You are on page 1of 38

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
GRADE 4
Kaalama’y Pagsikapan Tungo sa Magandang
Kinabukasan

Quarter 1 Week 3 Module 3


Most Essential Learning Competencies:
… distinguishes aurally and visually between sound and silence
…relates visual images to sound and silence using quarter note
, beamed eighth notes and quarter rest in a rhythmic pattern

… discusses the rich variety of cultural communities in the


Philippines and their uniqueness (1.1 LUZON- Ivatan, Ifugao,
Kalkminga, Bontok, Gaddang, Agta 1.2 VISAYAS – Ati 1.3
MINDANAO-Badjao, Mangyan,Samal, Yakan, Ubanon, Manobo,
Higaonon, Talaandig, Matigsalog, Bilaan, T’boli, Tiruray,
Mansaka, Tausug) and the distinctive characteristics of these
cultural communities in terms of attire, body accessories, religious
practices, and lifestyles.

…assesses regularly participation in physical activities based on


physical activity pyramid

… analyzes the nutritional value of two or more products


by comparing the information in their food label
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na
ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga


bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan
ng aralin.
2. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan
pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga
dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

{1}
Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Ano ang ginagamit upang mapangkat ang mga nota at pahinga?
A. duple C. limguhit
B. bar line D. ritmo
2
2. Ilan ang bilang ng kumpas ng palakumpasan 4?
A. tatluhan C. isahan
B. dalawahan D. apatan
3. Paano nabuo ang hulwarang ritmo sa bawat sukat?
A. Sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga nota at
pahinga.
B. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga nota at
pahinga na naaayon sa katumbas na bilang ng kumpas.
C. Sa pamamagitan ng kumpas ng awit.
D. Sa pamamagitan ng pinagsama samang simbolo na
nagpapahayag ng bilang ng kumpas.
4. Sa anong sining kilala ang mga Yakan na ginagamitan nila ng
hibla ng pinya at abaka bilang pangunahing materyales?
A. pagsayaw C. pagpipinta
B. paglalala D. pag-awit
5. Anong kagamitan ng pangkat-etnikong T’boli ang gawa sa mga
hibla ng abaka?
A. sarong C. t’nalak
B. sibat D. sulo
6. Ano ang pagkakapare-pareho ng mga disenyong kultural sa
Mindanao?
A. linya, kulay, hugis C. linya, porma, ganda
B. kulay, tekstura D. manipis, linya
7. Sinusubok nito ang kakayahang matagalan ang isang gawain
mula sa katamtaman hanggang sa mataas na antas ng kahirapan
at pinabibilis ng pintig ng puso na naayon sa itinakdang oras.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups

{2}
8. Gawaing naglilinang ng muscular strength o lakas ng kalamnan
sa braso at dibdib sa patuloy na pag-angat.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups
9. Gawaing naglilinang ng speed dahil sa pagsubok ng bilis ng
pagtakbo patungo sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.
A. Push up C. 50 Meter run
B. Partial curl ups D. Stork stand test
10. Ano ang tawag sa kumpletong listahan ng mga sustansyang
makukuha sa produkto?
A. Food Web C. Food Groups
B. Food Labels D. Nutrition Facts
11. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa nutrition
facts?
A. Upang malaman ang lasa.
B. Upang malaman natin kung kailan ito ginawa.
C. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin.
D. Upang malaman ang mga nutrisyong makukuha rito.
12. Ang mga sumusunod ay mga impormasyong nakalimbag sa
nutrition facts maliban sa isa.
A. Protein C. Warning
B. Carbohydrates D. Vitamins and Minerals

Mahusay, natapos mong sagutan ang mga tanong.

Maaari ng abisuhan ang guro na ikaw ay tapos na.

Binabati kita at ipagpatuloy mo lang ang magandang panimula!

{3}
MUSIKA 4
ARALIN 3: Ang ibat- ibang Kahulugan ng Hulwarang
Ritmo ayon sa Palakumpasang 2
4

Inaasahan
Sa araling ito bibigyang pansin ang iba’t ibang nota at
pahinga.
Natutukoy ang iba’t-ibang kahulugan ng hulwarang
ritmo ayon sa palakumpasang 2.
4

Balik-tanaw
Panuto: Kilalanin ang mga nota at pahinga at isulat sa patlang
ang bilang ng kumpas kung dalawahan, tatluhan o apatan.

1. _____________

2. _____________

3. _____________

4. _____________

5. _____________
LM- MUSIKA 4- DepEd

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ano ang palakumpasan na nasa dalawahan?
Ang 2 ay may palakumpasan na dalawahan ang bilang ng
4

kumpas. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o galaw na


pang martsa. Ang bilang nito ay 1-2│1-2│1-2│.
Napapangkat ang mga bilang na ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng barline.

{4}
Suriin ang makikita sa bawat sukat sa palakumpasan 2
4
Ilan ang bilang ng bawat sukat?

https://brainly.ph/question/214723
https://www.google.com/search?q=2/4+time+signature&sxsrf=ALeKk022sl1mgPUyz2eoEvzQ2tuNDdC-
Uw:1592619803973&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiD87WNq4_qAhXSf

Gawain
I. Tingnan ang iskor ng awiting Baby Seeds.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ilang sukat mayroon ang awit?
Sagot: ___________________________________
__________________________________________
2. Ano-anong mga simbolo ng musika ang
nasa loob ng mga sukat? https://www.google.com/search?q=baby+seed+clip+art&sxs

Sagot: __________________________________ rf=ALeKk02MmFqlrHPJ9ry7ykz9eIJ4TW_yxg:1592620693153


