You are on page 1of 12

Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer

Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

RESULTA AT DISKUSYON
Sa bahagi na ito makikita ang mga nakalap na datos mula sa sagot ng mga respondente.

Ang mga sagot na ito ay nasuri, nakwenta at nabigyang kahulugan na ng mga mananaliksik.

Sa pagtukoy ng kaugnayan ng lebel ng kahusayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng

kompyuter sa kanilang akademikong pag ganap, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Pearson

Product-Moment Correlation kasama ang mga sumusunod na pahayag ng mga resulta: (1) -1

bilang Perpektong Negatibong Korelasyon, (2) -0.9 to-0.7 bilang Malakas na Negatibong

Korelasyon, (3)

-0.6 to -0.4 bilang Katamtamang Negatibong Korelasyon, (4) -0.3 to -0.1 bilang Mahinang

Negatibong Korelasyon, (5) 0 bilang Walang Korelasyon, (6) 0.1 to 0.3 bilang Mahinang

Positibong Korelasyon (7) 0.4 to 0.6 bilang Katamtamang Positibong Korelasyon, (8) 0.7 to 0.9

bilang Malakas na Positibong Korelasyon, (9) 1 bilang Perpektong Positbong Korelasyon. Ang

mga pahayag na ito ang siyang makatutulong upang maipaliwanag at matukoy ang resulta ng

mga nakalap na datos mula sa mga respondente ng pananaliksik na ito.

SULIRANIN 1: Ano ang mga personal na impormasyon ng mga respondente?

Talahanayan 1: Listahan ng respondente ayon sa demograpikong baryabol

DEMOGRAPIKONG FREQUENCY PERCENTAGE


BARYABOL
KASARIAN
LALAKE 29 58%
BABAE 21 42%
TOTAL 50 100%
EDAD
18 years old 15 30%
19 years old 12 24%
20 years old 19 38%
21 years old 4 8%
TOTAL 50 100%
KABUUANG MARKA
75-79 0 0%
80-84 3 6%
85-89 4 8%
Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

90-94 34 68%
95-99 9 18%
TOTAL 50 100%
I. Propayl ng mga respondente

Ang unang bagay na kinakailangan sa pag-aaral na ito ay ang propayl ng mga

respondente na siyang tumutukoy sa kailang kasarian, edad, kabuaang marka at ang kanilang

lebel ng kahusayan sa paggamit ng kompyuter.

Ika-unang pigura : Kasarian

Ipinapakita sa ikaunang pigura na ang may pinakamaraming respondente ay ang mga

kalalakihan na may frequency na 29 at percentage na 58% habang ang pinaka kaunti naman ay

galing sa kababaihan na may frequency na 21 at percentage na 42% . Ang kabuuang bilang ng

frequency ay 50 at may percentage na 100%.


Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

Ikalawang Pigura : Edad

Ipinipakita sa ikaunang pigura na ang pinakamaraming respondente ay galing sa

kasalukuyang 18 taong gulang na may frequency na 19 at percentage na 38% sumunod dito ang

mga respondente na may edad na 18 taong gulang na may frequency na 15 at percentage na 30%.

Ikalawa sa may pinaka onting bilang ay ang mga respondente na may edad na 19 taong gulang na

may frequency na 12 at percentage na 24%. Ang pinakahuli at ang may pinaka kaunting bilang

ay ang mga respondente na may edad na 21 taong gulang na may frequency na 4 at percentage

na 8% ang kabuuang bilang ng frequency ay 50 at may percentage na 100%.


Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

Ikatlong Pigura: Kabuuang Marka

Ipinapakita sa ikatlong pigura na ang karamihan ng respondente ay may marka na 90-94

sa unang semester na may frequency na 34 at percentage na 68%. Ang sumunod dito ay ang mga

respondente na may marka na 95-99 na may frequency na 9 at percentage na 18% ikalawa sa

pinaka panghuli ay ang mga respondente na may marka na 85-89 na may frequency na 4 at

percentage na 8% at ang pinakahuli ay ang mga respondente na may marka na 80-84 na may

frequency na 3 at percentage na 6%. Ang kabuuang bilang ng frequency ay 50 at may percentage

na 100%.
Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

SULIRANIN 2: Ano-ano ang nakaaapekto sa lebel ng kahusayan sa pag gamit


ng kompyuter sa akademikong pag ganap ng mga respondente?

