You are on page 1of 5

Si Ama ay may ugaling kanyangkanya: isang dahilan upang siya'y maging malimit na paksa ng

usapan. At sa mga usapan tungkol sa kanya na narinig ko — narinig ko mula kay Ina, mula sa
mga kapatid ni Ama, mula sa mga kapitbahay, mula kung kani-kanino — ay para ko na ring
nasaksihan ang buhay niya na hindi ko nasaksihan.
Nalaman ko halimbawa, na si Ama ay nakatapos ng pitong grado, i^ang katangiang
maipagmamalaki na kung iisiping siya'y nag-aral sa panahong bihirang-bihira ang may hilig mag-
aral. (Ipinanganak siya nang taong si Rizal ay barilin sa Luneta.) Alam ko pati ang
pagkakapangasawahan nila ni Ina.
Labindalawang taon ang katandaan ni Ama kay Ina. Ay wan ko kung bakit sa kabila ng malaking
katandaan niya kay Ina ay nagustuhan siya ni Ina, ngunit alam ko kung bakit lumagpas siya sa
akmang gulang ng pag-aasawa; panganay siya sa pitong magkakapatid, maaga silang naulila sa
ama, at natural, mangyari pa, na siya ang magdala ng pamilya. Nang may kumikita na sa mga
kapatid niya ay saka pa lamang siya nakaisip mag-asawa.

