Professional Documents
Culture Documents
Week 1 Panitikan de Belen, Russel John R.
Week 1 Panitikan de Belen, Russel John R.
GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 1. ANO SA PALAGAY MO?
1. Pumili ng isang akdang pampanitikan na nagmula sa ibang bansa at humanap ng akdang Filipino
na may halos kaparehas ang tema. Isulat ang mga pagkakapareho ng mga napiling akdang
pampanitikan. (10 puntos)
Isama sa naging kasagutan na banggitin ang pamagat, may-akda at lugar na pinagmulan ng akdang pampanitikan.
“Ayon kayna Atienza, Ramos, Salazar, Ang tunay na panitikan daw ay yaong walang
kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa
kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang
kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na Makita ang Maykapal.” Sinasabi
dito na ang panitikan ay nagagamit pa din natin hanggang ngayon kaya ito ay tinawag
na walang kamatayan. Isang halimbawa dito ay ang akda ni Jose Rizal na kahit siya ay
yumao na, ang kanyang panitikan ay buhay na buhay pa din mula noon hanggang
ngayon na kung saan ang akdang ito ay patuloy na tinatangkilik ng mga mambabasa.
3. Ano ang kasaysayan? Paano nagkakaugnay ang panitikan sa kasaysayan? Ipaliwanag. (5
puntos)
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang na tumutukoy sa iba’t ibang akda na
nakaimpluwensya sa pantikan ng Pilipinas.
Isang libo’t isang Gabi 1. Ito ay naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya
Aklat ng mga Araw 2. Ang akdang ito ay naging batayan ng pananampalatayang Intsik.
Iliad at Odyssey 3. Akdang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya ng Gresya.
Bibliya 4. Ito ay naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano.
Uncle Tom’s Cabin 5. Akdang nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng
lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng
demokrasya.
Awit ni Rolando 6. Ito ay nagsalaysay ng panahong ginto ng Kristiyano sa Pransya
Aklat ng mga Patay 7. Tumalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng
Ehipto.
Koran 8. Bibliya ng mga Muslim
El Cid Compeador 9. Naglalarawan sa akdang ito ang pamumuhay ng mga tao sa
Espanya.
Divina Comedia 10. Ito ay nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
Italyano sa kapanahunang yaon.
II. Panuto: Tukuyin kung A. Paglalahad, B. Pangangatwiran, C. Paglalarawan, at D. Pagsasalaysay ang
bawat pahayag. Isulat ang titik ng wastong sagot.