You are on page 1of 7

Aralin 2: Ang Anotasyon ng Aklat ni Morga

Introduksyon

Mula sa kanyang akda na Noli Me Tangere, isiniwalat ni Rizal ang sitwasyon ng

Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila. Matapos ang matagumpay na
pagpalimbag ng kanyang unang akda, naramdaman niyang kinakailangang
makapagbigay din siya ng isang makasaysayang kaligiran ng bansang Pilipinas na hindi
nanggaling sa ulat ng mga prayle.

Layunin:
Ang araling ito ay tatalakay sa anotasyon ni Rizal sa aklat ni Dr. Antonio Morga
ukol sa precolonial era ng bansa at kung bakit pinili niya ang kay Morga sa halip na iba
pang mga manunulat ukol sa Pilipinas.

AKTIBITI
Gawain 1
Paglalakbay sa Nakaraan

Panuto: Ipikit ang mga mata at maglakbay ang isipan pabalik sa panahon ni Rizal. Isipin
ang kalagayan ng bansang Pilipinas at ilarawan sa isang talata ang kalagayan nito.

______________________________________________________________________

ANALISIS
Gawain 2
Sanaysay

Panuto: Gawan ng maikling sanaysay ang Pilipinas kung paano mo ito pinapahalagahan
bilang iyong bansa.

____________________________________________________________________

ABSTRAKSYON

Sucesos de las Islas Filipinas

Ang aklat na ito ay unang nailimbag sa Mehiko noong 1609. Naglaan si Rizal ng
panahon sa pagbasa sa Museo Britaniko ng mga tala at kasaysayan sinulat ng mga
kapanahon ni Morga tulad nina Fr. Colin, Fr. Angensola, Fr. Plasencia, Fr. Chirino at iba
pa. Sa lahat ng mga sinulat sa maagang yugto ng kolonisasyon ng Pilipinas, sa opinion
ni Rizal, ang gawa ni Morga ang pinakamahusay. Sa isang liham kay Blumentritt noong
ika- 17 ng Setyembre 1888, sinabi niya na walang “pagpapaimbabaw at pagmamalabis”
na makikita sa nilalaman ng Sucesos, bagamat binalalaan ang kaibigan ng pag-iingat sa
pagbasa nito.
Ang edisyon ni Rizal ng Sucesos ay nilimbag sa Pransya. Ang prologue ay sinulat
ni Blumentritt sa kahilingan na rin ni Rizal. Dito pinuri ng Aleman ang ilang bahagi ng
iskolarsyip ni Dimasalang. Una, ang pagbanggit sa mga bagay na hindi nabigyan ng
atensyon ng mga Europeo, mga bagong pananaw na nagbigay pagpahalaga sa mismong
akda. Hindi rin nakawala, gayumpaman, sa pamumuna ang anotasyon ni Rizal. Una na
rito ang pag-unawa di-umano ni Rizal sa mga pangyayari gamit ang mga pamantayan ng
kanyang panahon; pangalawa, ang panlilibak niya sa simbahan ay hindi makatarungan
at hindi mapatutunayan sapagkat ang mga pang-aabuso ng ilang prayle ay hindi
nangangahulugan ng kasamaan ng kabuuan ng simbahan.
Ang buong anotasyon ni Rizal ay maituturing na kahanga-hangang bahagi ng
historyograpiya. Ang nilalaman sa paunang salita ni Rizal sa paglapat ng anotasyon ay
ang “pukawin ang kamalayan hinggil sa nakaraan” ng mga Pilipino. Ang layuning ito ay
mahalaga sa pagpapalagay na upang makabuo ng pambansang pamayanan o
pagkakakilanlan ay kailangan ang “pambansang tradisyon” na magsisilbing “bigkis.”Isa
pang layunin ay ang paglansag sa ideya ng inferioridad ng mga Pilipino.
Napatunayan ni Rizal sa pamamagitan ng anotasyon at ng mismong Sucesos ang
pagkakaroon ng sibilisasyon ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila.
Mayroon na silang sistema ng pagsulat, uri ng pamamahala, batas, pagsulat, literature,
relihiyon, sining, agham at pakikipagkalakalan sa mga kapit-bansa.
Gayumpaman, hindi nabigyang-pansin ang akda ng karamihan sa mga Pilipino
sapagkat ito ay natabunan ng popularidad ng dalawa niyang akdang Noli at El Fili.
Masasabing isa ding kadahilanan kung bakit hindi ito naging popular ay ang pagkakaroon
ng sensura nang panahong iyon. kinumpiska ng pamahalaang Espanya at sinunog ang
mga kopya ng Sucesos, dahil sa pangyayaring ito ang libro ay masasabing bibihira
lamang mahanap o kung hindi man wala talagang mabibili nito sa kapuluan. Sa
pamamagitan ng anotasyon, nilansag ni Rizal ang ortodoksiya ng ilang manunulat na
Kastila na dapat magkaroon ng utang na loob ang mga Pilipino sa mga Kastila dahil sa
‘paggabay’ nito sa una tungo sa kaunlaran at kaliwanagan.

