You are on page 1of 1

MALAYANG TALUDTURAN

Panganay
Ikaw ang una, ako ang pangalawa,
Dugong pinagbigkis, kinalakhang prinsipyo’y hindi iba,
Kaibigan ? Alam kong payo mo ay maaasahan,
Kahit kalian hindi magagawang talikuran.

Alam kong pasan mo’y responsibilidad,


Sapagkat panganay daw naituring, ‘yan ang realidad,
Ang sakripisyo’t pagmamahal mong wagas,
Tatanawing utang na loob magpahanggang wakas.

Pangako, ako naman ang susunod,


Ikaw naman ang mamahinga at uupo,
Hindi hahayaang walang maibabawi sa’yo
Ang mga salitang ito ay pangako.

Payo ni Inay, magkapatid ay nagdadamayan,


Darating ang araw, dito sa mundo kami’y lilisan,
sa hirap at ginhawa kayo ay magtutulungan,
Ito’y isang pamana na hindi ko makakalimutan.

-Rosiellie G. Saludez

You might also like