You are on page 1of 41

8

Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Quarter 2 - Module 6
(Ang Pakikipagkaibigan)

Government Property

NOT FOR SALE


Learning Area- Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 6: (ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN)

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Author/s: Michelle G. Paulma


Reviewers: Pablito B. Altubar, CID Chief
Himaya B. Sinatao, LRMDS Manager

Illustrator and Layout Artist: Joemar P. Valdevilla

Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C.Nistal, PhD.


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
Chief, Curriculum Implementation Division

Members
Rodrigande J. Miole, EPS 1- ESP
Catalina P. Rubin, PSDS
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,NationalHighway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
EsP
Quarter 2 - Module 6
Ang Pakikipagkaibigan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Table of Contents

Paunang Salita ..............................................................................................................................................i


Mga inaasahang malilinang.......................................................................................................................i

Icons of this Module.....................................................................................................................................ii

Subukin............................................................................................................................................................iii

Leksyon 1:
Kaibigan, Kasangga, Kaakabay........................................................................................1
Alamin..................................................................................................................................1
Tuklasin...............................................................................................................................1-6
Suriin....................................................................................................................................7-8
Pagyamanin.......................................................................................................................9
Isaisip...................................................................................................................................10
Isagawa...............................................................................................................................11

Leksyon 2:
Kaibigan, Karanasan at kapatawaran.........................................................................12
Balikan.................................................................................................................................12
Alamin…………………………………………………………………………………….12-13
Tuklasin………………………………………………………………………………….13-15
Suriin……………………………………………………………………………………..16-23
Pagyamanin……………………………………………………………………………23-24
Isaisip ……………………………………………………………………………25.
Isagawa………………………………………………………………………………….26-27
(or more lessons)

Buod……………………………………………………………………………………………….27
Pagtatasa………………………………………………………………………………………27-28
Susi sa Pagwawasto..............................................................................................................................29
Sanggunian................................................................................................................................................30
Paunang Salita

Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang halaga ng pakikipagkapwa. Dito tinalakay ang


tao bilang isang panlipunang nilalang. Ang simpleng pagkakilanlan ay maaring mapunta sa
isang malalim at makabuluhang pagkakaibigan. Sa kabataan ng henerasyon ngayon
maaring may kaibahan na ang uri ng pagkakaibigan. Dahil sa teknolohiya gamit ang celfon,
internet at iba’t ibang apps ay mas mabilis na ang kumunikasyon at mas madali ang
paghahanap ng kaibigan. Pero paano natin masasabi na ang isang tao ay isang
kaibigan? Kailangan ba natin ang kaibigan? Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
isang kaibigan? Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkakaibigan? Bakit mahalaga
ang pagpapatawad?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:

a. Natutukoy ang mga taong itinuring na kaibigan, ang mga natutuhan mula sa mga ito
at mga kabutihang naidulot sa ng mga ito
b. Nasusuri ang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon
kay Aristotle
c. Nahihinuha ang Batayang Konsepto ng aralin
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan
(hal.:pagpapatawad) at makipagkaibigan sa mga nangangailangan nito

I
Icons of this Module

Nakatala ang mga layunin na kailangang


Alamin dapat makamit sa modyul na ito

Nakapaloob dito ang paunang pagtataya na


Subukin makapagtukoy sa kahandaan ng mag-aaral sa
bagong aralin

Balikan Ang bahaging ito ay nag-uugnay sa


nakaraang aralin sa bagong aralin ng Modyul

Panimulang Gawain tungo sa bagong aralin


Tuklasin

Suriin Sa bahagi na ito ay napapalalim ang pag-


unawa ng mag-aaral sa ralin

Karagdagang Gawain para mas mahasa ang


Pagyamanin mag-aaral sa aralin

Mga Gawain na dinisenyo upang maproseso


Isaisip kung ano ang natutunan sa aralin

Ito ay mga Gawain na magpapakita sa mga


Isagawa kasanayan at kaalaman na natutunan na
magagamit ng mag-aaral sa pang-araw-araw
na buhay

II
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Ang mga sumusunod ay ang tatlong uri ng kaibigan ayon kay Aristotle maliban sa:
a. Kaibigan kita dahil….kailangan kita
b. Kaibigan kita dahil masaya kang kasama o kausap
c. Kaibigan kita dahil sa nabuong pagka gusto at paggalang sa isa’t isa
d. Ito ay sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang
pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
____2. Alin sa mga uri ng pagkakaibigan ang mas tumatagal at mas may kabuluhan?
a. Kaibigan kita dahil….kailangan kita
b. Kaibigan kita dahil masaya kang kasama o kausap
c. Kaibigan kita dahil sa nabuong pagka gusto at paggalang sa isa’t isa
d. Ito ay sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang
pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
____ 3. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng
malalim na pagkakaibigan?
a. pagpapayaman ng pagkatao
b. simpleng ugnayang interpersonal
c. pagpapunlad ng mga kakayahan
d. pagpapabuti ng personalidad
____4. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa
a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili
b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal sa intensyon ng tulong o
pabor na makukuha sa iba
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang
ugnayan sa pangmatagalang panahon
d. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa
taong naniniwala at nagtitiwala sa atin

iii
_____ 5. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
b. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na
pagdanas dito
c. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili
sa kapwa
d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa

Para sa bilang 6-10. Hanapin sa Column B ang sagot sa Column A. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang.
Column A Coulmn B
_____6. Sangkap ng Pakikipagkaibigan a. Fabric o fFriendship
_____ 7. Pagbibigay ng Panahon upang pisikal b. Heart of Friendship
na magkasama c. empathy
_____ 8. Paglalagay ng iyong sarili sa kanyang katayuan d. katapatan
_____9. Pagtitimpi na ibahagi ang mga lihim na bagay e. Confidentiality
_____10. Ganap na pagbabahagi sa isa’t isa sa tunay na f. Presensiya
niloloob.

iiii
Lesson Kaibigan, Kasangga, Kaakabay
1
Alamin

Sa leksiyon na ito inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa.

