You are on page 1of 5

SINUMPAANG SALAYSAY NI DANTE M.

NARBAY

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI GINOONG DANTE M. NARBAY NA


IBINIGAY SA PAGSISIYASAT NI SFO1 ELLER-JED M MENDOZA DITO SA
ANGELES CITY FIRE STATION, CITY HALL COMPOUND, PULUNG MARAGUL,
ANGELES CITY NGAYONG IKA-11 NG PEBRERO, 2022_SA GANAP NA IKA-10
NANG UMAGA, SA HARAP NI CINSP ERRICK S DERRO SA PAMAMAGITAN NG
MGA TANONG AT SAGOT.

TAGAPAGSIYASAT: Ikaw, Ginoong Dante M. Narbay ay inimbitahan sa pagsisiyasat


na ito upang magbigay ng salaysay patungkol sa sunog na naganap sa, Purok 6,
Barangay Cutud ng lungsod na ito noong Ika-6 ng Pebrero, 2022. Ngunit bago kita
tanungin ay nais ko munang ipabatid sa iyo ang iyong mga karapatan bilang malayang
mamamayan alinsunod sa itinadhana ng ating Bagong Saligang Batas, gaya ng mga
sumusunod:

a. Karapatan mo ang manahimik o huwag sumagot sa aking mga tanong kung


inaakala mong ito ay makasasama sa iyong pagkatao;

b. Karapatan mong kumuha ng iyong sariling abugado para makatulong sa iyo


sa pagbibigay mo ng salaysay at kung sakali na ikaw ay walang kakayahang
kumuha ng sariling abugado, ang himpilang ito ang kukuha para sa iyo ng
walang bayad; at

c. Ipinaaalala ko rin sa iyo na ang lahat ng iyong sasabihin at isasagot sa aking


mga tanong ay pawang katotohanan lamang sapagkat ito ay maaaring
gamiting ebidensiya laban o panig sa iyo sa alinmang hukuman dito sa ating
bansa.

TANONG : Matapos kong ipaliwanag sa iyo ang iyong mga karapatan bilang isang
malayang mamamayan alinsunod sa itinadhana ng ating Bagong
Saligang Batas, ito ba ay iyong naiintindihan at nauunawaan?
SAGOT : Opo.
TANONG : Nakahanda ka bang magbigay ng iyong malaya at kusang-loob na
salaysay kahit wala kang abugado na naririto ngayon, na hindi ka pinilit,
tinakot, sinaktan o pinangakuan ng ano mang bagay?
SAGOT : Opo.

PAGPAPATUNAY

Ako si DANTE M. NARBAY ay nagpapatunay sa pamamagitan ng paglagda ko


sa ibaba na ako ay pinaalalahanan ng aking mga karapatan bilang isang mamamayan
alinsunod sa ating Bagong Saligang Batas at hindi ko na kailangan pa ang isang
abugado dahil pawang katotohanan lang ang aking sasabihin, at ako ay hindi pinilit,
tinakot, sinaktan o pinangakuan ng ano mang bagay patungkol sa pagsisiyasat na ito.

Dante M. Narbay
Nagsalaysay

MGA TANONG AT SAGOT

1. TANONG: Lahat ba ng nasa unahan nito ay pawang nauunawaan at naiintindihan


mo?
SAGOT: Opo

2. TANONG: Ikaw ba ay nakahandang magpahayag ng katotohanan at pawang


katotohanan lamang sa pagsisiyasat na ito?
SAGOT: Opo

3. TANONG: Ikaw ba ay nakakaintindi, nakakapagsulat at nakakapagsalita ng


wikang tagalog na siya nating gagamitin sa pagsisiyasat na ito?
SAGOT: Opo
(Malaya at Kusang-loob na Salaysay Ni Ginoong Dante M. Narbay)

