You are on page 1of 24

Ang Mabuting Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Pag aaral

ng Ika - 11 na Baitang Technical-Vocational Livelihood Track


Information Communication Technology ng
Monlimar Development Academy INC.
Taong Panuruan 2022-2023

Isang Pananaliksik na iniharap sa Departamento ng SHS


sa Paaralan ng Monlimar Development Academy Inc.

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Kahingian ng Asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Taong Panuruan 2022-2023

Miyembro:
Arjay D. Caramihan
Bianca Mae M. Dela Cruz
Clark Kent C. Demafelis
Lari Margarette G. Lerot
Jerwin R. Lim
Xaviery Sidney B. Magadia
Beatrice C. Marcelino
Jericjosh C. Paccial
Ruth A. Valencia

11-GATES
Ipinasa kay:
BB. Angela Nicole E. Gonzales
Abril 24, 2023
Talaan ng Nilalaman

Pahina

Pamagat ............................................................................. i

Talaan ng Nilalaman …………………….…………………………….. ii

Kabanata I –Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral ................ 1

Panimula ................................................................... 1
Kaligiran ng Pag-aaral .................................................
Batayang Teoretikal ....................................................
Batayang Konseptwal ..................................................
Paglalahad ng Suliranin ...............................................
Haypotesis ................................................................
Kahalagahan ng Pag-aaral ............................................
Saklaw at Limitasyon ..................................................
Katuturan ng mga Salita .............................................

Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral …..

Banyagang Literatura ..................................................


Banyagang Pag-aaral ...................................................
Lokal na Literatura ......................................................
Lokal na Pag-aaral ......................................................
Sintesis .....................................................................

Kabanata III – Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliskik ..

Disenyo ng Pananaliksik ..............................................


Lugar ng Pag–aaral .....................................................
Mga Kalahok ..............................................................
Mga Instrumento sa Pag-aaral ..............................................
Paraan ng Pangangalap ..............................................

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng Panimula, kaligiran ng Pag-


aaral, Batayang Teoretikal, Batayang Konseptwal, Paglalahad ng
Suliranin, Haypotesis ng Pag-aaral, Saklaw at Limitasyon, Kahalagahan
ng Pag-aaral at maging Depinisyon ng mga Terminolohiyang ginagamit
sa pag-aaral na ito.

Panimula

Sa kasalukuyan, Hindi mapag-aalinlanganan na ang teknolohiya


ay naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Ang
paggamit ng kasalikuyang teknolohiya sa mga pamamaraan ng
pagtuturo ay umunlad sa larangan ng edukasyon, partikular sa mga
paaralan. Sa pananaliksik na ito, tatalakayin ang mga positibong
benebisyo ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa grade 11 TVL-ICT sa Taong Panuruan 2022-2023.
Matutuklasan sa pag-aaral na ito, tatalakayin kung paano
nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapabuti ng pamamaraan ng
pagtuturo para sa mga mag-aaral ng baitang ika-11 na nasa Tech-Voc
track ICT strand.
Ayon kay Jericho at Christian (2015)Ang makabagong
teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang
tao. Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako. Cell
phone, computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS, at iba
pa. Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya. Ito ay tumutulong sa
atin araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng
impormasyon at maginhawang pamumuhay. Ang teknolohiya ay
mabilis at ito ay tumutulong sa ating ekonomiya.Ang makabagong
teknolohiya ay isang mahalagang-bahagi ng edukasyon ng mga mag-
aaral sa baitang ika-11 TVL ICT. Mahalaga para sa isang esdukasyon
na maunawaan ang mga detalye at kahalagahan ng teknolohiya upang
maging epektibo sa kanilang pag-aaral. Gayunpaman, Hindi maikakaila
na maraming mga mag-aaral ang hindi pa lubos na naiitindihan ang
mga konsepto at apikasyon ng teknolohiya. Kaya’t bilang mga
mananaliksik, napagpasyahan na mag hanap ng mga paraan upang
mapalawak at madagdagan ang kaalaman ng bawat ika-11 TVL-ICT sa
Monlimar Development Academy Inc. Taong Panuruan 2022-2023
tungkol sa makabagong teknolohiya.

