You are on page 1of 37

Ang Paggamit ng Virtual Simulation Bilang Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-

aaral sa Emilio Aguinaldo College – Cavite sa Panahon ng Pandemya

PANIMULA

Ang panahon ng pandemiya ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga

mamamayan ng Pilipinas, Sa mga magulang, guro, at karamihan ng populasyon sa ating

bansa, lalo na sa mga estudyante. Hindi lamang sa nagiging limitado ang mga pasilidad

na maaring gamitin sa pagkatuto ng mga estudyante, Tayo ay nagkakaroon din ng

pagkukulang sa karanasan para sa tatahakin nating propesyon nang dahil sa limitadong

resources na maaaring magamit sa ating pagaaral. Maaaring magkaroon din ng

kakulangan sa mga skills ang mga estudyante dahil sa limitadong learning environment

kagaya ng social interaction skills na mas mahahasa kapag tayo ay nasa isang face-to-

face na senaryo. Ang pandemiya ay nagkaroon din ng impact sa financial stability ng

bansa at sa mga mamamayan nito sapagkat maraming mga business at Negosyo ang

isinara dahil sa pagsunod ng COVID-19 Protocol na isinasagawa para ligtas ang mga

mamamayan sa pagkalat ng virus.

Ang Virtual Simulation o screen-based simulation ay ang pagaya ng mga “real

world situations” at ipinapakita ito sa isang screen, dito ay napapractice ng isang tao ang

kanilang motor control skills, decision skills, at communication skills ng hindi na

kailangan pang lumabas o makihalubilo sa ibang tao para sa kaligtasan ng kanilang

kalusugan, at maiwasan ang pagkahawa ng sakit lalo na’t sa panahon ngayon ng

pandemiya. Ang Virtual Simulation ay isa sa pinakamabisang substitute para sa mga


facilities na paaralang hindi magagamit ngayong pandemiya kagaya ng mga laboratory, at

dahil dito nagkakaroon ng panibagong paraan ng pagkatuto ang mga estudyante para sa

mga kasanayang kailangan nila sa tatahakin nilang propesyon. Sa pananaliksik nila Neila

Campos et al. (2020) na “Simulation-based education involving online and on-campus

models in different European universities”, Isinaad nila na ang paggamit ng mga

simulation software at tools ay nagkakaroon ng malaking pagbabago sa pagtuturo at lalo

na sa pagkatuto ng isang indibidwal. Ang pagkakaroon ng mas advanced na teknolohiya

ay nakakatulong na pagandahin ang pagsasanay ng isang estudyante sa kanyang mga pag-

aaral. Ang Virtual Simulation ay nagbibigay din ng mga senaryong makatotohanan upang

mahasa ang isang estudyante sa kanyang mga karanasan at magbigay ng mas malawak na

kaalaman sa kanyang career path na tatahakin (Kutz et al. 2016). Sa paggamit ng mga

Virtual Simulation bilang paraan ng pagkatuto, nakakaranas din ang mga estudyante ng

hands-on training upang sila ay maging handa sa aktuwal na mga gawain (Juan et al.

2017).

Ang pagsasara ng mga paaralan dahil sa paglaganap ng pandemiya ay nagkaroon

din ng malaking epekto sa mga estudyante. Nilahad ni Per Engzell (2021), ang pag

suspinde ng face-to-face klase ay nagkaroon ng negatibong epekto sa pagkatuto ng mga

estudyante. Natuklasan din nila na 60% ng mga estudyante ay nagkaroon ng mas

mababang nakalap na examination results ng dahil sa kakulangan ng bukas na pasilidad

ng isang paaralan.Karamihan sa mga estudyante ay mas gusto ang pag-aaral ng face-to-

face sapagkat ito na ang nakasanayan nila at mas mabilis silang matuto sa ganitong

paraan. Sa survey ng Nami California noong April 2020 tungkol sa epekto ng covid-19 sa
mental health ng mga estudyante, 20% ng mental health ng college students ay lumala

dahil sa paglaganap ng COVID-19, dahil daw sa pagkukulang ng social interactions sa

kanilang mga kaklase.

Batay kay Shin H. (2019) Maaaring maging epektibo ang Virtual Simulation para sa

pagpapahusay ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang pamamaraan ng simulation ay

ipinakilala sa edukasyon upang matulungan ang pagsasanay ng isang estudyante. Ang

mga pamamaraang ito ay higit na epektibo, partikular sa mga larangan ng pagganyak sa

pag-aaral, malawakang kaisipan, komunikasyon at mga kasanayan sa paglutas ng

problema. Ang mga epektong pang-edukasyon ng virtual simulation ay nakamit sa

pamamagitan ng pagsasanay sa virtual simulation at ibang mga diskarte sa simulation.

Ayon kay D’Erico (2021), Ang “Virtual Simulation” ay isang epektibong paraan bilang

suporta sa pagkakatuto ng mga mag-aaral. Nakakatulong ang mga paggamit ng virtual

simulation pagpapanatili ng kaalaman, kritikal na pangangatwiran, at kasiyahan ng mag-

aaral sa pag-aaral. Nakakapagbigay rin ang mga Virtual Simulation na kakayahan sa mga

Guro na makapagbigay ng mas maayos at malinaw na pagtuturo sa kabila ng

pagkakaroon ng “Distance Learning” dulot ng pandemya.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL


Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay tungkol sa paggamit ng virtual

simulation bilang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral at makakatulong sa mga

sumusunod

Mga Mag-aaral

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral na mabigyang

impormasyon tungkol sa epekto ng paggamit ng mga Virtual Simulation bilang dagdag

tulong sa kanilang pag-aaral sa panahon ng pandemya. Mapapalawak din ang kanilang

kaisipan at persepyon sa pag-gamit ng ng mga “Virtual Simulation”at kahalagahan nito

bilang daluyan ng mga bagong impormasyon.

Mga Guro

Maaring magamit bilang gabay upang makabuo ng mga bagong stratehiya sa

pagtuturo kung saan maaaring magamit ang mga “Virtual Simulation” sa kanilang

pagtuturo upang higit na lalong mapaunlad ang mga kaalaman ng mga mag-aaral.

Institusyon

Nakadadagdag ito sa kredibilidad sa pangalan ng paaralan sapagkat nakapag

ambag ng bagong pag aaral para sa ikalalago ng lipunan ang mga estudyante nito. Bukod

pa rito, mabibigyan impormasyon ang Institusyon tungkol sa napapanahong epekto ng

paggamit ng mga “Virtual Simulation” sa panahon ng pandemya bilang paraan ng

pagkakatuto ng mga mag-aaral.

