You are on page 1of 2

Sitwayong Pangwika sa Pilipinas Bago Dumating ang

mga Mananakop
Panimula:
Isang mabisang ekspresyon ng damdamin ng isang lipunan ang kanyang
wika. Isa itong pangunahing institusyon sa pagsasalin ng kultura ng isang bansa sa
mga henerasyon na bumubuo at magpapatunay nito. Kaya’t ang wika ay isa ding
kasangkapang nakatuon sa pagpapaunlad ng isip at kakayahan ng mga
mamamayan na makipagtalastasan sa loob ng isang lipunan.
Ang lawak ng kaalaman ay nakakamit sa tulong ng malawak na paglalakbay
ng isipan sa mga larangan ng kaalaman at impormasyon. Mahalaga ang
ginagampanang tungkulin ng wika sa pag-unlad na ito.

Ang Sitwasyong Pangwika Bago Dumating ang mga Mananakop


Bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa, ang ating mga
ninuno ay may sarili nang panitikan. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan
ng ating lahi mga kuwentong-bayan, alamat, epiko, awiting-bayan, salawikain,
kasabihan, bugtong, palaisipan, at iba pa.
Gayundin, nag-aangkin din tayo ng sariling alpabeto na tinatawag na
baybayin na ginagamit sa pakikipag-ugnayan. Ito ang katutubong alpabetong
binubuo ng 17 titik na hawig sa mga ginagamit ng mga Indones o ng mga
taga-Malayo-Polinesyo. Ang baybayin ay binubuo ng tatlong patinig at 14 na
katinig.
Narito ang paraan ng paggamit ng baybayin:

Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/.


Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/,
nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang
nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.

Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na


kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang krus
(+) bilang hudyat sa pagkakalitas ng huling tunog. Gumagamit ng dalawang pahilis
na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito.

You might also like