1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya
mula sa mga ito. EsP8PIIc-6.1
2. Nasusuri angkanyang mga pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle EsP8P-IIc-
3. Nakapagsasagawa ng isang talaan ng mga itinuturing na kaibigan at nasususri ang
kabuluhan ng ugnayan sa kanila
4. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan

Tuklasin

Pakinggan ang awitin ni Bruno Mars patungkol sa pakikipagkaibigang may pamagat na


“Best friendship Song Ever”
"Count On Me"

If you ever find yourself stuck in the middle of the sea


I'll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can't see
I'll be the light to guide you

We find out what we're made of


When we are called to help our friends in need

You can count on me


Like 1, 2, 3
I'll be there
And I know when I need it
I can count on you
Like 4, 3, 2
1
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do

If you're tossin' and you're turnin'


And you just can't fall asleep
I'll sing a song beside you
And if you ever forget how much you really mean to me
Every day I will remind you

We find out what we're made of


When we are called to help our friends in need

You can count on me


Like 1, 2, 3
I'll be there
And I know when I need it
I can count on you
Like 4, 3, 2
You'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do

You'll always have my shoulder when you cry


I'll never let go, never say goodbye
You know

You can count on me


Like 1, 2, 3
I'll be there
And I know when I need it
I can count on you
Like 4, 3, 2
And you'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do
You can count on me 'cause I can count on you

WORKSHEET 1:

Pagkatapos mapakinggan at mapagnilayan, sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Patungkol saan ang Awitin


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________

2
2. Ano ang iyong nararamdaman sa awitin? Bakit?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____

3. Ano ba ang halaga ng kaibigan?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 2

Sa gawaing ito ay iyong susuriin ang pagkakaiba at pagkakatulad mo at ng iyong


mga kaibigan. Gawin mo ito gamit ang Venn Diagram.

Panuto:
1. Gumuhit ng mga Bilog batay sa dami ng iyong mga kaibigan (kasama ka sa
bilang ng bilog). Gawin ito sa isang malinis na bond paper o makulay na papel
2. Ang Venn Diagram ay isang representasyon ng pagkakaiba at pagkakatulad
ng mga bagay. Sa pagkakataon na ito ay gagamitin ito sa pagpapakita ng
pagkakaiba at pagkakatulad ninyong magkakaibigan. May inihandang
halimbawa para sa iyo:

3
Tiyakin na ang mga isusulat na katangian ay higit pa sa pisikal na mga katangian,
maaring isama rito ang gawi, pag-uugali, hilig, talento o kakayahan at iba pa.
Mga katangian mo

Mga Katangian ng Kaibigan


Mga Katangian ng Kaibigan

Your Name
A NameName Name C
Name C
B C

Mga katangian na taglay ni A at B Mga katangian na taglay ni A at C

Mga katangian na taglay ni A, B, C

Worksheet 3: Friendship Venn Diagram


5

Matapos isagawa ang Gawain ay sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Ano ang iyong natuklasan mula sa Gawain?
b. Ano ang epekto ng pagkakaiba ng mga katangian ninyong magkakaibigan?

c. Ano ang epekto ng Pagkakatulad ng mga katangian ninyong magkakaibigan?

d. Bakit mahalagang masuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga


katangian ng mga magkakaibigan?ipaliwanag

Suriin
Mahalaga ring bigyang pansin ang tatlong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle.
Makatutulong ito upang masuri ang uri ng pagkakaibigan na iyong iniaalay para sa iyong
mga piniling maging kaibigan. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. Ito ay pagkakaibigang
inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito. Sa paaralan
halimbawa, may mga mag-aaral na kinakaibigan ang kaniyang kapwa mag-aaral
dahil sa angkin nitong kasipagan at kabutihan na siya ay Kaibigan kita dahil
tulungan sa paggawa ng mga takdang- kailangan kita…

aralin at proyekto, kung minsan nga ay pati na pagpapakopya sa mga


pagsusulit. Ngunit mapapansin na ang ganitong uri ng pagkakaibigan
ay maglalaho sa panahong hindi na maging handa ang isa na muli
pang magbigay ng kaniyang tulong. Maaaring may sinserong
pagnanais ang isa na tulungan ang isa pa na matutong tumayo sa
kaniyang sariling paa at maging responsable sa kaniyang pag-aaral ngunit
mababale-wala lamang ang malasakit na ito dahil tiyak na magwawakas ang
pagkakabigan dahil dito. Kaibigan kita dahil kailangan kita, linyang madaling
makapaglalarawan dito. Napakababaw na uri ng pagkakaibigan, kulang ng
kabutihan, katarungan, pagmamahal at pagpapahalaga.
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan. Ang ganitong uri ng
pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang
kasama o kausap. Madalas ito ay ang mga taong kasama mo sa maraming mga gawain,
katulad ng kalaro sa basketball, mga kasama sa pamamasyal o ang madalas na
nagpapatawa sa iyo sa oras ng kwentuhan. Maituturing itong mas mataas kaysa sa naunang
uri. Nabubuo ang pagkakaibigan sa bahaging ito dahil mayroong taglay ang isang tao na
gusto mo at nakapagpapasaya sa iyo ngunit hindi pa rin maituturing na pangmatagalan ang
ganitong uri ng pagkakaibigan dahil ilang bahagi lamang ng
tao ang ginugusto at hindi ang kabuuan ng kaniyang
pagkatao. Maaari itong maglaho kapag nakita ng mga
katangiang maaaring hindi mo nagugustuhan o kaya
naman ay kapag nawala na ang kasiyahan na ibinibigay nito
sa iyo.

3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay


nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at respeto sa isa’t isa. Hindi ito madaling mabuo,

7
nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung ikukumpara sa dalawang naunang
natalakay na uri. Ngunit kung ihahalintulad din sa mga nauna ito ay mas tumatagal at mas
may kabuluhan. Ito ay nagsisimula kapag naging kapansin-pansin ang pagkakatulad ng mga
pagpapahalaga at layunin; ng pagkakaroon ng magkaparehong pananaw sa mundo at sa
buhay ng dalawa o mahigit pang tao. Hindi ito nangangahulugan na nagsisimula mula sa
pagkabata o sa anumang tiyak na yugto bagaman at marami sa mga malalim na
pagkakaibigan ay nagsisimula sa maagang yugto.

Ang mas malalim at makabuluhang pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan ng


mabubuting tao na kapwa nagtataglay ng mga birtud at pagpapahalaga. Ang paghahangad
ng mabuti para sa isang kaibigan at para sa kaniyang kapakanan ang pinakamataas na
antas ng pagkakaibigan, ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay tumatagal, katulad ng
pagiging pangmatagalan ng birtud at pagpapahalaga. Sa ganitong pagkakataon, dahil ang
magkaibigan ay kapwa mabuti, ang kanilang pagkakaibigan ay kapwa nakatutulong sa
kanilang paglago. Bihira ang ganitong uri ng pagkakaibigan lalo na sa maagang yugto ng
buhay ng tao dahil hindi pa sapat ang kakayahan ng mga kabataan para makamit ito. Paano
nga ba makatutulong ang pagkakaibigan sa paglago ng pagkatao?