Ayon sa pag-aaral ni Rodriguez (2007) ang teknolohiya ay kinakailangan ng teknikal na

pagsuporta upang mas makatulong sa pag papaunlad ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral.

Isa sa mga kritikal na kadahilanan ay ang tungkulin ng mga kaguruan at ng mga pinuno ng

paaralan na interesado sa pag babago ng kalidad ng edukasyon na binibigay ng kanilang

paaralan. Ang mga guro at nararapat na maging handa at may sapat na kaalaman sa pag gamit ng

mga teknolohiya upang mas mapaunlad ang kakahayan ng kanilang mga mag-aaral.

Sa ika-apat na pigura, makikita rito na ang pinaka nakaaapekto sa lebel ng kahusayan ng

mga respondente ay ang kakulangan sa teknikal na suporta sa pag gamit ng kompyuter na may

frequency na 40 at percentage na 80%. Sumunod rito ang kakulangan sa kagamitan na isinagaot

ng 37 na respondente o 74% ng respondente. Sinangayunan rin ng 33 na respondente o 66% ng

respondente ang dahilan ng kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng kompyuter at ang

pinakakaunti na pinili ng mga respondente ay ang kakulangan sa kasanayan sa paggamit ng

kompyuter na pinili ng 30 respondente o 60% ng respondente.


Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

SULIRANIN 3: Ano-ano ang mga lebel ng kahusayan sa paggamit ng kompyuter?

Ayon sa article ng en.wikiversity.org, may apat na lebel ng kahusayan sa paggamit ng

kompyuter. Una ay ang basic na nangangailangan ng kaunting kasanayan sa paggamit ng

kompyuter, kabilang ang isang pangunahing pagsasagawa ng email, pagpoproseso ng mga word

files, grapiks, at mga spreadsheet. Kasunod dito ay ang intermediate na kung saan ang kaalaman

sa kompyuter at kakayahan na lampas sa antas ng pundasyon. Sumunod naman ay ang advanced,

Ang mga advanced na kasanayan sa computer, gaya ng tinukoy ng ICAS Computer Skills

Assessment Framework ay kinabibilangan ng pag gamit ng Internet at email, word processing,

grapiks, multimedia, spreadsheet at database. At ang panghuli ay ang proficient sila ang mga

manggagamit na bihasa at kayang gawin ang karamihan sa mga gawain nang mag-isa. Mayroon

silang advanced na kaalaman sa kasanayan sa mga function nito at maaaring mag-troubleshoot

ng mga problema nang mag-isa.


Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

SULIRANIN 4: Ano-ano ang kabuuang lebel ng kahusayan sa pag gamit ng kompyuter ng

mga respondente?

Ikalimang pigura : Lebel ng kahusayan sa paggamit ng kompyuter

LEBEL NG KAHUSAYAN SA PAGGAMIT NG KOMPYUTER


20
18
18
16
16
1413
12
10
8
6
43
2
0

Basic Intermediate Advanced Proficient


Series 1 3 13 18 16

Ayon sa ikaapat na larawan, ang karamihan ng mga respondente ay nasa lebel na

advanced na may frequency na 18 at percentage na 38%. Ang sumunod dito ay ang mga

respondente na lebel na proficient na may frequency na 16 at percentage na 32%. Ikalawa sa

huli, ang mga respondente na nasa lebel na intermediate na may frequency na 13 at percentage

na 26%. Ang pinakahuli na may pinaka kaunting bilang ng respondente ay ang mga nasa basic

na lebel na may frequency na 3 at percentage na 6%. Ang kabuuang bilang ng frequency ay 50 at

may percentage na 100%. Samakatuwid, natuklasan ng mga mananaliksik na ang kabuuang lebel

ng kahusayan sa paggamit ng kompyuter ng mga ika-unang antas ng mga mag-aaral ng computer

engineering ay nasa advanced level ito ay nangangahulugan na ang karamihan ng mga

respondente ay may sapat na kahusayan sa paggamit ng kompyuter.


Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

SULIRANIN 5: Ano-ano ang naitutulong ng pagkakaroon ng kaalaman o sa kahusayan sa

pag gamit ng kompyuter (computer literacy) sa modernong henerasyon?

Ika-anim na pigura:

Ano-ano ang naitutulong ng pagkakaroon ng kaalaman o sa


kahusayan sa pag gamit ng kompyuter (computer literacy) sa
modernong henerasyon?
50 45 44
45 42
40 40
35 33
30
25
20
15 10
10 8 9 6 7
5
5 1
0
Napapagaan ng pag- Napapadali nito ang mga Sa pamamagitan ng Nakatutulong ito sa pag Nakatutulong ito sa pag
gamit gawain sa pang araw- kompyuter mas nenegosyo gagamot
ng kompyuter ang araw madali ang
aking pag-aaral pagkokomunikasyon

Lubos na sumasang-ayon Sumasang- ayon Neutral Hindi sumasang-ayon Lubos na hindi sumasang-ayon

Base sa ika-anim na pigura (Lubos na sumasang-ayon), ang salik na sa pamamagitan ng

kompyuter mas madali ang pagkokomunikasyon ay nakakuha ng pinakamataas na porsyento

(90%). Sumunod dito ang salik na nakatutulong ito sa pag nenegosyo na nakakuha ng (88%).

Nakakuha naman ng 84% ang salik na napapagaan ng pag gamit ng kompyuter ang pag-aaral.

Ang pangalawa sa pinaka kaunti na lubos na sinangayunan ng mga respondente ay ang salik na

napapadali ng kompyuter ang mga gawain sa araw-araw na nakakuha lamang ng 80%. Habang

ang pinaka kaunti na lubos na sinang-ayunan ng mga respondente ay ang nakatutulong ang

kompyuter sa pag-gagamot na nakakuha lamang ng 33%.


Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

Base naman sa sumasang-ayon, ang salik na nakatutulong ito sa pag-gagamot ang

nakakuha ng pinaka mataas na porsyento na 20%. Sumunod naman dito ang salik na napapadali

ng kompyuter ang gawain sa pang araw-araw na nakakuha ng 18%. Nakakuha naman ng 16%

ang salik na napapagaan ng kompyuter ang pag-aaral. Ang pangalawa sa pinaka kaunti na

sinang- ayunan ng mga respondente ay ang salik na nakatutulong ito sa pag nenegosyo. Habang

ang pinaka kaunti na sinang-ayunan ng mga respondente ay ang salik na napapadali ng

kompyuter ang pagkokomunikasyon.

Base naman sa neutral, ang salik na nakatutulong ito sa pag-gagamot ang nakakuha ng

pinakamataas na porsyento (14%) at ang pinaka kaunti naman ay ang salik na napapadali ng

kompyuter ang gawain sa pang araw-araw na nakakuha lamang ng 2%.

Talahanayan 2: Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Mga

Respondente sa Kanilang Akademikong Pag-ganap.

Respondente x y ( x - x̄ ) (y - ȳ ) ( x - x̄ ) (y - ȳ ) ( x - x̄ )2 (y - ȳ )2
50

TOTAL 138.9 4578 0 1.14x10-13 -25.88 21.97 562.32


x̄ 2.778 91.56 -0.52 0.44 11.25
R -0.2329

Talahanayan 2: Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng kabuuang bilang ng

independent variable na siyang lebel ng kahusayan ng mga respondente na nirerepresenta bilang

x baryabol na may kabuuang bilang na 138.9 at may mean na 2.778 at ang dependent baryabol

naman ay ang akademikong pag-ganap ng estudyante na nirerepresena bilang y baryabol na may

kabuuang bilang na 4578 at may mean na 91.56; Ang (x - x̄ ) (y - ȳ) ay may kabuuang bilang na

-
Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

25.88 at may mean na -0.52 ; sa (x - x̄ )2 naman ay may kabuuang bilang na 21.97 at may mean na

0.44, habang ang (y - ȳ )2 ay may kabuuang bilang na 562.32 at may mean na 11.25.

