You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

DAPAT MAUNAWAAN NG MAGKABILANG PANIG

A. Ang kasunduang ito ay isinagawa ni CHRISTOPHER M. CHENG, Punong Barangay, may


hustong taong gulang, at naninirahan sa Barangay Kaunlaran, Cubao, District IV, Quezon City
tinaguriang LESSOR.

B. Si Ginoo/Ginang ________________________ may hustong taong gulang, nangungupahan sa


isang LIVELIHOOD STALL ay siyang tinaguriang LESSEE. 

NAGPAPATOTOO: 

Ang Lessor ay ang Punong Barangay ng Barangay Kaunlaran na siyang pamhalaan ng


LIVELIHOOD CENTER na nasa PLANAS SITE, BARANGAY KAUNLARAN, CUBAO,
DISTRICT IV, QUEZON CITY. Ang Nasabing livelihood center ay nais paupahan ng lessor sa
lessee na gusto namang upahan ito. Dahil dito ang Lessor at ang Lessee ay dapat magkasundo sa
sumusunod na mga kondisyong:

1. Ang Upa sa nasabing livelihood stall ay PHP _________________ sa salaping Pilipino bawat
buwan. Ang petsa ng bayaran ay tuwing katapusan ng buwan.

2. MERALCO AND WATER BILL: Kada katapusan ng buwan kukunin ng may-ari ang mga
billing ng Meralco at water bill para sa monitoring, security and record purposes. 

3. IMPROVEMENTS: Hindi maaaring ibahin ang pagkakaayos ng livelihood sapagkat dapat ay


pare-pareho o uniform ang mga stall. Bawal magbutas sa dingding. Kung sakaling may gustong
gawin o idagdag sa uupahang livelihood stall, maaaring ipagbigay-alam muna sa barangay bago
ito gawin. Ang sino mang Tenant na gagawa ng pagbabago na hindi alam ng Barangay, maaaring
paalisin agad ang Tenant at mabaliwala ang kontrata. 

4. SANITATION AND REPAIRS: Responsibilidad ng Tenant na panatilihin ang kaayusan at


kalinisan ng upahang livelihood stall lalo na ang tapat nito. Itapon ang basura sa tamang tapunan,
huwag ito ilagay sa daanan ng tao. Kung sakaling may masira sa upahang livelihood stall at ito
ay kapabayaan ng tenant o hindi sinasadyang masira. Ang tenant na bahala magpagawa dito
ngunit kailangan ipag-bigay muna sa Barangay bago ito ipagawa.

5. RULES AND REGULATIONS:


- Bawal mag-inuman sa loob ng livelihood stall, kahit ikaw ang umuupa   dito.
- Maaaring magtinda ng alak ngunit hindi maaaring magpainom sa stall.
- Ilagay ang basura sa tamang tapunan.

- Bawal ang magpatugtog ng malakas na music o sounds.


- Bawal gawing tulugan o bahay ang livelihood stall.
- Bawal ipasa ang pamamahala ng livelihood KAHIT KANINO, KAHIT KAMAG
ANAK
- Magkakaroon ng PHP500 na penalty sa mga livelihood stall na hindi magbubukas sa
loob ng tatlong araw o humigit dito.
- Bawal maglagay ng kahit na anong parapernalya sa labas ng livelihood center,
kailangan panatilihin ang pagkaka pare-pareho o uniformity ng mga stall
- Bawal magsabit ng kahit anong tarpaulin po poster sa livelihood nang walang paalam sa
Barangay.

6. Kapag ang lessee o ang Tenant ay hindi sumusunod sa mga PATAKARAN at NAKAKAGULO
SA IBANG TENANT, ito ay maaaring paalisin anumang oras o bigyan ng palugit para umalis.

7. Kapag ang Tenant ay mayroong tanong maaaring magtungo sa barangay hall o tumawag sa
mga hotline numbers nito na: 7759-2863 at 0995-7988885

LESSEE INFORMATION:

Full Name: ______________________________________ PHOTO


Birthday   : ______________________________________
Address: _______________________________________
Contact Number:_________________________________

MGA SUMASANG-AYON: 

     HON. CHRISTOPHER M. CHENG     _______________________


          LESSOR LESSEE (TENANT)

You might also like