Mga Susunod na Mananaliksik

Ang mga datos at mga konklusyon na mabubuo sa pag aaral na ito ay pwedeng
gamitin ng mga susunod na mananaliksik bilang batayan ng mga impormasyon na

tungkol sa parehong layunin na kanilang isinasagawa.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang mga mag aaral na engineering sa Emilio Aguinaldo College sa Cavite ay

kinakailangan ng malawak na kaisipan, kasanayan at kalamanan sa pag gamit ng Virtual

Simulation. Dito napapadali ang pagkatuto at gawain ng mga mag aaral. Maraming mag

aaral na engineering sa Emilio Aguinaldo College sa Cavite ang nahihirapan kaya isa ang

pag gamit ng Virtual Simulation ay ang maaaring makatulong sa pag aaral ng mga mag

aaral ngayong pandemya

Ang paaralan Emilio Aguinaldo College sa Cavite ay isang malaking paaralan at

mayroon itong sapat na mga mag aaral para sa pangangailangan ng mga mananaliksik sa

kadahilanang mas mapadali ang pagkalap ng impormasyon mula sa mga kalahok.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay-impormasyon hinggil sa tungkol sa

paggamit ng virtual simulation bilang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral at Bilang

kaugnayan sa mga suliraning nais mabigyang kasagutan ng pag-aaral na ito.

Nilalayon nito matuklasan ang mga demograpikong detalye ng mga respondent ng

Emilio Aguinaldo College sa paggamit ng "Virtual Simulation", Layunin din ng

pananaliksik na ito ang mapaunlad at mapalawak ang pananaw at malaman kung paano

nahahasa ang kalaman ng mga mag-aaral ng Emilio Aguinaldo College – Cavite sa


paggamit ng Virtual Simulation bilang isang paraan ng pagkatuto sa panahon ng

pandemya.

SULIRANIN NG PAG-AARAL:

Nakatuon ang pagaaral na ito na ito upang bigyang kasagutan ang mga

sumusunod na tanong na may kaugnayan sa paggamit ng mga Virtual Simulation tungo

sa iba’t ibang pagkatuto ng mga mag-aaral ng Emilio Aguinaldo College – Cavite:

1. Ano ang mga demograpikong detalye ng mga respondente ng Emilio Aguinaldo

College - Cavite sa paggamit ng "Virtual Simulation"

1.2 Pangalan:
1.3 Kurso at year level:
1.4 Edad:
1.5 Kasarian:

2. Ano-ano ang mga Virtual Simulation na ginagamit ng mga respondente ng Emilio

Aguinaldo College - Cavite sa pagkatuto sa panahon ng pandemya

3. Ano ang mga epekto ng paggamit ng Virtual Simulation ng mga respondente sa

Emilio Aguinaldo College - Cavite

4. Ano-ano ang mga kasanayang nahahasa ng mga respondente sa paggamit ng

Virtual Simulation sa panahon ng pandemya sa Emilio Aguinaldo College -

Cavite

5. Ano-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga respondente sa paggamit ng

Virtual Simulation sa Emilio Aguinaldo College – Cavite


Conceptual Framework:

Input
Process Output
Ang profyl ng mga
-Talatanungan -“Ang epekto sa
tagatugon
Paggamit ng Virtual
-Pagtukoy at
-edad Simulation Bilang Paraan
pagbibigay ng
sarbey gamit ang ng Pagkatuto Ng mga
-kasarian
mga online Mag-aaral”
-Kasanayan ng platform
paggamit ng
Virtual Simulation - Paggawa ng
listahan ng mga
-Kalutasan sa mga katanungan o
problema kwestyuneyr
-Suliranin -Pagsusuri ng
Datos Resulta
-Intrepreatasyon ng - Pagkolekta ng data, sarbey o
mga datos
mga questioner na ibinigay at
ipinasagot sa respondete.

Ang konseptwal na balangkas o "conceptual framework" ng pananaliksik na ito na may

paksang, ”Ang Paggamit ng Virtual Simulation Bilang Paraan ng Pagkatuto Ng mga

Mag-aaral sa Emilio Aguinaldo College – Cavite sa Panahon ng Pandemya” ay ginamitan

ng input-process-autput model. Inialahad ng input frame ang profyl ng mga tagatugon

tulad ng edad, kasarian, Kasanayan ng paggamit ng Virtual Simulation, Kalutasan sa mga

problema at suliranin. Mga naging karanasan at pinagdadaanan ng mga estudyantesa

paggamit ng Virtual Simulation sa pansamantalang aktibidad sa kanilang kurso ngayon

pandemya. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga

mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang sarbey ng mga nakalap at naipon
na resulta. Ang output frame ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at

ang epekto ng Paggamit ng Virtual Simulation. Binibigyan ng balangkas konseptwal ang

pananaliksik na ito upang higit na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag aaral

na ito.

Hypothesis:

Ha: Higit na nais ng lahat ng mag-aaral ng kursong 'Computer Engineering' mula sa

Emilio Aguinaldo College - Cavite ang set-up ng Virtual Simulation bilang paraan ng

pagkatuto. Ho: Hindi gusto ng lahat ng mag-aaral ng kursong 'Computer Engineering'

mula sa Emilio Aguinaldo College — Cavite ang paraan ng Virtual Simulation sa paraan

ng kanilang pagkatuto.

Ha: Higit na nahahasa ang laboratory skills ng lahat ng mag-aaral ng kursong 'Computer

Engineering' mula sa Emilio Aguinaldo College — Cavite sa tulong ng Virtual

Simulation. Ho: Hindi nahahasa ang laboratory skills ng lahat ng mag-aaral ng kursong

'Computer Engineering' mula sa Emilio Aguinaldo College— Cavite sa pamamagitan ng

Virtual Simulation.

Ha: Higit na nagkakaroon ng kaalaman ang lahat ng mga mag-aaral ng kursong

'Computer Engineering' mula sa mag-aaral ng Emilio Aguinaldo College — Cavite sa

pamamagitan ng Virtual Simulation.

Ho: Hindi nagkakaroon ng dagdag kaalaman ang lahat ng mag-aaral ng kursong

'Computer Engineering' mula sa Emilio Aguinaldo College — Cavite sa pamamagitan ng

Virtual Simulation.
KATUTURAN NG KATAWAGAN:

Virtual Simulation - ginagamit sa maraming konteksto, gaya ng simulation ng

teknolohiya para sa pag tune o pag optimize ng performance, pag subok at pagsasanay.

Teknolohiya - pag sulong at pag lapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at

proseso upang tumulong sa pag lunas ng mga suliranin. Tumutukoy ito sa mga kagamitan

o nadebelop upang mapadali ang buhay ng tao.

Digital Learning - Anumang uri ng pag aaral na sinamahan ng teknolohiya o sa

pamamagitan ng kasanayan sa pag tuturo na gumagawa ng epektibong paggamit ng

teknolohiya. Isang malawak na spectrum ng mga kasanayan kabilang ang virtual na pag

aaral.

Pandemya - Isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na nakakaapekto sa

maraming tao at may mabilisang kumakalat sa buong mundo.