Sa pag-aaral na ito, tatalakayin namin ang mga konsepto at


aplikasyon ng makabagong teknolohiya na kailangan ng mga mag-
aaral upang mapabuti ang kanilang pag-aaral. Magbibigay kami ng
mga kasanayan at kaalaman sa paggamit ng iba’t ibang teknolohiya na
kasangkapan upang masiguro ang epektibong pag-aaral. Layunin din
nami na mabigyan ng kahulugan ang mga benepisyo ng paggamitin ng
teknolohikal na kasangkapan upang masiguro ang epektibong pag-
aaral. Layunin din namin na mabigyan ng kahulugan ang mga
benepisyo ng paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral at kung paano ito
makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang karera sa hinaharap. Sa
pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahan namin na masmalalim na
mauunawaan ng mga mag-aaral ang papel ng teknolohiya sa kanilang
pag-aaral at kung paano ito magagamit upang mapabuti ang kanilang
mga kasanayan at kaalaman. Dagdag pa rito, ang mga mag-aaral ng
TVL-ICT ay may potensyal na maging mga kinakailangang propesyunal
sa mga industriya tulad ng software development, network
administration, at cybersecurity. Kung magkakaroon sila ng malawak
na kaalaman tungkol sa makabagong teknolohiya. Mas magkakaroon
sila ng kakayahan na magtagumpay sa kanilang mgaa karera at
magbigay ng kontribusyon sa pagpapalawak ng ekonomiya ng bansa.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ngayong modernisadong pahahon, maraming mga estudyante


ang natutulungan ng mga makabagong teknolohiya. Ang paggamit ng
teknolohiya sa edukasyon ay naging isang malaking bahagi ng pang
araw-araw na buhay ng mga mag-aaral. Mula sa mga aplikasyon ng
mobile hanggang sa mga platform ng online learning, ang teknolohiya
ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga mag-aaral
upang matuto at magkaroon ng mga kasanayan sa teknolohiya. Sa
kabila ng mga pangamba tungkol sa mga negatibong epekto ng
teknolohiya sa pag-aaral, maraming mga pag-aaral ang nagpakita ng
mga positibong epekto nito sa mga mag aaral. Ilan sa mga ito ay
pagpapalawak ng kaalaman, pagpapaunlad ng kasanayan sa
teknolohiya, at pagpapabuti ng mga resulta ng pag-aaral.
Pangangailangan ng mga mag-aaral na malaman ang epekto ng
tenolohiya sa kanilang buhay, Dahil sa pag tuloy na pag-unlad ng
teknolohiya, maraming mga mag-aaral ang nais malaman kung paano
ito nakakaapekto sa kanilang buhay at pag-aaral

Batayang Teoretikal

Teknolohikal na determinismo ay isang pananaw sa


kasaysayan at lipunan na nagtataguyod ng ideya na ang teknolohiya
ang pangunahing nagpapabago sa lipunan at kultura, at ang mga tao
at institusyon ay pangalawa lamang sa epekto nito.

Ang mga pangunahing proponent ng teknolohikal na


determinismo ay sina Marshall McLuhan, Jacques Ellul, at Martin
Heidegger. Sa kanilang mga akda, ipinakita nila ang kahalagahan ng
teknolohiya sa pagbabago ng kasaysayan.

Batayang Konseptwal

Input: Proseso: Output:

1.Ano ang demograpikong  Pag – gawa ng mga Malalaman ang mga


datos ng mga respondente tanong sa interbyu mabuting epekto ng
batay sa kanilang: makabagong teknolohiya sa
 Bibigyan ng pag – aaral ng baiting ika –
1.1 Edad interpretasyon sa 11 TVL ICT strand ng
nakuhang datos mula sa Monlimar Development
1.2 Kasarian grapikong presentasyon Academy Inc.

1.3 Seksyon
Malalaman ang mga
mabuting epekto ng
makabagong teknolohiya sa
pag – aaral ng baiting ika –
11 TVL ICT strand ng
Monlimar Development
Academy Inc.
Pigura 1: Balangkas na Konseptuwal ng pag -aaral.

Ang daloy ng pag - aaral na ito ay malaman ang mga positibong


epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng mga
mag-aaral sa baitang ika-11 ng TVL-ICT strand sa Monlimar
Development Academy Inc. Para ma-achieve ito, kinakailangan
masolusyunan ang mga suliranin sa pagbuo ng interbyu upang
makuha ang mahalagang impormasyon at datos tungkol sa karanasan
ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral.

Upang matugunan ito, kinakailangan magtagumpay sa pagkuha


ng datos sa pamamagitan ng pagbuo ng interbyu na naglalaman ng
mga katanungan tungkol sa paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral,
pagkolekta ng mga datos gamit ang interbyu, at pagpili ng tamang
mga respondante na may sapat na kaalaman tungkol sa paggamit ng
teknolohiya sa pag-aaral. Sa pagpapakita ng mga resulta at
interpretasyon ng datos, malalaman ang mga positibong epekto ng
paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa TVL-ICT
strand.

