You are on page 1of 2

Makataong Kilos

Pagrespesto sa mga desisyon ng ibang tao at intindihin ang mga desisyon nila sakanilang buhay
wag hayaan mo sila sa kanilang ginagawa hanggang wala silang masama na gagawin. Pagtulong sa mga
kapwa taong nangangailangan wag silang pababayaan sa ano mang oras ng kahirapan nila sa buhay
suportahan sila hanggang makahaon. Pag papalaganap ng mga salita ng Diyos para alam nilang may
makakatulong pa sakanila bukod sayo at matutulungan mo rin silang linisin ang kanilang kaluluwa. Pag
bawalan ang mga taong nakikita mo na gumagawa ng masama wag silang kunsintihin para di nila ituloy
ang ginagawa nila. Maging mapagbigay sa mga taong humihingi saiyo wag maging madamot, wag
ipagdamot ang mga biyayang nakukuha para di rin maging madamot ang biyaya saiyo. Magpakumbaba
para maraming bata na gumaya sayo para di sila maging mayabang at mapalapit sa anomang uri ng
away at di sila maging mapagmalaki sa kapwa nila. Maging malasakit sa kapwa mo na nahihirapan sa
buhay nila wag mong iparamdam sakanila na wala silang kasama sa hirap at tulungan sila. Pagrespeto sa
kaninumang tao para irespeto ka nila. Sundin ang mga utos ng Diyos satin. Wag labagin ang batas para
maging maayos ang kapiligiran. Wag magtapon ng mga basura sa kalikasan para di masira ang kalikasan,
wag magkalat sa kalye para mapadali ang trabaho ng ibang tao. Galangin ang mga nakakatanda sayo lalo
na ang mga kapatid,magulang at iba pang mamalapit sa buhay mo. Pahalagahan ang mga taong
nakapaligid sayo para meron kang mahingian ng tulong kapag ikaw naman ang nangangailan non. Wag
maging mainggitin para wala kang naiisip na kasamaan sa iyong isip. Wag mong sirain ang mga katauhan
ng isang tao sa isa pang tao para di nila inisan ang isa’t isa. Wag ipagkalat ang mga sikreto ng mga taong
pinagkatiwalaan ka. wag maging makasarali upang mabigyan mo ng halaga ang kapwa mo tao. Maging
patas sa mga taong minamahal mo upang walang nagkakainggitan sakanila. Magobserva sa paligid at
tulungan ang kaya mong tulungan, wag ipagdamot ang biyayang bigay sayo ng Diyos. Magpakatotoo sa
anumang uri ng Gawain at sa mga taong kumakausap sayo. Wag magsinungaling upang maiwasan ang
dudahan at pagkawala ng tiwala sa isa’t isa. Wag magselos sa kanina man at matutung pahalagahan ang
mga nakukuha mo para maiwasan ang pagkainggit. Wag maging marupok sa mga taong kilala mong
pinaplastik ka lang. wag mong traydurin ang mga taong nagtitiwala sayo. Maging seryoso sa usapan at
wag pagtawanan ang mga taong nasira ang buhay. Palaging tumingin sa bright side upang hindi mapuno
ng kadiliman ang buhay mo. Maging matalino sa mga desisyon na gagawin mo pagisipan ng mabuti para
di magsisi sa huli. Wag manglait ng kapwa tao upang di sila para di bumaba ang confidence nila. Wag
sagut sagutin ang mga magulang upang maiwasan ang gulo sumagot kalang kapag hindi na tama ang
sinasabi nila upang magbigay ka ng opinion mo. Bigyan ng oras ang sarili para di maboring. Ituro ang
mga nalalaman mong mabubuting Gawain para maipasa ito sa maraming tao. Wag ikahiya ang mga
magulang dahil sila lang ang mga taong nandiyan sayo at gabayan ka sa iyong paglalakbay at tutulong
sayo kapag nangangailangan ka ng advice. Wag magpakalat ng di totoong balita para walang
nagtsitsismisan sa labas ng bahay nyo. Maging gentleman upang maayos ang lugar na kinagagalawan
mo. Wag kasanayan ang pakikinig sa usapan ng iba bigyan sila ng privacy. Maging active sa mga
paglilingkod sa Diyos. Wag bastusin ang mga nakakasalamuhang tao para di bumalik saiyo ang pang
babastos mo sakanila. Wag iwan ang mga taong nagmamahal sayo para di ka masaktan. Maging
masiyahin upang kumalat ito sa mundo dahil maraming taong nalulungkot sa panahon ngayon. Maging
mature ang pagiisip upang maintindihan ang mga bagay bagay na nangyayari sa mundong
kinagagalawan mo. Wag isipin na wala kang kwenta dahil lahat ng tao sa mundo ay may kwenta.
Gumawa ng magagandang Gawain para may mainspired kang tao at gayahin iyon. Wag makisali sa gulo
ng iba para di ka nadadamay sa mga yon. Alamin ang mga bagay bagay bago magbigay ng iyong opinion.
Wag kainisan ang mga taong nakakagawa ng mali sayo bagkus patawarin mo na lang sila kahit di sila
humihingi ng tawad saiyo. Maging mabait upang di nasisira ang imahe mo sa ibang tao.

You might also like