&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi0k7W1ro_q

_________________________________________ AhVU_GEKHUmHAsQQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih
=657#imgrc=2ebzrvyquqNtQM&imgdii=avfL4KZ-QdJHuM

3. Tukuyin ang mga nota at pahinga na


ginamit sa awitin.
Sagot: __________________________________
_________________________________________
4. Paano nabuo ang mga sukat?
Sagot: __________________________________
_________________________________________
5. Ano ang palakumpasan ng “Baby Seeds”?
Sagot: __________________________________
_________________________________________
https://www.google.com/search?q=baby+seed+clip+art&s
xsrf=ALeKk02MmFqlrHPJ9ry7ykz9eIJ4TW_yxg:15926206
93153&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi0k7
W1ro_qAhVU_GEKHUmHAsQQ_AUoAXoECAsQAw&biw=
1366&bih=657#imgrc=2ebzrvyquqNtQM&imgdii=avfL4KZ-
QdJHuM

{5}
DepEd Teacher’s Guide p. 12/DepEd Learner’s Material p. 13

II. Suriin ang iskor ng awiting “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop


na salita ang bawat hulwarang ritmo.

1. _____________, __________, _________

2. ______________, __________, _________

3. ____________, __________, __________

4. _____________, __________, _________


DepEd Teacher’s Guide/DepEd Learner’s Material

Tandaan

Ang hulwarang ritmo ay ang pinagsama-samang nota at pahinga


na naaayon sa isang nakatakdang 2 palakumpasan.
4

{6}
Pag-alam sa mga Natutuhan

Ipalakpak o itapik ang mga note at rest ng


clipart.clap clipart.student

bawat hulwarang ritmo na may palakumpasan 2.


4

https://www.google.com/search?q=rhythmic+pattern+2%2F4+time+signature+worksheet&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJho6WtI_qAhU4xIsBHZTOAu
IQ2-cCegQIABAA&oq=rh&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIIxAnMgQIIxA

Pangkatin ang mga nota gamit ang barline ayon sa palakumpasan


2 at batay sa tamang bigkas ng mga salita.
4

Halimbawa: Sagot:

1. _________________

2. _________________
DepEd Teacher’s Guide/DepEd Learner’s Material

{7}
SINING 4
ARALIN 3: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa
Mindanao
Inaasahan
Makikilala mo ang Mga Disenyo sa Kultural na
Pamayanan sa Mindanao. Ang modyul na ito ay
makakatulong sa iyo upang:
 Makilala ang kahalagahan ng mga kultural na
pamayanan sa Mindanao.
 Mailarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa
Mindanao ayon sa uri ng kanilang pananamit,
palamuti sa katawan, at kaugalian tulad ng Maranao,
Yakan, at T’boli.
 Makalikha ng isang likhang-sining na ginagamitan ng
mga disenyo ng Mindanao.

Halina’t umpisahan na natin ang paglalakbay patungo sa bagong kaalaman na


hatid ng ating aralin ngayong araw!

Balik-tanaw
Panuto: Tingnan ang bawat larawan sa ibaba. Tukuyin kung sa
LUZON, sa VISAYAS, o sa MINDANAO matatagpuan ang mga
kagamitang ito. Isulat ito sa loob ng kahon.

1.

https://www.facebook.com/TubunganBukidnonProject/phot
os/a.495730150521407/962960093798408/?type=3&theater

2.

https://cnnphilippines.com/life/culture/2017/06/27/mindanao-weaves.html

{8}
3.

https://angbatangpinoy.wordpress.com/2018/11/10/obra-ng-gaddang/#jp-
carousel-174

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang Disenyong Kultural ng mga Pamayanan sa Mindanao

Ang Pilipinas ay isang bansang hitik na hitik sa kultura. Ito

ay nagpapakita sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na

makasining, tradisyon, at mga kaugalian.

Marami sa mga katutubong disenyo sa bansa malikhaing

gawa ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao. Kilala silang

mga dalubhasa sa mga ito. Ilan sa kanilang mga gawa ay mga

damit, banig, hikaw, kuwintas, maliliit na kampanilya, placemat,

table runner, wall décor, at marami pang iba. Lahat ng mga ito ay

ginagamitan ng iba’t ibang hugis, kulay, at linya.

Tingnan ang larawan sa ibaba. Ito ay ilan sa kanilang

kilalang produkto sa Mindanao.

https://mataidmindanao.wordpress.com/201
8/01/30/maguindanao-celebrates-textile- https://www.pinterest.ph/
tradition-in-a-festival/ pin/245164773439127442/
https://aboutphilippines.org/file
s/tboli-120820072202-
phpapp01.pdf {9}
Suriin natin ang mga sumusunod na katutubong disenyo na

gawa ng mga pangkat-etniko sa Mindanao.

MARANAO

Ang mga Maranao ay nakatira

sa Lawa ng Lanao – Lanao del Sur,

Lanao del Norte, Lungsod ng

Marawi, at Lungsod ng Iligan.

Nananatili pa rin ang kanilang mga


https://cnnphilippines.com/life/culture/2017/06/27/
mindanao-weaves.html
gawang ukit, damit, at banig, at sa Landap Binaning, habi ng mga Maranao

kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.

Ang Landap ay maituturing na pinakanatatanging malong

dahil sa isa hanggang dalawang solidong kulay nito. Ang

Sarimanok ay isang pangunahing pigura sa sining ng Maranao, sa

kabila ng pagbabawal sa Islam sa paggamit ng isang

representasyon.

