You are on page 1of 3

RAMON MAGSAYSAY ELEMENTARY SCHOOL

Apo St. Corner Calamba Barangay Lourdes, QC

Araling Panlipunan 5 Quarter 1 Worksheet 2


SY 2021-2022

Lhiraine C. Del Pilar


Pangalan : ________________________________________________________ Score ____________
Rizal
Grade V-___________________ Estelita Samson
Guro : __________________________ Sep.03 2021
Date: ____________
Gawain I. Basahin, Suriin at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Matututunan mo sa modyul na ito ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teoryang “Tectonic Plate”,
Mitolohiya, at Relihiyon. Ang teorya ng “Tectonic plate” ay nagsasabi tungkol sa paggalaw ng mga lupa.
Ang mitolohiya (myth) ay nagpapaliwanag na ang bansang Pilipinas ay nabuo mula sa iba’t ibang mga
kwento ng pinaniniwalaan ng ating mga ninuno. Samantala, sa relihiyon ay pinaniniwalaang ang Diyos ang
lumikha ng mundo kasama ang bansang Pilipinas. Ang mitolohiya at relihiyon ay may kaugnayan sa isa’t-
isa.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapaliwanag
a pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teoryang Tectonic Plate, Mitolohiya, at Relihiyon.Mayroong uri
ng pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng pagkakabuo ng Pilipinas. Ito ay ang teorya, mitolohiya, at
relihiyon. Ang teorya ay isang paliwanag tungkol sa isang phenomena o pangyayari na itinuturing bilang
tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o prediksyon.
Ipinaliwanag ni Alfred Wegener ang kanyang sa teoryang Continental Drift, na gumalaw ang
pangaea o malaking masa ng kalupaan ng daigdig 240 milyong taon na ang nakalipas. Kaugnay nito ay
nakabuo ng paniniwala sa pakahati-hati ng malalaki at makakapal na tipak ng lupa kung tawagin ay tectonic
plate. Dulot ng pag-ikot at paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic plate sa asthenosphere(mantle) ay
napagalaw nito ang mga tectonic plate palayo, pasulong, at pagilid sa isa’t-isa.
Ayon kay Bailey Willis sa kanyang Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory, ang Pilipinas ay nabuo
bunsod ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan. Ang Teoryang Tulay ng Lupa o Land Bridges
naman ay pinaniniwalaang dating kabahagi ang Pilipinas sa Continental Shelf o mga tipak ng lupa sa
katubigan na nakakabit sa mga kontinenteng mga tulay na lupa ang mga pulo sa isa’t-isa at ang ilang karatig
bansa sa Timog-silangan Asya. Lumubog ang mga mababang bahagi nito dahil sa pagkatunaw ng yelo, may
250 000 taon ang nakalipas ng umapaw ang karagatan.
Ang mitolohiya ay mga sali-salimuot na kwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng
mahahalagang balangkas ng buhay. Ayon sa mitolohiya, may tatlong higanteng naglaban-laban gamit ang
mga bato at mga dakot ng lupa. Nahulog ito sa dagat at siyang bumuo
sa kapuluan ng Pilipinas. Sa paniniwala ng mga Bagobo, nilikha daw ng kanilang diyos na si Melu ang
Pilipinas mula sa kanyang libag. Ayon naman sa paniniwala ng mga Manobo, ang daigdig ay mula sa kuko
ng kanilang diyos.
Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ng isang makapangyarihang Diyos ang buong sanlibutan
kasama na ang bansang Pilipinas. (Nasulat ito sa biblia: Genesis 1:1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang
langit at lupa”. Basahin rin ang Genesis 1:2-31, Genesis 2:1-4)

Panuto: Punan ang patlang ng mga angkop na salita para mabuo ang kaisipan ng talata.
Piliin ang sagot sa kahon.

awdadawd awdawdawdad awdawda awdadawdadadad

awdawdw awdadf awdadada


1. Teorya 2, Tectonic Plate 3. Mitolohiya 4. Tatlong 5. Bagobo 6. Melu 7. Kuko
8. Diyos

Gawain 2

Gawain 3 Ipaliwanag sa 3-5 panungusap.


r t Ayon sa ating napag-aralan, narinig, sa payo
d e e ng ating mga magulang at mga ninuno,
papaano ba nagsimula ang Pilipinas?
i l o
Sa aking nabasa-- sa mga paniniwala ng mga
______________________________________
y i bagobo nag simula ang pilipinas dahil nag away
r ______________________________________
ang tatlong higante. pero para sa akin ang diyos
m i t o l o h i a na mapangyarihan ang gumawa nang ating
y ______________________________________
mundo sa loob ng pitong araw at siya lamang ang
s i a
nag bigay buhay sa atin.
______________________________________
y ______________________________________
t e c t o n i c ______________________________________

n ______________________________________
______________________________________
Gawain 4: Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan. Isulat letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Aling teorya ang nagsasaad na ang Pilipinas ay mula sa kontinenteng Lauresia?


A. Pacific Teory C. Tulay na Lupa
B. Alamat D. Continental Drift
2. Ayon sa teorya ni Bailey Willis ang Pilipinas ay nagmula sa________________.
A. pagputok ng bulkan C. Tulay na Lupa
B. pagragasa ng lava D. Continental Drift
3. Alin sa mga sumusunod ang pagpapaliwanag batay sa Relihiyon?
A. Nilalang ni Abraham ang mundo sa pamamagitan ng putik
B. Nilalang ng Diyos ang mundo batay sa Bibliya sa aklat na 1 Genesis
C. Inukit ng Lawin ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang kuko
D. Galing sa pag-aaway ng mga higante ang bansang Pilipinas
4. Ang paniniwalang ito ay mula sa kuwento ng mga matatanda at nagpasalinsalin sa iba’t ibang henerasyon.
A. Pacific Theory C. Tulay na Lupa
B. Alamat D. Continental Drift
5. Batay sa relihiyon, saan mababasa ang ukol sa pinagmulan ng daigdig kasama na ang Pilipinas?
A. Koran C. Almanac
B. Diksyonaryo D. Bibliya
6. Alin sa mga sumusunod ang nagdurugtong sa mga lupain sa Asya batay sa teorya ng
Land Bridges?
A. bulkan C. lupa
B. kontinente D. tubig
7. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagkawala ng tulay na lupa sa buong Asya?
A. pagsabog ng bulkan C. pagtaas ng tubig ng karagatan
B. pagkatunaw ng yelo D. pagkasunog ng tulay
8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa ating pisikal na kaanyuan bilang isang bansa?
A. magkakarugtong ang bawat lugar C. may karagatan
B. binubuo ng maraming pulo D. malawak ang himpapawid
9. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng
mahahalagang balangkas ng buhay?
A. Mitolohiya C. Sitwasyon
B. Relihiyon D. Teorya
10. Ayon sa kaniyang pag-aaral, ang daigdig ay binubuo ng isang malaking kapuluan may 240 milyong taon na ang
nakakalipas.
A. Alexander Graham Bell C. Alfred Wegener
B. Bailey Willis D. Thomas Edison

You might also like