You are on page 1of 650

Converted by lsbt

Lerwick

Hi Mafias!

To say that I am grateful would be an understatement. I would not have


gotten this far without your support. Reading your comments and thoughts
on each chapter alone makes me happy. And I'm flattered that you took the
time to read my works and went out of your way to actually purchase them.
Taking part in the paid program opened up a world of possibilities for me,
all of which came in handy during this pandemic. As thanks, I will do my
utmost best to offer you the things you've been wishing for quite some time
now. I heard you and we'll make it happen.

You're probably dying to know what has happened to them over the course
of twenty-five years. The first family you'll be able to see is the Lerwick
Family. Throughout this book, you will witness Sebastian's humble
beginnings as the loving husband of Meisha and father to Cody and
Kayden, as well as possibly two more children? Quite the unexpected,
right? You'll find out more once the entire story is released.

The first three chapters will be posted tonight and I will be back next week
with the rest of the chapters. I'm hoping to get your support on this one as
well. From Season 1 to Season 3, and now that another My Husband is a
Mafia Boss story has been released, and probably more in the future, I
appreciate all the work efforts you've done for me so far. You have my love
and gratitude.
Converted by lsbt

Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Hindi maipaliwanag na saya ang naramdaman ko nang sa wakas ay narinig


ko ang "I do" ni Mei sa harap ng altar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin
ako makapaniwala na ako ang pinili niyang maging kabiyak at makasama
habambuhay.

Marami mang nangyaring hindi pagkakaunawaan bago namin marating ang


yugto ng relasyon na meron kami ng maganda kong asawa ngayon,
nagagawa naming ayusin at lampasan lahat. Dahil gano'n naman talaga ang
relasyon, 'di ba?

Hindi lang basta simpleng kilig. Hindi lang basta saya.

It's all about going through life together. As a team. The both of you against
everything else. Naks! Istreyt Inglis mula sa guwapo na tulad ko.

Marahil ay kahit anong pagsubok ang dumating sa amin ay pipiliin namin


ang isa't isa. Kahit ilang ulit siguro akong magkamali, o siya, paulit-ulit
lang din naming patatawarin ang isa't isa.

Kahit siguro maubusan na ako ng dahilan, siya pa rin ang pipiliin ko...til det
do as part ika nga.

At ngayong nasa panibagong yugto na ulit kami ng aming buhay, hindi na


lang puro relasyon naming dalawa ang kailangang isaalang-alang...

...at 'yon ay ang pagiging magulang sa dalawa naming gwapong anak.

Guwapong-guwapo akong nakasandal sa kotse ko habang patingin-tingin sa


mga dumaraang estudyante rito sa parking lot ng eskwelahan.
Inaabangan kong lumabas ang dalawa kong guwapong anak na manang-
mana sa...kanino pa ba? E di sa nag-iisa at walang katulad nilang ama...da
wan en onli, Sebastian Lerwick.

Habang hinihintay ko sila ay natanaw ko sa malayo ang anak ni Lampe na


babae. Nakaupo siya sa isang makipot na bangko at nagkakalikot ng kung
ano. Pansin ko rito sa anak ni Lampe na 'to, palaging mag-isa. Tsk! Kung
sabagay, iyong anak kong si Cody ang kasama palagi ng kakambal niyang
si Azure. Mana-mana nga naman talaga, oo!

Naglakad ako palapit sa kanya, at kahit ilang metro pa ang layo ko ay


nakikita ko nang abala siya sa pagtatanggal ng mga suot niyang alahas.

Kumunot ang noo ko dahil sa nakita ng mapupungay kong mga mata.

Petengene! Sa murang edad, ganito kaagad karami ang dala-dala niyang


mga alahas. Hindi kaya manakawan 'tong anak ni Lampe?

At saka, eskwelahan 'to, ah. P'wede ba ang ganito karaming suot dito sa
loob? Baka kapag nakikita 'to ng ibang mga estudyante ay pag-interesan pa.

Napailing na lang ako at dumeretso sa paglalakad palapit sa kanya.

"Yo, maganda kong pamangkin," bati ko sa kanya nang nakangiti.


Kailangan kong ngumiti sa mga nakakausap o nakakasalubong ko para
naman masaya rin ang impresyon nilang makita ang guwapo kong mukha.

Saglit siyang tumunghay para tingnan ako. "Heller po, Tito." Ngumiti siya
nang bahagya, pagkatapos ay ibinalik na niya ang atensyon sa isang gold na
breyslet na katatanggal niya lang.

"Ano 'yan?" Itinuro ko pa ang alahas na hawak niya.

"Ito po bang kakaalis ko lang, Tito?" Tumango ako bilang tugon sa tanong
niya.

"Ecrou de Cartier Bracelet po. Kasama po niya sa isang set itong Ecrou de
Cartier Earrings at Ecrou de Cartier Ring," mabilis na sagot niya. Tumingin
pa ito sa 'kin nang nakangiti habang ipinapakita ang mga alahas.
Ano raw? "Eku—eku ano?"

"Ecrou de Cartier po." Binagalan pa niya ang pagsabi na parang


ipinapaintindi sa 'kin ang pangalan ng brand ng alahas niya.

Ampupu, napakahirap naman i-pronawns nitong aksesoris ng anak ni


Lampe. "Totoo ba 'yan?"

Nagtataka siyang tumingin sa mga alahas na hawak niya at saka ibinalik


ang mga tingin sa akin. "S'yempre naman po, Tito. Ang sabi po ni Papa,
kapag maganda raw po ay dapat palaging totoo ang mga gamit at hindi raw
po fake."

Tumango-tango ako, totoo naman. Ganyan kaming mga guwapo at


magaganda, kailangan umaayon ang mga kagamitan sa lebel ng gandang
lalaki at gandang babae namin.

Ang kaibahan lang sa akin ay hindi ko na kailangan ng mga aksesoris na


'yan. Natural na ang kagwapuhan ko at ng pamilya Lerwick kahit na walang
ganyan.

"Pero bakit inaalis mo?" tanong ko. Patuloy siya sa pag-aalis ng iba pang
mga aksesoris na suot niya.

"Kasi po, Tito, sigurado po ako na kapag nakita ni Mama ito ay deretso
basurahan ang mga 'to. Sayang naman po."

Totoo naman. Naalala ko pa nga no'ng napadaan ako para sana yayain si
Baby Lampe na magbaraha sa kanila at mag-inom ay narinig kong
nagbubunganga si Ms. Amesyl habang buhat-buhat ang isang sako ng mga
sapatos panlalaki at pambabae. Mga gamit siguro 'yon ng mga anak niya.
Pft!

Nang matanggal na niya ang lahat ng suot na alahas na hanggang ngayon ay


hindi ko ma-pronawns ang pangalan ay maingat niya itong inilagay sa loob
sa bag niya. Pagkatapos ay tumayo siya at pinagpagpagan ang suot na
palda.
"Tito Seb, nakita niyo po ba si Grayson?" tanong niya sa akin. Hindi kaagad
ako nakasagot dahil nakatingala ito sa akin at titig na titig na para bang
sinasabi niya na sana ay nakita ko ang anak ni Boul.

"Aktuwali, kararating ko pa lang dito..."

"Ah, ganoon po ba." Para namang nalungkot bigla ang tono ng pananalita
niya kaya iniba ko na pinag-uusapan. Petengene!

"...tatanungin nga sana kita kung nasaan si Cody." Tumingin pa ako sa


paligid para tingnan dahil baka nagkasalisihan na kami.

"Iyong anak n'yo pong mongoloid ay nasa classroom pa. Pinaiwan po kasi
sila ng room teacher namin para maglinis kasama po 'yong pangit kong
kakambal. Lahat po kasi sila sa row four ay hindi nakikinig kanina sa
klase," sagot ni Amber habang inaayos ang suot nitong itim na dal shus.

"Ah...ganoon ba?" Ang bangis talaga ng mga batang 'yon, oh. Pero hindi ko
naman sila masisisi. Kahit noong bata ako, suki ako ng guidance office. Pft!

"Opo, may itatanong ka pa po ba, Tito? Kasi medyo nagmamadali po ako."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Sige na, mauna ka na. Hintayin ko
na lang dito ang kapatid at ang pinsan mo. Mag-iingat ka," nakangiti kong
sabi na may pagkindat pa.

"Erkey po." Pagsagot na pagsagot niya ay sinundan ko naman agad ito ng


tanong, "Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa amin?"

"Erkey lang po ako, Tito. Baka po mangibabaw ang kagandahan ko kapag


sumabay pa ako sa inyong tatlo. Salamat po sa concern." Agad naman
akong natawa sa sinabi ng pamangkin kong si Amber. Ano ba naman itong
anak ni Lampe, hindi natuturuan na gumalang sa mas nakagugwapo at sa
mga elderli.

"Pfft! O, siya! Mag-iingat ka."

"Erkey po ulit."
Nang makaalis na si Amber ay napakamot na lang ako sa batok. Petengene!
Ano na naman kaya ang ginawa ng guwapo kong anak na may mas
guwapong tatay?

Bumalik na ako sa parking lot kung nasaan ang guwapo kong kotse na
sumasalamin sa itsura ng may-ari.

Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang selpon ko. At nang tingnan ko ang


iskrin ay ampupu! Abot langit ang kaba ko nang makitang si bossing 'yon.

Napatikhim muna ako bago sinagot ang tawag.

"Yo, Bossing. Na-miss mo ba ang po—" Hindi ko na natapos ang sasabihin


ko dahil nagsalita na siya.

[How's the transaction going?]

"Nagawa ko nang malinis at maayos, Bossing. Walang bahid ng


kagwapuhan ko ro'n."

[Good.]

Hindi pa man ako nakapagsasalita ay binabaan na ako ng tawag ni bossing.

Hanep. Hindi siguro matagalan ni bossing ang katotohanang mas lamang


ako ng kagwapuhan nang kaunti sa kanya. Tama 'yan, Lerwick.

Saglit na lang din akong naghintay dahil maya-maya pa ay dumating na si


Cody kasama si Azure na nagtatawanan pa habang ang panganay na anak
naman namin ni Mei na si Kayden ay nasa likod ng mga ito at tahimik na
naglalakad.

"Oh, Cody, mukhang masaya tayo ngayon, ah?" Kinuha ko ang bag ng
dalawa kong anak at inilagay sa likod ng kotse.

Ibinaling ko ang tingin kay Azure na panay ang ngiti. Masiyahin din talaga
'tong anak ni Lampe na lalaki.
"Azure, gusto mo bang maiba naman ang araw mo? Halika na at sumabay
ka sa pamilya ng mga guwapo," pag-anyaya ko sa kanya.

"Hindi na po, Tito. Susunduin naman po kami ni Papa, pero salamat po.
Saka ayoko naman pong masapawan kayo ng kagwapuhan, hehe." Dahil
hindi magpapatalo ang pamilyang Lerwick ay sasagot na sana ako sa sinabi
ni Azure nang biglang sumingit ang anak kong si Cody sa usapan. "Woah,
woah, woah! Haw der yu tu sey dat tu awar pamili? 'Di nga hamak na mas
guwapo pa ako sa 'yo, oh!" May pagkagat pa siya ng ibabang labi at hawak
nito ang kanyang baba gamit ang kanyang kanang kamay. Pfft!

Sabay naman kaming nagtawanang tatlo samantalang ang anak kong si


Kayden naman ay tahimik lang na pumasok sa loob sa kotse.

"Oh, mauuna na ang pamilyang guwapo. Pasabi na lang sa papa mo na mas


guwapo ako sa kanya at mag-ingat kayo pauwi," pagkasabi ko n'on ay saka
ko ginulo ang buhok niya.

"Tito naman," angal niya at saka kaagad na inayos ang nagulong buhok
niya. Petengene! Manang-mana talaga kay Lampe 'tong anak niya.

"Pero sigurado ka, ha?" paninigurado ko.

"Opo," tipid na sagot naman niya at saka ngumiti nang malapad.

May ilang minuto ko nang dinadrayb ang sasakyan pauwi sa bahay. Walang
nagsasalita sa aming tatlo kaya binasag ko ang katahimikan ng dalawa kong
anak. Ano kayang meron at bakit tahimik ang mga ito? Baka naman i-
starstrak pa rin sila na ako ang tatay nila simula noong pinanganak sila
hanggang ngayon? Petengeneng mga batang 'to.

"Kumusta naman ang pag-aaral? Balita ko ay may kalokohan na namang


ginawa itong si Cody kaya pinaglinis ng howm rum titser." Sinulyapan ko
sila sa reyr byu mirror nitong kotse at saka ko ibinalik ang atensyon sa
kalsada.
Hindi sila sumasagot kaya sumulyap akong muli sa reyr byu mirror. Agad
namang nag-iwas ng tingin si Cody habang si Kayden ay nakatingin sa
kapatid. Petengene!

"Ha-ha-ha. Erpat, kasi po iyong klasmeyt kong babae ay gusto po akong


halikan sa pisngi, e. Naiintindihan ko naman po dahil sabi n'yo nga po pogi
ako. Kaya ayun po at hinalikan ko po sa lips," sabi nito na parang prawd na
prawd na sa ginawang kalokohan.

"Petengene! Anak, manang-mana ka talaga sa tatay mong habulin ng babae.


Alam mo ba ganyan din iyong ermat n'yo noong ikakasal kami." Naging
interesado naman ang mukha ng dalawa nang banggitin ko ang tungkol sa
amin ng ermat nila.

"Can you tell us about your marriage?" Ang panganay na anak namin ng
maganda kong asawa ang nagtanong kaya naman kinindatan ko siya mula
sa reyr byu mirror.

"Noong ikinasal kami ng ermat n'yo ay hinimatay lang naman ang guwapo
n'yong erpat pero nairaos naman namin ang kasal kahit papaano. Ikukwento
ko na lang sa inyo iyong kakulitan ng kapatid mo noong bata pa kayo."
Umandar na ang trapiko kaya nagsimula na akong magmaneho pauwi.

-Flashback-

Nag-aayos ako ng higaan sa kuna ng bunso kong manang-mana sa


kagwapuhan ko. Samantalang ang maganda kong asawang si Mei ay
pinapaliguan ang anak naming si Cody.

"Lerwick, can you get Cody here? I'm going to take Kayden for a bath."
Dali-dali ko namang kinuha ang towel at naglakad-takbo papunta sa
banyo.

Iniabot sa akin ng saksakan ng ganda kong asawa si Cody na ngayon ay


basang-basa at pumapadyak-padyak pa habang tawa nang tawa.
Ang guwapo talaga ng anak ko; manang-mana at hindi nagkakalayo ang
mukha naming dalawa sa isa't isa. Talaga nga namang mamamatay ang
mga kababaihan sa kilig kapag itong anak ko ay lumaki na.

"Alam kong masaya ka anak dahil nakita mo na naman ang erpat mong
guwapo. Hayaan mo, lagi kong ipapakita ang guwapo kong mukha para
lagi kang matuwa." Hinalikan ko pa ito sa labi ngunit sa hindi malamang
dahilan ay bigla itong umiyak. Tengene! Anong ginawa ko?

"Lerwick! What did you do?" Sumilip si Mei sa may pinto ng banyo habang
hawak-hawak si Kayden na nakatayo at naglalaro ng tubig sa bathtub.

"Ha? Wala akong ginagawa. Binigyan ko lang siya ng halik dahil diserb
niya n'on, lalo na't galing sa guwapo niyang ama," nakangiti kong banggit
dahil baka maya-maya lang ay malintikan ako kapag hindi ko siya
pinakilig.

Gano'n naman palagi; kailangan ko lang pakiligin ang aking magandang


asawa para hindi kami umabot sa bangayan.

Isang ngiti lang muna. Kapag hindi 'yon tumalab, isang mahigpit at mainit
na yakap.

Kapag hindi pa rin gumana 'yon, isang halik sa pisngi.

Kapag hindi pa rin gumana sa pisngi, eh, isang halik sa labi.

Kapag hindi pa rin talaga nadadala sa halik, magpapainit na lang kami sa


kama.

Magkakape kumbaga.

Nakangiti kong pinupunasan si Cody dahil sa mga iniisip ko.

Pagkatapos kong bihisan ang bunso naming si Cody ay siya namang


paglabas ni Mei mula sa banyo habang buhat-buhat ang panganay naming
si Kayden.
Marunong nang maglakad nang kaunti si Kayden habang si Cody ay
gumagapang na. Malaking bulas ang magkapatid kaya sigurado akong
bukod sa guwapo ay matatangkad din ang mga ito paglaki.

Inilapag ko muna si Cody sa karpet at tumalikod para kunin ang pulbos


pero nang makabalik ako sa karpet ay nilamon ako ng kaba nang makitang
wala na si Cody kung saan ko siya iniwan.

Petengene!

"Mei, Mei, si Cody nawawala!" Abot abot ang kaba ko at mas


nakapagpadagdag pa ng nerbyos ko ay nang makita ko pa sa sahig ang
isinuot kong pasipayer sa kanya bago ko siya iwan.

"What are you saying Lerwick? Hindi ba't hawak mo si Cody?" Inilibot na
rin nito ang paningin at tiningnan pa ang ilalim ng kama dahil baka
lumusot lang dito ang bata.

"Petengene! Mei, kukuha lang naman ako ng pulbos pero no'ng tumingin
ako ay wala na siya." Bakit naman kasi ang bilis kumilos ng batang 'yon?

"Hanapin mo, Lerwick. Hindi ko kayang hanapin dahil walang kasama si


Kayden dito." Tumango ako at agad na tinungo ang loob ng banyo sa
kwarto at tiningnan ang bawat sulok. Pero paksyet, wala talaga!

Nanlalamig na ang mga kamay ko dahil baka kung ano ang mangyari kay
Cody. Lumabas ako ng kwarto at tumakbo papunta sa may hagdan.

-End of Flashback-
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Bata pa lang talaga iyang si Cody ay makulit na. Mabuti na lang at


nagmana sa akin ng kagwapuhan kaya natutuwa rin naman ako." Inabutan
na naman kami ng trapik kaya naman inihinto ko muna ulit ang kotse at
sumandal.

"Erpat, ngayon naman po ay hindi na ako makulit. Ako na po ang kinukulit


ng mga babae." Nagpogi sayn pa ito at saka kinakagat ang labi. Manang-
mana talaga sa akin itong bunso namin.

"Aba s'yempre naman, anak! Manang-mana ka yata sa erpat mong walang


katulad pagdating sa gandang lalaki, eh." Tiningnan ko ang repleksyon ko
sa salamin at pinadausdos ang kamay sa buhok.

"Syet, ang guwapo mo talaga, Sebastian Lerwick." Nasulyapan ko pa ang


reaksyon ng dalawa sa likod na nakakunot ang mga noo.

"Ha-ha-ha, heto pa nga ang nangyari mga anak."

-Flashback-

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil kahit saan ko hanapin ang


bunso naming anak ay hindi ko makita.

"Petengene! Huwag naman sana," napa-paranoyd na bulong ko sa sarili


ko.
Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang hindi ko
maiwasang mag-isip ng mga posibleng nangyari. Tulad na lang ng
nangyari sa anak nina bossing at Ma'am Aemie pero...ampupu! Pilit kong
inaalis ang mga ito sa isipan ko.

"Paano naman mangyayari 'yon eh tumalikod lang naman ako kay Cody?
Nandoon din ang maganda kong asawa. Dis is so impasibol." Itinuturo ko
pa ang hangin na parang may kausap kahit wala naman.

"Lerwick! Have you found Cody?" rinig kong sigaw ng maganda kong
asawa mula sa taas. Kinabahan na naman ako nang mapagtantong hindi
na pala ako nakaalis ng kusina.

"'Di ko pa nahahanap, Mei! Huwag kang mag-alala, hindi ako titigil


hangga't 'di ko nahahanap ang bunso nating ubod ng guwapo," sigaw ko
pabalik. Nagpeke pa ako ng tawa kahit na ramdam na ramdam ko pa rin
ang kabog ng dibdib ko.

Nalibot ko na ang buong bahay ngunit hindi ko pa rin alam kung nasaan si
Cody. Petengene! Nasaan na ba ang batang 'yon?

Nagpunta na ako sa kusina, sa sala, maski ang mga banyo ay pinuntahan


ko na rin. At opkors, hindi ko na rin pinalampas ang ilalim ng mesa.

"Lerwick, where is he?" Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Mei
na nagsalita. Unti-unti ko siyang hinarap. Kalong-kalong niya ngayon ang
panganay naming anak. At kahit na kabado ay sinagot ko pa rin ang
maganda kong asawa.

"Ah, ang ganda mo talaga, Mei, walang katulad." Kinindatan ko pa ito


ngunit hindi ito natinag. Hindi epektib ang seks apil mo ngayon, Sebastian
Lerwick. Nawawala ang anak n'yo.

"I'm not playing with you, Lerwick. Where is Cody?" Seryoso ang maganda
nitong mukha kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Paking syet,
ma men!
Sinubukan ko pang magpaliwanag pero mukhang hindi talaga uubra dahil
wala naman akong maibigay na sagot.

"Ah kasi Mei, dapat talaga—" Natigil ako sa pagsasalita nang may marinig
kaming iyak galing sa ikalawang palapag ng bahay. Mabilis kaming
nagkatinginan ni Mei at kahit parehas kaming hindi nagsalita ay mukhang
nakuha namin ang ibig sabihin ng isa't isa.

"Si Cody!" sigaw ko sabay takbo nang mabilis papunta kung saan galing
ang ingay na naririnig namin.

-End of Flashback-

"Kuya, dats wat yu kold hayd en sik," pagyayabang ni Cody. May hawak na
itong tyips at ngumunguya na.

"It's 'that's what you 'call', not called." Manang-mana talaga sa katalinuhan
sa akin itong anak ko, napaka-perpeksyonist.

"Anyways, Erpat, where did you find Cody?" Dumudukot ito ng paisa-isang
tyips kay Cody.

"Sa kwarto n'yo," pakamot ulo kong sabi. Ang trapik naman ay unti-unting
lumuluwag kaya ibinaba ko na ang hand breyk at dahan-dahan lang ang
galaw ng mga kotse dahil hindi pa ganoon kaluwag ang daan.

-Flashback-

Daig ko pa si Da Plas sa bilis ng takbo ko paakyat. Narinig ko ang boses


galing sa loob ng kwarto ng magkapatid kaya dali-dali akong pumunta
para hanapin siya.

Napako ang tingin ko nang marinig ko ang boses sa maliit na kloset.


Kunot-noo akong lumapit do'n, teyk nowt dahan-dahan lang. Hindi naman
sa pagiging duwag pero ang dami kong napapanood na horror na may
tiyanak sa loob ng aparador at ginagaya ang anyo ng mga batang
nawawala.

Pagsilip ko ay nakita ko si Cody na nanahimik na habang subo-subo ang


hinlalaki at pinaglalaruan ang mga damit na nakasabit. "Petengene!
Kanina pa kita hinahanap, bata ka. Nandiyan ka lang pala."

Pakiramdam ko ay nanakit ang ulo ko dahil kanina pa napa-paranoyd ang


guwapo tapos nandito lang pala sa loob ng aparador itong batang 'to.

Binuhat ko ito at agad na inilapag sa krib niya nang bigla akong


makaramdam ng hilo. Hinawakan ko ang ulo ko at umupo sa kama na
katapat ng krib.

"Are you okay?" Lumapit sakin si Mei at hinawakan ang aking noo gamit
ang isa niyang kamay.

"Ayos lang ako, nahihilo lang ako nang kaunti." Hinawakan ko ang kamay
niyang nakalapat sa noo ko at dinala sa labi ko. Tyansing lang.

"You're pale. Don't tell me you're going to faint?" Umiling ako at ngumiti
nang tipid. Yumuko ako nang maramdaman na umiikot ang paningin ko.
Ikalma mo, Lerwick. Nahanap mo na si Cody.

"Hey, hey, Lerwick." Tinatapik na ako ni Mei at pinilit ko naman na


manatiling dilat ang mga mata.

Inangat ko ang paningin ko pero malabo na sa paningin ko si Mei. At dahil


alam kong nag-aalala ito sa 'kin ay nagsalita ako, "Ayos lang ako."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

-End of Flashback-

Nakatulalang nakatingin ang dalawa sa akin at bakas ang pagkalito sa mga


mata nila.
"Erpat, sa pagkakaalam ko, ang madalas na hinihimatay ay 'yong may
sakit," sabi ni Kayden kaya napakamot naman ako sa ulo.

"Kabado lang, 'nak." Pinatakbo ko ang kotse nang lumuwag na nang


tuluyan ang daan.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay. Inayos muna ng mga bata


ang mga gamit nila sa kani-kaniyang mga kwarto at nagbihis. Pagkatapos
ay bumalik na sila rito sa salas dala-dala ang mga libro nila.

Ang maganda ko namang asawa ay abalang nagluluto sa kusina kaya


habang hindi pa handa ang hapunan ay itinuon ko muna ang atensyon dito
sa dalawa naming anak.

Bisi sila ngayon sa pagsasagot ng asaynments nila. Sa araw-araw naming


ginagawa ito ay sanay na sanay na sila sa pagsasagot ng mga takdang-aralin
nila. Manang-mana talaga sila, kanino pa ba? E di sa nag-iisang Sebastian
Lerwick.

Lumingon ako sa bunso naming si Cody nang tawagin ako nito para
magtanong. Nakaupo siya sa carpet at nakatingin sa hawak niyang
nowtbuk.

"Erpat! Itatanong ko lang po kung anong ispeling ng lab?" Tumayo ako


mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad palapit sa kanya.

"E di L-A-B, lab!" sagot ko habang naglalakad.

Napakamot naman sa si Cody na tumingin ulit sa nowtbuk na hawak niya.


Nang makalapit ako ay umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang papel niya
sa ispeling.

Ampotek! Siro ober ten ang bunso ko, ah. Ano na naman kayang nangyari?

"Tama naman po ang ispeling ko pero bakit nilagyan ng ekis ni Ma'am?"


nagtatakang tanong niya.

Inilipat ko ang tingin ko sa itinuturo niya sa nowtbuk.


"Petengene! Bakit mali? Tama naman iyong ispel ng lab, ah?"
Nagkatinginan kami ng anak kong bunso dahil parehas kaming
naguguluhan.

"Lerwick! Mali-mali naman iyang itinuturo mo sa mga anak mo." Lumabas


mula sa kusina ang ubod ng ganda kong asawa na si Mei. May hawak pa
itong sandok at suot na eypron habang nakatingin sa aming tatlo na
nakaupo sa carpet.

"Erpat, it should be L-O-V-E po, not L-A-B. It's different, L-A-B is how
you pronounce it," singit ni Kayden habang lumalapit sa kapatid. Tinabihan
niya ito at kinuha ang nowtbuk saka nagsulat doon gamit ang lapis na
hawak niya.

Mukhang kino-korek ang spelling ng kapatid niya.

Ganoon ba iyon?

"Kuya, tots daw ang sabi ni titser. Bakit ang haba ng nilagay mo? T-O-T-S
lang naman ang basa roon dapat ganoon lang din ang ispeling." Ako naman
ay sumasang-ayon lang kay Cody. Oo nga naman, bakit T-H-O-U-G-H-T-S
ang nilagay?

"Cody, your kuya is right. Makinig ka sa kanya, h'wag sa tatay mo," sigaw
ni Mei mula sa kusina. Tumingin naman sakin si Cody na parang
nanghihingi ng tulong.

"Makinig ka na lang sa kuya mo 'nak, baka mapagalitan tayo ng ermat mo,"


kabadong sabi ko. Mahirap na, aba!

Sa huli ay wala na ring nagawa si Cody at muling nakinig kay Kayden.

"Oh, ito pa. It's supposed to be F-A-N-T-A-S-Y not P-A-N-T-A-S-I," sabi ni


Kayden. Ginulo ni Cody ang buhok at sinabunutan ang sarili.

"Ang hirap naman!" maktol nito. Mukhang maiiyak na kaya hindi ko na


napigilan na tawanan siya.
Ipinagpatuloy ni Kayden ang pagtuturo sa kanyang kapatid na walang ibang
ginawa kundi ang magreklamo.

"It is sow komplikeyted." Nanggigigil na ito sa papel na hawak dahil lahat


ng kanyang sagot ay kinokontra ni Kayden.

"Cody, spell the word careful." Konpident itong tumayo at sumagot.

"Isi lang 'yan, K-E-R-P-U-L!" Agad ko itong pinalakpakan para suportahan


sa kanyang sagot. Napakatalino talaga ng bunso namin ni Mei. Manang-
mana sa akin.

"Mali! Let's move on to the next word, Cody...brother," nawawalan ng pag-


asang sabi ni Kayden.

"Ah! B-R-A-D-E-R. Alam na alam ko 'yan kasi meron ako niyan!"


Napailing naman si Kayden na ipinagtaka ko dahil tama naman ang ispeling
ng nakababata niyang kapatid.

Pero imbis na makialam ay pinanood ko lang sila. "Amateur." Inihiga nito


ang ulo sa lamesa at ipinikit ang mata.

"A-am ano? May gano'n bang salita, Kuya?" Tumango ito at nanatiling
nakapikit.

"Amateur," ulit pa ni Kayden na tinatamad na sa ginagawa nilang


magkapatid.

"Ah! A-M-A-T-Y-U-R!" Pumalakpak-palakpak ito at yumuko bago


kumaway na akala mo'y nasa isang konsert. Pag-iling na lang ang tanging
nagawa ni Kayden na tuluyan nang sumuko sa pagtuturo kay Cody ng
ispeling.

Pagkatapos mag-aral ng dalawa ay naupo na kaming lahat sa mahabang


upuan. Maayos naman ang pag-aaral nilang dalawa. Itong si Kayden ay
walang problema pero itong si Cody ay laging namomroblema sa ispeling.
Bagsak siguro 'to sa Inglis.
"Can you continue your story, Erpat?" Oo nga pala, hindi ko na naituloy
ang kuwento ko kanina. Tumango ako at kunwaring nag-warm ap.

-Flashback-

Nang magising ako ay natagpuan ko na lang ang guwapong ako sa kama ni


Kayden. Nakita ko agad ang dalawang gago na higit na mas lumamang
naman ako ng dalawang libong paligo. May iba pa bang
nakikipagkompetensya sa kagwapuhan ko? S'yempre, sina Lampe at Boul.

"Alam kong guwapo ako, mga 'tol, pero parang pinaglalamayan ninyo na
'ko." Umupo ako at hinawakan ang ulo na medyo masakit pa rin.

"Baby Lerwick, ready na ang kabaong," tatawa-tawang sabi ng gagong si


Lampe.

"Baby Lampe, hindi pa p'wedeng mamatay ang tulad kong ubod ng


guwapo. Madaming iiyak na kababaihan," pagbibiro ko bago hinanap ng
mga mapupungay kong mata ang maganda kong asawa.

"Nasa'n si Mei?" Umupo ako at hinawi ang mga gagong nakaharang sa


'kin.

"Nilayasan ka na. Palagi ka raw kasing nahihimatay. 'Tol, sa susunod, baka


pinaglalamayan ka na namin." Agad akong napatayo. Paking syet!

"Petengene! Bakit hindi n'yo 'ko ginising?" Nagmadali akong tumayo at


inayos ang damit at buhok ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

"Hoy, Lerwick, baka matuluyan ka na n'yan," natatawang sabi naman ni


Boul. Bakit ba nandito 'tong gagong 'to?

"Hindi ka naman inbayted, ah, bakit ka nandito? Miss mo ba ang mukha


kong ubod ng guwapo?" Ngumuso pa ko at itinaas-baba ang kilay.

"Gago! Tinawagan lang ako ni Lampe at sinabing mamamatay ka na raw."


Tiningnan ko nang masama ang gagong si Lampe na ngayon ay biglang
nawala. Nagtago na ang gago.

Binalita siguro ni Mei sa kanila ang nangyari kanina.

"Mauuna ka pang mamatay sa 'kin, p're," sabi ko at ininom ko ang tubig na


nasa tabi ng kama.

"Tangina mo," bwelta ng gago kaya tumawa ako nang malakas kasabay ng
paglabas ng gagong si Lampe sa loob ng banyo.

Nang pumasok si Mei sa loob ng kuwarto ay buhat-buhat nito ang bunsong


anak naming si Cody habang inaalalayan si Kayden maglakad.

Kinuha ko si Cody at hinalikan sa pisngi. "Na-miss mo ba ang guwapo


mong ama na tinaguan mo sa loob aparador?" Tumawa naman ito at
hinampas ako sa mukha. Petengene! Ang sakit!

Humagalpak ng tawa ang mga gago. "Pati anak mo hindi na naniniwala sa


guwapo dahil nagmana sa tito niyang mas guwapo pa sa 'yo." Tinakpan ko
ang tainga ni Cody at itinaas ang gitnang daliri para mag-derti pingger
sabay bulong ng "Ulol."

-End of Flashback-

"Erpat, buti hindi ka nalagutan ng hininga." Tumawa naman si Kayden sa


sinabi ng kapatid.

"Si Cody kasi ay hindi talaga namin napansin na mabilis na nakagapang sa


loob ng closet. Ang tatay n'yo naman ay ninerbyos nang sobra," natatawa
ring sabi ni Mei.

Nagtawanan naman silang mag-iina habang ako naman ay napakamot na


lang sa batok dahil sa hiyang nararamdaman.
"Atlis, buhay pa rin ang guwapo, 'di ba?" Nagtaas-baba pa ako ng kilay
kasabay naman ng paghinto nilang tatlo sa pagtawa at bumalik na sa kanya-
kanya nilang ginagawa. Petengene. Ayaw maniwala.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Naglalaro ang dalawang kong anak na mana sa tatay nilang ubod ng


guwapo sa karpet habang kami naman ni Mei ay nag-uusap tungkol sa mga
bagay-bagay.

Gustung-gusto ko lagi at lalo akong nai-in lab kapag may ganito kaming
bonding ng asawa kong ubod ng ganda at seksi.

Tamang upo at usap, pinapanood ang mga anak namin na masaya sa mga
ginagawa nila.

Parang normal na pamilya lang din. Walang iniisip na kung anong problema
tulad ng mga kalaban sa paligid, katulad ng mga nakalipas na taon.

Simula noong masiguro namin mula kina bossing at Ma'am Aemie na patay
na si Terrence Von Knight ay mas naging tahimik na ang lahat. Iyon nga
lang ay talagang wala pa ring nakakaalam kung nasaan o kung buhay pa ba
sina Bullet at Ma'am Alyana.

Napangiti ako sa naisip ko, pero hindi dahil sa nawala sila. Ito ay dahil
pakiramdam ko, mamumuhay na kami nang mapayapa at walang gulo sa
buhay namin.

Pero naisip ko rin, kailangan ba talagang may mawalan ng buhay para


maging payapa ang pamumuhay?

Umiling ako nang kaunti dahil sa naisip ko. Petengeneng isip 'to! Hindi na
lang ako mag-iisip.
Habang nakasandal sa upuan ay tumingin ako sa langit sabay pumikit.
Huminga ako nang malalim hanggang sa magsalita ang asawa kong
saksakan ng ganda.

"Lerwick..." Tumingin naman ako sa kanya para ipakita na nakikinig ako


dahil kitang-kita ng mapupungay kong mga mata na nag-aalinlangan siya.
"...it's Tristan's death anniversary. I'm thinking of visiting him since it's been
a while. Would you come with me?"

Tumingin ako sa kalendaryo ko sa selpon. Det anibersari nga ni Klein


ngayon.

Alam ko naman na may malaking impak si Klein sa buhay ng asawa ko


kaya hindi ko ipagkakait sa kanya ang mga ganitong bagay. Dahil ano ba
naman kung bisitahin niya ang namayapa niyang eks. E di hamak na mas
guwapo naman ako ng sampung paligo kay Klein.

"Oo naman, Mei. Kapag mahal mo, mahal ko na rin. Pero s'yempre dapat ay
mas mahal mo ako."

Tumawa ang asawa ko at ngumiti sa 'kin. As ekspekted, nai-in lab na naman


'tong asawa ko sa 'kin.

"Pa-kiss nga." Nilapit ko na ang mukha ko sa kanya pero bago ko pa man


siya tuluyang mahalikan ay napahinto na ako dahil sa sama ng tingin niya
sa akin.

Sus! Alam ko namang gusto niyang halikan ko siya, eh. Aba matinde!
Sebastian Lerwick 'to, oh.

Nakita at narinig kong nagbubulungan ang dalawang magkapatid kaya


tinignan ko lang sila. Nagulat ako nang biglang hinalikan din ni Cody si
Kayden sa pisngi.

Ang ganda naman ng kemistri nitong dalawa kong anak kahit na batang-
bata pa lang. Napangiti naman ako dahil sa ginawa nila.
"Isasama ba natin 'yong dalawang guwapo nating mga anak?" tanong ko
kay Mei habang nakatingin pa rin sa dalawa.

"Yes. Wala namang magbabantay sa kanilang dalawa," sagot niya kaya


tumango ako. Tinawag niya ang mga bata at pinalapit sa amin.

Maya-maya pa ay tumayo ang mga ito at naglakad papunta sa amin. Umupo


ang mga ito sa bakanteng sopa sa harap namin at nagmamadaling dinampot
ang mga biskwit.

"Kayden, Cody, maligo kayo pagkatapos niyong kumain. I'll just prepare
the things we need to bring." Hinintay niya ang pagtango ng dalawa naming
anak bago tumayo at pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay.

"Erpat, where are we going?" tanong ni Kayden habang ngumunguya. Ano


ba't Ingles nang Ingles 'tong batang 'to? Kanino ba ito nagmana?

Tumingin muna ako sa kanya bago sagutin ang tanong. "Tu da sementeryo,
anak. May dadalawin lang tayo," sabi ko habang binubuksan ang TV.
Panonoorin ko lang iyong bagong palabas na nakita ko sa Peysbuk kanina.
Mukhang maganda panoorin bagay sa gwapong manonood.

"Sino pong dadalawin natin, Erpat? Si Lolo po ba?" tanong ni Cody na unti-
unti pang ipinupuslit ang kamay palapit sa remote na itinabi ko sa akin.

Kinuha ko ang remote at tumingin sa kanya nang mapang-asar.

"Anak kong mana sa sa 'kin, manonood muna ako. At hindi ang lolo ninyo
ang pupuntahan natin," sabi ko kaya nagtataka naman silang tumingin sa
akin.

"Sino po, Erpat?" sabay na tanong pa ng mga guwapo.

"Ang pers lab ng ermat n'yo."

"Woah, hindi po ikaw ang first love ni Ermat, Erpat?" tanong ni Kayden na
kahit medyo...medyo lang naman, labag sa loob ko ay tinanguan ko.
Aba't bakit parang manghang-mangha itong mga 'to?

"Ibig sabihin po dalawa po kayong lab ni Ermat?" si Cody naman ang


nagtanong.

"Hindi— Ano—" Petengene! Ano ba naman kasing tanong 'yan!

"Ah, kasi, ganito kasi 'yan anak, ang mama mo dati—" Naputol ang
pananalita ko nang biglang magsalita si Mei.

"Kayden, Cody, Tristan is someone whom I loved dearly from the past. He
used to be my boyfriend before I met your dad." Napatingin kami kay Mei
na bumababa ng hagdan habang may bitbit na dalawang maliit na bag.

"He has a special place in my heart that no one can replace, the same as
your father."

'Yon oh! Iba talaga ang karisma ng isang Sebastian Lerwick!

Ngiting-ngiti akong tumingin sa mga anak ko na manghang nakatingin sa


ermat nila. Mukhang iniintindi ang sinabi ni Mei. "Narinig niyo 'yon, mga
anak, in short, deds na deds sa akin ang ermat ninyo."

"Parang hindi naman po gano'n iyong sinabi ni Ermat."

"Kaya nga po," gatong ni Cody

"Aba—"

"Dream on, Lerwick," nang-aasar na sabi ni Mei saka inabot sa akin ang
isang bag.

"Check it." Tiningnan ko ang laman ng bag at nakita ang mga gamit ng mga
bata, tulad ng pulbo, suklay, at mga bimpo. Sigurado kaming maglalaro din
ang dalawa sa sementeryo kaya nagdala na rin si Mei ng ekstrang damit
nila.
"Maliligo lang ang guwapo mong asawa, pagkatapos ay aalis na tayo."
Tumango lang si Mei at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin
mamaya.

Umakyat naman ako kasama ng dalawang guwapo kong anak at hinatid sila
sa mga kwarto nila para makaligo sila saka ako nagpatuloy sa paglalakad sa
kwarto namin at naligo. Alam kong mabango at kaakit-akit ang amoy ko
kahit 'di ako maligo pero mas nakakaguwapo ang maging presentabol pa
rin.

Pagkatapos maligo ay isinuot ko ang simpleng polo shert at pantalon bago


bumaba. Nakita ko naman ang maganda kong asawa kasama ang dalawang
anak namin na handa na rin para umalis.

On da wey na kami sa sementeryo kung saan nakahimlay ang hindi


kaguwapuhang katawan ni Klein. Habang nagmamaneho ay kumakanta-
kanta naman si Cody.

"Beybe, beybe, beybe owww!" Pil na pil na nito ang pagkanta at


iwinawagayway pa ang kamay habang nakapikit.

Napailing naman ako sa ginagawa niya. "Ay tot yud olweys be mayn yeah!"
Natawa akong tumingin sa kanya dahil sa pagkanta niya. Si Mei naman ay
parang naririndi na sa boses ni Cody.

Pagdating sa sementeryo ay naglatag agad ng banig sina Kayden at Cody


habang si Mei naman ay inilalabas ang piknik basket na inihanda niya
kanina bago umalis.

Agad na umupo ito at nagsindi ng kandila at inilagay sa magkabilang dulo


ng lapida ni Klein nang mailatag na ang banig.

"Yo! 'Tol, kumusta ka naman sa impyerno? Ayos ba? Mainit?" Sinamaan


ako ng tingin ni Mei. Ngumiti naman ako at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"Hey, I want you to meet our two children, Cody and Kayden." Inakbayan
ko si Mei at hinalikan sa buhok.

Alam kong kahit papaano ay nami-miss din niya si Klein at naiisip din nito
kung paano siya kung hindi ito namatay.

Aagawin kita kung sakali. Jowk.

"Erpat, Ermat, bakit po namatay si Tristan Klein?" tanong ni Kayden sa


amin habang nakatingin ang dalawa sa lapida na may nakalagay na
pangalan.

"They got ambushed." Sumulyap si Mei sa puntod ni Klein at mapait na


ngumiti. Makikita sa mga mata ang pagkalungkot habang bakas sa mukha
ang pagtanaw sa mga nangyari noon kaya naman mas hinigpitan ko ang
pag-akbay sa kanya.

Sensitib tapik kasi ito para kay Mei pero hindi naman kami puwedeng
magsinungaling sa mga anak namin. As mats as pasibol, gusto naming
maging hanes sa kanila sa lahat ng pagkakataon.

"Kahit naman buhay siya hanggang ngayon ay tayo pa rin ang


magkakatuluyan, maganda kong asawa." Kinindatan ko pa ito at lumayo
nang kaunti dahil nakatitig na naman siya nang masama sa kaguwapuhan
ko.

"Ermat, how did you and Erpat end up together?" tanong ni Kayden saka
tumingin sa akin si Mei na parang natatawa.

"I remembered your father was trying to get my permission to court me and
when I said okay, he insisted on being my boyfriend right away."
Nakatingin pa ito sa taas, pil na pil ang alaala ng pagpapaalam kong
manligaw sa kanya.

"Lagi kong binibigyan ng plawers 'yang ermat n'yo para naman kiligin."
Hinampas ako ni Mei at sinamaan ng tingin.
"Lerwick!" Mukhang sa labas na naman ako matutulog mamayang gabi,
pero 'wag naman sana. Kawawa ang guwapo.

Kumuha na lang ako ng chichirya sa loob ng piknik basket at agad na


binuksan ito. Sayang naman kung hindi makakain.

Kasalukuyan akong nakatingin sa puntod ni Klein.

Samantalang ang mag-iina ko naman ay naglalaro doon sa may damuhan


dahil na-bor ang mga bata. Kaya bilang mabuti at magandang ina ay
nilibang sila ng ermat nila.

Napabungtonghininga ako habang pinagmamasdan ko ang puntod ni Klein.

"Pasensya ka na, p're, ah. Ngayon ko lang siguro 'to aaminin sa 'yo. At
ngayon ko lang din siguro sasabihin nang deretso." Saglit akong tumigil
bago nagpatuloy, "Pero unang beses ko pa lang na makita si Mei, na-in lab
na ako, men."

Saglit ulit akong napatigil at ngumiti nang mapait. "Ang kaso, nawalan ako
ng pag-asa nang malaman kong may boypren siya. Hindi rin naman
nakakapagtaka s'yempre sa ganda ba naman ni Mei, 'di ba? Napakabangis
pa. Kaya imposibleng bukod sa akin ay wala nang ibang magkagusto sa
kanya," pagpapatuloy ko.

"Kaya hindi na rin naman ako nagulat nang malaman kong may boypren
siya. Pero s'yempre na-kyuryus ako, tsong. Gusto kong malaman kung mas
pogi ba sa akin iyong lalaking bumihag sa puso ni Mei." Natawa ako sa
naalala ko kaya tumungo ako, at namulot ng malilit na bato.

"E, nang makita kita. S'yempre tumaas kompidens lebel ko. Sabi ko pa aba
matinde! Ito ba 'yong boypren ni Mei? 'Di hamak naman na mas
magandang lalaki ako." Binato ko ng maliliit na bato ang lapida ni Klein at
saka nagpatuloy, "Mawalang galang na pero walang personalan, p're, ah?
Nagsasabi lang naman ako ng totoo."
Napailing ako sa mga sinabi ko saka ko tinuloy.

"Pero kahit na mas magandang lalaki ako sa 'yo, 'tol. Alam mo? Kitang-kita
ko noon kung gaano ka kamahal ni Mei. Kaya...sa totoo lang, akala ko wala
na akong pag-asa kay Mei. Gustuhin ko mang agawin siya sa 'yo, hindi ko
rin naman magagawa. Kahit na alam kong bukod akong pinagpala sa
lalaking lahat, p're, marunong naman akong lumugar." Tumingala ako at
tiningnan ang kalangitan saka nagsalita ulit.

"Kung ako man ang nasa posisyon mo ngayon, alam kong gugustuhin mo
na sa mabuting lalaki mapunta si Mei. Iyong lalaking mamahalin siya at
aalagaan tulad ng pagmamahal at pag-aalaga mo noon sa kanya. Iyong
lalaking irerespeto siya at pangingitiin tulad ng mga ginagawa mo noon."

Ibinalik ko ang tingin sa lapida niya at muling binasa ang pangalan niya
bago nagpatuloy.

"Huwag kang mag-alala, p're. Hindi ko man mahigitan ang mga ginawa mo
noon sa kanya, pipilitin kong maging tamang lalaki para kay Mei."

Napatingin naman ako sa mag-iina kong masaya pa ring naglalaro sa


damuhan.

"Pero s'yempre dahil guwapo ako, hindi lang sa pagiging mabuting asawa
ang pokus ko. Sisikapin ko rin na maging mabuti at guwapong ama sa
dalawang anak naming nagmana ng kapogian sa 'kin."

Napangiti na rin ako sa sinabi ko at saka nagsalitang muli, "Kaya chill ka


lang diyan, p're, ah? Ako na ang bahala kay Mei."

Hinawi ko ang mga nagkalat na tuyong damo at dahon sa ibabaw ng puntod


niya dahil humangin nang malakas.

"Ang aga mo namang magparamdam, Klein," biro ko pa rito. "Pero hindi ko


rin naman sinasabing magparamdam ka. Sabi ko pa nga sa 'yo, chill ka lang
diyan at ang guwapo na ang bahala."
"Nakilala mo naman na siguro ang mga anak naming guwapo. Isa ka sa
mga gusto kong pasalamatan kung bakit meron kaming Cody at Kayden.
Kung hindi ka nawala, baka imposibleng maging kami ni Mei at magkaroon
kami ng dalawang anak na minana ang kapogian ko," sabi ko rito at
pabirong tumawa.

"Kaya salamat, p're, ah? At namatay ka." Natawa na 'ko nang tuluyan dahil
na rin sa sinabi kong kalokohan.

"Pero, kiding asayd, 'tol. Nagpapasalamat ako kasi isa ka sa naging dahilan
kung bakit nagpursige akong maging mabuting lalaki, asawa at ama sa
pamilya ko ngayon." Huminto ako saglit para tanawin ang mag-iina ko.
Nang lumingon sila sa gawi ko ay nginitian ko sila.

Pagkatapos ay ibinalik ko ang mga tingin sa puntod ni Klein.

"Ito nga at lumalaki na ang dalawang batang masunurin, magalang,


matalino at s'yempre guwapo. Petengene, ako ba naman ang ama nila, 'di
ba? Kaya pasalamat na lang talaga sila at ako ang nagdala ng kagandahang
lahi sa kanila."

"Pero huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong makikilala ka ng


mga bata." Pagkasabi ko n'on ay sinulyapan kong muli ang mag-iina ko at
napangiti nang makita kong tuwang-tuwa ang mga anak kong hinahabol
ang ermat nila.

"Nakikita mo ba kung gaano sila kasaya? Sobra-sobrang galak din ang


nararamdaman ko sa tuwing nakikita silang ganyan. Masaya akong sa dami
ng kinaharap naming problema, nagagawan pa rin namin ng paraan para
ayusin. Hindi kita iniinggit p're, ah? Nagkukuwento lang ako."

Maya-maya pa ay patakbong lumapit sa akin ang bunsong anak namin ni


Mei na hinihingal. "E-erpat, tara po. Sali ka sa laro namin," aya sa akin ni
Cody.

"Magpahinga ka muna, Cody," sabi ko. Tumango naman ito sa akin. Pawis
na pawis din 'to kaya pinunasan ko na. Ampupu, ang asim. Paano na lang
'to makakahanap ng chikababes niya.
Nakita kong napatingin siya sa lapida ni Klein at maya-maya pa ay
nagsalita na. "Erpat, kaano-ano n'yo po si Tristan Klein?" kyuryosong
tanong sa akin ni Cody habang iniinom ang juice na kabibigay ko lang.

"Umiyak ka po ba, Erpat?" Hinawakan ko ang pisngi ko at doon ko lang


nalaman na may luha. Petengene.

"Napuwing lang ako. Ang tulad kong guwapo ay hindi umiiyak." Pasimple
ko pang pinunasan ang luha ko saka tumingin kay Cody.

"Si Tristan ay eks-boypren ng ermat mo. Noong unang beses ko kasing


makilala ang ermat n'yo, hindi ko alam na may kasintahan na pala." Tumigil
muna ako para makita ko ang reaksyon ni Cody sa kinukuwento ko. Hindi
ko malaman kung anong reaksyon ang nakikita ko sa mukha niya pero alam
kong guwapong-guwapo na naman siya sa pagmumukha ko.

"Pero Erpat, kung hindi po ba namatay si Tito Tristan, hindi po ba kayo


magkakatuluyan ni Ermat?"

Hindi ako nakasagot agad at napaisip pa sa tanong ng anak ko. Nakangiti pa


'to habang nakatingin sa akin. Pero kung hindi nga ba siya namatay ay
mangyayari kayang pinakasalan ako ni Mei?

Nang makapag-isip-isip ako ay sinagot ko na ang tanong niya.

"Kung hindi namatay si Klein, siguro ay magpaparaya ako. Hindi sa hindi


ko mahal ang ermat ninyo. Guwapo lang ako, pero hindi ko magagawang
manira ng relasyon." Tumango-tango si Cody sa sinabi ko at maya-maya pa
ay lumapit na rin ang asawa at panganay ko sa kinaroroonan namin.

"It seems like they're having a serious talk po, Ermat," sabi ni Kayden kay
Mei. "Ano pong pinag-uusapan ninyo?" tanong ulit ni Kayden. Si Mei
naman ay umupo sa tabi at pinunasan ang pawis ng panganay namin.

"Si Tito Klein, Kuya. Kyuryos kasi ako kung kaano-ano siya nina Erpat at
Ermat," sagot ni Cody sa tanong ni Kayden. Binaling ko ang atensyon ko
kay Mei na umiinom na ngayon ng tubig habang nagkukuwentuhan na ang
mga bata tungkol sa nakuwento ko kay Cody kanina.
"Mukhang napagod ka, Mei. Gusto mo bang humiga muna? Ayos lang
naman kung gusto mong mahiga sa hita ko," sabi ko at umayos ng
pagkakaupo.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Damang-dama ko ang preskong hangin kahit puro deds ang kasama namin.
Samantalang ang magkapatid na mana sakin ay naghahabulan na ulit.

"Lerwick?" Mahina ang boses ni Mei habang ang kamay ko ay nasa buhok
niya at hinihimas ito. Iminulat niya ang mga mata niya, saka ako nagsalita
ng, "Yes, maganda kong asawa?"

"What if Tristan didn't die?" Naramdaman ko ang pag-iling ni Mei saka ito
nagsalita, "'Wag mo nang sagutin."

Agad naman akong nagsalita, "Teka lang, Mei. Sasagutin ko 'yan. Gib mi
payb mins para makasagot." Bahagya itong napatawa sa sinabi ko.

Saglit akong napaisip sa tanong niya bago ko siya sinagot, "Siguro, 'di ako
magkakaroon ng lakas ng loob na ligawan ka. Kitang-kita ko kung gaano
n'yo kamahal ang isa't isa, eh. Oo, alam ko na minsan mo na siyang
pinagdudahan dahil sa mga ginagawa niya na hindi sinasabi sa'yo noon,
pero kita ko na mahal na mahal ka niya." Umayos ako ng upo at hinawakan
ang dalawa niyang kamay at hinalikan ang mga ito.

"My relationship with Tristan was not complicated. It was almost perfect
that I didn't see any flaws or reasons to give up on him." Humilig ito sa
balikat ko at tinanaw ang naglalaro naming mga anak.

"Kagwapuhan at kakisigan lang naman ang lamang ko kay Klein pero


maswerte pa rin ako dahil ako ang nasa tabi mo ngayon at ang ama ng mga
anak natin. Kahit nga buhay si Klein, balak ko pa ring agawin ka sa kanya,"
pagbibiro ko. Ang seryoso naman namin masyado ng maganda kong misis.
"I'm really thankful that you are my husband and the father of our children.
At first I was thinking, 'What if we regret marrying each other?'"
Nakatingin na siya ngayon sa kawalan.

"Beri rong ka r'yan, maganda kong asawa. Dahil alam ko naman sa sarili ko
na hinding-hindi ako magsisisi na ikaw ang pinakasalan ko. Hinimatay lang
ako noong kasal natin dahil sa sobrang kaba pero mahal na mahal kita,
Mei." Hinalikan ko ito sa labi na agad naman nitong tinugon.

"Ermat, Erpat bakit po kayo nagki-kiss? Magkakaroon na po ba ulit kami


ng bagong kapatid? Babae naman po. 'Di ba, Kuya?" Tumingala ito sa
kapatid na may katangkaran sa kanya. Tumango naman si Kayden.

"Erpat, I hope it's a girl po." Nakangiti itong nakatingin sa 'min at tumakbo
papalapit sa 'min sabay yakap.

"Mamaya, gagawa kami ng ermat n'yo." Kinindatan ko ang magkapatid at


sabay-sabay kaming tumawa. Si Mei naman ay parang pinagsakluban ng
langit. Langit lang dahil sa mala-anghel na mukha ng maganda kong asawa.

"Tigilan n'yo 'kong tatlo. Ikaw Lerwick, kung ano-anong itinuturo mo r'yan
sa dalawang mong anak!"

"Pero hindi porket nag-kiss kami ng mama n'yo ay magkakaroon na kami


ng baby. Hindi ba't hinalikan mo rin kanina ang kuya mo sa pisngi, Cody? E
di magkaka-baby na rin kayo?" natatawa kong sabi sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan silang dalawa at agad nagpunas ng pisngi at labi nila. Pft!
Mga batang 'to talaga, oo!

Malapit nang magdapit-hapon nang mapagpasyahan naming umuwi.


Nagkwentuhan pa ang mag-iina kung paano ako himatayin noong
manganganak siya sa dalawa. Oo, hinimatay ako noong manganganak si
Mei kay Kayden at ganoon din kay Cody.

"Ermat, himatayin po ba talagang tao si Erpat? Pansin ko po na lagi siyang


hinihimatay tuwing may magandang nangyayari sa inyo." Tumutok na lang
ako sa harap at ipinokus ang atensyon sa daan.
"Hindi naman iyan laging hinihimatay. Pero nerbyoso 'yang erpat n'yo."
Inaayos nito ang buhok ni Kayden na bahagyang nagulo at pinunasan ang
pawis sa likod.

Tulad nga ng inaasahan ay pawis na pawis ang dalawa kaya naman


pinalitan ng maganda at maalaga kong asawa ang dalawa naming anak ng
damit at nilagyan ng pulbo sa likod. Pinainom din sila ng tubig dahil rinig
ang malalim na paghinga ng dalawa dahil sa pagod.

"Ermat, ang pangit po ng lasa ng pulbo," reklamo ni Cody nang aksidenteng


malagyan ng pulbo ang bibig.

"Why did you taste it?" Pinunasan naman ni Mei ang bibig ng anak namin.

"Haw ken yu sey yu lab me, wen yu want tu lib me? It herts sow baaad!"
kanta nito habang inaayos ni Mei ang damit. Mali-mali pa ang liriks nito
kaya natatawa si Mei, ganoon din ako at si Kayden.

"Anak kong guwapo na mana sa 'kin, saan mo naman nakuha iyang


kinakanta mo?" Ipinakita nito ang notbuk na dala at ipinakita ang mga liriks
ng kanta.

"Hiningi ko po sa klasmeyt kong kras ako iyong notbuk niya na may mga
kanta. Tapos po ay sinerts ko po ro'n sa kompyuter lab namin, Erpat,"
prawd na prawd na sabi nito.

"Manang-mana talaga 'tong anak natin sa 'kin. Habulin ng babae. Paglaki


niyan, maraming chikababes ang maghahabol d'yan." Malawak ang ngiti
ko. Nakikita ko ang sarili ko rito dahil noong kabataan ay kaliwa't kanan
din ang bigay ng mga kababaihan ng mga gamit nila sa 'kin, lalo na 'yong
mga sulat na binibigay sa 'kin. Petengene! Kung pagsasamahin lahat ng
mga lab leters na binibigay sa 'kin, siguro p'wede na akong makagawa ng
isang libro.

"Whatever Lerwick." Iwinagayway ko ang kamay ko at nakangiting


tumingin sa kanya.
"Maganda kong misis, huwag kang magselos dahil ikaw lang ang
nagmamay-ari ng puso't kaluluwa ko." Naghiyawan naman ang dalawang
bata na at tinutukso ang nanay nilang ubod ng ganda.

"Uy! Ermat, kinikilig ka po ba?" Tumataas-baba pa ang kilay ni Cody


habang kinikiliti ang hangin.

"Cody!" Nakakatakot ang pagkakatawag ni Mei na nagpatahimik naman


kay Cody ngunit may ngisi pa rin sa labi.

Nang makauwi ay agad na umakyat ang dalawa para maligo ulit. Maputik
sa sementeryo kaya masyadong nagdumi ang dalawa.

"Lerwick, can you please clean all of these?" Ibinigay niya ang piknik
basket na kaagad ko namang kinuha. Sumaludo ako at nagnakaw ng halik
sabay takbo sa loob ng kusina. Hehe, naka-iskor ka na naman ng kiss,
Sebastian Lerwick. Ang bangis mo talaga!

"Areglado, maganda kong asawa!" sigaw ko nang makapasok ng kusina.


Sinimulan ko nang maghugas ng mga kasangkapan.

Pumasok si Cody sa kusina at tumungtong sa upuan para manood sa akin


habang naghuhugas.

"Erpat, ay hab samting tu tel yu po." Inilagay ko ang iba kong nahugasan sa
lalagyan at nagpunas ng kamay.

"Ano iyon?" Tiningnan ko si Cody habang seryosong nakatingin sakin.


Umiling-iling pa ito at nagkamot sa ulo. Kuto ba 'yan?

"E, kasi po Erpat, ang laki na po ng problema ko. Hindi ko na po alam kung
paano ko po masosolusyunan ang mga bagay-bagay." Problemadong
problemado pa ang mukha nito habang bumubuntonghininga.

"Ang mga guwapong tulad natin ay dapat hindi masyadong nagseseryoso sa


problema, anak. Ano ba 'yang pinoproblema mo? Masyado kang guwapo
pero s'yempre mas guwapo ako, para problemahin kung ano man ang
problema mo." Tiningnan ako nito na parang problema lang din ang
naintindihan sa sinabi ko.

"Ayun na nga po ang problema ko, Erpat. Sa sobrang kakisigan at


kagandahang lalaki ko, pinoproblema ko na po. Ayos lang po iyong isang
araw lang po akong guwapo ang kaso po ay araw-araw po akong
namomroblema. Kailan po kaya ako puwedeng magpahinga?" Napatitig
ako sa anak ko. Gusto kong batukan ang sarili.

"Iyon ba ang problema mo? Petengene! Wala na tayong magagawa dahil


walang gamot ang pagiging magandang lalaki natin. Isabuhay mo na lang,
anak. Tingnan mo kami ng ermat mo, parang walang problema." Ginulo ko
pa ang buhok nito at sabay kami na pumunta ng sala.

"Erpat, laro po tayong Tekken. May bago po akong pinabili kay Ermat."
Gulat na tiningnan ko ito.

"Pumayag ermat mo?" Nakakagulat man ay tiningnan ko ang plastik na


nasa mesa. Binuksan ko ito at petengene! CD ng Tekken nga!

"Opo. Minsan lang naman po ako magpabili." Mabilis na umupo kami sa


sopa at inilagay na ang CD sa pleyer.

Bumaba si Kayden at sumali sa paglalaro namin. "Iskoran 'to." Nanggigigil


kong hinawakan ang kontroler.

"K.O!" sabay na sigaw nina Cody at Kayden.

"Petengene! Warm ap lang 'yon, mga anak. Tingnan n'yo at matatalo ko


kayo sa susunod." Umupo ako nang tuwid at ikinunot ang noo. Ipinokus ko
nang mabuti ang mga mata sa iskrin at inihanda ang malalambot kong mga
daliri sa kontroler.

Ibinigay ni Cody ang kontroler kay Kayden at pumili ng karakter. Ang


napili nito ay si Kuma at ang napili ko naman ay si Dr. Boskonobits.

Nagsimula na ang laro. Hindi gumagalaw si Kayden kaya kinuha ko ang


pagkakataon para umatake. Nang malapit na ako sa kanya ay bigla itong
tumalon at napunta sa likod ko sabay sinipa-sipa ako. Hindi ko maigalaw
ang karakter ko dahil sa tuloy-tuloy na pagsipa niya.

Pakshet! Mukhang matatalo na naman ako.

Iniatras ko ang karakter ko at sinubukang tumalon papunta sa kanya ngunit


nadismaya ako sa ginawa nito. Bigla itong nagkombo at pinagsusuntok ang
karakter ko sabay malakas na sipa.

Tangina! K.O. na naman!

"Paano po ba 'yan, Erpat? K.O. ka na naman po," nang-aasar na sabi ni


Cody at inilahad ang kamay sa harap ko. Tiningnan ko ito at nagtatakang
tumingin sa kanya. Binigay ko ang kontroler pero 'di niya kinuha.

"Ito na ang kontroler, 'nak." Dismayado at 'di man makapaniwala ang


kagwapuhan ko sa pagkatalo ay tinanggap ko pa rin.

"Erpat, dapat po may reward. Tig-200 po pampradyek po namin ni Kuya."


Ngiting-ngiti pa ito habang ang mga kilay ay nagtataas-baba,
ipinapahiwatig na maglabas na ako ng pera.

"Shet na malupet! Nabudol niyo pa akong magkapatid, ah." Kakamot-


kamot ako ng ulo at kinuha ang 400 sa wallet. Labag sa loob kong ibinigay
iyon sa dalawa at nang makuha ay sabay na tumawa.

"Tenks, Erpat. Yor da bes!" Nag-apir naman ang dalawa at umupo sa sopa,
kinuha ang kontroler, at naglaro ng muli.

"Petengene! Naisahan n'yo ko ro'n, ah. Pero pinagbigyan ko lang talaga


kayo dahil baka magtampo naman kayo 'pag 'di kaagad kayo nanalo,"
payabang na sabi ko. Taas noo pa akong umupo at inilagay ang dalawang
braso sa sandalan na parang may inaakbayan.

Nagtawanan naman ulit ang magkapatid at nagpatuloy na sa paglalaro.

Maya-maya ay bumaba na si Mei galing sa taas. Maayos ang pananamit


nito habang may bitbit na helmet.
"Lerwick, I have to go to Cassandra's house. We need to talk about
something. I might be home late so don't wait for me. Patulugin mo na ang
mga bata pagdating ng 9," sabi niya at saka dere-deretsong lumabas ng
bahay.

Sinundan ko ito at nakita ko itong sumakay ng motorsiklo niya at isinuot


ang helmet.

"Teka, ubod ng ganda kong asawa!" Lakad-takbo akong lumapit dito at


ngumiti nang pagkalaki-laki. Tinaasan ako nito ng kilay. "Bakit matatagalan
ka kina Cass?"

"Haven't I told you that we need to talk about something?" Nakataas na ang
isa niyang kilay kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.

"Kyuryus lang naman ang guwapo mong asawa kaya ko natanong. Wala
bang kiss d'yan?" Sinamaan ako nito ng tingin kaya naman napatawa na
lang ako nang peke at binawi ang sinabi.

"Sabi ko nga, mag-iingat sila sa 'yo." Kumaway ako sa kanya nang mag-
umpisa siyang patakbuhin ang motorsiklo.

Nang maglaho na siya sa paningin ko ay bumalik na ako sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa loob ay nakapatay na ang TV at naglalaro naman sa selpon


sina Cody at Kayden.

"Erpat, saan po nagpunta si Ermat?" tanong ni Cody habang tutok na tutok


ito sa selpon.

"Sa bahay ng mga Lionhart. May pag-uusapan daw sila."

"Patay!" biglang sigaw ni Cody kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano 'yang nilalaro mo?" Ang dami namang laro ng mga kabataan ngayon.

"Kol op Dyuti po, Erpat. Prawd snayper nga po ako, e." Tumango naman
ako at tiningnan si Kayden na nakapikit na. Mukhang nakatulog na ito.
"Erpat, tumawag po pala si Tito Kaizer. Ang sabi po ay kakausapin ka raw
po n'ya tungkol daw po sa sabayang treyning namin sa makalawa."
Tiningnan ko ito at agad na tumungo sa telepono at indinayal ang namber sa
bahay ng gagong si Lampe.

[Baby Lerwick? Miss mo nanaman ba ang kagwapuhan ko?] Nalukot


naman ang mukha ko sa bungad niya.

"Ulol," tanging sabi ko bago itinanong sa kanya ang mga plano niya sa
makalawa.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nandito kami ngayon sa haydawt ng Yaji islash Roswells islash Blak


Organiseyshon.

Yu herd it rayt, ma men. Kami na rin ang namamalakad ngayon sa Blak


Organiseyshon simula no'ng mawala na sa landas namin ang mga dating
lider nito.

Magmimiting kasi kami ngayon para pag-usapan ang susunod na magiging


treyning ng mga bata. Sinamantala na rin namin ang oras na wala pa ang
mga bata at abala sa pag-aaral.

Gusto kasi namin na maaga silang matuto para maipagtanggol nila ang mga
sarili nila balang araw.

Alam naming hindi basta-basta ang buhay na mayroon kami kaya sigurado
kami na maraming mangyayari pagkalipas ng ilang taon o maaaring sa mga
susunod na araw lang din.

Hindi dapat mabangasan ang kagandahan at kagwapuhan ng mga anak


namin.

Nandito kaming lahat kasama ang mga asawa't anak namin maliban kina
Bossing at Ma'am Aemie.

Wala rin dito sina Lee at Ms. Fauzia dahil kasalukuyan silang nananatili pa
sa Amerika.

"Bakit ba kailangan pa ako rito?" reklamo ni Ms. Amesyl. Kanina pa iyan


naba-badtrip dahil abala raw siya sa mga labahin niya nang parang unggoy
raw na lumambitin sa kaniya si Lampe para lang sumama rito.

"Utos ni Mr. Roswell, Babylabs," sagot ng gagong si Lampe nang nakangiti


kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Ms. Amesyl.

"Eh kung siya ang utusan kong labhan ang mga labahin ko roon sa bahay,
ha, unggoy? Isa ring bungol 'tong asawa ni insan, eh. Ang kapal ng
mukhang magpapunta rito, e, siya nga ang wala rito," gigil na sabi niya kay
Lampe na ngayon ay parang natatakot sa asawa niya.

Bahagya tuloy akong tumalikod sa gawi nila dahil hindi ko na talaga


mapigilan ang matawa. Baka sa akin mabuhos ang inis ni Ms. Amesyl,
mahirap na. Si Bossing nga hindi sinasanto, eh, ako pa kaya?

Petengene! Laptrip din talaga minsan 'tong si Ms. Amesyl pero mas
madalas na nakakatakot.

Ang alam ko kasi ay bisi ang mag-asawang hayblad. May inaasikaso raw
silang importante pero hindi naman nila dinetalye sa amin. Pero sabi naman
sa akin ng maganda kong asawa kanina ay may iniwan na raw sina bossing
na gagawin. At si Mei ang naatasang magbaba niyon sa amin.

"I think we should get started because we all have other work to do,"
sadjeschon ni Cassandra.

Nagsitanguan naman kaming nandito at umayos na. Nakapalibot kaming


lahat sa isang mahabang konperens teybol at nakaharap sa isang malaking
iskrin kung saan ipi-present ang nasa prodyektor.

Tumayo na si Mei at lumapit sa gilid kung nasaan ang teknikal ekwipments


namin. Nagsalpak siya ng isang plasdrayb at maya-maya lang ay nagplas na
sa iskrin ang treyning plan.

Petengene!
Aliw na aliw ako habang pinapanood iyon. Syur na syur akong si bossing
ang gumawa nito dahil pulido at kumpleto sa detalye. Talagang panonoorin
mo na lang nang mabuti para maintindihan.

Nang matapos ang bidyo presenteyshon ay tumayo na ulit si Mei sa gitna at


nagsimulang mag-ekspleyn about sa bidyo na pinanood namin.

"That plan was created by Mr. Roswell and Ms. Aemie. It was originally
meant to be our mission, but I believe they find it extremely easy and think
that the kids can do it alone." Nakatitig lang ako sa maganda kong asawa
habang nag-e-ekspleyn.

"As stated in the video, their training will be carried out in a cruise ship.
And this is not merely their regular training. This is going to be their very
first mission. Simply put, there will be more serious and dangerous
situations."

Paking dip, ma men! Ang ganda talaga niya. At mas lalo pa siyang
gumaganda sa paningin ko kapag nagseseryoso siya. Tumingin sa akin si
Mei na nakakunot ang noo.

"Ang ganda mo," wala sa sarili kong sabi.

Saka lang ako natauhan nang may nagpeyk ubo kaya napatingin ako sa mga
kasama namin. Nakatingin sila sa akin na para bang sinasabing mukha
akong tanga. Ampupu!

"Baby Lerwick, alam naming patay na patay ka sa kapatid ko pero 'wag ka


namang ganiyan sa harap ko. Nagseselos na ako." Nilungkutan pa nito ang
mukha at humawak sa dibdib at umaktong nasasaktan.

"Alam mo namang sa 'yo lang ako kakalampag, Baby Lampe." Kumindat


ako at kinagat ng ibabang labi. Inginuso ang labi at umaktong nagbibigay
ng playing kis.

"Wengya! Kadiri." Tinawanan ko naman ito. Itong gagong 'to, chusi pa


kahit alam niya naman na mas yami ako sa kanya.
Tumingin ako kay Mei at napansin na seryoso itong nakatingin. Ganoon din
si Miss Amesyl nang siya ang sunod na balingan ko ng tingin.

Nagpeke ako ng tawa dahil sa matatalim na tingin nila. Petengene!


Nagsama ang dalawang mabangis na asawa namin.

"Puro kayo landian. Hoy unggoy, hindi tayo pumunta rito para sa mga ka-
ungguyan mo." Pinigilan kong may umalpas na tawa sa bibig ko nang
makita ko ang mukha ni Lampe.

Hindi ko maipaliwanag ang mukhang ipinapakita ng gagong si Lampe sa


asawa. Mukha itong nagpapa-kyut na may halog nagpapaawa dahil
nasungitan siya ni Ms. Amesyl.

Petengene! Buti na lang at hindi ganyan kabangis si Mei sa akin.

"Babylabs naman. Na-miss lang ako nitong gago at gusto akong


makalambingan kaya pinagbigyan ko na. Sa 'yo pa rin naman ako.
Pangako!" Itinaas pa nito ang kamay na parang nanunumpa at kasunod ay
inilagay nito sa dibdib ang kamay habang gumagawa ng krus na sayn.

"As I was saying—" Magsasalita na sana ulit si Mei nang biglang sumingit
si Blood.

Petengene nito, ah. Hindi pa nga tapos magsalita ang maganda kong asawa
tapos bigla na lang sisingit.

"What was Ezekiel's certainty that the task would be a simple and easy task
for the children?" tanong ni Blood, halatang tutol sa plano.

Wala rito ang asawa niya dahil bisi raw. Ganoon din ang asawa ni Lewis.

Pero ip ay now, wala lang talagang balak na sumama ang mga iyon.
Ramdam na ramdan kasi ng kaguwapuhan ko na hindi sila wiling na
makipagklows sa amin.

On da ader hand, naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng gagong 'to.


Nag-iisang anak niya kasi si Emerald at siya rin ang pinakabata sa lahat ng
mga anak namin. Kung ikukumpara mo si Emerald sa mga ordinaryong
bata, nasa edad pa siya na hindi pa puwedeng iwan nang mag-isa.

"This is also the main reason kung bakit sinabi ni Ms. Aemie na mas
maganda na kumpleto tayo habang pinag-uusapan 'to. Since may
posibilidad na malagay sa kapahamakan ang buhay ng mga bata," sagot ni
Mei. Hindi lang para kay Blood pero para sa aming lahat na mga magulang.

Sigurado naman kasing hindi lang si Blood ang nakakaramdam ng takot


para sa anak niya. Maging ako at iyong iba ay tiyak na ganoon din ang
nadarama.

"It is not mandatory. You have every right to be in disagreement. It is


entirely your responsibility whether you allow your children or not, and that
is why your presence is necessary here. I need your answers right away
because Ms. Aemie needs to know how many kids would be there so she
could get the tickets," mahabang paliwanag niya.

Wala agad nakasagot sa kaniya dahil nagkani-kaniyang diskusyunan ang


bawat merid kopol na nandito. Umupo na rin si Mei sa tabi ko at nang
tanungin ko siya kung pasasamahin ba namin ang mga anak namin ay ito
ang sinabi niya.

"In fact, I am reluctant to let our boys go on a mission with the other kids.
Natatakot ako para sa mga bata, Lerwick. But, if Ezekiel and Ms. Aemie
believes in the capacity of the kids to carry out this task, who am I to doubt
our boys?" madamdaming sabi niya.

Tinanguan ko naman siya at hinawakan ang kamay niya. "Syur akong kaya
ng mga bata iyan. Apter ol, da tri bers da prut op its kaynd. Mana sa akin
iyang mga anak natin, hindi lang sa kagandahang lalaki, pati na rin sa
galing at abilidad."

Ilang minuto pa ang tinagal ng miting bago isa-isang sinabi ng mga


magulang na nandito ang pagpayag nila. Ramdam ko ang kalabagan sa loob
nila pero tulad namin ng asawa ko ay mas nanaig ang tiwala namin sa mga
anak namin. Dey ar ol mapya apter ol.

Pagkatapos ng usapan ay nagkani-kaniya na ring uwi ang mga kopol na


nagsipunta. Kami naman ng maganda kong misis ay dumeretso na saan pa
ba? E di sa aming tahanan.

"Maganda kong asawa, sa tingin mo ano kaya ang magiging kakayahan ng


dalawang nagguguwapuhang anak natin na manang-mana sa ama nilang
walang kasing-kisig?" tanong ko sa asawa ko habang ngumunguya ng
niluto niyang ispageti.

"It depends on what they want."

Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa bahay dahil may ilang oras pa
bago mag-uwian ang mga bata. Wala kaming magawa kaya naisipan ni Mei
na magluto kanina para na rin may meryenda.

"Pero syur akong may madedebelop silang abiliti sa misyon nila, dahil
masasanay silang mag-isip kung paano nila matatapos ang misyon," sabi ko
na sinang-ayunan naman ng maganda kong asawa.

"Of course, they're still kids. May matututunan at matututunan ang mga
iyon," sabi niya at tinapos na ang pagkain. Nagpaalam siyang pupunta raw
muna sa opisina niya rito sa loob ng bahay dahil may erjent na kailangang
gawin kaya ako na ang nagpresinta na maghugas ng mga pinagkainan
namin.

Maya-maya pa ay may biglang tumawag sa selpon ko. Tiningnan ko kung


sino. Nang makita kong si Lampe ay agad kong binitawan ang ispanj at
nagpunas ng kamay bago sinagot ang tawag.

"Baby Lampe, miss na miss mo na ba ang boses kong mas masarap sa ulam
niyo kaya napatawag ka?"
[Gago. Iyong anak mo at iyong kambal namin nasa guidance office daw at
pinapatawag daw ang mga magulang.]

Petengene?!

Mabilis akong lumabas ng kusina at pupuntahan na sana si Mei nang


makasalubong ko siyang nagmamadali ring lumabas. Hawak niya rin ang
selpon niya at mukhang nakatanggap na rin siya ng balita.

"Mei, may nag-text ba sa 'yo?" tanong ko. Tumango siya sa akin.

"We're going to Cody's school now," sabi niya sa akin at pumanhik na siya
sa taas para kunin ang bag niya. Agad ko namang pinatay ang tawag at
nagmadaling kunin ang susi ng kotse para lumabas.

Habang hinihintay ko si Mei sa labas ay itineks ko naman si Lampe na


papunta na kami.

"Let's go." Pinagbuksan ko ng pinto ng sasakyan si Mei at umikot sa


drayber sit para maupo at magmaneho.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang isipin kung anong nangyari


at nagaydans ang guwapo kong anak na manang-mana sa kakisigan ko.

Ano na naman kaya ang ginawa ng mga batang iyon? Hindi kaya
pinagkaguluhan na naman 'yon ng mga babae? Hindi talaga iiwasan 'yon,
sa guwapo ba naman ng pinanggalingan.

Petengene, kung ganoon nga ang nangyari ay mukhang kailangan ko nang


ilipat ng ibang eskwelahan si Cody, ah.

Iyong siya lang mag-isa sa iskul. Para hindi mabighani ang mga babae, at
para hindi ma-insekyur ang mga kalalakihan sa kanya.

"I think it has something to do with Amber. You know Azure and Cody
when it comes to Amber."
Naisip ko na rin iyon dahil masyadong keyring at totpul ang anak kong
saksakan ng kagwapuhan na nilamangan ko ng dalawang paligo sa pinsan
niyang si Amber. At lalo na 'yong anak ng gagong si Lampe, si Azure. Isa
pa rin iyong ober protektib sa kakambal niya.

Nang makarating sa iskul ng mga bata ay agad kaming dumeretso sa


gaydans.

Kumatok muna ako ng tatlong ulit bago ko pinihit ang dornab ng pinto at
marahang binuksan ito. Sumalubong kaagad sa akin ang anak na lalaki ni
Lampe at ang bunsong anak naming nangingibabaw sa kagwapuhan.

Natanaw ko banda sa malayo ang anak ni Lampe na babae na tahimik lang


na nakatungo kaya kumunot ang noo ko. Ang akala ko'y ang mga anak na
lalaki lang namin ang kasali rito sa gulo? Potek! Tama pala ang hinala
namin ni Mei, syet! Ang bangis ko talaga.

Bukod sa kanilang tatlo ay may mga bata rin sa loob kasama ang kani-
kanilang mga magulang. Kasunod na pumasok naman ay si Miss Amesyl at
'yong gagong si Lampe na tulad ko ay naka-shorts lang.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Bukod sa kanilang tatlo ay may mga bata rin sa loob kasama ang kani-
kanilang mga magulang. Kasunod na pumasok naman ay si Miss Amesyl at
'yong gagong si Lampe na tulad ko ay naka-shorts lang.

"Good afternoon, Mr. and Mrs. Lerwick as well as Mr. and Mrs.
Lamperouge. Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo ang gulong
kinasangkutan ng mga bata," malumanay na sabi ng Pripek op Disiplin sa
'min. Ang mga asawa namin ni Lampe ay seryosong nakatingin sa Pripek
op Disiplin ng iskul habang kami naman ay pinagmamasdan ang mga
batang puno ng pasa at dugo sa mukha. Petengene, nasira na ang mukha ng
dalawa kaya kailangan agad itong gamutin.

Pagkatapos magsalita ng Pripek op Disiplin ay biglang nagsalita si Cody,


"Ma'am, sila naman po nauna. 'Di ba, Lampe?" depensa kaagad ni Cody
habang dinuduro ang pinakamalaking bata na ngayo'y humihikbi-hikbi pa.
Tingnan mo nga naman, oo. Nagawa 'tong patumbahin ng anak ko? Ang
bangis talaga! Aym a prawd pader.

"Ma'am, can you explain what happened to them?" Ang maganda kong
asawa na si Mei na ang naunang nagtanong dahil mukhang walang balak
magsalita sina Lampe at Ms. Amesyl na ngayo'y masama ang tingin kina
Azure at Amber.

"Ermat, ako po mag-e-ekspleyn, plis." Itinaas pa ng anak naming bunso ang


kanan niyang kamay at saka tumayo at humarap sa amin para mag-
ekspleyn.
"Ganito po kasi iyan, Ermat. Habang naglalakad po kami kanina ni Lampe
sa holwey, nakita po namin ang isang kumpol ng mga taga-ibang sekshon
na binubuli po ang pinsan kong si Amber..."

Sinulyapan ko ng tingin ang pamangkin kong si Amber na tahimik pa rin at


nakatungo lang. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa anak naming bunso
at muling nakinig sa kwento niya.

"...ang sabi po nila ay wala raw pong kaibigan si insan at masyado raw po
itong maarte at sinabihan pa niya ng pangit habang itinulak po sa balikat.
'Di ba po sabi ni Erpat sa amin ni Kuya, hindi dapat nagpapatalo ang lahi ng
mga magaganda at guwapong tulad natin?" Tumingin ito nang masama sa
batang binugbog nila at inambaan pa ng suntok na lalong nagpaiyak sa bata.

"Tama naman iyong bata," pagsang-ayon ni Miss Amesyl. Wala pa ring


kibo ang pamangkin kong si Amber pero obyus naman na pinapakinggan
niya ang lahat ng pag-uusap dito sa loob.

"Babylabs, dapat kampi tayo kay Amber," bulong ni Lampe sa asawa.

Tiningnan lang siya ni Ms. Amesyl nang masama kaya tumahimik na lang
si Lampe at maya-maya at bumulong ito pabalik, "Maarte naman talaga
'yang anak mo." Kakaiba talaga itong si Ms. Amesyl.

Kinindatan ko ang anak kong bunso para alam n'yang sa kanya ako panig
pagkatapos ay mas tumaas ang selp konpidens niya dahil nakita kong
umayos siya ng tayo niya. Tumango pa ito sa akin at ginaya ang pagkindat
ko.

"Bilang isang totpul at keyring na pinsan, hindi ko naman po hahayaang


apihin ang pinsan ko." Pinalungkot pa nito ang mukha kaya akala mo siya
ang kaawa-awa. 'Yan, ganyan nga anak kong manang-mana sa 'kin. Mas
epektib ang akting.

"Beri gud ka r'yan, 'nak," bulong ko kay Cody. Tiningnan ako ng asawa
kong ubod ng ganda.
"Umayos ka, Lerwick." Agad akong napatuwid ng tayo at nanahimik na
lang.

"Nagrereklamo po ang magulang ng mga bata. Ang iba po ay may pilay at


nasa hospital na po sa mga oras na ito," malumanay pa rin ang
pagpapaliwanag ng titser kahit na may kaunting kaba sa boses niya dahil sa
nangyari sa mga batang napunta sa hospital.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung
ang kaharap mo ay ang wan en onli Sebastian Lerwick?

Siguradong manginginig pati kalamnan ng kababaihan 'pag nakaharap nila


ang isang katulad ko.

"I totally get where you are coming from, Ma'am, but these kids..."
Tinignan ng ubod ng ganda kong asawa na si Mei ang mga batang puno ng
bangas ang mukha at saka nagpatuloy "...bullied my niece. Cody and Azure
just defended her." Malamig ang pananalita nito at walang bahid ng
pagdadalawang-isip ipagtanggol ang tatlo.

"Kahit pa i-bully ng anak ko ang pamangkin mo, your son doesn't have the
right to do this to my child!" Tumaas ang boses ng ginang kaya napataas ng
kilay si Mei.

Pero bago siya magsalita ay tumikhim muna ito. "Ma'am, were you aware
that bullying can impact the mental health of children? My son and nephew
did whatever they thought was necessary to end it." Malumanay ang boses
nito at walang bahid ng pagkainis. Ang bangis talaga nitong asawa ko.
Saksakan pa ng ganda kaya lalo ako na-in lab.

Akmang magsasalita pa ulit ang ginang nang magsalita ang Pripek op


Disiplin, "Opo, Mrs. Lerwick, naiintindihan po namin iyon. Pero dahil
nagkasakitan po ang mga bata...kailangan po namin silang bigyan ng
disciplinary action," paliwanag ng titser. Pakingteyp!

"Paluhurin n'yo sa asin." Napatingin naman kami kay Miss Amesyl nang
magsalita ito.
Natawa pa nang bahagya ang titser dahil akala yata niya ay nagbibiro si Ms.
Amesyl. Potek! "Maglilinis po sila ng paaralan sa loob ng isang linggo
pagkatapos po ng mga klase nila." Habang nakikinig sa sinasabi ng titser
hindi ko mapigilan ang pagsulyap sa nakatungong si Amber.

Humarap ang titser sa mga magulang ng mga batang binugbog ng bunso


kong anak at ng anak na lalaki ni Lampe. "Ganoon din po sa mga batang
nam-bully, tutulong din po sila sa paglilinis ng paaralan sa loob ng isang
linggo." May mga nagreklamong magulang ngunit sa huli ay wala rin
naman silang nagawa dahil kasalanan din ng mga anak nila kung bakit
paglilinisin ang mga bata.

Nang matapos na ang pagbibigay ng sankshons sa mga bata ay


nagpasalamat na kami. Naunang lumabas si Amber sa gaydans opis kaya
lumabas na rin ako upang sundan ito.

Petenge! Napakabilis namang mawala ng batang iyon.

Hinihingal na ako sa pagtakbo dahil hindi ko alam kung saan siya nagsuot
hanggang sa mapadpad ako sa may parking lat.

Nakaupo siya sa isang bangko kaya agad ko itong nilapitan at naupo sa tabi
niya. "Maganda kong pamangkin, ayos ka lang ba?"

"Erkey lang naman po ako." Nakatungo pa rin ito at kinalikot ang kamay.

"Ano bang nangyari at binubuli ka na naman?" Pil na pil ko ang pagiging


konsern at gwapong tito.

Petengene naman kasi ma men. Hindi lang ito ang unang beses na mabuli
ang maganda kong pamangkin na halata namang manang-mana rin sa akin.
Hindi rin naman ito ang unang beses na mapaaway ang pinsan at kambal
niya dahil sa mga nambubuli sa kaniya.
Kaya nga no'ng mabalitaan namin ni Mei na nagaydans silang tatlo ay
nahulaan agad ng maganda kong asawa kung anong maaaring dahilan, 'di
ba?

Bata pa lang si Amber ay madalas na siyang mabuli dahil daw sa kaartehan,


at pagiging lowner. Petengene, hindi ba nila alam na nasa lahi namin ang
pagiging maganda at guwapo?

"Hindi ko rin po alam, pero totoo naman po iyong mga sinasabi nila.
Maarte naman po talaga ako at wala pa rin po akong friends," panimula
nito. Petengene!

"Pero totoo rin po na wala akong ginagawa sa kanila. Dadaan lang po talaga
ako dapat sa corridor para bumalik sa classroom. Hindi ko po alam kung
anong ginawa ko para ayawan at magalit sila sa akin, eh. Wala naman po
akong ibang ginawa kung hindi ang maging maganda lang."

Pero ang boses nito ay mahina at malungkot. Ayoko ng ganito, nawawalan


sila ng selp-konpidens. Baka madala nila ito hanggang sa paglaki nila.
Hindi naman ako papayag nang ganoon!

Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko nang makita ko siyang


tumingala para pigilan ang pagtulo ng mga luha niya.

"Dati...d-dati sabi nila para daw po akong tanga kasi lagi akong mag-isa.
Wala akong friends. Tapos no'ng nakikipagkaibigan po ako, pinagtulakan
naman po nila ako kasi bobo raw po ako. Kasi puro bagsak daw po ang
grades ko. Kasi ang pangit ko raw po." Napabuntonghininga si Amber.

Petengene talaga. Naalala ko ito. Mas bata pa sila no'n nang mabalitaan ko
iyon. Iyon din ang unang beses na makipag-away sina Cody at Azure para
kay Amber. Buti na lang to da reskyu ang dalawa.

Hindi naman talaga bagsak si Amber no'n. Pasado nga siya pero iyon nga
lang ay puro layn op seben ang grade niya dahil ang alam ko ay ayaw
niyang pumapasok sa iskul.

Petengene, 'di ba? Kailan pa naging bawal kaibiganin ang isang batang
may layn op seben?

Ako nga noon ay may sikstitri pa pero prawd na prawd pa ako dahil sikstitu
lang iyong isa kong kaklase. Layk watdapak ma men, nag-aaral ka ba?
Bakit sixtitu ka lang?

Saka wala namang masama kung kaibiganin. Naiinggit lang sa


kagandahang taglay ng pamangkin ko.

At saka, watdapak? Si Amber, pangit?

Iyan naman ang isang bagay na talagagang hindi namin mapapayagan.


Walang pangit sa pamilya na dugo at pawis ng Lerwick ang nananalaytay.
Maganda at bibong bata si Amber kahit noong bata pa lang siya. At saksi
ako kung gaano kahusay si Amber.

Hindi lang talaga palaayos si Ms. Amesyl kaya kung anong ipasuot ng
magulang ay iyon din ang isusuot niya. At syur na syur akong wala siyang
magagawa kung simple lang ang ipasuot sa kaniya ng ermat niya dahil kung
hindi niya sinunod ay malilintikan siya.

"Tapos ngayon naman po, ako na ang top one sa class. Sinubukan ko po ulit
na makipagkaibigan kasi baka puwede na. Baka gusto na po nila ako kasi
mataas na rin po ang grades ko tulad nila, pero hindi po. Galit pa rin sila sa
akin."

Kids dis deys...wala na talagang teys ang mga tao ngayon. Petengene,
Amber Lamperouge na ayaw pa? Byuti en breyns na, inayawan pa.

Nasaksihan din ng mga mapupungay kong mga mata kung paanong


nagsumikap na mag-aral si Amber. May mga punto pa nga na kahit hindi
naman niya leson ay inaaral na niya.
"Galit din po sila sa akin ngayon kasi ang arte ko raw po. Saan po ba ako
lulugar? Noong simple lang ako manamit, pangit ako. Ngayong sinasampal
na po sila ng kagandahan ko, galit pa rin sila. Lagi po nila akong
sinasabihan ng maarte, pero tulad nga po ng sinabi ko kanina, totoo naman
po."

Hindi na ako makareleyt sa sinasabi ni Amber ngayon dahil hindi ko naman


naranasang ibuli dahil sa sobrang kaguwapuhan ko. Sila pa nga ang
naghahabol sa akin at ako ang nahihirapan na takbuhan sila.

Kaya hindi dapat maging balid na rison iyong kaartehan ni Amber para
ibuli nila siya. Petengene ba nila? Hindi naman kasalanan ni Amber na may
pera siyang bumili ng mga bagay na ikaaarte niya. Naiinggit siguro sila.

At wala naman akong makitang mali sa pagiging maarte n'ong bata dahil
wala naman siyang inaapakang tao.

"Maganda kong pamangkin, ang lahi natin dapat hindi nagpapaapekto sa


mga pangit na nilalang. Kaya huwag kang iiyak." Pinaningkitan naman ako
nito ng mata. Hindi ba siya iiyak? Eh may butil butil na luha sa mata niya.
Aaluin ko pa naman sana.

"Heller Tito, ang sabi po ni Mama ay bawal umiyak. Saka isa pa,
nakakapangit ang pag-iyak." Natawa naman ako sa sinabi nito tapos ay
mataman ko siyang pinagmasdan.

Bilib din naman ako rito sa batang 'to, manang-mana kay Miss Amesyl.
Matapang na, maawain pa.

"Paano naman napunta sa puntong nakipagbasag-ulo na iyong sina Cody at


Azure?" tanong ko kaya huminga ito nang malamim, at tumingin sa akin
bago magkuwento.

"Tulad nga po ng sinasabi ko kanina, nang hindi po pinatulan ng


kagandahan ko ang pambu-bully nila ay nagsimula na po silang itulak-tulak
ako. Hindi naman po sana ako magpapaapi pero bago pa man akong
makalaban ay dumating na sila kung saan sila dumaan at pinagsusuntok
iyong mga tumulak sa akin. May umawat naman po pero ang karamihan ay
nag-ala-cheerleader at isinisigaw pa ang pangalan ng gusto nilang manalo
kaya iyong mga umaawat ay sumali na rin sa pagtsi-cheer." Umiling ito
habang inaalala ang mga nangyari kanina.

"Nag-aalala lang sa iyo ang mga 'yon. S'yempre ayaw nilang masaktan ka.
Ang lahi natin ay dapat iniingatan." Kinindatan ko pa ito at tinapik nang
mahina ang likod para gumaan ang pakiramdam niya.

Sakto naman at dumating na si Miss Amesyl kasama si Azure na hawak


hawak nito sa tainga.

"Mama, teka po masakit. Aray!" reklamo ni Azure. Hindi naman ito


binitawan ni Miss Amesyl at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak
nito.

"Lalo kang masasaktan, Azure." Tumingin sa gawi namin si Ms. Amesyl at


nagsalita, "Hoy Amber, pumasok ka na sa kotse!" Tumayo na ito at
naglakad papunta sa kotse nila.

"Ba-bye po, Tito Seb. Salamat po sa payo." Ngumiti ito sa akin at tuluyan
nang nagpaalam ni Amber at saka pumasok sa kotse nila.

Binuksan ko na ang pinto ng kotse ko nang maaninag ang maganda kong


asawa na si Mei kasama ang dalawa naming anak.

Seryoso ang mukha ni Mei at nakatungo naman si Cody. Mukhang


nagsesermunan na ang mag-ina ko.

"Sa susunod, ideretso mo na sa guidance hindi 'yong makikipagbasag-ulo


ka pa sa loob ng eskwelahan," sermon nito sa anak.

Napailing na lang ako sa nangyayari. Inaasahan ko naman na


magkakaroon sila ng ganitong problema sa eskwelahan pero nasa ospital
ang iba nilang nakaaway. Pakshet! Ang bangis talaga.

Pumasok na ito sa kotse pero patuloy pa rin sa pagsermon sa anak naming


nagmana sa kagwapuhan ko.
"Ermat, sila naman po iyong nauna," depensa ni Cody. Humarap naman sa
kanya si Mei na masama ang tingin.

"It is still not right to harm other students." Napatungo naman ulit si Cody.
Sinabihan naman ito ng nakatatandang kapatid na pakinggan na lang ang
ermat nila at 'wag nang sumagot pa.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Guwapong-guwapo akong nakatayo sa harap ng mga tibi iskrin na


gagamitin mamaya upang mapanood namin ang magaganap na treyning ng
mga bata. Ordinaryong araw lang ito para sa amin ngunit sa mga bata ay isa
itong malaking pagsubok dahil sa wakas ay maia-aplay na nila ngayon ang
mga natutunan nila mula sa mga nagdaang pagsasanay nila.

Kumbaga sa eksam, ito ang peryodik tes nila.

Bising-bisi akong itsek ang lahat ng mga kakailanganin ng mga bata nang
biglang lumapit sa akin si bossing.

"Lerwick." Pagkatawag pa lang sa akin ay alam ko na agad ang pakay nito,


pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mapalunok.
S'yempre, si bossing 'yan.

Pero kasunod n'on ay agad din akong humarap dito at inilabas ang
dokumentong inutos niyang kuhanin ko.

"Bossing, pasitib. Medyo hindi lang naging madali ang negosasyon dahil
hindi nadaan agad sa kapogian ko at pera ang ating klayent. Pero no'ng
pinagbantaan ko naman ay napapayag ko na rin siya."

Ipinakita ko sa kanya ang iilang mga litrato at dokumentong nakolekta ko


sa naganap na transaksyon na iniutos sa akin ni bossing. Prawd na prawd pa
ako sa sarili ko dahil nagawa ko iyon nang walang tulong ng iba, at tanging
kagandahang lalaki ko lang ang panlaban ko.

"Get the guns and other weapons the kids will need for their training," utos
niya. Ampupu! Wala man lang pa-gudjab si bossing sa tagumpay na misyon
ng kagwapuhan ko.

"Areglado, Bossing!" Sumaludo ako rito at magtutungo na sana sa


pinaglalagyan ng mga baril at iba pang kagamitan na maaaring magamit ng
mga bata nang biglang magsalita ulit si bossing.

"I need you to do another thing."

Ilang oras akong natrapik kaya medyo natagalan ako bago makarating sa
villa ni bossing.

Malaki 'yon at hindi ko alam kung saan ko banda hahanapin ang


pinapakuha niya. Petengene naman.

Pero 'di bale na. Ang importante ay mahanap ng guwapong ako ang mga
inuutos ni bossing na dapat kong makuha dahil baka kapag hindi ko
nahanap ang mga 'yon ay malintikan pa ako. Lalo pa at ako lang ang
inaasahan ni bossing na gagawa nito.

Ako lang... Ang nag-iisang Sebastian Lerwick.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto sa harap ng bahay ay bahagya


akong natigilan nang makita ko ang mga kagamitan sa loob ng bahay.

Mukhang wala nang nagpupunta rito dahil tila ba ilang taon nang walang
nagagawi rito. Ang mga kagamitan ay nakabalot na ng puting tela.
Napakakripi namang tingnan, ampotek!

Hindi ko na gaano pinagtuunan ng pansin ang kung ano-ano. Bukod kasi sa


napakalaki ng villa at walang katao-tao ay medyo rumerehistro sa utak ko
ang mga horror sins na napanood ko. Hindi naman ako duwag pero kapag
ganito ang paligid, tinatablan din naman ako ng kaba.

Umakyat na lang ako sa sekond plor at saka inumpisahang hanapin ang


pinapakuha niya. Pero petengene! Bakit wala?
Takte! Ilang palapag ba ang bahay na 'to at mukhang hindi ako matatapos
sa paghahanap?

Kasalukuyan akong nakatayo sa may tapat ng isang pinto nang


maramdaman kong may nagbaybreyt sa bulsa ko kaya naman kaagad ko
iyong kinuha at tiningnan.

Nandito na pala ako sa lugar mismo kung nasaan 'yong mga pinapakuha
niya.

Kinuha ko ang susi mula sa bulsa ko at saka binuksan ang pinto. Alikabok
ang sumalubong sa akin sa loob ng kuwarto. Bahagya pa akong naubo dahil
sa kapal ng alikabok na pakiramdam ko ay nalanghap ko lahat.

Nang tuluyan akong makapasok ay isa-isa kong inalis ang mga puting
telang tumatakip sa mga kagamitan at saka ko hinanap ang mga pinapakuha
ni bossing.

Dahil ang pinakamalapit sa puwesto ko ay ang mga malalaking bag, ito


muna ang inumpisahan kong itsek isa-isa.

Hindi naman ako nagkamali dahil nang makumpirma kong ito na nga ang
mga kailangan ko ay binuhat ko ito...pero ampupu! Ang bigat.

Petengene! Alam kong matipuno at maganda ang pangangatawan ko pero


kaya ko bang buhatin mag-isa ang mga 'to?

Inisip ko na lamang na ako lang ang guwapo at maganda ang katawan kaya
ako ang inutusan ni bossing na gumawa ng mga ito. Sa palagay ko'y hindi
naman siya nagkamali ng pagpili. Kaya ko itong buhatin.

Binuhat ko ang dalawang naglalakihang bag at ibinaba ito sa unang palapag


ng mansyon.

"Kayang-kaya mo 'to, Lerwick. Isa kang maskulado at guwapong nilalang,"


bulong ko sa sarili ko.

Pumanhik manaog ako sa hagdan upang ibaba ang iba pang mga gamit.
Nang dalawa na lang ang natitira ay nagteks na agad ako kay bossing na
malapit na akong matapos.

"Paking syet, ma men! Pawis na pawis na ako pero ang bango ko pa rin.
Layk wadapak!" bulong ko habang inaamoy-amoy ang tisert na suot ko.

Binuhat ko na ang natitira pang mga bag nang may mahulog na maliit na
kahon. Hindi ako sigurado kung pati iyon ay kukuhanin ko o iiwan ko na
lang.

Kyuryositi kils mi kaya naman binuksan ko ang maliit na kahon at


tumambad sa 'kin ang mga plasdrayb.

SMS to Bossing: Bossing! Meron ditong plasdrayb na sa tingin ko ay


lalagpas ng sampu ang bilang. Kasama ba ito sa mga ipinapakuha mo sa
'kin?

Habang hinihintay ang replay niya ay sinimulan ko nang ilagay sa trank ng


kotse ko ang mga ito. Nang matapos ako ay wala pa rin akong natanggap na
respans galing kay bossing kaya isinama ko na lang din sa kotse ang mga
plasdrayb. Saylens mins yes naman kaya sa tingin ko ay tama lang na
dalhin ko ang mga ito.

Nagteks na lang ako na pabalik na ako sa hedkwarters bago tuluyang isinara


ang geyt ng villa nila.

Nang marating ko ang hedkwarters ay nilapitan ko kaagad si bossing. "Saan


ko 'to ilalagay, Bossing?" tanong ko bago inilapag malapit sa kanya ang
kahon.

"Leave that underneath my table," sagot naman niya naman nang biglang
bumukas ang pinto ng miting erya at iniluwa n'on ang gagong si Lampe na
ngayon ay pangisi-ngisi. Ano na naman kayang trip nitong mokong na 'to?

"Baby Lerwick, ano 'yan?" usisa kaagad nito sa amin bago nilakihan ang
pagbukas ng pinto para makapasok na sina Miss Amesyl at ang mga bata na
kasama niya.
Umiling ako at nagkibit-balikat dahil kahit ako mismo ay hindi alam kung
ano 'yon.

"Naglilihim ka na sa 'kin, Baby Lerwick?" tanong ng gagong si Lampe at


may bahid pa talaga ng pagtatampo ang boses niya.

Napangiti ako sa kanya bago siya nilapitan at hinawakan sa dibdib. "Sori,


Baby Lampe. I porgat dat I shud imporm yu tu." Mabilis siyang napangiwi
at lumayo sa akin.

Hindi na rin naman natuloy ang pag-uusap namin ni Lampe dahil tinawag
na ni Mei ang lahat ng mga bata para mai-ekspleyn na sa kanila ang misyon
nila.

"All right, listen up, kids. You need to obtain an important record from the
wealthiest man on the cruise ship," panimula ni Mei. May lumitaw sa iskrin
ng tibi na nagsisilbing gayd nila. 'Yon ang kruship kung saan gagawin ang
misyon ng mga bata.

Mabilis na nagtaas naman ng kamay si Cody. "Ermat, Ermat!" tawag nito


kay Mei.

"What is it?" tanong ni Mei at tiningnan ang anak naming nakaupo sa tabi
ni Azure.

"Sino 'yong pinakamayamang tao sa loob?" inosenteng tanong nito sa ermat


niya. Pft! Gusto kong matawa pero s'yempre, pigil-pigil ko dahil baka
magalit sa akin si Mei.

"That's part of your mission, Cody," sagot ni Mei bago ipinagpatuloy ang
pagsasalita.

"You need to remember these things. First, your mission is to look for the
file as soon as possible, without getting caught. Second, we won't be there
to assist you, so remain vigilant. Third, return safely."

Nakita kong nagtanguan ang mga bata. Ni hindi ko mabakas ang kaba sa
mga mukha nila, maliban na lang sa bunso kong anak. Petengene!
"But how is that possible po if we have no idea what file we will be getting?
Hindi rin po namin alam kung kanino kukunin," tanong ni Duchess. May
punto naman ang bata pero kasama iyan sa kailangan nilang matutunan.

"It's up to all of you to discover that. Again, parte 'yan ng misyon n'yo,"
istriktang sagot ng asawa ko.

"Do we have any rules here?" walang kagana-gana namang tanong ng


bunsong anak ni bossing habang abala ito sa pagkalikot ng kutsilyong nasa
mesa.

"There's only one rule on this mission, and it is to kill no one." Si bossing
ang sumagot kaya lahat kami ay napatingin sa gawi niya.

"Whoa! Bawal daw tayo pumatay, Cody, ibalik mo 'yan," utos ni Azure kay
Cody na ngayon ay may hawak na baril.

"E, papaano 'yang ibinulsa mong kutsilyo? Ibalik mo rin 'yan," sagot naman
ni Cody pabalik kaya bahagya akong natawa sa kanilang dalawa.

Dismayado man dahil sa sinabi ni bossing ay walang nagawa ang mga bata
kundi iwanan ang mesang may iba't ibang uri ng mga baril, kutsilyo, at
granada.

Sunod-sunod silang nagsilapitan sa tapat ng malaking plat iskrin tibi at


tiningnan ang bluprint na nasa iskrin. Kaniya-kaniya pa sila ng pagtitreys
gamit ang mga daliri nila ng mga pasilyong nakikita nila na maaaring
daanan.

Eksayted naman na binalingan ni Cody ang pinsan nito. "Azure, dito


pupunta, ah," aniya at itinuro niya ang ilang parte ng bluprint na plano
niyang puntahan. Ganiyan nga, anak kong guwapo. Ganiyan ang tunay na
Lerwick.

"Dito tayo magsisimula dahil ang mga guwapo dapat mas nagtatago, baka
pagkaguluhan tayo ng mga chiks," sabi niya habang binabagtas ng daliri
niya ang isang makipot na pasilyo ayon sa bluprint.
"Tama! Salamat sa concern. Minsan pala, Cody may isip ka rin." Nag-tambs
ap ito kay Cody na siyang ikinasimangot nito.

"Guys," pagtawag ni Trigger na nakapagpatahimik sa dalawa. Maging ang


ibang bata ay napunta rin ang atensiyon sa kaniya.

"I think we need to come up with a plan because we shouldn't be hanging


on solely to the lead they have given us. Our main purpose is to obtain the
dossier. For our mission to be successful, we have to take into account
things like planning what we are going to do when we get inside the ship.
We also have to watch who we are having a conversation with. We must
think about the itinerary that each of us should take. We need to work out
our plans before we enter the ship to prevent conflicts," mahabang
paliwanag ng anak ni bossing. Medyo hiningal pa nga ito pagkatapos
sabihin ang mga iyon pero makikita sa mukha ang determinasyon na
makikinig sa kaniya ang mga kasama niya.

"I need your ideas," sagot ni Trigger. Nagtanguan naman ang mga kasama
niya at nagsimula na silang mag-usap-usap. Nagbe-breynstorming na sila
ngayon ng mga naiisip nila na maaaring makatulong sa kanila na magawa
nang matagumpay ang misyon nila.

Tengene. Mana sa ama! Lider tayp.

Napatingin tuloy ako kay Mr. Roswell upang makita kung nakikinig ba siya
sa sinasabi ng anak niya at nakita ko pang bahagya niyang tinanguan si
Trigger na tumingin pala sa kaniya at para bang humihingi ng opinyon ng
ama kung tama ba ang ginagawa nito. Prawd pader, ah?

"Erkey. So, ano ngang gagawin natin?" tanong ni Amber habang nakatingin
sa kuko niyang may pintura.

Wat da pak? Kailan pa natutong magpintura ng kuko 'tong pamangkin kong


maganda na mana sa akin? P'wede na pala sa mga bata iyon?
"Angas ni pareng Trigger, manang-mana sa akin," sabi ni Lampe habang
pinapanood na mag-usap ang mga bata sa kabilang teybol.

Pare-parehas kasi kaming namamangha sa paraan ng paglilid ni Trigger sa


mga kasamahan niya.

"'Tol, ayos ka lang ba? Syur na syur akong sa akin namana ni Trigger ang
pagiging magaling na lider niya," sabi ko naman.

"Bakit naman sa inyo magmamana si Trigger, Kaizer at Sebastian? Eh mas


magaling nga siya sa inyo, hehe. Baka kayo ang nagmana sa kaniya,"
biglang singit naman ni Ms. Aemie sa biruan namin ni Lampe.

Petengene. Ril tok 'yon, Ms. Aemie, ah.

"Ha-ha, sabi ko nga—"

"Pero akala ko ba anak namin ni Zeke si Trigger? Hala! Puwede na bang


mapalitan ang magulang ng mga bata ngayon kapag sasabak sa adventure?"
tanong ni Ms. Aemie sa mga nandito.

Napatingin naman ulit siya sa gawi namin ni Lampe at kakikitaan ng gulat


sa mukha niya nang may ma-reyalays na naman siguro siyang siya lang ang
nakaka-imajin.

"OMG, Kaizer, Sebastian, hindi ba kayo bothered na baka iba na rin ang
magulang ng mga anak ninyo?" tanong niya sa amin ni Lampe.

Tengene, men.

Nagkatinginan lang kami ni Lampe at parehas na nagpipigil ng tawa. Ang


LT talaga ni Ms. Aemie mag-isip. Pft!

Tumingin ito kay bossing na nasa tabi niya na abalang nanonood sa mga
bata at biglang dinutdot ang balikat nito. "Hala, Dong! Paano na? Iyong
mga anak natin, iba na ang magulang. Huhuhu. Sana naman hindi ang mga
anak nina Sebastian at Kaizer iyong maging anak natin. Huhuhu."
Syet! Gusto kong tumawa nang malakas dahil talagang problemado na si
Ms. Aemie sa mga sinasabi niya.

"Wife," tawag ni bossing. Nakakunot na ang noo nito habang nakatingin sa


asawa.

"Dong, huhuhu. Iyong mga anak natin," iyak ni Ma'am Aemie.

"Tss, no one's moving parents. Don't believe these fuckers," sabi niya at
tumingin nang masama sa amin ni Lampe.

Petengene! Wala naman kaming sinabing ganoon.

"Huhu. Iniisip ko kasi, Dong. Wala na nga si Baby Bullet tapos mapapalitan
pa mga anak natin." Biglang natahimik ang lahat dahil sa sinabing 'yon ni
Ms. Aemie. Kabado naman kaming nagkatinginan ni Lampe.

"M-mali lang ng intindi si Ms. Aemie, Boss," pagdadahilan ko habang unti-


unting lumalapit sa maganda kong asawa. Mahirap na at daig pa niyan ni
bossing ang kidlat sa bilis ng kamay sa pagkuha ng baril at ipapaputok sa
amin kaya mas mabuti nang handa.

"Don't mind them, wife," sabi ni Mr. Roswell. Aba matinde!

"Ano ba? Ganito nga kasi 'yong gagawin natin." Napatingin ako ulit sa gawi
ng mga bata nang marinig ko ang iritableng boses ni Mikaela. Kausap niya
ang katabing si Duke at pinapaliwanag kung anong gagawin nila.

Narinig ko tuloy ang mahinang pagtawa ni Lewis habang pinapakinggan


ang anak niya.

Ilang minuto pa ang tinagal ng mga bata sa pag-uusap at nang matapos sila
ay sabay-sabay silang tumayo at lumapit sa amin at tumabi sa kani-
kaniyang mga magulang.
"Done?" tanong ni Cassandra. Sabay-sabay na nagsitanguan ang mga bata.

"So what's your plano ba, kids?" pang-uusisa pa ni Ms. Caileigh.

"I think it's better for us to keep it a secret, Tita Cai," sagot ni Duchess na
nakatayo sa harap ni Cassandra at nagpapatali ng buhok.

"Oh, come on! I will not make chika naman sa kanila." Sumenyas pa si Ms.
Caileigh gamit ang mga kamay niya na para bang sa ganoong paraan ay
makukumbinsi niya ang mga bata pero inilingan lang siya ulit ng mga ito.

Petengene. Pati ako ay nae-eksayt at nakukyuryus kung anong gagawin ng


mga bata.

"Tita, ako po," sabi ni Cody sa tabi ko. Nagtaas pa siya ng kamay para agad
na makuha ang atensyon ni Ms. Caileigh. Maging ang ibang bata ay nagwa-
warning na tumingin sa kaniya.

"Simple lang po ang plano namin at iyon ay...ang manatiling guwapo."


Bumungisngis pa ang anak ko pagkatapos magsalita.

"You're so pilyo talaga, Cody." Tinawanan ni Ms. Caileigh ang bunso ko.

"So, are you guys ready?" tanong ni Shin. Tumango ang mga bata.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"So, are you guys ready?" tanong ni Shin. Tumango ang mga bata.

"Remember, you are not allowed to kill people. Any means of violence na
hindi naman kinakailangan, this mission will be considered as a failed
mission. Am I understood?" tanong ng maganda kong asawa.

"Opo!" sabay-sabay na sagot ng mga bata.

Si Cassandra naman ang nagsalita, "Alalahanin n'yo lahat ng natutunan n'yo


sa mga nagdaang training. Your performance has exceeded last training and
we expect you to be able to accomplish this mission properly and fairly.
Best of luck," sabi niya at sinabihan ang mga batang tumayo na at
maghanda na para umalis.

Unang nag-ingay ang guwapo kong anak na halatang sobrang eksayted.


Sumayaw-sayaw pa ito habang naglalakad.

"Bago kayo umalis, gusto ko lang sabihin na mayroon kayong prize na tig-
iisang Barbie doll kapag natapos ninyo ang mission na 'to. Hehe." Ngumiti
pa si Ms. Aemie ng pagkalapad-lapad pagkatapos sabihin iyon.

"Wife," saway ni bossing kaya natawa na naman kami.

"Bakit, dong? Gusto mo na naman ba ng Barbie doll?" sabi ni Ms. Aemie


na may nanghuhusgang tingin kay bossing. Pft. Takte.
"Grabe, Zeke, huwag ka naman masyadong selfish. Magpaubaya ka naman
sa mga bata. Lagi na nga kitang binibigyan, eh," dugtong pa nito. Lahat
naman kami ay nagpipigil ng tawa dahil sa mga sinasabi ni Ms. Aemie.

"Tss. You're talking too much again. Give them the cards."

"Ay, oo nga, Dong. Ito na. Hehe." Sinenyasan niya ang mga bata na mas
lumapit sa kaniya na agad namang sinunod ng mga ito.

"Pagdating ninyo sa cruise ship ay siguradong hahanapan kayo ng pass para


makapasok. Kaya ito..." sabi niya at ibinigay ang labing-isang cards na may
iba't ibang pangalan na magagamit nila. Gayundin ang mga ticket nila para
makapasok sa loob ng pier at kryusip.

"Sinabi ko nga kay Zeke na FB password na lang ang ibigay ninyo pero
hindi siya pumayag. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha iyan pero
ibibigay ninyo lang iyan sa mga sasalubong sa inyo sa entrance. Okay ba?
Hehe," tanong niya sa mga bata.

"Opo!" sagot ulit ng mga bata.

"Okay. Alis na kayo. Hehe. Ingat!" sabi ni Ms. Aemie at tinalikuran na ang
mga bata para maupo na ulit sa tabi ni bossing.

Pfft! Takang-taka naman ang mga bata habang nakasunod ang tingin sa
kaniya.

"Mom, you failed to tell us how we can get there. Are we going to go by
ourselves?" masungit na tanong ni Caliber.

Mas nae-empasays ang pagiging kamukha ni bossing kapag nagsusungit


ang isang 'to.

"No, son." Si Bossing na ang sumagot. "Somebody's already waiting for


you in the parking garage. Meet him there and he'll drive you to the dock.
Now, go. You never want be late for this mission," sabi niya at nagtanguan
na naman ang mga bata.
Nagkani-kaniya sila sa paglapit sa mga magulang nila para makapagpaalam
at nang matapos ay nagtakbuhan na palabas ng hedkwarters.

"What do you think will happen?" Mababakas ang pag-aalala ni Shin nang
itanong niya iyon. Nakatingin siya sa tibi iskrin at tinitingnan ang mga
batang komportableng nakaupo sa loob ng limosin.

"Before pa naman, even in their trainings, we have seen naman na they


really want kung anong gagawin nila. And we're not nagdalawang-isip nga
about this mission, eh. So, I am sigurado that they are going to finish this
like super enjoy lang," positibong sabi ni Miss Caileigh.

May kalayuan ang piyer na pagdadalhan sa mga bata kaya syur akong
medyo matatagalan pa sila bago makarating doon.

Wala silang kaalam-alam na nakikita at naririnig namin sila ngayon.

Mayroon kasing mga nakakakabit na CCTV sa bawat sulok ng sasakyan


kaya kitang-kita rin namin silang lahat ngayon. Halos lahat ng kanilang
galaw ay kita namin kaya naman kampante kaming hindi sila mawawala sa
mga paningin namin habang isinasagawa ang unang misyon nila.

"Syur na syur akong misyon akomplis 'tong gagawin natin. May kasama
ba naman kayong poging katulad ko, eh. Tiyak na madi-distrak ang lahat
ng chiks na madadaanan ko," rinig kong sabi ni Cody habang naka-sheyds
sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha iyong
sheyds na iyan pero isa lang ang masasabi ko...

Petengene! Kuhang-kuha ng anak ko ang kagandahang lalaki ng erpat


niya.

Nagtawanan naman ang iba naming kasama nang marinig ang sinabi ni
Cody. Siya kasi ang pumutol sa katahimikan ng mga bata na masama na
ang tingin sa kaniya ngayon.

"Manang-mana sa 'yo iyong anak mo, gago," natatawang sabi ni Boul.


"Wel, Sebastian Lerwick yata 'to," nagmamalaking sabi ko sa kaniya.
Tinapik ko pa ang dibdib ko habang nakangiti sa kaniya pero dinedma niya
lang ako at binalik na ang paningin sa iskrin.

Amp! Biter naman nitong Bouldado na 'to.

"Manahimik ka. Hindi ka pogi." Napakamot naman ng ulo si Cody sa


rebat sa kaniya ni Amber. Manang-mana talaga ang batang ito sa
mabangis niyang nanay. Ampupu!

"Mas guwapo kasi ako sa 'yo, Cody. 'Di ba, twin sis?" Ngiting-ngiti
naman si Azure habang hinihintay ang magiging sagot ng kanyang
kakambal.

"Alam kong masuwerte ka dahil meron kang kakambal na dyosa pero


hindi ibig sabihin n'on ay automatic ka nang guwapo." Inirapan pa ni
Amber ang kakambal pagkasabi n'on kaya nakarinig na naman ako ng
kaunting tawanan sa likod ko na nakikinig din sa usapan ng magpipinsan
ngayon.

Para kaming nanonood ng sine na nandoon pa lang sa part na tsil tsil pa ang
mga bida.

Mamaya ay paniguradong seryoso na ang bawat isa.

"Amber's right. She is really maganda. Did you know ba that I am the one
who make bihis kay Amber for her ngayon's outfit, Ame-girl?" tanong niya
kay Ms. Amesyl na anumang oras ay makakatulog na dahil walang interes
sa pinapanood.

Magkasalikop naman ang dalawang palad ni Miss Caileigh habang


nakatingin sa monitor.

"Kaya naman pala nag-iinaso na naman iyang batang iyan." Umirap pa si


Ms. Amesyl nang sabihin iyon at sumandal sa sopa. Mukhang wala talaga
siyang interes sa pinapanood. Pinatong pa nga niya ang ulo sa asawa niyang
gago na parang tangang animo'y kinikilig sa ginawa ng asawa.
Ampupu! Kawawa naman 'tong si Lampe. Hindi man lang nakakatikim ng
lambing sa asawa niya.

Sigurado kasing nagpunta lang dito iyang si Ms. Amesyl para makita ang
kalagayan ng mga bata. Pero kapag tungkol sa mga aksyon ay wala na
siyang pakialam.

"Caileigh! Gusto mo bang bumili tayo ng pompoms para i-cheer sila?"


masiglang tanong ni Ms. Aemie. Lumipat pa siya sa tabi nito para
mahawakan sa balikat at niyugyog nang bahagya.

Natawa naman si Ms. Caileigh at pinigil ang mga kamay ng pinsan. "I
would love to, Aemie-girl. But we don't have enough oras to make bili pa
ng other props," sabi nito kaya naging malungkot naman ang mukha ni Ms.
Aemie.

"Ms. Aemie, alam ko may plastik na tali pa sa istorej rum na p'wedeng


gawing pompoms," sabi ko kaya mabilis na nabaling sa kaguwapuhan ko
ang paningin niya.

"Waaa! Talaga, Sebastian?" eksayted na tanong niya.

"Opo, Ms. Aemie."

Pumalakpak pa si Ms. Aemie sa pagkatuwa pagkatapos ay tumayo at


hinatak ang kamay ni bossing. "Dong! Tara, kunin natin dali."

"Wife, we don't need those fucking pompoms. The kids couldn't see them
anyway, so why bother? Tss," sabi ni bossing at hinila rin ang kamay ni Ms.
Aemie para maupo na ulit sa tabi niya.

"Sabagay..." sabi ni Ms. Aemie pagkatapos mag-isip. Umupo na siya sa tabi


ni bossing na agad na umakbay sa kanya. Yown! Dumadamubs si bossing,
ah.

"Minsan matino ka rin talagang mag-isip, Zeke. He-he," pabulong


kunwaring sabi ni Ms. Aemie pero rinig na rinig naman namin.
"What the fuck?"