T’BOLI

Ang mga T’boli ay

matatagpuan sa Lake Sebu sa

Cotabato. https://en.wikipedia.org/wiki/T%27nalak#/media/File:USAID_Measuri
ng_Impact_Conservation_Enterprise_Retrospective_(Philippines;_K
alahan_Educational_Foundation)_(40246611432).jpg

Gumagawa sila ng tela para sa damit na t’nalak na hinahabi

mula sa hibla ng abaka. Ang may tatlong kulay – deep reddish

brown, itim, at puti.

{10}
Naniniwala sila na ang mga disenyo na para sa t’nalak ay

nagmula sa pangarap ng manghahabi at ang diwa ni Fu Dalo

(tagapangalaga ng mga disenyo ng t’nalak) ay naninirahan dito sa

pagsisimula ng paggawa nito.

YAKAN

https://cnnphilippines.com/life/culture/2017/06/27/mindanao-weaves.html

Seputanga, isinusuot ng mga Yakan ito sa Tennun bunga sama, isang uri ng kanilang tela
kanilang ulo na may burdang sawa

Ang mga Yakan ay ang pangunahing pangkat ng mga Muslim sa

Basilan. Sila ay kilala sa paglalala na ginagamitan nila ng mga

halaman at prutas tulad ng pinya at abaka. Gumagamit din sila

ng mga dagta ng dahoon, ugat, at sanga bilang pangkulay.

Sila rin ay nagtitina ng mga hibla na may iba’t ibang kulay at

disenyo. Lahat ng mga gawang tela ng mga Yakan ay may

kakaibang disenyo at kulay tulad ng table runner, placemat, wall

décor, at iba pa.

Ano nga ba ang pagkakapare-pareho ng mga disenyong

kultural sa Mindanao?

Gawain

{11}
Ngayon ay guguhit tayo ng sariling disenyo ng Seputangan na
gawa ng mga Yakan.

PAGDISENYO NG SARILING SEPUTANGAN NG YAKAN

Kagamitan: bond paper, lapis at pambura, makukulay na marker o krayola

MGA HAKBANG:

1. Gamit ang mga hugis at linya, bumuo ng isang Yakan pattern

sa inyong bond paper. Lagyan ito ng kulay upang lalo pa

itong mapaganda.

2. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng 10 minuto.

Tandaan

 Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Mindanao ay

makikita sa kanilang mga kagamitan at kasuotan na

ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay, at hugis.

 Ang mga ito ay hango sa kalikasan at sa kapaligiran tulad ng

hayop, dahon, bundok, araw, at bituin.

{12}
Pag-alam sa mga Natutuhan

DISENYO SA CONSTRUCTION PAPER

Kagamitan: cotton buds, chlorine, construction paper

MGA HAKBANG:

1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin.

2. Umisip ng disenyo ng mga kultural na pamayanan sa

Mindanao tulad ng Maranao, Yakan, at T’boli. Maaari ding

gumamit ng sariling disenyo na ginagamitan ng iba’t ibang

hugis, kulay, at linya.

3. Isawsaw ang cotton buds sa chlorine. Marahan itong ipahid

sa colored construction paper. Maaaring humingi ng tulong

sa nakatatanda para sa hakbang na ito upang maiwasan ang

disgrasya sa paggamit ng chlorine.

4. Maingat na ipahid ang chlorine sa construction paper upang

hindi ito mapunit.

5. Patuyuin muna nang ilang minuto ang ginawang likhang-

sining.

6. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng 15 minuto.

{13}
Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: __________
________________________

Pamagat

{14}
EDUKASYONG PANGKATAWAN 4
ARALIN 3: Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical
Fitness (Pre- Test) Unang Araw ng Pagsubok
Inaasahan
Sa araling ito masusubok ang iyong kakayahan at
kaalaman sa Physical Fitness at mga sangkap nito. May
susundang pamamaraan at sasagutang Physical Fitness Card
na pagbabatayan ng estado ng iyong physical health.

Balik-tanaw

Panuto: Basahin nang maigi ang bawat pangungusap. Isulat sa


activity notebook ang titik ng tamang sagot.
1. Reaction Time: Ruler Drop Test, Power: ___________
A. Sit and Reach C. Vertical Jump
B. Sit-up D. Push-up

2. Sa tuwing ginagawa ang sit and reach inuunat natin ang ating
braso at likuran. Anong component ng health-related fitness
ang ipinapakita nito?
A. Muscular Endurance C. Reaction Time
B. Flexibilty D. Skill-related

3. Kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng mabilis: Agility,


Kakayahan ng iba’t ibang bahagi ng katawan na kumilos ng
sabay-sabay: _________________
A. Muscular Strength C. Power
B. Coordination D. Skill-related

4. Ang push-up ay isang gawaing naglilinang ng kakayahan ng


ating kalamnan (muscle) na makapaglabas ng puwersa o buhos
ng lakas. Anong Health-related component ang sinusubok nito?
A. Muscular Strength C. Reaction Time
B. Coordination D. Power

5. Pagpukol ng bola: Power, Pag-iwas sa taya: _________


A. Muscular Endurance C. Reaction Time
B. Balance D. Skill-related

{15}
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Ang Physical Fitness card ay magsisilbing talaan ng iyong
mga iskor sa mga mga gawain ipapagawa sa araw na ito. Ito ay
magiging gabay upang makita mo ang iyong pag-unlad sa bawat
pagsubok sa katapusan ng taon. Isalin ang Physical Fitness card
sa iyong kuwaderno.

