You are on page 1of 7

Grade 4

How the Jellyfish Lost His Bone

Reader's Theater

Narrator: Long ago, the jellyfish had bones just like all the other fish. At that time, the king of the fish
was getting old. One day, he married a prety little princess. But the princess was so unhappy with the old
king. She made believe that she was very sick and that only a mon key's liver could cure her.

Little Princess: Get me a monkey or I will die!

King: My Queen, monkeys could only be found on land and it would be very hard to get one.

Little Princess: I don't care! I must have a monkey!

Narrator: The king called the brave fish and ordered look and bring back a monkey's liver. After a long
swim, the fish found the monkey seated on a tree.

Monkey: Who are you? What do you want? What do you think the brave fish did to get the monkey's
liver?

Brave Fish: I've just swam around the world. And I am going back to the finest land I've ever seen. It has
beautiful trees for climbing and plenty of fruits for eating.

Monkey: I want to go, too.

Brave Fish: Climb on my back!

Narrator: The Brave Fish smiled and off they went. When they could not see land anymore, the monkey
became afraid.

Monkey: l've changed my mind. This land is too far; please bring me back to my tree.

Brave Fish: I have to bring you to my Queen who is sick. Only a monkey's liver can cure her.

Monkey: Why didn't you tell me sooner? I am very honored; but you see, my liver is quite big and heavy,
so I keep it on a branch of the tree. We'll have to go back and get it. What do you think happened to the
fish and the monkey ?

Narrator: They turned around to get the liver. When they reached the tree, the clever mon key quickly
jumped to safety and looked around.
Monkey: Somebody must have taken it. I'll have to find another one. You'll have to tell first the king that
l'm looking for my liver. Come back to fetch me.

Brave Fish: That's a good idea. I'l do that. The king will be so happy for that.

Narrator: When the brave fish returned home with nothing, the king was so angry. He ordered the brave
fish punished. The poor fellow was beaten up until he had no bones left. And when it was over, the
brave fish was all pale and soft like jelly and no one could hurt him anymore. The queen went on
pretending to be sick and asked her silly, old king for all sorts of new cures.

The Visitor

Rosalina B. Mejorada

BUNNY'S HOUSE

One day, a squirrel visited the bunny.

Squirrel: Good morning, Bunny.

Bunny: Good morning, Squirrel. What a pleasant surprise! What can I do for you?

Squirrel: I heard that you have a magical bag. I was hoping if you can help me.

Bunny: Why? What is your problem?

Squirrel: My baby did not sleep well last night. He had fever and cough.

Bunny: What did he do during the day?

Squirrel; He went to the forest and played the whole day. When he arrived home, he was perspiring. He
went to sleep. When he woke up last night, he was crying and complaining of headache.

Bunny went inside to get his magic bag. He got something inside the bag and gave it to the squirrel.

Bunny: Here, take this bottle and paper. Read and follow the instruction writen on the paper

Squirrel: Thank you very much, Bunny!

Bunny: You're welcome, Squirrel.

Squirrel read what was written on the paper.


Grade 5

Pagsubok

Natasha Liv Uy

Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Evren sa lungsod ng Baybay. Dahil dito kailangan din niyang
lumipat ng paaralan. Sa pasukan ay hindi naging problema sa kanya ang pakikihalubilo sa iba dahil
sadyang pala-kaibigan ang binata. Sa unang markahan ay isa siya sa mga top students ng kanilang klase.

Masipag kasi siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga prioridad.

Guro: Congratulations sa’yo Evren!

Evren: Salamat po sir!

Tagapagsalaysay: Nang humantong ang ikalawang markahan ay patuloy pa rin siyang nagsusunog ng
kilay kada gabi. Ngunit isang araw, habang pauwi na siya kasama ang kanyang barkada ay kinulit siya ng
mga ito na maglaro ng dota na matagal na niyang hini-hindian.

Valerian: Pre kahit isang laro lang. Subukan mo lang naman.

