You are on page 1of 1

De Belen, Russel John R.

46509

Repleksyon sa Pasalitang Diskurso

Napakaraming bagay ang aking natutunan sa subject na ito, ako ay natutuwa dahil binigyan
akong linaw kung ano talaga ang mga bagay na ating makikita sa pang araw-araw nating
pamumuhay. Ang pasalitang diskurso ay tumutukoy sa pagpapahayag ng impormasyon sa
berbal na pamamaraan gamit ang wika at tinig. Kasama rin dito ang paggamit ng angkop
na tinig, bigkas, tono, tindig, kumpas, at kilos dahil ang mga ito ay nakakaapekto sa mensaheng
nais ipahayag ng nagsasalita. Mahalaga na isaalang-alang din ang madla o tagapakinig. Ang
aking natutunan sa diskurso ay makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwang ng
isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapagkinig.
Karagdagan pa, katulad ng telebisyon Pilipino rin ang nangungunang wika sa radyo at ang halos
lahat ng mga sitwasyon ng radyo sa AM man o PM ang ginagamit ng Pilipino at ibat-ibang
barayti nito. Sitwasyong pang-wika sa Pelikula hindi na nga daw maitatawag na Pilipino ang
wika o lingua franca ng telebisyon,radyo,diyaryo at pelikula .Maaaring sabihin ang pangunahing
layunin ng mga ito sa paggamit ng Pilipino bilang midyum ay upang mas maraming
makakapanood nito. Ilan lamang ito sa mga halimbawang aking natutunan sa loob ng ilang
buwan. Dapat nating bigyang halaga ang mga aral na ito nang sa gayon magamit natin at
maibahagi sa iba ang ating natutunan simula noong tayo ay nag aaral pa.

You might also like