DepEd, LM - EDUKASYONG PANGKATAWAN 4

3 Minute Step-Test

Gawaing naglilinang ng Cardiovascular Endurance dahil


sinusubok nito ang kakayahang matagalan ang isang gawain mula
sa katamtaman hanggang sa mataas na antas ng kahirapan at
pinabibilis ng pintig ng puso na naayon sa itinakdang oras.
Damhin ang iyong pulso sa pamamagitan ng dahan dahang
paghaplos sa iyong pulsuhan o sa may leeg sa ilalim ng panga
gamit ang iyong hintuturo at gitnang daliri. Labinlimang (15)
segundo ang nilaan para sa gawaing ito.
Sa pag-umpisa ng timer, simulan ding bilangin ang iyong
resting heart rate simula zero kasabay ng paghinto ng pagbilang
ng timer ay ang paghinto din ng iyong pagbilang.

{16}
(Check your pulse, 2020) (Check your Pulse Step 4, 2020)

Sa pag-umpisa ng timer, simulan ding bilangin ang iyong


resting heart rate simula zero kasabay ng paghinto ng pagbilang
ng timer ay ang paghinto din ng iyong pagbilang.
Ilan ang iyong nabilang? Isulat ang resulta sa talaan ng
iskor.
Kagamitan:
Tungtungan, upuan o hagdan na may sukat na 8
pulgada (inches)
Pamamaraan:
1. Ihakbang ang kanang paa pataas sa tungtungan,
isunod ding ihakbang ang kaliwang paa.
2. Matapos ay ihakbang pababa ang kanang paa at isunod
ang kaliwa.
3. Ulitin ang proseso sa loob ng tatlong minuto.

(Step up fitness test, 2020)

Muling damhin ang iyong pulsuhan, sa loob ng labinlimang


(15) segundo ay bilangin ang pintig na iyong madarama. Isulat
muli ang resulta sa iyong talaan ng iskor.

{17}
Partial Curl Up
Gawaing naglilinang sa muscular endurance o tatag ng
kalamnan sa tiyan dahil sa patuloy na pag-angat
Pamamaraan:
1. Humiga na nakabaluktot ang tuhod, nakatuwid ang
braso habang ang mga kamay ay nasa hita.

2. Dahan-dahang iangat ang ulo at at ang iyong likod


upang maabot ng iyong kamay ang iyong tuhod.

3. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakahiga. Ulitin ang


buong proseso.

4. Bilangin ang iyong pag-angat sa loob ng isang minuto.


Isulat ang iyong nabilang sa talaan ng iskor.

{18}
Push up
Gawaing naglilinang ng muscular strength o lakas ng
kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy na pag-angat
Pamamaraan:
1. Dumapa sa sahig na nakatukod ang dalawang kamay
na nakapantay sa balikat.

2. Iunat ang iyong braso at ituwid ang buong katawan.

3. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang katawan


at lumapit ang iyong dibdib sa sahig.

{19}
4. Iunat muli ang mga braso upang tumaas ang katawan.
Ulitin ang buong proseso hanggang sa abot ng iyong
makakaya.

5. Bilangin kung ilang ulit bumaba ang katawan. Isulat


ang iyong nabilang sa talaan ng iskor.

Stork Stand Test

Gawaing naglilinang ng balance dahil sa kakayahang


panatilihin ang wastong tikas at kapanatagan ng katawan kahit
na gamit ang isang paa lamang.
Pamamaraan:
1. Tumayo ng tuwid. Ilagay ang mga kamay sa baywang.
2. Iangat ang kaliwang paa at ilapat sa kanang tuhod.
3. Tumingkayad gamit ang kanang paa. Sisimulan ang
oras kapag nakatingkayad na ang paa.
4. Ititigil ang oras at gawain kapag (a) natanggal ang
kamay sa baywang (b) naalis ang nakaangat na paa sa
pagkakadikit sa tuhod (c) naalis sa pagkakatingkayad
ang paa o bumuba ng tuluyan ang paa sa
pagkakatingkalad.
5. Isulat ang resulta sa talaan ng iskor.
6. Ulitin ang proseso sa kabilang paa at isulat din ang
resulta o ang oras na nagawa ng maayos ang Gawain.

{20}
50 M Sprint
Gawaing naglilinang ng speed dahil sa pagsubok ng bilis ng
pagtakbo patungo sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.
Pamamaraan:
1. Magtakda ng lugar na may
sukat na 50 metro ang layo.
2. Sa hudyat ay tumakbo ng
mabilis patungo sa dulo ng
itinakdang lugar.
(Speed running, 2020)
3. Sisimulan ang oras kasabay ng
hudyat at ititigil ito kapag nakarating na ang
tumatakbo sa itinakdang lugar.
Isulat ang oras sa talaan ng iskor.
Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Alamin kung
anong sangkap ng physical fitness ang nililinang ng bawat gawain.
1. Mapapansin ang pagbabago ng resting heart rate at pulse
rate pagkatapos gawin ang tatlong (3) minutong step-test.
Hinihingal at bumibilis ang pintig ng puso ang karaniwang
nararamdaman pagkatapos ang step-test. Anong sangkap ng
Physical Fitness ang nililinang nito?
{21}
___________________________

2. Ang 50 meter run ay nagpapakita ng kakayahang makagawa


ng kilos sa maiksing panahon. Anong sangkap ng Physical
Fitness ang nililinang ng gawaing ito?
___________________________

3. Habang ginagawa ang partial curl-up nakakaramdam tayo ng


kaunting pananakit sa kalamnan ng tiyan dahil sa matagal
at paulit-ulit na paggawa ng gawain. Anong sangkap ng
physical fitness ang nililinang ng gawaing ito?
___________________________

4. Ang push-up ay nagpapakita ng kakayahan ng ating


kalamnan (muscle) na makapaglabas ng puwersa o buhos ng
lakas. Anong sangkap ng physical fitness ang nililinang ng
gawaing ito?
___________________________

