You are on page 1of 15

Module Code: Pasay-Music3-Q1-W4- D1

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:________________________

MUSIC 3
Unang Kuwarter - Week 4 – Day 1

Aralin 3-ENRICHMENT ACTIVITY

Panlinang na mga Gawain

I. Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa patlang.

____1. Ang 2s ang ginagamit na kumpas sa ________ na tugtog.

a. mabagal c. mahina

b. mabilis d. katamtaman

____2. Ang 4s ang ginagamit na kumpas sa _______ na tugtog.

a. mabilis c. mabagal

b. mahina d. katamtaman

____3. Ang 3s ang ginagamit na kumpas sa _____ na tugtog.

a. mabilis c. mabagal

b. malakas d. katamtaman

____4. Anong kumpas ang nababagay sa awiting

“Bahay Kubo”?
a. 2s c. 4s

b. 3s d. 1s

____5. Anong kumpas ang maaring gamitin sa awiting

“Twinkle,Twinkle Little Star”?
a. 3s c. 2s

b. 1s d. 4s

Page 1 of 15
Module Code: Pasay-Music3-Q1-W4- D1

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:________________________

II. Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag.

_______6. Ang rhythm ay tumutukoy sa daloy ng galaw ng

tunog at pahinga.

_______7. Ang rhythmic pattern ay kumbinasyon ng mahaba

at maikling tunog at pahinga.

_______8. Maaring pabago-bago ang kumpas sa loob ng isang

rhythmic pattern.

_______9. Ang mga rest o pahinga sa rhythmic pattern ay hindi

isinasama sa bilang.

_______10. Ang 2s, 3s, 4s lamang ang maaring gamiting kumpas

sa bawat awit o tugtugin.

III. Isulat ang angkop na kumpas sa bawat rhythmic patterns.

Isulat kung (2s, 3s, o 4s).

11. _____

12. _____

13. _____

Page 2 of 15
Module Code: Pasay-Music3-Q1-W4- D1

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:________________________

IV. Gawin ang mga sumusunod.

(14-16) Gumuhit ng sariling rhythmic pattern na nagtataglay ng

3s. Gamitin ang at .

(17-20) Gumuhit ng sariling rhythmic pattern na may 4s. Gamitin

ang , , at .

Inihanda ni:
Julie Ann M. Ortega
Sanggunian:
Matrix of Curriculum Standards-Division Budget of Work in Music 3
(Manwal ng Guro) Music 3, Kagamitan ng Mag-aaral

Page 3 of 15
Module Code: Pasay-A3-Q1-04-D2

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Guro: _________________________________

ARTS 3 – MODYUL 4
Week 4 - Day 2
Unang Kuwarter
Overview
Alinsunod sa Basic Education Learning Continuity Plan (BELC)
- Most Essential Learning Competencies (MELC), ginawa ang modyul na ito
para sa MAPEH (ARTS component) na gagamitin ng mga mag-aaral
sa ikatlong baitang.

Learning Competency: Discusses what foreground, midde ground and

background, are all about in the context of a landscape.

ARALIN 4
PAGGUHIT NG TANAWIN

PANIMULA
Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay
sa larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin. Ang mga
bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin ay malalaki
samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang dahil malayo ito sa
lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga bagay ay nasa pagitan ng
harapan at likuran.

TALAKAYIN NATIN

Ang balance ay naipapakita sa larawan sa pagkakaroon ng

harapan, gitnang bahagi at likuran ng larawan. Ang foreground
(harapan) ay ang bahagi ng larawan na nasa harapan at ang
pinakamalapit sa tumitingin, middle ground (gitna) bahagi ng larawan
na makikita sa pagitan ng foreground at background. Ang background
(likuran) naman ay nasa likurang bahagi at ang pinakamalayo sa
tumitingin.
Mayroong mga kilalang tanawin at landform dito sa Pilipinas
gaya na lamang sa Cagayan Valley, Mayon Volcano, Chocolate Hills,
Mt. Apo at Plateau sa Baguio. Narito ang mga larawan ng ilan sa mga
kilalang tanawin at landform na nagpapakita ng balance dahil sa
pagkakaroon nito ng harapan, gitna at likuran.

