You are on page 1of 10

School Year 2021-2022

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Ikatlong Markahan - Module 9


PASASALAMAT SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA
Bahagi ng ating pagkatao ang marunong magpahalaga sa mga taong nakagagawa sa atin ng kabutihan. Mahalaga na
isipin ang magandang nagagawa nito sa sarili lalo na sa mga taong dapat paglaanan ng pasasalamat. Mahalaga rin
na malaman ng tao kung kanino tunay na nagmumula ang mga biyayang natatangap.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
a. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at ang mga paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat. EsP8PB-IIIa-9.1
b. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito. EsP8PB-IIIa-9.2
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin . EsP8PB-IIIb-9.3
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat. EsP8PB-IIIb-9.4

Paunang Pagtataya
Panuto: Sa bilang isa hanggang sampu kung saan ang isa (1) ang pinakamahalaga, isulat ang
mga pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga.

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

Pagsusuri
1. Ano ang nalaman mo sa iyong sarili?
2. Sino-sino ang binibigyan mo ng pagpapahalaga sa buhay?
3. Naipakikita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano?
4. Mahalaga ba para sa iyo ang maging mapagpasalamat?

Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI
kung ito ay hindi wasto.
_______1. Pasalamatan lamang ang mga taong may malaking naitutulong sa atin.
_______2. Sa lahat ng mga biyayang natatanggap, matutong magbahagi sa iba.
_______3. Ang pasasalamat ay ang pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo
sa taong gumawa ng kabutihan.
_______4. Matutong makuntento sa anumang biyayang ipinagkaloob sa atin ng ating kapwa.
_______5. Ang pagpapasalamat ay gawi ng isang taong hindi mapagpasalamat.
_______6. Pasalamatan ang mga guro sapagkat naging bahagi sila sa paghubog ng ating
pagkatao.
_______7. Ang buhay na kaloob ng Diyos ay sayangin sa mga makamundong layaw.
_______8. Mahalaga at marapat na isabuhay ang pasasalamat sa lahat ng pagkakataon.
_______9. Ang pasasalamat ay tanda ng walang utang na loob.
_______10. Masaya sa pakiramdam kapag alam mong pinapahalagahan ang kabutihang
ginawa mo.

Gawain 2
Panuto: Gumawa ng dalawang liham-pasasalamat para sa dalawang tao sa iyong paligid na
nais mong pasalamatan sa mga kabutihang nagawa nila sa iyo. Pagkatapos ipabasa ito at
papirmahan bilang patunay na nabasa nila ang sulat bago ipasa.

Gawain 3: MENTALIDAD KO SA PAGPAPASALAMAT!


Panuto: Basahin ang dialogue box at suriin at ibigay ang iyong pananaw sa kaisipan ng taong
nagsasabi ng mga dyalogo. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Mga tanong:
1. Sa palagay mo, anong klaseng pag-iisip meron ang ganitong tao?
2. Paano ito nakakaapekto sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa? Subukin mong tayahin ang
iyong sarili sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin at ang iyong kaalaman sa araling ito.

Gawain 4: Mga Kwento ng Pasasalamat


Panuto: Basahin ang mga kwento sa ibaba at punan ng sagot ang tsart batay sa nabasang mga
sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Gawain 5
Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang mga pahayag, Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Itinuturo ng ating mga magulang ang pagsasabi ng “salamat” sa mga taong nakagawa
sa atin ng kabutihan.
_____2. Ang pasasalamat sa wikang ingles ay gratitude.
_____3. Ang pagpapasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat.
_____4. Ang pagbibigay ng regalo sa taong gumawa ng kabutihan sa iyo ay isang Paraan ng
pasasalamat.
_____5. Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
_____6. Ang ibig sabihin ng latin na gratus ay libre o walang bayad.
_____7. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay para lamang sa taong pinagkakautangan mo ng
utang na loob.
_____8. Ang pangongolekta ng mga quotations ay hindi nagpapabuti sa iyong pakiramdam.
_____9. Ang paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa ay hindi naghihintay ng kapalit.
____10. Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng
kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob.

