You are on page 1of 21

10

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 4: Kahandaan, Disiplina, at Kooperasyon
sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.

Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City


SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Juanita C. Egma
Mga Editor: Renmin A. Etabag, Joy A. Rullan
Mga Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon, Ariel F. Sabla-on
Tagaguhit: Luna Lou D. Beatingo
Tagalapat: Charisse B. Torres
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

ii
10
Araling Panlipunan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy

Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga


mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul na
ito. Ang gawain ay mula sa topikong kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon
ng mga hamong pangkapaligiran kung saan nasusuri ang kahalagahan ng mga ito sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.
Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan


Aalamin Ko ipinapakilala ang learning competency
na dapat matutuhan sa araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang
Susuriin Ko pagsasanay na nagsisilbing pre-test at
balik-aral sa nakaraang leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat
Pag-aaralan Ko mong matutunan.
Napapaloob dito ang ibat iba at
Gagawin Ko karagdagang gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na


Tatandaan Ko maging gabay para magawa at
masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga
Isasabuhay Ko natutunang aralin upang matamo ang
pamantayan sa pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng
Susubukin Ko pagsusulit na angkop sa aralin.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

iv
Ikalima at
Ikaanim Araling Panlipunan 10
na Unang Markahan-Modyul 4
Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.

Aalamin Ko

Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna gaya ng bagyo,
baha, lindol, landslide, flash flood, pagputok ng bulkan, storm surge at iba pa. Ang
hamon na dulot ng mga ito ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad.

Ngunit, kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng


iba’t ibang hamong pangkapaligiran na ating nararanasan? Ito ba ay tungkulin ng
pamahalaan o ng mga mamamayan?

Sa modyul na ito ay pagtutuunan mo ng pansin ang mga approaches na


ginagamit sa pagbuo ng disaster management at bilang isang mag-aaral, susuriin
mo kung gaano kahalaga ang maging handa sa pagharap sa mga suliranin at
hamong pangkapaligiran.
Susuriin Ko
Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Sa pagharap sa kalamidad, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga


mamamayan na naninirahan sa komunidad. Dahil dito naitatag ang
Community-Based Disaster and Risk Management. Ito ay tumutukoy sa mga
sumusunod maliban sa ___________.
A. Binibigyang kahalagahan ang partisipasyon ng mamamamayan at ng
lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang
disaster management plan.
B. Pinangungunahan ito ng pamahalaan sapagkat sa kanila nakasalalay
ang lahat ng mga tungkulin upang maging disaster resilient ang buong
bansa.
C. Ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay at pagtataya
ng mga risk na maaari nilang maranasan.
D. Ang DRRM Plan ay produkto pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang
sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector,
NGO’s at ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na
komunidad.