Lath: Oo nga pre. Tara!

Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya wala na siyang ibang nagawa kundi
sumama.

Evren: Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin bukas.

Lath: O sige.

Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing isang laro ni Evren ay nasundan pa
ng isa hanggang sa sila ay naabutan na ng gabi. Ang pag-aaral para sa kanilang pasulit ay nawaglit na sa
kanyang isipan.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang tamang sagot sa kanilang pasulit. Sa
puntong iyon nagsimula ang pagbaba ng grado ni Evren at ang pagka-adik niya sa dota. Napansin ito ng
kaniyang guro kaya kina-usap siya nito pagkatapos ng klase.

Guro: Evren, napapansin ko na bumababa na ang iyong mga grado at hindi ka na nakakakuha ng mataas
na iskor sa mga pasulit ko.

Evren: Pasensiya na po sir. Hindi na po kasi ako nakakapag-aral ng maayos sa gabi.

Guro: At bakit naman?

Evren: Eh kasi sir naglalaro po kami ng mga kaibigan ko ng dota at minsan naaabutan na kami ng gabi.

Guro: Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh naaapektuhan ang pag-aaral niyo. Kaya simula
ngayon unahin mo muna ang iyong pag-aaral kesa diyan sa dota.

Evren: Opo sir

Guro: Kaya mo ‘yan pagsubok lang yan Evren. Sige na pumunta ka na sa aklatan tutulungan ka ng isa
mong kaklase.

Evren: Ho? Sino po?

Guro: Basta sige na pumunta ka na doon baka naiinip na ‘yon.

Tagapagsalaysay: Habang papunta si Evren sa aklatan ay lingid sa kanyang kaalaman na si Faith ang
tutulong sa kanya na mag-aral. Ito ay isa rin sa mga top students ng kanilang klase at unang araw pa lang
ng pasukan ay nagandahan na talaga siya dito pero hindi niya ito masyadong pinansin dahil inuna niya
ang kanyang pag-aaral.

Faith: O Evren, andiyan ka na pala.

Evren: Faith?

Faith: Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-uwi.

Evren: Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka naaabala kita.

Faith: Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi hindi ka mag-aaral at pupunta
ka lang sa kompyuter shop para magdota.

Evren: Ah sige.

Tagapagsalaysay: Iyon ang simula ng pagtaas ulit ng grado ni Evren at ang pagiging magkaibigan nila ni
Faith. Isang araw hindi na talaga kaya ni Evren na hindi siya nakakapaglaro ng dota kaya inilabas niya ang
kaniyang galit sa kaibigan.
Evren: Faith talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko na importante ang pag-aaral pero
tao din naman ako may karapatan din akong sumaya.

Faith: Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo sa tamang oras. Maglaan ka ng
oras sa pag-aaral at paglalaro.

Evren: Sige gagawin ko ‘yan.

Tagapagsalaysay: Natutunan ni Evren ang pagdisiplina sa sarili at kung paano ibalanse ang kanyang oras
sa pag-aaral at paglalaro. Natapos niya ang High School bilang salutatorian at si Faith naman ang
valedictorian. Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok nasa iyo lang kung haharapin mo ito o
magpapatalo ka lang. Magtiwala ka sa iyong sarili. Malalampasan mo ito kung ikaw ay pursigido at may
tiwala sa Diyos.

Grade 6

Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa (Dula-dulaan)

Angelita L. Aragon

Mga Tauhan:

G. MARIO GONZALES 40 taong gulang, kawani ng isang bangko

GNG. GRACIELA GONZALES - 39 taong gulang, guro ng isang pampublikong paaralan

JESSA 12 taong gulang, nasa ikaanim na baitang

ERICK 9 na taong gulang, nasa ikatlong baitang

TAGAPAGSALAYSAY: Nasa sala ang mag-anak na Gonzales. Nag-aaral ng leksyon sina Erick at Jessa sa
kanilang sala. May takdang-aralin si Erick.

ERICK: Papa, ano po ba iyong Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa?

