You are on page 1of 7

Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa pambansang kalusugan.

LEARNER’S PACKET NO. 3


QUARTER 2

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: _______________________________Grade VI - ______Q2 – Lesson 3

 Nasusuri ang pamahalaang komonwelt. (AP6KDP-IId-4)


Ang mag-aaral ay inaasahang:
1.Natatalakay ang pamahalaang komonwelt.
2.Naiisa-isa ang mga programa ng pamahalaang komonwelt.
3. Napapahalagahan ang pamahalaang komonwelt.

Matapos pagtibayin ang Batas-Tydings-Mcduffie, agad na sinimulan ang


pagbabago ng kumbensiyong Konstitusyonal na nagbalangkas sa saligang-batas ng
Pilipinas.
Sa araling ito ating suriin at alamin ang simula ng pamahalaang komonwelt
ng Pilipinas. Umiral ito ng sampung-taon bago ipinagkaloob ng Amerika ang ganap
na kasarinlan ng Bansa.
PAGBALANGKAS NG SALIGANG BATAS NG 1935

Ginanap noong Hulyo 10, 1934 ang halalan para sa 202 delegado sa
kumbensiyong Konstitusyonal. Marami sa kanila ay nag-aral sa Amerika bilang
pensionado. Sa kauna-unahang pagkakataon pinahintulutan na ang mga Pilipino na
bumalangkas ng pangunahing batas na magiging gabay nila patungo sa Kalayaan at
awtonomiya.
SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 3 SLP
1
Ibinatay sa Saligang batas ng Estados Unidos upang maging katanggap-tangagap ito
sa pangulo ng Amerika. Kabilang sa probisyon ng Saligang Batas 1935 ang
sumusunod:
 pagtatalaga ng tatlong sangay ng Pamahalaan
( Tagapagpaganap,Tagapagbatas,at Tagapaghukom);
 paghalal sa pangulo at pangalawang pangulo na maglilingkod ng anim na taon
at hindi maaring pang maihalal muli;
 pagkakaroon ng sangay tagapagbatas na may isang kapulungan lamang
(unicarmeral). at ito ay tatawaging Pambansang Asamblea ng Pilipinas;
 pagbibigay ng kapangyarihang panghukuman sa korte Suprema; at
 pagkakaroon ng Katipunan ng mga Karapatan ng mga mamamayan.
PAGTATAG NG PAMAHALAANG KOMONWELT

Noong Setyembre 16, 1935, sa kauna-unahang pagkakataon, naghalal ang mga


Pilipino ng kanilang dalawang pinakamataas na pinuno. Nanalo ang tambalang
Quezon at Osmena. Noong Nobyembre 15, 1935, pinasinayaan ang pamahalaang
Komonwelt ng Pilipinas kasabay ang panunumpa nina pangulong Quezon at
Pangalawang pangulo Osmena. Ginanap ito sa harapan ng Legislative Building ng
Maynila at sinaksihan ng libo-libong Pilipino. Ang pamahalaang komonwelt ay may
sariling saligang batas na nagtatakda ng pamamahala, patakaran, tungkulin at
kapangyarihan ng mga pinuno ng bansa. Gayunpaman, nakasaad pa din dito na nasa
pangangasiwa pa rin ito ng Estados Unidos.

MGA PINUNO NG PAMAHALAANG KOMONWELT

Matapos ang inagurasyon at panunumpa ng mga nanalo sa halalan noong1935,


pormal na nakompleto ang Komonwelt ng Pilipinas. Narito ang ilan sa pinuno ng
panmahalaang Komonwelt.

Pangulo Manuel Quezon


Pangalawang Pangulo Sergio Osmeňa
Ispeker ng Pambansang Gil Montilla
Asamblea
Punong mahistrado ng korte Ramon Avanceňa
Suprema

Narito naman ang mga opisyal mula sa Estados Unidos.

American High Commissioner Frank Murphy


American Military Advisor Hen. Douglas MacArthur
Field Marshal Hen. Douglas MacArthur

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 3 SLP


2
MGA PROGRAMA NG PAMAHALAANG KOMONWELT

1. Ang Programang katarungang panlipunan-Upang makamit ang balanseng


kalagayan ng panlipunan at pang-ekonomiya, isinulong ni Pangulong Quezon ang
Programang Katarungang Panlipunan ( Social Justice Program) Ilan sa mga
panukalang batas na ipinasa at ipinatupad:

 Batas komonwelt blg. 103- Ang Court of Industrial Relations;


 Batas komonwelt blg. 210-Pagbibigay ng death benefit para sa mga
manggagawa;
 Batas Komonwelt blg. 444- Eight Hour Labor Law; at
 Batas komonwelt blg. 141- Public Land Act of 1936.

