You are on page 1of 10

13

The Social Studies Program in the


UNIT 2 K to 12 Curriculum

Overview

Unit 2 provides a wider perspective for teachers about the Social


Studies program in the K to 12 curriculum, the intended learning outcomes,
key stage standards, grade-level standards, scope and sequence, and the
guiding principle in teaching the subject.

Learning Outcomes

Upon completion of this module, the students will be able to:


a. Describe the K to 12 Social Studies (Araling Panlipunan) in the
elementary grades and its guiding principles through the audio-
visual presentation;
b. Show the alignment of the intended learning outcomes, grade-level
standards, and scope in teaching Social Studies and its application
to teaching through position paper; and
c. Make a short/documentary film on the testimonies, experiences, and
analysis report in teaching Social Studies.

Pretest

Directions: Encircle the letter of the correct answer.

1. It is the main principle in teaching Araling Panlipunan (Makabayan /


Social Studies)
a. to do communication c. to do a demonstration
b. to do integration d. to do appreciation

2. It is the process of identifying and addressing academic gaps,


redundancies, and misalignments of a course of study and its
effectiveness.
a. curriculum mapping c. curriculum alignment
b. curriculum technology d. curriculum enhancement

3. A set of courses instituting an area of specialization


a. course b. program c. major d. curriculum

4. This term is the translation of Social Studies in the elementary grades.


a. Filipino (Wika at Panitikan) c. Araling Panlipunan
b. Edukasyon sa Pagpapahalaga d. Edukasyon sa Pagpapakatao

5. The study of history, people, and society.


14

a. Sociology b. Archeology c. Social Science d. Social Studies

Social Studies (Araling Panlipunan)


in the K to 12 Curriculum
(www.deped.gov.ph)
Points to Remember
Deskripsyon
Layunin ng pagtuturo ng K to 12 Araling Panlipunan na malinang sa
mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at isyung
pangkasaysayan, pangheograpiya, pampulitika, ekonomiks at kaugnay
na disiplinang panlipunan upang makaalam, makagawa, maging ganap
at makipamuhay (pillars of learning). Inaasahan sa mga mag-aaral ang
pagbuo at pagsalin ng natutunan sa iba't ibang pagkakataon at mailipat
sa tunay na buhay at lipunang ginagalawan nang may kabuluhan.

Batayan ng K to 12 Araling Panlipunan Kurikulum


Batayan ng kurikulum ang mithiin ng "Edukasyon para sa Lahat 2015"
(Education for All 2015) at ang K to 12 Basic Education Currilum Framework.
Layunin nitong makalinang ng "functionally literate and developed Filipino"
at ang pangmatagalang pagkatuto ng pormal na pag-aaral (lifelong
learning) sa pamamagitan ng ilang teorya sa pagkatuto na
konstruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning) at
pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto.

The Curriculum Framework of Araling Panlipunan

Ang sakop at daloy ng Araling Panlipunan kurikulum ay nakabatay


sa kahulugan nito:
15

Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo,


komunidad at lipunan at kung paano sila namuhay at namumuhay, ang
kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isa't isa, ang kanilang
paniniwala at kultura upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang isang
Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo, maunawaan ang sarili at
ang lipunang ginagalawan, gamit ang mga makro at makabuluhang
kasanayan na huhubog ng mamamayang may pandaigdigang
pananaw at pagpapahalaga sa sarili sa mga usapin ng lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan sa pagpanday ng kinabukasan.

Layunin ng Araling Panlipunan Kurikulum


Layunin ng kurikulum na makalinang at makahubog ng kabataang
may tiyak na pagkakakilanlan at papel bilang Pilipinong lumalahok sa
buhay ng lipunan, bansa at daigdig tungo sa isang kolektibong
kinabukasan.

Tema ng Araling Panlipunan Kurikulum


Ang kurikulum ay may iniaangkop na bawat tema sa bawat baitang
subalit sa kabuuan, nasasakop ng kurikulum ang mga ito.

1. Tao, Lipunan at Kapaligiran


Ang papel na
ginagampanan at responsabilidad
ng tao bilang bahagi ng lipunan at
kapaligiran na fundamental na
konsepto ng Araling Panlipunan,

2. Panahon, Pagpapatuloy at
Pagbabago
Mahalagang maunawaan
ang nakaraan upang maging
batayan sa kasalukuyan at Journey. A man travelling using an old
mapaghandaan ang buhay sa mode of transportation through a
hinaharap kalakip na ang horse.
Photo by Paul John B. Jovellanos
pagbabago kasabay sa takbo ng
panahon.

3. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa


Nakaangkla ang kultura sa identidad (pagkakilanlan) sa mga
aspeto ng kultura na nagbago o patuloy na umiiral sa kasalukuyan na
siyang batayan upang makabuo ng makabansang pananaw ukol sa
mundong ginagalawan.

4. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan


Kalakip ng karapatan ay ang pananagutan. Bilang mamamayan at
kasapi ng lipunan ay kaakibat nito ang pagkilala at pagtupad ng
karapatan at tungkulin sa pagkakaroon ng ganap at makabuluhang
paraan sa buhay ng komunidad, bansa at mundo.
16

5. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala


Kailangan maunawaan ang konsepto ng kapangyarihan upang
mapahalagahan ang paggamit nito sa pang-araw-araw na buhay at sa
bansa, kahulugan at kahalagahan bilang mamamayan sa demokratikong
bansa.

6. Produksyon, Distribusyon at
Pagkonsumo
Kailangang masagutan ang
mga simpleng tanong sa buhay
gaya ng pagpili (choice),
pangangailangan (need),
paggastos (expenditure), halaga at
pakinabang (cost and benefit) na
may kinalaman sa buhay at bilang
mamamayan ng bansa.
The daily life of a worker.
Photo by Paul John B. Jovellanos
7. Ugnayang Panrehiyon at Pangmundo
Kailangang maunawaan ng mga mag-aaral ang pambansa at
pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa usapin ng lipunan at
mundo at ang pag-unawa sa papel ng Pilipinas sa rehiyon at mundo kung
paano kumilos ang isang tunay na Pialipino at maging kasapi sa paglutas
ng suliranin bilang bahagi ng komunidad.

Mga Kakayahan
Ang Araling Panlipunan kurikulum ay hindi lamang base sa
nilalaman (content – based) kundi rin sa kakayahan (competence –
based) na nakaugat sa layunin ng batayang edukasyon na mabigyang-
diin ang mga kakayahang pagsisiyasat, pagsusuri at interpretasyon ng
datos, pagsusuri at interpretasyon ng impormasyon, pagsasaliksik,
komunikasyon at pagtupad sa pamantayang pang-etika na hindi lamang
nalilinang sa pamamagitan ng pagsasaulo ng impormasyon.

Pamantayan sa Programa (Core Learning Area Standard):


Naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto at isyung
pangkasaysayan, pangheograpiya, pang-ekonomiya, pangkultura,
pangpamahalaan, pansibiko, at panlipunan gamit ang mga kasanayang
nalinang sa pag-aaral ng iba't ibang disiplina at larangan sa araling
panlipunan kabilang ang pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip,
matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang
paggamit ng pinagkunang-yaman, pakikipagtalastasan at
pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw upang maging isang
mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, produktibo , makakalikasan,
makabansa at makatao na papanday sa kinabukasan ng mamamayan
ng bansa at daigdig.
17

Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards):


K – 3 Naipamamalas ang panimulang pag-unawa at pagpapahalaga sa
sarili, pamilya, paaralan, at komunidad at sa mga batayang konsepto ng
pagpapatuloy at pagbabago, distansiya at direksyon gamit ang mga
kasanayan tungo sa malalim na pag-unawa tungkol sa sarili at
kapaligirang pisikal at sosyo-kultural, bilang kasapi ng sariling komunidad
at ng mas malawak na lipunan.

4 – 6 Naipamamalas ang mga kakayahan bilang batang produktibo,


mapanagutan at makabansang mamamayang Pilipino gamit ang
kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip,
matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang
paggamit ng pinagkukunang-yaman at pakikipagtalastasan at pag-
unawa sa mga batayang konsepto ng heograpiya, kasaysayan,
ekonomiya, pamamahala, sibika at kultura tungo sa pagpapanday ng
maunlad na kinabukasan para sa bansa.

Pamantayan sa Bawat Baitang / Antas (Grade Level Standard):


K– Naipamamalas ang panimulang pag-unawa sa pagkilala sa sarili at
pakikipag-ugnayan sa kapwa bilang pundasyon sa paglinang ng
kamalayan sa kapaligirang sosyal.

1– Naipamamalas ang kamalayan at pag-unawa sa sarili bilang


kasapi ng pamilya at pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal gamit ang
konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, distansiya at
direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidwal at kasapi ng
pangkat ng lipunan at komunidad.

2– Naipamamalasa ang kamalayan, pag-unawa at pagpapahalaga


sa kasalukuyan at nakaraan ng kinabibilangang komunidad, gamit ang
knosepto ng pagpapatuloy at pagbabago, kapangyarihan, pamumuno
at pananagutan, pangangailangan at kagustuhan, pagkakilanlan, mga
simpleng konseptong heograpikal tulad ng lokasyon at pinagkukunang-
yaman at ng mga saksi ng kasaysayan tulad ng tradisyong oral at mga
labi ng kasaysayan.