At bilang resulta ng mga datos, ang nakuhang Pearson’s Coefficient Correlation ng

dalawang baryabol ay -0.2329 na nangangahulugan na ang dalawang baryabol ay may Mahinang

Negatibong Korelasyon samakatuwid, may mahinang negatibong korelasyon ang lebel ng

kahusayan sa paggamit ng kompyuter ng mga respondente sa kanilang akademikong pag-ganap.

Talahanayan 3: Independent at Dependent Baryabol

Mean Median Mode Variance SD


Independent 2.778 2.79 2.72 0.4395 0.663
Dependent 91.56 93 93 11.2464 3.3536

Ang independent baryabol ay may mean na 2.778, median na 2.79, mode na 2.72,

variance na 0.4395 at standard deviation na 0.663. Habang ang dependent baryabol naman ay

may mean 91.56, median na 93, mode na 93, variance na 11.2464 at standard deviation na

3.3536.

HYPOTHESIS TESTING:

1. Ilahad ang hypothesis

H0 : p = 0

Ha : p ≠ 0

2. Ilahad ang alpha

a= 0.05
Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

3. Kalkulahin ang degrees of freedom

df = n-2

df = 50 – 2

df = 48

4. Ilahad ang decision rule

Kung ang nakuhang r ay mas mataas sa 2.011, tanggihan ang null hypothesis.

5. Kalkulahin ang test statistic o Pearson r

Pearson r = -0.2329

6. Ilahad ang resulta

-0.2329 < 2.011

Dahil mas mababa ang nakuhang r, wag tanggihan ang null hypothesis.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang relasyon ng lebel ng kahusayan sa

paggamit ng kompyuter sa akademikong pag ganap ng mga mag-aaral ng computer engineering

na ika-unang antas sa Emilio Aguinaldo College. Ang pag-aaral na ito makatutulong sa pagtukoy

kung paano nakaaapekto ang lebel ng kahusayan sa paggamit ng kompyuter sa kabuuang marka

ng mga mag-aaral.

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita na may

mahinang negatibong korelasyon sa pagitan ng lebel ng kahusayan sa paggamit ng kompyuter at

akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng computer engineering na ika-unang antas sa

Emilio Aguinaldo College. Samakatuwid, tinanggap ng mga mananaliksik ang null hypothesis

na
Kaugnayan ng Lebel ng Kahusayan sa Paggamit ng Kompyuter ng Ika-Unang Antas ng Mag-Aaral sa Kursong Computer
Engineering sa Kanilang Akademikong Pag Ganap sa Emilio Aguinaldo College

nagsasaad na Ang lebel ng kahusayan ng mga mag aaral sa pag gamit ng kompyuter ay walang

kaugnayan sa kanilang akademikong pag-ganap.

Inirerekumenda ng mga mananaliksik sa mga hinaharap na mananaliksik na mas

palawakin pa ang pag-aaral na ito, maaaring magpokus sila sa kung paano nakaapekto ang lebel

ng kahusayan sa paggamit ng kompyuter sa trabaho ng mga computer engineers. Maaari rin

silang magpokus kung paano nakaaapekto ang pagkakaroon ng kahusayan sa paggamit ng

kompyuter sa pang araw- araw na gawain ng mga tao. Para naman sa mga guro, inirerekuminda

ng mga mananaliksik na ipagpatuloy at mas ihasa pa ang kakahayan ng mga mag-aaral upang

patuloy na makasabay ang mga mag-aaral sa tuloy-tuloy na pagsulong ng mga makabagong

teknolohiya sa hinaharap. Para naman sa mga tagapangasiwa ng paaralan, patuloy nilang

pagbutihin at panatilihing updated ang pasilidad ng mga laboratoryo ng kompyuter sa paaralan

sa kadahilanang makatutulong ito sa pag- unlad ng kahusayan ng kanilang mga mag-aaral. At

para naman sa mga mag-aaral, inirerekuminda ng mga mananaliksik na hindi sila dapat

makuntento sa kanilang mga nalalaman datapwat bigyan nilang pansin ang kanilang kahinan at

piliin laging pagbutihin, dagdagan at ihasa ang kanilang mga abilidad at kaalaman sa paggamit

ng kompyuter.

You might also like