Page 4 of 15
CAGAYAN VALLEY
likuran

gitna

harapan

MAYON VOLCANO

gitna
likuran

harapan

GAWIN NATIN
PAGGUHIT NG TANAWIN
Mga Kagamitan: lapis, krayola, bond paper
Pamamaraan:
1. Umisip ng magandang tanawin na napuntahan o nais mong
mapuntahan na lugar at ito ang iyong iguhit.
2. Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa iguguhit.
3. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng mga sumusunod:
harapan (foreground), gitna (middle ground), at likuran
(background).
4. Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat.

TANDAAN

Mayroong balance sa kaayusan ng larawan kapag

may foreground (harapan), middleground (gitna) at
background (likurang bahagi).

Page 5 of 15
SUBUKIN NATIN

Isulat ang bahagi ng harapan, gitna at likurang na makikita

sa mga sumusunod na larawan lagyan ng linya upang matukoy ang
mga ito.

Lagyan ng masayang mukha kung oo ang iyong

kasagutan at malungkot na mukha kung hindi.

1. Naiguhit ko ba ang harapan, gitna at likurang

bahagi ng larawan upang maipakita ang timbang
(balance) ?
2. Napanatili ko ba nang maayos at malinis ang aking
likhang sining?

3. Naipagmamalaki ko ba ng aking iginuhit na tanawin

sa pamamagitan ng pagpapakita ko nito sa iba?

4. Naipakita ko ba ng pagiging malikhain ko sa

pagguhit ko ng larawan?

Inihanda ni:
Louise Charmaine R. Acebedo
Sanggunian:
Matrix of Curriculum Standards-Division Budget of Work in Arts 3
(Manwal ng Guro) Arts 3, Kagamitan ng Mag-aaral

Page 6 of 15
Module Code: Pasay-pe3-q1-04-03

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:_______________________

PHYSICAL EDUCATION 3
MODYUL / WEEK 4
OVERVIEW

Alinsunod sa Basic Education Learning Continuity Plan (BELC)- Most

Essential Learning Competencies (MELC), ginawa ang modyul na ito
para sa PHYSICAL EDUCATION na gagamitin ng mga mag aaral sa
ika-tatlong baitang.

Objective: The learners demonstrate movement skills in

response to sounds and music.

Aralin 4: Tayo ay Lumakad at Kumanta at Sumayaw

A. Routinary Activities
Panuto: Lagyan ng tsek kung matagumpay mong nagawa ang mga
ibinigay na gawain. At ex naman kung hindi. Maging matapat sa
paggawa ng mga ito.
Gawain ( 10 counts )
1. Jog in place 2. Breathing
3. Head bend with support 4. Head Twist( sideward right, back to
position, sideward left, back to position)
5. Shoulder circle 6. Ankle circle
7. Trunk twist 8. Long sitting position
9. Stride position
KNOWLEDGE IS POWER
Ang pundasyon para sa kakayahan at kumpiyansa sa pakikilahok sa
mga hanay ng pisikal na mga gawain ay ang kasanayan sa
paggalaw ( movement skills ).Ang pag-liligid ( rolling ), pag-
babalanse( balancing), pag- papadulas ( sliding ), pag-lalakad (
walking ), jogging,pagtakbo
( running ), paglukso ( leaping ), pagtalon( jumping ), pag-hopping,
pag-igtad ( dodge ), pag-gallop, at pag-laktaw ( skipping ) ay mga
halimbawa ng mga paggalaw.

IYONG TANDAAN
1. Gisingin muna ang katawan bago mag stretching. Mas ligtas kung
ang iyong muscles ay masigla na. Mag light jogging bago mag
stretch.
2. Mag stretch pagkatapos ng mabigat na ehersisyo. Upang

Page 7 of 15
Module Code: Pasay-pe3-q1-04-03

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:_______________________

matulungan kang mag-cool down maging higit na flexible ang

iyong muscles.
3. Hindi dapat masakit ang stretching. Huwag pilitin ang sarili kung
may tension na naramdaman. Huwag kalimutang huminga
habang nag eestretch.
4. Kumonsulta sa iyong ina. Magtanong kung ikaw ba ay
maaring gumawa ng stretching.