Metodolohiya

Disenyo ng Pananalikisik

Ang Disenyong Descriptive ay ang paglalarawan ng isang phenomena sa accurate

na pamamaraan. Ang disenyong ito ay nangongolekta ng datos gamit ang test,

questionnaire, interview o sa pag obserba. Ang pinaka layunin ng Deskriptibong disenyo

ay malarawan ang phenomenang pinag-aaralan habang nasunod sa proseso

(Atmowardoyo, 2018). Ang mga mananaliksik ay gumamit ng "Descriptive" na disenyo

para sa pag-aaral na ito upang makakalap ng datos tungkol sa mga epekto ng paggamit
"Virtual Simulation" bilang paraan ng kanilang pagaaral ng mga estudyante ng Emilio

Aguinaldo College-Cavite.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-

aaral ay isang sarbey-kwestyoneyr o isang talatanungan. Ipasasagot ito sa isang daang

respondenteng napili. Ito ang aming gagamiting instrumento dahil ang impormasyong

kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw ng bawat respondente.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong

makapangalap ng mga datos upang masuri ang magandang paraan ng paggamit ng isang

virtual simulation para sa paraan ng pagkatuto. Ang mga mag-aaral sa Emilio Aguinaldo

College - Cavite na nakapaloob sa Computer Engineering mula sa first year college

hanggang sa fourth year college ay ang gagawing paksa o ang mga makikilahok ng

sarbey.

Pangangalap ng Datos sa Pananaliksik:

Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag- aaral, ang mga

mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey gamit ang "online platform" ngayon pandemya.

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa pag gawa ng talatanungan

at sinundan ng pag sasaayos sa intrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at

upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin. Ang

paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Sa pagbigay ng sarbey, mabuti


munang personal na ipaliwanag at pinamahalaan ng mga mananaliksik sa mga

respondente ng Emilio Aguinaldo College - Cavite na nakapaloob sa Computer

Engineering na kurso mula sa first year college hanggang fourth year college ay ang

paraan at proseso ng nasabing sarbey upang makuha ang nararapat na tugon.

Ang pananaliksik na ito ay may layong makuha lahat ng kinakailangang

impormasyon ng mga respondente na siyang gagamitin sa pag analisa upang bigyan

linaw at diin na maipapakita sa maaring maging resulta ng pananaliksik

Teknik ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng random sampling technique na kung saan

ang mga napiling respondente ay limampung (50) mag-aaral ng Emilio Aguinaldo

College - Cavite na nakapaloob sa Computer Engineering na kurso mula sa first year

college hanggang fourth year college. Ang mga respondente ay pipiliin batay sa kung

sino ang madaling malapitan at kung sino ang pagpayag na makilahok sa pag-aaral na ito.

Pag-aanalisa ng Datos sa Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakita kung gaano ka epektibo ang

Virtual Simulation bilang paraan ng pagkatuto ng lahat ng studyante sa kursong

'Computer Engineering' mula sa Emilio Aguinaldo College — Cavite. Gagamit ng

Inferential Statistics ang mga mananaliksik upang malaman ang pinagkaiba ng sa pagitan
ng mga baryabol. Ang Inferential Satistics ay nakatuon sa paggawa ng mga pagpapalagay

sa karagdagang populasyon.

Resulta at Diskursyon: Presentasyon ng Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman at nagpapakita ng mga pagsusuri, presentasyon, at

interpretasyon ng mga datos at natuklasan ng pag-aaral mula sa pangunahing

instrumento. Ang mga datos ay naugnay sa Paggamit ng Virtual Simulation Bilang

Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Emilio Aguinaldo College – Cavite sa

Panahon ng Pandemya. Upang mapadali ang talakayan ng mga resulta, ang data ay

ipinakita sa tabular at textual na anyo sa pagkakasunud-sunod ng mga tanong na

ibinangon sa unang kabanata. Ang mga natuklasan ay tinalakay din sa liwanag ng mga

nakaraang natuklasan sa pananaliksik at magagamit na literatura, kung naaangkop, upang

matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba sa pagitan ng pananaliksik na ito at ng mga

nakaraang pag-aaral at literatura.

SOP#1: Ano ang mga demograpikong detalye ng mga respondente ng Emilio

Aguinaldo College - Cavite sa paggamit ng "Virtual Simulation"

Demograpikong Profile ng mga Respondente:


Ang unang problemang tinutugunan sa pag-aaral na ito ay ang demograpikong

propayl ng ang mga sumasagot at ang kaugnayan nito sa kanilang pag-gamit ng virtual

simulation. Ang seksyon na ito sinusuri ang iba't ibang katangian ng demograpiko ng

mga respondent bago sa kanilang pag-sagot ng mga kuwestyuner sa sarbey. Pagsuporta


sa mga pigura para sa profile ng mga respondente sa mga tuntunin ng kasarian, edad,

baitang at kurso o section.

Kurso at Baitang

4%
18%
38%
TCPE 1-1 TCPE 1-2

40% TCPE 2-1 TCPE 3-1

Sa unang suliranin ay kukunin ang demograpikong profile ng ang mga sumasagot

sa kaugnayan ng pananaliksik. Pagtapos hingin ng mananaliksik ang pangalan ng mga

respondent ay saka naman tutukuyin kung anong section o kurso ng mga sumagot at

kanilang antas o baitang. Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng random

sampling technique kung saan ang pinagtutuunan ng pansin sa pag-aaral na ito ay ang
mga estudyante sa unang hanggang apat na taon ng kolehiyo sa kurso ng Computer

Engineering. Makikita sa grapiko na karamihan sa mga sumagot o merong frequency na

20 at porsyentong 40 na TCPE 1-2 sumunod naman dito ang respondete ng mga tiga

TCPE 1-1 na merong frequency na 19 at porsyentong 38. Samantalang ang TCPE 2-1 ay

may bilang o frequency na 9 at merong 18 porsyento. Ang pinakahuli at ang may

pinakamababa at kaunting bilang ay ang mga respondent na tiga TCPE 3-1 na may

Edad

6%
10% 24% 18 19 20

16%

21 22
44%

frequency na 2 at mayroong 4 na porsyento na kuma-kabuoang bilang ng frequency ay 50

at may porsyentong na 100.

Ipinipakita sa pangalawang pigura na ang pinakamaraming respondente ay galing sa

kasalukuyang 19 taong gulang na may frequency na 22 at percentage na 44% sumunod


dito ang mga respondente na may edad na 18 taong gulang na may frequency na 12 at

percentage na 24%. Ikalawa sa may isa sa pinaka onting bilang ay ang mga respondente

na may edad na 20 taong gulang na may frequency na 8 at 16 na porsyento.

Ang sumunod naman ang may pangalawa sa pinaka kaunting bilang ay ang mga

respondente na may edad na 21 taong gulang na may frequency na 5 at percentage na

10% at pang-huli ay ang mga respondente na may edad na 22 taong gulang na may

frequency na 3 at percentage na 6% at eto ay may kabuuang bilang ng frequency ay 50 at

may percentage na 100%.

Kasarian

40% Lalaki Bababe

60%

Sa pang-huli ng proseso ng pagkuha ng demograpikong propayl, inalam din ng

mananaliksik ang kasarian na lumahok sa pag-aaral na ito ng mga sumagot sa sarbey at

merong frequency na 30 at may porsyentong 60 na lalaking respondent at sa babae naman

ay may frequency na 20 at mayroong 40 na porsyento na may kabuuang bilang ng

frequency ay 50 at may percentage na 100%.


SOP#2: Ano-ano ang mga Virtal Simulation na ginagamit ng mga respondente ng
Emilio Aguinaldo College ─ Cavite sa pagkatuto sa panahon ng pandemya?