Paglalahad ng Suliranin

Tungkuling ng pag - aaral na ito na imbestigahan kung ano ang


mga mabuting epekto ng makabagong teknolohiya gayundin ang
tulong nito sa baiting ika – 11 TVL ICT strand ng Monlimar
Development Academy INC.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod
na suliranin:

1. .Ano ang demograpikong datos ng mga respondente batay sa k


2. anilang:
1.1Edad
1.2Kasarian
1.3Seksyon
3. Ano – ano ang mabuting epekto ng makabagong teknolohiya sa
mga sumusunod na paksa:

2.1 Akademikong Pagganap

4. Ano – ano ang mga benepisyo ng paggamit ng mga


teknolohiyang pang-edukasyon sa pagpapaunlad ng kasanayan
sa komunikasyon at kollaborasyon ng mga mag-aaral?

5. Anong mungkahing solusyon ang maaaring buoin upang


mapalawak ang kaalaman ng mag-aaral sa pag gamit ng
makabagong teknolohiya?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag aaral na ito ay mas mapapaunlad at


mapapalawak pa ang kaalaman patungkol sa makabagong
teknolohiya. Makakatulong din ang pag aaral na ito upang magkaroon
ng daan para mabigyang pansin ang pag-aaral na ito upang
matulungan rin mag aaral ng TVL-ICT ng Monlimar Development
Academy Inc. Taong Panuruan 2022-2023 mahalaga ang pag-aaral ng
makabagong teknolohiya dahil ito ay magbibigay ng mga oportunidad
sa buhay, magbubukas ng mga bagong pintuan ng kaalaman, at
maghahanda sa mga mag-aaral para sa kinabukasan.
Ang panaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mag – aaral: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong


at makakapag bigay ng bagong kaalaman sa mga mag – aaral baiting
ika -11 TVL – ICT strand ng Monlimar Development Academy, Inc,
Mapapalawak ang pag-aaral sa kanilang mga kaalaman patungkol sa
mabuting epekto ng makabagong teknolohiya.

Sa mga Guro: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong din sa


mga guro para mapalawak ang kanilang kaalaman sa makabagong
teknolohiya na magagamit nila sa kanilang pag tuturo sa mga mag -
aaral.

Sa mga Magulang - Ang pag-aaral na ito ay magiging tulong sa


mga magulang upang maunawaan ang mga positibong epekto ng
makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ito ay
magbibigay ng kaalaman sa kanila upang mas epektibong gamitin ang
mga teknolohiyang ito sa pagtuturo at pag-aaral ng kanilang mga
anak.

Sa Administrasyon ng Paaralan - Ang pag-aaral na ito ay


magbibigay ng ideya sa mga administrasyon ng paaralan tungkol sa
mga positibong epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral. Ito
ay magiging tulong sa kanila upang maihatid sa iba pang mga mag-
aaral ang mga benepisyong ito at maisama ito sa kanilang mga plano
at polisiya sa edukasyon.

Sa Kagawaran ng Edukasyon - Ang pag-aaral na ito ay


magiging tulong sa Kagawaran ng Edukasyon upang maunawaan ang
mga tamang paraan ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa
edukasyon. Ito ay magbibigay ng batayan upang malaman kung ano
ang mga dapat gawin upang mapalawak pa ang paggamit ng
teknolohiya sa pag-aaral at pagtuturo. Ito rin ay magbibigay ng mga
rekomendasyon at suhestiyon na maaaring magamit ng kagawaran
upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon.

Sa mga susunod na mamanaliksik – Makakatulong ang


pananaliksik na ito sa mga susunod na mananaliksik para makakuha
ng gabay sa kanilang gagawin pananaliksik patungkol din sa mabuting
epekto ng makabagong teknolohiya sa mga mag – aaral.