5. Sa paggawa ng stork stand test nasusubok ang kakayahan


ng ating katawan na mapanatili ang wastong tikas at
kapanatagan habang nakatayo sa isang paa. Anong sangkap
ng Physical Fitness ang nililinang nito?
___________________________
Tandaan

1. Ang Physical Fitness Card ay talaan ng iskor sa mga


pagsubok na nakalaan at gabay sa pag-unlad physical
health ng isang tao.
2. Ang gawain tulad ng 3-minute step test ay sumusubok sa
cardiovascular endurance samantalang ang partial curl-
up naman ay nagpapakita ng muscular endurance.
3. Ang gawaing curl-up ay sumusubok sa muscular
strength.
4. Ang gawaing stork stand test naman ay sumusubok sa
kakayahang mapanatili ang watong tikas at kapanatagan
ng katawan kahit na gamit ang isang paa lamang at ang
50 M Sprint naman ay naglilinang ng speed dahil sa
pagsubok ng bilis patungo sa itinakdang lugar.

{22}
Pag-alam sa mga Natutuhan
Gawain I
Panuto: Isulat ang iyong naramdaman pagkatapos ng mga gawain
sa iyong Fitness Diary.
Ano ang iyong naramdaman pagkatapos gawin ang mga gawain?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain II
Panuto: Basahin nang maigi ang bawat pangungusap. Isulat sa
patlang bago ang bilang kung ano ang isinasaad sa bawat
pangungusap.
________1. Lakas ng kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy na
pag-angat
________2. Pagsubok sa bilis ng pagtakbo patungo sa itinakdang
lugar sa pinakamabilis na oras.
________3. Tatag ng puso sa tuloy-tuloy na paghakbang
________4. Tatag ng kalamnan sa tiyan sa patuloy na pag-angat
________5. Pagbalanse gamit ang isang paa lamang.

{23}
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 4
ARALIN 3: Ang Nutritional Value sa Food Label
Inaasahan
Makikita ang iba’t ibang bahagi ng Nutrition Facts sa Food
Label ng pagkain o inumin. Makatutulong ang modyul na
ito upang:
 matukoy ang bawat bahagi ng Nutrition Facts ng isang
pagkain o inumin;
 maunawaan Nutritional Value ng pagkain o inumin.

Simulan natin.
Mag- isip at gumawa!

Balik-tanaw

Panuto: Pag- aralan at suriin ang pakete ng inumin. Sagutin ang


mga tanong base sa isinasaad ng bawat pangungusap.

Clipart.bread.image, 2020

{24}
Sagutin ang mga tanong:
1. Anong klaseng pagkain ang nasa larawan?
Sagot: ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Anong petsa ang makikita sa pakete ng pagkain?
Sagot: ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Anong klase ng petsa ang makikita sa pakete ng pagkain?
Sagot: ___________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, maaari mo pa bang kainin ang tinapay
sa September 15, 2020?
5. Ipaliwanag ang iyong sagot?
Sagot: ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Isa sa mga mahahalagang nakalimbag sa pakete ng pagkain
ay ang Nutirition Facts. Ito ay makikita sa lahat ng pakete ng
pagkain at inumin.

Isinasaad sa Nutrition Facts ang kumpletong listahan ng


mga sustansiyang makukuha sa produkto.

Ang Nutrition Facts ay isang talaan kung saan nakasaad ang


uri at sukat ng mga sustansiyang makukuha sa pagkaing nasa
loob ng pakete.
Tignan ang mga larawan upang mas maunawaan ang mga
nakasaad sa Nutrition Facts.

{25}
Ang Serving Size ay tumutukoy sa
mungkahing dami ng isang serving
na dapat kainin.
Ang Serving Per Container naman
ay tumutukoy sa kabuuang bilang
ng servings na makukuha sa isang
pakete

Ang calories ay sukat ng


enerhiyang maaaring makuha sa
isang serving ng pagkain nasa
pakete.

Ang Fats ay sukat ng sustansiyang


maaring pagkunan ng enerhiya.

Ang sodium ay isang uri ng


mineral na makukuha sa karne ng
hayop, itlog, gatas, asin at vetsin.

Nutritionfacts, 2020
Ito ay nakatutulong sa
pagbalanse ng timbang ng likido
sa loob ng katawan. Ngunit ang
maraming sodium sa katawan ay
maaring magdulot ng mataas na
presyon.

{26}
Ang carbohydrates ay
pangunahing pinagkukunan ng
enerhiya ng katawan.
Ang dietary fiber ay isang uri na
hindi natutunaw at inilalabas
lang sa katawan ngunit nakalilinis
ng digestive system.
Ang sugar ay isang uri na
nagbibigay na mabilis at
panandaliang enerhiya sa
katawan.
Ang protein ay isa sa mga
“macronutrients” o pangunahing
sustansya na kailangan ng
katawan nang malakihang dami
upang mabuhay.

Ang vitamins at minerals ay


tumutulong sa pagpapanatiling
maayos na mga proseso sa loob ng
ating katawan
Nutritionfacts, 2020

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan
ng tsek (√) sa hanay ng araw kung ang ipinapahayag dito ay totoo
at sa lagyan naman ng tsek (√) sa hanay ng ulap kung hindi.

1. Ang Nutrition Facts ay mga petsa kung


kailan ginawa at kailan masisira ang
pagkain o inumin.
2. Ang sodium ay sukat ng sustansiyang
maaring pagkunan ng enerhiya.

{27}
3. Ang calories ay sukat ng enerhiyang
maaaring makuha sa isang serving ng
pagkain.
4. Ang iron ay tumutukoy sa kabuuang
bilang ng servings na makukuha sa
isang pakete
5. Ang carbohydrates ay pangunahing
pinagkukunan ng enerhiya ng katawan.