2. Ang CBDRRM Approach ay isinusulong na gamitin sa bawat pamayanan dahil sa


mga kabutihang dulot nito. Ang mga sumusunod ay mga kabutihang dulot ng
CBDRRM maliban sa ________________.
A. Mas matutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at ng mga
mamamayang may mataas na posibilidad na makarananas ng
malubhang epekto ng kalamidad ay hindi mapababayaan.
B. Nabibigyang pansin ang karanasan, pangangailangan at pananaw ng
mga mamamayan sa isang komunidad.
C. Mas magiging epektibo ang pagpaplano at paghahanda sapagkat mga
eksperto sa pamahalaan ang mangunguna rito.
D. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga
dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan.
3. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa
pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Ipinatawag ni Kapitan Ricardo Danoy ang kaniyang mga kagawad
upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang
nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
B. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization
(NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa
kanilang komunidad
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero
upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim
at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa
kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first
aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang
kalamidad.
4. Marami ang nagsasabi na pinakamainam na gamitin ang pagsasanib ng dalawang
Approach - bottom-up at ang top-down, para sa mas matagumpay na DRRM
Plan. Ano kaya ang posibling mangyari kung isa lang sa dalawang approach ang
gagamitin?
A. Magiging matagumpay pa rin ang DRRM Plan dahil sa epektibong
pagkakagawa nito.
B. Maaring maging hindi lubusang magtagumpay ang DRRM Plan dahil sa
ang bawat approach ay may kahinaan.
C. Maaring maging mabagal ang pagtugon sa pinsalang dulot ng isang
kalamidad dahil sa hindi pagkakasundo ng pambansa at lokal na
pamahalaan.
D. Patuloy na magiging maayos ang DRRM Plan dahil sa ang bawat
approach ay mula sa kaalaman ng mga eksperto at ipinatutupad ng
mga eksperto.
5. Sa pagpaplano ng epektibong Disaster Risk Reduction and Management,
mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach. Ang bottom-up at
top-down approach. Bakit kaya mahalagang magamit ang dalawang approach?
A. Dapat na unahin at huwag kalimutan ang pananaw at karanasan ng mga
mamamayan sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management.
B. Mahalagang magamit ang dalawang approach para mapunan ang
kahinaan ng bawat isa at magdudulot ng matagumpay na Disaster Risk
Reduction and Management.
C. Pinakamahalaga sa lahat ang pananaw ng mga namumunosa
pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga
sistemang ipatutupad ng Disaster Risk Reduction and Management.
D. Ang pagsasaalang-alang ng pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan
at ng mga mamamayan ay maaaring magdulot ng holistic na pagtingin sa
kalamidad at hazard sa isang komunidad.
Pag-aaralan Ko

Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM)


Approach

Mahalaga ang bahaging ginagampanan


ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala
at panganib na dulot ng iba’t-ibang kalamidad at
hazard. Subalit, ang paglutas sa mga suliranin
at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang
tungkulin ng ating pamahalaan. Napakahalaga
ng partisipasyon ng mga mamamayan na
siyang may pinakamataas na posibilidad na
makaranas ng mga epekto ng hazard at
kalamidad.

Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na


produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan tulad ng
pamahalaan, private sector, business sector, Non-Governmental Organizations
(NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na
komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-Disaster and
Risk Management (CBDRM).

1. Ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang pamamaraan


kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan Isinasagawa ito upang
maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa
buhay at ari-arian. Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan ay
bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng mga desisyon at implementasyon ng
mga gawain na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and
Management. (Abarquez at Zubair 2004)

2. Ito ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na


nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang
tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad
sa kanilang pamayanan. Mahalaga ring masuri ang mga istrukturang
panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitika na maaaring nagpapalubha sa
epekto ng hazard at kalamidad. (Shah at Kenjie 2004)
Kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan sa
CBDRRM Approach.

(1) Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad.


(2) Maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay
may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na
maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at
(3) Ang iba’t-ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas
mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng
pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag
nakararanas ng kalamidad.

Dalawang Approach sa pagbuo ng DRRM Plan:

Maging disaster-resilient o may kahandaan sa pagharap sa kalamidad ang


mga pamayanan kung maayos na maisagawa ang Community-Based Disaster and
Risk Management Approach. Pero sino nga ba ang kinakailangang manguna sa
pagplano at paghanda hinggil dito, ang pamahalaan ba o ang mga tao?

1. Top-down Approach

Tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng


gawain mula sa pagpaplano hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na
tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Halimbawa, kung
ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad, ito ay
aasa lamang sa tugon ng pambayan o panlungsod na
pamahalaan.

Mga kahinaan ng Top-down Approach

• Hindi natutugunan ang lahat pangangailangan ng


pamayanan.

• Hindi lahat ng mamamayan ay maaaring matulungan.


Napapabayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng
kalamidad.

• Limitado ang pagbuo sa Disaster Management Plan dahil


tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang
nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.

• May mga pagkakataon na hindi nagkakasundo ang


Pambansang Pamahalaan at ang Lokal na Pamahalaan
tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o
pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal
ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang
ipatutupad ng Disaster Risk Reduction and Management.

Iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na may kanya-kanyang tungkulin sa


pagtugon sa panahon ng kalamidad:

A. Para sa ulat panahon at babala ukol sa signal ng bagyo

Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical


Services Administration (PAG-ASA) – ahensya sa ilalim ng
DOST (Dep’t. of Science and Technology). Nagbibigay ito ng
real-time o sabay sa kasalukuyang update ng mga balita ukol sa
panahon at bagyo.