3– Naipamamalasa ang malawak na pag-unawa at pagpapahalaga


ng mga komunidad ng Pilipinas bilang bahagi ng mga lalawigan at
rehiyon ng bansa batay sa (a) katangiang pisikal; (b) kultura; (c)
kabuhayan; (d) pulitikal, gamit ang malalim na konsepto ng
pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at kapaligirang pisikal
at sosyal.

4– Naipagmamalaki ang pagka-Pilipino at ang bansang Pilipinas na


may pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay
sa paggamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at
18

kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga


mithiin ng bansang Pilipinas.

5– Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at mga sinaunang lipunan
hanggang sa mga malalaking pagbabagong pang-ekonomiya at ang
implikasyon nito sa lipunan sa simula ng ika-labing siyam na siglo, gamit
ang batayang konsepto katulad ng kahalagahang pangkasaysayan
(historical significance), pagpapatuloy at pagbabago, ugnayang sanhi at
epekto tungo sa paglinang ng isang batang mamamayang mapanuri,
mapagmuni, responsible, produktibo, makakalikasan, makatao at
makabansa at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng maunlad na
kinabukasan para sa bansa.

6– Naipamamalas ang patuloy na pag-unawa at pagpapahalaga sa


kasaysayan ng Pilipinas mula sa ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan,
tungo sa pagbuo ng tiyak na pagkakakilanlan bilang Pilipino at
mamamayan ng Pilipinas. Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa
kasaysayan ng Pilipinas base sa pagsusuri ng sipi ng mga piling primaryang
sangguniang nakasulat, pasalita, awdyo-biswal at kumbinasyon ng mga
ito, mula sa iba-ibang panahon, tungo sa pagbuo ng makabansang
kaisipan na siyang magsisilbing basehan ng mas malawak na pananaw
tungkol sa mundo.

Saklaw at Daloy ng Kurikulum (Scope and Sequence)


Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino sa katangian
at bahaging ginagampanan ng tahanan, paaralan at pamayanan tungo
sa paghubog ng isang mamamayang mapanagutan, may pagmamahal
sa bansa at pagmamalasakit sa kapaligiran at kapwa.

Grado: K
Daloy ng Paksa: Ako at ang Aking Kapwa
Deskripsyon: Pagkilala sa sarili at oakikipag-ugnayan sa kapwa bilang
pundasyon sa paglinang ng kamalayan sa kapaligirang sosyal

Grado: 1
Daloy ng Paksa: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralan
Deskripsyon: Ang sarili bilang kabahagi ng pamilya at paaralan tungo sa
pagkakakilanlan bilang indibidwal at kasapi ng komunidad, gamit ang
konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, distansiya at
direksyon at ang pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal at paaralan.

Grado: 2
Daloy ng Paksa: Ang Aking Komunidad, Ngayon at Noon
Deskripsyon: Pag-unawa sa kasalukuyan at nakaraan ng kinabibilangang
komunidad, gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago,
interaksyon, pagkakasunod-sunod ng pangyayari, mga simpleng
19

konseptong heograpikal tulad ang lokasyon at pinagkukunang yaman at


konsepto ng mga saksi ng kasaysayan tulad ng tradisyong oral at mga
labi ng kasaysayan.

Grado: 3
Daloy ng Paksa: Ang Mga Lalawigan sa Aking Rehiyon
Deskripsyon: Pag-unawa sa pinagmulan at pag-unlad ng sariling lalawigan
at rehiyon kasama ang aspektong pangkultura, pampulitika, panlipunan
at pangkabuhayan gamit ang malalim na konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago, interaksyon ng tao at kapaligirang pisikal at sosyal.

Grado: 4
Daloy ng Paksa: Ang Bansang Pilipinas
Deskripsyon: Pagpapahalaga sa
pambansang pagkakakilanlan at ang
mga kontribusyon ng bawat rehiyon sa
paghubog ng kulturang Pilipino at
pambansang pag-unlad gamit ng
mga kasanayan sa heograpiya, pag-
unawa sa kultura at kabuhayan,
pakikilahok sa pamamahala at
pagpapahalaga sa mga mithiin ng Dipolog Boulevard during day time,
bansang Pilipinas. Photo by Paul John B. Jovellanos

Grado: 5
Daloy ng Paksa: Pagbuo ng Pilipinas
bilang Nasyon
Deskripsyon: Pagkakabuo ng
kapuluan ng Pilipinas at mga
sinaunang lipunan hanggang sa
simula ng ika-20 siglo gamit ang
batayang konseptong katulad ng
kahalagahang pangkasaysayan
(histoirical significance), pagbabago,
pag-unlad at pagpapatuloy.
An old way of bayanihan for farmers.
Photo by Paul John B. Jovellanos
Grado: 6
Daloy ng Paksa: Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa
Deskripsyon: Ang Pilipinas sa harap ng mga hamon at tugon ng ika-20 siglo
hanggang sa kasallukuyan tungo sa pagbuo ng tiyak na
pagkakakilanlang Pilipino at matatag na pagkabansa (strong
nationhood).