GAWIN MO ITO
1. Tumakbo
Maglaan ng limang metrong layo mula sa kinatatayuan. Gumuhit
ng 10 bilog na magkapareho ang layo sa isa’t isa. Magpatulong
sa iyong kapatid o mga pinsan o sa iyong ama at ina upang
tingnan ang pinakamabilis na takbo na iyong magagawa.
Tumakbo papunta at pabalik sa abot ng iyong makakaya.
Ihakbang lamang ang iyong mga paa sa mga bilog na iyong
inihanda.
2. Tumalon
Gamit ang mga bilog tumalon papunta at pabalik ng may
katamtamang bilis.
3. Galloping ( natalakay sa aralin 3 )Gamitin ang mga bilog sa
paggawa nito.
4. Skipping ( natalakay sa aralin 3 ) Mag-skip papunta at pabalik.
5. KUMILOS NG MAY TUNOG
Pumilili ng isang tugtog. Gawin ang ang unang gawain na
sumasabay sa tugtog. Pagkatapos ng unang gawain idugtong
ang pangalawang gawain na walang paghinto hanggang sa
matapos ang pang apat na gawain.

ISAISIP NATIN
Ang pagkilos ng wasto ay isang kasiya-siyang gawain na
makatutulong sa wastong pagpapatakbo ng sistema ng ating
katawan.

REFERENCES
1. Wibowo, R., Nugraha, E., & Sultoni, K. (2007). Fundamental Movement Skills and
Game Performance in Invasion Game Activities. 2nd International Conference on
Sports Science, Health and Physical Educatiuon. Doi: 10.5220/0007061703900395
2. Fundamental Movement Skills. (n.d.). Retrieved June 7, 2020, from
https://health.act.gov.au/about-our-health-system/healthy-living/kids-play-
active-play/early-childhood-educators/fundamental#:~:text=Fundamental
movement skills categories include,kicking, underarm roll and striking.

Page 8 of 15
Module Code: Pasay-pe3-q1-04-03

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:_______________________

SAGUTIN MO ITO
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga ehersisyong ibibigay kung
naisagawa mo ng maayos at ex namn kung hindi .
Naisagwa Di-naisagawa
Mga Gawain

1. Tumakbo
2. Tumalon
3. Galloping
4. Skipping
5. Kumilos ng may tunog

REPLEKSYON

Ano-ano ang mga kasanayan sa paggalaw?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral, anu ang kahalagahan ng mga gawaing

kasanayan sa paggalaw lalong lalo na sa kinahaharap nating
pandemya sa panahong ito?

Rachel T. Templonuevo
Don Carlos Village Elementary School

Page 9 of 15
Pasay-health3-q1-04-04

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng guro: _______________________

Health 3-Modyul
Week 4 / Day 4
Overview
Alinsunod sa Basic Education Learning Continuity Plan (BELC) - Most
Essential Learning Competencies (MELC), ginawa ang modyul na ito para
sa MAPEH (Health component) na gagamitin ng mga mag-aaral sa
ikatlong Baitang.

Objective: Describes the characteristics, signs and symptoms, effect of the

various forms of malnutrition

Aralin 1 Nailalarawan ang katangian, senyales at palatandaan, epekto

ng iba’t-ibang paraan ng malnutrisyon.

Panimula
Mga bata napakahalaga na tayo ay malusog sa pangagatawan at
isipan. Lahat ng bagay ay ating magagawa kung sisimulan natin ito sa
pagkain ng tama. Ang aralin natin ay tungkol sa mga katangian, senyales
at palatandaan, epekto ng iba’t-ibang paraan ng malnutrisyon.