Nationwide Operational Assessment of Hazards


(Project NOAH) – programang inilunsad ng DOST para
tumugon sa pag-agap at pagpapagaan sa mga sakuna, gamit
ang mataas na uri ng teknolohiya upang lalong pahusayin ang
kasalukuyang geo-hazard vulnerability maps.

.
B. Para sa mga babala ukol sa mga aktibidad ng bulkan, lindol at
tsunami:

Philippine Institute of Volcanology and Seismology


(PHIVOLCS) - Institusyong pangserbisyo ng DOST. Inatasan
ang ahensya na paliitin ang epekto ng sakunang dulot ng
pagputok ng bulkan, lindol, tsunami at iba pang heoteknonikong
phenomenon.

C. Para sa pagtatasa ng pinsala at kabuuang ulat ukol sa aksyon ng


gobyerno:
National Disaster Risk Reduction Management
Council (NDRRMC) – Namamahala sa pagsasagawa ng
prevention at risk reduction para sa mga sakuna at kalamidad
na maaaring tumama sa bansa. Tungkulin nito na magbigay ng
ulat sa kahandaang isinagawa at epektong hatid ng kalamidad.

D.Para sa pagsasagawa ng relief at posibling donasyon:

Department of Social Welfare and Development


(DSWD) - ahensyang responsable sa paghahatid ng serbisyong
panlipunan sa mamamayang Pilipino. Pinamumunuan nito ang
mga relief operation tuwing may mga kalamidad.
E. Para sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad ng
mamamayan

Department of Interior and Local Government


(DILG) – namamahala sa lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng
barangay, bayan, lungsod o lalawigan.

Department of National Defense (DND) – responsable


sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib
sa kapayapaan at seguridad sa bansa. Tumutulong sa paglilikas
ng mga mamamayan kapag may kalamidad.

Iba pang ahensya ng pamahalaan na nagtutulungan para sa kaligtasan ng


mamamayan sa panahon ng kalamidad:

• Department of Health (DOH) – nangangalaga sa kalusugan ng mga


mamamayan tulad ng pagsugpo sa pagkalat ng mga nakahahawang
sakit, lalong lalo na kung may kalamidad.

• Department of Education (DepED) – Nagbibigay ng update ukol sa


mga anunsyong mula sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa
pagsususpinde ng klase sa iba’t ibang lugar sa bansa.

• Department of Public Works and Highways (DPWH) –


nagsasaayos ng mga lansangan, tulay, dike at iba pang
imprastruktura ng pamahalaan na nasisira kapag may baha o lindol.

• Department of Transportation (DOTr) – nagbibigay ito ng update sa


lagay ng sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa tulad ng
mga biyahe sa himpapawid, karagatan at kalsada.

• Department of Environment and Natural Resources (DENR) –


Pinangangalagaan nito ang kapaligiran at likas na yaman ng bansa.
Kapag may matinding kalamidad, tumutulong ito sa pagsasaayos ng
ating kapaligiran.
2. Bottom-up Approach

Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang


sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy,
pag-aanalisa at paglutas sa mga suliranin at
hamong pangkapaligiran na nararanasan sa
kanilang pamayanan. Binibigyang pansin dito ang
maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga
hazard, kalamidad at pangagangilangan ng
pamayanan. Ang pangunahing batayan ng plano ay
ang karanasan at pananaw ng mga mamamayang
nakatira sa isang disaster-prone area.

Top-down
Top-down

⁺ Bottom-up

Katangian ng Bottom-up Approach

• Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang


kaunlaran ng kanilang komunidad.
• Nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang
pamumuno ng lokal na pamayanan.
• May malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.
• Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan.
• Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay
ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
• Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang
naninirahan sa pamayanan.
• Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang
pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.
Hindi kailangang kalimutan ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan
sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management.

