You are on page 1of 12

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 14: PITAKA, Isang Pelikula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Merjoan B. Santiago
Tagasuri: Emelita S. Garcia MTI at Gng. Melinda P. Iquin HTVI
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat: Bb. Jessica N. Dacles
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 14 para sa Sariling Pagkatuto
PITAKA, Isang Pelikula
Manunulat: Merjoan B. Santiago
Tagasuri: Emelita S. Garcia MTI at Gng. Melinda P. Iquin HTVI
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 14 para sa
Araling PITAKA, Isang Pelikula!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 14 ukol sa Araling PITAKA,


Isang Pelikula!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul na ito.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa
napanood na pelikula (F8PD-IIIgh-32))
MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO
1. Naiuugnay sa totoong buhay ang mga nangyari sa napanood na pelikula
2. Nailalahad ang damdaming namayani sa mga eksena sa pelikula
3. Nakapaglalahad ng saloobin hinggil sa mga isyung tinalakay sa napanood na
pelikula.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang wastong sagot. Isulat ang letra sa patlang bago ang bilang.
________1. Nagtatrabaho nang husto ang ________ para sa pamilya.
A. ate B. kuya C. nanay D. tatay
________2. Namamasada pa sa ________ ang tauhan upang makadagdag sa kita.
A. araw-araw B. gabi C. maghapon D. umaga
________3. Laging hawak ng tauhan ang kanyang ________ na hindi pa rin napupuno.
A. aklat B. bag C. panyo D. pitaka
________4. Ang tema ng pelikula ay tumatalakay sa ________
A. pagkamakasarili B. pagkilala
C. pagsasakripisyo D. pagsisikap
________5. ________ ang wakas ng pelikula.
A. madali B. malungkot C. masama D. masaya

BALIK-ARAL
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon.

B. direktor B. editing C. karakter


D. musika at tunog E. sinematograpiya

__________1. Dakilang interpreter ng iskrip


__________2. Tauhang gumaganap sa pelikula
__________3. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood
__________4. Pagtatahi ng pagkakasunod-sunod ng eksena
__________5. Sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera

6
ARALIN
Tingnan at suriin ang sumusunod na larawan, pagkatapos ay pagnilayan ang
mga tanong na kaugnay nito

Ano nga ba ang pakiramdam na may nakatatandang kapatid? Anong


damdamin ang nangibabaw sa iyo habang tinitignan ang larawan? Bakit? Panonood
ng pelikula.
Panoorin ang ilang maikling pelikulang “PITAKA”. Pagkatapos sagutin
ang mahahalagang tanong.

https://bit.ly/35eypEq

Basahin at Unawain
Mahahalagang Tanong

1. Ano ang pinakatema ng pelikulang Pitaka?


2. Ano-ano ang ginagawa ng kuya para sa kanyang kapatid?
3. Bakit nagdamdam ang kuya sa kanyang nakababatang kapatid?
4. Ano ang isinukli ng nakababatang kapatid sa lahat ng sakripisyo ng kanyang
kuya?
5. Makatotohanan ba ang istorya? Maaari ba itong mangyari sa tunay na buhay?

A. PAMAGAT NG PELIKULA "Pitaka"


B. MAY AKDA: Louie Jon A. Santos
C. DIREKTO: Chris Cahilig
D. Kilalanin natin ang mga tauhan/karakter
Karl Medina bilang Kuya (masipag at mapagkalingang kapatid) Art
Artienda bilang nakababatang kapatid (pinag-aaral ng kuya)

7
E. BUOD:
Ang pelikula ay tungkol sa isang kuya na nagtaguyod sa kanyang kapatid.
Ginawa ng kuya ang lahat para sa nakababatang kapatid upang makatapos
ito ng pag-aaral. Nariyang magtinda sa opisina at mamasada sa gabi
pagkatapos ng trabaho. Mas inuna niya rin ang kaligayahan ng kapatid bago ang
kanyang sarili.
Minsang umuwing pagod at nadatnan niya ang kapatid na may kasamang
babae sa kuwarto. Sumama ang kanya loob at hindi na kinibo ang kapatid,
dahil doon nagsumikap ang bunsong kapatid at nagawang makatapos ng pag-
aaral. Isang pitaka na naglalaman ng unang sahod ang iniregalo ng nakababatang
kapatid bilang ganti sa lahat ng sakripisyo ng kanyang kuya.
Sa tulong ng mga larawan, balikan natin ang mahahalagang eksena mula
sa pelikulang “PITAKA.”