8
Pagyamanin

Pagnilayan ang mga tanong sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ito .

a. Sino-sino ang itinuturing mong kaibigan? Gaano sila kahalaga at ano ang
bahaging ginagampanan nila sa iyong buhay?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________

b. Kaya mo bang mabuhay ng wala ang mga kaibigan mo? Sangayon ka ba sa


pahayag na “No man is an Island”. Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________

c. Ano ang iyong nararamdaman kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan?
Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________

d. Maliban sa mga taong isinulat mo sa Venn Diagram, sino-sino pa ang


itnuturing mong mga kaibigan? Magbahagi ng ala-alang kasama sila.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____

9
klasin

Isaisip

Ang Pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao


dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem). Sila ang mga taong may
halaga sa iyo na nakaaangat sa iba mo pang kakilala o kasama

Magbahagi ng isang di malilimutang karanasan sa isang kaibigan kung saan


masasabi mong naging mahalaga at makabuluhan ang papel niya sa buhay
mo.Maging malikhain sa pag iisip ng Paksa ng iyong Gawain. Maaari itong gawin sa
alin man sa mga sumusunod:

 Essay writing
 Poster and Slogan
 Painting/Drawing
 Journal Writing
 Liham
 Musika

Kraytirya
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Presentasyon o Nilalaman 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
____
100%

10
Isagawa

Naisabuhay ko ba ang Pakikipagkaibigan?

Hango sa Aklat na Character Building ni Isaacs (2001)


Lagyan ng tsek ( √ ) sa tapat ng bawat aytem kung ito ay iyong taglay at lagyan naman ng
ekis (x) kung hindi
Mga Palatandaan Ako Ito Hindi ako
ito
1. Lahat ng bagong kakilala ay pinaniniwalaan kong maari kong
maging kaibigan sa hinaharap
2. Upang mabuo ang pagkakaibigan kailangang may pagkakatulad at
iisang interes o hilig
3. Interesado ako sa aking kaibigan sa kabuuan ng kaniyang
pagkatao at hindi lamang sa mga bagay na kami ay may
pagkakatulad
4. Naniniwala akong mahalaga na mayroong regular na pakikipag-
ugnayan sa mga pinipiling maging kaibigan
5. Nauunawaan ko na ang kalidad ng pagkakaibigan ay tataas batay
sa dami ng pagpapalitan ng mga tanong na maglalapit s aisa’t isa
at magbubukas sa kanilang sarili at maging sa kanilang
magkaparehong interes na makilala ang isa’t isa
6. Mulat ako na ang pakikipagkaibigan lalo na sa katapat na kasarian
ay mayroong limitasyon
7. Nauunawaan ko na upang maging mabuting kaibigan ako sa aking
kaibigan at upang maging kaibigan din sila sa akin, kailangan
naming magsikap na mapagyaman ang ilang mga birtud
8. Nagpapakita ako ng pagmamalasakit sa aking kaibigan sa
maraming mga paraan (Hal. Pagbisita sa kaniya kapag maysakit,
hindi nagsasalita ng masama laban sa kaniya, atbp.)

Paraan ng Pagmamarka

Bilangin ang kabuuang iskor sa kolum na AKO ITO. Tingnan sa ibaba ang
paglalarawan/interpretasyon sa bilang ng iskor upang matukoy ang antas ng iyong
pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.

Paglalarawan/ Interpretasyon ng Iskor


0 – 2 - Hindi pa naisasabuhay ang tunay na pakikipagkaibigan
3 – 4 - Nangangailangan ng paglinang sa kakayahan sa pagsasabuhay ng tunay
na pakikipagkaibigan
5 – 6 - May kasanayan sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan
7 – 8 - Napakabuti sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan

Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong
interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tulungan kang tayahin ang iyong
kakayahan at maging bukas ka sa pagbabago. May magagawa ka pa upang ito ay
mapaunlad. Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng kakayahan dito ay makikita mo ang unti-
unti ring paglago ng iyong ugnayan sa iyong mga kaibigan. Kilos na kaibigan!

11
Lesson KAIBIGAN, KARANASAN AT KAPATAWARAN

Balikan

Balikan natin ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagpuno ng mga


kulang na salita:
Ayon kay Aristotle, Ang mga uri ng kaibigan ay nababatay sa
1._______________________ (Kaibigan kita dahil……..kailangan kita)
2. ______________________(nabuo dahil masaya kang kasama o kausap)
3.______________________(nabuo batay sa pagka gusto at paggalang sa isa’t isa)

Ngayon, alam na natin ang iba’t ibang uri ng kaibigan. Pero sa edad ninyo bilang
kabataan, maaring hindi pa sapat ang inyong kakayahan na makamit ang mas
malalim at makabuluhang pagkakaibigan..

Paano nga ba makatutulong ang pagkakaibigan sa paglago ng pagkatao?


.

Alamin

Sa leksiyon na ito inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa.
1. Nahihinuha na:
a. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na
pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan
b. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan, ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at
pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.

12
c. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa
kabutihan at pagmamahal. EsP8P-IId-6.3
2. Nakabubuo at nakapagpapaliwanag ng batayang konsepto gamit ang graphic
organizer
3. Nakapagpapahayag ng damdamin kung bakit mahalagang makabuo ng malalim
na pakikipagkaibigan. Nakapagpapahayag ng damdamin kung bakit ang
pakikipagkapwa ay kalakasan at kahinaan din ng mga Pilipino

Tuklasin

1. Gumawa ng Basket gamit ang disenyo ng kamay. Tingnan ang


Worksheet.
2. Ang kamay na ito ay sumisimbolo ng mga tao. Ang gitnang kamay ay Ikaw. Mag-isip ng
apat pang kaibigan mo. Ilagay ang kanilang pangalan sa bawat palad ng kamay.

3. Sulatan ang bawat daliri ayon sa hinihingi nito:

Hinlalaki(thumb)- Kailan kayo nagkakilala?. Kung inyo pang natatandaan ang taon at petsa
Hintututro (index finger) – Bakit kayo nagkakilala? Anong unang pagkakataon na kayo ay
nagkausap at nagkakilanlan?
Hinlalato(Middle Finger) – Anong katangian meron siya bilang kaibigan?
Palasingsingan(ring finger) – Ano ang pinakamahalagang at makabuluhang nagawa niya
sayo bilang kaibigan
Hinliliit(Little Finger) – Ano ang sinisimbolo niya sa buhay mo bilang kaibigan?

