You are on page 1of 2

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

PANGALAN:
ORAS/ARAW NG KLASE:

 GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.

Pagnilayan at Unawain
Gawain 1: ANO SA PALAGAY MO?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:


(30 puntos)

1. Ano ang tinatawag na People Power o Lakas ng Bayan? Ipaliwanag.


 Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (People Power Revolution), na tinatawag ding
Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat
na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang
nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang
pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983.
Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan
tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni
Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni
Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA),
isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.

2. Isalaysay ang mga pangyayaring naganap noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25?
 Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan na
tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-
kamay at balikat sa balikat na Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng mga ngiti,
pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana
sa pinararatangang dalawang “rebelde”-ENRILE-RAMOS, ‘pagkat sumama na sa pangkat
ni Aquino. Muling naipamalas ng mga Pilipino ang Samahang Bayanihan tulad ng
pagbabahagi ng mga pagkain at inumin, ang pagbibigay-lunas sa mga nahihilo, ang
pakikiisa ng mga tao upang bumuo ng pulu-pulutong sa Edsa na papalit-palit sa mga
grupong naglalamay, at ang pagtatrapik ng mga sasakyan sa may Ortigas Avenue ng mga
seminarista at ng iba pa.
3. Ipaliwanag ang naging kalagayan ng Panitikang Filipino sa panahong ito.
 Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas
ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay
madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN, sa mga
SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA TELEBISYON.

4. Talakayin ang mga programa sa radyo at telebisyon sa panahong nabanggit.


 Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nang walang
takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.
Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at telebisyon kung saan
pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga
nasa pwesto. Ang DZRH na isang istasyon ng radyo sa ating bansa ay kasalukuyang
tumataguyod sa isang programang “kabayan” na ang mga tao’y nabibigyan ng kalayaang
magsalita at magbigay ng kani-kanilang opinion o kuru-kuro.

5. Sa kabuuan, ano sa palagay mo ang maaaring maging kalagayan ng Panitikang Pilipino sa darating na
bukas?
 Para sa akin ang Panitikang Pilipino ay siyang muling uusbong sapagkat alam nating lahat
na napakaraming Pilipino ang sumusuporta sa ga wa ng kapwa Pilipino. Isa pa dito,
dadalhin at dadalhin natin ang mga ito sa ating Paglalakbay na kung saan makatutulong
sa atin upang tayo’y hindi maligaw sa landas na ating pupuntahan. Ang Panitikang
Pilipino ay nagbabago ngunit hindi ito mawawala sa puso ng bawat Pilipino.

(ang mga kasagutan ay binubuo ng tatlo hanggang limang pangungusap)

You might also like