Petengene! Nararamdaman ko na ang pagsakit ng tiyan ko dahil katulad ng


mga kasama ko ay kanina ko pa pinipigil ang pagkawala ng tawa ko.
Maliban kay Ms. Amesyl.

Hayblad na si bossing kaya peke akong umubo-ubo para mawala ang tawa
ko. Mahirap na. Bukod sa maganda kong asawa ay syur akong maraming
gerls ang iiyak kapag nawala sa mundong ibabaw ang guwapong ako.

"They already made it to the cruise," anunsiyo ni Strife kaya nabaling ulit sa
tibi iskrin ang mga paningin namin.

Nakita namin ang paghinto ng limosin sa parking lat ng piyer at narinig pa


namin na sinabihan ng naatasang tauhan na maaari na silang bumaba.

Unang bumaba ang bunso kong kakikitaan ng eksaytment sa mukha.


Poging-pogi pa ito sa suot na tuksido.

"Yown! Lesgo!" malakas na sabi ni Cody at magsusuot pa sana ng sheyds


kaso napahinto ito nang marinig na tumikhim si Trigger.

Takte! Dapat pala ay mabigyan ko rin ng tips si Cody kung paanong maging
peyshent lalo na sa mga seryosong bagay. Piling niya kasi ay naglalaro lang
sila palagi.

Sumunod na bumaba naman ang iba pang mga bata. Hindi ko maiwasang
matuwa at makyutan dahil nagmistulang mga litol bersyon talaga sila ng
Yaji at Roswells dahil sa mga pormahan nila.

"Remember what we agreed upon earlier. Always stick to our plan and
keep in mind that there are things that we must avoid, otherwise we will
fail our very first mission," sabi ni Trigger habang tinitingnan isa-isa ang
mga kasama niya.
"Areglado!"

"Erkey."

"Noted, Kuya."

"Okay."

Sabay-sabay na sumagot ang iba habang iyong iba naman ay tumango lang.
Nang ma-satispay na si Trigger at masiguradong nagkakaintindihan ang
lahat ay tumango na ito sa kanila, sayn na tumuloy na sa kung ano'ng
pinagplanuhan nila.

Mula sa kamera sa harap ng sasakyang ginamit nila, kita namin kung


papaano ang mga itong naghiwa-hiwalay at umaktong hindi magkakakilala.

Ibinigay nila ang ticket sa babaeng nasa likod ng entrans ng kruship.


Tauhan din namin ito kaya naman nakapasok agad sila nang hindi
tinatanong kung bakit mga bata ang umatend sa ebent.

Nang makapasok sila ay agad namang inilipat ni Mei ang iskrin sa CCTV
ng kruship. Makikita ang pagpasok ng tatlong batang lalaki sa loob na
sinundan ng iba pa nitong kasama ngunit agad din itong naghiwa-hiwalay at
mukhang may sari-sarili na silang naka-asayn na gagawin sa kung papaano
nila maisasagawa nang maayos at matagumpay ang misyon.

"They're starting..." bulong ni Lionhart.

"I wonder what their plan is," sabi naman ni Ms. Cassandra.

"I'm kinakabahan na for the kiddos," komento ni Ms. Caileigh.

"Same here. These kids give me these tiny little heart attacks," sabi naman
ni Lewis. Natawa na rin siya sa sariling sinabi.

"Quit worrying and trust the children's abilities. They were born to be mafia
after all."
May poynt naman si bossing. Kayang-kaya ng mga bata 'yan.

"Hehe, tapos ako born to be a Barbie girl, 'di ba, Dong?"

"Tss. You're born to be my wife, stupid," biglang banat ni bossing kay Miss
Aemie.

"Yown! Saang parte ng Google mo nahagilap 'yan, Mr. Roswell? Benta,


ah," pang-aasar pa ni Lampe na sinabayan niya ng pagsipol.

Petengene, walang kupas talaga 'tong si laberboy!

"Iba talagang dumamubs ang isang Ezekiel Roswell. Mabangis,"


panggagatong ko pa sa pang-aasar ni Lampe. Si Boul naman ay tahimik
lang. Petengene, pleying seyp, ah.

Narinig ko naman ang tunog ng pagkasa ng baril na sigurado akong si


bossing ang may gawa kaya agad naman kaming napatahimik ni Lampe.

Maya-maya pa'y tutok na tutok na kaming lahat sa tibi. Palipat-lipat ang


tingin sa iba't ibang monitor dahil hiwa-hiwalay na ang mga bata. Mabuti na
lang talaga at sadyang marami rin ang sisitibi na nasa kruship. Madali para
sa amin na mapanood sila.

Sa kanilang lahat ay si Amber ang unang nakakuha ng atensyon ko.


Bumababa siya sa mga hagdan ngayon papunta sa mga kabin. Hindi ko
alam kung ano'ng gagawin niya roon pero mukhang mag-iinspeksiyon siya
sa mga kuwarto.

Sina Cody at Azure naman ay mukhang naliligaw. Mahina silang nag-uusap


—nag-aaway tungkol sa mga bagay-bagay na tanging mga guwapo lamang
ang nakakaalam pero mukhang hindi pa nila nari-riyalays kung saan sila
pupunta.

Sunod akong tumingin sa monitor kung nasaan sina Duke at Mikaela. Nasa
pankshon hol sila at bagama't magkahiwalay ay pasimple namang
nagtitinginan at nagsesenyasan. Kung ano at para saan iyon ay hindi rin
namin alam. Mukha silang mga batang nahiwalay lang sa mga magulang
nilang umatend sa ebent na iyon dahil puro matatanda na ang ibang mga
bisita roon.

Sina Trigger, Kayden, at Grayson naman ay mukhang nasa mga kabin din
pero nasa kabilang bahagi ng kruship. Tig-iisa sila ng pinapasukang
kuwarto at katulad ni Amber ay mukhang nangangalap din ng mga
impormasyon doon.

Ganoon din sina Duchess, Raven, Emerald at Caliber.

Si Katana naman ay umakyat sa palapag kung nasaan ang mga praybeyt


kabin at doon nagtingin-tingin. Hindi siya makakapasok ng mga kuwarto
dahil naka-ismart lak ang mga iyon.

May kalakihan ang kruship kaya ngayon pa lang ay namamangha na ako sa


mga bata. Siguradong parte ng plano nila ang maghiwa-hiwalay para mas
mabilis na makapangalap ng impormasyon.

"Masiyado silang malalayo sa isa't isa," komento ni Boul.

"I think it's part of their plan for them to quickly collect information in a
short period of time," sabi naman ni Strife.

"Ano kayang hinahanap nila?" mahinang tanong ko habang nag-iisip.

"The file they were told to search," sagot naman ni bossing kaya napatingin
kaming lahat sa kaniya.

"Ha? Paano mo naman nasabi, Dong? Malay natin na hinahanap lang pala
nila ang isa't isa. Hehe, mga bata nga naman. Maghihiwa-hiwalay tapos
ngayon pinapahirapan ang mga sarili sa paghahanap," sabi naman ni Ms.
Aemie.

Petengene. Naisip ko rin iyan, nauna lang magsabi si bossing.


"Tss, look at our daughter," sabi ni bossing at tinuro ang iskrin kung nasaan
si Katana na nasa tapat ng isang pinto at lumilinga-linga sa paligid. Nang
makita niyang may lumiko sa pasilyo kung nasaan siya ay biglang may
tumulong luha sa mga mata niya.

Tengene! May akting iskils din pala 'tong anak ni bossing.

"M-Mommy?" umiiyak na pagtawag nito.

"Bakit—" Sasagot sana si Ms. Aemie pero pinigilan siya ni bossing.

"She's not talking to you, wife," sabi ni bossing. Sumama naman ang tingin
niya kay bossing at bahagyang umatras ng upo palayo.

"Bakit, Dong? Kailan pa nagpalit ng nanay si Katana, ha? Kailan pa?"


tanong niya. Nangilid na rin ang luha sa mata ni Ma'am Aemie dahil sa
maling akala niya. Mukhang nagpanik si bossing dahil mabilis niyang
hinawakan ang kamay ng asawa at hinila papalapit sa kaniya.

"Look what's about to happen, wife. My baby's quite an actress," sabi ni


bossing at binalik na ang paningin sa iskrin.

"M-mommy..." sabi ulit ni Katana kaya nakuha niya ang atensyon n'ong
babaeng dumaan.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Oh, my! Why are you crying, little girl?" tanong n'ong babae at umupo sa
harap ni Katana.

"My mommy... I... I don't know how to get back to mommy. I don't know
where I can find my mommy." Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mas
lalong bumuhos ang mga luha ni Katana.

"Oh, no! Are you lost, little one?" maarteng tanong n'ong babae.

"Obviously, stupid," bulong ni Ms. Cassandra kaya natawa naman kami.

"Take it easy, Ate Cassandra," sabi ni Shin habang tumatawa.

"Don't expect too much from the people inside that cruise? They all are
foolish," dinig kong segunda pa ng maganda kong asawa.

Pfft! Obyus naman na kasi talaga na nagpapanggap na nawawala si Katana


pero tinatanong pa. Putapete.

"I think so... C-can you help me look for my mommy and daddy?" sagot
ni Katana at pinahiran pa ang luha sa mata.

"Sure. Who are they anyway?" tanong n'ong babae. Umayos na rin siya ng
tayo saka hinawakan ang isang kamay ni Katana at sabay silang naglakad.

"M-My father is Ezekiel Roswell. I believe you're familiar with him."

"R-Roswell?" Nag-iba ang tono at mababakas ang panginginig sa boses ng


babae nang banggitin ang apelyido nina bossing.
"Yes po," sagot naman ni Katana.

"Okay, did they mention where they were going?"

"N-no, but I heard they intend to murder the richest man aboard and get
something important," sabi ni Katana na umani ng samo't saring papuri sa
mga tao rito sa hedkwarters.

"Angas!"

"Yown!"

"My pamangkin is so galing umarte!"

"Sa 'kin nagmana 'yan, Caileigh! Best actress din ako dati, 'di ba?"

"Yes, Aemie-girl. I totally make sang-ayon with that."

"Hehe."

"Important? Did they bring a thumb drive?" tanong n'ong babae na agad
namang tinanguan ni Katana.

"It must be the BTRL file," sabi n'ong babae na para bang kinakausap
ang sarili. Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Katana dahil nakuha na
niya ang sagot na hinahanap niya. Mukhang hindi naman napansin iyon
n'ong babae dahil nagpatuloy ito sa paglalakad.

Petengene! Ismut iyon!

"Woah, wengya! Si Amber!" biglang sabi ni Lampe.

Nabaling tuloy ang atensyon namin sa anak ni Lampe. Mula sa iskrin kung
nasaan si Katana ay nalipat ang paningin namin sa iskrin kung saan
pinapakita ang anak niyang si Amber na kalalabas lang ng isang kuwarto at
nanlilisik ang mga matang nakatingin sa lalaking kaharap.

Syet!

"Bawal ang mga bata rito, ah," sabi n'ong lalaki. Mabilis na tinaasan ni
Amber ng kilay iyong lalaki.

"And so?" mataray na sagot naman ni Amber. Pinagkrus pa ang mga braso.

"Ang ibig sabihin lang n'on ay hindi ka puwede rito, bata." Unti-unting
lumalapit iyong lalaki sa kinatatayuan ni Amber kaya naman napaatras ang
pamangkin ko.

"Wala namang karatulang nakalagay na bawal ang magaganda rito,


ah," sagot naman ni Amber. Tuluyan na siyang nakorner n'ong lalaki kaya
nakasandal na siya sa may pinto pero hindi man lang ito kakikitaan ng kaba.

Petengene. Ganiyan nga maganda kong pamangkin. Huwag kang


magpapasindak sa mga hindi natin ka-lebel ang itsura.

Ngumisi ang lalaki sa sinagot ni Amber. Mukhang napipikon na pero


pinapanatiling kul ang itsura. Amp! Hindi bagay.

"Mapilit ka talaga—argh!"

Napuno ng tawanan ang buong hedkwarters nang mapanood namin ang


ginagawa ni Amber. Sinipa niya kasi nang pagkalakas-lakas iyong lalaki sa
kaselanan nito na halos ikaluhod niya habang nakahawak sa gitna ng
pantalon niya.

"Atta girl," nakangiting sabi ni Mei habang umiiling.

"Hay nako. Kung makalapit ka sa akin akala mo naman ang bango mo.
Amoy alimuom ka naman," sabi ni Amber na dahilan ng tawanan namin.
"Palaban ka talaga, ah," sabi n'ong lalaki at walang sabi-sabing sinugod si
Amber na tatalikuran na sana siya.

"Shit! Amber!"

Nawala ang kaninang tawanan sa buong hedkwarters at mabilis na napalitan


iyon ng pag-aalala.

Lahat kami ay tutok na tutok sa pakikipaglaban ni Amber sa lalaking halos


doble na ng says niya.

Suntok, sipa, at sabunot. Iyon ang paulit-ulit na ginagawa ni Amber na


mabilis namang nasasalagan n'ong kalaban niya na sinusubukan din siyang
saktan. Pero dahil bata pa si Amber ay mas maliksi ang galaw nito sa
kaniya kahit na mas malakas ito kumpara sa pamangkin ko.

Mukhang hindi na makatiis iyong lalaki dahil hindi niya agad mapatumba si
Amber kaya sa inis nito ay bumunot na siya ng baril mula sa likuran niya.

"Hoy! Gago iyan, ah!" galit na sabi ni Ms. Amesyl na napatayo pa.

"Huminahon ka, Babylabs."

Tinutok n'ong lalaki iyong baril sa ulo ni Amber kaya hindi agad nakagalaw
ang pamangkin ko.

"Eh kung ikaw kaya tutukan ko ng baril sa ulo hihinahon ka rin ba?"
bulyaw ni Miss Amesyl sa gagong si Lampe.

Napatigil sa pagbabangayan ang mag-asawang Lampe nang marinig


naming magsalita 'yong lalaki.

"Ano papalag ka pa, bata?"

"Correction, magandang bata," sabi ni Amber at mabilis na kumilos.

Hinawakan niya ang kamay n'ong lalaking may hawak na baril at idiniin
ang mga kuko roon. Nang masaktan ang lalaki ay saka niya buong pwersa
na hinatak at pinilipit ang kamay nito papunta sa likod dahilan para
mabalian ng kamay at mabitawan nito ang hawak na baril.

Nang makahanap ng magandang pwesto sa likuran ay maingat pa nitong


inangat ang dres na suot niya dahil sumasayad at mukhang nahihirapan
siyang bumuwelo. Walang kung ano-ano'y sinipa niya nang malakas ang
lalaki sa likuran.

Agad na pinulot ni Amber iyong nahulog na baril at tinunok sa lalaking


nakadapa na ngayon sa sahig at sinusubukang bumangon.

"Hindi mo kayang gawin 'yan, bata," sabi n'ong lalaki habang nakaluhod
at namimilipit sa sakit.

"Hindi ka sure."

Petengene! Tumaas yata iyong mga balahibo ko nang sabihin iyon ni


Amber.

Idagdag pa iyong ginawa niyang pagngisi sa lalaki bago walang


pagdadalawang-isip na kinalabit ang gatilyo ng baril.

"Hala!"

"Amber, no!"

Napatayo pa ang mga kababaihan nang makita ang ginawa ni Amber.

Watdapak. Ispitsles kaming lahat.

Hindi ako makapaniwalang itutuloy ni Amber ang pagpatay sa nakaharap


niya kahit malinaw naman na sinabi sa ruls kanina na bawal iyon.

Oldow, deserb din naman n'ong lalaki iyong nangyari sa kaniya. Kahit bata
ay hindi pinapalampas.
Nobadi meses wid Amber. Syet!

"First." Iyon lang sinabi ni bossing na bahagyang nakangisi.

Ang paningin niya ay nandoon pa rin kay Amber na ngayon ay hinahatak


ang katawan ng lalaki papasok sa kuwartong nasa harap niya.

Nang matapos niya iyon ay nagpagpag pa siya ng kamay at parang walang


nangyaring ipinagpatuloy ang pagpasok sa ibang kuwarto para maghanap
ng impormasyon.

Petengene, anong pers? Bakit nagbibilang si bossing?

"Wat du yu min, Bossing?"

Takte. Iba ang pakiramdam ko rito kay bossing, eh. Para bang alam na niya
na may susuway talaga sa bilin niya. Pero bakit pa niya kailangang sabihin
iyon kung ganoon? Sabagay, walang hindi alam ang isang Ezekiel Roswell.

Syet! Masama pa namang naiistres ang guwapo.

"Where are we going?" dinig kong tanong ni Katana kaya napatingin ulit
kami sa kaniya. Magkahawak-kamay pa rin silang naglalakad n'ong babae
na medyo hinihila na siya. Mukhang naiirita na si Katana sa ginagawa ng
babaeng nakausap niya pero hindi na muna siya umiimik.

Saglit naman akong tumingin sa ginagawa n'ong ibang bata. Mukhang hindi
katulad ni Amber ay wala pa naman silang nakakaharap dahil abala pa rin
sila sa kani-kaniya nilang ginagawang pangangalap ng impormasyon. May
mga nasa kabin, nasa lawnj, nasa pankshon hol, at may nasa kontrol rum.

"To where the wealthiest man aboard is. You told me that your parents
planned to kill him right?" sagot ng babae kay Katana.

"Do you know his name?" tanong ni Katana at agad na nakita ang
pagbabago sa reaksyon ng babae.

Syet! Ang angas talaga ng batang 'to. Manang-mana sa akin.


"No?" pagsagot ni Katana sa sariling tanong dahil hindi ito sinasagot ng
babae.

Tumingin pa muna ang babae sa paligid bago nakangiting umiling kay


Katana.

"Yes, but I'm not telling you, honey. Perhaps he might introduce himself
to you when you meet him. He's the one putting on the party, by the way. I
shall take you to him with the information you have shared. Who knows,
your folks could be there, too," bulong niya kay Katana habang nakangiti
nang makahulugan. Nakita ko pa ang bahagyang pagbabago ng reaksyon sa
mukha ni Katana dahil sa sinabi ng babae.

I shall take you to him.

"Dong, pupunta ba sila rito?"

"No."

"Eh? E di tayo ang pupunta sa kanila?"

"No."

"Sinungaling pala 'tong babaeng 'to, eh. Bakit ba siya kinakausap ni


Katana?"

"Tss. Just trust our daughter. She's a Roswell. She knows exactly what to
do."

Ampupu! Kakaiba ang pakiramdam ko rito sa babaeng 'to, ah. At may


kutob na ako kung ano ang plano nitong gawin kay Katana.

Pero bakit kaya ito ang napiling targetin ni Katana? Syet. Ako ang
kinakabahan para sa batang 'to, ah.

"Hold on. Do you mind if I go to the toilet first?" biglang tanong ni


Katana. Huminto siya sa paglalakad at tinuro ang resrum na nakita niya.
"Oh, sure. Just be quick, okay? I still have some business after I send you
to your parents," sabi n'ong babae at pinagbuksan pa ng pinto si Katana.
Pumasok doon si Katana at nakatalikod naman siyang naghintay sa tapat ng
pinto.

"Hay, ang shunga naman ni Katana. Nag-restroom break pa e di sana


nahatid na siya kay Mr. Pin-Gol," reklamo ni Ms. Aemie.

"Wife," ma-awtoridad na tawag ni Mr. Roswell.

"Bakit, Dong? Tama naman ako, ah? Mana talaga sa 'yo iyang mga anak
natin Zeke, tingnan mo madalas na lutang—"

"Syet! Porn na naman!" sigaw agad ni Lampe nang makitang mabilis na


hinalikan ni bossing si Ms. Aemie.

"Gago, Boul. Ilang beses nang nangyayari 'to kaya dapat kapag ganitong
wala si Lee, ikaw ang nagpe-preper ng kamera," gatong ko naman habang
tinatapik si Boul na todo ang ilag sa akin.

"Mga gago kayo. Huwag ninyo akong idamay r'yan," pikon na sabi ni Boul
at mas tumabi kay Ms. Caileigh na tumatawa rin.

Masamang tingin naman ang iginawad sa amin ni bossing kaya napatahimik


kaming lahat.

"Now, will you stop saying anything and concentrate on our baby, wife?"
tanong ni Mr. Roswell kay Ms. Aemie na wala sa sariling tumango. Pfft!

Ilang minuto ang itinagal ni Katana sa resrum. Hindi namin alam kung ano
ang ginawa niya roon dahil syempre walang kamera roon. Maya-maya ay
dahan-dahang bumukas ang pinto kaya napaabang kami sa sunod na
gagawin ni Katana.

Hindi agad napansin n'ong babae ang pagbukas ng pinto pero nang tumunog
iyon ay napalingon siya. "Are you done—what the fuck!"
Syet!

Pare-parehas kaming nabigla nang tadyakan ni Katana sa alak-alakan iyong


babae.

"Hala!"

"Oh, I think I know what's coming next," mahinang bulong ng asawa ko na


mukhang nae-eksayt pa sa gagawin ng bunso nina bossing.

"You ungrateful, little witch!" galit na sabi n'ong babae habang


nakasalampak sa sahig na ngayon ay tumatayo na at susugod kay Katana.

"And you're a mistress," sabi naman ni Katana habang sinasalag ang


bawat sugod sa kaniya. "Why would I be grateful?" pilosopong dagdag pa
nito.

Paksyet! Saan nalaman ni Katana iyang impormasyon na iyan?

Mababasa sa mukha ko at ng mga kasamahan ko ang pagkagulat sa


binanggit na rebelasyon ni Katana. Gulat pa nga akong napatingin kay
bossing para sana magtanong pero pokus na pokus siya sa panonood.

May mapaglarong ngisi pa sa mga labi niya kaya hindi ko na tinuloy ang
pagtatanong ko.

"I know who you are, Michelle Serrano," sabi ni Katana. Mabilis niyang
nailagan ang suntok sa kaniya. Sinalag niya ang kamay na iyon at pinaikot.

Nang mapunta siya sa likuran n'ong babae ay padamba niya itong tinulak
kaya napaluhod ito. Agad namang ipinulupot ni Katana ang mga braso niya
sa leeg nito.

"I checked around and it doesn't look like anyone knows the exact details
of the richest man aboard... except for of course...his mistress," bulong ni
Katana sa tainga mismo n'ong babae.
Takte. Bata ba talaga 'to? Bakit mas malakas pa siya sa mas matanda?

Nakakalokong tumawa ang babae. Dahan-dahan niyang iniangat ang hem


ng suot na bestida hanggang sa makuha niya ang baril na nakatago sa leg
holster niya.

Nang makuha niya iyon ay buong puwersa siyang umikot. Para siyang
nagtambling dahilan para humampas nang malakas ang likod ni Katana sa
sahig.

"Fuck! Get up, baby," pabulong na sabi ni Mr. Roswell pero rinig na rinig
naman namin.

"Didn't your parents teach you how bad it is to blame people for things
you don't even know about?" tanong n'ong babae. Lumapit siya kay
Katana at idiniin ang baril sa dibdib ng bata.

Blangko lang ang tingin na ibinalik ni Katana sa babae. Ilang segundo ang
binilang ko bago ko nakitang gumalaw si Katana.

Gamit ang buong puwersa niya ay sinuntok niya sa tiyan ang babaeng nasa
gilid niya. Napahiga ang babae sa sakit at kinuha ni Katana ang
pagkakataong iyon para gumanti sa babae.

Ilang suntok, sapak, kalmot, at sabunot pa ang ginawa ni Katana.

Nang makuntento siya ay umalis na siya sa pagkakapatong sa babae at


dahan-dahang naglakad papunta sa nahulog na baril.

"Don't tell me..." Hindi na natapos ni Shin ang sasabihin niya nang mapulot
na ni Katana ang baril.

"You have plenty of security. You also emerged from one of this ship's
luxury cabins. You got a bunch of jewels all over your body.
Fundamentally, everything you look at is the average look of a wealthy
man's mistress," sinabi ni Katana iyon sa mabagal at nakakaasar na paraan
habang naglalakad palapit ulit sa babae.

"N-no—"

Ngumisi si Katana at tinutok ang baril sa ulo ng babae.

"You can't fool me. I am a Roswell," sabi ni Katana at walang habas na


binaril ang babae.

"Shit."

"Hala, Dong!"

"That's the second one." Iyon lang ang sinabi ni Mr. Roswell despayt op ol
da ader koments.

Mukhang inaasahan niya na rin talagang mangyayari ang bagay na iyon.

"Another impatient Roswell, huh?" sabi naman ni Lionhart pero sinamaan


lang siya ng tingin ni bossing.

"We can't stop those children. Of course they have the guts to kill. After all,
we trained them to become better than us." Bumuntonghininga si Cassandra
kasunod ng sinabi niyang iyon.

Ay agri.

"Pero sana ay huwag nang masundan muna. They're still young for that,"
sagot naman naman ng asawa kong ubod ng ganda.

Kahit ako ay napabuntonghininga. Natutuwa talaga ako dahi nagagawa ng


mga batang makipagsabayan sa kahit hindi nila ka-edad pero sang-ayon ako
sa sinabi ng maganda kong asawa.

Masyado pa ngang bata ang mga anak namin para sa mga ganoong klase ng
bakbakan.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Muli naming ibinalik ang paningin sa iskrin. Wala sa sariling nabitawan ni


Katana ang baril na hawak niya at tumakbo. Iniwan ang katawan ng
babaeng nandoon pa rin at walang buhay. Mukhang hahanapin na niya ang
mga kasamahan dahil alam na niya kung anong hinahanap nila.

Nilipat ko naman ang paningin ko sa ibang monitor at nakita ko ang bunso


kong anak na si Cody. Kasama pa rin nito si Azure na tinatahak ang
hagdang tinahak din ni Amber kanina, papunta sa mga kabin na nasa ilalaim
na parte ng kruship.

"Kapag ikaw ang nakita ng mga chiks dito, siguradong misyon peyld
agad," pang-aasar ni Cody sa pinsan.

"Tiyak na mahuhumaling ang kahit sinong dadaan sa harap ko, kaya


successful ang magiging unang mission natin," mayabang na banat ni
Azure. Naglalakad silang dalawa nang biglang mapahinto si Cody.

"A-Azure..." kabadong sabi ni Cody.

"Ano 'yon, Baby Lerwick?" tanong naman ni Azure. Nagkatinginan pa


kami ni Lampe at natawa dahil sa tawagan n'ong dalawa.

"D-dugo ba i-iyon?"

Nakaturo si Cody sa sahig na hindi kita sa kamera. Nang tingnan ko ang


kabilang kamera ay nakita ko kung anong tinuturo ni Cody.
Tengene. Iyon iyong dugo n'ong taong pinatay ni Amber kanina.

Halatang-halata ang bakas ng dugo na hinila ang katawan papasok sa isang


kuwarto.

"C-Cody..." pagtawag ni Azure sa pinsan nang makita nito ang tinuturo.

"Ano, Baby Lampe? Takot ka ba? Lapitan mo nga at tingnan mo kung


sino iyon," sabi ni Cody. Tinulak pa si Azure na agad namang umatras.

"B-bakit ako? I-ikaw na. Ikaw naman ang nakakita, eh." Tinulak niya si
Cody pero nanlaban ang anak ko at kumapit nang mahigpit sa nektay ni
Azure para hindi siya nito basta matulak.

Pfft!

"These boys talaga, super kulit, like OMG. They are super nakakatawa as
always, but napaka-cutie," komento ni Ms. Caileigh na tumatawa habang
pinapanood na magtulakan ang dalawa.

"Ikaw na, mas guwapo ako sa 'yo kaya dapat ako ang sundin mo," sabi ni
Cody at tinulak na naman si Azure.

"Wengya! Halata namang mas pogi ako sa 'yo kaya ikaw na ang—"
Napahinto si Azure sa pagsasalita kaya tumingin ako sa mukha niya.
Nanlalaki ang mata niya at gulat na gulat. Bumukas ang bibig niya para
sana magsalita pero mukhang hindi niya rin alam ang sasabihin kaya
sumara rin iyon at napalunok siya.

"Ano iyon, Baby Lampe? Bakit? Tinatanggap mo na bang mas lamang


ang kagandahang lalaki ko sa 'yo?" pagyayabang ng anak ko.

"Cody...dugo rin ba iyon?" tanong ni Azure.

"H-ha? Nasaan?" Napalunok din si Cody habang hinahanap ang sinasabi


ni Azure.

Nangingilid na ang luha niya habang nakaturo sa sumunod na pinto na may


panibagong bakas ng dugo ng tao na parang hinila papasok.
"Petengene! Saan galing ang mga dugong iyan?" nagtatakang tanong ko.

Unti-unting naglakad palapit sina Cody at Azure sa mga iyon. Bawat


kuwartong may bakas ng dugo sa tapat ng pinto ay pinuntahan nila.

"Azure, ikaw na magbukas. Ako rito sa kabila," sabi ni Cody na tinanguan


naman ni Azure.

Sabay nilang binuksan ang dalawang kuwarto at sinilip kung anong meron
sa loob n'on. Nang makita nila ay mabilis din nilang sinara ang mga pinto at
nagkatinginan sa isa't isa.

"Azure, sa tingin ko, kailangan na nating umalis dito," sadjestyon ni


Cody. Hinahatak na nito ang kamay ng pinsan pero hindi ito nagpapadala.

"Pero mayroon pa tayong kuwarto na hindi natitingnan. Baka nandoon


pala 'yong impormasyong kailangan natin," sabi ni Azure at kumalas sa
hawak ni Cody. Nagpunta siya sa likod ni Cody at tinulak ito para
humakbang.

Todo naman ang pagpupumiglas ng anak ko.

"Titingnan pa natin? Huwag na! Sigurado akong puro bangkay na rin


ang nandiyan. Umalis na tayo rito!" sabi ni Cody. Namumuo na ang mga
luha sa mata niya at anumang oras ay iiyak na.

"Pero baka nga nandito iyong hinahanap natin," seryosong sabi ni Azure

"P-pero..." Huminto sila pareho ni Azure sa paglalakad para huminga nang


malalim. Saglit na pumikit si Cody at pinagsalikop ang mga kamay saka
bumulong-bulong na hindi namin maintindihan.

"Napadasal, ampota," sabi ni Ms. Amesyl.

"Kailan mo pa tinuruang maging relihiyoso ang anak mo, Lerwick?" pang-


aasar naman ni Boul pero sinamaan ko lang siya ng tingin at pinakita ang
midel pingger.
Mukhang kabadong-kabado na 'to si Cody kaya napapadasal na. Hindi
naman siya ganiyan kapag may mga gusto siyang gawin, eh.

Makalipas ang ilang segundo ay nagmulat na ulit siya ng mga mata at


tumingin kay Azure. "Okey, okey, payn. Guwapo naman ako, okey. Kaya
natin 'to," pagpapalakas niya sa loob nilang magpinsan.

Inisa-isa na ulit nina Cody at Azure ang mga kuwarto. Tinitingnan kung
may makikita silang mahalaga at mapagkukunan ng impormasyon at
mabilis ding lumalabas ng kuwarto kapag wala.

Papunta na sila sa pinakahuling kuwarto na nasa dulo rin ng holwey pero


napahinto sila nang tumunog at umikot ang seradula nito mula sa loob.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Cassandra. "Well, we already know


who caused the mess..."

"There's only one person we know who was in that hallway a little while
ago," sabi naman ni Mei. Tumango naman ako at ang mga kasama ko
bilang pagsang-ayon dahil siguradong iisa lang ang pangalang nasa isip
namin.

At iyon ay si...

"Insan."

"Twin sis."

...si Amber.

Kalalabas niya lang doon sa dulong kuwarto at bahagya pang nagulat nang
makita ang pinsan at kakambal na gulat at hindi rin makapaniwalang
nakatingin sa kaniya...at sa hawak niyang baril.

"Oh? Anong ginagawa ninyo rito?" kasuwal na tanong ni Amber.

Hindi nagsalita iyong dalawa. Parang inisiip kung totoo ang mga nakikita
nila. Muli nilang sinulyapan ang mga nadaanang kuwarto na may bakas ng
mga dugo, tapos ay ibinalik nila ang tingin kay Amber at sa hawak nitong
baril at nanatiling tahimik.

"Heller, bakit hindi kayo nagsasalita? Ano'ng ginagawa niyo rito?"


tanong ulit nito. Sa pagkakataong ito ay sinagot na siya ng dalawa.

"I-iyong mga patay, insan. Hindi mo ba nakita?" ang anak kong si Cody
ang naglakas ng loob magtanong.

"Iyong mga nasa kuwarto?" tanong ni Amber pabalik sa kanila.

Tumango naman iyong dalawa.

"Ako gumawa n'on," tipid na sabi ni Amber at pinakita pa ang hawak na


baril.

Agad namang napailag iyong dalawa sa takot na baka bigla na lang silang
mabaril. Tinaasan naman sila ng kilay ni Amber.

"Twin sis, ibaba mo nga iyan!" sabi ni Azure. Umirap naman si Amber
pero sinunod din ang kakambal. Nang masiguro ni Azure na hindi na siya
mababaril ni Amber ay mabilis siyang lumapit dito.

"Bakit ba may hawak kang ganiyan? 'Di ba sinabi na sa rules na bawal


ang pumatay? Bakit mo sila pinatay? At lahat ng iyon talaga? Paano mo
nagawa iyon?" sunod-sunod na tanong ni Azure. Sinubukan pa niyang
kunin ang baril na hawak ni Amber ngunit hindi nito binigay.

"Ano ba, Azure? Bitawan mo nga!" sagot pabalik ni Amber sa kakambal.

"Bawal nga tayong gumamit niyan!" Hindi naman nagpatalo si Azure.

"Oh, anong gagawin ko? Gusto mo bang ako iyong madaanan niyong
nakahilata riyan at naliligo sa sariling dugo, ha?" tanong ni Amber.
Saglit na natigilan ang kapatid at napakamot na lang sa ulo niya.

"H-hindi naman sa ganoon, Twin sis. Pero kasama sa rules na bawal


pumatay, 'di ba? Kaya ibaba mo na iyan." Sa pagkakataong ito ay
mahinahon na ang pagkakasabi ni Azure.
"Ayoko," sabi ni Amber at itinago ang hawak na baril sa likod para hindi na
maagaw ni Azure.

"Wengya! Mukhang hindi na talaga tayo makakaulit kapag nalaman


nilang may napatay tayo. Lalo ka na, Twin sis," kabadong sabi ni Azure
sa kapatid. Dis taym, si Amber naman ang natahimik.

Halatang nangangamba pa rin talaga si Azure dahil sa nagawa ng kakambal.

Maya-maya ay umirap si Amber. "Alam mo ba iyong kasabihan, Azure?"

"Anong kasabihan kaya iyon?" tanong ko dahil ako ang kauna-unahang na-
kyuryus sa sinasabi ni Amber.

"Anong kasabihan, insan?" ang anak ko namang si Cody ang nagtanong.

"If you obey all the rules, you will miss all the fun."

"Tigas talaga ng ulo ng batang 'yan. Sa dami ba naman ng puwedeng


mamana sa 'yong unggoy ka, 'yan pang katigasan ng ulo. Malilintikan
talaga sa 'kin 'yan pagkalabas nila," galit na komento ni Miss Amesyl.

"Woah, woah! Chill ka lang, Babylabs. Alam mo namang dumadaloy sa


dugo niya ang pagiging mafia kaya normal na lang na ganoon ang gagawin
niya kung nasa panganib na," depensa naman ni Lampe sa unika iha niya.

"Eh, kung patayin din kaya kita? Normal din kaya iyon? Tutal dumadaloy
rin naman sa dugo ko ang pagiging mafia."

Petengene!

Napatingin na ulit ako sa iskrin at kitang-kitang napailing si Azure. "Twin


sis, maling-mali nga kasi iyan iyong kaisa-isang rule na binigay sa atin."

"Kaysa naman nga ako iyong mamatay? Ano'ng mas gusto mo?"

Hindi nakasagot si Azure. May poynt naman talaga si Amber. Nagawa niya
lang iyon dahil sinugod siya n'ong lalaki kanina. Pero may choys naman din
siya na huwag patayin pero ayun pa rin ang ginawa niya.
Pati sa iba pa na siguradong nakaharap niya n'ong mga panahong nakatutok
kami kay Katana kaya hindi namin napansin.

"Alam mo Azure...may poynt si Amber," pagsingit ng guwapo kong anak


sa pag-aaway n'ong kambal.

Tingnan mo nga naman, parehas pa kami ng naisip. Greyt peyses tink alayk
nga naman talaga.

"Syur ako, Azure, kung kanina pa tayo nandito ay baka ikaw pa mismo
iyong bumaril sa mga nang-away kay Amber," sabi ni Cody kay Azure
habang tumatango-tango pa.

"See? May isip din minsan 'tong pinsan nating mongoloid. Sana ikaw
rin," pagsang-ayon ni Amber.

"Hayaan mo na iyan, Azure! Okey lang! Hindi naman nila tayo nakikita
kahit gumanito-ganito pa ako, oh," sabi ni Cody at nag-jamping jaks dahil
inaakalang walang nakakakita sa ginagawa.

Ang hindi niya alam ay pinagtatawanan na namin siya rito dahil kitang-kita
namin ang mga kalokohan niya.

Tumingin sa paligid si Azure kaya medyo kinakabahan ako na baka makita


niya ang kamera na nakatutok sa kanila. Pero nang malagpasan iyon ng
paningin niya ay nakahinga na ako nang maluwag.

"Shet. Muntik na iyon, ah," bulong ko.

"Okay..." sabi ni Azure. Parang wala nang nagawa dahil pinagtulungan na


siya n'ong dalawa.

"Okey? Yes! Yes!" Sumuntok pa sa hangin si Cody bago hinatak ang


pinsan papunta roon sa mga naunang kuwartong napasukan nila kanina.

"Kunin na rin natin iyong baril n'ong mga patay roon!" eksayted na sabi
niya at literal na napanganga ako sa sinabing iyon ni Cody.
Napatigin agad ako kay Mei at nakita kong nagulat din siya sa sinabi ng
anak namin.

"Iyong anak mo, Lerwick," sabi niya at umiling. Parang sumakit bigla ang
ulo niya dahil kay Cody.

Madamdamin akong tumingin ulit sa iskrin at tiningnan ang anak kong aliw
na aliw ngayon sa pagtingin sa hawak niyang baril. Nagkunwari pa siyang
may inaasinta at binabaril habang naglalakad siya kasama ang mga pinsan
niyang kambal. Parang kanina lang, napapadasal pa siya, ah.

"Petengene! Anak kong manang-mana sa 'kin, alam kong guwapo't


magaling ka sa mga nakaraang treyning ngunit masyado mong kinakarir
ngayon. Teyk it slowli," Madramang sabi ko kaya tinawanan naman ako ng
mga kasama mo.

Huminga ako ulit nang nalalim at nilipat muna ang paningin sa ibang
monitor para makita ang ibang bata. Baka kasi may nasalisihan na naman
kaming bakbakan katulad n'ong kay Amber kanina.

Nakatingin kami ngayon kina Kayden, Trigger, at Grayson na nasa isang


malaking kuwarto. Mukha iyong opisina pero kahit kami ay hindi namin
alam kung kanino.

Abala iyong tatlo sa pagtitingin sa mga drower. Binubuklat nila at binabasa


ang mga papeles na nandoon at sinusubukang maghanap ng impormasyon.

"Files... Record..." mahinang bulong ni Trigger sa sarili. Ilang beses niya


pang inulit iyon bago pumitik sa ere at tumingin sa mga kasama.

"Do you think we're looking for a laptop with files in it or just a scrap of
paper?" tanong niya. Napatingin naman sa kaniya sina Grayson at Kayden.

"I think so? But don't you think it would be too outdated if you keep
something of value in a piece of paper?" sabi naman ni Kayden na
tinanguan n'ong dalawa.
"Well, a laptop, then," sabi ni Trigger at naglakad-lakad para mag-isip.
Patuloy naman sa pagkalkal ng mga drower iyong dalawang bata.

"We should have a flash drive," bulong pa niya pa sa sarili niya.

"Uhm, guys," nag-aalangang tawag ni Grayson. Tumingin naman sa kaniya


iyong dalawa kaya pinakita niya iyong nahanap niyang baks na doble ng
sukat ng kamay niya.

"Maybe we can get one of these?" tanong niya at saka binuksan iyong
baks na puno pala ng iba't ibang plasdrayb. Nagkatinginan naman iyong
tatlo na para bang nagkaintindihan sila sa mga susunod na gagawin nila.

"Should we locate a laptop and start scanning these flash drives?" tanong
ni Kayden ngayon sa mga kasama.

"Yeah... I think we should," sagot naman ni Trigger.

"Baka puro virus lang ang laman ng mga 'to," umiiling na sabi ni
Grayson habang pinaglalaruan sa kamay ang mga plasdrayb.

"Agree, at kung talagang importante ang laman n'on ay sa tingin ko


hindi iyon papabayaan ng ganiyan-ganiyan lang," dugtong naman ng
panganay kong manang-mana sa akin.

"I think we should find out more about our primary target. He should
have the answers to our questions," sabi naman ni Grayson kaya
natahimik ulit silang tatlo.

"Wait..." si Trigger ang unang pumutol sa katahimikan. "Remember when


we were asked by the person at the entrance to get our passes?"

Nakatingin lang sa kaniya iyong dalawa at hinihintay siyang matapos sa


sasabihin niya.

"She read the names of the guests and also advertised the cabin class
within the cruise to which they were assigned," ekspleyn ni Trigger.
Nagkatinginan naman sina Grayson at Kayden at nanlaki ang mga mata sa
isa't isa na para bang nakuha nila ang pinupunto ni Trigger.

"That means they have the records," sagot ni Kayden.

"And the wealthiest man should have the suite-type class of cabin," si
Grayson naman ang nagsalita ngayon.

Nagkatinginan silang tatlo na para bang nagsisisi dahil ilang oras na ang
nasayang nila sa paghahanap sa wala at tumango sa isa't isa.

"Shit! Let's go!" sabay-sabay pa nilang sinabi iyon at mabilis na lumabas


ng opis na kinaroroonan nila.

"At least they figured it out," sabi ni Blood habang pinapanood na tumakbo
iyong tatlo.

"Better late than never," pakantang sinabi iyon ni Shin kaya nagtawanan
kami dahil sa nakakatuwang pinapakita ng mga bata.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Sunod naming binalingan ng tingin si Duchess na mukhang may tinataguan.


Mabilis pero marahan ang mga kilos nito na para bang ihip ng hangin lang
upang walang makarinig sa bawat hakbang niya.

Galing kasi siya sa isang bi ay pi rum kanina dahil tulad ng ibang bata ay
nangangalap din siya ng impormasyon. Mukhang naghiwalay muna sila ng
landas ni Raven na kasama niya lang kanina dahil tulad nga ng napapanood
namin ay mag-isa na lang siya ngayon.

Kasalukuyang nagtatago si Duchess sa likod ng isang pader.


Pinapakiramdaman kung malapit na ba sa kaniya ang tinataguan niyang
tatlong armadong lalaki na hinahanap siya dahil nahuli siyang nagpuslit ng
ilang pirasong papel na galing sa opis na pinaggalingan niya kanina.

Inilibot niya ang kanyang paningin upang humanap ng magagamit na armas


dahil malapit na talaga sa kaniya iyong mga lalaki. Binubuksan nila ang
mga kuwartong nadaraanan nila upang tingnan kung nandoon iyong bata
pero wala siya roon.

Nandoon si Duchess sa kaliwang pader sa may intersekyon ng hallway.

Nakakita si Duchess ng isang bakal na tubo sa gilid. Agad niyang kinuha


iyon at pinosisyon ang sarili niyang nakaabang sa pagliko ng mga lalaki.

Malas lang nila dahil imbis na sa kaliwa ang tahakin nila ay kumanan sila.
Hindi tuloy nila napansin ang tahimik na pagsunod ni Duchess sa likod nila.
Unang tinumba ni Duchess gamit iyong tubong hawak niya iyong
pinakahuling naglalakad. Hinampas niya ito nang malakas sa batok kaya
nawalan ito ng malay.

Hindi naging matagumpay si Duchess na masalo ang katawan nito dahil


alam niyang mas mabigat pa ito sa kaniya. Nagkaroon tuloy ng malakas na
kalabog kaya napalingon pa iyong dalawa. Bago pa man nila malapitan si
Duchess ay nauna nang sumugod iyong bata.

Hinampas ni Duchess nang malakas iyong nauna niyang sinugod at nang


matamaan iyon ay saka nilagpasan at mabilis na pumunta sa likod n'ong isa
pa at saka pinalo sa likod. Parehas na ininda n'ong dalawang lalaki iyong
mga palo ni Duchess kaya hindi na nag-aksaya pa ng oras si Duchess.
Ginamit niya ang natitirang lakas niya para hampasin iyong dalawa sa mga
batok nila para mawalan ng malay.

"Sorry po, he-he," rinig naming sabi ni Duchess at binitawan ang hawak
na tubo. Nagtawanan naman kami dahil nag-sori pa iyong bata pagkatapos
ng ginawa.

Maya-maya ay may narinig si Duchess na yabag ng mga paa. Isa iyong


kopol na papunta sa kung nasaan si Duchess ngayon. Sa takot na makita
ang ginawa niya ay mabilis siyang nagpakita sa dalawa at humarang sa
dinaraanan nila.

Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa braso ang babae.

"Hello po, I'm a bit lost. Can you help me get back to the lounge?"
mahinhing sabi nito sa dalawa at saka nagpakyut.

"Oh, hi! Of course, sweetheart. Let's go this way," nakangiting aya ng


mga ito kay Duchess. Mukhang babalik na nga sa pinanggalingan nila at
nakalimutan yatang may pupuntahan dapat.
Napalingon ako sa mag-asawang sina Cassandra at Lionhart na nakangiti
lang sa isang tabi at masuring binabantayan ang mga galaw ng unika hija
nila.

"Sher yor tots, Lionhart. Puwede naman," pabirong sabi ko na ikinailing


naman niya.

"She moves quickly but with grace, just like her mother," sabi nito bago
masuyong tiningnan si Miss Cassandra na ngumiti lang sa kaniya at binalik
na ulit ang paningin sa iskrin.

"Dito tayo," rinig kong sabi ni Mikaela sa kasama niyang si Duke kaya
napatingin ako sa kanilang dalawa.

Tinuturo nito ang pinto na para bang sinasabi na roon sila dumaan pero
tumutol si Duke.

"Hindi. Sa likod na lang tayo dumaan. Mahahalata tayo rito." Hinila nito
ang kamay ng batang babae pero nagpumiglas ito.

"Ano naman? Invited naman tayo rito," iritang sabi ni Mikaela.

"Kahit na, mas maganda kung hindi nila tayo makikita para
makapagmasid tayo nang maayos," dahilan naman ni Duke. Nakakunot pa
ang noo nito na para bang istres na istres sa kausap.

"Mas makakapagmasid tayo habang nakikipag-usap sa ibang tao,


Duke," pagpupumilit naman ni Mikaela.

"Alam mo, bahala ka sa buhay mo," sabi ni Duke at padabog na binitawan


ang kamay ng kasama.

"Talaga!"
"Bakit ba kailangan kitang sundin? Boss ba kita?" Sa pagkapikon ay
nahampas ni Mikaela sa braso si Duke na agad naman nitong inilagan.

"E di huwag. Sus!" sigaw ni Mikaela. Tinalikuran na niya ito at naglakad


palayo. Napailing naman si Duke at dumaan sa kasalungat na dinadaanan ni
Mikaela.

"Hindi talaga! Akala mo ba susundan kita? Puwede naman akong


magsolo. Sanay naman akong mag-isa."

Hindi nila namalayan ang mga taong nakatingin sa kanila dahil sa eksenang
kanilang nagawa.

"Our son is hot-headed. I wonder where got that," sabi ni Lionhart.

"Obviously, not from me," masungit na sagot ni Ms. Cassandra kaya natawa
kami.

"And Mikaela is so feisty, too," komento naman ni Shin na nakatingin kay


Lewis.

"Rasonable rin. Mahilig iyan makipag-debate pero hindi ka puwedeng


manalo," natatawang sabi niya habang nakatingin sa anak.

"I think they will all unconsciously end up at the lounge," sabi ni Blood
habang ang paningin ay nasa anak naman na si Emerald.

Nakangiti ito habang naglalakad at tinitingnan ang mga peynting na


nakasabit sa pader.

Tama nga si Blood. Mukhang doon magkikita-kita ang mga bata dahil doon
din ang punta ni Emerald. Gano'n din si Katana na lakad-takbo ang
ginagawa.

Sina Trigger, Kayden, at Grayson na sa entrans talaga ang pakay ay


mapapadaan din sa lawnj.
Si Duchess na kasama pa rin iyong kopol na maghahatid din sa kanya sa
lawnj.

Si Caliber na kalalabas lang sa isang kuwarto.

Sina Mikaela at Duke na nandoon na at nagmamasid.

Habang si Raven naman ay naglalakad habang inililibot ang paningin sa


paligid.

Kita namin mula sa iba't ibang monitor ang galaw ng mga bata at ngayong
magkakasama-sama sila sa isang lugar ay mas madali sa aming marinig
sila. Maliban doon kina Amber, Cody, at Azure na nasa kabilang parte ng
kruship at walang kamalay-malay na may magaganap na miting dito sa
lawnj.

"Psst! Duke!" tawag ni Mikaela kay Duke.

"Oh?" tanong ni Duke nang makalapit siya. Nagtatago lang siya kanina sa
may gilid na isteyds pero mukhang nariyalays niya na mas mahihirapan
lang siyang magmasid doon.

"Sina Trigger oh," sabi niya at inginuso iyong tatlong humahangos na nasa
entrans ng lawnj. Agad nilang nilapitan ang mga iyon.

"Hoy," pagkuha ni Mikaela ng atensyon n'ong tatlo. Nakasunod naman sa


kaniya si Duke.

"Found something?" tanong agad ni Trigger nang makita sila. Nasa tabi
niya sina Kayden at Grayson na nagpapahid ng pawis.

"Wala pa, kayo?" si Mikaela ang nagtanong.

"We realized that if we could look at the guest list, we would be able to
determine which ones are wealthy and average. Remember, we've been
divided into different classes when we got into this cruise ship? paliwanag
ni Trigger at agad na nagliwanag naman ang mukha nina Duke at Mikaela.
"Oo nga!"

"Tara na—"

"Teka lang!" pigil ni Grayson.

"Let me get some breath," sabi naman ni Kayden at naupo na sa sahig.


Ganoon din ang ginagawa ni Grayson. Maya-maya ay tumabi na rin sa
kanila si Trigger.

Natawa namin kaming mga nanonood dahil halatang-halata na hingal na


hingal talaga iyong tatlo.

"Wala naman kasing nagsabi na tumakbo sila," sabi ni Ms. Amesyl na


sinag-ayunan naman ni Ms. Aemie.

"Kaya nga, insan. Ang alam ko mission ipinunta nila hindi marathon, hehe."

Natatawang inilingan nina Mikaela at Duke ang mga kasama nila at nang
may dumaang waiter na may dalang inumin ay kumuha sila ng tatlong
basong tubig at ibinigay roon sa tatlo.

"Thanks," sabi ni Trigger.

"Thank you," sabi ni Kayden.

"Salamat," sabi naman ni Grayson.

Umupo na rin sina Mikaela at Duke sa harap n'ong tatlong tila ba


nagpapaunahang uminom ng tubig sa sobrang bilis ng paglagok.

"Ano 'yan, nagko-contest kayo?" natatawang tanong ni Mikaela habang


pinapanood sila.

"Bakit ba kasi kayo tumakbo? Aish," tanong naman ni Duke pero


masyadong bisi uminom iyong tatlo at hindi na siya nasagot.
Converted by lsbt
"Hello po!" maligayang bati ni Emerald nang makalapit sa kanila.

"Hala, bakit po kayo nakaupo sa sahig?" tanong niya pero umupo rin
naman sa tabi ni Mikaela. Umusog pa tuloy pagilid si Mikaela para
magkasya silang anim. Nakapabilog na sila sa gilid ng entrans at
pinagtitinginan ng mga dumadaan pero hindi naman nila napapansin.

"Hiningal 'tong mga 'to. Tumakbo ba naman, eh," sabi ni Mikaela.

Tumango si Emerald at nagtanong. "Saan po sila pupunta?"

"Sa entrance daw, ipupuslit iyong list of guests para malaman natin kung
sino iyong pinakamayaman dito." Napangiti pa si Emerald sa narinig na
sagot galing kay Mikaela. Mukhang na-eksayt dahil sa wakas ay may
paraan na sila para makilala ang hinahanap nila.

"Hala, that's a nice idea nga po!"

"Oo, kaya nga tara na," pagyaya ni Mikaela at akmang tatayo na nang
pigilan sila ni Emerald.

"Wait lang po, hehe."

"What is it, Emerald?" tanong ni Trigger habang umuupo ulit. Nag-injan


sit na siya ngayon.

"Hindi na po natin kailangang pumunta roon kasi po..."

"Kasi?" si Kayden naman iyong nagtanong. Halatang maikli rin ang


peyshens.

"Alam ko na po kung sino iyong pinakamayamang taong nandito," sabi


ni Emerald na ikinagulat ng lahat. Ng mga kasama niya at pati kami.

Pakiningshet! Paano nangyari iyon? Parang wala naman akong nakitang


ginagawa si Emerald kanina kung hindi ang maglibot lang at magtingin-
tingin sa paligid tapos alam na pala niya? Syet!

"Ay, pucha," sabi ni Mikaela. Pero agad ding pinalo ang bibig nang ma-
riyalays na bad word ang sinabi. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni
Lewis dahil sa ginawa ng anak.

"Why didn't you tell us right away?" tanong naman ni Trigger nang
makabwi sa gulat.

"Bakit 'di mo agad sinabi?" tanong rin ni Kayden.

"How did that happen?" tanong naman ni Cassandra. Halatang hindi


makapaniwalang may nalalaman na si Emerald.

"I have not noticed Emerald searching or snooping around for certain
information like what the others did," sabi naman ni Mei.

"Same, Ate Mei. Siguro rin kasi we are too focused sa nangyari kina Amber
at Katana kanina kaya hindi natin napansin," sabi naman ni Shin.

"OMG. Baka she already knows the totoo simula kaninang start?" tanong
naman ni Ms. Caileigh at nagkatinginan silang mga nag-uusap. Baka?

"G-galit po ba kayo? Huhu. Sorry na po," maiiyak nang sabi ni Emerald.


Mukhang pati siya ay nagulat sa naging reaksyon ng mga kasama niya.

Huminga nang malalim si Trigger bago umiling. "No, we're not. We're
just...surprised that you already know the answer to it."

"Paano mo nalaman, Emerald?" tanong ni Duke. Magpapaliwanag na


sana si Emerald nang dumaan at napatigil sa harap nila si Raven na
nagtatakang nakatingin sa kanila.

"What..." nagtatakang tanong pa nito. May ilang segundo pa itong tumitig


sa mga kasama na para bang sinisigurado kung iyon ba talaga ang mga
kasama niya.

"What are you guys doing here?" ang masungit na boses naman ni Caliber
ang sunod naming narinig. Kararating lang din nito.

"Oh good heavens! They are my friends po. I will be all right with them,"
biglang sabi ni Duchess na kararating lang kasama pa rin iyong kopol na
nakasalubong niya kanina. Nagpaalamanan pa sila bago tuluyang umalis at
saka lumapit si Duchess sa kanila.

"Why are you guys sitting on the ground? May nangyari ba?" tanong
din ni Duchess na pumunta sa gilid ng Kuya Duke niya.

Pare-parehas silang lumapit sa mga kasama at kahit na nagtataka kung bakit


sa lapag sila nakaupo ay nakiupo rin sila.

Pfft!

"Mukha silang may group work sa school," natatawang sabi ni Boul na


sinang-ayunan ko naman dahil mas malaki na ang bilog na nagawa nila
ngayon dahil sa mga bagong dating.

"So...?" tanong ni Caliber sa kanila.

"Tsk. Alam na ni Emerald kung sino ang hinahanap natin at


ipapaliwanag niya kung paano niya nalaman, okay na?" masungit na
tanong ni Mikaela at nagsitanguan naman sila.

Tumingin si Mikaela kay Emerald at tinanguan ito para magsimula na itong


magkuwento.

"Ganito po kasi iyan, kanina po bago pa po tayo makapasok dito sa loob


ng cruise ship ay nakita ko na po iyong malaking sulat ng 'Pin-Gol' sa
gilid ng cruise. 'Di ba po usually, pinapangalan ang cruise sa owner or
where it was inspired po?" tanong niya at nagsitanguan naman ang mga
kasama niya kaya nagpatuloy siya sa pagkuwento.
"And then, iyong pass po natin. Naka-indicate po iyong name niya roon
as a principal sponsor for this event. Meaning, mayaman po siya," sabi
niya at nagtanguan ulit ang mga kasama niya.

"Tapos po kahit saan ako magpunta ay lagi kong naririnig ang pangalan
niya. Like everyone wanted to go or talk to him pero hindi po nila
magawa dahil hindi raw po basta nag-e-entertain ng guest si Mr. Pin-Gol.
That made me conclude na si Mr. Pin-Gol po talaga iyong hinahanap
natin," pagtatapos ni Emerald sa kuwento at naiwan namang nakatulala sa
kaniya ang mga kasama niya.

Hindi sila makapaniwalang nakatingin sa batang si Emerald na nalaman ang


isa sa mga kinakailangan nilang impormasyon sa pagmamasid lang sa
paligid at nakikita.

Napasipol na lang ako sa narinig.

"Emerald's a smart girl," napapailing na sabi ni Lionhart.

"She's quite an observer. I can't believe she figured this out the easiest way,"
sabi naman ni Mei.

"Well," pagyayabang n'ong gagong si Blood kaya nagkaniya-kaniya kami sa


pang-aasar sa kaniya.

"Yabang mo, gago," sabi pa ni Lampe na pinakitaan niya lang ng gitnang


daliri at tinawanan. Prawd na prawd pa rin sa anak.

"That's impressive, Emerald!" bati ni Duchess kay Emerald.

"This is going to be a big help to all of us. Good job, Emerald." Ang
sinabing iyon ni Caliber ang sinagot ni Emerald.

"Thanks, Baby Caliber!" ngiting-ngiting sabi pa nito kaya natawa naman


kaming mga nanonood.

"Now, we just have to look for the file," sabi ni Trigger.


"I know what file we're looking for," biglang sabi ng isang batang babae
na nasa likuran ni Trigger. Si Katana. Pinausuog niya pa ang kuya niya at
doon tumabi ng upo.

"Just right in time," sabi ni bossing habang nakangiting tinitingnan ang mga
anak niya.

"But I don't quite know where it is." Nang sinabi ito ni Katana ay isinabay
niya na rin ang pagpapaliwanag ng file na kailangan nilang mahanap.

"How'd you know that?" nakangiting tanong ni Trigger sa kapatid.


Pinunasan pa nito ang pawis na nasa noo ni Katana.

"Aw, she's so suwerte to have a malambing at maalalahaning brother like


Trigger," komento ni Ms. Caileigh.

Saglit na napatitig si Katana sa kuya niya at umiling. "It doesn't matter,


Kuya." Wala namang nagawa si Trigger kundi tanguan ang kapatid.

"I think I already know where it is, Kuya," biglang sabi ni Caliber habang
nakakunot ang noo. Mukhang inaalala kung saan nakita ang bagay na
sinasabi ni Katana.

Napatingin naman sa kaniya ang mga kasama niya.

"Are you sure?" tanong ni Trigger.

"Absolutely! It's on his laptop. I entered his personal suite, but I didn't
know what to get so I started scanning some of his stuff that seemed
important. It's in one of the upper-tier cabins of this ship," sabi ni Caliber,
sigurado na sa sagot ngayon.

Tumango-tango ang mga bata at maya-maya lang ay may plano na sila para
matagumpay na makuha ang plasdrayb.
"We have every piece of information we need, correct?" tanong ni Trigger.
Nagsitanguan naman sa kaniya ang mga kasama niya.

"Then, let's go there now," pag-aaya niya at nauna nang tumayo.

"Wait. How about Cody, Amber, and Azure?" biglang tanong ni Duchess
habang naglalakad sila nang mapansing kulang pala sila.

"Have you guys seen them?" tanong niya pa pero wala namang nakasagot
sa tanong niya.

Kaagad namang hinanap ng paningin namin sina Cody, Amber, at, Azure.
Masyado kaming nadala sa panonood sa mga bata na magplano para sa
gagawin nila at nawala na sa isip iyong tatlong pasaway na pagala-gala pa
rin hanggang ngayon sa loob ng kruship.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

As yuswal ay nagyayabangan sina Cody at Azure habang nakasunod kay


Amber na nauunang maglakad at panay ang bukas ng mga kuwarto.

Pero sa pagkakataong ito ay mukhang hindi na iyong mishon ang inaatupag


nilang tatlo.

"Azure, nakita mo ba iyong babae kanina? Sigurado akong kinikilig na


'yon dahil nakita na ang guwapo kong mukha," sabi ni Cody. Hindi pa rin
nito tinatanggal ang sheyds na suot magmula pa kanina.

"Hindi hamak na mas guwapo naman ako sa 'yo," balik na sagot naman
ni Azure kay Cody. Nagtatalo ang dalawa sa bawat babaeng dumadaan sa
harap nila.

"Walang sinuman ang makahihigit sa isang Cody Lerwick." Inalis nito


ang suot na sheyds at inilagay sa ulo at ginawang hedban.

"Puwede n'yo nang maging nanay 'yong babaeng pinag-uusapan n'yo,


wengya. Ano, pati sa matanda kumakagat kayo? Palibhasa walang
nagkakagusto sa inyo," sabat ni Amber sa yabangan ng dalawa.

"Magpatuli muna kayo, erkey?"

Patawa-tawa ako rito sa isang tabi bago ako napabaling kay Mei na ang
sama ng tingin sa akin ngayon.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "A-ang galing nila," kabadong sabi ko at


napalunok pa nang ilang beses bago ulit binalingan ang iskrin, pero narinig
ko namang nagsalita si Mei.
"Mukhang nagmana talaga sa ama." Napabaling ako sa kanya at nakitang
hawak-hawak niya ang sentido niya na parang sakit ng ulo ang dala ng mga
sinasabi ni Cody na natural lang ay nagmana sa akin.

"Sis, alam naman natin na sa akin nagmana ang mga anak mo, 'di ba?" sabat
ni Lampe kaya napatingin ako sa kanya nang masama.

"Gago mo, 'tol. Hindi naman ikaw 'yong tatay, pa'nong sa 'yo nagmana
'yong guwapo kong anak?" Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

"S'yempre naman 'tol, ako 'yong tito, e. Nananalaytay pa rin sa kanya ang
dugo ng mga Lamperouge." Nagtaas-baba pa ang mga kilay nito kaya
napailing na lang ako at itinutok sa iskrin ang mga mata.

"Mas malakas blad sels ng mga Lerwick."

Ilang saglit pa ay napatutok kaming lahat sa iskrin. Dahil pagbukas ni


Amber ng pinto ay sumalubong sa kanila ang samu't saring baril, ammos,
paket naybs, plasbam, at iba't ibang klase pa ng bomba.

"Jusko, nandito lang pala," sabi ni Amber kaya nagkatinginan kami ng iba
pa naming mga kasama.

"Nandito lang pala? Ano'ng ibig sabihin nitong maarte mong anak, unggoy?
Sadyang baril at mga bomba hinahanap niya? Tarantado talaga, eh,"
mahabang komento ni Ms. Amesyl kaya gusto kong matawa.

"Babylabs!" Wari ko'y hindi na rin alam ni Lampe kung papaano pang
ipagtatanggol si Amber dahil pati siya'y pinag-iinitan nito.

"Ibig bang sabihin, Twin Sis, ito talaga ang pakay mo rito sa ilalim ng
cruise ship?" 'Di na rin napigilan ng kakambal niyang si Azure na
magtanong.

"Heller, mukha bang nandito sa ilalim ng cruise ship iyong


pinakamayaman? Duh!" sagot ni Amber sa kanya at saka humarap sa
isang salamin na naroon sa istoreyj rum.

"Talagang tarantado, eh," komento na naman ni Ms. Amesyl. Pft!


"Ito akin 'to, at ito, pati ito. Uy! Ang gandang baril nito, akin na rin 'to,"
pinagsasabit ni Cody ang lahat ng matipuhan nitong baril. Petengene! May
teyst talaga sa baril itong anak kong guwapo.

"Mas marami dapat akong makuhang baril." Tumango-tango pa si Azure


at dinampot nang dinampot ang nakikitang baril. Kumuha rin sila ng mga
bomba at mga bala. Habang ang babaeng anak naman ni Lampe ay tahimik
lang sa tabi habang nananalamin. Hindi ito nakikigulo sa dalawang batang
lalaki at hinahayaan lang ito sa kanilang gusto.

"Kakailanganin natin ng marami nito sa paghahanap ng mga


impormasyon?" tanong ng guwapo kong anak na si Cody, kaya saglit
siyang sinulyapan ni Amber at sinuri ng tingin ang mga dala nitong baril.

"Hindi, kasi for sure nahanap na nila ang kailangan nating hanapin,"
sabi nito at saka nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri
niya.

"Pero magagamit natin ang mga 'yan."

"Sa kanya ko kaya gamitin 'yan." Tahimik ang lahat habang nag-aalburoto
na naman ang pinsan ni Ma'am Aemie at ni isa ay walang nagtangkang
makisali sa kanila. Kaya na ni Lampe 'yan.

"Les gow!" Lumabas ang tatlo sa istoredj rum. Samu't saring mga baril ang
nakasabit sa katawan ng dalawa at may malalaking ngiti sa labi.

Petengene! Ang astig talaga ng anak ko at pamangkin ko.

"Nagsisimula na sila," sabi ko nang makita ang mga bata sa harap ng pinto
ng isang praybet sut na sinasabi ni Caliber.

"Alam namin, Sebastian. Hindi naman kami bulag, hehe," biglang sambit ni
Miss Aemie. Petengene.

"Baka gusto niyang maging announcer, insan," gatong pa ni Miss Amesyl


sa sinabi ni Miss Aemie.
Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa nina Lampe at Boul. Paksyet,
may araw rin kayo, mga gago!

"Let's go," sabi ni Caliber at bubuksan na sana ang pinto pero hindi ito
bumukas.

"What? Is it locked?" tanong ni Trigger.

"It was unlocked awhile ago," sabi ni Caliber at sinubukang ulit buksan
ang pinto pero hindi pa rin bumukas.

"Let me," sabi ni Grayson at saka bahagyang umabante. Hinawakan niya


ang dornab at inilapit ang tainga roon saka niya ito inikot-ikot. Pagkatapos
ng ilang ikot ay umayos na ulit siya ng tayo at humarap sa mga kasama.
"Mayroon ba kayong hairpin?"

"Here," mabilis na sabi ni Duchess at tinanggal ang herpin na nasa ulo niya
at inabot kay Grayson. Nang makuha ni Grayson iyon ay agad siyang
lumuhod para makatapat ng tainga ang dornab at ipinasok doon ang herpin.

"I didn't know that my Grayson knows pala how to make bukas a lock,"
sabi ni Ms. Caileigh habang pinapanood ang anak.

"Ako rin, babe. Ngayon ko lang nalaman," sabi naman ni Boul.

"Alam n'yo na ang gagawin ninyo, Mikaela at Duke?" tanong ni Trigger


sa kanila habang hinihintay na matapos si Grayson sa ginagawa.
Nakasimangot naman ang dalawa at halatang ayaw ng mga ito ang
magkasama ngunit wala naman silang magawa.

"Hindi ba puwedeng iba na lang iyong i-partner n'yo sa 'kin?" reklamo


ni Mikaela na agad namang inilingan ni Trigger.

Paniguradong pulido na ang planong napag-usapan nila kanina. Kumbaga


ay isasagawa na lang. At mukhang si Mikaela at Duke ang naatasan na
manatili sa labas at aliwin ang mga taong posibleng pumasok sa kuwarto
habang ang iba ay hahanapin ang plasdrayb na nasa kuwarto gaya ng sabi ni
Caliber.

"Ang choosy mo," sabi ni Duke kaya sinamaan siya ng tingin ni Mikaela at
inambaan ng suntok.

"Ano, ha?" Agad na hinawakan ni Duchess ang balikat ni Mikaela upang


pigilan ito sa pagsugod kay Duke.

Nakangiti lamang kami habang pinapanood ang dalawang nag-aaway dahil


gusto nila parehong masunod.

"Baka sila magkatuluyan niyan," sabi ko bago nakatanggap ng iba't ibang


klase ng tikhim mula sa mga kasama ko.

"Stop being a matchmaker. Bata pa ang anak ko." Napabaling ako kay
Andrei na nagsalita. Petengene! Nandito pala 'to?

Nagtaas ako ng dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis. "Sori


naman, Lewis."

"Tss," tanging sagot niya bago ibinalik ang tingin sa iskrin. Petengene!
Dapat olweys shatap na lang ako.

Matagumpay na nabuksan ni Grayson ang pinto kaya nagsimula na ang


plano. Pumasok na ang mga bata sa loob ng kuwarto. Habang sina Mikaela
at Duke naman ay pumunta sa may praybeyt pankshon hol.

Nandito si Mr. Pin-Gol at ang bagong kasosyo nito sa andergrawnd bisnes.


Dito gaganapin ang transaksyon nilang dalawa kaya nandito rin sina
Mikaela at Duke para magbantay, at masabihan agad ang mga kasama kung
patapos na ang transaksyon.

"Where is it?" tanong ni Kayden pagkapasok pa lang.


"That was on the table a while back. They might have stashed it
somewhere," sabi ni Caliber.

"We have to go through every corner," sabi naman ni Duchess habang


lumalapit sa isang drower at isa-isang binuksan iyon.

Nagkaniya-kaniya ang mga bata sa paghahanap sa bawat sulok ng kuwarto.


Bawat kabinet, bawat drower ay binubuksan.

"Is this what we are looking for?" tanong ni Katana habang hawak ang
isang laptap. Agad namang nagsilapitan ang mga bata sa kaniya.

"Caliber?" tinawag ni Trigger ang pangalan ng kapatid na para bang


nirereley ang tanong ng bunsong kapatid.

"Yes, that's it," sagot ni Caliber. At samu't saring 'yes' ang narinig namin
mula sa mga bata.

"Check it," utos ni Trigger kay Katana kaya binitbit ni Katana ang laptap
papunta sa isang mesa at umupo doon at saka iyon binuksan.

"It needs a password, Kuya," nakasimangot na agad si Katana nang


sabihin iyon.

"Let me try," biglang singit naman ni Raven. Medyo nagulat pa ang mga
bata sa ginawang iyon ni Raven.

Tumayo si Katana mula sa kinauupuan niya at hinayaan si Raven na


kalikutin ang laptap. Nagkumpulan naman ang mga bata sa likod na Raven
para makita ang ginagawa nito.

"Raven is a computer geek?" tanong ni Meisha sa mag-asawang Strife na


mangha ring pinapanood ang anak nila ngayon.

Umiiling si Shin at sinabing hindi niya alam bago lumingon sa asawa. "Are
you aware of it, Phoenix?"
"No, I—I don't know. Well, ngayon alam ko na. But I wasn't—minutes ago.
Wow," putol-putol na sabi ni Strife. Hindi pa rin makapaniwala sa ismut na
ismut na pagkalikot ng anak niya sa laptap na naglalaman ng payl na
kakailanganin nila.

"Woah," sabay-sabay na sabi ng mga bata nang ma-open nito ang payl
eksplorer.

"Woah rin. Tengene! Ang angas ng anak mo, Strife! Dapat makita ni Lee
'to," tuwang-tuwang sabi ko dahil sa wakas ay may pamalit na ang gagong
si Lee.

"What's the name of the file again, Katana?" tanong ni Raven.

"BTRL," tipid na sagot ni Katana.

Ilang klik at iskrol pa ang ginawa ni Raven bago niya tuluyang mahanap
ang payl.

Umangat ang paningin niya sa mga kasamahan niya at nagtanong, "Anyone


got a flash drive—"

"Oh," sabi ni Kayden at inilapag ang limang pirasong plasdrayb sa lamesa.


Nagkatinginan pa silang tatlo nina Trigger at Grayson na nagpipigil ng
tawa.

"Huwag mo nang itanong kung saan iyan galing. Basta i-copy mo na


lang sa lahat para sigurado," pahabol ni Kayden.

Natawa naman ang ibang bata sa paraan ng pagsasabi ni Kayden n'on.

Kinuha ni Raven ang plasdrayb at sinimulan na ang pagkopya sa payl.


Medyo mahaba-habang hintayan ito para sa kanila.

"Ang galing talaga ng anak mo, Stife," puri ni Lampe kina Shin at Piniks na
tanging ngiti lang ang isinukli.
"Malamang, mana sa akin," konpident pang sabi ni Boul kaya minura lang
siya ni Strife.

"Hindi pa rin ba sila tapos?" rinig kong tanong ni Mikaela mula sa


kabilang iskrin. Kausap niya si Duke at parehas silang nakatayo sa may
entrans ng pankshon hol.

Bahagyang sumilip si Duke sa pinto ng kuwarto kung nasaan ang ibang


bata ngayon.

"Hindi. Nasa loob pa rin sila," sabi ni Duke pagkasilip.

"Puch—"

"Bawal magmura," pigil ni Duke sa akmang sasabihin ni Mikaela.


Tinakpan pa niya ang bibig nito na mabilis namang tinanggal ng anak ni
Lewis.

Nagtawanan naman kaming mga nanonood kahit medyo kabado na rin para
sa mga bata. Pagkasilip ko sa kabilang iskrin ay nagkakapi rin sila ng payl
sa pangalawang plasdrayb.

Tama si Kayden, mas mabuti kung lahat ng plasdrayb ay kopyahan ng payl


dahil mataas ang pasibiliti na makurap ang mga iyon. Kapag nangyari iyon
ay balewala ang lahat ng pinaghirapan ng mga bata.

"Okay, okay, pero ano'ng gagawin natin, Duke? Patapos na sina Mr. Pin-
Gol," nag-aalalang tanong ni Mikaela. Pinapanood na niya ngayon si Mr.
Pin-Gol na makipagkamayan sa kausap nito.

"Duke! Tapos na sila," sabi niya at inalog pa ang balikat ng kasama.


Pabalik-balik ang tingin niya sa pinto, kay Duke, at kay Mr. Pin-Gol.

"Sundan na kaya natin sila roon?" suhestiyon ni Mikaela pero agad na


umiling si Duke. Tinanggal din nito ang kamay ni Mikaela na nakahawak sa
braso niya.
"Hindi puwede, makikita tayo ng mga bantay ni Mr. Pin-Gol,"
mahinahong sabi ni Duke habang umiikot ang mga mata sa buong hol.

"Anong gagawin natin kung ganoon?"

"Komosyon," sabi ni Duke habang nakatingin sa isang bagay.

"Ha?"

"Tignan mo iyon," sabi niya at hinawakan ang parehong balikat ni Mikaela


para humarap sa tinitignan niyang...bufey teybol.

"Gusto mong gumawa tayo ng komosyon d'yan?" nanlalaki ang matang


tanong ni Mikaela kay Duke.

"May iba pa ba tayong paraan?" tanong din ni Duke sa mas seryosong


boses.

Bahagyang natigilan si Mikaela roon pero bandang huli ay napapadyak na


lang sa sahig at naglakad na papunta roon.

"Argh! Tara na nga."


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Sabay lumapit sa bufey teybol sina Duke at Mikaela at kumuha ng tig-isang


plato. Kumuha sila ng kung ano-anong pagkain at kunwaring tinitikman ang
mga iyon.

Ilang saglit pa ay nagsesenyasan na sina Duke at Mikaela.

Pinanlalakihan nila ang mga mata ng isa't isa na para bang sinasabi sa isa't
isa na gawin na ang plano.

Mukhang walang planong magpatalo si Mikaela kay Duke kahit na mata


lang naman nila ang nag-uusap kaya tumitig lang sa kaniya nang blangko si
Duke hanggang sa sumuko si Mikaela.

"Kuya! Panis na po itong pagkain," reklamo ni Mikaela. Kaagad naman


itong nilapitan ng lalaking weyter at nang tiningnan nito ang pagkain ng
bigla na lang inginudngod ni Mikaela ang mukha ng lalaki sa pagkain.

Masamang tumingin ang lalaki sa kanya at kinwelyuhan ang batang babae.

"Kuya! Kuya! Huwag n'yong saktan ang kaibigan ko!" Pumasok si Duke
sa eksena. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at nang hindi nito
binitawan si Mikaela ay kinagat niya ito.

Napasigaw sa sakit ang lalaki kaya nabitawan niya si Mikaela.

At dahil nga sa sigaw niya ay nakaagaw iyon ng atenshon ng mga gest na


kanina'y abala lamang sa pakikipag-usap sa isa't isa.
Mabilis na hinanap ng dalawang bata kung nasaan si Mr. Pin-Gol at ang
mga bantay nito. Nakahinga sila nang maluwag nang makitang nasa hol pa
ito at nakikipag-usap.

"What's with the commotion?" maotoridad na tanong ng babaeng sa tingin


ko ay hindi nalalayo ang edad kay Mr. Pin-Gol. Kusang humahawi ang mga
taong madaraanan niya hanggang sa makarating siya sa harap nina Duke at
Mikaela. Potek! Sino naman kaya 'tong babaeng 'to?

"Itong waiter n'yo po, wala namang ginagawa iyong kaibigan ko tapos
bigla-bigla na lang po niyang kinuwelyuhan." Dinuro-duro pa ni Duke
ang lalaki at lumapit sa babaeng nagtanong. Hinawakan niya ito sa kamay
at umaktong natatakot.

"Ma'am, itong batang 'to, isinubsob ang mukha ko sa pagkain," sabi


n'ong taga-serb ng pagkain at hinatak na naman sa kuwelyo si Mikaela.

"Nasasakal ako," sabi ni Mikaela na halatang nahihirapan na sa paghinga


pero lalo pang hinigpitan ng lalaki ang pagkakakapit nito sa kuwelyo ng
bata.

"Let her go! Bata iyan, hindi ka ba nag-iisip?" Mababakas ang galit sa
boses ng matanda habang sinasabi iyon. Nakahawak pa rin ang isang kamay
nito kay Duke nang lapitan nila si Mikaela na napasalampak sa sahig at
naghahabol ng hininga.

"Puta! Gago 'yon, ah." Mababakas ang galit kay Ms. Amesyl dahil napatayo
na ito at nakapamaywang na malapit sa may iskrin ng tibi.

"Hija, are you okay?" Umupo iyong babae para pumantay sa mukha ni
Mikaela at hinawakan sa parehong balikat.

"S'yempre, hindi po. Ikaw po kaya ang kuwelyuhan," malditang sagot ni


Mikaela habang hinihimas nito ang kanyang leeg. Masama pa rin ang tingin
niya sa lalaking humatak sa kaniya.

"Tama! Hindi rin nag-iisip 'tong tanginang 'to," singit naman ni Ms. Amesyl
kaya napapangiti ako. Mabuti na lang at hindi niya ako napapansin dahil
tutok na tutok siya sa panonood.

"All right! What do you want to do with him?" tanong ng babae at


tumingin sa tauhang kasama niya. Naglabas ito ng isang baril at isang
patalim na agad na ikinalaki ng mata niya.

"Po? Hindi po ganiyan. Kahit po pakisuntok na lang po," nakangising


sabi ni Mikaela habang nakatingin sa lalaki. Mukhang desididong
makaganti 'tong anak ni Lewis, ah.

"Bobo! Ano'ng suntok? Kulang ang suntok sa tanginang 'yan." Si Ms.


Amesyl lang ang nagsasalita dahil tahimik lang ang lahat na nanonood.

Marahan pang natawa ang babae sa sinabing iyon ni Mikaela.

Tumango siya at sinabihan ang lalaking weyter na pumunta sa harap ni


Mikaela.

Pinatunog ng bata ang mga kamao niya at buong lakas na sinuntok ang
lalaking nasa harap niya. Ang lahat ay namangha sa lakas na ipinakita ni
Mikaela kaya naman ang lahat ay lumapit sa kaniya.

Si Duke naman ay pasimpleng sumisilip sa pinto ng kuwarto kung nasaan


ang mga kasama niya at napabuntonghininga nang makitang hindi pa rin
lumalabas ang mga kasama nila.

Nang tingnan namin sa kabilang iskrin ay nagkakapi pa rin sila sa pang-apat


na plasdrayb.

"War freak iyong anak mo, Lewis," pang-aasar na naman ni Lampe.

"I think this will be successful," konklusyon naman ni Lionhart na kanina


pa pinagmamasdan ang mga bata sa monitor.

"Wengya! Dapat lang. Siguradong mananalo ako sa pustahan," Napatingin


ako kay Lampe nang sabihin niya iyon. Petengene! Hindi ako isinali sa
pustahan ng mga gago.
"Mga gago! Ako ang pinakaguwapo sa 'tin kaya hindi p'wedeng hindi ako
kasali r'yan," sabi ko at lumapit ako sa kanila at naglabas ng pera.

"Oh, sino sa tingin mo ang makakapagsabi ng 'mission successful?'" tanong


ni Lampe na may hawak na dalawang libo mukhang palakihan ng taya ang
pustahan na nagaganap.

"S'yempre, walang iba kung 'di iyong dalawang guwapo kong mga anak na
manang-mana sa 'kin," prawd na sabi ko at ibinigay ko ang dalawang libo
kay Lampe at tiningnan si Boul.

"Ano, Boul? Sino ang manok mo?" Kaagad kong inilahad ang kamay ko
para abangan ang pera. Napakamot naman siya sa batok bago maglabas ng
dalawang libo.

"S'yempre iyong anak ko ang pambato ko," sabi pa nito bago binigay ang
dalawang libo sa 'kin. Tinaas ko 'to para itapat sa ilaw at pinitik-pitik para
suriin.

"Baka naman peke 'to, 'tol?" pang-aasar ko sa kanya. Simaan niya ko ng


tingin at hinablot ang dalawang libo at ibinigay kay Lampe.

"Ulol." Tumingin na ito sa iskrin at pinanood na ulit sila, hinahanap ang


ibang mga bata.

Magsasalita pa sana ako nang makarinig ng putok ng baril galing sa iskrin


kaya naman natataranta kaming napalingon doon.

Nagulat naman ang kasambahay nina Blood na nakapagpatawa sa 'kin.

"Ay nga dimunyu ka." Nakahawak si manang sa dibdib habang nakikinood


din sa iskrin. Hinahanap ng mga mata niya ang alaga niyang si Emerald.

Gulat na nakatingin ang mga bata sa lalaking nasa may pinto. Nakataas ang
mga kamay ng mga bata dahil sa ginawang pagbaril ng lalaki.

Maging ang mga tao sa pankshon hol kung nasaan sina Mikaela at Duke ay
narinig iyon. Pero hindi rin naman nagtagal at ibinalik din agad ng mga
bisita ang atenshon sa kani-kanilang mga ginagawa.

"Sino kayo, ha? At paano kayo nakapasok dito?" tanong n'ong lalaki.
Sunod-sunod na nagsisulputan ang iba pang mga tauhan sa likod niya
habang nilalapitan nila ang mga batang nakataas ang mga kamay ngayon.

Lahat sila nakataas ang kamay maliban kay Katana, dahil maliit ay
nakapagtago ito sa likod ng mga kuya niya habang sinusubukang ipuslit ang
mga plasdrayb kung saan isineyb ang mga payl.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay tinaas niya ang mga kamay niya na
parang walang nangyari.

"Ang angas naman pala ng anak ni Mr. Roswell. Ekspert sa dukutan."


Natawa kaming lahat sa sinabi ni Lampe maliban kay bossing na
petengene! May hawak na baril na hindi ko malaman kung saan nanggaling
at nakatutok na sa gagong si Lampe.

"Ang sabi ko ay napakagaling ng anak mo, Mr. Roswell. Manang-mana sa


'yo, eh. Halata sa mga galawan ang pagiging Roswell," mukhang natataeng
sabi ni Lampe. Nakataas pa ang kamay ng gago na parang sumusuko sa
pulisya.

"Hayaan mo Baby Lampe, sasagutin ko ang kape," natatawang sabi ko at


tinapik ang kanyang balikat.

"I'll donate the coffin. My condolences in advance to your family," singit


naman ni Lionhart na medyo natatawa na rin sa nangyayari.

"Sige 'tol, ako na ang sasagot sa sopas mo," kantyaw naman ni Boul.

"Mga gago!" pikon na sigaw ni Lampe na siyang tinawanan namin. Si


bossing naman ay nilapag ang baril sa mesa at nanood na ulit.

"Guys, things are about to get serious..." may pangambang bulong ni


Cassandra habang ang paningin ay nasa iskrin na rin.
"What should we do?" bulong ni Duchess sa mga kasamahan niya habang
nakatingin sa mga lalaking unti-unting lumalapit sa kanila.

"We can't let those guys get to us," sabi naman ni Kayden.

"There's no turning ourselves in, of course," mahinang sabi rin ni Katana.

"Pero hindi rin tayo puwedeng lumaban sa kanila at pumatay," bulong ni


Raven. Nakaupo pa rin siya sa swibel cher at nasa harap ang laptap. Patapos
na ang pagkakapi ng payl sa pinakahuling plasdrayb.

"At mas lalong hindi tayo puwedeng mamatay," singit naman ni Grayson.

"Let's try to communicate po kaya? Maybe we should try to negotiate?"


sadjeschon ni Emerald pero bahagyang umiling ang mga kasama niya.

"I don't believe they are interested in negotiating with us, Emerald," sabi
ni Caliber sa kaniya na maamo namang tinanguan ni Emerald.

Natahimik ang mga bata, pinag-iisipan kung ano ang dapat gawin hanggang
sa marinig nila ang pagbuntonghininga ni Trigger.

Tumingin silang lahat sa anak ni bossing. Lahat sila ay naghihintay ng


sasabihin nito kung ano ang kanilang magiging sunod na hakbang.

"Prepare yourselves. We will not kill anyone but we will fight," sabi ni
Trigger. Bahagya pang nagulat ang ibang bata pero tumango rin naman
kalaunan.

Hinihintay nilang makalapit nang tuluyan sa kanila ang mga lalaki.

At dahil si Kayden ang nasa pinakabungad ay siya dapat ang aabutin n'ong
lalaki pero bago pa siya mahawakan nito ay nasipa na niya ang kamay n'on.

"Yown! Anak ko iyan," tuwang-tuwang sabi ko nang makita ang ginawa ni


Kayden. Aym a prawd pader, ma men!
Iyon ang naging senyales para sa mga bata na makipaglaban. Nilapitan nila
ang iba pang tauhan ni Mr. Pin-Gol at ginamit ang mga natutunan nila sa
mga nagdaang treyning nila sa pakikipaglaban.

Armado iyong mga lalaking kaharap ng mga bata pero hindi iyon naging
balakid sa kanila para makipaglaban.

Sumusuntok si Kayden sa kaharap niya na todo ang iwas sa bawat galaw ng


anak ko. Nang bahagyang huminto si Kayden ay kinuha agad n'ong lalaki
ang pagkakataong iyon para suntukin si Kayden nang malakas.

Natumba si Kayden sa sahig at hindi agad nakabangon. Nginisian siya


n'ong lalaki at tinutukan ng baril pero ang hindi niya alam ay tumatakbo na
palapit si Grayson sa likod niya. Nang makaabot ito ay mabilis niyang
sinipa ang lalaki sa may alak-alakan.

Dahil sa ginawa ng anak ni Boul ay napaluhod ang lalaki. Nang maging


magkasing lebel sila ng anak kong si Kayden ay malakas nitong tinapik ang
kamay ng lalaki na may hawak na baril dahilan para tumalsik iyong baril sa
malayo.

At kinuha naman ni Grayson ang pagkakataon para tulungang makatayo si


Kayden at nang makatayo silang dalawa ay sabay nilang sinugod iyong
lalaki.

"These boys are so palaban, ha," sabi ni Ms. Caileigh. Tuwang-tuwang


pinapanood na bugbugin n'ong dalawa iyong kalaban nilang lalaki.

"Good team up," komento naman ng ubod ng ganda at seksi kong asawang
si Mei.

"Duchess would make a hell of an assassin, Ate Cass. She moves around
and no one notices. That's a skill," sabi ni Shin habang pinapanood si
Duchess.

Tinutulungan niya kasi si Raven na pigilan ang mga lalaking pumipigil sa


kanila sa paggamit ng laptap.
Dinampot ni Duchess ang astrey na puno ng upos ng sigarilyo at walang
sabi-sabing inihagis sa mukha ng kaharap.

Mukhang naging saksespul iyon dahil napapikit-pikit pa iyong lalaki dahil


sa mga upos ng sigarilyong tumama sa may mata niya, mabilis namang
kumilos si Duchess.

Sinipa niya ito sa may tiyan at nang mapayuko ang lalaki ay tinuhod niya
naman sa mukha. Lumapit si Raven sa kanila at siniko nang malakas ang
batok nito para mawalan ng malay bago bumalik sa totoong kalaban na
sinundan naman ni Duchess.

"Raven moves swiftly, too," komento ni Cassandra.

Nasa kabilang sulok naman ng kuwarto ang magkapatid na sina Trigger at


Katana, nagsasalitan sa pakikipagbakbakan sa tatlong kaharap. Lumapit ang
isa kay Trigger at akmang susuntok sa mukha nang masalo ni Trigger ang
kamao nito. Buong puwersang pinilipit ni Trigger ang braso nito kaya
napasigaw ito sa sakit tapos ay tinadyakan siya ni Trigger sa may
lalamunan.

Pfft!

"Wengya! Partida, bata iyan," sigaw ni Lampe, manghang-mangha sa


ginawa ni Trigger.

"Hehe go, Trigger! Kayang-kaya mo 'yan," cheer naman ni Ms. Aemie.

"Oh no, Katana!" biglang sabi ni Ms. Caileigh kaya napatingin kami sa
gawi ni Katana.

"Future sis, ayos ka lang po ba?" tumatakbong sabi ni Emerald habang


lumalapit kay Katana na dumudugo ang labi dahil nasampal siya nang
malakas ng kaharap.
Lumapit din si Caliber sa kanila matapos nitong mapatumba ang kaharap
nito at dinamba ang lalaki mula sa likod. Hinampas niya iyon sa ulo at
sinipa sa may binti. Nang mapaluhod ang lalaki sa harap nina Katana at
Emerald ay nagkatinginan pa sila bago sabay na sinipa ito sa mukha.

"Ha! Teyk dat, maderpaker," sabi ko at tinawanan ang itsura n'ong


napatumba nila.

"Ah—ale, ale, aalis na po kami. Baka hinanap ka kami ng magulang po


namin," sabi ni Mikaela habang nakaupo sa harap n'ong babaeng kumausap
sa kanila.

"What? Don't you want to stay here and eat your meal first?" nakangiting
tanong n'ong babae habang naninigarilyo. Bumuga pa ito ng usok sa harap
n'ong dalawang bata na kaagad namang ikinairita ni Mikaela.

"Hindi na po. Kailangan na po naming umalis," matigas na saad ni Duke.

Tumawa naman nang nakakaloko ang babae at tumingin sa kanila. "Why?


Are you planning to help your little friends?" tanong niya habang
tumatawa.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nagkatinginan sina Mikaela at Duke dahil wala silang kaalam-alam


nabulilyaso na pala ang plano nila.

Nagtanguan ang dalawang bata at mabilis na kumilos. Inabot ni Mikaela


ang baso ng alak na nasa harap ng babae at ibinuhos sa mukha nito. Si Duke
naman ay mabilis na tumayo at nilabanan ang mga tauhan sa likod ng
babae.

Hinatak ni Mikaela ang buhok ng matanda at malakas na hinampas ang


mukha nito sa lamesa kaya naman kaagad itong nawalan ng malay.
Tinulungan niya agad si Duke na labanan ang mga natirang tauhan at nang
mapagtagumpayan nila iyon ay mabilis silang tumakbo papunta sa kuwarto.

Naabutan nila ang mga kasamahan nila roon na naghahabol ng hininga at


pagod na pagod sa pakikipaglaban. Lahat ng tauhang pumasok kanina ay
nakatumba na. Agad na lumapit si Duke kay Duchess at kinamusta ang
kapatid.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ni Mikaela na nakatayo lang sa may pinto.


"Bakit kasi ang tagal—aray ko leche!"

Hindi na natapos ni Mikaela ang sasabihin niya nang itulak siya ng mga
bagong pasok na armadong tauhan. Nanlalaki ang mata nito habang
nakatingin sa mga iyon at pagapang na umatras papunta sa mga kasama
niyang mukhang nagulat din dahil mas marami pa ang tauhang pumasok
ngayon. Halos mapuno nga ang kuwarto sa rami nila eh, ampupu!
"OMG! They are super dami na," sabi ni Ms. Caileigh at napatakip pa sa
bibig.

Pare-parehas na kaming kinakabahan para sa mga anak namin, dahil


paniguradong hindi na basta-basta 'tong mga kaharap nila. Isa pa, pagod na
ang mga bata dahil sa mga nakaharap nila kanina.

"I really need to speak to Mikaela about her use of words," naiiling na sabi
ni Lewis. Pinapagaan niya ang sitwasyon dahil kahit siya ay kakikitaan na
ng takot para sa mga bata.

"Ano?" tanong n'ong isa at humakbang papalapit sa mga bata. Naalarma


tuloy ang mga bata at umayos ng tindig. Iyong tindig na anumang oras ay
handang dumepensa sa kung sino mang susugod.

"Nasaan ang tapang ninyo ngayon?" tanong niya at tinutukan sila ng


baril. Pero mabilis na nasipa ni Trigger ang kamay niya kaya tumilapon ang
baril na hawak niya. Nag-apoy sa galit iyong mata n'ong lalaki at parang
asong hinila ang damit ni Trigger.

Blangko lang ang tingin ni Trigger sa lalaking may hawak sa kaniya.

"Papalag ka ba, ha?" sigaw niya sa mukha ni Trigger na nginisian lang


siya.

"What makes you think I wouldn't?" tanong ni Trigger at mabilis na


kumilos. Ganoon din ang mga bata na mabilis na sinugod ang ibang mga
kalaban.

Suntok, sapak, tadyak, sipa, siko, tulak, atras, abante, at kung ano-ano pang
mga alam ng mga bata sa pakikipaglaban ang ginawa nila. Para silang
nagrarayot sa loob ng kuwartong iyon dahil sa pakikipagbabakbakan.

"Masyado silang marami kumpara sa mga bata," sabi ni Strife na tutok rin
ang atenshon sa iskrin.
Tama. Masyado silang marami at duda ako na makakaya ng mga batang
labanan ang lahat ng iyan gamit lang ang pisikal nilang lakas. Iilan pa nga
lang ang nakakalaban nila at iyong iba ay nanonood pa lang ay kita na sa
itsura nila ang pagkapagod.

At ang isa pa, halatang hindi sila sineseryoso ng mga kalaban nila. Ni hindi
nga nila ginagamit ang mga baril na hawak nila.

"They will be unable to defend themselves if these men become serious,"


sabi ni Mei na para banag nabasa kung ano ang iniisip ko.

"They're too many, Kuya..." hinihingal na sabi ni Duchess sa kapatid.


Magkatalikuran silang nakasandal sa isa't isa para magpahinga sandali at
naghiwalay rin kaagad para sugurin ang kaharap.

"And armed..." sabi ni Caliber. Tiningnan naman kaagad ito ni Katana sa


sinabi niya.

Magkasama ang dalawang magkapatid na kalabanin ang limang


kalalakihan. Salitan sila sa pagsugod sa mga ito na tatawa-tawa lang silang
pinatulan. Animong nakikipaglaro lang sa mga bata.

"Hindi natin sila kayang lahat," sabi ni Kayden pagkatapos sipain sa


panga ang kalaban.

Mabilis na nagkatinginan ang mga bata, parang tahimik na sumasang-ayon


sa sinabi ng panganay ko, bago ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa abot
ng kanilang kakayahan.

"Hoy, mga pangit!" matinis na sigaw ng isang batang kapapasok lang ng


pinto.

Shet! Ang guwapo kong bunso!

Kasama niya ang mga pinsan niyang sina Amber at Azure at pare-parehas
silang nakatutok ang mga hawak na baril sa mga kalaban.
"Ang sarap pag-uuntugin ng mga batang 'to. Pare-parehas matitigas ang
ulo," sabi ni Ms. Amesyl habang umiiling.

Petengene! Gusto kong tumawa dahil sa itsura nina Cody at Azure.


Nagmukha kasi silang sampayan ng mga baril sa dami ng baril na nakasabit
sa katawan nila. Siguradong pinagpupulot ng dalawang 'to ang lahat ng
nakita nila.

Napatingin ang kalaban sa mga bagong dating na tatlong bata at akmang


susugurin sila nang pagbabarilin naman ito bigla ng tatlong bata.

"Hoy, bawal iyan!"

"No!"

"Amber, Cody, Azure, stop!"

"Shit, what are you guys doing?"

Sabay-sabay na nagreklamo ang mga bata sa nakita nilang ginawa n'ong


tatlo habang dinedepensahan ang pagsugod sa kanila ng mga kalaban. Hindi
kasi nila agad napansin na susugurin na sila dahil sa pagkabigla...maliban
sa bunsong anak ni bossing na si Katana.

Tahimik niyang sinasangga ang mga pagsugod sa kaniya habang pabalik-


balik ang tingin sa tatlong bata na may hawak na baril at pinagbabaril ang
nakakaharap. Makalipas ang ilang sandali ay ngumiti siya.

"Petengene, kripi," bulong ko.

Nakita ko ang paghugot ng malalim na hininga ni Katana bago malakas na


sinipa ang lalaki sa dibdib. Nawalan ito ng balanse at natumba sa sahig
kaya mabilis itong nilapitan ni Katana at tinadyakan ulit.

Pagkatapos n'on ay mabilis siyang lumapit kay Cody.

"Bakit, Baby Katana?" tanong ni Cody nang makita si Katana. Hinarang


niya pa ang katawan dito para hindi matamaan ng posibleng bala.

"Just give me a gun," utos ni Katana.

"Ha?" Hindi agad naintindihan ni Cody ang ibig sabihin ni Katana kaya
inirapan siya nito at siya na mismo ang kumuha ng baril na nakasabit sa
katawan ni Cody. Pero imbis na isa ay dalawang handgun ang kinuha nito.

"Wengya, Katana. Sigurado ka ba r'yan?" tanong ni Azure nang


mapatingin din sa ginawa ng bunsong anak ni bossing.

Hindi naman sumagot si Katana at tinabihan lang si Amber at nagsimula na


ring pagbabarilin ang mga kalaban.

Manghang-mangha namang nakatingin ang magpinsan sa bunsong anak ni


bossing. Petengene, mukhang magiging laberboys na rin sila, ah.

"Ang ganda," sabay na bulong pa nito at nagkatinginan pa dahil sa


nangyaring iyon.

Maya-maya ay lumapit na rin sa kanila si Caliber.

"Here, Kuya Cali," sabi ni Katana at inabot ang isang baril na hawak niya
na agad namang tinanggap ni Caliber.

"Ano ba 'yang mga anak natin, Dong?! Manang-mana talaga sa 'yo,


matitigas ang ulo, hayyy. Hindi man lang marunong makinig sa ibinigay na
rules. Hindi ko na talaga sila bibigyan ng Barbie dolls at stickers," reklamo
ni Ma'am Aemie pero tinawanan lang siya ni bossing.

"We can't stop them, wife," sagot ni bossing.

"Pero kahit na," angil ni Ms. Aemie at magkakrus ang mga brasong
umiling.

"Tss, they're as obstinate as you are, wife," sabi ni bossing tapos ay pinitik
pa ang noo ng asawa. Swit!
"Hala, Dong! Grabe ka naman. Iyong mga anak nga nina Kaizer at
Sebastian ang bad influence, eh. Dapat yata huwag natin gaano
inihahalubilo iyong mga anak natin sa mga anak nila, Dong."

"Ha-ha, Ms. Aemie, self-defense lang naman nila iyan," sabi ni Lampe.

"Tama, Ms. Aemie. At may kasabihan nga tayo na ang tunay na guwapo ay
palaging panalo," gatong ko pa at mahinang hinampas ang dibdib ko.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Mei kaya nagpis sayn na lang ako at
nanood ulit.

"Eh? Nakakapagtaka naman. Bakit kayo nananalo?"

"Hoy, Katana! Caliber! Bakit may baril na rin kayo?" sigaw ni Mikaela
nang makita iyong dalawa na kasama na nina Amber na bumabaril.

"We're not allowed to kill!" sabi naman ni Duchess kaya napairap si


Amber.

"Pero nakalimutan mo na rin ba ang sinabi nila sa atin? Kailangan din


nating bumalik nang ligtas," sabi nito at tinalikuran na sila para
pagbabarilin ang kalaban sa kabilang bahagi ng kuwarto.

"She's right. We were born to break the rules and be Mafia leaders, and
not to follow anyone else's orders," segunda naman ni Katana.

"Tama! Kaya kung ako sa inyo ay gayahin niyo na ang guwapo at


kumuha ng mga baril dito. Dali, marami kaming dala ni Azure," pag-
aaya ni Cody pero inilangan lang sila ng mga bata.

"No! Puwede naman tayong lumaban nang walang ginagamit na baril,"


sabi ni Raven at pinagpatuloy ang pakikipaglaban sa taong kaharap.

"Aray ko!" sigaw ni Mikaela nang matulak siya ng lalaki at tumama ang
likod niya sa mesa. Mabilis na lumapit sa kanya si Emerald na siyang
pinakamalapit sa kaniya at tinulungan siyang kalabanin iyong lalaki pero
mas lalo lang silang nahirapan.
"Ouch po!" sabi ni Emerald nang masubsob siya sa sahig.

Naiinis na nagpapapadyak sa sahig si Mikaela at tinulungang makatayo si


Emerald. Inilibot pa nito ang paningin sa buong kuwarto at huminto nang
madapuan niya ng tingin ang anak kong guwapo.

"Hoy, Cody! Pahingi na nga rin ng tig-isa!" sigaw niya.

"Areglado!" sabi ni Cody at kumuha ng dalawang baril na nakasabit sa


kaniya at hinagis papunta sa dalawang bata. Agad namang nasalo iyon ni
Mikaela at binigay ang isa kay Emerald.

"Oh, mamamatay tayo kung hindi tayo ang papatay sa kanila," sabi ni
Mikaela at nag-umpisa na ring bumaril.

"Mga 'tol! Ano, kaya pa?" tanong ni Azure kina Raven, Kayden, at
Grayson na pare-parehas na nasa sahig at naghahabol ng hininga. Pumunta
si Azure sa harap nilang tatlo at pinagbabaril ang kalaban nila kanina.

"Kumuha na kayo ng baril d'yan! Ang guwapo muna ang bahala sa mga
'to," sigaw ni Azure. Nagkatinginan naman iyong tatlo. Nagtatanungan
kung susundin ba ang sinabi ni Azure pero maya-maya ay tumayo rin sila at
lumapit sa likod nito para kumuha ng baril.

Lumapit din si Duke kay Cody at kumuha ng dalawang baril. Binigay niya
ang isa kay Duchess.

"Trigger! Kumuha ka na rin dito."

"No! It's against the rules," sabi ni Trigger. Determinado itong


makipaglaban gamit lang ang kamao kahit bumabaril na ang lahat sa paligid
niya.

"May point sila, Trigger. Masyado silang marami. Hindi natin sila kaya
kung hindi tayo gagamit ng baril," sabi ni Mikaela. Tumakbo siya
papalapit kay Azure para kumuha ng isa pang baril at bigla na lang itong
hinagis sa gawi ni Trigger.

"Shit," sabi ni Trigger nang masalo iyon. Napapikit pa siya nang mariin at
huminga nang malalim bago tuluyang ginamit ang baril bilang panlaban.

"Woah! Shit, muntik na ang anak kong guwapo roon, ah," sabi ni Lampe.
Muntik na kasing tamaan ng bala si Azure kung hindi ito nahila ni Raven.

"Bobo naman," sagot ni Ms. Amesyl.

Nagpatuloy kami sa panonood. Ang kaninang maganda at mamahaling


kuwarto ni Mr. Pin-Gol ay hindi na makilala. Sira na ang lahat ng
mamahaling beys at peyntings dahil puro tama na ng bala. Iyong teybol na
ginagamit nila kanina ay nakatumba na at ginagawa nilang pangharang
upang hindi sila matamaan ng bala.

At iyong mga bata...suwabe lang ang mga galaw. Parang nakalimutan na


nilang bata sila at matatanda na ang mga kalaban. Hindi man lang
mababakas ang takot sa mga mukha at napapangiti pa kapag may nababaril
at napapatumba.

"They're enjoying it..." komento ni Blood.

"Yeah," sang-ayon ni Lionhart.

"And they're working as a group," sabi naman ng asawa ko.

Napatango naman ako.

Kahit may mga pagkakataon na magkakahiwalay, nagtatalo, naiiwan, at


nagyayabangan, kapag nagsasama-sama sa labanan ay parang nagiging isa
ang mga isip nila. Alam nila kung kailan sila papasok sa eksena, alam nila
kung kailan sila lalapit para tulungang patumbahin ang kalaban ng kasama,
at alam nila kung paano matutulungan ang isa't isa.

Nakangiti akong bumaling ulit sa iskrin at napapalakpak na lang nang


makitang natapos nila ang labanan nang ni isa sa kanila ay hindi gaanong
nasaktan o nasugatan. Natalo nila iyong sandamakmak na kalaban nila
kanina ng sila lang.

Petengene! Aym so prawd.

"Nakakapagod..." sabi ni Mikaela. Binitawan niya ang hawak na baril at


umupo sa sahig. Ginaya rin siya ng mga kasama niya at tumabi pa sa
kaniya.

"We did it," nakangiting sabi ni Katana.

"But we broke the rule," sabi ni Duchess.

"We still did it. Let's just look at the bright side," sabi naman ni Caliber
kaya nagtawanan ang mga bata.

Nagtawanan din kami dahil tama naman si Caliber. Nagawa pa rin nila ang
misyon nila kahit na nasuway nila ang kaisa-isang batas.

"Pero paano tayo babalik?" tanong ni Kayden kalaunan.

"Swim?" tanong din ni Raven.

"Alam mo cracklings, kung gusto mong lumangoy, umpisahan mo na


ngayon. Tama 'yan para mabawasan naman ang pagka-amoy cracklings
mo," sabi bigla ni Amber kaya natawa si Raven.

"We can't swim. We're miles off the wharf," sabi naman ni Caliber.

"All ships are equipped with rescue boats. And it should be on the aft,"
sabat naman ni Trigger kaya nakahinga silang lahat nang maluwag.

Nauna nang tumayo si Cody kaya sinundan siya ng tingin ng mga kasama
niya. Kinuha niya ang sheyds na ginawa niyang hedban at isinuot sa mga
mata niya bago naunang maglakad palabas ng kuwarto.

"Isi! Hindi man lang ako pinagpawisan."

Petengene, ang bangis! Anak ko iyan!


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula no'ng naganap ang unang treyning
ng mga bata at ngayon ay balik na ulit sila sa mga normal nilang buhay.

Prawd na prawd pa rin akong naisagawa nila ang misyong iyon nang
ganoon, na hindi na kinakailangan ang tulong namin.

Natutuwa nga kami at talaga namang napatunayan nilang mga litol bershon
namin silang lahat. Lahat ng istrateji at iskils na ginawa at ginamit nila ay
walang dudang minana nila sa aming Yaji at Roswells. Sige, isama na rin
natin sa pinagmanahan nila ang mga independent kandideyt—pipol na sina
Lionhart, Blood, Strife, at Lewis.

Balang araw ay sila rin ang magmamana ng iiwanan naming legasi kaya
ngayon pa lang na nag-eensayo pa lang sila ay prawd na ako sa kanilang
lahat, lalo na sa dalawang guwapo kong mga anak.

Tahimik akong nakaupo sa kama habang hinihintay si Mei na lumabas ng


banyo.

Tsk! Kung pumayag lang sana siya sa oper ko na magsabay na kaming


maligo e di sana nakapag-konserb pa kami ng tubig, hindi ba?

Pero na-shat ap lang ako kanina kaya wala akong nagawa kundi hintayin
siyang matapos.

Wala akong ibang magawa kaya hindi mapigilan ng guwapo kong utak na
magbalik-tanaw sa mga panahong nanliligaw pa ako sa kanya.

-Flashback-
Bumibili ako ngayon ng plawers at tyokoleyt para sa pinakamamahal kong
babae. Ilang buwan na matapos ang nakakahiyang komprontasyon sa
harap ng mga gago. Ngunit hindi ko rin maipagkakaila ang saya ko dahil
sa wakas ay nililigawan ko na ang babaeng matagal ko nang gusto. Akala
ko talaga noon ay wala na akong pag-asa dahil baka hindi niya ako gusto.

"Tangina, Lerwick ang bagal mo kumilos. Tara na, hinihintay na tayo nina
Caileigh," reklamo ni Boul na kasama ko ngayon dito sa loob ng plawer
shop.

Nandoon kasi ang gerls sa bahay nina bossing at Ms. Aemie. Nakagawian
na namin ang pagdalaw roon kahit wala namang ebent. Isa na rin sa
dahilan na olweys akong present ay para makita ko si Mei.

"Petengene! Sandali lang ini-a-areynj pa iyong plawers," sabi ko habang


nakatingin sa nag-a-areynj ng mga bulaklak habang napapakamot na lang
sa noo. Eksayted naman 'tong isang 'to, hindi naman guwapo.

Buti pa ako, guwapo na, may peyshens pa.

Walang palya ang pagbibigay ko ng mga regalo kay Mei dahil ganyan
dapat mag-eport, mga 'tol. Hindi iyong dadalin n'yo agad sa bahay niyo
sabay deretso sa kuwarto.

Dats nat haw yu trit gerls, ma men! Makinig sa nag-iisa at walang katulad
na si Sebastian Lerwick.

"Salamat, Ms. Ganda." Kinindatan ko ang nag-areynj sa mga plawers na


ikina-blas pa ng mga pisngi niya.

"Come again, Sir," kinikilig na sagot nito. Kakaiba talaga ang karisma ng
isang Sebastian Lerwick, ampupu! Pero sori gerls, my hart is olredi teyken.

"Hoy Lerwick, isusumbong kita sa kapatid ni Lampe. Dumidiskarte ka pa sa


tindera sa loob, ah." Ngumiti ako kay Lee at pinalambing ang mukha.

"Ito naman, masyado kang tamang-hinala, p're. Kalma lang." Itinaas-baba


ko ang mga kilay ko at binilisan ang pagpunta sa kotse.
Nang makasakay na kami sa kotseng dala ni Lampe ay siniksik naman ako
ng mga gago kahit na malaki naman ang ispeys ng kinauupuan nila.

"Petengene! 'Tol, baka naman puwedeng umusog ka at naka-dekwatro na


'ko rito. Ang sikip!" reklamo ko. Nakabukaka pa si Lee na akala mo ay ang
daming ispeys sa loob.

"Tiisin mo na, Lerwick. Ang bagal mo na ngang kumilos," nakangising sabi


niya sa akin at lalo pa nito akong siniksik. Petengene talaga. Ipit na ipit na
ang itlog ko.

Kahit masakit na ang balakang ko dahil sa sikip at liit ng ispeys ko sa loob


ng kotse ay tiniis ko na lang. Makikita ko na rin naman ang babaeng
pinakamaganda sa balat ng lupa. Tiis-kagwapuhan lang.

Nang makarating kami sa bahay ni bossing ay agad kaming pumasok sa


loob. Mabilis naman akong lumapit kay Mei at ibinigay ang tyokoleyt at
plawers por her. Dagdag pogi poynts din 'yon.

"Thanks, Lerwick." Ngumiti ito at umusog nang kaunti para bigyan ako ng
mauupuan. Umupo ako rito at umakbay sa kanya pero kaagad naman
niyang inalis ang pagkakaakbay ko. Ampupu! Akala ko naman, eh, puwede
na.

"My shoulders are off-limits."

"Shoulders lang, Mei?" pang-aasar ko rito. Inirapan niya lang ako at


inamoy niya ang binili kong plawers. Naghintay ako ng magandang
tiyempo para tanungin siya, hanggang sa eksaktong makakita naman ako.

At s'yempre, dahil hindi naman ako pinanganak na torpe ay deretso ko na


siyang tinanong, "Mei, puwede ka bang maayang mag-dinner mamaya?"
Napatungo ako habang hinihimas ang batok.

Paksyet! Nahihiya ka pa rin ba, Lerwick? Sa guwapo mong 'yan, kabado ka


pa ring mag-aya kahit ilang buwan mo na siya nililigawan?
"Sure," sagot niya na agad nakapagpatunghay ng ulo ko at hinarap siya.
Bumaling pa ito sa akin at tinapik ang hita ko.

Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng init sa mukha. Ito na ba


ang tinatawag na blas? Ang ganda ni Mei. Kinikilig ako, paksyet!

"Baby Lerwick, bakit ka ngumingiti mag-isa r'yan? Kinikilig ka ba?"


Napasimangot naman ako nang marinig ang boses ng gagong si Lampe.
Lagi na lang itong sumusulpot kung saan-saan na parang kabute. Basag
trip, ampupu!

"Baby Lampe, sabihin mo lang kung nagseselos ka sa 'min ni Mei.


Lalambingin din naman kita." Kinagat ko pa ang ibabang labi ko saka
kumindat ako sa kanya pagkatapos ay ngumuso pa para mas lalong asarin
siya.

"Baby Lerwick, lambingin mo ako," pag-aarte nito. Akma itong yayakap sa


akin nang sikuhin ito ni Ms. Amesyl sa may tiyan.

"Hoy unggoy, ang ligalig mo," masungit na sabi ni Ms. Amesyl kaya agad
naman itong umupo at naglambing kay Miss Amesyl.

Bumaling naman ako kay Mei na ngayon ay nakatingin sa akin. Ngumiti


naman ako rito.

"Alam kong guwapo ako, Mei. Huwag kang mag-alala at sa 'yong sa 'yo
lang ako," sabi ko kaya nakatanggap na naman ako ng isang irap mula sa
pyutyur gelpren kong ubod ng ganda pero napalitan din iyon ng mga ngiti.

Syet!

Napahawak ako sa magkabilaan kong pisngi at kinuha pa ang selpon ko


para makita sa kamera kung may dumi ako sa mukha bago tiningnan ang
mga tao sa likod ko.

Si Boul lang naman ang narito, pero hindi kaya—

Napansin kong tumingin ulit sa akin si Mei. Nakakunot ang noo niya kaya
akmang tatanungin na sana siya ng inyong guwapong lingkod kung ano
ang problema nang abutin niya ang buhok ko at ginulo-gulo iyon. Parang
pinapagpag.

"Ang dami mo namang balakubak, Lerwick," natatawang sabi niya na


ipinagtaka ko. Mabilis tuloy akong lumayo sa kanya dahil tengene! Maynus
pogi points iyon, ma men!

Paano naman akong magkakaroon ng balakubak kung konsistent naman


akong naliligo? Ampots! Hed en sholders naman pati ang shampu ko, ah?

Ako na ang nagpapagpag sa buhok ko at ilang beses na napamura nang


makita na naglalaglagan ang mga puting...pulbo? Hindi naman ito
balakubak dahil alam ko ang itsura no'n, ampupu. Hindi rin naman ganito
ang tekstyur ng balakubak.

Petengene! Ambilibabol. Sinasabi ko na nga ba't imposible talagang


magkabalakubak ang isang guwapong ako. Pulbo naman pala iyong nasa
ulo ko.

"Ampupu, sasapakin ko kung sino ang naglagay nito," inis na bulong ko.
Ngayon pa ako pinag-trip-an kung kailan nagmo-moment kami ni Mei.

"What time 'yong dinner?" tanong ni Mei. Bigla kong naalala kung kumusta
na ang pinareserb ko sa isang restawran. Kailangang pulido ang plano
para hindi maynus points kay Mei.

"Susunduin na lang kita sa inyo bipor eyt piem."

Napangiti naman sa akin si Mei habang ako ay guwapong-guwapong


nakatulala sa maganda niyang mukha na lalo pang gumanda dahil sa
ginawa niyang pagngiti.

Maya-maya ay naramdaman ko na naman na parang may pumapatak na


kung ano sa uluhan ko kaya hinagilap ko ang kung sino mang
nananabotahe sa kagwapuhan ko at nagbubuhos ng pulbo sa ulo ko.

Mabilis akong tumayo ako at hinanap kung sinong gago ang may hawak ng
pulbo pero napalunok na lang ako nang makita si bossing.
Mukhang kapapasok niya lang dito at sigurado akong may nagpasa lang sa
kanya ng hawak niya ngayong bote ng pulbo.

"Ano, 'tol? 'Kala ko sasapakin mo iyong naglalagay ng pulbo sa ulo mo?"


nang-aasar na sabi ni Lee. Mukhang na-gets ni bossing kung anong
nangyayari sa amin dito kaya matalim niya akong tinignan.

"Y-yo, Bossing."

-End of Flashback-

Sino ang mag-aakalang ang dating nililigawan ko lang ay sa wakas nakuha


at naging asawa ko na. Bonus pa na may dalawa na kaming anak na
matatalino, masunurin, at higit sa lahat ay magagandang lalaki. Sa akin ba
naman nagmana, s'yempre matik 'yan.

Iba talaga ang karisma ng isang Lerwick. Walang katulad.

"Lerwick, tulala ka." Napatingin naman ako sa asawa kong kalalabas lang
ng banyo na naka-batrowb lang at tumutulo pa ang tubig galing sa buhok
niya habang pinupunasan niya ito.

Syet! Iyong mata mo, Lerwick.

"Maganda kong asawa, ang seksi mo naman d'yan. Is it da rayt taym tu


meyk a doter na ba?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya agad akong
napatahimik. Hindi ako ander. Ayoko lang na sa labas matulog.

Ang bilis ng oras at lumipas lang ang buong araw na guwapong-guwapo pa


rin sa akin ang asawa ko.

Matutulog na kami ngayon. Ang dalawang bata naman ay nasa kani-


kaniyang kuwarto na nilang dalawa at paniguradong mahimbing na ang
tulog. Alas diyes na rin naman ng gabi kaya kailangan na rin naming
matulog. Anles may gagawin kaming nakakapagod.

"Magliligo lang ako, Mei. Weyt por yor hansam hasban." Kinindatan ko ito
at pumasok na sa banyo.
"Tss, silly," dinig kong bulong niya pero ip ay now, syur na syur akong
kinikilig na iyan.

Binuksan ko ang shawer at nilagay ito sa warm water para makaligo ako
nang maayos at saka ko itinuloy ang pag-iisip sa mga nangyari noong
panahong nanliligaw pa ako sa kanya habang naliligo ako.

-Flashback-

Susunduin ko ngayon si Mei para kumain sa labas at ngayon ko rin


itatanong kung puwede ko na ba siyang maging gelpren. Wala nang atrasan
'to, Lerwick.

Bago ako bumaba sa kotse ay nag-ayos muna ako ng buhok at nagpabango.


Kahit naman nag-uumapaw at sumisigaw ang kapogian ko sa katawan,
kailangan ko pa ring magmukhng presentable sa harap ng pyutyur gerlpren
ko.

Bumaba na ako ng kotse at nag-dorbel. Pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa


mga kasambahay nila at pinatuloy sa sala. Maya-maya pa ay bumaba si
Lampe na may dalang baso. Nakita niya ako kaya nilapitan niya ako nang
may nang-aasar na ngiti.

"Wengya, Baby Lerwick. Hindi mo naman sinabing dadalawin mo ako


ngayon?" Umupo ito sa tabi ko saka ako inusisa. "May lakad ba kayo ni
Sis?" nagtatakang tanong niya sa akin at tiningnan ang kabuuan ng
katawan ko.

"Hindi ba halata, Baby Lampe?" Tiningnan ko muna siya bago muling


nagsalita. "Nagseselos ka ba? Hayaan mo, neks wik ay ikaw naman
ilalabas ko," sabi ko sabay kindat sa kaniya. Tinawag ni Lampe ang isang
kasambahay nila para tanungin kung nasaan si Mei.

"Nasa kuwarto pa po, Ser. Weyt lang daw po 'yong bisita ni Ma'am." Bigla
akong kinabahan kaya napatingin tuloy ako sa sarili ko. Syet!

Mukhang nag-preper talaga si Mei para dito, ah. Samantalang ako ay


nakasuot lang ng simpleng blu na tisert at blak pants, tinernohan ko na
lang ng krosbadi bag, para mapaglagyan ko ng selpon at walet.

S'yempre hindi mawawala sa pormahan ko ang mabangis na relo.

Buti na lang ay kahit anong isuot ko ay bagay na bagay sa akin. Perks ng


mga pogi.

"Let's go," biglang sabi ng isang babae sa likod ko. Agad akong napatayo
nang tuwid nang ma-riyalays ko na si Mei na iyon. Lumingon ako sa kanya
at napatulala nang makita ko kung gaano kaganda ang pyutyur gelpren ko.

"Ayan na pala si Mei, eh. Hindi naman halatang pinaghandaan, ah," pang-
aasar pa ni Lampe sa kapatid niya kaya tiningnan siya nito nang masama.

Manghang-maha akong napasulyap kay Meisha. Syet, Lerwick,


napakasuwerte mo.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hinalikan ko ang


likod ng kanyang kamay at inaya na siyang lumabas.

Pumunta kami sa bagong bukas na ruptap resto. Ilang sabdibisyon lang


ang layo nito mula sa sabdibisyon na tinutuluyan niya.

Nabalitaan ko kasi na maganda raw ang tanawin sa taas at masarap ang


mga pagkaing inihahain nila kaya gusto kong tikman ang mga ito na
kasama si Mei.

"May reservation po ba sila, Sir?" tanong ng isa sa nasa prantdes ng resto.

"Lerwick. Sebastian Lerwick, Ms. Ganda." Tiningnan naman ako nang


masama ni Mei kaya agad ko itong binawi sa isip at ngumiti. Maynus
poynts yata 'yon, petengene.