4. Pagkatapos ay kulayan ang mga kamay base na rin sa iyong karanasan sa bawat
kaibigan.

5. Pagkatapos ay gupitin ang mga kamay.siguraduhin na hindi dapat magkahiwa-hiwalay.


Baliktarin ito at ipormang basket.

Note: Kung gusto mo nang marami pang kaibigan.Lumikha kagaya ng ibinigay na sample.
Gawin malikhain ang inyong output o presentasyon

13
Worksheet __: BASKETFULL of friends

14
Pagkatapos gawin ang Gawain ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa ginawa mong Gawain?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa mo ito?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___

Ano anong katangian ang magpareho kayo? Ano naman ang katangian na naiiba sa bawat
isa?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Bakit nanatili pa rin kayong magkaibigan sa kabila ng inyong pagkakaiba? Ipaliwanag


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

May pagkakataon bang hindi kayo nagkakaunawaan? Paano kayo nananatiling buo sa
kabila nito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________

May mahalagang papel ba ang ginagampanan ang kaibigan sa ating buhay? Ipaliwanag
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
15
Suriin

Pakikipagkaibigan Tungo sa Matatag na Pagkakakilanlan at Kaganapan ng Pagkatao

Ano ang pinakamagandang bagay na


Ang tao ang humuhubog ng
naibigay sa iyo ng iyong kaibigan? Maraming kanilang pagkakaibigan…
Ang kanilang pagkakaibigan
katangi-tanging bagay ang maaaring naihandog o
ang humuhubog sa kanila…
nagawa niya sa iyo. Para sa iba, maaring ito’y isang
pabor na hiningi mula sa kanila o kaya ay mga
materyal na bagay na natanggap sa mga espesyal na okasyon. Ngunit hindi matutumbasan
ng mga ito ang mga bagay na iyong natuklasan tungkol sa iyong sarili dahil sa iyong
kaibigan. Ang tinutukoy dito ay ang mga hindi lantad nating katangian o kakayahan na sila
ang unang naniwala na mayroon ka bago mo pa man ito lubos na pinaniwalaan.
Makapangyarihang ugnayan ang pakikipagkaibigan. Nakapagdudulot ito ng positibo,
makatotohanan at matibay na pundasyon ng ating pagkakakilanlan at pagkatao. Sa aklat ni
Joy Carol (2008) na The Fabric of Friendship, tinukoy dito ang maraming mga bagay na
naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.

1. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili. Kapag may


mabuting ugnayang namamagitan sa inyo ng iyong kaibigan, ang
kakayahang magbahagi ng taglay na mga katangian sa isa’t isa ay
nakapagpapasaya sa atin. Nagbibigay din ito ng kapanatagan ng
damdamin at kalakasan sa personal na pagkakakilanlan. Sa
pakikipagkaibigan, natatamo ng tao ang matatag na
pagkakakilanlan. Ito ang nagpapaunlad sa kanyang pagkatao at pakikipagkapwa sapagkat
dito lumalalim ang kanyang kasanayan sa interpersonal na pakikipag-ugnayan.

2. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig. Madalas, lalo na sa mga


kabataan, mahirap ang maglaan ng panahon at pasensya na makinig sa mga hinaing o
suliranin ng kapwa. Ang isang kabataan ay mas nanaisin na magsagawa ng mga bagay na
makapagbibigay sa kanila ng saya. Ngunit dahil may kalakip na pagmamahal ang tunay na
pakikipagkaibigan at may pagsasaalang-alang sa kung ano ang makabubuti para sa
kaibigan, iba ang kahandaan na nakikita mula sa isang tao na makinig kapag ito ay mula sa
iyong kaibigan. Hindi lamang ito simpleng pagiging bukas sa pakikinig kundi pagiging bukas
ng isipan sa pag-unawa sa mga napakikinggan. Kapag tayo ay nakikinig sa sinasabi ng
ating kaibigan na may bukas na kaisipan, nalilinang ang ating kakayahang umunawa at
maging mabuting tagapakinig.

16
3. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng mga
tunay na kaibigan. Sabi nga, malalaman mo lamang ang tunay na kaibigan at hindi kung
mayroon kang parehong pagdanas dito. Hindi madali ang landas patungo sa paghahanap
ng tunay na kaibigan. Maraming tao na ang iyong pinaglaanan ng pagsisikap upang
makabuo ng malalim na uri ng pagkakaibigan ngunit maaaring katulad ng ilan ay dumaan ka
din sa kabiguan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nsusuklian ang iyong iniaalay na
pagkakaibigan, nakaranas ka rin ng sakit. Maraming tiwala ang nasira, maraming sakripisyo
ang nasayang, maraming luha ang marahil pumatak at maraming panghihinayang. Ngunit
ang lahat ng ito ay mapapawi sa sandaling ang pagmamahal, tiwala at katapatang iyong
inialay ay matugunan, hindi man masuklian. Sa pamamagitan nito madali mong makikilala
kung sino ang tunay na kaibigan.

4. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila


ng ilang di pagkakaintindihan. Ang mga suliranin ang nakapagpapatatag sa isang tao at
sa pagitan ng magkaibigan ang mga suliranin din ang maaaring maging instrumento upang
mas mapatatag ang kanilang samahan. Dahil ang tunay na pagkakaibigan ay
nangangailangan ng pagtanggap sa kabuuan ng isa’t isa walang suliranin o hindi
pagkakaunawaan ang makasisira rito. Maaraming taong maaaring subukin ang katatagan ng
inyong pagkakaibigan at nakasalalay sa inyong tiwala at respeto sa isa’t isa ang
ikapananatili nito. Kapwa nararapat na makita ang pagsisikap na mapangalagaan ang
ugnayan at mas mapatibay ang pagkakaibigan.

5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan. Kung


minsan, akala natin ay napakadami na nating alam sa paksang ito. Kahit pa may malaking
bilang ka ng mga kaibigan sa paaralang iyong pinapasukan, sa inyong lugar, sa mga
organisasyong iyong kinabibilangan, mayroon pa ring bagong ideya na ngayon mo lang
natuklasan mula sa iyong kaibigan. Ito’y isang sorpresa sa ating buhay; ang pagkakaroon ng
pagkakataon na makaunawa ng bagong pananaw, bagong pamamaraan ng pakikitungo,at
bagong pakikipagkaibigan.

