You are on page 1of 10

PAPIC SA CANDIDATES

Happy Easter Sunday


Napanood nyo ba yung limang
Na nag-egg hunt kanina?
Wala silang nahanap na itlog
Kasi kanina ko pa dala

Saka dati nyo nga pala akong kasama


Pero lumipat na ko sa kabila
Dati naka-pink ako
Ngayon nakapula na
Magmula nung makita ko
Na puro na lang kayo paninira

Oh naniwala naman kayo


Pinapakita ko lang sa inyo na
Ganito lang kadali gumawa ng kwento

Sabay content na sa tiktok


Insssstaaaaaaant views ang mga gago

(Hubad red shirt)

Hindi na ako kinakabahan


sa muli kong pagtungtong sa entablado
Hindi na ko kabado
Ako’y medyo kalmado
Dahil alam ko
na sa darating na mayo
Ang tiyak na mananalo
Ay walang iba
kundi si Leni at Kiko
Isigaw nyo!
Kapag sinabi kong Leni
Sabihin nyo kiko
Leni? (Kiko!)
Leni? (Kiko!)
Bakit may naririnig akong Leni-Isko?
Bawal bumoto nang dalawang pangulo
Maliban na lang kung ang pangalan mo ay
San (dro!)
San (dro!)
San san nanaman napupunta yung tula ko
Mga loko talaga kayo
Huwag kayong bastos!
Don’t be rude (turo kay Luke)
I go by the record
Amnesty International
De biro lang po Atty Luke
Pero alam nyo ba kung ano ang ka-rhyme
Ni Attorney Luke, Chel, at Neri
Pare-pareho natin silang iboto
kasama si Kiko at Leni

At huwag nating kalilimutan

Ang ACT TEACHERS Partylist


At P3PWD (stutter)

Andami namang syllables ng


Partylist ni mommy

Magandang gabi sa inyong lahat


I am Arthur Bandolin
Isa po akong spokenword poetry artist
At uunahan ko na kayo
Sa pagkakataong ito
May baon ulit akong kodigo
Dahil masyado akong abala
Sa mga gawaing pang-akademiko
At mas inuna ko pa yon
Kesa pagtuunan ang pagkabisado
Dahil gusto kong makapagtapos
Ng kolehiyo kahit papaano
At ayaw kong magaya… (ngiwi ngiwi)
(ayaw ko nang ituloy
Baka ma-bash pa ko.)

Ang tulang ito ay kadugtong


Ng piyesang itinanghal ko sa CAMANAVA
Yung Radikal na Pag-ibig - Tula para kay
AYBI
Yung tungkol sa kaniyang pagiging
masukista
Na sa kabila ng pag-ibig at tiwala
Na ibinibigay niya sa iba
Ay paulit-ulit siyang niloloko
Inaabuso’t ginagago
Pero ibinibigay niya pa rin
Nang buong-buo ang kaniyang puso
Habang ipinagsasawalang-bahala
Ang tunay na pagibig ko

Diba parang tanga?


Parang yung babae dun sa tiktok
Na nagtatanong ano daw ang magagawa
ng clean track record
At credentials sa giyera
Clean Track Record
Credentials! (SIGH, Iling-iling)
Sana talaga makabalik na tayo
sa eskwela

Pero alam nyo


Pagkatapos kong magtanghal sa CAMANAVA
Ay natuloy na// ang aming pagkikita
Ni Aybing masukista
Kaya’t sa aking pagkasabik
Ay nauna ako sa tagpuan
At nang mamasdan ko syang papalapit
Ay may ngiti na syang tangan tangan
pero kinabahan ako

Dahil ganun na ganun ang itsura nya


Sa tuwing makikipagkita sya sa akin
Para lang ibalita na sinagot na nya
Yung mga manliligaw niya noon
Na mukang mga fuckboy at pabiktima

Grabe diba?
Yun yung mga tipo nang
Matapang umasta
Mabulaklak magsalita
Na para bang handa ka laging ipaglaban
Para lang makamit ang pagsinta
Pero pangsadboi na ang tema
Kapag nahuli mo na sila
Sila na nga itong nanggago
Ngayon sila pa yung biktima?

Mga manipulative na sadboi ampota

Naalala ko tuloy yung isa nyang kwento


Na yung dati nyang kasintahan
Nagkaroon sila ng pagtatalo

Dahil may naka-sagutan si Aybi//


Na isang kilalang tao
Na masyadong matapobre
na gustong mauna
Sa pila sa isang resto

Sa halip na ipagtanggol
Ay humingi pa sya ng pasensya
At hinatak si Aybi sa labas
Saka sinampal at minura

“Gusto mo ba ng gyera?
Hindi natin yan kaya?”

Ganun ba yung
palaging tingin nila sa resulta
Sa tuwing ipaglalaban mo
Kung ano ang nararapat at tama?

