You are on page 1of 6

LEARNER’S PACKET NO.

1
QUARTER 2

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: _______________________________Grade VI - ______Q2 – Lesson 1

 Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad sa panahon ng


mga Amerikano. (AP6KDP-IIb-2)
Ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga patakarang pasipikasyon at patakarang
kooptasyon ng pamahalaang Amerikano);
2. Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng
mga Amerikano sa Pilipinas; at
3. Napapahalagahan ang mga batas at patakaran ng pamahalaan.

Nang karamihan sa mga rebolusyonaryong heneral ng himagsikan ang


napasuko ng pamahalaang Amerikano tuluyanan nang nasakop ang Pilipinas.
Sa araling ito ating suriin at alamin ang ginamit na estratihiya at patakaran ng
Amerika sa pananakop, mula sa pagtatag nito ng pamahalaang military upang
supilin ang malawakang pag-aalsa at mapasailalim ang mga rebulusyonaryong
Pilipino.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 1 SLP


1
PATAKARANG PASIPIKASYON AT PATAKARANG KOOPTASYON NG
PAMAHALAANG AMERIKANO
A. Patakarang Pasipikasyon(Panunupil) –Ito ay patakaran at batas upang
masupil ang mga diwa ng makabayan ng mga Pilipino
1. Batas Sedisyon-parusang kamatayan o habambuhay na pagkakabilanggo ang
pinapataw o parusa sa mga taong nagpapahayag ng paglaban at pagpuna sa
pamahalaang Amerikano.
2. Batas Brigansya-pagtukoy sa mga Pilipinong rebulusyonaryo bilang Bandido o
Landrones (magnanakaw) dahilan upang dakpin ang sinumang napaghinalaang
naghangad ng sariling pamahalaan kabilang sa biktima ng batsa na ito si Macario
Sakay.
3. Batas Rekonsentrasyon-Binigyan ng awtoridad ng Gobernado heneral ng
Amerika ang mga gobernador na ilipat o irekonsentra ang mga residente ng mga
bayan at lalawigan. Upang dakpin ang mga rebeldeng pinuno at ilayo sa simpatya
at tulong ang mga mamamayang Pilipino.
4. Batas ukol sa watawat-pagbabawal ng pagwagayway o paglabas ng lahat na
bandila,banderitas, sagisag o anumang ginagamit ng kilusan sa pamahalaang
Amerikano. Ngunit nabago ang kaisipang ito ng payagang gamitin ng mga Pilipino
ang sariling watawat sa anumang okasyon matgapos amendahan ito ng batas
matapos ang labindalawang taon.

B. Patakarang Kooptasyon(Pilipinisasyon) –Layunin nito na sanayin ang mga


Pilipino na maging kawani ng pamahalaan. Binuo ang patakaran upang higit
pang mapatatag ang pampulitika at pangkabuhayan sa unang dekada ng
pananakop.

1. Reorganisayon ng Pamahalaan-Inutos ni Pangulong William Mckinley ang


paglalagay ng mga Pilipino kawani sa pamahalaang Munisipal sa pamamagitan ng
pagboto.
2. Philippine Organic Act-Pagkakaroon ng isang lehislatura na bubuuin ng
mababang kapulungan ( tatawaging Asembleya ng Pilipinas) at mataas na
kapulungan (tatawaging Komisyon ng Pilipinas).
3. Unang Halalan ng Assembliya-Unang halalan sa Asembliya ay nangyari noong
Hulyo 1907. Pinasiyanaan noong oktubre 22, 1907 sa Grand Opera House. Nahalal
si Segio Osmena Sr. bilang Ispiker at Manuel Quezon Bilang Lider ng Mayorya.
4. Pagbabago ng Sistema ng Edukasyon-Sa patakarang kooptasyon itinatag ng
Amerika ang libreng edukasyon at paggamit ng wikang Ingles bilang midyum sa
pakikipagtalakayan.
5. Pagbili ng mga Lupain ng mga Prayle- Pagbili ng mga Amerikano ng malalaaking
lupain ng mga prayleng kastila at ito’y pinagbili sa mga Pilipinong kasama sa bukid
at sa mga maykaya at dati nang may maraming lupa. Ito ay unti-unting pagpalit ng
mga Pilipino sa mga pag mamay-ari ng kastilang pari.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 1 SLP


2
ANG SISTEMA AT BALANGKAS NG PAMAHALAANG KOLONYAL NG MGA
AMERIKANO SA PILIPNAS.

A. Pamahalaang Militar- Itinatag ng mga Amerikano ang Pamahalaang Militar noong


Agosto 14,1898. Ito ay pinamunuan ng gobernador militar na may kapangyarihang
tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagapaghukom.Ipinatupad ang patakarang
pasipikasyon. Walang karapatan o kapangyarihan ang mga tao kung idiniklara ito
sa isang lugar.Pinatawan ng mabigat na kaparusahan ang sino mang Pilipinong
nagkasala.Nang nagkaroon ng kapayapaan at katiwasayan ang bansa inilipat sa
pamahalaang sibil ang pamahalaang militar at ang kapangyarihang ehekutibo ay
inilipat sa gobernador sibil.