"This way po, Sir," sabi nito at nauna sa paglalakad kaya sinundan namin
ito.

Dinala niya kami sa dulong bahagi ng ruptap. Maganda rito sa


napuwestuhan namin dahil tanaw na tanaw ang siti layts at 'yong pleys ay
pang-romantik deyt talaga.
Tinalo pa namin ang mga kopol na nasa romatik mubi dahil pil na pil
namin ang byu. Iyon nga lang ay medyo malamig ngayon, nakalimutan ko
pa namang magdala ng dyaket.

"Lerwick, are you a bit chilly? You can take my jacket," oper ni Mei.
Akmang huhubarin na niya ang suot niyang jacket pero mabilis ko itong
tinanggihan.

Alam ko namang kapag binigay niya sa akin iyon ay siya naman ang
lalamigin. At dahil sadyang guwapo, keyring, at totpul ako ay kailangan
kong magtiis dahil kasalanan ko naman kung bakit ako nilalamig. Ampupu!

"Ayos lang ako, Mei. Guwapo pa rin naman ako at wala nang magbabago
roon umaraw man o bumagyo, magkadisyerto man sa Nort Pol."
Kinindatan ko ito at pasimple niyang hinimas ang aking braso. Ang lamig,
Petengene!

Akmang magsasalita na si Mei nang bigla dumating ang weytres.

"Good evening, Ma'am, Sir. Here's your food. And also, meron din po
kaming free desserts para sa lahat ng customers dahil kabubukas lang po
ng restaurant," paliwanag ng staff na nagdala sa amin ng mga in-order
namin.

Tinitingnan ko ang ginagawa niya habang inilalagay niya sa lamesa ang


mga pagkain na nasa troli.

Ang mga pagkain na nasa ibabaw ng troli ay may takip na steynles.


Inilagay ng weyter ang pagkain na may takip sa harapan ko at isa sa
harapan ni Mei habang ang isa ay inilagay sa gitna namin ni Mei.

Imbis na iyong waiter ang mag-alis ng steynles ay hinayaan niya itong


nakatakip.

Halatang ipinagtaka iyon ni Mei dahil normal naman na mga waiter ang
gumagawa n'on pero binalewala rin niya.
Nang akmang aangatin na ni Mei ang steynles na takip ng pagkaing nasa
harap niya ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan.

"T-teka, Mei," awat ko at saka ako huminga nang malalim at tumingin sa


kanya. Paksyet! Huwag kang kabahan, Lerwick. Kaya mo 'yan.

"What?" tanong niya na hindi ko na sinagot dahil baka maunahan ako ng


kaba. Nang makahanap ng tiyempo ay tumango ako bilang senyales na
p'wede na niyang tanggalin ang takip.

Pagkaangat niya ng steynles ay agad na hindi makapaniwalang lumingon


ito sa akin nang lumuluha dahil sa nakita niya.

Nakita na niya kasi na wala talagang lamang pagkain iyong plato niya.
Tanging bulaklak at tsokoleyt sirup na nakasulat ang mga salitang 'Will you
be my girlfriend?'

Ampotek!

Bigla akong nakaramdam ng inis dahil bakit ganoon ispeling n'on?

Hindi naman ganyan ang sinend kong instraksyons no'ng nagpa-reserb ako,
ah.

Nagtataka akong tumingin sa istap na nasa may gilid pa namin hanggang


ngayon para sana itanong kung sino ang nagsulat pero nang magtama ang
paningin namin ay tumango lang siya sa akin.

Parang sinasabi na ipagpatuloy ko ang plano.

Pakingsyet. Hayaan na nga.

"M-Mei, p'wede na ba kitang maging gelpren?" mahinang tanong ko dahil


nandito pa rin ang kaba. Potek.

Dahil sa mabilis na tibok ng puso ko ay napatungo na lang ako habang


hinihintay ang sagot niya. Tingnan mo siya sa mata, Lerwick. 'Wag kang
babakla-bakla riyan.
Kinakabahan ako dahil baka rejeksyon ang matatanggap ko ngayong
gabing nag-uumapaw ang lamig. Kapag nagkataon, sisisihin ko talaga ang
istap na nagsulat dito sa plato. Ampupu! Hindi kasi sinunod ang
instraksyon ko. Baka maynus poynts pa naman kay Mei ang rong ispeling.

Mahabang katahimikan ang nangibabaw kaya naman mas lalo akong


kinabahan. Ire-reject kaya ni Mei ang kagwapuhan ko rayt hir, rayt naw?

Pero ilang saglit lang ang nakalipas ay narinig ko ang malalim na


buntonghininga na pinakawalan ni Mei. Napatingin tuloy ako sa kanya
pero nang magtama ang paningin namin ay saka siya nagsalita.

"Yes, Lerwick," sabi niya habang nakangiti. Matipid ito ngunit nakabibigla.

Hindi makapaniwalang inulit ko ang sinabi niya. "Y-yes?"

Tumango naman ito bilang tugon at saka sinundan ng matamis na mga


ngiti.

"Yes as in yes na yes? Tayo na? Gelpren na kita?" pangungulit ko kaya


natawa siya sa paulit-ulit na tanong ko. Aba, gusto ko lang makasigurado.
Mahirap nang matawag na asyuming kung sakaling mali ang pagkakarinig
ko, 'di ba?

"Yeah, I am now your girlfriend." Para bang isinasayaw ako ng mga anghel
sa kalangitan dahil sa tuwang nararamdaman ko ngayon.

"Yes!" malakas na sigaw ko. Maging si Mei ay nagulat pero hindi ko na


iyon pinansin pa. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa
kanya para yakapin siya.

"Ay lab yu, Mei."

-End of Flashback-
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Napangiti ako dahil sa gandang lalaki ko at sa ganda ng alaalang iyon. Isa


iyon sa mga hindi ko makakalimutan at siguradong babaunin ko hanggang
sa hukay. S'yempre ikukuwento ko iyon sa mga bata bilang patunay na
patay na patay sa akin ang ermat nila.

Naging normal na magkasintahan din naman kami. May pagkakataong nag-


aaway pero nagkakaaayos din. Dahil naniniwala ako na hindi dapat
hinahayaang magtampo nang matagal ang magandang asawa. Ayaw kong
matulog sa labas.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maligo at para


makapagbanding na kami ng maganda kong asawang patay na patay sa
akin.

Nadatnan kong nakahiga si Mei at nagseselpon kaya dumeretso na muna


ako sa kluset namin at kumuha ng masusuot. O dapat pa ba akong
magdamit? Paksyet.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa imajineshon kong kay


bangis. Kung nandito sina Lampe ay baka inasar na naman nila akong
nababakla na.

Nang matapos magbihis ay tumabi na ako sa kanya sa kama.

"Ano namang ginagawa ng maganda kong asawa?" Sinulyapan lamang ako


nito at ibinalik ang mga mata sa selpon.

"I'm having a conversation with the girls," sagot niya kaya tumango naman
ako at humiga nang patagilid. Itinukod ko ang siko sa kama habang ang
kamay ay parang nakahawak sa ulo. Nakaharap ang puwesto kay Mei
habang bisi itong nagta-tayp.

Maya-maya ay mukhang natapos na siya sa pakikipag-usap. Inilapag niya


ang selpon niya sa bedsayd teybol at umayos na ng higa.

"What were you thinking a little while ago?" tanong niya nang makaharap
siya sa gawi ko.

"Naiisip ko lang kasi..." pagsisimula ko.

Huminga pa ako nang malalim at tinitigan siya sa mga mata niya para mas
dramatik. Ganoon kasi iyong nakikita ko sa mga artista sa tibi tapos ay mas
nai-in lab iyong partner nila sa kanila.

Oldow, syur na syur naman akong inlababong-inlababo sa akin si Mei. Mas


gusto ko lang talagang gawin ang mga ganitong bagay dahil hindi naman
masamang subukan ang taktiks ng iba para mas lalo siyang ma-in lab sa
akin.

At isa pa, masaya akong nakikitang masaya si Mei. Ika nga ng iba, hapi
wayp, hapi layp.

"...na ang suwerte mo pala sa akin. Keyring na, totpul pa. Tapos isama mo
pa ang pagiging guwapo. Wala ka nang hahanapin pang iba," pagpapatuloy
ko pero inirapan lang ako ni Mei.

"Give up the fishing compliments of yourself, Lerwick," pagsusungit pa


nito kaya napakamot ako sa ulo.

"Teka, hindi pa kasi ako tapos. Suwerte rin naman ako dahil naging asawa
ko lang naman ang pinakamagandang babae sa mundo," dagdag ko. Kaya
naman nakita ko kung paanong sinubukang pigilan ng maganda kong asawa
ang ngiti niya.

Namula pa ang mga pisngi niya at nag-iwas ng tingin. Halatang kinilig sa


akin. Ang guwapo ba naman ng pumuri sa kanya.

Ampupu! Napakaganda talaga ng misis ko. Tapos patay na patay pa sa 'kin.


"Can you get a little distance from me?" natatawang saway sa akin ni Mei.

Hindi ko kasi napansin na nakapaibabaw na pala ang kalahati ng katawan


ko sa kanya habang pinapaulanan ng halik ang mukha niya.

Matagumpay niya akong naitulak pabalik sa pwesto ko kanina pero ang


ngiti sa labi niya ay hindi pa rin nawawala. Ang husay mo talaga, boy!

"I'm sleepy. Let's get some sleep," sabi niya tapos ay pinatay nito ang
lampsheyd na nasa sayd teybol ng kama. Humiga naman ako nang maayos
bago niyakap si Mei at natulog na rin nang may ngiti sa mga labi.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Wala na ang asawa kong


maganda sa tabi ko at sigurado akong nasa kusina na iyon at nagluluto ng
pagkain ng mga bata.

Mabilis akong bumangon para makapag-ayos at maligo. Pagkatapos ay


bumaba na ako.

Naabutan ko ang mga anak naming guwapo na nasa kawntertap tseyrs


habang pinapanood ang ermat nila sa kusina.

"Good morning po, Erpat. Hindi ka na po namin ginising kasi sabi ni Ermat,
pagod ka raw po," sabi ni Kayden habang inaayos ang mga platong
gagamitin.

"Erpat! Sinigang ulam natin ngayon," eksayted na sabi ni Cody. Paboritong-


paborito nito ang ulam dahil sa asim ng lasa samantalang si Kayden naman
ay paborito ang adobong baboy.

"Let's eat," sabi ni Mei nang matapos na siyang magluto at nilagay niya ito
sa lamesa. Si Cody naman ay hindi makapaghintay at nagsandok na ito
kaagad.

Walang pasok ngayon ang dalawang batang manang-mana sa guwapo


nilang ama na walang iba kundi, sino pa ba? E di ang nag-iisang Sebastian
Lerwick.
Habang kumakain ay nagkukuwento ang mga bata tungkol sa mga
nangyayari sa iskul nila. Lagi naming tinatanong kung ano ang nangyayari
sa iskul nila para aweyr kami sa mga nangyayari sa kanila.

"Tapos alam n'yo po ba? Ang daming babae na lumalapit at nagpapakyut po


sa 'kin. Kaya nga po minsan ay tinataguan ko na lang sila. Sa sobrang
guwapo ko po baka po magulat na lang po ako na may istoker na po pala na
sumusunod sa akin pauwi. Kripi!" Umakto pa itong nangangasim ang
mukha bago sumubo ng okra kaya tinawanan namin siyang mag-asawa.

Kawawa naman itong bunso ko dahil hindi maranasan ang normal na


pamumuhay. Ganyan talaga kapag pinanganak kang guwapo, kailangan
mong masanay sa mga ganitong bagay.

"Stop saying nonsense, Cody. Nakikita ko nga kayo ni Azure na kalaro n'yo
ang sinasabi mong babae," laglag sa kanya ni Kayden kaya napakamot ng
ulo si Cody.

"Oo nga po pala, Erpat, Ermat. Ipinapatawag po pala kayo sa school bukas.
May meeting daw po ang mga magulang tungkol sa nalalapit na graduation
namin," sabi naman ni Kayden sa amin kaya nagkatinginan kami ni Mei
bago sabay na ibinaling ang paningin sa panganay naming anak. Oo nga
pala, gradweyting na nga pala sa greydskul itong panganay namin.

"Anong oras 'yan, anak kong guwapo?" eksayted na tanong ko. S'yempre
kailangan present ang guwapong Sebastian Lerwick sa kahit anong miting
na magaganap sa iskul ng mga bata.

"Probably after class po, around 1 o'clock in the afternoon. May exam po
kami bukas ng umaga po," sagot nito at tumango naman ako. Nag-mental
nowt naman ako sa mga sinabi ng panganay kong guwapo.

Ampotek! Sinong mag-aakalang ga-gradyuweyt na ang panganay ko sa


elementari? Sabagay, sa akin ba naman nagmana ng katalinuhan.

Parang kailan lang ay tinuturuan pa namin siyang magsalita ng ermat at


erpat. Ngayon, sinasabayan na 'ko sa pagsasabi ng totoo tungkol sa
kagandahang lahi na mayroon ang pamilyang Lerwick.
"Erpat, pinapatawag din kayo sa iskul bukas, he-he," singit naman ni Cody
pagkatapos magsalita ng kuya niya. Medyo nanginig pa ang boses niya
nang sabihin iyon kaya kumunot ang noo ni Mei at tumingin sa akin.
Ganoon din naman ang ginawa ko dahil wala namang dahilan para ipatawag
kami ng titser ni Cody.

Kaya mukhang alam na namin ang dahilan kung bakit kami ipinatatawag
ng titser nito.

Kahit may hinala ay tinanong pa rin namin ito. Malay namin at baka may
award pala siya.

"Bakit daw kami pinapatawag sa iskul n'yo, anak?" Nang itanong ko iyon
ay nag-iba ang ekspresyon nito. Bigla itong parang nagdalawang-isip.

"Kasi Erpat, sabi po ng titser ko..." Umikot ang mata nito at mukhang nag-
iisip kung itutuloy pa ba ang sasabihin.

"Ang sabi ng teacher mo?" kyuryus na tanong ni Mei na may siryus at


istriktang tono na mas lalong nakapagpakaba kay Cody.

"...ang pogi ko raw po, hehe. Bes in kapogian daw po ako. Ermat, huwag na
po pala kayong pumunta. Hindi naman po ata importante iyong sinasabi ng
titser ko." Napakamot pa ito sa ulo at saka humigop ng sabaw ng sinigang
mula sa mangkok na malapit sa plato niya.

"Cody..." May pagbabanta na sa tono ng maganda kong asawa kaya naman


napatuwid ng upo si Cody. Kahit ako ay napatuwid din ng upo dahil sa
kaseryosohan ng boses na lumabas sa kisabol lips ni Mei.

"Kasi po, Ermat, bagsak po ako sa kwis sa Inglis," mabilis na sabi nito na
halos hindi na namin maintindihan.

"Cody," pagtawag ulit dito ni Mei.

"Pakiulit nga ng sinabi mo, Cody anak. Wala namang humahabol sa 'yo rito.
Ripit it nays and islow."
Nakatungo ito at namumula na rin ang gilid ng mga mata niya na parang
maiiyak na.

Iko-komport ko na sana ang bunso namin ni Mei pero pinigilan ako ng


asawa ko.

"No, Lerwick." Napailing naman ako at iniisip kung ano ang naging
problema niya sa iskul.

Tumingin si Cody sa amin bago ito nagsalita, "Uunahan ko na po ng sori,


Erpat, Ermat." Tumigil muna ito sa pagsasalita at napabuntonghininga.
"Nag-kwis po kasi kami tapos bumagsak po ako sa kwis namin sa Inglis
sabjek kaya gusto raw po kayong kausapin ng titser ko."

Siguro galit sa mga guwapo ang titser ng anak kong mana sa 'kin.

"I see." Tumango-tango si Mei sa sinabi ni Cody saka ito tumingin sa bunso
namin at nagsalita ulit, "Cody, hindi ba't sinabi ko sa 'yo na magpaturo ka sa
kuya mo ng English? Huwag dito sa tatay mo," sabi ni Mei at saka ako
sinamaan ng tingin kaya naman tumawa ako nang peke at nag-iwas ng
tingin.

"Tama naman ang mga itinuturo ko sa anak natin, Mei. Baka sadyang
pinag-iinitan lang n'ong titser ang anak nating guwapo kaya ibinagsak,"
pagdadahilan ko. Nagpeke pa ako ng tawa kaya seryoso akong tiningnan ni
Mei.

Sabi ko nga hindi na lang ako magsasalita, eh. Petengene!

"Whatever, Lerwick." Napakamot naman ako ng ulo at ipinagpatuloy ang


pagkain.

"Sori po ulit, Ermat, Erpat," mahinang sabi ni Cody sa amin kaya tumango
si Mei at nagsalita. "From here on out, your brother will teach you. At dapat
may improvement sa scores mo sa mga susunod na quiz, Cody. Are we
clear, Cody?"

"Opo, Ermat," nakatungo pa ring sagot nito.


Nang maalala ko ang ispeling ng anak namin ay napaisip ako.

Bakit naman kaya mali ang ispeling naming dalawa? Eh, ganoon iyong
tinuro sa akin n'ong titser ko noon. Ibig sabihin, mali iyong titser ko pram
da beri start?

Pagkatapos kumain ay ipinalabas ni Mei ang mga gamit pang-eskwela ng


dalawa. Magre-rebyu raw ang mga ito.

Ako naman ay nakaupo sa sala at tinitingnan ang ginagawa ng dalawa. Si


Kayden ay laging may award sa iskul samantalang si Cody ay well, walang
duda, tulad kong guwapo.

"Erpat, kung ikaw po ang tatanungin, how would you protect the resources
of minerals?" Napatingin naman ako Kayden na bigla-biglang nagtatanong.
Syet, aym nat prepeyrd. Bakit naman kasi ganyan ang pinag-aaralan nila
eh no'ng panahon nga namin 1 plus 1 eleben ang sagot kung walang
ekwals, eh.

"'Yong tubig ba 'yon, 'nak? Konserb woter, shawer togeder para tipid," sabi
ko at iniiwas ang tingin at mabilis uminom ng tubig.

Hindi na nagsalita si Kayden. Mukhang napabilib ko siya sa sagot ko kaya


siya ispitlis.

Napakamot naman ito ng ulo at bumalik na lang sa pagre-rebyu. Tumingin


naman si Cody na mukhang narinig ang sagot ko sa kapatid.

"Ang talino mo po talaga, Erpat. E di ibig sabihin po sabay po kayo naliligo


ni Ermat?" Naubo ako at aksidenteng naibuga ang tubig na iniinom sa
mukha ni Cody. Petengene. Mabuti na lang at wala rito si Mei. Baka
napagalitan pa 'ko n'on.

Napapikit ito at naipagdiin ang dalawang labi. Mabilis niyang pinunasan


ang mukha gamit ang damit na suot niya. Ampupu!

"'Nak, pasensya na nagulat lang ako sa sinabi mo," natatawa kong sabi.
Kinuha ko ang tissue at ako na mismo ang nagpunas sa mukha niya kahit
napunasan na niya.

"Ayos lang po, Erpat. Pogi pa rin naman po ako," sagot nito nang nakangiti
at bumalik sa ginagawa.

Kids dis deys talaga, kung ano-ano ang tinatanong!

"Kuya Kayden, ano po ispeling ng kerpul po?" tanong ni Cody kay Kayden
habang nagsusulat ito.

"It's C.A.R.E.F.U.L," bigkas ni Kayden sa mga letra ng ispeling ng kerpul


kay Cody saka ito tumango at sinulat ang natutunan niya sa kuya niya.

"Akala ko po kasi K.E.R.P.U.L," dinig kong bulong ng bunso ko. Napaisip


ako kasi tama naman siya.

Hapon na nang matapos ang dalawa sa pagre-rebyu kaya gutom na sila.


Oras na kasi ng meryenda kaya sakto ang pagpasok ni Mei sa sala.

"Are you guys done reviewing your lessons?" tanong niya sa dalawa na
agad namang tumango.

"Good, I'll make you a snack. What do you want?" tanong niya ulit kaya
agad naman na nag-rekwes ang dalawa ng mga nais nilang kainin.

"Hatdog po sa 'kin, Ermat," agad na sagot ni Cody.

"I want an egg sandwich, Ermat," sabi naman ni Kayden na inaayos na ang
mga gamit nilang magkapatid. Bisi na kasi sa paglalaro si Cody sa hawak
na robot at wala nang pakialam sa mga gamit sa iskul.

Tumango naman si Mei at dumeretso na sa kusina. Sumunod naman ako


dahil hindi pa ako nakakapag-rekwes ng sa akin. Baka its taym na para—yu
now.

"Maganda kong asawa, ako rin gusto ko ng meryenda," paglalambing ko sa


kanya. Lumapit pa ako sa kanya at akmang yayakapin siya pero agad siyang
umiwas.

"You can make your own, Lerwick," sabi niya.

Pero kahit ganoon ang sagot niya ay nakita kong naghanda pa rin siya ng
extrang pagkain na siguradong para sa akin kaya naman napangiti ako.

Kunwari pa 'tong asawa kong saksakan ng seksi at ganda. Hindi rin naman
matitiis ang kagwapuhan ko.

Kasalukuyan kaming kumakain ng meryenda nang marinig naming nag-


iingay ang dorbel. Wala naman kaming inaasahang bisita pero tumayo pa
rin ako at pinagbuksan ng pinto kung sino man ang nandoon.

Bumungad sa akin ang nakakairitang mukha ng gagong si Lampe. Kasama


niya ang anak niyang si Azure na manang-mana ng kapogian sa nag-iisang
Tito Sebastian Lerwick niya.

"Baby Lampe, na-miss mo na naman ba ang kagwapuhan ko?" tanong ko


saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang gago at ang
anak niyang guwapo.

"Wengya! Baby Lerwick, kaya nga ako nagpunta rito para dalawin ka dahil
ramdam ko ang pagka-miss mo sa akin." Kumapit pa ito sa braso ko at
ipinatong ang ulo sa balikat ko.

Agad na inalis ko ang ulo nito gamit ang balikat ko kaya napahawak siya sa
ulo at umaktong nasasaktan.

"Ouch! Baby Lerwick, ganyan mo ba ko ka-miss? Gusto mo brutal?"


Malandi itong tumingin sa akin at ngumuso. Nandidiri akong lumayo at
bumalik sa puwesto kanina sa may kusina dahil baka kung anong mura pa
ang masabi ko, may bata pa naman.

"Max, what are you doing here? Hi, Azure!" deretsong tanong ng maganda
kong asawa sa gago niyang kapatid.
"Hello po, Tita," bati ng guwapo kong pamangkin kay Mei at saka humalik
sa pisngi nito.

Pagkatapos ay kaagad siyang lumapit kay Cody at nakihati sa kinakain nito.

"Gusto ko lang i-check kung okay pa ba si Baby Lerwick, baka puro


kasinungalingan ang lumalabas sa bunganga," sagot n'ong gagong si Lampe
kaya sinamaan ko ito ng tingin. Petengene! Aym an hanes person.

"Baby Lampe, kailanman hindi ako magsisinungaling sa maganda kong


asawa. Hansam pipol downt lai," taas noo ko pa itong sinabi na agad
ikinatawa ng gagong bisita.

"Tama po! Laying is bad po," pagsabat naman ni Cody. Mayabang kong
tiningnan si Lampe.

"Palibhasa hindi ka guwapo kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng


hanes," sabi ko pero umismid lang ito sa akin at ibinaling ang tingin kay
Mei.

"Ang totoo niyan ay may bago kaming gawang alak. Sa inyo ko muna
ipapatikim bago ko ilabas sa publiko." Inilabas nito ang dalang alak na agad
kong kinuha.

"Baby Lampe, baka may gayuma 'to. In lab naman na ako sa 'yo, yu don't
hab tu do dis." Tinapik ko ang balikat nito at pumunta sa mini bar ng bahay.
Binuksan ko ang alak at tinikman. Impernes, masarap.

"Baby Lerwick, ano masarap ba? O mas masarap pa rin ako?" tanong niya
kaya tumingin ako rito at nag-tambs ap..

"Masarap, Baby Lampe. Pero mas masarap ako." Naglagay pa ako ng alak
sa baso at tinakpan na ang bote. Dats ol por tudey.

"Ulol!" dinig kong sabi ni Lampe na ikinatawa ko na lang.

"Balita ko, uuwi na raw sina Lee sa susunod na taon," sabay kaming
tumingin ni Mei kay Lampe.
"Saan mo nakuha 'yang impormasyon na 'yan?" tanong ko, hindi naman ito
makapaniwala na tumingin sa akin.

"Anong silbi ng cellphone mo, Baby Lerwick? Pang-porn lang ba 'yan?"


Agad naman akong tumingin sa selpon at nakitang may message nga si Lee
sa grupchat ng mga gago.

"Mga 'tol, uuwi na kami r'yan sa susunod na taon." Napangiti naman ako
nang mabasa iyon at mabilis na nag-reply rito.

"Petengene! P're, marami ka ng mga utang sa amin!" Sinend ko ito saka ko


ibinaba ang selpon ko.

"Nasaan pala si Miss Amesyl? Bakit ikaw lang mag-isa ang pumunta rito?"
tanong ko kay Lampe na ngayon ay abala sa paglantak ng pagkaing
inihanda sa akin ni Mei.

"Busy...busy pagalitan si Amber. Alam n'yo naman sa akin nagmana ng


kagwapuhan at kagandahan ang kambal. Pero mamaya siguro ay susunod
na rin sila rito," sagot ni Lampe sa akin.

Ang bangis din naman talaga n'ong asawa ni Lampe na si Miss Amesyl.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Maaga kaming gumising para paghandaan ang nalalapit na gradweshon ng


panganay na anak namin ni Mei na si Kayden.

Abala ang ang maganda kong asawa sa pag-aayos ng toga na ibinigay


kahapon lang ng titser nila. Kailangan daw kasing galing sa iskul ang toga
at ibabalik na lamang pagkatapos ng ebent kaya hindi dapat iyon mabahiran
ng kahit anong mantsa o lukot.

Ampotek na 'yan! Ang dami palang ruls en reguleyshons para sa mga


ganyan e di sana bumili na lang kami. Para na rin remembrans, 'di ba?

Prawd na prawd kong pinagmamasdan ang panganay ko habang nakatayo


siya sa harap ng salamin at sinusubukang isuot iyong mortarbord.

"'Nak, aym so prawd op yu. Mana ka talaga sa akin," sabi ko. Nag-tambs ap
pa 'ko sa kanya at kumindat.

"Thanks, Erpat and Ermat for always supporting us." Ngumiti ito sa 'min.
Inakbayan ko ito at tinawag si Cody upang mag-pikshur teyking.

Minsan lang ang mga ganitong hapenings kaya hindi dapat namin
mapalampas na hindi ito nakukuhanan ng litrato.

Pinatabi ko si Cody sa kuya niya at sinabihang kukuhanan ko na sila ng


pikshur. Mabilis naman silang umayos ng tayo at ngumiti sa harap ng
kamera.

Poging-pogi sila sa mga suot nilang long islib at itim na pantalon. Pero
dahil nga ga-gradweyt ang panganay naming anak ni Mei ay matatakpan
mamaya iyong suot niya ng toga niya.

Normal lang naman maging prawd dahil dapat naman talaga


ipinagmamalaki ang kagandahang lahi ng mga Lerwick. Ipinagpatuloy ko
lang ang pagkuha ng pikshur sa kanila. Da mor da meriyer ika nga.

"Lerwick, that's enough. We will be late," saway naman ng maganda kong


asawa nang matapos kong kuhaan silang mag-iina ng litrato.

Petengene! Wala man lang akong pikshur na kasama sila? Dats anpeyr!

"Areglado, maganda kong asawa," sabi ko na lang dahil is der eni ader
choys? Mukhang wala naman. At isa pa, masunurin naman akong asawa.
Magkaibang-magkaiba ang ander sa masunurin. Kaya ngayon pa lang,
mabuti na ang klaro.

Shur din naman akong maraming potograpers ang nasa ebent mamaya.
Doon na lang ako magpapakuha ng sandamakmak na pikshurs kasama ang
pamilya ko.

Lumabas na ako ng bahay para tumungo sa kotse kong manang-mana sa


may-ari at pinainit ang makina n'on.

At habang naghihintay sa mag-iina ko ay tumingin ako sa reyr byu miror at


hinawi ang malambot kong buhok. Naka-sheyds pa ako na mas lalong
nakapagpadagdag sa kagwapuhan ko kahit ang totoo naman ay sagad na
sagad na. Ampupu! Ang guwapo mo guwapo talaga, Sebastian Lerwick. Ay
labyu.

Nang matanaw kong lumabas na ang mag-iina ko sa bahay ay mabilis


akong bumaba ng kotse at isa-isa silang pinagbuksan ng pinto.

Alam niyo naman, pader jutis!

Habang nagmamaneho ng kotse ay wiling-wili namang nagkukuwento sina


Kayden at Cody tungkol sa mga nangyari at ekspiryenses nila sa nagdaang
iskul yir.
Pasulyap-sulyap ako sa mga bata sa reyr byu miror habang nakikinig nang
mahagip ng mapupungay kong mga mata ang dalawang itim na sasakyan na
nakasunod sa magkabilang gilid namin.

Hindi ko naman muna ito pinagtuunan ng pansin dahil, pers op ol, baka
sadyang iisa lang talaga kami ng daang tinatahak at dahil na rin malayo-
layo pa ang interseksyon.

Sekond ay baka nami-miss ko lang ang mga akshon sins na ginagawa


namin noon kaya kung ano-ano ang nai-imajin ko dahil imposible naman na
sundan kami ng kung sinuman kung wala naman kaming inuumpisahang
gulo.

At isa pa...ilang taon na ring tahimik ang buhay namin kaya kumalma ka,
Sebastian Lerwick. Wala kang dapat ipangamba.

Nang makalagpas sa interseksyon ay nakahinga naman ako nang maluwag


dahil pagtingin ko sa sayd miror ay wala na 'yong mga sasakyang
nakasunod sa amin.

Pero nang makailang liko na ako ay nakita ko na namang nakasunod sa


amin sa likod ang mga iyon na para bang binabagalan lang nito ang
pagpapatakbo upang hindi kami makahalata.

Pero kapag guwapo, malakas ang pakiramdam kaya wala silang maloloko
rito.

Agad na akong kinutuban dahil sa mga nakasunod sa amin lalo na at may


mga nagsidatingang naka-motor na sa aking palagay ay kasamahan ng mga
ito.

Tengene.

Sinubukan kong mag-iba ng ruta para makompirma kung sinusundan nga


talaga kami dahil baka nagiging obertinker lang ako at may parada pala ng
mga motorista, 'di ba? Petengene talaga.
Nang sinubukan kong lumiko ulit sa kasalungat na direksyon ng dadaanan
namin dapat nang makarating ulit ng interseksyon ay nakita kong
nakasunod pa rin ito. Kaya naman mas lalo akong kinabahan.

Lalo na at kasama namin ang mga anak namin. Putapete, ang dami nila.

Pabalik-balik ang tingin ko sa daan at sa rerbyu miror upang bantayan ang


magiging sunod na galaw nitong mga nakasunod sa amin. Napansin siguro
ni Mei ang pagkabalisa ko at ang pag-iiba ko ng ruta kaya tinanong na ako
nito.

"Is anyone behind us?" tanong ni Mei. May nakakatakot na ngisi sa labi
niya ng tiningnan ko siya.

Pakshet, ma men! Asawa ko iyan!

Mukhang narinig din ng mga bata ang tanong na iyon ni Mei dahil nahinto
sila sa pag-uusap at tumingin sa amin. Nang tingnan ko naman sila ay
parang tsil na tsil lang sila sa likod at hindi man lang kakikitaan ng kaba.

"Baka po pulis 'yang mga nakasunod kasi ilegal na ang kapogiang taglay
natin kaya gusto na nila tayong arestuhin?" singit ni Cody sa pag-uusap
namin ni Mei.

Bangis talaga ng bunso ko. Petengene.

"We have run out of room for jokes, Cody. Kayden, tighten your seatbelts.
Kahit na ano'ng mangyari ay hindi kayo bababa ng sasakyan. Am I clear?"
seryosong sabi ni Mei kaya agad sumagot ang dalawang anak namin.

"Areglado, Ermat."

"Noted, Ermat."

Bumaling naman sa akin si Mei habang ako naman ay patuloy pa rin sa


pagmamaneho.

"Lerwick, bilisan mo ang pagmamaneho," utos nito sa akin. Bilang isang


guwapo at masunuring asawa ay sinunod ko naman ang sinabi niya.
Nang bilisan ko ang pagmamaneho ay binilisan din ng mga nakasunod sa
amin ang pagpapatakbo ng sinasakyan nila.

Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril galing sa likod at doon ko


lang napagtantong walang kabahayan dito. Mas lalo akong kinabahan dahil
nagsimula na silang paulanan kami ng bala.

"Duck and cover!" pasigaw na utos ni Mei sa mga bata. Ako naman ay
nagpatuloy lang sa pagmamaneho nang kabado. Petengene, masisira pa ang
gradweshon ng panganay kong guwapo.

"Dak, kober and hold, keds. Mukhang mapapasabak tayo sa bakbakan," sabi
ko pa sa mga bata. Nagtataka naman nila akong tiningnan.

"Lerwick, igilid mo ang sasakyan but continue driving," biglang sabi sa


akin ni Mei.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kinuha na niya sa kompartment ang


dalawang rebolber na nakatago roon. Kumuha rin siya ng ekstra
amyunishons.

Nang makahanap ng tiyempo ay binuksan na niya ang pinto ng pasenjer sit.


Bigla siyang tumalon pababa ng sasakyan at biglang gumulong sa may
damuhan. Syet! Ang angas ng asawa ko.

Nakita ko pang binaril niya 'yong lalaking nakasunod sa amin na naka-


motor at saktong natumba iyon sa harapan niya kaya kinuha niya ang motor
na iyon, sinakyan at pinaandar.

Sinundan din niya ang iba pang naka-motor at pinagbabaril ito. Sunod
niyang binaril ang mga gulong ng sasakyan na nakasunod pa rin sa amin
kaya nagpagewang-gewang ito sa daan.

"Ang kul po ni Ermat, Erpat!" dinig ko pang eksayted na sigaw ni Cody.

"Yumuko ka, Cody!" tarantang sabi ko dahil patuloy pa rin sa pagpapaulan


ng bala ang mga kalaban. Si Kayden naman ay tahimik lang at sinunod ang
utos kanina ng ermat niya.
Nakita kong nakasunod pa rin sa amin ang ibang mga sasakyan at marami
pang naka-motor ang ngayo'y sumusunod sa amin. Potek! Kanina kakaunti
lang ang mga 'to, ah?

Sunod-sunod na putok ng baril ang pinaulan sa gawi namin kung kaya't


gusto ko nang tulungan si Mei.

Parami na rin nang parami ang mga kalabang humahabol sa 'min.

"Putapete, kailangan na ng tulong ng ermat n'yo."

"Ako na lang po ang magda-drayb, erpat," suhestiyon ni Cody.

"Alam kong guwapo ka, 'nak, pero hindi sapat na guwapo lang para
makapag-drayb ng kotse, an—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pare-pareho kaming nagulat sa


narinig naming pagsabog.

"Syet! Ang ermat n'yo!"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil gusto kong lumabas upang
tulungan si Mei pero hindi ko puwedeng iwan ang mga anak ko.

Nang sumilip akong muli sa sayd miror ng sasakyan, nakita kong may isang
motor na nilalamon na ng apoy. Hula ko ay iyon ang narinig naming
sumabog kanina.

Kung sinuman man ang sakay n'on ay hindi namin alam.

"Erpat, ako na po kasi ang magda-drayb. Tutulungan ako ni Kuya!" may


halong eksaytment na sigaw sa akin ni Cody.

"Hindi rin marunong mag-drayb ang kuya mo, Cody. Mapapahamak kayo."

"Paano po si Ermat?"

Biglang may tumagos na bala sa kaliwang bahagi ng sasakyan. Buti na


lamang at agad na nakailag ang dalawa kong guwapong anak na minana sa
'kin ang pagkakaroon ng mabilis na replekses ng katawan.

Ay hab no ader choys kaya binuksan ko na ang glab kompartment na hindi


naman glab ang laman. Kinuha ko roon ang isang siks ints barel rebolber.

Nakita kong may naka-motor na lalaki sa gilid ng sasakyan namin at


nakaambang babaril na sa gawi ko kaya inunahan ko na at binaril ito.
Sapul! Walang kupas ka talaga, Lerwick.

Marami pang nakasunod na mga kalalakihang naka-motor sa amin kaya


mas nataranta ako lalo na at naaabutan na nila ang kotse ko. Hinigpitan ko
ang hawak sa manibela at inapakan ang akselereytor upang mas mapabilis
ang takbo ng kotse at hindi nila kami maabutan.

Ngunit mabilis din ang pagpapaandar ng mga nakasunod sa aming mga


motor kaya napamura na lang ako sa inis.

Pabalik-balik ang tingin ko sa daan, rerbyu miror, sayd miror at bintana ng


kotse upang abangan kung naabutan na ba kami ng mga kalaban.

Kapag may nakikita akong nasa bandang likod na ng kotse ay inilalabas ko


ang isa kong kamay sa bintana saka itinututok sa may bandang likuran kung
nasaan ang kalaban at binabaril ito habang nakatingin lang sa sayd miror.

Pero aaminin kong guwapo man ako ay nahihirapan din. Petengene! Hindi
ako puwedeng magpatuloy na makipagbarilan sa mga 'to habang sinasabay
ang pagda-drayb. Masyado na silang marami at mahirap makipagsabayan.

"Erpat, ako na nga kasi po ang magda-drayb," rinig kong sabi na naman ni
Cody nang isara ko ulit ang bintana ng drayber sit.

"Hindi, Cody."

"Ako magda-drayb o ako ang makikipagbarilan?!" sigaw ni Cody sa akin


dahil natataranta na rin sa nangyayari.

"Petengene, 'nak," napapabuntonghininga kong sabi.


"Jas tras mi. Wi wil be olrayt, Erpat," dagdag na pangungumbinsi pa nito sa
akin.

Wala na 'kong ibang opshon. Pinakuha ko kay Kayden ang isang raypol na
nakatago sa likod ng sasakyan at isang pistol naman ang tinago ko sa gilid
ng pantalong suot ko. Wi keym preperd.

Lumipat na ako sa baksit at ipinaubaya ko na kay Cody ang pagmamaneho


saka ko binuksan ang pinto ng sasakyan sa baksit, inilabas ang aper badi ko
at pinagbabaril na lahat ng nakasunod sa amin. Parang lasing ang
nagmamaneho at nagpapagewang-gewang ang kotse. Pero kahit ganoon ay
nakakabaril pa rin ako nang maayos at sumasapul pa nga sa ulo at dibdib ng
kalaban.

Hinanap naman ng mga mata ko si Mei na nakita kong nakasunod sa mga


kalaban. Mabuti naman at seyp siya. Nasa gilid na bahagi siya ng kalsada
kung saan ay hindi siya kaagad makikita ng mga kalaban habang nakasakay
pa rin sa motor at patuloy pa rin ang pagbaril sa mga nakasunod sa amin
kaya kaunti na lang ang natitira. Wew, akala ko mabubiyudo ang guwapong
ako nang maaga.

Nagpatuloy lang ako sa pagbaril at kapag binabaril nila ako ay agad akong
pumapasok sa loob ng sasakyan. Guwapo lang ako pero hindi naman ako
buletprup kaya marunong din akong magtago.

Nang sumilip ako ay nakita kong dalawa na lang ang natitira. Ang nagda-
drayb ng sasakyang kanina pa sumusunod sa amin, at ang isang nasa
shatgan sit na bumabaril.

Nag-relowd ako ng bala sa gamit kong raypol saka ako lumabas ulit at
niratratan ang sasakyan nila. Nakita kong umusok ang sasakyan kung kaya't
mas pinaulanan ko pa ito ng bala at doon ay narinig ko ang pagsabog
kasabay ng pagbangga ng kotse namin sa puno dahil nataranta si Cody.

Ampotek!
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Ampotek!

Mabuti na lang at hindi malakas ang impak ng pagkakabangga namin kaya


maayos naman ang lagay naming tatlo.

Lumapit si Mei sa kinaroroonan namin at bumaba na sa motor na


sinasakyan niya.

"How are you feeling? Nasugatan ba kayo? May masakit ba sa inyo?"


sunod-sunod na tanong ni Mei at bisibol ang pag-aalala sa mukha nito.

Nag-tambs ap naman ang bunso ko at tumango ang panganay kong


parehong guwapo.

"Guwapong-guwapo pa rin po, Ermat."

"I'm fine, Ermat. You don't have to worry."

Nang makitang nasa maayos na lagay naman kaming apat, doon ko lang na-
reyalays na—

"Paksyet. Leyt na pala tayo sa gradweshon ni Kayden," sabi ko kaya


nagsitinginan sila sa akin.

Sinulyapan ko ng tingin ang kotseng dala namin at mukhang hindi na 'to


puwedemg magamit sa ngayon. "Mauna na muna kayo ni Kayden at kami
naman ni Cody ay maghihintay na lang ng dadaang sasakyan dito."
"Are you sure, Lerwick?" paninigurado ni Mei. Nginitian ko naman ang
maganda kong asawa bilang tugon.

"Oo naman, Mei. Hindi pupuwedeng ma-leyt ang wit hayes onor natin.
Tengene, prayd ng Lerwick 'yan!"

Agad namang sumakay sina Mei at Kayden sa motor na kinuha lang kanina
ni Mei roon sa sumusunod sa amin. Akalain mong nagkaroon pa ng
purpows 'yon.

Pagkaalis ng mag-ina ko ay nagsimula na kaming maglakad ni Cody.

"Erpat, saan po tayo sasakay?"

Napaisip ako sa sinabi ni Cody kaya pagkarating namin sa haywey ay


naghintay muna kami kung may dadaan.

"Erpat," tawag ulit sa akin ni Cody pero hindi ko muna siya pinansin dahil
iniisip ko kung paano kami sasakay.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring may mabuting loob na
nagpapasakay sa amin. Ayaw ba nila sa mga pinagpalang lubos sa ngalan
ng kagandahang lalaki? Petengene, hindi na yata kami makakaabot sa
gradweyshon seremoni ng panganay ko.

"Kailangan na yata nating mag-isip ng magandang istrateji." Tiningnan


naman ako ni Cody habang nag-iisip ako ng puwedeng gawin.

"Ay hab a brayt aydeya," sabi ko rito. Napatingin naman siya sa 'kin.

"Erpat, syur ka po bang tama 'to?" tanong niya habang kunwaring


nakaalalay sa 'kin. Ako naman ay nakasuot ng sheyds at may hawak na
kahoy bilang tungkod.

"Natural na sa Pinoy ang pagiging matulungin kaya syurbol akong may


magpapasakay na sa 'tin sa ganitong get ap," konpident kong sabi sa kan'ya.
Kunwari pa akong naglakad na ginamit bilang gayd ang tungkod na
nahanap namin ni Cody sa gilid kanina. Habang si Cody naman ay
kunwaring nakaalalay sa 'kin.

Maya-maya pa ay nagsalita na si Cody.

"Erpat, nangangalay na po ako. Wala pa naman pong tumitigil na


sasakyan," reklamo ni Cody dahil ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa
ring nagpapasakay sa 'min.

"Mukhang hindi epektib ang plano natin 'nak," sabi ko.

"Kung ang gawin kaya natin ay..."

Inaayos na namin ni Cody ang praps na napulot namin dito sa kalye.


Petengene. Hahamakin ang lahat, makaabot lamang kami sa gradweyshon
ng panganay ko.

Nakahanap kami ng lata at tambol kaya inayos namin ito sa mas may
dumadaang sasakyan.

"Sisimulan na po ba natin, Erpat?" Kahit labag sa loob ni Cody ay ginawa


niya pa rin.

"Lesgow!"

Nagsimula nang magtambol si Cody. Para kaming 'yong mga batang


nagtatambol at namamalimos sa mga jip.

Maya-maya pa ay sinimulan niyang kumanta na sasabayan ko sana pero


natawa ako sa choys op song niya.

"Kapag ako'y nababato,

Pinaglalaruan ko ang berdi ko.

Ang kyut kyut naman kasi,


Kaya ko siya binili.

May berdi is may bespren..."

"May bespren," sekond boys ko rito. Nagpatuloy naman siya sa pagkanta.


Petengene.

"Ang dami naming maliligayang sandali,

Madalas ko siyang pinapakain ng berdsid.

Mahal kita, oh berdi ko, 'wag kang lalayo!" Pil na pil pa nito ang pagkanta
nang hindi man lang alam ang ibig sabihin ng kinakanta niya. Putapete.
Mananagot ako nito kay Mei.

"Downt tats may berdi.

Resist tempteyshon, plis..." Tinapos niya muna ang buong korus ng kanta
bago nagbago ang bit ng pagtambol niya.

"Tats bay tats, yor may oltaym laber," panimula nito. Paksyet! Bangis!

Hindi pa man nasusundan ng kasunod na liriks ay biglang may tumigil na


sasakyan sa harapan namin. Sumenyas naman ako kay Cody na kausapin
ang drayber na nasa loob.

"Tulungan n'yo po kami," pagmamakaawa ng pogi kong bunso rito. Natawa


naman ako kasi para naman kaming nasalanta ng kung ano mang sakuna sa
paraan niya ng paghingi ng tulong.

"Sasakay lang sana kami hanggang iskul, boss. Kung pahihintulutan n'yo
kami," dugtong ko sa sinabi ni Cody. Tiningnan naman kami ng drayber na
may nagdududang mga mata.

"Baka mga kriminal kayo?" biglang tanong nito sa amin.

"Bakit pa nga naman ako nagtatanong eh halata naman sa mga itsura n'yong
mukha kayong mga kriminal," dugtong pa nito. Ampupu, sa guwapo
naming 'to? Eh, kung pasabugin ko kaya bungo ng gagong 'to?
"Oh, ito. Sampung piso. Limos ko na sa inyo," sabi pa nito at biglang
pinaharurot ang sasakyan niya.

"Ampotek. Kung hindi lang marami ang taong naglalakad dito kanina, baka
pinaglalamayan na ang katawan n'on mamaya," pikon na bulong ko.
Narinig naman iyon ni Cody kaya nagsalita na siya.

"Tsil ka lang, Erpat. Makakapunta rin tayo sa iskul. Ano na po ang neks
plan natin?"

Habang nag-iisip ako ng neks plan namin ay tiningnan ko nang maigi si


Cody tapos napaisip sa kasunod na gagawin naming gimik.

"E-erpat parang kinakabahan po ako r'yan..."

Nginitian ko si Cody bago nagsalita. "Ituloy mo lang ang pagtatambol mo


tapos ako naman ay pupunta sa gitna ng kalsada pupwesto para magbantay
ng sasakyan." Tumango si Cody at nagsimula nang magtambol at ako
naman ay pumunta sa kalsada at humiga.

"Syur ka na po ba sa desisyon mong 'yan, Erpat?" nagdududang tanong sa


akin ni Cody at napakamot ito sa ulo niya.

"Petengene. Duda ka ba sa guwapo mong erpat? Epektib ito, pramis," sagot


ko at saka ko inayos ang pagkahiga ko sa kalsada. Medyo kabado pa 'ko sa
ginagawa kong 'to pero inisip ko na lang na dapat ay makaatend pa rin ako
sa gradweyshon ni Kayden. Beter leyt dan neber!

"Gusto mo po bang samahan kita riyan, Erpat?"

Akmang lalapit ito sa akin pero pinigilan ko. "D'yan ka lang at magtambol.
Kunwari'y mamalimos ka pa para mas epektib pagpapaawa," pagbibigay ko
ng instrakshon sa kanya.

Ilang minuto na ang nagdaan ay wala pa ring sasakyan dahil ang lugar na
ito ay minsan lang kung daanan ng mga sasakyan dahil masyadong
magubat. Siguro 'yong mga bumabiyahe sa malayo ay napapadaan dito. O
kaya ay mga may pupuntahang lugar na dapat ay itong ruta talagang ito ang
tatahakin.

Pero kung mga normal na lakad lang naman ay wala talagang


magtatangkang dumaan dito. May kaunting kabahayan sa paligid pero
malalayo rin ang distansya sa bawat isa.

Tiningnan ko si Cody na tuloy pa rin sa pagtambol niya.

"Gudjab ka riyan, anak. Ituloy mo lang 'yan," sabi ko rito. Tumayo na rin
ako dahil wala rin naman akong napapala sa pahiga-higa ko sa kalsada. At
na-reyalays kong...mukha na pala akong guwapong tanga.

Pero at lis guwapo pa rin.

"Sige lang, Cody. Ituloy mo lang 'yan," pagtsi-chir ap ko sa kanya habang


nasa tabi niya.

Bahagya niya pa akong sinamaan ng tingin. "Eh, kung sa isang puwesto na


lang kaya tayo, Erpat?"

Nagpalinga-linga ako malapit sa puwesto namin bago makakita ng mga


karton na nasa tabi lang at doon pinapuwesto si Cody.

Pinaupo ko siya roon kahit na halata sa mukha niya na ayaw niya at


nagsimula na siyang magtambol ulit.

May mga dumaraan na magpapamilya, pero tatapunan nila kami sandali ng


tingin bago ilayo sa amin ang mga anak nila. Petengene! Mukha ba kaming
gagawa ng masama sa inyo? Pero sabagay, kani-kanina lang eh ilang
kalalakihan din ang kinitilan namin ng buhay.

"Cody, kumanta ka nga ulit at samahan mo na rin ng pagtatambol," utos ko


bago umupo sa tabi niya.

Bumuntonghininga siya bago biglaang pasigaw na kumanta.

"Ay wana wis yu a meri krismas!" Kanta niya habang nagtatatambol pa rin.
"Ay wana wis yu a meri krismas pram da botom op may hart!"
May aleng nakabelo na napadaan sa harap namin at nagbigay ng bente
pesos. "Mag-iingat kayo, rito. Maraming manderekwat dito at baka kunin
pa 'yang bente pesos na meron kayo," sabi nito. Binigay ko naman kay
Cody ang bente. Nalingat lang kami saglit ay nakaalis na 'yong ale.

"Ang kripi naman niya, Erpat," bulong ni Cody sa akin bago ipinagpatuloy
ang pagtatatambol.

May dumaang lalaki at mukhang gusto kaming kausapin. Pero maya-maya


lang ay bigla nitong kinuha ang bente pesos sa kamay ni Cody.

Watdapak?! Ayon na ba iyong sinasabi n'ong ale na mangunguha ng bente


pesos? Ampupu! 'Di bale na nga.

"Erpat, kung maglakad-lakad po tayo at baka may makasalubong tayong


mga tao o kaya ay sasakyan," sadjeschon ni Cody sa akin pagkatapos
naming makuhaan ng bente. Aba naman, napakatalino ng anak ko. Sa akin
talaga nagmana.

Tumayo na ako at nagpagpag. Habang naglalakad kami ay may mga


nakakasalubong kaming tao. Hinaharang namin sila para manghingi ng
tulong, pero, petengene! Puro lang sama ng tingin ang ibinibigay nila sa
amin ng anak kong guwapo.

Hinawakan ko na ang kamay ni Cody habang ang isang kamay niya ay


hawak ang lata. Petengene kasi naiwan ko 'yong selpon at wallet ko. Kung
nasa akin lang 'yon ay hindi sana kami mahihirapan.

"Erpat, pagod na po ako. Matagal pa po ba tayo?" tanong sa akin ni Cody.

"Sa tingin ko ay malapit-lapit na tayo sa bayan, Cody. Tapos doon tayo


manghingi ng tulong." Tumango ito sa akin at hinila na ako. "Tara na po,
Erpat at nang makahabol po tayo sa gradweshon ni utol."

Ilang metro ang nilakad namin bago makarating sa pinakamalapit na bayan.


Si Cody naman ay natuwa sa nakita niya na para bang unang beses niyang
makakita ng mga bahay at tao. Hinila pa nito ang kamay ko sa sobrang
eksaytment.
"Teka lang, 'nak. Baka bigla tayong pagkaguluhan dahil sa taglay nating
karisma," tumango ito sa akin.

"May poynt ka po riyan, Erpat," pagsang-ayon nito sa 'kin.

"Pero hayaan ninyo na po. Tara na po at nang makaalis na tayo. Para na rin
po akong sumabak ulit sa mishon katulad ng ginawa namin sa kruship dahil
sa mga nangyari."

Bigla naman akong naawa dahil halata na sa mukha nito ang pagod.
Pinasampa ko naman siya sa likod ko para buhat-buhat ko na lang siya
habang naghihintay kaming may magpasakay sa amin. Nagtaka naman
kaming pareho dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Erpat, bakit po tayo pinagtitinginan?"

"Baka ngayon lang sila nakakita ng guwapo, 'nak."

"Aba'y, ine. Ang gaguwapo n'yo naman. Ano bang nangyari sa inyo?"
tanong sa amin ng may edad na babae. Mukhang mabait naman dahil
pinaupo niya kami ni Cody.

"Na-holdap po kami habang nasa daan. Kinuha po ang mga gamit namin
kaya wala po kaming ibang choys kundi ang manglimos sana para makauwi
po," malungkot na sinabi ni Cody sa tindera kaya dalang-dala ito.
Napakahusay mo, anak! Manang-mana ka sa guwapo mong ama.

"Aba'y oo nga pala at bali-balita talaga rito na marami ang kaso ng


holdapan at nakawan. Dapat ay ni-report ninyo sa pulis. Hala, sige. Ito at
may turon dito. Magmeryenda muna kayo at mukhang nagugutom na
kayo."

Kukunin sana ni Cody ngunit pinigilan ko siya dahil wala naman kaming
pambayad petengene.

Pinasampa ko na ulit si Cody sa likod ko. "Saan na po tayo pupunta?"


tanong nito.
"Maghahanap pa rin ng magmamagandang-loob na tumulong sa ating
makarating sa iskul ninyo ng kuya mo," sabi ko rito.

"Oo nga po, Erpat. Baka po ay nag-aalala na sila."


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Tumagal pa bago kami tuluyang makahanap ng masasakyan. Mayroon


kaming naparang pampasaherong dyip. Dahil sa dami ng puwedeng
makalimutan ay wallet ko pa, wala kaming ipinamasahe kung kaya't
nakiusap kami sa drayber na magpapaka-konduktor na lang muna hanggang
sa makarating kami sa iskul.

Ilang pilit pa ang ginawa namin wid maching pagpapaawa ni Cody bago
kami pagbigyan.

Pagkababa namin sa iskul ay nakita ko na palabas na ang mga bata at mga


magulang nila kaya hinanap agad namin sina Mei at Kayden. Sa dami ng
tao ay hindi agad namin nahanap sina Mei at Kayden.

"Mukhang leyt na po talaga tayo, Erpat," sabi ni Cody habang naglalakad


kami. Maya-maya ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ganito ba naman
kagagandang lalaki ang dadaan sa harap ninyo, 'di ba? Sinong hindi
mapapatingin?

"Kailangan nating mahanap ang ermat at kuya mo. Baka kanina pa nila tayo
hinihintay." Baka nami-miss na ako ng maganda kong asawa.

Nakita namin sila ni Cody sa isang weyting erya. Parang may tinatawagan
si Mei kaso mukhang hindi niya makontak dahil bisibol sa mukha nito ang
pagkainip na may halong pag-aalala.

Lumapit na kami ni Cody sa kanila at binati sila. "Congrats, anak kong


guwapo!" masayang bati ko kay Kayden nang makalapit kami sa kanila. Si
Kayden naman ay ngumiti.
"Thanks, Erpat. Katatapos lang po ng graduation ko."

"What took you so long, Lerwick?" tanong ni Mei. Sasagutin ko na sana


nang bigla namang batiin ni Cody si Kayden.

"Kuya, kongrats! As yor brader, aym so prawd op yu." Itinaas ni Cody ang
kamay na gustong makipag-apir na agad namang sinang-ayunan ng kapatid.

"Thanks, Cody."

Paynali...

"Bakit ang tagal ninyo?" pag-Tagalog ni Mei sa tanong niya kanina.


Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa.

"And why do you look so filthy? Saan ba kayo nagsususuot?" Napakamot


na lang kami ng ulo ni Cody at ako na ang nagpaliwanag sa nangyari.

Matapos kong ikuwento ang pinagdaanan namin ni Cody ngayong araw ay


lumapit ako sa panganay ko at ginulo ang buhok nito. Petengene, prawd na
prawd ako sa mga anak ko.

Nakakuha si Kayden ng apat na medalya, hindi pa kasama r'yan ang ekstra


kurikulars na nakukuha niya sa pagsali niya sa mga ebent at isports ng
iskul.

Palabas na sana kami ng iskul nang may lumapit sa 'ming dalawang batang
babae.

"Hi, Kayden. Congrats, ha!" May ngiti ang mga ito sa kanilang mga labi
habang binabati ang panganay naming anak. Binigyan pa nila ito ng tag-
isang bulaklak. Aba matinde! Babae na ang nagbibigay ng bulaklak sa
panahon ngayon. Iba talaga ang karisma ng isang Lerwick.

"Thanks." Malugod na tinanggap naman ng anak namin ni Mei ang mga


bulaklak. Kinilig pa nga iyong dalawang bata at nagpaalam na pupunta na
raw sa kani-kanilang mga magulang.
"Aba nga naman at tsumi-chiks na 'tong anak natin, maganda kong asawa,"
prawd na prawd ko itong tiningnan at pil na pil na nagbibinata na ang
aming anak.

"Lerwick!" Halatang sa naiinis na paraan ang pagkakatawag sa guwapo


naming apelyido ng maganda kong asawa kaya natawa na lang ako.

"Biro lang." Napakamot pa ako sa ulo at tumahimik. Hindi nga ako ander,
ayoko lang matulog sa labas.

"Ermat, ako po may gerl." Napatingin naman kaming dalawa ni Mei sa


bunso naming anak na si Cody na ang laki ng ngiti sa amin ngayon.

"Don't screw around, son. Hindi ka pa tuli, so no girls muna." Napatahimik


naman si Cody sa sinabi ng ermat niyang ubod ng seksi at ganda.

Naka-iskedyul na ang tuli ni Cody ngayong bakasyon mas maigi kasi kung
walang pasok ang pagtutuli rito upang hindi mahirapan gumalaw-galaw.
Ganoon din si Kayden noong tinuli siya.

Nag-taxi na lang kaming apat pauwi sa bahay dahil nasira ang kotse namin
sa nangyaring bakbakan kanina.

"Erpat, nagugutom na po ako," sabi ni Cody habang nasa loob kami ng taxi.
Napahawak pa ito sa tiyan niya.

"Malapit na rin tayo sa bahay, kaunting tiis na lang," sabi ko kay Cody
habang hinimas ang buhok niya. Sina Mei naman ay nakaidlip sa tabi ko.
Dala na rin siguro ng pagod.

Pagkauwi ay agad na bumungad sa amin ang baner na may nakalagay na


"Congratulations, Kayden Lerwick". Maayos na rin ang lahat ng mga iba
pang desayn, maging ang mga pagkain na para sa mga bisita. Mga bisita na
lang talaga ang kulang.

"Yo, Sis! Ayos na ba itong ginawa namin ni Boul?" tanong ng gagong si


Lampe. Lumingon pa ito sa direksyon ko kaya kinagat ko ang labi ko at
kumindat sa kanya.

Ngumisi naman ito ng nakakaloko at saka lumapit sa akin, ampotek!

Hinawakan niya ang matigas na dibdib ko sabay sabing, "Baby Lerwick,


nandito na ako. Puwede mo nang pagnasaan ang katawan ko." Pinisil ko
naman ang nipol nitong natatakpan ng damit kaya napamura siya

"Ikaw talaga, Baby Lampe, puwede ka naman mag-rekwes sa akin kung


gusto mong masolo ang katawan ko. Kahit nasa kusina pa tayo ay hinding-
hindi kita hihindian." Ngumuso pa ako at akmang hahalikan ito ng agad
itong lumayo at nanginig na parang nandidiri.

"Kadiri, wengya!" sabi nito at saka mabilis na naglakad palabas ng kusina.


Nakita ko naman si Boul na bising-bisi sa pagpupunas ng lamesa.

"'Tol, ano kaya mo pa ba? Parang ang lalim ng iniisip mo, ah." Lumingon
naman ito sa akin nang marinig ang sinabi ko.

"Busy ako, p're," tipid na sagot niya at ibinalik ang atensyon sa pagpupunas
ng lamesa. May katulong naman kami bakit siya ang nagpupunas ng
lamesa.

Hindi naman kami nag-imbita ng maraming bisita. Roswells at Yaji lang


naman ang imbitado pero s'yempre kasama sina Lewis, iyong kapatid ni
Miss Amesyl. Imbitado rin si Shin at asawa nitong si Piniks.

Si Lionhart at ang asawa nitong matalik na kaibigan ng maganda at seksi


kong asawa.

Hindi pa sila dumarating dahil maaga pa naman at nag-aayos pa rin kami ng


gamit. Habang si Mei ay kinokontak ang ibang magke-keyter.

Si Kayden ay tumutulong sa pagbubuhat ng mangilan-ngilang gamit habang


si Cody naman ay ano pa ba? E di kalaro ang pinsang si Azure.

"Azure, ga-gradweyt na rin tayo neks yir. Nae-eksayt na ako. Gusto ko ring
may sinasabit sa leeg ko," masayang sabi nito.
Baraha ang nilalaro ng dalawa at pinagtagpi-tagpi ang magkakaparehang
baraha ngunit may tagong isa na kung saan kung sino ang may barahang
kapareha ng tago ay siyang tatawaging unggoy senyales na talo na ito.

"Ako rin, pero alam ko naman na magiging best in kagwapuhan ako. May
medal din kaya iyon?" tanong naman ng guwapo kong pamangkin. Inilagay
ni Cody ang kamay sa baba at tumingin sa taas na parang nag-iisip.

"Wala naman yata kasi hindi naman iyon pinag-aaralan, hindi ba? Nasa lahi
natin iyon." Itinuro pa ni Cody si Azure at tumango-tango habang
nakangiti. Sinang-ayunan naman ito ni Azure at nagpatuloy na sila sa
paglalaro.

Alas tres y medya nang dumating sina bossing at Ma'am Aemie kasunod
ang iba pang mga bisita. Inayos ko ang kakapalit ko lang na polo dahil
putapepe at sobrang dungis nga talagang tignan ng guwapo kong mukha
kanina.

Pero kahit naman ganoon ay pres pa rin naman ang amoy ko. Amoy
pinakaguwapong nilalang sa mundo kahit nagawa kong magmukhang
poging tangang humiga sa kalsada. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko
iyon nagawa pero paksyet talaga.

"Congratulations," sabi ni bossing na may kasama pang pagtapik sa balikat.


Napatayo tuloy ako nang maayos. Ampupu!

"Dong! Bakit ka nag-congratulations kay Sebastian? Hindi naman siya ang


grumaduate, 'di ba?" Nakakunot naman ang noo ni Miss Aemie at halatang
nag-iisip ngayon nang malalim.

Ilang saglit pa ay mabilis niya akong nilingon kaya bahagya akong


napalunok.

"OMG! Nag-aral ka ba ulit? Classmates ba kayo ni Kayden? Pero...tama


'yan, Sebastian, hindi dapat maging sagabal ang edad o kahit na anuman sa
pangarap na makapagtapos ng pag-aaral," makahulugang sabi niya.
"Ms. Aemie, hindi na ko nag-aaral. Matagal na akong gwadweyt. Baka
pagkaguluhan lang kagwapuhan ko roon," sagot ko na parang hindi naman
niya narinig dahil nakakunot pa rin ang noo ni Ms. Aemie.

Tinapik nang mahina ni Ms. Aemie ang balikat ko at saka muling nagsalita,
"Okay lang 'yan, Sebastian. Hindi mo kailangang mahiya dahil tayo-tayo
lang naman ang may alam." Ampupu!

Hindi na lang ako muling nagsalita para hindi na humaba pa ang usapan
bagkus ay ngumiti ako sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik na may
pagtango pa.

Nang makumpleto na ang lahat ng mga bisita, maliban s'yempre doon sa


mga nasa ibang bansa na sina Lee ay kumain na kami nang sabay-sabay.
Nasa isang malaking lamesa lamang kami, kumakain habang panay ang
kwentuhan.

Ang mga bata ay nagpaalam na maglalaro dahil tapos na silang kumain


kaya pinayagan naman namin.

Habang nag-uusap at kumakain sa kusina ay nakarinig kami ng tunog ng


doorbell kaya nagkatinginan kaming lahat. Tumayo si Mei at lumingon sa
amin.

"I'll just open the door. Excuse me."

Maya-maya ay nakarinig kaming may kausap si Mei na pamilyar ang boses.


Nagkatinginan naman kaming tatlo habang si bossing naman ay bisi pa rin
sa pagsubo kay Ms. Aemie.

"Aba. Hoy, unggoy! Saan ka na naman pupunta at hindi ka makapakali


r'yan sa puwesto mo?!" bulyaw ni Miss Amesyl kay Lampe kaya
napakamot ito ng ulo.

"Babylabs naman. May sasalubungin lang akong kaibigan na sigurado


akong na-miss makita ang guwapo kong mukha," mayabang na sagot nito.
Petengene.

"Ge."

Tumayo na ako para tingnan at kumpirmahin kung sino ang kausap ni Mei.
Sumama rin si Lampe dahil kyuryus ang gago. Habang naglalakad kami ay
nakarinig kami ng boses kaya dali-dali kaming nagtago sa gilid kung saan
medyo tanaw namin sila.

"Oo nga. Ilang taon na rin ang lumipas. Ang tagal na rin Mei."

"Come here, Lindsay. Meet your titos and titas." Nakita namin ni Lampe
ang babaeng anak nila na nakangiti sa kanila.

"Baby Lerwick, alam ko na gusto mo akong laging nakadikit sa 'yo. Pero,


wengya. Ang init, ah." Paano naman kasi nakadagan ako kay Lampe. Hindi
ko rin alam kung bakit nagtago kami bigla.

"Kasi nandito ako, Baby Lampe kaya nag-iinit pakiramdam mo," sabi ko
rito sabay himas sa dibdib niya at kagat sa ibabang labi ko.

"Mukha kayong tanga r'yan." Hindi namin namalayan na nakasilip na sina


Mei at Lee sa amin. Ganoon din si Posha at ang anak nito. Petengene,
nahuli pa kami sa akto.

"What are—" Hindi na natapos ni Mei ang sasabihin niya dahil inunahan ko
na siyang magsalita.

"May nililinis lang kami ni Lampe rito. Tingnan mo, Mei. Ang daming
sapot," Palusot ko habang kunwaring tinatanggal ang mga imbisibol sapot
dito sa pinagtaguan namin ni Mei.

Ewan ko kung saan nakuha ni Lampe 'yong inabot niyang walis sa 'kin.
Nagsimula na rin kaming magwalis ng mga hindi makitang alikabok.

"Pakshet, kailangan na pala nating mag-jeneral klining."

"Pft. Wala pa rin kayong pinagbago, mga gago," sabi ni Lee.


"Don't mind them. Let's go to the dining area," aya ni Mei kina Lee na
nagpipigil ng tawa dahil sa nangyari.

"Petengene."

Sumunod na kami ni Lampe sa kanila at kani-kaniya kaming umupo sa


upuan.

"Boss," bati ni Lee kay bossing na tinanguan lang ito.

"Ito na pala si Lindsay? Wengya, manang-mana talaga sa 'kin ang batang


'to," sabay iling ni Lampe habang sinasabi niya 'yan.

"Mahiya ka naman, Baby Lampe. Tingnan mo naman at sa akin talaga


nagmana si Lindsay."

"Eh? Ibig bang sabihin n'on eh kayo ang ama ni Lindsay? Nagtaksil si
guardian angel?" gulat na tanong ni Miss Aemie. Ampupu.

"It's not like that, wife. Stop listening to their nonsensical things," sabi
naman ni bossing kay Miss Aemie. Napanguso na lang ito at saka muling
sumubo ng pagkain.

Tumingin naman sa amin si Lindsay na para bang nagtataka pa sa pinag-


uusapan namin.

"Mom, what are they talking about?" bulong nito kay Posha pero rinig pa
rin naman namin.

Oo nga pala at import ng Amerika ang isang 'to.

"Bakit kayo nagtatawanan? Nababaliw na ba sila, Dong? Hehe." Si Miss


Aemie 'yan, s'yempre.

Binaba ko ang dalawang bote ng wayn. Galing pa ito kina Lee. Pasalubong
nila sa amin.
"Wow, Domaine Leroy Musigny Grand Cru, Cote de Nuits. Mamahaling
klase ito, ah? Bihira lang kumukuha ng ganito sa 'kin pero bigatin. Katulad
ni Mr. Roswell," sabi ni Lampe habang pinagmamasdan ang dalawang Do
—basta 'yon.

"Mukhang bigatin ka na rin, p're, ah." Tinapik-tapik pa ni Lampe ang


balikat ni Lee. Tinawanan lang siya ni Lee.

"Kumusta na kayo, mga 'tol? Tagal na rin, ah."

"Ito, guwapo pa rin."

"Ito, ubod pa rin ng kapogian sa katawan."

"Gago, mga walang pinagbago."

Nagtawanan naman kami at nagsimulang magkuwentuhan sa mga nangyari


sa nagdaang taon.

"Nahihirapan na nga akong maging guwapo. Biruin ninyo at merid na


istatus ko pero sinusundan pa rin ng chiks ang isang Sebastian Lerwick,"
prawd na sabi ko pa. Pero mukhang pagsisisihan ko rin dahil masama na
ang tingin sa 'kin ni Mei.

"Wew, mukhang may matutulog sa labas mamaya."

"Ako na ang bahala sa hihigaan mong karton, 'tol. Maliit na tulong lang
'yon pero sapat na sa 'yong pangangailangan."

"Ipagdadasal ko na lang na hindi ka na maging under sa kapatid ko, Baby


Lerwick."

"Ulol!" sigaw ko sa mga gago.

Napuno ng tawanan ang aming dayning erya habang umiinom pero hindi pa
rin nawawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Petengene. Sino kaya ang mga humahabol sa amin? Wala akong inaasahang
bakbakan ngayon dahil ilang taong tahimik ang mga buhay namin at walang
masyadong ganap.

"Mukha malalim 'yang iniisip mo Lerwick?" Napatingin ako sa nagsalita. Si


Lampe pala.

"Iniisip ko kasi kung bakit sa dami ng puwedeng pagpalain ng ganitong


mukha, ako pa ang napili," biro ko rito.

Pero kung sino man 'yon, sigurado akong babala pa lang 'yon sa mga
susunod na maaari pang mangyari dahil mukhang walang intenshon na
tuluyan kami kanina.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko nang biglang tumunog nang


pagkalakas-lakas ang selpon ko. Hindi iyon iyong regular na ringtown ko
kaya napabalikwas ako ng bangon at mabilis na dinampot ang selpon ko na
nasa bedsayd teybol.

Petengene. Ringtown iyon na sinet ko kapag si bossing ang tumatawag.

1 unread message

SMS from Bossing: Meeting. Now.

May naka-atats pa roong adres ng isang restawran na nasa kabilang shudad


pa. Bigla naman akong napabangon mula sa aking pagkakahiga na
nakapagpahilo sa akin nang bahagya. Pakingsyet!

Ano kaya ang meron?

Nag-chek ako ng grup chat naming Roswells para malaman kung nag-teks
din ba sa kanila si bossing. Kapag ganito kasing nagme-meseds sa amin si
Bossing ay bigla na lang mag-iingay 'tong jisi at makikipag-asaran sa isa't
isa kung sino ang bibilhan ng kabaong dahil leyt.

Pero pispul naman ang jisi kaya naman nakumpirma ko na ako lang ang
may teks meseds na ganito.

Pakingshet! Dumagundong tuloy ang dibdib ko sa kaba. Mukhang alam ko


na kung tungkol saan ito.
Dumeretso na ako sa banyo sa loob ng aming kuwarto ni Mei at naligo nang
mabilis upang pakalmahin ang aking sarili dahil kinakabahan ako.

Basa pa ang buhok ko nang matapos akong mag-ayos. Hindi ako puwedeng
magtagal sa pag-aayos dahil malilintikan na naman ang guwapong ako kay
bossing kapag na-leyt ako. Guwapong mukha naman ang bubungad sa
kanya kaya sapat na iyon. Chusi ka pa ba sa mukha ng nag-iisang
Sebastian Lerwick?

Hinanap ko muna si Mei upang magpaalam. Nakita ko siya sa opisina


namin dito sa bahay at seryosong nakatuon sa kanyang laptop na nasa harap
niya ngayon at mukhang bisi dahil hindi niya namalayan na nakapasok ako
sa loob.

Petengene! Iba talaga ang karisma mo, Lerwick! Akalain mong meron kang
napakagandang asawa ngayon at hindi lang iyon, ina pa ito ng dalawang
guwapo mong anak. Pakingteyp!

"What are you staring at?" Gulat naman akong bumalik sa katinuan nang
magsalita si Mei habang patuloy na may ginagawa sa kanyang laptop
napakamot ako sa ulo dahil hindi tumingin sa akin si Mei. Petengene.

"S'yempre, ano pa ba? Nabibighani na naman ako sa kagandahan ng asawa


ko," sagot ko naman habang papunta sa kanyang tabi at hinalikan siya sa
ulo. Inamoy ko ang buhok niya. Ang bango talaga ng asawa ko.

"Where are you going?" tanong niya ulit nang hindi man lang pinansin ang
halik ko. Kakaiba talaga sa bangis itong asawa ko. Dinaig pa epbiay eyjent!
Alam agad na aalis ako ni hindi nga lumingon sa akin at tuloy-tuloy ang
pagtipa sa laptop niya.

Posesib.

"You took a bath, of course you're going out," sabi niya ulit sa akin kaya
napakamot ako sa ulo. Petengene! Naliligo rin naman ako kahit hindi ako
aalis ng bahay, ah.
"Lagi naman akong naliligo." Lumingon ito sa akin parang nagdududa sa
akin kaya nagsalita ulit ako, "Huwag kang mag-alala, napakaganda kong
asawa, hindi rin naman ako magtatagal. At isa pa, maglalabing-labing tayo
kaagad pagkarating ko." Kinindatan ko naman ito na inirapan lang ako
upang matago ang pamumula ng mukha niyang akala niya'y hindi ko
napansin. Alam ko namang nagpapalambing lang itong asawa ko.

Naiintindihan ko naman dahil sino ba naman ang hindi magiging klingi


kung kasing guwapo ko ang asawa, hindi ba? Kaya naiintindihan ko kung
gusto niyang makita ang mukha ko minu-minuto at segu-segundo.

"You did not answer my question." Nag-angat ito ng ulo habang salubong
ang kilay na nakatingin sa akin nang masama.

"Tawag lang ni Bossing," sagot ko naman sa kanya bago ako nakipagtitigan


sa nakabibighaning mga mata ng napakaganda kong asawa.

"What is it about?" tanong naman niya at kumunot ang noo nito. Hindi
naman kasi nagtatanong si Mei ng mga bagay-bagay kapag alam niyang
utos ni bossing ang gagawin ko. Hindi kaya ay may nalalaman na siya?

"Hindi ko pa alam, Mei. Sasabihin pa lang siguro ni Bossing kapag


nakarating ako roon," sabi ko na lang kahit may aydiya naman na ako kung
para saan 'tong pamiting ni bossing para rin makalusot ako kay Mei.

Matagal na tumitig sa mukha ko si Mei. Parang tinatancha pa niya sa


mukha ko kung nagsasabi ako ng totoo. Pagkatapos ay ngumiti rin siya
nang bahagya kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Okay, take care," sabi niya.

"S'yempre naman mag-iingat talaga ako para meron ka pang


napakaguwapong asawa. Ay labyu!" pagpapaalam ko sa kanya sabay kindat
at halik sa kanyang labi. Swabe, ma men!

"I love you, more."


Pagkalabas ko sa opis sa loob ng bahay namin ay kinuha ko na ang susi ng
aking kotse at dumeretso na sa garaj kung nasaan guwapong-guwapo kong
kotse na manang-mana sa inyong lingkod.

Agad kong sinaksak ang susi sa ignisyon at nang uminit ang makita ay
umarangkada na ang sasakyan patungo sa miting pleys namin ni bossing.

"Bossing," bati ko kay bossing nang makarating ako sa restawran at maupo


sa harap niya.

Agad kong ininom ang tubig na nasa harap ko dahil hiningal ako. Tinakbo
ko kasi ang parking lat hanggang dito dahil nag-teks pa ulit sa akin si
bossing na nagtatanong kung nasaan na raw ako. Petengene, men. Nerbus
oberlowd.

"Anong atin, Bossing?" tanong ko.

"We're still waiting for someone. You can start eating your meal as we
wait," sabi niya. Akmang tatawag siya ng weyter pero pinigilan ko siya.

Petengene. Mukha bang makakakain ako nang matiwasay sa harap ni Mr.


Roswell? E, daig ko pa ang bibitayin at kakain ng huling hapunan pag
nagkataon.

"Hindi na, Bossing. Sino ba iyong hinihintay natin?" tanong ko.

Shur na shur akong hindi isa sa Roswells iyan dahil tulad nga ng sinabi ko
kanina ay pispul ang jisi no'ng silipin ko ito.

Siguro ay isa kina Strife, Lionhart, Lewis, o Blood ang hinihintay namin ni
bossing. Sila lang naman ang wala sa Roswells na jisi dahil pers op ol, hindi
sila kasali sa Roswells.

O 'di naman kaya ay isa sa mga Yaji? Ang asawa kaya ni Lionhart na si
Cassandra? Obyusli, isa lang naman sa kanila ng maganda kong asawa ang
p'wedeng representatib ng Yaji.
"Your partner," sabi ni bossing na ikinagulat ko.

Patner?! Da pak is da mining op dat?!

"Partner?" pag-ulit ko. Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay bossing


dahil takang-taka ang buong katauhan ko kung bakit niya ako kinunan ng
partner.

"A partner." Parang nauubusan na ng pasensya si bossing nang sabihin niya


iyon. Nakahawak pa siya sa may brids ng ilong niya at bahagyang
minamasahe iyon.

Petengene.

"Para saan, Bossing?" marahang tanong ko. Mahirap na. Ayoko mang
kuwestiyonin ang mga desisyon ni bossing pero hindi ko mapigilang hindi
mag-usisa. Apter ol, sa dami na ng inutos sa akin ni bossing simula pa dati
ay ngayon lang niya ako bibigyan ng partner na hindi galing sa mga tauhan
ng Roswells.

"Para saan, Bossing? Kaya naman ng kagwapuhan ko ang mga transakshon


natin," sabi ko pa.

"I know. But she will be a great help." Parang nagpanting ang tainga ko
nang marinig ang kasarian ng taong magiging kapartner ko.

"S-she, bossing?"

"Yeah, you heard me right. She is a woman and she's from Japan. It will
help us have expeditions that are more fluid and more convenient in foreign
countries," paliwanag ni bossing kaya tumango na lang ako.

"Ah, sige, Bossing."

Hindi ko pa rin lubusang maintindihan kung para saan pa ang ka-patner.


Totoo naman kasing nakakaya ko ang mga transakshon at shipments na
inuutos sa akin ni bossing kahit na minsan ay nagkakaaberya, wala pa
namang nagmimintis dahil nasosolusyonan ko naman lahat kaagad.
Pakshet. Duda na ba si bossing sa abilidad ko?

Akala ko pa naman ay hangang-hanga sa akin si bossing kaya ako ang


naisip niyang utusan imbis na sina Lampe o Boul.

Kahit na hindi niya sinasabi sa akin kung ano talagang porpows ng mga
inuutos niya.

"Am I late?"

Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang may isang maputi at singkit na


babae ang huminto at nagsalita sa harap namin.

"Obviously," buryong sagot ni bossing habang tumatayo. Napatayo rin


tuloy ako bilang pagrespeto sa bagong dating.

"A banana slug is significantly quicker than the traffic here in the
Philippines so it's not my fault I'm late," masungit na sabi n'ong babae.

Petengene! Ang bangis. Bakit ba napapaligiran ako ng mababangis na


babae? Lumiliit na talaga ang mundo, ah. Pero wala nang mas babangis pa
sa misis kong maganda.

Hindi sumagot si bossing sa sinabi n'ong babae. Nang lingunin ako n'ong
babae ay bahagya lang siyang nagulat. Tinuro niya ako at tinignan ulit si
bossing.

"Oh, is this—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Gud apternun, Ms. Byutipul."

"I thought he's married," nakasimangot na sabi niya kay Bossing. Umirap
pa siya sa amin bago umupo.

Ampotek! Mukha ba akong nakikipag-plert sa kaniya? Por her


impormeshon, ganoon naman talaga ako bumati sa lahat.
"He was just messing around," sabi ni bossing. Lumipat tuloy ang nag-
aapoy niyang tingin sa akin kaya napalunok ako.

"Tama si bossing, Ma'am," pagsang-ayon ko.

Nakaupo na rin kami ni bossing ngayon at pinalilibutan namin ang tri siter
na rawnd teybol na walang ibang nakalagay kundi tatlong basong tubig.

Anong klaseng restawran ba 'to? 'Di ba dapat ay otomatik ang pag-serb ng


pagkain dito lalo na't naka-reserb naman 'to.

"Your name, please?" sabi bigla n'ong babae sa akin.

"Sebastian Lerwick, Ma'am! Olweys at yor serbis," sabi ko at binigyan siya


ng hindi masyadong mabangis na ngiti. Mahirap na't baka ma-in lab pa sa
akin 'to.

"Drop the ma'am, will you? We'll be partners so just call me by my name,"
natatawang sabi niya sa akin.

"Ano ho bang pangalan ninyo?"

"Jodi...Jodi Andres."

"Naka-order na ako ng pagkain," sabi ko kay Mei habang naglalakad


pabalik sa sopa. Tumawag kasi ako sa isang pas pud cheyn dahil nagke-
kreyb daw ang maganda kong asawa sa plowt at prens prays.

Muntik ko na ngang isipin na buntis si Mei pero imposible dahil...pareho


kaming bisi sa pag-aalaga sa naggaguwapuhan naming mga anak na sa akin
nagmana.

Pero mukhang hindi naman narinig ni Mei iyong sinabi ko dahil tutok na
tutok pa rin ang atenshon niya sa plat iskrin tibi. Nanonood kasi kami
ngayon ng pelikula nina Kim Chu na Etiket Op Mistreses para magpalipas
ng oras.
Minsan lang kasi magkaroon ng pri taym itong si Mei kaya inuubos na lang
namin sa panonood ng tibi. Parang banding na rin dahil madalang lang
namin 'tong magawa.

Pero ang hindi ko alam kung bakit sa lahat ng mubi na abeylabol sa tibi
namin ay gusto pang panoorin nitong maganda kong asawa ang tungkol sa
mga kabit.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay kumukuha ng


ideya rito si Mei para malaman kung may kabit ba ako.

Umupo na ulit ako sa tabi ni Mei at sinabayan siya sa panonood kahit ang
totoo ay hindi naman ako maka-releyt sa palabas.

Tutok na tutok ang magagandang mata ni Mei sa tibi at binabasa pa nang


malakas ang bawat sabtaytel na lumalabas.

Paking shet! 'Di ko na kailangan ng iba pang babae. Si Mei na ubod ng


ganda lang ang kailangan ko, sobra pa.

Kinuha kong muli ang selpon ko sa bulsa at chinek ang order kong pagkain.
Nang makitang hinihintay na lang daw ng delibiri rayder iyong pagkain ay
binaba ko na ulit ang selpon ko.

"Mistresses should not call the man first. Wait for him to call." Tiningnan
niya ako at ang selpon nang matalim pagkatapos ibinalik ang mata sa tibi.

Tengene! Wala naman akong ginagawa, ah?

Pero baka nag-o-obertink lang naman ako kaya tumikhim ako at tumingin
sa kaniya.

"Bakit naman, Mei? Para ba hindi sila mahuli kung sakali?" tanong ko.
Pero agad akong nagsisi nang agad na kumunot ang noo ni Mei at
nagliliyab na ang mga matang nakatingin sa akin.

Petengene! Kyuryus lang ako, eh.

"Why are you interested?"

"Ha... Sinong interested? Ako ba?" kabadong sabi ko. Siguradong mukha na
akong tanga sa harap ni Mei ngayon dahil hirap na hirap akong maghanap
ng dahilan.

"H-hindi, Mei. Natanong ko lang naman kasi sinabi mo," kabadong sagot
ko.

"So you don't agree with me?" nakataas ang kilay na tanong niya.

Napalunok naman ako.

"Aba matinde! Alam mo namang lahat ng gustuhin mo ay gusto ko rin.


Pero, asawa kong maganda..." Pinutol ko ang sasabihin ko at huminga
muna nang malalim bago ibato ang rebat ko.

Minsan lang din naman kami magkaroon ng ganitong konberseyshon ni


Mei. At dahil nga masama ang pakiramdam ko dito ay gusto ko rin namang
ilabas ang mga nasa isip ko.

Baka kasi mas paghinalaan pa ako kapag pinanatili ko ang pananahimik ko.

"Hindi ba ang relasyon ay tu wey? Hindi naman puro lalaki dapat ang
dumadamubs, 'di ba?"

"So you're really interested, huh?" ulit niya pero inilingan ko agad.
"Hindi nga, Mei. Gusto ko lang isher iyong poynt op byu ko," sabi ko sa
kaniya.

"A two-way relationship only includes two persons. No mistress involved.


In this situation, it is more appropriate to call it a relationship of three,
given that there is a mistress.," masungit na sabi niya at muling binalik ang
paningin sa plat iskrin tibi.

"He-he, sabi ko nga."

Petengene! Sino ba kasi ang nagsabing manood si Mei ng ganitong movie?


Nararamdaman ko na ang lamig ng panahon mamayang gabi kahit wala
naman akong ginagawa.

Pinabayaan ko na lang si Mei na manood. Wala rin naman akong palag sa


kaniya dahil lahat ng sabihin niya ay tama siya.

Naniniwala rin kasi ako sa kasabihang...hapi wayp, hapi layp.

Chinek ko na lang ang selpon ko at tiningnan kung nasaan na ba iyong


pagkain namin. Petengene. Napakatagal.

Nararamdaman ko na ang kakaibang pagdadabog mula sa chan ko na putok


na putok sa siks pak abs dahil gutom na ako.

Twenti minits pa raw bago makarating ang rayder na siyang magde-deliber


ng pagkain namin. Napatingin tuloy ako sa wol klak. Petengene. Ang tagal
pa pala.

"Sinong hinihintay mo?"

"Ay, makdo!"

Wadapak! Nagulat ako nang biglang magsalita si Mei. Tumingin ako sa


kaniya at nakitang nakataas na ang kilay niya sa akin. Mukhang kanina pa
niya pinapanood ang bawat kilos ko.
"Aym inosent," sabi ko sa kaniya. Kita kasi sa mukha niya na parang
hinuhusgahan niya ako dahil sa napatingin ako sa selpon ko.

Tengene naman kasing pagkain iyan. Napakatagal dumating.

"Who did you text?" tanong niya. Nandoon pa rin ang seryosong reakshon
sa mukha niya.

"M-maganda kong asawa...iyong—iyong delibiri rayder. Tiningnan ko kasi


kung nasaan na iyong inorder nating pagkain."

"Are you sure? Why do you look tense?" Mas lalong kumunot ang noo niya
kaya nakaramdam na ako ng panunuyo ng lalamunan ko.

"Hindi, ah! Ano—Nauuhaw lang ako. Oo, nauuhaw ako." Tumayo ako
dahil bigla akong nauhaw, nakakatuyo ng lalamunan ang bawat salitang
lumalabas sa bibig ni Mei.

"Lerwick? Where do you think you're going?" taas kilay nitong tanong.

"Ha-ha! Maganda kong asawa, kukuha lang ako ng tubig."

Lalong kumunot ang noo niya at inilahad ang kamay. "Let me see your
phone, then."

Kinuha ko ang selpon sa bulsa ng shorts ko at binigay sa kanya.

"Anong password nito?" Binuksan nito ang selpon ko na ang lakskrin ay


iyong picture namin noong kami ay ikinasal. "6-3-4-7-4-2." Bahagya akong
kinabahan dahil tiningnan naman ako nang masama nito.

"What does your password mean?" tanong niya pagbukas naman ng phone
ay ang howmskrin at ang pamili piktyur namin noong nakaraang buwan.

"Meisha. Ibinase ko lang ang maganda mong pangalan gamit ang kipad ng
selpon," sabi ko. Ngumiti pa ako nang pagkatamis-tamis pero inirapan niya
lang ako at saka siya nag-iskrol-iskrol sa selpon ko.
Hinayaan ko naman siya dahil shurbol namang wala siyang makikita roon.
Kumuha na lang ako ng maiinom sa kusina at tumabi ulit sa kaniya sa sopa
pagkatapos.

"Here," sabi niya at inabot sa akin ang selpon ko.

"I just made sure that you weren't really communicating with someone I
don't know."

Kumunot din ang noo ko dahil bahagya nang humuhupa ang kaba ko.
"Hinihintay ko lang 'yong rayder, Mei. Ang tagal kasi."

Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa na parang iniisip kung tama
ba ang desisyon niyang pakasalan ako bago ko naman inilapag ang selpon
ko sa sayd teybol katabi ng sopa at nagmadaling kumuha ng tubig.

Anong meron sa asawa kong ito? Hindi kaya nagpapalambing lang siya at
gusto niyang makapunta ng langit? Petengene, wala ako sa mud magkape
ngayon.

Nagpatuloy ang panonood namin at mukhang mauuna pa itong matapos


bago dumating ang order ko sa Makdo na napakatagal. Wala namang
nangyaring hindi maganda kaya naman sigurado akong may mahimbing na
tulog ako mamaya.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nagmamadali kong hinatak ang robang nakasabit sa rak at mabilis na


binalot iyon sa katawan ko.

Petengene naman kasi! Ang sarap sarap ng ginagawa kong pagligo at


pagbababad sa tubig dahil ang init ng panahon ngayon pero kanina pa
panay tunog ang petengeneng selpon ko.

Ampupu! Ang sarap pa namang maligo at magpapres.

Lumabas ako ng banyo ng kuwarto namin ng maganda kong asawa at


pumunta sa harap ng baniti teybol. Kinuha ko ang selpon ko at tiningnan
kung sino ba iyong istorbong pumutol sa pagligo ko.

Incoming call from J. Andres...

Wat da pak! Ano naman kaya ang maipaglilingkod ng kaguwapuhan ko kay


Ms. Jodi at tumatawag siya ngayong tanghaling tapat?

Parang rong aydiya pa yata na ibinigay ko ang namber ko sa kaniya, ah?


Dyok.

-Flashback-

"...am I understood?" patapos na tanong ni bossing.

Katatapos niya lang ipaliwanag ang lahat ng mga kailangan naming


malaman ni Ms. Jodi para sa misyong gagawin namin bilang mag-partner.
Ngayon, bawat hakbang na gagawin namin ay kailangan na raw naming
gawin nang nagtutulungan. Na mukhang madali lang namang gawin dahil
mukhang madali namang makaintindi ng instrakshon si Ms. Jodi.

Panay lang ang tango niya kanina pa sa mga sinasabi ni bossing na para
bang iniisip, iniintindi at isinasapuso niya ang mga dapat naming gawin.

Pero kahit gaano pa kadetalyado ang mga impormasyong sinabi sa amin ni


bossing ay...parang may kulang.

Parang may hindi pa siya nasasabi.

Hindi ko naman mawari kung ano iyon kaya hinayaan ko na lang.

Ganiyan talaga ang mga guwapo't matalino. Sigurista dahil wi dont aksep
peylyurs hir.

Isang maling hakbang lang kasi ay buhay ang nakasalalay sa amin.

"Areglado, Bossing!" sagot ko sa tanong niya.

"Is that all?" tanong ni Ms. Jodi.

"No," sabi ni bossing kaya napasimangot na naman ang partner ko.

"I left my kids at home," sabi niya na para bang sapat na iyong dahilan
para makaalis na siya.

Kids? Petengene! May anak na pala 'to? Bakit mukhang tineyjer?

Iba talaga ang majik ng mga porener pagdating sa iskin ker. Matanong nga
'tong si Ms. Jodi sa susunod dahil gusto ko rin maging beybi peys kahit na
hindi ko naman na talaga kailangan.

"Fine," pagsuko ni bossing at bumuntonghininga. Patago akong napangiti.


Lumalabas kasi ang pagiging magulang ni bossing sa ganitong
pagkakataon.

Kasi kahit siya ay madaling-madali rin na matapos ang mga miting na ina-
atend-an niya para makauwi na sa mga anak niya. Lalo na no'ng mas bata
pa sila. Hands on na hands on kasi sila sa pag-aalaga sa mga anak nila.
Halos magkakasunod pang pinanganak sina Trigger, Caliber, at Katana at
kahit na kumukuha sila ng yaya na maaaring tumulong sa kanila sa pag-
aalaga ay mas marami pa rin ang oras na sila ang nag-aalaga sa mga bata
dahil s'yempre...mahirap magtiwala.

"Thanks, Mr. Roswell!" nakangiting sabi ni Ms. Jodi at kinuha na ang isling
bag na dala niya.

"I'm going now. Let's just discuss the other details some other time and—
oh." Tumingin siya sa akin. "Would you mind if I get your number? Para
madali kitang ma-contact if we have something urgent to do or discuss."

"Shur! Nat a problem." Iyon din nga sana ang gagawin ko kaso ay
naunahan niya naman ako.

Nilabas ko ang selpon at nagpalitan na kami ng namber bago siya tuluyang


umalis.

-End of Flashback-

"Anong maipaglilingkod ng kagwapuhan ko sa iyo, Ms. Jodi?" bungad ko


nang sagutin ko ang tawag.

[Haven't you seen Boss' message? The most recent one.] Iyon agad ang
tanong niya.

Wala man lang, 'Hi, Sebastian na ubod ng guwapo.'

Pero napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ilang araw nang walang
paramdam 'tong si bossing kaya naman hindi ako nag-e-ekspek na magme-
meseds siya ngayon. At isa pa, naliligo ako kaya paano ko malalaman?

"Hindi pa, Ms. Jodi. Teka," sabi ko at ni-lawdspiker ang kol para makapag-
iskrol ako sa selpon sa gitna ng tawag.

Mabilis kong hinanap kung meron ngang meseds si Bossing at nang makita
iyon ay agad kong nabasa ang panibagong trabaho na utos niya sa amin.

"Ah, ito pala," sabi ko habang binabasa ang mga impormasyong nakasulat.

[Yes, we have to discuss our plan with respect to that,] sabi niya kaya
naintindihan ko na kung bakit siya napatawag.

Petengene! Medyo komplikeyted nga itong pinapagawa ni bossing pero


shur na shur akong mani lang ito sa akin—sa amin pala.

"Shur, Ms. Jodi! Ngayon na ba? Sige, teks mo na lang sa akin ang adres."

[Okay, see you.]

"Okey, si yu!" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nilapag ko na ulit ang selpon ko sa baniti teybol at akmang lalakad na


papunta sa kloset nang makarinig ako ng boses ng isang babae.

"Where are you going?"

"Ay pakiningshet!" gulat na sigaw ko. Nagiging magulatin ang guwapo dis
pas pyu deys. Ampotek.

Tumingin ako sa kaniya. "Tengene, Mei. Nagulat ang kaguwapuhan ko sa


'yo. Kanina ka pa ba r'yan?"

Narinig niya kaya iyong pinag-usapan namin ni Ms. Jodi?

"Kararating ko lang," sabi niya. Pinagkrus niya ang braso niya at nanunukat
ang tingin sa akin.

"Ah, he-he, anong ginagawa mo riyan, maganda kong asawa?"


Tumaas ang kilay niya sa tanong ko kaya napaisip na naman ako.
Petengene. Parang gusto ko biglang kainin ang sinabi ko dahil ang pangit
pala ng dating n'on.

"Am I not allowed in my own bedroom?"

Da pak. Ito na. Nag-umpisa nang gumapang ang katakot-takot na kaba sa


katauhan ko. Bakit kasi naglo-lowding ang utak ko kapag kinakabahan
ako? Amp!

"Takte! Hindi iyon ang ibig kong sabihin, maganda kong asawa. Ang akin
lang ay tapos ka na pala sa trabaho mo?" tanong ko dahil sa pagkakaalam
ko ay sa mga oras na 'to ay hindi siya basta-basta lumalabas ng opis niya
rito sa bahay dahil sa mga ginagawa niya.

"No, I just came by our room and I overheard you talking loud. Sino bang
kausap mo?" tanong niya. Hindi ako agad nakasagot kaya mas lalong
sumama ang tingin niya sa akin. Kaya kahit tuyot na tuyot na ang
lalamunan ko ay napalunok na naman ako.

Petengene.

-Flashback-

"Ah, Bossing, shur na bang siya ang magiging ka-partner ko?" tanong ko
kay bossing pagkatapos ng mahabang katahimikang bumalot sa amin
pagkaalis ni Ms. Jodi.

Tumingin sa akin si bossing. Mukhang alam na niyang itatanong ko ito sa


kaniya at hinihintay lang akong magsalita.

"Why? You don't think she could help?" tanong niya pero agad ko namang
inilingan.

Ay downt want to gib him da rong tot.

"Hindi naman sa ganoon, Bossing. Pero pers taym ko lang kasing


magkakaron ng partner na babae na hindi pa galing sa grupo natin
mismo," paliwanag ko.
Tumango naman siya kaya medyo nakahinga ako nang maluwag dahil sa
palagay ko ay nakuha na niya ang ibig kong sabihin.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni bossing ang mga pinagdaanan ko kahit


no'ng nagsisimula pa lang ako sa mundo ng mapya hanggang sa ngayon
kaya alam kong naiintindihan niya ang pinanggalingan ko.

At saka tulad nila...ay ayoko ring basta-bastang nagtitiwala.

"And I vouch for that woman. She's been helping us for a while, so I knew
she'd help you and your mission a great deal. I know you don't usually
associate with someone you just met, but there's always a first time, right?"

"Yes, Bossing!"

"Then I see no problem with that."

Okey. Tiwala naman ako kay bossing kaya dapat ay magtiwala na rin ako
sa mga pinagkakatiwalaan niya.

"Ayos, Bossing," sagot ko at kinuha ang tubig sa harap ko. Medyo nauuhaw
na naman ako. Minsan napapaisip na lang talaga kung ispanj ba 'tong si
bossing. Lagi na lang kasing nanunuyo ang lalamunan ko kapag siya ang
kausap.

"And one more thing..." pahabol niya kaya natigil ako sa pag-inom ng
tubig.

"Ano iyon, Bossing?"

"You can't let anyone know you're working with Jodi Andres. And I expect
that she will do the same," sabi niya na tinanguan ko na lang kahit hindi ko
masyadong nakuha kung bakit kailangang itago ang bagay na 'to.

Paano ko 'to itatago kay Mei? Petengene.

-End of Flashback-
Ayokong magsinungaling kay Mei. Ayoko ring suwayin ang utos ni
bossing.

Napabuntonghininga ako habang iniisip kung ano ang dapat kong sabihin
nang wala akong nagagawang mali.

"Ah, t-tauhan lang, Mei. May kailangan daw akong asikasuhin," sabi ko at
tahimik na pinagdasal na sana ay hindi na siya magtanong kung sino pa.

Iyon ang pinaka-seyp na sabihin. Hindi ako nagsinungaling kay Mei dahil
kahit hindi parte ng Roswells si Ms. Jodi, teknikali ay tauhan pa rin siya ni
bossing dahil isa siya sa mga nauutusan nito.

At hindi ko rin sinuway si bossing dahil hindi ko naman sinabi ang


pangalan ni Ms. Jodi.

Greyt aydiya pram da wan en onli, Sebastian Lerwick.

At mukha namang nakuntento na si Mei sa mga sinabi ko kaya nakahinga


na ako nang maluwag.

"So you're leaving?" tanong ni Mei. Sumandal siya sa hamba ng pinto.

"Oo...sana. Puwede naman, 'di ba?" tanong ko at nginitian pa siya.

Alam ko namang patay na patay sa akin 'tong si Mei at isang ngiti ko lang
dito ay siguradong limot na nito ang pangalan niya.

"Is that really what this is about?"

"Yes opkors, maganda kong asawa. Trabaho lang," sabi ko. Mukha naman
siyang nag-iisip kaya nagtanong ako ulit. "Puwede naman, 'di ba?"

"Of course. As long as it's for work, I'm not against it, Lerwick," sagot niya
at bahagya ring ngumiti.
Ampupu! Ang ganda talaga ni Mei!

Lumapit ako sa kaniya kahit nakabatrob lang ako at walang iba pang suot
na pang-itaas. Hinapit ko siya sa baywang upang magkadikit ang mga
katawan namin.

"Akala ko 'di mo ko papayagan, eh. Okey lang namang maging posesib ka


sa akin kahit ngayon lang," sabi ko at kinindatan siya.

"Dream on." Mapang-asar naman siyang tumawa sa akin at sinubukan


akong itulak pero hindi naman ako nakaalis sa kinatatayuan ko.

"I'll go back to the office na. Take care of yourself," sabi niya kaya naman
mabilis ko siyang hinalikan sa mga labi at saka siya binitawan.

"Mag-iingat ako para may asawa ka pang ubod ng guwapo." Kumindat pa


ako pero inirapan niya lang ako at tinalikuran na.

Nang tuluyan siyang makaalis ng kuwarto ay dinaig ko pa ang kidlat sa bilis


ng naging pagkilos ko.

Kinuha ko ulit ang selpon sa baniti teybol at chinek ang meseds ni Ms. Jodi.

SMS from J. Andres: Be at the coffee shop in half an hour.

Naka-atats doon ang adres n'ong kopi shap na lokeyted sa isang malayong
mol.

Petengeneng terti minits?! Baka bukas pa ako makarating sa layo nito, eh!

Mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng sarili at nang matapos ay nagpaalam


na ulit ako kay Mei at umalis na.

"Petengene, nasaan na ba iyon?" tanong ko sa sarili ko habang hinahanap


ng mapupungay kong mga mata si Ms. Jodi.
Nandito na ako sa kopi shap kung saan niya sinabing magkita kami pero
wat da pak. Hindi ko inekspek na children's pleys pala itong kopi shap.
Maraming bata ang naglalaro doon sa may pley pleys at marami ring mga
magulang na nagbabantay kaya nahirapan akong hanapin si Ms. Jodi.

"Mr. Lerwick! Here!"

Napatingin ako sa gawi kung nasaan ang boses at doon nakita ko nga si Ms.
Jodi. Mabilis akong lumapit sa puwesto niya at magtataka na sana kung
bakit por siter ang kinuha niyang mesa nang makita ko ang dalawang
batang nakaupo roon.

Petengene! Sino 'tong mga 'to?

"Uhm, sorry. I had to bring my kids dahil wala namang ibang magbabantay
sa kanila kaya kailangan ko silang isama kung nasaan ako." Mukhang
nakita agad ni Ms. Jodi ang konpyushon sa mukha ko kaya nagpaliwanag
siya agad.

"O-okey lang, Ms. Jodi..." sabi ko. Naglipat-lipat ang tingin ko sa dalawang
batang nakatingin lang din sa akin na para bang ako na ang
pinakaguwapong lalaki na nakita nila.

Siguradong hindi nalalayo ang edad ng mga 'to kina Cody. Parehas na
mapuputi at singkit. Katulad ng nanay nila pero teka...

Nasaan ang tatay nitong mga 'to? Ampotek! Bakit naman hinahayaang
mag-isa lang si Ms. Jodi ang mag-alaga sa mga 'to? Hindi ba niya alam
kung ganoong kadelikado na sa panahon ngayon?

"Hello po," bati n'ong isa.

"Konnichiwa," bati naman n'ong isa pa.

Petengene!

Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa habang sinusubukang


hanapin ang pinagkaiba ng mga mukha nila hanggang sa nakalimutan ko na
kung sino iyong bumati sa akin ng Inglis at Japanis.
Pakingsyet. Ayoko talagang tumitingin sa mga aydentikal twins. Ang hirap
i-determin kung sino sila lalo na sa unang pagkikita.

Kaya nga tuwang-tuwa ako n'ong malamang praternal tuwins iyong mga
pamangkin kong anak ni Lampe dahil hindi na kailangang mai-stres ng
kaguwapuhan ko kapag titingnan sila."Ah, helo rin," sabi ko."Take a seat,"
sabi naman sa akin ni Ms. Jodi kaya tumango ako.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Umupo ako sa upuang katapat ng puwesto niya. Magkaharap naman ang


mga anak niya kaya katabi namin ang bawat isa sa mga ito. Katabi ko iyong
batang babae, habang iyong batang lalaki naman ang katabi ni Ms. Jodi.

"Chiasa, eat carefully. You're going to stain your dress," sita ni Ms. Jodi sa
anak niyang nasa tabi ko. Kumakain kasi ito ng prens prays at grabe kung
makasawsaw sa ketchap kaya tumutulo iyon sa gilid ng bibig niya.

At dahil nakita iyon ng naggaguwapuhan kong mga mata, parang otomatik


na may nagtulak sa mga kamay kong damputin ang tisyu sa harap ni Chiasa
at pinunasan ang ketchap sa bibig niya. Hinawi ko pa ang buhok na
humaharang sa mukha niya dahil nalalagyan din ng ketchap.

Tengene, pader instinks.

"Thank you po..." sabi n'ong bata. Nginitian ko naman siya.

"Thanks, Mr. Lerwick," sabi naman ni Ms. Jodi.

"Sebastian na lang, Ms. Jodi," sabi ko. "At wala iyon, hindi naman
maiiwasan talaga sa mga bata na maging makalat kumain."

"So, you also have a child?" tanong niya.

"Dalawang lalaking—ehem—manang-mana kanino pa ba? Sa nag-iisang


Sebastian Lerwick lang naman."
"Woah, that must be hard," komento niya pero napangiti naman ako.

"Tatag, tiyaga, pasensya, at kaguwapuhan lang, Ms. Jodi. At hindi rin


mawawala ang mapagmahal na asawa."

Bahagya siyang natawa sa mga sinabi ko bago tumango. "Of course."

"Haw abawt yu? Hindi ba mahirap mag-alaga ng kambal?" tanong ko


naman.

Kita ko kasi ang hirap n'ong mag-asawang sina Lampe at Ms. Amesyl doon
kina Amber at Azure kaya hindi ko rin maiwasang hindi ma-kyuryus sa
ekspiryens ng ibang tao.

"It is... hard... tiring pero sila rin naman ang pahinga ko."

"Yu min, kayo ng asawa mo?" tanong ko pero natahimik naman siya.

Petengene! Mukhang below da belt ata iyong tanong ko. Sasabihin ko na


sana na i-nebermaynd na lang niya iyong tanong ko at huwag na sagutin
nang ngumiti siya nang mapait at saka nagsalita.

"It used to...but I'm a widower now." Malungkot ang boses niya nang
sabihin niya iyon pero hindi naalis ang maliit na ngiti sa mukha niya.

"Sori..." sabi ko.

"Oh, no. It's okay! You got nothing to apologize for," sagot naman niya.

Umiling naman ako. Pinigilan ko munang magsalita ang sarili ko at pinag-


isipang maiigi kung anong dapat sabihin.

Okey naman na raw at hindi ko na raw kailangan pang mag-sori sabi ni Ms.
Jodi pero wat da pak lang, Sebastian Lerwick. Talagang likas ang pagiging
totpul at keyring ko kaya hindi ko maiwasang hindi ma-gilti at maawa.
At ayaw kong ipakita iyon sa kaharap ko ngayon dahil shur naman akong
hindi niya kailangan ng awa ko. Bilang isang magulang, alam ko naman
kasing mahirap talaga maging magulang. Kami nga ni Mei na dalawa ay
nahihirapan sa mga anak namin, ano pa kaya si Ms. Jodi na mag-isa lang?

Petengene talaga. Ay nid tu daybert da tapik. Ano nga bang pinunta mo


rito, Sebastian Lerwick?

Bigla kong naalalang nandito nga pala ako para sa inutos ni bossing at
kailangan naming gumawa ng pulidong plano ng ka-partner kong si Ms.
Jodi.

"Ah hehe, iyong tungkol sa plano pala? Pag-uusapan ba natin kahit nandito
ang mga bata?" tanong ko.

Konsern lang naman ako. Kami kasi ni Mei ay mas gusto naming wala
munang alam ang mga bata tungkol sa mga ganitong bagay. Maliit na bagay
lang naman ito sa amin pero gusto pa rin naming lumaki ang mga bata na
walang iniisip na istres. Wala pa.

Umiling naman si Ms. Jodi sa tanong ko. Buti naman.

"Chikao, Chiasa..." pagtawag niya sa mga anak niya. "You can stay in the
playstation. I need to speak to him about something important."

"Who is he, Mommy?" tanong ni Chiasa.

Amp! Ako lang naman ang nag-iisang guwapong ka-partner ng ermat mo.

Gusto ko sanang sabihin ang naisip ko pero hinayaan ko na lang silang


mag-iina ang mag-usap.

"He's...he's someone I work with," sagot ni Ms. Jodi. Tumango naman si


Chiasa at tumingin sa akin kaya nginitian ko siya.
"Can't we just stay here while you talk, Mommy?" tanong naman n'ong
batang Chikao ang pangalan na katabi ni Ms. Jodi.

"No, Chikao. It's a grown-up thing."

"Psh, fine." Tumayo na ito sa upuan at lumapit sa gilid ng kapatid. "Come,


Chia-chan, let's play."

Inalalayan niyang makatayo ang kapatid niya at hawak kamay silang


naglakad papunta sa may pley isteyshon.

Chikao at Chiasa... Ang gaganda ng mga pangalan. Pero maganda rin ang
pangalan ng mga anak ko. S'yempre deserb ng nagguguwapuhang nilalang
ang magandang pangalan.

Pinanood naming maglakad iyong dalawang bata na pumunta sa pley


isteyshon at nang makita na silang naglalaro ay saka kami nag-usap ni Ms.
Jodi ng mga bagay na kailangan na naming mapagplanuhan.

"So..." panimula niya kaya nakinig na ako.

"Areglado na ang lahat maliban sa mga tauhan?" tanong ko kay Ms. Jodi.

Patapos na kami sa pag-uusap at nire-rekol na lang ang mga mahahalagang


detalye na dapat naming unahin at isaalang-alang.

"Yes. We need more men but we can ask Boss for that—"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makarinig kami ng sigawan at
tilian. Agad kaming napatingin sa direksyon n'on. Sa pley isteyshon.
"What's that?" tanong ni Ms. Jodi. Napatayo na rin siya at nagsimulang
maglakad doon dahil naalalang nandoon ang mga anak niya.

Wala sa sariling tumayo rin naman ako at sumunod. Ampupu. Ang pangit
naman kasing tingnan kung maiiwan lang ako roon at manonood, 'di ba?
Hindi nakaka-jentelman at gandang lalaki, ma men.

"Ms. Jodi, teka!" habol ko at sinabayan siya sa paglalakad.

"Chikao!" Agad na tinawag ni Ms. Jodi ang anak na lalaki nang makita
namin ito sa unahan. Sinusubukan niyang makapasok sa siksikan ng mga
tao.

Petengene naman kasi. Ang daming tao na ang nakapaligid at nakiki-


chismis kaya hindi na makita kung anong nangyayari sa may pley pleys.

"Mom!" Agad na yumakap ito sa ermat niya nang makalapit.

"What happened? Where's your sister?" tanong ni Ms. Jodi sa anak.

"She's still in there, Mom. She's playing with the other girls sa may
trampoline. They were jumping hard and they fell on the ground together. I
was about to call you but when I saw you. I tried to go back pero hindi na
ako nakadaan ulit," paliwanag ni Chikao. Halata ang pag-aalala nito para sa
kapatid. Ganoon din si Ms. Jodi para sa anak.

Umayos siya ng tayo at pinaupo sa malapit na upuan si Chikao. "Stay here.


I'll just go to your sister."

Tumango naman ang bata kaya lumapit na si Ms. Jodi sa kumpulan ng tao.
Sinubukan niya ring makadaan doon pero nahihirapan siya.

Petengene ng mga taong 'to. Nauna pang maki-chika bago tulungan iyong
mga bata, eh.
Dahil likas ang pagiging totpul at keyring ko ay lumapit na rin ako.
Hinawakan ko sa balikat si Ms. Jodi para makuha ang atenshon niya.

"Ms. Jodi..." pagtawag ko. Tumingin naman siya sa akin kaya nagpatuloy
ako. "Ako na. Ako na kukuha kay Chiasa."

"Are you sure?" parang nagdadalawang-isip pang tanong niya sa akin.

"Ako na ang bahala," sabi ko at tumango naman siya. Narinig ko pa siyang


nagpasalamat nang tumalikod ako at pumunta sa mga taong nagsisiksikan.

"Petengene, eksyus mi. Eksyus."

Hindi naman naging mahirap sa aking makadaan doon dahil, hindi naman
sa nagmamalaki, pero matangkad ako at may kalakihan ang katawan ko.
Idagdag mo pa na lalaki ako kaya higit na mas malakas naman ako sa mga
chismosang nakatayo roon.

Mabilis kong nilapitan si Chiasa na nakahiga sa sahig. May dalawang


babaeng tutulungan sana siyang tumayo pero nakalapit na ako sa kanila.

"Eksyus, mga miss byutipul, ako na bahala sa kaniya," sabi ko sa kanila.

"Beh, tabi. Si daddy na raw bahala sa kaniya," sabi n'ong isang babae.
Naramdaman ko pa ang pagtingin nila sa kagandahang lalaki ko bago sila
tuluyang tumayo at umalis sa harap ni Chiasa.

Petengene. Bakit dadi ang tawag sa akin n'on? Gusto ko lang namang
tumulong dahil nga keyring ako pero bakit naman ako pinagkakamalang
dadi ng batang 'to? No opens ment pero shur na shur akong mas guwapo
naman ako sa dadi nila.

Sumalangit nawa ang kaluluwa.


"Ayos ka lang ba, Chiasa?" tanong ko kay Chiasa.

"My back hurts." Umiiyak siya ngayon at itinaas ang dalawang kamay sa
ere na para bang nagpapabuhat kaya dahan-dahan ko siyang binuhat.
Pinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg ko at inayos ko naman ang
pagkakabuhat ko sa kaniya.

Naglakad na ako ulit pabalik kila Ms. Jodi. Dis taym ay hindi ko na
kinailangang makiraan sa mga tao dahil sila ang kusang humawi na para
bang may diyos na dadaan.

Diyos ng kaguwapuhan, puwede na ba?

"Ay, ayan pala iyong daddy. Ang pogi naman," dinig kong may nagsabi
no'ng dumaan ako. Ismol ting. Psh!

"Daddy?" gulat na tanong ni Chiasa sa akin. Mukhang narinig niya iyong


sinabi n'ong babae.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.

"Hindi ako ang erpat mo pero dadalhin kita sa ermat mo. Huwag ka nang
umiyak." Naramdaman ko lang ang pagtango niya sa balikat ko at hindi na
nagsalita pa.

"Chiasa! Are you okay, baby?" humahangos na tanong ni Ms. Jodi kay
Chiasa nang makarating kami sa harap nila.

Ibababa ko na sana si Chiasa para makaupo sa upuan ng higpitan niya ang


yakap sa akin. "No, Daddy."

"H-ha?" Naguguluhan akong napatingin kay Ms. Jodi. Mukhang kahit siya
ay nagulat din sa ginawa ng anak niya.
"Chiasa, he's not your dad. Let him put you down," mariing sabi ni Ms.
Jodi. Mukhang nahihiya na siya sa nangyayari.

"No!" pagkontra na naman ni Chiasa at mas yumakap pa sa akin. Sinandal


niya pa ang ulo niya sa balikat ko.

Aw. Ang kyut naman ng batang 'to. Nakakalambot ng puso dahil may teyst
siya sa pagpili ng dadi.

"Ah, hehe. Hayaan mo na, Ms. Jodi. Okey lang naman," sabi ko na lang.

Hindi ganoon kabigat si Chiasa pero siguradong mga ilang minuto ko pa


siyang buhat ay mangangawit na ako. At kanina ko pa rin nararamdaman
ang pag-baybreyt ng selpon na nasa bulsa ko pero hindi ko makuha.

Ayoko naman siyang ibaba dahil ayaw niya at siguradong malulungkot siya.
Petengene. Ang hirap maging keyring na guwapo. Naging instant dadi pa
nga ng ibang bata.

"I'm sorry. I shouldn't have brought them here," sabi ni Ms. Jodi. Mukha na
siyang nai-istres dahil sa ginagawa ng anak.

"Mabuti pa nga ay iuwi mo na sila," pagsang-ayon ko.

Tapos na rin naman ang pagpaplano namin kaya wala nang ibang dahilan
para magtagal pa kami rito. At parami na rin nang parami ang mga tao.
Mahirap na, baka may makakita pa sa amin dito.

"Yes, let's go." Kinuha na niya ang bag niya at hinawakan ang kamay ni
Chikao.

"Baba na, Chiasa," sabi niya pero agad na nagmaktol ang bata.

"Mommy, no. I want Daddy!"

Amp!

"How many times do I have to say that he's not your dad?"
"Hmp!" singhal niya sa ermat niya. Inangat niya ang ulo niya para maging
magkaharap kami at hinawakan pa ang magkabilang pisngi ko.

"Daddy, will you carry me to the car?" tanong niya sa akin. Nanlalaki ang
singkit niyang mga mata, nagpapa-kyut. Kaya natawa ako sa itsura niya.

Tengene, ganitong-ganito si Cody kapag may hinihiling. Kung p'wede ko


lang isama iyon e di sana ay hindi na nalulungkot 'tong si Chiasa.

Itsura pa lang kasi ng anak ko ay talagang liligaya ka na. S'yempre, sa akin


nagmana.

"No!" mabilis na pagbabawal ni Ms. Jodi.

"Haha. Sige na, sige na. Ayos lang, Ms. Jodi. Tara na, para makauwi na rin
kayo at ako," sabi ko para matapos na. Mukha kasing magkaka-world war
tri pa sa pagitan nilang mag-ina. At hindi ko rin naman matiis ang kakyutan
ni Chiasa.

"Sorry talaga, Sebastian. She's really clingy...lalo na sa daddy niya. I think


she sees her father in you," sabi ni Ms. Jodi habang naglalakad kami
palabas ng mol.

Buhat ko pa rin si Chiasa na mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin.


Sabay naman kaming naglalakad ni Ms. Jodi habang si Chikao naman ay
nasa gitna namin. At sa hindi malamang kadahilanan ay nakakapit pa sa
dulo ng damit ko ang isang kamay at nakahawak naman sa kamay ng ina
ang isa.

"Mis na mis na siguro nila iyong erpat nila," komento ko.

"They do... I want to explain to them why their dad is not here and what
happened to him pero masyado pa silang bata. I don't want to pollute their
innocent minds," paliwanag niya.

Mukhang naintindihan ko na ang dahilan kung bakit wala na ang asawa


niya. Syet. Ang hirap talaga ng buhay naming mga mapya. Laging
nakabaon ang isang paa namin sa hukay.
"Maintindihan nila iyan, Ms. Jodi. Unti-untiin mo lang," sabi ko sa kaniya.

"Yes, I hope so," malungkot na aniya kaya hindi na lang ako sumagot
pagkatapos.

Naging tahimik na kami pagkatapos noon. Tinatahak namin ang daan


papuntang eksit ng mol habang nagtitingin-tingin ako sa mga istor. Parang
naisip ko kasing bilhan ng pasalubong ang mga anak ko at asawa ko.

Pero ano naman kaya?

Abala ako sa pag-iisip at pagtitingin ng mga tindang nadadaanan namin sa


bawat istor nang may pamilyar na mukha ang mahagip ng mata ko.

Wat da pak! Si Lee!

Agad akong nakaramdam ng takot at kaba sa kadahilanang makikita niya


ako.

Naglalakad siya papunta sa direksyon ko habang nagtitipa sa selpon niya.


May hawak siyang peyper bag ng isang sikat na tindahan ng mga laruan.
Nang matapos siya sa pagta-taype ay tinago na niya ang selpon niya sa
bulsa at saktong pagbalik na pagbalik ng paningin niya sa daan ay ilang
metro na lang ang layo ko sa kaniya.

Paksyet! Paksyet!

Nakatingin lang ako kay Lee na naglalakad pa rin habang sinuyod ng tingin
ang mga kasama ko. Mula kay Ms. Jodi, kay Chikao, at kay Chiasa na
buhat ko. Hanggang sa dumapo ang hindi makapaniwala at nagtatanong na
tingin niya sa akin.

Pinanatili ko ang kalmadong mukha ko kahit nagwawala na ang kalooban


ko habang naglalakad at hanggang sa malagpasan namin ang isa't isa.

"Daddy, I feel sleepy," sabi ni Chiasa dahilan para mapatango lang ako at
mukhang narinig pa 'yon ni Lee.
Petengene! Lagot na!

"Thanks, Sebastian. I'm really sorry for the inconvenience," sabi ni Ms.
Jodi. Nakasilip siya sa nakababang bintana ng pinto ng draybers sit habang
nakikipag-usap. Ang mga bata ay nasa baksit at magkadikit pa ang
mukhang nakatunghay din sa may bintana. Ineendyoy ang byu ng
kagandahang lalaki ko.

"Wala iyon, Ms. Jodi. Ingat kayo," sabi ko at pinat pa ang bubong ng kotse
niya.

"You, too," sabi niya sa akin at binuhay na ang makina.

"Bye, Daddy!" paalam ni Chiasa.

"Goodbye...Daddy," sabi naman ni Chikao.

Parehas silang nakangiti sa akin nang sabihin nila iyon kaya napangiti na
lang din ako. Samantalang ang ermat naman nila ay napasimangot.

"Kids!" saway niya sa mga bata pero tinawanan lang siya.