Saklaw at Limitasyon

Sa pananaliksik, Sa pag-aaral na ito ng kwalitatibong


pananaliksik na uri ng pananaliksik at convience sampling bilang
pamamaraan ng pagkuha ng mga respondante. Nakatuon ang pag-
aaral na ito sa dalawang seksyon ng ika-11 baitang ng TVL-ICT strand,
na binubuo ng 30 na estudyante. Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil
layunin na masuri ang mabuting epekto ng makabagong teknolohiya
sa kanilang kurso.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang mga


positibong epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng mga
mag-aaral sa baitang ika-11 TVL-ICT sa Monlimar Development
Academy Inc. Taong Panuruan 2022-2023. Pag-aaralan ang mga
konsepto at aplikasyon ng teknolohiya na kailangan ng mga mag-aaral
upang mapabuti ang kanilang pag-aaral. Nais din bigyan ng kahulugan
ang mga benepisyo ng paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral at kung
paano ito makakatulong sa kanilang mga karera sa hinaharap. Kasama
sa pag-aaral na ito ang mga espesyal na paggamit ng teknolohiya,
online learning tools, mobile apps, at online resources. Gayunpaman,
may ilang limitasyon ang pananaliksik na dapat isaalang-alang. Una,
tatalakayin lamang ang mabuting epekto ng makabagong teknolohiya
sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa baitang ika-11 TVL-ICT sa Monlimar
Development Academy. Hindi lubos na maipapakita nang pag-aaral na
ang buong populasyon ng mga mag-aaral sa paaralang ito. Pangalawa,
hindi maaaring saklawin ang lahat ng teknolohiya na maaaring
magamit sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Katuturan ng mga Salita

Aplikasyon - ay isang computer software package na direktang


gumaganap ng isang partikular na function para sa isang user.
Datos- Ang datos ay ang mga impormasyon na nakukuha base sa
isang obserbasyon o pagaaral.
Network - Ang network ay isang pangkat ng dalawa o higit pang mga
computer na magkakaugnay para sa layunin ng pagpapalitan ng datos
at pagbabahagi ng mga mapagkukunan.
Software Development - Ang software development ay ang proseso
ng pagbuo, pagtukoy, pagdidisenyo, pagprograma, pagdodokumento,
pagsubok, at pag-aayos ng bug na kasangkot sa paglikha at
pagpapanatili ng mga application, frameworks, o iba pang bahagi ng
software.
Teknolohiya - Ang teknolohiya ay tumutukoy sa kabuuan ng mga
kasangkapang, kaalaman, at kasanayan na ginagamit upang
matugunan ang mga pangangailangan ng tao at lipunan.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Nilalaman ng kabanatang ito ang mga pagsusuri, kaisipan,
kaalaman, pananaw at matalinong pag-aaral na isinasagawa. Ang
pagsusuring ito ay nauukol sa banyaga at lokal na literatura, at
banyaga at lokal na pag-aaral.

Banyagang Literatura

Batay sa pag-aaral ni Chukwuemeka M. (2022) na tumatalakay


sa epekto ng teknolohiya sa pagtuturo at pag-aaral sa mga mataas na
institusyon. Sa pagsusuri ng literatura, natuklasan ang maraming
potensyal na benepisyo sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo,
kabilang ang pagtaas ng pakikiisa ng mga mag-aaral, mas malawak na
pag-access sa mga edukasyonal na materyal, at pagpapabuti sa mga
resulta ng pag-aaral. Gayunpaman, tinukoy din ang ilang mga hamon
sa pagpapakatuto ng teknolohiya sa pagtuturo, tulad ng pagtiyak na
may access ang lahat ng mag-aaral sa teknolohiya at ang
pangangailangan na ang mga guro ay maayos na nakapagsanay sa
paggamit ng teknolohiya. Sa pangkalahatan, nagbibigay ang pag-aaral
ng pang-aklat na kayamanan ng epekto ng teknolohiya sa pagtuturo at
pag-aaral sa mas mataas na institusyon at nagpapakita ng
pangangailangan para sa tuloy-tuloy na pananaliksik sa larangang ito.