B. Pamahalaang Sibil- Pinamunuan ito ng gobernador sibil na may kapangyarihang


ehekutibo o tagapagpaganap na lamang dahil sa ang kapangyarihang lehislatibo ay
saklaw ng tungkulin ng Komisyong Pilipino at ang hudisyal ay saklaw ng
kapangyarihan ng hukuman. Naibigan ito ng ilang mga Pilipino dahil binigyan sila
ng pagkakatong makibahagi sa pamumuno sa pamahalaan at umasang matamo
ang kasarinlan.
Pinagkunan: Araling panlipunan 6 SLM (Quarter 2-Modyul 2 ), ph 19-20

SISTEMA AT BALANGKAS NG PAMAHALAANG KOLONYAL NG MGA


AMERIKANO SA PILIPNAS.

Pamahalaang Militar Pamahalaang Sibil

Gobernador Militar

Tagapagpaganap-
Ehekutibo Gobernador Komisyong Hukuman

Sibil Pilipino
Tagapagbatas-
Lehislatibo

Tagapaghukom- Ehikutibo Lehislatibo Hudisyal

Hudisyal

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 1 SLP


3
GAWAIN A - LETRA BUSTER
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Suriin at isulat ang titik PP kung ito ay
Patakarang Pasipikasyon o PK kung ito ay Patakarang Kooptasyon.
_____1. Inutos ni Pangulong William Mckinley ang pagalalagay ng mga Pilipino
kawani sa pamahalaan.
_____2. Binigyan ng awtoridad ng Gobernado heneral ng Amerika ang mga
gobernador na ilipat o irekonsentra ang mga residente ng mga bayan at lalawigan..
_____3. Pagkakaroon ng isang lehislatura na bubuuin ng mababang kapulungan
( tatawaging Asembleya ng Pilipinas) at mataas na kapulungan (tatawaging
Komisyon ng Pilipinas.
_____4. Parusang kamatayan o habambuhay na pagkakabilanggo ang pinapataw o
nparusa sa mga taong nagpapahayag ng paglaban at pagpuna sa pamahalaang
Amerikano.
_____5. Pagbili ng mga Amerikano ng malalaaking lupain ng mga prayleng kastila at
itoy pinagbili sa mga Pilipinong kasama sa bukid at sa mga maykaya at dati nang
may maraming lupa

GAWAIN B – KNOW MO WRITE MO!


Panuto: Isulat at buuin ang mga nawawalang salita para mabuo ang balangkas ng
Pamahalaang Kolonyal ng Amerikano.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 1 SLP


4
GAWAIN C – TALAISIP

Panuto: Gumawa ng talata tungkol sa mga batas o patakaran na ipinapatupad ng


pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap ng Covid 19 sa bansa. Ipaliwanag
ang kahalagahan nito sa pambansang kalusugan. Gamiting gabay ang rubrik sa
pagmamarka.

Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Talata


Pamantayan 5 4 3 2 1
Anyo
Pagsunod sa uri ng anyong hininhingi o ipinasusulat.
Balirala
Watong gamit ng wika o salita.
Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap.
Hikayat
Paraan ng pagtatalakay sa paksa.
Lohikal ng pagkakaayos o daloy ng mga ideya.
Pagkakaugnay ng mga ideya.
Nilalaman
Lawak o lalim ng pagtalakay sa paksa.
Kabuuang Puntos
5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay
4 – Mahusay 1 – nangangailangan pa ng mga pantulong na
pansanay
3 – Katanggap-tanggap

Araling Panlipunan 6, Quarter 2, Self Learning Module (Module 1)

Isinulat ni:
RAMON R GARCIA JR
Teacher II, San Gabriel ES

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 1 SLP


5
Reviewed/Edited by:

GRETCHEN S. RILLON AMABEL R. DE CASTRO


Content Validator/Editor Content Validator/Editor
Teacher 1, San Antonio ES-Bombon District Teacher _ Mabca ES, Sangay District

JEROME B. ORDOVEZ
Design and Lay-out Validator

GAWAIN A - LETRA BUSTER

1. PK
GAWAIN B – KNOW MO ,WRITE MO!
2. PP
3. PP
4. PP
5. PK

GAWAIN C – TALAISIP
Magkakaiba-iba ang sagot ng mga bata. Gamitin ang rubrik sa pagmamarka.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 1 SLP


6

You might also like