Yun ba yung handa kang ipaglaban


Hanggang sa pagtanda?
Para kasing ikaw lang
Ang kaya nyang labanan
Pero hindi ka kayang ipaglaban sa iba

Meron pang isa


Yung pagkatapos na mahule
Na pumasok sa motel
Na may ibang kasama na babae
Biglang ipinagkalat
Na kabit daw ako ni AYBI
Grabe namang issue
Mala-Rob Moya at Toni
Baka mamaya nyan
May sex scandal na ko with Aybi

Tapos ako pa ang masisisi


Na nagpakalat ng sarili
Kong Scandal sa twitter at FB

Respeto po kay Ms. Aika


Alam kong napatawad mo na sila
Pero paumanhin pa rin po
Sa kawalan nila ng delikadesa

Saka miss na nga pala kita


(Sheeesh)

Pero Uulitin ko
Boybespren lang ako//
Nakakalungkot man//
Pero yun ang totoo
Na kahit gusto ko nang umamin
Alam kong tatawanan nya lang ako
Dahil nagpapakatanga pa sya
Sa taong di naman talaga sya gusto

Biruin mo
Minamanipula na sya
Binabalikan pa rin nya
Ilang beses na syang pinagsinungalingan
Pero patuloy pa rin syang naniniwala
Minsan nga nagsasakit-sakitan pa yon
Para si Aybi maawa
Biglang nagkaka-brace sa leeg
Kapag may kasalanang Malala

Hindi ba’t nakakatawa


Akala ko sya na ang pinakatanga
Pero ako pala ang mas malala
Dahil nagpapakatanga ako
Sa taong nagpapakatanga pa sa iba

Pero hindi na ko nagulat


Sa kung ano ang narinig ko
Sa nagpakalat ng video
Ng peke naming iskandalo
Ganyan talaga ang mga tarantado
Takot/ sa sarili nilang multo

Pero sa lahat ng yan


nabigla ako sa unang mga salita
na binanggit sa akin ni Aybi sa tagpuan

Ang sabi nya


Handa na akong makinig

Pinaulit-ulit ko pa sa kanya
Dahil sa aking pagkabigla
Pero pareho ang aking narinig
Sa wakas
Makikinig na siya

Sa pagkakataong iyon
Napakaraming mga kwento
Ang gustong kumawala sa aking puso
Napakaraming mga plano
Hindi lang basta mga pangako
Hindi ko kailangan na magbago
Dahil noon pa ganito na ko

Na hindi nya lang nakikita


Dahil masyado syang manipulado

Tulad nung mga pagkakataon


Na nasalanta sila ng bagyo
Nasunugan at nabaldado
Yung ama nyang napakasipag
Walang sawang nagtatrabaho
Nung nagkasakit kanilang bunso
Kahit anong problema
Handa palaging sumaklolo
Isang tawag lang sa akin
Ay Naroon agad ako

Ibinibigay ko ang lahat


Ng aking makakaya
Dahil sa aking pagsinta
Pero hindi nya yun nakikita
Dahil nakayakap sya iba

Pero ngayon
Ang tanging mahalaga
Si Aybi
Si Inang Bayan
Ay handa nang makinig

Namasdam ko kung papaano


Tumindig ang libo-libong mga tao
Kapit-bisig sa pagsulong
Ng tunay na pagbabago
Hindi bat yoon ang pinakamainam
Na batayan ng pagkapinuno
Kapag nagawa mong maging ehemplo
Mabuting halimbawa sa Pilipino

Ultimo hindi natin kakulay


Ay ating tinulungan
Nang minsan silang hindi makauwi
Dahil sa lakas ng hangin at ulan
Ganyan ang pagmamahal
Radikal, tanggap lahat ng kulay
Hindi lang basta pagkakaisa
Na salita lang at hindi tunay
Dahil ang tunay na pagkakaisa
Ay may kasamang pagtanggap
Na sa kabila ng pagkakaiba
Ay ramdam mo ang pagkalinga

Kaya (HINTO)
Huwag na nating kulayan/
Ng kulay rosas ang mga dingding
Patumbahin na natin ang mga pader
Na matagal nang nag---hahati sa atin
At patuloy lang natin silang yakapin
Kahit minsan
Mahirap na silang mahalin

Ibalik natin ang simbolismo


Ng pagibig sa pula
Na walang bahid ng dugo
Kurapsyon at maling sistema
At ipakita natin sa lahat
Ang tunay na pagkakaisa

Itinataya ko ngayon
Ang aking kinabukasan
Nagtatanghal ako
Sa kabila ng mga paratang
Mga banta, panghuhusga
Pero wala akong pakialam
Magpapatuloy lang ako
Sa aking paghakbang

At sa lahat ng narito
Tuloy lang tayo sa paglaban

Para kung dumating man


ang araw Na bumalik
o manatili ang ating inang bayan
sa dati na nyang nakasanayan

Wala tayong pagsisisi


Dahil nanatili nating tangan-tangan
Ang prinsipyo’t paninindigan
Ng tunay na pagibig
Para sa inang bayan.

Pwede ba kong magpicture kasama kayo?

You might also like