Gawain 2
Sagutin ang tanong:
Sa paanong paraan mo malalaman na ang iyong pagkaing
kakainin ay masustansya? Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

Tandaan
Mahalagang basahin at suriin ang mga bagay na
nakalimbag sa pakete ng pagkain o inumin sapagkat dito
nakasalalay ang ating kalusugan.
Ang iba’t ibang bahagi ng Nutrition Facts na makikita
sa pakete ng pagkain o inumin:
- Serving Size - Protein
- Serving Per Container - Vitamins
- Calories - Minerals
- Fats
- Sodium
- Carbohydrates
- Dietary Fats
- Sugar
Pag-alam sa mga Natutuhan

{28}
Panuto: Suriin ang Nutrition Facts at sagutin ang mga tanong.
1. Ilang grams ng serving size ang
mungkahing dami ng pagkain?

Sagot: _______________________________

2. Ilang porsiyento ang kabuuang


bilang ng carbohydrates?

Sagot: _______________________________

3. Ilan ang kabuuang bilang ng


calories?

Sagot: ______________________________

4. Ilan ang bilang ng calories from fat?

Sagot: _______________________________

5. Ilang grams ang kabuuang bilang ng


Nutritionfacts.data, 2020
protein?

Sagot: _______________________________

{29}
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Ano ang ginagamit upang mapangkat ang mga nota at pahinga?
A. duple C. limguhit
B. bar line D. ritmo
2
2. Ilan ang bilang ng kumpas ng palakumpasan 4?
B. tatluhan C. isahan
B. dalawahan D. apatan
3. Paano nabuo ang hulwarang ritmo sa bawat sukat?
A. Sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga nota at
pahinga.
B. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga nota at
pahinga na naaayon sa katumbas na bilang ng kumpas.
C. Sa pamamagitan ng kumpas ng awit.
D. Sa pamamagitan ng pinagsama samang simbolo na
nagpapahayag ng bilang ng kumpas.
4. Sa anong sining kilala ang mga Yakan na ginagamitan nila ng
hibla ng pinya at abaka bilang pangunahing materyales?
A. pagsayaw C. pagpipinta
B. paglalala D. pag-awit
5. Anong kagamitan ng pangkat-etnikong T’boli ang gawa sa mga
hibla ng abaka?
A. sarong C. t’nalak
B. sibat D. sulo
6. Ano ang pagkakapare-pareho ng mga disenyong kultural sa
Mindanao?
C. linya, kulay, hugis C. linya, porma, ganda
D. kulay, tekstura D. manipis, linya
7. Sinusubok nito ang kakayahang matagalan ang isang gawain
mula sa katamtaman hanggang sa mataas na antas ng
kahirapan at pinabibilis ng pintig ng puso na naayon sa
itinakdang oras.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups

{30}
8. Gawaing naglilinang ng muscular strength o lakas ng
kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy na pag-angat.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups
9. Gawaing naglilinang ng speed dahil sa pagsubok ng bilis ng
pagtakbo patungo sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.
A. Push up C. 50 Meter run
B. Partial curl ups D. Stork stand test
10. Ano ang tawag sa kumpletong listahan ng mga sustansyang
makukuha sa produkto?
A. Food Web C. Food Groups
B. Food Labels D. Nutrition Facts
11. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa nutrition
facts?
A. Upang malaman ang lasa.
B. Upang malaman natin kung kailan ito ginawa.
C. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin.
D. Upang malaman ang mga nutrisyong makukuha rito.
12. Ang mga sumusunod ay mga impormasyong nakalimbag sa
nutrition facts maliban sa isa.
A. Protein C. Warning
B. Carbohydrates D. Vitamins and Minerals

{31}
Sanggunian
A. Aklat
Forniz, Grace M., et al. 2015. In Kagamitan ng Mag-aaral, by Grace M., et al.
Forniz, 4-68. Philippines: DepEd-IMCS.

Curriculum Guide in MAPEH 4, DepEd


Learners’ Materials in MAPEH 4, DepEd

Teachers’ Guide in MAPEH 4, DepEd

B. Online Resources
Afro American basketball player about to score vector image. (2020, May 19). Retrieved May 19,
2020, from publicdomainvectors.org: https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Afro-
American-basketball-player-about-to-score-vector-image/20358.html

baseball. (2020, May 22). Retrieved May 22, 2020, from www.clipart.email:
https://www.clipart.email/download/7599509.html

BMI. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from miro.medium.com/:
https://miro.medium.com/max/740/1*C8fW1l6OXSI6KKH1R0_F3w.jpeg

bubble ball round blue. (2020, May 30). Retrieved May 30, 2020, from pixabay.com:
https://pixabay.com/vectors/bubble-soap-bubble-ball-round-blue-1841301/

Callo, L., Camiling, M., Yap, J., Cagulang, J., Doria, J., Deveraturda, E., & Grecia, J. (2015). Physical
Education and Health 10 Learner's Material. Pasig City: Department of Education.

chalk colors paint colorful. (2020, May 29). Retrieved May 29, 2020, from pixabay.com:
https://pixabay.com/vectors/chalk-colors-paint-colorful-2022683/

Check your pulse. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from wikihow.com:
https://www.wikihow.com/Check-Your-Pulse#/Image:Check-Your-Pulse-Step-3-Version-
6.jpg

Check your Pulse Step 4. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from wikihow.com:
https://www.wikihow.com/Check-Your-Pulse#/Image:Check-Your-Pulse-Step-4-Version-
6.jpg

Cipriano, E., Pineda-Limos, A., Solis, R., Fabella, M., Limos, R., & Delos Reyes, G. (2015). The 21st
Century MAPEH in Action. Manila: REX Publishing.