Ang pagsasanib na ito ay maaaring magdulot ng holistic o magkatulad na


pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad.
Gagawin Ko
Pangalan: _____________________________ Baitang: ______________
Paaralan: ______________________________ Iskor: _______________

Panuto: I. Punan ang patlang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Disaster Resilient CBDRRM Approach kalamidad


plano top-down at bottom-up

Kailangan ang 1. __________________ sa pagharap sa mga hamon at


suliraning pangkapaligiran upang magkaroon ng 2. _______________ na mga
mamamayan. Ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang
nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng isang
pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran.

Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pagbuo


ng 3. _______________ dahil sa kanilang kaalaman sa sistemang ipatutupad at
hindi rin kailangang kalimutan ang pananaw at karanasan ng mamamayan sa
pagbuo ng disaster risk management.
Mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach,
4. ________________ upang mas maging matagumpay ang paghahanda at
mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng 5. ________________.

II. Panuto: Kilalanin kung anong uri ng approach ang tinutukoy sa mga sumusunod
na sitwasyon. Ilagay ang ( ) kung ito ay Top-down at ( ) kung ito
naman ay Bottom-Up.
______1. Ang pamahalaan ay nagbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong
benepisyaryo sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP) sa
kalagitnaan ng COVID-19 crisis.
______2. May mga footbath, thermal scanning at disinfectant sa pintuan ng mga
opisina at malls.
______3. Namili ng maraming face mask ang ina ni Jennifer para magamit ng
buong pamilya.
______4. Ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paarlan
upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 virus.
______5. Ipinatupad ang curfew sa panahon ng Enhanced Community Quarantine
bilang paraan sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.
III. Panuto: Kilalanin ang mga ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa kaligtasan
ng mga mamamayan sa panahon ng mga kalamidad. Isulat ang titik
ng ahensya ng pamahalaan sa sagutang papel. Piliin ang inyong sagot
sa loob ng kahon.

a. DOTr e. DepED i. DENR


b. PAGASA f. DOH j. DND
c. NDRRMC g. DSWD k. DILG
d. DPWH h. Project NOAH l. PHIVOLCS

______1. Nagbibigay ng babala ukol sa mga aktibidad ng bulkan, lindol at tsunami.

______2. Tumutulong sa paglilikas ng mga mamamayan kapag may kalamidad.

______3. Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para


paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.

______4. Nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan tulad ng pagsugpo sa


pagkalat ng mga nakahahawang sakit, lalong lalo na kung may
kalamidad.
______5. Nagsasaayos ng mga imprastrukturang nasisira pagkatapos ng kalamidad.
______6. Nagbibigay ng ulat panahon at babala ukol sa signal ng bagyo.
______7. Nag-aanunsyo mula sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa
pagsususpinde ng klase sa iba’t ibang lugar sa bansa.

______8. Nagbibigay ito ng update sa lagay ng sistema ng pampublikong


transportasyon sa bansa tulad ng mga biyahe sa himpapawid, karagatan
at kalsada.
______9. Nagsasagawa ng relief operation sa mga lugar na sinalanta ng sakuna.

_____10. Namamahala sa lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay, bayan,


lungsod o lalawigan.
IV. Panuto: Gamit ang short size bond paper, gumawa ng islogan, tula o sanaysay
na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at
mamamayan sa panahon ng COVID-19 Pandemic. Gawing batayan
ang rubrik para sa gawaing ito.

Rubrik sa Pagmamarka ng Islogan


Mga Batayan Deskripsiyon Iskor
3 2 1
Nilalaman May dalawang May isang Walang mensaheng
mensaheng naipakita mensaheng naipakita
naipakita
Pagkamalikhain Nakagamit ng limang Nakagamit ng Walang ginamit na
kulay sa pagguhit tatlong kulay sa kulay sa pagguhit
pagguhit
Kalinisan Walang naiburang May dalawang May tatlong
guhit/salita naiburang naiburang
guhit/salita guhit/salita
Kabuuan