Pagninilay
Panuto: Sumulat ng pagninilay tungkol sa pag-unawa mo sa entitlement mentality.

Ikatlong Markahan - Module 10


PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA,
AT MAY AWTORIDAD
Sapat na ba ang pagtugon ng “Po” at “Opo” upang maipakita mo ang paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad? Sa araling ito inaasahang matutukoy ang mga kahalagahan ng pagsunod at paggalang sa mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:


a. Nakikilala ang: EsP8PB-IIIc-10.1
 mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal
 bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
b. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad EsP8PB-IIIc-
10.2
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin EsP8PB-IIId-10.3
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito. EsP8PB-IIId-10.4

Gawain 1: Paggalang!
Panuto: Sa gawaing ito, simulan nating tukuyin ang mga salita o pangungusap na maiiugnay sa
salitang Paggalang. Ano ang mga salita o pangungusap ang iyong maaaring iugnay o naiisip
kapag nakikita o naririnig mo ang salitang PAGGALANG? Gawin ito sa sagutang papel.
Halimbawa: Pagsasabi ng Po at Opo

Gawain 2
Panuto:
1. Punan ang talaan ng dalawang paraan ng pagpapakita o pagpapahayag ng paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad.

2. Matapos mong gawin ito ay humanap ng isa pang kapwa mo mag-aaral o kaibigan na
pagbabahaginan mo ng iyong ginawa.
3. Itala sa iyong kuwaderno ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong ginawang
pagbabahagi at ang mga sagot sa sumusunod na tanong:
a. Alin ang mga pahayag na magkatulad kayo? Alin ang magkaiba?
b. Sapat na kaya ang mga paraang ito upang mapagtibay at mapanatili ang kakayahan

mong maging magalang at masunurin? Pangatwiranan.

Gawain 3
Panuto: Gumuhit ng iyong sariling larawan ng isang maunlad na pamayanang nagpapakita ng
pagsunod at paggalang sa awtoridad. Lagyan ito ng maikling paliwanag kung bakit ganoon ang
iyong iginuhit.

Gawain 4: Alalahanin Mo
Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang mga pahayag, Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng pagmamasid, pakikinig at
pagsasabuhay ng mga aral ng magulang at pakikinig ng balita.
_____2. Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na taon dahil kinikilala ng bata ang awtoridad ng
kinagisnan niyang pamilya nang walang pag-aalinlangan.
_____3. Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay
“paglingon o pagtinging muli”
_____4. Sa pag-iingat mo sa iyong karangalan sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti at pag-
iwas sa paggawa ng masama, ang paggalang ng iba ay iyo ring mararanasan.
_____5. Lahat ng tao ay napasasailalim sa awtoridad, maging ang pinakamataas tulad ng Pangulo ng bansa.
_____6. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.
_____7. Nararapat lamang na lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para
sa iyo.
_____8. Hingin ang payo at pananaw ng mga may awtoridad at hindi ng nakatatanda bilang pagkilala sa
karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
_____9. Ang mga gawi o ritwal sa pamilya ay napagtitibay ang presensiya ng pamilya.
_____10. May mga pagkakataong ang mga nakatatanda ay nagiging makulit at mapilit sa kanilang nais
kainin, inumin o gawin, nararapat tayong magingsensitibo sa kanilang mga kagustuhan, kakayahan at
damdamin.

Ikatlong Markahan - Modyul 11


PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA

Sa modyul na ito ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggawa ng mabuti sa kapwa ay magsisilbing gabay
mo sa mapanagutang pagsasabuhay ng mabuting gawain na tutugon sa pangangailangan ng mga kapwa mo mag-
aaral, mga salat sa buhay o “marginalized” sa lipunan at ng ibang nilikha dito sa mundo.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
a. Nagugunita ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa. EsP8PB-IIIe-11.1
b. Natutukoy ang mga pangangailangan ng iba‟t ibang uri ng tao at nilalang na maaaring tugunan ng
kabataan. EsP8PB-IIIe-11.2
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin. EsP8PB-IIIf-11.3
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng
kapwa. EsP8PB-IIIf-11.4

Gawain 1:
Panuto:
1. Tukuyin mo kung sino ang nagawan mo ng mabuti sa mga nakaraang araw.