Darilag, A. V. (2009). Enjoy Life with P.E. and Health. Quezon City: SD Publishing, Inc.

dodgeball. (2020, May 30). Retrieved May 30, 2020, from www.kissclipart.com:
https://www.kissclipart.com/esquivar-la-pelota-clipart-dodgeball-clip-art-17azs9/

Fit Friday Sit up. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from hips.hearstapps.com:
https://hips.hearstapps.com/hmg-prod.s3.amazonaws.com/images/766/fitgif-friday-situp-
slider-thumbnail-override-1515520081.gif

football. (2020, May 22). Retrieved May 22, 2020, from www.clipart.email:
https://www.clipart.email/download/1824399.html

{32}
football ball sport soccer round. (2020, May 30). Retrieved May 30, 2020, from pixabay.com:
https://pixabay.com/vectors/football-ball-sport-soccer-round-157930/

Forniz, Grace M., et al. (2015). In G. M. Forniz, Kagamitan ng Mag-aaral (pp. 4-68). Philippines:
DepEd-IMCS.

gari png 2. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from pngimage.net: https://pngimage.net/gari-
png-2/

giphy. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from media.giphy.com:
https://media.giphy.com/media/l3q2M3ZrAhH0mkNdm/giphy.gif

girl kick the ball. (2020, May 22). Retrieved May 22, 2020, from www.clipart.email:
https://www.clipart.email/download/5667747.html

Improve Eye Hand Coordination. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from wikihow.com:
https://www.wikihow.com/Improve-Eye-Hand-Coordination#/Image:Improve-Eye-Hand-
Coordination-Step-3-Version-2.jpg

jump high. (2020, May 22). Retrieved May 22, 2020, from www.clipartmax.com:
https://www.clipartmax.com/middle/m2i8Z5i8N4A0N4N4_moon-leap-jump-high-clipart/

jump higher. (n.d.). Retrieved from www.wikihow.com: https://www.wikihow.com/Jump-Higher-for-


Volleyball#/Image:Jump-Higher-for-Volleyball-Step-1-Version-3.jpg

Jump squat. (2020, May 22). Retrieved May 22, 2020, from www.skimble.com:
https://www.skimble.com/exercises/21553-double-pulse-jump-squat-how-to-do-exercise

kickball. (2020, May 22). Retrieved May 25, 2020, from www.pinterest.ph:
https://www.pinterest.ph/pin/523754631653631791/

Leg Flexibility. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from online.hybridfitnessgym.com:
https://online.hybridfitnessgym.com/wp-
content/uploads/2017/09/b9821a50879aab59b5626501111ff279.gif

Male teacher and student. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from publicdomainvectors.org:
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Male-teacher-and-student/73269.html

Man doing push up. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from www.vecteezy.com:
https://www.vecteezy.com/vector-art/162096-man-doing-push-up-vector-illustration

medicine bless you doctor patient hospital medical consultation drugs. (2020, May 18). Retrieved
May 18, 2020, from needpix.com: https://www.needpix.com/photo/1171407/medicine-
bless-you-doctor-patient-hospital-medical-consultation-drugs

Muscular Strength exercise clipart. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from cdn.clipart.email:
https://cdn.clipart.email/4d30ba06ad21b0a0c3091653b50c7589_muscular-strength-
exercises-clipart_492-257.jpeg

Perez, V., Luna, L., Tomas, C., & Clemente, D. (2004). MAPEH-CAT IV. Quezon City: St. Bernadette
Publishing House.

physicaleducationtricks. (2020, May 22). Retrieved May 22, 2020, from sites.google.com:
https://sites.google.com/site/physicaleducationtricks/kickball/kickball-
field?overridemobile=true

{33}
Reaction time Ruler drop. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from konkura.com:
https://www.konkura.com/challenge/?uid=8be149be-19b6-4f09-a613-
b720442c9b84&t=REACTION+TIME+-+Ruler+drop

Receiving Communion. (2020, May 18). Retrieved May 18, 2020, from catholicfit:
https://i0.wp.com/www.catholicfit.com/wp-content/uploads/2015/02/Receiving-
Communion.jpg

Running up the stairs. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from www.printerland.co.uk:
https://www.printerland.co.uk/PrinterlandImages/Image/info/Infographics/17%20-
%20Running%20Up%20The%20Stairs.gif

Science project for kids nutrition and health 4. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from
lifestyle.howstuffworks.com: https://lifestyle.howstuffworks.com/crafts/science-
projects/science-projects-for-kids-nutrition-and-health4.htm

shatong stick. (2020, May 25). Retrieved May 25, 2020, from iisports.com:
https://iisports.com/products/small-syatong-chato-2-player-filipino-stick-game-
set?variant=30931732299916

shatong variations of name chatochatong. (2020, May 25). Retrieved May 25, 2020, from
larongbata.blogspot.com: http://larongbata.blogspot.com/2007/03/shatong-variations-of-
name-chatochatong.html

shatung. (2020, May 25). Retrieved May 25, 2020, from zamboanga.com:
https://zamboanga.com/z/images/4/47/Shatung.jpg

Sit and reach. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from www.clipart.email:
https://www.clipart.email/download/6225736.html

Sit and Reach gif. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from pickettsmill.typepad.com:
https://pickettsmill.typepad.com/.a/6a00e5509b3be688340168e866046c970c-600wi

Speed running. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from clipart.email:
https://www.clipart.email/download/10674912.html

Standing Long Jump. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from clipart.email:
https://www.clipart.email/download/7724241.html