Sa pagdaan ng maraming mga karanasan sa pagitan ng magkaibigan ay may mga


birtud at pagpapahalagang nahuhubog o napagyayaman. Walang pagkakaibigan kung
walang birtud at pagpapahalaga sa kanilang pagitan. Ang paghubog ng mga ito ang
pinakamahalaga sa pagkakaibigan. Ang mga ito ay makatutulong upang kapwa sila maging
mabuting tao. Sa pagkakaibigan, natutuklasan hindi lamang ang katangiang mayroon ang
isang kaibigan kundi mas higit ang pagtuklas sa iyong sarili. Ang pagkakaibigan ang tanging
paraan upang makita ang yaman ng iyong pagkatao.
Sa nagdaang aralin, sinabing ang ating kapwa ay nakatutulong upang maging ganap
ang ating pagkatao at mas higit sa mga ito ay ang ating tunay na kaibigan. Iyong tandaan na

17
ang isa sa pangunahing katangian ng isang tunay na kaibigan ay ang kaniyang
pagkakaroon ng kakayahang palaguin ang iyong pagkatao.
Pakikipagkaibigan Tungo sa Paglinang ng Pakikipagkapwa
Sa mas malawak na katuturan ng pakikipagkaibigan, hindi lamang ang pagkatao ng
bawat indibidwal ang umuunlad kundi pati na rin ang kasanayan sa pakikipagkapwa. Dahil
walang sinoman ang nagnanais na mamuhay ng walang kaibigan, ang lahat ng tao ay
nagsisikap upang magkaroon nito. Kung kaya ang lahat ay nagsisikap upang makabuo ng
malalim na ugnayan sa isang kaibigan.
Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtanggap. Hindi makabubuo ng
malalim na ugnayan kung hindi matututo ang tao na maglaan ng panahon, pagmamahal,
sakripisyo at isabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga. Dahil dito natututo ang isang tao
na ilayo ang kaniyang atensyon sa kaniyang sarili lamang, natututo siyang magbigay para
sa kaniyang kapwa. Ito ang simula ng pakikipagkapwa, ang tanggapin na may ibang tao
maliban sa iyong sarili. Ang maging bukas ang mata na ang mayroong ibang tao na maaari
mong unahin kaysa sa iyong sarili para sa kabutihan.
Ang pagkakaibigan ay maituturing na isang birtud, ito ay ayon kay Sto, Tomas de
Aquino. Ito ay dahil ito ay isa ring nakagawiang kilos na nagpapahalaga sa katarungan at
halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa. Ang pagbibigay ng nararapat sa lahat ng tao
tulad ng kanyang karapatan, respeto, pagmamahal at pag-unawa ay tumatahak sa landas
ng katuwiran at makatarungang pamumuhay. Sa mabuting pagkakaibigan, walang
kondisyon ang ugnayang inilalarawan. Hindi naghihintay ng anomang kapalit o papuri ang
ginagawang pagbabahagi ng sarili. Kung kaya katulad ng winika ni Aristotle, ang tunay na
pakikipagkaibigan ay maaari lamang mangyari sa pagitan ng mabubuting tao, ang bawat isa
ay naghahangad ng ikabubuti ng kaibigan sapagkat mabuti ang pagkatao nila. Hinahangad
nila ang ikabubuti ng kaibigan dahil sa malasakit dito at hindi dahil sa kasiyahang idudulot o
silbi nila sa kanila. Pinahahalagahan ang kaibigan tulad ng pagpapahalaga sa sarili.
Pakikipagkaibigan Tungo sa Pagtatamo ng Mapayapang Lipunan
Ang pagkakaibigan ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan ng
tao at ito rin ang pinakamatibay na pundasyon ng anomang lipunan. Naniniwala si St.
Augustine na unti-unti magiging perpekto ang isang lipunan kung ito ay magiging lipunan ng
malalim at makabuluhang pagkakaibigan.
Napakahirap, napakalungkot at miserable ang buhay kung wala tayong kaibigan.
Ang tao kapag nag-iisa ay hindi lubos na natutugunan ang kanyang sariling
pangangailangan para mabuhay. Hindi rin niya makakayanang gumawa ng mga paraan
upang mapaunlad niyang mag-isa ang kanyang pangkaisipan at moral na kakayahan. Kaya
nga, iniukol ng Diyos ang tao upang mamuhay kasama ng kanyang kapwa na
makakatulong sa pagtugon ng kanyang pangangailangan sa lipunang kinabibilangan. (De
Torre 2000) 18
Ayon kay Andrew Greeley (1970), isang sosyolohista ang mabuting pagkakaibigan
ay matibay na pundasyon at mabisang sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan ng
mga tao sa lipunan. Binibigkis nito ang kaisahan ng kilos at damdamin ng tao sa anomang
ugnayan tulad ng ugnayan ng magulang sa anak, ng magkakapatid, magkakatrabaho, mag-
asawa, magkakapitbahay at iba pa. Ang suportang ipinapakita sa pagitan ng
magkakaibigan ay nakapagbibigay- lakas at inspirasyon sa panlipunang aspekto ng tao.
Napatataas ang antas ng pagpapahalaga sa sariling pagkakakilanlan kapag may kaibigang
tumatanggap at nagtitiwala sa ating mga potensyal at kakayahan. Sa pamamagitan nila, ang
ating mga pangarap at layunin sa buhay ay madaling maisakatuparan kapag nararamdaman
ang suportang handog ng pagkakaibigan.
Ang epekto ng mabuting pagkakaibigan ng mga taong naninirahan sa lipunan ay
malaking impluwensya sa pagtatamo ng kapayapaan at kaayusan. Halimbawa na lamang ay
sa inyong pamayanan. Masaya at tahimik ang barangay na binubuo ng mga pamilyang
magkakaibigan. Masasaksihan ang pagtutulungan at damayan sa oras ng
pangangailangan. Sa inyong paaralan, kapag namamayani ang diwa ng pagkakaibigan,
hindi ba’t nakakaiwas sa mga alitan o pag-aaway ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral?
Ganon din sa ating pamilya, mainam kapag itinuturing ng magulang na kaibigan ang mga
anak. Mas nalilinang ang malapit na ugnayang pampamilya kung magkakaibigan ang
pagtuturingan. Kailangan lamang na alam ng mga anak ang limitasyon ng pakikitungo sa
magulang bilang kaibigan upang mapanatili ang mataas na paggalang sa kanila.
Isang malaking bahagi ng ating tagumpay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ay ang
kakayahang umunawa ng kalikasan ng tao na magkakasamang naninirahan sa iisang
lipunan. Sa India halimbawa, may isang pangkat ng tribu na kung tawagin ay Sioux Indian
ang naniniwala sa batas ng pakikipagkapwa at pakikipagkaibigan na nagsasaad na:
“Hindi nararapat na ating husgahan ang kapwa hanggat hindi natin naisususot ang
kanilang moccasin (katutubong sapatos ng India).” Nangangahulugan na hangga’t wala tayo
sa sitwasyon ng ating kapwa at kaibigan ay wala tayong karapatan na sila’y paratangan.
Ang paggalang, pagtanggap at pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng bawat tao sa isang
lipunan ay sumasakop sa malawak na konsepto ng pakikipagkapwa. Pinatitingkad nito ang
pagpapanatili ng kababaang-loob ng isang indibidwal tungo sa mapayapang ugnayan ng
mga tao.
Isa sa kritikal na suliranin ng lipunan ay ang kakulangan ng tao ng tiwala sa isa’t isa.
hindi natututo ang tao na magtiwala dahil hindi sapat ang pakikipakaibigan sa kanilang
buhay. Pinaniniwalaan niya na kung mas magiging malawak at malalim ang pagkakaibigan
sa lipunan ay mas magiging malawak at malalim din ang pagtitiwala ng mga tao rito. Ang
suliranin tungkol sa hindi pagkakapantay-pantay, hidwaan at maging ang polusyon na
kinakaharap ng lipunan