Guiding Principles in Teaching Araling Panlipunan


Araling Panlipunan is a learning area that focuses on social
awareness, empathy, and fine commitment to the common good of our
country, especially social issues and local and international concerns. The
integrated systems would encourage individuals to individually process,
20

consistently assimilate and practice good values and life skills. Integration
is the principal concept.
According to Kovalik and Olsen (2002) as cited by Tejada (20),
integration is characterized by the following:
a. Prefers questioning and problem solving to guide the
knowledge and skills acquisition process;
b. Reflects the interdependent real world;
c. Implies the body, thinking, senses and instincts of the learner in
the learning experience;
d. Bases its activities on the characteristics of the human learner
and on the interdependent essence of reality;
e. Provides integrated learning contexts; and
f. This leads to a greater willingness to create a variety of
relations and solve issues.

Integration. This combines many student intelligences and learning styles.


This also incorporates cognitive skills that are needed in other
disciplines to provide opportunities for fruitful learning for students.

Meaningful. It is meaningful when students see the relevance and


connection of their lesson to their lives because it has real-world
application. Meaningful Araling Panlipunan teaching is more than
covering content, learning is more than merely taking in subject
matter, and assessment is more than accurate recall.

Value-based. Creation of the patriotic and nationalist Filipinos is motivated


by interest. The lessons are full of ideas for practicing democracy and
also for witnessing democracy within the classroom.

Active. This calls for contact with the learners. The students are constantly
studying "hands-on," "minds-on" and "hearts on" The students should
work to process and communicate independently or collaboratively
about what they are learning.

Challenging. The exercises should not be too simple or too difficult to carry
out. This will challenge the students ' abilities and capacities to do
more and be better.

For further readings, please go to https://www.deped.gov.ph and


http://lrmds.deped.gov.ph.
21

Mastery
Test

Directions: Encircle the letter of the correct answer.

1. Ano ang mithiin at batayan ng K – 12 Araling Panlipunan Kurikulum?


a. National Council for Social Studies c. Understanding by Design
b. Education for All 2015 d. 21st Century Skills

2. Ano ang nakasaad sa RA 10533?


a. K – 12 Basic Education Curriculum Framework c. 21st Century Skills
b. Education for All d. Understanding by Design

3. Anong kakayahan ang lilinangin ayon sa layunin ng K – 12 Araling


Panlipunan Kurikulum?
a. understanding of historical significance
b. form identity of historical facts
c. lifelong learner of Education for All
d. formally literate and developed Filipino

4. Anong tema ang pokus ng paraang ang impluwensiya ng pisikal na


kapaligiran sa tao at lipunan at ang epekto ng mga gawaing pantao sa
kalikasan?
a. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
b. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
c. Tao, Lipunan at Kapaligiran
d. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa

5. Ano ang nagging basehan ng makabansang pananaw na siyang


tutulong sa pagbuo ng mas malawak na pananaw ukol sa mundo?
a. pagkakakilanlan bilang Pilipino
b. identidad bilang indibidwal at miyembro ng lipunan
c. pag-unawa sa mga pagbabago sa buhay
d. pagpapahalaga sa konsepto sa pangyayari sa nakaraan

6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa usapin ng Ekonomiks?


a. konsepto ng pagpili (choice)
b. pangangailangan at kagustuhan (need and want)
c. paggastos (expenditure?
d. layunin at pilosopiya ng isang batas (law)

7. Anong kakayahan ang lilinangin sa kasanayang "Nakagagamit ng


mga kasangkapang teknolohikal upang makakita o makahanap ng mga
sanggunian ng impormasyon"?
a. komunikasyon c. pagsisiyasat
b. pagsasaliksik d. pagsusuri at interpretasyon ng datos
22

8. Sa anong baiting ginagamit ang pamantayan sa pagkatuto na


"Naipagmamalaki ang pagka-Pilipino at ang bansang Pilipinas na may
pagpapahalaga sa pagkakaiba ng mga kulturang Pilipino batay sa
paggamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at
kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga
mithiin ng bansang Pilipinas"?
a. 3 b. 4 c. 5 d. 6

9. Ano ang daloy ng paksa kapag ang deskripsyon ay "Pagkilala sa sarili


at pakikipag-ugnayan sa kapwa bilang pundasyon sa paglinang ng
kamalayan sa kapaligirang sosyal"?
a. Ang Aking komunidad, Ngayon at Noon
b. Ako at ang Aking Kapwa
c. Ako, ang Aking Pamilya at Paaralan
d. Ang Mga Lalawigan sa Aking Rehiyon

10. Ano ang pinaghanguan ng tema ng kurikulum ng asignaturang


Araling Panlipunan?
a. National Council for Social Studies c. Understanding by Design
b. Education for All 2015 d. 21st Century Skills

You might also like