Ayon sa pag-aaral ni writer ID 265884910 (2020) Technology


In Education Ang artikulong "Pagsusuri ng Literatura sa Teknolohiya sa
Edukasyon" ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya kung paano
nakakaapekto ang teknolohiya sa edukasyon batay sa iba't ibang pag-
aaral na isinagawa sa larangan. Ipinapakita ng pagsusuri ang
posibleng mga benepisyo at hadlang sa paggamit ng teknolohiya sa
edukasyon at binibigyang diin na mahalagang magplano at magpakilos
nang buong-buo. Sa simula ng pagsusuri, tinalakay ang positibong
epekto ng teknolohiya sa pakikilahok at pagmamotibo ng mga mag-
aaral. Ayon sa mga naisagawang pag-aaral, may potensiyal na tumaas
ang pakikilahok at motibasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
teknolohiya sa pagbibigay ng interaktibong at personalisadong
karanasan sa pag-aaral. Halimbawa, puwedeng gamitin ang
teknolohiya upang lumikha ng mga virtual na simulasyon at laro na
nakakaakit sa mga mag-aaral at nagpapahintulot sa kanila na matuto
sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga eksperimento. Bukod dito,
maaring magamit din ang teknolohiya upang maipatupad ang inyong
mga pangangailangan sa pag-aaral o ayon sa kanilang paraan ng
pagkatuto, na maaaring magdulot ng kasiya-siyang motibasyon sa
kanila.Sumunod naman sa pagsusuri ang epekto ng teknolohiya sa
akademikong tagumpay ng mga mag-aaral. Ayon pa rin sa mga
naisagawang pag-aaral, tumaas ang akademikong tagumpay ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng teknolohiya sa pagbibigay ng mga mas
maginhawang at makabuluhang karanasan sa pag-aaral. Halimbawa,
maaring magbigay ang teknolohiya ng mas maraming mapagkukunan,
tulad ng mga database sa online, mga e-book, at multimedia, na
puwedeng magdagdag sa aralin sa klasrum at makatulong sa mga
mag-aaral para mas mauunawaan ang mga mahihirap na konsepto. Sa
dagdag pa, maaari ding magbigay ang teknolohiya ng agarang puna sa
mga mag-aaral, na makakatulong sa kanila na malaman at ayusin
nang mas maayos at mabilis ang kanilang mga mali.Gayunpaman,
ipinapakita rin ng pagsusuri na may mga hamon sa pagpapatupad ng
teknolohiya sa edukasyon.
Ang artikulong " Children and teachers engaging together
with digital technology in early childhood education and care
institutions: isang pagsusuri sa panitikan" ni Ni Undheim (2021) ay
nag-explore sa paggamit ng digital na teknolohiya sa mga institusyong
pang-edukasyon at pangangalaga sa maagang pagkabata. Napag-
alaman ng pagsusuri sa literatura na maaaring suportahan ng
teknolohiya ang pag-aaral, pag-unlad, at pakikipag-ugnayan ng mga
bata, ngunit depende rin ito sa kalidad ng teknolohiya at paggamit nito
ng guro. Itinatampok ng pagsusuri ang kahalagahan ng pagsasanay ng
guro at propesyonal na pag-unlad upang epektibong maisama ang
teknolohiya sa edukasyon at pangangalaga sa maagang pagkabata. Sa
pangkalahatan, ang pagsusuri ay nagbibigay ng mga insight sa mga
potensyal na benepisyo at hamon ng paggamit ng teknolohiya sa
maagang edukasyon at pangangalaga sa pagkabata.

Banyagang Pag-aaral

Maraming mabuting epekto ang makabagong teknolohiya ang


teknolohiya sa edukasyon ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Melissa
Williams M. (2019). Nagbibigay ito ng mga pagkakataon para sa mga
mag-aaral at nagpapataas ng produktibidad. Tinutulungan din nito ang
mga guro na pataasin ang tagumpay sa edukasyon sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga pagkakataong bumuo ng malakas na
teknolohiya at mga kasanayan sa digital literacy. Maaari rin itong
magbigay sa mga guro ng real-time na analytics upang mas
masubaybayan ang mga mag-aaral at matukoy ang mga
nangangailangan ng karagdagang suporta. Maaari itong mag-embed
ng propesyonal na pag-unlad at mga materyales sa pagsasanay upang
matulungan ang mga instruktor na makasabay sa mga pagbabago sa
edukasyon. Ang edukasyon ay mahalaga para sa mga mag-aaral
upang matugunan ang mga pangangailangan ng ika-21 siglo, at ang
teknolohiya ay naging mahalagang bahagi ng ating buhay panlipunan,
na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga mag-aaral na
magsanay ng mga kasanayan sa komunikasyon sa pamamagitan ng
mga personal na pagpapalitan, online na mga forum, at online na
pakikipag-ugnayan. Nagbibigay ito ng mga landas patungo sa
pandaigdigang edukasyon para sa mga mag-aaral at guro, na
nagbibigay ng mga bagong pananaw at mas malalim na pag-unawa sa
mga pandaigdigang katotohanan. Makakatulong din ang teknolohiya sa
mga mag-aaral na matuto ng empatiya, maghanap ng mga bagong
paraan para makilahok, at magkaroon ng pagnanais na lumahok sa
mga aksyon na nagdudulot ng pagbabago. Makakatulong din ang
teknolohiya sa mga mag-aaral na matuto ng mga digital na kasanayan
upang malikhaing malutas ang mga problema, kumpletuhin ang mga
proyekto, makakuha ng kaalaman na may kaugnayan sa mundo, at
makamit ang kanilang mga layunin.