Rubrik sa Pagmamarka ng Tula


Mga Batayan Deskripsiyon Iskor
3 2 1
Nilalaman Nakabuo ng Nakabuo ng isang Nakabuo ng
dalawang saknong na saknong na saknong ngunit hindi
nagpapahayag ng nagpapahayag ng malinaw ang
malinaw na mensahe malinaw na mensahe
mensahe
Pagkamalikhain Nakagamit ng limang Nakagamit ng Nakagamit ng isang
matalinhagang tatlong matalinhagang
salita/pahayag matalinhagang salita/pahayag
salita/pahayag
Kalinisan Walang naiburang May dalawang May tatlong
salita sa bawat naiburang salita sa naiburang salita sa
saknong bawat saknong bawat saknong
Kabuuan

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay


Mga Batayan Deskripsiyon Iskor
3 2 1
Nilalaman Nakabuo ng limang Nakabuo ng tatlong Nakabuo ng
pangungusap na pangungusap na pangungusap ngunit
nagpapahayag ng nagpapahayag ng hindi malinaw ang
malinaw na mensahe malinaw na mensahe
mensahe
Pagkamalikhain Nakagamit ng limang Nakagamit ng Nakagamit ng isang
matalinhagang tatlong matalinhagang
salita/pahayag matalinhagang salita/pahayag
salita/pahayag
Kalinisan Walang naiburang May dalawang May tatlong
salita sa bawat talata naiburang salita sa naiburang salita sa
bawat talata bawat talata
Kabuuan
V. Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na bulletin mula PHIVOLCS
tungkol sa kalagayan ng Mt. Kanlaon. Pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

KANLAON VOLCANO BULLETIN: 15 July 2020


08:00 A.M.

Ang Kanlaon Volcano monitoring network ay nakapagtala ng tatlong (3)


volcano-tectonic earthquakes sa western flanks at anim (6) na volcanic
earthquakes sa 24 oras na observation period nito. May mahinang pagbuga ng
usok o white steam-laden plumes mula sa crater o bunganga ng bulkan na ang
taas ay umabot hanggang tatlong daang (300) metro. Noong Hulyo 14, 2020,
ang Sulfur Dioxide (SO2) mula sa bulkan ay nasukat sa average na 919
tonelada kada araw.
Pinaaalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang publiko na ang bulkan ay nasa
Alert Level 1, na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius na Permanent
Danger Zone (PDZ) dahil sa posibleng biglaang pagsabog o pagbuga ng
nakamamatay na steam. Ang Civil Aviation Authority ay pinaaalahanang
magbigay ng babala sa mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng
bulkan. Sinisiguro ng ahensya sa publiko lalo na sa komunidad malapit sa
bulkan na patuloy ang monitoring na isinasagawa sa Bulkang Kanlaon.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Anong approach ang ginamit sa paghahanda sa posibleng pagputok ng
Mt. Kanlaon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Masasabi mo bang tugma ang approach na ginamit para sa mga lugar
malapit sa bulkan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ipagpalagay na ang iyong pamilya ay isa sa mga nakatira sa paanan ng
Bulkang Kanlaon, anong mga paghahanda ang iyong gagawin para makaiwas
sa nakaambang panganib?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Bakit may mga pagkakataong malaki ang pinsalang dulot ng mga kalamidad
sa buhay at ari-arian?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Tatandaan Ko

• Ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang pamamaraan


kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.

• Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa


pagkakaroon ng isang mahusay na Disaster Management Plan.

• Sa pagpaplano ng Disaster Risk Reduction and Management mahalagang


magamit ang kalakasan ng dalawang approach: ang Bottom-up at
Top-down.

• Bottom-up ang approach kung nagsisimula sa mga mamamayan at iba


pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa paglutas sa mga suliraning
pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.

• Top-down ang approach kung lahat ng gawain mula sa pagpaplano


hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas
nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.

• Mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan at ng lahat ng sektor ng


lipunan upang maging matagumpay ang isang Disaster Management Plan.
Isasabuhay Ko

Ang COVID-19 Pandemic na nararanasan ngayon ng halos lahat ng mga


bansa sa mundo ay nagdudulot ng matinding suliranin sa sangkatauhan. Gamit ang
Bottom-up Approach, bumuo ng plano na nagpapakita ng pagiging resilient na
mamamayan sa panahon ng pandemyang ito. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga dapat kong gawin upang maprotektahan ang sarili at ang aking pamilya laban sa
COVID-19 Pandemic.