8
MGA PAGSASANAY
Kung naunawaan mo na ang mensahe ng pelikula ay sagutan
mo na ang mga pagsasanay.
PAGSASANAY 1

PANUTO: Lagyan ng thumbs up  ang patlang kung ang pangyayari sa


napanood na pelikula ay nangyayari rin sa totoong buhay at thumbs down 
naman kung hindi.

_____________1. Pagpapaaral ng nakatatandang kapatid sa nakababatang kapatid.


_____________2. Pagbibisyo at pagrerebelde dahil sa kakulangan sa pansin mula sa
pamilya.
_____________3. Pagkakaroon ng kasintahan kasabay ng pag-aaral.
_____________4. Pagbabalik sa ginawang pag-aalaga at pagpapalaki ng kapamilya.
_____________5. Pag-aaway at pagsasakitan ng magkakapatid at magkakapamilya.

PAGSASANAY 2
PANUTO: Tukuyin ang damdaming namayani sa bawat larawan mula sa napanood
na pelikula. Piliin ang sagot sa kahon. Letra na lamang ang isulat sa patlang.

A. nagdaramdam B. nagagalak C. nagmamahal


D. nagulat D. napapagod

9
PAGSASANAY 3
PANUTO: Ipahayag ang iyong damdamin hinggil sa mga napapanahong
isyung may kinalaman sa akdang tinalakay. Gumamit ng emoticons na
kung ikinasisiya at naman kung ikinalulungkot

1. READ: Kawalan ng mga magulang na gumagabay at nangangalaga sa mga


anak.
REACT: _____________
2. READ: Pagsisikap ng magkapatid na magkaroon ng magandang buhay at
kinabukasan.
REACT: _____________
3. READ : Pakikipagrelasyon kasabay ng pag-aaral.
REACT: _____________
4. READ: Pagtatapos ng pag-aaral sa kabila ng pagsubok.
REACT: _____________
5. READ : Pagbawi sa lahat ng sakripisyo ng magulang o kapatid sa pamamagitan
ng pagtulong sa kanila at pagbibigay ng suporta
REACT: _____________

PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na salita upang mabuo ang
kaisipan ng aralin.:

Nabatid ko mula sa pinanood kong pelikulang Pitaka na


__________________________________________________________________________________
Nakadama ako ng __________________________________ dahil _______________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Sa napanood na pelikula natuklasan mo ang sakripisyong kayang gawin
ng isang kuya para sa kanyang kapatid. Ibahagi mo naman ang iyong
natutuhan mula sa napanood sa tulong ng tsart sa ibaba.Ang mga termino na
ginagamit sa Pagsusuri ng pelikula ay:
Naidulot ng pelikulang PITAKA sa iyong
SARILI PAMILYA LIPUNAN

10
Kung tapos mo nang sagutan ang mahahalagang tanong, sagutan mo
naman ang panapos na pagsusulit.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari mula sa napanood na
pelikula. Gamitin ang panunurang A hanggang E.

______1. Nakatapos ng pag-aaral ang kapatid at niregaluhan ang kuya ng pitaka


na naglalaman ng sweldo at pagmamahal.
______2. Nag-uwi ng kasintahan ang nakababatang kapatid na naging dahilan ng
pagdaramdam ng kuya
______3. Naghahanda ng almusal ang kuya para sa kapatid.
______4. Namamasada sa gabi ang kuya pandagdag sa gastusin.
______5. Pumapasok ng trabaho at nagtitinda sa mga kaopisina ang kuya.

11
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Baisa-Julian, Aileen. et.al, Pinagyamang Pluma 8. Quezon City, Philipppines,
Phoenix Publishing, INC. 2014, pahina 182-230

12

You might also like