19
sa kasalukuyan ay malulunasan kung magkakaroon ng pagbabago sa pananaw at pag-
uugali ng mga taong namumuhay rito; taong ang lakas at tiwala ay nag-uugat sa malakas na
suporta ng pagkakaibigan, may kakayahang magtiwala sa kaniyang kapwa at may
kakayahan ding makakuha ng tiwala mula sa lahat ng taong kaniyang nakasasalamuha.
Hindi sinasabi na pagkakaibigan lamang ang makapagpapabago sa lipunan ngunit
masasabing imposible ang pagbabago at pagiging perpekto ng lipunan kung wala ang
pagkakaibigan. Hindi mananaig ang lipunan kung walang pagkakaibigan at hindi mananaig
ang pagkakaibigan kung walang lipunan.
Sangkap sa Pagkakaibigan
Malalim na natalakay sa itaas ang halaga ng pagkakaibigan at ang benepsiyong
makukuha rito. Sa bahaging ito naman ay ating pag-usapan kung ano ba talaga ang
pangunahing sangkap sa pagkakaibigan. Ano ba talaga ang kinakailangan upang
mapagtagumpayan ng isang tao ang pagbuo ng pagkakaibigan? Iyong basahin ang mga
sumusunod hango sa aklat ni James at Savary na The Heart of Friendship (1976)
1. Presensya. Ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa presensya ng isa’t isa. Ang
magkaibigan ay nangangailangan ng panahon na magkasama, ng pisikal na presensya. Iba
ang kasiyahan na nararamdaman kapag alam mo na ang iyong kaibigan ay palaging nariyan
lalo na sa mga panahon na siya ay iyong kailangan. Katanggap-tanggap na maaari ring
iparamdam ang presensya sa pamamagitan ng sulat, tawag sa telepono o sa pagbibigay ng
regalo ngunit hindi pa rin ganap na mapapalitan nito ang presensya ng isang kaibigan lalong
lalo na sa panahon ng suliranin.

2. Paggawa ng bagay nang magkasama. Maraming pagkakaibigan ang nagsisimula sa


pagitan ng mga taong naglalaro o gumagawa nang magkasama. Ang paggawa ng
maraming bagay nang magkasama ay daan din upang magkaroon ang magkaibigan ng oras
para sa isa’t isa. Halimbawa, ang dalawang tao na laging magkasama sa paglalaro ng
basketball ay maaaring makabuo ng pagkakaibigan dahil makikita na mayroon isang bagay
na kanilang parehong gusto o kinagigiliwang gawin na magiging daan upang sila ay lalong
maging malapit sa isa’t isa. Sa mga ganitong pagkakataon ay magkasabay na
minamahalaga ang bagay na kinahihiligang gawin at ang kaibigan.

3. Pag-aalaga. Sa pagitan ng magkakaibigan, ang pag-aalaga ay nangangahulugang


pagtulong sa kaniyang kaibigan sa kaniyang pag-unlad o paglago. Ito ay lumilitaw sa mga
gawaing nagpapakita ng mainit na pagtanggap at pag-aaruga na ginagawa sa isa’t isa.
Mahalagang maunawaan na ang pag-aalaga ay hindi nangangahulugan ng paggamit sa
isang tao upang matugunan ang sariling pangangailangan. Hindi ito nararapat na ihalintulad
sa pag-aalaga ng isang magulang sa kaniyang maliit na anak. Maging ang ganitong pag-
aalaga ng magulang ay nasusuklian sa panahong ang magulang naman ang mangailangan
ng pag-aalaga ng kaniyang anak.
20
Ang pag-aalaga ay proseso ng pagtulong sa kaibigan na siya ay lumago at makamit
ang kaniyang kaganapan at hindi upang siya ay sanaying maging palaasa. Halimbawa,
kapag hindi mainam ang situwasyon para sa isang kaibigan, kapag mababa ang
pagpapahalaga sa sarili, nariyan ang kaibigan upang tulungan siyang maitaas ito;
kapag labis ang lungkot at dalamhati ng isa dapat nariyan ang kaibigan upang siya ay
pasayahin.
4. Katapatan – Ang katapatan sa pagkakaibigan ay hindi nangangahulugan ng ganap na
pagbubukas ng sarili sa kaibigan. Ang katapatan ay hindi nararapat na sumasalungat sa
pagiging pribado ng buhay ng isang tao. Maaaring mapanatiling pribado ang buhay ng isang
tao kung ito ay kaniyang nanaisin. May mga pagkakataon kasi na nagagamit ang negatibong
katangian o karanasang pinagdaanan na naikuwento sa isang kaibigan upang sirain ang
isang tao sa pagkakataong ang magkaibigan ay maghiwalay dahil sa hindi
pagkakaunawaan. Kung kaya mahalagang maingatan sa sarili ang ilang bahagi ng kaniyang
buhay. Ang katapatan sa magkakaibigan ay may kalakip na kapwa pagbabahagi ng mga
hangarin o pananaw tungkol sa pagkakaibigan. Ang matapat na pagkakaibigan ay may
pahintulot na masabi sa isa’t isa ang kanilang tunay na niloloob na hindi mabibigyan ng hindi
magandang kahulugan. Nagiging suliranin minsan ang pagtatakip sa katotohanan dahil
lamang sa takot na ang kabigan ay masaktan. Mas doble ang sakit na maidudulot ng
pagtalikod na ito sa katapatan.