"Bay din sa inyo, mga anak. Ha-ha-ha!" panggagatong ko pa kaya mas


lalong sumama ang tingin ni Ms. Jodi. Nalipat sa akin ang masamang tingin
niya kaya mabilis akong kumaway sa mga bata at tinalikuran na sila.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko ay naalala ko na naman si Lee


kaya nag-umpisa na naman akong kabahan. Tengene, sana ay manahimik
muna si Lee.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Petengene!

Madiin ang hawak ko sa istiring wil at tutok na tutok ang paningin sa


kalsada. Kanina ko pa rin kagat-kagat ang labi ko dahil hindi ako mapakali
habang nagda-drayb.

Nagpapabalik-balik kasi sa isip ko iyong senaryo kanina noong


makasalubong ko si Lee. Iyong pagkagulat, pagkalito, pagtatanong, at
kabiguan sa mata niya ang kanina pang bumabagabag sa akin.

Hindi ko alam kung anong aydiya na ang namuo sa isip ni Lee. At hindi ko
rin alam kung may pinagsabihan na siya ng nakita niya kanina lang.

Pero sa tingin ko ay hindi na maganda ang iniisip niya sa akin. Siguradong


iniisip na n'on na mayroon akong ibang babae at mga anak na tinatago kay
Mei.

Petengene! Buhat-buhat ko pa si Chiasa na mahigpit din ang pagkakakapit


sa akin, at kasabay ko pang maglakad sina Ms. Jodi at Chikao.

Kahit sinong tao naman kasi ang makakita sa amin kanina ay


mapagkakamalan kaming pamilya. Petengene.

Kinakabahan ako.
Kinakabahan ako dahil ayokong mabulilyaso iyong mga inuutos sa akin ni
bossing. Ayokong magalit sa akin si Mei kapag nalaman niyang may mga
tinago ako sa kaniya.

Syet! Hindi ko na alam kung anong dapat kong intindihin at isipin.

Agad kong inalis ang pagkakagat ko sa labi ko nang malasahan ko ang


lasang kalawang na likido roon. Pakingteyp! Nagsugat na ang kisabol lips
ko.

Saktong nakapula ang ilaw sa istap layt kaya nakahinto muna ang sasakyan.
Kinuha ko ang pagkakataon para mariin akong pumikit at huminga nang
malalim.

Kalma, Sebastian Lerwick. Walang mangyayaring hindi maganda kaya


huwag kang mag-isip ng mga negatibiti. Kalma, guwapo ka pa rin.

Tama. Guwapo ako at wala naman akong ginagawang mali kaya hindi dapat
ako kabahan.

"Wala kang ginawang mali, Sebastian..." bulong ko pa sa sarili ko.

Naging grin na ulit ang ilaw kaya inapakan ko na ulit ang silinyador at
tinahak ang daan pauwi ng bahay.

"Aym howm!" malakas na sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ko ng


pinto. Pero imbis na ang madalas na ingay ng teken sa tibi, ang sigaw ni
Cody, ang magalang na bati ni Kayden, at ang nakataas na kilay ng misis ko
ang sumalubong sa akin ay katahimikan ang naabutan ko.

"Nandito na ang guwapo," ulit ko pero wala pa ring sumagot.

Huminto pa ako sa harap ng pinto at pinakiramdaman ang paligid. Baka


kasi pinagti-trip-an lang nila ako. Sutil pa naman ang pag-iisip ng bunso
kong anak na manang-mana sa akin at baka nakaisip na i-prank ako.

Nang wala pa rin akong naramdaman ay doon na ako kinutuban. Ang sakit
sa dibdib ng malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko na naiintindihan kung
anong nangyayari sa katawan ko ngayon. Pucha!

Pero baka gumala lang naman sila? Ilang oras na rin kasi akong wala at
hindi na siguro nila matiis ang pagka-mis sa kagandahang lalaki ko kaya
umalis muna sila para magliwaliw. Mader en sans banding ba?

Baka nga...

Para makasigurado ay napagdesisyonan kong kontakin na si Mei.

Kinuha ko ang selpon kong nasa bulsa ng suot kong pantalon at binuksan
iyon. Pero ganoon na lang ang gulat ko ng bumungad sa akin ang
sandamakmak na mis kols ni Mei. Marami rin siyang mga meseds na
kanina pa ako hinahanap at kung hindi pa raw ba ako uuwi.

Petengene! Anong nangyari?

Tatawagan ko na sana siya nang biglang may inkaming kol na lumabas sa


iskrin ng selpon ko.

Incoming call Lampe...

Mabilis ko iyong dineklayn dahil wala akong panahong makipag-usap


muna sa kaniya ngayon. Pero idadayal ko na sana ulit ang namber ni Mei
nang tumawag na naman si Lampe.

Takte! Ano bang problema nito?

Sinagot ko na ang tawag niya at mabilis na nagsalita. "'Tol, kung anong


mang sasabihin mo, p'wede bang mamaya na? Medyo bisi ang guwapo—"

[Tangina mo, Lerwick! Nasaan ka bang gago ka?]


Nailayo ko pa ang selpon ko sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.
Petengene. Ano na namang ginawa ko?

"Teka lang, Baby Lampe. Bakit ka galit?" tanong ko.

[Ulol. H'wag mo kong ma-baby baby r'yan. Iyong anak mong si Cody, nasa
ospital na't lahat lahat nasa galaan ka pa rin. Siraulo ka na ba, 'tol?]

Wat da pakining syet?!

"Ha? Ospital? Bakit? Anong nangyari? Nasaang ospital kayo?" sunod-


sunod at aligagang mga tanong ko. Mabilis akong lumabas ng bahay at
bumalik sa sasakyan ko.

[Tangina. Ha? Ha? Mahahampas kita, Lerwick. Sinasabi ko sa 'yo.] Galit


na galit talaga ang boses n'ong gago. Tengene. Kaya ba maraming mis kols
sa akin si Mei? Ampotek talaga.

Napahilamos ako sa guwapo kong mukha dahil sa katangahan. Naalala


kong simula pa nga kaninang buhat-buhat ko si Chiasa ay panay na ang
pag-baybreyt ng selpon ko. Hindi ko lang talaga makuha dahil buhat ko
iyong bata.

Tanga. P'wede ko namang kasing kunin iyong selpon at gamitin iyon ng


isang kamay ang gamit pero hindi ko naisip.

[Pumunta ka na rito at samahan mo iyong kapatid ko rito,] biglang sabi ni


Lampe. Tumango naman ako na animong nakikita niya ako.

"Sige, p're. Nasaan ba kayo?" tanong ko.

[Sa ospital nina Bossing.]

"Sige, 'tol. Papunta na ako," sabi ko at pinaandar na ang sasakyan papunta


sa ospital na sinasabi ni Lampe.
Sana walang nangyaring masama kay Cody. Ampotek!

Sigurado akong patong-patong na trapik ruls na ang nalabag ko dahil halos


paliparin ko na ang kotse ko kanina para lang makarating sa ospital. Hindi
ko maipaliwanag ang kaba at pag-aalalang nararamdaman ko.

"Eskyus mi, miss," tawag ko sa isang nars na nasa inpormeshon desk. Nang
lumingon siya sa akin ay saka ako nagtanong. "Saan iyong room ni Cody
Lerwick?"

"Kaano-ano mo po, Sir?" tanong niya.

"Anak ko, mis nars." Tumango naman siya bilang tugon at nagsimulang
mag-serts doon sa kompyuter na nasa harap niya. Ilang segundo lang ang
tinagal n'on at muli siyang nag-angat tingin sa akin.

"Ahm, sir. As of now po, wala pa po ang anak ninyo sa kuwarto. On-going
pa po ang operation niya. P'wede po kayong maghintay sa labas po ng OR,"
sabi niya at tinuro pa ang isang holwey.

"Ganoon ba? Sige, salamat," sabi ko bago tumalikod at naglakad na papunta


sa OR.

Hindi naman kalayuan ang ang opereyting rum sa inpormeshon desk ng


mga nars kaya mabilis din akong nakarating doon. Naabutan ko roon si
Lampe at ang panganay namin ni Mei na si Kayden. Pareho silang nakaupo
sa mahabang istil bents at magkakrus ang mga braso.

Pero nang makita nila ako ay agad silang tumayo.

"Erpat, we've been waiting for you," sabi sa akin si Kayden. Nilapitan ko
siya at ginulo ang buhok niya. Malungkot ang itsura niya at halatang nag-
aalala para sa kapatid niya.
"Ayos ka lang ba, 'nak?" tanong ko sa kaniya dahil namumula ang mata at
ilong niya. Halatang kakagaling lang sa pag-iyak.

"I'm fine, erpat. Pero si Cody..." Wala nang kasinglungkot ang boses niya
nang sabihin niya iyon. Lumingon pa siya sa pinto ng opereyting rum at
bumuntong-hininga.

"Nasaan si Mei?" tanong ko sa kanila. Siya lang kasi ang wala rito.

"Lumabas, magyoyosi raw," sagot ni Lampe.

Tumango naman ako. Hindi maalis ang mata ko sa pinto ng opereyting rum
at parang anumang oras ay gusto ko nang pasukin iyon. Gusto ko nang
makita ang kalagayan ng anak ko.

"Anong nangyari? Bakit inooperahan si Cody?" tanong ko sa kanilang


dalawa. Malungkot na umiling sa akin si Kayden at nangilid na naman ang
mga luha. Umupo siya ulit sa bents at doon yumukyok.

Tumingin ako kay Lampe para humanap ng sagot dahil siguradong


masyadong nag-aalala si Kayden ngayon para magkuwento.

Inismiran niya pa ako bago sumagot. "Bakit ako tinatanong mo? Kung
umuwi ka agad, e di sana nabantayan mo iyong anak mo." Ampotek!
Ngayon lang naging ganito 'to si Lampe pero hindi ko rin naman siya
masisisi.

Sumandal ako sa pader at huminga nang malalim. Hindi ko na mabilang


kung ilang beses ko iyong ginawa ngayong araw.

"'Tol, may inasikaso kasi ako kaya wala ako sa bahay." Hanggang d'yan na
lang kasi ang p'wede kong sabihin. Nating mor, nating les.

"Tss. Alam ko, sinabi na ni Mei."

"Ano ngang nangyari kay Cody, 'tol? Baka naman puwede mong
ikuwento?" dahan-dahan kong tanong dahil pakiramdam ko ay sasabog na
si Lampe. Ramdam ko na nagagalit siya sa akin pero hindi lang niya
tinutuloy dahil ayaw niyang makialam.

"Iyong anak mo...masyadong adventurous manang-mana sa tito niyang


guwapo, ano pa ba?" Umiling siya tapos ay tumingin din sa pinto ng OR
bago magsalita.

"Busy raw kasi si Mei sa kusina at nagluluto. Si Kayden naman ay nasa


kuwarto niya at nag-aaral kaya hindi nila napansin na lumabas pala ng
bahay si Cody. Tinakas daw ni Cody iyong susi n'ong sports car ninyo at
dinrive. Eh, hindi naman marunong iyong bata kaya no'ng makasalubong
iyong truck ng basura na pumasok sa village ninyo ay nagkabanggaan sila."

Petengene. Ang bangis talaga ng anak ko. Akalain mong nagawa niyang
imaneho iyong kotseng iyon?

Mahilig kasi talaga sa sasakyan si Cody at gustung-gusto na niyang


matutong magmaneho ng mga sasakyan. Ang totoo ay madalas akong
inaawitan ng batang iyan na turuan na siya pero hindi lang kami pumapayag
ng ermat niya dahil sa edad niya. Akala niya siguro ay mas marunong na
siya ngayon kaysa n'ong una niyang beses na sinubukan. Hindi nga siya
nabangga sa puno ngayon, pero nakabangga naman siya ng iba. At mas
malala pa ang tinamo niya.

"M-malala ba ang lagay ni Cody?" tanong ko.

"Truck iyong nakabangga, Audi iyong gamit ng anak mo. At hindi raw siya
nakasuot ng seatbelt nang maabutan nila. Ano sa tingin mo?" pabalang na
sagot ni Lampe. Kaya napamura na lang ako sa isip ko.

Peyshens. Bayaw mo iyan. Konsern lang iyan sa kapatid at pamangkin niya


kaya ganiyan siya umakto ngayon...pero siya pa rin naman si Baby Lampe.

At wala rin akong karapatang sabayan ang galit nila dahil may kapabayaan
din naman talaga ako.
"Eh, iyong nakabangga?"

"Buhay pa. Nakausap na namin. Todo ang sorry kaya pinabayaan na lang ni
Mei. Hindi rin naman nila kasalanan at pagbabasura lang ang ikinabubuhay
nila." Tumango ako. Ang bait talaga ng asawa ko. Maganda na, mabait pa.
Pero shur din akong galit iyon sa akin ngayon.

"Iyong isports kar ko?" tanong ko.

"Yupi na ang kalahati."

Napapikit ako.

Kakabili ko lang n'ong sasakyang iyon bilang kapalit sa kotseng nabangga


rin ni Cody no'ng gradweshon ni Kayden. Pero hindi ko iyon madalas na
ginagamit dahil tu siter lang ang isang iyon.

Petengene.

Pero okay lang. Mas mahalaga ang anak ko kaysa sa kotse. Ang mahalaga
ay maging maayos si Cody."Salamat, p're," sinsir kong sabi at tumango
naman siya.Parehas lang kaming nakasandal sa pader, nakatingin sa pinto
ng opereyting rum. Hinihintay na magbukas ang pinto at may lumabas na
doktor na magbabalitang ayos na ang bunso kong anak na manang-mana sa
akin.Parehas lang kaming tahimik ni Lampe hanggang sa nakarinig kami ng
tunog ng hils na naglalakad papunta sa direkshon namin. Otomatik na
nilingon namin iyon at ganoon na lang ang pagbara ng lalamunan ko nang
makitang si Mei iyon. May hawak pa siyang pakete ng sigarilyo at layter sa
isang kamay niya.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Umayos ako ng tayo at sinalubong siya.

"M-Mei..."

Tumaas ang kilay niya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Si Cody."

"Oh? Obviously, he's still inside the operating room," sarkastik na sabi niya.
Parang tangang-tanga sa akin dahil halata naman kung nasaan anak namin
pero hinahanap ko pa.

"Mei—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Lampe.

"Lerwick, Sis, uwi muna ako. Baka hinahanap na ako ni Andrea."

"Thank you, Max. I appreciate your presence," nakangiting sabi ni Mei sa


kapatid. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagdiin niya sa salitang
presens at bahagyang pagtingin sa akin nang sabihin niya iyon.

Napalunok tuloy ako dahil naintindihan ko na agad ang pinapahiwatig ni


Mei. Kahit si Lampe ay siguradong napansin din iyon dahil nakita ko ang
bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya. Wiling-wiling galit sa akin ang
kapatid niya.

"And please..." sabi ni Mei. Tumingin siya kay Kayden na nakaupo at


nakatingin lang sa amin. "...can you look after Kayden in the meantime?"

"Oo naman," sabi niya at lumingon kay Kayden. "Kayden, tara na. Balik na
lang tayo 'pag okay na si Cody."

Tahimik na tumango lang si Kayden bago lumapit sa amin. Humalik muna


siya sa ermat niya at sa akin bago tumabi kay Lampe. Tinapik ni Lampe ang
balikat ni Mei at inakbayan si Kayden bago sila sabay na naglakad palayo
sa direkshon namin.

"Salamat, p're," pahabol ko. Tumango lang siya sa akin at tiningnan ako
nang makahulugan. Para bang sinasabing ayusin ko ang katangahang
ginawa ko na gagawin ko naman talaga.

"Mei," pagtawag ko sa maganda kong asawa pero hindi niya ako pinansin.

Nilagpasan niya ako para makaupo sa mahabang istil bents kaya umupo rin
ako roon. May isang upuang nakapagitan sa amin.

"Mei," tawag ko ulit at sa oras na 'to ay iritable na siyang tumingin sa akin.

"What? Kanina ka pa tawag nang tawag sa akin."

"Sorry. Hindi ka kasi sumasagot..." kakamot-kamot sa ulong sabi ko.

Parang naasar siyang tumawa sa akin. "Now you know what it's like to call
someone you need, but you haven't even replied with a simple text," sabi
niya. Napalunok naman ako.

Sinasadya niya pala?

Kung alam lang ni Mei kung gaano kong pinagsisisihan na hindi ko


nagawang nasagot ang mga tawag niya kanina...

"Sorry na, Mei. May...may inasikaso lang akong importante. Sinabi ko


naman sa 'yo, 'di ba?" parang pagod na pagod nang sabi ko.
Paulit-ulit ko na kasing sinasabi at dinadahilan pero wala naman akong
magawa dahil iyon lang talaga ang p'wede kong sabihin.

"Pero wala kang sinabi na bawal kang tawagan kapag emergency na,"
marahan pero dama ko ang hinanakit niya sa akin nang sabihin niya sakin
iyon.

"Naka-silent kasi—"

"Did you really have to silence your phone while working? Ganoon mo
kaayaw magpaistorbo?" Tumaas ang boses niya at naka-krus ang mga
brasong tiningnan ako.

"Hindi naman sa ganoon, Mei. Sorry. Hindi ko kasi napansin—"

"Kasi busy ka? Kasi abala ka sa inaasikaso mong trabaho. I know, Lerwick.
I get it. You don't need to tell me the same thing over and over again."
Ipinaikot niya ang dalawa niyang mata na para bang pagod na pagod na sa
mga idinadahilan ko.

Sabagay, sino ba namang matino ang ia-aksep ang sagot ko kung paulit-ulit
at nagka-emerjensi pa, 'di ba?

"Hindi ko naman alam na mas importante pa 'yang trabaho mo kaysa sa


anak mo."

Mariin akong napapikit. Marahas kong hinilamos ang palad ko sa guwapo


kong mukha.

Huminga ako nang malalim. Ayokong makipagtalo sa asawa ko. Ayokong


magtalo kami lalo na't nasa loob pa ng petengeneng opereyting rum si Cody
at wala kaming kabali-balita kung ano na ang nangyayari sa kaniya.

At alam ko na sobrang nabibigatan lang si Mei sa mga nangyayari. Lagi


akong nasa tabi niya sa tuwing may mga nangyayaring hindi inaasahan.
Alam kong nabigla lang siya at hindi inaasahan ang nangyari. Nag-aalala
lang siya kay Cody.

"Sorry..."

"Stop saying sorry. For fuck's sake, Lerwick, paulit-ulit na. Siguraduhin mo
lang na mas mahalaga pa iyang tinatrabaho mo sa buhay ng anak mo," sabi
niya at tinalikuran ako. Pero kahit na nakatalikod siya ay nakita ko ang
paghawak niya sa sentido niya.

Tangina.

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin dahil ang alam ko lang ay
mahalaga lahat ng ginagawa ko.

Mahalaga...

Lahat ng bagay na ginagawa ko ay mahalaga para sa mga taong mahalaga


sa akin. Para sa mga anak ko. Para kay Mei. Para kay bossing. Para sa lahat.

Pero tama naman si Mei, e. Mas mahalaga para sa akin ang buhay ng anak
namin kaysa sa bagay na ipinapagawa sa 'kin ni bossing. Sigurado naman
ako na maiintindihan niya ako kapag emerjensi na ang usapan.

Natahimik kaming dalawang mag-asawa. Walang nagsasalita. Tanging ang


naririnig lang namin ay ang nakabibinging tunog ng iba't ibang bagay rito
sa loob ng ospital. Ang tahimik na pag-uusap ng mga nars at doktor sa
malayo at ang mga tunog ng sapatos na naglalakad.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng opereyting rum. Lumabas


doon ang isang lalaking nakasuot pa ng iskrab sut at lumapit sa amin.

Nagkatinginan kami ni Mei at sabay na lumapit sa doktor.

"Dok, kumusta na ang anak namin?" tanong ko sa doktor.

"The operation is not done yet."


"How's the operation going? Is everything okay? How is our son?"

"Like I have said, it's still on-going. Hindi pa po namin masasabing


successful ang operation but we are all doing our best. And we are also
hoping for your son's cooperation. Dahil bukod sa amin, nakadepende pa rin
ang operation sa magiging reaction ng katawan niya." Bahagya lang itong
ngumiti sa amin.

Petengene! Ba't pa 'to lumabas ng opereyting rum kung hindi pa pala tapos
ang operasyon?

"Is he badly fractured?" nag-aalalang tanong ni Mei.

Tumango 'yong doctor. "The operation might take a few more hours and I
came out to say that the orthopedic surgeon took the operation since the
accident caused him to have a proximal tibia fracture."

Tumango-tango na lang ako dahil medyo nahihirapan akong i-absorb ang


mga sinasabi ng doktor.

"Thanks, doc. Please do everything for our son," pagpapasalamat ni Mei na


ikinatango lang ng doktor bago in-eksyus ang sarili niya at bumalik sa loob
ng opereyting rum.

Ilang oras pa kaming naghintay sa labas ng opereyting rum bago kami


nabigyan ng magandang balita.

Naging saksespul ang operasyon ni Cody pero gayunpaman ay kailangan


niya pa munang manatili sa aysiyu hanggang sa masigurado na magiging
isteybol na ang lagay niya. Sinadyes ng nars na p'wede muna kaming
umuwi para makakuha ng mga gamit.

May posibilidad daw kasing magtagal pa si Cody sa aysiyu kung hindi agad
magiging isteybol ang lagay niya.
"Mei, mag-usap tayo," sabi ko kay Mei nang makarating kami sa bahay.
Hindi ko siya nagawang makausap sa daan pauwi dahil may sarili kaming
mga sasakyan na dala.

Pero tulad kanina ay parang hangin lang ako na dinaanan ni Mei at hindi
narinig. Nagtuloy-tuloy siya papuntang kusina para uminom ng tubig.

Tinawag ko ulit siya. "Mei—"

Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang marahas niyang ilapag


ang baso sa kawntertap at matalas ang matang nakatingin sa akin. "Ano ba,
Lerwick?"

Pero kahit gaano pa kagalit ang mga mata niya ay kitang-kita ko ang
pangingilid ng luha sa mga ito na pinipigilan niya lang.

Huminga ako nang malalim at lumapit sa kaniya. Pinabayaan niya akong


huminto sa harap niya at hawiin ang mga buhok na humaharang sa mukha
niya.

"Mag-usap tayo. Ayoko ng ganito. Iyong hindi tayo ayos," marahan kong
sabi.

"Do you think na gusto ko rin na nagkakaganito tayo?" Kababakasan ng


lungkot ang tanong niya bago humakbang palayo sa akin.

Nanatili akong tahimik. Hindi alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"No..." pagpapatuloy niya.

"Hindi, Lerwick. Pagod ako. Pagod ako sa trabaho. Pagod ako sa pag-iisip
at pag-aalala kung nasaan ka na, kung ano na ang nangyari sa 'yo at kung
bakit hindi ka nakakasagot sa mga tawag ko. Pagod ako sa pag-aalala sa
anak natin," mahaba niyang sabi pagkatapos ay bumuntonghininga at
mabilis pinahid ang isang butil ng luha na tumulo sa kanang mata niya.
Gusto ko na namang sapakin ang sarili ko dahil alam ko na kasalanan ko
kung bakit ganiyan si Mei.

"Just...just let me rest for a while. I don't have the energy to talk for now,"
sabi niya at wala naman akong nagawa kundi tumango.

Mapait siyang ngumiti sa akin bago ako tinalikuran at narinig ko na lang


mga yabag ng mga paa niyang paakyat ng hagdan.

Nagtalo ang isip at puso ko kung susundan ko ba siya pero mas pinili ko na
lang na pigilan ang sarili ko at hayaan siyang magpahinga muna.

Mas mainam na rin siguro iyon para maipahinga niya ang isip niya kahit na
sandali. At baka malay natin, bukas, paggising niya, maalala niyang ako
ang pinakaguwapong lalaki sa mundo at magkaroon na ng puwang sa puso
niya na patawarin ako.

Tsk! Hindi ko lang alam kung gaano katagal ang oras na hinihingi niya pero
sana ay hindi gano'n katagal.

Sana nga bukas ay maging maayos na ang lahat.

Inis kong sinabunutan ang buhok ko pero agad ko rin namang inayos iyon
dahil petengene, dapat pogi pa rin kahit istres na. Guluhin mo na ang lahat,
huwag lang ang buhok ng isang guwapong Sebastian Lerwick, ma men.

Kinuha ko ang pinakapaborito kong alak sa likor drower at kumuha ng shat


glas.

Dinala ko ito sa kawntertap at doon ako nagsimulang uminom habang


naglalakbay ang isip ko sa lahat ng nangyari ngayon.

Mula sa pag-alis ko ng bahay at pakikipagkita ko kay Ms. Jodi.

Utos ni bossing iyon kaya wala akong ibang sey tungkol doon. Simula
no'ng pumasok ako sa Roswells ay inalay ko na ang sarili at buhay ko sa
grupo na iyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay
nabubuhay ako. Malaki ang utang na loob ko sa grupo lalong lalo na kay
bossing. At nangako akong susunod ako sa utos ni boss kahit buhay ko pa
ang maging kapalit.

Nangako ako, at wala akong planong sirain ang pangako at mga salitang
binitawan ko.

Tinungga ko ang alak na nasa shat glas. Ang pait, ampupu.

Sina Chiasa at Chikao na mukhang nakuha sa akin ang pangungulila sa


ama nila.

Iyong mga batang iyon...siguradong naghahanap lang ng kalinga ng isang


ama iyon. At nakakalambot ng puso na nakita nila ako bilang ama tapos
tinawag pa nila akong dadi kahit halata namang tutol si Ms. Jodi dahil
siguro nahihiya rin.

Sa loob-loob ko, ayos lang naman. Ayos lang kung tawagin nila akong dadi
at ituring pa nila akong tatay. Ayos lang kung maging pader pigyur ako sa
kanila kahit sandali lang. Wiling naman akong bahagian sila ng
kagandahang lalaki ko.

Uminom ulit ako. Dis taym ay may maliit na ngiti sa labi ko sa pag-alala sa
mga batang iyon. Pero nabura rin iyon nang maalala ko si Lee.

Iyong nakita ni Lee.

Wala akong ginagawang masama, alam ko. Pero sa mata at isip niya ay
paniguradong mayroon. Kahit gaano ko pa kagustong magpunta sa kaniya
ngayon at magpaliwanag tungkol sa mga nakita niya ay hindi ko magawa.
Dahil kapag ginagawa ko iyon ay masusuway ko ang utos ni bossing at
malalaman nila ang mga sikretong mishon na ginagawa ko ngayon.

Sana talaga ay wala siyang pagsabihan. Uminom ulit ako habang dinadasal
sa isip ang mga salitang iyon.

Si Cody.

Iyong bunso kong anak na manang-mana sa kagandahang lalaki ko, tama si


Lampe. Napaka-adbentsurus n'ong batang iyon. Mapapa-hay nako ka na
lang talaga pero kahit ganoon ay nakapa-swit, keyring, totpul, labing,
matalino, at guwapo ni Cody. S'yempre kanino pa ba magmamana? Sa nag-
iisang Sebastian Lerwick lang naman.

Pero hanggang ngayon ay pakiramdam ko nag-i-iskip ng isang tibok ang


puso ko sa kadahilanang nandoon pa rin siya sa aysiyu at walang malay.

Kung umuwi lang siguro ako nang mas maaga ay siguradong hindi niya
ginawa iyon. Hindi niya minanehong mag-isa iyong isports kar at nandito
sana kami sa bahay ngayon. Masayang naghahapunan.

Muli kong sinalinan ng alak ang baso at no'ng umabot na iyon sa kalahati
ay tinungga ko na naman iyon.

Si Mei.

Iyong asawa kong ubod ng ganda. Petengene. Nagi-gilti na ako sa kaniya


dahil may mga itinatago ako sa kaniya ngayon. Iyong mga inuuutos ni
bossing, si Ms. Jodi, iyong mga anak niya...

Nagigilti rin ako dahil kinailangan niyang asikasuhin at isugod nang mag-
isa si Cody sa ospital.

Nagigilti rin ako dahil katulad nga ng sinabi niya kanina...pinag-alala ko


siya. Akala ko nagagalit lang siya dahil hindi ko siya nasamahan nang
maaksidente si Cody. Hindi pumasok sa isip ko na nag-aalala na rin pala
siya sa akin.

Petengene talaga. Ang dami kong problema pero isa lang talaga ang
sikreto sa lahat ng ito at iyon ay...

...ang manatiling guwapo.


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Ilang buwan na ang nakalipas magmula no'ng nangyari ang aksidente kay
Cody at unti-unti naman na siyang nakaka-rekober at binabantayan namin
nang mahigpit baka matakasan na naman kami.

"Erpat, sa tingin mo po bagay po ito sa akin?" tanong niya sabay pakita sa


akin ng susuotin niya. Nandito ako ngayon sa kuwarto niya dahil nautusan
ako ni Mei na asikasuhin si Cody.

Pupunta kami ngayon sa bahay nina bossing dahil pinatawag kami. At


mukhang alam ko na ang dahilan.

"Erpat, hindi ka naman po nakikinig, eh," reklamo sa akin ni Cody kaya


nginitian ko siya at kinuha ang polong hawak-hawak niya.

"Bagay naman sa 'yo ito, pero wala ka bang ibang polo?" tanong ko sa
kanya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at pumunta sa wok-in
kloset niya para ako na ang maghanap ng susuotin niya.

"Wala namang damit ang hindi bumabagay sa mga guwapo, Erpat. Dapat
alam mo po 'yan," sabi niya pa. Aba matinde! Walang kaduda-duda, anak
ko nga.

Binigay ko sa kanya iyong bagong biling damit ni Mei noong nakaraang


linggo.

"Ito, siguradong mahuhumaling ang lahat ng babaeng makakakita sa 'yo.


Pero s'yempre kung magkasama tayo eh mas mahuhumaling sila sa erpat
mo," hindi naman nagpapatalong sabi ko. Aba, natural lang naman na hindi
dapat magpatalo ang dahilan kung bakit pinagpala siya ng kagandahang
lalaki. Walang iba kundi ako lang naman.

Tinulungan ko muna ito sa pagbibihis at pagkatapos ay pinauna ko na sa


baba dahil ako naman ang magpapaguwapo. Guwapo naman na ako pero
kailangan ko pa ring mas magpaguwapo.

Nakita ko si Mei sa kuwarto namin na nag-aayos kaya lumapit ako sa


kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"Ay lab yu, Mei."

Nakita ko sa salamin namin na ngumiti siya pero agad din niyang binawi,
petengene!

"What are you doing, Lerwick?" Inamoy ko ang buhok niya na kanina niya
pa sinusuklay. Paksyet! Ang bango talaga.

"Na-miss ko itong gawin sa 'yo. Tagal na rin simula no'ng huling labing-
labing natin," mahinang bulong ko sa tainga niya na ikinabigla naman nito.

"Lerwick!" Humarap sa akin si Mei at masama akong tiningnan. "Mali-late


na tayo, let's go," sabi ng maganda kong asawa sabay tulak niya sa akin at
tuluyan nang umalis sa harap ko. Tinungo niya ang wok-in kloset namin
para maghanap ng susuotin niya, kaya sinundan ko siya kaso petengene,
ang mata mo Lerwick.

"Petengene, aalis muna ako. Sori, sori," mabilis na sabi ko sabay takip ko sa
mata ko. Nakita ko naman na lahat ng 'yon, pero kailangan niya pa rin ng
praybasi.

Paalis na sana ako nang biglang hawakan ni Mei ang braso ko at pinigilan
niya akong umalis. "Where do you think you're going?" May halo pang
pang-aakit sa boses niya. Tinulak niya ako sa may pader ng wok-in kloset
namin kaya napalunok ako. Ampupu!

"M-Mei, teka ano ba g-ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa ubod


ng ganda kong asawa. Paano ba naman eh bigla-bigla na lang mag-iiba ang
mud at kilos. Petengene! Puwede namang magpaabiso kung gusto niya ng
labing-labing. Hindi naman ako hard-to-get.

"Nagbibihis s'yempre, ano pa ba?" Nakatingin ng seryoso sa akin si Mei


pero nandoon pa rin ang pleypul na ngiti niya. Dahan-dahan ko siyang
itinulak para makaalis ako sa puwesto ko na agad din naman niyang
inaksyunan.

"M-Mei baka hinahanap na tayo nina Bossing," pagdadahilan ko at tumawa


ako nang peke para matago ang kabang nararamdaman ko. Paksyet! Wat ar
yu weyting por, Sebastian Lerwick? Ito na ang chans na magka-doter ka
bakit hindi mo gina-grab ngayon?

"Masyado pang maaga so I was thinking of...having some fun..." Idinikit ni


Mei ang katawan niya sa katawan ko at sinabi niya iyon ng pabulong sa
kanang tainga ko na may halong pang-aakit. Wadapak! So help me Gad!

"Don't you want this, Ler—-"

Hindi na natuloy ni Mei ang sasabihin niya dahil biglang nag-ring ang
selpon ko. Tenkyu Lord!

Dala ng pagkagulat ay medyo naitulak ko pa si Mei.

"Sori Mei, mamaya na lang natin ituloy ang binabalak mo," sabi ko saka
tiningnan ang tumatawag at si bossing 'yon sasagutin ko sana pero biglang
namatay. Syet.

"Who was that?" paglingon ko ay nakabihis na si Mei.

"Si Bossing, mukhang kanina pa nila tayo hinihintay," sabi ko kay Mei nang
ibinaba ko ang selpon ko sa kama. Tumango ito sa akin at ako naman ang
tumungo sa wok-in closet namin para makapagbihis na.

"We'll just wait for your downstairs, Lerwick," saad nito.

-
"Ermat, tingnan mo po ito. Ayos na po siguro 'to," rinig kong sabi ni Cody
sa ermat niya habang bumababa ako sa hagdanan dahil nahuli na ako.
Nahirapan kasi akong mamili ng susuotin. Kahit anong damit kasi ang
suotin ko ay bumabagay lang sa guwapong tulad ko.

"Eksyated na po akong pumunta kina Baby Katana. Tagal na rin po ng


huling pagkikita namin. Baka malungkot na siya at hindi na nasisilayan ang
guwapo kong mukha."

Tuluyan na akong nakababa sa hagdanan. Nakita ko naman silang nasa


salas at nakaupo. Si Cody ay panay kuwento sa ermat niya samantalang si
Kayden naman ay tahimik lang sa gilid at nagbabasa ng libro niya. Hindi
agad nila ako napansin siguro dahil bisi silang mag-usap-usap.

"Ser, ito po inumin mo muna. Gawa po 'yan ni Ma'am," salubong sa akin ng


bago naming kuhang kasambahay dahil magdadala rin siya ng inumin kina
Mei. "Hindi niya lang po natapos dahil tinawag siya ng bunso ninyo."

Hindi na sana kami kukuha ng kasambahay lalo na at mahirap ngang


magtiwala sa sitwasyong kinalalagyan namin, pero dahil sa nangyari kay
Cody ay napilitan kaming kumuha lalo na at pareho na nga kaming
nagiging bisi ni Mei.

"Ako na, salamat." Kinuha ko ang tray na may lamang lemon jus. Tuluyan
na akong pumunta kina Mei para maibigay sa kanila itong lemon jus.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mag-ina ko, ah," singit ko sa


usapan nila para mapansin nila ako. Napatingin sa akin si Kayden at
ngumiti. Para bang ang lalim ng iniisip niya, kaya nilapitan ko siya, ginulo
ang buhok at nginitian.

"Ano'ng iniisip ng guwapo kong panganay?" tanong ko rito. Tiningnan niya


lang ako at ngumiti sa akin. Baka hindi pa siya reding mag-sher kaya
hinayaan ko na lang muna.

"Erpat, para sa amin po ba itong jus?" tanong naman sa akin ni Cody nang
makaupo ako sa tabi ni Kayden.
"Oo gawa 'yan ng ermat mo."

Maya-maya ay nag-aya na si Mei na umalis na kaya mabilis kumilos ang


dalawang bata papunta sa kotse kaya napailing na lang si Mei sa ikinilos ng
mga bata. Hindi naman halatang eksayted, ah.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating din kami sa bahay nina bossing.
Sumalubong sa amin si Ms. Aemie na ang lawak ng mga ngiti. Pinarada ko
ang sasakyan namin sa isa sa mga paradahan nila at saka kami bumaba.

"Hello, Sebastian! Hello, Meisha! Hello, Kayden at Cody!" bati sa amin ni


Miss Aemie pagkababa. Pft. Parang nag-a-attendance lang, ah.

"Pasensya na at ngayon mo lang nasilayan ang kagwapuhan naming mag-


aama, Miss Aemie. Medyo na-trapik lang habang papunta rito. Nasaan na
nga pala si bossing at mag-isa ka lang dito?" tanong ko kay Ma'am Aemie.

Naglalakad na kami papasok sa loob ng bahay. Si Cody naman ay balak


nang mauna sa amin para daw makita ang bunsong anak ni bossing. Luma-
lab layp na itong guwapo kong anak, ah.

"Hehe, nasa loob na si Zeke. Nauna lang ako rito kasi inaabangan ko
kayong dumating. May pagkashunga ka pa naman, Sebastian. Tamo ngayon
kung ano-ano na namang ilusyon sinasabi mo," sabi nito. Petengene.

Napansin ko na pilit tinatanggal ni Cody ang pagkahawak sa kaniya ni Mei.


Si Kayden naman ay nasa likod lang namin at tahimik lang na nakatingin sa
dinaraanan nila.

"Cody, behave," seryosong sabi ni Mei kay Cody dahil ang kulit-kulit.
Ayaw niya kasing magpahawak ng kamay.

"Kaya ko naman pong maglakad nang mag-isa. Malaki na po ako," sabi ni


Cody na hindi naman pinansin ni Mei. Mukhang nagpapapogi 'to sa bunso
ni bossing kaya gan'yan.

Nakapasok na kami sa bahay nila. Naabutan namin si Trigger na


nagmemeryenda sa salas. Nakita niya kami kaya agad naman itong bumati
sa amin at nagpaalam na aakyat na sa kuwarto niya.

"Upo muna kayo, tawagin ko lang si Zeke sa taas," sabi ni Miss Aemie at
umakyat na sa taas. Naiwan naman kaming apat sa salas. Eksakto namang
lumabas ang kasambahay nila mula sa kusina para dalhan kami ng
meryenda.

"Erpat bakit wala po si Baby Katana?" Kanina niya pa hinahanap si Katana


simula nang pumasok kami sa loob ng bahay ni bossing.

"Baka nasa kuwarto niya, 'nak. Kilala mo naman si Katana." Tumango-


tango si Cody sa sinabi ko saka niya kinain ang keyk na hinain sa amin.
Maya-maya ay bumaba na rin si Miss Aemie at kasama si bossing na
nakasunod sa kaniya.

"Nandoon sila, Dong," turo sa amin ni Miss Aemie sa gawi namin habang
naglalakad sila palapit sa pwesto namin.

"Dong, ano pa lang pag-uusapan ninyo?" tanong ni Miss Aemie kay bossing
na tahimik lang na naglalakad sa tabi niya.

"We're just going to have an important conversation, wife. You can also talk
to Meisha Lerwick if you need to.."

Ngumuso naman si Miss Aemie saka nagsalita. "Oki-doki, Zeke! Hiramin


ko nalang din muna si Meisha at may something important din kaming pag-
uusapan," sabi ni Miss Aemie na pinagkadiin-diinan pa ang pagsabi ng
important saka hinila ang maganda kong asawa.

Ang dalawang bata naman ay sumunod kina Mei. Nagtungo kami sa opis ni
bossing sa loob ng bahay na nasa sekond plor para makausap kami nang
maayos.

Pagkapasok namin sa opis ay bumungad ang mga larawan ni Miss Aemie at


ng mga bata. Napapalibutan 'yon ng mga larawan nila. May nakita rin
akong larawan nilang buong pamilya na may ispeys pa sa gitna.
Hindi naman ito ang pers taym ko na makapasok sa loob. Mukha lang may
mga binago rito. Nakita ko na umupo na si bossing sa upuan niya kaya
sumunod ako at umupo sa upuan nang maayos.

"Ano pa lang idi-diskas natin, Bossing?" tanong ko kay bossing dahil por
shur ay may ipapagawa ito bago sa sikret mishon namin.

"Any update, Lerwick?" tanong sa akin ni bossing.

"Ito, Bossing. Maayos naman sa ngayon ang nagiging takbo ng mga


transaksyon namin. May nakalap din pala akong impormasyon..." sabi ko
rito. Ikinuwento ko kay bossing ang naging takbo ng mga ginawa kong
transakshon at ang mga naging resulta ng mga ito. Tango lang ang isinagot
nito sa mga sinabi ko.

Maya-maya pa ay nagsalita ulit si bossing. "How about Andres?" tanong


niya na agad ko namang sinagot.

"Ayun nga po't may mga transakshon kaming ginagawa nang magkasama ni
Ms. Jodi. Minsan nga ay kabado pa ako kasi paksyet! Isinasama ba naman
'yong mga bata. Pero naging helpul din naman no'ng nakaraan dahil
nahalata kami noong isang tauhan no'ng minamanmanan namin kaya
ginamit niyang alibi, mabuti na lang at nakalusot kami, Bossing. Sa ngayon
ay nabanggit niyang may hinahagilap pa siyang impormasyon sa Japan
dahil kulang pa raw iyong mga nakalap namin no'ng nakaraan." Tumango si
bossing sa sagot ko.

"Tell her to leave the kids at home when you're working on something that
might be unsafe for the twins," sabi naman nito.

"Areglado, Bossing! Minsan lang talaga ay gustong sumama ng dalawa


dahil gusto nila akong makita. Tinatawag na nga nila akong dadi," kuwento
ko pa rito.

Maya-maya lang ay nakarinig kami ng kalabog kaya agad kaming na-alerto


ni bossing. Syet! Hindi puwedeng mabisto ang plano.
Sumenyas si bossing na lapitan ang pinanggalingan ng kalabog na narinig
namin. Dahan-dahan akong lumakad patungo sa pinto para buksan 'yon.

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si Cody na tarantang tumakbo


palayo sa pintuan ng opisina ni bossing at mukhang narinig niya ang pinag-
uusapan namin. Lumingon ako kay bossing na ngayon ay nakaupo na sa
upuan niya. "Bossing, sibat na muna ako. Kausapin ko lang bunso ko."

"Go ahead." Pagkasabi ni bossing ay dali-dali kong hinahol si Cody pero


agad naman siyang nawala sa paningin ko kaya hinanap ko muna kung saan
siya nagtungo. Petengene, nakakapagod ding maghanap lalo na't ang laki ng
bahay ng pamilya Roswell.

Dumaan muna ako sa kusina nila para uminom ng tubig nang makita roon si
Cody. Agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinila palabas sa kusina dahil
hindi puwedeng sa kusina ko siya kakausapin.

"E-erpat saan mo po ako dadalhin?" nagtatakang tanong ni Cody sa akin.


Dinala ko si Cody sa isa sa mga kuwarto rito sa bahay nina bossing para
makausap ko nang maayos. Saktong may napasukan kaming parang
tambakan ng mga gamit.

"Guwapo kong anak, may narinig ka ba sa mga pinag-uusapan namin ni


Bossing?" Habang sinasabi ko 'yon ay tiningnan niya naman ako.

"Erpat sino po si Jodi?" Petengene, hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang


tanong ni Cody dahil baka mabuko ako.

"Wala iyon, anak. Parte lang ng trabaho ng guwapo mong erpat."

"Tinatrabaho mo po siya?" tanong nito na agad nakapagpalaki ng mata ko.

"Ha? Saan mo naman nalaman ang salitang 'yan, ha? Lagot talaga tayo nito
sa ermat mo."

"Po? Tinatrabaho po, work po. 'Di ba iyon naman po ang ibig sabihin n'on?"
aniya. Petengene, 'yang matalino mong pag-iisip, Cody Lerwick,
nasosobrahan na siguro. Sobra-sobra ka na nga sa kagwapuhan, pati ba
naman sa katalinuhan eh sumobra ka rin? Paksyet.

"A-ah. Oo nga, ha-ha," sagot ko naman dito na medyo nakakahinga na nang


maluwag.

"May iba ka po bang pamilya, erpat?" tanong ulit nito sa 'kin. Nanlalaki
naman ang mata kong tumingin sa kanya.

"S-saan mo naman nakuha ang impormasyong iyan na walang katotohanan?


Wala, 'no!" depensa ko.

"Eh, bakit po dadi tawag sa 'yo ng mga anak ni Jodi? Tapos kanina po
noong pumasok ako sa kuwarto ninyo ni ermat para sa tawagin kayo,
naabutan ko po si ermat na hawak selpon mo at nakatitig sa iskrin dahil
may tumatawag na J. Andres. May ibang asawa pa po kayo maliban kay
Ermat at Jodi?" inosente pang pambibintang nito sa akin.

Nagulat naman ako sa mga narinig ko lalo na at sinabi nitong tumawag pala
sa akin kanina si Jodi at nakita ni Mei. Petengene, baka kung ano pa ang
isipin ng maganda kong asawa. Masama ang kutob ko rito.

"Makinig ka, Cody. Kung ano man ang narinig mo sa pinag-usapan namin
ni Bossing, sikret lang 'yon, okey? Parte lang 'yon ng trabaho ko. At mali
ang iniisip mo dahil katrabaho ko lang si Miss Jodi. Makakaasa ba akong
wala kang pagsasabihan sa mga narinig mo kanina?"

"Oo naman po, Erpat! Guwapo lang ako pero hindi madaldal," nakasaludo
pang sabi nito sa akin. Ginulo ko naman ang buhok niya at nginitian siya.

"Gud."

"Pero bakit po hindi puwedeng sabihin kay Ermat? 'Di ba po bad ang
magsinungaling?"

"Hindi naman tayo magsisinungaling sa ermat mo dahil itatago lang natin.


Hindi niya naman malalaman kasi sikret mishon ng erpat 'to galing kay
Bossing, areglado ba?"
Tumango si Cody at sumagot ng areglado sa akin. Sabay na kaming
lumabas doon at naglakad na patungo sa sala.

"Nasaan ang kuya mo, Cody?" biglang tanong ko kasi kanina ko pa hindi
napapansin si Kayden simula nang hinabol ko si Cody.

"Sa tingin ko po ay nasa labas si Kuya. Noong umalis po kasi sina Ermat ay
nakita ko po siyang nagpunta sa garden. Eh ako naman po ay iba ang pakay
kaya humiwalay po ako sa kanya. Hinanap ko po si Baby Katana pero
kakahanap ko sa kaniya ay kayo pa ang nahanap at naabutan kong nag-
uusap ni Tito Ezekiel," mahabang paliwanag ni Cody sa akin habang
naglalakad kami papunta sa garden nina Miss Aemie.

"Bakit hindi ka muna sumama sa kuya mo tutal hindi mo naman


makakalaro si Katana?" sadjeschon ko kay Cody baka kasi mainip siya
kakahintay sa amin. Ako naman ay kailangan pang bumalik kay bossing
dahil hindi pa kami tapos sa pagdidiskusyon tungkol sa mga transaksyon
namin.

"Puro libro naman po kasi hawak ni Kuya," reklamo sa akin ni Cody


habang nakasimangot. Gusto niya talagang makita si Katana pero mailap
talaga ito sa tao at laging tahimik lang. Alam na kung sino ang
pinagmanahan.

"Dito na lang po ako, Erpat. Hihintayin ko na lang na dumating si Ermat,"


sabi ni Cody sa akin nang makarating kami sa pintuan patungo sa garden
nina bossing.

"Ayun po si Kuya Kayden. Nagbabasa na naman po. Pupuntahan ko na lang


muna," sabi pa nito sabay kalas ni Cody sa pagkahawak ko sa kaniya at
pinuntahan na si Kayden na nakaupo sa isang gilid.

Bumalik ako sa opis ni bossing para ipagpatuloy ang pinag-uusapan namin


at i-report na rin ang mga nalaman at napag-usapan namin ni Cody.

Habang nag-uusap kami ay nakarinig kami ng katok sa pinto.


"Dong, papasok ako, ah." Hindi pa man nakakasagot si bossing ay pumasok
na si Miss Aemie sa loob kaya 'yong ibang printed payls at plasdraybs na
hawak-hawak ni bossing at 'yong ibang nakalatag sa mesa niya ay mabilisan
niyang itinago.

"Dong, magmeryenda muna tayo kasama ang mga bata. May binili kami ni
Meisha habang pauwi, hehe. Ikaw rin, Sebastian." Tumango ako bilang
sagot. Sumenyas naman si bossing na bumaba na ako kaya agad ko naman
itong sinunod.

Pagbaba ko ay naabutan ko ang mag-iina ko na nag-uusap sa sala at


napatigil ako sa pagbaba dahil sa narinig kong kinukuwento ng bunso ko
kay Mei.

"Ermat, 'di ba po bad ang mag-sikret?" tanong nito sa ermat niya.

"Yes, why?"

"Si Erpat po may sikret na tinatago sa inyo. Pero s'yempre po hindi ko


sasabihin kasi kapag sinabi ko sa inyo, hindi na po sikret 'yon."

"Secret about?"

"Hindi po ako madaldal kaya hindi ko po sasabihing sikret iyon tungkol


doon sa Jodi at—"

"Cody!" pigil ko pa rito bago pa kung ano ang masabi nito. Baka kung
ano'ng isipin ni Mei, at baka mabanggit pa nito ang tungkol sa sikret
mishon ko na inutos ni bossing.

"Care to explain, Lerwick?" malamig na sabi ni Mei na malamig pa ang


tingin.

"Trabaho lang talaga 'yon, Mei." Pilit kong pinatatatag ang kinakabahan
kong boses dahil baka biglaan na lang akong pumiyok dito nang wala sa
oras.

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Are you sure that it was just about
work?" Petengene.
Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na at ayokong paghinalaan ako ni
Mei sa hindi ko naman ginagawa. Ayoko rin namang ma-disapoynt si
bossing. Putapete, naiipit ang guwapo sa sitwasyong 'to ngayon, ah.

"That is part of his job, Meisha." Biglang lumitaw si bossing mula sa


likuran ko kaya napatayo nang tuwid ang asawa ko.

Kababakasan na rin ng takot ang mukha ni Cody dahil tumingin din si


bossing sa kanya.

"Sorry for being intrusive, Mr. Roswell," magalang na paghingi ng tawad ni


Mei kaya naman ako tuloy ang nahihiya para sa kanya.

"This better not happen again. I knew Sebastian long enough. I know what
you're thinking is nowhere near of what he's actually doing." Pagkasabi ni
bossing n'on ay tiningnan niya ako bago kami tinalikuran at naglakad na
palabas ng sala at pumunta sa kusina.

Si Mei naman ay tiningnan ako at pilit na ngumiti. "I thought—"

"Trabaho lang talaga 'yon, Mei," nakangiting sabi ko at nagtaas pa ng isang


kamay na animo'y nanunumpa.

"Wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw. Kros my hart. Howp to day."

Matapos naming magmeryenda ay nagpaalam na kaming uuwi. Ayaw pa


nga sana ni Cody dahil ngayon niya na lang daw ulit nakita si Katana pero
hindi naman puwedeng manatili na lang kami rito.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Ano ba 'yan, Azure. Sinabi na sa 'yong mag-ayos ka na kanina pa, eh."


Boses ni Miss Amesyl ang bumungad sa aming tatlo nina Mei at Cody nang
makapasok kami sa loob ng bahay nina Lampe.

Nakita ko pang nangasim ang mukha ni Azure habang paakyat sa itaas at


nakasunod naman sa kanya si Miss Amesyl.

"Ma naman!" sigaw ni Azure mula sa itaas kaya napalingon kami roon bago
umupo, pero mukhang nasa kuwarto na sila ni Azure.

"Puntahan ko lang muna sila," paalam ni Lampe kaya tumango naman


kami.

Nakasalubong niya pa si Amber sa pagbaba na hindi man lang siya pinansin


dahil bisi ang bata sa pagtingin sa mga alahas na nakasuot sa palapulsuhan
niya.

"Heller, Tita Mei, Tito Seb at pinsan kong mongoloid," bati niya sa amin
bago dumeretso sa kusina. Narinig pa namin ang mga sunod nitong sinabi.

"Kay sarap talagang mabuhay kung maganda kang gumigising araw-araw."

Natawa pa ako sa sinabi nito. Walang duda, pamangkin ko nga.

Hinayaan namin siyang magpunta sa kusina habang si Mei naman ay


bumalik na sa pagse-selpon.

Si Cody naman ay parang may binibilang-bilang sa kamay niya kaya


kinausap ko na. "Bakit parang may binibilang-bilang ka r'yan?"
Tinago niya ang dalawa niyang kamay sa likod at sinandalan 'yon bago ako
nginitian. "Wala lang 'yon, Erpat."

"Kinakabahan ka, 'no?" natatawang tanong ko na kaagad niya namang


inilingan.

"Ako po? Kakabahan?" tanong nito sabay turo pa sa mukha. "Baka


nakakalimutan mo pong hindi marunong kabahan ang mga katulad nating
guwapo, Erpat."

Sasagutin ko pa sana siya nang may marinig kaming kalabog mula sa itaas
na para bang may ibinato gamit ang malakas na puwersa at sinabayan ng
pagsigaw ni Miss Amesyl. "Azure, mag-ayos ka na! Aalis na tayo!"

"Pero, Ma! May inaayos pa ako sa TV, eh!" sagot ni Azure kaya
panibagong gamit na naman ang narinig kong tumama sa kung saan.

"Sumasagot ka pa talagang bata ka, ah? Mag-ayos ka na para hindi ka


matulad sa unggoy mong amang supot!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa
ko nang marinig ang sinabing 'yon ni Miss Amesyl. Pft. Yabang-yabang
n'ong gago tapos supot naman pala.

"Babylabs naman! Saksi ka sa araw-araw na hindi na supot ang asawa mo.


Wengya!"

"Tigil-tigilan mo 'ko riyan, unggoy. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng


puwedeng manahin sa 'yo nitong anak mo eh 'yang katigasan pa ng ulo mo.
Tabi ka nga riyan at nang makaladkad ko itong si Azure."

Mukhang hinahabol na ni Miss Amesyl si Azure kaya naman kinakabahan


ako para sa pamangkin kong minana ang kagwapuhan sa 'kin.

Bumaba naman si Lampe mula sa itaas habang iiling-iling pa. "Supot ka pa


pala, 'tol. 'Di ka na nahiya kay Miss Amesyl," pang-aasar ko pa rito.
Nginitian ko pa siya nang nakakaloko para mas mapikon lalo.

"Ulol!" sabi naman nito saka umupo sa tabi ko at tinanong ako kung
kinakabahan ba si Cody o hindi. Binalewala pa nga ang sinabi ng guwapo,
mukhang totoo. Pft.

Umiling ako at saka tumingin kay Cody na seryoso ngayong nakatingin sa


wol klak nina Lampe.

"Cody," tawag niya sa anak kong manang-mana sa akin. Mukhang hindi


naman siya kaagad narinig nito. Nang dumating si Amber ay doon lang
kami binalingan ng tingin ni Cody.

"May sinasabi po kayo?" tanong niya na ikinatawa ni Lampe kaya


nahampas ko siya sa may dibdib niya dahilan para maubo siya.

"Wengya, 'tol, ba't kailangan mong manghampas?" Masamang tingin ang


ipinukol niya sa akin na ikinailing ko lang. Petengene, dadagdagan pa ang
tenshon na nararamdaman ng guwapo kong anak.

"Cody," baling niya sa napakaguwapo kong anak na katabi ngayon ni Mei.

Mukha siyang bangag nang tingnan ang katabi ko bago basta-basta na lang
tumango.

"Are you nervous?" tanong ni Mei kay Cody na kaagad namang umiling.
"Are you sure? You seem very nervous, young man."

"Ayos lang ang kabahan, Cody. Parte iyan ng pagbibinata."

"Ermat, hindi po ako kinakabahan. Ako pa ba?" mayabang na sagot ni Cody


sa ermat niya. "Hindi po normal sa mga guwapo ang kabahan kaya nga chil
lang ako rito. Akala ninyo lang po iyan kasi baka ganoon po naramdaman
ninyo noong tutuliin ka—ay Tito Kaizer hindi ka pa nga po pala tuli," aniya
na ikinatawa namin ni Mei.

"Yuck, Papa. Hindi ka pa pala tuli?" gatong pa ni Amber sa sinabi ng pinsan


niya.

"Wengya! Tuli na 'ko, anak, Cody. Nang-aasar lang si Babylabs kasi gusto
niya ng lambing."

"Erkey, sabi mo po eh."


Nabalot ulit kami ng ilang minutong katahimikan bago ko muling marinig
na magsalita ang napakaguwapo kong bunso.

"Ang tagal po ni Azure," natatawang sabi pa nito.

"Takot, eh. Parang gago," saad ni Amber na kaagad sinaway ni Lampe dahil
sa sinabi nito. "Takot naman po talaga. Tingnan niyo mamaya nanginginig
na katawan niyan pasakay pa lang sa kotse."

"Hindi 'yon takot. Mabagal lang talagang kumilos at mag-ayos lalo na at


parte iyon ng pagiging guwapo. Marami pang kailangang isaalang-alang
kaya mabagal lang sa pag-aayos," nakangiting sagot ni Lampe sa anak niya.

Nagkibit-balikat naman si Amber. "Takot 'yon, Papa. Pero wala naman


akong paki kung matakot siya, mananatili pa rin naman akong maganda."

"Malaki na po ako para matakot pa sa tuli, ewan ko lang po kay Azure,"


natatawang sabat din ni Cody na ikinatawa namin.

"Hindi ka ba talaga natatakot?" paulit-ulit na tanong ni Lampe sa anak ko.


Nginisian niya pa ito.

Umiling naman si Cody. "S'yempre po...hindi. Wala sa bokabularyo ng mga


guwapo ang salitang takot."

Petengene, anak ko 'yan! May pa-bokabularyo pa, syet.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin sila sa pag-aayos. Dinig pa


namin ang paghiyaw ni Azure dahil sa kung anumang ginagawa sa kanya ni
Miss Amesyl.

"Ma, masakit!" Napatingin kami sa hagdanan at nakita si Azure na hatak-


hatak ni Miss Amesyl sa may kuwelyo.

Kaagad na tumayo si Lampe at sinubukang kuhanin kay Miss Amesyl si


Azure, pero masamang tingin lang ang ipinukol nito sa asawa bago
binalingan ulit ang anak.
"Kapag hindi ka natuli ngayon, Azure, ako na mismo ang puputol niyang
titi mo," sabi ni Miss Amesyl kaya mababakas ang takot sa mukha ni
Azure.

Pagpunta namin ng klinik ay medyo marami-rami na ang tao. Mabuti na


lamang at may reserbeyshon kami kung kaya't saglit lang ang ipipila namin.

"Si Cody na muna ang mauuna kay Azure tutal hindi naman siya takot lalo
na at ako ang pinagmanahan niya—" Naputol ang sinasabi ko dahil sa
tanong ni Mei.

"Where did our son go?"

"Pumunta po agad siya ng CR pagkarating natin dito sa klinik. Nakita ko pa


nga pong maluha-luha ang mata at mukhang kinakabahan," sagot naman ni
Azure sa tanong ng asawa kong maganda.

"Ah, nagmana nga sa 'yo," komento naman ni Miss Amesyl. "Oh, mukhang
si Azure na muna ang mauuna," dugtong na sabi pa nito.

Napalingon naman ako kay Lampe na nasa tabi ko lang din at hinihintay na
matawag ang pangalan ng anak niya.

Halatang kinakabahan si Azure dahil iba 'yong paraan ng pagkahawak niya


sa pantalon ni Lampe.

"Azure Lamperouge." Narinig naming tinawag ang pangalan ni Azure kaya


napatingin kami sa kanya na halatang tenshonado na. Ayaw pa nitong
pumasok kaya galit siyang tiningnan ni Miss Amesyl.

"Tigilan mo ang pag-iinarte mo, Azure. Kanina ka pa," seryosong sabi ni


Miss Amesyl kaya napatingala si Azure kay Lampe na may mukhang
nagpapaawa pa.

Tinawag naman ulit ng nars ang pangalan ni Azure kaya wala na siyang
ibang magawa. Naglakad na sina Lampe at Azure patungo sa pinto kung
saan gagawin ang pagtuli sa kanya.
"Teka, teka. Sasama ako sa loob," pagpigil pa ni Miss Amesyl sa mag-ama
niya.

"Huwag na, Babylabs. Kaming mga lalaki lang ang puwedeng sumama."

"Sasama nga ako nang masungalngal ko 'yang anak mo kapag marinig ko


ang atungal sa loob," sabi pa nito. Natawa naman ang nars. Nakita ko
namang bumulong si Azure na siyang narinig ng nars.

"Ma'am, pasensya na po ngunit si daddy lang daw po ang gustong isama ng


anak ninyo sa loob. Nagbibinata na rin ho siguro at ayaw na nakikita ng iba
ang kaselanan niya," sabi pa nito. Wala namang nagawa si Miss Amesyl
kaya umupo na lang ulit siya sa bents sa labas ng rum.

Pagkapasok nina Lampe sa loob ay doon ko lang napagtantong hindi nga


pala namin kasama si Cody. Nagpaalam na muna ako kay Mei para hanapin
si Cody. Maya-maya pa ay nakita ko siya sa dulong bahagi ng klinik na
hindi gaanong nadaraanan ng mga tao. Naabutan ko siyang umiiyak kaya
nilapitan ko na siya at hinaplos ang likod. Napatingin naman siya sa akin.

"Erpat," bati niya sa akin. Pinilit niyang ngumiti kaya nginitian ko rin siya
upang gumaan ang pakiramdam niya.

"Natatakot po ako," sabi pa nito kaya hinanda ko na ang pang-erpat na mga


banatan ko.

"Huwag kang matatakot, anak. Kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Walang


katulad ang tapang mo dahil nagmana ka sa erpat mong guwapo at malakas
ang loob," sabi ko kay Cody para maging matapang katulad ko. Nakita ko
ang panginginig ng paa nito kaya naman hinawakan ko ang balikat nito at
pinalapit sa akin.

"Erpat, piling ko po masakit, eh. Nakita ko iyong bata kanina umiiyak


habang nakahawak sa shorts kaya mas lalo po akong natakot," nagpipigil ng
iyak na sagot niya.

Tagaktak ang pawis ng bunso kong anak. Magkasaklob pa ang mga kamay
nito habang nanginginig ang hita.
"Guwapo kong anak, dugo ng Lerwick ang nananalaytay sa katawan mo
kaya dapat hindi ka matakot. Kailangan nating magpatuli para mas
maraming chiks ang mahumaling sa kagwapuhan natin," pangungumbinsi
ko pa rito.

"Erpat, umuwi na lang po tayo. Ayoko na pong magpatuli," saad pa nito.


Ayoko namang lumaking supot ang anak kong guwapo dahil petengene,
walang Lerwick ang takot sa tuli, kaya ayaw ko mang gawin ngunit
kailangan ko nang gamitin ang las kard na pinanghahawakan ko para
mapilit ko siya.

"Kapag hindi ka nagpatuli, aayawan ka ni Katana, sige ka," sabi ko pa rito


na siyang ikinagulat niya.

Agad naman siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. "Sino pong takot?
Tara na po, Erpat. Ipatapyas na po natin itong ekstrang balat."

Aba matinde!

Maya-maya pa ay lumabas na sina Lampe at Azure. Paika-ika namang


naglalakad si Azure papalapit sa amin. Nakita ko pang agad siyang
nilapitan ni Miss Amesyl at pinunasan ang pawis nito dala na rin siguro ng
kaba habang nasa isinasagawa ang pagtuli sa kanya.

"Hindi man lang ako nasaktan. Akala ko masakit kaya muntik pa 'kong
mag-back out. Mabuti na lang at guwapo ako. Malakas pa ang loob,"
pagyayabang nito na animo'y hindi pa pinilit sa pagpapatuli kanina.

"Tigil-tigilan mo 'ko sa mga kayabangan mo, Azure. Parehas lang kayo ng


tatay mong unggoy na ginawa na yatang kabuhayan ang pagyayabang."

"Hindi 'yon pagyayabang, Babylabs. Pagsasabi ng totoo 'yon." Dinig na


dinig ko pa ang bangayan ng dalawa. Nagpatuloy lang sila sa
pagbabangayan nang tingnan ko si Cody.
"Kinakabahan ka pa rin ba, 'nak?" tanong ko pa rito. Lumapit naman sa
amin si Mei at inabutan ng bateld woter si Cody.

Ininom muna ito ni Cody bago sagutin ang tanong ko. "Hindi na po, Erpat.
Kinaya nga po ni Azure, ako pa bang 'di hamak naman na mas lamang ang
kagwapuhan kesa sa kanya."

Paksyet, ganyan nga. Ganyan ang tunay na Lerwick. Dumadaloy ang


tapang sa katawan.

Narinig ko namang tinawag na ng nars si Cody kaya hinawakan ko na ang


kamay nito. Nagpaalam na kami kay Mei na tutuloy na sa loob nang bigla
siyang magsalita.

"Miss? Can I go with my son?" tanong ni Mei sa nars. Sandali naman itong
tumingin sa anak kong guwapo at ibinalik ang tingin sa asawa kong
maganda.

"Okay lang po ba, Ma'am, kung si Sir na lang po ang papasok? Baka po
kasi mahiya ang bata," sagot naman niya. Tumingin pa ito sa akin at
ngumiti. Agad naman akong naalarma nang makita ang asawa kong
seryosong nakatingin sa nars at nakataas ang kilay.

"Miss nars, 'yong asawa kong maganda na lang iyong sasama sa guwapo
kong anak dahil mas malakas ang loob niya," sabi ko at napakamot ng ulo.

Nage-gets ko naman kung bakit kitang-kita ko ang pagtutol sa mga mata ni


Mei. Baka nga naman kasi hindi makapagpokus ang doktor at mga nars sa
pag-sirkumsays sa anak ko kapag na-distrak sila sa kagwapuhan ko.

"Mei, sige na. Ikaw na ang sumama roon." Hinagod ko ang likod nito at
tumingin sa bunso kong anak.

"Anak kong guwapo, dapat matapang ka. Isipin mo ang lahi ng Lerwick na
walang kupas ang kakisigan, lalong-lalo na ang katapangan," sabi ko.

"Let's go, Cody," pag-aaya ni Mei.


"E-ermat...puwede bang si Erpat ang sumama sa akin?" biglang tanong ni
Cody kaya napatigil si Mei sa paglalakad. Tiningnan ako nito nang may
pilit na ngiti. Ampupu, kabadong-kabado anak ko, ah.

"Of course, son," sagot naman ni Mei.

"Lerwick," tawag pa nito sa 'kin kaya agaran akong lumapit sa kinatatayuan


nila.

Nang tawagin ulit kami ng nars ay kaagad na kaming pumasok na sa loob.


Nakita ko ang nars na tumawag kay Cody at isang doktor na naroon na
siyang magsasagawa ng pagtuli sa guwapo kong anak.

Pinahiga na si Cody roon sa isang serjikal bed. Katabi noon ang iba't ibang
istenles istel na mga serjikal kit na mukhang kakalinis lang ulit simula
noong ginamit kay Azure dahil gagamitin naman ito sa pagtuli sa anak ko.
Hindi ko shur kung parehas ng gagamitin sa kanilang dalawa. Pero siguro
ganoon nga.

"D-dok, mukhang mahaba po 'yan, ah." takot na sabi ni Cody nang ilabas na
ng doktor ang injekshon kaya naman napalunok din ako.

"Pwede ka namang kumanta, Cody. Kung saan gagaan ang pakiramdam


mo," sabi n'ong doktor na tinanguan naman kaagad ng anak ko.

"Kapag ako'y nababato," unti-unti na niyang kinakanta 'yong kantang


kinagigiliwan niya. Naalala kong kinanta niya pa ito noong minsang wala
kaming masakyan dahil sa nangyaring engkuwentro sa mga hindi
kinikilalang tao. Akalain mo nga namang sasakto ang kanta niya ngayon sa
pagtuli sa kanya. Petengene.

"Pinaglalaruan ko ang berdi ko. Ang kyut-kyut naman kasi. Kaya ko siya
binili," pagpapatuloy niya.

Nang akmang hahawakan na ng doktor ang pototoy niya ay bigla na lang


siyang napakanta nang malakas.
"Downt tats may berdi! Resist tempteyshon, plis! Yu downt hab tu grab
may berdi. Jas kol it, and it wil kam."

Bahagya naman akong natawa dahil mukhang kinakabahan talaga siya.


Kinuha niya pa ang kamay ko upang hawakan. Ampupu, parang
manganganak lang.

Naglalakad na kami palabas ng klinik nang may makasalubong kaming


batang sobra ang iyak. Nagkatinginan kami ng bunsong anak namin ni Mei.

"Beri wik, buti pa ako, walang kaiyak-iyak. Hindi ko nga po naramdaman


ang pagdikit ng gunting," pagyayabang nito at nakipag-pis bamp naman ako
rito at sabay kaming tumawa.

"S'yempre, manang-mana ka sa 'kin, kaya natural lang na matapang ka, at


higit sa lahat, guwapo." Tuluyan na kaming nakalabas ng klinik at
dumeretso sa isang pas pud para uwian si Kayden ng pagkain. Si Mei
naman ay nag-motor na pabalik ng opisina.

"Erpat, grabe po iyong kaba ko kanina noong nakita ko po iyong karayom.


Sobrang laki! Buti na lang sabi ni dok kumanta ako. Epektib na epektib."
Humawak pa ito sa dibdib at hinimas-himas ito.

"Normal lang iyon, anak kong guwapo. Iyon ngang kuya mo ay pinakain pa
ng dahon ng bayabas."

Magkaiba ang uri ng pagtutuli sa magkapatid kung kaya't masuwerte itong


si Cody at deretso na siya sa doktor.

"Bakit po ako ay hindi pinakain ng dahon ng bayabas?" takang tanong nito.


Saglit ko naman itong tiningnan at ibinalik agad ang paningin sa daan.

"Pagpupukpok kasi ang uri ng pagtutuli sa kuya mong guwapo kung kaya't
kailangan niyang kumain ng dahon ng bayabas." Napangiwi naman ito na
parang naramdaman ang sakit na nadarama noon ng kanyang nakatatandang
kapatid.
"Mabuti na lang at idinoktor n'yo po ang guwapong ako." Kinikilabutan pa
si Cody habang inaalala ang paraan ng pagtuli sa kanyang kuya kaya naman
ay napapangiti na lang ako.

Pumunta kami kina Miss Aemie dahil nag-teks sa akin si Lampe at sinabing
doon na lang daw kami dumeretso ni Cody dahil may usapan daw na salo-
salo.

"Erpat, pa'no si Kuya sa bahay?" tanong ni Cody kaya tinawagan na muna


namin si Kayden na nasa bahay ngayon at paniguradong nagbabasa lang
siya ng mga takdang-aralin niya.

[Hello, Erpat?] patanong na bati niya nang tumawag si Cody gamit ang
selpon ko. Naka-lawd ispiker ito kaya naririnig ko.

"Kuya, pupunta kami kina Katana ngayon." Kababakasan ng sigla ang


boses ni Cody kaya naman natatawa akong humawak sa gir leber ng kotse.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Kayden sa kabilang linya. [We're


already here. Mom went home tapos isinama niya ako after receiving a text
from Tita Aemie.]

"Kanina pa ba kayo, Kuya? Nandiyan ba si Baby Katana?" tanong naman ni


Cody.

"Yes," maikling sagot ni Kayden na siyang dahilan ng pagsilip ng munting


ngiti sa mga labi ni Cody.

Napasuntok pa ito sa ere na maya-maya ay ikinangiwi niya kaya natawa


naman ako dahil nakalimutan niyang bagong tuli lang siya at bahagya pang
masakit 'yon.

"Ah, ah. Bye na, Kuya." Kaagad na pinutol ni Cody ang tawag nang
marinig ang pagtawa ng kapatid niya.

-
Pagdating namin kina Miss Aemie ay nakita namin sina Kayden at Mei na
nandoon na rin. Baka naman tinawagan ni Miss Aemie si Mei kaya sila
nagpunta rito.

"Oh, Cody, you're here. Let me see that," asar ng kuya nitong nakangiti ng
abot tainga nang makita ang kapatid na nakahawak sa syorts niya.

Mabilis na nagpunta sa likod ko si Cody habang pilit na inaabot ng


napakaguwapo kong panganay na sa akin lang naman nagmana.

"No, let me see yours first," sabi niya at pabirong inaabot nito ang kamay sa
syorts at iniaatras naman ni Cody ang baywang niya.

"Kuya naman, eh," seryosong sabi ni Cody kaya hinayaan ko na munang


nasa likod ko si Cody bago sinuway si Kayden. Agad namang tumakbo si
Cody pero may kabagalan dahil nahihirapan pa itong kumilos.

Tawa naman nang tawa si Kayden at hinabol ang kapatid. "Kuya, alam
kong mas guwapo ako sa 'yo at tinitingnan mo kung malaki ba 'to. Huwag
kang mag-alala Kuya...malaki. Kaso kolor red pa." Pumikit ito at tumango-
tango pa para makumbinsi si Kayden na huwag nang lumapit pa sa kanya.

Tumigil naman ito sa paghabol at tumingin sa akin. Nakangiwi ito at


umiiling na umupo sa sopa ng bahay nina Miss Aemie habang si Cody
naman ay tumabi naman sa pinsan niya na mukhang nasa ibang mundo pa
kanina.

"Tanggapin mo na kasi, Azure. Mas guwapo ako sa 'yo kahit na ano'ng


mangyari," natatawang sabi ni Cody sa pinsan niya na mukhang ngayon pa
lang nakabalik sa reyalidad kaya ginatungan ko na rin.

"Ano pa ba ang poproblemahin ko bukod sa pagiging guwapo?" Humawak


ako sa baba ko at guwapong-guwapo akong nag-isip.

"Erpat, ganyan din po ang problema ko. Pero alam ko pong walang
solusyon sa problemang kagwapuhan." Umakto ring namomroblema si
Cody. Pinunasan pa nito ang mata kahit na wala namang mga luha.
Ampupu!
"Ganoon talaga ang buhay, anak. Wi hansam pipol hab meni prablems,"
sabi ko na ikinatawa naman niya.

"Pero 'di hamak naman na po mas guwapo ako kaysa sa inyong dalawa, 'di
ba?" biglang sagot ni Azure na ikinatawa namin.

"Malamang!" Nagulat ako nang bigla na lang tumabi sa akin si Lampe at


saka ako inakbayan. "Mas guwapo ako sa 'yo, Baby Lerwick." Ngumuso-
nguso pa 'to, pero kaagad ko naman siyang tinulak palayo sa akin.

Tinawag na kami nina Miss Aemie sa kusina, pero ang dalawa ay nanatili sa
sala dahil hindi pa raw nila kayang lumakad dahil sa biglaang pagsakit ng
mga pototoy nila.

"Mas malaki pa rin 'yong akin, Azure," sabi ni Cody habang sinisipat-sipat
ang sa pinsan niya na ikinatawa ko nang bahagya.

Kasama ko ang boys ngayon at nandito kami sa may kawntertap at


umiinom nang kaunti habang sina Azure at Cody naman ay nasa hapag na
kasama ang ibang bata.

"Heller? Puwede ninyo namang pag-usapan 'yan nang kayo na lang. Wala
naman kaming paki." Umirap pa si Amber bago may kinuhang pagkain at
nilagyan ang plato ni Grayson na ikinailing ko naman.

"Sus! Kahit na malaki pa 'yong iyo, takot ka naman kanina!" biglang sabi ni
Azure na ikinatawa naman naming mga nakikinig dito.

"Sinong nagsabi sa 'yo na takot ako? Nag-si ar lang talaga ako kanina kasi
ang tagal na natin doon. Ayaw mo ba namang pumasok," balik na sagot
naman ni Cody.

Patuloy lang kami sa pakikinig sa mga bata hanggang sa dumaan sina Miss
Aemie at bossing sa kusina nila.

"Sebastian, Kaizer, mana talaga sa inyo mga anak ninyo, 'no? Ganyang-
ganyan din kayo mag-usap, hehe. Parehong mga walang katuturan
sinasabi," tanong bigla ni Miss Aemie kaya napahinto kami ni Lampe sa
dapat sanang pag-inom ng alak.

"Mas takot naman siya, Miss Aemie/Aemie," sabay na sabi pa namin na


ikinatawa nang bahagya ni Miss Aemie.

"Kanino 'yong mas—" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang tawagin
siya ni bossing kaya naman kami ni Lampe ay nagkatinginan bago sabay na
lumagok ng alak.

Petengene! Mukhang mapaparami kami, ah.


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Kanina pa ako pa-ikot-ikot dito sa higaan namin ng maganda kong asawa


na si Mei. Nag-iisip kasi ako ng maayos na paalam sa kaniya dahil may
bagong mishon na binigay si bossing kani-kanina lang.

-Flashback-

"Yo, Bossing, Ms. Jodi," bati ko sa kanilang dalawa nang makarating ako
sa miting pleys na sinabi ni bossing.

Petengene! Habol-habol ko pa ang hininga ko dahil bigla-bigla na lang


nagte-teks 'tong si bossing na may miting. Hindi talaga uso sa kaniya ang
mag-set ng oras pero ayos lang naman dahil wala akong ginagawa.

"Have a seat, Lerwick," sabi ni bossing na agad ko namang sinunod.

"Anong atin, Bossing?" tanong ko dahil matagal-tagal na rin simula noong


huling mishon namin ni Ms. Jodi na—ehem—matagumpay naming nagawa.

"You, two, have another mission. But this time, I want you to personally go
there and do it yourselves. No other men. Just the two of you," sabi niya at
nagkatinginan naman kami ni Ms. Jodi bago kami bumaling ulit kay
bossing at sabay na tumango.

"Here are your flight details and accommodations. Everything has already
been settled," sabi ni bossing habang may kinukuha sa brip keys niya.

"Playt, Bossing?" tanong ko dahil baka namali ako ng rinig. Nagkatinginan


pa kami ni Ms. Jodi at nagkibit-balikat naman siya sa akin.
Hindi naman ako sinagot ni bossing, sa halip ay nag-abot siya ng tig-isang
brawn enbelop sa amin ni Ms. Jodi. Mabilis naman naming tinanggap iyon
at saka binasa ang mga nakasulat sa papel.

"J-Japan?" napapalunok na tanong ko nang mabasa ang bansang


pupuntahan namin.

"Wow! I have intended to come there, but I didn't expect it to be too soon,"
sabi naman ni Ms. Jodi.

"And you also got plane tickets for my kids. This is very thoughtful of you,
Boss," nakangiting dagdag pa niya pero hindi naman iyon pinansin ni
bossing.

Pfft! Siguradong alam ni bossing na wala rin talagang mapag-iiwanan si


Ms. Jodi sa mga anak niya kaya binilhan niya rin ng tiket. Keyring din
talaga 'to si bossing. Ang problema lang talaga, e, mas magandang lalaki
ako sa kaniya.

"It's a week-long mission," panimula ni bossing.

W-wiklong? Syet! Hindi pa nga ako nakaka-mub on na sa Japan gaganapin


ang mishon tapos isang linggo pa akong mawawala?!

"But if you could get it done immediately, the better. Your flight's in the
morning, so make sure you're ready. Stay connected while I contact you
about everything you need to do."

Ampupu! Paano ako magpapaalam kay Mei nito?

-End of Flashback-

"Mei...aalis muna ang guwapo mong asawa—" Napahinto ako dahil baka
mas lalong hindi pumayag si Mei. Giben naman na kasi na guwapo talaga
ako kaya hindi na dapat ulit-ulitin, 'di ba?

Tumihaya ako ng higa at ginamit na unan ang mga kamay ko habang nag-
iisip kung paano magpapaalam sa maganda kong asawa.

"Ah...Mei, kailangan kong umalis. Mga wan wik lang naman akong
mawawala kaya huwag mo 'kong ma-mis agad—"

Hindi. Baka mag-prik awt si Mei kapag sinabi ko agad na wan wik akong
mawawala. Hindi pa naman iyon sanay na hindi ako nakakasama at
nararamdaman ang presensha ko. Takte! Ang hirap talagang maging
guwapo't mapagmahal na asawa.

Nag-isip ulit ako ng iba. Hmm...ano bang puwede? Siguro kung magsasabi
ako ng makakasama kong kakilala ni Mei ay papayag na siya at hindi mag-
aalala?

"Mei, ano...Baka maki-istey muna ako ng wan wik kina Lampe kasi—"

Napahinto rin ako agad dahil syet! Hindi pala puwede. Nawala sa isip ko na
kahit hindi halata ay magkapatid nga pala ang maganda kong asawa at ang
gagong si Lampe.

Napahinga ako nang malalim at tumagilid ng higa. Niyakap ko nang


mahigpit ang isang unan na para bang sa ganoong paraan ay mapipiga ko
ang utak kong umisip nang maayos na paalam kay Mei.

Ano bang puwedeng sabihin? Isip, Lerwick. Tandaan mong hindi ka lang
pinagpala sa kagwapuhan kundi pati na rin sa katalinuhan.

"Ehem! Mei..." Nag-umpisa ulit akong mag-praktis nang biglang may


sumagi sa isip ko.

Pil ko talaga ito na iyon. Ito na iyong pinakamagandang eksyus na papayag


si Mei nang walang tanong-tanong at walang pagdududa.
"Mei, mag-iistey muna ako sa kompanya. Mga wan wik lang naman kasi
alam mo na...medyo lumalago na ang bisnes natin. Maraming kailangang
asikasuhin at marami ring mitings na kailangan atendan. Shur akong
mapupuno ang iskejul ko kaya mas okey kung doon muna ako—"

Pakiningsyet! Nakalimutan ko na naman. Si Mei nga pala ang nag-aasikaso


ng bisnes namin dahil bukod sa pagiging maganda ay ganoon talaga ang
porte niya. Ang mag-isip sa mga bagay-bagay.

Watdapak! Ano na lang ang ipapaalam ko? Tink, Lerwick. Guwapo ka at


matalino. Kaya makakaisip ka ng magandang paalam.

"Mei—"

"Why?"

"Paksyet!"

Napabalikwas ako ng bangon nang biglang magsalita si Mei. Kakapasok


niya lang ng kuwarto namin at nakataas ang kilay habang nakatingin sa
akin.

"Nagulat ako sa 'yo," sabi ko habang hinihimas ang dibdib ko. Tengene.
Dinaig pa ng puso ko iyong kabayong kumakarera sa bilis ng tibok nito.

Umupo ako at sumandal sa hedbord habang pinapanood siyang maglakad


papunta sa kama.

"Why? Are you doing something I am not supposed to know about?"


masungit na tanong niya.

"Ha? H-hindi, M-Mei—" Tumikhim ako para mawala ang nakabara sa


lalamunan ko. Baka kasi mahalata ni Mei na kinakabahan ako. Takte.
"Iniisip ko lang kung nasaan ka na kasi ano'ng oras na," dugtong ko.

Umupo siya sa kama at nanunukat na tumingin sa akin. Tumingin din ako


sa kaniya at ngumiti. Dahil alam kong isang ngiti ko lang ay nagsusumabog
na si Mei sa kilig.

Siya ang naunang bumitaw ng tingin. "I had to put Cody to sleep dahil hindi
raw siya makatulog. Naglalambing," sabi niya at humiga na. Mabilis naman
akong humiga rin sa tabi niya.

"Alam mo naman ang mga anak natin, hindi lang kagandahang lalaki ang
namana sa akin. Pati kalambingan din," sabi ko at kunwaring
bumuntonghininga.

"Whatever." Umirap pa siya sa akin kaya bahagya akong natawa.

Pero nawala ang ngiti sa aking kisabol lips nang maalala na may kailangan
nga pala akong sabihin sa asawa ko. Nang silipin ko siya ay papikit na siya.
Syet!

"M-Mei, m-matutulog ka na ba?"

"Yeah." Humikab siya at yumakap sa akin. "Goodnight, Lerwick,"

"Gudnayt, Mei," sagot ko at niyakap din siya.

Napabuntonghininga na talaga ako dahil hindi na ako nakapagpaalam.


Ampotek! Bahala na.

Kinabukasan ay hinintay kong makaalis ang maganda kong asawa papunta


sa opisina at ang mga anak ko papunta sa iskul bago ako naligo at nag-ayos.

Talagang hinintay ko na mawalan ng tao sa bahay para makaalis ako agad.

Kaya ito ako ngayon, abot-langit ang kabang nararamdanan. Mahigpit ang
hawak ko sa manibela habang nagmamaneho dahil sa lakas ng kabog ng
dibdib ko.
Papunta na kasi ako ngayon sa adres ng bahay nina Ms. Jodi.
Napagkasunduan kasi namin na susunduin ko na lang siya at ang mga anak
niya para sabay-sabay na kaming pupunta sa erport.

Wala akong pinagsabihan sa kahit sinong kasama ko sa bahay tungkol sa


pag-alis ko kaya siguradong hahanapin nila ako mamaya. Sigurado ring
galit na Meisha Maxine Lerwick ang maaabutan ko pag-uwi ko pagkatapos
ng isang linggo pero ano'ng magagawa ko? Kailangan kong sundin ang
ipinag-uutos ni bossing dahil sa akin niya ipinagkatiwala 'to. Hindi ko pa
nga alam kung ano talagang sadya namin sa Japan pero sa tingin ko ay
malalaman ko mamaya.

Ni hindi na nga rin ako nakapag-impake dahil ayokong malaman nila na


matagal akong mawawala. Bukod sa sarili ko ay tanging selpon, walet, ay
di, pasport, at iyong playt tiket lang ang bitbit ko. Doon na lang siguro ako
bibili ng mga kakailanganin ko.

Tinulungan ko si Ms. Jodi na isalansan nang maayos ang mga keri on


lagejes nila sa oberhed bin bago kami tuluyang umupo sa mga respekted
sits namin.

Nakaupo ako sa may pinakadulo, nasa tabi naman ng bintana si Ms. Jodi,
habang nasa gitna namin ang kambal na walang tigil ang pag-ikot ng
paningin sa kung saan-saan.

Ilang oras lang ang nakalipas ay nagsalita na ang paylot at ina-anawns na


nito na redi por teyk-op na ang eroplano.

Pagkarating ng Japan ay agad kong in-op ang erpleyn mod sa selpon ko at


ikinonek sa waypay kaya bigla itong nag-ingay. Napatingin tuloy sa akin
ang mga katabi ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon ko at
tinignan ang tumatawag mula sa mesenjer.
Incoming call from Meisha Lerwick...

Petengene! Napalunok ako nang ilang beses hanggang sa maramdaman ko


ang panunuyo ng lalamunan ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Shet! Anong sasabihin ko? Alam na ba ni Mei na umalis ako ng bansa?


Wadapak.

"H-helo..." kabadong bati ko.

[Erpat!] Ang matinis na boses ni Cody ang sumalubong sa akin. Bahagya


ko pa ngang nailayo ang selpon sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Cody?" Paninigurado ko pa.

[Opo, Erpat.]

"Nasaan ang ermat mo? Bakit ikaw ang may gamit ng selpon niya?" tanong
ko.

[Nasa kusina po. Nagluluto.]

"Ah..." Hindi ko alam pero nakahinga ako nang maluwag. Sigurado kasi
ako na kapag si Mei ang nakausap ko at nagtanong sa akin ay hindi na ako
makakapagdahilan at baka masabi ko na lang ang katotohanan.

At hindi puwede 'yon dahil mabubulilyaso ang plano ni bossing. Hindi pa


p'wede sa ngayon.

Tumikhim ako bago magsalita. "Bakit napatawag ka, 'nak? Mis mo na ba


ang guwapo mong erpat?"

[Ha? Ayos ka lang po ba, Erpat? Alam naman po nating lahat na mas
guwapo ako sa inyo, eh,] sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

May pinaglalaban na naman ang anak ko.

"Hindi, 'nak. Mas guwapo ako, sa akin ka nagmana."


[Hindi po—teka. Bakit ang ingay po r'yan, Erpat? Nasaan ka po pala?]

"Ah—eh—ano." Shet! Bigla akong kinabahan sa tanong ni Cody.


Siguradong iyong maingay na naririnig niya ay ang ingay dito sa loob ng
eroplano. Abala na kasi ang mga tao sa pagkuha at pag-aayos ng mga lagej
nila para makababa na.

"M-may inaasikaso lang si erpat na trabaho, 'nak," sabi ko na lang.

Narinig ko naman ang pagbuga niya ng hininga. [Bakit 'di mo po ako


hinintay, Erpat? Dapat sinama mo po ako, eh. Mukha pa naman pong
masaya r'yan.]

"'Nak, hindi p'wede ang bata rito, eh..." sabi ko pero nang mapatingin ako
sa dalawang batang nasa tabi ko at nakatingin sa akin ay ganoon na lang
ang pagka-gilti na naramdaman ko para kay Cody. Tengene! Ayoko
talagang nagsisinungaling sa anak ko.

Huminga ako nang malalim.

"Pero kung gusto mo bibilhan na lang kita ng pasalubong. Kahit ano," sabi
ko. Pinasigla ko pa ang boses ko.

[Kahit ano po?]

"Oo, 'nak. Ano bang gusto mo?" tanong ko habang nakangiti. Nire-redi ko
na ang utak ko na matandaan ang mga sasabihin ni Cody dahil sigurado
akong marami-rami ang hihilingin ng batang 'to.

[Chocoleyt po.]

Sabi ko na, eh! Pinaghihigpitan kasi namin ni Mei ang mga bata sa pagkain
ng sobrang matatamis kaya wala masyadong matatamis na pagkain sa
bahay. Lalo na ang tsokoleyt.

"Ano pa?"

[Hmm...Erpat, gusto ko po n'ong kwintas. Iyong nakakapogi po kapag


sinuot,] sabi niya kaya natawa ako.
"Pogi ka na talaga, 'nak. 'Di mo na kailangan iyon."

[May poynt ka po, pero gusto ko po ng ganoon tapos iyong wats po.]

"Waw, wats. Anong wats ang gusto mo, anak? Iyong bakal o iyong raber?"

['Yong bakal, Erpat! Shur po akong mai-in lab sa akin si Katana Baby kapag
nagsuot ako ng ganoon.]

Tumango-tango naman ako. Kailangan kong suportahan ang anak ko sa


pagporma niya dahil tengene! Hindi basta-basta ang natipuhan ng anak ko.

"Okey, nowted. Ano pa?"

[Hmm...wala na po akong maisip na para sa akin pero si kuya na lang po.


Bilhan mo na lang po si kuya ng...]

"Ng?"

[Ng ano po—] Nahinto siya saglit tapos ay biglang sumigaw. [Kuya! Ano
raw gusto mong pasalubong sabi ni Erpat?]

Petengene! Kinabahan na naman ako. Sa kanilang dalawa kasi ni Cody ay


mas kaugali ni Kayden ang ermat niya kaya kinabahan ako na baka
magtanong siya.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

[You're talking to him?] rinig kong tanong ng panganay kong kasingguwapo


ko rin.

[Oo, Kuya. Nagtatanong siya kung ano raw gusto nating pasalubong,] sagot
ni Cody sa kuya niya.

[Really? Please, tell him, I need new earphones,] sabi ni Kayden. Tumango
naman ako na para bang nakikita niya ako.

[Irpown daw, Erpat! Mahilig po kasing mag-sawndtrip si Kuya.]

Huminga naman ako nang malalim. "Sige."

[Tapos ano po. Hmm...piling ko po kailangan din ni Kuya ng salamin. Para


malaman niya po na mas guwapo ako sa kaniya,] sabi niya pagkatapos ay
humalakhak. Natawa rin tuloy ako dahil sa kalokohan niya.

"Loko ka talaga, 'nak. Parehas kayong guwapo. S'yempre mana kayo sa


akin, eh," natatawang sabi ko at narinig ko naman ang pagsang-ayon niya.

[Ibili mo na rin po pala si Ermat ng pasalubong, Erpat,] sabi ulit ni Cody.


Napalunok na naman ako dahil sa pagbanggit niya ng ermat niya.

"Ah-hehe, anong gusto mong ibibigay natin sa ermat mo?"

[Jiwelri po. Ang ganda po kaya ni Ermat kapag naglalagay ng jiwelri,]


sagot ni Cody kaya bahagya akong napailing.
"Maganda naman ang ermat mo kahit walang ganoon, pero sige, 'nak.
Bibilhan natin ang ermat mo ng maraming ganiyan."

[Okey po, Erpat.]

Napatingin ako sa mga istiwardes na naglalakaran. Chine-chek ang mga ang


mga pasahero kung maayos ang naging lagay sa buong biyahe. Mayroon
din kasing mga nahihilo't nagsusuka dahil may mga moshon siknes.

"Iyon lang ba, 'nak?" tanong ko kay Cody dahil mukhang malapit na
kaming bumaba ng eroplano. "Kapag may naisip ka pa, ipa-chat mo na lang
kay ermat, ha? Ibibili natin lahat iyan. May gagawin na kasi si Erpat, eh,"
sabi ko pa.

[Sige po, Erpat. Ay, Erpat!]

"Cody?"

[Hihintayin po kitang umuwi mamaya. Babay!] sabi niya at ibinaba na ang


tawag. Naiwan naman akong nakatitig sa iskrin sa selpon ko dahil sa mga
huling katagang binitawan ni Cody.

Hihintayin po kitang umuwi mamaya.

Hihintayin po kitang umuwi mamaya.

Paulit-ulit ko iyong narinig sa utak ko hanggang sa tuluyan na akong kinain


ng konsensya ko dahil sa katotohanang hindi ako makakauwi mamaya at
maghihintay si Cody sa wala.

Petengene, Sebastian Lerwick!

Napapikit na lang ako nang mariin bago tinern op ang selpon ko at binalik
sa bulsa ng pantalon ko para hindi nila ako ma-kontak.

Tumingin ako sa dalawang batang kanina pa pinapanood ang kaguwapuhan


ko at nagtatakang nakatingin sa akin. Siguradong kitang-kita nila ang
pagbabago sa mga reaksyong pinapakita ko. Ngumiti ako sa kanila at
bahagyang dumukwang.

"Piktyuran ninyo na rin para may remebrans kayo," pabirong sabi ko sa


kanila kaya tinawanan nila ako. Tinulak pa ni Chiasa ang mukha ko habang
tumatawa.

"Eksayted na ba kayo sa pupuntahan natin?" tanong ko sa kanila.

"Yes, Daddy!" sabay nilang sagot sa akin kaya napangiti ako.

Siguro...sa kanila ko na lang muna itutuon ang atenshon ko.

"Mommy, aren't we going to roam around?" dinig kong tanong ni Chikao


kay Ms. Jodi na abala sa laptop nito. Kanina pa kasi kami nandito sa
eksekyutib suwit na inupahan ni bossing para sa amin kaya bord na bord na
ang mga bata sa pinapanood nila sa tibi.

"Didn't I tell you we're here because mommy has work to do? Not to tour
around," sabi ni Ms. Jodi. Nandoon siya sa kopi teybol sa harap ng
malaking glas window kung saan kitang-kita ang oberluking byu ng Tokyo.
Samantalang kami ng mga bata ay nasa sala.

Hinihintay ko lang kay Ms. Jodi kung may inutos na ba si bossing dahil
hindi ako makapagbukas ng selpon.

"But it's boooring," madramang sabi ni Chiasa kaya natawa ako. Napatingin
tuloy siya sa akin.

"Daddy! Daddy!" tawag niya. Umalis pa siya sa inuupuan niya at


nagpakalong sa akin. Nakasunod din sa kaniya ang kakambal niyang si
Chikao at naupo sa tabi ko.
Komportableng-komportable na sa akin 'tong dalawang 'to. Mabuti na lang
guwapo lang ako at hindi masamang tao. Hindi na nga rin sila sinita ng
ermat nila kapag tinatawag nila akong dadi dahil hindi naman sila
nakikinig.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanila.

Humagikgik ang bata at saka nagsalita. "Daddy, it's so boring. Can we—"

"Chiasa," saway agad ni Ms. Jodi.

Nanlaki ang mata ng bata at tinakpan ang bibig. Maya-maya ay humilig


siya sa akin at bumulong sa tainga ko. "Can we go outside?"

"I heard that, ha!" malakas na sabi ni Ms. Jodi. Galit na talaga dahil ayaw
magpasaway ng mga anak niya.

Mukha namang nagulat si Chiasa sa malakas na pagkakasabing iyon ng


ermat niya kaya heto at namumula na ang buong mukha. Nangingilid na rin
ang mga luha sa mata at kumikibot-kibot ang mga labi. Kaunti na lang ay
paiyak na.

Petengene! Ang puso ko! Parang natutunaw dahil sa itsura n'ong bata.

"Ha-ha. Gusto mo bang isama ko na lang sila sa akin, Ms. Jodi?" suhestiyon
ko. Napatingin naman siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"Where to?" tanong niya sa akin.

"Mamimili ako ng mga damit at esenshals na kakailanganin ko. P'wede ko


naman silang igala na rin," sabi ko.

Hindi naman agad siya sumagot. Mukhang tinatantiya kung seryoso ba ako
sa sinasabi ko.

"Kung okey lang sa 'yo. Walang pilitan! S'yempre, ikaw pa rin naman ang
nanay nila kaya nasa sa 'yo ang desishon," pahabol ko dahil naintindihan ko
kung bakit ganoon ang inakto niya.
Converted by lsbt
S'yempre, magulang din naman ako at anak niya iyong mga pinag-uusapan
kaya natural lang na hindi agad siya pumayag. Sino ba naman kasi ako sa
kanila, 'di ba? Ako lang naman ang nag-iisang Sebastian Lerwick pero hindi
ibig sabihin n'on ay sapat na iyon para ipagkatiwala niya sa akin ang mga
anak niya.

Pero wala naman akong masamang balak sa mga anak niya, 'no! Neber ko
namang pinangarap ang maging kidnaper at shur akong patay ako kay
bossing kapag ginawa ko iyon. Tsk.

"Do you want to come with him?" tanong ni Ms. Jodi sa mga anak niya
kalaunan.

"Yes, Mommy!"

"Of course, Mom."

Sabay na sagot n'ong dalawa.

Sa guwapo ko ba namang 'to, sinong aayaw na sumama sa akin?

"Hindi kayo magpapasaway?" tanong ulit ni Ms. Jodi.

"No, Mommy."

"Cross my heart."

Sagot nila ulit. Tumango naman si Ms. Jodi at tumingin sa akin kaya
napaayos ako ng upo. Takte, ako naman yata ang gigisahin.

"Are you sure? Medyo makulit sila..." nag-aalinlangang tanong niya.

"Shur na shur! Ako na ang bahala. Sanay naman ako sa makukulit na bata,"
nakangiting sabi ko.
"Okay..."

"Wala pa namang utos si Bossing, 'di ba?"

"We already have our first assignment. But I can take care of that on my
own. You and the kids enjoy," sabi niya.

"Yown!" sabi ko at tumingin sa mga bata. "Tara na," pag-aya ko sa kanila.


Nagsitanguan naman sila at mabilis na lumapit sa ermat nila para humalik.
Pinaalalahanan pa ni Ms. Jodi ang mga anak niya na huwag magpapasaway
at magtuturo ng kung ano-ano bago tuluyang pinasama sa akin.

"Les go!"

"Saan ninyo muna gustong pumunta?" tanong ko sa dalawang batang


nakahawak sa magkabilang kamay ko. Manghang-mangha sila sa mga
nakikita nila sa iba't ibang tindahan dito sa daybersiti.

Dito kasi kami binaba n'ong taksi drayber n'ong sabihin kong dalhin kami
sa malapit na mol.

"I want to eat," sagot ni Chikao kaya tumango naman ako agad.

"Anong gusto ninyong kainin?"

"Pizza!"

"Okey..."

Nilibot ko ang paningin ko at nang makahanap ng pitsa istor ay agad akong


hinatak ng kambal doon. Umupo kami sa pantatluhang mesa at agad na
umorder dahil kahit ako ay nakakaramdam na ng gutom.

"Tenks, Ms. Byutipul," sabi ko sa weytres na naka-kimono na naglapag ng


mga order naming pitsa, sopdrinks, ayskrim, at maraming-maraming tubig.
Hindi naman ako pinansin n'ong weytres at yumuko lang sa amin bago
umalis.

Takte! Hindi ba siya nakakaintindi ng languweyj ng mga guwapo?

"Tenks, Ms. Byutipul. Hihihi," biglang sabi ni Chiasa. Manghang-mangha


pa ako dahil gayang-gaya niya iyong aksent ko. Watdapak!

"Galing mo, 'nak. Mana ka sa akin," sabi ko at kinurot ang pisngi niya.
Humagikhik naman iyong bata at tinulak ang kamay ko.

Napailing na lang ako dahil shet! Ay kent help bat bi prawd!

Nakangiti kong binaling ang paningin sa kambal. Kinuha ko iyong teybol


napkin at pinaikot sa leeg nila para hindi mamantiyahan ang mga damit
nila.

"Kain na, kain na," sabi ko at inilapit sa kanila iyong mga order nilang
pitsa.

"Daddy," tawag ni Chiasa maya-maya habang kumakain ng ayskrim.


Tumingin naman ako sa kaniya at sinenyasan niya akong lumapit.

"Ano—ay!"

Bumulanghit ng tawa iyong bata dahil sa ginawa niyang kalokohan. Akala


ko kasi ay susubuan ako n'ong ayskrim na nasa kutsarita pero imbis na sa
bibig ay sa ilong ko naman lumanding iyon.

Pinunasan ko iyong ayskrim at kunwaring seryosong bumaling kay Chiasa.


"Its nat gud tu pley wid da pud, 'nak."

"Hala... Lagot ka, Chia," pang-aasar naman ni Chikao. Kinindatan ko siya


para iparating na may plano akong gawin. Aba matinde! Hindi naman ako
papayag na ako lang ang napagti-trip-an.
"Dad—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng atakihin ko siya ng kiliti.


Ganoon din ang ginawa ni Chikao na nasa kabilang gilid ng kakambal.
Tawa siya nang tawa habang sinusubukang piligan ang mga kamay namin.

"Daddy—no, Kuya—I can't." Wala na siyang natapos na salita dahil sa


pagtawa.

"Ano 'yon? Hindi ko marinig," natatawang sabi ko pero tawa lang ang
narinig ko sa kaniya.

"S-stop na," nagmamakaawang sabi niya kaya natawa na naman ako.


Mukha na kasing kinawawa dahil naiiyak na sa kakatawa. Hiningal na rin
kaya inabutan ko ng tubig.

"Masarap ba ang ayskrim, 'nak?" pang-aasar ko pero sinamaan niya lang


ako ng tingin kaya natawa na naman ako.

Manang-mana sa akin ng kakulitan 'tong bata na 'to.

Naglalakad kami ng mga bata sa mol habang nagtitingin-tingin at


nagpapababa ng kinain. Iniisip pa namin kung saan kami neks na pupunta
dahil plano kong ihuli na ang pagsha-shaping.

"Dad, sa arcade tayo," sabi ni Chikao habang nakaturo roon sa may arkeyd.
Parang nagliwanag naman ang paningin dahil pati ako ay na-eksayt.

Petengene! Ang tagal ko nang hindi nakakalaro dito.

"Tara, 'nak," sabi ko at inakay sila papunta roon. Bumili ako ng


sandamakmak na token at binigyan din sila.

Unang tinuro ni Chiasa ang mini karusel kaya tinulungan ko siyang


makasakay roon. Naghulog ako ng dalawang token doon at nagsimulang
umandar 'yon.
"Hello. Hihi," sabi niya nang makaikot. Gusto ko sana siyang piktyuran
dahil naku-kyut-an ako sa kaniya pero naalala ko na iniwan ko nga pala ang
selpon ko sa hotel rum namin dahil pinatay ko iyon.

Ngumiti na lang ako at chinir siya pero hinila naman ako ni Chikao sa isang
geym na barilan. Buti na lang ay tanaw pa rin namin si Chiasa mula sa
puwesto namin kaya hindi ako masyadong nangamba.

Da pak, ma men. Mamaya ay mawala ko iyang anak ni Ms. Jodi at


mabigyan ako ng kambal na sampal.

Naghulog si Chikao doon ng dalawang token at inabot sa akin iyong isang


toy gan. Siya ang pumili ng chalenj na lalaruin namin.

"Aba mabangis! Tengene, shur ka na ba rito? Walang iyakan kapag natalo,


ha?" biro ko kay Chikao. Paramihan kasi kami ng kailangang mapatay at
shur na shur akong isi lang 'to sa akin.

"Tsk. Dad, minamaliit mo ba ako? Magaling ako rito," sabi niya at pinindot
ang red boton para magsimula na ang geym.

"Shet!" sabi ko maya-maya nang hindi natamaan iyong sombi. Tengene!

"Oh, you missed again!" pang-aasar ni Chikao. Chil na chil lang siya sa
paghe-hedshat ng mga sombi sa iskrin niya pero kitang-kita niya pa rin na
hindi ako nakakatama.

"Hindi, ah!" tanggi ko at mas nag-pokus.

Pakshet! Hindi ako p'wedeng matalo rito. Hindi na nga ako nanalo-nalo sa
teken kapag kalaro ko sina Cody pati ba naman dito sa barilan? Amp! Pild
op ekspertis ko 'to kaya dapat manalo ako rito.

Baril lang ako nang baril sa mga nakikita kong sombi hanggang sa natapos
ang geym na may malaking kulay pulang geym ober sa iskrin ko. Takte!

"You lost, Dad," pagpapamukha sa akin ni Chikao habang tumatawa.


"Hindi akyureyt iyong target kaya hindi nababaril," pagdadahilan ko. Pero,
hindi rin naman ako mukhang nagdadahilan kasi totoo naman! Hindi ko
maintindihan kung bakit hindi matamaan kahit sa paningin ko ay tatama
naman. O 'di kaya ay mayroong matatamaan pero hindi agad namamatay.
Da pak! Anong kalapastanganan ito?

"It's okay if you cry. I won't judge," sabi pa niya kaya no'ng makalapit siya
sa akin ay Inipit ko ang ulo niya sa braso at dibdib ko tapos ay ginulo ko
ang buhok niya.

Ako naman ang tumawa ngayon dahil nakasimangot siyang humiwalay.


"Oh, its okey ip yu kray, 'nak. I wont jadj," sabi ko sa kaniya pero dumila
lang siya sa akin at tumakbo palayo.

"Chikao! Huwag kang lalayo," malakas na sabi ko. Napatingin tuloy sa akin
iyong mga Japanis siguro dahil hindi nila naintindihan ang sinabi ko.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Daddy!" biglang may yumakap sa baywang ko kaya napatingin ako roon.

"Ano, 'nak?" tanong ko kay Chiasa at binuhat siya. "End its dadi. Nat
daddy," pagtatama ko pa sa kaniya. Dahan-dahan ko pang binigkas iyon
para makuha niya ang tamang aksent ko.

"Tapos ka na sa karusel?"

Tumango naman siya. "Look! Kuya's playing basketball," sabi niya at


tinuro ang kuya niya kaya lumapit kami roon.

"Luk...Kuya's pleying basketbol," pagtatama ko ulit habang naglalakad


kami. Tumango-tango naman siya at tumingin sa kawalan bago bumulong-
bulong. Inuulit niya iyong sinasabi ko at tinatama ang sarili niya. Pfft!

"Alright—"

"Hep, hep. Its olrayt, okey? Nat alright."

"O-olrayt, Dadi! Ay wil kip dat in maynd," nabubulol na pagsunod pa nito


sa sinabi ko. Paksyet! Pas lerner.

"Pataasan ng iskor!" sabi ko nang makalapit kami kay Chiasa. Doon kami
sa katabing mashin ni Chiasa pumuwesto at naghulog ng token.

Hindi pa naman ganoon kalaki si Chiasa dahil babae at bata pa kaya roon
ko siya pinatayo sa mismong lalagyanan ng bola para mas madalian siya.
No'ng nag-i-start na iyong taymer ay nagsimula na kaming mag-shut ng
mga bola sa ring.

Mabilis lang na natapos iyong taymer at nang tingnan namin ang mga iskor
ay malakas kaming tumawa nang doble ng iskor namin ang iskor ni Chikao.

"Unfair!" reklamo ni Chikao. Kanina pa iyan naghihimutok dahil dalawa


raw kami sa isang mashin kaya lugi siya.

"It's not, Kuya. Hindi ka lang marunong," pang-aalaska ni Chiasa sa kuya


niyang pikon na pikon na. Pfft!

"And its nat unfair, its amper!" pagkorek pa nito sa sinabi ng kapatid niya.

"Tama na iyan," suway ko sa kanila. "Okey lang naman matalo, 'nak. Ang
mahalaga ay pogi ka. Mana ka sa 'kin," pagpapagaan ko sa loob ni Chikao.

"Mana ako sa 'yo?" takang tanong niya pa.

"Oo naman!" mabilis na sagot ko at kinindatan pa siya.

"I'm handsome," sabi niya habang tumatango-tango. Nakahawak pa ang


isang kamay niya sa baba na para bang ngayon niya lang nariyalays sa
buong buhay niya na guwapo siya.

"End aym priti!"

"Yes na yes, 'nak!" pagsang-ayon ko dahil ang nag-iisang rul para maging
anak ko ay ang magmana ng kagandahang lalaki sa akin.

"Ito kukunin ko 'to, ito pa, ito pa. Ito bagay rin sa akin 'to," sabi ko habang
kumukuha ng mga tisert na nasa rak na tiyak na tiyak akong nababagay sa
akin.

"End dis wan olso, Dadi." Inabutan ako ni Chiasa ng isang damit na agad ko
namang kinuha at nilagay sa basket.

"Tenks, 'nak," sabi ko at kinindatan siya.

Nandito kami ngayon sa department istor para mamili na ng mga damit ko


dahil hapon na pala. Ayokong masyadong magpagabi dahil may kasama
akong mga bata. Saka nasa poreyn kawntri kami kaya kailangan naming
maging kowshus.

Bukod sa damit ay bumili na rin ako ng samu't saring esenshals na


kakailanganin ko. Kasi alam ninyo naman, ang sikreto ng mga guwapo ay
maging pres palagi. Binilhan ko rin ng mga damit iyong kambal at mga
laruan na nagustuhan nila. Sinabihan ko pa nga silang pumili pa pero ayaw
na nila. Baka raw magalit ang ermat nila na sinag-ayunan ko naman.

Kabilin-bilinan pa naman ni Ms. Jodi kanina na huwag silang magtuturo ng


kung ano-ano.

"Shur kayo, iyan lang?" tanong ko pa ulit.

"Yes, Dadi. Dats mor dan enap na po," malambing na sabi ni Chiasa.

"I agree. Sobra na nga ang kaguwapuhan ko pero mas sumobra pa po dahil
sa mga laruan," sabi naman ni Chiako. Nag-pogi sayn pa at kumindat sa
akin.

Tengene! Pas lerner talaga itong mga anak ni Ms. Jodi.

"Okey, sabi ninyo, eh."

Maglalakad na sana ako papuntang kashir pero napunta ang paningin ko sa


hilera ng mga tsokoleyt. Bigla ko tuloy naalala si Cody at iyong mga
pasalubong hinihingi niya kanina kaya kumirot na naman ang dibdib ko
dahil sa matinding giltines at kalungkutan. Pati na rin iyong paghihintay
niya sa aking umuwi. Pero no choys na ako. Ang hirap maipit sa dalawang
bagay na pareho ko namang pinahahalagahan.
Takte, nandito na ako. Saka na lang ako mag-e-ekspleyn kapag nakauwi na.
Wala naman nang magagawa ang gilt ko. Watdapak!

"Dadi, okey ka lang po?" tanong ni Chiasa. Mukhang napansin niyang


natigilan ako.

"Ah, oo naman, 'nak. Weyt lang, ha. May nakalimutan pa lang bilhin si
Dadi," sabi ko sa kanila. Tumango naman sila at tahimik na sumunod sa
akin.

Lumapit ako sa mga tsokoleyt at kumuha ng sandamakmak n'on. Bumalik


rin ako sa aparel sekshon at kumuha ng mga damit para sa pamilya ko.
Kahit ano, kahit ilan. Hindi ko na iniisip. Basta sa tingin ko ay babagay sa
kanila ay kinukuha ko.

Hindi ko rin nakalimutan iyong irpown ni Kayden. Iyong kuwintas at relo


ni Cody. At iyong alahas na para kay Mei.

Sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako. Pagkauwi ko.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong ko sa mga bata.

Naglalakad kami ngayon sa holwey papunta sa suwit namin dahil sa wakas


ay natapos na kami sa pamimili.

"Yes, Dadi!"

"Opo."

Sagot n'ong dalawang bata. Nakahawak silang pareho sa magkabilang


kamay ko. Buti na lang ay may batler sa baba na kinuha iyong mga shaping
bag na dala ko. Sila na raw ang mag-aakyat n'on sa kuwarto namin para
hindi ako mahirapan.
"Beri gud," sabi ko sa kanilang dalawa.

Buti naman ay nag-enjoy sila dahil nag-enjoy rin ako. Kahit na may kirot at
lungkot akong nararamdaman ay hindi nagkulang 'tong kambal para aliwin
at ibaling sa kanila ang atensyon ko.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay agad kong kinuha iyong kard
para mabuksan ko iyon. Pero nang sinwayp ko iyon ay wala man lang
tumunog na bip kaya kinutuban na agad ako dahil isa lang ang ibig sabihin
n'on.

Tinignan kong maigi iyong pinto at nakumpirma ang hinala ko.

Pakiningshet! Bakit bukas na 'tong pinto?

Imposible naman na si Ms. Jodi ang nakaiwan ng pinto noong umalis siya
kanina. At imposible rin na siya na ang tao sa loob dahil malinaw niyang
sinabi kanina na gagawin niya ang pinag-uutos ni bossing.

Napalunok ako at tumingin sa dalawang batang kasama ko.

"Chiasa, Chikao," pagtawag ko sa kanila. "Dito muna kayo sa labas. May


iche-chek lang ako sa loob at tatawagin ko kayo kapag puwede nang
pumasok, okey?" sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan naman silang dalawa at nagkatitigan. Mukha silang nag-


uusap gamit ang mga mata nila pero hindi ko naintindihan iyon. Nang ibalik
nila ang tingin nila sa akin ay sabay silang tumango.

Napahinga naman ako nang maluwag dahil talagang ipinagpapasalamat ko


ang pagiging masunurin ng dalawang 'to.

Muli ko pang sinulyapan ang kambal bago kinuha ang baril na kanina pang
nakaipit sa likod ng pantalon ko. Buti na lang talaga ay hindi ako umaalis
nang walang ganito. Dapat olweys preperd tayo sa bakbakan.

Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang tinulak iyon para bumukas. Naglakad


ako papasok habang nakatutok ang baril sa harap.
Iniisip ko rin kung nasaan ang swits ng ilaw dahil madilim ang buong
kuwarto. Pero nang biglang bumukas ang ilaw ay ganoon na lang ang gulat
ko nang biglang may tao na sa harap ko.

Hindi ko inasahan iyon kaya hindi ko naiwasan ang kamay niyang tumapik
sa kamay ko. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong baril at tumalsik sa kung
saan pero hindi ko naman pababayaang maagrabyado ako ng isang 'to.

Mabilis akong kumilos at nilabanan siya gamit ang pisikal na lakas ko.
Suntok, sipa, atras, atake, depensa. Paulit-ulit lang na ganoon hanggang sa
umabot kami ng sala. Pinulot ko iyong isang beys na nahawakan ng kamay
ko at mabilis na ipinalo iyon sa ulo ng kalaban ko. Tulad ng inaasahan ay
nawalan siya ng malay.

Nang bumagsak siya sa sahig ay mabilis akong lumapit sa kaniya at


tinanggal ang takip sa mukha. Petengene! Mas guwapo pa ako rito, ah.

Binitawan ko ang mask na suot n'on at mag-uumpisa na sanang kapkapan


kung sakaling may mahanap akong pagkakakilanlan nito nang may
maramdaman akong presensya sa likod ko.

Shet!

Huminga ako nang malalim bago ko ginamit ang buong puwersa ko para
umikot habang nakausli ang isang paa. Sa ganoong paraan ay napatid ang
kung sino mang nasa likod ko.

Nang bumagsak din siya sa sahig ay agad ko siyang inatake.

Tengene mo, ah. Dont ander estimeyt a Lerwick, ma men.

Hindi naman nakapalag iyong lalaking kalaban ko ngayon pero nang


makarinig na naman ako ng yabag papalapit sa akin ay mabilis akong
lumingon doon.

"Ow!" sigaw ko nang masanggi ko gamit ang kamao ko ang beys na ipapalo
sana sa ulo ko.

Gago, 'to ah. Kinakalaban ang guwapo.


Tatayo na sana ako upang palagan 'tong bagong lalaki nang bigla na lang
itong tumumba sa harap ko. At literal na nanlaki ang mapupungay kong
mga mata nang makita kung sinong gumawa n'on.

Nang makita kong babangon na ulit 'yong natumbang lalaki ay agad akong
tumayo at buong puwersa ko itong sinipa sa mukha. Kitang-kita naman ang
pagkahilo sa mukha niya. Dumugo rin ang ilong niya at bigla nalang siyang
natumba sa harap namin. Nang makumpirmang nawalan na ng malay iyong
lalaki ay agad ko namang binalingan ang mga bata.

"A-anong ginagawa n-ninyo rito?" tanong ko sa kanila. Maya-maya ay may


naglabasan na namang mga lalaki galing sa mga kuwarto namin.

Petengene nitong mga 'to, ah. Mga wik naman, ampupu.

Pero nang maalala ko iyong kambal na nasa harap ko na pala ngayon ay


mabilis akong tumayo at hinila sila papalapit sa akin.

"Bakit kayo nandito? 'Di ba sabi ko sa labas muna kayo?" nag-aalalang


tanong ko dahil baka mapano sila rito sa loob.

"Shh. Chil, Dadi. Kaya namin 'to ni Kuya," sagot naman ni Chiasa na
mabilis namang sinang-ayunan n'ong kakambal niya.

"Tama. Walang-wala iyang mga iyan sa kaguwapuhan ko, Dad,"


pagsegunda pa ni Chikao sa sinabi ng kakambal niya.

Warapak! Ano ba 'tong sinasabi ng mga batang 'to? Akala yata nila ay nasa
arkeyd pa kami at naglalaro lang.

"Ah-he-he, mga anak, hindi 'to oras para maglaro—Chikao, shet!"

Biglang sinugod ni Chikao iyong isang lalaking hahampasin na sana ako


gamit iyong beysbol bat na hindi ko malaman kung saan nanggaling.
Naging dahilan din iyon kung bakit sabay-sabay na sumugod iyong iba
pang lalaki kaya wala akong choys kung hindi ay mapalaban na rin.

Sumusuntok, sumasapak, sumisipa, at kung ano-ano pang nalalaman kong


mubs at marshal arts ang ginamit ko sa mga nakakaharap ko. Inaagaw ko
rin ang baril na mayroon sila at binabaril na sila para makaabante na ako sa
susunod pang kalaban.

Sobrang okyupayd ng isip ko at hindi ako mapakali habang nakikipaglaban


dahil sa kaiisip ko roon sa kambal. Paminsan-minsan ko silang sinisilip
pero hindi ko maiwasang hindi mamangha nang makita ko kung gaano
silang kagaling at kabisaha sa bagay na kanilang ginagawa.

Nagti-timwork pa nga silang magkapatid kaya mas mabilis nilang


napapatumba iyong mga kalaban kaya naman nawala ang takot ko at
napalitan ng pagtataka.

Petengene! Saan naman natutunan ng mga batang 'to ang mga ganiyang
mubs?!

"Dadi, hir!" sabi ni Chiasa. Hinagis niya papunta sa akin iyong baril na
naagaw niya sa kalaban niya kanina lang. Nang masalo ko iyon ay agad
kong tinutok sa kaharap ko at walang sabi-sabing binaril siya. Kitang-kita
ang pagtalsik ng dugo nito nang barilin ko ito sa ulo. Nakita ko namang
bumangon ulit 'yong isang nawalan ng malay kanina dahil sa paghampas ko
ng nahawakan kong pigurin.

Aabutin niya sana ang pinakamalapit na baril sa puwesto niya kaya


inunahan ko na siya at binaril ang kamay niya bago pa man niya maabot
iyon. Naging dahilan naman ito ng pagsigaw niya kaya binaril ko ulit siya
sa dibdib. Dumanak naman ang dugo nito sa sahig na humalo pa sa dugo ng
mga kasamahan niyang umatake sa amin. Bladi, syet.

Agad ko namang nilapitan ang dalawang bata. Nakakahiya mang aminin


pero totoong malaki ang naging tulong ng kambal para mapatumba ang
lahat ng kalaban. Petengene! Shur akong kung talagang nag-istey lang sila
roon at hinintay akong lumabas ay para na rin silang maghintay sa wala.
Siguradong mamamatay ako sa dami ba naman ng mga lalaking nakapasok
pala rito.

"Ayos lang ba kayo?" mabilis na tanong ko sa mga bata. Sinuri ko pa ang


mga mukha at katawan ng bawat isa dahil baka nagasgasan na o nasugatan.
Shet! Siguradong malalagot ako sa ermat nitong mga 'to kapag nagalusan
'tong kambal niya.

"Aym payn, Dadi. Stap woriying na," sabi ni Chiasa. Yumakap pa sa akin
ang bata at tinapik-tapik ang likuran ko na para bang pinapakalma ako.

"Okey, 'nak. Okey..." sabi ko.

Huminga ako ulit nang malalim at inilibot ang paningin sa mga taong
nakahandusay sa buong kuwarto namin. Napailing pa ako dahil ang hasel
naman ng mga gagong 'to.

Putapete, ang pangit ng trip. Nang-aagrabyado ng guwapo.

"Chiasa, Chikao, iimpake ninyo iyong mga gamit ninyo," sabi ko sa kanila
habang hinihila sila papunta sa kuwarto nila.

"Iimpake ninyo rin ang gamit ng mami ninyo, ha? Lilipat na tayo ng hotel.
Its nat seyp hir enimor," dagdag ko pa. tumango naman sila at agad
tumalima patungo sa kuwarto nila. Agad nilang sinunod ang iniutos ko na
mag-alsabalutan ng mga gamit habang ako naman ay ginamit ang telepono
ng hotel para tumawag sa prant desk na huwag nang dalhin dito sa taas ang
mga pinamili ko.