-Makikita rito na ang karamihan o 90


porsyento ng mga mag-aaral sa
Emilio Aguinaldo College-Cavite ay
gumagamit ng Labster para sa
kanilang virtual simulation at ang 8
porsyente ay gumamit ng tinatawag
na LogicSim samantala ang natitira 2
porsyento ay Cisco Packet Tracer ang
gamit
SOP#3: Ano ang mga epekto ng paggamit ng Virtual Simulation ng mga

respondente sa Emilio Aguinaldo College – Cavite

Sa pananaliksik na ito, tinutukoy ng mananaliksik kung ano-ano ang epekto ng

paggamit ng Virtual Simulation ng mga mag-aaral sa Emilio Aguinaldo College-Cavite.

Isinaad ni Padilha J, et al. (2019) sa kanilang journal na pinamagatang “Clinical Virtual

Simulation in Nursing Education: Randomized Controlled Trial”, ang epekto ng pag-

introduce ng Virtual Simulation sa pag-aaral ng mga nursing students ay may potensyal

na magpalago at mahasa ang kanilang mga kaalaman at “clinical reasonings” bilang

pangunahing hakbang sa kanilang pagkatuto. Nadaragdagan din nito ang satisfaction

rate ng kanilang experience sa pag-aaral. Ayon kina Thisgaard, M., at Makransky G.

(2017) Ang mga virtual na simulation sa pag-aaral ay lalong ginagamit sa magkakaibang

pang-edukasyon at pagsasanay bilang pandagdag sa tradisyonal na pamamaraang pang-

edukasyon at nagbibigay ang mga ito ng mahahalagang benepisyong pang-edukasyon. Isa

dito ang virtual learning simulation na nagbibigay ng epektibong pag-access upang

maipahayag ang sining na pagsasanay at mga tool sa pag-aaral, na higit sa kung ano ang

maibibigay ng maraming institusyong pagtuturo. Higit pa rito, ginagawang posible ng

mga simulation para sa mga mag-aaral na magkaroon ng makatotohanang senaryo na

maaaring hindi maranasan sa totoong buhay dahil maaaring masyadong mapanganib ang

mga ito. Ang simulation ng pag-aaral ay nagbibigay ng isang mahusay para sa pakikipag-
ugnay sa pag-aaral batay sa pagtatanong dahil binibigyang-daan nila ang mga mag-aaral

makakuha ng kaalaman. Epektibo na ang simulation ay maaaring magsulong ng

Marami ang mga nagiging prob-


lema sa paggamit ng Virtual
Simulation ng mga estudyante
38%
32%
16%
8% 6%
n l
yo on tra on on
- a - ay eu g ay - a y
ng ng N an ng
Sa Sa is sa
a nd nd
e
osn Hi hi
b a
Lu sn
bo
Lu
kaalaman, bumuo ng mga kaugnay na kasanayan at

mapadali ang pagbabago sa konsepto.

Makikita sa talatanungan ng datos na marami raw ang maaaring maging problema

sa paggamti ng Virtual Simulation ng mga estudyante. Ayon kina Lodge, JM., et al.

(2018) Habang dumarami ang laki ng klase sa edukasyon at nakakaapekto ang

teknolohiya sa edukasyon sa lahat ng antas, lumilikha ang mga ito ng mga makabuluhang

pang teknolohiya na kagamitan para sa mga guro habang sinusubukan nilang suportahan

ang mga indibidwal na estudyante. Ang teknolohiya ay walang alinlangan na nagbibigay

ng malaking pakinabang para sa mga mag-aaral, na nagbibigay-daan sa kanila na

magamit at malaman ang impormasyon mula sa madali at anumang oras. Ang mga

pakinabang at tumaas na paggamit ng teknolohiya ay nahayag sa paglipas ng panahon


habang ang mga mag-aaral ay lalong nakikibahagi sa mga bagong inobasyon. Sa

pagsusuring ito, tutugunan namin ang isang isyu na naging unti-unting nakikita sa mga

digital learning environment ngunit may kaugnayan sa lahat ng mga setting ng

edukasyon, partikular na habang lumalaki ang mga laki ng klase. Susuriin namin ang mga

kahirapan sa pagtatangkang maunawaan at isaalang-alang ang mga pakikilahok na

Mabagal ang website ng mga


Virtual Simulation pag ginagamit
40% 38%

12%
6% 4%
l
on on tra on on
- ay - ay u ay - a y
ng ng Ne ng ng
S a S a sa sa
na ndi e
Hi nd
bos hi
Lu na
bos
Lu
nararanasan ng mga mag-aaral habang

natututo ng isang partikular na diin sa kung ano ang mangyayari kapag ang mga mag-

aaral ay nakakaranas ng pag gamit kasabay ang mga paghihirap.

Sa panahon ngayon, dahil sa kabagalan ng internet ng ibang wifi service provider,

ay nagreresulta din ito ng pagbagal ng mga website tulad na lamang ng Virtual

Simulation. Hindi rin maiiwasan na sa mismong gadget na mismo ng mga ma-aaral kaya

nabagal ang kanilang paggamit ng Virtual Simulation. Ayon kay Khan, F.(2021) Kung

nakakagamit tayo ng isang simulation kailangan nating malaman sa katotohanan na

mayroon na tayong mga kompyuter na nagagamit ng lahat ng uri ng simulation para sa


mas mababang antas. Para sa madaling visualization, maaari isipin ang mga katalinuhan

na ito bilang anumang hindi tao na mga character sa anumang video game na aming

nilalaro, ngunit sa esensya anumang algorithm na gumagana sa anumang computing

machine ay magiging kwalipikado para sa pag-iisip na eksperimento. Hindi kailangan

ang katalinuhan para magkaroon ng kamalayan, at hindi natin ito kailangan kahit na

maging napakakomplikado, dahil ang katibayan na hinahanap natin ay "naranasan" ng

lahat ng mga programa sa kompyuter, simple man o kumplikado, tumatakbo sa lahat ng

makina ngmabagal o mabilis.

CHART 3
Pagkatuto ng mag-aaral sa pag
gamit ng virtual simulation -Inilalahad sa tsart ang mga porsyentong
sinagot ng mga respondente sa pahayag
na "Pagkatuto ng mag aaral sa pag gamit
46%
38% ng Virtual Simulation". 46% ang mga
sumang ayon sa pagkatuto, 38% naman
16% para sa mga pumili ng neutral at 16%
para sa mga lubos na sang ayon na may
n n l 0%
n 0%
n
yo yo ra yo yo natutunan sa pag gamit ng virtual
a a ut ga a
g- g- N e
an g-
S an S an is s an simulation. Wala naman nakuhang datos
a nd nd
e
osn Hi
hi galing sa respondente para sa pag
b
Lu na pipiliang hindi sang ayon at lubos na
bos
Lu hindi sang ayon.

Isa sa layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagkatuto ng mga mag-aral sa kanilang

paggamit ng Virtual Simulation at ano ang Benipisyo nito sa pag-aaral ngayong

pandemya. Ayon kin Madden, J., et al. (2020) Mahalagang tukuyin kung ang virtual

simulation ay nagbibigay ng sapat na mga pakinabang sa iba pang mga paraan ng pag-

aaral upang bigyang-katwiran ang pag gamit nito. Sinusukat ang pagpapabuti ng mag-
aaral sa umiiral na pag-aaral sa pag gamit ng virtual simulation. Ibinigay na ang pag-aaral

ay parehong anuman ang kundisyon na nananatili ay ang katotohanan na ang kalahok ay

malawak na pinapaboran ang virtual simulation na karanasan.