Bago mamanhikan si Ama ay nagpundar muna siya ng bakuran at


bahay. Ngunit nang siya'y mamanhikan na (kasama ang malalapit na
kamaganak) ay hinihingan siya ng dote ng mga magulang ni Ina, bukod
pa ang mga kondisyon sa kasal. Pasudlungan daw niya ng dalawang sibi
ang bahay ng kanyangbibiyenanin.atipakumpuniang bulok na batalan.
Sa kasal, pinapagbubuwal siya ng dalawang kalabaw. Nagpaalam sina
Ama at ang sabi'y iisipin ang kanilang hinihingi, ngunit hindi na nagbalik
si Ama.
Sabi raw ni Ama kay Ina nang sila'y makanakaw hg pagkakataong
magkausap, "D i ko kaya ang hinihingi nila at kaya ko ma'y di ako lokong
magpapaIjaklak nang gayon sa mga taong may [ malalaklak nainan sa
kanilang bahay. iDalawang manok, kayakong magbuwal; 1 kung
lalagpas pa roon ang gusto nila'y Isabihin mong kanila ka na at akin na
ang Rdalawang manok ko."
Nasakyan naman ni Ina ang punto ni Ama; katunavan, para ipakilalani
Ina na hindi mahalaga sa kanya ang magarbong kasal, ay aiyakag niya si
Ama na magtsnan sila.
Kayat sa kanilang pagkakapangasawahan, ni ang dalawang manok ay
hindi nabuwal. Nagalit si Ingkong (ang ama ni Ina), ang pamalita'y hindi
sila makapapanhik maski kailan: itaga raw iyon sa bato. Sinubok nilang
pumanhik itinaboy sila ng mura. Sinubok uli nila nang may apo na (si
Ate Maring) sa kanila si Ingkong-minura sila nang kaunti ngunit murang
mura-murahan; nakapagmano sila.
Latero si Am a Tumatanggap siya ng anb mang gawaing may kaugnayan
sa lata: paatip ng bahay, alulod. Ang silong ng aming bahay ay talyer na
gawaan niya ng batya, palanggana, sandok, rigadera, imbudo, kung
anu-ano pa. Apat kaming anak (Si Ate Maring, si Kuya Selmo, si Dikong
Ige, at ako), at kami'y katukatulong niya sa talyer. May oras kami para
sa laro, may oras para sa iskuwela, may oras na ukol sa pagtatrabaho.
Sa kanya'y walang bata-bataris. Mapapahiya sa kanya ang sinu mang
makikihinang ng balde. Dapat siyang bayaran ng bayad na sa palagay niya'y
katumbas ng kanyang ipinagtrabaho. Hindi siya napababataris at hindi naman nambabataris.
Minsan, noo'y maliliit pa kami, si Ama ay nagkaroon ng trabaho sa malayo at may isang linggong
hindi umuwi. Sa ikatlong araw ng kanyang di pag-uwi ay lumakas ang hangin, walang lubay ang
ulan; ang balita'y may bagyo. Sa takot my Ina na baka ibuwal ng bagyo ang aming bahay ay
tumawag siya ng isang kapitbahay at pinadagdagan ang serga ng aming bahay. Nang umuwi si
Ama ay napansin agad niya ang bagong serga.
"Mabuti, “sabi ni Ama. “Eh sino'ng pinagkabit mo nire?" Si Omeng " sabi ni Ina. "O, e,
magkano'ng ibinigay mo?" Atubili ang sagot ni Ina "Nalimutan ko, e." Nagalit si Ama. "Naghirap
'yong tao'y di mo binayaran? Hala, padalhan mo ng sampiseta" Kung ang ugali ni Ama ay hindi
kabisado ng aming kapitbahay, walang pagsalang marami siyang makakasumangan.
Si Ama ay hindi nangungutang at hindi mauutangan. Noong panahon ng Hapon, natatandaan
ko, ay nagkahirapan sa bigas. Mapera kami (perang Hapon), ngunit ang mabibili ang wala.
Naghanda ng isang bayong na pera si Ama. "Titingin ako sa San Rafael," sabi ni Ama. Umaga
nang umalis si Ama at nang bumalik ay gabi na; ang bayong ay may lamang apat na salop na
bigas. "Gutomna'ng mga bata kaya nanghiram muna 'ko ng sanggatang kina Iska at siya kong
inilugaw," balita ni Ina kay Ama. Nagalit si Ama. Masakit din ang salitang sinabi niya kay Ina.
"Uli-uli, ke mamatay kayo sa gutom, huwag kayong mangungutang. Ang problema nati'y
problema natin, huwag n'yong idamay ang mga kapitbahay. Hala, palitan mo.'ng kinuha mo ke
Iska; patubuan mo ng sandakot"
Si Ama ay hindi nagsisimba, ngunit kami ay hindi niya pinagbabawalang magsimba. Kapag pista
sa aming baryo, kahit paano'y tumutulong siya sa abuluyan, ngunit hindi siya pumapayag na
kami'y maghanda.
"Paano po kungmagkabisita tayo?" minsa'y nasabi ni Ate Maring kay Ama. "Baka po
magdatingan dito ang mga kaklase ko."
"Harapin mo, tapos!" sabi ni Ama. " D i baleng magpakain tayo ng iba kung hindi makagigipit sa
'tin, pero sa 'tin lang e di magkahusto'ng kabuhayan natin, paanong gagawin mo?"
Sa pag-aasawa ng mga anak ay liberal si Ama. . " D i ko kayo pakikialaman," sabi niya sa amin,
"Ke Hudas at Hudesa ang mapili n'yo, bahala kayo. Me mga isip naman kayo. Isang bagay lang:
pagaasawa n'yo'y magsasarili kayo. At sa kasal, ayoko nang mangungutang kayo, o hihingi ng
pangkasal sa 'kin.