Kahalagahan ng Anotasyon

Sa pamamagitan mismo ng anotasyon, sampu ng kasaysayan na tinalakay nito

at paggamit ng Pilipino bilang katawagang pangkalahatan, masasabi na ang Sucesos
ang naging pangunahing instrumentong ninais na pagbuo ng pagkakakilanlan. Mahahati
ang nais ipahiwatig ng paggamit ni Rizal ng terminong Pilipino.
Una, ito ay bilang pamukaw sa kanyang mga kakontemporaryo at maging sa mga
kolonisador. Para sa mga kababayan, malinaw na nais sabihin ni Rizal na mayroong
isang sibilisasyong Pilipino bago pa man ang pagdating ng mga Kastila, at walang dapat
ipagpasalamat sa mga ito sa kanila.
Pangalawa, ang pagsira sa epekto ng Divide et Impera. Sa kabila ng pagkaalam
ni Rizal ng pagkakaroon ng iba’t-ibang etnolinggwistikong grupo sa kapuluan, mas
malimit na gamitin ang Pilipino bilang mapanglahat na katawagan sa mga nananahan
dito at hindi ang indios. Ang bisang panlipunan nga ng edisyon ni Rizal ng Sucesos ay
nasa anotasyon nito. Malinaw nga, bagamat di ‘pinansin’ ng kanyang kasamang Ilustrado
buhat na rin ng pagkatanyag ng una niyang nobela, ang edisyon niya ng Sucesos ay
isang pagtatangka na bumuo ng pagkakakilanlang Pilipino, higit sa pagiging propaganda
na sagutin lamang ang mga paratang ng mga Kastila.

APLIKASYON
Gawain 3
Pagpapaliwanag

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit mahalaga para sa mga Pilipino ang ginawang anotasyon ni Rizal sa

aklat ni Morga?
___________________________________________________________

2. Bakit kaya napili ni Rizal na gawan ng anotasyon ang aklat ni Morga
kaysa sa iba pang aklat na naisulat bago paman dumating ang mga
kastila?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Paano pinaghambing ni Rizal sa kanyang anotasyon kay Morga ukol sa
pagiging alipin o slave ng panahon sa preconquest at sa panahon ng
encomeinderos?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

KLOSYUR
Ang anotasyon ni rizal sa aklat ni Morga ay isang patunay sa pananaw ng mga
dayuhan ukol sa mga Pilipino. Ito rin ang nagiging paraan upang ituwid ang maling
pagtingin ng mga mananakop sa mga Pilipino. Nagiging daan ito upang baguhin ang
maling paglalarawan sa dating nakasanayang kabaluktutang pagtingin ng mga dayuhan.
Isa rin itong instrumento bilang akda ni Dr. Jose P. Rizal sa pagpapaigting at
pagpapausbong sa diwang makabayan ng mga Pilipino.
References

Agoncillo, T.A. (1990). History of the Filipino People. 8th ed. Philippine: Garotech
Publishing.
Araneta, G.C. (2010). Legislating Rizal. Retrieved July 10, 2020, from https://
web.archive.org/web/20101230174413/https://www.mb.comph/articles/295103/le
gislating-rizal

Bernad, M. (1874). The Propaganda Movement:1880-1895. Philippine Studies.

22 (1-2): 210-211
Delgado, J.J (1904). Samething worth Knowing about the Governors of the
Philippine Island. In Emma
Maghuyop R., Galladora T. M., Ruiz G., Babac, V., Gallinero, W., (2018). The life and
Works of Jose Rizal. Mutya Publishing House Inc.
Maghuyop R., Galladora T. M., Ruiz G., Babac, V., Gallinero, W., (2018). The life and
Works of Jose Rizal. Mutya Publishing House Inc.

National Commission for Culture and the Arts (2015). Selection and Proclamation of
National Heros and Laws Honoring Filipino Historical Figures. Retrieved July 25,
2020, form https//ncca.gov.gov,ph/about-culture-and-arts/culture-frofile/selection-
and-proclamation-of-national-heros-ang-laws-honoring-filipino-historical-figures/

Pangalangan, R. (2010). The Intence Debate on the Rizal law. Retrieved December 5,
2017, Retrieved July 22 2020, from
https:/opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20101231-311798/The-
intens-debate-on-the-Rizal-Law

Phelan, J.L. (1959). The Hispanization of the Philippines: Spanish Aims and
resposes of the 1965-1700. Madison: The Wisconsin Press.
Schumacher, J. N. ( 1972). The Cavite Mutiny: an Essay on the Published Sources.
Philippine studies, 603-632.
Wickberg, E. (1964) The Chinese mestizo in Philippine history. Journal of Southeast
Asia history, 5(1), 62-100.

Vidal, J.M. (1904). Pilitical and Administrative Organization. In Emma H. Blair and
James A. Roberton. The Philippine Islands: 1493-1898. Volume XVII,
pp322-324. Cleveland: Arthur H. Clark Co.

You might also like