CHART4
Malaki ang epekto nito sa on- -Ang kinalabasan batay sa tsart sa itaas
line class lalo na ngayong ay nagpapakita na 40% ay nag sang ayon
pandemya na malaki ang epekto nito sa online
class. Habang ang 18% nito ay lubos na
40% nag sang ayon, at 18% din naman sa mga
18% 18% respondente ay neutral, at wala na
l
6%
0% sakanila ang nakapag pili pa ng iba. Para
on on ra on yo
n
ay ay ut a y a sa kalahatan ipinakita sa datos na ito na
g- g- N e
an
g g-
S an S an is s an malaki ang naging epekto nito sa online
a nd nd
e
osn Hi
hi class lalo na at ngayong pandemya.
b
Lu na
bos
Lu

Base sa nakalap na datos tungkol sa malaking epekto nito sa online class ngayong

kasagsagnan ng pandemya ay may malaking porsyento ng sumang-ayon dito. Ayon kay

Tabatabai, S.(2020) Ang pandemya ng covid 19 ay may kritikal na epekto sa edukasyon.

Isang hamon para sa mga taga pagturo ang maintindihan ang pag gamit ng isang virtual

simulation sa hindi pa naganap na napanahong wala pang pandemya ito ay binigyang-diin

ang pangangailangan ng pagkakaintindi at pagkatuto sa paraan ng virtual simulation. Ang

virtual simulation ay nagbibigay ng mahahalagang benepisyong pang-edukasyon, at ang

virtual na pag-aaral ay nagbibigay ng epektibong pag-access.


SOP#4: Ano-ano ang mga kasanayang nahahasa ng mga respondent sa paggamit ng

Virtual Simulation sa panahon ng pandemya sa Emilio Aguinaldo College - cavite

Ano-ano ang maaring mga kasanayan ang nahahasa ng mga mag-aaral ng Emilio

Aguinaldo College-Cavite sa paggamit ng Virtual Simulation sa panahon ng Pandemya.

Nabanggit ni Lateef (2010), Ang virtual simulation ay isang pamamaraan para sa

pagsasanay at pag-aaral na maaaring magamit sa maraming iba't ibang disiplina at uri ng

mga nagsasanay. Ang simulation-based na pag-aaral ay maaaring maging paraan upang

bumuo ng kaalaman, kasanayan, at ugali na pang propesyonal. Ilan sa mga kasanayan rito

ay ang kasanayan sa teknikal at functional na kadalubhasaan, Mga kasanayan sa paglutas

ng problema at paggawa ng desisyon, at Mga kasanayan sa interpersonal at

komunikasyon.

Ayon kay Venable (2021), Ang Virtual simulation ay lalong kapaki-pakinabang

sa pagbuo ng mga kasanayan at kabilang na rito ang tatlong sumusunod: Technical Skills,

Problem-solving skills at communication skills. Ang simulation learning ay

nagpapahintulot sa mga mag-aaral na magsanay ng mga kritikal na kasanayan sa trabaho

sa isang kontroladong kapaligiran. At sa pamamagitan ng pakikilahok sa simulation

learning, mahahasa mo ang iyong komunikasyon at mga teknikal na kakayahan. Habang

mas maraming paaralan at programa ang bumuo ng hybrid at online na mga opsyon sa

pag-aaral, maaaring umasa ang mga simulation bilang isang paraan para mahasa at

matutunan ang iba’t ibang kasanayan


CHART1
Napapahusay ang pagiisip ng
malalim o criticial skills ng mga -Ang resulta batay sa graph na ito ay
magaaral sa paggamit ang vir- 50% ang sang-ayon sa pahayag na
“Napapahusay ang pagiisip ng malalim o
tual simulation criticial skills ng mga magaaral sa
paggamit ang virtual simulation” at 16%
50%
naman ng mga respondente ang neutral.
14% 16% Gayunpaman, 14% ng mga respondente
6% 0%
ang lubos na sang-ayon at 6% naman ang
hindi sang-ayon. Wala naman
respondente ang lubos na hindi sang-
ayon sa pahayag na ito.

Sa pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay tinitukoy kung napapahusay ba ang

pagiisip ng malalim o critical skills ng mga magaaral sa paggamit ang virtual simulation

Ayon kay Knoesel (2017), Ang mga karanasan sa simulation ay nagbibigay-daan sa mga

mag-aaral upang magsanay ng kritikal na pag-iisip o critical thinking skills at iba pang

kasanayan. Ang mga kasanayan sa pag-iisip ay kinakailangan upang matiyak na ang mga

aktibong estratehiya sa pagkatuto tulad ng simulation, ay nagbibigay koneksyon sa

pagsasanay, at nahihikayat ang mag-aaral upang magbigay ng mas malalim na pag-unawa

at pagproseso ng kaalaman.

Nakakatulong ang virtual simu-


lation para higit na magimprove
ang technical skills ng mga es-
tudyante
40%
18% 18% CHART 2
6% 0%
-Batay sa graph na ito, 40% ng mga
respondente ang sang-ayon sa pahayag
na “Nakakatulong ang virtual simulation
para higit na magimprove ang technical
Sinuri din ng mananaliksik kung nakakatulong ba ang virtual simulation para higit

na magimprove ang technical skills ng isang estudyante. Ayon kay Nassar et al (2021),

Ang simulation at virtual reality (VR) ay nagbibigay ng isang mahalagang makabagong

diskarte sa pagsasanay upang mapahusay at mapapaunlad ang Technical skills at non-

tehnical skills at makakatulong uapang mapagtagumpayan ang maraming hamon sa

pagsasanay. Upang mapakinabangan ang pagiging epektibo ng simulation modalities, ang

isang malalim na pag-unawa sa teorya ng pag-aaral ng nagbibigay-malay ay

kinakailangan.

CHART 3
Higit na nakikita at naeexperi-
-Batay sa graph na inilahad, 56% ng mga
ence ng mga magaaral ang ibat respondente ang sang-ayon sa pahayag
ibang pagkatuto gamit ang vir- na “Higit na nakikita at naeexperience ng
tual simulation ngaun Pande- mga magaaral ang ibat ibang pagkatuto
mya gamit ang virtual simulation ngayon
56% Pandemya”. 18% naman ang neutral at
10% 18% 10% naman ang lubos na sang-ayon. 6%
6% 0%
naman ang hindi sang-ayon at wala
naman nakuhang datos sa lubos na hindi
sang-ayon.
Sa chart 3 ay tinutukoy ditto na higit na nakikita ba at naeexperience ng mga

magaaral o estudyante ang iba’t ibang pagkatuto gamit ang virtual simulation ngayon

panahaon ng pandemya. Ayon kay Urdinola et al (2021), Ang virtual simulation at vr ay

may posibilidad na maging isang epektibong mekanismo ng pagtuturo upang bumuo ng

mga kasanayan ng mga mag-aaral at napatunayang ito ay isang mahalagang kasangkapan

para sa mga mag-aaral. Nakakatulong ito upang mas makita at maranasan ng magaaral

ang iba’t ibang pagkatuto lalo na sa panahon ng pandemya.