5. Kakayahang mag-alaga ng lihim (confidentiality) at pagiging tapat (loyalty). Ang


isang tunay na kaibigan ay nakahandang ingatan ang lihim ng isa pa. Mahalaga ito upang
tunay na makuha ang tiwala ng isang kaibigan. Hindi mahuhubog ang pagkakaibigan kung
wala nito. Tunay na iingatan ng isang tao ang isang kaibigang may pagtitimpi na ibahagi sa
kapwa ang mga bagay na alam nyang nararapat na manatili lamang sa kaniya dahil siya ay
pinagkatiwalaan. Ang pagiging tapat naman sa kabilang dako ay nangangahulugang
pagiging handa na ipaglaban ang kaibigan at ang pagkakaibigan at pananatili sa tabi ng
kaibigan kahit pa ang lahat ay tumatalikod sa kanya. May mga pagkakataong darating sa
buhay ng isang tao na hindi siya magiging katanggap-tanggap sa marami. Halimbawa, ang
isang bata na anak ng isang taong nasa bilangguan dahil sa isang krimen ay kinukundena
ng ibang tao. Nilalayuan dahil sa situwasyon hindi naman siya ang nasasadlak. Ang tunay
na kaibigan ay lumalapit lalo na sa panahong ang lahat ay lumalayo.

6. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba (empathy). Ang pag-unawa ay


nangangahulugang pagpasok sa isipan ng isa’t isa. Ito ay nangangailangan ng malinaw na
komunikasyon o ugnayan. Madalas na tayo ang naglalagay ng salita sa bibig ng iba kung
kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung hindi malalim ang pag-unawa ng tao sa

21
kaniyang kapwa hindi rin lalalim ang kanilang pagkakaibigan. Mas madaling maunawaan
ang isang tao kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kanilang katayuan. Halimbawa, ang isang
taong galit ay maaaring may masabing masasamang salitang maaaring makasakit sa iyong
damdamin. Ngunit kung uunawain na madalas ang taong galit ay may nasasabing hindi
naman nila tunay na nararamdaman at lumilitaw lamang bunsod ng galit, maaari itong
balewalain o palipasin upang hindi lumalim at maging sanhi ng pagkasira ng pagkakaibigan.
Hindi nararapat na magsalubong ang matitinding damdamin. Kailangang matuto ang isa na
manahimik at magtimpi sa panahong ito ay kailangan.

Mahalagang pagsikapan ng lahat na masabuhay ang mga sangkap na


pagkakaibigan na natalakay sa itaas kung tunay na ninanais na magkaroon ng malalim at
pangmatagalang pagkakaibigan. Ang pagbuo ng pagkakaibigan ay hindi medaling proseso,
maraming mga pagsubok ang daraan, maraming mga suliranin ang kailangang harapin at
maraming mga sakit na mararamdaman.
Isa pang mahalagang sangkap ang kinakailangan upang ganap na makamit ang
tunay at wagas na pagkakaibigan, ito ay ang PAGPAPATAWAD.

PAGPAPATAWAD: Batayan ng Kabutihan at Pagmamahal


Minsan, kahit iniingatan ang magandang ugnayan ng pagkakaibigan dumadating sa
punto ng hindi pagkakaunawaan. Sumasang-ayon ka ba dito? Sabi nga ni George
Washington, “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matitinding
pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan.” Hindi
nga natin makikilala nang lubos ang mga kaibigan kung hindi natin mararanasan ang ilang
krisis kaugnay sa pakikipagkakaibigan. Lahat ay nagkakamali. Ang paghingi ng
kapatawaran ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang tao. Kailangan ang lakas ng loob
sa pag-amin ng kamalian. Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa
katotohanan, handang ipakita ang kababaang-loob at magpatawad. Sapagkat nararapat
lamang na sabihin at tanggapin na ang isa sa atin ay nagkamali, makabubuti sa
pakiramdam na malaman natin na ang isang kaibigan ay may pagnanais na maiayos at
mapanatili ang binuong pagkakaibigan sa matagal na panahon.
Tandaan na mahalagang magkaroon ng kaisahan ang puso ng magkaibigan na
makikita sa pagkakaroong ng kaisahan (harmony) ng kanilang pag-iisip sa maingat na pag-
aalaga sa isa’t isa, ngunit ang pagkakaroon ng kaisahan ng puso ay nangangailangan ng
kakayahang maibalik ang ibinibigay ng kapwa (reciprocity). Maaring magmahal ang tao na
hindi naghihintay ng kapalit, ito ang tunay na kailangan upang masabing walang kondisyon
ang pagmamahal na ibinibigay. Ngunit upang matawag mong kaibigan ang isang tao
kailangang kinikilala ka ring kaibigan ng taong ito, kung iisa lamang ang nagmamahal,

22
hihinto ang pagkakaibigan. Minamahal natin ang ating kaibigan katulad ng pagmamahal
natin sa ating sarili ngunit hindi nararapat na mas mataas pa o mas mababa pa rito. Ang
pagtingin sa tunay na pagkakaibgian ay hindi tumitingala o yumuko sa kaibigan, tinitingnan
mo siya at kayo ay nakatingin sa iisang direksyon, patungo sa kabutihan; gamit ang
kabutihan at pagmamahal ng Diyos bilang gabay.
Kaibigan, handa ka na bang maglakbay patungo sa malalim at makabuluhang
pagkakaibigan?

Pagyamanin

Tayahin ang inyong pag-uunawa.

1. Ano ang tunay at malalim na kahulugan ng pakikipagkaibigan?

2. Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?

3. Ano-ano ang uri ng pagkakaibigan at katangian ng mga ito? Ipaliwanag

23
4. Paano mapaunlad ng pagkakaibigan ang pagkatao? Ang pakikipagkapwa? Ang
lipunan?