Ayon sa pag – aaral ng Allison Academy (2021), makakatulong


ang teknolohiya sa mga mag-aaral sa iba't ibang paraan, na
ginagawang mas madali ang pag-access ng impormasyon at
pagbibigay ng mas maraming multimedia-based na karanasan sa pag-
aaral. Ang mga digital na materyales gaya ng mga e-book, website,
podcast, at video game ay madaling ma-access online, na nagbibigay
sa mga mag-aaral ng mas magandang karanasan sa pag-aaral.
Nagbibigay-daan din ang teknolohiya para sa malinaw at tiyak na mga
sagot sa bawat tanong, makatipid ng oras at pagpapabuti ng
pagganap sa klase at mga pagsusulit. Ang mga modernong mag-aaral
ay mas pamilyar sa nilalamang multimedia kaysa sa impormasyon
mula sa mga libro, na ginagawang mas madali para sa kanila na
matuto. Ang virtual reality (VR) at augmented reality (AR) ay mga
advanced na teknolohiya na nagbibigay ng immersive at interactive na
karanasan sa pag-aaral, lalo na ang AR, na magagamit sa isang
smartphone na walang mamahaling device.

Ayon sa pag-aaral ng Hilic (2022), ang teknolohiya sa silid-


aralan ay mahalaga sa pagpapataas ng pakikipag-ugnayan ng mga
mag-aaral at pagbibigay kapangyarihan sa mga guro na lumikha ng
mga makabagong karanasan sa pag-aaral. Sa kabila ng ilang mga
tagapagturo sa una ay tinitingnan ang teknolohiya bilang
nakakagambala, ang kanilang pananaw ay nagbago pagkatapos ng
isang taon ng malayong pag-aaral sa panahon ng pandemya ng
COVID-19. Ang teknolohiya ay maaaring mabago mula sa isang
nakakagambalang puwersa sa isang epektibong tool sa pagtuturo na
may positibong epekto sa tagumpay ng mag-aaral. Nagbibigay ang
teknolohiya ng mas mahusay na pag-access sa mga mapagkukunan,
tulad ng mga materyales sa pananaliksik, app na pang-edukasyon, at
mga bukas na mapagkukunang pang-edukasyon (OERs) na malayang
naa-access, magagamit muli, na-remix, at naipamahagi muli. Maaari
rin nitong mapadali ang collaborative at immersive na pag-aaral, gaya
ng paggamit ng mga simulation tool upang ipakita ang mga pattern ng
panahon o virtual reality para sa mga medikal na pamamaraan. Ang
pinaghalong pag-aaral, na pinagsasama ang tradisyonal na in-
classroom at online na edukasyon, ay maaaring magbigay sa mga
mag-aaral ng mga pagkakataong magtrabaho nang nakapag-iisa o
kasama ng mga kapantay at instruktor upang makamit ang
karunungan sa paksa. Mapapalawak din ng teknolohiya ang mga
hangganan ng silid-aralan, na ginagawang walang limitasyon ang
kapaligiran ng pag-aaral at nagpapahintulot sa mga mag-aaral na
ikonekta ang kanilang pag-aaral sa totoong mundo. Bukod pa rito, ang
self-paced na pag-aaral at mga online na mapagkukunan ay maaaring
hikayatin ang independiyenteng pag-aaral at magbigay sa mga
instruktor ng mga insight kung saan kailangan ng mga mag-aaral ng
karagdagang suporta.

Lokal na Literatura

Alinsunod sa pag-aaral ni Navarro Jr (2019) ay nagpakita na


mayroong mga elemento na naging bahagi ng sistema ng edukasyon
sa ika-dalawampu't-isang siglo. Ang pangunahing kagamitan ng mga
mag-aaral ay ang mga kompyuter at iba pang makabagong
teknolohiya na nakakatulong sa pagpapabilis at pagpapadali ng paraan
ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mas mabilis na
nakakalikom ng mga impormasyon ang mga mag-aaral para sa
kanilang takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat, at iba
pang gawain sa loob at labas ng silid-aralan. Ang teknolohiya ay isang
malaking tulong sa mga mag-aaral na nagnanais na makamit ang
isang kalidad na edukasyon at magkaroon ng mas mahusay na
kahusayan sa kanilang mga gawain sa paaralan.

