panlipunan
24. “Naku!” Ito ay isang pangungusap na walang paksa na ______.
A. Eksistensiyal B. Maikling Sambitla C. Pahanga D. Penominal
25. Ang SWS ay may kahulugang _________________________________.
A. Social Weather Station C. Social Welfare System
B. Social Weather System D. Social Worker Society
26. “Bonggeysyus talaga ang party kagabi”. Ang salitang may salungguhit ay nasa antas ng wika na kung
tawagin ay______________.
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pampanitikan
27. Kadarating lang kagabi ng aking utol galing sa ibang bansa. Ang salitang may salungguhit ay nasa antas
ng wika na kung tawagin ay______________.
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pampanitikan
28. Ang salitang “mabanas” ay antas ng wika na kung tawagin ay _____________.
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pampanitikan
29. Papasukin mo ang mga bisita sa loob ng ating bahay. Ang salitang may salungguhit ay nasa antas ng
wika na kung tawagin ay______________.
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pambansa o Karaniwan
30. Masarap ang setaw na isinawsaw sa baraksila. Ang dalawang salitang may salungguhit ay nasa antas ng
wika na kung tawagin ay______________.
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pambansa o Karaniwan

Inihanda ni:
Gng. Maria Cristina B. Llada

______________________
Lagda ng Magulang

You might also like