1.___________________________ 4.__________________________
2.___________________________ 5.__________________________
3.___________________________ 6.__________________________

Susubukin Ko
Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Sa pagharap sa kalamidad, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga


mamamayan na naninirahan sa komunidad. Dahil dito naitatag ang
Community-Based Disaster and Risk Reduction and Management. Ito ay
tumutukoy sa mga sumusunod maliban sa ___________.
A. Binibigyang kahalagahan ang partisipasyon ng mamamamayan at ng
lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang
Disaster Management Plan.
B. Pinangungunahan ito ng pamahalaan sapagkat sa kanila nakasalalay
ang lahat ng mga tungkulin upang maging disaster resilient ang buong
bansa.
C. Ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay at pagtataya
ng mga risk na maaari nilang maranasan.
D. Ang DRRM Plan ay produkto pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang
sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector,
NGO’s at ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na
komunidad.

2. Ang CBDRRM Approach ay isinusulong na gamitin sa bawat pamayanan


dahil sa mga kabutihang dulot nito. Ang mga sumusunod ay mga kabutihang
dulot ng CBDRRM maliban sa ________________.
A. Mas matutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at ng mga
mamamayang may mataas na posibilidad na makarananas ng
malubhang epekto ng kalamidad ay hindi mapababayaan.
B. Nabibigyang pansin ang karanasan, pangangailangan at pananaw ng
mga mamamayan sa isang komunidad.
C. Mas magiging epektibo ang pagpaplano at paghahanda sapagkat mga
eksperto sa pamahalaan ang mangunguna rito.
D. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga
dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan.

3. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa


pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Ipinatawag ni Kapitan Ric Danoy ang kaniyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang
nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
B. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization
(NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa
kanilang komunidad
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero
upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim
at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa
kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first
aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang
kalamidad.
4. Marami ang nagsasabi na pinakamainam na gamitin ang pagsasanib ng
dalawang Approach, bottom-up at ang top-down, para sa mas matagumpay
na DRRM Plan. Ano kaya ang posibling mangyari kung isa lang sa dalawang
approach ang gagamitin?
A. Magiging matagumpay pa rin ang DRRM Plan dahil sa epektibong
pagkakagawa nito.
B. Maaring maging hindi lubusang magtagumpay ang DRRM Plan dahil sa
ang bawat approach ay may kahinaan.
C. Maaring maging mabagal ang pagtugon sa pinsalang dulot ng isang
kalamidad dahil sa hindi pagkakasundo ng pambansa at lokal na
pamahalaan.
D. Patuloy na magiging maayos ang DRRM Plan dahil sa ang bawat
approach ay mula sa kaalaman ng mga eksperto at ipinatutupad ng
mga eksperto.
5. Sa pagpaplano ng epektibong Disaster Risk Reduction and Management,
mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach. Ang Bottom-up
at Top-down approach. Bakit kaya mahalagang magamit ang dalawang
approach?
A. Dapat na unahin at huwag kalimutan ang pananaw at karanasan ng
mga mamamayan sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and
Management.
B. Mahalagang magamit ang dalawang approach para mapunan ang
kahinaan ng bawat isa at magdudulot ng matagumpay na Disaster Risk
Reduction and Management.
C. Pinakamahalaga sa lahat ang pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga
sistemang ipatutupad ng Disaster Risk Reduction and Management.
D. Ang pagsasaalang-alang ng pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan at ng mga mamamayan ay maaaring magdulot ng holistic
na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad.

Sanggunian

Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10.


Mga Kontemporaryong Isyu
pahina 91-100

https://www.officialgazette.gov.ph/laginghanda/maghanda-para-sa-mga-kalamidad-
likha-ng-kalikasan-mga-impormasyon-at-takbuhan-ng-tulong-mula-sa-gobyerno/

https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/kanlaon-volcano-bulletin-menu
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: bacolod.city@deped.gov.ph

You might also like