Pagkaraan ng giyera ay sumigabo ang nagpapagawa ng bahay at si Ama ay


tumanggap ng maraming trabaho. Maestro latere siya at kaming tatlo nina Kuya Selmo at
Dikong Ige ang piyon. Sinusuwelduhan niya kami nang arawan. Ang sahod namin ay amingamin;
hindi bumabahagi si Ina, at iyon ay sa kagustuhan na rin ni Ama. "Gastahin n'yo para sa inyong
sarili," sabi ni Ama. "Ipag-aral n'yo."
Kayat sa tulong ng paglalatero,lahat - kami'y nakakarera. Naging sikat kami sa aming baryo. Sino
ang maniniwalang sa baryo namin na ang halos lahat ay nabubuhay sa pagsasaka ay may isang
pamilyang lahat ng anak ay titulado?
Sa naging kapalaran namin, hindi lahat ay pumupuri kay Ama; nariyan din ang mga pumupula.
"Kuripot kasi, e." "Walang kapwa tao." "Animo'y kung sinong Poncio Pilato."
Sunud-sunod arig taon ng aming pag-aasawa kayat sa loob lamang ng apat na taon ay nawalan
sina Ama ng anak na walang asawa. At bilang pagsunod sa kagustuhan ni Ama, bawat mag-
aasawa sa ami'y nagsasarili.
Sa mga may pinagtapusan ay hindi mahirap ang pagsulong. Ilang taon lamang at si Kuya Selmo,
empleyado sa bangko, ay nakapagtayo ng magandang bahay sa Makati. Si Dikong Ige, kimiko sa
habihan ng tela, ay nagkakotse at nagkabahay sa Pasig. Si Ate Maring, maestra sa haiskul, ay
may bahay na rin sa Caloocan. Ako'y nangungupahan ng "apartment" sa Quezon City ngunit
may hinuhulugan na akong lote at nagbabalak na ring magpatayo ng bahay.
Samantala'y matanda na rin si Ama; sila ni Ina ay naroroon pa rin sa luma naming bahay, na
gayong latere siya ay pawid ang bubong. Sa buhay nila ni Ina, ang pinakamalaking pagbabagong
mapapansin ay ang patuloy na pagdami ng puti sa kanilang mga buhok.
Kung lilingunin ang pinagmulan naming magkakapatid ay masasabing malalayo na rin ang aming
nararating.
Ang bagay na ito ay nauugnay sa bali-balitang nahihigingan namin: umano, kaming
magkakapatid ay walang turing na mga anak. Pagkatapos daw na maiangat kami ni Ama ay
pinabayaan na namin sila sa ibaba. Sa aming kawalang-utang na loob, marahil ay kami lamang
ang makauunawa. Ang kalagayan nina Ama ay napag-usapan na naming magkakapatid. Kukunin
namin sila. Nagkaroon pa nga kami ng pagtatalo, pag-aagawan, pagkat dalawa lamang silang
kukunin namin at kami'y apat na kukuha. Napagkayarian na lamang namin na kung sino ang
gustong samahan nina Ama ay siyang mananalo. Umuwi kami at ang aming napag-usapan ay
sinabi namin kina Ama. Inaasahan naming matutuwa si Ama, ngunit nagkamali kami. "Magtigil
nga kayo," sabi sa amin ni Ama. "Handa kami sa pagtanda namin ng ina ninyo, anong 'kala n'yo?
At kayo ba'y papagsasarilinin ko ng ano?" At ang pagpupumilit namin at ang pagpapaliwanag ay
hindi pinakinggan ni Ama.
Ibang balak naman ang sumaisip namin. "Ipagiba natin ang bahay na pawid at ipagpagawa natin
sila ng bago," mungkahi ni Kuya Selmo, at iyon ay sinang-ayunan namin. Ngunit muling binigo ni
Ama ang aming pagmamagandang-loob. "Tama ne'tong bahay ne'to sa 'min ng ina n 'yo," sabi
ni Ama. “Tama na sa tao yaong pagtulog ay hindi nahahamugan."
Basta't may pagkakataon din lamang ay umuuwi kami sa lalawigan at dinadalaw namin sina
Ama. Nagpapasalubong kami ng damit, pagkain, kagamitan sa bahay, ngunit hindi kami
nagbibigay ng pera pagkat tiyak namang hindi tatanggapin ni Ama. "Hindi pa naman kayo
kayamanan, a," sasabihin ni Ama.
Mahina na si Ama. Malabo na ang kanyang mata at makupad na siyang kumilos. Wala na ang
dating bilis niya sa pagsisinsil ng lata, ang dating bilis niya sa paghihinang. Maluwag na ang balat
sa maugat niyang bisig at parang mabigat na para sa kanya ang soldador, ang istanyo.
Paggawa naman ng lababo ang inaatupag niya, at iyon ay ipinagbibili ni Ina sa palengke.
Minsan, sa awa ko, ay nilihim ko. si Ina. Inaabutan ko ng pera si Ina, ngunit iyon ay ayaw niyang
kunin. "Magagalit ang ama mo," sabi ni Ina. "Di huwag po n'yong sabihing binigyan ko kayo,"
sabi ko. "Hindi ko magagawa, anak," sabi ni Ina. "Hindi nga niya malalaman, pero ang kaso'y di
ko kayang maglihim sa kanya. Di ko kayang magtago ng anuman sa kanya. Saka di naman namin
masyadong kailangan ang pera. Pagkain lang naman ang pinagkakagastahan namin."