G.MARIO GONZALES: Anak, iyon ang tinatawag na United Nations.

GNG. GRACIELA GONZALES: Samahan ito ng tagapangalaga ng katahimikan at kapayapaan ng ating


bansa at ng iba pang mga bansa sa buong mundo.

G. MARIO GONZALES: Kailangang may magtanggol sa ating bansa laban sa mga kaaway ng demokrasya
upang mapanatili ang kapayapaan sa mga bansa.
JESSA: Malaking papel ang ginagampanan ng United Nations.

ERICK: Tulad ng ano, Ate?

JESSA: Natutulungan tayo ng mga umuunlad na bansa sa mahahalagang kabatiran tungkol sa


populasyon, karunungan, kalakal, industriya, at agham.

ERICK: Mama, maaari po bang ikwento ninyo kung paano naging kasapi ang Pilipinas sa United Nations?

GNG. GRACIELA GONZALES: Nabuo ang Samahan ng mga Ban- sang Nagkakaisa o United Nations
matapos ang Ikala- wang Digmaang Pandaigdig. Limang magkakaanib na bansa ang nagkasundong
magbuklod ng organisasyong ito. Ang mga ito ay ang China, France, Soviet Union, England, at United
States.

G. MARIO GONZALES: Napakahabang panahong naranasan ng ating bansa ang hirap na dulot ng mga
digmaang pandaig- dig. Ayaw na nang Pilipinas na madamay pang muli sa anumang kaguluhan, kaya
lumagda ito sa UN Charter, na pinagtibay noong ika-24 ng Oktubre, 1945. Kasabay ito ng opisyal na
pagpapahayag ng pagkakatatag ng United Nations. Nang pagtibayin ang Charter ay opisyal ding
tinanggap sa UN ang Pilipinas.

JESSA: Ano po ang layunin ng samahang ito?

G. MARIO GONZALES Ang mga layunin ng Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa ay ang mga sumusunod:
Una, ma- panatili ang pandaigdigang kapayapaan at kaligtasan; ikalawa, linangin ang mabuting
pakikipagkaibigan ng mga bansa; ikatlo, pagtulungang mapaunlad ang mga suliraning pangkabuhayan at
panlipunan; ikaapat, paira- lin ang pandaigdigang batas; at ikalima, itaguyod ang paggalang sa karapatan
ng tao na walang pinipiling lahi, kasarian, wika, at relihiyon.

GNG. GRACIELA GONZALES: May idadagdag ako riyan. Naging masigasig ang Pilipinas sa pagganap ng
kanyang tung- kulin bilang myembro. Dahil sa masidhing pakikiisa ng ating bansa ay nahalal noong 1949
si Hen. Carlos P.

Romulo bilang kauna-unahang Pilipino na naging pangulo ng United Nations General Assembly.

JESSA: Romulo?

ERICK: Pangulo ng UN General Assembly?

G.MARIO GONZALES: Oo. Ganyan kagaling ang mga Pinoy!

GNG. GRACIELA GONZALES: Samantala, mayroon ding ibang kababaihan na humawak ng mataas na
tungkulin sa samahan.

ERICK: Sinu-sino naman po sila?


GNG. GRACIELA GONZALES: Ilan sa kanila si Gng. Estefania Aldaba-Lim na naging pangalaw ang kalihim
ng International Year of the Child. Si Leticia Ramos- Shahani ay naging pangalawang kalihim ng Social
Development and Humanitarian Affairs.

G. MARIO GONZALES: Noong Hunyo 1, 2004, ginampanan ni Lauro L. Baja ang isang buwang
panunungkulan bilang pangulo ng Security Council ng UN. Ito ang unang pagka- kataong napabilang ang
Pilipinas sa Security Council.

ERICK: Ang galing naman ng ating mga kababayan!

GNG. GRACIELA GONZALES: Syempre naman, pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at


pangangalaga sa kapwa, maaasahan tayong mga Pilipino.

You might also like