Talakayin Natin
Ang maayos na kalusugan ng tao ay nababatay sa wastong pagkain o
nutrisyon.Nangangalangan ang katawan ng balanseng pagkain upang
manatiling malusog.
Ang malnutrisyon ay bunga ng hindi pagtamo ng katawan ng wastong
uri o dami ng sustansyang kailangan.
Isa sa sustansyang kailangan ng ating katawan ay mineral na
matatagpuan sa pangunahing pagkain. Ang mga mineral na kailangan
natin ay Calcium, Iron, at Iodine.
Tingnan ang talaan ng mga mineral at kung saan ito maaring makuha at
ang sakit na makukuha kung tayo naman ay may kakulangan dito.

Page 10 of 15
Pasay-health3-q1-04-04

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng guro: _______________________

Kakulangan sa Mineral/Sakit na Paraan upang maiwasan

maidudulot
Iron- Anemia  kumain ng tokwa,
 Laging pagod ang beans,pulang karne,
pakiramdam mabubutong gulay
 Namumutla
 pagkahilo
Iodine-Goiter (bosyo)  kumain ng lamang-dagat at
 pagkabansot iodized salt
 madaling masilaw sa ilaw
 luwa ang mata
Calcium-Osteoporosis/Rickets  uminom ng gatas, kumain ng
 masakit na kalamnan keso, sardinas , madahong
 madaling maputol ang kuko gulay, tulya at tahong.
 marupok ang buto

Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng bagong salita.
1. O I N R = ___ ____ ____ _____
2. C L U I A C M = ___ ___ ___ ____ ____ ____ ____
3. D O I N I E = ___ ____ _____ ____ ____ ______

Isaisip Natin
Ang tamang pagkain ay tumutulong sa pagkakaron ng mabuti at
malusog na kaisipan ng bata, lalo na sa unang apat na taon.
Napapabilis ang paglaki at paglusog ng katawan , kabilang sa pagbuo
ng ngipin at buto. Tumutulong sa paglaban sa impeksyon at sakit.
Napapadali ang paggaling ng sakit.
Repleksyon
Ano sa palagay mo ang natutunan mo sa nangyayari sa ating
aralin?Ano ang kahalagahan ng mga mineral sa ating pamumuhay?

Inihanda ni : Leilane V. Malig

Teacher 1, DCVES

Sanggunian:Mapeh Learners Material , Deped

Mapeh Teacher’s Guide , Deped
https://www.youtube.com/watch?v=tOdGR7z3uD4&t=609s

Page 11 of 15
Pasay-health3-q1-04-04

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng guro: _______________________

Pagsasanay 1
Panuto: Anong uri ng mineral mayroon ang mga pagkain sa ibaba.

1. Gatas 2. Isda 3. Karne

______________ _________________ ___________________

4. Sitaw Iodized Salt

______________ _________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Kilalanin ang mga sintomas ng mga kakulangan na nasa ibaba.
Ilagay sa tamang talaan .
Pagkahilo Pagkabansot Masakit na kalamnan
Pamumutla Luwa ang mata Marupok na buto
Kakulangan sa Iron Kakulangan sa Iodine Kakulangan sa
Calcium

Page 12 of 15
Module Code: Pasay-pe3-q1-04-05

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:_______________________

PHYSICAL EDUCATION 3
MODYUL / WEEK 4
OVERVIEW

Alinsunod sa Basic Education Learning Continuity Plan (BELC)- Most

Essential Learning Competencies (MELC), ginawa ang modyul na ito
para sa PHYSICAL EDUCATION na gagamitin ng mga mag aaral sa
ika-tatlong baitang.

Objective: The learners demonstrate movement skills in

response to sounds and music.