2. Sa isang bond paper, gumuhit ng tulad ng nasa ibabang halimbawa.


3. Ang tao na nasa kanan mo ay ikaw. Isulat mo ang iyong pangalan sa lugar ng “AKO”. Ang nasa
kaliwa ay kumakatawan sa mga taong nagawan mo ng kabutihan nitong mga nagdaang araw.
4. Isulat mo ang pangalan nila sa bandang itaas ng kanilang ulo.
5. Sa loob ng “arrow” isulat kung ano ang ginawa mong kabutihan para sa kanila.
6. Tukuyin mo rin kung anong pangangailangan nila ang natugunan mo. Isulat sa loob ng kanilang bag
o maleta.

Gawain 2
1. Narito ang larawan ng isang hardinero na kumakatawan sa iyo. Hawak niya ang kaniyang pandilig
na may tubig na magbibigay-lakas at sustansiya sa mga halaman. Ang mga halaman na iyon ay ang
mga tao na nagawan mo ng kabutihan.
2. Makikita mo rin sa larawan ang bawat patak ng tubig. Ang mga patak na ito ay sumasagisag sa mga
dahilan kung bakit mo pinamalas ang iyong kabutihan sa kanila.
3. Isulat mo ang dahilan kung bakit ka gumawa ng maganda sa mga taong nabanggit mo sa Gawain 1
sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

May mga reyalisasyon ka ba sa katatapos na gawain? Mahirap bang harapin ang hamon ng paggawa
ng kabutihan sa kapwa?

Tayahin ang Iyong Pag-unawa


1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?
2. Paano nalilinang ang pagkatao ng bawat indibidwal sa paggawa ng kabutihan?
3. May hangganan ba ang paggawa ng kabutihan? Ipaliwanag.
4. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan ating buhay?
Ikatlong Markahan - Module 12
KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
Sa araling ito, palalawakin ang iyong pag-unawa sa katapatan sa salita at gawa - isang birtud na nangangailangan ng
kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab. Ang pagkakaroon mo ng malawak na kaalaman at
sapat na kakayahan ang iyong magiging sandata upang maging kaisa ka sa pagpapanatili ng buhay at kinang nito.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Nakikilala ang EsP8PB-IIIg-12.1
 kahalagahan ng katapatan
 mga paraan ng pagpapakita ng katapatan
 bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
b. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan EsP8PB-IIIg-12.2
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin EsP8PB-IIIh-12.3
d. Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa. EsP8PB-IIIh-
12.4

Gawain 1: Halina’t mamasyal sa Tindahan ni Mang Honesto.

Marahil narinig na ninyo noon ang isang kwento na nagmula pa sa lalawigan ng


Batanes na kung saan ito nagsimula. May isang tindahan doon na walang taong
nagbabantay. Kung may naisin kang bilihin ay kukuha ka lamang at babayaran mo ito sa
katumbas nitong halaga. Iiwan mo ang pera sa isang lalagyanan at kung ikaw ay may
sukli pa ay duon karin kukuha at magbabalik ng bayad. Sabihin na nating mayroong
nagawi na tatlong turista sa lugar na iyon at napadaan sila sa tindahang “Honesto Store.”
Ano kaya ang nangyari?

Unang Turista
Isang matandang babae ang nagmula sa malayong lugar ang nauuhaw kung kaya’t
dumaan siya para bumili ng tubig na kanyang maiinom upang mapawi ang uhaw niya sa
mahabang paglalakbay. Nakita niya ang cooler ng tindahan at dali-dalian niyang kinuha
ang bottled water at nakita niya ang paskil ng presyo nito na nagkakahalaga ng P20.00.
Napansin niyang walang tao kaya inilapag niya ang buong bente pesos sa lalagyan
mismo ng pinagkuhanan niya ng tubig at ito ay ipinatong niya sa taas, at tsaka na siya
umalis.