Batay sa isang pag-aaral ni Jenny Rose D.N (2019), nakita na


may mga elemento na ng ika-dalawampu't-isang siglo na sa sistema
ng edukasyon ngayon. Ang pangunahing kagamitan ng mga mag-aaral
ay ang mga kompyuter at iba pang makabagong teknolohiya na
nakakatulong sa pagpapabilis at pagpapadali ng paraan ng pag-aaral.
Sa edukasyon, ang teknolohiya ay nakakatulong sa paglikom ng mga
impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work,
proyekto, pag-uulat, at iba pa. Ito ay malaking tulong lalo na sa mga
mag-aaral na naghahanap ng kalidad na edukasyon.
Ayon kay Patricia S. (2018) Sa panahon ngayon, laganap sa
lipunan ang paggamit ng internet o social media, lalong lalo na sa mga
kabataan. Malaki ang naitutulong nito sa trabaho at edukasyon. Kung
dati rati ay kinakailangan pang pumunta sa mga silid-aklatan upang
manaliksik ng impormasyon, ngayon ay mas madali na ang proseso
nito sa pamamagitan ng isang pindot lamang sa kompyuter

Lokal na Pag-aaral

Alinsunod sa pag-aaral nina A. Bacilio et.al (2019), layunin ng


kanilang pananaliksik na malaman ang epekto ng teknolohiya sa mga
mag-aaral ng asignaturang Filipino. Sa mga nakaraang taon, ang
teknolohiya ang naging bagong mundo ng tao, dahil dito ay nabuo ang
lahat ng uso at pangangailangan ng tao. Sa kasalukuyang panahon,
ang mga kompyuter ang pangunahing instrumento na ginagamit sa
edukasyon at napakalaking tulong nito sa pagpapalawak ng kaalaman
ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya,
nahahasa rin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga gawaing may
kaugnayan sa teknolohiya, na nagpapalawak ng kanilang kaalaman at
kasanayan.

Batay sa pag - aaral ni Erica T. (2018) Sa pamamagitan


lamang ng simpleng pagse-search ay mas mabilis makakakuha ng
dokumento at babasahin tungkol sa paksang pinag-aaralan. Maari
magsaliksik sa kahit na anong oras. Mas mapapadali ang trabaho ng
mga estudyante kumpara sa paghahanap ng mga impormasyon sa
libro. Kung may nakalaan na topik, madaling makakakuha ng mga
detalye sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa google.
Ayon sa pag aaral ni lyka P. Fumar (2018) Ang mabuting epekto
nito ay marami tayong nakukuhang mahahalagang impormasyon.
Nabibigyan din ng sapat na kakayahan ang mga mag-aaral na
mapalawak ang kanilang kaalaman hindi lamang sa pag-aaral patin na
rin sa lipunan. Nagiging madali na ring makahanap ng kasagutan sa
mga asignatura di tulad noong ang basehan ng mga kasagutan ay sa
silid aklatan lamang.

Sintesis

Sa mga kaugnay na literature st pag – aaral na nabanggit sa

kabanatang ito, makikita ang malalim na pagkatuto sa mabuting

epekto ng makabagong teknolohiya, ito ay magbibigay ng bagong

kaalaman sa mga mananaliksik at sa kanilang lipunan.

Ang mga pag-aaral nina Chukwuemeka M. (2022), Undheim

(2021), Allison Academy (2021), Hilic (2022), Jenny Rose D.N. (2019),

Patricia S. (2018), Erica T. (2018), A. Bacilio et al. (2019), at Lyka P.

Fumar (2018) ay katulad ng kasalukuyang pananaliksik dahil

tumutukoy sa mga positibong epekto ng makabagong teknolohiya na

nakakatulong sa mga mag-aaral at guro sa edukasyon, tulad ng mas

mabilis na pagkuha ng impormasyon sa internet.


Ang mga pag-aaral nina Writer ID 265884910 (2020) at Melissa

Williams M. (2019) ay kaugnay ng kasalukuyang pananaliksik dahil

tumutukoy sila sa pakikilahok at motibasyon ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng teknolohiya, at sa mga oportunidad na nagpapataas

ng produktibidad ng mga mag-aaral.

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pamamaraang


ginamit ng mga mananaliksik. Inilalahad dito ang disenyo ng pag-
aaral, lugar ng pag-aaral, instrumento at pamamaraan o pagtrato ng
datos na ginamit sa isinagawang pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng pamamaraang ay


kwalitatibong pag -aagral. Ito ay kwalitatibong pananaliksik dahil ang
pag – aaral na ito ay kailangan ng maraming impormasyon na kung
saan makukuha sa pamamagitan ng pangangalap ng iba’t ibang datos
na may kaugnayan sa pag – aaral. Nagging kwalitatibong ang pag –
aaral sa kadahilanan na kakailanganin ng maraming datos at kailangan
ng maraming opinion ng iba ang pag – aaral na ito.
Lugar ng Pag–aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa


Monlimar Development Academy, Inc. sa #317 M.L. Quezon Street,
Lower Bicutan, Taguig City taong panuruan 2022-2023.