Mahirap na. Baka mag-prik awt iyong batler na magdadala n'on dito kapag
nakakita ng sandamakmak na walang buhay na katawan. Mabuti na lang at
hindi pa ito nakakaakyat dito.

Shet! Kailangang malaman 'to ni bossing.


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Ayos na 'to. Tenks," sabi ko sa batler na naghatid sa amin sa eksekyutib


suwit ng nilipatan naming hotel. Siya na rin ang nagpasok ng mga bitbit
naming gamit sa kani-kaniya naming kuwarto.

Kinuha ko lang din iyong kapareho n'ong kinuha ni bossing para sa amin sa
kabilang hotel dahil ililista ko naman ang mga utang niya.

Aba matinde! Ekspens pri dapat ang mishon na 'to pero dahil sa mga hindi
kagandahang nilalang ay napaabono pa tuloy ang guwapo.

"Chikao, na-kontak mo na ba ang mami mo?" tanong ko kay Chikao n'ong


pumunta ako sa kuwarto nilang magkapatid. Nakapagpalit na sila ng damit
at nakaupo sa kama habang umiinom ng probayotik drink na Yakult. Binili
namin kanina iyan at iyong ibang isnak sa konbinyens istor na nadaanan
namin.

"Yes, Dad. Malapit na raw po siyang matapos at uuwi na raw agad," sagot
niya.

"Nasabi mo ba kung saang hotel tayo lumipat?" tanong ko ulit nang


makaupo ako sa higaan nila.

"Opo," magalang na sagot nito.

"Okey." Tumango ako at huminga nang malalim. Takte! Hindi mapigilan ng


inyong guwapong lingkod ang hindi ma-kyuryus. Kyuryus na kyuryus ako
sa mga bata kung saan nila nakuha iyong ganoong abilidad na
makipagbakbakan. Mukhang natreyneng din nang maayos.

"Chiasa, Chikao..." panimula ko. Alam kong hindi matatahimik ang


kagwapuhan ko kung hindi ko 'to itatanong kaya heto na.

"Paano...paano ninyo nagawa iyong kanina? Iyong pakikipagbakbakan.


Hindi ko inekspek na marunong kayo sa ganoon."

"Simple lang po iyan, Dad. Kailangan lang gamitan ng...kaguwapuhan,"


pabiro pang sabi ni Chikao.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Oo nga, 'nak. Giben na iyan. Mana ka
talaga sa akin. Pero paano kayo natuto sa ganoon?"

"My Daddy and Mommy are assassins. They used to teach us back then,"
mahinang sagot ni Chiasa.

Watdapak?! Asasin pala si Ms. Jodi at ang asawa niya? Sumalangit nawa
ang kaluluwa.

Pero teka. "It's 'yus tu tits as bak den', 'nak," pagkokorek ko. Tumango
naman siya at nag-pis sayn. Mabuti na iyong nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan kaming mga magagandang nilalang.

"Pero paano noong—" Napahinto ako. Shet! Hindi ko alam kung paano
itatanong dahil siguradong sensitib tapik 'to para sa kanila.

"Noong nawala ang Daddy?" pagtutuloy ni Chiasa sa dapat na itatanong ko.


Napatango naman ako.

Takte. Matalino talaga 'tong mga batang 'to. Mana sa akin.

Mapait na ngumiti si Chikao. Umayos siya ng upo at sumandal sa hedbord.


Ganoon din ang ginawa namin ng kapatid niya. Nasa gitna namin si Chiasa
na halos nakahiga na at nakayakap sa akin.
"Mommy kept training us. She's teaching us the skills of a professional
assassin," sagot ni Chikao. Petengene! Inglisero rin pala talaga 'tong
batang 'to. Parang si Kayden lang.

"Shet! Alam ninyo pala kung ano ang buhay na mayroon ang mga
magulang ninyo at kayo?"

"Yes, Dadi. Alam po namin. End wi aksep it," si Chiasa naman ang
sumagot.

Tumango si Chikao. "Kaya ngayon pa lang ay naghahanda na kami."

Petengene! Ang bangis ng mga batang 'to. Dapat pala ay maturuan ko rin
ang mga anak kong si Cody at Kayden ng mga mubs na katulad n'ong sa
kambal.

Nakakabilib kasi talaga. Layk watdapak hindi ko ine-ekspek na bukod sa


mga anak ko, Roswells, Yaji, at ng mga independent kandideyt ay hindi na
ako makakakita pa ng mga batang may abilidad sa pakikipaglaban. At kung
magpapaka-hanes ako ay mas magaling pa nga itong kambal na 'to.

Shet! Ikaw ba naman maging anak ng mag-asawang asasin tapos


magkaroon ng dadi na sadyang guwapo at ekspert pa sa bakbakan?
Talagang gagaling ka sa mga ganiyang bagay.

Nagpatuloy lang kami ng mga bata sa pagkukuwentuhan tungkol sa mga


bagay-bagay habang hinihintay si Ms. Jodi pero maya-maya ay pare-
parehas na kaming nilamon ng antok at nakatulog nang magkakatabi.

"We're here," anunsiyo ni Ms. Jodi nang makarating ang sinasakyan naming
taksi sa isang sementeryo. Ito iyong sinabi ni bossing kanina na kailangan
daw naming puntahan at atend-an on behap op him daw. Tsk! Sobrang
guwapo ko para maging chaperon pero okey lang dahil sanay na sanay
naman na ang kagandahang lalaki ko sa ispatlayt.
Nang makababa ng sasakyan ay agad kong inayos ang polo ko at sinuklay
ang buhok bago naglakad papunta roon sa lugar kung nasaan ang mga
puting tent. Tulad ng napag-usapan ay humiwalay muna sa akin si Ms. Jodi
kasama ang mga anak niya.

Magkaiba kasi ang ajenda namin dito ayon sa utos ni bossing.

"In labing memoris op...Hiroshima Yamaguchi..." pagbasa ko roon sa


malaking tarpolin kung nasaan ang mga piktyur at pangalan ng mga
namatay. Hindi lang kasi isa ang ililibing ngayon dahil bukod sa kasket na
nasa gitna ay mayroon pa sa tabi n'on. Mali-mali naman ispiling ng
nakalagay sa tarpolin. Hindi man lang muna kumonsulta sa katulad kong
guwapong matalino.

Hindi ko na nga lang inabala ang sarili kong alamin ang pangalan ng mga
iyon kahit nakasulat din sa tarpolin. Mas maliit kasi kumpara sa pangalan ni
Hiroshima at mayroon ring mga Japanis karakters kaya hindi ko na inistres
ang guwapong ako para maghirap na mag-transleyt pa n'on.

Hiroshima Yamaguchi... Sino naman kaya 'to at ano ang mayroon sa kanila
ni bossing? Hindi man lang ako na-inporm na ganito na pala kaprendli si
bossing at pati taga-ibang bansa ay kakilala na rin niya.

Pumwesto ako sa pinakalikod at magkakrus ang brasong nag-obserba sa


mga tao. Maya-maya ay dahan-dahan na akong naglakad. Kailangan kong
mag-ikot-ikot para makita ko nang mabuti ang itsura ng mga taong nandito.

Hinanahap ko kasi si Tatsuya Inagawa. Iyon iyong pangalan ng taong


kailangan kong kitain ayon kay bossing. May kailangan daw kasi akong
kunin sa kaniyang importanteng bagay. Kung ano iyon ay hindi ko rin alam.

At paksyet lang! Hindi ko nga rin alam kung sino rito si Tatsuya. Sinabi
lang ni bossing na isa sa mga prominent na bisita si Tatsuya pero hindi ko
naman inakalang halos buong barangay ang nandito. Napakaraming tao. At
sa itsura ng mga 'to ay sigurado akong mayayaman ang mga 'to.
Napatingin ako ulit sa kasket na nasa pinakagitna. Syur na syur akong
bigatin 'tong taong 'to dahil sa uri ng mga bisita niya. At imposible rin
namang makilala ni bossing iyan kung basta-bastang tao lang ang isang 'to.
Base pa sa mga kasuotan ng mga andito ay halatang mga hay propayl talaga
sila.

Bumalik ako sa pag-iikot at paghahanap. Petengene! Istragel is ril!

Alam kong wala akong mapapala sa pagtingin-tingin lang pero anong


magagawa ko? Hindi ko naman puwedeng lapitan isa-isa iyang mga
mayayamang bisita at itanong sa kanila kung sila ba si Tatsuya Inagawa.
Shur akong magmumukha lang akong tanga sa harap nila dahil pers op ol,
shur akong Japanis ang mga iyan. Mining, hindi nila naiintindihan ang
simpleng langwej ng guwapong ako. Sekand, masyado akong guwapo para
i-kompront sila.

Nabaling ang paningin ko sa kambal na may kausap na batang lalaki.


Medyo naalarma pa nga ako dahil baka kung sino iyon at kung anong gawin
sa dalawa pero nang makita ko naman silang komportableng nag-uusap ay
pinabayaan ko na lang. Mukha namang harmles din iyong bata. At sa tingin
ko ay mas matanda 'to ng ilang taon lang sa kambal dahil sa ilang
pulgadang taas nito.

"Petengene! Parang pamilyar, ah..." bulong ko at mas lalong tinitigan ang


bata. "Shet! Kahawig ni Trigger," sabi ko. Natawa pa ako dahil hindi ako
makapaniwala.

Kahawig n'ong bata si Trigger tapos kahawig naman ni Trigger si bossing.


Syet! Mukhang minumulto ako ni bossing at para bang sinasabi na gawin
ko na ang inutos niya sa akin.

Naramdaman yata n'ong bata na nakatingin ang mapupungay kong mga


mata sa kaniya dahil lumingon siya sa akin. Saglit akong natigilan pero
ngumiti rin ako agad.

Syet! Minsan ka lang makakita ng guwapo, bata.


Binalik nito ang tingin sa akin pero hindi naman ngumiti pabalik. Takte!
Ang sungit naman nito.

Nakita kong napansin ni Chiasa na nakatingin sa akin iyong batang kausap


nila kaya napatingin din siya sa akin. Ngumiti siya nang malaki nang
makitang ako 'to, ang nag-iisa at pinakaguwapong si Sebastian Lerwick, at
lumapit.

"Helo, byutipul," sabi ko sa kaniya nang makalapit siya sa akin.

"Come, Dadi," sabi niya at hinatak ang kamay ko papunta roon sa lamesa.
Nandoon na rin si Chikao at iyong lalaking kausap nila kanina. Mayroon
ding dalawang batang babae at dalawang batang lalaki ang nandoon.

"Wala bang BJ?" rinig kong tanong n'ong isang bata na medyo naiiba ang
kulay sa mga bata. Pfft!

"Mayroon yata sa buffet table, bro," sagot naman n'ong isang batang lalaki.

"Oks," sagot n'ong bata at tumayo na para pumunta sa bufey teybol.

"Hey, weyt!" sinubukang pigilin ni Chiasa iyong batang umalis pero hindi
na siya nito narinig dahil agad din itong naglagay ng irpown sa tainga.
Umiling na lang si Chiasa at tumingin sa iba pang bata. "Papakilala ko kayo
sa Dadi. Dadi ito nga pala si Bul—"

"Mr. Sebastian Lerwick?"

Petengene! Parehas kaming nagulat ni Chiasa ng ang may malaking boses


na isang lalaki ang tumawag sa akin. Lumingon ako roon at alanganing
itinaas ang kamay ko.

"Present?" sabi ko. Tumango naman siya sa akin at may inabot na papel.
Agad kong binasa iyon.

"Ah, 'nak. Dito muna kayo, ha. May aasikasuhin lang ako," paalam ko kay
Chiasa dahil ito na pala ang hinihintay ko. Petengene! Bakit hindi man lang
ako ininporm ni bossing na may lalapit pala sa aking tauhan ni Tatsuya
Inagawa para sunduin ako.

"Ingat, Dad," sabi ni Chikao. Tumango naman ako at isa-isang nginitian ang
mga batang nakatingin sa akin. Syet! Sayang ipapakilala na sana sa akin ni
Chia ang mga kaibigan niya.

"Bye po," paalam pa n'ong isang batang babae na katabi n'ong kahawig ni
Trigger.

Pagkatapos na pagkatapos akong kausapin ng personal ni Tatsuya Inagawa


ay saktong patapos na rin ang mga seremonya ng libing. Bumalik na rin
kami sa hotel na tinutuluyan namin apter n'on kaya heto ako ngayon.
Nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto ko at tinititigan iyon orasan na
pinapabigay ni Tatsuya kay bossing.

Pinatong ko iyon sa puting bedshit kaya angat na angat ang pagiging binteyj
ng kulay n'on. Isa iyong binteyj na paket wats. Na kapag binuksan ay
makikita ang lirato ng isang joker.

Alam na alam ko iyon dahil shet! Marunong at naglalaro ako ng baraha


kaya halos masaulo ko na ang itsura ng mga hugis at karakter na nasa mga
kards.

Kanina ko pa iniisip kung ano ang ibig sabihin at importans nitong orasan
na 'to. Siguradong mahalaga ito dahil puwede naman kasing ipadala na lang
sa tauhan pero hindi. Personal pa talagang pinakuha sa inyong guwapong
lingkod.

Kung bakit ay hindi ko rin alam.

Para saan nga kaya 'to?


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Parang artista akong lumabas ng erport dahil sa mga babaeng nagtitinginan


sa kaguwapuhan kong taglay. Iba talaga ang karisma ko sa mga chiks.

Inilibot ko ang paningin ko sa kaubuan ng erport. Kahit pala hindi holidays


ay maraming bumabiyahe at nagbabakasyon. Sa susunod ay kaming buong
pamilya naman ang mag-a-awt op da kawntri na hindi work-releyted.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Chiasa na kasalukuyang kumakain ng binili


kong ays krim.

"Dadi, gusto mo po ba?" Itinaas nito ang kamay na may ice cream at
itinapat sa bibig ko.

"Ubusin mo na 'yan, 'nak. Busog pa ang dadi," sagot ko naman sa tanong


nito. Ngumiti naman siya nang malapad at isinubong muli ang ayskrim.

Chil na chil kong hinihintay 'yong tauhan ni bossing na pinagbilinan ko ng


kotse. Kinuha ko ang sheyds kong nakasabit sa tisert ko at isinuot ito.
Mahirap na at baka pagkaguluhan ako ng mga chiks.

Tumingin naman ako kay Chikao na ginaya ang pagsusuot ko ng sheyds.


Nakahawak ito sa kamay ni Ms. Jodi.

Maya-maya pa ay huminto ang sarili kong kotse sa harap ko. Bumaba ang
tauhan ni bossing at ibinigay sa 'kin ang susi.

"Tenks," tumango naman ito sa 'kin at iniwan ako. Ayaw niya bang sumabay
sa guwapong ako? Sayang, suwerte pa naman siya dahil makakasama niya
sa iisang kotse ang nag-iisang Sebastian Lerwick.
Isinakay ko na ang tatlong maletang dala ko. Wala akong dalang kahit ano
papunta roon pero ito ngayon at nakakatatlong maletang punong-puno pa
ngayong umuwi na ako.

Aktuwali, ilang pares lang ng mga damit at gamit ang nabili ko para sa
sarili ko, iyong sasakto lang sa mga pangangailangan ko sa isang linggo.

Puno ang mga bagahe ko dahil sa mga binili kong pasalubong sa mag-iina
ko. Daig ko pa ang nag-panik baying dahil sa sobrang dami kong pinamili
para sa kanila. Nadala na rin siguro ako ng gilt ko kaya lahat ng nakita kong
nakakapagpa-alala sa akin sa kanila ay binili ko na.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay humarap naman ako sa mag-iina at


nilapitan sila. "Tara, ihahatid ko na kayo." Agad namang lumapit at
yumakap sa akin si Chiasa na tuwang-tuwa pa sa sinabi ko.

"Dadi, ay layk dat," sabi pa nito. Natawa naman ako sa sinabi niya kaya
ginulo ko ang kanyang buhok.

"No, we're okay. Maybe your family's already waiting for you. Magta-taxi
na lang kami." Nang sinabi ito ni Ms. Jodi ay bigla namang nagbago ang
ekspresyon sa mukha ni Chiasa.

"Hindi po ba tayo puwedeng magpahatid kay Dadi, Mami?" Nakakapit lang


ito sa binti ko na mukhang wala pang balak pakawalan iyon.

"Chiasa," nananaway na tawag ni Ms. Jodi sa anak niya. Binuhat ko na


lamang ito na kaagad namang inihiga ang ulo sa balikat ko.

"Puwede mo pa naman akong i-teks," panlilibang ko rito. Agad namang


lumiwanag ang mukha nito at hinalikan ang pisngi ko. Ibinaba ko naman ito
matapos ng ginawa niya. Humarap ako kay Chikao at nakipag-pis bamp
dito. Nginitian niya ako at nagpogi sayn pa kaya natawa ako. Petengene,
mukhang kuhang-kuha na nila ang mga galawang Sebastian Lerwick.

Naglakad na 'ko pabalik sa kinaroroonan ng kotse ko at binuksan na ang


pinto ng draybers sit. Kumaway ang kambal sa 'kin at nagpaalam na.
Pagkasakay ko ng kotse ko ay agad akong kinabahan nang pumasok sa isip
ko ang ang napakaganda kong asawa na si Mei.

Nag-iisip ako ng magandang palusot na puwedeng magamit kung sakali


mang magtanong ito. Inilabas ko ang selpon kong hanggang ngayon ay
hindi ko pa rin binubuksan. Shet! Malilintikan panigurado ang guwapo.

Nang may makita akong gasolin isteyshon ay agad akong pumarada at


nagpa-gas kahit nasa kalahati pa ang aking pyuwel miter. S'yempre, okey na
ang puno kaysa naman maubusan ako, hindi ba?

"Pul tank, 'tol," sabi ko sa istap dito sa gas isteyshon at pinindot ko ang
boton para bumukas ang gas tank. Naghanda ako ng pera at inantay na
matapos ang paglalagay ng gas.

"Sir, okay na po."

Binigay ko ang pera sa kaniya at nagtanong. "Saan ba iyong CR n'yo rito?"


Dala na rin siguro ng kabang nararamdaman ko kaya ganito ang pantog ko.
Petengene.

Tinuro nito ang komport rum sa tabi ng kombinyens istor dito rin mismo sa
gas isteyshon. Agad kong ipinarada sa harap nito ang kotse ko at saka
lumabas.

"Huwag kang kabahan, Lerwick. Makita lang ng maganda mong asawa ang
guwapo mong mukha, mawawala na ang galit na nararamdaman niya."
Napasabunot ako sa buhok nang hindi tumalab ang pangungumbinsi ko sa
sarili ko kaya naman lumabas na lang ako at pumasok sa konbinyens istor.

"Ikakain ko na lang ito." Kumuha ako ng shopaw at sopdrinks. Sinusubukan


kong mag-isip ng sasabihin pero agad ko rin itong iwinala sa isip ko kapag
hindi ako kumbinsido na tamang iyon ang sabihin ko kay Mei.

Nang matapos kumain ay muli akong bumalik sa kotse at nagsimula nang


mag-drayb. Nagbukas ako ng radyo upang makinig ng myusik. Ilang
kilometro na lang at malapit na ako sa bahay ngunit parang ayoko pang
umuwi.
Dumaan ako sa isang parke at tumambay muna roon para magyosi. Lumapit
ako at tumayo sa malapit na puno at doon hinithit ang yosi. Malayo ako sa
mga batang naglalaro upang hindi rin pagkaguluhan ang kagwapuhan ko.
Maayos at maaliwalas ang lugar pero hindi pa rin mawala ang kabang
nararamdaman ko. Paksyet, Lerwick. Ano ba 'tong pinasok mo?

Nang maubos ang yosi ay bumalik na ako sa loob ng kotse at nagmaneho na


ulit. Malapit na ako sa bahay nang huminto ulit ako at nag-istap ober sa
gasolinahan upang magbanyo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na
nga ba akong huminto para lang magbanyo sa iba't ibang gasolinahan.
Nagawa ko na ring mag-iba ng ruta upang medyo malayo pa ang biyahe ko
at tumagal pa bago ako makauwi ng bahay.

"Petengene! Hindi nakakaguwapo 'tong ginagawa ko,"


nakapangalumbabang sabi ko.

"Pero kailangan ko rin namang mag-isip ng idadahilan kung bakit umalis


ako nang walang paalam. Paksyet! Hindi pa ako reding iharap ang guwapo
kong mukha kay Mei." Medyo napalakas yata ang haski boys ko dahil
napapatingin ang ilang tao na dumadaan sa harap ko.

Nakaupo ako sa gilid ng kalsada habang kumukuha ng panibagong yosi.


Nakakaubos na ako ng isang kaha pero hindi pa rin ako kumakalma.
Petengene! Sakit sa baga ang abot ko nito.

Huminga ako nang malalim at napagpasyahang umuwi na lang. Kabadong-


kabado man ay wala na rin akong magagawa.

Nang makarating sa tapat ng bahay ay agad kong naabutan ang


naggagwapuhan kong mga anak na nasa tapat ng pinto at reding-redi nang
makita ang guwapo nilang ama.

"Erpat!" sabay nitong bati sa akin. Tumakbo naman sila papalapit sa akin na
sinalubong ko naman ng yakap.

"Alam kong miss na miss n'yo na ang erpat niyong saksakan ng kapogian
kaya naman pumasok na tayo at may dala akong pasalubong para sa inyo."
Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanila saka tumayo at binuksan ang
trank ng kotse. Isa-isa kong inilabas ang tatlong maletang dala ko.

"Erpat, bakit napakadami n'yo pong dalang maleta? Hindi rin po atin ang
mga ito," saad ni Kayden. Kinuha nila ang dalawang maleta na tig-iisa
nilang hinawakan.

"Pasalubong ang laman ng mga 'yan. Binili ko talaga ang maleta para
mayroong paglagyan ang mga binili ko para sa inyo," paliwanag ko rito.

Nilamon na naman ng kaba ang pakiramdam ko nang makita ko ang asawa


kong ubod ng ganda. Nagyoyosi ito sa may pinto habang nakatingin nang
deretso sa mga mata ko at masama ang mga tinging ipinupukol sa akin.

Ako ang naunang nag-iwas ng tingin at binaling na lang muna ang atensyon
ko sa mga anak namin.

Naglakad na kami papasok ng bahay at nakita ko namang pumasok na rin si


Mei. Nang lingunin ko ang dalawang guwapo kong mga anak ay saka ko
lang napansin na hirap na hirap pala si Cody na buhatin ang maletang dala-
dala niya kaya tinulungan ko na siya.

"Tenks, Erpat!"

Pagkapasok namin ay agad naman naming binuksan ang mga maleta.

"Ito nga pala iyong pinapabili mo sa 'kin, Cody, sori at na-leyt," sabi ko
saka binigay ang pasalubong na ini-rekwes niya sa 'kin.

"Wao! Tenk yu Erpat, yor da bes!"

"Oh, Kayden. Ito naman ang iyo. Kuhain mo na rin ang iba pang mga gusto
mo sa loob ng mga maleta," baling ko naman sa panganay kong guwapo na
tinanguan lang ako.

Masayang-masaya ang dalawa sa nakikitang mga kagamitan na galing sa


Japan.

"Ito, Cody. Bagay sa iyo 'to."


Agad na kinuha ni Cody ang tisert na may nakalagay na japanis karakters.

Si Kayden naman ay agad na kinuha ang mga librong noon niya pa sa 'kin
nire-rekwes. Kinuha niya na rin ang irpowns na binili ko para sa kanya.
Marami pang mga bagay roon na sigurado akong magugustuhan nila.

"Marami pa iyan. Tatlong maleta rin 'yang kailangan ninyong halughugin,"


nakangiting sabi ko pa sa kanila na aliw na aliw sa mga nakikita.

"May biniling Daruma ang erpat ninyo. Na-kyuryus kasi ako no'ng nakita
ko 'yan kaya nagtanong-tanong ako sa binilhan ko. Susulatan n'yo lang daw
ito ng mata sa kaliwa habang humihiling at tatapusin ang kabila kapag
nagkatotoo na," mahabang paliwanag ko sa kanila. Iniabot ko sa kanila ang
dalawang daruma at kinuha ang kasunod.

"Marami ring pagkain dito. Ito tyokoleyt. Yunik ang mga pagkain doon
kaya bumili ako ng iba't ibang klase." Inilabas ko ang mga plastik na may
lamang pagkain at ibinigay sa kanilang dalawa. Ang iba naman ay itinabi
ko muna dahil hindi naman nila mauubos iyon lahat.

Pagkatapos ay hinayaan ko na ang dalawa na magbukas pa ng gusto nilang


makuha.

Kaya wala itong pinalampas at binuksan ang lahat ng makikita nilang


nakabalot. Pasimple kong sinulyapan ang asawa kong nakatingin pa rin sa
akin habang nagsisindi ng panibagong yosi. Wala itong ginawa kung hindi
ang tumingin at pagmasdan lang ako na para bang sinusuri niya ako nang
maigi.

S'yempre, kahit normal sa akin na tignan at titigan ay hindi maiwasang


makaramdam ng pagkailang dahil sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa
akin.

Hindi ito umimik o nagtanong kung saan ako nanggaling na lalong


nagdudulot ng kaba sa akin.

Inilabas ko sa isang maleta ang pasalubong ko para kay Mei. S'yempre,


kailangan meron din ang maganda kong asawa.
Tiningnan ko ito at nakitang nakatayo sa hamba ng pinto at pinapanood
lamang ang ginagawa namin.

Bising-bisi sa pagbubukas ng mga pasalubong ang dalawang bata nang


biglang magsalita ang isa sa kanila. "Erpat, ano po bang ginawa mo sa
Japan at hindi ka nakauwi ng isang linggo?" interesadong tanong ni Cody.
Agad na naman akong nilamon ng kaba nang magtanong ito. Petengene! Sa
lahat ng tanong, bakit iyon pang wala akong maisagot?

"A-ah, kasi Cody..." Sa sobrang kaba ay hindi ko na naituloy ang dapat na


sasabihin ko. Wala rin naman talaga akong masasabi.

"Sandali lang, CR lang ako," paalam ko at dumeretso ako sa banyo. Agad


naman akong tumawag kay Boul.

"P're, ano bang puwede kong ipalusot kay Mei?" deretsong tanong ko
pagkasagot niya ng tawag. Nakaupo ako sa nakasarang bawl at nakalagay
ang kamay sa ulo.

[Palusot? Bakit ka magpapalusot, 'tol?] takang tanong naman nito sa


sinabi ko.

"Pumunta kasi ako ng Japan, 'tol. Pero kailangan ko ng palusot na


puwedeng sabihin kay Mei kasi hindi ko masabi kung bakit ako nagpunta
roon." Tumahimik sandali ang kabilang linya kaya naman inekspek ko na
nag-iisip na ito.

[Nakapunta ka na pala ng Japan bakit mag-eexplain ka pa?] gulung-


gulong tanong nito. Ginulo ko naman ang buhok ko dala ng pagkataranta sa
kung ano bang dapat na gawin ko. Guwapo lang ako pero namomroblema
rin.

"Hindi ako nagsabi kay Mei noong umalis ako. Isang linggo akong nag-
istey roon nang hindi nila alam kung bakit at ngayon lang ulit ako umuwi.
Ngayong nakauwi na ako, hindi ko alam kung papaano ako magsasabi sa
kanya," paliwanag ko pa sa kanya. Takte, kapag ito naguluhan pa.
[Nambababae ka ba, Lerwick?] puno ng panghuhusgang tanong niya na
ikinakunot ng noo ko. Napapikit ako dahil sa sinabi niya.

"Ampupu! 'Tol, neber kong inisip ang pangtsi-chiks! Alam kong


nahuhumaling sa akin ang karamihan ng babae sa mundo ngunit hinding-
hindi ko ipagpapalit ang asawa kong ubod ng ganda at seksi." Tahimik
lamang ang linya at walang sumasagot. Tiningnan ko ang iskrin ng pon ko
kung mayroon pang tawag pero meron pa naman dahil hindi naman nag-e-
end ang kol.

"Ano 'tol? Buhay ka pa ba?" napapabuntonghiningang tanong ko.

[Oo, gago. Kung wala ka naman pa lang ginagawang ganoon, bakit hindi
mo n alang sabihin kay Meisha kung ano ang ipinunta mo sa Japan?]
Mukhang malabong maintindihan nitong si Boul ang pinupunto ko.

"Sige, 'tol. Salamat." Pinatay ko na ang tawag at hinanap ang number ni


Lee. Baka may silbi 'tong gagong 'to.

Malapit nang mamatay ang tawag at hindi pa sumasagot.

"Tangina mo 'tol. Sobrang guwapo ko para paghintayin mo." Tinawagan ko


ulit ito at sa wakas ay sinagot na rin.

"Wala nang paligoy-ligoy pa p're, kailangan ko ng magandang palusot kay


Mei, may masa-sajes ka ba?" Ilang mura na ang naisip ko bago pa ito
sumagot.

[Nambababae ka?] Napasimangot na lang ako nang marinig ko ang


parehas na sagot nito sa 'kin.

"Petengene! Parehas na parehas kayo ni Boul." Napahilamos na lang ako sa


mukha ko nang unti-unti kong maramdaman ang kawalan ng pag-asa.

[Magsabi ka na lang ng totoo kay Meisha, 'tol.]

"Hindi ako nagloloko. Pumunta kasi ako ng Japan at kailangan ko ng


palusot kung bakit ako hindi nagpaalam,"
[Masama 'yan, Lerwick. Nanahimik iyong tao noong nilandi-landi mo.
Panindigan mo ang kalokohan mo.]

Gusto kong murahin nang paulit-ulit ang mga gago dahil sa sinasabi nila.
Eh, sa hindi nga ako nambababae.

"Hindi nga, Lee," napu-prustreyt na ako dahil hindi ko rin alam kung sa
papaanong paraan ko ipapaliwanag sa kanila ang dahilan ng pag-alis ko.

[Bakit ka ba umalis nang walang paalam? Lerwick, sa panahon ngayon,


ang mga babae daig pa ang NBI sa bilis mag-imbestiga. Baka magulat ka
na lang wala ka nang pamilya.]

Kinabahan naman ako nang sabihin niyang malalaman at malalaman ni Mei


ang ginagawa ko kaya naman napaupo ako sa sahig ng banyo.

Magpapaliwanag na sana ako kay Lee nang biglang kumatok ang bunso
kong anak. "Erpat, ano pong ginagawa mo r'yan? Ang tagal mo po."
Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang tumatagal ang
kanyang pagkatok.

"Tinatawag ng kalikasan ang guwapo mong ama, Cody," pagpapalusot ko


pa. Syet!

"Erpat, bilisan mo dahil naghihintay kami sa sala," sabi nito at hindi ko na


muling narinig na kumatok ito.

Tiningnan ko naman ang selpon ko kung nandito pa si Lee at nang


makitang nandoon pa ay tinanong ko na itong muli.

"Ano, 'tol? Matutulungan mo ba ako?"

[Kung wala kang ginagawang masama, Lerwick, hindi mo kailangang


gumawa ng palusot.]

Inisip ko nang mabuti ang mga gagawin ko. Hindi puwedeng mawalan ng
pamilya ang kagwapuhan ko.

At dahil wala akong mapala sa dalawang ulol ay lumabas na ako ng banyo.


Nang makabalik ako sa mag-iina ko ay nakita kong nilalaro na nina Kayden
at Cody ang mga laruang dala ko at sinusukat ang mga damit. Inaayos na
rin nila ito.

Napatingin naman ako sa asawa kong maganda na nakaupo na sa sopa kaya


nilamon na naman ako ng kaba.

Parang sasabog ang ulo ko sa pag-iisip at at parang lalabas ang puso ko sa


sobrang lakas ng pagkabog nito. Ramdam ko ang kaunting nginig ng mga
tuhod ko habang naglalakad palapit sa kanila. Umupo ako malapit kay Mei
at paminsan-minsan ay sinusulyapan siya.

"Kumain ka na ba, Lerwick?" mahinahong tanong ni Mei na siyang


ipinagtaka ko. Hindi ito ang iniisip kong mangyayari.

"H-hindi pa, Mei." Tumango ito at tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin
hanggang sa makapunta ng kusina.

Nagtataka ako sa mga ikinikilos ni Mei dahil sa hindi niya pagtatanong


kung anong ginawa ko sa Japan.

"Lerwick," tawag niya sa akin na agad kong pinuntahan. Iniwan ko muna


ang mga bata sa sala at sinundan ko ang asawa kong ubod ng ganda.

Pagdating ko sa kusina ay nakahain na ang mga kakainin na parang alam na


niya na ngayon ang uwi ko. Paano niya nalaman? May alam na ba siya?

Gustong-gusto kong itanong kung alam na ba niya ang ginawa ko sa Japan


ngunit hindi ko ito magawa. Iniiwasan ko iyong pag-usapan. Hindi ko rin
naman alam kung papaano sisimulan.

Nakatingin lang ako sa kanya at walang kibong umupo. Nagsimula na


akong kumain ngunit wala pa rin itong kibo at hindi man lang nagtanong.

"Malapit na ang birthday ni Trigger." Muntik na akong mabulunan nang


magsalita si Mei. Napatingin ako rito at nakitang nakatingin ito nang
malalim sa 'kin.
"A-ah, oo nga, Mei. Nakausap ko na si Bossing tungkol sa gagawin sa
parti," sabi ko at tumango naman ito.

Maya-maya pa ay itinapik niya ulit ito at pinag-usapan na namin ang


tungkol sa nalalapit na bertdey ng panganay na anak ni bossing.
Pansamantala kong nakalimutan ang mga bumabagabag sa akin mula pa
kanina.

"Ang bilis ng panahon, 'no? Parang kailan lang ang babata pa nila ngayon
ay mga binata't dalaga na," naiilang na sabi ko dahil kalmado lang talaga
ang mud ni Mei. Umaakto itong parang hindi ako nawala ng isang linggo at
nagpunta sa Japan kahit na hindi ako nagpaalam.

Tumitibok ang ulo ko at parang gusto ko itong iuntog sa lamesa. Hilong-


hilo ang pakiramdam ko dahil sa nga umiikot na ideya sa guwapo kong
isipan. Awayin mo na lang ako, Mei.

Natapos na kaming kumain, nakapaglaro na rin ako kasama ang mga bata,
dumaan ang buong araw na normal lang, pero wala pa ring sinabi si Mei
tungkol sa pag-alis ko.

Kasalukuyan akong naliligo habang iniisip pa rin ang mga nangyari


ngayong araw. Pres pa rin ang guwapo kahit kabado.

Pagkatapos ay sumunod na si Mei kaya naman hinintay ko na itong


matapos nang sabay na kaming makatulog. O puwede ring gawa muna ng
doter dahil na-mis ko rin naman siya.

Tumingin ako sa salamin upang kumuha ng lakas ng loob sa mukha kong


sagaran sa kagwapuhan. Kayang-kaya mo 'yan, Lerwick. Ikaw pa ba?

Nang lumabas ang asawa ko sa banyo ay handa na ang mga ispits ko para
makapagpaliwanag. Humarap ako rito at halos napanganga dahil sa seksi
nitong katawan.
Huminga ako nang malalim at magsasalita na sana nang bigla ako nitong
inunahan.

"Why are you still up? Let's sleep," sabi niya at umupo sa tabi ko.

Bago pa ako mabaliw ay nagsalita na ako. Ay kent teyk dis enimor.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong ginawa ko sa Japan at


kung sinong kasama ko?" Seryoso akong nakatingin dito.

Hindi talaga ako mapakali buong araw dahil sa kanyang normal na


pagkilos. Kung sa ibang lalaki ay magandang balita ito puwes sa 'kin ay
hindi. Mas pipiliin ko pa ang awayin ako ng asawa kong ubod ng ganda
kaysa ang tratuhin ako nitong parang walang nangyari dahil petengene mas
lalo akong ninenerbyos sa ganoon.

"Hindi naman na natin kailangang pag-usapan. Mr. Roswell already told


me," sabi niya. "He didn't exactly tell me what you did and who you were
with but I didn't need to ask since...may tiwala naman ako sa 'yo," dugtong
pa niya sa sinabi niya at nginitian ako. Syet! Ganda talaga ng asawa mo,
Lerwick.

"Talaga, Mei?" tuwang tanong ko sa kanya. Kumawala na rin ang kabang


kanina ko pa nararamdaman.

"Matulog na tayo, Lerwick." Humiga ito at bahagyang pumikit.

Niyakap ko ito at bumulong sa kanyang tainga. "Hindi pa ako inaantok,


kaya pa ng asawa mong guwapo ang gumawa ng anak na babae."
Kinindatan ko pa ito at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Sa tingin ko ay reding redi na si Cody na iwanan ang pagiging bunso


niya," nang-aakit na sabi ko pa at narinig ko namang tumawa ito at umirap
bago yumakap sa 'kin. Yown! Makaka-iskor na naman ang guwapo.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nag-aayos kami ni Cody rito sa baba habang ang ermat at utol niyang ubod
ng guwapo na manang-mana sa akin ay nasa taas pa rin at mukhang
masyadong nagpapaganda at nagpapaguwapo.

Pero kailangan pa ba na mag-ayos sila kung kasama naman nila ako?


Agaw pansin din naman ang kagwapuhan ko, ah.

"Eprat, may jel ka po ba r'yan?" tanong ni Cody habang sinusuklayan ang


buhok niya.

Ibinigay ko naman sa kanya ang jel na meron ako at saka siya naglagay sa
buhok.

Hinati niya 'yon sa gitna, pero nilapitan ko siya at saka inayos ang buhok
niya. Baka maging kamukha niya si Doktor Hose Risal kaysa sa
napakaguwapo niyang pinagmanahan.

"Lerwick!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang


magandang asawa kong bumaba sa hagdan.

Napatulala ako nang makita ang suot nitong yumayakap sa makurba niyang
katawan na kahit may dalawang anak na kami ay hindi pa rin kumukupas
ang ganda at kaseksihan. Witwiw!

Kung ito ba naman ang bubungad sa araw-araw mo ay paniguradong


gugustuhin mong mabuhay nang matagal.

"Ang seksi naman ng asawa ko," sabi ko kay Mei at saka naglakad palapit
sa may hagdan. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para maalalayan siya sa
pagbaba niya. Iyong parang mga prinses sa peyriteyl.

"Shut up, Lerwick," sabi naman niya sabay irap sa akin. Pagkababa namin
ay siya namang salubong sa amin ng bunso naming anak na guwapong-
guwapo sa suot niyang tuksido.

"Ermat, tingnan mo po ang suot ko. Ang guwapo ko po, 'di ba? Mas
guwapo po ako kay Erpat," sabi ni Cody kay Mei na ikinakunot ng noo ko.
Petengene, hindi naman yata ako makapapayag!

"Mas guwapo ako dahil ako ang erpat mo at sa 'kin ka nagmana," sabi ko
sabay kindat sa kanya. Sumama naman ang mukha nito dahil sa sinabi ko.

"Erpat, 'di hamak na mas guwapo na po ako sa inyo dahil pinagsama na po


ang ganda ni Ermat at guwapo n'yo," mayabang na sabi nito. Humawak pa
ito sa baba at isiningkit ang mga mata.

Aba matinde! Kinakalaban pa ang erpat niyang naging dahilan kung bakit
may pinagmamayabang siyang magandang mukha ngayon.

"Erpat, si Ermat na po nagsabi na mas guwapo po ako sa 'yo," sabi niya.


Nakatingala siya sa akin habang nagsasalita.

"Erpat, ermat, mali-late na po tayo," biglang singit naman ni Kayden.


Kakababa niya lang at nakahawak na sa kabilang kamay ni Mei. Si Cody
naman ang nasa kabila.

Teka, nasa kuwarto lang 'to kanina, ah? Tapos ngayon ay nandoon na sa
puwesto ko? Ampotek. Buti na lang ay anak ko siya.

"Let's go," aya sa amin ng maganda kong asawa.

Pinapasok ko ang dalawa kong anak na manang-mana sa akin sa baksit at


saka pinagbuksan ng pinto ng syatgan sit ang asawa ko.

"Mag sitbelt kayo por seypti," paalala ko pagkapasok ko sa draybers sit.


Hinintay ko na maging okey na ang pamilya ko bago minaneho ang kotse
papunta sa benyu ng parti ni Trigger.
-

"Wow, ang ganda po rito, Erpat," sabi ni Cody habang inililibot ang
paningin sa kabuuan ng benyu na paggaganapan ng bertdey ni Trigger.

"Itong benyu ba talaga, o si Katana ang sinasabihan mong maganda, 'nak?"


pang-aasar ko kay Cody na ikinapula naman ng mukha niya. Nahuli ko kasi
siyang pasimpleng sumulyap kay Katana kanina pagpasok namin dito sa
benyu.

Petengene! Puma-papi lab na rin talaga ang anak ko, ah.

"Hindi po, Erpat, ah. Iyong benyu po talaga," sagot niya sabay tango nito sa
akin. Habang ginagawa niya 'yon ay nakita ni Cody si Azure na papasok sa
loob kaya dali-dali itong lumapit kay Azure at inaya kung saan.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Da bes talaga pumili ng benyu


ang mag-asawang hayblad. Sa ganda rin naman kasi ng benyu na napili nina
bossing ay talagang mamamangha at mapapangiti ka na lang. Idagdag mo
pa ang mga batang naglalaro sa bawat sulok na mukhang galing sa mga
bahay-ampunan.

Nakagawian na rin naman na nina bossing at Miss Aemie 'yon kaya naman
kahit kami ay nag-e-enjoy rin. Bawat bertdey parti ng mga anak nila ay
mag-iimbita sila ng mga batang nasa bahay-ampunan.

"Wengya, tara kina Mr. Roswell," aya ng gagong si Lampe sa amin ng


maganda kong asawa. Himala yatang maaga siyang dumating ngayon, ah.

"Petengene, Baby Lampe. Kung naiinggit ka sa kagwapuhan ko ay


puwedeng-puwede ko namang i-sher sa 'yo," sabi ko sabay kindat ko kay
Lampe na ikinasama ng mukha niya.

"Gago, babatiin natin iyong birthday celebrant," sabi ni Lampe kaya


nagsitanguan kami. Dala-dala namin ang regalo para sa anak ni bossing na
si Trigger na nagmana sa kagwapuhan ko.
"Bossing, Ms. Aemie," bati ko sa mag-asawang Roswell. Ipinakita ko ang
regalo na agad namang nilapitan ni Ms. Aemie para kuhanin at ilagay sa
teybol.

"Nandito na ang pinakagwapong Kaizer Maxwell Lamperoug—ouch!"


Hindi na naituloy ni Lampe dahil bigla siyang piningot ni Ms. Amesyl sa
tainga.

"Napakaingay mo, unggoy," gigil ni sabi ni Ms. Amesyl kay Lampe.

"B-babylabs naman." Nagpaawa pa ito kay Miss Amesyl na parang wala


namang pakialam sa sinasabi niya.

Nakatingin lang sa amin si bossing. Tapos si Ms. Aemie naman ay ngumiti


saka binati kaming apat. "Hi, insan! Hi, Sebastian! Hi, Kaizer! Hi, Meisha!"

"Yo, Ma'am Aemie!" bati ko rin dito pabalik. Samantalang iyong asawa ko
naman ay ngumiti lang sa kanilang dalawa.

"Umupo na kayo roon!" masungit na utos ni Ms. Amesyl kay Lampe kaya
napailing ako.

Masyado siyang ander, tapos ako ay ubod ng guwapo, mas guwapo pa sa


guwapo.

"Ouch, teka lang, Babylabs. Alam ko naman na miss mo ang kagwapu—"

"Insan, baka gusto niyo na munang umupo ni Kaizer. Kawawa naman si


Kaizer, kanina mo pa pinapagalitan. Hehe, puwede mo naman siyang
pagalitan nang nakaupo," sabi ni Ma'am Aemie. Petengene!

"Manahimik ka, riyan, insan," pambabara naman ni Miss Amesyl kaya


napatakip naman ng bibig si Ma'am Aemie at tumingin kay bossing.

"Bossing, Miss Aemie," pag-uumpisa ko. Nagpekeng ubo pa ako para


makuha talaga ang atensyon nila. "Hapi bertdey nga pala kay Trigger na
syur na syur akong sa akin nagmana ng kagwapuhan," pagbati ko. Nakita
ko naman ang pagkagulat sa mga mata ni Ma'am Aemie nang marinig niya
iyon.
"Hala, Dong. Minsan may pagkasinungaling din pala 'tong si Sebastian,
'no? Paano niya naman magiging kamukha si Trigger kung hindi naman
niya anak si Trigger?" Inalog niya pa iyong braso ni bossing para sa tanong
niya.

"Wife."

Napakamot naman ako sa ulo nang tiningnan ako nang masama ni Mei kaya
nagsalita ako para hindi na maguluhan si Ma'am Aemie.

"Ano, Ma'am Aemie, ang ibig kong sabihin ay ang guwapo ni Trigger,
parang ako

'di ba...guwapo."

"Huh? Hindi ka naman guwapo Sebastian. Huwag mo nga akong


pinaglololoko," sagot naman ni Ma'am Aemie kaya natawa ang lahat eksep
sa akin dahil guwapo naman talaga ako.

Nagpaalam siya na aalis muna at kukuha ng maiinom, pero ang mga tao sa
paligid ko ay nagtatawanan pa rin. Syet!

Maya-maya pa ay sumunod din si Mei na kumuha ng maiinom.

Nilibot kong muli ang paningin ko sa buong benyu. Marami-rami na rin ang
mga bisitang nandito. Karamihan ay mga bisnesman na releyted siguro sa
kompanya nina bossing.

May terti minits pa bago magsimula ang bertdey kaya abala pa ang lahat sa
pakikipag-usap sa ibang mga bisita.

Maya-maya ay nakita ko ang mag-asawang Boulstridge na kararating lang.


Bitbit ni Boul iyong baks ng regalo nila kay Trigger habang hawak-hawak
naman ni Miss Caileigh si Grayson na bumitaw rin agad sa ermat niya nang
makita ang mga kaibigan niya.

Nakangiting kumaway sa amin si Miss Caileigh nang makita niya kaming


nakaupo na sa may lamesa na naka-reserb para sa amin. Mabilis siyang
naglakad palapit sa direksyon amin habang sinusundan naman siya ni Boul.
"So bagal naman, babe. Can you like make lakad a little faster?" naiiritang
sabi ni Ms. Caileigh kay Boul. Napakamot naman ito ng ulo at tumango na
lang bago sabayan ng lakad ang asawa. Nang makarating sila sa may table
namin ay tumabi agad ito kay Miss Amesyl.

"Where is Aemie-girl ba?" tanong ni Ms. Caileigh sa pinsan ni Miss Aemie.


Si Boul naman ay naupo sa tabi ko.

"Boss," pagbati niya pero tanging tango naman ang isinagot sa kanya ni
bossing.

"Nandoon, kumuha ng maiinom," sagot ni Ms. Amesyl sa asawa ni


Boulstridge kaya tumango ito at tumingin sa amin.

"Where's the birthday boy? I will make bigay na our gift para sa kanya,"
tanong niya pero walang nakasagot sa kanya.

"Mamaya na lang, babe," sabi ni Boul sa kanya.

"Bakit mukha 'tong pinagsakluban ng langit at lupa?" biglang tanong ni Lee


kay Lampe. Kararating lang nila at kasama niya ang asawa niyang si Miss
Fauzia na binigyan kaming lahat ng ngiti.

Sasagot na sana iyong gagong si Lampe pero naunahan siya ng masamang


tingin ni Miss Amesyl.

Petengene!

"Yo, mga p're, Boss," bati niya sa amin pagkaupo nilang mag-asawa.

"Where's your cutie na anak, Fau?" tanong ulit ni Miss Caileigh. Itinuro
naman ni Miss Fauzia ang anak niyang nasa kabilang mesa. Kausap ang
panganay ko.

Petengene! Pumapag-ibig na rin yata 'tong panganay ko, ah?

Sunud-sunod na nagsidatingan ang iba pa naming kasamahan kasama ang


mga anak nila. Dito sila dumederetso sa puwesto namin habang iyong mga
anak nila ay nasa kabilang mesa naman.
Ilang minuto na rin simula nang magpaalam si Mei kaya hindi na ako
mapakali. Hinanap ng mapupungay kong mga mata ang ubod ng ganda at
seksi kong asawa. Masyado na itong nagtatagal sa pagkuha ng maiinom
kaya naisipan na ng guwapong ako na tumayo para hanapin siya.

Habang naglilibot ay sumadya ako sa mesa ng mga bata. Kinamusta ko sila


roon at saglit na nakipag-usap bago ulit bumalik sa paghahanap.

Nahagip pa nga ng paningin ko ang maganda kong pamangkin na si Amber


na parang tutang nakasunod kay Grayson na kumukuha ng tubig.

Ampotek! Maaga yatang magkaka-lab layp itong babaeng anak ni Lampe,


ah? Pero as ip naman papayag si Miss Amesyl, kaya malabo iyon.

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap sa maganda kong asawa. Nagpalinga-


linga ako para tingnan ang bawat sulok ng benyu.

Napadaan ako sa mga pagkain at nakita ko na si Mei, lalapitan ko sana siya


nang makita ko ang sana hindi ko na lang nakita.

Nang makabalik ako sa mesa ay agad na nakita ko si Mei na katabi sina


Caileigh at Ma'am Aemie na nagtatawanan.

"Where have you been, Lerwick?" tanong sa akin ng asawa ko nang makita
akong umupo sa tabi nila Boul.

Saglit akong napatigil at napatingin sa kanya. Nararamdaman ko ang


mabilis na pagkabog ng puso ko na hindi ko mawari kung bakit ko
nararamdaman. "Ah, kinamusta ko lang iyong mga bata kung anong lagay
nila," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano
siyang titingnan dahil sa nakita ko kanina.

Nakita ko naman sa periperal bishon ko na saglit itong tumitig sa akin na


parang may hinahanap sa mukha ko bago tumango.

"I see," sabi niya at kinausap na ulit si Miss Amesyl.


"Iyong mga bata ba talaga ang pinuntahan mo o naghanap ka ng
chikababes?" sabi ni Lampe. Nag-derti pingger naman ako sa kanya dahil sa
sinabi niya.

Takte! Ay wil neber du dat!

"Wengya, paalam mo sa amin hahanapin mo si sis pero nauna pa siyang


makabalik dito. May nangyari 'no?" chismosong tanong niya kaya napaiwas
ako ng tingin.

"Alam mo, p're, kung ano man iyan, mas mabuting ikonsulta mo na kay
Meisha iyan. Hindi magandang sinasarili ang problema."

Petengene nito! May sa manghuhula na ba 'tong si Lampe?

Hindi ko na pinansin iyong sinabi ni Lampe hanggang sa lumipat siya ng


upuan at kinulit si Miss Amesyl. Kinuha ko na lang iyong alak na nasa
harap ko at ininom.

Habang umiinom ako ay biglang tumabi sa akin si Mei at sumandal sa braso


ko. Napabuntonghininga naman ako.

"You seem to have deep thoughts, Lerwick," sabi ni Mei sa akin pagkatapos
ng mahabang katahimikan sa gitna naming dalawa. Lumingon naman ako
sa kanya at binigyan siya ng pilit na ngiti.

"Iniisip ko lang kung bakit likas ang kagandahang lalaki ko, medyo mahirap
kasi na araw-araw akong ganito," sagot ko. Pilit ko pang pinapasigla ang
boses ko para hindi mahalata ni Mei na may problema.

Mukhang naniwala naman siya dahil inirapan niya ako at umiling dahil sa
isinagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero hindi natuloy nang
biglang lumapit sa direksyon namin si Cody, kasama si Azure at pareho
silang nakasimangot.

"What's wrong, Cody, Azure?" tanong ng maganda kong asawa sa anak at


pamangkin ko.
"Kasi naman Ermat, Erpat, sinabihan kami ni Baby Katana na layuan siya,"
nagsusumbong na sabi ni Cody.

"Tama po. Ang guwapo naman po namin para ipagtabuyan," sabi naman ni
Azure.

"Baka naman kasi nadi-disterb n'yo si Katana kaya pinapalayo kayo.


Tingnan n'yo ako, ako mismo hinahabol ni Mei—" Hindi ko natuloy ang
sasabihin ko dahil bigla akong kinurot nito sa tagiliran. Petengene!

"Stop blabbering nonsense, Lerwick," pagsusungit ni Mei kaya napakamot


na lang ako sa ulo. Tumayo ito at pumunta sa puwesto ng dalawang bata.

"Saan punta mo, maganda kong asawa?" tanong ko kay Mei. Hindi kaya
makikipagkita na naman siya sa lalaking iyon?

"I'II just go check the kids, wait for me here," sabi niya saka niya ako
hinalikan sa pisngi. Tumango lang ako bilang tugon kay Mei.

Pagkaalis niya ay hindi ako mapakali sa puwesto ko.

Petengene, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang tumayo at umupo
rito.

Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga kasama ko pero hindi ko sila


pinapansin. Nandito pa rin ang kaba sa isipang baka nagkita sila at
dinahilan lang ni Mei na sasamahan niya ang mga bata.

"Ang likot mo naman, p're." Napalingon naman ako sa nagsalita, si Lee


pala.

"Ganyan talaga ang mga guwapo, 'tol, hindi mapakali." Pilit ko pa ring
pinapasigla ang boses ko kahit kinakabahan na ako.

"Sus. Sabihin mo lang, 'tol, kung natatae ka na. Ituturo namin sa 'yo iyong
CR," sabi ni Boul at tinawanan pa ako ng mga gago. Napahilamos na lang
ako sa mukha ko dahil sa magkahalong kaba at pagkapahiyang
nararamdaman ko. Petengene nito, ah.
"Hindi, ah! Hindi lang ako maka-pokus kapag wala sa tabi ko ang asawa
ko, 'tol. Alam mo naman baka hinahanap na niya ang kagwapuhan ko," sabi
ko sabay ngisi ko kay Boul para hindi siya makahalata.

"Kahit naman makita ka ni Meisha, hindi ka naman mami-miss n'on."


pagkasabi ni Boul sa akin n'on ay bumalik siya sa usapan nila ni Ms.
Caileigh.

"What's wrong, Lerwick?" napalingon ako sa nagsalita at si bossing iyon.


Umiling lang ako sa kanya at saka nagsalita.

"Pinoproblema ko lang ang kagwapuhan ko, Bossing. Ang hirap kasing


bitbitin araw-araw," sabi ko sa kanya pero parang wala naman siyang
pakialam. Lumingon sa amin si Ma'am Aemie at saka nagsalita.

"Dong, sa palagay ko ay alam ko na kung ano ang problema ni Sebastian.


Araw-araw niya kasing sinasabi na guwapo siya kahit hindi naman," sabi
niya habang umiiling.

"Parehas sila ni Kaizer, hindi naman guwa—" Hindi nito natuloy ang
sasabihin dahil biglang sumingit ang gagong si Lampe sa usapan.

"Wengya, narinig ko ang guwapong pangalan ko. Guwapo kaya ako,


Aemie, kaya nga baliw na baliw sa akin si And—aray!" Napaaray na lang si
Lampe nang sikuhin siya nang malakas ni Miss Amesyl.

"Tumigil ka, unggoy, kung ayaw mo itapon kita pabalik sa zoo," sabat ng
pinsan ni Ma'am Aemie sa usapan namin.

"Babylabs naman..."

Hindi ko na sila pinansin at nagpaalam ako sa kanila na pupuntahan ko si


Mei at ang mga bata. Pero bago ako makaalis ay hinila ako ni Kaizer sa
isang sulok at kinausap nang masinsinan.

"Wengya, 'tol, hindi mo pa ba kinakausap ang kapatid ko?" seryosong


tanong sa akin ni Lampe kaya bahagya akong napalunok. Aktuwali, hindi ko
alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa tanong niya.
"Nag-uusap naman kami, Baby Lampe, pero huwag mo namang ipahalata
na nagseselos ka sa amin. Gusto mo bang tabi pa tayong matulog?" palusot
na sagot ko kay Lampe pero tiningnan niya lang ako nang masama.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Lerwick. Kapatid ko ang pinag-uusapan natin,


hindi ibang tao," seryosong saad sa akin ni Lampe kaya napatahimik na
lang ako. Inisip ko muna ang sasabihin ko kay Lampe. Baka mamaya kasi
ay bigla na lang akong sapakin nito.

"Lampe, kaya ko nga pupuntahan si Mei para makausap, at malinawagan


ako." Napabuntonghininga na naman ako. Tumango si Lampe sa sinabi ko
saka siya ulit nagsalita.

"Dapat lang, Lerwick, dahil makita ko lang na umiiyak ang kapatid ko dahil
sa 'yo, wengya magkamatayan na. Sige na, puntahan mo na at ayusin ang
dapat na ayusin," payo niya sabay tulak sa akin palayo.

Aba't gagong ito. Muntikan pa akong matalisod sa pagkakatulak niya.

"Salamat, 'tol. Himala at ang galing mong mag-adbays, Baby Lampe.


Aminin mo nga, ayaw mo akong mawala, ano?" paglalandi ko kay Lampe
pero nag-derti pingger lang ito at bumalik kung nasaan ang puwesto namin.

Pumunta ako sa mga bata kung saan sila naglalaro at nakita ko ang anak na
babae ni Lampe na nakasuot ng kung ano-ano kaya nilapitan ko.

"Maganda kong pamangkin, Amber, na sa akin nagmana. Ano iyang


pinagsusuot mo, alam ba 'yan ng mama mo?" tanong ko kay Amber na
saglit namang tumigil sa pagsusuot ng mga alahas niya.

"S'yempre, hindi po, duh," sagot niya sabay irap nito sa akin. Mukhang
alam ko na kung saan ito nagmana.

"Mukhang maganda 'tong nakadikit sa buhok mo, Amber," sabi ko kay


Amber at itinuro iyong nakalagay sa ulo niya. Ang ganda kasi at agaw-
pansin.
"Ah, ito po, Tito. Ito lang naman po ang Barrette with pearl and rhinestone
gold na nagkakahalaga ng 32,500," parang wala lang na ekspleyn niya.

Samantalang ako naman ay nabigla sa presyo ng herpin ni Amber.

Petengene!

Hindi kaagad ako nakapag-respand dahil sa sinabi niyang presyo.

"Bakit nga po pala nandito ka, Tito?" tanong sa akin ni Amber. Saka ko
lang naalala kung bakit. Itatanong ko pala sa kanya kung nakita niya ba si
Mei.

"Sa pagkakatanda ko po kasi nagugutom ang pinsan kong mongoloid at


kakambal kong pangit, kaya ikinuha sila ni Tita Mei ng pagkain pero hindi
pa po siya bumabalik kaya naglaro na po muna iyong dalawa." Hindi pa
man ako nakakapagtanong ay nasagot na niya.

Tumango ako saka dali-daling pumunta sa kinaroroonan ni Mei.

Pagkarating ko ro'n, napahinto ako sa nakita ko.

Alam kong dapat ay humakbang ako papalapit sa asawa ko, lapitan siya, at
ayain nang bumalik sa mesa namin dahil iyon naman ang dahilan kung
bakit ko siya hinahanap. Pero hindi ko malaman kung bakit napahinto na
lang ako sa kinatatayuan ko at walang magawa. Ampupu! Hindi ito gawain
ng mga guwapo.

Hindi ko mawari kung bakit nasasaktan ako sa nakikita ko. Dumoble pa ang
sakit nang makita ko kung paano niya ngitian 'yong lalaking kausap niya.

Takte, nakakabawas ng bangis 'to, ah. Petengene naman, Lerwick.

Gusto ko nang lumapit, hawakan ang kamay ng asawa ko at hilahin na siya


paalis sa harap ng kupal na 'yon pero para bang hinihintay ko rin kung ano
ang susunod na mangyayari kaya hindi ko magawang makagalaw mula sa
kinatatayuan ko.
Naramdaman ko na lang ang pagkuyom ng kamao ko nang makita ko kung
paanong hawakan ang asawa ko ng lalaking hindi ko man makita ang
mukha dahil nakatalikod sa akin, alam kong walang-wala siya sa
kalingkingan ng tinataglay kong kagwapuhan.

Hahakbang na sana ako papalapit nang hawakan ng damuhong 'yon ang


mukha ng asawa ko at ilapit ang mukha niya rito.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nang makita ko kung paano ngumiti't tumawa si Mei kasama ang ibang
lalaki ay parang may kung anong tumutusok sa puso ko dahil pakiramdam
ko, anumang oras ay puwedeng maagaw sa akin ang pinakamamahal kong
asawa.

Durog na durog ang puso ko dahil sa pinakawalan niyang ngiting umaabot


sa kanyang mga mata, na dapat ako lang na asawa't mahal niya ang siyang
nakakakita at nakakapagpadama sa kanya ng ganoong klaseng kaligayahan.

Dagdagan pa ng nakita kong paglapit ng mukha nila sa isa't isa. Hindi ko


alam pero hindi normal sa akin ang maging duwag. Pero dahil sa nakita ko,
lahat ng tapang sa makisig kong katawan ay nawala.

Hindi ko man lang sila magawang lapitan. Hindi ko man lang magawang
sapakin 'yong tarantadong lalaki na walang habas kung makipagtawanan sa
maganda kong asawa.

Nagsisimula na akong mag-dawt sa sarili ko na hindi naman normal sa akin


dahil hindi naman iyon gawain ng mga guwapong katulad ko. Lalo namang
hindi ako dapat mag-isip ng ganito dahil kahit talampakan ko ay 'di hamak
naman na mas pogi kaysa sa pagmumukha ng kung sino mang kumakausap
sa asawa ko ngayon.

Pero kahit anong pagpapagaan sa sarili ko ang gawin ko, hindi pa rin
mawala sa isip ko kung paano ngitian ni Mei ang gagong 'yon.

Kahit pa pinagpalang lubos ako sa pagiging magandang lalaki, kung hindi


ko napapangiti at napapasaya ang asawa ko sa kung paano niya ngitian ang
lalaking 'yon, wala rin. Yusles lang din.
Ampupu! Gusto ko na lang mawala lahat ng iniisip ko ngayon dahil alam
kong hindi tama 'to.

Napangiwi na lang ako bago mapailing habang inaalala ang nangyaring


preparasyon sa kasal namin habang nakatingin pa rin sa kanilang dalawa.

-Flashback-

"Sori, aym leyt," sabi ko nang makarating na sa wakas sa lokeyshon.


Tatagpuin namin ngayon ang weding koordineytor sa isang kapihan
malapit sa bileydj nina Mei.

"Palagi bang late ang fiancé mo, Ma'am?" tanong bigla n'ong babaeng
may hawak ng makapal na libro.

Umiling si Mei. "No. Maybe he was delayed by traffic."

Napatango-tango na lang ako dahil hindi ko maintindihan ang pinag-


uusapan nila na mukhang kagwapuhan ko lang naman.

May ibinigay na katalog sa akin si Mei na binuklat ko naman kaagad.


"Choose the design of your three-piece suit for our wedding."

Sasabihin ko sana na siya na lang ang mamili, ngunit pinanlakihan na niya


ako kaagad ng mga mata.

Petengene. Ang bangis talaga!

Kung sa akin lang ay ayos na ako kahit si Mei na ang mamili ng lahat. Syur
na syur naman kasi akong kahit ano ang ipasuot niya sa akin ay babagay
sa akin.

Nagtingin-tingin lang ako roon at sinabi ko na lang kaagad ang


nagustuhan ko kahit mukha pang magmumula 'yon sa ibang bansa.

Petengene naman kasi!

Kung ako lang din naman ang masusunod ay magbabarong na lang ako,
pero 'yong walang biyak sa likod, ah.
Hindi pa ako redi makipag-mit ap kay San Pedro.

"What did you choose?" tanong ni Mei na mukhang nakapili na rin ng


isusuot niya.

"'Yung Diyor na tri-pis sut," sagot ko habang prenteng nakasandal sa


upuan at nakapatong sa sandalan ng upuan na parang inaakbayan pa si
Mei.

"Ikaw ba?" tanong ko pabalik sa kanya.

"I like this one," sabi niya bago ipinakita sa akin ang isang magarbong
disenyo ng weding gawn kaya napapatango na lang ako habang nakangiti.
Na-imajin ko kasi agad ang itsura niya.

"Bagay 'yan sa 'yo panigurado." Tumingin ako deretso sa mga mata niya
bago ko siya kinindatan dahilan ng pag-iwas niya ng tingin sa akin.

Kitang-kita ko kung paano siya namula kaya lihim na rin akong napangiti
habang nakabusangot naman ang mukha ng weding koordineytor namin.

-End of Flashback-

Nabalik ako sa reyalidad nang makita kong tumingin si Mei sa direksyon


ko. Nagtama ang mga tingin namin kaya binigyan ko siya ng mapait na
ngiti.

Wala sa sariling humakbang ako papalapit sa puwesto nila. Lumingon


naman sa 'kin 'yong gago dahil napansin niya sigurong nakatitig lang sa
akin ang asawa ko.

Nang makalapit kay Mei ay hinapit ko ang baywang niya palapit sa akin at
saka tinanguan ang lalaking mukhang pamilyar ang itsura, pero wala akong
pakialam ngayon. Ako pa rin ang pinagpalang lubos sa lalaking lahat.

"Mind if I join your conversation?" tanong ko nang maagaw ko ang pansin


nilang pareho dahil sa ginawa kong paghapit sa baywang ng asawa kong
ubod ng ganda.
Takte. Wats mayn is mayn. Neber yors, ma men.

"L-Lerwick—" Tiningnan ko si Meisha nang marinig ko 'yon. Mas


nasasaktan ako sa kadahilanang may ginawa nga siyang hindi ko
magugustuhan dahil nauutal siya ngayon.

"Lerwick, t-this is—" Hindi ko na nagawang patapusin ang sasabihin ni


Meisha dahil nagsalita na ako.

"Mr. Yalung. A known businessman. Pleasure to meet you," sabi ko habang


tumatango-tango. Hindi ko rin alam kung papaanong nagawa kong gayahin
ang maling pagbigkas nila ng Ingles.

Nakipagkamay ako rito at agad niya namang tatanggapin sana ngunit agad
kong binawi ang kamay ko na dahilan ng pagkaiwan ng kamay niya sa ere.
Teyst may rebenj!

Tiningnan ko naman si Mei saka siya nginitian. "Ano'ng pinag-uusapan


ninyo, maganda kong asawa?"

Hindi alam ni Mei kung saan babaling ng tingin o kung ano ang dapat na
sabihin. Ramdam na siguro niya ang tenshon sa mga nangyayari.

"Just business," sabi naman nitong kausap niya.

"Oh, I wasn't informed that you are doing business with my wife, Mr.
Yalung." Nginitian ko ang lalaki nang mapang-asar.

"Anyways, what kind of business were you talking about?"

"Nothing so serious about it," sabi pa nito at nginitian lang ako kaya
bahagyang nagtangis ang bagang ko.

"Ah, ang paghawak at paglapat ng mukha mo sa asawa ko. Nothing serious


about it," tumatango-tango ko pang sabi rito.

"It's not what—"


Hindi na natapos ni Mei ang sasabihin niya dahil hinawakan ko na ang
kamay niya at hinila na siya paalis doon.

"Mr. Yalung, we'll get going," pahabol na sabi ni Mei bago kami tuluyang
makaalis doon kaya napalingon ako sa kanya. Mukhang may iba talaga, ah.

Napakuyom na lang ako ng kamao upang pigilan ang sariling makagawa ng


kung anong hindi dapat.

Pinipigilan ko lang ang sarili kong saktan iyong ulupong na nasa harapan
ko kanina dahil ayokong gumawa ng eksena. Mahirap na at baka malintikan
pa kami kay bossing. Bertdey parti pa naman 'to ng anak niya.

Kaagad kong hinila ang asawa ko papunta sa may hardin ng benyu ng


bertdey ni Trigger para paupuin siya sa may upuang kahoy ro'n habang ako
naman ay nanatiling nakatayo.

Kumuha ako ng yosi sa bulsa ko at inilahad ang kaha ng sigarilyo sa kanya.

Umiling siya habang nakatingin lang sa akin bago nagtanong. "What's


wrong with you, Lerwick?"

Tumingin din ako sa kanya at saka kumunot ng noo. "Alin, maganda kong
asawa?"

"The thing you did earlier."

Nanatiling nakakunot ang noo ko, nagpapanggap na hindi alam ang mga
sinasabi niya. "Sabihin mo na, Mei."

Tumayo siya at saka inihawak ang isang kamay sa bewang ko bago kinuha
sa akin ang yosi at saka rin siya humithit n'on kaya napangisi ako.

"Are you jealous of Mr. Yalung?" tanong niya. Inihulog niya ang yosi sa
paanan namin at tinapakan hanggang sa mawala ang sindi nito.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin.


Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kasi nakakabawas ng angas 'yon,
men. Mababangis dapat ang nagtataglay ng dugo ng Lerwick.

Pero ayoko rin namang sarilinin na lang ang nararamdaman ko dahil


ayokong sumabog na lang bigla sa kadahilanang naipon lahat ng iniisip at
nararamdaman ko nang hindi nasasabi kay Mei. Putapete! Ang hirap
maging lalaki. Mabuti na lang at guwapong lalaki ako.

Ngunit kung iisipin ay kasalanan ko rin naman 'to. Maalin man sa dalawa,
ang iniisip ko o ang pag-iisip ko ng kung ano-ano, ako rin ang may pakana.

Hindi niya magagawang maghanap ng iba kung naging mabuting asawa ako
sa kanya. Hindi rin ako mag-iisip ng ganito kung tiwala ako sa sarili kong
naging maayos ang pagsasama namin.

At alam ko naman dapat sa sarili ko na ako ang pinakasalan ni Mei dahil


ako ang mahal niya at bonus na lang doon ang pagiging guwapo ko.

Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko at ang malakas na pagkabog ng


dibdib ko. Ngunit tuwing naaalala ko ang nakita ko kanina ay parang
sasabog ang puso ko dahil sa nararamdamang hindi ko rin malaman kung
ano.

"So, what'd you see?" biglang tanong ni Mei na nakapagbalik sa akin sa


ulirat. "Lerwick," tawag pa ulit nito nang hindi ako sumagot.

"Bakit? May hindi ba dapat akong makita?" tanong ko pabalik sa tanong


niya. Nginitian ko pa siya upang maitago ang nararamdaman ko.

"Lerwick, it's not what you think it is," sabi nito na agad nakapagpantig sa
mga tainga ko.

"Eh, ano lang, Mei?" Mahahalata sa boses ko ang pagpipigil ng galit ko


ngunit pilit itong kumakawala.

"Ano bang dapat isipin ng asawa mo na nakita ang asawa niyang may
ibang humahawak at may kaharutang iba—" Hindi ko na natapos ang
sasabihin ko nang bigla kong maramdaman ang pagbagsak ng palad ni
Meisha sa pisngi ko.

Nakita ko kung papaanong tumulo ang luha sa mga mata niya nang lingunin
ko siya. Agad ko ring pinagsisihan ang sinabi ko dahil sa nakita kong iyon.

"Is that what you think of me? Ganoong klaseng babae ang tingin mo sa
akin, Lerwick?" Malinaw sa pandinig ko ang pagkabasag ng boses niya
habang binibitawan ang mga katagang iyon. Hindi ko nagawang magsalita.

"He's one of the investors in our company and he's got the largest
investment. We were just literally talking about business, Lerwick. Nothing
more," sabi pa nito. Saglit siyang tumigil para punasan iyong tumulong luha
sa mata niya habang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hindi ko lubos maisip na magagawa kong sabihan ng ganoon ang


napakaganda kong asawa. Nadala na rin ako ng nararamdaman kong hindi
ko mapangalanan. Kinain agad ako ng gilt at konsensiya dahil sa sinabi ko.
At dahil sa sinabi kong iyon ay nandito ngayon ang pinakamamahal kong
babaeng umiiyak mismo sa harapan ko.

"I knew he was onto me. Pero binalewala ko lang iyon kasi aaminin kong
malaki ang naitulong niya sa paglago ng kumpanya natin."
Bumuntonghininga muna siya bago nagpatuloy.

"And I wasn't expecting what he did earlier. Kahit pa simpleng paghawi ng


buhok ko lang ang ginawa niya—"

Hindi ko na pinatapos si Mei sa sasabihin pa niya dahil sa narinig ko.

"H-hinawi niya lang ang buhok mo? Walang halikang naganap?" nauutal na
tanong ko pa dala ng pagkagulat. Tiningnan niya naman ako ng deretso sa
mata kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ka ba nag-iisip? This is a kid's birthday party, and most of our family
friends are around us. Do you think na magagawa kong makipaghalikan sa
iba kung ganoong maraming makakakita?" tanong nito na dahilan ng
paglaki ng mga mata ko.
"Sinasabi mo bang makikipaghalikan ka kung walang nakakakita, Mei?!"
gulat pang tanong ko sa kanya. Nakita ko pa ang pag ngisi niya dahil sa
tanong ko.

"H-hoy, Mei!"

"What? Of course, I will—"

"Aba, matinde—"

"—I will but only with you, stupid," sabi nito na siyang nagpatigil sa akin.
Nararamdaman ko na ang pag-init ng pisngi ko. Petengene. Nawawala ang
ka-astigan ko nito, eh.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman lalo na't ang bilis ng mga
pangyayari. Hanep sa bilis din ang nangyaring transishon. Parang kanina
lang, maayos pa kami. Tapos pagkarating dito eh biglang nagbago ang ihip
ng hangin dahil sa mga nakita ko. Nagawa pa naming mag-away.

Parang kanina lang ay sinampal niya pa ako tapos ngayon eh parang tanga
na kaming nagngingitian dito. Petengene!

"E-e di mali ang iniisip ko kanina?" tanong ko pa rito.

"Mm-hmm," tipid na sagot nito.

Lumapit na ako sa kinatatayuan niya at tinabihan siya. Doon ko lang


napansin ang ganda ng byu ng kinaroroonan namin ngayon.

"Ang ganda pala ng byu ro'n," wala sa sariling ani ko habang nakatingin sa
buong syudad ng Maynila na kitang-kita mula rito, kung saan kami
nakatayo ngayon.

Nang tumingin doon si Mei ay kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para


mahalikan siya sa pisngi.

"Pero mas maganda pa rin 'tong byu na nasa harapan ko," sabi ko bago
inalis ang pagkakayakap namin sa isa't isa at hinawakan ang pareho niyang
mga kamay.

Pilya siyang ngumiti sa akin. "Talaga lang, ah?"


Tumango ako at pinagdikit ang mga noo namin. "Pasensya ka na, maganda
kong asawa. Hindi ko sinasadyang mapagsalitaan ka ng ganoon. Hindi ko
rin sinasadyang paghinalaan ka. Nadala lang ako ng nararamdaman ko at ng
mga akala kong nangyari," sinserong saad ko.

"Masyado lang akong nasaktan sa mga naiisip ko na magagawa mo akong


iwan dahil hindi ako naging sapat. Hindi ako naging mabuting asawa para
sa 'yo," dugtong ko pa sa sinabi ko.

"You've always been the best husband to me...and the best father to our
sons," nakangiting sabi sa akin ni Mei.

Habang direktang nakatingin sa mga mata niya ay hinalikan ko ang likod ng


palad niya bago matamis na ngumiti sa kanya.

Nginitian niya ako pabalik habang dahan-dahang ihinahaplos ang kamay


niya sa pisngi ko. "Good thing I wasn't holding a gun earlier," birong sabi
pa nito. Tumawa naman ako kahit na sa loob-loob ko ay kinabahan ako.

Maya-maya pa ay may narinig akong romantikong tugtugin na hindi ko


mawari kung saan nagmumula.

Isinabit niya ang mga braso niya sa balikat ko habang nakahawak naman
ang mga kamay ko sa baywang niya.

"Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?"

Naging mabagal at banayad lang ang pagsayaw namin hanggang sa may


tumabing dalawang bata sa amin na mukhang nagkakatuwaan dahil sa
pagtawa nila.

"Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be"

Sumabay si Cody sa pagkanta habang hawak-hawak ang kamay ng pinsan


na mukhang hindi na maganda ang pakiramdam.

"Baby Lerwick, teka lang. Sumakit bigla 'yong ano ko." Bahagya itong
lumayo kay Cody kaya nagtawanan na rin kami ni Mei.

Sumandal siya sa matipuno at malapad kong dibdib at ipinulupot ang mga


braso sa baywang ko habang dahan-dahan ang paggalaw namin dahil sa
kanta.

"Isang beses lang naman, Baby Lampe. Sige na. Tingnan mo sina Ermat at
Erpat. Ganyan lang naman," pilit pa ni Cody sa pinsan, pero halos ayaw
naman siyang pagbigyan nito dahil siguro sa sakit ng tiyan niya dahil may
naamoy na kaming kakaiba at mukha rin namang hindi niya talaga kaya
dahil halos bagong tuli lang din sila. Takte! Mukhang napalamon ang
guwapo kong pamangkin, ah.

Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni Azure lalo na't naranasan ko


'yon at isa pa, mukhang naparami talaga ang kain niya.

"Manang-mana sa inyo ni Max 'yong dalawa," tatawa-tawang sabi ni Mei


kaya napalingon ako sa kanya.

"S'yempre naman, Mei. Kanino pa ba sila magmamana kung hindi sa akin


lang din naman, 'di ba?" Tumingin ako sa kanya't nagtaas-baba ng kilay na
ikinatawa naman niya.

Mga halakhak na hindi ko pagsasawaang pakinggan kahit na ilang beses pa


akong magselos na may kausap siyang iba. Alam ko namang mas guwapo
ako sa kanila pero guwapong tao pa rin naman ako na nakakaramdam ng
selos at kung ano-ano.

Mabilis na natapos ang parti pagbalik namin dahil iilan na lang ang mga
bisitang naiwan sa benyu.

"Seb, Vash, Kaizer, patulong na lang sa pagliligpit, ha?" Nilapitan kami ni


Miss Aemie kaya napatango na lang kami.

"Areglado, Miss Aemie," sagot ko habang nakangiti at nakatingin sa mga


bisitang naroroon pa.

Ilang minuto na lang ang hinintay namin at nagsialisan na rin ang mga
bisita dahil tinapos na lang nila ang mga sinasabi ng emsi.

"Mei, upo ka na muna roon para hindi ka masyadong mapagod kakatayo,"


sabi ko at ipinaghila pa siya ng upuan pero inilingan lang niya ako.

"I will help to clean the place para mas madaling matapos." Kumuha na siya
ng mga garbage bag bago pinulot ang mga basura.

Kahit naman na ayaw ko dahil sobrang hawt niya sa suot niya ngayon at
baka marumihan 'yon, 'di ba? Sayang naman.

Mas mabilis nga naman naming natapos ang pag-aayos ng mga gamit at
pagliligpit ng mga basura kaya nakauwi rin kami kaagad.

At kahit na dis-oras na ng gabi, imposibleng walang traffic sa kalsada kaya't


nakatulog ang mag-iina ko sa kani-kaniya nilang upuan sa loob ng kotse
habang binabagtas namin ang daanan pauwi sa bahay.

Nang makarating kami ay mahimbing pa rin ang tulog nila. Inuna ko nang
ibinaba si Mei bago ko binuhat si Cody. Sakto namang nagising si Kayden
kaya tahimik lang siyang bumaba ng sasakyan at dumeretso sa kuwarto
niya.
"Erpat," pagtawag ni Cody habang buhat-buhat ko pa rin.

"Teka lang, Cody." Ibinaba ko siya nang maayos sa kama at saka siya
kinumutan.

Pumunta ako sa kwarto namin ng pinakamamahal at pinakamagandang


babaeng nakilala ko. Nakapagbihis na siya at mukhang gising na rin dahil
nakapatong ang selpon niya sa tainga niya.

Kumuha ako ng ipangbibihis ko mula sa tukador at saka nagpunta sa banyo


para makapagbihis hanggang sa makahiga na ako sa tabi niya at niyakap
siya.

"Papasok uli ako nang maaga bukas," sabi niya bago napabuntonghininga.
"But the other thing is..."

Humarap siya sa 'kin at saka ako niyakap sa baywang. Kinunutan ko siya ng


noo bago hinawi ang ilang piraso ng buhok niya na napupunta sa mukha
niyang napakaganda.

"Ano naman 'yon, mahal kong asawa? Na masyado akong guwapo?"


Kunwari pa akong inubo.

"Alam ko naman na 'yon. Huwag mo nang ipahalata na masyado kang adik


sa kagwapuhan ng asawa mo dahil itong mukha kong 'to? Sa 'yo lang 'to."
Sinabayan ko pa 'yon ng pagkindat dahilan para matawa siya.

"Can you just take it seriously for once, Lerwick." Huminto siya sa pagtawa
kaya sinimulan ko nang pakinggan siya. "I won't be able to cook for
breakfast to—"

Pinatigil ko siya sa pagsasalita sa pamamagitan ng paghalik sa kanya. "Ako


na ang magluluto ng umagahan bukas. Basta magpahinga ka riyan at
matulog."

Tumango naman siya kaagad kaya napangiti ako bago hinaplos ang buhok
niya hanggang sa makita kong nakapikit na siya.

-
Kinabukasan ay nauna lang na nagising sa akin si Mei ng ilang minuto.
Nauna na siya sa banyo ng kuwarto namin kaya napagdesisyunan ko nang
bumangon at dumeretso sa kusina.

Doon na rin ako naghilamos bago nagluto ng agahan namin, lalo na ni Mei
dahil baka hindi na naman siya makakain katulad ng mga ginagawa niya
noong mga nakaraang araw kahit na hindi naman siya nagda-dayet.

Ipinag-tost ko na muna siya ng tinapay bago naglagay ng binating itlog sa


mainit na kawali.

Binilisan ko na lang din ang pagluluto dahil mukhang malapit nang matapos
ang maganda kong asawa sa kanyang pagligo.

Hindi nga ako nagkamali dahil narinig ko na ang yabag ng kanyang mga
paang papalapit sa kinaroroonan ko ngayon. Nagsimula na akong isalin ang
itlog, longganisa, at ham sa isang lalagyan at inilapag sa lamesa.

"Magandang umaga, maganda kong asawa," bati ko sa kanya bago siya


nilapitan at hinalikan sa pisngi.

Inalalayan ko na rin siyang maupo sa isa sa mga upuan at naglagay na ng


mga ulam sa plato niya.

"Gusto mo ba ng kanin, mahal kong asawa?"

Tumango lang siya kaya naglagay ako ng isang sandok na kanin sa plato
niya at umupo na sa tabi niya para sabayan siyang kumain ng agahan.

Tahimik kaming kumakain ng almusal nang biglang mag-ring ang telepono


niya kaya kaagad din siyang tumayo at umakyat ulit sa kuwarto namin.

Napagdesisyunan ko na lang na padalhan siya ng pagkain para may makain


siya mamaya sa opisina habang bisi siya sa mga peyper works niya.

"Lerwick, I'm going to—"


Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng ilahad ko sa kanya ang lants
bag na may lamang pagkain para sa kanya.

Kunot-noo niya iyong kinuha sa akin bago nagtanong, "Uh, what is this
for?"

Nakangiti lang ako sa kanya ng malapad bago ko siya sinagot. "Para


makakain ka sa opis mo mamaya. Baka kasi makaligtaan mo na naman, e."

Kinindatan ko siya kaya naman tumango-tango na lang siya bago ako


tiningnan at nginitian pabalik.

"I'll go now," sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Tumango ako't inihatid na siya sa garahe bago siya pinagbuksan ng gate at


kumaway sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Itinuloy ko naman ang pagluluto pagbalik ko sa loob ng bahay namin dahil


baka sunod na magising ang dalawa. Nang sinilip ko sila ka kani-kaniya
nilang mga kuwarto ay mahimbing pa rin ang tulog nila.

Hindi ko pala naasikaso ang mga damit na suot nila dahil hinayaan ko na
lang silang matulog na suot-suot pa rin ang mga isinuot nila sa ebent
kagabi. Petengene! Mabuti na lang at hindi napansin ni Mei. Malalagot na
naman sana ang kapogian ko nito, umagang-umaga.

Natapos ko na ang pagluluto nang makababa sina Cody at Kayden na


parehong bagong ligo ngayon dahil iba na ang suot nilang damit.

"Erpat, bakit hindi mo po ako ginising kagabi?" maktol na tanong ni Cody


bago kumamot sa may batok na animo'y mukhang nasurot.

"Bakit, anak kong guwapong manang-mana sa akin?" Nilapitan ko siya


kaya sinabi niya kaagad na nangangati siya sa may batok.

"Mukhang nasurot ka, ah," sabi ko habang tinitingnan ang likuran nito at
bigla naman siyang may inihagis na kung ano kaya napatalon ako habang
nagsisisigaw ako't muntikan pang makatama ng beys sa sayd teybol.

Petengene. Muntik na akong maatake dahil do'n.

"Anak kong guwapo na manang-mana sa akin, 'di ba, hindi na masakit ang
junjun mo? Gusto mo bang sumakit uli 'yan?" Hinawakan ko siya sa balikat
at saka bahagyang minasahe 'yon.

Mukha namang natakot siya kaya kaagad siyang umiling siya at umupo sa
isang upuan.

"Erpat, mabuti po at naisipan mong magluto?" tanong ni Cody habang


nagsasandok ng sinangag.

Natatawa akong umiling na lang sa kanya. "Kumain ka na lang diyan."

Wala kaming ginagawa ng bunso ko buong maghapon kundi ang maglaro


lang ng Tekken dahil subsob sa pagre-rebyu ang panganay kong guwapong
na manang-mana naman sa ama niya.

Napansin kong pababa si Kayden sa hagdanan habang may kausap sa


selpon.

"Yes po, Tito. Ibibigay ko na lang po kay Erpat," sabi niya bago
nagmamadaling ibinigay sa akin ang selpon kung saan on-gowing ang
tawag.

Ipinasa ko kay Kayden ang kontroler at hinayaan siyang maglaro muna


kahit kakamot-kamot siya ng ulo dahil mas gusto niyang mag-aral.

"Mis na mis n'yo naman ang guwapo kong boses," saad ko na kaagad nilang
inalmahan.

[Ulol, p're,] sabi ni Lee.

[Alam mo, Baby Lerwick, sabihin mo lang kung gusto mong maglabing-
labing tayo mamaya. Pupunta ako sa inyo,] sabi naman ni Lampe sa
malanding tono.

Napangiwi ako ro'n, pero sinabayan ko pa rin siya. "Sige, Baby Lampe.
Tutal wala pa naman si Mei sa bahay. Puwedeng-puwede pa tayo
maglabing-labing."

[Magsitigil na nga kayo, puro kayo kalokohan,] saway ni Lee.

"Ano bang atin?" tanong ko kay Lee habang nakasandal sa may pinto.

[Itatanong ko sana kung ano iyong address ng school kung saan nag-aaral
iyong mga anak n'yo. Ie-enroll na kasi namin si Lindsay.]

Napatango-tango naman ako. Nag-aaral na nga rin pala iyong anak nina
Lee. At kung hindi ako nagkakamali ay hindi nalalayo ang edad nina
Lindsay at Cody.

Sinabi ko na lang kay Lee ang pangalan at adres ng iskul ng mga bata.
Doon din nag-aaral iyong mga anak nina bossing at iba pa naming
kasamahan kaya mats beter na rin kung hindi na humiwalay si Lindsay.

"Ayon lang ba, 'tol?"

[Ako may sasabihin,] biglang singit ni Lampe.

"Am awta hir, syur akong kagaguhan lang ang sasabihin niyan," pang-aasar
ko bago pinatay ang tawag at saka binalikan ang mga anak kong intens ang
paglalaro ng Tekken.

"Petenge. Ang bangis naman n'on, Kayden," puri ko bago hinawakan ang
balikat niya na ikinaangat niya ng tingin sa akin bago ibinalik ang paningin
sa laro nila at halatang gustong-gustong mag-pokus kaya naupo na lang ako
malapit sa kanila bago napaangat ng tingin sa pikshur prem at nakita ang
litrato naming apat.

"Erpat, masamang ngumiti nang mag-isa," sabi ni Cody habang tutok pa rin
sa paglalaro ang mga mata.

Petengene!
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Gud morning, maganda kong asawa!" malakas na bati ko kay Mei nang
makapasok ako ng kusina. Lumapit ako sa kaniya at mabilis na humalik sa
kanyang mga labi.

"Good morning, Lerwick," sagot naman niya at isinalin ang nilutong


sinangag sa isang lalagyan.

Kahit may kasambahay ay paminsan-minsan kami pa rin ni Mei ang


kumikilos sa bahay. Isa na roon ang pagluluto. Hindi kasi namin maatim na
iutos pa iyong mga bagay na kaya naming gawin. At saka ang praymari task
lang naman ni manang dito ay tulungan kami sa pagbabantay sa mga bata.
Kaya hangga't maaari ay hindi namin inaasa sa kaniya ang lahat ng gawaing
bahay lalo na't kayang-kaya naman naming gawin na mag-asawa.

"Ang bango naman," sabi ko. Tumulong na rin ako sa paglalagay ng mga
pinggan at yutensils dahil shur akong anumang oras ay pababa na iyong
dalawang anak kong manang-mana ng kagandahang lalaki sa akin.

"What's with the hype?" puna niya.

"Ay weyk ap at da rayt sayd op da bed, may byutipol wayp," Ingles na sabi
ko habang nakangiti sa napakaganda kong asawa. Kumindat pa ako pero
umirap lang naman siya. Pfft! Kunwari pa 'tong misis ko pero dip insayd ay
kinikilig na iyan. Ang guwapo ko ba namang nagpapakilig sa kanya.

Sino ba namang hindi magiging hayper kung kasing-ganda at kasing-seksi


ni Mei ang makakatabi ko sa pagtulog gabi-gabi? At s'yempre dahil na rin
sa mangilan-ngilang ekstrakurikular aktibis bago matulog.
Pakshet! Ramdam ko na. Ramdam ko nang matatapos na ang maliligayang
araw ng pagiging bunso ni Cody dahil magiging kuya na rin siya.

"Good morning."

"Guwapo ako sa umaga."

Sabay naming binalingan ni Mei ang dalawa naming anak na mga naka-
pajama pa at nagkukusot pa ng mga mata nila.

"Gud morning, mga guwapo kong anak!" masayang bati ko sa kanila.


Lumapit sila sa amin at humalik sa mga pisngi namin.

"Take a seat and eat before the food gets cold," sabi ni Mei na mabilis
naman naming sinunod. Pinanood lang namin si Mei na ipagsandok kami
ng pagkain at ipagsalin ng tubig. Nang matapos siya ay nag-umpisa na rin
kaming kunain.

Syet! Napaka-keyring talaga ng asawa ko.

"Where's Manang?" tanong ni Kayden kalaunan habang ngumunguya.

Tumingin naman ako kay Mei dahil hindi ko rin alam ang sagot. Basta
pagbaba ko kanina ay siya ang naabutan kong nagluluto.

"Maybe she's still sleeping. Maaga pa naman," kibit-balikat na sabi ni Mei.


Tumango naman kami at hindi na nagtanong pa.

Hindi naman kami mahigpit ni Mei sa oras ng kasambahay namin. Basta


nandito siya sa tuwing wala kami ay okey na.

"Mga anak, huwag kayong masyadong magpapasaway kay Manang, okey?"


paalala ko sa mga bata.

"Opo," sagot ni Kayden.

"Nagpapapogi lang naman po ako. Pero pasaway, issa big no!" maaksyong
sabi naman ni Cody. Damang-dama ang pag-iling kaya naman nag-tambs ap
ako sa kaniya.

"Beri gud 'yan, 'nak. Ganiyang-ganiyan din ako dati. Biheyb," sabi ko.

Gulat na napatingin naman sa akin si Mei at hindi makapaniwalang


nakatingin sa akin pero sinusupil ang ngiting gustong lumabas sa mga labi.
"What happened?" tanong niya.

"Ha?"

"What's gotten into your behavior?" natatawang tanong niya. Natawa


naman ang mga bata dahil mukhang naintindihan namang nila ang nais
iparating ng ermat nila.

Petengene!

"Mei naman..." Napakamot ako ng ulo. "Biheyb pa rin naman ako hanggang
ngayon, ah," sabi ko.

"Huh?" pagmamaang-maangan niya kaya sumimangot ako. Takte! Ako pa


ba? Walang kasing-biheyb ang isang Sebastian Lerwick 'no!

Sasagot na sana ako para ipaglaban ang katinuan ko nang biglang nag-ingay
ang selpon kong nasa bulsa ng suot kong kargo shorts. Mabilis kong kinuha
iyon at tinignan kung sino ang nakakamis sa kagandahang lalaki ko nang
ganito kaaga.

Incoming call from J. Andres...

Ampupu! Mabilis kong dineklayn ang tawag niya at sinaylent ang selpon ko
bago ilapag sa mesa at parang walang nangyaring pinagpatuloy ang
pagkain. Kahit ang totoo ay dumadagundong na sa kaba ang dibdib ko dahil
ramdam ko ang makahulugang mga tingin ni Mei sa akin dahil sa ikinilos
ko.

Hindi ko kasi puwedeng sagutin ang tawag ni Ms. Jodi dahil nasa harap ko
ang pamilya ko. Mahirap na, baka marinig nila ang mga mishon naming
hangga't maaari ay sikreto lang.

Binalik ko ang tingin sa pamilya ko na nakatingin din sa akin. Napalunok


ako at pekeng ngumiti sa kanila. "Ah-he-he, nagbayad na ba tayo ng
kuryente?" tanong ko pero parang gusto ko na lang sapakin ang sarili ko
dahil napakawalang kwenta pala ng tanong ko. Wala na kasi akong ibang
maisip para lang mawala ang atensiyon nila sa selpon ko.

Kumunot ang noo ni Mei at dahan-dahang tumango. "Of course," sagot niya
at pinagpatuloy ang pagkain.

Tumango-tango naman ako.

"Kumusta naman ang mga guwapo kong anak?" tanong ko ulit habang
kumain. Mukhang nawala na sa isip nila iyong tawag.

"I'm fine, Erpat," sagot ni Kayden. "But I might need to buy another set of
books po. Natapos ko na iyong huling binili ninyo sa akin."

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Peteng—" Hindi ko natapos ang bad word na sasabihin ko sana nang


tapikin ako ni Mei. Shet! No bad words at the teybol nga pala.

"Ay sori. Nabigla lang ang guwapo mong asawa," sabi ko. Nag-pis sayn pa
ako at nag-playing kis sa kaniya bago ulit tumingin kay Kayden.

"Seryoso, 'nak? Tapos mo na?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Takte! Parang kailan lang ay bumili kami ng sandamakmak, ah?

"Opo," sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

Syet! Anong klaseng pagbabasa ba ang ginagawa ng panganay ko? Hindi


kaya magkandaduling-duling na siya dahil laging libro na lang ang kaharap
niya?
Tumingin pa ako kay Mei pero nakangiti lang siyang nagkibit-balikat.
Prawd na prawd sa panganay namin kahit na ginawa na niyang buk istor
ang kuwarto niya.

Pero sabagay sabi nga sa mga kowts, da mor yu rid, da mor yu lern. Kaya
siguro hindi ko na kailangang magbasa nang magbasa dahil sobra-sobra na
ang kagandahang lalaki at katalinuhan ko.

"Sige, 'nak. Bibili ulit tayo," sabi ko. Ngumiti naman si Kayden at nag-
pokus na ulit sa pagkain.

Tumingin naman ako kay Cody. Nakatingin din kasi siya sa akin at
mukhang hinihintay na tanungin ko siya. "Ang bunso namin, kumusta
naman?"

"Okey lang po. Piling ko po, Erpat, kaunti na lang ay mapo-pol na sa akin si
Katana Baby," sagot niya at napamaang naman ako.

Da pak? Kailan pa nagsimulang umikot ang iskwer na mundo ni Cody


pagdating sa pag-ibig niya sa bunsong anak ni bossing?

"Paano mo naman nasabi, 'nak?" kunot-noong tanong ko.

"Paano ba naman po, Erpat." Binitawan niya ang kubyertos at madramang


sumandal sa upuan. Humawak pa siya sa noo niya na para bang
namomroblema.

"Tuwing pupunta po tayo sa kanila o kapag nasa iisang lugar po kami lagi
niya po akong iniiwasan. 'Di ba sayn po iyon na layk mo ang isang tao?
Nahihiya po, gano'n." Umiling-uling pa si Cody habang sinasabi iyon.
Binatilyo na talaga 'tong anak ko. Kahit imajinari lab istori niya ay
pinoproblema.

"Yes, it could be. And it could also be her way of saying no. Maybe she
really doesn't want you around," pagsingit ni Kayden kaya nagtawanan
kami.
Mabilis naman na umayos ng upo si Cody at nakasimangot na humarap sa
kuya niya. "Ow no! Mali ka, Kuya. Shur na shur akong inlab na inlab sa
kagandahang lalaki ko si Katana."

"Really?" Tumango si Cody. "Whatever floats your boat."

Ano raw? Anong bangka ang sinasabi nitong panganay ko?

Napailing na lang ako at hindi na inistres pa ng sarili ko. Shur akong


nakuha niya iyan sa mga binabasa niyang libro.

Tumingin na lang ako sa maganda kong asawa. S'yempre, aym seybing da


bes por las. Hindi naman puwedeng hindi ko siya kumustahin kahit na alam
ko namang wala nang mas igaganda pa ang araw niya kung ako ang una
niyang nakikita pagkagising niya.

"Ikaw, Mei—" Naputol ang pagsasalita ko nang makita ko siya na


seryosong nakatingin sa selpon ko. Nang tingnan ko iyon ay nanlaki agad
ang mga mata ko nang makitang nakabukas iyon dahil sa inkaming kol na
nakalagay.

Incoming call from J. Andres...

Shet! Ano kayang mayroon at tumatawag na naman si Ms. Jodi?

"Kanina pa 'to tumatawag," seryosong sabi ni Mei kaya ganoon na lang ang
pagpapanik ng buong sistema ko. Pakshet! Dinampot ni Mei ang selpon ko
at sinagot ang tawag. Pero bago pa man niya nadikit sa tainga niya iyon ay
naagaw ko na ito sa kaniya.

"Mei! Ah-ha-ha," kinakabahang sabi ko. Tumaas ang kilay niya dahil sa
ginawa ko. "A-ako na ang kakausap. Baka tauhan lang 'to na
nangangailangan ng gabay ng isang guwapo. Kausapin ko lang saglit," sabi
ko. Hindi ko na hinintay na sumagot si Mei dahil tumayo na ako at
naglakad palabas ng dayning erya.

Takte.

"H-helo, Ms. Jodi?" pagtawag ko sa kaniya no'ng makarating ako sa garden.


Dito ako nagpunta para siguradong walang tao at walang makaririnig sa
akin.

[Sebastian, I'm really sorry. I didn't mean to disturb you and your wife...]
sabi niya. Mababakas ang giltines sa boses niya. Narinig niya siguro iyong
pag-agaw ko ng selpon kay Mei kaya nalaman niyang magkasama kami
ngayon.

"Ah, wala iyon, Ms. Jodi. Ano bang atin?" Umupo ako sa bents at nagsindi
ng sigarilyo.

[I...kinda need your help.] May pagdadalawang-isip sa boses niya.

Tingnan ninyo nga naman! Iba talaga ang karisma ng isang Sebastian
Lerwick. Talagang kapag may mga tulong na kinakailangan ay ako agad
ang hanap. Tsh. Ganoon talaga kapag epishent at kompitent sa trabaho.

"At yor serbis! Ano iyan, Ms. Jodi? Para naman mapaghandaan na ng
kagandahang lalaki ko?"

[Uhm... I...have an important mission to finish and other important things to


assess in Japan.]

"Kailangan mo ba ng kasama—"

Pinutol niya agad ang sasabihin ko.

[No! No! I need you to do a favor for me while I am away...]

"Ano nga iyon?" tanong ko. Petengene. Peyshens is da ki talaga pero


masyado na akong natetens kapag binibitin ako.
[You see... It's a two-day mission and I can't bring the twins with me
because it might be dangerous. And you know...it's hard to trust other
people these days so I'm thinking if you could...]

"Ay kud...?" pagtutuloy ko at saka humipak ulit ng sigarilyo.

[If you could look after them while I'm away?]

Wala namang nakakagulat sa sinabi ni Ms. Jodi pero hindi mapigilan ng


kaguwapuhan ko ang hindi magulat. Petengene! Nasamid pa ako at umubo
nang umubo dahil imbis na ilabas ko iyong usok ay nalunok ko. Ampupu!

Mukhang nag-panik tuloy si Ms. Jodi sa nangyari sa akin kaya mabilis ulit
siyang nagsalita.

[I know, it's too much. I'm sorry. It's just that wala na akong iba pang kilala
na komportableng makasama n'ong kambal. Pero kung hindi ka p'wede,
okay lang. It's alright. I'll just—]

"Ms. Jodi..." pagputol ko sa sinasabi niya nang makabawi ako sa pag-ubo.


Huminga ako nang malalim at saglit na pinag-isipan kung anong magiging
desisyon ko.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Aalis si Ms. Jodi at walang magbabantay sa kambal. Sa totoo lang ay


puwedeng-puwede naman akong mag-deklayn at sabihin na abala ako pero
hindi ko magawa. Parang may kung ano sa sarili ko ang nagsasabi sa aking
pumayag na dahil kawawa naman iyong kambal kung maiiwan sa kung sino
lang.

Tama si Ms. Jodi. Mahirap na talaga ang magtiwala nang basta-basta sa


panahon ngayon. Giben da pak na parte kami ng mapya. Baka mamaya ay
may hiden ajenda pa iyong makuha niyang magbabantay.

At isa pa... Na-tats ako sa kadahilanang ako pa talaga ang tinawagan niya
para makiusap na samahan ang mga anak niya. Ibig sabihin ay may tiwala
siya sa kaguwapuhan ko. At tanggap niya pa na komportable sa akin ang
mga anak niya.

"Okey," sabi ko pagkatapos ng masinsinang pag-iisip.

[Okay?]

"Okey lang, Ms. Jodi. Tu deys lang ba? Kailan iyan at nang mapaghandaan
ko," tanong ko.

Narinig ko naman iyong pagsinghap niya at mukhang na-istress na naman


sa kaguwapuhan ko.

[Actually, Sebastian...mamaya na iyong flight ko.]

Watdapak! "M-mamaya?"
[Yes. Okay lang ba?] tanong niya.

Syet! Akala ko naman ay medyo matagal pa. Pucha.

Paano ako magpapaalam kay Mei nito?

Pero naka-oo na rin kasi ako at siguradong aasahan ako n'ong kambal.

Huminga ako nang malalim. "A-areglado! M-magpapaalam l-lang ako,"


sabi ko kay ms. Jodi at bumuntonghininga.

[Oh, my! Thanks a lot! I owe you this one!] sabi niya at pinatay na ang
tawag.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo roon. Nag-iisip kung paanong


magpapaalam kay Mei. Hindi pa nga ako nakakabawi sa atraso ko sa kanya
dahil sa pag-alis ko papuntang Japan nang hindi nagpapaalam, tapos
mawawala ulit ako ng dalawang araw.

Pero um-oo na ako kay Ms. Jodi at ayoko rin namang ibang tao lang ang
magbantay sa kanila.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto rito hanggang sa napagpasyahan


kong tumayo na at bumalik sa loob. Baka kasi hinihintay na ako nina
Chikao at Chiasa.

"Sino po iyong tumawag sa 'yo, Erpat? Bakit po ang tagal mo?" pang-uusisa
pa ng bunso kong guwapo na nakataas pa ang kilay nang itanong niya iyon
sa 'kin. Nilagpasan ko siya ng tingin at dumeretso na sa tabi ni Mei habang
kabadong kino-kompos ang sasabihin ko sa kanya sa utak ko.

"M-Mei...t-tumawag iyong tauhan," sagot ko sa tanong ni Cody pero kay


Mei ako nakatingin.

"That Andres?" tanong niya habang nakatitig sa akin.


Dahan-dahan akong tumango at lumunok. "M-magpapaalam sana ako kung
pupuwede ba akong umalis? May kailangan lang kasi akong asikasuhin.
Mga dalawang araw akong mawawala..." kinakabahang sabi ko kay Mei.

Lumunok ulit ako dahil piling ko ay nababawasan ang kabang


nararamdaman ko kapag ginagawa ko iyon. Petengene! Kahit mahirap ay
pinipilit kong itago ang totoo kong nararadaman habang nakatingin lang din
kay Mei. Para kasi akong nanunuyo sa paraan ng pagtingin ni Mei sa akin.
Para bang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko kung may makikita ba
siyang itinatago ko at sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Pero nilabanan ko dahil siguradong maghihinala si Mei kapag naglikot ang


mga mata ko at magmukha akong hindi mapakali.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang tinagal ng pagtititigan


naming iyon. Basta naririnig ko lang ang nakakabinging tunog ng orasan na
panay ang tiktak-tiktak. Petengene! Mukhang masyadong pinag-iisipan ni
Mei kung papayagan niya ba ako.

Maya-maya ay si Mei na ang naunang bumitaw ng tingin at pabuntong-


hiningang tumango. "Okay..."

"Nandito na ang pinakaguwapo!" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay


ng mga Andres.

Dumeretso kasi agad ako rito nang matapos kaming kumain at nang
nakapagbalot ako ng ilang pirasong damit. Inabangan ko pa nga kung
magbabago ang isip ni Mei at sasabihan akong huwag nang tumuloy pero
hindi naman. Nakatingin lang siya sa akin buong durasyon ng pagkilos ko
kanina hanggang sa humalik ako sa kaniya at nagpaalam nang aalis na ako.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na wala siyang sinasabi o dapat
akong kabahan dahil baka kung ano na ang iniisip niya. Syet! Bes in
ispeling naman ako no'ng narseri pero ang hirap talaga ispelengin ng mga
babae.
Tumatakbong lumapit sa akin iyong kambal nang marinig nila ang boses ko
at mahigpit na yumakap sa magkabilang gilid ko. Natawa ako at ginulo ang
mga buhok nila.

"Dadi!"

"Daddy!"

Sabay pa silang bumati sa 'kin habang abot-tainga ang mga ngiti.

Kasunod nila si Ms. Jodi na hatak-hatak na ang maletang dadalhin niya.


"Thank goodness. Akala ko ay hindi ka na matutuloy," sabi niya nang
makahinto sa harap namin.

"Aalis ka na agad, Ms. Jodi?" tanong ko rito.

"Yes, I'm sorry. Hindi na kita maililibot dito sa bahay but please feel at
home," sabi niya.

"Areglado! Gusto mo bang ihatid muna kita sa erport?" sajestyon ko dahil


mukhang nagmamadali na rin talaga siyang umalis.

"No, thanks. I don't want to trouble you more. Besides, nandiyan na rin
iyong binook kong cab," sabi niya. Tumango naman ako at hinayaang
lumapit sa kaniya ang mga anak niya para magpaalam. Niyakap siya ng
mga bata at narinig ko pang binilinan niya itong hindi maging pasaway
habang ako ang nagbabantay sa kanila kaya natawa ako. Tumingin naman
sa akin si Ms. Jodi kaya ngitian ko ito.

"Huwag kang mag-alala, Ms. Jodi. Ang inyong guwapong lingkod na ang
bahala sa mga anak mo. Isa kaya akong haws hasband kung hindi lang ako
mapya," pangungumbinse ko pa rito. Baka kasi ay habang ginagawa niya
ang mishon niya ay lumilipad ang isip niya pabalik rito aa mga anak niya.

"Thank you so much, Sebastian. I'll get going now," huling paalam nito
saka ulit niyakap ang mga anak niya. Nang matapos sila ay pinanood namin
ng mga bata na makasakay ng sasakyan ang ermat nila at makaalis.
"Waw! Kasama ninyo ang guwapong ako ng dalawang araw.
Napakasuwerte ninyo dahil hindi lahat ay nabibiyayaan ng ganoong
blesing," sabi ko sa mga bata. Nandito kami ngayon sa sala nila at
nagpapalipas ng oras.

"Dad, mas masuwerte ka po dahil makakasama mo ang guwapong ako,"


sabi naman ni Chikao.

"Aba matinde! Mas guwapo ako sa 'yo, nak. H'wag ka nang pumalag," sabi
ko pa rito. Aba't palaban na rin ang isang 'to. Siguradong makakasundo ni
Chikao sina Cody at Azure.

"Mas guwapo po ako!" hindi nagpapaawat na sabi pa ulit nito.

Hindi talaga nagpapatalo ang batang 'to. Amp!

Pero tama iyan. Ang tunay na mga guwapo ay hindi dapat pumapayag na
may mas guwapo sa kanila. Pero kapag ako na, dapat hands dawn ka na.

Tumingin ako kay Chiasa na nasa tabi ko at inakbayan ito. Napatingin


naman siya sa gawi ko kaya nagsalita na ako. "Chiasa, sinong mas
pinagpala sa amin ng kuya mo ng kagandahang lalaki?"

"Hmm..." Nag-isip pa siya sandali. Pinalipat-lipat ang tingin sa akin at sa


kakambal niya bago ngumiti sa akin. Naks! Alam ko na ang mga ganiyang
ngitian, eh.

"Dadi," sagot niya at tumatawang yumakap sa akin.

Tumawa naman ako dahil pikon na naman si Chikao. Nakasimangot siya at


magkakrus ang mga braso habang nakatingin sa kakambal.

"Chia! I'm your brother, ah!" reklamo niya.

Tumango naman si Chiasa at tinuro ang kapatid. "You're handsome, too."


Agad naman akong napalingong muli kay Chiasa nang marinig ang sinabi
niya. "Yor hansam tu, 'nak," pagko-korek ko. Nag-tams ap siya sa akin at
nang-aasar na tumingin sa kakambal.

"Si? Hi titses mi olso so his hansamer," sabi ni Chiasa.

"Tinuturan din naman kita, ah," reklamo niya ulit pero umiling lang ang
kakambal.

"Basta, Kuya! Minsan lang naman si dadi rito, eh. Okey na 'yon!" Tumaas-
taas pa ang kilay niya sa kakambal na tumango-tango naman. Mukhang
nagkakaintindihan sila sa ganoon. Ganoon siguro ang tinatawag na lab
langgweyj, parang sayn langgweyj lang din.

Pero... Aba matinde! Guwapo lang pala ako dahil nandito ako? Tsk. Ang
mga bata talaga, mga gulibol.

"Gutom na ba kayo?" tanong ko kalaunan. Napatingin kasi ako sa orasan at


nakita kong magtatanghali na pala.

"Opo," sagot n'ong dalawa. Agad naman akong tumayo at pumunta sa


kusina ng bahay nila para tingnan kung anong pagkain ang mayroon o
puwedeng maluto pero na-istres naman ako nang makitang walang helti
puds ang puwedeng maluto sa prijider nila.

"Syet! Mukhang nakalimutan ni Ms. Jodi mag-groseri, ah," bulong ko at


bumalik na sa sala. "Wala pa lang pagkain sa prijider ninyo. Paano tayo
kakain nito?"

"Let's just order, Dad," sajeschon ni Chikao. Napaisip naman ako. Tsk! Shur
na puro pas pud lang naman ang mao-order-an at hindi iyong helti.
Tanghaling tapat pa naman tapos pakakainin ko ang mga bata ng pas pud.

"Tara. Kain na lang tayo sa labas," pag-aya ko. Agad namang nagliwanag
ang mukha n'ong dalawa.
"Tapos gagala po tayo?" tanong naman ni Chiasa. Eksayted na eksayted ang
mukha dahil narinig na lalabas kami.

Ampupu!

"Gusto ninyo ba?"

"Opo!" sabay na sagot nila kaya wala na rin akong nagawa kung hindi
tumango. Hindi ko rin naman magagawang tiisin sila lalo na at nakikita ko
ang eksaytment sa mga mukha nila.

"Okey. Magbihis na kayo at magbaon ng ekstrang damit para may pamalit


kayo inkeys op emerjensi," sabi ko sa kanila. Lumalabas ang pagiging erpat
ko dahil ganito rin kami ni Mei kina Cody at Kayden. Hindi kami umaalis
ng bahay na walang baong ekstrang damit ang dalawa lalo na kung gagala
kami.

"Chikao! Huwag kang lumayo," sita ko kay Chikao na bumitaw sa


pagkakahawak ko sa kaniya. Pumwesto siya sa unahan namin ng kakambal
niya at maangas na naglakad. Sinuot pa ang sheyds na dala-dala.

"Daddy, chill," maangas pang sabi ni Chikao kaya napailing ako.

"Dadi, chil," pag-korek ko sa kanya.

"Payn. Dadi, chil," panggagaya naman nito sa sinabi ko.

Syet! Kuhang-kuha na ng batang 'to ang mga galawan ng isang


napakaguwapong Sebastian Lerwick, ah.

Kumain kami ng tanghalian sa isang restawran at nag-teyk awt na rin kami


para mayroon na rin kaming panghapunan. Pagkatapos ay nagpunta kami sa
isang amyusment park na malapit sa kinainan namin para magpalipas ng
oras.
Buti na lang ay hindi ganoon karami ang tao kaya nakasakay kami sa mga
rayds nang walang kahirap-hirap.

Tuwang-tuwa naman ang dalawa lalo na at sabi nila ay pers taym lang
nilang sumakay sa ibang rayd na sinubukan namin kanina.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking lat habang hawak ko sila sa


magkabilang kamay ko. Malapit na kasing magdapit-hapon kaya inaya ko
na silang umuwi. Mahirap nang magpagabi sa daan. Masyado pa naman
akong guwapo at baka pagkaguluhan ako ng kababaihan.

"Chil chil ka r'yan. Tara muna rito at baka masagasan ka bigla," sabi ko kay
Chikao dahil biglang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko kaya
napakamot siya ng ulo at bumalik para humawak sa isang kamay ko. Si
Chiasa naman ay bisi sa pagkain ng ays papsikel na binili namin kanina.

"E di ang suwerte naman po nila dahil makakasagasa sila ng guwapo," rebat
pa ni Chikao.

Petengene! Ako naman ngayon ang gustong kumamot sa ulo ko pero hindi
ko magawa dahil mahigpit kong hawak ang dalawang bata.

Medyo nakaka-istres talaga magkaroon ng anak na guwapo. Buti na lang ay


mas mahaba pa sa San Waniko Bridj ang pasensiya ko.

"Pero mababangasan ang guwapo mong mukha, 'nak. Hindi ka na guwapo


kapag nangyari 'yon. At mayayari pa tayo sa mami mo," sabi ko sa kaniya.
Mabuti naman at tumango siya. Mukhang naintindihan niya ang nais kong
iparating.

Takot ko lang kay Ms. Jodi kapag nabangasan 'tong mga anak niya, 'no!
Asasin pa naman iyon. Petengene!

Sumisipol-sipol pa ako habang naglalakad kami sa peybment. Iniisip ko pa


kung dapat bang dumaan na rin kami sa isang groseri istor para bumili ng
makakain para bukas para hindi na hasel na lalabas pa para kumain lang. At
hindi lang naman ako pinagpala sa kagwapuhan dahil—ehem—magaling
din naman akong magluto. Tama, ang galing mo talaga, Sebastian. Wala
kang katulad.

"Dadaan na rin tayo sa groseri istor—" sabi ko sa kanila at napalingon sa


likuran dahil may bumusina. May sasakyan pala na papasok sa parking lat
kaya medyo gumilid kami ng mga bata. Takte 'to! Ang laki-laki ng daanan
talagang pinili pang dumaan sa kung nasaan ang guwapo.

Sinundan ko ng tingin ang kotseng iyon at nagtaka nang bumagal ang takbo
nito. Maya-maya ay bigla na lang iyong huminto sa tabi namin kaya
napahinto rin kami.

Watdapak! Mabilis kong tinago sa likod ko iyong dalawang bata sa pag-


aakalang kalaban iyon at baka ambushin kami ng wala sa oras pero ganoon
na lang ang gulat ko nang ibaba ng drayber ang bintana ng sasakyan niya at
agad kong nakilala kung sino iyon.

"L-Lee..." pagtawag ko sa kaniya nang makita ko ang pagtambad ng mukha


ni Lee pagkabukas ng bintana. Nakita ko rin na nakasilip ang asawa niyang
si Posha mula sa shatgan sit kaya mas lalo akong napalunok. "P-Posha..."
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Seryosong nakatingin sa amin iyong mag-asawa. Palipat-lipat ang tingin sa


akin at sa kambal. Ampupu! Hindi ko pa nga nakakausap si Lee tungkol
doon sa nakita niya sa mol noong nakaraan tapos nakita na naman niya ako
kasama ang kambal. En wors keys senaryo pa dahil kasama niya ang asawa
niya!

"Daddy, why did we stop—" Biglang lumitaw sa gitna nina Lee at Posha si
Lindsay na nakaupo sa baksit. Mukhang nagulat siya nang makita ako pero
hindi n'on mapapantayan ang gulat ko sa katotohanang nakita ako ng
pamilyang Lee! Paksyet na malagket!

"Oh...Hi, Tito Seb..." Pahina nang pahina ang boses ni Lindsay ng sabihin
niya iyon dahil nalipat ang tingin niya sa kambal na nakasilip sa parehong
gilid ko. Nakita ko ang nagtatakang tingin ni Lindsay na lumipat sa mga
magulang niya. Parang gustong magtanong pero may binulong si Ms. Posha
sa kaniya na hindi ko narinig.

"Dadi, sino po sila?" mahinang tanong ni Chiasa.

"Dad, do you know these guys?" tanong ni Chikao.

Petengene! Hindi ko alam kung paano ako makakakilos sa sobrang kabang


nararamdanan ko pero hinugot ko ang pinakamalalim na hiningang
mahuhugot ko bago magsalita.

"Ah—oo. Oo, ano. Mga kaibigan ko sila." Tumingin ako kina Lee nang
sabihin ko iyon pero nanatili silang tahimik. Pabalik-balik pa rin ang tingin
sa amin ng mga bata.

"Ang weird naman po ng tingin nila sa atin. Sobrang nagwapuhan po ba sila


sa akin, Dad?" pabulong at nagtatakang sabi ni Chikao pero shur akong
narinig pa rin iyon nina Lee dahil hindi naman ganoon kalayo ang distansya
ng kinatatayuan namin at kinaroroonan ng sasakyan nila.

Takte! Puwede bang i-boyd ko muna ang pagtawag nila sa akin na dadi?
Ampupu!

Mukhang hindi nakakatulong sa sitwasyon dahil mas kumukunot lang ang


noo n'ong mag-asawa. Takang-taka na kung bakit tinatawag akong dadi ng
mga bata pero nanatili pa ring tahimik at nakatingin lang.

Petengene! Ip luks kud kil, men! Baka kanina pa ako na-dobol ded sa mag-
asawang 'to.

"Hindi ka po ba babati man lang sa kanila, Dadi?" Napapikit ako nang


mariin nang magtanong na naman si Chiasa!

Syet! Kwayet muna, 'nak! Mas lalo tayong mayayari r'yan!

"Ha-ha! Hindi—ano." Lumingon ako kina Lee pero agad ko ring binalik sa
mga bata ang tingin ko at hinawakan ang mga kamay nila. "T-tara na, iuuwi
ko na kayo," sabi ko at nag-umpisa nang humakbang.

Pero napahinto rin naman ako agad. Tengene!

Humugot ako ulit ng isang malalim na hininga at lumingon sa mag-asawa.


"L-Lee, Posha, kung ano mang iniisip ninyo, hindi ganoon iyon. Ano kasi
—"

"Lerwick..." pagputol ni Lee sa sasabihin ko. Obyus namang mas guwapo


ako sa kaniya pero kinakabahan ako sa kaseryosohan niya ngayon. "Umuwi
na muna kayo. Mukhang gusto nang umuwi n'ong mga bata," sabi niya at
nagbaba ng tingin sa mga bata.
Wala naman ako sa sariling tumango na lang at tumalikod na ulit para
maglakad sa papunta sa sasakyan ko.

Sinubukan kong magpaliwanag pero pinutol niya agad ako. Pucha! Anong
ibig sabihin n'on? Na wala na siyang balak pakinggan ang dahilan ko at
sarado na ang isip niya dahil ilang beses na niya akong nahuhuli sa akto na
kasama ang kambal? Syet! Syet!

Kalma, Lerwick. Baka konsern lang talaga siya sa mga bata dahil
maggagabi na.

Nang makarating kami sa sasakyan ay agad kong pinagbuksan ng pinto ang


mga bata. At no'ng papasok na sana ako sa draybers sit, huminga ulit ako
nang malalim bago nag-wan las glans pa ulit kina Lee na petengene!
Nakatingin pa rin pala sa akin at pinapanood ang ginawa ko sa mga bata.

Watdapak talaga!

Agad ko namang naisip ang napakaganda kong asawa. Huwag lang sanang
makakarating ito kay Mei lalo na at hindi ko pa nagagawang mag-ekspleyn
sa kanila. Ayokong pagdudahan ako ni Mei na wari ko ay nangyayari na
nga dahil sa pag-alis ko nang hindi nagpapaalam at idagdag pa ang ikinilos
ko kaninang umaga. Ayokong tuluyang magduda na nga siya at mawalan na
siya ng tiwala sa akin.

"Oh, ito pa, ito pa," sabi ko kay Chiasa at tinuro ang matematikal prablem
na nasa nowtbuk niya. "Tartin plas twelb maynus seben, ikwals?"

Tinapat naman niya ang dalawang kamay niya sa mukha niya at doon
nagsimulang magbilang-bilang.

Pfft! Paano niya kaya mabibilang iyan kung sasampu lang ang daliri niya?
Kahit isama pa ni Chiasa ang mga daliri niya sa paa ay sa tingin ko hindi
iyon aabot.
Nandito kami ngayon sa salas ng bahay nila. Nakaupo kami sa karpeted
plor nila at tinutulungan ko ang mga bata sa mga howmwork nila na hindi
pa nagagawa. Takte! Tamang-tama lang na sa akin sila nagpatulong dahil—
ehem! Baka Sebastian Lerwick 'to! Hindi lang ubod ng guwapo, ubod ng
talino rin. Tunay na pinagpalang lubos.

