You are on page 1of 4

Sa larangang ito, Wika ang pangunahing kasangkapan sa pakikipag-

ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng pinamamahalaan o ng


mamamayan. Dahil dito, marapat lamang na gamitin ang wika sa
komunikasyon ng bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito, dalawa
ang daloy o proseso ng komunikasyon: paghahatid ng mensahe ayon sa
batas at ang tugon o sagot ng bayan.
Sa usapin tungkol sa politika, mapapansin natin na madalas sa mga
kandidato o politiko ay gumagamit ng wikang Filipino, sapagkat dito
makikita natin na mas nakukuha nila ang puso at diwa ng mga madla, lalo
na sa pagbibigay o pagbabahagi ng kanilang mga plataporma o adhikain.
Ginagamit nila ang wikang Filipino sapagkat mas madali itong naiintindihan
ng karamihan o ng lahat.
Ngunit sa kabilang banda, masasabi rin natin na makapangyarihan
ang wika, bukod sa may kakayahan itong makapagbuklod o buklurin ang
mga tao sa isang bansa, tandaan din natin na ang wika ay may kakayahan
ding magkontrol at baguhin ang isipan at damdamin ng tao. Sa madaling
sabi maaari rin itong gamitin upang makapanlinlang ng ibang tao lalo na
kung wala silang sapat na kaalaman sa sinasabi ng mga ito.
Sa usapin tungkol naman sa Batas, makikita natin na sa kasalukuyan
ay mas nananaig pa rin ang paggamit ng wikang Ingles lalo na sa hukuman
at sa mga batasan kung saan ginagawa ang mga batas. Wikang hindi
naman talaga naiintindihan ng karamihan o ng lahat.
Kung ating iisispin malaking porsyento pa rin ng mamamayang
Pilipino ang masasabi nating mangmang sa batas ng bayan, lalo na iyong
mga masang Pilipino na nasa laylayan na hindi gaanong nakapag-aral o
walang sapat na kaalaman sa paggamit ng wikang ingles.
Dahil dito mas lalong lumalala ang kabaluktutan at katiwaliang
ginagawa ng mga taong nakaluklok sa mataas na posisyon, patuloy tayong
naloloko at nagpapaloko sa kanila sa kadahilanang marami pa rin sa ating
mga Pilipino nga ang mangmang sa batas ng bayan, at wala pa gaanong
alam sa mga karapatang taglay nila bilang isang mamayan ng bansang ito
o bilang isang Pilipino, na siyang nagiging hadlang sa ninanais nating
kaunlaran.
Nabanggit ko nga kanina na sa larangang ito ay dalawa ang daloy o
proseso ng komunikasyon: paghahatid ng mensahe ayon sa batas at ang
tugon o sagot ng bayan.
Kung ating susumahin paano nga ba sila makakatugon nang
maayos, paano sila makapagbibigay ng kanilang mga opinion, saloobin o
ideya kung hindi naman talaga nila lubos maintindihan yung mga
panukalang batas na mayroon tayo. Kumbaga parang nalilimitahan tayo
sa mga bagay-bagay na dapat nating malaman, lalo na yung mga
karapatan dapat nating taglayin bilang mga Pilipino o mga mamamayan ng
bansang ito.
Hanggat wikang ingles ang naghahari sa paggawa ng batas at sa
batasan ay mas lumalayo yung agwat ng mga mayayaman sa mga
masang Pilipino nasa laylayan at mas lalong iigting at lalala ang
kabaluktutang ginagawa ng mga nakaluklok sa matatas na upuan at
patuloy pa ring lalaganap ang kamangmangan sa ating bayan.
So bilang kabuuan, masasabi nating yung pagtulak sa paggamit ng
wikang Filipino sa paggawa ng mga batas ang siya lamang susi sa
pagpapalaganap ng katarungan at kaunlarang ninanais ng ating bayan.
Masasabi kong susi rin ang wikang Filipino sa pagbukas o pagmulat ng
ating kamalayan upang hindi na tayo muling malinlang.
https://www.scribd.com/document/436134542/Filipino-Reaksyong-
Papel
https://www.elcomblus.com/ang-wikang-filipino-sa-ibat-ibang-
larangan/

Sa simpleng pagpapakahulugan ang Humanidades ay tumutukoy sa


mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao.
Tumutugon ito sa isang pangkat ng mga palagay at saloobin na
nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay.
Dito rin natin malalaman at matutuklasan yung mga pagbabagong
nagaganap o nangyayari sa ating lipunan at sa ating ekonomiya.

Sa ngayon, higit nang malawak ang saklaw ng larangang ito


sapagkat maaari na ring talakayin ang tungkol sa ating kultura, pagpipinta,
musika, estruktura, at iba pang makataong sining.