Mga Kalahok

Para makakuha ng impormasyon tungkol sa paksang "Ang


Mabuting Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Pag-aaral ng Ika-11
na Baitang TVL-ICT ng Monlimar Development Academy, Inc. Taong
Panuruan 2022-2023", ginamit ang simple random sampling kung
saan pipiliin bilang mga respondente

ang mga mag-aaral na naroroon lamang sa araw ng pagbisita ng


mga mananaliksik sa klase at mag-interbyu kami ng kabuuang 30 na
respondante. Mayroong 15 na respondante sa seksyon ng Gates at 15
naman sa seksyon ng Page sa nasabing paaralan. Mayroong pitong (7)
na respondente na kababaihan at walong (8) na respondente na
kalalakihan, na may kabuuang labing limang (15) na respondente sa
pag-aaral.

Seksyon kababaihan kalalakihan

Gates 7 8

Pages 7 8
Mga Instrumento sa Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, ang gagamitin na instrumento ng mga


mananaliksik ay ang pakikipanayam o interbyu. Ito ang modelo na
napagpasyahan ng mga mananaliksik na gamitin dahil mas
makakakuha sila ng mga detalyadong impormasyon at opinyon mula
sa mga respondente. Sa pamamagitan ng interbyu, mas maiintindihan
ng mga mananaliksik ang mga perspektiba ng mga respondente
tungkol sa paksa. Magiging malaking tulong din ang ganitong paraan
upang masagutan ang mga tanong kung sino, ano, saan, at ano ang
sistemang batay sa mga problema ng pananaliksik.

Paraan ng Pangangalap

Ang mga mananaliksik ay magpapakadalubhasa ng isang


instrumento upang mangalap ng datos na makakatulong sapag -aaral
upang lubos na maunawaan at matiyak ang kalidad ng datos na
kanilang ipapakita. Ang paraang gagamitin ng mga mananaliksik ay
interbyu, na hindi nangangailangan ng maraming kagamitan maliban
sa recorder at sulatan lamang.
Surbey Questionnaire:
Mahal na Respondente: Kami po ay mga mag-aaral ng Monlimar
Development Academy, INC. Nais po naming kayong imbitahan na
makilahok sa aming pananaliksik sa pamamagitan ng pagtugon sa
survey na ito. Layunin po namin na malaman ang magandang epekto
ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral. Nagpapasalamat po kami sa
inyo sa paglaan ng oras upang makasagot sa aming survey. Hinihiling
po namin na maayos at tapat na sagutin ang mga katanungan.
Maraming salamat po! Maging masaya.
Pangalan(Opsyonal):___________________________ Edad: ___
Kasarian: M___ F____ Seksyon:____ Mangyaring sagutin ang tanong
nang matapat
1.Paano nakatulong ang paggamit ng teknolohiya sa pagpapabuti ng
iyong pag-aaral sa TVL - ICT strand? ________

2.Anong mga paraan sa tingin mo ang nakatulong sa iyo ng


teknolohiya upang mapadali ang iyong pag -aaral? ___________
3.Maari mo bang ibahagi ang mga halimbawa kung paano nakatulong
sa iyo ang teknolohiya sa iyong mga gawain sa paaralan?
____________
4.Paano nakatulong ang teknolohiya upang mas madali mong
makatrabaho at makipagtulungan sa iyong mga kaklase at guro?
____________
5.Sa iyong palagay, nakapagpabuti ba ang paggamit ng teknolohiya sa
iyong pag-aaral at nagbigay ng mas magandang karanasan? Bakit O o
bakit hindi? __________

6.Anong opinyon mo sa epekto ng teknolohiya sa paraan ng


pagpapahalaga ng impormasyon at paggamit nito sa mga tunay na
pangyayari sa mundo? _______

7.Paano nakatulong sa iyo ang teknolohiya sa paghahanda para sa


mga oportunidad sa hinaharap sa larangan ng ICT? ______

8.Paano mo nakikita ang paggamit ng teknolohiya sa hinaharap ng


edukasyon? ______
9.Anong mga skills ang natutunan mo sa paggamit ng teknolohiya sa
pag-aaral ng ICT strand? ______
10.Anong mga rekomendasyon mo para sa pagpapabuti pa ng
paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral ng ICT? ___________

You might also like