Ginawa na rin namin 'tong pampalipas ng oras dahil wala kaming magawa
habang naghihintay ng oras ng pagtulog. Gabi naman na pero maaga pa at
ayaw pang matulog nitong dalawa. Dahilan nila ay nandito raw ako at gusto
nilang sulitin ang oras na 'to. Hindi naman ako nagpadala sa mga sinasabi
nitong mga bata, kaya nandito kami ngayon at gising pa.

"Eighteen, Dadi?" hindi siguradong sagot ni Chiasa.

"Eytin, 'nak," pagko-korek ko.

"Eytin po," sabi naman niya.

"Shur ka na ba?"

"Yes, Dadi!"

Eytin ba ang sagot? Syet! Mabilis kong kinuha ang selpon ko at


kinalkyuleyt doon iyong prablem na sinabi ko kay Chiasa. Alam ko na
kanina iyong sagot, eh. Nawaglit lang sa isipan ko kasi masyado akong bisi
maging guwapo.

Nang makumpira kong tama ang sagot n'ong bata ay agad akong ngumiti at
mag-tambs ap sa kaniya.

"Tama, 'nak! Ang galing mo. Mana ka sa 'kin," chir ko sa kaniya na may
kasamang kindat.

"Tenks, Dadi."

"Ow, haw bawt dis wan, 'nak," turo ko sa sumunod na aytem. "Tartitri
dibayded by tri?"
Inangat niya ulit ang mga kamay niya at nagsimulang magbilang-bilang
doon. Napailing naman ako dahil mukhang nahihirapan na siya at paiyak na
dahil hindi matapos-tapos sa twenti ang bilang niya. Ginamit na rin kasi
niya iyong mga daliri niya sa paa.

"'Nak, kahit anong bilang mo r'yan sa mga daliri mo hindi iyan aabot ng
tarti," sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at binaba iyon.
Pinalapit ko siya sa mesa para mas makita niya ang ituturo ko sa kaniya.

"Ganto ang triks d'yan. Wats en lern. Una kuha ka ng papel at pensil."
Kumuha ako ng papel at lapis. "Tapos magtantos ka muna ng tartitri..."
Gumawa ako ng tartitri na istik. "Tapos...tapos ano nga 'yon?"

Ano nga ang ginagawa kapag tapos mag-drowing ng dibidend? Syet!

"Wats neks, Dadi?" tanong ni Chiasa. Nakakunot ang noo nito habang
nakatingin sa akin. Seryoso nitong hinihintay ang neks istep pero hindi ko
naman masabi dahil mukhang na-mental blak ang guwapo.

Petengene!

"Neks is da... Neks taym yu get da kalkyuleytor!" nakangiting sabi ko.


Prawd na prawd pa ako habang sinasabi iyon dahil bibihira ang nakakaisip
ng ganoon. Tanging mga guwapo lamang.

Wat a wanderpul aydiya!

Mabilis kong binuhay ang selpon ko at kinalkyuleyt doon ang mat prablem.
Pagkatapos ay pinakita ko sa kaniya iyong nakuha naming sagot.

"Ileben, 'nak! 'Di ba? Sabi ko sa 'yo isi lang mag-mat, eh," sabi ko sa
kaniya.

Nakakunot pa rin ang noo niya sa akin at magsasalita pa sana no'ng biglang
nagsalita ang kakambal niya.

"Dad, can you help me with this one?" tanong ni Chikao at nilapag sa harap
ko ang sayans modyul niya.
Sus! Pis op keyk!

"Ah, ito ba? Wat kaynd op animal its gras?" Binasa ko ang kwestyon na
hindi pa niya nasasagutan. Petengene! Mali-mali naman ang ispeling pero
buti na lang ay naintindihan ko pa rin.

"Sus! Chiken naman nito, 'nak! E di, bejetaryan!"

"Vegetarian?"

"Bejetaryan." Tumango-tango pa ako at pinanood siyang isulat iyon kahit


na parang hindi siya sigurado kung tama ba ako.

Aba matinde! Pagdudahan ba naman ang sagot ko? Shur na shur akong
tama iyan, 'no. Bes in sayans kaya ako no'ng pers greyding ng greyd wan
ako. Masyado raw akong magaling kaya hindi na naulit noong sumunod na
greyding at taon.

Naiintindihan ko naman dahil bukod akong mapagpaubaya sa lalaking


lahat. Kaya hindi na naulit ang pagiging bes in sayans ko, kumbaga, gib
chane tu aders naman.

Pinanood ko iyong dalawang bata na magsagot ng mga howmwork nila


habang ako ay umupo muna sa sopa. Kailangan kong ipahinga ang utak ko
dahil masyado na yata siyang nagagamit ngayon. Tsk! Masama pa namang
nai-istres ang mga guwapo.

Nilibot ko ang paningin sa buong sala pero napahinto iyon sa bintana nang
nay matanaw akong sasakyan na nakahinto sa harap ng bahay nina Ms.
Jodi.

Chinek ko ang selpon ko kung may mesej ba si Ms. Jodi na ngayon na siya
uuwi o may pupunta rito sa bahay niya na hindi niya nasabi kanina pero
nang makita kong wala ay agad akong naalarma.

Ampupu! Hanggang dito ba naman ay sinusundan ang kagandahang lalaki


ko?
"Mga anak, dito lang kayo..." sabi ko sa mga bata at tumayo na. Kinuha ko
iyong nakatagong baril sa ilalim ng sopa na nilagay ko kanina at dahan-
dahang naglakad palabas ng bahay.

Maingat pa sa maingat kong binuksan ang meyn dor para hindi gumawa ng
kahit anong tunog. Tengene! Hindi agad ako lumabas doon at sumilip muna
kung may tao bang nag-aabang ng paglabas ko. Nang masiguro kong wala
ay saka ako lumabas. Dahan-dahan. Wan step at a taym dahil
pinapakiramdaman kong mabuti ang paligid. Baka mamaya ay napaliligiran
na pala kami ng mga hindi kaguwapuhang nilalang dito at bigla na lang
kaming ambushin.

Nandoon pa rin sa harap ng bahay iyong kotseng nakita ko kanina at


mayroong lalaking nakasandal sa pinto ng draybers sit n'on. Iyong kabilang
sayd kasi ng kotse iyong nakaharap sa akin kaya likod lang n'ong lalaki ang
nakikita ko. At aba matinde! Ang lakas pa ng loob na magyosi dahil nakita
ko iyong umaangat na usok na binubuga niya.

Marahan akong naglakad palapit sa kaniya nang hindi niya namamalayan.


Takte! Napaka-wari naman nito. Tinutok ko ang baril sa ulo niya at ngumisi
dahil syet! Wala ka nang kawala, ma men.

"So, kailan mo pa niloloko ang pamilya mo, Lerwick?" tanong niya.

Watdapak!

"Lee?" gulat na tanong ko nang makilala ko ang boses niya. Lumingon siya
sa akin at padarag na tinanggal ang baril na nakatutok pa rin pala sa ulo
niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa 'yo
niyan?"

Petengene! Ito siguro ang pinunta ng gagong 'to rito.


Hindi ko na itatanong kung paano niya nalaman at natunton ang bahay na
'to dahil alam ko naman ang lawak ng abilitis at koneksyons ni Lee.
Siguradong hindi man lang siya pinagpawisan para mahanap ang adres ng
mga Andres.

Umiling ako at huminga ng malalim.

"Tara sa loob. Masyadong nilalamok ang kaguwapuhan ko rito at para na


rin mas malinawan ka," sabi ko sa kaniya at tinalikuran na siya.

"Tss."

Magkasunod kaming naglakad papasok sa bahay. Mas nauuna nga lang ako
sa kaniya dahil sinasadya niyang bagalan. Tumitingin-tingin pa kasi siya sa
paligid na animong kinakabisado ang bawat sulok. Tsk!

Naningkit naman ang mga mata ko nang makita iyong kambal na nakasilip
doon sa bintana. Mukhang kanina pa kami pinapanood ng mga 'to pero nang
makita akong nakatingin sa kanila ay mabilis pa sa alas kuwatrong umalis
sila roon.

Akala ko naman ay magtatago pero pagkabukas na pagkabukas ko pa lang


ng pinto ay nandoon na silang dalawa sa may sala. Nakatayo at magkakrus
pa ang mga braso sa dibdib. May nanunukat pang tingin sa kasama ko.

"Yu luk pamilyar," sabi ni Chiasa nakaturo pa ang hintuturo kay Lee.

"Dad, siya po iyong nasa humintong sasakyan kanina, 'di ba?" tanong
naman ni Chikao.

Napatingin si Chiasa sa kakambal niya at nang maalala iyong sinasabi ng


kakambal ay napapalakpak pa. "Opo! Siya iyong nasa kar tapos may
kasamang tu gerls."
"Oo, siya iyon..." ako na ang sumagot sa mga bata. Tanging ngiti lang ang
binigay n'ong gago sa mga bata.

Tumango naman sila at tinalikuran na rin kami. Bumalik sila sa senter


teybol at pinagpatuloy ang ginagawa nila kanina.

Tumingin ako ulit kay Lee na abala sa pagtingin sa buong kabahayan.


Sinusuring mabuti sa hindi ko alam na dahilan. Takte! Kaunti na lang ay
iisipin ko nang inggit si Lee sa arkitekyural disayn ng bahay ng mga
Andres. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi tumingin, eh.

"Lee, hindi ko sila anak sa labas. At mas lalong hindi ko niloloko si Mei.
Ano kasi—" Pinutol niya ang sinasabi ko at makahulugang tumingin sa
akin.

"Si Boss?" tanong niya.

Lumunok naman ako at unti-unting tumango. "O-oo..."

Hindi naman niya siguro ako isusumbong kay bossing na sinabi ko sa


kaniya, 'no? Putapete! Kapag ginawa niya iyon ay baka mag-prendship ober
na lang kami.

"Okay..." Tumango siya. "Mayroon din siyang inutos sa akin sa US..." sabi
niya sa akin.

"Ahh..." Tumango rin ako. Walang ibang maisip na sabihin dahil petengene,
its a tay naman pala!
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nagdadaldalan ang mga bata habang naghihintay sa kanilang panibagong


mishon na isasagawa ngayon. Matagal-tagal na rin naman noong ginanap
ang unang mishon nila, wala pa nga rito sina Lee noong mangyari iyon.

Nagulat kami sa ipinamalas nila noong nakaraang mishon. Kahit ako, hindi
ko lubos inakala na sa murang edad nila ay kaya na nilang makipaglaban at
pumaslang. Iba ang eksaytment sa mga mata nila, at sa murang edad ay may
ilan sa kanilang hindi na kababakasan ng takot sa mga mata.

Kaya bilang mga magulang nila, hindi maiiwasan sa amin na hindi


mangamba na baka hindi namin sila madisiplina sa hinaharap.

Nandito kami ngayon sa hedkwarters dahil dito sila magsisimula at dito rin
namin ipapaliwanag ang kanilang mga gagawin.

"Oy, Duke! Pahingi naman ako ng chichirya mo. Kanina ka pa kain nang
kain hindi ka man lang nag-aalok!" sigaw ni Mikaela habang hila-hila ang
Piyatos na hawak ni Duke. Halata namang ayaw patalo ng anak na lalaki ni
Lionhart dahil hindi niya ito binibitawan.

"Ayoko nga! Bakit naman kita bibigyan?" tanong nito sabay hila sa Piyatos
na hawak kaya napasubsob si Mikaela sa sahig. Ampupu! "Hindi naman ako
humihingi kapag may pagkain ka, ah." Mula sa pagkakaupo ay tumayo na
ito at lumipat sa isang upuan malayo kay Mikaela.

Nang makabawi mula sa pagkakasubsob sa sahig si Mikaela ay masama


niyang tiningnan si Duke at sinabing, "Ang damot!" Pft! Palaban din 'tong
isang 'to.
"Here, Mikaela. You can have mine," singit ng anak ni Lee na si Lindsay
kaya nakakunot ni Mikaela na tingnan ang nag-oper. "Lahat 'yan?" mabilis
na sagot niya.

Nag-aalangan man si Lindsay ay tumango na rin ito at ibinigay ang


tsokoleyt na hawak niya.

Sa kabilang banda naman ay magkausap ang dalawa kong anak na guwapo


na inaalala ang unang mishon.

"Kuya, sa palagay ko ay dapat hindi tayo mishon peyld sa pers mishon


natin. Dapat mishon akomplis 'yon, eh." Umiiling pa ang anak kong si Cody
na para bang sa ganoong paraan ay naipadadama niya ang pagkadismaya at
lungkot sa nangyari noong unang mishon nila.

"Bakit naman magiging mission accomplished ang mission natin kung hindi
naman tayo sumunod sa rules?" nagtatakang tanong ni Kayden sa kanyang
kapatid.

"Kasi Kuya, naibigay naman natin iyong payl kina Erpat."

"Malinaw naman na sinabi sa atin na kapag pumatay tayo, automatic na


magiging failed ang mission, kaya tama lang ang desisyon nila."

"Ah, basta isa lang ang alam ko..." Tumango-tango pa ito.

"Ano naman 'yon?" Kunot-noo itong nakatingin kay Cody na ngayon ay


may malawak na ngiti sa labi.

"Sobrang guwapo ko." Nagpogi sayn pa ito at tumawa kaya naman inilihis
na ng kanyang kuya ang paningin dahil sanay na sanay na itong marinig sa
bibig ng kapatid ang pagpuri nito sa kanyang sarili. Wehel, totoo naman
iyon dahil ako ang pinagmanahan nila.

Mayroong mga nag-aaway, chil na nag-uusap at nagkukwentuhan tungkol


sa gaganaping mishon ngayon, at natural lang ang katahimikan ng mga
anak ni bossing kaya naman hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip nila.
"For this mission, you will be divided into 3 groups..." Itinigil na ng mga
bata ang kanilang ginagawa at itinuon ang atenshon kay Posha na nag-
umpisa nang magsalita.

"However, you will not receive any further details," dagdag pa nito. Kinuha
ko ang baks na gagamitin nila at iniabot ito kay Posha.

"These are the cellphones and money. Each will receive a hundred
thousand..." Binigyan niya ang mga bata ng selpon bawat isa at ng eytiem
card. "...Make the right use of them." Nakangiti ang bawat isa at parang
kinikilig sa sobrang eksayted.

"Paano namin malalaman ang descriptions ng taong hinahanap namin?"


tanong ni Mikaela.

"Diskarte na ninyo kung paano niyo hahanapin ang taong ito," pagsingit ni
Lampe. Tumango-tango naman si Mikaela at saka kumuha ng isa sa mga
selpon. Ganoon din ang ginawa ng ibang mga bata.

"Ang cheap ng cellphone, pero mapagtatiyagaan na," komento ni Amber


nang makita ang hitsura ng selpon na ibinigay namin sa kanila. Isinasabit pa
nito sa likod ng tainga ang kaunting buhok na humaharang sa kanyang
mukha.

"Puwede po ba kaming humingi ng panibagong pera kapag naubos na po


ang 100 thousand na ibinigay n'yo sa 'min?" Natawa ako nang bahagya sa
tanong ni Emerald dahil mukhang may balak itong ubusin agad ang pera.

"Hindi na kami muling magbibigay pa ng panibagong pera, Emerald, kaya


naman kailangan n'yong pag-isipan nang maigi kung saan gagamitin ang
mga iyon." Nagulat ito at kinakitaan ng pagkalungkot sa isinagot ko.

"Group one would be Katana and Amber. Followed by the second group
who are Trigger, Lindsay, Duchess, Grayson, Raven and Kayden and the
final group is composed of Caliber, Azure, Cody, Mikaela, Emerald, Duke.
Do I make myself clear?" Nakatingin ako sa asawa kong maganda habang
nagsasalita ito.
Tahimik naman na nakikinig ang mga bata sa grupings na sinabi ni Mei
hanggang sa may magtaas ng kamay, si Emerald. "Are you sure po about
the Group 1? Is it just really Ate Amber and Future Sis?" tanong niya.

"Yes, they were the first two to murder the enemies on your first mission.
Which is why we put them together today," deretsong sagot naman sa kanya
ng maganda kong asawa.

"And the aim of this mission is?" Napalingon kaming lahat sa gawi ng
bunsong anak ni bossing nang magtanong ito.

"Teamwork. We want to find out how you work and think in teams." Iyong
asawa ni Lionhart na si Cassandra ang sumagot sa tanong ni Katana na
tinanguan naman nito.

"Saan naman po namin makikita iyong target namin, Ma?" tanong ni Duke
habang nakatingin sa ina.

"Hindi rin namin alam ang kasagutan sa tanong mong iyan, Duke." Ang
gagong si Lampe ang sumagot habang pangisi-ngisi.

"Depende kasi iyan sa lokasyon ng target n'yo. Ang mahalaga naman ay


wala iyong limitasyon. Puwede n'yong puntahan kung nasaan man iyon."
Nabuhay naman ang mata ng mga bata nang idugtong ni Boul iyon.

Nang matapos ang pagpapaliwanag namin sa kanila ay nagsitayuan na ang


mga ito at pumunta sa kani-kanilang grupo.

Magmi-miting muna sila kaya naman binigyan muna namin sila ng sapat na
oras bago makapagsimula sa kanilang gagawing mishon.

Tahimik lang ang unang grupo na para bang hindi ito naba-bader sa mga
magaganap.

"We have to plan for the entire week. Do you agree that one of us should
look after the day-to-day spending and set a budget?" tanong ni Trigger sa
kanyang mga kagrupo na agad namang sinang-ayunan ng mga ito. Smut
ang kanilang naging pag-uusap at walang kahit anong komplik ang
nangyari.

Samantalang ang pangatlong grupo ay hindi naman namin maintindihan


dahil sa sobrang ingay.

"Ako na lang po ang maghahawak ng pera natin." Inilahad ni Emerald ang


kanyang kamay upang kolektahin sana ang mga eytiem ng kanilang
miyembro ngunit walang nagbigay ni isa.

"Wat ip ako na lang? Tutal ako naman ang g'wapo rito," nakalagay ang
kamay ni Cody sa kanyang likod habang nakangiti.

"Ako/Ako na!" sabay na sabi naman ni Azure at Duke. Nagkatinginan pa


ang dalawa at nagsamaan ng tingin.

"Or maybe we should take care of our own ATM cards," singit ni Caliber
kaya naman hindi na nakapagsalita pa ang iba.

Hinintay na lang namin itong matapos dahil magsisimula na ang mishon.

"These will be your mata okay? So don't make tanggal because we need to
make bantay of your galaw, understood?" pahabol ni Miss Caileigh
pagkalapag ni Boul ng isang baks na puno ng mga kamera.

Tinulungan namin silang ilagay ang mga kamera sa kuwelyo ng kanilang


mga damit. Maliit lang ito kung kaya't hindi ito masyadong halata and
puwedeng-puwede nilang isuot araw-araw, eksep s'yempre kapag nasa
banyo sila.

"Kayo na ang bahalang gumawa ng paraan kung saan kayo tutuloy for the
entire week." Nakangiti si Cassandra habang nakatingin sa mga batang
reding-redi na namang sumabak sa mishon.

Sabay-sabay ang tatlong grupo na umalis ng hedkwarters at sinimulang


humanap ng kani-kanilang matutuluyan. Tulad ng ginawa namin noong
unang mishon nila, minomonitor namin ang bawat galaw nila. En por shur,
tambay na naman ako sa kontrol rum.

Mabuti na lamang at nandito na si Lee kaya madali kaming nakagawa ng


paraan kung paano namin sila makikita sa tulong ng mga makabagong
teknolohiya na s'yempre, eksperto ang isang Hakob.

Tumabi sa 'kin si Lampe at nakinood dahil nakita niyang pinagmamasdan


ko ang grup tu, ang grupo na kinabibilangan ng anak ni bossing na si
Trigger. Siya rin ang nagsisilbing lider nila at mapapansin mong lahat ng
miyembro ay sa kaniya nakasunod.

"Let's find a budget hotel. This way, we can easily book a week stay."
Tumapat ang kanyang camera sa katabi nitong si Lindsay na nagse-serts ng
hotel na mura sa hawak na selpon.

"Trigger, I found a very cheap hotel, and look, we can book it right
away." Nakakahawa ang ngitian ng dalawang batang ito.

"Ang babata, ang lalandi na." Nakataas naman ang kilay ng pinsan ni
Ma'am Aemie habang sinasabi iyon. Kakaiba talaga ang bangis ng pinsan ni
Ma'am Aemie, kahit sino ay matatakot.

"Ito na ba 'yon?" Napatingin ako sa kabilang iskrin kung nasaan naman


ang kabilang grupo, ang ikatlong grupo nang marinig ang boses ni Mikaela.
Nakatingin siya sa isang hotel na sa palagay ko ay may kamahalan.

"Oo."

"Hindi."

"Siguro po?"

"Ang guwapo ko."

"Mas guwapo ako," sunud-sunod itong nagsasalita at hindi sila


makaintindihan sa kanilang mga sinasabi.
Napasabunot na lang sa buhok si Mikaela nang iba-iba ang isinagot sa
kaniya ng kanyang mga kasama.

"Bakit ba kasi ako napunta sa grupong 'to?" Padabog niyang iniwan ang
kanyang mga kasama at dere-deretsong pumasok sa loob hotel nang hindi
man lang nililingon ang mga kasama.

"May reservation po," maikling sabi ni Mikaela sa stap ng hotel.

"Anong name po, Ma'am?" Tumingin ito sa mga kasama niya at nag-
iintay ng sasagot sa kanila.

"Roswell po," nakangiting sabi ni Emerald sa stap habang hinihingal pa


dahil sa paghabol kay Mikaela.

Mukha itong na-kyut-an kay Emerald dahil sa lawak ng ngiti nito sa kaniya.
Kahit naman siguro sino ay maku-kyut-an kay Emerald. Takte! Napaka-
ismayling peys kaya ng batang iyan.

"This way." Inilahad pa ng babae ang kanyang palad na para bang itinuturo
sa mga bata ang daraanan na kaagad naman nilang sinunod.

Nasa unahan si Mikaela na sinundan nina Emerald, Caliber, Azure, Duke at


ng napakaguwapo kong bunso na si Cody.

Habang naglalakad ang mga bata ay mababatid mo sa mga mukha nila ang
pagkamangha habang tinitingnan ang bawat detalye ng mga peynting at
ganoon din sa mga tropi na naka-displey at mukhang achibments nitong
hotel na nadaanan nila.

Huminto ang resepshonist sa tapat isang pinto na may numerong 1314.

"Salamat po," sabi ni Mikaela sa resephonist na nakatayo sa tabi niya bago


siya pumasok doon at inilagay sa sahig ang mga gamit nila.

"Wawawi! Sher tayo sa kama, Azure!" masayang sabi naman ng guwapo


kong anak na si Cody at saka tumakbo papunta sa napakalaking kama na
malapit sa beranda.
Si Emerald naman ay tumabi kay Mikaela sabay sabing, "Ate Mikaela, tabi
na lang po tayo, a?"

Tango lang ang tanging isinagot ni Mikaela samantalang sina Caliber at


Duke naman ay tahimik na ibinaba ang mga bagahe sa sahig.

"This is such a hot place," komento naman ng anak ni bossing na si


Caliber bago inumpisahang alisin ang pagkaka-butones ng damit niya.
Dalawang butones pa lang ang nabubuksan niya ay kaagad namang
humarang sa harap niya si Emerald.

"Baby Caliber, e, kung sa CR ka kaya magtanggal ng damit?" konsern na


konsern na sabi ni Emerald bago ibinutones uli ang polo ni Caliber.

Kumunot naman ang noo ng isa at hinampas sa kamay si Emerald. "Don't


touch me."

Ngumuso naman ang batang si Emerald at umalis na sa harap ni Caliber


para iayos ang mga dala niyang gamit.

Nabaling naman ang atenshon namin sa kabilang iskrin nang marinig kong
nagsalita ang pamangkin kong si Amber. "Buti naman at dito tayo. Ayoko
sa cheap na hotel, baka magka-allergies ako."

Ako ang kinakabahan sa itsura ni Amber. Puro gold ang suot nitong alahas
mula sa hikaw hanggang sa breyslet. Nakatingala silang dalawa ni Katana
sa isang sobrang taas at garang hotel.

"Napakaarte talaga niyang anak mo, unggoy," komento naman ni Miss


Amesyl.

"I don't think they can afford to stay there for a week. It costs thousands of
dollars a night," komento naman ni Posha.

"Let's go," saad ni Katana kaya nag-umpisa nang maglakad ang dalawa
papasok ng hotel.

"May plano na agad sila?" nagtataka kong tanong.


Sa buong biyahe nila kanina ay hindi ito nagkibuan kaya nakapagtatakang
alam agad nila ang kanilang gagawin.

Pagpasok ng mga ito ay dumeretso na kaagad sila sa elebeytor na para bang


matagal na silang naninirahan dito dahil hindi man lang sila nagtanong
kung saan ang daan.

Pagkahinto ng elebeytor sa sa pinakamataas na plor ay sabay itong naglakad


patungo sa tapat ng dulong kuwarto.

Pinindot ni Katana ang smart dorbel na nasa may smart lak sa gilid ng pinto
na ipinagtaka namin.

"Makikitira ba sila?" bulong ko sa sarili.

"Malabo, p're. Hindi mahilig makisalamuha sa iba 'yang anak kong 'yan,"
sagot naman ni Lampe na narinig pala ang sinabi ko. Totoo naman, at mas
lalong mukhang hindi rin naman ganoon ang bunsong anak ni bossing.

Ibinalik ko ang paningin ko sa kanila ng bumukas ang pinto. Isang lalaki at


babae ang iniluwa ng pinto. Mukhang galing sa mayamang pamilya at
kagalang-galang ang mga itsura nila.

"Yes? Who are y—"

Hindi na pinatapos ni Katana ang babae at agad itong binaril sa ulo. Hindi
ito gumawa ng kahit na anong ingay dahil sa saylenser ng baril. Nang
tingnan ko ang lalaking katabi ng babae ay nakatumba na rin ito at
mukhang si Amber naman ang pumatay rito.

"That was quick," komento ni Mei.

Petengene! Rilkwik nga ang mga ganap kina Amber at Katana, a.

"Wengya! Mana talaga sa 'kin si Amber," prawd na sabi ni Lampe, pero


nakatanggap lang siya ng batok mula asawa niya.

"Sa 'yo siguro nagmana ng kaartehan," sabi nito na kaagad inilingan ni


Lampe.
"Skills ang namana niya sa 'kin, Babylabs," kamot-batok na sabi ni Lampe
sa asawa.

"Both of them were so galing talaga," komento rin ni Miss Caileigh na


mukhang nag-e-enjoy sa panonood sa mga ginagawa ng mga bata dahil
sinasamahan niya rin ng pagpalakpak.

Tahimik naman si bossing sa isang tabi habang may ngiti sa mga labi.
Kakababa lang niya ng selpon at paniguradong kumontak na siya ng mga
tauhan na maglilinis ng mga labi n'ong babae at lalaki.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nang lahat sila ay mayroon ng sari-sariling kuwarto ay awtomatiko kaming


napalingon kay bossing para sa signal.

Signal para i-send na sa mga bata ang sunod na klu na magagamit nila para
malaman kung sino ang target nila.

Isang tango lang ang binigay ni bossing pero nakuha namin iyon agad. At
dahil nandito naman si Lee ay siya na ang gumawa n'on.

Nakatutok ang paningin niya sa harap ng laptap habang nagtitipa ng kowds


doon para ma-send ang mesejs sa mga bata gamit ang isang anown namber.

Pagkatapos na pagkatapos pindutin ni Lee ang enter ay siya namang


tunugan ng mga selpong hawak ng mga bata.

Ay min, iyong selpon lang pala ng ibang bata dahil sa tingin ko'y nag-
saylent iyong iba.

SMS from Unknown: Businessman.

"Businessman? What is this? Is this supposed to be the first clue?"


tanong ni Duchess nang mabasa ang mensahe. Tinigil pa niya saglit ang
pag-aayos ng mga gamit nila sa loob ng hotel para mag-isip at sabihan ang
mga kasama.

"Really? I haven't checked my phone yet. Ano ba ang sabi?" rinig naming
tanong ni Raven sa kaniya. Nang humarap sa kaniya si Duchess ay nakita
namin siyang mabilis na inilabas ang laptap na mukhang hiniram pa niya sa
prantdes ng hotel na tinutuluyan nila.
Wala naman kasi siyang bitbit kanina, eh.

"It's just the word businessman," sagot naman sa kanya ni Duchess.


Tumango lang si Raven at nagtipa na sa kaniyang laptap. Mukhang
maghahanap na ng mga inpormeyshon na makakatulong sa grupo nila.

Napailing naman ako. Tama sila na isang klu ang salitang 'bisnesman' pero
mali sila ng akala na iyon ang unang klu. Hindi pa rin nila nari-riyalays
hanggang ngayon na iyong perang binigay sa kanila ay ang pinakaunang
klu.

"Now that we know the first clue, Raven will begin digging to obtain
information," sabi ni Trigger. Kasunod niyang pumasok sina Grayson,
Kayden, at Lindsay sa kuwarto kung nasaan sina Raven at Duchess. "While
I, Grayson, and Kayden will get something to eat."

Tumango naman iyong dalawa.

"Purchase enough food to last a week para hindi tayo pabalik-balik,"


suhestiyon ni Lindsay na sinang-ayunan din agad ng mga kasamahan niya.

"Yeah, this allows us to concentrate on finding our target," sabi pa ng


panganay ko.

Nag-uusap-usap na sila ulit sa mga hakbang na sa tingin nila ay makabubuti


para sa grupo nila at para mas mapadali ang mishon nila kaya napa-gud jab
na lang ako sa isip ko dahil sa kaayusan ng grupo nila. Hindi sila
nagkakagulo at higit sa lahat...may pagkakaisa.

Napatingin naman kami sa monitor kung nasaan sina Katana at Amber. Sa


totoo lang, sila ang pinakatahimik pero nakukuha talaga nila ang atensyon
namin. Bigla na lang kasing gumagawa ng mga bagay na hindi namin
inaasahan.

Saylent bat dedli kumbaga.

At kanina pa rin sila nasa loob ng hotel rum na inokupa nila pero hindi
naman nag-uusap.
"Bakit kaya hindi nagpapansinan sina Katana at Amber? Nag-away ba
sila?" tanong ni Miss Aemie bigla habang nakatitig sa iskrin.

"Parang hindi naman po, Ate Aemie," kontra ni Shin.

"Baka naman they are just pagod, Aemie-girl. You know naman what they
did kanina just to have their kuwarto for free. Baka they're just regaining
their lakas pa," sabi naman ni Ms. Caileigh.

"Parang hindi, Caileigh, eh. Kinakabahan ako kasi baka nahulog iyong dila
ni Katana habang naglalakad sila kanina tapos hindi lang natin napansin
dahil busy tayo sa panonood sa kanila. Huhuhu. Kaya siguro hindi
nagsasalita ang anak ko. Kawawa naman," naiiyak nang sabi ni Ms. Aemie.

Nagkatinginan naman kami n'ong mga gago at sabay-sabay ring nag-iwas


ng tingin dahil siguradong mayayari kami kapag tinuloy pa namin ang mga
tawa namin.

Hinayaan ko na lang si Ms. Aemie na kulitin si bossing at tinutok ko na


lang ulit ang paningin sa iskrin at pinanood na ang grup tri.

"Kuya Cody, ambag mo po sa hotel room," habol ni Emerald kay Cody na


palabas ng pinto

Petengene! Saan na naman ba pupunta ang batang 'to at kakarating lang ay


aalis na naman.

"Azure, tara na!" sigaw ni Cody habang inaabot ang ilang pirasong perang
papel kay Emerald.

Tumatakbong lumabas naman si Azure sa pinanggalingang kuwarto nang


marinig ang pagtawag ng guwapo kong anak na si Cody.

"Ano 'yon, Cody?" tanong niya habang nag-aabot din ng pera kay Emerald
pang-ambag niya para sa hotel rum.

"Basta tara na!" sabi ng bunso ko at basta na lang hinatak sa braso ang
pinsan na nagpupumiglas naman. Hindi pa tuluyang nakakalapit ang mga
ito sa pinto ay pinigilan na ito ng pinakabata sa kanila.
"Wait po! Saan po kayo pupunta? May clue na pong ibinigay sa 'tin.
Hindi po ba dapat i-research na natin?" tanong ni Emerald. Nakakunot pa
ang noo niya sa dalawang kuya niya na para bang nag-uumpisa pa lang sila
ay istres na istres na sa dalawa.

"Pers dey pa lang naman, Emerald. Tara't mag-mol! Mis ko na mag-


arkeyd, eh," pang-aaya ni Cody sa mga kasama.

"A-ayoko, Cody! May kailangan pa tayong gawin," pagtanggi naman ng


pinsan nitong si Azure. Inagaw niya ang braso sa pinsan at tumakbo palayo
rito.

"Kayo? Ayaw n'yo rin?" tanong ni Cody sa iba. Agad namang umiling ang
batang si Emerald samantalang walang natanggap na respans si Cody sa
iba. "Tsk. Okey payn," sabi niya at lumabas na ng kuwarto.

Hindi naman na siya napigilan ni Emerald kaya hinayaan na lang din niya
iyon at napabuntonghinginga.

"Businessman," sabi ni Duke na kalalabas lang mula sa isang kuwarto.


Umupo siya sa isa sa mga upuan sa rawnd teybol habang hawak ang selpon
niya. Sumunod din sa kaniya ang iba. "Iyon na ba iyong clue?" tanong
niya.

"Obvious ba? Malamang," mataray na sagot naman sa kanya ni Mikaela.


Kanina pa rin kasi niya nabasa ang klu.

Bakit ba laging galit 'tong batang ito?

"Ang highblood mo naman, Mikaela. Hindi iyan nakakaganda, tingnan


mo ako, laging guwapo," puna naman sa kanya ng pinsang si Azure.
Nagpogi sayn pa pero poker peys lang itong tiningnan ni Mikaela at
umiiling na tumalikod.

Tiningnan ko ang iskrin kung saan nakakonekta ang kamera ni Cody.


Kasalukuyan itong naglalakad habang kumakanta.
"Siguro nga, sadyang borbolen tayo," kanta niya kaya naghagalpakan ang
mga kasama ko.

"Borbolen ampota," bulong ni Ms. Amesyl. Umiling siya at tumayo para


lumabas ng kuwarto. Parang dismayadong-dismayado sa kinanta ng bunso
ko.

Petengene! Saan ba kasi naririnig ni Cody ang mga kantang 'yan? Mayayari
ako nito kay Mei, eh.

"Manang-mana sa 'yo iyong anak mo, gago. Parehas kayong may saltik,"
sabi ni Lee habang tumatawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Aba matinde! Sa guwapo kong 'to, may
saltik?

"Lee, kung naiinggit ka sa kagandahang lalaki naming mag-ama ay sabihin


mo lang," sabi ko sa kaniya at tinapik pa sa balikat.

"Sabihin mo lang pero ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensiya


p're, ah? Wala na kasi tayong magagawa r'yan."

"Gago!" Tinulak niya ako palayo sa kaniya at itinuon na lang ang atenshon
sa panonood sa mga bata.

"I think I already know who we are looking for," sabi ni Katana nang
pumasok si Amber sa kuwartong tutulugan nila. Isa lang kasi iyong bedrum
ng hotel rum na inangkin nila kaya kailangan muna nilang mag-sher.

"Duh? Same," pairap na sabi nito at nag-ayos ng damit. Nagsusuot pa siya


ng panibagong set ng alahas.

Mas mahal pa yata iyong mga alahas kaysa sa pera na ibinigay namin sa
kanila.

Pero petengene! Alam na nila?

"It means we have to take no action and wait for the rest of the clues to
make our move. It's gonna be an awfully boring week," reklamo ni
Katana. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni bossing dahil sa sinabi ng
bunso niya.

"True. Kaya naman magsha-shopping muna ako. Dahil bukod sa


nasasayang ang mamahaling oras ko ay mas lalong hindi ko ikinaganda
ang pagtambay rito," sagot naman ni Amber kaya napabalik ang tingin ni
Katana sa kaniya.

"Don't spend the money—"

"I know, heller? Kinuha ko iyong pera ni ate girl. May vault sa kuwarto,
in case need mo rin," putol niya sa sasabihin ni Katana. Maarte pa niyang
hinawi ang buhok niya.

"Okay," sabi ni Katana at umupo na sa kama. Pinanood naman siya ni


Amber na nakataas ang isang kilay.

"Hindi naman sa ini-invite kita dahil hindi naman tayo close pero ayaw
mo bang lumabas?" tanong ni Amber.

"Nah. I want to lie down and sleep." Tinanggal niya ang suot na kamera at
saka nahiga na sa kama.

Umirap lang si Amber bago dinampot ang bag niya at tahimik na lumabas
ng kuwarto nila.

"Watdapak! Paano agad nila nalaman?" eksaheradong tanong ko sa mga


kasama ko pagkatapos nang nasaksihan at narinig.

"P're, nagtaka ka pa ba? Baka anak ko iyong napanood mo kani-kanina


lang," pagyayabang ni Lampe.

"Chill lang kayo. Wala namang binanggit sina Katana at Amber kung sino,
'di ba? Kaya hindi pa tayo sigurado kung tama ang hula nila," sabat naman
ni Boul.

Napatango naman ako dahil may poynt siya. "May utak ka rin minsan,
Bouldado," kompliment ko pero agad na sumama ang mukha ng gago.
"Ulol!"

"But wait, how did Amber know the vault's passcode?" kunot noong tanong
ni Mei.

Nagkibit-balikat naman ang gagong si Lampe. "Alam mo naman, Sis,


natural sa lahi natin ang maging matinik at matalino kaya hindi mo na dapat
pinagtataka iyan."

"Grabe, nandekwat si Amber," komento ni Ms. Aemie kaya napatingin


kami sa kaniya.

"Wengya! Aemie, hindi ah," mabilis na depensa ni Lampe.

"Huh? 'Di ba kapag nangunguha ng hindi sa kanya, panderekwat na 'yon?"


tanong ni Ms. Aemie.

"Woah! Nakaw pa rin ba kahit patay na iyong may-ari?" buwelta naman ng


gagong si Lampe.

"OMG! Oo nga, 'no? Hehe, ang talino mo rin pala minsan, Kaizer. Patay na
nga pala iyong may-ari kaya pamana na 'yon kina Amber at Katana dahil
mukha namang wala sila ibang kasama sa buhay." Pamana, ampupu!

"Nag-usap pa ang parehong tanga," bulong ni Ms. Amesyl kaya ibinalik ko


na ang tingin ko sa iskrin.

"Hoy, bata! Gusto mo rin bang maglaro?" tanong ni Cody sa isang batang
nadaanan niyang nasa tapat lang ng entrans ng arkeyd. Bahagyang nagulat
sa kaniya iyong bata pero ilang saglit pa ay tumango ito bilang tugon.

"Yown! Tara, sama ka sa akin."

Niyaya ni Cody iyong bata sa loob at bumili ng napakaraming token gamit


ang eytiem card niya. Hindi rin nagtagal ay nag-uumpisa nang maghasik ng
lagim sa mga mashin sa arkeyd.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at inilipat ang paningin sa ibang mga bata.
Kakauwi lang nina Kayden, Trigger, at Grayson bitbit ang ilang pirasong
peyper bag na siguradong naglalaman ng pagkain nila para sa isang linggo.

"Hindi namin alam kung tama ba iyong mga nabili namin pero kumuha
kami ng tig-dalawang kilo bawat klase ng baboy, manok, at mga seafoods.
May mga gulay din d'yan. Tapos snacks," paliwanag ni Grayson tapos ay
umalis na siya sa kusina.

Agad na lumapit sina Duchess at Lindsay at isa-isang nilabas ang mga


pinamili para maisalansan sa mga kabinet nang maayos. Parehas silang
hindi marunong sa pagluluto pero kapwa nagkasundo na manonood na lang
ng mga Yuchub bijos at magbabasa ng resipi buks.

Habang abala iyong dalawang batang babae sa maliit na kusina ng hotel


rum nila ay abala naman sina Trigger, Kayden, at Grayson na manood kay
Raven na hanggang ngayon ay nangangalap pa ng impormasyon ng iba't
ibang mga bisnesman.

Nagtanong pa nga si Trigger kung may makikita bang dark depinishon ng


bisnesman si Raven sa internet kaya natawa kami.

Masyadong sigurista 'tong anak ni bossing. Mana sa akin pero hindi ko na


lang sasabihin dahil gusto ko pang mamuhay nang matagal-tagal.

"Sa ganda kong 'to, siguradong mas gaganda pa 'tong hikaw na 'to
kapag sinuot ko," sabi ni Amber habang tinitingnan sa salamin ang suot
niyang hikaw. Nasa isang hay end na jiwelri shap siya at namimili ng mga
alahas. Nagtataka pa ngang nakatingin sa kaniya iyong mga seylsleydi dahil
siguro sa edad niya ay marunong na siyang mag-shaping mag-isa. Marami-
rami na rin kasi iyong mga peyper bag na bitbit niya.

Sinubukan ko ngang basahin iyong mga brand neym pero hindi ko na lang
tinuloy dahil masama nga pa lang nai-istres ang guwapo.

"Labas nga muna ako," paalam ko sabay tayo mula sa pagkakaupo ko.
Napatingin sa akin si Lampe kaya nginisian ko agad siya. "H'wag mo ko
masyadong ma-miss, Baby Lampe. Maglalabing-labing tayo pagbalik ko."
Nag-plagying kis ako kay Lampe bago tuluyang lumabas ng kontrol rum.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nang makalabas ako ay sumandal ako sa pader at inilabas ang dala kong
kaha ng sigarilyo at isang layter. Kumuha ako ng isa istik at sinindihan
iyon.

"Lerwick," tawag sa 'kin ng maganda kong asawa. Sumunod pala siya sa


akin kaya inalok ko siya ng siya ng sigarilyo na agad niya tamang
tinanggap.

"What are you doing here?" Tumingin naman ako sa kanya at tumingin sa
malapit nang lumubog na araw.

"Wala naman. Tamang yosi habang katabi ka," sabi ko at nilabas ang kiler
ismayl ko.

Inirapan naman niya ako at tinanaw rin ang kalangitan. Tahimik lang
naming pinagmamasdan at pinapanood na magbago ang kulay n'on. Mula sa
oreynj ay unti-unting nagiging bayolet.

"Mukhang nag-e-enjoy iyong mga bata sa ginagawa nila kahit na


nahihirapan," sabi ko para naman magka-tapik kaming mag-asawa.

Tumango si Mei at binuga muna ang usok bago magsalita, "Yeah, I think
they are enjoying their independence. Not every time they are on their
own."

Dis taym ay tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

Aktuwali ay mayroon talagang mga tauhan na nagbabantay at nagmamasid


lang sa kanila mula sa malayo.
Si bossing ang may pakana noon para lang in keys op super emerjensi ay
may umagapay sa mga bata. Super, it mins na kapag lang malapit na silang
mamatay at hindi na talaga kayang lumaban ay saka lang sila tutulungan.

"They play and learn simultaneously."

Humithit pa ulit si Mei bago binuga ang usok ng sigarilyo niya. Petengene!
Posible bang ma-in lab na naman sa asawa dahil napaka-hat niya kapag
naninigarilyo? Parang ang sarap halikan, eh.

Takte, Lerwick! Asawa mo naman si Mei kaya bakit nagdadalawang-isip ka


pa?

Inubos lang namin ni Mei iyong sigarilyo namin at pumasok na ulit sa loob
para panoorin ulit ang mga bata.

Naabutan kong nasa hotel na si Cody at tahimik lang sa isang gilid at hindi
kumikibo. Maya't maya rin ang kamot sa ulo.

Ampupu! Nagkakuto na ba si Cody?

"Kuya Cody, let's eat na po. Kuya Azure cooked our dinner," pag-aaya ni
Emerald. Bahagya pa ngang nagulat si Cody at parang kinakabahang
tumango kay Emerald.

Ano kayang nangyari sa batang 'to?

"Tikman ninyo ang masarap kong luto, pero mas masarap ako," sabi ni
Azure at hinain ang nilutong ulam. Bilib din talaga ako sa mga anak ni Miss
Amesyl at ng gagong si Lampe dahil sa murang edad nila ay marunong na
sila sa mga gawaing bahay.

Agad namang nagsikuha ang mga bata ng pagkain. Si Cody ang pinakahuli
dahil babanat pa yata.

"Oy! Azure, mukhang masarap..." Tumigil ito sa pagsandok ng ulam at


tumingin kay Azure. "..ako."

Napahinto sa pagkain ang mga bata at masama ang tingin sa bunso ko.
"Alam mo, Cody, kung ayaw mong kumain, hayaan mo kaming kumain,"
sabi ni Duke at tumayo. Kinuha niya ang plato niya at pumunta sa may sala.
Nagsunuran din sa kaniya ang ibang bata maliban kay Azure na nakatingin
pa rin kay Cody.

Kamot ni Cody ang ulo niya nang umupo ito sa upuan at matamlay na
inihiga ang ulo sa ibabaw ng lamesa.

"Anong problema, Cody?" konsernd na tanong ni Azure.

"Bukod sa pagiging guwapo ko araw-araw, Azure...paano sasabihin sa


kasama natin na naubos ko na iyong wan handred tawsan?"
problemadong saad ni Cody.

Nagulat naman si Azure na kumakain. Nabilaukan tuloy siya kaya mabilis


na inabutan ni Cody ng tubig at tinapik-tapik sa likod.

Petengene! Kahit yata ako ay nasamid sa sariling laway ko. Anong nangyari
sa pera ni Cody?

Nagtataka akong tumingin kay Mei na nakakunot na rin ang noo ngayon
habang inaabangan ang pag-uusap n'ong magpinsan.

"Wengya! Anong ginawa mo, Cody? Saan mo dinala iyong pera?"


natatarantang tanong ni Azure.

"Kasi, Azure! Kanina habang pauwi ako ang dami kong nakasalubong
na bata sa kalye tapos nanghihingi ng dala kong pagkain. Eh, pagkain ko
iyon kaya hindi ko binigay. Pero sadyang keyring at totpul ako. At hindi
ko talaga matiis na lagpasan na lang sila, e di nilibre ko na lang sila sa
pas pud na nadaanan namin. Tapos 'di ko naman alam na isang batalyon
sila. Tapos may mga magulang pa sila. Ayoko naman silang paalisin na
lang kaya binilhan ko silang lahat ng pagkain. Tapos nagbigay rin ako ng
pera para may pangkain pa sila sa mga susunod na araw...baka kasi
hindi na ako makadaan ulit doon," kamot-ulong paliwanag ni Cody at
napabuntonghininga pa.
Tumayo na siya at iniwan ang pinsan niyang hindi pa maipaliwanag ang
ekspresyon ng mukha habang pinapanood ang pinsan na pumasok sa
kuwarto nila.

"Petengene! Mei, iyong anak natin. Wala nang pera!" nag-aalala kong sabi.

Pero dip insayd ay natutuwa ako sa ginawa ng anak ko. Ampupu! Imajin
pinakain niya iyong mga taong nasa kalye? Gud samaritan ang anak ko, ma
men!

"He spent the money helping others. There's nothing bad about that, and I'm
proud of him. Pero iyong ubusin niya hanggang sa wala nang matira sa
kaniya is a no," sagot ni Mei.

Agri. Dapat talaga kapag nagbibigay ay iyong sapat lang at may natitira pa
sa 'yo. Tsk! Mukhang kailangan naming makausap si Cody tungkol sa
bagay na iyon, ah.

"Katana, hindi mo ikinaganda ang pagiging batugan," dinig kong sabi ni


Amber kaya napatingin ako sa iskrin kung nasaan sila. Kakapasok lang niya
ng kuwarto nila at padabog na sinara ang pinto.

Napabalikwas tuloy ng bangon si Katana at naalarmang tumingin sa paligid


pero nang makitang si Amber lang iyon ay sinamaan niya ito ng tingin.

"What's your problem?" badtrip na tanong ni Katana. Pft! Parang mini mi


ni bossing kapag naba-badtrip, ah.

"Disclaimer lang, hindi kita pinasalubungan, ah. Mukhang may matitira


kasing pagkain sa binili ko at wala ako makitang asong ligaw na
p'wedeng mapagbigyan mamaya pagkatapos kong kumain kaya tulungan
mo na lang akong ubusin 'yon," sabi ni Amber at tumalikod na para
lumabas ng kuwarto.

Ilang segundo namang natulala si Katana. Parang pinoproseso pa sa utak


iyong mga sinabi ni Amber bago nagkusot ng mga mata at padabog ding
lumabas ng kuwarto.
Dumeretso siya sa kusina kung saan niya naabutan si Amber na nagsisimula
nang kumain ng inoder na pagkain.

"You know, it tastes great," komento ni Katana at sumandok pa ulit ng


ulam.

"Heller? S'yempre, hindi naman papasa 'yan sa panlasa ko kung hindi


masarap," sagot naman ni Amber at ipinagpatuloy na ang pagkain.

"Oh, anong tinitingin-tingin mo r'yan, unggoy?" masungit na tanong ni


Miss Amesyl sa asawa niya abot-tainga ang ngiti ngayon habang nakatingin
sa kanya.

Nagtaas-baba ang mga kilay ng gagong si Lampe at akmang yayakap sa


asawa nang umamba naman itong susuntukin siya.

"Babylabs naman, eh. Gusto ko lang naman sabihing...sa 'yo talaga


nagmana ang anak nating si Amber ng kabutihan ng puso," sabi ni Lampe.

"Umayos ka, unggoy. Hindi ka nakakatuwa," sagot ni Ms. Amesyl at


muling nag-pokus sa panonood. Ganoon din naman ang ginawa namin
hanggang sa nakita naming nagsitulugan na ang mga bata kaya nagpahinga
na rin kami.

- Day 2 -

SMS from Bossing: Pick up the jewelries and weapons at this address.
That ought to be the next clue.

Umagang-umaga pa lang ay mayroon na agad nagte-teks sa akin. Tsk! Iba


talaga ang karisma ng isang Sebastian Lerwick, eh. Pati si bossing ako pa
ang inunang i-mesej imbis na si Ms. Aemie.

Naka-atats pa sa meseds iyong adres ng pagkukunan ko n'ong mga


gagamitin daw para sa klus.

SMS to Bossing:

Areglado, Bossing! Gud morning nga pala, Bossing!


Nagmamahal,

Guwapong Sebastian Lerwick at yor serbis

Nang makapag-reply ako ay sumilip ako sa bintana at nakitang madilim pa.


Ampupu! Sobrang aga pa pala. Pagbaling ko naman sa tabi ko ay wala na si
Mei roon.

Maaga kasi siyang gumigising para magluto ng almusal kaya bumangon na


agad ako't nag-preshen ap tapos ay bumaba na ako para makita ang asawa
ko at nang makumpleto na kaagad ang araw niya.

"Mei?" tawag ko nang makababa.

"Lerwick, come here, let's eat," sabi niya mula sa kusina. Nakangiti naman
akong pumunta roon para sabayan ng kain ang asawa ko.

Naamoy ko ang bango ng niluto ni Mei kaya naman umupo ako kaagad sa
tabi niya.

"What hint shall we send today for the children?" tanong niya habang
sinasandukan ako ng kanin.

"Jiwelris ang sabi ni Bossing. Ihahatid ko na sa kanila pagkatapos nating


kumain," sagot ko. Tumango lang siya at tinapos ang pagsasandok saka
kami nag-umpisang kumain.

"Hay! Trapik!" reklamo ko habang hinihintay na mag-grin ang ilaw ng istap


layt. Napaka-trapik talaga sa Pilipins.

Idagdag pa ang katotohanang nandito ang inyong guwapong lingkod sa


kalye na 'to kaya mas pinipili nilang dito na rin dumaan para masilayan ang
kaguwapuhan kahit ng kotse ko lang. Hindi naman kasi nila ako makikita
dahil tinted ang mga salamin ng kotse ko.

At dahil bord na bord na ako ay binuksan ko ang rajo para makinig muna sa
myusik.
"Hambog ng sagpro kru," sabay ko sa pag-chant nila sa band neym nila.
Kung ano-ano kasi ang pinagda-dawnlowd na kanta ni Cody rito kaya puro
ganoon na rin ang kinakanta ko. Iyon daw kasi ang uso kaya naman
pinabayaan ko na lang dahil hindi naman ako makakapayag na mapag-
iwanan ang isang Sebastian Lerwick sa uso.

Pagkatapos ng ilang kanta ay saka pa lang umusad ang mga sasakyan. Sa


wakas!

Nang makarating ako sa adres kung saan kukunin ang mga alahas at baril na
sinend ni bossing ay may lumapit sa akin na isang dalagita. Sa tingin ko ay
hindi nalalayo ang edad nito kay Kayden. Nakalahad ang mga kamay
nitong may sampagita at lata.

"Kuya, bili na po kayong sampaguita, pangkain lang po. Sige na po. Wala
pa po kaming kinakain ng anak ko," pagmamakaawa niya. Gulat naman
akong napatingin sa kaniya at sa likod niya. Nandoon iyong sinasabi niyang
anak niya at nakakasabit sa tela na nagmistulang beybi keriyer dahil iyon
ang nakapulupot sa katawan niya.

"Anak mo 'yan?" Tumango naman ito.

Petengene! Kaya pala ober populeshon ang Pilipins, may mga kids na
maagang nag-aasawa. Ampupu!

Napailing ako bago kinuha ang pitaka sa bulsa ko at inabutan ng tu tawsan


ang dalagita. "Oh, ito pangkain at panggatas ng anak mo," sabi ko.

Naiiyak niyang tinanggap ang pera at nagpasalamat. Gusto niya pa nga


akong bigyan ng samapagita pero tinanggihan ko na lang at sinabing ibenta
sa iba para kumita pa rin siya kahit papaano. Basta ang mahalaga naman ay
nakatulong ako at...guwapo ako.

Kahit ang totoo niyan ay wala nang laman ang walet ko dahil tu tawsan
lang naman ang laman n'on.
Lumakad na siya palayo. Inilagay pa niya ang bata sa harap at masaya
niyang nilaro habang naglalakad.

Pinagmamasdan ko lang silang mag-ina hanggang sa tuluyan na silang


mawala sa paningin ko. Napailing naman ako. Kailangan na talagang mas
mabatayan ang mga bata ngayon.

Tumuloy na ako sa tunay na destineshon ko. Isa 'tong istoreyj pleys kung
saan p'wedeng magtago ng kung ano-anong mga bagay na wala nang
mapaglagyan sa bahay. Bat in dis keys, puro mga gamit o bagay na may
konekshon lang sa mapya ang mga maaari mong ilagay rito. Kailangan mo
pang magpa-member at pumirma sa sandamakmak na diskloshur agriment
bago ka makapagtambak.

"Gud morning, miss byutipul," bati ko babaeng nasa meyn des. "Ah...tu da
istoreyj rum op—"

"Mr. Sebastian Lerwick, right ?" tanong niya kaya kahit nagulat ay tumango
ako.

Takte! Paano niya nalaman iyon? Grabe, Lerwick. Iba talaga ang karisma
mo sa chiks.

Sinabi niya sa akin na naitawag na ni bossing ang pagpunta ko rito kaya


naging madali sa akin ang makapasok. Inabutan niya ako ng isang susi at
sinabi kung pang-ilang palapag at kung ano ang namber ng istoreyj rum ni
bossing.

Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap at nang mabuksan ko iyon ay


bumulaga sa akin ang sandamakmak na gans, amos, greneyds, plasbam, at
mga alahas.

Mabuti na lang at naka-indikeyt kung alin roon ang dapat kong kunin kaya
hindi ako nahirapang kuhanin. Inilagay ko iyon sa bag na ibinigay din pala
n'ong babae kanina at umalis na roon.
SMS to Bossing: Bossing, nakuha ko na. Sus, napaka-isi lang naman pala.
Wala na bang mas mahirap, Boss?

Inayos ko ang pagkakalagay sa baksit n'ong mga alahas at baril na para sa


mga bata habang hinihintay ang replay ni bossing.

Saktong pagkaupo ko sa draybers sit ay tumunog ang selpon ko.

SMS from Bossing: Drop the jewelries on where they are staying. Don't let
them see you. Bring the guns to the headquarters for the meantime.

SMS to Bossing: Areglado!

Pinaandar ko na ang kotse kong kasing-angas ng nagmamaneho sa kaniya at


unang pinuntahan ang hotel nina Cody dahil kanila ang pinakamalapit. As
yuswal, trapik na naman pero seyp at guwapo pa rin akong nakarating.

Dahil napapanood ko sila ay alam ko kung ano ang rum namber nila.
Maingat akong naglakad sa holwey at inilapag ang baks na may mga alahas
sa tapat ng pinto. Pagkatapos ay nag-dorbel ako at mabilis na nagtago sa
pinakamalapit na pader. Nakasilip ako habang pinapanood na bumukas ang
pinto at nakitang lumabas doon si Caliber.

Kinuha niya iyong baks at tiningnan ang laman bago pumasok ulit sa loob
kaya umalis na ako.

Palabas na sana ako ng hotel nila nang makita kong papasok ng entrans sina
Azure at Cody. Mabilis akong tumalikod at parang walang nangyaring
lumapit sa may prantdesk at kunwaring nagtitingin ng mga promo nila roon.
Mula sa periperal bishon ko ay nakita kong sumakay na iyong dalawa ng
elebeytor kaya nakahinga ako nang maluwag at tuluyan nang umalis doon.

Sunod kong pinuntahan ay ang hotel na tinutuluyan ng grup tu. Tulad ng


ginawa ko sa unang grupo ay inilapag ko lang iyon sa tapat ng pinto at nag-
dorbel tapos ay nagtago. Pero mga ilang minuto na ang nakalipas ay wala
pa ring lumalabas.
"Tulog ba sila? Tsk!"

Tumingin ako sa relo ko at nakitang tanghali na pala. Petengene! Malamang


ay tulog ang mga iyon o nagpapahinga katulad ng ginagawa ng ibang bata
kapag ganitong oras.

Kinuha ko ulit iyong baks at naglakad-lakad hanggang sa may nakita akong


hawskiper. Sinundan ko siya hanggang sa makarating sa hawskiping rum.

"Kung ako sa 'yo, p're, hindi na lang ako gagalaw," pananakot ko sa kaniya
at tinutok ang baril sa batok niya. Naramdaman ko agad ang takot at
panginginig niya kaya napangisi ako. "Hubad."

"P-po?"

"Hubad!" mas malakas na sabi ko kaya kahit nanginginig ay pinilit niyang


mahubad ang yuniporm niya. Nang maibigay niya sa akin iyon ay ngumiti
ako at inihampas ko ang puwitan ng baril sa batok niya para mawalan siya
ng malay. "Tulog ka muna saglit, p're," sabi ko at isinuot ang yuniporm
niya.

Kinuha ko rin ang klining kart niya at sumisipol na naglakad sa holwey


habang tulak ito. Nang makarating ako sa tapat ng kuwarto nina Kayden ay
walang kahirap-hirap kong sinuwayp ang master ki kard na kinuha ko rin sa
hawskiper kanina.

Tahimik sa paligid at walang tao sa may sala. Siguradong nandoon pa ang


mga bata sa mga kuwarto nila at natutulog. Kinuha ko naman iyong baks at
nilapag sa senter teybol.

Palabas na sana ako ng hotel rum nang biglang may bumukas na pinto sa
likuran ko. Syet!

"Are you from the housekeeping?" boses iyon ng anak ni Strife kaya
napapikit ako. Hindi ako lumingon at nanatiling nakaharap sa pinto.

"O-opo, Sir," sagot ko. Pinalaki ko pa ang boses para hindi niya ako
makilala.

"Oh, okay. Thank you. We appreciate the cleaning," sabi niya at nagdere-
deretso ng lakad sa kung saan. Nang bahagya akong lumingon ay nakita ko
siyang nakatalikod at kumukuha ng tubig sa prijider kaya bago pa man siya
makalingon sa gawi ko ay lumabas na ako sa kuwarto nila.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Dahil masyado nang maraming oras ang nasasayang na oras ay nagmadali


na akong pumunta sa pinakahuling grupo na pupuntahan ko, ang grup wan.
Wits is pinakamahirap dahil nasa eksekyutib suwit sila. Nasa pinakataas na
plor pa at nasisiguro kong mahirap makapagtago agad doon dahil iilan lang
ang kuwarto roon. Mining, kaunti ang mga pader na mapagtataguan.

Takte! Bahala na. Naglalakad ako papunta sa kanilang hotel rum at nakita
kong palabas iyong anak ni Lampe ay awtomatiko akong nag-bak awt.
Dumeretso ako sa emerjensi payr eksit dahil shur akong sa elebeytor ang
punta n'ong pamangkin kong iyon.

"Shet! Muntikan ka na roon, Lerwick!"

Umupo muna ako sa mga baitang ng hagdan para huminga at mag-isip ng


paraan kung papaano ko maiibigay 'tong mga jiwelri.

Napatingin ulit ako sa relo ko. Hapon na pala pero takte! Hindi pa ako
nanananghalian.

Napakamot ako ng ulo at dahan-dahang lumabas sa payr eksit. Siniguro ko


munang mag-isa lang ako nang sumakay ako sa elebeytor at nagpahatid sa
grawndplor.

May nakita akong restoran dito kanina kaya kakain muna ako habang nag-
iisip ng paraan kung papaano ko maibibigay kina Amber at Katana iyong
baks.

Umupo ako sa pang-isahang mesa na nasa pinakasulok at saka ko tinawag


ang weyter. Umorder ako ng mga pagkaing sa tingin ko ay mabubusog ako
at nang mailista niya lahat iyon ay nagpaalam siyang ihahanda lang daw
muna at ise-serb in a wayl.

Sana naman ay bilisan nila dahil may nagwawala na talaga si sikmura ko.

Naglilibot lang ang paningin ko sa mga taong nandirito rin ngayon sa


restoran at kumakain. Syur akong mga mayayaman din ang nandito dahil sa
klase ng pananamit nila. Sangkaterba rin ang mga nagkikislapang mga
alahas sa katawan nila.

Maya-maya ay nabaling ang paningin ko sa isang batang may bitbit na


namang mga peyper bag sa kamay niya na papasok sa restoran.

Putapete! Si Amber.

Mabilis kong dinampot ang menu at nagkunwaring nagtitingin doon para


itago ang mukha ko. Bahagya ko lang iyong binaba, sapat lang para
mapanood at masilip si Amber sa mga ginagawa niya.

Umupo rin siya sa pag-isahang mesa. Iyong nasa gitna. Wala siyang
pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga mas nakatatanda sa kaniya dahil
sa pagtataka kung anong ginagawa ng isang bata rito nang mag-isa. Tinaas
niya ang kamay niya upang tumawag ng weyter.

Sakto naman ang pagdating ng mga inorder ko kaya saglit na nawala ang
paningin ko sa kaniya.

"Here's your order, Sir," sabi n'ong weyter habang isa-isang nilalagay ang
mga plato sa lamesa ko na may mga isteynles na takip pa at sunud-sunod na
tinanggal iyon sa harap ko.

Napatitig tuloy ako sa weyter.

Iyong takip. May kalakihan iyon at kayang itago iyong baks na kailangan
kong maibigay kay Amber ngayon. Syet! Wat a greyt aydiya, Sebastian
'pinakaguwapo' Lerwick!
"Ah, eksyus mi," pagtawag ko sa attention ng weyter sa harap ko.

"Yes po, Sir?"

"Kailangan ko ng tulong mo," sabi ko at alanganing ngumiti sa kaniya para


mas mapaniwala siya. Ampupu! Hindi ako naniniwalang may akting iskils
ako pero dahil walang imposible sa guwapo ay susubukan ko.

"Ano po?"

"Ah—kasi iyong pamangkin ko...bertdey niya ngayon tapos may regalo ako
sa kaniya pero hindi ko maibigay dahil hindi niya alam na nandito ako.
P'wede bang..." Nagkunwari akong nalungkot at huminga nang malalim
habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.

"P'wede bang ikaw ang mag-serb ng pagkain niya para ikaw ang magbigay
sa kaniya nito? Tapos para mas ma-surprays siya ay itago mo sa plato at
takpan katulad n'ong ginagawa sa mga pagkain at hayaan mo na siya ang
magbukas n'on," pagpapaliwaag ko.

Wala na akong ibang maisip na paraan para maibigay kina Amber at Katana
ang baks. Kailangan na nilang makita iyon para maging klu at mas
mapagtibay nila kung tama man ang pinaghihinalaan nilang target.

"Oh...kay po, Sir." Dahan-dahang tumango ang weyter habang sinasabi iyon
kaya nakahinga ako nang maluwag. "Nasaan po ba ang pamangkin mo?"

Ngumiti ako at hinanap ng mata si Amber na abala sa pagdutdot sa selpon


niya habang naghihintay ng pagkain niya.

"Ayon, oh. Iyong magandang bata na nasa gitna," turo ko kay Amber na
agad namang nakita n'ong weyter.

"Okay po, Sir," sabi pa niya. Kinuha na niya iyong baks at akmang aalis na
nang may maalala ako. Ampotek!
"Ay teka! Shet," pigil ko sa kaniya. Nahawakan ko pa siya sa braso pero
mabilis ko ring binitawan dahil sa kilabot na naramdaman. Ampupu!

Ngumiti ako at kinuha ang isang eytiem. Wala na kasi akong perang natira
dahil ibinigay ko na sa batang babaeng nagtitinda ng sampagita kanina kung
kaya't itong eytiem ko na lang. Ekstra eytiem lang naman ito na hindi rin
nakapangalan sa akin, in keys op emerjensi lang.

"Muntik ko nang makalimutan. Ha-ha. Hindi mo p'wedeng sabihin sa


kaniya na sa tito niya iyan nanggaling. Okey lang ba?" tanong ko at
pasimpleng inabot sa kaniya iyong eytiem ko.

Nanlalaki pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngayon na para bang
tinatanong kung seryoso ako sa ginagawa ko na sinagot ko na lang ng isang
simpleng tango at nagsimula nang kumain.

"Noted, Sir," sabi niya at mabilis na umalis sa harap ko.

Habang inuubos ko ang pagkain ko ay nakita ko nang lumapit iyong weyter


sa gilid ni Amber. Pasimple pa ngang sumulyap sa akin iyong weyter na
para bang sinasabing ayos na ang lahat kaya tumango ako at nanood. Buti
na lang ay bahagyang naka-saydbyu sa akin si Amber kaya hindi niya
talaga ako makikita anles lumingon talaga siya sa gawi ko.

Isa-isang inilapag ng weyter ang mga putaheng inorder ni Amber at isa-


isang tinanggal ang takip n'on maliban sa isa. Pagkatapos ay nagpaalam na
siya kay Amber na nagsimula na ngayong kumain. Mukhang hindi niya
agad napansin na may nakaligtaang tanggalan ng takip iyong weyter pero
maya-maya ay napatingin siya roon.

Nagpalinga-linga pa siya na para bang may hinahanap at saka umirap. Nang


makita ko ay iyong weyter pala iyong inirapan niya. Pfft!

Inangat ni Amber iyong takip at agad na nangunot ang noo nang makitang
hindi pagkain ang laman n'on. Mabilis ulit siyang tumingin sa weyter na
nakangiti na sa kaniya ngayon. Kinuha niya iyong baks at binuksan nang
kaunti. Nang masilip niya ang laman n'on ay basta na lang siya tumayo.

Tumawag siya ng weyter at sinabing pakidala na lang ng pagkain sa hotel


rum nila at nagmamadaling umalis ng restawran.

Yes! Mishon saksespul!

Magdadapit-hapon na noong makarating ako sa hedkuwarters. Halos buong


araw akong hindi nakapanood ng ginagawa ng mga bata kaya siguradong
akong marami akong hindi nakita o napanood na ginawa nila ngayong araw.
'Di bale, may mamayang gabi pa naman.

Utos kasi ni bossing sa amin na kailangang may naiiwang isang tao rito sa
gabi para magbantay sa mga bata. Baka kasi may gawing kalokohan bigla o
'di kaya ay, huwag naman sana, biglang may umatake sa kanila habang
natutulog. Kaya nagbato-bato-pik kaming apat nina Lee, Lampe, at Boul. Si
Boul ang naging taya kahapon, at ako naman ngayon. Bukas at sa isang
araw ay sina Lampe at Lee naman.

Naabutan kong nagtatawanan iyong tatlong gago habang nakatingin sa


iskrin kaya nakisali agad ako sa kanila. Nandito rin sina Strife, at Lionhart
kasama ang mga asawa nila. Wala naman ang ubod ng ganda kong asawa na
si Mei dahil abala sa trabaho sa kumpanya namin pero hahabol naman daw
siya kung kakayanin.

"Oy! Hindi ninyo man lang ako isinasali r'yan sa katuwan ninyo,"
nagtatampong sabi ko sa kanila. Tumingin naman sila sa 'kin at itinuro ang
iskrin kung saan paulit-ulit na nagpe-pley ang bijo kong nakasuot ng ibang
damit.

"Wengya! Baby Lerwick, hindi mo man lang sinabi na housekeeper boy ka


na," saad ni Lampe habang humalakhak.
Iyon iyong nagpanggap akong hawskiper para maihatid sa grup tu iyong
baks nila dahil walang nagbukas ng pinto nila noong nag-dorbel ako.

Nag-umpisa iyong bijo clip no'ng lumabas ang ng hotel rum ng mga taga-
grup tu at nagmamadaling bumalik sa istorej rum pero nadulas naman ako.
Ampupu!

Nagtawanan ulit sila nang mapanood iyon kaya naman sumama ang mukha
ko.

"Tangina ninyo!" sigaw ko sa kanila.

Umupo ako sa tabi nila at pinanood ang mga bata sa monitor. Kasalukuyan
nilang iniinspekshon ang mga baks na narisib nila.

Una akong napatingin sa grup tu. Ang kalat kasi ng mesang


pinupuwestuhan nila dahil sa dami ng papel na tinitingnan nila. Siguradong
nandoon iyong mga propayl ng mga bisnesman at mukhang isa-isa nilang
sinusuri ang mga iyon. Pfft!

"I don't get it. I mean, why did they give us jewelries? For what?" takang
tanong ni Lindsay habang kagat-kagat ang hawak na lapis at nakatingin sa
mga alahas na nasa gitna nila.

"The first clue was a businessman and now, jewelries. Is he a


businessman who owns a jewelry store?" Tumingin si Trigger kay Raven
na gamit ang laptop nito ngayon at abala sa pagtipa.

"I think? Well, there are a lot of businessmen who own a jewelry store,"
sabi ni Raven habang nagta-tayp. Pagkatapos ay ipinakita niya agad ang
mga resulta sa mga kagrupo.

"Angas talaga nitong anak ni Strife na si Raven! Manang-mana—"

Magkokomento lang naman sana ako pero biglang tinakpan ni Shin ang
bibig ko at masama ang tingin sa akin.

"Ang pangit mo. Hindi mana sa 'yo ang anak ko," masungit na sabi niya.
"Takte! Ako pangit? Malabo na ba mata mo, Shin?" hindi makapaniwalang
tanong ko.

"Hindi lang malabo, nagdidilim din," sabi niya at ngumiti nang pagkatamis-
tamis peri napalunok ako. Alam kong nagpapanggap lang siyang nakangiti
nang matamis pero may plano na yata talaga siyang tuluyan ako.

Binalik ko na lang tuloy ulit ang paningin sa mga bata.

"Masyadong marami. Bakit hindi mo subukang hanapin iyong may mga


koneksyon sa business din ng pamilya natin?" suhestiyon naman ni
Grayson. Tumango-tango naman si Raven at pumindot na ulit nang
pumindot sa laptap habang tutok na tutok naman ang mga kagrupo niya sa
kaniya.

Medyo matatagalan si Raven sa paghahanap niyan dahil mas maliit na


numero na lang ng tao ang hinahanap niya. Hindi katulad kanina na wayd
ang reynj.

Pero nakakamangha dahil kita ang determinashon ng bata na mahanap ang


mga impormasyong kailangan nila. Ganoon din ang mga kagrupo niyang
nagtitiwala sa kakayahan niya. Nakakatuwa.

"The coordination between them is really something," komento ni


Cassandra.

"Yeah, plus they have such patience for one another. Ni hindi ko pa nga sila
narinig o nakitang magtalo," sagot naman ni Posha.

Habang naghihintay rin sa resulta ng mga hinahanap ni Raven ay inilipat ko


muna ang paningin ko sa grup wan...kina Katana at Amber.

"Maganda sana pero 'di ko type," sabi ni Amber habang nakatingin sa


mga alahas na hawak ni Katana.

Nakaupo sa sopa si Amber habang magkakrus ang mga brasong nanonood


sa tibi habang paminsan-minsang sumusulyap sa kasama.
Si Katana naman ay nakaupo lang sa karpeted plor at sinusuri ang mga
alahas.

"This reminds me of something," sabi ni Katana habang nakangisi.

Petengene! Ayan na naman iyang ngisi na iyan!

Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil doon.


Tsk! Kakaiba talaga ang mga anak talaga ni bossing.

"Duh? Malamang," sarkastikong sabi ni Amber. Umirap pa siya na para


bang nakikita iyon ni Katana.

Ay wander kung sino ang nasa isip nitong dalawang 'to...

"Guys, listen! Maybe this is the business of that person we're looking
for." Ang malakas at ubos na ang pansenshang boses ni Caliber ang
pumukaw sa atenshon ko kaya napatingin ako sa kaniya at sa mga kagrupo
niya.

Ang sinabi niyang iyon ang nagpatahimik sa mga kagrupo niyang may
kaniya-kaniyang pinag-uusapan at pinag-aawayan.

"Hala! Ang galing mo talaga, Baby Caliber!" masayang sabi ni Emerald


at yumakap kay Caliber na agad din naman siyang itinulak palayo.

"Hey! Will you stop? We're in the middle of discussion, can't you see?"
masungit na sabi pa ng anak ni Bossing.

"OMG! Sorry, Baby Caliber. Gusto mo talaga na focused ako palagi sa


'yo, 'no? Hehe, don't worry, I'll focus na," sabi niya at humagikgik. Pilit
pa niyang inilapit ang upuan niya kay Caliber para mas magkatabi sila.

Takte. May problema ba 'tong anak ni Blad?

"Ganito iyong mga tipo ni Twin Sis, eh," sabi ni Azure habang tinitingnan
ang mga alahas. Napatingin tuloy si Cody sa pinsan.
"Talaga? Gusto ito ni insan? Magkano ba ang halaga nito?" usisa naman
ng bunso namin ni Mei na si Cody at mas inilapit pa ang mukha niya sa
alahas.

Petengene! Iba ang kutob ko rito sa tanong ng bunso ko, ah.

"Judging by the look of these, these hve the same brand my Momsie buys
po. I'm guessing it's around 2 million each po," sagot ni Emerald.

Nanlaki naman ang mata ng anak ko at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa


alahas at kay Emerald.

"Ang mahal pala nito! Ano bang gagawin natin dito? Ibebenta ba
natin?" tanong pa ni Cody.

Napahilot naman sa sentido si Caliber dahil mukhang hindi siya


pinakinggan ng anak ko nang i-anawns niya ang hinuha niya tungkol sa
mga alahas.

"Hindi ka ba nakikinig, Cody? 'Di ba sinabi na ni Caliber na sa tingin


niya ay jewelries ang business ng taong hinahanap natin," iritableng
sagot ni Mikaela.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Azure at mabilis na pinigilan ang kamay ni


Cody na dumudukot ng alahas sa baks. "Kaya huwag mo nang tangkaing
suotin 'yan, Cody. Hindi naman babagay sa 'yo," sabi pa niya.

Hindi naman siya pinansin ni Cody at ipinagpatuloy ang pagkuha ng mga


alahas. Sinuot niya ang mga iyon sa sarili niya bago humarap sa salamin at
isinuot din ang sheyds na may mga ginto at silber sa paligid.

"Ang guwapo ko talaga," puri nito sa sarili bago nag-pows sa harap ng


salamin na akala mo naman may kamera.

"Agri," sabi ko at naramdaman ko kaagad ang pagbatok sa akin. "Hoy,


gago!" sigaw ko kay Lee na biglang tumakbo palayo.

"Ang kulit talaga," sabi ni Azure na parang sumusuko na sa ginagawa ng


pinsan niya.
"Hoy, Cody. Ibalik mo na nga," saway naman ni Duke kaya napilitan si
Cody na ibalik ang mga iyon.

"Kapag...kapag ba hindi natin nagamit 'to, puwedeng sa akin na lang?"


inosenteng tanong ni Cody habang isa-isang inaalis ang mga alahas sa
katawan niya. Malungkot pa siya kada binibitawan iyon at nilalagay sa baks
na para bang inagawan ng kendi

Napailing na lang ako sa pinapakita ng anak ko.

Hindi ko kasi maintindihan kung aanhin niya ba ang mga ganiyang alahas
eh sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya kailangan ang mga iyan
dahil sapat na ang pagiging guwapo niya.

Tsk! May chenj of hart pala ang anak ko tapos hindi man lang ako
ininporm? Ako na namber wan suporter niya? Ay pelt hert!

"We have 3 targets," anunsiyo ni Raven kaya nabaling ulit ang atenshon ko
sa kaniya.

"Tch! Ipa-mentor mo sa akin 'yang anak mo, Strife. May igagaling pa iyan
kapag naturuan," sabi ni Lee. Nakatingin din pala siya kay Raven na
matagumpay nang nahanap iyong mga taong pinapahanap sa kaniya ng mga
kagrupo niya.

"Kung gusto niya," sagot ni Strife.

Nagsilapitan ang mga bata para mabasa ang mga pangalang nakasulat sa
iskrin ng laptap.

"Mr. Castillo, Ms. Atanacio and Mr. Alonzo?" basa ni Duchess.

"It must be one of them, huh?" tanong ni Kayden na sinang-ayunan


naman ng lahat. Tapos ay nagsimula na silang magplano ng mga posibleng
hakbang na gagawin nila kapag dumating pa ang ibang mga klu.

Nakangisi ako habang pinapanood ang mga bata. Katulad ng mga


kasamahan kong nandito ay naaaliw rin silang panoorin kung paanong mag-
timwork, mag-away, magyabangan, ma-istres, at mag-chil ang mga anak
namin. Pati na rin iyong paraan nila ng pagpaplano kung sino ang lids, saan
mahahanap, paano nila mae-eksekyut ang mga plano nila at iyong iba pa.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Lumipat ang paningin ko sa kabilang monitor kung nasaan iyong dalawang


gerls. Binitawan na ni Katana ang mga alahas na natanggap nila at naupo
rin hindi kalayuan sa tabi ng pamangkin kong si Amber.

"Are you even watching?" tanong ni Katana kay Amber. Bagama't


seryosong nakatingin si Amber ay mas nagmumukha itong tulala. Parang
nakatingin lang sa tibi pero nasa ibang bagay ang pag-iisip.

Baka iniisip iyong anak ni Boul na si Grayson. Pfft!

"Pakialam mo?" taas ang kilay na tanong niya kay Katana na poker peys
lang na nakatingin sa kaniya. Tila ba hindi man lang apekted sa kasungitan
ni Amber.

"You're not watching. All you do is stare at the screen," walang kalatoy-
latoy na sagot naman sa kanya ni Katana.

"And so? Ayaw mo ba n'on, ang suwerte n'ong TV dahil pinag-aaksayan


ko siya ng oras na titigan," rebat ni Amber pero inirapan lang siya ni
Katana.

Kinuha ni Katana iyong remowt na nasa senter teybol habang nagsasalita.


"You're squandering this room's electricity bill. Let me pick a movie,"
sabi niya with paynaliti at nagsimula nang mag-braws ng mga pelikula sa
tibi.

"Heller? As if naman tayo ang magbabayad niyan, duh?" Iniripan ni


Amber si Katana. "Pero erkey fine. Nang malaman natin kung may taste
ka man lang ba kahit sa pagpili ng movie," dugtong niya at inabangan sa
iskrin ang mubing pipiliin si Katana.

Huminto iyong kursor ng ismart tibi sa isang horor mubi. Saglit na


napatingin si Katana kay Amber na tila ba naghihintay kung
magproprotesta ito sa kanya at sabihing huwag iyon ang panoorin nila pero
nang wala naman siyang natanggap na reakshon ay pinley na rin niya.

"Don't you have friends? You're usually by yourself," maya-maya ay


tanong ni Katana pero ang paningin ay nasa tibi pa rin.

Bahagyang nagulat si Amber sa tanong na iyon ni Katana. Saglit siyang


tumingin kay Katana bago ulit binaling ang paningin sa tibi.

"You're usually by yourself din naman pero nakialam ba ako?" masungit


na tanong ni Amber kaya napairap si Katana.

"You don't need to answer my question if you don't feel like it. Why
respond with a question?" tanong ni Katana. Palaban din at matalim ang
mga mata niyang nakatingin kay Amber pero wala namang pakialam iyong
isa.

Lumingon si Amber kay Katana at nagtaas ng kilay. "Nagtatanong ka rin


naman. FYI lang kasi baka hindi ka aware."

Bakit ba ganito mag-usap 'tong mga batang 'to? Parang kinakabahan ako
nang hindi malaman dahil parang nagtatalo na sila kahit na hindi naman
tumataas ang mga boses nila.

"Hoy, 'tol!" tawag ko kay Lampe na nakikinig din pala sa dalawa. "Baka
mag-away," nangangambang sabi ko.

Kumunot naman ang noo ni Lampe at umiling. "Hindi 'yan, p're. Paranoid
ka lang."

Petengene! Ako? Paranoyd? Hindi ah.

"I am fully aware of that. Along with the fact that I don't have friends
either," sabi ni Katana. Siya na rin ang naunang sumagot sa tanong niya
kanina kaya bumaba ang kilay ni Amber.

Nag-pawt pa nang bahagya at saglit na nag-isip. "Hindi sa pagiging


chismosa pero bakit nga ba lagi kang mag-isa? Ikinaganda mo ba?"

Umiling si Katana at naka-pokus na ulit ang paningin niya sa tibi pero


nagsalita pa rin, "I guess they hate being friends with me. And on top of
that, I like being alone."

Napatango-tango naman si Amber sa sinabi ni Katana. "Same."

Maya-maya ay nagulat ako nang may kung anong gumalaw sa tabi ko kaya
napaiwas ako roon pero nakita ko si Mei na naglagay ng pagkain sa harapan
ko. Petengene! Akala ko may multo na rin dito.

"Oh, Mei. Nandito ka na pala. Ano iyang dala mo?" tanong ko sa kaniya.
Umupo naman ito sa tabi ko at inilabas ang pagkain sa loob ng peyperbag.
Yown! Sakto at gutom na 'ko.

"It's your food, Lerwick," sabi niya. Tumango naman ako at kinain ang
pagkaing hinanda niya.

Nginitian ko naman siya bago ngumunguyang tiningnang muli ang iskrin at


pinanood na mag-usap sina Amber at Katana.

"Heller? Hindi naman kasi sila kawalan. Masyado akong maganda para
pagtuunan pa sila ng pansin," sabi ni Amber at hinawi pa ang buhok niya
papunta sa likod niya.

"I agree. We'll just waste our time on them," pagsang-ayon ni Katana.

"In fairness, may nasasabi ka rin naman palang tama," sabi ni Amber
kaya nagtawanan silang dalawa at nagpatuloy sa panonood ng horor mubi.

Sa kabilang banda, si Caliber naman ay halatang iritable na dahil kinukulit


na naman ni Emerald.
"Leave me in peace, Emerald. I want to rest," angal nito.

"Wait lang, Baby Caliber! May gusto kasi akong sabihin..." sabi naman ni
Emerald. Pinagsalikop niya pa ang mga kamay niya at nilagay sa ilalim ng
baba niya na parang nagmamakaawang pakinggan siya ng anak ni bossing.

Napabuntonghininga naman si Caliber at napipilitang tumango. "What is


it? Tell me right away. I badly need a sleep."

"Mukha kasing alam ko na kung sino iyong hinahanap natin," kamot-


ulong sabi ni Emerald at nanlaki naman ang mata ni Caliber dahil doon.

"What? Why didn't you tell me?" tanong ni Caliber.

"Hindi pa kasi ako sure kanina, Baby Caliber," mahinang sagot ni


Emerald.

Napakamot naman sa batok si Caliber bago magsalita, "So who is it?"

Ngumiti si Emerald at sinenyasan si Caliber na yumuko nang bahagya para


maabot niya ang tainga nito. Ginawa iyon ni Caliber at nakinig sa
binubulong ng anak ni Blad. Unti-unti namang nangungunot ang noo ng
anak ni bossing.

"Tsk! Tigilan mo nga ako," inis na sabi ni Caliber pagkatapos at mabilis na


pumasok sa kuwarto at sinarahan ng pinto si Emerald na humabol sa kaniya
at panay ang pag-Baby Caliber at pagkatok sa pinto.

Pfft! Mukha namang na-redyek sa panliligaw si Emerald dahil sa nangyari


kaya natawa ako.

"Kyut ng anak mo, Blad. Marunong nang manligaw," natatawang sabi ko


kay Blood na sinamaan lang ako ng tingin.

"Mahilig lang talaga siyang makipagbiruan," pagdadahilan pa n'ong gago


pero hindi naman ako naniwala. Sa tingin ko ay nasa kakaibang lebel na ng
siryusnes si Emerald pagdating kay Caliber pero hindi pa rin dapat
magpakasigurado. Bata pa naman sila at maaari pang magbago ang mga
gusto't nararamdaman. Alam na alam ko ang mga ganyan dahil ganyan din
ako noon.

Pero sino kaya iyong nadiskubre ni Emerald na target nila?

Matalinong bata talaga si Emerald. Napabilib na niya na ako noong unang


treyning pa lang nila dahil sa bilis niyang nalaman kung sino ang puntirya
nila roon. Kaya hindi na ako magtataka kung pati rito sa sunod na mishon
nila ay siya ang unang makakatuklas.

Ilang beses pang kumatok si Emerald pero hindi na talaga siya nilabas ni
Caliber. Laglag ang balikat tuloy siyang naglakad papunta sa sarili niyang
silid para makapagpahinga na rin.

Napabalik ang tingin ko kina Amber at Katana nang pumasok si Amber sa


sala na may dala-dalang mangkok ng papkorn. Umupo siya sa tabi ni
Katana at inalok ng pagkain.

"Oh."

Tumingin doon si Katana at kumuha ng ilang piraso. "Thanks."

Tumango lang si Amber at tahimik na nanood na ulit silang dalawa. Drama


na pala ang pinapanood nila kaya napasimangot si Katana.

"What do you think about life?" pag-ulit ni Katana sa tanong na narinig sa


tibi at bumuntonghininga. Aabutin na sana niya iyong remowt para yata
ilipat pero hindi niya inaasahan na sasagot si Amber.

"Unfair," sagot ni Amber kaya napatingin sa kaniya si Katana. "Kasi sa


sobrang daming blessings ang p'wedeng ibigay sa akin, bakit puro
kagandahan lang, 'di ba?" tanong niya pa.
Marahang umiling si Katana at ngumiti nang bahagya.

"Mom and Dad always remind us that our life is just and we should be
grateful for it. The difficulties and the way you find a reason to carry on
make life go beyond the word fair," mahabang sabi ni Katana. Umirap
naman si Amber.

"Alam ko naman iyon. Duh! May mga bagay lang talaga na hindi mo
maiwasang hindi itanong kahit na alam mo sa sarili mo na wala ka
namang makukuhang sagot," sabi niya. Sinuklay pa niya ang buhok gamit
ang kamay at kinuha iyong trow pilow at pinatong sa mga binti niya.

Bahagyang natawa si Katana at napailing.

"Aminin mo man o hindi, Katana, may mga pagkakataon talaga sa buhay


na masasabi mong hindi fair ang buhay kaya huwag kang feeling relate
d'yan sa pa-quote ng mga magulang mo dahil baka hindi kita matantiya.
Not unless never mong ni-question ang mga bagay-bagay sa buhay mo,"
dugtong pa ni Amber. Pinatong niya ang mga kamay niya sa unan at isa-
isang tinanggal ang mga alahas niyang nandoon.

"That is accurate. I used to have a couple of unanswered questions. Until


I realized that I have the answers in front of me. I just had no idea,
because that was not the answer I was expecting," sabi ni Katana.
Pinapanood niya ang pag-aalis ni Amber ng mga alahas at saka nagpatuloy.

"Remember, even a fisherman doesn't know what type of fish he's going
to get. But whatever fish he catches, it can always be sold or served to his
family," makahulugang dugtong pa ni Katana.

Narinig ko pa ang samo't saring 'woah,' 'wow,' at 'remarkable' na koments


ng mga kasama ko rito dahil sa sinabi n'ong bunso ni bossing.

"Ezekiel would be so fucking proud to hear that," sabi pa ni Lionhart.


Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Sobrang lalim naman ng nalej ng anak ni bossing. Tinalo pa yata ang adult
at machur kung mag-isip nang sabihin niya iyon.

"Erkey, fine. Masyado ka namang makata pero I get your point," sagot ni
Amber. Muli siyang tumingin sa tibi at bahagyang natawa.

"Ito mukhang maganda pero mas maganda ako," sabi pa niya at saglit na
sinulyapan si Katana.

"Of which are you most grateful?" tanong niya. Inulit niya lang din iyong
tanong na narinig sa mubi.

"Hmm... My mom and dad of course, for bringing me into this world.
And to my brothers who are with me all the time," sagot ni Katana.
Tumango naman si Amber at sandaling umisip ng isasagot.

"Ako rin. Kahit naman itinatapon ni Mama ang mga gamit ko, hindi ko
naman maipagkakailang napakabuti niyang ina sa amin ng kakambal
kong pangit. Si Papa naman ay laging nand'yan para suportahan kami,
lalo na sa kalokohan ni Azure. Kaya thankful ako na sila ang naging
mga magulang ko," sagot naman ni Amber at muling lumingon sa tibi.
Nang makitang kredits na lang ang pinapalabas doon ay tumayo na siya at
naglakad papunta sa kuwarto nila.

"Inaantok na ako. Hindi p'wede sa magagandang tulad ko ang


napupuyat," sabi niya at humikab.

"Wait," pigil ni Katana habang nakakunot ang noo at nakatingin kay


Amber. "How about your brother? You didn't mention him," tanong ni
Katana. Pinatay niya na rin iyong tibi at sumunod na rin kay Amber sa
kuwarto.

Oo nga naman. Bakit nga ba hindi nabanggit ni Amber si Azure eh kapasa-


pasalamat din naman ang angking kagandahang lalaki n'ong pamangkin
kong iyon dahil s'yempre kanino pa ba magmamana? E di sa akin.
"Huh? Sino iyon?" sarkastikong tanong ni Amber nang makahiga sa
puwesto niya ng kama.

Natawa naman si Katana at umiling. "You must be kidding me. I'm sure
you are grateful to have him," sabi ni Katana at dumeretso sa banyo.

"Feelingera ka, ghorl?" sagot ni Amber bago tanggalin ang kamera niya at
ilapag sa bedsayd teybol. Pagkatapos ay nagtalukbong na siya ng kumot at
natulog.

Tumingin ako sa ibang iskrin. Halos lahat ng bata sa grup tri ay


nagpapahinga na maliban sa isa...kay Cody.

Nandoon siya sa salas ng hotel rum nila at nakatulala roon sa baks na may
lamang jiwelris habang hawak ang selpon.

"Paano ko ba ito kukunin?" bulong ni Cody sa kanyang sarili.

Pakiningshet! Anong kukunin? Bakit kukunin? Anong plano ng anak kong


manang-mana sa akin?

Naaligaga akong tumingin sa mga kasamahan kong nandito pa dahil


siguradong narinig din nila iyon.

"Anong trip ng anak mo, Lerwick?"

"Hoy! Ba't may sariling plano si Cody?"

"Baka titiwalag na sa grupo niya?"

Kaniya-kaniya silang tanong sa akin pero hindi ko naman sila masagot.


Umiling lang ako sa kanila at nag-aalalang tumingin kay Mei na
napapailing lang habang nakatingin sa bunso namin.

"I wonder what he's up to," sabi niya at bumuntonghininga.

Katulad ko ay hindi rin mapakali si Cody. Parang sinisilaban ang puwit niya
dahil bigla siyang tatayo tapos uupo. Hinawakan pa ang magkabilang ulo
tapos maya-maya ay nag-sayn op da kros.
Petengene! Nagsitawanan ang mga kasama ko rito dahil ginawa na naman
iyon ni Cody nang wala sa oras.

Sunod ay kinuha ni Cody ang selpon niyang nasa lamesa. Huminga ito nang
malalim at nagsimulang magtipa ng kung ano-ano roon.

Sa kabilang dako naman ng mga iskrin monitor ay nandoon pa rin ang


grupo nina Trigger, Kayden, Grayson, at Raven na hindi pa rin tumitigil sa
pagsasaliksik sa kung sino ang totoong target nila. Wala na ang gerls at shur
akong nagpapahinga na sila sa kuwarto nila.

"Do you think we might be able to gather more information by the end of
the day?" tanong ni Trigger sa mga kasama nito.

"Syet! Mukhang hindi matutulog ang grup tu," sabi ko kaya napatingin sa
akin ang iba.

Nakita kong humikab si Posha na agad na nilapitan ng gagong si Lee at


idinikit ang balikat dito para makasandal ang asawa. Inaaantok na kaming
mga magulang pero buhay na buhay pa rin itong mga batang 'to. Tsk!

Maya-maya ay nakarinig kami ng tunog ng pagbukas ng pinto mula sa


isang kuwarto sa hotel rum ng grup tu. Maging sina Kayden ay napatingin
doon.

"Aren't you going to rest first?" humihikab na tanong ni Lindsay habang


nagkukusot ng mga mata. Kasunod niya rin si Duchess na mukhang mga
antok na antok pa pero nagising siguro dahil sa ingay ng mga kasama mula
sa sala.

"I agree. It's already late, guys. May bukas pa naman," sabi naman ni
Duchess.

Nagkatinginan pa ang mga lalaki at nagtanguan sa isa't isa.

"Okay," sabi ni Trigger.


"Okay, what?" masungit na tanong ni Lindsay. Nagpamaywang pa dahil
hindi pa rin kumikilos ang mga kagrupong lalaki.

"W-we'll go to sleep now," nauutal na sabi ni Trigger at mabilis na tumayo.


Sinenyasan niya pa ang mga kasama niyang kumilos na kaya pinagtulungan
nilang ligpitin ang mga kalat nilang papel, mga bolpen, at iyong mga gajet
na ginamit nila.

"Good." Tumango si Lindsay. Hinintay nilang maayos ang lahat bago


nagpaalam sa isa't isa at pumasok na sa mga kuwarto nila.

Buti naman at nagsitulog na ang mga ito. Ibabalik ko sana ang tingin ko kay
Cody para ma-check sana kung hindi pa rin ba siya natutulog pero
nakarinig ako ng tunog mula sa iskrin nina Amber kaya napatingin ako
roon.

"Kung sino man 'tong hayop na istorbong 'to ay isusungalngal ko sa


kaniya iyong bagong bili kong sandals dahil sa pang-iistorbo niya sa
tulog ng maganda," inis na bulong ni Amber nang abutin niya ang selpon.
Dahan-dahan lang ang kilos niya dahil tulog na si Katana sa tabi niya.

"Lee, ikonekta mo nga iyong selpon ni Amber sa iskrin!" utos ni Lampe na


agad namang sinunod ni Lee.

"Wengya! Gabing-gabi na may ka-textmate pa rin 'tong si Amber?" kunot-


noong tanong niya. Mabuti na lang ay wala rito iyong pinsan ni Ms. Aemie
kung hindi ay siguradong sandamakmak na panta-trastok na naman ang
sinabi n'on.

"Naikabit ko na," anunsiyo ni Lee at hinintay namin lumabas sa iskrin ang


teks na natanggap ni Amber.

At nang lumabas ito ay napatawa na lang kami nang malakas.

SMS from Cody: Yo! Cody hir, insan, di ba mhilig ka sa mamahaling


alahas? Merun kc aqong binbenta d2 sa murang halaga. Baka ustu mo?
Replay bak asap!
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Petengene! Ano bang trip ng anak kong guwapo at gustung-gustong ibenta


iyong alahas na ibinigay?" tanong ko sa kawalan.

Malakas pa sa tawa ng mga pasyente ng mental hospital ang tawa ng tatlong


gago.

"Anak ng tinolang may singkamas! Si Cody lang pala!" bulalas ni Lampe


habang tumatawa pa rin.

"Gan'yan ka rin naman, Lerwick. Ipinagtaka mo pa," sagot ni Boul sa akin


kaya sinamaan ko siya ng tingin at pinakyu.

Gago 'to ah? Neber in may layp kaya akong nagbenta ng alahas!

Tiningnan ko pa si Cody mula sa monitor at nakitang nandoon pa rin siya sa


puwesto niya kanina habang nakatutok ang mukha sa selpon. Mukhang
hinihintay niya na mag-replay ang pinsan niya kaya tiningnan ko naman
ang iskrin kung nasaan si Amber.

Hindi ko na nabilang kung ilang beses na umikot ang mata ni Amber


habang nagta-tayp ng replay kay Cody. Bumubulong-bulong pa siya pero
hindi na namin marinig dahil sa sobrang hina. Ilang saglit pa ay ibinaba na
ni Amber ang selpon at inilagay sa pinakababang drower ng bedsayd teybol
at bumalik sa pagtulog.
Tinignan naman namin ang mesej niya kay Cody sa kabilang iskrin.

SMS to Pinsan kong Mongoloid: FYI lang, hindi ako sanglaan ng mga
patapon at mumurahing gamit. Mongoloid ka talaga eh, 'no? Bilhin ko kaya
iyan tapos isusungalngal ko sa 'yo? Mukha ba akong mahilig sa second
hand?

"So feisty," natatawang komento ni Mei nang mabasa niya ang replay ni
Amber.

Siguradong iyon ang dahilan kung bakit nakabusangot at panay na naman


ang kamot ni Cody sa ulo niya. Sunod-sunod ang buntonghininga niya at
parang lantang-gulay na naglakad papunta sa kuwartong tutulugan niya.
Sumulyap pa siya ulit ng isang beses sa baks bago tuluyang pumasok sa
loob.

"Wengya. Grabe si Amber. Manang-mana—"

"Sa nanay," sabay-sabay naming sabi n'ong mga gago at pinagtawanan ang
hindi maipaliwanag na itsura ni Lampe.

-Day 3-

Umiinom ako ng kape ngayon habang tinitingnan isa-isa ang mga bata na
ngayon ay mahihimbing pa rin na mga natutulog. Maaga ulit ako rito sa
hedkuwarters kasama iyong tatlong ugok na hanggang ngayon ay aantok-
antok pa at napapapikit-pikit.

"Omygolly! Nawawala po ang alahas na ibinigay sa atin!" Ang malakas


at natatarantang boses ni Emerald ang gumising sa mga kasama niya sa
loob ng hotel rum nila.

Maging iyong tatlong gagong kasama ko ay nagising din dahil sa lakas ng


boses ng anak ni Blad.
Umiiyak na si Emerald habang hinahalughog ang kabuuan ng hotel rum
nila. Panay pa rin ang pagsigaw niya habang isa-isang ginigising ang mga
kasama niya.

"Ano ba iyon? Ang aga-aga nagsisisigaw ka r'yan," inis na tanong ni


Mikaela. Kinukusot pa niya ang mga mata at humikab habang naglalakad
papalapit kay Emerald. "Oh, bakit ka umiiyak?" Tinuro niya pa ang mga
luha nito na walang tigil sa pag-agos.

"Ate Mikaela! Iyong mga jewelry clues po natin, wala na lahat!


Huhuhu," umiiyak na sagot naman nito habang nakaturo sa mesa na
pinagpatungan nila ng baks kagabi.

"Pucha!"

Petengene! Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang nagbago ang kabog


n'on. May hinala na ako kaagad kung anong nangyari sa mga alahas pero
sinupil ko rin iyon agad dahil baka mali ako.

It kent bi...

"Why do you speak so loudly? Damn, it's early in the morning," reklamo
ni Caliber. Dere-deretso siya sa kusina para kumuha ng baso. Nang
makakuha ay lumapit ito sa prijider at saka nagsalin ng tubig.

"Anong nangyayari?" tanong ni Duke na kasunod lang na bumangon ni


Caliber. Nagtataka pa siya dahil paikot-ikot iyong dalawang babaeng
kasama nila.

"Why are you crying?" nataranta si Caliber nang lumapit si Emerald na


umiiyak. Inabot niya iyong tubig na iinumin niya dapat at pinainom sa anak
ni Blad.

"Huhuhu. Baby Caliber," iyak pa nito pagkatapos uminom ng tubig.


"Anong nangyari?" tanong ng kararating lang na si Blood. Nilapag niya ang
brip keys sa isang tabi at nag-aalalang nakatingin sa anak.

"Nawawala iyong mga alahas ng group three," sagot ni Lee at inililipat ang
iskrin sa iba't ibang anggulo ng kamera at sinusubukang hanapin din ang
baks.

"Guwapo ako sa umaga."

"Mas guwapo ako."

Magkasunurang lumabas ng iisang kuwarto iyong bunsong anak ko at iyong


lalaking anak ni Lampe. Dumeretso sila sa sopa at magkabaliktad na
humiga roon.

"Pucha, nagawa ninyo pang mag-chill d'yan eh, 'no?"

"Bakit ba ang aga-aga galit ka na, Mikaela? Nagmumura ka pa," tanong


ni Azure. Sinusundot pa nito ang ilong habang sinasabi iyon. Petengene!

Tumingin ako kay Lampe para sana asarin dahil sa hayjin n'ong anak niya
na paniguradong sa kanya naman namana nang may batang biglang
sumigaw.

"IYONG MGA ALAHAS NGA NATIN NAWAWALA!"

"The hell?"

"Potek!"

"Damn. That was loud," komento ni Lewis. Saktong kapapasok lang din
niya nang bulyawan ng anak niya ang mga kagrupo niya.
"Bakit hindi mo i-replay kung ano ang nangyari kagabi, Lee?" sajeshon ni
Blood.

Tumango si Lee at mabilis na nagtipa ng kung ano-ano sa kibord na nasa


harap namin. Ilang klik at tayp pa ay lumabas ang bijo ng nangyari kagabi
sa kuwarto ng grup tu.

Simula noong maiwan si Cody nang mag-isa sa sala hanggang sa pumasok


siya sa kuwarto pagkatapos makipag-teks kay Amber. Pinasporward ni Lee
ang bijo para hanapin kung saan ang hindi namin naabutan.

Huminto ito sa pag-pasporward nang makita naming lumabas muli si Cody


sa kuwarto.

"Hoy, iyong anak mo, Lerwick!" sabi ni Lee sa akin. Alanganin naman
akong umiling sa kanila.

Petengene, sabi ko na.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa mesa at binuksan ang bag na hindi


ko alam kung saang lupalop niya nakuha. Maingat pa sa maingat niyang
binuksan ang baks at inilipat sa bag ang mga alahas na naroon.

"Siguradong marami-rami akong makukuhang pera dito," nakangiting


bulong ni Cody habang tuloy sa paglagay sa bag n'ong mga alahas.

"Hoy! Saan mo dadalhin 'yan?" Napatalon si Cody sa gulat nang marinig


at makita si Azure na nasa likod niya.

"Huwag kang maingay, Azure. Mabuti pa ay tulungan mo na lang ako


rito," sabi ni Cody at binigay ang bag na naglalaman ng mga alahas.
Napasinghap naman si Azure at tinanggap iyon. Pero imbis na tulungan ang
pinsan ay nag-umpisa siyang ibalik ang mga alahas sa baks.

"Hoy! Takte, Azure, huwag kasi! Mapagkakaperahan natin iyan, eh,"


saad ni Cody at kinuha ulit iyong mga alahas. Inagaw niya rin iyong bag
kay Azure at mabilis na siniper iyon nang malagay niya roon lahat.
"Cody, ano ba! Masama iyang gagawin mo!" sabi naman ni Azure at
inagaw ulit iyong bag sa pinsan niya.

"Hindi naman, ah!" pilit ni Cody. Hinila nito ang bag at niyakap pa ito
nang mahigpit.

"Hindi lang iyo iyan, Cody. Para sa buong grupo iyan para makatulong
na malutas natin 'tong mission na 'to," sabi ni Azure sabay hatak ulit sa
bag.

Takte! Para silang naglalaro ng tag op war at parehas na ayaw magpatalo.

"Alam naman na natin, ah? 'Di ba bisnesman na may jiwelri shap? Oh,
para saan pa 'to? Wala na kaya kunin na natin," sabi ni Cody. Inipon niya
ang buong lakas niya at matagumpay na nahatak kay Azure iyong bag.
Mabilis niya iyong sinukbit sa likod niya para hindi na maagaw.

Naiinis na hinilamos ni Azure ang kamay sa mukha bago nagsalita, "Ano


bang gagawin mo r'yan at gustong-gusto mo ng pera, ha?"

"Basta! Sumama ka na lang kasi," sabi ni Cody. Akmang hahatakin nito


ang braso ng pinsan pero mabilis niya itong iniiwas.

"Huwag mo kong idamay sa mga kalokohan mo," mariing sabi ni Azure


at tumalikod pabalik sana sa kuwarto.

Nakita ko kung paanong lumungkot ang mukha ni Cody dahil nagalit sa


kaniya ang pinsan niya kaya huminga siya nang malalim at hinabol si
Azure.

Hinawakan niya ito sa braso kaya napahinto ito sa paglalakad at


nakasimangot na tumingin sa kaniya. "Hindi ko naman itatakbo iyong
mga alahas. Tutulong tayo."
"Saan ka naman tutulong? Cody, may mission pa tayong dapat gawin,
huwag ka nang makulit. Ibigay mo na kasi." Sinubukan niya ulit na kunin
ang bag kay Cody pero mabilis itong umiwas.

"Ano ba? Itutulong ko nga roon sa mga taong nasa kalsada na walang
bahay at walang makain. Sinabi ko naman na sa 'yong naaawa ako sa
kanila, 'di ba? Iniisip mo ba talagang itatakas ko iyong pera?" inis na
sabi ni Cody sa pinsan. Hinintay niya itong magsalita pero nang natulala
lang ito sa kaniya ay tumalikod na siya at naglakad palabas ng hotel rum.

Napakurap nang paulit-ulit si Azure. Hindi ito makapaniwala sa narinig sa


pinsan. Ilang beses siyang naghugot ng malalim na hininga na para bang
iniipon ang lakas niya bago humabol kay Cody.

"T-teka..." sabi niya. Pinigilan naman niya sa braso ang pinsan nang
maabutan niya ito. "Sasama ako," sabi niya kaya awtomatikong gumuhit
ang napakalapad na ngiti sa mga labi ni Cody. Niyakap niya pa ang pinsan
saglit bago ito inakbayan at isinabay sa paglalakad. Umalis sila kahit
madaling-araw pa lang.

"Lesgo!"

Pinasporward ulit ni Lee ang puteyj sa kung saan sunod na nagpunta iyong
magpinsan. Nagpunta pala sila sa iba't ibang tindahan na bukas ng ganoong
oras at bumibili ng alahas at sa kung sino-sinong tao na mukhang
napagbentahan naman nila.

Nang matapos silang dalawa ay namili sila ng sandamakmak na pagkain


mula sa perang pinagbentahan ng mga alahas at binigayan ng mga pagkain
lahat ng madaanan nila o lumapit sa kaninang tao na sa palagay nila ay
naninirahan sa lansangan.

Pagkatapos nila roon ay may lumapit sa kanilang isang bata.


Nagmamakaawa ito na tulungan ang nanay nilang nasa ospital at hindi
maipagamot dahil walang pambayad. Nagkatinginan iyong magpinsan at sa
isang tango ay nagpunta sila roon. Nagbigay sila nang pera sa kashir kahit
na takang-taka sa kanila iyong teler dahil sa edad nila.

"Wow, napakamatulungin naman ng anak mo, Lerwick." Hindi ko alam


kung sinsir ba si Boul sa pagkakasabi n'on o sarkastik pero ngumiti na lang
ako.

"Layk pader layk san. Totpul at keyring talaga ang pamilya namin," sabi ko.
Umiling lang siya sa akin at nag-iwas ng tingin.

Tumawa naman si Lampe. "Baka lumagpas na sa langit iyong pamangkin


ko."

"Cody, ano palang sasabihin natin sa kanila mamaya?" nag-aalalang


tanong ni Azure noong pauwi na sila.

Ngumisi naman si Cody at patalong umakbay sa pinsan. "Hmm...hindi ko


rin alam. Pero mamaya pa naman kaya mamaya na lang din natin
isipin."

Pagkatapos ng part na iyon ay muling bumalik sa mga kasalukuyang


ginagawa ng mga bata ang byu ng mga kamera.

"Si Cody pala ang may kasalanan," umiiling na sabi ni Lee.

Napabuntonghininga naman ako. Aweyr naman kasi ako kung gaano ka-
totpul at ka-keyring ang lahi namin pero hindi ko alam na aabot sa ganoon
ang pagtulong na gagawin ni Cody. Mukhang nakalimutan niya ang
kahalagahan ng mga alahas na iyon para sa grupo nila dahil sa kagustuhang
makatulong.

Hi nids tu now his prayoritis.

"Gays...kami iyong kumuha," rinig kong sabi ni Cody. Nang tingnan ko


sila ni Azure ay maayos na silang nakaupo sa sopa.
"Ha?" pag-uulit ni Mikaela.

"Kami..." Tumikhim si Azure bago magpatuloy, "...ni Cody. Iyong


kumuha n'ong mga alahas. Binenta namin," pag-amin ni Azure sabay
yuko.

"What the hell!"

"Puta!"

"Aish!

"OMG po!

Sabay-sabay na reak n'ong mga kagrupo nila. Mga hindi makapaniwalang


nagawa sa kanila iyon nina Azure at Cody.

"Bakit ninyo binenta?" inis na tanong ni Mikaela. Nakayukom pa ang mga


kamao at doon naglalabas ng gigil.

Hindi pa man nakakasagot ang dalawa ay nagtanong na si Duke, "Saan


ninyo ginamit iyong pera?"

Naghintay ang mga bata para sa sagot n'ong dalawa pero nagkatinginan
lang sina Cody at Azure at muling yumuko. Wala yata silang plano na
sabihin kung saan talaga nila ginamit iyong perang pinagbentahan ng mga
alahas.

"Pucha naman!" Hinampas ni Mikaela nang malakas ang mesa kaya


bahagyang napatalon pa iyong dalawa. "Sumagot kayo! Bakit nga ninyo
binenta? Hindi ninyo man lang ba naisip kung gaano kahalaga sa
misyon natin iyong mga alahas na iyon?"

Si Duke naman ang tumayo sa harap nilang dalawa. "Tapos ginamit n'yo
lang kung saan-saan? Ano? Hindi ninyo man lang kami naisip?"

"Oo nga! Kami na nga ang nagpapakahirap halos sa lahat para sa nga
impormasyong kailangan nating malaman tapos ganiyan pa ang ginawa
ninyo?" gatong ni Mikaela. Galit na galit talaga silang dalawa ni Duke.

Nag-wok awt naman ang anak ni bossing na si Caliber at padabog pang


sinara ang pinto ng kuwartong pinasukan niya.

"Kita ninyo na? Dahil iyan sa mga kalokohan ninyo!" sigaw na naman ni
Mikaela. Nagpatuloy ang ganoong senaryo sa grup tri buong maghapon.

Walang tigil.

Walang kapaguran.

Talagang nilabas nila ang galit nila kina Cody at Azure dahil mas lumiit na
ang pag-asa nilang makompleto ang misyon na 'to.

"Ang bangis!" komento ko. Aliw na aliw talaga ako sa panenermon ni


Mikaela roon sa dalawa dahil hindi naman lahat ng bata ay ganoon
katapang. Idagdag pa na babae siya pero hep! Walang jender inekwaliti.
Hindi lang talaga ako madalas na maka-enkawnter ng ganoon katapang na
batang babae.

"I think my daughter is dealing with some anger issues," sabi ni Lewis
habang napapailing.

Natawa si Ms. Caileigh pero umiling. "Grabe ka! Maybe she's just really
galit because of what happened. Mikaela is super determinado to finish this
mission pa naman."

"Yeah, same as Duke," pagsang-ayon naman ni Cassandra.

"At sigurado akong hindi niya sa akin namana ang pagiging mainitin ang
ulo," pahabol niya at masama ang tingin kay Lionhart na nagtaas agad ng
dalawang kamay para ipakitang suko na siya.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Do you think that will lead us to our subject?" tanong ni Lindsay at may
inilapag na papel sa harap ng mga kasamahan niya.

Akmang kukunin iyon ng guwapo kong anak na si Kayden pero dahil mas
malapit si Trigger ay siya ang naunang makakuha n'on kaya nagkunwari na
lang siyang inaayos ang ibang mga papel na malapit sa kanya para hindi
masyadong mapahiya. Nays mub, 'nak!

Ilang segundo iyong binasa ni Trigger bago nakangiting tumango kay


Lindsay at pinakita iyon sa iba.

"It could help," pag-agri ni Trigger na sinang-ayunan din ng iba pa nilang


mga kasama.

"How about this?" tanong naman ni Duchess sabay lahad ng papel na


hawak niya kay Raven. Inalis naman ni Raven ang atenshon niya sa laptap
at inilipat sa papel na ibinigay ni Duchess.

Pft! Para lang silang mga estudyante na nagpapa-chek ng awtput nila sa


mga ticher nila.

"Their teamwork is very magaling talaga," napapapalakpak pang sabi ni


Miss Caileigh. Nagkunwari namang umubo sina Lee at Boul. Nagpaparinig
dahil nandoon ang mga anak nila sa grupong kinompliment ni Ms. Caileigh.

Petengene! Bakit 'di pa matuluyan 'tong mga 'to?


"Where did you get these leads, Linds?" tanong ni Trigger. Lumapit
naman si Lindsay sa tabi ni Trigger para tingnan ulit ang papel na kabibigay
niya lang at nagkibit-balikat.

"It just came out and I thought this might be of help," simpleng sabi ni
Lindsay na ikinangiti naman ng anak ni bossing.

Mukhang may samting sa ngiting 'yon, ah.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla namang iniba ng anak ni Lee ang
usapan. "Do you guys want to eat na? It's almost dinner time na rin
naman," tanong nito at saka tumayo.

Pinagpagan niya pa ang suot na pajama dahil sa lapag lang sila nauupo.
Buti na lang ay karpeted ang sahig ng napili nilang hotel rum.

"Oh my heavens. Oo nga pala," gulat na sabi ni Duchess na tumingin pa


kay Lindsay na mukhang hinihintay rin siya.

Kichen badis nga pala silang dalawa rito sa mishon na 'to.

"Tara na at magluto, Lindsay," pag-aaya ni Duchess pero bago pa siya


makatayo ay nauna na si Trigger kaya nagtatanong na tingin ang binigay
niya rito.

"Where are you going, Trigger?" tanong ni Duchess.

Napakamot si Trigger sa batok niya. Mukhang nahihiya pang magsabi pero


nagsalita rin naman. "A-ako na lang ang tutulong kay Lindsay magluto."

"Okay," mabilis namang sagot ni Duchess at umupo na ulit sa tabi ni


Raven.

Nagkatinginan pa muna sina Trigger at Lindsay bago sabay na pumunta sa


kusina para magluto na ng kakainin nila.
"Spiking op hapunan," sabi ko at tinitigan ang unang gagong nakita ko.
"Wala ka bang pakain d'yan, Lewis?"

"Wengya! Oo nga naman, p're! Gutom na kami. Kaninang umaga pa kami


rito, oh," gatong pa ni Lampe.

"Wala ba kayong mga pera?" masungit na tanong pabalik sa amin ni Lewis


pero kinuha rin naman ang selpon niya at nagsimulang mag-dayal ng
restoran doon.

"Yown!" sabay-sabay naming sigaw dahil shet! Sinong hindi ginaganahan


sa libre?

Sinilip ko iyong anak ni bossing at anak ni Lee sa kusina na abala sa pagpe-


preper ng mga ingrijents na kakailanganin nila. Tawa pa silang nang tawa
nang mamali ng bigay si Trigger. Imbis kasi na asin ay asukal ang naibigay
niya.

Magluluto yata sila ng sardinas na may pasta na kinalimutan ko na ang


tawag dahil kakaiba iyong pagkakabigkas doon ni Lindsay.

Doon naman sa sala kung nasaan ang natira nilang mga kagrupo ay abala pa
rin sa pagpo-pormuleyt ng plano at pagbe-breynistorming. Aktib na aktib
sila roon maliban sa anak kong si Kayden na nakatulala lang sa isang lugar
at mukhang hindi pa babalik sa ulirat kung hindi pa tatapikin ni Grayson.

Napansin ko rin ang paminsan-minsang pagsulyap ni Raven kay Duchess


pagkatapos ay pasimpleng ngingiti. Takte! Inlababo na yata talaga ang
lahat ng kabataan ngayon.

"May gumugulo kay Kayden. I wonder what that is," komento naman ni
Mei.

"Baka naman nag-iisip kung paano malalaman ang target?" sagot naman ni
Lampe. Napatingin naman sa kaniya si Mei na marahang tumango.
Tumango rin ako. "Agri ako kay Baby Lampe," sabi ko.

"Nag-iisip lang si Kayden panigurado. Alam mo naman na manang-mana sa


akin ang mga anak natin, 'di ba?"

Nagtaas-baba pa ang dalawa kong kilay kay Mei pero sinamaan niya lang
ako ng tingin. Petengene! Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

Nalipat naman ang paningin namin sa pinakaunang grupo. Halos ngayon


lang namin sila nabigyan ng atenshon ngayong araw dahil wat da pak? Wala
naman naman silang ginagawa.

Panay ang tulog at nood ni Katana. Literal na hindi lumalabas ng suwit nila
at pinakamaraming lakad na nagagawa niya yata sa isang araw ay iyong
pag-resib ng pagkain mula sa belboy.

Samantalang iyong pamangkin ko naman ay inuubos ang oras sa mol.


Palibot-libot lang siya roon at walang araw na wala siyang dalang mga
peyperbag na may lamang mga bago at mamahaling mga gamit na tanging
siya lang ang nakakaintindi kung anong basa at para saan.

Pinanood naming pumasok si Amber sa suwit nila. Si Katana naman ay


nasa sopa at as yuswal ay nanonood ng horor mubi.

"Oh," sabi ni Amber at inilagay iyong peyperbag na may laman yatang


pagkain sa tabi ni Katana.

"What's this?" tanong ni Katana. Kinuha niya iyong peyperbag at saka


binuksan.

"Obviously, pagkain 'yan. Nakakabobo na ba 'tong hotel rum natin? My


god!" pilosopong sagot ni Amber. Hindi naman iyon pinansin ni Katana.

"Thank y—"
"Excuse me lang pero huwag mong isipin na binili ko iyan para sa 'yo.
Bumili lang talaga ako ng extra just in case magutom ako mamaya ay
may makain ako. Pero mukhang hindi na rin ako magugutom kaya sa 'yo
na 'yan, erkey?" mahabang eksplenashon ni Amber at tutuloy na sana sa
kuwarto nang tawagin na naman siya ni Katana. "Amber."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat sa kanya si Katana. "Aren't you going to eat?"

"Busog pa naman ako. Kaya mo na iyan." Akmang tatalikod na ulit siya


pero nagsalita na naman si Katana.

"You don't have to eat to join me. It's sad to have dinner alone," sabi ni
Katana at nauna nang maglakad papuntang dayning teybol kaya wala nang
nagawa si Amber kung hindi sumunod sa kanya.

Pfft. Matindi rin talaga 'tong bunso ni bossing, eh. Akalain mong tatlong
araw na silang ganiyan magsagutan ni Amber pero wala pang
nagkakapikunan sa kanila.

"These girls have a weird way of talking to each other," sabi ni Shin.

"Totoo." Tumango si Ms. Caileigh. "If I was isa sa kanila, I would have
been pikon na dahil sa mga sarkastikong remarks."

"Katana and Amber's attitude goes hand in hand," komento naman ni Mei.

"Busy talaga ako pero dahil halos magmakaawa ka na makasama lang


ang ako sa pagkain mo ay erkey, sasamahan na muna kita," sabi ni
Amber at naupo sa silyang katapat ng inuupuan ni Katana na nilalabas ang
mga taperwer mula sa peyperbag.

"Whatever you say."


"Masarap din ba?" tanong ni Amber nang magsimulang kumain si Katana
na tumango lang sa kaniya. "I know right," dugtong pa nito.

"What would you expect? It's obviously done by a decent diner," sabi ni
Katana at itinuro iyong pangalan ng restaurant na nasa peyperbag. Ampupu!
Napansin niya pa iyon?

"Of course! Duh! Hindi nababagay ang kagandahanan ko sa mga cheap


na kainan, 'no," sagot ni Amber.

Kumunot ang noo ni Katana. "Fast food tastes great as well. Mom buys us
McDonald's every time."

Umirap naman si Amber sa kanya at magkakrus ang mga braso sa dibdib na


sumandal. "Sinabi ko bang hindi masarap?" masungit na tanong niya pero
sinamaan lang din siya ng tingin ni Katana.

"I noticed you were spending quite a bit of money," sabi ni Katana. "Are
you still in possession of the money they gave us?—"

"Sa sobrang batugan mo hanggang ngayon, hindi mo pa rin alam na


napakaraming pera ng taong may-ari ng suite na 'to?" kunot-noong
tanong ni Amber.

"What?"

Umirap si Amber. "Ni hindi ko pa nakakalahati iyong perang nasa


vault," sabi niya at itinuro pa ang lokasyon ng pagkalaki-laking bolt.
Sinundan naman iyon ng tingin ni Katana at tumango-tango.

"Mautak din minsan 'tong anak mo, unggoy," komento ni Ms. Amesyl.

Napangiti naman si Kaizer at mayabang na ngumiti sa asawa. "Ano ka ba,


Babylabs? Kaizer Maxwell Lamperouge ba naman ang tatay, eh."
"Ano naman? Anong pinaglalaban mo?" balewalang tanong ni Ms. Amesyl.

"Nagmana sa akin—"

"Ulol," pambabara ni Ms. Amesyl sa asawa niyang gago kaya nagtawanan


kami.