4. TANONG: Kung gayon, maaari mo bang sabihin kung ano ang iyong buong
pangalan, edad at iba pang bagay na may kinalaman sa iyong
pagkatao?
SAGOT: Ako si Dante M. Narbay, 41y/o, nakatira sa 5050 Rivera St., Ninoy
Aquino, Barangay Marisol, Angeles City. Ako po ang naatasang bilang
magbantay at isa sa mga manggagawa ni Ginoong Gopez sa
kanyang pagawaan na Gopez Wood Craft.
5. TANONG: Nasaan ka nang mangyari ang nasabing sunog?
SAGOT: Nasa bahay na po ako noong mangyari ang sunog. Dumiretso po
muna akong bahay matapos magpabakuna laban sa Covid-19.
6. TANONG: Mga anong oras po?
SAGOT: Mga alas-3:45 po nang hapon.
7. TANONG: Paano mo nalaman na nasusunog ang lugar na iyong
pinagtatrabauhan?
SAGOT: Tinawagan lang po ako ni Boss Jose na nasusunog ang kanyang
pagawaan noong itoy dumating sa kanyang kaalaman.
8. TANONG: Anong katungkulan mo bilang trabahador sa pagawaan?
SAGOT: Ako po ang naatasan ni Boss Jose na magbantay sa kanyang
pagawaan simula nung magkasunog dito noong nakaraang taon kung
saan ito ay aming agad na naagapan naman.
9. TANONG: Anong nangyari kung bakit hindi naagapan ang sumunod na
nangyaring sunog?
SAGOT: Noong araw na iyon, pinagtrabaho lang kami ng kalahating araw para
magpabakuna, kaya lahat kami ay umalis nang pagawaan.
10. TANONG: Anong oras ka umalis ng pagawaan at anong napansin mo sa
kapaligiran?
SAGOT: Nakaalis palang po ako noong mga lagpas ala-1 na nang hapon dahil
nagligpit pa ako nang ilang kagamitan. Noong araw na iyong medyo
malakas ang hangin pero mainit ang panahon.
11. TANONG: Ano pa ang iyong napansin?
SAGOT: Napansin ko po na may kaunting sunog, yung mataas na talahiban na
may mga halaman sa likuran ng pagawaan na nasa 20 metro ang layo
mula sa likuran nang pagawaan.
12. TANONG: May gusto ka pang idagdag sa iyong salaysay?
SAGOT: Opo, nagpasya na akong umalis sa kadahilanan na itoy dinaman
kalakihan at kampante ako na di maaapektuhan ang pagawaan nang
sunog na iyon dahil sarado na sa likuran ang mga butas na pwede
nitong pasukan.
13. TANONG: Nakahanda ka bang lagdaan ang salaysay na ito na binubuo ng
dalawang pahina bilang patunay na ang iyong mga isinalaysay ay
pawang katotohanan lamang?
SAGOT: Opo

(WAKAS NG SALAYSAY, NGAYONG IKA-11 NG PEBRERO, 2022, SA GANAP NA IKA-10 NG UMAGA)

Dante M. Narbay
Nagsalaysay

SFO3 Rustico L Castro Jr.


Saksi

Sinumpaan at nilagdaan sa harap ko ngayong Ika-11 ng Pebrero, 2022, dito sa


tanggapan ng Angeles City Fire Station, City Hall Compound, Pulung Maragul, Angeles
City.

CINSP ERRICK S DERRO


Administering Officer
SINUMPAANG SALAYSAY NI JOSE MAGTOTO GOPEZ

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI GINOONG JOSE M. GOPEZ NA


IBINIGAY SA PAGSISIYASAT NI SFO1 ELLER-JED M MENDOZA DITO SA
ANGELES CITY FIRE STATION, CITY HALL COMPOUND, PULUNG MARAGUL,
ANGELES CITY NGAYONG IKA-11 NG PEBRERO, 2022_SA GANAP NA IKA-10
NANG UMAGA, SA HARAP NI CINSP ERRICK S DERRO SA PAMAMAGITAN NG
MGA TANONG AT SAGOT.

TAGAPAGSIYASAT: Ikaw, Ginoong Jose M. Gopez ay inimbitahan sa pagsisiyasat na


ito upang magbigay ng salaysay patungkol sa sunog na naganap sa, Purok 6, Barangay
Cutud ng lungsod na ito noong Ika-6 ng Pebrero, 2022. Ngunit bago kita tanungin ay
nais ko munang ipabatid sa iyo ang iyong mga karapatan bilang malayang mamamayan
alinsunod sa itinadhana ng ating Bagong Saligang Batas, gaya ng mga sumusunod:

a. Karapatan mo ang manahimik o huwag sumagot sa aking mga tanong kung


inaakala mong ito ay makasasama sa iyong pagkatao;

b. Karapatan mong kumuha ng iyong sariling abugado para makatulong sa iyo


sa pagbibigay mo ng salaysay at kung sakali na ikaw ay walang kakayahang
kumuha ng sariling abugado, ang himpilang ito ang kukuha para sa iyo ng
walang bayad; at

c. Ipinaaalala ko rin sa iyo na ang lahat ng iyong sasabihin at isasagot sa aking


mga tanong ay pawang katotohanan lamang sapagkat ito ay maaaring
gamiting ebidensiya laban o panig sa iyo sa alinmang hukuman dito sa ating
bansa.

TANONG : Matapos kong ipaliwanag sa iyo ang iyong mga karapatan bilang isang
malayang mamamayan alinsunod sa itinadhana ng ating Bagong
Saligang Batas, ito ba ay iyong naiintindihan at nauunawaan?
SAGOT : Opo.
TANONG : Nakahanda ka bang magbigay ng iyong malaya at kusang-loob na
salaysay kahit wala kang abugado na naririto ngayon, na hindi ka pinilit,
tinakot, sinaktan o pinangakuan ng ano mang bagay?
SAGOT : Opo.