Nahuhukot si Ama ay gumigiray naman ang luma naming bahay. "Sa edad
n'yong 'yan e di na kayo dapat magtrabaho," sinasabi namin sa kanya. "At anong gusto n'yo,
mamatay ako nang nakatunganga?"
Bunga ng katandaan ay malimit nang dapuan ng sakit si Ama. Kayat nang isang araw ay
lumuwas ang isa naming pinsan at ibinalitang patay na si Ama, naiyak kami ngunit ang balita'y
hindi naging kagulat-gulat sa amin. Gumayak kami sa madaliang pag-uwi, kasama ang pami-
pamilya.
At bago kami nagkanya-kanyang uwi, si Kuya Selmo ay nakasama ko sa pagbili ng korona.
"Pihong aasahan sa atin ang malakihang libing at isang malakihang lamayan," sabi ni Kuya
Selmo. "Kahiya-hiya sa baryo natin at sa mga kamag-anak natin kung sa ating kalagayang ito'y
hindi natin maibigay iyon sa Ama."
"Ano'ng mainam na gawin natin?" tanong ko. "Gastahan natin nang todo ang Ama. Antalahin
natin ang libing para maipagpagawa natin siya ng libingang marmol. Ibili natin siya ng maganda
at mahal na ataul. Kumasundo tayo ng musiko. Umarkila tayo ng mga dalawampung karitela
para walang maglakad sa mga makikipaglibing. Sa lamayan, ibigay natin ang kaya nilang kainin."
"Tama," sabi ko. "Tutal, ngayon lamang naman natin pagkakagastahan ang Ama "
Sa luma naming bahay nang dumating kami, ang mga nakikiramay ay nagpapayok ng galyetas
na ipinaaanod sa matabang na kape. Wala ni isang manok na pinapatay sa kusina. Sa duluhan
ng bakuran ay tatlong karpintero ang gumagawa ng ataul. (Sa aming bayan ang mayayaman
lamang ang kapag namatayan ay bumibili ng yari nang ataul). Si Ama ay nakaunat sa papag.
Alam kong siya'y patay na ngunit aywan ko kung bakit pilit kong isinasaisip na siya'y natutulog
lamang. Ibig kong huwag umiyak pagkat lalaki ako, ngunit sa gayong pagkakataon pala ang
lalaki'y nawawala sa kanyang pagkalalaki.
Ang napag-usapan namin ni Kuya Selmo ay sinang-ayunan nina Djkong Ige at Ate Maring.
Malakihang lamayan. Kontri-kontribusyon kami ng tig-sasandaang piso kay Ate Maring na
sasamahan niya ng sandaan din bago ibigay kay Ina. "Para sa'n 'to?" tanong ni Ina nang ibigay
na sa kanya ni Ate Maring ang pera. At ang aming napagkayarian ay inilahad namin kay Ina.
"Magpabili na agad kayo ng baboy, saka maraming manok," sabi ni Dikong Ige. "Patigilin na n'yo
ang gumagawa ng ataul at bumili na lang tayo ng yari," sabi ni Kuya Selmo.
Ngunit hindi nasunod ang aming nais pagkat tumutol si Ina. "Hindi ko magagawa 'yon sa ama
n'yo," sabi ni Ina. "Lalo na ngayong nanahimik na siya." At sa paliwanag ni Ina ay lumitaw na si
Ama pala ay nag-ipon ng perang pampalibing sa sarili nito. Kaunti lamang ang natipon ni Ama,
ngunit sasapat na sa isang aba, payak na libing, na umano'y siyang ibig ni Ama.
Nais ko sanang sabihin kay Ina na anuman ang gawin namin sa libing ni Ama ay maaari pagkat
wala na si Ama upang tumutol. Ngunit naisip ko na isang malaking kalapastanganan kung
magsasamantala kami sa sandaling si Ama ay hindi na makapagtanggol. Puntod lamang ang
pinaglibingan kay Ama, ngunit damang-dama ko ang dangal at katapatan ng libing na iyon.
Hanggang sa huling hantungan ay dala ni Ama ang kawalan ng pagkukunwari.

You might also like