2. Ang Pambansang Wika- Isinulong ni Pangulong Quezon ang pagkakaroon ng


pambansang wika alinsunod sa itinadhana ng saligang Batas ng 1935. Sa bisa ng
Batas komonwelt blg. 184. Binuo ang ang Surian ng Wikang Pambansa (National
language Institute). Upang pag-aralan ang mga pangunahing katutubong wika ng
Pilipinas. Noong Disyembre 13, 1937, nagpalabas si pangulong Quezon ng
Executive Order no.134 na nagsasaad na ang pangunahing wika ay batay sa
Tagalog at noong Disyembre 30 sa parehong taon ipinahayag ni pangulong
Quezon na ang tagalog bilang wikang Pambansa.

3. Karapatang Bumoto ng kababaihan- Nang balangkasin ang saligang batas 1935,


may probisyon tungkol sa pagbibigay ng Karapatan sa mga kababaihan na
makaboto kung aabot sa 300, 000 Pilipino ang boboto nang pabor dito sa isang
ispesyal na plebisito. Naganap ang Plebisito noong Abril 3, 1937 na nagresulta ng
447,725 katao na sang-ayon. Noong Disyembre 14, 1937 sa unang pagkakataon
bumuto ang kababaihan sa ginanap na pambansang halalan.

4. Ang Paglago ng kabuhayan – Noong 1936, nagtala ng humigit-kumulang 77


milyong piso ang pamahalaan mula sa mga produktong iniluluwas ng bansa.
Umunlad ang mga proyektong pang-imprastraktura. Nadagdagan ang mga
daungan sa panlabas at panloob na kalakalan, nadagdagan ang mga riles ng tren.
Naitayo din ang ilang Paliparan para sa mabilis na transportasyon.

Ang paglago sa kabuhayan ng Pilipinas sa loob ng unang anim na taon ng


komonwelt ay biglang naudlot. Nadamay ang bansa sa ikalawang Digmaang pandaigdig
na kinasangkutan ng Amerika. Maraming buhay ang nasawi at maraming ari-arian ang
nawasak sa digmaang ito.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 3 SLP


3
GAWAIN A - TINIK IDEA
Panuto: Isulat sa bawat tinik ng Fishbone diagram ang mga programa na ipinatupad
sa pamahalaang Komonwelt.

1.________________ 2._____________
MGA _________________ ______________
PROGRAMA SA ________________ ______________
PAMAHALAANG
KOMONWELT

3. 4
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
_____

GAWAIN B – KNOW MO WRITE MO!

Panuto: . Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa pamahalaang Komonwelt.


Pagkatapos gumuhit ng timeline sa sagutang papel at ilagay ang wastong mga
detalye ng petsa at pangyayari.

Hulyo 10, Setyembre 16, Nobyembre Disyembre Disyembre


1934 1935, 15, 1935 13, 1937 14, 1937

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 3 SLP


4
Ang halalan Kauna- Pinasinayaan Nagpalabas si Unang
para sa 202 unahang ang pangulong pagkakataon
delegado sa pagkakataon, pamahalaang Quezon ng bumuto ang
kumbensiyong Komonwelt ng Executive Order kababaihan sa
naghalal ang
Pilipinas no.134 na
Konstitusyonal. mga Pilipino ng ginanap na
kasabay ang nagsasaad na
kanilang panunumpa nina ang
pambansang
dalawang pangulong pangunahing halalan.
pinakamataas Quezon at wika ay batay sa
na pinuno Pangalawang Tagalog
pangulo Osmena

GAWAIN C – TALAISIP

Panuto: Masasabi mo bang nakamit ng pamahalaang komonwelt ang layunin nito


sa unang anim na taon? Bakit? Gamitin ang rubriks sa pagmamarka.

Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Talata


Pamantayan 5 4 3 2 1
Anyo
Pagsunod sa uri ng anyong hininhingi o ipinasusulat.
Balirala
Watong gamit ng wika o salita.
Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap.
Hikayat
Paraan ng pagtatalakay sa paksa.
Lohikal ng pagkakaayos o daloy ng mga ideya.
Pagkakaugnay ng mga ideya.
Nilalaman
Lawak o lalim ng pagtalakay sa paksa.
Kabuuang Puntos
5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay
4 – Mahusay 1 – nangangailangan pa ng mga pantulong na
pansanay
3 – Katanggap-tanggap

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 3 SLP


5
Sarao, Virzon L.,and Nicerio, Niel Alvin E (2020) Kamalayang panlipunan 6,Araneta
Ave., Quezon City:ABIVA Publishing House,Inc

Isinulat ni:
RAMON R GARCIA JR
Teacher II, San Gabriel ES
Reviewed/Edited by:

GRETCHEN S. RILLON AMABEL R. DE CASTRO


Content Validator/Editor Content Validator/Editor
Teacher 1, San Antonio ES-Bombon District Teacher _ Mabca ES, Sangay District

JEROME B. ORDOVEZ
Design and Lay-out Validator

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 3 SLP


6
GAWAIN A - - TINIK IDEA

GAWAIN B – KNOW MO ,WRITE MO!

GAWAIN C – TALAISIP
Magkakaiba-iba ang sagot ng mga bata. Gamitin ang rubrik sa pagmamarka.

SDO-Cam Sur_AP_Grade 6_Q2_WK 3 SLP


7

You might also like