Aralin 4: Tayo ay Lumakad at Kumanta at Sumayaw

A. Routinary Activities
Panuto: Lagyan ng tsek kung matagumpay mong nagawa ang mga
ibinigay na gawain. At ex naman kung hindi. Maging matapat sa
paggawa ng mga ito.
Gawain ( 10 counts )
1. Jog in place 2. Breathing
3. Head bend with support 4. Head Twist( sideward right, back to
position, sideward left, back to position)
5. Shoulder circle 6. Ankle circle
7. Trunk twist 8. Long sitting position
9. Stride position
KNOWLEDGE IS POWER
Ang pundasyon para sa kakayahan at kumpiyansa sa pakikilahok sa
mga hanay ng pisikal na mga gawain ay ang kasanayan sa
paggalaw ( movement skills ).Ang pag-liligid ( rolling ), pag-
babalanse( balancing), pag- papadulas ( sliding ), pag-lalakad (
walking ), jogging,pagtakbo
( running ), paglukso ( leaping ), pagtalon( jumping ), pag-hopping,
pag-igtad ( dodge ), pag-gallop, at pag-laktaw ( skipping ) ay mga
halimbawa ng mga paggalaw.

IYONG TANDAAN
1. Gisingin muna ang katawan bago mag stretching. Mas ligtas kung
ang iyong muscles ay masigla na. Mag light jogging bago mag
stretch.
2. Mag stretch pagkatapos ng mabigat na ehersisyo. Upang

Page 13 of 15
Module Code: Pasay-pe3-q1-04-05

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:_______________________

matulungan kang mag-cool down maging higit na flexible ang

iyong muscles.
3. Hindi dapat masakit ang stretching. Huwag pilitin ang sarili kung
may tension na naramdaman. Huwag kalimutang huminga
habang nag eestretch.
4. Kumonsulta sa iyong ina. Magtanong kung ikaw ba ay
maaring gumawa ng stretching.

GAWIN MO ITO
1. Tumakbo
Maglaan ng limang metrong layo mula sa kinatatayuan. Gumuhit
ng 10 bilog na magkapareho ang layo sa isa’t isa. Magpatulong
sa iyong kapatid o mga pinsan o sa iyong ama at ina upang
tingnan ang pinakamabilis na takbo na iyong magagawa.
Tumakbo papunta at pabalik sa abot ng iyong makakaya.
Ihakbang lamang ang iyong mga paa sa mga bilog na iyong
inihanda.
2. Tumalon
Gamit ang mga bilog tumalon papunta at pabalik ng may
katamtamang bilis.
3. Galloping ( natalakay sa aralin 3 )Gamitin ang mga bilog sa
paggawa nito.
4. Skipping ( natalakay sa aralin 3 ) Mag-skip papunta at pabalik.
5. KUMILOS NG MAY TUNOG
Pumilili ng isang tugtog. Gawin ang ang unang gawain na
sumasabay sa tugtog. Pagkatapos ng unang gawain idugtong
ang pangalawang gawain na walang paghinto hanggang sa
matapos ang pang apat na gawain.

ISAISIP NATIN
Ang pagkilos ng wasto ay isang kasiya-siyang gawain na
makatutulong sa wastong pagpapatakbo ng sistema ng ating
katawan.

REFERENCES
1. Wibowo, R., Nugraha, E., & Sultoni, K. (2007). Fundamental Movement Skills and
Game Performance in Invasion Game Activities. 2nd International Conference on
Sports Science, Health and Physical Educatiuon. Doi: 10.5220/0007061703900395
2. Fundamental Movement Skills. (n.d.). Retrieved June 7, 2020, from
https://health.act.gov.au/about-our-health-system/healthy-living/kids-play-
active-play/early-childhood-educators/fundamental#:~:text=Fundamental
movement skills categories include,kicking, underarm roll and striking.

Page 14 of 15
Module Code: Pasay-pe3-q1-04-05

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:______________

Pangalan ng Guro:_______________________

SAGUTIN MO ITO
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga ehersisyong ibibigay kung
naisagawa mo ng maayos at ex namn kung hindi .
Naisagwa Di-naisagawa
Mga Gawain

1. Tumakbo
2. Tumalon
3. Galloping
4. Skipping
5. Kumilos ng may tunog

REPLEKSYON

Ano-ano ang mga kasanayan sa paggalaw?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral, anu ang kahalagahan ng mga gawaing

kasanayan sa paggalaw lalong lalo na sa kinahaharap nating
pandemya sa panahong ito?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Inihanda ni:

Rachel T. Templonuevo
Don Carlos Village Elementary School

Page 15 of 15

You might also like