Pangalawang Turista
Muling nagkaroon ng tao ang tindahan ni Mang Honesto. Sa pagkakataong ito ay
mga magkakaibigan naman na halos High School Students ang idad. Alam nila na walang
tao sa tindahan at magagawa nila ang anumang naisin. Sila ay dayuhan rin sa lugar na
iyon bilang mga turistang gusto ring mamasyal. Sa kanilang pupuntahan ay magugutom
sila kung wala silang baon maski anong pagkain at inumin man lang. Sa pagkakataong
iyon isa sa kanila ang napapunta sa pwesto ng mga inumin. Napansin nito ang P20.00
sa taas ng lalagyanan ng mga inumin. Ito ay pasimpleng kinuha niya at ibinulsa. At dahil
walang tao ang tindahan kumuha pa siya ng soda at sabay alok sa mga kasama na siya
rin ang ginawa dahil wala namang makakaalam at makakakita sa kanila sinamantala nila
ang lahat ng gustuhin nila. Sa kanilang isip wala ding CCTV sa lugar kaya malaya silang
gawin ang anumang kanilang naisin. Matapos nito ay mabilis din silang nag-alisan.
Pangatlong Turista
Ang huling nagtungo sa tindahan ni Mang Honesto ay isang matandang
mangangalakal sa ibayong kalapit bayan. Ginabi ito sa paglalakbay at habang takip silim
na ay ninais niyang makapagpahinga muna at lagyan kahit papano ang kumakalam na
sikmura. Napansin niya ang tindahan ni Mang Honesto bukod sa walang tao ay animong
maraming nagkalat na natumbang mga paninda sa lapag. Ito ay kanyang pinulot isa-isa
at inilagay sa mga lalalagyanan ng mga ito. Kumuha siya ng biscuit at isang inumin. Duon
narin niya kinain at matapos nito ay akmang babayaran na niya ang mga ito ngunit
napansin niya na buo ang kanyang pera at walang anuman duon na maaring maipanukli
dito. Naisip niya sa sarili niya na kahit papaano naman ay nakapagpahinga siya at
nakakain sapat na iyon upang hindi na niya kunin ang sukli sa P100.00 na labis-labis
para sa halaga ng kinain niyang P50.00. Tanda niya ang laging bilin ng Ina nito nuong
nabubuhay pa na igalang at maging tapat sa kapwa may nakakakita man o wala dahil ito
ay ikinalulugod ng Dios at ikakasiya ng kanyang namayapang Ina.

Panuto: Magbigay ng maikling paglalararawan sa mga bagay na ginawa at inasal sa loob


ng tindahan ng tatlong turistang pumunta sa tindahan ni Mang Honesto. Isulat ang mga
ito sa inyong sagutang-papel ang tatlo ay maari na.
Unang Turista
1.____________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
Pangakalawang Turista
1.____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________
Pangatlong Turista
1.____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________

Gawain 2: Pagsusuri ng Larawan


Usapang Totoo Lang!
Panuto: Suriin ang larawan ng mga lugar na nasa ibaba. Magbigay ng mga nakikitang
mga paglabag sa katapatan na malimit gawin sa nasabing lugar. Isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.

PAARALAN

Mga Paglabag sa Katapatan Paaralan

________________________________________________________________
________________________________________________________________
Mga Palabag sa Katapatan Pamilihan
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 3: Kwento ng Iyong Katapatan!
Panuto: Isulat sa mga bilog na makikita sa ibaba ang mga sitwasyon sa iyong buhay na
kung saan naipapakita ang kahalagahan ng katapatan bilang isang kabataan. Gabay mo
ang halimbawa sa ibaba. Pagsamasamahin mo ang iyong mga sagot at gumawa ng isang
tula o kwento.

Tayahin ang Iyong Pag-unawa


1. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan?
2. Ilarawan ang isang taong matapat. Magbigay ng halimbawa.
3. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan? Ng kasinungalingan?
4. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at gawa?
5. Ano ang maaari mong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang katapatan?

Prepared by: Noted: Approved:

BELEN M. SANGGALANG MELQUINA C. ANUNCIACION AMALIA D.


LISING, Ed.D.
Head Teacher lll-EsP Principal ll
CHRISTIAN PAUL B. MALLARI

You might also like