You are on page 1of 3

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

PANGALAN:
ORAS/ARAW NG KLASE:

 GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay.

Pagnilayan at Unawain
Gawain 1: ANO SA PALAGAY MO?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:
(30 puntos)

1. Patunayan na ang ating mga ninuno ay mayroon nang sariling panitikan bago pa dumating ang mga Kastila.
 Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-
bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng
babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga panitikang ito ay
pasalin-dila.

2. Ilahad ang pagkakaiba ng bugtong at palaisipan. Magbigay ng dalawang halimbawa sa bawat isa.
 Ang bugtong ay pinahuhulaan at nangangailangan ng mabilisang pag-iisip. Ito ay binubuo
ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig nito ay maaring
apat o hanggang labindalawa. Ang halimbawa nito ay Tag-ulan o tag-araw hanggang
tuhod ang salawal (manok).
 Ang palaisipan ay isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito at kilala
rin ito bilang mga pahulaan, o patuturan. Ang halimbawa nito ay Ano ang tinapay na
hindi kinakain ang gitna? (donut na may butas sa gitna).

3. Anong tulong ang magagawa ng mga salawikain sa paghubog ng kagandahang asal ng ating mga kabataan sa ngayon?
 Bilang isang mag aaral. Masasabi kong napakalaking tulong ng salawikain para sa ating
mga kabataan dahil binibigyan tayo nito ng magagandang aral na siyang ating dadalhin s
sa ating Paglalakbay ditto sa mundong ibabaw at nakakatulong itong mabigyang linaw
kaming mga kabataan patungkol sa tamang pagpapakita ng kagandahang asal.

4. May kaugnayan ba ang karunungang bayan sa ating pamumuhay? Palawakin ang kasagutan.
 Para sa akin meron, sapagkat ito ay kadalasan nating ginagamit sa pang araw araw
nating gawain tulad ng araw araw na problema na parang bugtong na kailangan nating
isipin kung ano ang posibleng maging sagot sa problema nito.

5. Ano-ano ang mga layunin ng mga Kastila sa kanilang pananakop sa ating bansa?
 Ang mga Kastila ay may misyong manakop ng mga lupain sa daigdig at isa na rito ay ang
hangaring masakop ang Pilipinas.  
 Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas upang makatuklas ng mga ruta patungong Silangan.
 Isa rin itong bahagi ng pagkakatuklas ng mga lupain noong ika-15 hanggang ika-16 na
siglo.  
 Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas dahil sa pampulitikang hangarin.  
 Isa sa pinakang dahilan ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas ay upang maipalaganap
sa bansa ang relihiyong Kristiyanismo. 

6. Isa-isahin ang mga naiambag ng Kastila sa panitikang Filipino.


1. “Alibata” na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon.
4. Ang pagkakadala ng mga Alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.

(Ang mga ksagutan ay binubuo ng tatlo hanggang limang pangungusap)

 PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot na hinihngi ng bawat pahayag.. (15 puntos)

Kumintang 1. Epiko ng Tagalog


Soliranin 2. Awit ng mga Manggagawa
Kasabihan 3. Karaniwang ginagamit sa panunukso o Pagpuna sa kilos ng isang tao.
Senakulo 4. Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong Hesukristo.
Bidasari 5. Epiko ng Moro
Barlaan at Josaphat 6. Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas.
Oyayi 7. Awit sa Pagpapatulog ng Bata
Karilyo 8. Ginagampanan ng mga aninong mula sa karton.
Bugtong 9. Pinahuhulaan at nangangailangan ng mabilisang pag-iisip
Bulong 10. Ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
Kundiman 11. Awit ng Pag-ibig
Maragtas 12. Epiko ng Bisaya
Pasyon 13. Aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo.
Biag ni Lam-ang 14. Epiko ng Ilokano
Diona 15. Awit ng Pagpapakasal
II. Panuto: Isulat ang may-akda ng mga sumusunod. (10 puntos)

Padre Blancas de San Jose 1. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala


Padre Marcos Lisboa, Padre Pedro de San Buenaventura 2. Arte de la Lengua Bicolana Vocabulario
de la Lengua Tagala
Padre Diego Bergano 3. Vocabulario de la Lengua Pampango
Francisco Lopez 4. Arte de la Lengua Iloka
Mateo Sanchez 5. Vocabulario de la Lengua Bisaya
Padre Gaspar de San Agustin 6. Compendio de la Lengua Tagala
Padre Antonio de Borja 7. Barlaan at Josaphat
Modesto de Castro 8. Urbana at Felisa
Fray Juan de Placencia at Fray Domingo Nieva 9. Doctrina Cristiana
Padre Blancas de San Jose 10. Nuestra Senora del Rosario

You might also like