Step up fitness test. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from exercisetherapyaustralia.com.au:
https://www.exercisetherapyaustralia.com.au/wp-content/uploads/2018/07/step-up-
fitness-test-1.png

Survive a shuttle run. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from wikihow.com:
https://www.wikihow.com/Survive-a-Shuttle-Run#/Image:Survive-a-Shuttle-Run-Step-1-
Version-2.jpg

syatong. (2020, May 25). Retrieved May 25, 2020, from huni-huni.com: http://www.huni-
huni.com/content/syatong/

tape measure measuring tape. (2020, May 30). Retrieved May 30, 2020, from pixabay.com:
https://pixabay.com/vectors/tape-measure-measuring-tape-158276/

Test your standing balance. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from wikihow.fitness:
https://www.wikihow.fitness/Test-Your-Standing-Balance-Time#/Image:Test-Your-Standing-
Balance-Time-Step-3.jpg

{34}
thongs flip flops beach shoe. (2020, May 29). Retrieved May 29, 2020, from pixabay.com:
https://pixabay.com/vectors/thongs-flip-flops-beach-shoes-305284/

tin can vessel disposal metal. (2020, May 29). Retrieved May 29, 2020, from pixabay.com:
https://pixabay.com/illustrations/tin-can-vessel-disposal-metal-3778762/

Vertical Jump. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from clipart.email:
https://www.clipart.email/download/1402148.html

Waiter with wine. (2020, May 19). Retrieved May 19, 2020, from publicdomainvectors.org:
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Waiter-with-wine/71571.html

{35}
{36}
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
1. B 7. C
2. B 8. B
3. B 9. C
Pag- alam sa Natutuhan
4. B 10. D
1. 100g
5. C 11. D
2. 28%
6. A 12. C
GAWAIN 1 3. 112
GAWAIN 2 4. 7
 ANG MGA MAG- AARAL AY MAY 5. 2g
KANYA- KANYANG OPINYON
TUNGKOL SA KATANUNGAN. 1. √ BALIK- TANAW
2. √ 1. TINAPAY/ BREAD
Pag- alam sa 3. √ 2. SEPTEMBER 13, 2020
Natutuhan 4. √ 3. EXPIRATION DATE/
I. ANG 5. √ DATE MARK
KASAGUTAN NG 4.-5. Hindi, *sapagkat ito
MGA MAG- GAWAIN ay sira na.
AARAL AY BASE 1. CARDIO
SA VASCULAR EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 4
NARARAMDAMAN ENDURANCE
NILA 2. SPEED GAWAIN
PAGKATAPOS 3. MUSCULAR  Ang mga mag-
GAWAIN. ENDURANCE Pag- alam sa Natutuhan aaral ay ilalabas
II. 4. MUSCULAR  Ang mga mag- ang
1. PUSH- UP STRENGTH aaral ay ilalabas pagkamalikhain
2. 50 METER 5. BALANCE ang sa sining para sa
RUN pagkamalikhain kanilang gawain.
3. 3 MINUTE BALIK- TANAW sa sining para sa (Sundin ang
STEP 1. C kanilang gawain. rubriks para sa
4. PARTIAL CURL 2. B (Sundin ang pagbibigay ng
UPS 3. B rubriks para sa iskor.)
5. STORK STAND 4. A pagbibigay ng
TEST 5. C iskor.)
BALIK- TANAW
EDUKASYONG PANGKATAWAN 4 1. VISAYAS
2. LUZON
GAWAIN 3. MINDANAO
I. SINING 4
1. DALAWAHAN
2. NOTES & RESTS:
UNANG PAGSUBOK
3. HALF N OTE, 1. B
QUARTER NOTE, EIGHTH 2. B
NOTE, QUARTER REST 3. B
4. BARLINE 4. B
5. 2 5. C
4 6. A
II. 7. C
BALIK- TANAW
1. SAFE FROM HARM 8. B
1. APATAN
2. COME MASTER MIND 9. C
2. DALAWAHAN
3. BABY SEEDS ARE 10. D
3. TATLUHAN
HIDING 11. D
4. TATLUHAN
4. HELP THEM FLY 5. APATAN 12. C
MUSIKA 4
UNANG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO
SUSI SA PAGWAWASTO
Pagkilala
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL
Tagapamahala:
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, Chief, CID
Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-In-Charge (MAPEH)
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS
Lady Hannah C. Gillo, Librarian II
Albert James P. Macaraeg, PDO II
MUSIKA 4
Editor: Belinda Anido, Head Teacher
Manunulat: Teresita B. Punzalan-MTI
Tagaguhit: Grace Rocapor, Ma. Shirley S. Naga, MTII
Tagalapat: Arbie Dale D. Castro
SINING 4
Editor: Adulfo S. Amit, PSDS
Manunulat: Jinabelle V. Prieto- MTII, Jessalyn T. Dano, Ailyn A. Vidor,
John Prince V. Lunas, Cherel Grace F. Altajeros
Tagaguhit: John Prince V. Lunas
Tagalapat: Jinabelle V. Prieto, MTII
EDUKASYONG PANGKATAWAN 4
Editor: Manolito F. Olan, Ed.D, PSDS
Manunulat: Rhonald Rey M. De Vera, Charmyleen Anne D. Escaño,
Aida Lyn T. Golloso, Jayson Q. Tuban
Tagaguhit: Rhonald Rey M. De Vera
Tagalapat: Rhonald Rey M. De Vera
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 4
Editor: Christopher L. Lirio, Master Teacher II
Manunulat: Jorge A. Ballesil

Tagaguhit: Jorge A. Ballesil


Tagalapat: Joselito L. Olavario

{37}

You might also like