CHART 4
Higit na naiintindihan ng mga
estudyante ang lesson kapag -Makikita sa graph sa graph na ito ang
datos ng pagtugon ng mga respondente
gumagamit ng virtual simulation sa pahayag na “Higit na naiintindihan ng
42%
mga estudyante ang lesson kapag
gumagamit ng virtual simulation” 42%
22%
12% 10% ng mga respondente ang sang-ayon at
l 2%
yo
n on tra on yo
n 22% naman ang neutral. 12% naman ang
-a - ay eu g ay - a
ng ng N an ng lubos na sang-ayon na higit nila
Sa Sa is sa
a nd nd
e naiintindihan ang mga lesson. 10%
osn Hi
hi
b naman ang hindi sang-ayon at 2% lang
Lu na
bos
Lu ang lubos na hindi sang-ayon.
Maraming paraan upang mapabuti ang pagaaral ng mga estudyante ngunit sa

panahon ngayon ng pandemya ay pinatupat ang new normal o ang online class. Kaya

naman sa pag gamit ba ng virtual simulation ng mga estudyante para sa kanilang lesson

ay higit ba nilang naiintindihan.Sa pagaaral ni Garcia, et al. (2021), Sa kabila ng

pagkakulong sa tahanan ng mga mag-aaral dulot ng pandemya ang paggamit ng isang

virtual simulation platform ay maaaring isang kapaki-pakinabang na paraan tungo sa iba’t

ibang pagkatuto ng magaaral. Maaaring mapataas ng virtual na pagsasanay ang kaalaman

at tiwala sa sarili ng mga mag-aaral at nakakatulong ito sa mga mag-aaral upang mas

maunawaan ang mga aralin.

CHART 5
Naeenganyo ang mga es-
tudyante matuto gamit ang -Nakalahad sa graph na ito ang bilang ng
porsyento sa pahayag na “Naeenganyo
virtual simulation ang mga estudyante matuto gamit ang
virtual simulation” 44% ng mga
44%
respondente ang sang-ayon na
14% 14% 12% naeenganyo sila matuto sa paggamit ng
l 2% virtual simulation. Magkatulad naman
on on ra on yo
n
- ay - ay ut ay - a
ng ng Ne an
g
ng ang lubos na sang-ayon at hindi sang-
Sa Sa is sa
a nd nd
e ayon sa bilang 14%. Gayunpaman, 12%
osn Hi
hi
b a ang hindi sang-ayon at 2% lamang ang
Lu sn
o
Lu
b lubos na hindi sang-ayon sa pahayag.

Ngayon new normal, marami tayong pwede gamiting plataporma pasa sa ating

pagaaral tungo sa ating online class at isa na don ang virtual simulation. Ang
mananaliksik ay inalam kung naeenganyo ba ang mga magaaral matuto gamit ang virtual

simulation. Ayon kay Muravlov (2020), Ang simulation-based na pag-aaral ay ipinakita

na nag-aalok ng pinakamahusay na mga resulta ng pag-aaral sa iba't ibang mga setting ng

edukasyon. Ang mga virtual simulation ay nakabatay sa maraming paraan tulad ng mga

online na laro at dahil dito mas naeenganyo ang mga estudyante na matuto. Ang

pagbibigay sa mga mag-aaral ng isang makatotohanan, nakaka-engganyong karanasan,

ang pamamaraan ay nagbibigay-daan sa kanila na makakuha ng mga praktikal na insight

na may kaugnayan sa isang paksa o konseptong nauugnay sa trabaho.

SOP#5: Ano-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga respondente sa paggamit ng

Virtual Simulation sa Emilio Aguinaldo College-Cavite

Sa pag-aaral na ito, meron mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral o respondete sa

paggamit ng Virtual Simulation sa Emilio Aguinaldo College-Cavite. Ayon kay Glover,

et al. (2014), ang simulation ay isa sa mga pamamaraan ng pagtuturo na nagbibigay ng

makatotohanang karanasan sa mga mag-aaral. Pinapayagan din nito ang mga mag-aaral

na bumuo ng karanasan sa mga partikular na sitwasyon sa pamamagitan ng paggamit ng

kanilang mas malawak na pag-aaral at kaalaman. Makakatulong ito sa mga mag-aaral na

mag-isip nang mas kritikal tungkol sa kanilang mga desisyon at pag-aralan ang mga

resulta nang mas ganap. Batay naman sa pag-aaral nina Zhou, Y et, al. (2019) Ang

Virtual Simulation Technology ay isang computer simulation system na maaaring


gayahin ang dimensional na dynamic na espasyo. Ang virtual simulation sa pagsasanay

ay may napakahalagang praktikal na kahalagahan para sa mga mag-aaral. Ang ilang

virtual simulation system na ginagamit para sa mga medikal na eksperimento, pagsasanay

at maaaring malutas ang anumang mga problema ay naghihigpit sa pagbuo ng praktikal

na pagtuturo, at ang kanilang mga pakinabang at epekto ay hindi nasusukat. Ito ay hindi

lamang guro na nag-aaral ng medikal na kaalaman, nauunawaan ang pag-unlad ngunit

binibigyang pansin din ang paglilinang ng mga praktikal na kasanayan. Mapanganib ang

mga eksperimento pero maraming pagkakataon para sa pagsasanay.

CHART 1
Nagbabago ang Teknolohiya ng
paggamit ng Virtual Simulation -Sa graph na ito ipinapahayag na
ang mga mag aaral para sa "Nagbabago ang teknolohiya ng
paggamit ng Virtual Simulation ang
pagkatuto mag-aaral para sa pagkatuto" at
54%
lumalabas sa resulta ng graph na ito na
14% ang mga lubos na sang-ayon, 54%
14% 14%
4% 0% ang mga sang-ayon, 14% para sa neutral
at 14% ang mga hindi sang-ayon. Wala
naman respondente ang hindi lubos na
sang-ayon para sa pahayag na ito.

Habang dumadaan ang panahon ay mas lalong nagiging high tech ang mga

kagamitan hardware o software man. Sa pananaliksik na ito, nagbabago ba ang

teknolohiya sa paggamit ng virtual simulation para sa pagkatuto ng mga magaaral. Ang

sabi ni D'Errico (2021), ang virtual simulation ay nagpapakita na ito ay isang epektibong

pedagogy na sumusuporta sa mga resulta ng pagkatuto ng mag-aaral. Nagbibigay ito


kakayahan sa mga tagapagturo na magbigay ng karanasan sa pag-aaral sa paraang

madaling sumunod sa mga alituntunin sa social distancing at pagkontrol sa impeksyon.

Nakakatulong din ang virtual simulation sa pagpapanatili ng kaalaman, klinikal na

pangangatwiran, at kasiyahan ng mga mag-aaral sa pag-aaral.