Ampupu! Lagi na lang tosted 'tong si Lampe sa asawa niya.

Ay wander kung nakakatikim pa ba 'to ng lambing, eh.

"By the way..." kinuha ni Katana ang atensyon ni Amber.

Nagtaas siya ng kilay. "Ano?"

"I saw you last week." Ngumisi si Katana. Iyong ngisi na nagsasabing may
alam o nakita siya tungkol sa 'yo na akala mo ikaw lang nakakaalam.

Sumama naman ang mukha ni Amber. "Stalker ka ba?"

"No. But you were in the guidance office," sabi ni Katana. Bahagya
namang nagulat ang mukha ni Amber pero mabilis ding kinompows ang
sarili.

"Nakita mo ako?"

"Aren't you paying attention? That's what I said," sagot naman ni Katana
at saka uminom ng tubig.

"Wengya. Chismosa," pabulong na komento ni Amber at saka muling


umirap.

Halos masamid naman si Katana dahil doon kaya mabilis niyang inilapag
iyong baso ng tubig at masamang tumingin kay Amber.
"Hey! I just walked over that floor and the door of the guidance office
was open so I saw you staring at your classmates," paliwanag niya.

"E di chismosa ka nga," bulong naman ni Amber.

Umirap naman si Katana sa kanya at saka umiling.

"Why haven't your parents shown up? You never told them?" tanong niya
pa.

Napatingin naman ako sa mag-asawang Lamperouge na nagkatinginan


ngayon at nagtatanong sa isa't isa dahil wala nga silang nabalitaan tungkol
sa nangyari sa anak nila.

Takte! Na-gaydans na naman pala si Amber? Binuli na naman kaya siya?


Tsk!

Tumango naman si Amber. "Hindi lang naman nila matanggap na


masyado akong maganda kaya hindi ko na inistorbo sina Mama."

"You should have at least notified them," mahinang sabi ni Katana.

Mapang-asar na tumawa si Amber at tumingin kay Katana sa mata. "Bakit?


Sinabi mo rin ba kina Tita Aemie at Tito Ezekiel na na-bully ka rin?"

Petengene?!

"W-what?" Suminghap siya at hindi makatingin nang deretso kay Amber.

"What mo mukha mo. Nakita ko na dati. Hindi lang kita tinulungan kasi
mukhang wala ka rin namang paki," sabi pa ni Amber at saka ngumisi.

Huminga naman nang malalim si Katana at magkakrus ang brasong


sumandal. "Well, you're right. And I needed no help from you," sabi niya
habang nakatingin sa malayo.
"I know right," sagot naman sa kanya ni Amber.

Nabalot ng katahimikan ang dalawa. Parehas na nakatingin sa kung saan-


saan at malalim ang mga iniisip.

Ang malakas na pagbuntonghininga lang ni Katana ang pumutol sa


katahimikan. "They say it's because of the way I behave. I hardly speak at
all. I don't know if silence is a good reason to call me names. Or hate me,
shove me, or throw nasty things at me."

Napatango naman si Amber. "True. Hindi naman sapat na rason 'yon


para i-bully ka. Heller, wala na dapat silang paki kung attitude ka ba o
hindi." Umikot pa ang dalawang mga mata nito bago nagkrus ang
dalawang kamay sa tapat ng dibdib nito.

"Mabuti na lang at wala si Mr. Rsowell dito ngayon," mahinang bulong ko.
Sigurado kasi akong kung nandito iyon at naririnig ang mga sinasabi ng
bunso niyang anak ay may pinapa-hanting na siya ngayon. Ober protektib
pa naman iyon sa unika iha niya.

"Bakit 'di mo sabihin kina Tito Ezekiel?" tanong pa ni Amber.

Umiling naman si Katana at saka nginisian si Amber. "I don't need


someone to keep tabs on me whether they're my parents or my brothers.
I'm doing all right."

"Agree naman ang kagandahan ko r'yan. Saka hindi naman


nakakadagdag sa kagandahan natin ang pagsusumbong sa mga
magulang natin. Makakadagdag lang iyon sa stress nila...at natin," sabi
ni Amber at saka uminom ng tubig.

Tumango naman si Katana. "And I know my parents, particularly Dad. He


won't let this get past him. So for the good of the children's lives, I kept
and I will continue to keep everything to myself."

Potek na 'yan. May poynt si Katana. Siguradong kapag nalaman niya ang
mga iyan ay hindi lang doble o triple ang ibabalik n'on sa mga nam-buli kay
Katana. Ikaw na lang talaga ang maaawa pero hindi pa rin tama na i-buli si
Katana. Pati na rin si Amber. Takte! Wala namang ginagawa iyong mga
bata, eh.

Umirap naman si Amber. "Kung ako rin naman siguro ang magulang at
mababalitaan kong inaapi ang anak ko sa school, baka sampal-sampalin
ko lang iyang mga umaaway sa 'yo," sabi ni Amber.

Natawa naman si Katana habang inuubos ang mga natirang pagkain.

"Hindi lang pala si Amber ang nabu-bully. Tsk! Lagot iyang mga iyan kay
Bossing kapag nalaman," sabi ni Boul.

Sumang-ayon naman ako at mahinang ipinagdasal na sana ay magtago-tago


na iyong mga batang nam-buli sa bunso at unika hija ni bossing.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

-Day 4-

Nagising ako dahil sa malakas na tawanan ng mga gagong nandito na pala


ngayon sa etch kyu. Nang dumilat ako at mag-angat ng tingin sa kanila ay
doon ko nalaman na ako pala ang pinagtatawanan nila.

Pinagkasya ko kasi ang sarili ko sa maliit na sopa na nandito para may


matulugan dahil ang gagong si Lampe ay tinakasan ako kagabi.

Petengene n'on! Imbis na masarap ang tulog ko sa tabi ng asawa kong ubod
ng ganda ay heto ako't nananakit ang buto-buto dahil sa ngawit.

"Sarap ng tulog mo, p're, ah? Tumulo pa laway mo," pang-aasar ni Lee at
tumatawang tinuro ang mukha ko. Napahawak tuloy ako roon dahil na-
konshus ako pero nang maramdamang wala naman ay sinamaan ko siya ng
tingin.

"Gago!" sabi ko at itinulak siya. Tumayo ako at nagpunta sa banyo para


maghilamos at magpa-pres. Buti na lang ay may mga hayjin kit dito kaya
makakapag-tutbras ako kahit papaano.

Nang makalabas ako ay dumeretso na ako sa harap ng iskrin at kasamang


nanood nina Lee, Boul, Lewis, at Strife. Mamaya pa raw iyong mga asawa
nila at ang iba naming kasamahan dahil may mga kaniya-kaniya pang
inaasikaso.
Mukhang mainit pa rin ang tenshon sa pangatlong grupo dahil ganoon na
lang ang sama ng tingin nina Mikaela, Duke, at Caliber kina Azure at Cody
nang lumabas sila ng kuwarto nila.

"Hindi pa kami tapos sa inyong dalawa," sabi ni Mikaela sa dalawa nang


makaupo ang dalawa sa harap nila.

"Hindi ba talaga kayo aamin kung saan ninyo ginastos iyong perang
kinuha ninyo?" tanong pa nito. Kalmado ang boses niya ngayon pero
kitang-kita pa rin ang galit sa mukha nito.

Hindi naman sumagot iyong dalawa.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagawa ninyong ibenta iyong


mga alahas. At naubos ninyo pa talaga iyong perang pinagbentahan...at
iyon ay sa loob lang ng isang gabi," umiiling na gatong ni Duke.

Silang dalawa talaga ni Mikaela ang nangunguna sa pagtatanong simula pa


kahapon. Habang sina Caliber at Emerald naman ay hindi nagsasalita ngunit
mahahalata mo ang pagkadismaya sa mga mukha nila.

Nagko-koment din sila paminsan-minsan pero mas madalas pang mag-wok


awt si Caliber kaysa magsalita.

Maya-maya ay may nag-dorbel sa kuwarto nila kaya naman sabay-sabay


silang napalingon sa pinto.

"Maybe that's our food na po," sabi ni Emerald. Umorder na siguro sila ng
pagkain nila kanina.

Tumango si Duke at tumayo para tanggapin iyong order nila. Tapos ay


nilapag niya ang mga iyon sa mesa. Nanguna naman iyong dalawang gerls
sa paglalabas n'on sa peyperbag.

"Omygolly! It's my favorite dish po!" masayang sabi ni Emerald at


nagsimulang magsandok. Akala ko ay magsasandok siya para sa sarili niya
pero nagulat pa kami nang mauna niyang ipagsandok ng pagkain si Caliber
bago ang sarili niya.
"Thanks," sabi naman ni Caliber. Napailing naman ang mga kasama nila
bago kumuha rin ng pagkain.

"Takte, kung nandito si Blad, siguradong magrereklamo na naman iyon,"


sabi ko at saka napatawa.

Namber wan heyter kasi iyon ng pagkahumaling ni Emerald kay Caliber.


Laging sumasama ang mukha kapag nakikitang dumidikit si Emerald sa
anak ni bossing pero wala naman siyang magawa.

Bakit kaya hindi niya gayahin ang guwapong ako? Suporter ng wan sayded
lab ni Cody kay Katana.

"Hoy!" pigil n'ong anak ni Lewis sa anak kong guwapo at anak ni Lampe
na magsasandok na sana ng pagkain nila.

Nagtataka naman silang tumingin kay Mikaela na nakataas ang kilay sa


kanilang dalawa.

"Sino naman ang nagsabing kakain kayo?" masungit na tanong ni


Mikaela.

Napaawang ang labi ng dalawa sa sinabi ng anak ni Lewis.

"Hindi n'yo man lang ba papakainin ang guwapo? Kahit huwag na itong
si Cody, tutal siya naman iyong nakaisip na kuhanin ang mga alahas,
eh," nakangusong saad ni Azure. Nagpapaawang nakatingin ito sa mga
kasamahan na mukhang hindi naman nakikinig sa kaniya.

Napatingin naman si Cody sa pinsan niya. "Sumama ka rin naman, ah!"


sumbat niya sa pinsan niya tapos ay nagpapa-kyut na tumingin sa mga
kagrupo. "Pakainin ninyo na rin ako dahil masamang nagugutom ang
guwapo."

"Kahit lumuwa pa ang mga mata ninyo r'yan, hindi namin kayo
bibigyan," mariing sabi ni Mikaela at saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Mukha pa namang masarap iyong kinakain nila.

Ngumisi si Duke at nag-angat ng tingin. "Bakit 'di ninyo gamitin iyong


perang pinagbentahan ng alahas para makabili ng pagkain ninyo?"

Napakamot naman ng ulo iyong dalawa.

"Wala nang natira, eh..." malungkot na sabi ni Cody.

Blangko naman siyang tiningnan ng mga kasama niya at nagkibit-balikat


bago ipinagpatuloy ang masarap nilang pagkain.

"Mukhang gutom na iyong anak kong guwapo," naaawa kong sabi. Parang
gusto ko na tuloy silang orderan ng pagkain at ipadala sa hotel rum nila
pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kailangan nilang matuto at harapin ang
konsekuwenses ng mga ginawa nila sa mga kasamahan nila.

"Kasalanan naman iyon ng anak mo," sabi ni Lewis. Tiningnan ko naman


siya nang masama.

"Hiindi ka ba aweyr na binigay nila sa nangangailangan iyon, p're?" rebat


ko.

Magsasalita pa sana si Lewis pero pumagitna na si Lee. "Hoy! Kalma lang


mga p're. Ano kayo, adult version ng mga anak ninyong magkaaway?"
natatawang tanong niya, tapos ay kumagat sa hawak niyang borjer.

Kumunot naman ang noo ko dahil petengene! Bakit hindi nang-aalok ng


borjer 'tong gagong 'to?

"Oy, 'tol, alam kong guwapo ako pero bakit naman hindi ka namimigay,"
sabi ko at sinubukang abutin iyong borjer na kaagad naman niyang nilayo.

"Bumili ka ng iyo, Lerwick," sabi niya at saka lumayo sa akin.


Damot, ampupu!

"Kuya Cody and Kuya Azure, sa inyo na lang po itong food ko," maya-
mayang sabi ni Emerald. Iaabot na niya sana iyong plato niya sa dalawa
pero napigilan kaagad siya ni Mikaela.

"Hoy! Emerald, anong ginagawa mo?" taas-kilay niyang tanong at saka


inilayo ang plato ni Emerald.

"Hala, Ate Mikaela. Okay lang po, busog naman na po ako, eh," sabi ni
Emerald. Nilingon pa niya ang dalawa na malungkot na naman at
nakahawak sa kanilang mga chan.

"E di congrats busog ka," sabi naman ni Mikaela sa kanya kaya napanguso
na lang si Emerald.

"Hayaan mo silang matuto sa ginawa nilang kasalanan, Emerald,"


dagdag pa ni Duke.

"Pero, Kuya Duke—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang
talikuran siya ni Duke para kumain muli.

Bumuntonghininga siya bago lumingon kina Cody at Azure. "Sorry po,"


mahinang sabi niya.

Tipid na ngumiti naman iyong dalawa at nag-tambs ap para hindi na ma-


gilti si Emerald.

Si Caliber naman ay tahimik lang na kumakain sa isang gilid. Nakasuot ito


ng irpons at napapairap na lang sa kaingayan ng kanyang mga kagrupo.

Sa kabilang banda, napatingin ako sa grup tu na nasa labas ng hotel nila.


Mukhang ie-eksekyut na nila iyong mga pinagplanuhan nila noong mga
nakaraang araw dahil hiwa-hiwalay ang mga lokeshon nila.

Magkasama sina Duchess at Raven na sinusundan si Mr. Alonzo.

Magkasama naman sina Trigger at Lindsay na sinusundan si Ms. Atanacio.

Samantalang sina Kayden at Grayson naman ay abala rin sa pagsunod sa


target na si Mr. Castillo.

"Makikita ka r'yan," mahinang sabi ni Grayson kay Kayden na


nakadungaw sa likod ng kotse. Kasalukuyan silang nasa harap ng isang
restoran at pinapanood ang kanilang target na nakikipag-usap sa kliyente
nito.

"Sa tingin ko ay may kinalaman ang meeting nila sa mga alahas na


natanggap natin. They look suspicious," bulong ni Kayden

"Sa tingin ko nga rin," pagsang-ayon naman ni Grayson.

"Pumasok na kaya tayo?"

Tumango naman si Grayson sa sajeshon ng anak kong guwapo at maya-


maya lang ay pumasok na sila sa restoran. Pumuwesto sila sa lamesa sa
likod mismo ng target nila at umorder na parang normal na kostumer.

Sina Duchess at Raven ay tahimik na kumakain ng binili nilang ays


skrambol habang nagmamasid. Nasa isang park sila at sinusundan ang
target nilang si Mr. Alonzo na nakaupo ngayon sa isang bents. May dala
iyong bokey at panay ang tingin sa selpon.

Pfft! Mukhang makikipag-deyt 'to, ah.

Nagkatinginan sina Duchess at Raven nang makitang may dumating na


isang babae at tumabi kay Mr. Alonzo. Nagyakapan silang dalawa at nag-
kis kaya napaiwas ng tingin iyong dalawa at umiling sa isa't isa.
"Trigger, she's not the least bit suspicious," parang nahihiya pa si Lindsay
pagkasabi niya n'on.

Nasa isang yoga senter silang dalawa. Parehas na nakapang-yoga awtpit at


nagkukunwaring nage-eksersays doon habang nagmamasid sa target nila na
si Ms. Atanacio.

Nagtawanan kaming lahat na nandito dahil sa itsura n'ong dalawa. Mukha


kasing 'di nila inekspek na iyong target na hinahanap nila ay nandoon at pa
yoga-yoga lang.

"I think so, too. But let's just give it a second. Baka may puntahan pa siya
at makakuha tayo ng clue," sagot naman ni Trigger. Tumango si Lindsay
bago ipinagpatuloy ang pagyo-yoga.

Mukhang ganoon lang naman ang gagawin ng mga bata buong araw kaya
nagpasya akong umuwi muna at ipaubaya sa mga gago ang pagbabantay.

Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. "Mga 'tol, uwi muna ako."

"Buti naman naisip mo, 'tol," mabilis na sabi ni Boul at nagtakip pa ng


ilong.

"Aba matinde, 'tol! Kahit tumira ka pa sa singit ko, wala kang maaamoy
r'yan," sabi ko at nagkunwaring lalapit sa kaniya pero tinulak niya na ako
palabas.

"Gago."

Nang makauwi ako ay dumeretso na ako sa banyo para makapag-presen ap.


Nang matapos ay pumili ako ng damit na mas lalong makakapagpaguwapo
sa akin kapag suot ko tapos ay pinuntahan ko na si Mei sa opisina.
Nandito lang si Mei sa opisina niya sa loob ng bahay dahil tambak ang mga
bisnes tingi na kailangang asikasuhin.

"Kumusta ang asawa kong ubod ng ganda?" malambing kong bati at


naglakad papunta sa tabi niya. Nakaupo siya sa suwibel cher kaya
dumukwang pa ako para mahalikan siya sa tuktok ng ulo at saka ko iniwan
ang braso ko sa balikat niya.

Ang suwerte ko nga naman dahil napakaganda ng asawa ko.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya kaya nag-aalala akong tumingin sa


kaniya.

"Ang lalim n'on, misis, ah. Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya. Hinatak
ko iyong isang silya at naupo sa tabi niya.

"Medyo hindi maganda ang takbo ng company natin," sabi niya at tinuro
iyong laptap. Nakalagay roon iyong grap ng seyls at inkam ng kompanya
namin at nakita ko ngang pababa ang mga linya roon.

Paksyet!

Napakamot ako sa sentido ko dahil problema nga ito. Kaya naman pala
istres na itres si Mei nitong mga nakaraan.

"Maaayos din iyan, Mei. Don stres yorselp tu mats," sabi ko at pumwesto
ako sa kanyang likod at minasahe ang kanyang ulo. Abala pa rin ito sa
pagtingin sa mga papeles at sa laptop habang dinadama ang hilot ko.

Hinilot ko rin ang kanyang likod dahil alam kong nananakit na ito kakaupo.

"How's the kids?" tanong niya.

"Ayos naman sila. Hindi pa rin kabati nina Mikaela sina Cody at Azure
dahil sa ginawa nila. Iyong grupo naman nina Kayden ay on da mub na sa
mga target na na-riserts nila. Sina Amber at Katana naman...chil pa rin,"
pagkukuwento ko. Napangiti pa ako dahil naaaliw akong panoorin ang mga
bata.

Siguradong marami akong hindi masasaksihan dahil wala ako roon para
manood sa kanila pero okey lang dahil makakapag-banding naman kami ng
asawa ko.

"Cody and Azure need to learn from their mistake," sabi ni Mei. Tumango
naman ako at muling tumabi sa kaniya.

"Sa tingin mo ba, makakayanan ng grupo nina Cody 'yon?" tanong ko pa.
Mukha kasing sila ang pinakanahihirapan at nahuhuli. Wel, maliban kay
Emerald na may lids na pero hindi ko rin alam kung sino at kung tama siya.

"Huwag kang mag-alala kina Cody at Azure dahil sigurado naman na


magkakaayos sila ng mga kagrupo nila. I already told you, they were sent
there to learn." Nginitian ako ni Mei kaya naman tumango-tango na rin ako
dahil alam ko namang tama ang sinasabi niya.

"Ah, gusto mo bang kumain muna, Mei? Ipagluluto kita," tanong ko dahil
nang mapatingin ako sa wol klak ay oras na pala para magtanghalian.

Tumango naman siya bago isinara ang laptop niya. Sabay kaming tumayo at
hinawakan ko pa ang kamay niya bago kami bumaba at pumunta sa kusina.
Iginiya ko siya paupo sa kawntertap chers.

"Anong gusto mong kainin, Mei?" tanong ko habang tumitingin sa mga


puwede kong iluto sa loob ng prijider.

"Whatever you'd like," sabi naman niya kaya tumango ako. Kinuha ko ang
ingrijents ng naisip kong lulutuin ko at nag-umpisa nang mag-asembol sa
may lababo.
"Let me help you," biglang sabi ni Mei na nasa tabi ko na pala. Tumango
naman ako dahil alam kong mas ekspert si Mei sa pagluluto kaysa sa akin.

Itinali niya muna ang buhok niya at sinuotan ko siya ng eypron. Sinuotan
niya rin ako ng ganoon kaya natawa kami sa isa't isa. P'wede naman kasi
naming gawin ng kaniya-kaniya pero sinuotan pa namin ang isa't isa.

Okey lang naman sa akin dahil mas suwit ang ganoon. Shurbol akong
kinikilig si Mei dahil sa lakas ng karisma at kasuwitan ng isang Sebastian
Lerwick.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Nabusog ka ba, Mei?" tanong ko kay Mei nang matapos kaming kumain.
Sinalinan ko ng tubig ang baso niya at inilapit sa kaniya.

"Yeah. I liked the food. Thank you, Lerwick," sabi niya at saka uminom ng
tubig.

"Tayong dalawa naman ang nagluto n'on, eh," sabi ko dahil kanina pa niya
ako pinupuri na masarap ang luto ko kahit pinagtulungan naman namin
iyon.

Bahagya siyang natawa. "You still did almost everything."

"Wala 'yon. Olweys at your serbis ang guwapo mong asawa." Ngumiti rin
ako at kinindatan pa siya.

"Nawala ba ang stres mo kahit papaano?"

"Yeah."

"Lalo na't ganitong mukha ang makikita mo, 'no?" prawd na sabi ko pero
inirapan niya lang ako.

Tsk! Ang hirap talaga maging magandang lalaki. Dine-denay pa tuloy ni


Mei ang kaguwapuhan ko para lang hindi ako maagaw ng iba sa kaniya.
"Stop flattering yourself, Lerwick." Tumayo siya bitbit ang pinagkainan
niya at nagpunta sa lababo para sana hugasan sana iyong mga plato pero
pinigilan ko naman siya kaagad dahil gusto ko na makapagpahinga muna
siya habang nandito pa ako.

Pumayag naman siya at sinabing mauuna na sa kuwarto para magpahinga


muna habang ako ay naghuhugas ng plato. Iniligpit ko na rin ang mga
bagay na kailangang ibalik sa ayos sa kusina at nang matapos ay saka ako
sumunod sa itaas.

Naabutan ko si Mei na nakahiga sa kama at natutulog na. Napangiti tuloy


ako dahil bahagya pang nakabuka ang mga labi niya.

Mukhang pagod na pagod talaga ang asawa ko.

Marahan akong humiga sa tabi niya. Bahagya siyang nagising pero pumikit
din naman agad at yumakap pa sa akin. Niyakap ko rin siya at hinalikan pa
sa noo bago ko ipinikit ang mata ko.

Makapagpahinga nga muna.

Maggagabi na noong magising ako. Tulog na tulog pa rin si Mei sa tabi ko


at kahit gaano ko pa kagustong ubusin ang oras ko sa pagtitig sa mukha
niya ay hindi p'wede dahil kailangan ko pang umalis at bumalik sa etch kyu
para bantayan ang mga bata.

Bumangon ako at nag-presen ap muna sa banyo bago muling lumapit kay


Mei at bahagyang inalog. "Mei..."

"Hmm?" Dumilat siya umupo at sumandal sa hedbord.

"Babalik na muna akong hedkuwarters. Gusto mo bang sumama?" tanong


ko sa kaniya dahil baka mas gusto niya pang makasama nang matagal ang
kagandahang lalaki ko.

Tumango siya. "I'll just take a bath. Wait for me," sabi niya at naglakad na
papunta sa banyo at naligo.

Pagkatapos ay saglit lang siyang nagbihis at nag-ayos kaya nakaaalis kami


agad. Nag-drayb tru na rin kami para may makain kami at ang mga
kasamahan namin mamaya.

Nang makarating kami sa hedkuwarters ay nagkukumpulan iyong mga gago


roon sa isang monitor at nagtatawanan kaya nilapag ko muna iyong mga
bitbit kong pagkain at nakiusyoso.

"Hoy! Anong pinagkakatuwaan ninyo r'yan?" tanong ko at pilit na


sinisiksik ang ulo ko para makita iyong pinapanood nila.

"We're just looking at the footage that we haven't been able to catch up on
earlier," sabi ni Lionhart.

Kaya pala. Mukhang kararating-rating lang din nitong mga 'to dahil iyong
puteyj kaninang umaga pa iyong pinapanood nila. Tuwang-tuwa siya sa
kasungitang pinapakita ng anak niyang lalaki tapos ay bumubulong ng 'he
looks exactly like his mother when angry.'

Gago talaga 'to. Isumbong ko kaya kay Cassandra para mapatunayan nitong
si Lionhart na may pinagmanahan talaga si Duke. Amp!

Iniwan ko na sila roon at lumipat ng tingin sa ibang monitor. Sa present


taym na ginagawa ng mga bata na siya ring pinapanood ng mga kababaihan.

"They're still ignoring Azure and Cody," sabi ni Cassandra kay Mei nang
tumabi siya roon.

Natatawang napailing naman si Mei.

"Hindi pa rin ba sila pinapakain?" tanong ko naman.


"Hindi pa but Emerald stashed some food and brought it into their room,"
sabi naman ni Posha kaya nakahinga ako nang maluwag. Maawain talaga
'tong anak ni Blad.

Tiningnan ko naman ang iskrin kung nasaan ang panganay ko at ang mga
kagrupo niya. Nakaupo sila sa sopa at parang nagpapahinga. Kakauwi lang
yata nila galing sa pagmamasid na ginawa nila kanina. May mga pagkain na
rin sa harap nila pero hindi pa nagagalaw. Mga tinatamad pa sigurong
kumain dahil sa pagod.

Tahimik naman sa hotel rum nina Cody at ng mga kagrupo niya. Walang tao
sa sala at nasa kani-kaniyang mga kuwarto na sila at nagpapahinga.

May nakita pa akong sashey ng salabat at isang basong tubig sa bedsayd


teybol ni Mikaela kaya natawa naman ako.

Napaos na yata siya sa pagbubunganga roon sa dalawa. Pfft!

"OMG! Look at Amber and Katana, oh! They are so nakakatuwa," biglang
sabi ni Miss Caileigh kaya napatingin din kami roon. Pati iyong mga gago
na bisi sa kabilang iskrin ay nalipat din ang tingin doon.

Nakangiti kaming lahat habang pinagmamasdan iyong dalawang batang


malalim na ang tulog sa kama nila. Malamang ay nakatulugan nila ang
panonood ng tibi dahil naiwan nilang nakabukas iyon.

Nakasuot sila ng pajama na may magkatulad na desayn. Paniguradong si


Amber ang bumili ng mga iyon.

Hindi rin kapani-paniwala na halos wala nang espasyo sa pagitan nila dahil
halos magkayakap na sila habang natutulog.

Nakadantay ang isang binti ni Amber sa mga binti ni Katana habang ito
naman ay nakayakap sa may baywang niya.

"I think my baby just found a friend," sabi ni Mr. Roswell habang
nakangiting nakatingin sa dalawa.
-Day 5-

Maaga pa lang ay guwapong-guwapo na ako at reding redi nang umalis ng


bahay dahil may lakad ako ngayon. Ako na naman kasi ang naatasan ni
bossing para maghatid ng klu sa mga bata.

Peyborit talaga ako niyan ni bossing, eh. Lagi kasi akong nakikita at
inuutusan pero okey lang naman. Bukod kasi sa sobrang guwapo ko ay
hindi rin talaga maipagakakila na sobrang epishent ko sa trabaho. Aset yata
ng Roswells 'to!

Bitbit ko iyong tatlong baril ni bossing na hindi na niya ginagamit. Personal


na baril ito ni bossing noong mga panahong magkalaban pa ang Yaji at
Roswells at kasabay ng panibagong yugto ng buhay namin ay ang siyang
pagpapalit din niya ng mga baril.

Buti pa ang kagwapuhan ko hinding-hindi magbabago.

Pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse kong guwapo na manang-mana


kanino pa ba? E di sa amo niya. At tinahak ang adres ng mga bata.

Hindi katulad no'ng mga paghihirap na ginawa ko no'ng naghatid ng mga


alahas ay mas naging madali sa akin ang ihatid ang mga baril ngayon. Ismut
lang ang naging paghatid sa bawat grupo kaya maaga akong nakarating sa
hedkwarters para magbantay.

Umupo ako kaagad sa tapat ng mga iskrin at napako agad ang paningin ko
sa dalawang batang nasa kalsada.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Azure kay Cody na abala sa


pagtingin sa selpon habang naglalakad sila sa saydwok.

"Napakaaga naglalakwatcha amputa," bulong ni Ms. Amesyl.

"Kina Baby Katana. Wineys ko kasi iyong hotel nila kaya roon tayo
pupunta," sabi ni Cody at pinakita kay Azure ang mapang nasa selpon
niya.

"Anong gagawin natin doon kina twin sis?" nagtatakang tanong ni Azure.

"S'yempre ano pa ba? E di maghahanap tayo ng impormeshon! Para


naman may maiambag tayo sa mga kagrupo natin at para na rin
makikain!" sabi niya at ngumiti naman ito nang malapad. Kumislap naman
ang mga mata ni Azure nang marinig iyon at ngumiti rin.

"Magandang ideya nga 'yan! At saka baka nami-miss na ako ni Katana


Babes," sabi naman ni Azure. Inagaw niya pa iyong selpon ni Cody at
nanguna na sa paglalakad.

"Malapit na pala tayo, eh."

"Bakit ka naman niya mami-miss? Eh, mas guwapo ako sa 'yo,"


humahabol na saad ni Cody.

Hindi naman siya pinansin ng pinsan at nagpatuloy na lang sa paglalakad.


Pumasok sila sa isang hotel, iyon nga iyong magarang hotel kung saan
namamalagi iyong bunsong anak ni bossing kasama si Amber.

Dumeretso ang dalawa sa elibeytor na akala mo'y dito rin sila nakatira dahil
alam na alam na ang pupuntahan. Hindi man lang inalam muna sa prandes
ano ang rum namber ng sadya nila.

"Teka, hindi pala natin alam kung ano ang rum namber nila," biglang
sabi ni Cody nang sumara ang pinto ng elibeytor.

"Ha? Wengya! Akala ko naman alam mo! Dere-deretso ka pa!" singhal


ni Azure sa kaniya. Napakamot tuloy ng ulo ang anak kong guwapo tapos
ay nag-pis sayn sa pinsan niya.

"Tawagan mo na lang si Insan," sajeschon ni Cody. Inismiran naman ni


Azure si Cody bago kinuha ang selpon niya sa bulsa at kinontak ang
kakambal.
En in an instan ay may nagring mula sa iskrin kung nasaan si Amber.
Nakaupo siya sala at naglalagay ng pintura sa kuko nang tumawag si Azure.
Umirap siya at dahan-dahang nilapag iyong kyutiks para sagutin ang tawag.

"Oh?"

"Twin Sis, nandito kami sa hotel na tinutuluyan ninyo..." rinig kong sabi
ni Azure mula sa iskrin kung nasaan siya.

Lumipat ulit ang tingin namin kay Amber dahil siya na ang sasagot.

Ampetengene! Magkaka-istipnek yata ako sa kakalingon sa dalawang


monitor.

"Anong paki ko, Azure? Paano kayo nakapasok dito sa loob? Hindi n'yo
ba nakita sa labas ang sign na no pets allowed?" masungit na tanong ni
Amber kaya napalingon sa gawi niya si Katana na kakalabas lang ng
kuwarto.

"B-bumibisita lang naman," sabi ni Azure. Napalunok pa ito dahil sa


kasungitan ng kakambal.

Umirap si Amber. "Mukha ba akong may sakit? Hindi ko kailangan ng


bisita."

"Hala! May sakit nga si Amber? Kawawa naman," biglang tanong ni Ms.
Aemie.

"Wala, Ms. Aemie," sagot naman ni Posha.

"Eh, kasi bumibisita sina Azure at Cody," sabi niya tapos biglang nanlaki
ang mata at tinakpan pa ang bibig. "OMG, guardian angel! Kung hindi si
Amber ang may sakit, e di si Katana?"

"They're both fine, Ms. Aemie. Don't worry, those boys just want to eat,"
paliwanag pa ng asawa ni Lee.
Napakamot naman sa ulo si Azure. "Hehe, dali na, Twin Sis. Ano bang
room number ninyo?"

"3901. 39th floor."

"Yown! Salamat, Twin Sis! See you!" masiglang sabi ni Azure at saka
binabaan ng tawag ng kakambal. Ipinagpatuloy naman ni Amber ang
pagde-desayn sa mga kuko niya.

"39th floor daw," sabi ni Azure kay Cody na tumango naman bilang tugon.
Lumapit siya sa mga boton at pinindot ang namber 39 doon.

Ilang sandali pa ay nag-ping na ang elibeytor, tanda na narating na nila ang


plor na nais nilang puntahan. Lumabas sila roon at mabilis na hinanap ang
rum nina Amber at Katana. Nang mahanap nila iyon ay kaagad silang nag-
dorbel.

Sa kabilang iskrin ay nagkatinginan naman sina Katana at Amber nang


marinig ang dorbel. Nag-uusap sila gamit ang mga mata kung sino ang
magbubukas ng pinto pero nanalo si Amber. Pinakita kasi niya kay Katana
ang hawak niyang kyutiks.

Padabog na tinanggal ni Katana ang trow pilow na nasa mga hita niya at
tumayo. Nagpagpag pa ito ng damit bago naglakad papunta sa pinto at saka
pinagbuksan iyong dalawa.

"What are you doing here?" nakataas ang kilay na tanong ni Katana nang
makita iyong dalawa.

Hindi naman sila nakasagot at parehong nakatulalang nakatingin sa


bunsong anak ni bossing. Mas lalong tumaas ang kilay ni Katana dahil
walang sumagot sa kaniya.

Lumingon siya kay Amber na nakasilip lang mula sa kinauupuan. "You


know these guys are coming?" tanong ni Katana sa kanya.
Pairap na tumango naman si Amber. "Unfortunately, yes."

"Come in," sabi ni Katana roon sa dalawa at saka sila tinalikuran at iniwan
lang na nakabukas ang pinto.

"Hoy! Alam kong maganda ako at tanga kayo. Pero tatanga na lang ba
kayo r'yan?" sigaw ni Amber doon sa dalawa na mukhang nakabalik na sa
wisyo.

Nagkatinginan pa silang dalawa at kamot-ulong pumasok sa rum nina


Amber.

"Wow! Ang ganda naman ng kuwarto ninyo, Insan!" manghang sabi ni


Cody habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng tinutuluyan nina Amber
at Katana. Pero s'yempre, bilang guwapong ama, hindi makakatakas sa akin
ang pasimpleng pagnanakaw ng tingin ng bunso ko sa bunso ni bossing.

"Marami siguro kayong ginagawa rito," sabi pa ni Cody sabay bagsak ng


katawan sa sopa.

Nagkatinginan naman sina Katana at Amber at parehas na sumimangot.

Pfft! Wala ngang magawa iyang dalawang iyan d'yan, eh.

"Miss na miss n'yo na ba ang kagandahan ko't hindi n'yo matiis na hindi
ako dalawin dito?" tanong ni Amber sa dalawa kalaunan.

"Ah, hindi naman, Insan."

"Sus! Nahiya pa talaga kayong umamin," sabi ni Amber.

Hahawiin sana niya ang buhok pero ng maalalang hindi pa tuyo ang kyutiks
sa mga kuko niya ay inirapan na lang niya ang pinsan at kakambal niya.

"Erkey, iibahin ko na lang ang tanong... Bakit n'yo iniistorbo ang


kagandahan ko?"
"A—ano...may pagkain ba kayo rito, Twin Sis?" nahihiyang tanong ni
Azure habang nakahawak sa chan niya.

Kumunot naman ang noo ni Amber. "Ganiyan ba kahampaslupa ang


group niyo't pinadala pa talaga kayo rito para makikain?"

"Ha-ha! Ang totoo niyan...hindi nila kami pinapakain, Insan," sabi


naman ni Cody.

Nagtaka naman iyong dalawang gerls na kaharap nila at napapailing


kasunod ng tag-isang buntonghininga.

Tumayo si Amber at naglakad papunta sa kusina. Sumunod naman agad


iyong dalawa sa kanya.

Si Katana naman ay naiwan lang sa sala kaya nagbukas lang ito ng tibi.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Maya-maya ay lumabas na rin iyong tatlo mula sa kusina.

Nakasunod pa rin iyong bunsong anak kong guwapo na si Cody at saka ang
pinsan nitong guwapo rin na si Azure kay Amber. Bitbit nila parehas iyong
sandamakmak na pagkain.

Umupo ulit si Amber sa puwesto niya kanina at saka ipinagpatuloy ang


kaninang ginagawa. Iyong kabilang kamay naman ang nilalagyan niya
ngayon ng pintura.

Samantala, iyong dalawa naman ay inilapag ang mga pagkain sa senter


teybol at saka naupo sa sahig. Nag-umpisa nang kumain si Azure habang si
Cody naman ay natigilan at napatitig nang masama sa kung saan.

Nang sundan ko ang tingin niya ay iyong mga jiwelris na klus pala nina
Katana iyong sinasamaan niya ng tingin. Nandoon din kasi iyon sa senter
teybol.

Takte! Parang may troma na si Cody sa mga alahas ha?

"Why do you keep staring at the jewelries?" tanong ni Katana nang


mapansin ang tingin ni Cody. Gulat na napalingon naman sa kaniya si Cody
at napailing na lang bago magsimulang kumain.

"Ano na naman bang katangahan ang pinaggagawa n'yo at hindi kayo


pinapakain ng mga kagrupo ninyo?" tanong ni Amber na parang
nandidiring nakatingin sa kakambal at pinsan dahil sa paraan ng pagkain ng
mga ito. Mga nagmamadali kasi at halos hindi na nginunguya ang pagkain.

"Ganito kasi 'yan, Twin Sis..." Punung-puno ng pagkain ang bibig niya
kaya uminom muna siya ng tubig para malunok iyon bago ipinagpatuloy
ang sinasabi, "...to kasing si Cody—"

"Anong ako?" angal naman kaagad ni Cody. May tumalsik pang pagkain
galing sa bibig niya kaya nag-iba naman ang ekspreshon ng mga mukha ng
dalawang gerls.

"Ew!" biglang sabi ni Shin at saka natawa.

Sumama ang tingin ni Azure kay Cody dahil sa pagtutol nito. "Ako ba
'yong nakaisip na ibenta iyong mga alahas ha?" tanong ni Azure saka
sumubo ulit ng pagkain tapos ay nagpatuloy na sa pagkuwento. "Alam na
kasi nila na...binenta namin ni Cody iyong mga alahas na dapat sana ay
clue ng grupo namin kaya...kaya nagalit sila tapos hindi na nila kami
hinahatian sa pagkain," pahinto-hintong kuwento ni Azure dahil panay
ang subo niya ng pagkain at pagnguya.

"Bakit n'yo naman kasi binenta?"

"Kaya..." umpisa ni Cody at saka muling sumubo, "...kaya ko lang naman


naisip na ibenta ang mga alahas ay dahil 'yon sa..." Panibagong subo na
naman ang ginawa ni Cody kung kaya ay mas sumama ang tingin sa kanya
ng tatlo. "...gusto ko lang makatulong sa mga pasyente sa ospital dahil
wala naman silang pera pampagamot."

"Alam mo naman kasi na para sa mission iyon, 'di ba?" tanong ni Azure
bago sumubo ng pagkain.

"Eh, bakit ako lang tinuturo mong may kasalanan. Sumama ka rin
naman, ah?" balik na tanong niya sa pinsan at kumain ulit na parang wala
nang bukas.
"PG naman," dinig kong sabi ni Boul.

"Pinakaguwapo? Oo, 'tol, ako iyon at ang anak ko," sabi ko at ningisian pa
siya. Sinamaan naman ako ng tingin n'ong gago.

Napailing na lang sa kanilang dalawa si Katana.

"The least you could have done was talk to your group about the donation
you'd like to make for these jewelries belong to you and your group. They
also have a say in this matter," umiiling na sabi ni Katana.

"I'm guessing Kuya Caliber is pretty upset right now," pabulong na


dagdag pa niya.

"Kung sinabi naman namin, sigurado naman ako na hindi sila


papayag," mahinang sagot ni Cody.

"Duh! Malamang hindi talaga sila papayag..." sagot naman ni Amber sa


pinsan na napakamot na lang sa ulo at pinagpatuloy ang pagkain. "...pero
dapat sinabi n'yo pa rin."

"Ang sarap!"

Ilang minuto pang walang inatupag ang dalawa kundi ang kumain. Nang
matapos ay magkasunod silang pumunta sa kusina para ligpitin ang mga
pinagkainan nila.

"Busog na busog ako!"

Pareho pang nakahawak sa matatambok nilang tiyan ang dalawa nang


sabihin nila iyon. Pfft! Mukhang nag-imbak na ng maraming pagkain 'tong
magpinsan na 'to, ah.

"Makakaalis na kayo," sabi ni Amber sa dalawa pagkaupo ng mga ito sa


sopa sa salas.
"Wengya! Wait lang naman, Twin Sis. Parang sasabog ang tiyan ko, eh,"
reklamo ni Azure.

Umirap si Amber at binato ng unan ang kakambal na agad naman nitong


nasalo. "Sino ba kasing nagsabing lamunin n'yo lahat ng pagkain
namin?"

"Ang sarap kasi, Insan. Hindi ko pa 'to madalas natitikman dahil


pangmamahalin." Si Cody ang sumagot habang inililibot ulit ang paningin
sa kabuuan ng tinutuluyan ng pinsan niya at ni Katana.

"Erkey, hindi naman na nakakapagtaka sa inyo," sagot nito.

"Grabe, ilang araw nang ganito ang laypstayl n'yo? Hindi pa rin kayo
nauubusan ng pera?" takang tanong ni Cody.

Nagkibit-balikat si Amber bago sumagot, "Duh! Ni hindi pa nababawasan


miski piso iyong binigay sa amin na 200 thousand."

"Ha? Paano?" gulat na tanong ni Azure.

"Anong ginagamit n'yong panggastos dito sa kuwarto at pagkain ninyo?"


tanong naman ni Cody.

Nagkatinginan naman sina Katana at Amber at sabay ring nag-iwas tingin.

"E di sa tunay na may-ari nitong kuwarto na 'to," sabi ni Amber.


"Dagdag ko lang, pati pang-shopping sa kanila rin galing."

Napangiti naman si Azure sa narinig mula sa kakambal. "Talaga? Ang bait


naman nila para patuluyin kayo. Nasaan sila? Kasama n'yo rin bang
nakatira ri—"

"Patay na," simpleng sagot ni Amber pero gulat na gulat iyong dalawa.

"H-HA?!" sabay na tanong nina Azure at Cody pero tanging ngisi lang ang
isinagot ni Amber.

Nagpalipas pa ng ilang minuto sina Azure at Cody kina Amber bago


napagdesisyunan n'ong dalawa na umalis na.

Pero bago sila umalis ay binigyan sila nina Katana at Amber ng 1 million
para daw hindi na sila apihin ng mga kagrupo nila, at para may pera na
pamalit doon sa mga nagastos nila.

Ampupu! Gaano kaya karaming pera ang mayroon iyong may-ari ng hotel
na pinatay nina Amber at Katana?

Masayang naglalakad na ulit ngayon sina Cody at Azure sa saydwok.

At mukhang wala pa silang balak na umuwi sa tinutuluyan nila ng mga


kagrupo nila dahil hindi naman iyon ang daang tinatahak nila.

"Saan tayo?" tanong ni Azure sa pinsan.

"Ewan ko. Aba matinde! Sinusundan lang kaya kita!" sagot naman ni
Cody.

"Akala ko naman may iba pang pupuntahan. Tsk! Bumalik na lang


tayo," sabi ni Azure at umikot na para tahakin ang daan papunta sa hotel
nila pero pinigilan siya ni Cody.

"Ano?"

"Bisitahin na rin kaya natin ang grup tu?" sajeshon ni Cody.

Kumunot naman ang noo ni Azure at pinagkrus ang mga braso. "Paano
tayo pupunta roon? Alam mo ba kung saan?"

Tumaas ang kilay ng bunso kong anak at mayabang na tumayo sa harap ni


Azure. "Wala ka bang tiwala sa akin, Azure?" tanong niya.
Tiningnan naman siya ni Azure mula ulo hanggang paa at saglit na nag-isip.
"Depende sa sitwasyon," sagot niya at tumango-tango pa.

"Aba matinde! E di sa stiwasyon ngayon wala? Alam ko nga! Sinabi sa


akin ni Kuya Kayden kasi magka-teks kami palagi," paliwanag ni Cody.

Nagkatinginan naman kami ni Mei dahil sa sinabi ni Cody.

"Did you know they were texting each other frequently?" tanong ni Mei sa
akin dahil alam niya na ako ang isa sa madalas magbantay rito.

Umiling nama ako. "Hindi ko napapansin, Mei."

Takte. Bakit hindi ko alam iyon? Papatingnan ko nga mamaya kay Lee para
malaman at makita ko kung anong pinag-uusapan ng dalawa kong anak na
sa akin nagmana ng kaguwapuhan.

Pero nakakatuwa pa ring malaman na konsern pa rin sila sa isa't isa kahit na
teknikali ay magkalaban sila sa mishon na 'to.

"Nagte-text kayo?" ulit ni Azure.

"S'yempre! Nag-a-apdeyt kami ng layp status," sagot naman ni Cody.

"Aww, ang cute naman nina Kayden at Cody," komento ni Shin.

"Ano ang cute roon, Milka?" tanong bigla ni Ms. Aemie.

"Na nagkukumustahan po sila, Ate. Ganiyan din kami ni Kuya Vash dati,
eh," paliwanag niya pa.

"Kapag textmates cute agad? Bakit noong nag-mall kami ni Zeke noong
nakaraan sinabihan niyang cute iyong stuffed toy na binili niya para kay
Katana? Ibig sabihin, textmates din sila n'ong stuff toy?" Tiningnan pa niya
ng masama si bossing at saka muling nagsalita, "Sinasabi ko na nga ba—"
"In that case, I think Mr. Roswell talked about how the stuffed toy looked,
Ms. Aemie. While Milka spoke of the connection between the boys of
Meisha even if they were not together," paliwanag ni Cassandra.

Tumango-tango naman si Miss Aemie habang nakahawak sa baba niya.


Mukhang naintindihan na niya ang ibig sabihin ng mga kausap.

"Teka—kayo ni Amber hindi?" gulat at nagtatakang tanong ni Cody sa


pinsan niya.

"Hindi..." mahinang sagot ni Azure. Hindi ko maintindihan kung


nalulungkot ba siya o nahihiya, kaya bot na lang.

Nang-aasar na tumawa naman si Cody at itinuro si Azure. "Kawawa ka


naman!"

Hinampas ni Azure ang kamay ni Cody at tinalikuran. "Tsk. Tara na nga!"


inis na sabi niya at nanguna sa paglalakad na agad namang hinabol ni Cody.

Tinahak na nila ang daan papunta sa hotel na tinutuluyan ng grup tu na


ngayon ay nasa salas at nagdidiskushon.

"Businessman then jewelries, and then a gun..." isa-isang binigkas ni


Duchess ang mga klu na natanggap nila habang tinitingnan ang mga iyon na
nakapatong sa mesa.

Pero may kulang...

"A gun... What kind of person uses a gun?" tanong ni Trigger sa mga
kasamahan.

"A police?" sagot ni Lindsay.

"A soldier?" sagot naman ni Kayden.


Ngunit umiling lang si Trigger sa kanila at ngumisi. Kinuha niya rin iyong
baril at pinaglaruan sa kamay.

"A mafia," sabi niya.

Nagkatinginan naman ang mga kagrupo niya dahil sa pagkamangha. Tama


iyong anak ni bossing. Sa lahat ng taong humahawak at gumagamit ng baril
ay ang pagiging mapya lang ang pinakamalapit. Ikonsidera pa ang buhay na
mayroon kami.

Angas talaga ng anak ni bossing, shet!

"Ang judgmental naman ni Trigger. Porket may baril mafia na agad? Hindi
ba p'wedeng security guard?" komento ni Ms. Aemie.

Sinamaan lang siya ng tingin ng pinsan niyang nasa tabi niya habang ang
iba ay tinawanan naman siya.

Sa isang banda ay nakita ko sina Cody at Azure na nasa harap na pala ng


hotel rum ng grup tu. Bubuksan sana ni Cody iyong pinto pero nakalak
iyon.

"Mag-doorbell ka kasi!" pagpuna ni Azure. Akmang pipindutin na niya


iyong dorbel nang pigilan ni Cody iyong kamay niya.

"Sshhh..." pagpapatahimik niya sa pinsan at saka idinikit ang tainga sa


may pinto.

"So our target is a man with a jewelry business and a connection to the
underground society," pag-konklud ni Kayden. Iyon din iyong mga
salitang narinig ni Cody nang ilagay niya ang tainga sa pinto.

Tumango naman si Trigger. "Yes. But we have our top three targets. We
just need to know kung sino sa kanila ang kabilang sa mafia world,"
paliwanag ni Trigger.
Nakita ni Azure kung paanong manlaki ang mga mata ni Cody nang
marinig iyon kaya ginaya niya rin ang posisyon ng pinsan. Dalawa na silang
nakikinig lang mula sa pinto.

"Good luck na lang talaga kapag may dumaan," napapailing na sabi ni


Lampe.

"Your sons are such a pain in the ass," komento naman ni Lionhart.

Otomatik namang nagtinginan ang mga bata kay Raven. Kapag talaga mga
riserts riserts ay sa kaniya dumederetso, eh. Kaya masasabing aset sa grupo
nila si Raven dahil mas mabilis silang makahanap ng mga impormasyon sa
ilang klik lang.

Pero mukhang hindi naintindihan ni Raven ang pinapahiwatig ng mga


kasama niya at blangkong nakatingin lang din sa kanila.

"What?" tanong niya.

"Will you find out who amongst the top three belongs to the mafia
world?" tanong ni Duchess kay Raven. Umupo pa siya sa tabi nito
pagkatapos sabihin iyon.

Napakamot naman si Raven at alanganing umiling na agad na ipinagtaka ng


mga kasama.

"Is there a problem, Raven?" tanong ni Lindsay.

"Nasira ba laptop mo?" tanong ni Grayson.

Umiling ulit si Raven sa kanila at bumuntonghininga pa.

"I-I can't. The websites used by the mafia and everything related to the
underground society are too deep and restricted. Hindi ko pa kaya..."
mahinang paliwanag ni Raven.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lee sa gilid ko kaya tinaasan ko siya


ng kilay. Yabang nitong gagong 'to.
"Bata pa 'yan, 'tol. Don ekspek tu mats. Sumbong kita kay Strife, eh," sabi
ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mata niya at mukhang kinabahan. "Wala akong


sinasabi, ah!"

Lumingon-lingon pa si gago sa paligid para siguraduhing wala rito si Strife


tapos ay sinamaan ako ng tingin.

"Wala pa, 'tol. Mamaya pagdating," pang-aasar ko pa. Lumabas kasi si


Strife para magyosi.

Nandito rin ang mga asawa namin, as yuswal, maliban sa asawa nina Lewis
at Blad. Nandito rin si Ms. Aemie pero hindi kasama si bossing.

"I'm sorry," sabi pa ni Raven.

"Hey!" sabi ni Duchess. Umiling siya at ngumiti kay Raven. "You don't
have to feel bad about that. You'll learn it eventually."

"Hindi naman ako makakatulong ngayon," nagigilting sabi ni Raven.

"Raven, you've already contributed a great deal to our group. Don't be


too hard on yourself because you can't find what we need at this point,"
sabi ulit ni Duchess. Inabot niya pa iyong pisngi ni Raven at kinurot iyon
para ngumiti ang mga labi niya.

"She's right. You don't have to apologize for you have helped us a lot
from the beginning," pagsang-ayon naman ni Trigger.

"Marami naman tayo. We can use our brains this time and let your laptop
sit still," dugtong pa niya at sabay-sabay silang natawa dahil sa sinabi niya.

"So... Sino sa tingin niyo ang dapat na pagtuunan natin ng pansin sa


kanilang tatlo?" tanong naman ng panganay kong nagmana sa akin ng
katalinuhan at kaguwapuhan.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"We need to link the trails to our targets," sabi ni Grayson.

"Technically, we can cross off Ms. Atanacio because she's a


businesswoman," sabi naman ni Lindsay na tinanguan ng mga kasama
niya.

"So, it's either Mr. Alonzo or Mr. Castillo," sabi ni Duchess at saglit na
nag-isip. "How about we talk about what we saw when we spied on them
yesterday and make a decision afterwards?"

Sumang-ayon naman ang mga bata sa sajeshon ng anak ni Lionhart at nag-


umpisa na silang magsabi ng mga nakita't nalaman nila. Nakikinig naman at
paminsan-minsang nagtatanong rin sina Lindsay at Trigger pero hindi na
nagkuwento dahil wala na sa choyses ang minanmanan nila.

Iyong dalawa namang bata roon sa may pinto ay nakikinig pa rin kaya
napailing ako.

"Kanino ka, Lerwick?" biglang tanong ni Lampe sa akin. Hinampas pa ako


n'ong hawak niyang tig-iisang libo. Aba gago! Mukha ba akong paninda na
kailangang hampas-hampasin ng pera para magkasuwerte?

"Anong kanino? Kay Mei malamang. Tsk!" iritableng sabi ko at pinalayo


siya sa akin dahil masyado siyang malapit. Mahirap nang magkapalit kami
ng mukha dahil lugi ako.

"Gago! Anong kay Mei? Doon sa pinagpipiliaan n'ong mga bata! Sino sa
tingin mo ang unang pupuntahan nila? Pustahan 'to, dalian mo."

"Magkano?"

"One thousand."

"Sus! Iyon lang pala, eh. Si Mr. Castillo akin!" sabi ko at nagbigay ng wan
tawsan kay Lampe. Ngumisi naman siya pagkatanggap at naglibot para
tanungin din iyong iba.

Ampupu! Kakaiba iyong ngiti n'ong gagong iyon, ah. Ngiting iskamer.

"Pupusta ako kay Mr. Alonzo," sabi ni Lee sabay abot ng isang libo.

"Kay Mr. Castillo ako," sabi naman ni Boul.

Takte! Gaya-gaya, ah! Imbis na mag-isa lang akong mananalo ip eber, eh.

"Are you saying we should both go see Mr. Alonzo and Mr. Castillo?"
tanong ni Trigger kay Raven na katatapos lang magsalita at ipaliwanag ang
naisip niyang plano.

"Yes, Mr. Alonzo is an eminent corporate and mafia figure. He's using
jewelry to trade for illegal drugs. He is also the second biggest jeweller in
Asia," sagot ni Raven,

"So does Mr. Castillo. Ang pinagkaiba lang ay siya ang first biggest
jeweller dito sa Asia," dugtong naman ni Grayson.

"I thought we were all in agreement that we wouldn't be after all of them.
Kasi isa lang naman dapat, 'di ba?" napapabuntonghiningang sabi ni
Lindsay.

"I agree. Good heavens! We are talking about their lives here," pagsang-
ayon naman ni Duchess.

"Wala tayong choice dahil kung maghihintay pa tayo ng ilan pang araw
ay baka maunahan din tayo ng ibang group. We need to move as soon as
possible."

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Raven.

"We already have their addresses," panimula ni Trigger at tumayo. "We're


going to begin with Mr. Alonzo, followed by Mr. Castillo. Is that clear?"

"Copy!"

"Clear!"

"Roger that, Trig."

Sabay-sabay at iba-ibang sagot n'ong mga bata bago nagsipasukan sa mga


kuwarto nila at kunin ang mga gamit na hinanda nila para rito. Nang
lumabas sila ay nakapagpalit na ng mga komportableng damit at may mga
bitbit na baril, plasbam, greneyd, at mga paket nayp na inilalagay nila sa
mga bulsa o bag na dala nila.

"Let's go," pag-aya ni Trigger at nanguna sa pinto.

Napatingin naman ako kina Cody at Azure nang sabihin ni Trigger iyon.
Aligaga silang lumayo sa pinto at tumakbo sa may elebeytor. Ilang beses
nilang pinindot iyon para bumukas agad pero nang wala pa rin ay hinatak
na ni Azure si Cody sa emerjensi payr eksit at doon sila dumaan para
makababa.

Iyong grup tu naman ang nasaktuhan ng pagbukas ng elebeytor pagkarating


nila sa harap n'on kaya sumakay agad sila para makababa.
Nang makalabas sila ng hotel ay agad silang sumakay sa isang ban na binuk
nila kanina patungo sa adres na binigay ng mga bata. Papunta sila sa isang
abandunadong bahay na ni-riserts lang nila kanina.

Ang plano kasi nila ay salubungin si Mr. Alonzo na papunta sa haydawt


nito at doon tapusin. Madadaanan n'ong target nila iyong bahay kaya
saktong-sakto ang gagawin nilang pagsalubong. Nakita nila ang iskejul n'on
sa pamamagitan ng pag-hak sa rekords na mayroon ang sekretari ni Mr.
Alonzo dahil porchunetli ay iyon din pala ang kanang-kamay niya kahit sa
andergrawnd.

"Pakisundan na lang po iyang van sa harap pero huwag n'yo pong


gaanong dikitan," sabi ni Azure sa drayber ng taksing sinakyan nila at
itunuro iyong ban ng grup tu na kaagad naman nitong sinunod.

Ngingisi-ngisi ngayon si Lee habang nakalahad ang kamay sa harap ni


Lampe. Nanalo nga pala 'to sa pustahan, ampupu!

"Ibigay mo na, 'tol. Huwag kang mandaya rito," abot-tainga ang ngiti na
sabi niya kay Lampe na nag-aabang na ibigay ang pera. Ilang beses pa
niyang pinagpantay-pantay iyon at tinupi-tupi kaya inagaw na iyon sa
kaniya ni Lee. "Tsk!"

"Parang inaayos ko lang, e." Napakamot pa sa batok si Lampe at muling


binalik at tingin sa monitor.

Nakarating na iyong grup tu sa tapat ng destinashon nila habang sina Cody


at Azure naman ay nagpababa ilang metro ang layo at doon tahimik na
pinanood kung paano ie-eksekyut ng grup tu ang plano nila.

Nahati ang grup tu sa dalawang grupo. Sina Trigger, Lindsay, at Grayson


ang nagpunta sa kaliwang bahagi ng kalsada. Habang sina Kayden, Raven,
at Duchess naman ang sa kanan. Umatras sila ng ilang metro palayo roon at
nagtago sa matataas na talahib at saka tahimik na naghintay.
"Any minute from now," rinig kong sabi ni Raven. Magkakalayo man sila
ay narinig din iyon ng mga kasama niya dahil may suot silang mga irpis. Isa
iyon sa mga binili nila gamit iyong perang binigay sa kanila kaya
nagkakarinigan sila ngayon.

"That's him!" anunsiyo ni Grayson sabay turo sa tatlong kotseng itim na


sunod-sunod kaya agad siyang pumuwesto. Ganoon din naman ang ginawa
ng mga kagrupo niya.

Inabangan nilang makalapit pa ito sa kanila ng mga ilang metro bago nila
inasinta ang mga gulong nito. At dahil galing sila sa damuhan ay klules si
Mr. Alonzo at ang mga tauhan niya kung saan nanggaling iyong mga bala
ng baril na dahilan ng pagsabog ng gulong ng sasakyan nila.

"As soon as they come out of the car, we'll attack," sabi naman ni Trigger.

Ilang segundo lang ang lumipas ay sunod-sunod ngang lumabas ang mga
tauhan na lulan ng sasakyan. Lahat sila ay mga armado ng baril na
nakatutok sa kung saan-saan habang kinokober ang amo nilang kabababa
lang ng sasakyan.

"May nagulungan ba tayo?" tanong pa nito habang nakatingin sa mga


gulong.

"Now!"

Sa isang malakas na sigaw ni Trigger ay sabay-sabay na nagsilabas ang mga


bata sa damuhan at pinagbabaril ang mga tauhan. Sinubukan ng mga tauhan
na magtago pa sa likod ng mga sasakyan pero huli na sila. Natamaan na sila
ng bala sa iba't ibang parte kaya nahirapan na silang tumakbo. Itinutok na
lang din nila ang mga baril sa mga bata na suwabe namang naiiwasan ng
mga ito.

"Wengya, Cody! Baka matamaan ka!" pabulong na sigaw ni Azure kay


Cody sabay hatak payuko dahil nagpupumilit itong sumilip sa barilan.
"Ayan iyong pers target, Azure!" eksayted na sabi ni Cody.

"Alam ko pero hindi nila tayo puwedeng makita!"

Nang maubusan ng bala iyong mga bata ay tumakbo na sila papalapit at


nakipaglaban sa mga natirang tauhan gamit ang mga kamay at paa.
Nagtutulungan sila kaya naging madali ang magpatumba. Wan apter
anader, ganoon.

Nang makaagaw ng raypol si Kayden ay tiningnan niya ang mga


kasamahan niya at sumigaw, "Yuko!" Tapos ay niratrat ang mga natirang
kalaban.

Lahat ubos. Tumba. Wala nang buhay.

"Wooh! Anak ko iyan. Syet!" chir ko pa.

"What do you need from me?" tanong ni Mr. Alonzo. Buhay pa pala 'tong
mokong na 'to at nagtatago sa likod ng isang sasakyan habang nakatakip
ang kamay sa sikmurang nagdudugo.

"Are you the person we've been looking for?" tanong ni Lindsay sa
kaniya.

"I am not even familiar with you!" nangaggalaiting sabi niya.

"I'll go check his briefcase. Check the other cars," utos naman ni Duchess
at saka pumasok sa pinakaunang kotse.

Naiwan sina Trigger at Lindsay doon sa harap ni Mr. Alonzo habang


hinihintay ang mga kasamahan.

"You don't know who we are?" nagtatakang tanong ni Trigger. Hindi


naman sumagot si Mr. Alonzo at dumura lang sa gilid niya.

Bumaba si Duchess sa naunang sasakyan at nakakunot ang noong nagsalita.


"There's nothing here."

"Wala rin doon," sabi ni Kayden na kakalabas lang sa pangalawang kotse.

Hinintay nila sina Raven at Grayson na makabalik sa harap nila para


malaman kung may nakita sila pero nang umiling iyong dalawa ay mariing
napapikit si Trigger.

Nagkatinginan naman sina Cody at Azure. Mukhang iisa ang nasa isip nila
at iyon ay ang mauna sa sunod na target nina Trigger. Nagtanguan sila at
nagbilang ng tatlo bago kumaripas ng takbo palayo sa lugar na iyon.

"Shit!" sabi ni Trigger at huminga nang malalim. "Okay. Next target,"


sabi niya sabay binaril si Mr. Alonzo sa ulo at tinalikuran. Sumunod naman
sa kaniya ang mga kagrupo niya na parang walang nangyari pero halata na
laglag ang mga balikat.

"Ambilibabol," wala sa sariling sabi ko dahil sa pagkamangha sa mga


ipinakita nila.

"Wooh! Wengya! Nabawasan ang trabaho ko, ah," biglang sabi ni Lampe at
nagtawanan naman kami.

Petengene! Ang suwerte nitong isang 'to, ah.

"Oh. Buti naisipan n'yo pang bumalik?" masungit na salubong ni Mikaela


kina Cody at Azure nang makapasok sila sa hotel rum nila na naghahabol
ng hininga. "Ano'ng nangyari sa inyo?" tanong niya. Iyong kaninang
masungit na boses ay napalitan ng pag-aalala.

Mabilis siyang pumunta ng kusina at kumuha ng dalawang basong tubig at


binigay sa dalawa nang makabalik sa sala. Agad namang ininom iyon n'ong
dalawa.
"Anong nangyari r'yan sa mga 'yan?" kunot noong tanong ni Duke
pagkalabas ng kuwarto.

"May..." Tumikhim si Cody. "May nalaman kami. Iyong—ano." Hindi


matuloy-tuloy ang sasabihin ni Cody dahil kinakapos ng hininga.

"Ano?" inip na tanong ni Mikaela. Magkakrus ang mgra braso niyang


naupo sa sopa. Sumunod naman ang mga kasama niya sa kanya.

"Wala pa ba sina Emerald at Caliber?" tanong ni Duke awt op nower.


Saka ko lang napansin na wala nga iyong anak ni Blad at bunsong lalaki ni
bossing.

"Obvious ba?" tanong niya at muling tumingin sa dalawa. "Ano? Saan ba


kayo galing? Hinahanap kayo n'ong dalawa."

"Ah, Mikaela...ito oh," sabi ni Cody at inislayd sa lamesa papunta kay


Mikaela ang bripkeys papunta kay Mikaela.

Kahit nagtataka ay kinuha ni Mikaela iyon at binuksan. Agad na nanlaki


ang mga mata ng anak ni Lewis nang makita ang sandamakmak na perang
laman n'on. "Ano 'to?"

"Pera. Kapalit doon sa alahas na binenta namin," nakayukong sabi ni


Cody.

Saglit na napatitig naman si Mikaela sa magpinsan tapos maya-maya ang


ngumiti. "Okay!"

"Hindi ka na galit?"

"Hindi na. 'Di ba, Duke?" bumaling pa ito kay Duke na tumango lang.

"Ano nga iyong sasabihin mo na nalaman ninyo, Cody?" pagbabalik ni


Duke sa tapik.
"Nagpunta kami kina Kuya...tapos narinig namin iyong plano nila at
iyong mga target. Nakita namin silang patayin iyong unang target," sabi
ni Cody bago uminom ulit ng tubig.

"Kung...kung mauunahan natin sila sa pagpatay roon sa sunod na target


ay tiyak na mas may tyansa tayong manalo," dugtong naman ni Azure.

Nagkatinginan sina Duke at Mikaela dahil sa sinabing iyon n'ong dalawa.

"Sigurado ba kayo?" tanong ni Duke.

"Wengya! Oo naman!"

Tumango ulit iyong dalawa at kumislap ang mga mata. Bahagya pang
napangiti dahil siguro sa impormeshon na mayroon na sila ngayon.
Magtatanong na sana sila ulit nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa
n'on sina Caliber at Emerald.

"Where the hell have you been?" iritableng tanong ni Caliber nang
makitang nakaupo na sa sopa iyong dalawang batang hinahanap nila.

"Kung saan-saan pa po namin kayo hinanap, Kuya Azure at Kuya Cody,


nandito na po pala kayo," sabi pa ni Emerald. Umupo siya sa tabi ni
Mikaela habang nanatili namang nakatayo si Caliber na magkakrus ang
mga braso.

"Iba talaga ang karisma ng mga guwapo. Akalain mong hinanap pa


talaga nila ako, Azure?" manghang-manghang tanong ni Cody habang
nakahawak pa sa baba.

"Tama ka r'yan, 'nak!" pagsang-ayon ko kahit hindi naman niya ako rinig.
Siniko naman ako ni Mei at sinamaan ng tingin kaya nanahimik na rin ako
at nag-pokus na lang sa panonood.

"Hoy! Tama na iyan," saway ni Mikaela at saka tiningnan si Caliber.


"May dala silang impormasyon sa atin," sabi niya kaya umangat ang
isang kilay ni Caliber at tumingin sa dalawa.
"Alam na namin kung sino iyong target," sabi ni Cody.

Tumaas ang isang kilay ni Caliber. "How did you know?"

"Haay!" Marahas na bumuga si Mikaela ng hangin dahil uulitin na naman


ang kuwento.

"Nagpunta raw sila kina Trigger at narinig nilang nagpaplano. Dalawa,


originally, iyong pinaghihinalaang target pero napatay na nila iyong isa
at wala silang napala. Ngayon kung mauunahan natin sila sa huling
target..." Saglit siyang huminto para ngumiti. "May chance na tayong
manalo."

"Ol tenks tu mi," sabi ni Cody at itinuro pa ang sarili niya.

Agad na nagprotesta naman si Azure. "Hoy, kasama rin ako r'yan,"

"You eavesdropped into their conversation?" hindi makapaniwalang


tanong ni Caliber. Nagkatinginan iyong magpinsan bago sabay na tumango.

"Isn't that some sort of cheating?" tanong ulit ni Caliber na ikinalaki


naman ng mata n'ong dalawa.

"Chiting?!" malakas na tanong ni Cody.

Tumango si Caliber. "Yes, you listened to them while they were working
on their plans instead of sitting here and planning with your own group,"
seryosong saad ni Caliber. Mukhang naiinis na talaga dahil sa mga kagrupo
niyang pasaway.

"Hep! Hep!" Tumayo si Mikaela at pumagitna sa mga kagrupo. "Huwag


ninyo nang pagtalunan iyan. Wala namang sinabing ganiyan sa rules,
ah. Ang mahalaga ay may lead na tayo—sino nga?"

"Mr. Castillo," sabi ni Azure sa pangalan. Mabilis tuloy na napatingin si


Caliber sa kaniya.
"Mr. Castillo?" pag-ulit ng anak ni bossing. Tumango sina Cody at Azure
kaya nanlaki ang mata ni Caliber.

"I knew it!" bulong niya pero narinig pa rin n'ong iba. Nagtataka silang
nakatingin kay Caliber na nakangiti ngayon at parang tuwang-tuwa na tama
iyong nadiskubre niya..

"How did he know?" tanong ni Mei.

"He's been searching on his own," sagot naman ni Posha kaya napatango
kaming lahat.

Lupit talaga ng mga anak ni bossing! Hindi ko man lang napansin na iyong
mga ginagawa na pala ni Caliber ay ang paghahanap ng mga inpormeshon
tungkol sa target nila.

"Alam mo?" tanong ni Duke.

"I just checked it out."

"Do you know the whereabouts of that man, Baby Caliber?" tanong
naman ni Emerald. Seryoso ang mukha niya at mukhang malalim ang
iniisip pero nakakasabay pa rin naman sa usapan ng mga kagrupo.

"Hindi ba't may hula na rin si Emerald kung sino?" tanong ni Boul.
Tumango naman kami.

"Hindi pa rin ba niya sinasabi?" tanong ni Strife.

"I haven't heard of any," sagot naman ni Posha.

"Ako rin, love," gatong ng gagong si Lee.

Lab amp!

Tumango lang si Caliber sa tanong ng anak ni Blad.


"Ako rin, Emerald. Alam ko kung saan," sabat ni Azure.

"Okay po."

"Siguradong papunta na rin iyong grup tu roon," nakalabing sabi ni


Cody.

"E di ano pang ginagawa natin dito? Tara na!" pag-aaya ni Mikaela at
mabilis na kumuha ng baril.

"Yown! Lesgo!"
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Tens na tens ang kaguwapuhan ko habang palipat-lipat ng tingin sa iba't


ibang monitor para mabantayang maigi ang galaw ng mga bata. Halos
sabay lang na dumating ang grup tu at grup tri pero hindi pa sila nagkikita
dahil nasa harap ang grup tu samantalang pumuslit naman sa likod iyong
grup tri.

Nasa sikret haydawt sila ng mapya grup ni Mr. Castillo na isang


abandunadong bilding.

Plano ng grup tu na i-inpiltreyt ang buong haydawt at tapusin din mismo


ang target dito no mater wat it teyks.

Ang grup tri naman ay ganoon din, pero mas nangingibabaw sa kanila ang
planong mauna.

"Ready?" tanong ni Trigger sa mga kasama. Nakasandal sila sa isang


mataas na pader sa tabi mismo ng entrans at naghahanda sa pagpasok.
Ikinasa nila ang mga hawak na baril at dinobol chek ang mga dalang
greneyd at plasbam.

Nang tumango ang mga kasama ay hinatak ni Trigger iyong seypti pin ng
hawak na ismok greneyd at hinagis sa loob. Nang gumawa iyon ng makapal
na usok ay saka pumasok ang mga bata at pinagbabaril ang mga
nakasalubong papasok ng bilding.

Nagkatinginan naman ang grup tri na nasa likuran ng bilding ng marinig


iyong mga barilang nanggaling sa harapan. "Nag-uumpisa na sila," sabi ni
Mikaela.
Akmang lalakad na sana papasok ng pigilan siya ni Duke. "Hintayin nating
magpunta iyong mga tauhan doon bago tayo pumasok," sajeschon niya.

"Kuya Duke is right po, Ate. In that way, not everyone would notice us
coming," pagsang-ayon pa ni Emerald. Tumango naman si Mikaela at
pinanood ang mga tauhan na aligagang tumakbo papunta sa harap. Nang
kumonti na ang mga tao roon sa likod ay nagsenyasan ang mga bata at saka
sumugod.

Hindi masyadong marami ang mga nakaharap nila kaya mabilis silang
nakarating sa sekan plor kung saan sila medyo nahirapan. Marami ring mga
armadong lalaki ang naroon na agad silang sinugod.

Wala tuloy silang magawa kung hindi ang makipaglaban gamit ang
parehong mga kamay at baril.

"Wengya! Anak ko iyan!" sigaw ni Lampe nang makita iyong ginagawa ni


Azure sa kalaban.

Tumatakbo kasi papunta kay Azure iyong kalaban kaya sinalubong niya.
Pero imbis na hayaang magtama ang mga katawan nila ay lumiyad si Azure
at umislayd papasok sa gitna ng mga hita n'ong lalaki dahilan kung bakit
napasubsob ito.

Mabilis na tumayo si Azure at tinalunan ang likod nito pagkatapos ay


binaril. Hinipan pa nito ang nguso ng baril na animo'y nasa isang akshon
mubi tapos ay tumakbo para tulungan ang mga kasama.

"Pasikat amputa," sabi ni Amesyl pero may maliit na ngiti naman sa mga
labi.

"Oh! Look at Duchess!" sabi ni Shin bigla kaya napatingin kami sa kabilang
grupo.

May limang lalaking kaharap sina Raven, Duchess, at Grayson pero hindi
kakikitaan ng takot ang mga bata.
Akmang susuntukin ni Grayson iyong isang kaharap nang mahuli nito ang
kamay ng bata. Bago pa man niya maiikot iyon ay mabilis na kumilos ang
dalawang kasama ni Grayson.

Bahagyang yumuko si Raven at pinagpatong ang mga kamay at tinanguan


si Duchess. Tumakbo si Duchess papalapit kay Raven, tumalon pa ito sabay
tapak sa mga kamay ni Raven.

Nang magtama ang mga palad ni Raven at mga paa ni Duchess ay buong
puwersang inangat ni Raven si Duchess. Saglit na nasa ere si Duchess pero
pagbagsak niya ay nasa balikat na siya n'ong kaharap ni Grayson at buong
puwersang ipinaikot ang leeg nito.

"What the fuck—" Halos maibuga ni Lionhart iyong iniinom niyang


sopdringks nang makita iyong eksibishon na ginawa ng anak.

"Where did she learn such a thing?" tanong pa ni Cassandra. Hindi mabura
ang mga ngiti sa labi niya dahil sa pagkamangha sa ginawa ng anak niya at
ni Raven.

"Pinagpraktisan ba nina Raven at Duchess iyon? Pulido, ah," sabi naman ni


Strife at natawa.

Nakapulupot ang braso ng isang lalaki kay Lindsay kaya hindi makakilos
ang bata. Tinutukan pa siya ng baril sa sentido pero hindi man lang niya ito
ininda.

Kinagat niya iyong braso n'ong lalaki nang sobrang diin hanggang sa
napagsigaw ito at napabitaw mula sa pagkakasakal sa kaniya.

Mabilis naman na kinuha ni Lindsay iyong pagkakataon para hilahin iyong


kamay n'ong lalaki at sapilitang dinala sa likod niya. Sinipa ni Lindsay
iyong lalaki sa likuran habang nagsusumigaw sa sakit iyong lalaki. Nang
mapaluhod ito ay akmang hahampasin na sana ni Lindsay iyon sa batok ng
bigla iyong barilin ni Kayden sa dibdib.

"Thanks," sabi ni Lindsay sabay salo sa baril na inihagis ni Kayden.


"Thanks for this, too!"

"Napakabayolente ng anak mo, Lee!" komento ni Boul.

"Mana sa nan—sa akin. Mana sa akin s'yempre," sabi ni Lee at iniwasang


tingnan si Posha na may nanunubok na tingin sa kaniya.

Sa kabilang monitor naman ay nandoon si Caliber. Istragling na


nakikipaglaban sa isang dambuhalang lalaki. Sinubukan niyang sumuntok
gamit ang baril pero nang matapik ang kamay niya ay tumalsik lang iyon sa
kung saan. Umatake na lang si Caliber gamit ang buong lakas ng kanyang
mga kamay pero nasuntok pa rin siya n'ong lalaki sa sikmura.

"Hala!" bulalas ni Ms. Aemie nang mapaluhod si Caliber at naubo.

"Baby Caliber!" sigaw ni Emerald at tumakbo papalapit doon. Galing siya


sa likod n'ong lalaki kaya nang malapit na siya ay buong puwersa siyang
tumalon at sinipa ang likod nito. Napaluhod iyong lalaki dahil doon kaya
mabilis siyang sinampahan ni Emerald para pagsusuntukin sa mukha at ulo.
Nawalan ng balanse iyong lalaki kaya napasama si Emerald na natumba.
Sakto namang katatapos lang ni Cody sa kaharap niya nang mapatingin siya
roon at lumapit.

Mabilis niyang inatake iyong lalaki at pinagsisipa sa mukha. Habang


ginagawa niya naman iyon ay pagapang na kinuha ni Emerald iyong baril ni
Caliber kanina at ginamit iyon para barilin iyong lalaki.

"Takte! Isi!" sabi ni Cody at lalapitan sana si Caliber pero nauna na si


Emerald.

"Are you okay, Baby Caliber?"

"I'm fine."

Samantalang sina Trigger, Mikaela, at Duke naman ay patungo na sa terd at


las plor ng bilding. Hindi pa sila awer na magkikita sila roon dahil
magkaibang hagdan ang ginamit nila.
Mabilis na binababaril ni Trigger iyong mga nakikita niyang lalaki na
haharang sa daan niya papunta sa opisina ni Mr. Castillio. Naghagis pa siya
ulit ng ismok greneyd nang medyo dumami na ang kalaban niya dahilan
para mabalot sila sa makapal na usok.

Sina Mikaela at Duke ay agad na nakipaglaban sa dalawang bantay na nasa


tuktok ng hagdan. Pinagtulungan nila iyon at tinulak sa matarik na hagdan
nang matapos. Nang masigurong wala nang tao ay magkasabay silang
tumakbo papunta sa pinto ng nag-iisang kuwarto sa bilding.

Wala silang idea na dalawa ang pinto n'ong kuwarto at nandoon na si


Trigger sa kabila at halos maduling na ang mata ko sa kakalipat kina
Mikaela at Trigger.

Sabay nilang binuksan iyong mga pinto at nagtutukan ng baril ng makita


ang isa't isa.

"Trigger?"

"Mikaela? Duke?"

Gulat na bati nila sa isa't isa pero nang may marinig silang tumikhim ay
nabaling agad ang mga tingin kasunod ng pagpaling ng mga hawak nilang
baril doon.

Nandoon si Mr. Castillio sa teybol niya. Nakaupo ito sa suwibel cher at may
hawak na wayn glas sa isang kamay.

"I can't believe Roswell picked kids to take me out of business,"


namamanghang sabi ni Mr. Castillo habang nakatingin sa tatlo.

"You knew we were here to take your life?"

Nagkatinginan naman iyong tatlong bata sa tanong at nang hindi makasagot


ay natawa na lang. "Your parents must be amused to see you play...and
complete the work that was theirs."

"Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Duke.

Bahagyang natawa iyong lalaki, "Hindi ba nila sinabi sa inyo? I've spent
the past couple of years hiding from the Roswells. Nagtatago dahil gusto
nila akong tapusin—"

"Hoy!" sigaw ni Mikaela kay Trigger nang barilin nito si Mr. Castillio.

"He's such a talker. Hindi naman siya ang target natin," sabi ni Trigger
at naglakad na palabas na sinundan naman agad nina Mikaela at Duke.

"Ang angas talaga ni Trigger! Wala na tuloy akong gagawin sa makalawa,"


sabi ni Boul at nagtawanan naman kami.

Isa pang suwerte, ampupu!

"Ano'ng ibig mong sabihin?" sigaw na tanong ni Mikaela habang lakad-


takbo sila ni Duke na humahabol kay Trigger.

Nakita naman sila ng mga kasama nila kaya sinundan din nila ang mga ito
hanggang sa makarating na silang lahat sa parking lat na walang
sasakyan.

Pabagsak na inupo ni Trigger ang sarili niya roon at na ginaya naman siya
ng mga kasama niya.

"Ano'ng nangyari? Nakita n'yo ba iyong target?" tanong ni Grayson.

Tumango si Duke. "Oo. Patay na siya."

"Huh?" takang tanong ni Lindsay. "Sinong nakapatay? Is it Trigger or


—"

"Si Trigger, okay?"


"That means... we won?" paninigurado ni Duchess pero umiling naman si
Trigger bilang sagot.

"He's not our target," mariing sagot nito kaya naiwan ang mga kasama
niyang nakatingin lang sa kaniya na may pagtataka...maliban sa kapatid
nitong si Caliber na mukhang nakuha rin ang ibig niyang sabihin.

"What do you mean, Trig?" si Lindsay ang nagtanong.

"He knew that he was on the list of those who should be cut off and that
our parents should finish them off," sabi ni Trigger pero mukhang hindi pa
rin naintindihan ng ibang mga bata ang nais niyang iparating.

"Iyong mga magulang natin ang dapat trumabaho nito, tama ba?"
tanong ni Azure. Nakahawak pa ito sa baba at nag-iisip nang malalim.

"Right."

"Kung hindi ganoon, e, bakit kasama sa target n'yo 'yang si Mr.


Castillo?" naguguluhang tanong naman ni Mikaela.

"They were confused," si Caliber naman iyong sumagot sa tanong ni


Mikaela. Pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Trigger na para bang
naghihintayan sila kung sino ang magtutuloy ng eksplaneshon.

"Yes, we were confused. Because our parents were trying to confuse us by


linking the clues to both these guys. But it seems that they are not our
true target," paliwanag ni Trigger na mukhang naintindihan naman ng
lahat.

"Petengene! Ang astig!" manghang-manghang sabi ko dahil eksaktong-


eksakto iyong paliwanag ni Trigger.

Tama sila, trabaho talaga nina Lampe at Boul sina Mr. Alonzo at Mr.
Castillo.
Noong nakaraan pa iyon binigay ni bossing sa kanila pero pinahinto sila
para sa mishon na 'to at gamiting praps para malito ang mga bata.

Na-porsi na talaga ni bossing na mangyayari iyon kaya nga tuwang-tuwa


iyang mga gago na iyan na namatay na iyang mga target dahil wala na
silang gagawin.

"Kaya naman pala wala ang group one...dahil mali tayo ng inakala," sabi
ni Mikaela

"Mas lalo akong nagtakaha nang mapansin ko rin 'yan," pagsang-ayon


naman ni Trigger.

"And what about the clues that they sent us?" biglang tanong ni Lindsay.
"Ano'ng ibig sabihin ng mga iyon?"

"That means, our understanding of the clues were incorrect po," sabi
naman ni Emerald.

"Uhm..." Napabaling ang atensiyon nila sa napakagwapo kong panganay


na mukhang may gustong sabihin. "I've thinking about this, pero iyong
mga pera na ibinigay sa atin. Sa tingin n'yo ba, kasama ang mga 'yon sa
clues?"

Natahimik silang lahat at nagkatinginan mukhang napaisip.

"Oo?" patanong na sagot ni Duke. "Kasi, kung tama ang pagkakatanda


ko, wala naman silang sinabi na gastusin natin ang pera para sa pang
araw-araw natin, 'di ba?"

"May point ka. Dahil kung budget natin iyon ng isang linggo, hindi ba
lugi ang group 1 dahil 200 thousand lang ang kanila?" dagdag na
paliwanag ni Mikaela. Napangiti ako dahil mukhang nakukuha na nga nila.

"Oh my heavens, you're right!"


"Pero hindi naman tayo mabubuhay sa loob ng isang linggo nang
walang pera," sabat ni Azure na mukhang hindi sang-ayon sa na iyong pera
ay pers klu.

"Doon siguro natin kailangang gamitin ang pagiging Mafia natin. We


can get anything we want at no cost," sabi naman ni Raven habang
napapailing. Mukhang na-riyalas din na mali nga sila ng pagkakaintindi sa
perang binigay sa kanila.

Napatingin naman si Cody kay Raven nang sabihin niya iyon at sumang-
ayon. "Oo nga! Sina Insan at Baby Katana nga ay mayroong pri
akomodeshon, pri mani, at pri pud pa!"

"Hindi mo iyan sinabi sa amin," kunot-noong sabi ni Duke sa anak ko


guwapo.

"Ah, hehe, nalaman ko lang noong binisita namin sina Amber, eh,"
pagdadahilan ng anak ko sabay kamot pa sa ulo.

"They have taken so long to understand this," napapailing na sabi ni


Cassandra.

"Nilagay na nga natin sa card para kahit papaano ay magka-idea sila pero
akala yata talaga nila ay pabaon natin iyon sa kanila," sagot naman ni Posha
at saka tumawa.

"What about the word 'businessman'?" tanong naman ni Duchess kaya


natahimik ulit ang dalawang grupo.

"Iyong mga alahas din," dagdag ni Cody pero ganoon na lang tingin sa
kanya ng mga kagrupo niya.

Pfft! Mukhang hindi pa nakaka-mub on 'tong mga batang 'to, eh.

"Aba matinde! Akala ko ba, bati na tayo?" tanong niya nang mapansin
ang tingin ng mga kagrupo. Nakanguso pa habang nagtatanong ulit, "Bakit
ang sama n'yo pa ring makatingin sa akin?"
Wala namang pumansin kay Cody dahil kahit nakatingin ay mukhang
malalim ang iniisip ng mga bata.

"How about the guns?" tanong ni Lindsay kaya sa kanya naman nabaling
ang tingin ng mga bata.

"It's a gun, so iyon ba ang dapat na gamitin natin sa target?" hindi


siguradong hula ni Raven.

"I suspect not po, Kuya Raven. They know we could seize our enemies'
weapons naman po," pagkontra naman ni Emerald. Kinuha niya iyong
isling bag na dala niya at kinuha iyong klu na baril na nandoon.

"Look po," sabi niya at inabot kay Trigger iyong baril.

Kinuha naman ni Trigger iyon at sinuri. Pinaikot-ikot pa niya sa mga daliri


niya. "Looks like a normal gun to me," saad ng panganay na anak ni
bossing at saka ito ibinalik kay Emerald.

"Hindi ba pamilyar sa 'yo, Baby Caliber?" tanong ni Emerald kay Caliber


kaya nagtaka ang mga kasama niya. Inilapit niya ng maigi iyon sa mukha ni
Caliber kaya mabilis na nagbago ang mud nito. Iyong kaninang kalmado ay
napalitan ng pagkairita.

"Stop putting that on my face," saway ni Caliber at saka


bumuntonghininga. Kinuha niya iyong baril sa kamay ni Emerald at
pinagmasdan din. Maya-maya ay napangiti na lang siya.

"Kuya..." pagtawag niya sa kapatid."It's Dad's."

Naiwan namang nakatulala ang mga bata. Hindi makapaniwala na iyong


taong hinanahanap nila ay iyong taong bumuo mismo ng mishon nila.

"I get it now," maya-mayang sabi ni Trigger. Napatingin naman sa kaniya


ang mga kasama niya at hinihintay siyang magsalita at magpaliwanag.

"The word businessman means we must do business. And the weapon


doesn't equate to killing, it represents my dad..." Tumigil pa 'to saglit para
tignan si Caliber "...our dad, being a Mafia Boss. And for us to properly
seal the deal, we should use the money and jewelries as collateral,"
mahabang paliwanag ni Trigger. Natulala na naman ang mga bata dahil
doon.

Napangisi tuloy ako dahil bagama't tama ang konklushon nila ay huli na
sila...

Nag-desishon ang mga bata na umalis na at kumilos. Kaya inilipat ko ang


tingin sa isang iskrin kung nasaan sina Katana at Amber...

...at bossing.

Nandoon na sila sa opisina ni bossing at petengene! "Babarilin ba nila si


bossing?" gulat na tanong ko nang makitang nasa may pinto pa ang
dalawang bata. Parehas na nakatututok ang mga baril nila kay bossing.

Prenteng nakaupo si bossing habang hinihintay ang susunod na gagawin ng


dalawa. Pero ngumiti lang ang mga bata sa kanya.

"Hi, Dad."

"Heller, Tito."

Dahan-dahan nilang ibinaba ang mga hawak na baril at umupo sa mahabang


sopa na nasa tapat lang halos ng mesa ni bossing.

Maya-maya ay ngumisi rin si bossing at nagsalita, "I'm impressed."

Habang aliw na aliw naman sa panonood ay biglang nag-baybret ang selpon


kong nasa bulsa ng pantalon na suot ko.

J. Andres calling...

Mabilis akong tumayo at nagpaalam kay Mei na sasagutin lang ang tawag.
Isang tango lang naman ang itinugon niya sa akin kaya lumabas muna ako
ng kontrol rum bago sinagot ang tawag.

Tumingin pa ako sa likod para i-chek kung mayroong sumusunod sa 'kin.


Nang wala naman akong nakita ay saka ako nagsalita.
"Yo! Ms. Jodi," panimula ko.

[Sebastian...]

"Anong maipaglilingkod ng kaguwapuhan ko sa 'yo, Ms. Jodi? Kumusta


iyong kambal?" masayang tanong ko.

[I just called you to let you know about the person our boss asked us to
keep an eye on,] sabi niya. Napatango naman ako kahit hindi naman niya
nakikita. [And the twins are doing great, thanks for asking.]

"Anong balita?" tanong ko.

[The person has grown off our radar. We haven't been able to retrace her
tracks.]

Da pak?! Nawala na naman?

Napakamot ako sa sentido ko dahil medyo sumasakit na naman ang ulo ko


sa balitang iyon. Sadyang madulas ang isang iyon. Lagi na lang
nararamdaman ang presensiya namin at lagi kaming natatakasan.

Tsk!

"Iyong last na pinuntahan, Ms. Jodi?" tanong ko dahil baka naman nandoon
pa.

[It gets cleaned up like new. Hindi mo maiisip na nagpunta siya roon. Tsk.
But we will make more efforts, I will keep you informed when I catch this
person,] sabi niya. Napatango naman ako.

"Areglado, Ms. Jodi! Ire-reley ko na lang rin kay Bossing."

[Okay. Thanks, Sebastian—Oh, the twins say hi.]

"Pasabi rin mis na sila ng guwapo nilang dadi!"

[Okay. Bye.]
Pagkababa ng tawag ay pumasok na ulit ako sa loob ng kontrol rum.
Naabutan ko silang nag-uusap-usap habang pinapanood ang mga bata.

Kausap pa rin ng grup wan si bossing habang ang grup tu at grup tri ay on
da wey na sa opisina.

Nai-imajin ko na kung paanong pagkagulat ang makikita ko sa mata ng mga


bata kaya ngayon pa lang ay natatawa na ako.

"Ano'ng nangyari?" tanong ko pagkaupo ko sa tabi ni Mei.

"Amber and Katana have closed the deal with Mr. Roswell. They have
completed their mission," sagot ni Mei.

"Gujab!"

"Great work for the second group too. In spite of the fact that they were not
the first to notice, they were able to infer what the true meaning of the clues
was and who was their real target.," sabi ni Cassandra.

"Yes, but I still can't believe Amber and Katana didn't drop a cent on this
mission. I think they used up their time shopping and sleeping," natatawang
sabi naman ni Posha.

"That's tama," segunda naman ni Caileigh ay nakitawa.

"However, it is commendable that the second group found these two most
despised person from the underground and succeeded in killing them," sabi
pa Lionhart.

"And they have a fascinating way of coordinating. They really make a great
team," singit naman ni Shin.

Tumango naman ako dahil agri ako sa lahat ng sinasabi nila. Pero bahagya
akong natawa nang may mapansin. Wala pa silang nasasabi tungkol sa
pangatlong grupo.

Nagkatinginan kami ni Lampe. Mukhang iisa lang ang nasa isip.


"Eh, ano namang masasabi ninyo sa group three?" tanong ni Lampe.

Nagtinginan lang sila at saka nangtawanan. Ampupu!


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nandito kami ngayon sa bahay namin at nagmu-mubi maraton kasama ang


mga bata. Wala namang okeyshon pero nagkayayaan lang na manood at
para makapag-banding-banding din lalo na itong mga anak namin.

Kami lang nina Lampe, Boul, at Lee ang present dahil ang ibang mga
magulang ng mga bata ay may iba pang inaasikaso.

Dinala ko na sila sa mubi rum ng bahay namin para maluwag ang iikutan
nila kung sasamahan nila ng laro ang panonood mamaya. Nang lahat sila ay
nakaakyat na, bumaba naman ako kasama si Lampe papuntang kusina dahil
gagawa kami ng meryenda ng mga bata para may kinakain sila habang
nanonood.

"Ano ang lulutuin natin, Baby Lerwick?" tanong ni Lampe habang


nagtitingin-tingin kami sa prijider ng puwede naming lutuin. Nakaakbay pa
ito sa 'kin habang ini-iskan ang laman ng prijider.

"Kung mag-order na lang tayo para makapili rin ang mga bata?" sajes ni
Lampe sa akin. Tinatamad siguro itong gagong 'to na magluto. Tinulak ko
siya paalis sa prijider para makahanap ako ng puwedeng lutuin.

"Tumabi ka na lang, Baby Lampe. Wala ka namang maiaambag dito," sabi


ko pa rito. May nakita akong berger patis kaya kinuha ko agad iyon.

"Ulol! Alam naman nating lahat na ang kagwapuhan ko ang ambag ko sa


ganitong klaseng sitwasyon," sabi pa nito nang nakapogi sayn habang
pinasisingkit ang mata.
"Gago, wala ka na ngang maitulong, nagsisinungaling ka pa riyan eh alam
naman nating lahat na ako ang pinakaguwapo sa 'tin dito. Kaya nga
nabighani sa 'kin ang kapatid mo, eh," hindi naman nagpapatalong sagot ko
rito. Sinimula ko nang paghiwa-hiwalayan ang berger patis na lulutuin ko
pagkasabi ko n'on.

Magsasalita pa sana ng kayabangan si baby Lampe pero pinigilan ko na ito


at sinenyasang huwag nang maingay. Napatingin siya sa ginagawa ko dahil
doon.

"Ano gagawin mo r'yan?" nakakunot ang noong tanong ni Lampe sa akin.


Binuksan ko naman iyong kabinet na nasa ibabaw ng prijider kung saan
nakalagay ang mga de lata. Kinuha ko roon ang islays masrum saka iyon
binuksan.

"Jas wats en lern, okey?"

Umupo si Lampe sa upuan kung saan malapit sa akin para tingnan ang
ginagawa ko, "Anong klaseng luto ba gagawin mo riyan?" pangungulit sa
akin ni Lampe pero hindi ko siya pinansin dahil tumutok na ako sa
ginagawa ko.

Nagsimula na akong magluto habang ang gagong si Lampe ay nanonood


lang. Halatang walang alam, ampupu!

Nang matapos kong gawin ang berger isteyk ay itinabi ko muna ito.
Naghanap pa ako ng ibang pagkain na puwedeng isnaks ng mga bata.
Marami-rami rin kami kaya kailangang marami rin ang pagkain.

"Mas maganda kung magluto tayo ng fries, 'tol. Mukhang babagay sa niluto
mo," sadjes ni Lampe sa akin kaya tumango ako bilang sagot. Nakita ko
naman siyang kumuha ng ilang pitsel at nagsalin ng jus doon.

"Plano ko rin sanang umorder ng picha pay," sabi ko kay Lampe na


katatapos lang sa paglalagay ng ays kyubs sa jus na isinalin niya sa pichel.

"Kami na ang bibili." Napalingon kami sa nagsalita at doon lang namin


napansin ang pagdating pa noong dalawang gago.
"Ba't kayo bumaba, mga p're? Na-miss n'yo ba kaagad ang mapang-akit
kong mukha at katawan?" tanong ko sa kanila nang makalapit sa amin.

"Gago. Huwag mo nga kaming idamay sa kabaklaan ninyo ni Lampe,"


pasinghal na sabi ni Lee sa akin kaya natawa ako.

"Nagtataka kasi kami kung bakit ang tagal ninyo eh nagugutom na 'yong
mga bata kaya bumaba na kami para kumuha sana ng puwede nilang
kainin," sabi ni Boul habang kumukuha ng tinapay na nasa sayd ng kawnter.

Maya-maya ay may narinig kaming yabag ng mga paang naglalakad


papuntang kusina kaya napatingin kami sa kung saan ito nanggaling. Nang
tuluyang makapasok ng kusina ay nakita naming si manang pala iyon.

"Ser, pasensya na po at natagalan. Na-trapik ako habang papauwi, eh,"


bungad na sabi nito.

"Saktong-sakto, Manang. Puwede bang gawan mo pa ng meryenda ang mga


bata? Kulang kasi iyong ginawa kong berger isteyk," sabi ko habang
tinutulungan siyang mag-ayos ng mga pinamili niya. Narinig ko pa ang
ilang pang-aasar ni Lampe dahil sa ginawa ko. Hindi niya ba alam na parte
ng pagiging guwapo ang pagiging matulungin? Palibhasa wala siya n'on.

"Sige po, Ser."

Pagbalik namin sa loob ng mubi rum ay naabutan naming nagkakagulo ang


mga bata dahil hindi sila makapag-desayd ng papanoorin nila.

"Let's watch some educational movies instead," dinig kong sajes ni Kayden
na agad sinang-ayunan ni Trigger.

"E di sana pala nag-group study na lang tayo at hindi na nag-movie


marathon. Heller? Stress na nga kagandahan ko sa sobrang talino ko tapos
madadagdagan pa," kontra naman ni Amber.

"How about K-drama?" suhestiyon ni Lindsay. Agad namang umalma ang


iba.
"Yes, I agree. K-drama na lang," agad na pagsegunda ni Kayden sa sinabi ni
Lindsay. Petengene, kanina ejukeshonal ang gusto. Dumadamubs na naman
anak ko, ah.

"Bakit? Si Lindsay lang ba manonood dito?" mataray na sabi ni Amber.

"Oo nga," sabay-sabay na pagsang-ayon ng iba kay Amber.

"How about Barbie in the 12 Dancing Princesses?" Natahimik naman ang


lahat at napatingin sa biglang nagsalita. Si Caliber.

"Wengya!"

"Pft, mukhang nahawa kay Miss Aemie ang ang anak nila ni Bossing."

Dinig ko ang bulungan nina Lampe, Lee, at Boul sa tabi ko. Takte.

"I agree with Baby Caliber po. I think maganda naman po siya since
pinapanood din po nila siguro ni future mom 'yon," biglang sabi ni Emerald.

"I-I mean, we watched it several times. And most of us here are girls so I'm
guessing that they will like it," pag-e-ekspleyn pa nito. Napatango-tango
naman kami.

"Alam ko na!" biglang singit ng bunso kong anak na guwapo.

"Siguraduhin mo lang na maganda 'yang sasabihin mo, Cody. Hindi pa


naman ako nagtitiwala sa mongoloid na katulad mo." Petengene, may
magmamana rin pala talaga sa pagiging mabangis ni Miss Amesyl.

"Hindi maganda, guwapo," nagpogi sayn pa si Cody at agad tumayo sa


harapan malapit sa iskrin. "Ang kagwapuhan ko na lang ang panoorin
ninyo," dugtong pa nito. Pft. Takte!

Habang tumatagal ay lumalala ang ingay sa loob ng mubi rum dahil hindi
pa rin sila makapili ng papanoorin. Hindi pa rin nila napansin ang
presensiya namin kahit na tuluyan na kaming nakapasok.
"Get away from me, Emerald. You're making me feel uneasy," masungit na
saway ni Caliber kay Emerald.

Sina Mikaela, Raven, at Katana naman ay may mga sariling mundo.


Tahimik lang nilang inoobserbahan lang ang nangyayaring kaguluhan sa
paligid nila.

Tumikhim naman nang malakas si Lampe kaya agad silang napalingon sa


kinaroroonan namin. "Anong pinagkakaguluhan ninyo?" kunwaring tanong
ko.

"Kagwapuhan ko po, Erpat."

"Umaga na, Baby Lerwick. Oras na para gumising ka sa katotohanang mas


guwapo ako sa 'yo," sabi naman ng anak ni Lampe. Petengene, nga anak
nga namin.

"Nagtatalo pa kayo eh pareho naman kayong nag-iilusyon lang," sabat ni


Amber sa sinabi ng dalawa na nakadikit na ngayon sa anak ni Boul.

"Twin Sis naman," sabi ni Azure sabay kamot sa ulo niya.

Binalingan ko ang ibang bata para magtanong sana na nang saktong


mapalingon sa akin si Emerald kaya nagsalita ito. "They can't decide what
to watch po," magalang na sinabi nito kaya naman ay kami na lang ang nag-
desayd ng papanoorin ng mga bata.

"Sige, horor na lang. And tu meyk it mor triling, ang unang sumigaw, may
matatanggap na der," sabi ko sa kanila. Narinig ko naman ang iba't ibang
reaksyong nagmula sa mga bata.

"Yown! Pustahan tayo sinong matatalo, mga 'tol," dinig kong bulong ng
gagong si Lampe roon sa dalawa pang mokong.

"Ulol."

"Gago. Kaya ka 'di nakaka-iskor kay Miss Amesyl, eh."

"Yown! Foul. Foul."


"Hindi n'yo lang alam..." mayabang na sabi pa ni Lampe.

Dinig din namin ang asaran ng mga bata. Hindi na ako nakisali sa gaguhan
n'ong tatlo dahil naghanap na ako ng puwedeng panoorin namin.

Nang makahanap ay sinabihan ko na sila para umayos na sila sa kani-


kaniya nilang puwesto.

"Bakit hindi kayo kumuha ng unan sa gilid ninyo para may pantakip kayo
kung nakakatakot 'yong sin?" sajes ko sa mga bata.

Natawa ako ng agad nila akong sinunod eksep kina Cody at Azure.
Petengene. Ganito talaga kapag ako ang pinagmanahan, walang
kinatatakutan.

"Katana Baby, huwag kang mag-alala. Ang guwapo na ang bahala sa 'yo,"
sabi ni Cody habang dumadamubs sa bunso nina bossing.

"Tss. I'm no coward like you," agad na pambabara ni Katana sa sinabi sa


kanya ni Cody. Sumama naman ang mukha ni Cody kaya natawa ako. Pft.
Paano pa kaya kung manligaw na itong guwapo kong anak sa pamilya
Roswell eh lahat mababangis.

"Tama, Katana Babes. Kaya rito ka na lang tumabi sa 'kin. Puwede mo


akong yakapin kapag takot ka na," sabay kindat ni Azure kay Katana.
Dinedma naman siya nito kaya napapahiya siyang umupo na lang sa tabi ni
Cody.

"Wengya! Basted agad ang guwapo kong anak, ah," sabi naman ni Lampe.

Napili ko na panoorin namin ay hanted house. Napanood ko na 'to kaya


garantid na nakakatakot talaga. Eksayted naman kaming nag-aabang nina
Lampe, Lee, at Boul kung sino ang unang matatalo sa chalenj namin sa
kanila.

"Redi na ba kayo, kids?" tanong ko sa kanila nang ma-set ap ko na ulit nang


maayos ang tibi iskrin.

"Opo!"
"Les get redi tu rambol, Erpat!"

Pinley ko na ang mubi kaya tumahimik na ang mga bata. Habang nanonood
kami ay panay ang komento nina Azure at Cody sa ginagawa ng mga bida.

"Sinabi na ng matanda na huwag silang tumira ro'n pero tumira pa rin. Tsk
tsk," napapailing-iling pa na sabi ni Azure.

"Kaya nga. Mga tao nga naman, walang mga isip. Ay ken sher mayn naman
ip dey want," pagsegunda pa ni Cody sa sinabi ni Azure.

"Paano ka magshe-share kung wala ka naman n'on?" pambabara ni Amber


kay Cody. Petengene.

"Ano ba? Magsitahimik nga kayo," gigil na pananaway ni Mikaela sa ingay


n'ong magpipinsan.

"Erkey."

"Chil ka lang, Mikaela."

Nakita ko naman si Emerald na kumuha ng nachos at inabot kay Caliber


kaya natawa na lang ako sa nakita kong jeschur na iyon ng anak ni Blad.

Habang umaakyat ang bidang babae ay nakarinig ito ng kalampag kaya


dahan-dahan itong umakyat para tingnan kung ano ang nangyayari.
Bubuksan na sana ng bida ang pinto nang makaramdam ito ng parang may
tao kaya marahan itong lumingon.

"Waaa!" sigaw n'ong bida dahil sa nakita. Sabay-sabay namang nagulat ang
mga bata.

"Petengene! / Wengya!" gulat na sigaw nina Cody at Azure na nagyakapan


pa dahil sa biglang paglitaw ng multo sa harap ng bida. Napatingin naman
sa amin ang dalawa nang ma-reyalays nila ang mga sinabi nila kaya
pinanlakihan ko sila ng mata.

Napatakip naman ng bibig si Cody at nagkatinginan sila ni Azure.


Nang ma-reyalays nilang magkayakap pa rin sila ay agad silang kumalas sa
pagkakayakap.

"Bakit ka yumakap sa akin, Baby Lampe? Huwag ka naman ganyan kasi


maraming tao rito. Mamaya na kapag tayong dalawa na lang ang
magkasama," sabi ng anak ko sabay kindat kay Azure. Petengene! Kuhang-
kuha ang mga padali ko sa gagong si Lampe, ah.

"Baka ikaw ang yumakap sa akin, Baby Lerwick. Kitang-kita naman siguro
kung sino ang mas natakot sa ating dalawa," sabi naman ni Azure sabay
iling.

Nang tingnan ko si Cody ay doon ko lang napansin ang pamumutla nito. "O
baka naman nami-miss mo lang akong kayakap," dugtong pa nito.

Akmang magsasalita na si Cody nang may lumabas na namang multo kaya


napatakip ito ng unan sa mukha.

"Baby Cali—" Hindi pa man nasasabi ni Emerald ang sasabihin niya ay


pinigilan na siya ni Caliber. Sinubuan nito ng picha pay si Emerald kaya
hindi ito nakapagsalita nang maayos.

"Ang sweet mo talaga, Baby Caliber," sabi pa nito na muntik ko nang hindi
maintindihan dahil puno pa ang bibig nito sa picha pay.

"Stop blabbering and just watch the movie."

Inilibot ko ang paningin ko para tingnan kung ano ang ginagawa ng mga
bata.

Si Duke ay parang hindi nanonood dahil mas marami pa ang beses na


sinusulyapan nito si Amber kaysa sa pinapanood namin. Na kay Amber
lang ang atenshon niya. Napansin naman ito ni Duchess na pasimpleng
napapangiti sa nakikita.

"Kuya Duke, baka matunaw si Amber niyan. Hinay-hinay lang sa pagtitig."


Agad na napatingin si Duke sa kapatid niya na nakangisi ngayon kaya
kumunot ang noo nito. "Alam mo, gumagawa ka ng kuwento. Hindi ko
tinitingnan ang babaeng maarte na 'yan." Mahinang napatawa si Duchess sa
kuya niya at nagpatuloy na sila sa panonood.

Nasa kalagitnaan na kami ng mubi kaya mas nagiging eksayting pa ang


mga kaganapan.

"Tingnan mo, ngayon pa naisipang ipa-bless 'yong bahay," rinig kong


komento ulit ni Cody.

Nagtataka ako kung bakit balisa ito. Nakita ko pa na nakaupo ito nang
maayos saka nakahawak sa shorts niya. Lumapit ako sa kaniya para tingnan
kung ano ang nangyari. Sa likod lang ako dumaan para hindi ako
makaistorbo sa ibang nanonood.

Nang nasa likuran na nila ako ay tinanong ko na ito nang pabulong, "Anak,
ayos ka lang ba?"

Nagulat pa siya nang makita ako sa likuran niya. Wala naman ito sa sariling
tumango. "Okey. Sabihan mo lang ang erpat kung may problema."
Tumango ulit ito kaya bumalik na 'ko sa kinauupuan ko kanina.

"Are you scared, Lindsay?" dinig kong tanong ni Trigger kay Lindsay nang
makaupo ako.

Nakataas ang dalawang paa nito sa upuan. Nakapangalumbaba pa siya sa


mga tuhod niya at nakatakip ang kalahati ng mukha niya.

Umiling naman ito at ngumiti kay Trigger. "Nope. It's just cold," pagtanggi
niya sabay ngiti kay Trigger. Agad naman itong lumingon-lingon para
maghanap ng kumot. Buti na lamang at may mga naka-preper kaming mga
komporter dito dahil madalas na makatulog ang mga guwapo kong anak
kapag nanonood kami ng mubi kaya iyon ang ginamit ni Trigger para
kumutan si Lindsay.

Napalingon naman ako sa panganay ko na pinagmamasdan ang ginawa ni


Trigger para kay Lindsay. Takte, ayain ko kayang mag-shat 'yang guwapo
kong anak mamaya. Mukhang hindi pa man nanliligaw eh maba-basted na.
Nang lingunin ko si Raven ay seryoso lang itong nanonood. Ganoon din si
Mikaela na nakatuon lang ang buong atenshon sa iskrin.

Maririnig naman sa buong mubi rum ang pabigla-biglang sigaw nina Cody
at Azure. Obyus na kung sino ang magde-der. Takte! Hindi natakot sa mga
armadong lalaki, pero sa multong hindi naman totoo, namumutla na sila sa
pagkasindak.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Maya-maya ay nagpaalam si Lee na lalabas muna dahil tumatawag si


Posha. Si Boul naman ay chil lang habang nanonood at kumakain.

Nang lingunin ko sa tabi ko si Lampe ay mukhang nakakatulog na ito kaya


niyugyog ko ito para magising ang diwa.

"Wengya! Lerwick naman. Alam kong nami-miss mo na kaagad ang


kagwapuhan ko pero gusto ko munang makapagpahinga dahil pinagod ako
ni Andrea kagabi," reklamo pa nito. Mukhang nagbangayan na naman sila
magdamag.

Hinayaan ko na lang muna siya at nanood na lang dahil malapit nang


matapos ang mubi.

Natapos ang pinapanood namin na putlang-putla ang mukha ni Cody.


Halata rin sa ikinikilos niya na balisa ito. Nagsitayuan na ang mga bata pero
siya ay nanatili pa rin sa kinauupuan niya kaya nilapitan ko na siya. May
naaamoy pa akong mapanghi na hindi ko alam kung saan nanggagaling
pero binalewala ko muna iyon at nilapitan na ang anak ko.

"Okey ka lang ba, 'nak? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang


tanong ko rito nang makalapit ako.

"Erpat..."

"Ano? Bakit? May masakit ba sa— Takte! Saan ba 'yong mapanghing...


naaamoy... ko..." pahina nang pahina kong sabi habang nakatingin kay
Cody.
"Opo, Erpat. Tama po ang iniisip n'yo, hehe." Ampupu!

Maggagabi na rin nang magpasundo na ang mga bata sa mga magulang


nila. Tuwang-tuwa pa sila kanina nang malamang naihi sa pantalon si Cody
dala ng sobrang takot sa pinapanood. Sabi pa niya sa akin kanina ay
maynus pogi poynts daw iyon kay Katana.

Matapos namang magbihis ay pinagkatuwaan na naman siya ng mga bata


dahil silang dalawa ni Azure ang natalo sa chalenj kanina. Hanggang
ngayon ay nagrereklamo pa rin siya dahil hindi pa rin natatanggal ang
anghang sa dila niya.

"Hindi po siguro para sa 'kin ang araw na 'to, Erpat," wika nito na para bang
matanda na kung magsalita. Nakapatong pa ang ulo nito sa dalawang braso
na pinag-ekis niya sa likod ng ulo niya habang nakasandal sa upuan.

"Ganoon talaga kapag guwapo, 'nak. Maraming pagsubok na dinaranas.


Biruin mo, guwapo na nga tayo tapos chil pa tayo sa buhay. E di ang perpek
na ng buhay natin kung ganoon," pag-komport ko pa rito kahit na natatawa
ako sa pagkaseryoso ng mukha nito.

"At nag-enjoy ka naman, 'di ba? Mukhang nag-enjoy din naman mga
kaibigan mo...lalo na si Katana," dugtong ko pa na nagpaliwanag ng mukha
niya.

Nakita ko namang pumasok si Kayden dahil inutusan ko siyang magsara ng


geyt. Naglilinis kasi si manang ng mubi rum. Ayaw ko naman itong
pababain dahil hindi naman ganoon kabigat na trabaho ang pagsasara ng
geyt.

Maya-maya pa ay nag-text si Mei sa akin na pauwi na siya kaya inutusan ko


sina Cody at Kayden na mag-shawer na para pagdating ng ermat nila ay
pres at mabango sila.

Ako naman ay saglit na nagmuni-muni muna rito sa sala nang bigla kong
maalala na malapit na pala ang bertdey ng napakaganda kong asawa.
Petengene!

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa na mukhang


patungo rito sa sala. Nang tingnan ko ay sina Cody at Kayden na pala iyon
na pres pram da bat. Agad ko naman silang tinawag at pinalapit sa akin.

"Bakit po, Erpat?" tanong ni Cody nang makaupo. Tumabi naman sa kanya
si Kayden na nakatitig lang sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"May pag-uusapan tayo at napakaimportante nito," panimula ko. Kailangan


na naming pagplanuhan sa lalong madaling panahon ang gagawin para sa
bertdey ni Mei. Paraan na rin iyon ng pasasalamat namin sa kanya.

"What is it po, Erpat?" kyuryus na tanong ni Kayden.

"Oo nga, Erpat. Wat is it?"

"Malapit na bertdey ng ermat ninyo," sabi ko na kinagulat naman ni Cody.


Si Kayden naman ay chil lang na nakaupo at naghihintay ng karugtong ng
sasabihin ko.

"Gusto ko sana na maging memorabol lagi ang pag-selebreyt ng ermat


ninyo sa bertdey niya. May naiisip ba kayo na puwedeng gawin natin?"
tanong ko sa kanila. Napaisip naman sila bigla.

"What if we throw a surprise birthday party for her po? We can invite your
friends," suhestiyon ni Kayden.

"Agri! Agri po, Erpat! Surprays po natin si Ermat."

"Naks. Nagmana talaga kayo sa tinking iskils ko," prawd na sabi ko pa sa


kanila. "Anong klaseng surprays selebreshon kaya ang puwede nating
gawin na magugustuhan ng ermat ninyo?"

"May naisip po ako, Erpat," biglang sabi ni Cody kaya tiningnan ko naman
ito at nginitian. Tinanguan ko siya, senyales na sabihin niya kung ano ang
naisip niya.
"Paano po kaya kung magkunwari tayong kini-kidnap siya? Tapos ang
pagdadalhan natin sa kanya ay ang mismong benyu ng selebreshon niya?"
Nagkatinginan naman kami ni Kayden sa kakaibang suhestiyon ni Cody.

"Maganda sana kaso hindi pa man sila nakakaabot sa benyu eh baka deds
na mga uutusan nating kumidnap kunwari sa kanya," ekspleyn ko rito.
Napatango-tango naman sila.

"E di sa Ikay, Erpat. Sa Enchanted Kingdam po, wachutink? Gusto ko pong


sumakay sa rayds layk ispes shatel, angkors awey at kung anu-ano pa!"
eksayted na sabi ni Cody habang abot-tainga ang ngiti nito. Nakaramdam
naman ako bigla ng gilt. Naalala kong nadala ko na roon ang mga anak ni
Miss Jodi pero ang mga anak ko ay hindi pa.

"It's not your birthday we're celebrating, Cody."

"Epal ka naman Kuya, eh. Nagsa-sajes lang naman kay Erpat."

"Tama na 'yan. Hindi rin puwede sa Ikey dahil hindi natin magagawa nang
maayos ang pagsu-surprays lalo na at maraming tao. Mas maganda sana
kung tayo-tayo lang at mga kaibigan namin ng ermat ninyo ang makaka-
witnes," paliwanag ko kay Cody na agad namang tumango.

"Saan naman po tayo maghahanda?" tanong sa akin ni Kayden. Wala pa ako


maisip na lugar na gaganapan ng bertdey ni Mei.

"Samting romantik sana para makapag-deyt din kami ng ermat ninyo.


Matagal na rin kasi no'ng huli naming deyt kasi nagiging bisi kami pareho,"
paliwanag ko sa dalawa.

"Wala po akong maisip, Erpat. Okyupayd po kasi isip ko sa pamomroblema


kung bakit sobrang guwapo ko." Napakamot kami sa ulo ni Kayden dahil sa
sinabi ng kapatid niya.

"How about sa beach, Erpat?" suhestiyon ni Kayden kaya napatango ako.


Natuwa naman si Cody sa suhestiyon ng kuya niya.
"Maganda 'yan, anak. Petengene, hindi ka lang nagmana sa kagwapuhan ko,
sa pag-iisip din ng greyt aydeyas," sabi ko pa rito.

"Ang kailangan na lang nating isipin ngayon ay kung saang lugar tapos saka
na natin simulan ang pagpaplano," dugtong ko pa sa sinabi ko.

"Alam ko na po kung saan! May napanood po ako sa tibi na magandang


bits."

"Where?"

"Bikini botom!" tuwang-tuwang sabi ni Cody kaya napa-peys palm na lang


ang kuya niya.

"Huwag diyan, anak. Hanap tayo ng mas reyalistik." Nagtaas naman muli
ng kamay si Cody kaya napatango ako sa kanya.

"Sa Atlantik Oshan na lang, Erpat! Napag-aralan namin sa sayans na


malawak daw roon, perpek para sa surprays kay Ermat. Pero kung kulang
pa po ang lawak n'on, puwede naman tayo sa Paipik Oshan, mas malapit
pa," prawd na sabi nito sa pag-aakalang magandang lugar iyong mga
sinuhestiyon niya.

Hindi naman kami nakapagsalita ng ilang segundo ni Kayden.

"Erpat, I remembered when I was randomly scrolling and stopped on an ad


the other day about a beach resort somewhere in Isabela po. I think
maganda po ro'n as what I have read sa reviews."

"Yown! Sige, send mo na lang link n'on sa i-meyl ko para ma-chek ko ang
lugar."

"Got that, Erpat."

Matapos mapagkasunduan kung saang lugar gaganapin ay saka naman


namin pinagplanuhan ang gagawin sa surprays at selebreshon.

"Isama na rin po natin sa plano sa pag-surprays mga kaibigan ninyo ni


Ermat, Erpat," sabi ni Cody.
"Magandang ideya iyan lalo na at marami pa tayong kailangang gawin.
Hindi rin natin matatapos iyon na tayong tatlo lang."

Matapos naming pag-usapang tatlo ang buong plano, saka ko naman


naisipang kontakin na ang tatlong gago para sila na rin ang magsabi sa mga
asawa nila.

Una kong tinawagan ay si Lampe. Nakailang tawag pa ako dahil natagalan


ito sa pagsagot.

"Hell—" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay agad kong narinig


ang boses ni Miss Amesyl.

[Ano na namang kailangan mong bungol ka? Nakakaistorbo ka,] biglang


sabi ni Miss Amesyl.

"N-nandiyan ba si Lampe, Miss Amesyl? May sasabihin lang sana ako,"


magalang na sabi ko pa rito. Petengene, nakakatakot talagang kausap 'to.

[Bakit hindi mo na lang sinabi kanina eh nanggaling naman sila riyan sa


inyo? Pinili mo pa talagang tumawag kung kailan ka makakaistorbo, a—
Babylabs, ang tagal mo naman. Sino ba 'yan? Akin na nga—] dinig ko pang
kinuha ni Lampe ang selpon niya kay Miss Amesyl.

['Tol, bakit ka naman tumatawag ng ganitong oras?]

"Gusto ko lang kayong i-inporm tungkol sa gaganaping surprays bertdey


parti ni Mei. Kailangan ko kasi ng tulong ninyo."

[Anak ng! Malapit na nga pala. Oo sige, sige. Ano bang— Unggoy! Bilisan
mo na riyan at ayokong mabitin! O baka gusto mong ikaw ibitin ko sa
baging?— Ito na, Babylabs. 'Tol, bukas na lang.]

"Teka—" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay binabaan niya na


kaagad ako ng selpon. Takte! Mukhang napasabak sa bakbakan si Lampe
ngayong gabi.

Sunod kong tinawagan 'yong dalawang gago at pumayag naman sila


kaagad. Aba, dapat lang! Hindi kailanman tinanggihan ang ganito
kaguwapong mukha.

Tineks ko na rin ang mga nasa independent parti na sina Lewis at Blood at
huli kong tineks ay sina bossing at Miss Aemie.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagparada ng motor sa garahe namin kaya


alam kong nakauwi na ang maganda kong asawa.

Pagpasok niya ay kaagad siyang sinalubong ng yakap ng mga bata. Ngumiti


naman ito sa mga anak namin. Pakingteyp! Ang ganda talaga ng misis ko.

"It seems like you all had a great day, huh?" nakangiting tanong pa nito sa
mga bata habang naglalakad sila papalapit sa kinaroroonan ko.

"Opo, Ermat! Kahit po medyo pinagkaisahan ako..." nagsimula namang


magkuwento si Cody sa ermat niya sa nangyari buong araw. Paminsan-
minsan namang sumasagot si Kayden kapag tinatanong ito ng ermat niya.
At ako naman ay guwapong-guwapong nakatingin lang sa puno ng
pagmamahalan at masaya kong pamilya.

Kinabukasan ay maagang umalis si Mei dahil mayroon siyang bisnes


miting. Inasikaso ko naman muna ang mga bata at saka namin
napagdesisyunang gamitin ang chans na 'to para makabili ng ipanreregalo
kay Mei.

"Ano'ng gusto ninyong iregalo sa ermat n'yo?" tanong ko habang nasa gitna
pa rin kami ng trapik.

"Erpat, hindi pa po ba sapat na masilayan ni Ermat ang kagwapuhan ko?"


Napalingon ako kay Cody dahil sa sinabi. Aba matinde!