5. Paano makabubuo ng tunay at malalim na pagkakaibigan?

6. Ano ang nararapat na pinakamahalagang layunin sa pakikipagkaibigan?

24
Isaisip

Buuhin ang Konsepto


____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
_________________________

Ang pagkakaibigan ay

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
_________________________

Ang pagpapatawad ay
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

25
Isagawa

GAWAIN 1

Friendship Chain Banderetas

1. Gumupit ng nakahugis banderetas sa isang buoung papel.Maaring ring


gamitin ang mga makukulay na papel o colored paper.
2. Magtala sa isang Papel ng lahat ng mga pagkatuto sa aralin tungkol sa
pagkakaibigan.
Gamitin ang mga gabay na tanong:
a. Ano ang mga natutuhan tungkol sa tunay at malalim na kahulugan ng
pagkakaibigan?
b. Ano ang mga natutuhang pamamaraan sa pagpapaunlad ng
pagkakaibigan?
c. Ano ang mga natutuhang tulong ng pagkakaibigan sa sariling pag-unlad,
sa pag-unlad ng kapwa at ng lipunan?
3. Matapos ay isulat ang mga ito nang isa-isa sa mga piraso ng papel na ginupit.
Tiyaking isang knosepto lamang ang nilalaman ng isang papel.
4. Pagkatapos ay gumamit ng glue o stapler upang mapagdugtong-dugtong ang
mga piraso ng papel upang maging isang chain.
5. Tiyaking ang mga nakalabas na bahagi ay yaong may nakasulat na konsepto.

GAWAIN 2

Recipe para sa Pagkakaibigan

4 na tasa ng pagmamahal
1. Gumawa ng sariling recipe ng 2 tasa ng katapatan
3 tasa ng pagpapatawad
Pagkakaibigan. Itala rito ang 1 tasa ng pagkakaibigan
mga mahahalagang sangkap na kailangan 6 kutsara ng pag-asa
2 kutsara ng lambing
upang maging malalim at makabuluhan ang Isang bariles ng tawanan
pagkakaibigan. Walang limitasyon sigla at pag-unawa

Paghalu-haluin ng mabuti ang lahat ng mga


sangkap.

Gamitin ng panghabang buhay sa lahat ng


mga makakasama.
26
2. Gamitin ang mga terminolohiya na ginagamit sa mga recipe, katulad ng : isang tasa, isang
kilo, isang kutsara at iba pa.

3. Ito ay inihandang halimbawa para sa iyo.


4. Ibahagi ang nagawang recipe sa networking site o kaya naman ay sa diyaryo ng paaralan.
Maaari rin naman gumawa ng maraming kopya nito at ibigay sa lahat ng mga kakilala.

Buod

Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa katotohanan, handing


ipakita ang kababaang-loob at magpatawad. Sapagkat nararapat lamang na sabihin
at tanggapin na ang isa sa atin ay nagkamali, makabubuti sa pakiramdam na
malaman natin na ang isang kaibigan ay may pagnanais na maiayos at mapanatili
ang binuong pagkakaibigan sa matagal na panahon.

Pagtatasa: (Post-Test)

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay ang tatlong uri ng kaibigan ayon kay Aristotle maliban sa:
a. Kaibigan kita dahil….kailangan kita
b. Kaibigan kita dahil masay kang kasam o kausap
c. Kaibigan kita dahil sa nabuong pagka gusto at paggalang sa isa’t isa
d. Ito ay sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang
pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
2. Alin sa mga uri ng pagkakaibigan ang mas tumatagal at mas may kabuluhan?
a. Kaibigan kita dahil….kailangan kita
b. Kaibigan kita dahil masay kang kasam o kausap
c. Kaibigan kita dahil sa nabuong pagka gusto at paggalang sa isa’t isa
d. Ito ay sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang
pagkatao sa kaniyang sariling pananaw

27
3Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng
malalim na pagkakaibigan?
a. pagpapayaman ng pagkatao
b. simpleng ugnayang interpersonal
c. pagpapunlad ng mga kakayahan
d. pagpapabuti ng personalidad
4. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa
a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili
b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal sa intensyon ng tulong o
pabor na makukuha sa iba
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang
ugnayan sa pangmatagalang panahon
d. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa
taong naniniwala at nagtitiwala sa atin

5. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?


a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
b. dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na
pagdanas dito
c. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili
sa kapwa
d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa

Para sa bilang 7-10. Hanapin sa Column B ang akma na sagot sa Column A


Coumn A Coulmn B

6. Sangkap ng Pakikipagkaibigan a. Fabric ofFriendship


7. Pagbibigay ng Panahon upang pisikal b. Heart of Friendship
na magkasama c. empathy
8. Paglalagay ng iyong sarili sa kanyang katayuan d. katapatan
9. Pagtitimpi na ibahagi ang mga lihim na bagay e. Confidentiality
f. Presensiya
10. Ganap na pagbabahagi sa isa’isa sa tunay na
niloob

28
Key to Answers

1.. d.
2. c.
3. b
4. b.
5. c
6. b
7. f
8. c
9. e
10. d

29
Sanggunian:

Agapay, R.B. (2008). Ethics and the Filipino second edition.Mandaluyong City Philippines:
National Book Store.

Babor, E. R. (2006). Ethics the philosophical discipline of actionupdated edition. Manila


Philippines: Rex Book Store Inc.

Corpuz, R. M. et al. (2007). Ethics: standard of human conduct.Intramuros Manila


Philippines: Mindshaper’s Co. Inc.

Gomez, F.O.P. (1991). Social ethics: doctrine and life.Manila Philippines: Social Research
Center and UST Press.
Isaacs, David. (2001). Character Building. Portland Oregon. Four Courts Press.

Mc Ginnis, A.L. (2000). The friendship factor. Diliman Quezon CityPhilippines : Kadena
Books Claretian Publications Inc.

Montemayor F. M. (2008). Ethics: the philosophy of life.MandaluyongCity Philippines:


National Book Store.

Pogrebin, L.C. (1987). Among friends. California USA:Mc Graw – Hill Book Company.

Reyes, R. C. (2009). Ground and norm of morality.Loyola Height Quezon City, Philipppines :
Ateneo de Manila University Press.

Ilang Konseptong Ibinatay sa Web:

http://www.gradesaver.com/aristotles-ethics/study-guide/section8/
http://www41.homepage.villanova.edu/donald.burt/friendship/04.htm
http://www.canlearn.com/guides/5-5139.pdf

Music Video:

Friendship Song - Bruno Mars | COUNT ON ME ( Lyric Video)


https://www.youtube.com/watch?v=PVDiQcJwoIQ
https://www.teacherplanet.com/content/friendship

30
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Department of Education – Division of Gingoog City


Office Address: Brgy. 23,NationalHighway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

You might also like