Pangunahing kasangkapan sa CHART 2


mga setting ng edukasyon gamit -Batay sa resulta ng graph na ito,
bilang isang paraan upang ipinapakita na 14% ang lubos na sang-
matuto ayon sa pahayag na "Pangunahing
kasangkapaan sa mga setting ng
48%
edukasyon gamit bilang isang paraan
20%
upang matuto", 48% ang mga sumang-
14%
4% 0% ayon, 20% naman para sa pumili ng
neutral at 4% ang mga hindi sumang-
ayon sa pahayag na ito. Walang datos na
nakuha mula sa mga respondente ang
hindi lubos na sang-ayon.

Inilahad ni Ryan Matte (2020), na ang mga pangunahing kasangkapan ng online

class ay nakakaapekto sa abilidad ng pagkatuto ng isang estudyante. Sa panahon ng

online learning, ang pagkukulang sa matinong internet connection ay nagreresulta sa

pagka-huli sa online class, lalo na at ang mga paaralan ngayon ay madalas gumamit ng

video-based teaching.
CHART 3
Mapapahusay ang kinakatawan
mga kaalaman sa nilalaman -Makikita sa graph na ito ang bilang ng
porsyento na nakalap sa pahayag na
"Mapapahusay ang kinakatawan mga
48% kaalaman sa nilalaman", 6% ang mga
38%
lubos na sang-ayon, 48% ang mga sang-
ayon, 38% para sa neutral at 2% ang
6% 2%
yon yo
n ra
l
yo
n 0%
yo
n hindi sang-ayon. Wala naman
a a ut ga a
g- g- N e
an g- respondente ang hindi lubos na sang-
S an S an is s an
sn
a
Hi
nd nd
e ayon para sa pahayag na ito.
bo hi
Lu a
osn
b
Lu

Ang chart 3 naman ay tungkol sa mapapahusay ang kinakatawan mga kaalaman

sa nilalaman. Ayon sa datos meron malaking porsyento ang sang-ayon ditto. Ayon kina
Tschannen, et al (2012), isa sa mga karaniwang pamamaraan ng pagtuturo ay virtual

simulation. Ang virtual simulation ay isang mahusay na paraan upang mapabuti ang

kahusayan ng mga mag-aaral. Ang simulation ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na

magisip kaagad sa kanilang pagganap at makatanggap ng detelyadong feedback na maari

nilang isama sa mga aksyon sa hinaharap.

CHART 4
Agham at Matematika ang may
posibilidad na maging angkop -Batay sa resulta ng graph na ito,
ipinapakita na 14% ang mga lubos na
54%
sang-ayon sa pahayag na "Agham at
Matematika ang may posibilidad na
maging angkop", 54% ang mga sang-
14% 16% ayon, 16% para sa neutral at 2% naman
n n l 2%
n 0%
n ang mga hindi sang-ayon. Walang datos
a yo a yo utra a yo a yo
g- g- N e
an
g g- na nakuha mula sa mga respondente ang
S an S an is s an
na nd nd
e hindi lubos na sang-ayon.
os Hi hi
b a
Lu sn
bo
Lu

Ang agham at matematika ang may posibilidad na maging angkop sa Virtual

simulation. Batay kay Lockett (2019), ang pag-aaral sa pamamagitan ng simulation ay

lubhang kapana-panabik, hindi malilimutan at nangangako na ang paghahambing na

malamang na makikita mo sa virtual reality. Maaaring manipulahin ng mga simulation

ang mga variable ng mag-aaral at subaybayan ang mga epekto sa real time. Binibigyang-
daan ng mga simulation ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kaalaman (kung ano

ang kanilang natutunan sa klase) upang makaranas ng iba't ibang sitwasyon na hindi nila

mararanasan.

Konklusyon:

Ang Paggamit ng Virtual Simulation bilang paraan ng pagkatuto ng mga mag-

aaral sa EAC-C. Sa panahon ngayon, karamihan sa mga estudyante ay naapektuhan ng

pandemya lalo na pagdating sa pag-aaral. Marami ang nakakaranas ng kakulangan sa

pasilidad dahil sa pagkakaroon ng "Online Class" na senaryo sa pag-aaral. Ang Labster

ay isa sa pinaka-gamit na uri ng Virtual Simulation, bilang pamalit sa mga aktwal na

Laboratory na gagamitin ng mga estudyante para sa pagpursigi ng kanilang course.

Napatunayan din na may malaking epekto ang paggamit ng mga Virtual Simulation sa

online classes, lalo na ngayong pandemya. Kung ang Emilio Aguinaldo College-Cavite

ay hindi pa rin handa para sa face-to-face na senaryo ng pag-aaral, kailangan nating

mahasa ang mga praktikal na abilidad ng mga estudyante para sa kanilang mga

tatahaking propesyon. Kailangan natin gamitin ang mga Virtual Simulations bilang

pangunahing substitute sa mga pasilidad ng paaralan, upang sa gayon, ay hindi mahuli

ang mga estudyante ng Emilio Aguinaldo College-Cavite pag-dating sa mga

importanteng kakayahan na kanilang kakailanganin, para sa pagtahak ng kanilang

propesyon.
Summary:

Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, nakakalap ang mga mananaliksik ng

limampu (50) na respondente upang pag aralan ang pag gamit ng isang virtual simulation

bilang paraan ng pagkatuto ng nga mag aaral. Sa limampung kalahok, 76% ay sumang

ayon na ang ang pag gamit ng virtual simulation ay lubos na naka epekto ngayong online

class, at nag bibigay ng mas malawak na kaalaman sa mga kalahok. Batay sa mga

nakalap na resulta, ang mga mananaliksik ay nakapansin sa mga sagot na may

natututunan ang mga respondente at napatunayan na ang pag gamit ng virtual simulation

ay napapahusay ang pag iisip ng mga mag aaral. Ang mga mag aaral ngayong online

class ay mausisa o mas nahihirapan, sa mga ibang respondente ay nahihirapan sa pag

gamit ng virtual simulation dahil sa pagkakaroon ng mabagal na internet koneksyon.

Ayon sa mga nakalap na sagot ng mga mananaliksik, 90% ang sumagot na nakakaranas

ito ng pag bagal ng website pag ginagamit ang virtual simulation at marami din ang

nagiging problema sa pag gamit nito para sa ibang estudyante. Ang pangunahing layunin

ng papel na ito ay upang malaman ang pagkatuto ng mag aaral sa pag gamit ng virtual

simulation. Napag alaman ng mananaliksik na napapahusay o nagkakaroon ng malalim

na pag iisip ang mga mag aaral sa pag gamit at nakakatulong din ang virtual simulation sa

pag gamit at higit na nag improve ang technical skills ng mga estudyante. Sa
pamamagitan ng pagtitipon ng limampu (50) kalahok na angkop sa mag bigay ng mga

sagot sa talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik, ang mga resulta ay nagpakita na

higit na may natutunan ang bawat respondente sa pag gamit ng virtual simulation at

napag alaman din sa ibang respondente na ang pag gamit nito ay nakakaranas ng pag

babagal ng internet koneksyon at nagkakaroon ng problema. Sa pamamagitan nito, napag

pasyahan ng mananaliksik na lubos na nakakatulong ang pag gamit ng virtual simulation

at napapahusay ang kaalaman ng mag aaral.