PAGPAPATUNAY

Ako si JOSE M. GOPEZ ay nagpapatunay sa pamamagitan ng paglagda ko sa


ibaba na ako ay pinaalalahanan ng aking mga karapatan bilang isang mamamayan
alinsunod sa ating Bagong Saligang Batas at hindi ko na kailangan pa ang isang
abugado dahil pawang katotohanan lang ang aking sasabihin, at ako ay hindi pinilit,
tinakot, sinaktan o pinangakuan ng ano mang bagay patungkol sa pagsisiyasat na ito.

Jose M. Gopez
Nagsalaysay

MGA TANONG AT SAGOT

1. TANONG: Lahat ba ng nasa unahan nito ay pawang nauunawaan at naiintindihan


mo?
SAGOT: Opo

2. TANONG: Ikaw ba ay nakahandang magpahayag ng katotohanan at pawang


katotohanan lamang sa pagsisiyasat na ito?
SAGOT: Opo

3. TANONG: Ikaw ba ay nakakaintindi, nakakapagsulat at nakakapagsalita ng


wikang tagalog na siya nating gagamitin sa pagsisiyasat na ito?
SAGOT: Opo
(Malaya at Kusang-loob na Salaysay Ni Ginoong Jose M. Gopez)
4. TANONG: Kung gayon, maaari mo bang sabihin kung ano ang iyong buong
pangalan, edad at iba pang bagay na may kinalaman sa iyong
pagkatao?
SAGOT: Ako si Jose M. Gopez, 49 y/o, nakatira sa First Street, Marisol Village,
Barangay Marisol, Angeles City. Ako po ang may-ari nang nasabing
pagawaan, Gopez Wood Craft.
5. TANONG: Nasaan ka nang mangyari ang nasabing sunog?
SAGOT: Nasa bahay po ako noong mangyari ang sunog sa aking pagaawaan.
6. TANONG: Paano mo nalaman na nasusunog ang iyong pagawaan?
SAGOT: Dumating sa aking kaalaman ang sunog na ito nung tawagan ako
nang isa sa mga opisyal ng Barangay Cutud sa aking cellphone at
ibinalitang kasalukuyang nasusunog sa loob nang aking pagawaan
noong nagyari ang insidente.
7. TANONG: Maari mo bang ilarawan ang lokasyon at aktibidad sa iyong
pagawaan?
SAGOT: Ang aking pagawaan ay nasa may liblib na lugar at sa paligid nito ay
may mga puno sa bandang harap na bahagi. Sa likuran naman nito ay
may matataas na talahiban at iilang mga lumaking mga halaman.
Kami ay gumagawa nang mga kasangkapang gawa sa kahoy tulad
nang mga pinggan at ito ay aming ineeksport.
8. TANONG: Ano sa tingin nyo po ang nagging sanhi nang sunog?
SAGOT: Base sa nasambit nang aking tagapamahala na may nasusunog na
talahiban at mga puno ng kahoy noong siya ay umalis nang
pagawaan, malakas ang aking hinala na ang linipad na baga o alipato
na pumasok sa vent sa bandang bubong ang naging sanhi nang
sunog. May vent sa may kaliwang bahagi ng aking bubong sa gawing
likuran para dito pumasok ang sariwang hangin. Subalit sa gawing
pababa nang vent na iyon, doon namin tinatambak ang mga kusot at
pininong kahoy pansamantala. Doon marahil linipad nang hangin ang
baga o alipato at nagdulot nang apoy sa nakatambak na kusot at
pinong kahoy na siya namang naging sanhi nang paggapang nang
apoy sa mga makina na nasa bandang likuran.
9. TANONG: Paano nyo po nasabi na iyon marahil ang naging sanhi nang sunog?
SAGOT: Ito ay sa kadahilanang noong nakaraang taon ay may pumasok ding
linipad na baga sa mga butas sa likuran ng pader nang aking
pagawaan na nagdulot din nang sunog sa nakatambak na
pinagpinuhang kahoy. Subalit ito ay agad naming
nakita at naapula.
10. TANONG: Ano po ang iyong ginawa matapos ang pangyayaring iyon?
SAGOT: Ipinasara ko ang mga butas sa pader sa may likurang bahagi nang
aking pagawaan at nagtalaga akong bantay mula sa isa sa aking mga
tauhan.
11. TANONG: May gusto pa po kayong idagdag? may mga halaman sa likuran ng
SAGOT: Wala na po.
12. TANONG: Nakahanda ka bang lagdaan ang salaysay na ito na binubuo ng
dalawang pahina bilang patunay na ang iyong mga isinalaysay ay
pawang katotohanan lamang?
SAGOT: Opo

(WAKAS NG SALAYSAY, NGAYONG IKA-11 NG PEBRERO, 2022, SA GANAP NA IKA-10 NG UMAGA)

Dante M. Narbay

Nagsalaysay
SFO3 Rustico L Castro Jr.
Saksi

Sinumpaan at nilagdaan sa harap ko ngayong Ika-11 ng Pebrero, 2022, dito sa


tanggapan ng Angeles City Fire Station, City Hall Compound, Pulung Maragul, Angeles
City.
CINSP ERRICK S DERRO
Administering Officer

You might also like