Sa larangang ito, Wikang Ingles ang midyum na ginagamit sa


pagtuturo, pero di ba? Kung mapapansin natin, Ilan sa mga guro ay
gumagamit ng wikang Filipino, bumabawi nalang sa pagpapaliwanag at
gumagamit na lamang ng wikang Filipino para mas maipabatid sa kanilang
mga mag-aaral yung mga araling dapat nilang matutuhan at malaman. Ito
yung way nila para mas makasabay sa daloy ng talakayan at maintindihan
ng kanilang mga mag-aaral yung araling kanilang pinag-aaralan.

Napakahalaga ng ginagampanang papel ng ating wika sa larangang


ito sapagkat sa larangang ito ay napapalawak natin nang lubos ang
kamalayan natin bilang isang tao at bilang isang mamamayan sa lipunang
ito, higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha at
gawi ng ibang tao.

Ngunit sa kabilang banda, hindi pa rin natin maikakait at maikakaila


na mayroon pa ring mga guro ang hirap sa pagtuturo, gamit ang sarili
nating wika sa kadahilanang mayroon pa ring mga terminolohiya sa ingles
na walang katumbas na salin at salita sa ating wika.

Kadalasan ang wikang Ingles ang ginagamit sa pagtuturo nito, mula


sa antas ng hayskul hanggang sa kolehiyo, bihira ang guro or propesor na
gumagamit ng sariling wika sa pagtuturo nito.

Ang mga libro at mga pahayagang ginagamit sa pagtuturo nito ay


pawang nakasulat sa ingles lamang, Dahil dito, naniniwala ang mga
siyentista na kailangan din ito ituro sa Ingles. Ngunit sa panahon ngayon,
matindi ang pangangailangan ng mga kabataan na matuto ng makabagong
agham para makasulong sa edukasyon.

Kung sariling wika natin ang gagamitin sa pagtuturo nito, matitiyak na


Mas malaya ang pagtatanong ng mga estudyante at mas magiging buhay
yung talakayan sa gantong paraan. Mas madaling naiintindihan ng mga
estudyante ang mga konseptong teknikal na pinapaliwanag
Ngunit sa kabilang banda, mahirap pa rin ang pagsulong ng agham
gamit ang ating wika dahil sa kakulangan ng mga materyales, tulad ng
babasahin at mga librong pang-agham na maaaring gamitin ng mga
estudyante.

Ayon sa Third International Matehmatics and Science Study na


lumabas noong 1997, nahuhuli ang Pilipinas sa larangan ng agham at
teknolohiya. Dahil na rin siguro sa kakulangan ng mga kaalaman nating
mga Pilipino sa larangang ito.

Kumpara sa mga ilang mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea,


Taiwan, Tsina, Germany, Pransiya, España at iba pang mga mauunlad na
bansang gumagamit ng kanilang sariling wika. Di ba? Kung mapapansin
natin sa mga nabanggit na mga bansa ay hindi sila gumagamit ng mga
banyagang wika sa pag-aaral, bagkus mas pinapaigting nila yung paggamit
ng kanilang wika o sarili nilang wika kasi nga yun lang yung kumbaga nag-
iisang wikang mayroon sila na naiintindihan ng lahat,

so tayo rin bilang mga Pilipino, bakit hindi natin paunlarin ang sariling
wika natin para mas maging matatas din ang mga Pinoy sa larangan ng
agham. Di ba?
Sa ngayon mayroon nang mga ilang tao, guro o mga propesor ang
nagbubukas kumbaga ng paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng
agham at teknolohiya.

Ngunit may ilang mga tao ang kumbaga Makapipigil raw ito sa
pagiging globally competitive ng mga estudyante dahil Ingles ang
ginagamit na lingua franca o medium of communication sa mundo. Bukod
sa kailangan ito para sa mabilis na pag-unlad., ito rin ang paraan para
makakuha ng pinakabagong kaalaman sa agham at teknolohiya.

Mayroong diksyunaryo na nabuo ng mga siyentipiko noong dekada


sisenta at isa naman sa dekada otsenta. “Ang Talahuluganang Pang-
Agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang
manggagamot mula sa UST; at ang English-Pilipino Vocabulary for
Chemistry na nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome
Miranda, mga propesor ng kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sa ngayon, ang UP Diliman lamang ang may librong pang-agham sa


Filipino dahil sa panghikayat na binigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito .

At kung nahihirapan ang karamihan sa pag-unawa ng Ingles, paano


nila mapag-aaralan ang mga teknikal na konsepto sa agham na pawang
Ingles lamang? Dahil dito, mahalaga ang pagbuo ng bokabularyong agham
at teknolohiya sa wikang Filipino.

“Kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng


Hapon, Korea, Taiwan, Tsina, Germany, Pransiya, España at iba pang
bansa na gamit ang sariling wika,?” ani ni Sevilla III.

Mahalaga ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon


dahil ito ang susi sa pag-unlad ng bansa.

You might also like