Rekomendasyon:

Sa konklusyon na nabanggit sa itaas, inirerekomenda ng pag-aaral.

Mga Mag-aaral - Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral na mabigyang

impormasyon tungkol sa epekto ng paggamit ng mga Virtual Simulation bilang dagdag

tulong sa kanilang pag-aaral sa panahon ng pandemya. Mapapalawak din ang kanilang

kaisipan at persepyon sa pag-gamit ng mga “Virtual Simulation”at kahalagahan nito

bilang daluyan ng mga bagong impormasyon.

Mga Guro - Maaring magamit bilang gabay upang makabuo ng mga bagong stratehiya

sa pagtuturo kung saan maaaring magamit ang mga “Virtual Simulation” sa kanilang

pagtuturo upang higit na lalong mapaunlad ang mga kaalaman ng mga mag-aaral.
Institusyon - Nakadadagdag ito sa kredibilidad sa pangalan ng paaralan sapagkat

nakapag ambag ng bagong pag aaral para sa ikalalago ng lipunan ang mga estudyante

nito. Bukod pa rito, mabibigyan impormasyon ang Institusyon tungkol sa napapanahong

epekto ng paggamit ng mga “Virtual Simulation” sa panahon ng pandemya bilang paraan

ng pagkakatuto ng mga mag-aaral.

Mga Susunod na Mananaliksik - Ang mga datos at mga konklusyon na mabubuo sa

pag aaral na ito ay pwedeng gamitin ng mga susunod na mananaliksik bilang batayan ng

mga impormasyon na tungkol sa parehong layunin na kanilang isinasagawa.

References:

Campos, N., Nogal, M., Caliz, C. et al. Simulation-based education involving online and
on-campus models in different European universities. Int J Educ Technol High Educ 17,
8 (2020). https://doi.org/10.1186/s41239-020-0181-y
D'Errico, M., & Asser, J. (2022, March 20). Virtual simulation versus immersive
virtual reality: What's the difference? The Virtual Reality Training Platform for Nursing.
Retrieved May 1, 2022, from https://www.ubisimvr.com/virtual-simulation-versus-
virtual-reality/
Engzell, P., Frey, A., & Verhagen, M. D. (2021, April 7). Learning loss due to
school closures during the COVID-19 pandemic - PNAS. PNAS. Retrieved May 2, 2022,
from https://www.pnas.org/doi/10.1073/pnas.2022376118
Glover, I., says:, A. F., says:, I. G., & Says:, F. (2019, March 22). Simulation: An
approach to teaching and learning. Technology Enhanced Learning at SHU. Retrieved
May 2, 2022, from https://blogs.shu.ac.uk/shutel/2014/07/23/simulation-an-approach-to-
teaching-and-learning/

Juan, A. A., Loch, B., Daradoumis, T., & Ventura, S. (2017). Games and simulation in
higher education. Int. J. Educ. Technol. High. Educ., 14, 37.
https://link.springer.com/article/10.1186/s41239-017-0075-9
Ke, F., Dai, Z., Pachman, M. et al. Exploring multiuser virtual teaching simulation as an
alternative learning environment for student instructors. Instr Sci 49, 831–854 (2021).
https://doi.org/10.1007/s11251-021-09555-4
Knoesel, J. (2017). Effect of Implementation of Simulation on Critical Thinking Skills in
Undergraduate Baccalaureate Nursing Students. CUNY academic works. Retrieved from
https://academicworks.cuny.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=3065&context=gc_etds
Kutz, J. N., Brunton, S. L., Brunton, B. W., & Proctor, J. L. (2016). Dynamic mode
decomposition: data-driven modeling of complex systems. Philadelphia: Society for
Industrial and Applied Mathematics.
https://epubs.siam.org/doi/pdf/10.1137/1.9781611974508.bm
Lateef F. (2010). Simulation-based learning: Just like the real thing. Journal of
emergencies, trauma, and shock, 3(4), 348–352. Retrieved from
https://doi.org/10.4103/0974-2700.70743
Lockett, D. (n.d.). STEM simulations: The Engagement Tool Teachers Need. ASCD.
Retrieved May 2, 2022, from https://www.ascd.org/el/articles/stem-simulations-the-
engagement-tool-teachers-need
Matte, R., Maric, J., & Holland, P. (2021, January 18). Students with poor internet
left behind in online learning atmosphere. The Fulcrum. Retrieved May 5, 2022, from
https://thefulcrum.ca/sciencetech/students-with-poor-internet-left-behind-in-online-
learning-atmosphere/
Muravlov, D. (2020). Applications of simulation-based learning. Raccoon Gang.from
https://raccoongang.com/blog/applications-simulation-based-learning/
Nassar, A. K., Al-Manaseer, F., Knowlton, L. M., & Tuma, F. (2021). Virtual reality
(VR) as a simulation modality for technical skills acquisition. Annals of Medicine and
Surgery. Retrieved from
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2049080121008955

Padilha, J. M., Machado, P. P., Ribeiro, A., Ramos, J., & Costa, P. (2019). Clinical
Virtual Simulation in Nursing Education: Randomized controlled trial. Journal of
Medical Internet Research, 21(3). https://doi.org/10.2196/11529

Shin, H. (2019). Educational Characteristics of Virtual Simulation. Retrieved from:


https://www.researchgate.net/publication/335977101_Educational_Characteristics_of_Vi
rtual_Simulation_in_Nursing_An_Integrative_Review
Thisgaard, M., at Makransky G. (2017) Virtual Learning Simulations in High School:
Effects on Cognitive and Non-cognitive outcomes and Implications on the Development
of. Front. Psychol., 30 May 2017 |Retrieved from:
https://doi.org/10.3389/fpsyg.2017.00805
Tschannen, D., Aebersold, M., McLaughlin, E., Bowen, J., & Fairchild, J. (n.d.).
Use of virtual simulations for improving knowledge transfer among baccalaureate
nursing students. Journal of Nursing Education and Practice. Retrieved May 1, 2022,
from https://www.sciedu.ca/journal/index.php/jnep/article/view/619
Urdinola, D. A., Castillo, C., & Hoyos, A. (2021). Can virtual reality simulators develop
students' skills? World Bank Blogs. Retrieved April 30, 2022, from
https://blogs.worldbank.org/developmenttalk/can-virtual-reality-simulators-develop-
students-skills
Urdinola, D. A., Castillo, C., & Hoyos, A. (2021). Can virtual reality simulators develop
students' skills? World Bank Blogs. Retrieved April 30, 2022, from
https://blogs.worldbank.org/developmenttalk/can-virtual-reality-simulators-develop-
students-skills
Venable, M. (2021, January 5). What is simulation learning?: BestColleges.
BestColleges.com. Retrieved from https://www.bestcolleges.com/blog/simulation-
learning/

Zhou, Y., Hou, J., Wu, S., Wang, N., Ma, L., Guan, J., Diwu, Y., & Wu, T. (2021).
Application of Virtual Simulation Technology in Medical Teaching Experiment.
(LNDECT, vol. 98). Retrieved from: https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-3-
030-89511-2_77

You might also like