Abot-tainga ang ngiti niya kaya naman tinawanan namin siya ng kuya niya.

"I'd probably give Ermat something valuable," sabi naman ni Kayden.

"Balyabol din naman kagwapuhan ko, Kuya. Pero ano ba 'yong b-balyabol?
Hehe."
"How about you, Erpat?" tanong bigla sa akin ni Kayden.

"Beybi," sabi ko at bahagya pang natawa dahil sa reaksiyon nilang dalawa.

"Are you serious?" Mababakasan ng tuwa at pag-asa ang tono ni Kayden.


Pero dahil natawa ako ay agad din itong sumimangot.

"Masaya kapag nagka-beybi gerl kami, Erpat!" parang nagpoprotestang sabi


pa ni Cody kaya napapailing na lang ako.

"Sa tingin ko po ay magugustuhan naman ni ermat ang simpleng gip,"


biglang salita ulit ni Cody.

"Yeah. As long as it's from us, she'll surely love it," pagsegunda naman ni
Kayden sa sinabi ng kapatid niya.

Nang makarating kami sa mol ay agad kaming naglibot-libot para


makahanap ng ireregalo kay Mei. Petengene! Hindi pa kasi ako makapag-
desayd kung ano rin ang ibibigay ko sa kanya.

"Erpat! May nakita na po akong ireregalo kay Ermat!" sabi nito sa akin
habang pinapakita sa amin ang isang nakagarapong kape.

"Para magising na po siya sa katotohanang sa ating tatlo, ako ang


pinakaguwapo."

Aba matinde!

Tinawanan naman siya ng mga taong nakarinig. Sumaglit kasi kami sa


department istor ng mol kasi nag-aya si Cody. Wala rin naman kaming
makikitang puwedeng ipanregalo sa ermat niya rito kaya umalis na rin
kami.

May pinasukan kaming boutik pero agad din kaming lumabas kasi sigurado
akong kahit bagay iyon lahat kay Mei ay hindi niya magugustuhan. Its nat
her istayl, ika nga nila.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Sunod naming pinasukan ay isang buk istor. Agad namang nagtingin-tingin


si Kayden. Itong anak ko talaga, manang-mana sa matalino at guwapo
niyang erpat.

Nakasunod lang kami ni Cody sa kanya dahil wala naman kaming gustong
bilhin dito.

"I heard this is good. I think Ermat will like this po, Erpat. Ito na lang
ireregalo ko," sabi ni Kayden nang may makita siyang libro.

Tinanguan ko naman siya kaya dumeretso na kami sa kawnter para


magbayad. Nang makalabas kami sa pinasukan naming buk istor ay saka
naman kami umakyat sa sekond plor ng mol para doon maghanap.

May nakita akong lanjerey na sigurado akong seksing-seksi si Mei kapag


sinuot niya pero ayoko namang makita ako ng mga bata na kinukuha iyon.

Napunta kami sa sekshon kung saan may mga sapatos, hils, at chinelas.
Kinuha naman agad ni Kayden ang isang chinelas doon at binigay kay
Cody.

"Anong gagawin ko rito, Kuya?"

"Gift for Ermat. Para may pamalo siya sa 'yo kapag nagpasaway ka na
naman." Natawa ako sa naging reakshon ni Cody. Ampupu! Sabeyj.

Wala rin kaming makitang puwedeng iregalo rito kaya napagdesisyunan na


lang muna naming bumaba para kumain.
Habang naghihintay ng orders namin sa isang paspud na nandito lang din sa
loob ng mol, naisipan naman ni Cody na magsulat na lang ng liham para sa
ermat niya. Iyon na lang daw bertdey gip niya.

Bumili siya kanina sa buk istor ng papel na makapal, iyong mabango ang
amoy at iyon ang sinulatan niya. Tinutulungan naman namin siya ni Kayden
sa isinusulat niya kaso mali-mali rin naman ang itinuturo ni Kayden.

"Hep, hep, hep!"

"Hurey, Erpat!" pamimilosopong sagot pa ni Cody. Petengene.

"Mali naman kasi itinuturo ng kuya mo. Hindi ganyan ispeling ng bertdey,
anak. B-E-R-T-D-E-Y. Ganyan," sabi ko pa.

"Erpat, it's B-I-R-T-H-D-A-Y po," pagkontra pa ni Kayden sa 'kin.

"Maniwala ka na lang sa 'kin, Kayden. Champyon ako sa ispeling bi no'ng


narseri ako." Tinitigan lang ako ni Kayden at hindi na ito nagsalita.

Saktong dumating ang pagkaing inorder namin nang matapos din si Cody sa
pagsusulat ng bertdey leter para sa ermat niya kaya kumain na kami.

Nang matapos ay lumabas na kami roon. Doon ko napansing may jiwelri


istor pala sa harap nitong paspud na kinainan namin. Agad kong inaya sina
Cody at Kayden pumasok muna roon sandali para magtingin-tingin.

"Good morning, Sir," bati sa amin n'ong babae kaya nginitian ko siya. Agad
namang namula ang sels leydi. Aym sori, miss. Aym merid olredi wid tu
children.

"Puwede ko bang tingnan ang mga alahas n'yo?"

"Of course, Sir." Dinala niya ako sa isang puwesto kung nasaan naka-
display ang mga alahas. May mga singsing at nekles na magaganda at
malalaki ang bato na halatang mamahalin.

"Here's the catalogue, Sir dahil ang iba po ay hindi naka-display r'yan."
Pinakita sa akin n'ong sels leydi 'yong katalog nila. Inabot ko naman ito at
agad na binuklat. Bumungad sa 'kin ang mga jiwelri nilang hindi pamilyar
sa 'kin.

Nagpalipat-lipat muna ako ng peyj para ma-iskan kung anong magandang


bilhin para sa mahal kong asawa. Diserb niya naman kahit mahal kasi
mahal ko rin naman siya.

May nakita akong magagandang singsing pero marami naman na ang


singsing ni Mei. At ang lagi niya lang sinusuot ay ang weding ring namin at
ang enggejment ring na ibinigay ko.

Napansin siguro ng sels leydi na hindi ako makapili kaya nagsalita ito at
may itinuro sa hawak kong katalog. "This is our best seller ring. Greca
Crystal Ring from Versace Women's Collection. Seen on the runway, this
band ring features an engraved logo and Greca motifs." Pinakita niya sa
akin ang piktyur ng singsing. Gold ito na pinalilibutan ng maliliit na bato.

"Magkano naman ito, Ms. Ganda?" bigla itong namula sa sinabi ko.
Tingnan mo nga naman at ilang taon na ang nakakalipas simula nang
magkapamilya ako pero malakas pa rin ang karisma ko.

"It costs 16,000 Pesos only, sir. Very affordable," magalang na sabi nito sa
akin. May kamahalan pero wort it kung si Mei naman ang pagbibigyan.

Nagtataka naman ako dahil ang tahimik nang dalawa. Yuswali kasi ay
nakikisabat si Cody sa mga usapan. Tiningnan ko muna sila saglit at
napangiti ako sa nakita ko. Nakasandal si Cody sa balikat ng kuya niya at
tahimik na natutulog. Napagod siguro kakalibot sa mol.

Bumaling na ako sa sels leydi. "May iba pa ba kayong abeylabol na jewelri


rito?" tanong ko.

"We have everything here, Sir," sabi nito at kinindatan pa ako. Nilipat niya
ang pahina ng katalog at tinuro ang isang singsing ulit. "SHAY Jewelry's
Back. Sigurado akong babagay ito sa pagbibigyan ninyo."

Tiningnan ko nang maigi ang pikshur parang parehas lang sa nauna pero
mas malalaki ang bato nito kumpara sa bersachi.
"Magkano naman ito, Miss?" Ngumiti ito nang malapad sa akin saka
nagsalita.

"One hundred thousand pesos only, Sir." Agad na nanlaki ang mga mata ko.
Petengene, onli?! ONLI?!

Napalunok na lang ako ng sarling laway dahil sa narinig ko. Naghanap na


lang ulit ako ng iba pang alahas na makikita ko.

Nang dumako ako sa kasunod na pahina ay napako ang paningin ko sa


isang kwintas na andoon.

"That one Sir is a Glamira Pendant Elsie. It has a color of 585 rose & white
gold, with diamond stones," paliwanag sa akin n'ong sels leyde.

"Magkano?"

"30,378 pesos only, Sir."

Nang mabili ko iyon ay dali-dali kaming umuwi ng mga bata baka kasi
maunahan kami ng maganda nilang ermat at masira ang plano buti na lang
si manang pa lang ang nandito sa bahay. Naabutan pa naming naglilinis ito.

"Magandang hapon, Ser. Kumain na ho ba kayo? Ipaghahanda ko muna


kayo ng makakain," tanong sa amin ni manang pero agad naman akong
umiling.

"Hindi na, Manang. Kumain na kami sa labas. Ikaw na lang muna ang
kumain diyan. Huwag mo na rin munang banggitin kay Mei na umalis
kami," pakiusap ko pa rito.

"Opo, Ser. Tapusin ko lang itong ginagawa ko."

Naunang umakyat ang dalawa. Sa kanila ko na rin muna ipinatago ang


binili kong kwintas na ireregalo ko sa ermat nila.

Kinagabihan ay hinintay naming makauwi si Mei bago maghapunan.


Parang wala lang nangyari ngayong araw at normal kaming nagsalo-salo sa
hapag-kainan.
-

Kinabukasan ay naabutan ko nang nag-iimpake si Mei at mukhang


nagmamadali.

"Mukhang nagmamadali ka, Mei?" tanong ko sa kaniya dahil mabilis ang


kilos nito habang itinutupi ang mga damit na kakailanganin niya.
Nagkunwari naman akong walang alam sa nangyayari.

"Mei, ano 'yang ginagawa mo? Iiwanan mo na ba kami ng mga bata?"


pagdadrama ko pa kunwari. Kumunot ang noo ng maganda kong asawa at
nagsalita ito.

"What are you talking about? Mrs. Roswell called me early this morning.
She wants me to go with her to meet some clients in Aurora, Isabela," sabi
sa akin ni Mei habang inilalagay na ang mga damit sa maletang dadalhin.

"Puwede ba kaming sumama?" tanong ko ulit kay Mei. Pakingteyp. Best


aktor ka talaga, Lerwick!

"No. It's not like we're going there to have a vacation," seryosong sagot ni
Mei sa akin kaya tumahimik na lang ako. Pero dahil guwapo ako ay
nagsalita ako ulit para tanungin at kulitin siya.

"Anong oras ang alis ninyo, Mei? Para ihatid na lang kita," kunwaring
pagpiprisinta ko pa.

"ASAP," walang lingon-lingong sabi nito. "I'll be with Miss Aemie kaya
hindi mo na 'ko kailangang ihatid. Just take care of the kids." Napatango-
tango naman ako sa sinabi nito.

"Areglado, misis kong maganda!"

Nang matapos mag-impake si Mei ay agad na niyang pinuntahan ang mga


bata sa kani-kaniyang kuwarto nito. Nagulat pa siya nang madatnang
nakaligo na ang mga ito nang ganito kaaga. Hindi niya na lang pinansin
dahil nagmamadali na siya. Hindi niya alam na sinabihan ko ang mga
guwapo kong anak na gumayak nang maaga dahil magiging mahaba ang
biyahe papuntang Isabela.

"Ingat ka po sa biyahe, Ermat. Pasalubong ko po!"

"Update us po once you get there, Ermat. Have a safe trip."

Sabay pa na nagpaalam ang dalawa kay Mei. Petengene, mga bes aktors!
Manang-mana sa napakaguwapo nilang erpat.

Maya-maya ay dumating na si Miss Aemie. "Alis na kami, Sebastian! Mag-


iingat din kayo, hehe," paalam ni Miss Aemie sa amin. Nagtataka namang
tumingin si Mei sa amin at kay Miss Aemie. Agad na nag-panik si Miss
Aemie nang ma-reyalays ang sinabi. "Mag-iingat kayo, Sebastian kasi 'di ba
maraming mandurugas ngayon. Nagkalat na rin ang mga akyat-bahay.
Naku, naku. Tara ni Meisha, don't worry, hindi sila aalis ng bahay, hehe."

Pft. Petengene.

Nakaalis na sina Mei at Miss Aemie kaya agad kong tinawagan si Lampe.
Rinig ko naman ang maingay na bakgrawnd dahil sa galit na si Miss
Amesyl.

[Bilis-bilisan n'yo nga mga kilos n'yo! Aalis na lang tayo tapos pahila-
hilata ka lang diyan. Ano ka, senyorita?!— Baby Lerwick— Unggoy!—]

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay namatay agad ang tawag. Hindi ko na


sinubukang tawagan pa si Lampe at baka ako pa ang pagbuntunan ng galit
ni Miss Amesyl.

Maya-maya pa ay pinuntahan ko naman ang dalawa kong naggagwapuhang


mga anak. Naabutan ko silang nagbabalot ng gip nila para sa ermat nila.

"Ang sisipag magbalot, ah." Napalingon sila sa akin at nginitian ako.


Lumapit naman ako at umupo sa harap nila.

"Cody bothers me about wrapping presents for Ermat," sabi ni Kayden


sabay buga ng hangin. Si Cody naman ay masayang nagde-desayn ng
enbelop kung saan niya ilalagay ang leter na isinulat niya. Sinubukan ko
namang kunin 'yong leter na ginawa niya pero agad niya akong pinigilan.

"Nat naw, Erpat. Dapat si Ermat ang unang makabasa ng pinis pradak,"
pagpapaliwanag naman nito sa akin.

"Gusto ko lang makita at itatama ng guwapo mong erpat kung may mali
kang isinulat," sabi ko pa sa kanya.

"Wala ka bang bilib sa akin, Erpat? Ising-isi lang po sa akon ang gumawa
ng leter," prawd na sabi nito sa akin kaya nginitian ko lang siya at iniba na
ang tapik dahil tiwala naman ako sa anak ko, s'yempre alam ko namang
mana sa akin, eh.

"Naayos ninyo na ba ang mga gamit ninyo?" tanong ko sa dalawa dahil


maya-maya lang ay aalis na kami.

"Opkors po!"

"Yes po."

Sabay pa silang sumagot sa akin kaya tinanguan ko naman sila bilang sagot
at tinulungan pa silang i-redi ang iba pa nilang mga gamit dahil ang sinasabi
nilang naayos na mga gamit ay puro laro ang kinalabasan.

Maya-maya ay nag-baybreyt ang selpon ko kaya tiningnan ko muna ito.

SMS from Lampe: Sige, 'tol. Maghintayan na lang tayo ro'n sa isang
gasoline station, may kainan doon. Doon na lang tayo mag-stop over.
Pinauna ko na rin sina Lee para makatulong sa pag-aasikaso roon sa
venue.

Nang matapos na kaming maghanda ng mga kakailanganin namin ay agad


din kaming bumaba at dumeretso sa garahe. Sumakay na ang
naggagwapuhan kong mga anak sa sasakyan at ako naman ay nag-teks
muna kay Lampe.

Sms to Lampe: Paalis na kami, p're.


"Cody, stop. Nahihilo ako," rinig kong reklamo ni Kayden kaya sinilip ko
sila sa loob ng sasakyan. Niyuyugyog nito ang kuya niya.

"Sinusubukan ko lang kung mayayanig ng kagwapuhan ko ang sasakyan,


hehe," sabi pa nito at nag-pis sayn.

Napailing na lang ako sa dalawa at tuluyan nang sumakay sa sasakyan. Si


manang naman ay uuwi na muna sa kanila. Sinubukan ko siyang
kumbinsihing sumama pero nahihiya raw ito at mas maigi na ring gamitin
ang panahong 'to para makasama ang pamilya niya.

"Dadaan muna tayo kina Angkel Kaizer ninyo dahil sabay-sabay tayong
aalis," sabi ko sa dalawa at saka ko na minaniobra ang sasakyan.

Dinig ko naman ang pangungulit ni Cody sa kuya niya kaya naiirita si


Kayden.

"Kuya kasi, sabi ng ticher namin, peyr daw si Lord, pero bakit ako lang
pinagpala ng ganito kaguwapong mukha?" tanong niya ulit sa kuya niya.

Halata namang naiinis ito sa kapatid dahil nakasimangot ito kaya binuksan
ko na lang ang radyo ng sasakyan. Sakto namang kakasimula lang ng kanta.

"Nang ma-in lab ako sa 'yo akala ko pag-ibig mo ay tunay—" Sinabayan ni


Cody ang buong kanta na para bang nasawi na at pil na pil niya ito.
S'yempre dahil lahat ng mga guwapo ay alam 'to, sumabay rin ako sa kanya.

"Para kang spinks, ugali mo'y napaka-stink!" maakshong pagsabay namin


ni Cody sa kanta.

Nakita ko namang napalingon sa amin si Kayden dahil sa lakas siguro ng


boses namin. Nginitian ko ito at ngumiti naman ito sa akin pabalik pero
mukhang hindi ito ang mga tipo niyang tugtugan dahil kumuha ito ng
irpowns at nagsuot sa tainga.

"Lab, sop as an ese cheyr."

"Istupid!"
"Lab, pres as da morneng eyr."

"Istupid!"

"Lab, dat is sheyrd bay tu."

"Istupid lab!"

"Ay hab pawnd in yu," madamdaming kanta pa namin ni Cody.

Neks song naman ay mukhang alam pa rin ni Cody kaya bumwelo ito.
"Ehem, ehem. Mayk tes, mayk tes," sabi pa ni Cody habang ginawang
mayk ang bote ng tubig.

"Napadaan sa sabungan may nagsisigawan." Nakita ko pang nagising si


Kayden dahil sa boses ni Cody na wala sa tono. Dahil suportib erpat ako ay
chinir ko siya.

"Ganyan nga, guwapo kong anak! Bawi na lang tayo sa mukha," sabi ko pa
habang nagda-drayb ako. Si Kayden naman ay halatang sunod-sunod na
napabuntonghininga.

"Noong aking tingnan

Manok na pula

Mukhang matapang"

Pil na pil ng anak ko na kumanta kaya sinabayan ko siya ulit.

"Ang pera ni misis na dapat ay ihulog ko sana sa palawan," kanta ko sa


kasunod na linya. Buong biyahe ay kumakanta lang kami para hindi mainip.

Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa sinasabing gasolin isteshon ni


Lampe. Agad naman kaming bumaba ng mga bata nang makita naming
nandoon na sina Lampe.

"Lampe." Napalingon ito sa akin at lumapit.


"Wengya, ayos na ayos, ah," bungad sa akin ni Lampe.

"Opkors, para mas lalong ma-in lab sa akin si Mei."

"Kahit naman anong ayos mo, mas guwapo pa rin ako sa 'yo."

"Ulol! Teka bakit ang dami mong dala-dala?" tanong ko sa kaniya dahil
puno ang dalawang kamay niya ng peyper bag.

"Panay turo si Amber sa loob kaya ito, binili ko. Pero nagalit sa akin si
Andrea. Wengya!" Napapailing na lang ako sa sinabi ni Lampe. Kailan ba
hindi na-hayblad si Miss Amesyl? Pft!

"Ano mag-uusap na lang kayo r'yan? Akala ko ba nagmamadali?" naiiritang


sabi ni Miss Amesyl kaya sumunod agad kami pero bago kami pumasok sa
paspud na nandito sa gasolinahan. Pumili na rin muna kami ng mga
pagkaing dadalhin ng mga bata mamaya sa biyahe.

Saglit kaming kumain dahil nagmamadali na rin kami at ang layo pa ng


ibabiyahe namin. Nang matapos kaming kumain ay nagpa-gas muna kami
bago tuluyang umalis.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Erpat, malayo pa po ba tayo?" tanong sa akin ni Cody. Ilang oras na rin


ang nakakalipas pero malayo pa rin kami sa Isabela. May dinaanan na
akong short kat dahil sa kabilang ruta dumaan sina Miss Aemie. Kailangang
kami ang maunang makarating sa Isabela bago sina Miss Aemie.

"Medyo malayo pa, 'nak," sagot ko naman sa kanya.

"Eksayted na po akong makita si Baby Katana, Erpat!"

"He's been bothering me about this since we left the house, Erpat. Excited
din naman po ako pero hindi ako nangungulit," iritang sabi pa ng kuya niya
sa kanya.

Nagkulitan muna sila hanggang sa mamaya eh tumahimik na sila sa likod.


Nang saglit ko silang lingunin ay pareho na pala silang nakatulog.

Ilang minuto na rin ang lumipas simula no'ng nakatulog ang dalawa at nasa
biyahe pa rin kami. Kasunod lang namin si Lampe sa likod.

Wala pa akong natatanggap na apdeyt kina Miss Aemie kung nasaan na sila
kaya huminto muna ako sa isang tabi. Tumigil din sina Lampe na
nakasunod lang sa amin. Agad ko namang tinawagan si Mei para
kumustahin.

Pagka-dayal ko sa selpon namber ni Mei ay agad naman itong sumagot.


Halata sa boses nito na inaantok na. Dahil siguro sa inip sa malayong
biyahe.

[Hello]
"Mukhang inaantok na ang asawa ko, ah," sabi ko kay Mei.

[Not really. Nasiraan daw kami ng sasakyan. I think we'll be late but it
seems that Miss Aemie is not in a rush naman,] sabi ni Mei sabay hikab.

"Saang banda kayo nasiraan? Baka puwede ko kayong puntahan," sabi ko


pa rito.

[Nope, it's fine. Malayo na rin 'to sa Manila.]

Maya-maya ay nag-notip na may nag-teks sa akin kaya inopen ko muna ito.

SMS from Miss Aemie: Sebastian, ikaw ba kausap ni Meisha? Hehe, joki-
joki lang na nasiraan kami, ah? Shunga ka pa naman. Baka maniwala ka.

Petengene!

SMS to Miss Aemie: Areglado, Miss Aemie.

[Lerwick!] tawag sa akin ni Mei.

"Bakit, maganda kong asawa? Miss mo na naman kaagad ang kagwapuhan


ko," pang-aasar ko pa rito. Nag-usap muna kami ng ilang minuto para hindi
halatang nagmamadali ako.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagising na ang dalawang bata at tumingin


sa akin.

"Bakit po tayo tumigil, Erpat?" tanong ni Cody habang nag-iinat ito. Si


Kayden naman ay kagigising lang din at nakamasid lang.

"Tinawagan ko ermat ninyo para malaman ko kung nasaan na sila."

Nagsimula na ulit kaming bumiyahe. Ang dalawa sa likod ay may


pinapanood sa selpon nila.

Habang nagda-drayb ako ay tinawagan ko si Lee para malaman kung ayos


na ba ang lahat.
[Oo, p're. Kararating-rating lang din namin kaya ngayon-ngayon lang kami
nakaka-assist dito sa pag-aasikaso ng venue pero ayos na ayos naman.
Kung anong sinabi mo sa plano ay iyon naman ang nadatnan namin ni
Fauzia,] sabi nito. Nandoon na kasi silang lahat. Kami na lang ang kulang
sa resort.

[P're, bilisan n'yo na raw sabi ni Bossing.] Petengene, pati sina bossing
pala ay nandoon na.

"Sige, p're. Pasabi malapit na kami," sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Nakita ko na binaba nina Kayden ang selpon nila at tumingin sa akin.

"Matagal pa po ba, Erpat?" tanong sa akin ni Cody.

"Sa tingin ko ay malapit naman na tayo." Nandito na kami sa Santiago City


ayon kay weys. Kung hindi ma-trapik ay mas mabilis at ismut sana ang
naging biyahe namin.

Nakalampas na kami sa Santiago at papunta na sa kami sa Ramon, Isabela.


Ang dalawang naggugwapuhan ko namang mga anak ay nasa likod ng
sasakyan at tahimik dahil natutulog na. Kumain na rin kami ng tanghalian
sa isang pas pud.

Nakita kong nagri-ring selpon ko at lumitaw ang pangalan ni Lampe kaya


sinagot ko ito sa aking blutot irpon.

[Wengya, ang ganda pala rito sa Ramon,] bungad ni Lampe nang masagot
ko ang tawag niya. Naririnig ko sa bakrawnd ang boses ng kambal. Hindi
na ako nagsalita at pinakinggan ko lang ang sinasabi ni Lampe, baka kasi
magising ang dalawa.

Dumaan na kami sa Cabanatuan at ayon sa weys ay malapit-lapit na kami sa


Aurora.

[Hello, nandiyan ka pa ba Lerwick?]


"Opkors laging present ang guwapong tulad ko," sabi ko nang mahina.

Matapos niya akong daldalin na siya lang din naman ang nagsasalita ay
ibinaba na niya ang tawag. Eksakto naman dahil nakarating na rin kami sa
destinashon namin.

Saglit akong humanap ng parking ispes.

"Wow ang ganda po pala rito," sabi ni Cody pagkababa ng kotse habang
nililibot ang paningin niya sa kabuoan ng bets resort na kinuha namin.

Hinayaan ko muna silang maglakad-lakad at tineks ko na rin si Lee para


sabihin sa iba na nandito na kami.

Maya-maya ay dumating na sina Lampe at mabilis na bumaba ro'n si Azure.


Pinuntahan niya agad ang pinsan niya.

Si Amber naman ay dahan-dahang bumaba na para bang nasa isang myusik


bijo na pil na pil pa ang hanging tumatama sa mukha niya habang
bahagyang nililipad nito ang buhok niya.

Bumalik lang ito sa ulirat nang batukan siya ni Miss Amesyl. "Tangina
mong bata ka, kararating pa lang natin, kaartehan na inaatupag mo!"

"Ma naman, eh."

Nilapitan naman ako bigla ni Lampe. "Wengya! Parang kinakabahan ka,


Baby Lerwick, ah? Anak ng, huwag kang kabahan dahil katabi mo naman
ang nag-iisang guwapo," sabi ni Lampe sa akin.

"Petengene, nananginip ka pa yata, Baby Lampe. Puwede ka pa namang


matulog. Halata naman kasing sa ating dalawa, ako ang mas guwapo," sabi
ko sabay iling. Hinawakan niya ang braso ko saka hinimas-himas. Takte!

"Ayos lang naman kung nahihiya ka pang magsabi ng totoo, Baby Lerwick.
Naiintindihan ko." Agad kong tinanggal ang pagkahawak ni Lampe sa
braso ko. Nakanguso pa ito sa 'kin, ampupu!

"Ulol!"
Nakita naman na kami nina Lee at Boul kaya sinalubong nila kami at may
hawak-hawak na pagkain.

Nasa sampung klaseng putahe ang meron sa pinahanda ko. Karamihan doon
ay mga sajeschon ni Miss Aemie. Sina bossing naman ay nasa kuwarto nila
dahil nahihilo raw si Katana.

"Kinakabahan ako, petengene," sabi ko kay Lee na ngayon ay naabutan ako


ng pagkain galing sa tiningnan namin kanina.

"Huwag kang kabahan. Saka isa pa, maayos na ang lahat. Si Meisha na lang
ang kulang," sabi niya sabay tapik sa akin ni Lee sa likod ko pero hindi pa
rin natatanggal ang kabang nararamdaman ko. Petengene, parang magpo-
propows lang ulit ako, ah.

"Kainin mo na lang ito para matikman mo rin," sabi ni Lee kaya umupo
kami sa isa sa mga teybol.

Nakaramdam naman ako na may nag-baybreyt sa bulsa ko kaya kinuha ko


ito at nang makita ko ang pangalang nag-teks ay mas lalo akong kinabahan.

SMS from Maganda kong Asawa: How are you and the kids? Nasa
Santiago na kami.

SMS from Maganda kong Asawa: I'm already tired dahil sa haba ng
biyahe.

SMS from Maganda kong Asawa: Miss Aemie told me that we'll be having
a meeting with a client tonight until 12mn kaya pinagbihis niya ako rito sa
loob ng sasakyan.

SMS from Maganda kong Asawa: Lerwick?

Tumayo na ako para i-chek ang lahat dahil malapit na sila. Hindi na muna
ako nag-replay kay Mei. Takte, kinakabahan ako. Eni minit ay nandito na
sila.

-
Alas otso na ng gabi at pinakain muna namin ang mga bata ng kaunti para
mamaya ay puwede pa rin silang kumain ng marami. Lahat ay naka-redi na
pati ang banda. Sina Miss Aemie at Mei na lang ang kulang.

Pinagmasdan ko ang paligid. Nakaayos na lahat. Maganda ang naging


dekorashon at mga pailaw kaya mas lalong gumanda ang bits resort nila.

Sina Azure at Cody ay kinukulit ang bunsong anak ni bossing na naiirita


lang lalo sa ginagawa nila. Si Kayden ay nagbabasa ng maliit na libro sa
isang tabi pero nakikita ko namang paminsan-minsang sumisilip ito kina
Lindsay at Trigger. Mukhang wan sayded lab ito.

Sunod ko namang tiningnan si Amber. Katabi niya ngayon si Grayson na


pilit nilalayo ang sarili kay Amber kaya napailing na lang ako.

Maya-maya ay nakarinig kami ng boses na papunta sa kinaroroonan namin


kaya mas lalo akong kinabahan dahil boses na nina Mei at Miss Aemie
'yon. Napatahimik ang mga bata. Sumenyas na rin ako sa lahat na mag-redi
na, pati na ang banda.

"Dahan-dahan ka lang sa paglalakad Meisha, hehe. Hindi naman tayo


nagpapaunahan dito," rinig kong sabi ni Miss Aemie kay Mei. Pareho
kasing nakapiring ang mata nilang dalawa. Petengene!

Tahimik na natawa naman ang mga nasa likod ko dahil sa nakita. Ibang
klase rin talaga 'tong si Miss Aemie.

"Are you sure this is necessary, Mrs. Roswell? It's not appropriate to meet a
client blindfolded," sabi ng asawa kong maganda habang naglalakad
patungo sa direkshon amin.

"Hehe, bakit naman hindi? Ang ganda nga eh dahil naka-blindfold tayo."

Dahan-dahan silang naglalakad papunta sa senter kung saan ay may petals


na nakakalat na hart ang sheyp. S'yempre, ang guwapong romantiko ang
nakaisip niyan.
May mga kunwaring umaalalay sa kanila para mas lalong konbinsing ang
akting ni Miss Aemie.

Nang makarating na si Mei sa hart sheyp petals ay nagsalita ang lalaki.


"Kanina pa po kayo hinihintay ng kliyente ninyo."

Pagkatanggal ni Mei ng blindfold ay agad namang pinatugtog ng banda ang


Nating.

Track suits, and red wine,

Movies for two.

We'll take off our phones,

And we'll turn off our shoes.

Dahan-dahan itong lumingon sa paligid niya. Lahat kami ay may hawak na


rosas na pula. Nagtama ang mga tingin namin kaya bahagya akong
napangiti sa kanya.

We'll play nintendo,

Though I always lose.

'Cause you watch the TV,

While I'm watching you.

Unang lumapit ang mga anak ni bossing para ibigay ang rosas.

There's not many people,

I'd honestly say.

I don't mind losing, too.

But there's nothing—


Like doing nothing, with you.

Sumunod naman ang anak nina Lee, Boul, Lewis, Blood, Strife, at Lionhart.
Lahat sila ay nakangiting lumapit kay Mei at inabot ang bulaklak. Sumunod
naman ang kambal ni Lampe na sina Azure at Amber. Maarteng naglakad si
Amber kaya mahina kaming napatawa. Maliban kay Miss Amesyl,
s'yempre.

Dumb conversation,

We lose track of time.

Have I told you lately,

I'm grateful you're mine.

We'll watch The Notebook,

For the 17th time.

I'll say it's stupid,

And you'll catch me cryin'

Sumunod naman ang mga anak namin ni Mei at masayang inabot sa ermat
nila ang bulaklak. Agad namang hinalikan ni Mei ang dalawa. Natawa pa
kami dahil isinayaw pa nila ang ermat nila.

Sumunod naman kaming mga magulang, pero s'yempre, huli na ang


pinakaguwapo.

Ako na ang neks sa mag-aabot ng rosas kay Mei kaya kabadong-kabado na


ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinitigan siya sa mata.
Napakaganda ng asawa ko.

You could be dancing on table tops, wearing high heels.

Drinking until the world spins like a wheel.


Inabot ko na sa kanya ang bulaklak, hudyat ng pagputok ng payrworks. Mas
lumakas naman ang pagkanta ng banda. Sinabayan ko naman ito.

"Who needs stars, we've got you. And there's nothing, like doing nothing,
with you."

Kumakanta ako habang isinasayaw si Mei. Hindi ko binibitawan ang kamay


niya habang nakatitig lang ako sa magaganda niyang mga mata.

"Jas layk wat da song is ol abawt, kahit sa mga simpleng bagay, kahit wala
man tayong gawin, basta ikaw ang kasama ko, Mei, masayang-masaya na
ako. Hapi bertdey." Nakita ko namang napaluha si Mei kaya pinunasan ko
ang mga mata nito.

"I don't know what to say, Lerwick. I-I did not expect this. This really made
me happy," sabi nito kaya agad ko siyang hinalikan sa labi. Rinig ko naman
ang hiyawan ng lahat.

Nang maputol ang halik ay pinaglapit ko ang mga noo namin at tiningnan
siya sa mata.

"Ay lab yu so mats, Mei."

"I love you, too, Lerwick."

Maya-maya ay pumunta kami sa steyj at nagbigay na ng regalo ang lahat.


S'yempre sa huli ako para espesyal.

Matapos ibigay ni Kayden ang regalo niya sa ermat niya ay sumunod


naman si Cody. Umakyat pa ito sa steyj at kumuha ng upuan at tumayo sa
taas nito para maabot ang mayk.

"Ehem, ehem. Mayk tes, mayk tes," panimula nito. "Makinig ka po, Ermat,
ah? Makinig lang po pero hindi iiyak," sabi ni Cody sabay iling saka nito
binasa ang laman ng leter na isinulat niya.

"Yo, maganda kong Ermat," sabi nito sabay tingin sa ermat niya. "Hapi
bertdey. Alam ko namang hapi ka ngayon dahil kasama mo ang
pinakaguwapo mong anak, na s'yempre—ehem—ako lang naman at walang
iba," biro pa nito kaya nagtawanan ang mga nakikinig.

"Marami man ang pagsubok na dumating sa buhay mo, lalo na itong


kagwapuhan ko, dahil malaking problema 'to kapag nagbinata na ako.
Sigurado kasing hahabulin ako ng mga chiks nito," mayabang na sabi pa
nito. Narinig ko naman ang pag-alma ni Azure na nasa likod ko. "Pero lagi
mong tatandaan na nandito lang kami para lagi kang samahan. At yur
serbis kami lagi, kumander." Napangiti naman si Mei sa sinabing iyon ni
Cody.

"Puro kalokohan man ang ginagawa ko, namin, hindi ka pa rin


nagsasawang mahalin at alagaan kami ni Kuya."

"Ikaw lang naman ang nagpapasaway kay Ermat, Cody," singit pa ni


Kayden. Itinapat naman ni Cody ang hintuturo niya sa labi niya, senyales na
pinapatahimik niya ang kuya niya.

"Asan na nga ako—Ayun! Si Kuya kasi, eh. At kahit na sobrang kulit at


likot namin ay nand'yan ka pa rin para gabayan kami. May mga
pagkakataon na nadadapa ako, pero palagi mo naman akong ginagamot,
kaso awts! Masakit po ang alkohol, Ermat!" Bigla pang iniba nito ang
ekspreshon niya kaya mas lalo kaming natawa.

"Pero salamat pa rin po dahil nand'yan kayo para tulungan kaming


bumangon at turuan kami ng tama. Hindi man malagpasan ni Erpat ang
kagwapuhang tinataglay ko—" Aba matinde! "—siguro naman po ay kaya
niyang pantayan kahit papaano, 'di ba? Labs na labs ka namin, Ermat.
Hapi bertdey! Guwapo mong anak, Cody."

"PS. Sana po ay suportahan ninyo kami ni Baby Katana," pahabol pa nito.


Petengene talaga.

Napatawa kami sa isinulat ni Cody. Nang makababa na siya ay ako naman


ang sumunod. S'yempre, kapag mga guwapo, huli lagi. Seyb da bes por
last!

Lumapit na ako sa mayk at binuksan ang regalo ko para sa kanya.


"Mei, maganda kong asawa... Alam mo naman kung gaano kaguwapo ang
asawa mo. Kaya ang suwerte mo at pinakasalan mo ako," biro ko pa rito.
Inirapan niya naman ako pero natawa na rin siya.

"Marami tayong pagsubok na pinagdaanan at pagdaraanan pa. At sa lahat


ng nalampasan natin, kinaya ko kasi ikaw ang kasama ko." Napahinto ako
dahil biglang nabasag ang boses ko.

Nakita kong naiiyak na rin si Mei kaya nginitian ko siya. "Kaya


nagpapasalamat ako na ikaw ang babaeng minahal ko, at patuloy ko pang
mamahalin." Binuksan ko iyong baks na nekles ang laman. Lumipat ako sa
kanya at ako na mismo ang nagsuot nito sa leeg niya. Napakaganda ng
asawa ko.

"Inpiniti sayn na may hart sa gitna, senyales ng walang katapusang


pagmamahal ko sa 'yo. Mahal na mahal kita, Mei. Hapi bertdey." Niyakap
ko pa ito at hinalikan sa pisngi. Narinig ko naman ang palakpakan ng tao.

Matapos ng gip gibing ay sinimulan na namin ang parti. Nakangiti lang ako
habang pinagmamasdan ang asawa kong saksakan ng ganda at seksi na
mukhang masayang-masaya nakiki-parti sa mga bisita.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nakapasok na ako sa bileyj namin. Binati pa ako n'ong gard sa may geyt
kaya tinanguan ko naman ito.

Mag-aalas tres na rin ng madaling araw nang makarating ako sa tapat ng


bahay namin. Maingat kong inalis ang sitbelt ko bago dahan-dahang
binuksan ang pinto ng kotse.

Sumulyap pa ako saglit sa bintana ng kuwarto namin ni Mei kung nakasindi


pa ba ang ilaw. Nang makita kong nakapatay na ito ay kinuha ko ang susi
ng geyt namin mula sa bulsa ko. Dahan-dahan akong lumapit sa geyt at
maingat iyong binuksan.

Nakakabinging tunog na lang ng mga kuliglig ang naririnig ko sa paligid


dahil sobrang lalim na ng gabi.

Iminaniobra ko na ang kotse sa garahe nang dahan-dahan para hindi


magising si Mei at ang dalawa naming naggugwapuhang anak lalo na at
tumakas lang ako.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan bago marahang isinara ang geyt at


sunod na binuksan ang pinto ng bahay namin. Pero maingat at mabagal lang
ang mga galaw ko, kumabaga islowli bat shurli.

Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan at binuksan ang kuwarto namin ni


Mei nang walang ginagawang kahit na anong ingay. Ampupu! Daig ko pa
ang akyat-bahay sa ginagawa kong 'to, ah.

Kumuha ako ng damit sa kloset at kaagad na pumunta sa banyo para mag-


shawer at magpa-pres.
Kung magigising man si Mei ay magdadahilan na lang ako na hindi ako
makatulog kaya ako naligo.

Paglabas ko ng banyo ay kita ko naman na mahimbing pa rin ang tulog niya


kaya naman dahan-dahan akong kumuha ng heyr drayer at pinatuyo ang
buhok ko bago tumabi kay Mei at yumakap sa kanya.

Nang gumalaw siya ay pinakikiramdaman ko pa kung magsasalita siya


dahil baka nahuli niya akong gising, pero gumalaw lang siya para hawakan
ang kamay ko na nasa baywang niya at itinuloy ang pagtulog.

Pakingteyp! Akala ko naman mahuhuli na ako ng napakaganda kong asawa


na sumibat ng dis oras ng gabi.

Nang magising ako kinabukasan ay nasisinagan na ng araw ang mukha ko


dahil nakabukas na rin ang kurtina sa mga bintana ng kuwarto namin ni
Mei.

Kinuha ko ang selpon ko sa bedsayd teybol at nakita na mag-aalas otso na


pala ng umaga.

Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na dumeretso sa banyo para


makaligo na naging wisik-wisik na lang din dahil baka ma-leyt ang mga
guwapo kong anak kapag papatay-patay pa akong kumilos. Okey lang
naman dahil nakaligo na rin naman ako kagabi bago matulog kaya por
shur ay pres na pres pa rin ako.

Pagkababa ko ay naabutan ko pang nag-aalmusal ang mag-iina ko at


mukhang patapos na. Akala ko naman ay naunang umalis si Mei.

Kumuha na lang ako ng isang hatdog at isinubo 'yon nang mabilisan.


Kumuha na rin ako ng ilang tinapay nang biglang sabay-sabay silang
tumayo at nagsipilyo.

"Sasabay ako," sabi ni Mei bago nagmumog.


Tumango naman ako bago ko nilunok ang isinubo kong hatdog. "Shur,
maganda kong asawa! Sebastian Lerwick at yur serbis."

Tumango naman siya bago nagpunas ng bibig. "Wala ka bang gagawing


trabaho ngayon?"

Kaagad akong umiling. "Wala naman. Bakit?"

Napatango-tango naman siya. "I have to attend a business meeting after we


drop the kids at school."

Nauna naman na sa kotse sina Kayden at Cody kaya sumunod na lang kami
ni Mei.

S'yempre, sa harap ang asawa kong ubod ng ganda naupo at ang dalawa
naman ay as yuswal, sa likod.

"Mag-sitbelt kayo," sabi ko bago isinara ang pinto ng pasenjer sit at umikot
na para naman makaalis na kami at makapunta na rin si Mei sa dapat niyang
puntahan.

"Erpat, do you believe in reincarnation?" tanong bigla ni Kayden habang


nagbabasa ng libro niya. Hindi kaya sumasakit ang mata niya ro'n?

Nasamid ako sa sarili kong laway. "Bakit naman bigla-bigla kang


nagtatanong ng ganyan, 'nak?"

Kita kong nagkibit-balikat siya sa rerbyu miror. "I was just curious po."

"I don't," sabi ni Mei bago tumingin sa selpon niya.

Mukhang male-leyt na ang maganda kong asawa sa miting niya, ah.

"Ako, Kuya—aaah!" Napakapit si Cody sa sitbelt niya dahil nang mawala


na ang trapik ay kaagad kong tinapakan ang akselerytor ng sasakyan ko at
nag-oberteyk sa mga nauunang sasakyan sa amin.

"Erpat, chil ka—" Pumreno na ako kaagad nang mapatapat na kami sa geyt
ng iskul nila.
"Bye, Ermat, Erpat," paalam ni Kayden bago humalik sa pisngi namin ng
ermat niya at tuluyan nang bumaba ng kotse.

Si Cody naman ay kamot-batok na lumabas ng kotse matapos ding


magpaalam.

Binalingan ko si Mei at may ipinakita siyang adres sa akin kaya naman


kaagad ko siyang dinala ro'n.

May mga napapansin akong nakasunod sa reyrbyu miror kaya napatingin


ako kay Mei. Nag-aayos lang 'to ng meykap sa mukha niya at mukhang
hindi pa nararamdaman ang mga sumusunod sa amin.

"Ah, Mei," tawag ko sa kanya kaya nang lumingon siya sa akin ay


pinagtaasan niya ako ng kilay habang inaayos ang meykap kit niya sa bag
niya.

"Hmm?" tanging sagot niya sa akin kaya pinley ko na ang myusik sa isteryo
ng kotse ko at sakto naman na mga paboritong tugtog 'yon ni Mei.

"Oh, this one's my favorite playlist," natatawang sabi niya pa bago isinabay
ang ulo sa bawat pagtugtog ng musika at saka binalingan ang selpon na
bigla na lang tumunog.

Napatingin ako sa sayd miror ng kotse at nakitang naglabas na ng baril


'yong isa kaya naman kaagad kong inilihis 'yong sasakyan namin palayo sa
kung saan nakaasinta ang baril ng nasa likod bago ko inabot ang isteryo at
mas nilakasan pa ang tugtog dahil baka marinig ni Mei at idungaw na lang
niya basta ang sarili niya palabas bintana para makipagbarilan.

Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng bala sa likod na bahagi ng kotse ko


kaya napasulyap ako kay Mei na prenteng nakasandal sa bakres. Nakapikit
pa ito at ine-enjoy ang myusik na naririnig niya. Pakingteyp! Huwag naman
sanang basta-basta na lang sila manggulo lalo na ngayon na kasama ko si
Mei. Hindi naman sa ayaw ko siyang lumaban, pero mas mabuting seyp
siya.
Saglit nitong ibinangon ang ulo niya at saka tumingin sa gawi ko. "Is there
something wrong, Lerwick?" tanong ni Mei kaya umiling naman ako sabay
ngiti sa kanya.

"Wala naman. Ganito lang talaga kapag guwapo, Mei." Kinindatan ko pa


siya, pero iniwas naman niya kaagad ang tingin niya sa akin at saka muling
isinandal at ulo at pumikit.

Medyo malayo 'yong lugar, pero maganda naman kaya kahit na hanggang
parking lang ako ay panatag ako na walang mangyayaring masama kay Mei
rito dahil marami rin ang mga tao.

"Ingat ka," sabi ko kay Mei bago pinindot ang lak ng kotse kaya naman
binuksan niya muna ang pinto ng kotse.

Tumango naman kaagad si Mei at saka ako hinalikan sa pisngi. "Ikaw rin.
Mag-iingat ka."

Hinintay ko siyang makapasok sa loob bago ako umalis dahil pakiramdam


ko ay kahit nawala iyong mga nakasunod sa amin kanina sa paningin ko ay
minamanmanan pa rin nila kami.

Nag-teks ako kay Mei na roon muna ako sa opis nila dahil wala pa naman
akong gagawin sa bahay at pumayag naman siya kaya heto ako ngayon,
naglalakad papunta sa opis niya.

Nakakasalubong ko ang ibang empleyado rito at kaagad naman silang


nagbibigay-galang sa akin. S'yempre, dapat lang na gumalang sila sa mas
nakaguguwapo.

Pumasok na ako sa opis at kaagad na naupo sa swibel cher niya at tiningnan


ang mga pikshur prem. Napangiti naman ako nang makita ang replika ng
pikshur ng kasal namin ni Mei.
Hinawakan ko 'yon at pinakatitigan bago sana hahalikan ang mukha niya na
nandoon, pero biglang may tumunog at mukhang interkom 'yon kaya
sinagot ko na rin kaagad.

"Hello?" medyo inis ang tono ng boses ko dahil sa biglaang pagtawag ng


kung sino man dito sa interkom.

[Am I not allowed to call my own office?] Napangiti ako nang marinig ang
boses ni Mei sa kabilang linya. [I'll just finish this meeting, Lerwick.]

"Sige lang, Mei. Hindi naman ako maiinip dito," sabi ko naman. Narinig ko
na may nagsalita sa bakgrawnd niya na magsisimula na raw ang miting nila
kaya naman nagpaalam na ako dahil alam kong guwapo ako, pero hindi
sagabal.

Nakakita naman ako ng mga sapot ng gagamba sa loob ng opis ni Mei kaya
naisipan kong linisan 'to nang bahagya para malibang ko ang sarili ko kahit
papaano.

Pagkatapos kong maglinis ay tinawagan ko si Lampe para mang-asar nang


kaunti.

"Hello. Yes dadi harder picha pay deliberi. Mey ay teyk yor order, Ser?"
malanding bungad ko kay Lampe kaya katahimikan ang isinagot niya sa
akin.

[Gago! Akala naman ko nag-order ako ng pizza, wengya! Iba guluhin mo,
'tol. Pass muna ako sa katarantaduhan mo,] sabi niya bago ibinaba ang
tawag kaya naman sinunod ko na tawagan si Boul.

"Hello, Ser—"

[Hello. Is my order near na ba?] Nang marinig ko ang boses ni Miss


Caileigh ay kaagad kong pinatay ang tawag dahil baka akalain niyang ako
ang magde-deliber ng order niya, petengene!

Sunod kong idinayal ang numero ni Lee, pero pinatayan naman ako ng gago
kaya nag-meseds na lang ako na pinapatawag siya ni bossing. Nag-baybreyt
ang selpon ko kaya tiningnan ko ito. Si Boul pala ang nag-teks.

SMS from Bouldado: .l.

Petengene, na-pingger pa nga.

Tinitingnan ko pa ang kontaks ko at aksidenteng napindot ang numero ni


bossing na kaagad ko namang in-end dahil baka mapagalitan pa ako at hindi
maging maganda ang epekto nito. Baka biglang maglaho sa mundo ang
inyong guwapong lingkod.

SMS to Bossing: Napindot lang, Bossing. Sori.

Kamot-batok kong ibinaba ang selpon ko sa ibabaw ng mesa at lumabas ng


opis ni Mei.

Napapahikab akong nagtungo sa may elebeytor, pero nawala 'yon nang may
makita akong lalaki na nakasuot ng itim na jaket at mukhang umaaali-aligid
pa. Mukhang may inaabangan o hinihintay na lumalabas. Wari ko ay ako o
kaya si Mei. O kaming pareho. Petengene!

Hinihintay ko pa ang pagbukas ng elebeytor at sakto namang pagtunog nito


ay kaagad na napaangat ng tingin 'yong lalaki. Nagkaro'n kami ng ay
kontak kaya naman biglang hindi naging maganda ang pakiramdam ko ro'n
sa lalaki na kumaripas ng takbo papunta sa payr eksit.

Kaagad ko namang hinabol 'yon kahit na may nababangga pa akong mga


empleyado. Hindi ko kaagad ito naabutan dahil sa dami ng mga taong
nakakasalubong ko. Ang nakita ko na lang ay ang pigura niya na pababa ng
payr eksit.

Bumalik ako sa kung saan ako nanggaling kanina at sumabay sa mga


empleyado na pababa na sa labi.

"'Di ba, siya 'yong asawa ni Ma'am?"

"Oo, beh."

"Ang guwapo," kinikilig na sabi pa nito.


"Kung ako sa 'yo, huwag ka munang gumanyan ngayon. Naku! Baka
mawalan ka kaagad ng trabaho."

Gusto ko sanang ngitian ang mga binibini sa likuran ko, pero wala akong
taym para doon dahil sa hinahabol ko.

Nakaramdam pa ako ng inis dahil sa tagal ng elebeytor. Parang mas


gugustuhin ko na lang na maghagdan dahil mukhang mas mapabibilis pa
ang pagbaba ko roon. Pero luk at da brayt sayd, Lerwick. Naghahatid ka ng
suwerte at kasiyahan sa mga empleyado ngayon dahil nasisilayan at pinag-
uusapan nila ang kagwapuhang taglay mo.

Nang makarating sa grawnd plor ay nagpalinga-linga ako sa buong labi.


Nakita kong naglalakad ito palabas kasabay ng ibang empleyado sa
kumpanya namin nang tahimik 'yong lalaking naka-jaket na itim.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Bumalik ako kaagad sa opisina ni Mei dahil nakalimutan ko 'yong selpon


ko. Minabuti ko na lang din na kaagad magpunta sa parking pagkakuha ko
ng selpon ko para masundan ko 'yong lalaki. Sa palagay ko ay siya rin ang
lulan ng kotseng sumusunod sa amin kanina.

Ang kaibahan nga lang ay isa lang siya ngayon samantalang kanina ay
mukhang may iba pa siyang mga kasama.

Sumakay na ako ng kotse ko at pinatakbo para sana habulin iyong lalaking


nakaitim na jaket.

Pinagmasdan kong maigi ang kotseng sinusundan ko. Hindi ako puwedeng
magakamali. Nakakasiguro akong ito rin ang kotseng sumusunod sa amin
kanina.

Mabuti na lang talaga at hindi 'yon napansin si Mei kanina, kundi baka
sumama pa siya sa akin dito. Mahirap na at mabangis din ang isang 'yon sa
bakbakan. At isa pa, baka konektado ito sa mishong ginagawa ko kay
bossing.

Napapansin ko naman na malapit na kaming mapalayo sa shudad kaya


naman isinet ko na muna sa otopaylot ang takbo ng sasakyan ko para
makakuha ako ng baril at maiayos 'yon.

Kumuha na rin ako ng saylenser kasabay ng pagkuha ko ng bala at baril sa


kompartment para hindi ganoon kahalata sa mga dumaraang sasakyan kahit
na kaunti lang ang mga 'yon.
Tinapakan ko ang akselereytor para kahit papaano'y mapadikit ako sa
sasakyan ng lalaking 'to. Pero mukhang napansin niya ang pagdikit ko sa
kanya kaya mas lalo niya pang binilisan ang pagpapatakbo niya sa kotse
niya.

Napangisi naman ako nang makitang eksakto lang ang distansiyang 'yon
para makapag-ayos ako.

Nakita ko naman na masyado nang maluwang ang kalsada at mukhang


puwede ko naman na siyang patamaan ng bala.

Bahagya kong binuksan ang bintana ng kotse ko at sinubukang barilin ang


gulong ng sasakyan niya, pero hindi ko naman natamaan. Sa halip ay
tumama ito sa isa sa ilaw na nasa mismong kalsada. Awts, pumupurol na
yata ang iskils mo, Lerwick. Hindi maaari 'yan.

Sinubukan kong i-otopaylot ulit ang kotse, pero may ten wiler trak na
dumaan kaya hindi ko na muna 'yon ginawa dahil baka mamaya ay may
maaksidente pa ako.

Nang masigurong wala nang ibang tao o kotse sa daan ay binuksan ko na


ang bintana ng kotse ko at bahagyang inilabas ang ulo at kamay ko para
asintahin ang gulong ng sasakyan, pero tumama lang 'yon sa may bintana
dahilan ng pagkabasag nito kaya naman mas naging klaro sa akin na mag-
isa lang siya sa loob.

Bahagya pa akong lumapit para mas maasinta ko ang pagbaril. Nang ma-
satispay sa distansya namin ngayon ay pinatamaan ko siya sa may braso
bago ko pinatamaan ang gulong ng kotse niya na naging dahilan para
magpagewang-gewang ito sa daan. Tumama muna ito sa mga bariyer at
kasunod ng pagbangga nito sa iba pang mga kotse.

Ang mga kotse namang parating pa lang ay kaagad na nagsihinto para hindi
matamaan ang mga naunang kotse na nagkarambola na ngayon.

Itinabi ko ang kotse ko sa daanan bago bumaba at nilapitan ang kotse n'ong
lalaking nakaitim na jaket.
Pinagmasdan ko muna ang kotse niya na ngayon ay nakataob na.

Napatingin pa siya sa akin at pilit na iniaabot pa ang kamay niya na para


bang sinasabi niya sa akin na tulungan ko siya.

Imbis na tulungan siya ay saglit ko lang siyang pinagmasdan. Pagkatapos


ay naupo ako upang maging magkasing-lebel kaming dalawa at
inumpisahan siyang kapkapan. Alam kong humihinga pa iyong lalaki pero
hindi na rin naman siya makakilos dahil bukod sa ipit na ang kalahating
parte ng katawan niya ay nanghihina na siya.

Nang mapansin ko ang umaagos na gas sa may sahig ay pasimple kong


inabot ang isang papel at sinindihan 'yon nang hindi nakikita ng iba.
Inihigis ko ang papel sa may gas at saka nag-umpisang maglakad pabalik sa
kotse ko.

Nang makasay na ako ay saglit ko pang tinanaw ang kotse ng lalaking


nakaitim na jaket kanina. Mula rito ay kita ko kung paano magliyab ang
kotse niya at shurbol na deds na siya.

Maya-maya lang ay biglang tumawag si bossing kasunod ng pagsabog ng


kotse n'ong lalaki kaya ibinaling ko na ang paningin ko sa selpon para
sagutin ang tawag. Mukhang kanina pa niya pa ako tinatawagan, ampupu!

"Yo, Bossing," sagot ko habang nagsisitbelt.

[Where are you exactly, Lerwick?] tanong niya na sinamahan ng pagtikhim


kaya naman napatingin ako sa may daan.

"Nasa haywey pa ako, Bossing. May sumusunod kasi kanina, eh." Inatras
ko ang kotse ko bago inayos ang sitbelt ko.

[I need you to come into my office, fast. There's one thing I want to talk to
you about.]

Pagkasabi niya n'on ay ibinaba na niya kaagad ang tawag kaya naman
pinaharurot ko na ang kotse ko at dumeretso na sa opisina ni bossing.

-
Kabababa ko lang sa kotse ko na kapaparada ko pa lang sa parking ng
bilding nila. Dere-deretso lang akong naglakad papasok hanggang sa
makarating na ako sa tapat ng opis ni bossing.

"Take a seat," sabi niya habang nakatuon ang mga mata sa binabasang mga
papeles.

Umupo ako sa harapan ng mesa niya at saka sana magsasalita nang


magtanong siya.

"Any idea who's following you?" tanong niya na inilingan ko naman


kaagad.

"Hindi ba 'yon din ang nagmamanman no'ng bertdey ni Trigger, Bossing?"


balik na tanong ko naman na kaagad niyang inilingan.

"He was different from the ones we were watching last time," sabi niya
kaya napatango-tango naman ako. "Dealing with the previous groups is a
lot easier. But the one you just ran into was different, so you'd better be
careful, Lerwick."

"Kaya pala parang iba 'yong nakita ko kanina," wala sa sariling usal ko
kaya naman nakita kong umarko ang mga kilay niya.

"Have you seen the man who follows you?"

"Kaninang umaga, pagkahatid namin ni Mei sa dalawa naming


naggugwapuhang mga anak sa iskul nila, may nakasunod na sa amin.
Pinatamaan pa nga ang kotse ko ng bala, Bossing," panimula ko. "Pero
nawala rin sila nang maihatid ko si Mei sa isang restawran."

"And then?" Seryoso ang mukha ni bossing kaya ipinagpatuloy ko ang


pagkukwento sa nangyari.

"Kanina, paglabas ko ng opis ni Mei, nakita kong may aali-aligid, pero


umalis din naman kaagad," pagpapatuloy ko.

"Did you notice anything about that guy or did you find out his name?"
Pumaling pakanan ang ulo ni bossing kaya inalala ko 'yong mga nakita ko
kanina.

-Flashback-

Nang kapkapan ko siya ay wala naman akong nakuha na kahit na ano sa


kanya kaya naisipan ko na lang na dumampot ng papel tutal nakita ko rin
naman na ang gas ng kotse niya na umaagos na sa kalsada.

Sinindihan ko 'yong papel at tinapon na sa gas na nasa daan, pero bago


ako umalis ay napabaling ako ulit sa kanya dahilan para makita ko ang
tattoo na malapit sa relo niya.

Isang kulay pulang dayamond. Ang bangis!

-End Of Flashback-

Umiling ako kay bossing. "Wala naman, Bossing. Wala siyang dalang gamit
na makapagtuturo sa atin kung sino siya."

Tumikhim ito bago inayos ang kurbata niya at itinuloy na ang pagbabasa sa
mga papeles na nasa ibabaw ng mesa niya kaya dahan-dahan na akong
tumayo dahil mukha namang hindi na ako kailangan dito.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla na lang siyang may sinabi,
"Be cautious, Lerwick."

"Areglado, Bossing."

Mabilis pa sa alas kwatro akong nagmaneho pabalik sa opisina ni Mei dahil


sa dami ng miskol at teks niya sa akin na parang eni taym ay magpa-payl na
siya ng los person sa pulisya.

Nang tumawag ulit siya ay sinagot ko 'yon, pero binabaan din naman niya
ako kaagad ng tawag.

Kamot-batok ako bago humawak sa manibela gamit ang isang kamay at


kaagad na minaneho 'yon papunta sa bilding ng kumoanya.
Petengene! Muntikan akong masubsob nang may humintong sasakyan sa
harapan ko.

Bumusina ako kaagad nang malakas dahilan para lumabas 'yong drayber na
nakasakay ro'n.

Kumatok pa 'to sa bintana ng kotse ko at mukhang galit na galit dahil sa


pagbusina na ginawa ko.

"Get out of your car!" sigaw nito kahit na nasa labas ay dinig na dinig ko pa
rin ang galit sa boses nito kaya wala akong nagawa kundi ang bumaba.

Pinagtaasan ko siya kilay. "Wats da prablem?"

"You!" Dinuro niya pa ako, pero hinayaan ko na muna dahil mukha naman
siyang lasing.

"Let's just go," sabi n'ong babae na mukhang kasama niya at hinahatak-
hatak pa siya paalis sa harapan ko.

Aambahan sana ako ng suntok nang mapigilan ko ang kamao niya at tinulak
siya palayo sa akin.

"Huwag kang mag-drayb kung nakainom ka. Gumaya ka sa guwapo."


Binalingan ko ang babaeng kasama niya. "Iuwi mo na siya, Miss. Bago pa
kayo makaperwisho ng iba."

Tumango naman ang babae habang pilit na hinihila ang kasama niya
pabalik sa kotse nila samantalang ako naman ay kaagad na bumalik sa loob
ng kotse ko at nilagpasan sila.

Nakita ko naman na may dumating na trapik enporser kaya hinayaan ko na


lang 'yon at dumeretso na sa bilding ng kumpanya namin ni Mei.

Pagdating ko sa opis ni Mei ay nginitian ko siya kaagad, pero hindi siya


nagpakita ng kahit na anong reaksyon sa akin.
"Where have you been, Lerwick?" May bahid ng inis ang boses ni Mei.
"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"

Kamot-batok ko siyang nilapitan at yayakapin na sana siya, pero itinulak


niya ako palayo.

"Answer my question first, Lerwick," matigas na sabi niya habang naka-


kros arms.

"May inutos lang si Bossing bigla, Mei." Nginitian ko siya.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Really? Where?"

Ngumuso ako na parang na parang may tinuturo sa kawalan. "D'yan lang sa


tabi-tabi."

"Should I call him to confirm?" tanong niya pa kaya pikit-mata akong


tumango.

Nakita kong may naglalarong ngisi sa labi niya bago umupo sa swibel cher
niya kaya naman sa likod niya ako pumwesto para masahiin siya sa likod ng
kaunti.

"I want an honest answer, Lerwick. Tell me if you killed the guy that's been
chasing us since this morning," sabi niya kaya hindi ko alam kung ano ang
isasagot ko.

Tumingala siya sa akin at saka inabot ang pisngi ko. "Sebastian."

Tumango na lang ako dahil alam ko naman na kahit hindi ko sabihin ay


malakas ang pakiramdam niya sa mga ganito. Mabangis nga asawa ko, ano
bang bago?

"Niligpit ko kanina," pag-amin ko kaya naman ngumiti siya.

"Iniutos ba 'yan ni Mr. Roswell?" May bahid ng pag-aalala ang tanong niya
kaya hinawakan ko ang isa niyang kamay at hinalikan 'yon.
"Hindi naman niya inutos, pero ayaw ko rin naman na madamay pa kayo,"
sabi ko at saka siya nginitian.

"All right," sabi naman niya at sinuklian din ako ng ngiti.

Tatayo na sana siya, pero pinigilan ko siya at ipinagpatuloy ang pagmasahe


sa likuran niya.

Siya naman ay maayos lang na sumandal at in-enjoy ang pagmasahe ko sa


likuran niya.

Narinig ko siyang bumuntonghininga kaya mas ginalingan ko pa sa


pagmasahe sa kanya.

Gusto ko pa sanang mag-istey rito sa opis kasama siya, pero nag-teks


naman si Kayden na nagpapasundo na siya kaya naman inalalayan kong
tumayo si Mei sa upuan at ako na rin ang nagdala ng bag niya.

Paglabas namin ng opis niya ay naabutan pa namin ang dalawa niyang


empleyado sa labas.

"Are you two going to go over time?" tanong ni Mei pero kaagad namang
umiling ang dalawa.

"H-hindi po, Ma'am," sabi n'ong isa na siyang nginitian ko kanina.

Bumaling siya ng tingin sa akin kaya pati si Mei ay napatingin din.

Tiningnan niya ako nang may nagtatanong na mukha at parang alam ko na


kung saan 'to patungo.

"Wala akong ginagawang masama, Mei." Nagpamulsa ako at tiningnan ang


dalawang empleyado.

Tumingin din si Mei sa kanila kaya naman sumenyas ako na umalis na sila
na agad din naman nilang sinunod.

"What did you do to those girls?" tanong ni Mei nang kami na lang dalawa
ang nasa plor ng opis niya.
Umiling ako. "Wala naman akong ginawang masama. Alam mo naman
kung gaano nahuhumaling ang kababaihan sa guwapo mong asawa, Mei."

"Are you sure, Lerwick?" tanong niya pa ulit na parang sinasabi niyang
nagsisinungaling ako.

Kamot-batok ko siyang sinagot ng totoo. "Pinag-uusapan kasi nila ako


kanina kaya nginitian ko sila. Nginitian ko lang, Mei, pramis."

Itinaas ko ang isa kong kamay na parang nanunumpa, pero mukhang


walang epekto 'yon dahil imbis na maging maaliwalas ang mukha ni Mei ay
mas lalong nagsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Bakit pinansin mo pa?" inis na tanong niya, pero wala rin naman akong
masagot kaagad.

"Eh, kasi—" Sinusubukan kong mag-ekspleyn, pero kaagad siyang


tumalikod sa akin at inunahan ako sa paglalakad.

"Teka lang, Mei!" Humabol ako sa kanya at humarang sa harapan niya, pero
hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Weyt. Kase ganito 'yan, Mei." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat,


pero pilit niyang inaalis 'yon.

"Don't explain, Lerwick. Alam ko na rin naman sasabihin mo. Let's just go
home." Parang hindi siya makapaghintay na lumabas kami kaya sabay na
naming tinahak ang daan papunta sa elebeytor. Nang makarating kami sa
tapat nito ay kaagad kong pinindot ang boton pababa.

Gusto ko man i-ekspleyn ang napakaguwapo kong sayd ay hindi na maaari


dahil mukhang paynal na ang desisyon ni Mei na huwag akong pakinggan
kaya naman nanahimik na lang ang guwapo hanggang sa magbukas na nang
tuluyan ang elebeytor.

Pinauna ko si Mei sa pagpasok sa eleybeytor pero imbis na hintayin niya


akong makapasok sa loob ay pinindot niya agad ang boton ng pinto kaya
kaagad itong nagsara. Ampupu!
Alam kong puwedeng kong iharang ang kamay ko para pigilan ang pagsara
ng pinto pero hindi ko na ginawa. Baka gusto niyang mapag-isa kaya kahit
sa pag-iisa sa elebeytor ay susuportahan ko siya.

Ganyan talaga kapag guwapo, dapat kasama sa pakeyj dil ang pagiging
suportib.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Parang hindi pantay iyong banner. Pakitaas pa nang kaunti sa kanan," dinig
kong sabi ni Mei sa katabi niyang ibent organayser habang nakatingin sa
baner na may 'Hapi Bertdey, Cody' na nilalagay ng mga empleyado nito sa
mataas na pader.

"Copy, Ma'am," sagot ni Ms. Organayser at tumingala sa mga kalalakihang


nagkulang ng ilang paligo para mapantayan ang kagandahang lalaki ko.
"Mga kuya! Paangat nang kaunti sa kanan!" sigaw niya.

"Do you have the balloons ready?" tanong ulit ni Mei. Tumango naman
iyong organayser kahit parehas silang nakatingin sa baner na inaayos pa rin
hanggang ngayon. "How about the other designs outside?"

"Yes, Ma'am! Ilalagay na po namin iyong uupuan ng celebrant after makabit


iyong banner," sagot n'ong organayser.

Tumango naman si Mei. "There! Pantay na," sabi niya nang maiayos ang
baner.

Tumalikod na siya at nagpunta naman sa ibang bahagi ng hol at nag-chek


kung maayos na ba ang mga desayns at dekoreshons doon.

Sobrang hands on ni Mei para dito sa bertdey ni Cody na gaganapin sa


panskhon hol nitong sikat na hotel.

Inarkila namin 'to para sa isang buong araw kaya maagang-maaga pa lang
ay nandito na kami ng maganda kong asawa para asikasuhin ang
dekoreshons.
Gusto kasi naming maging memorabol para kay Cody ang bertdey niyang
ito. Hindi naman kasi p'wedeng taon-taon ay engrade ang bertdey dahil
ayaw namin silang masanay sa ganoon.

Napatingin ako sa selpon ko nang mag-baybreyt iyon sa kamay ko. Ka-teks


ko kasi si Chiasa at nag-uusap kami ng kung ano-ano kanina pero ngayon
ay ina-apdeyt niya na lang ako kung anong ginagawa nila.

Nagmamadali raw kasi silang umalis ng bahay kanina at dahil likas ang
pagiging totpul at keyring ko ay na-kyuryus ako sa nangyayari.

SMS from Chiasa: Aym payn, Dadi. Nasa kar po kami ngayon. Katabi ko si
Kuya Chikao. Mami's draybing da kar. Hindi ko nga po alam bakit
kailangang mabilis, eh.

Naramdaman ko ang pag-istreyt layn ng kilay at ang pagkunot ng noo ko


habang nagta-tayp ng replay kay Chiasa.

SMS to Chiasa: Mabilis, 'nak? Bakit mabilis? Ingat kayo!

"Ayan. Mga kuya! Okay na!" sigaw ulit n'ong organayser kaya napatingin
ako ulit sa kanila. Nagmando naman siya sa ibang tauhan na nandito sa
baba dahil hindi pa nakakababa iyong mga nag-ayos ng baner.

Bukod sa amin ng maganda kong asawa ay isa pang hands on itong


organayser na nakuha namin ni Mei. Sa sobrang hands on niya ay mas
aligaga pa siya kay Mei lalo na kapag may tinatanong sa kaniya. Kaunti na
nga lang din ay matatalo na niya ang megapon sa lakas ng boses niya.

Bibigyan ko 'to ng tip mamaya. Masyadong pashoneyt sa trabaho. Hands


dawn!

"Hello, mga kuya!" sigaw ulit n'ong organayser sa mga lalaking malapit sa
akin. Mabilis silang lumapit doon .

"Pakibuhat naman nito. Pakilagay na lang niyan sa gitna," turo niya sa


magarbong upuan na mabilis namang binuhat n'ong mga lalaki. Manonood
lang sana ako sa kanila pero hindi matiis ng kagwapuhan ko ang hindi sila
tulungan dahil kitang-kita ko na nahihirapan sila.

Binulsa ko muna ang selpon ko dahil wala pa namang replay si Chiasa.


Lumapit na ako at nakibuhat n'ong malaking upuan papunta roon sa
puwestong tinuturo n'ong organayser.

Petengene! Napakapayat naman ni Cody pero bakit parang elepante ang


uupo rito sa laki? Syet! Mukha na 'tong trono, ah.

"Ops! D'yan na lang," sabi niya kaya nilapag namin pero nagsalita ulit siya.
"Kaunting kaliwa pa pala—ayan! Perfect!"

Nagpagpag ako ng kamay nang sabihin niya iyon. "Sus! Hindi man lang
ako pinagpawisan."

Akala ko ay magte-tenk yu pa siya dahil ay meyd deyr layp isiyer pero


tumalikod lang siya at humarap sa ibang tao para mag-utos ulit.

"Iyong balloons sa gilid ng chair, pakilagay na. Please!"

Aba matinde!

Pero okey payn. Mabuti pa rin at sinisiguro niyang maayos at naayon ang
lahat sa plano. Nakikita ko naman ang buong team niya.

Naramdaman ko ulit ang pag-baybreyt ng selpon ko kaya mabilis kong


kinuha iyon sa pantalon at binasa ang mesej ni Chiasa.

SMS from Chiasa: Di ko po alam, Dadi. Bat ay sow por kars palowing as.
Siguro po dahil doon?

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang mesej ni Chiasa.
Nag-aalala ako sa kanilang mag-iina. Higit lalo roon sa kambal.

Pakshet! Anong mayroon? Parang hindi maganda ang kutob ko rito, ah.

SMS to Chiasa: Wat?! May sumusunod sa inyo?


SMS from Chiasa: Opo, Dadi. At mas bumibilis na po iyong kar! Sabi ni
Mami, kapit daw maigi.

"Do all tables already have the tablecloth covered?" dinig kong tanong ni
Mei. Dumaan siya sa gilid ko kaya saglit kong ibinaba ang selpon ko.

"I'll check it, Ma'am," sagot ni Ms. Organayser at sumigaw na naman.


"Okay na ba iyong tables?!"

Lumingon siya sa gawi kung nasaan ang mga teybol at nang makitang
maayos naman ang mga iyon ay nakahinga siya nang maluwag. "Okay na
po," sabi niya.

"Okay. The food?" tanong ulit ni Mei.

Nag-baybreyt na naman iyong selpon kaya napatingin ako ulit doon. Hindi
ko nga pala na-replay-an si Chiasa kanina. Syet!

SMS from Chiasa: Mas marami na pong nakasunod sa amin.

Petengene! Mas lalo akong kinabahan. Mabilisan akong nagtipa ng replay


kay Chiasa dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Nate-tens na
ako dahil baka may mangyaring hindi maganda sa kanila.

SMS to Chiasa: Syet! 'Nak, nasaan ba kayo?

"On the way na raw po iyong cater," rinig kong sagot n'ong organayser kay
Mei.

"Good job!" Pumalakpak ng isang beses si Mei bago dinismis ang kausap at
nakita kong humakbang palapit sa akin. "Hey..."

"Bising-bisi ang asawa ko, ah?" tanong ko. Ngumiti pa ako kahit kabado.
S'yempre dapat ol da taym ay guwapo.

"Of course. I want everything to be perfect. Minsan lang naman 'to


mararanasan ni Cody," nakangiting sagot niya kaya tumango naman ako.
Mukhang eksayted na rin siya para kay Cody.
"Ay agri. Apter ten yirs na ulit iyong sunod. Mag-iipon muna tayo," sabi ko
at tinawanan naman niya ako. Hindi ko naman magawang sabayan siya sa
pagtawa dahil kabado na talaga ako.

Umiling lang siya at nagpaalam na may iche-chek lang ulit. No'ng mag-
baybreyt ang selpon ko ay mabilis kong tiningnan ang mesej.

SMS from Chiasa: Hindi ko po shur, Dadi. 'Di ko rin po mabasa iyong mga
sayn dahil nakayuko lang ako. Shud ay stand?

Ow, shet talaga!

SMS to Chiasa: Huwag, Chiasa! Yumuko ka lang tapos i-open mo iyong


GPS ng selpon mo para malaman ko kung nasaan kayo, 'nak.

Halos manginig na ang mga kamay at daliri ko habang nagta-tayp. Tens na


tens na ako habang nilo-lowd ang lokeyshon traker ap ng selpon at
hinihintay na lumabas doon kung nasaan sina Ms. Jodi.

"Lerwick," dinig kong tawag ni Mei sa akin.

"Mei?" Tumingin ako sa kaniya pero mabilis ko ring ibinalik iyon sa iskrin
ng selpon.

Bakit ang tagal? Petengene! Mapupudpod na yata ang daliri ko kaka-swayp


dawn sa iskrin para mag-lowding nang mag-lowding pero wala pa rin.

Ano na kayang nangyari? Baka naman—ow, no. Shet, Lerwick, h'wag kang
mag-isip ng ganiyan. Baka hinahanap lang ni Chiasa kung saan ino-on
iyong GPS dahil alam mo naman...mali-mali ang ispeling ng Inglis sa
selpon.

"You mind going back home? I forgot to bring the—"

Location accessed!

"Sige," mabilis na sagot ko kay Mei kahit hindi ko naman talaga


naintindihan ang sinabi niya. Basta ang alam ko ay pinababalik niya ako ng
bahay.
Awtomatikong gumalaw ang mga paa ko at tumalikod at nagmamadaling
lumabas ng hotel. Narinig ko pang tinawag ako ni Mei pero hindi na ako
lumingon.

Nag-baybreyt ulit ang selpon ko habang naglalakad ako kaya binasa ko


iyon.

SMS from Chiasa: Dadi! Lumipat kaming kar. Nabangga po iyong kar
namin kanina, eh. Tapos sabi ni Mami, yuko lang daw. Kasi may bumabaril
po sa kar namin.

SMS from Chiasa: Deyr tu meni, Dadi. Kuya en I wanted tu help pero
ayaw ni Mami.

Tengene! Kailangan ko na talaga silang mapuntahan!

Mabilis akong sumakay ng kotse at binuhay ang makina. Hindi pa man


tuluyang nag-iinit ang makina ay pinaharurot ko na ang sasakyan.

Petengene!

Pinagpapasalamat ko talaga na mahilig ako sa mga guwapo at matutulin na


sasakyan dahil subok ko na ang kalidad ng mga ganito kapag kailangang
magmadali. Ilang sasakyan na rin ang inober teyk ko at ilang beses na
akong binusinahan dahil doon pero masyado akong guwapo at tens para
pansinin iyon.

Tinahak ko ang daan hindi papunta sa bahay, katulad ng inutos ni Mei,


kundi iyong daan kung nasaan sina Ms. Jodi at iyong kambal.

Nilagay ko iyong selpon ko sa selpon holder para mas makapag-pokus ako


sa pagda-drayb at masundan ko nang maiigi iyong lokeyshon nila.

"Shet! Teka lang, Mei..." mahinang bulong ko at agad na kinansel iyong


tawag niya. Pero tumawag siya ulit.

Ampupu!
Mabigat man sa loob ko pero kinansel ko ulit iyon. Natatabunan kasi n'ong
kol niya iyong GPS at natatakot ako na baka mawaglit lang sandali ang
paningin ko roon ay mawala ang lokeyshon nina Chiasa.

Pakingteyp!

Siguradong nagmukha na akong walang kuwentang asawa dahil basta ko na


lang tinalikuran si Mei kanina kahit hindi pa siya tapos magsalita, tapos
ngayon naman ay dine-deklayn ko ang mga tawag niya.

Pasensya na, Mei. Ayoko mang isipin mo na binabalewala kita pero buhay
kasi ang pinag-uusapan dito.

Buhay nina Ms. Jodi.

Buhay n'ong mga inosenteng bata na kinikilala akong ama.

Kahit sino ang mapunta sa sitwasyon ko ay siguradong gagawin din 'to.


Kailangan ko silang tulungan.

Ilang metro pa ang layo ko ayon sa GPS pero kita ko na mula sa dinaraanan
ko iyong mga kotseng nakataob. Petengene! Ano nang nangyari rito?
Tiningnan ko pa isa-isa bawat kotseng nadaanan ko sa pag-iisip na baka
nandoon iyong mag-iina pero puro walang buhay na katawan ng ibang tao
ang nakita ko.

Dineretso ko ang tingin sa daan at natanaw ko mula sa malayo na may


dalawang lalaking nakatayo at nakatutok ang mga hawak na baril sa isang
kotseng nakatumba na.

Sinubukan ko pang kilalanin iyong kotse pero naalala ko na nabangga nga


pala iyong sasakyan nina Ms. Jodi kanina at lumipat sila ng sasakyan.

Syet! Siguradong nandoon sila!

Kinuha ko iyong baril na nakalagay sa glab kompartment at inapakan nang


mariin ang silinyador para mas bumilis pa ang takbo ng sasakyan ko.
Binaba ko ang salamin at gamit ang kaliwa kong kamay pinagbabaril ko
sila. Takte! Napansin nila ang pagdating ko kaya mabilis silang tumutok sa
akin at sinubukang patamaan ang guwapong kotse ko pero men! Buletprup
ang sasakyan ko.

Petengene ninyo, ah!

Bago pa man ako tuluyang makarating sa mga harap nila ay tumba na rin
sila at wala nang buhay. Hininto ko ang kotse ko at bumaba. Sandali akong
natigilan sa kinatatayuan ko nang makita ang pag-agos ng dugo na
nagmumula sa kotse. Parang nanlamig ang kabuuan ko dahil sa mga
pasibilitis na pumasok sa utak ko pagkakita ko sa dugo.

Petengene, Lerwick!

Marahas akong umiling at sinupil ang nasa isip ko. Mabilis kong nilapitan
ang kotse. Nakataob iyon kaya kinailangan ko pang yumuko para masilip
ang mga pasahero n'on.

"Ms. Jodi!" malakas kong tawag sa pangalan niya nang makita ko siya na
nasa drayber sit. Sumilip ako sa likod at nakumpirmang nandoon din iyon
kambal. Pare-parehas silang mga walang malay.

Nakaramdam ako ng pagkulo ng dugo at pagtaas ng presyon dahil sa


nakikita. May mga tama ng bala ang katawan ng mag-iina. Si Ms. Jodi ang
pinakamarami kaya siya ang una kong pinulsuhan.

"Ms. Jodi..." Halos hindi ko na makilala ang boses ko nang tawagin ko ang
pangalan niya kasabay ng pagbitaw ko sa palapulsuhan niya. Wala na siya.
Syet.

Sunod kong binalingan ang kambal. Pumunta ako sa may baksit at inabot
sila pareho para mapulsuhan. Kumpara sa mami nila ay mas kaunti ang
tinamo nilang tama. Siguro ay dahil nakayuko lang sila katulad ni Chiasa at
nabaril sila n'ong naabutan sila n'ong mga gagong lalaking nakita ko kanina.

Habang pinapakiramdaman ko iyong pulso n'ong kambal ay nakita ko ang


bahagyang paggalaw ng talukap ng mata ni Chikao kaya naalarma ako.

"Chikao?" bahagya kong tinapik ang pisngi niya. Hindi siya nagdilat pero
nakita ko ulit iyong pagkibot ng talukap niya kaya nabuhayan ako ng pag-
asa. Sunod kong tiningnan si Chiasa; bagaman hindi nagpapakita ng kahit
anong paggalaw ay rinig ko ang paghinga nito. Pakingsyet. Salamat naman.

Kahit mahirap dahil nakataob ang sasakyan ay dahan-dahan at isa-isa kong


inalis ang mga katawan nila. Sinakay ko sila sa baksit ng kotse ko. Nang
masiguro kong maayos na silang dalawa ay walang pasubali akong
sumakay sa drayber sit at pinaharurot ang sasakyan sa pinakamalapit na
ospital habang kinokontak ang isang tauhan na balikan ang katawan ni Ms.
Jodi dahil hindi ko kayang tiisin na maiwan na lang doon ang katawan niya.

Res in pis, Ms. Jodi.


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

"Nars! Nars! Nars!" malakas na sigaw ko noong makarating ako sa tapat ng


emerjensi rum ng ospital. Basta ko na lang pinarada ang sasakyan ko roon
at binuksan ang pinto ng baksit.

"Tulong! Pakshet! Iyong dalawang bata, plis!"

Agad namang nagsilapitan iyong mga nars at istap na nandoon. Nagtataka


pa silang tumingin sa akin no'ng una pero nang makita nila ang kalagayan
n'ong kambal ay kaniya-kaniya rin ang sigaw nila.

"Two stretchers, stat!" sigaw n'ong isang nars. Agad namang tumakbo iyong
ibang nars para kunin iyong hiningi niya. Nang makabalik ay nagtulong-
tulong sila na buhatin at ihiga roon iyong dalawang bata at itinakbo papasok
sa loob ng ospital.

May mga nars na nagche-chek ng baytals ng mga bata, may mga nars na
nagtutulak n'ong istretcher, at may mga nars din na nagtatanong sa akin at
sinusubukang kumuha ng impormasyon pero hindi naman ako
makapagsalita. Narinig ko na lang na sa opereyting rum na dadalhin iyong
kambal para maoperahan agad dahil malala raw ang mga tama ng balang
tinamo ng mga 'to.

Naroon lang ako sa gilid ng istretcher, patakbong tumutulong sa pagtutulak


para mabilis silang madala sa opereyting rum habang nag-aalalang
nakatingin sa kambal.
Petengene. Wala sanang mangyaring masama sa mga bata.

Napatingin ako sa kamay ni Chiasa dahil may nakita ako roong bagay na
kumikinang. Medyo natabunan lang ng bestidang suot niya pero nang
hawiin ko iyon ay nakita ko iyong selpon niya. Mukhang mahigpit niyang
hawak iyon kanina kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nabibitawan.
Kinuha ko iyon at hinawakang mabuti.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo," pigil bigla sa akin n'ong isang nars
nang nagdere-deretso ako ng lakad.

"Iyong mga bata—"

"Opo, Sir. Kami na po ang bahala. Hindi po kayo p'wedeng pumasok sa


loob," sabi pa n'ong nars na humarang sa harap ko. Pagtingin ko sa harap
namin ay nandito na pala kami sa tapat ng opereyting rum. Wala na akong
ibang nagawa kundi tumango at panoorin silang ipasok iyong kambal sa
loob hanggang sa sumara ulit iyong pinto.

Ilang segundo pa akong napatitig sa pinto ng opereyting rum bago ako


napahugot ng isang napakalalim na hininga.

Tinapik ko pa ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ay napakalakas pa rin


ng tibok n'on.

Nasa opereyting rum na sila, guwapong Lerwick. Magiging maayos din ang
kalagayan nila. Sana...

Tahimik akong lumapit sa istil bents kung saan p'wedeng maghintay at


umupo roon. Tiningnan ko iyong duguang selpon na kinuha ko kanina kay
Chiasa at sinubukang buksan. Basag-basag na ang iskrin n'on pero
gayunpaman ay bumukas pa rin. Bumungad sa akin iyong lak iskrin piktyur
nilang mag-iina kaya napangiti na lang ako nang mapait.

Wala na nga iyong tunay na erpat n'ong kambal. Wala na rin si Ms. Jodi.
Parang nadudurog ang puso ko sa katotohanang ulilang lubos na iyong
kambal. Nangungulila na nga sila sa ama, pati ba naman sa ina...
"Swayp tu anlak," basa ko roon sa nakalagay sa lak iskrin kaya ganoon ang
ginawa ko. Nang mag-anlak iyon ay sumalubong sa akin iyong
konberseyshon namin ni Chiasa. Nabasa ko pa iyong mga palitan namin ng
mesejes at iyong...mesej niya na hindi niya na-send sa akin.

'Ay lab yu, Dadi.'

Awtomatikong bumagsak ang isang butil ng luha sa kanang mata ko dahil


sa nabasa pero agad ko ring pinunasan iyon. Wala namang dapat ikaiyak.
Magiging maayos silang pareho ni Chikao.

Huminga ulit ako nang malalim. Paulit-ulit kong binasa iyong tinipang
mensahe sa akin ni Chiasa. Hindi ako nagsawa. Doon ako kumukuha ng
lakas ng loob at paniniwala na magiging ayos sila.

Hindi iyon na-send sa akin ni Chiasa dahil sasabihin niya pa iyon sa akin
nang personal.

Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-baybreyt ng selpon ko. Maingat ko


munang inilapag ang selpon ni Chiasa sa tabi ko bago ko kinuha ang selpon
ko sa bulsa ng suot kong pantalon at tinignan kung ano iyon.

Incoming call from Mei...

Puta. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit nang mariin.

Bertdey nga pala ni Cody...

Nawala na talaga sa isipan ko na nasa selebreshon nga pala dapat ako. Kaya
siguro tumatawag na si Mei dahil siguradong kanina pa nagsisimula ang
parti at wala roon ang pader op da selebrant.

Napabuntong-hininga na lang ako bago sagutin ang tawag.

"Mei," sabi ko sa mababang boses.

[Lerwick? Where the hell are you?] bungad agad ni Mei. Kalmado pa rin
ang boses niya pero ay now her beter dan eniwan els. Alam kong galit na si
Mei.

Hindi agad ako nakasagot. Narinig ko ang marahas niyang


pagbuntonghininga bago ulit magsalita. [Kanina pa nagsimula iyong party.
Kanina ka pa rin hinahanap ng anak mo.]

Si Cody... Kita mo nga naman, iba talaga kapag may tatay kang nuknukan
ng gandang lalaki. Hinahanap-hanap.

Naniwala ako sa sinasabi ni Mei dahil dinig ko mula sa bakgrawnd niya ang
masayang tugtugan at matitinis na boses ng mga bata. Gustuhin ko mang
bumalik para masilayan ang kasiyahan ng anak ko habang nagse-selebreyt
ng bertdey ay hindi ko magawa.

Iyong kambal... Napatingin ulit ako sa pinto ng opereyting rum bago


magsalita, "Hahabol na lang ako."

Kailangang nandito ako kapag natapos ang operasyon n'ong kambal para
malaman ko agad kung anong magiging lagay nila kahit shur na shur naman
akong malalakas sila at makaka-surbayb sila. Takte! Sa akin nagmana iyang
mga iyan, walang duda.

"Hindi...hindi ko sigurado kung makakaabot pa ako sa parti pero uuwi ako


bago matapos ang araw na 'to. Bago matapos ang bertdey ni Cody," sabi ko
pa.

Suminghap siya. [What? Are you really telling me that you're walking away
from your son's birthday party? And you don't even seem guilty about it.
Nananadya ka ba, Sebastian?] sunod-sunod na tanong niya. Mariin na ang
pagkakabigkas sa bawat salitang binibitawan niya pero mahina kaniyang
boses.

Putapete!
"Hindi, Mei. May..." Napapikit ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat
kong sabihin. Hindi pa rin alam at hindi pa rin puwedeng malaman ni Mei
ang tungkol sa mga bagay na 'to dahil wala pa akong pahintulot mula kay
bossing na puwede ko nang sabihin 'to sa asawa ko.

"May kailangan lang akong samahan," sabi ko na lang. Halos makiusap na


ako dahil sa totoo lang ay wala rin talaga ako sa wisyo na makipag-usap.
Miski kanino maliban sa mga doktor o nars na nag-oopera sa kambal.

Walang ibang impormasyon ang gustong tanggapin ng utak ko kung hindi


ang balitang magiging maayos na sila. Kasi sa totoo lang ay hindi ko alam
ang gagawin ko kung hindi.

[What the—]

"Mamaya na lang tayo mag-usap, Mei. Sorry..." sabi ko at ibinaba ang


tawag.

Yumuko ako sa dalawang palad ko at marahas na ginulo ang buhok ko.


Takte!

Nagi-gilti ako...kasi hindi ko man lang nasamahan ang pamilya ko lalo na si


Cody na i-selebreyt ang bertdey niya.

Nagigilti ako kasi...pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit nangyari 'to.


Kung sana ay naramdaman ko agad na may mali. Na may hindi magandang
mangyayari sa mag-iina. Kung sana ay hindi ko na hinintay pang sabihin sa
akin ni Chiasa ang kalagayan at nangyayari sa kanila sa teks at pumunta na
lang agad, e di mas maaga akong dumating. Natulungan ko sana sila. Hindi
na sana namatay si Ms. Jodi. Hindi sana nag-aagaw buhay iyong kambal.

Petengene.

"Sir? Sir?"
Naalimpungatan ako sa boses ng isang babae at sa bahagyang pagtapik sa
kanang balikat ko. Napatakip pa ako sa mata ko dahil nasilaw agad ako sa
liwanag. Akala ko naman si Mei lang iyong gumigising sa akin pero nang
makita kong isang babae iyon na nakasuot ng iskrab sut ay saka ko na-
reyalays na nasa ospital nga pala ako.

Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko dahil syet lang! Nagiging habi
ko na yata ang pagtulog sa bents ng mga ospital. Petengene. Nakatulog pala
ako habang naghihintay na matapos ang operasyon nina Chikao at Chiasa.

Sumilip pa ako sa ris wats ko para tignan kung anong oras na at laking gulat
ko n'ong makitang mag-aalas nuwebe na ng gabi. Halos siyam na oras na
pala akong naghihintay rito.

Petengene! Bakit napakatagal naman? Nag-breyk taym at taym pers pa ba


sila kanina habang nag-oopera? Syet naman.

"Y-yes, mis nars?" tanong ko nang maayos at makuntento na ako sa angkin


kong kagwapuhan.

"Sir, kayo po ba iyong kasama n'ong dalawang batang inoperahan?" tanong


niya rin kaya agad naman akong tumango.

"Ako nga. Kumusta na iyong kambal? Maayos na ba ang lagay nila? Ililipat
na ba sila sa praybeyt rum?" sunod-sunod na tanong ko.

Tipid na ngumiti lang sa akin iyong nars at lumingon sa taong nasa likod
niya. Hindi ko lang pala napansin pero kasama niya iyong doktor. Siya
siguro iyong nag-opera sa kambal.

Lumapit sa harap ko iyong doktor tapos ay bumati at nagpakilala. Sinabi


niyang siya ang isa sa mga nag-opera sa mga bata at lumabas para balitaan
ako.

"Kumusta na ba sila, Dok?"

Tumikhim siya bago magsalita, "I'm glad to say that the operation went
well, Sir. But..."
Napalunok naman ako no'ng may bat pa. Shet naman. Bakit ba buma-bat pa
'to si dok? Mas lalo akong nate-tens, eh.

"A-ano iyon, D-dok?" kabadong tanong ko.

"Masyadong malalim ang tamang tinamong sugat ng mga bata. We may


have successfully removed the bullets but it caused a lot of internal
bleeding. We still need to put the children in the ICU and have them
monitored around the clock."

Petengene.

Sandali pa akong tumitig sa doktor na kausap ko. Hindi matanggap ng


sistema ko na kakailanganin pang malagay n'ong mga bata sa aysiyu.

Malapit na yata akong maka-debelop ng troma sa mga ospital at aysiyu


dahil napapadalas na lang ako rito.

No'ng una si Cody...tapos ngayon iyong kambal.

Sa dinami-rami naman kasi ng mapapahamak ay bakit iyong mga anak ko


pa? Petengene! P'wede namang iyong mga hayop na umambush kina Ms.
Jodi na halata namang walang panama sa kagandahang lalaki ko. Kahit
huwag na silang magising, okey lang, eh.

Huminga ako nang malalim bago napipilitang tumango sa doktor. Sana


naman ay hindi sila magtagal doon nang sobra.

Bagsak ang mga balikat kong lumabas ng kotse ko at naglakad papasok sa


bahay naming madilim na ngayon. Mula sa labas ay kita ko na iilang ilaw
na lang ang nakabukas.

Tulog na siguro sila...

Hinintay at sinigurado ko pa kasi na maayos na nagpapahinga iyong kambal


sa aysiyu kanina bago ako umalis katulad n'ong sinabi ng nars.
Ayoko sanang umalis dahil ayoko ring alisin ang paningin ko sa kambal
dahil natatakot akong baka may mangyari na naman. Ayoko nang maulit
ulit iyon dahil hindi ko na alam kung ano pang paglalagyan ng pagsisisi at
giltines ko dahil sa kabagalan at kakulangan ko. Pero pinayuhan niya talaga
akong umuwi muna para makapagpahinga at bumalik na lang bukas dahil
wala naman daw akong matutulugan sa ospital. Anles gugustuhin kong
matulog sa bents.

Idagdag mo pa na sinabi ko rin kay Mei kanina na uuwi ako bago matapos
ang kaarawan ng bunso namin. Ang dami ko nang kasalanan kay
Cody...pati na rin kina Kayden at Mei at ayoko nang dagdagan pa ang mga
iyon.

Pumasok ako sa geyt at habang naglalakad sa tapat ng bahay namin, sa


tereys, ay nakita ko si Cody sa may bintana. Nakahalukipkip na
nakapangalumbaba roon. Nakatingin siya sa mga bituin pero nang
mapatingin siya sa akin ay agad na gumuhit ang isang masayang ngiti sa
mga labi niya. Nahawa rin ako at bahagyang nginitian siya kahit ramdam ko
ang pagod sa loob-loob ko.

Saglit pa siyang sumulyap sa akin at umalis doon tapos ay nagulat na lang


ako nang buksan niya ang meyn dor at sumalubong sa akin.

Tumayo siya sa harap ko at saka nagsalita. "Erpat! Kanina pa po kita


hinihintay, eh. Saan ka po galing?" nakangiti pa rin siya habang sinasabi
iyon. Naka-pajama na rin, mukhang matutulog na pero hinintay talaga
akong makauwi.

Wala man lang bahid ng pagtatampo kahit na hindi ako naka-atend ng


bertdey selebreshon niya. Kahit na...pinaghintay ko na naman siya.

Sobrang ganda ng pagkakangiti sa akin ni Cody. Sa sobrang ganda ay hindi


ko na napigilan ang sarili ko na lumuhod sa harap niya at yakapin siya.
Tinago ko ang mukha ko sa maliit niyang balikat dahil tumulo na lang bigla
ang mga luha ko.

Nagulat si Cody dahil sa ginawa ko pero yumakap rin naman siya pabalik.
"H-hapi bertdey, C-Cody," humihikbing sabi ko.

"Tenkyu, Erpat. Bakit ka po umiiyak?" naguguluhang tanong niya. Tinapik-


tapik pa niya ang likod ko.

Kasi hindi ganito iyong inaasahan ko, 'nak. Hindi ko naisip na kahit ininjan
na kita sa mismong bertdey mo ay nandito ka pa rin at nakangiting
sinalubong pa ang pag-uwi ko.

"S-sori, 'nak..." sabi ko.

"Po?" nagtataka na talagang tanong ng anak ko. Mas lalo tuloy na bumuhos
ang nararamdaman ko.

Sobrang bait ng anak ko. Manang-mana talaga sa akin.

Pero nasasaktan ako para sa anak ko dahil sobrang pyur ng puso niya.
Siguradong dala ng kabataan ay hindi pa niya naisip na magtanim ng sama
ng loob kahit pa wala ako sa isa sa mga pinakamahahalagang araw ng
buhay niya.

"Bakit po ba—"

"Sori...dahil wala ako kanina sa bertdey parti mo. Hindi ka nakapag-


selebreyt na kasama ako kahit na..." Niyakap ko siya nang mahigpit habang
inaalala iyong sinabi niya sa amin ng ermat niya n'ong nakaraang tanungin
namin siya kung anong gusto niya para sa kaarawan niya.

"Kahit na sinabi mo sa akin na gusto mong kumpleto tayo sa bertdey mo...


Sori dahil bigla na lang akong umalis—"

"Sshh," pagpigil ni Cody. Sinubukan niyang tingnan ang mukha ko pero


nagmatigas akong itago lang iyon sa balikat niya.

Ayokong nagmumukhang mahina sa harap ng mga anak ko pero heto na,


eh. Kaya pilit kong tinatago ang luhaan kong mukha.

Bumuntonghininga si Cody dahil sa pagmamatigas ko. Inabot ng maliit


niyang kamay ang buhok ko at pabirong ginulo iyon. Katulad ng ginagawa
ko sa kaniya.

"Okey lang po iyon, Erpat. Maayos naman po iyong parti kanina at naging
masaya naman po ako. Ang dami ko nga pong na-resib na gips, eh," sabi
niya at natawa nang bahagya.

Napahikbi na naman tuloy ako dahil naisip ko iyong regalo ko dapat kay
Cody. Hindi ko nabigay iyon sa kaniya dahil gusto ko nga sana na ako ang
pinakahuling magbibigay ka sa kaniya ng regalo. Pero dahil umalis ako
para puntahan sila Ms. Jodi at iyong kambal ay hindi ko na nagawa.

Hindi ko pa rin pinagsisisihan na pinuntahan ko sila pero nagi-gilti talaga


ako dahil sa mga pagkukulang ko ngayong araw para sa pamilya ko. Kung
puwede lang hatiin sa dalawa ang katawan ko, ginawa ko na.

"Tahan na po, Erpat. Ang mga guwapong tulad po natin ay hindi dapat
umiiyak. 'Di ba ikaw po nagsabi sa 'kin niyan?" biro pa niya.

Bahagya naman akong natawa kahit na tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng


luha sa mata ko. Suminghot-singhot pa ako dahil nagbabara na ang ilong
ko.

"Saka..." panimula ulit ni Cody. Hinigpitan niya ang yakap sa akin bago
magtanong. "Bakit ka po ba malungkot? Kitang-kita ko po kanina sa mukha
mo n'ong naglalakad ka, eh. Alam mo naman po na likas ang pagiging
keyring at totpul nating mga pinagpala kaya hindi ko po maiwasang hindi
ma-kyuryus," sabi niya.

"Bukod sa hindi ka po naka-atend sa bertdey selebreshon ko, m-may


nangyari po ba...?" tanong niya pa. May pagdadalawang-isip pa sa boses
niya nang itanong iyon pero gayunpaman ay natanong pa rin.

Bagama't natigilan at hindi nakasagot ay ganoon na lang ang muling


pagbagsak ng mga luha ko. Malamang ay naramdaman niya iyon dahil
magkayakap kami ngayon.

Petengene! Hindi nakaguguwapo ang pag-iyak pero boyd muna iyan por
tudey.
Naalala ko na naman kasi iyong kambal na nandoon sa ospital. Walang
kasamang mga magulang, kung ano-anong aparato ang nakakabit sa
katawan at nag-aagaw-buhay. Binalot na naman ako ng gilt dahil sinisigaw
ng isip ko na kasalanan ko talaga kung bakit sila nagkaganoon.

"Cody." Mabilis akong napahiwalay ng yakap kay Cody nang marinig ko


ang malamig na boses ni Mei. Tumayo ako at tumalikod sa kanila para
punasan ang guwapo kong mukha na basang-basa ng luha.

"Ermat?" rinig kong tanong ni Cody sa likod ko.

"It's getting late. Matulog ka na," sabi ni Mei. Wala pa ring kasinlamig ang
boses pero siguradong ako lang ang nakapansin n'on dahil para sa akin
naman talaga iyon.

"Opo..." magalang na sagot ni Cody. Naramdaman ko ang paglapit niya sa


akin at paghatak sa dulo ng tisert ko para yumuko ako at humalik. Pero ako
na ang humalik sa ulo niya at ginulo ang buhok niya.

"Hapi bertdey, 'nak," sabi ko pa. Ngumiti naman siya at lumapit na yata sa
ermat niya.

"Gudnayt, Erpat," iyon ang huling sinabi ni Cody pagkatapos ay


naramdaman ko na ang papalayong yabag nila sa akin.

Ilang minuto pa akong nanatili sa labas. Pinakalma ko muna ang sarili ko at


nang wala nang bahid ng pag-iyak ay napagdesisyunan ko nang pumasok
ng bahay.

Dahan-dahan kong binuksan ang meyn dor at naglakad papuntang sala.


Dederetso na sana ako sa hagdan nang makita ko si Mei na nasa sala.

Nakapokus ang mata sa sigarilyong hawak niya.

Saglit akong tumigil. Tumitig ako kay Mei at sinubukang halukayin ang
utak ko para isipin kung may dapat o gusto ba akong sabihin. Pero wala.
Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga at nagtuloy-tuloy na sa
hagdan.

"Lerwick," pagtawag niya no'ng nasa gitna na ako ng pag-akyat. Lumingon


ako sa kaniya dahilan para makasalubong ko ang mga mata niyang may
halo-halong ekspresyon na hindi ko mapangalanan sa ngayon dahil sa
kablangkuhan ng utak ko.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. Hinihintay ang


sasabihin niya.

Tumitig siya sa akin saglit bago kinuha ang sigarilyo sa astrey at doon
tumingin."Maghiwalay muna tayo," sabi niya sabay hithit ng sigarilyong
hawak niya.

Nakikipaghiwalay si Mei...

Pinanood ko siyang muling humithit ng sigarilyo at ibuga ang usok. Tapos


no'ng tumingin siya sa akin ay saka ako sumagot.

"Sige," sabi ko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad paakyat.


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Tahimik akong umakyat ng hagdan pagkatapos kong sumang-ayon sa sinabi


niyang maghiwalay muna kami. Alam kong hindi na kami hayskul o kaleds
istudent para sa mga ganiyang bagay pero ito siguro ang kailangan namin.

Ispes...dahil galit si Mei at mayroon akong problema na walang ibang


makakalutas kundi ako lang.

Bumuntonghininga ulit ako. Kaya kong intindihin ang galit ni Mei dahil
may mga mali at pagkukulang naman talaga ako. Pero siguradong hindi
niya ako maiintindihan dahil wala naman akong masasabi sa kaniya bukod
sa pagdadahilan ng kung ano-ano. Hindi risonabol kumbaga.

Tinahak ko ang kuwarto ng mga bata.

Una kong pinuntahan ang kay Kayden. Pinakinggan ko pa muna sa pinto


kung may maririnig akong ingay pero nang tanging tunog lang ng erkon
ang narinig ko ay pumasok na ako. Tulog na tulog na si Kayden.
Nakadapang matulog ito habang nakayakap sa isang unan. Nasa gilid niya
pa iyong selpon niya na may nakasaksak na irpown na parang nag-
sawndtrip para magpaantok.

Marahan kong hinawi ang bangs niyang humaharang sa guwapo niyang


mukha na walang dudang sa akin niya namana at hinalikan siya noo. Saglit
ko pang hinangaan ang itsura ng panganay ko bago ako tumulak palabas ng
kuwarto niya.

Sunod akong pumunta sa kuwarto ni Cody. Katulad ng ginawa ko kay


Kayden ay pinakinggan ko rin muna mula sa pinto kung may maririnig
akong ingay. Pero tulad ng sa panganay ko ay tanging tunog na lang din ng
erkon ang naririnig ko. Pumasok na ako ng kuwarto at bahagyang napangiti
nang makita si Cody.

"Ang bilis makatulog," mahinang komento ko. Siguro ay napagod kanina.


Madalas kasi ay nangunglit pa siya. Nagpapatabi sa amin ni Mei at
nagpapakuwento ng kung ano-ano hanggang sa makatulog siya.

Nakaawang pa nang bahagya ang mga labi niya na mas lalong nagpa-kyut
sa kaniya. Malaman pa naman ang pisngi ni Cody. Para siyang si Majinbu
pero iyong guwapong bershon.

Naalala ko na naman iyong pag-uusap naming dalawa kanina sa labas.


Kung matatawag ngang pag-uusap iyon dahil puro iyak lang naman ang
ginawa ko.

Inayos ko ang kumot sa katawan ni Cody para hindi siya lamigin. Tapos ay
dahan-dahan akong umupo sa tabi niya para hindi siya magising at
marahang sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Parang gusto ko na namang umiyak dahil iba iyong komport na


naramdaman ko kanina habang yakap ko ang anak ko. Iyong yakap na kahit
anong katarantaduhan na iyong ginawa mo, tatanggapin ka pa rin nang
buong puso. Ganoon iyong naramdaman ko kanina. Mas guminhawa pa
noong malaman kong hindi siya nagalit kahit may karapatan naman siyang
magalit sa akin.

Anderstanding iyang anak mo, Lerwick. Mana sa 'yo.

Napatingin ako sa may istadi teybol ni Cody at lumapit ako roon para
mapagmasdang maigi. Nakatambak doon iyong samu't saring mga laruan at
mga regalong nakabalot pa. Siguradong iyon iyong mga sinasabi niyang
gips na na-resib niya kanina. Pero may kulang...

Nilapag ko roon ang isang hindi kalakihang baks na nakabalot. Binalikan


ko 'to sa sasakyan kanina bago ako tuluyang pumasok ng bahay dahil nga
akala ko ay maaabutan ko pang gising si Cody at personal kong maibibigay
sa kaniya ang regalo ko. Pero dahil hindi ay iiwan ko na lang 'to rito.
Sinadya kong ipuwesto sa pinakabungad para makita niya agad pagkagising
na pagkagising niya bukas ng umaga.

Lumapit ulit ako sa gilid ni Cody at humalik din sa ulo niya. Tapos ay
lumabas na roon at nagtungo na sa kuwarto namin ni Mei...

...para mag-impake.

Kinuha ko iyong dapel bag na nakasabit tapos ay nilapag ko iyon sa kama


at binuksan. Lumapit ako sa wok in kloset naming mag-asawa at kumuha
ng ilang pirasong pantaas at pambaba roon. Iyong sa tantiya ko ay
magkakasya lang sa bag na bibitbitin ko.

Ayoko mang umalis at mawala sa piling ng pamilya ko ay pumayag pa rin


ako sa hinihingi ni Mei. Hindi naman kasi uubra na parehas kaming nasa
isang bubong pero nag-aaway o nag-iiwasan lang kami. Ayoko rin namang
dumating sa punto na siya pa ang aalis dahil hindi ko yata kakayanin iyon.
Mas mapapalagay ako kung nandito lang siya sa bahay.

Kaya rin talaga ako dumaan sa mga anak ko kanina dahil iyon na ang
paalam ko sa kanila. Siguradong magtataka sila kung bakit wala pa rin ako
pagkagising nila pero alam ko namang si Mei na ang magpapaliwanag n'on
sa kanila. Apter ol, mas magaling makipag-usap si Mei. Sigurado akong
ipapaintindi niya sa mga bata kung bakit namin kailangang gawin 'to.

Nilapag ko sa kama iyong mga damit ko at isa-isang tinanggal ang


pagkakahanger n'on. Habang tinutupi ko iyong mga damit at isinasalansan
nang maayos sa bag ay narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ako
lumingon para tignan kung sino iyong pumasok pero sapat na iyong
mahalimuyak na pabango ni Mei para makilala kong siya iyon.

"Sino?" tanong ni Mei. Umupo siya sa kabilang sayd ng kama at


nakatalikod sa akin.

Bahagyang nangunot ang noo ko sa tanong niya pero pinagpatuloy ko lang


ang ginagawa. Napabuntonghininga pa ako nang matapos sa mga damit.
Tapos na akong magtiklop. Syet. Bakit naman natapos ako agad?

Napailing na lang ako at isa-isang pinulot ang mga hanger. Mabagal pa sa


mabagal ko iyong ginawa. Pinapahaba ang oras na nararamdaman ko pa
ang presensiya ni Mei hangga't hindi pa ako umaalis.

Nilagay ko iyong mga hanger sa rak. Magkatalikuran kami nang magsalita


ako.

"Anong sino?" tanong ko dahil wala akong mahalukay sa isip ko kung


sinong sino ba ang tinatanong ni Mei.

Sarkastikong tumawa si Mei at lumingon sa akin. Wala iyong normal na


masungit na mukha ni Mei na minahal ko simula no'ng binata pa lang ako
dahil galit ang nandoon.

"Anong 'anong sino?'" sarkastikong tanong niya rin at umiling. Namumula


na ang gilid ng mga mata niya dahil sa galit.

"Hindi ka ganito, Lerwick," mapait na sabi niya. Natigilan naman ako


dahil...nagbago ba ako?

"I still can't believe you didn't come to your son's birthday party. It's not
something you'd do..." sabi niya pa. Galit siya pero kalmado pa rin ang
boses niya. Kung sa ibang sitwasyon ay mas lalo siguro akong na-in lab sa
kaniya dahil sa kakalmahan ng boses niya pero hindi sa ngayon. Hindi
ngayong sa akin siya mismo galit.

"Remember when Kayden had his birthday celebration?" tanong niya pa sa


akin.

Nakangiti siya nang mapait habang nakatingin sa akin. Napabuntonghininga


ako at umiwas ng tingin kasabay ng pagpapaalala niya sa akin kung anong
klaseng tatay at asawa pa ako noong panahong iyon.

-Flashback-

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng hotel dahil kaarawan ng


panganay ko ngayon at gusto ko, ako mismo ang kikilos sa lahat. Pagpasok
ko sa loob ay naabutan ko si Lampe na kausap ang isa sa mga hinayr ko
para sa ibent na ito.

"Baby Lerwick, nandito ka na pala. Kanina pa kita tinatawagan," sabi ni


Lampe sa akin nang makalapit ako sa kanila. Medyo hinihingal ako dahil
pagkaparada ko ng sasakyan ay tumakbo ako. Mamayang gabi na kasi
okasyon, kailangang pulido na ang lahat ngayon pa lang.

"Inom ka muna, Sir," sabi ng organayser sabay abot sa akin ng tubig para
sa kaarawan ng panganay ko. Kinuha ko naman 'yon at nagpasalamat ako.

"Balita, Miss Organayser? Ilang oras na lang, magsisimula na ang parti.


Ayos na ba ang mga pagkain?" tuloy-tuloy kong tanong sa kanila kaya
napatingin si Lampe sa akin at nang-aasar na napatawa.

"Don't worry, Sir. Okay naman po lahat at walang nagiging problema,"


sabi sa akin ni Miss Organayser. Si Lampe naman ay lumapit sa akin at
tinapik ang likod ko.

"Kung gusto mo, puwede naman nating i-last minute check para sure na
maayos na ang lahat. Wengya ka kasi, p're. Nasobrahan ka sa pagka-hands
on. Buti pa ako nasobrahan lang sa kagwapuhan."

Sumang-ayon ako kay Lampe sa sinasabi niyang mag-las minit chek pero
hindi sa sinasabi niyang kagwapuhan. Petengene, hindi bisibol kaya
minura ko na lang siya.

'Yong organayser naman ay nagpaiwan para makita kung ano pa ang mga
kulang. Bigla namang nagsalita itong si Lampe habang naglalakad kami,
"Masyado ka namang kinakabahan, Lerwick. Maayos na ang lahat."

Hindi ko rin magagawang ayusin ang lahat ng ito kung hindi rin dahil sa
tulong niya. Papunta na kami ngayon sa may garden kung saan lalagyan
din ng mga pagkain. May mga laruan din dito para sa mga bata at libro
para sa mga kaklase ni Kayden na mahilig sa pagbabasa.

"Hindi kaya maliit itong garden para sa mga bata?" tanong ko kay Lampe
habang inililibot ang paningin ko sa garden at sinusuri ito. Kumunot ang
noo ni Lampe at tumingin sa akin na parang bang hinuhusgahan na ang
buong pagkatao ko.

"Wengya, 'tol. Lahat ng bata ba sa mundo ang plano mong imbitahan


dito?" tanong sa akin ni Lampe. Napailing na lang ako at hindi ko na
sinagot ang tanong niya. Nasobrahan nga yata talaga ako sa pagiging
hands on sa magiging parti ni Kayden ngayon.

Sunod naman naming pinuntahan ang keytering para makita kung luto na
ba ang mga putaheng pinaluto ko.

Pumasok kami sa loob ng kusina at nakita kong nakalagay na sa mga trey


ang mga pagkain. 'Yong iba naman ay inihahanda pa lang. Itong hotel na
pinaghandaan namin ay pagmamay-ari nina bossing. Nag-hayr din siya ng
isang praybeyt shep, bilang regalo na rin para kay Kayden.

Napansin kami ng isa sa mga asistant ng shep. "Good afternoon, Sir," bati
niya sa amin kaya napalingon din ang ibang shep na nandito ngayon.

"Gud apternun," bati ko rin sa kanilang lahat. "Chinek ko lang kung redi na
ang mga pagkain. Nag-aalala lang ako at ilang oras na lang, magsisimula
na ang parti," sabi ko pa.

"Everything is good. We just have a little problem sa delivery ng seafoods,


pero madali namang magagawan ng paraan," sabi sa akin ng hed shep nila
habang inaayos ang ibang putahe sa trey. Kumunot ang noo ko sa sinabi ng
shep. "Nasiraan daw ng sasakyan sa Manila."

Nandito kami ngayon sa Cavite dahil dito gaganapin ang kaarawan ni


Kayden. Tiningnan ko nang maigi ang shep bago ako nagsalita.

"Ano eksak lokeshon nila at susunduin na lang namin. Hindi puwedeng


mahuli at ngayon pa magkakaaberya," tarantang sabi ko sa kanila.
Pakingteyp! Ngayon pa magkakaproblema eh malapit na ngang magsimula.

Nag-aalangan pang ibigay sa akin ang selpon namber ng drayber at


lokeshon.
"Wengya, kumalma ka nga, Lerwick," reklamo sa akin ni Lampe. Agad niya
namang binalingan ang shep. "Sige, 'tol. Salamat. Sana lang maayos iyan
kaagad bago pa magsimula ang party. Kung hindi ay may iba pa namang
mga putaheng puwedeng ihanda riyan. Sibat na kami," mahabang sabi
naman nitong si Lampe. Agad naman akong umalma.

"Sayang oras, Lampe. Kailangan nating makuha ang mga sipud para
mailuto na. Paborito rin 'yan ng mag-iina ko." Tumingin ako sa orasan at
mag-aalas sais na. Alas otso ang simula ng parti.

"Wengya, p're. Kaya na nila 'yan," sabi ni Lampe habang umiiling sa akin.

"Petengene ka naman, 'tol. Bertdey ng anak ko ang pinag-uusapan natin


dito. Gusto kong perpek ang lahat," sabi ko pa rito.

Pagkarating namin sa hotel ay marami na ang mga tao kaya sa likod na


lang kami dumaan ni Lampe. "Wengya, ito na nga ba sinasabi ko. Leyt na
tayo," reklamo sa akin ni Lampe dahil natagalan kami sa pagkuha ng
sipuds.

"Huwag ka nang ma-hayblad, Baby Lampe. Babawi na lang ako," sabi ko


sabay kindat sa kaniya at ngumuso pa. Agad niya naman akong sinamaan
ng tingin. Bitbit namin ang tag-iisang malaking lagyanan ng mga buhay na
sipuds.

Pagkapasok namin sa loob ng kusina, agad kaming sinalubong ng mga


istap at kinuha ang mga dala namin. Lumapit naman ang shep sa amin.

"Thank you for being so considerate, Sir Sebastian. Mas napabilis tuloy
ang pagdadala rito ng mga ito." Nginitian ko lang sila at agad kaming
lumabas sa kusina. Naabutan naming nandito na ang mga asawa namin.

Lumapit na si Lampe kay Miss Amesyl na halatang anumang oras ay


mukhang sasabog na sa galit kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko kay
Mei.
"You look tired, Lerwick." Kumuha ito ng panyo mula sa maliit niyang bag
at ipinunas sa akin.

"Nagkaaberya kasi sa ilang putahe kaya kami na ang umasikaso ni Lampe.


Ayoko namang magkulang tayo sa mga pagkain. Paborito ninyo ring mag-
iina iyon," pag-e-ekspleyn ko pa sa kanya.

"Thank you, Lerwick. I wasn't able to help you with the preparations. Ang
dami ko pa rin kasing ginawa maghapon sa opisa."

"Normal lang na asikasuhin ko ang mga ito, Mei dahil anak naman natin
ang may kaarawan at ayaw ko rin naman na napapagod ka...kayong tatlo
s'yempre ng mga anak natin. Mas gugustuhin kong mapagod kung ang
kapalit naman n'on ay kasiyahan ninyo," sabi ko kay Mei saka siya
tiningnan sa mukha at nginitian.

-End of Flashback-
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Napaiwas na lang ako ng tingin nang ipaalala sa akin ni Mei iyon.

"Ayaw mo na bang maging asawa at ama, Lerwick? Pagod ka na ba o sawa


ka na ba sa aming tatlo?" tanong pa ni Mei. May hinanakit sa boses nang
sabihin niya iyon.

Takte! Kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng pagkasawa sa mga


ginagawa ko para sa pamilya ko.

Nakakapagod, oo. Pero iyong makita ko lang sila at makita silang nakangiti
sa akin ay sapat na sa akin na pahinga. Kaya bakit ako magsasawa?

"Mei, hindi iyon ganoon," sagot ko. Naglakad ako ulit papunta sa dapel bag
at tiningnan kung ayos na ba iyon.

Kulang pa pala ng toyletris.

"Then why?" tanong ulit ni Mei.

Napailing na lang ako. "I'm sorry," sabi ko at tumalikod ulit. Mabilis akong
nagpunta ng banyo para kumuha ng toyletris at iniwang nakabukas ang
pinto n'on dahil nagsalita ulit si Mei.

"Sorry? Iyon na lang iyon, Lerwick? Akala mo matatapos lahat ng sorry


mo?" sabi niya sa akin. Napansin ko nang bahagyang nag-iiba na ang tono
ni Mei. Mula sa pagiging kalmado ay nag-uumpisa nang tumaas nang
bahagya ang boses niya pero nandoon pa rin ang pagpipigil.

Napabuntonghininga ako at humarap sa kaniya.

"Sorry sa lahat, Mei. Alam kong hindi iyon matatapos sa ganoon pero iyon
lang ang kaya kong sabihin sa ngayon," sabi ko at bumalik na ulit sa pag-
aayos n'ong bag ko. Ito na yata ang pinakamatagal na pag-iimpakeng
nagawa ko sa buong buhay ko. Petengene.

"Sa ngayon, huh? Why? Hanggang kailan mo ba itatago sa akin si Jodi


Andres?"

Sarkastiko ulit na tumawa si Mei nang hindi ako makasagot at tuluyan nang
natigilan. Tumayo siya at nakapamaywang na humarap sa akin. May
nakakalokong ngiti sa mga labi niya pero mas nangingibabaw ang pagiging
galit niya. Pulang-pula na rin ang gilid ng mga mata niya at tainga.

"What?" malakas na tanong niya na halos pasigaw na.

"Has the cat got your tongue? Hell, yes, Lerwick. I know about that
woman! Alam kong siya iyong madalas tumawag sa iyo at may pangalang
J. Andres d'yan sa cellphone mo. Alam ko na siya rin iyong kasama mo
noong magpunta ka ng Japan. Alam ko rin na sa kaniya ka nagpunta noong
magpaalam ka na mawawala ka ng dalawang araw."

Paksyet!

Siguradong napansin ni Mei ang pagkagulat sa mga mata ko kaya ilang


segundo lang ang nakakalipas ay napahilamos na lang ako ng mukha.

Dahil...sino nga bang niloko ko? Hindi na nga dapat ako magtaka kung
nalaman na niya lahat. Isang mahusay na mapya si Meisha. At hindi
maitatanggi ang abilidad niya sa mga ganoong bagay. Marami at malawak
ang konekshon niya kaya siguradong isa iyon sa mga ginamit niya para
malaman ang mga iyon.
Mas nagulat ako sa kadahilanang inakala talaga ni Mei na kaya kong
mambabae. Ganoon ba siya kawalang tiwala sa akin?

"Alam ko lahat..." mabagal pang sabi niya.

Umiling ako pero hindi niya iyon pinansin. Nakita ko ang pagkuyom ng
mga kamao niya na nasa baywang niya.

"And you also have the courage to use Ezekiel to hide everything from me.
Why, Lerwick? Dahil ba alam mo na malaki ang respeto at tiwala ko sa
kaniya?"

Petengene talaga.

"Mei—"

"And was it necessary for you to put her name as J. Andres on your contact
list? Andres? Ano? Para hindi ako maghinala na babae pala iyong palagi
mong kausap? Ganoon ba iyon, Lerwick?" tanong niya ulit. Ngayon ay
mataas na talaga ang tono niya kaya hindi na ako makatiis.

"Mei, please! Hindi—"

Pinutol niya ako at mapait na ngumiti. "Ganoon ba ako katanga sa paningin


mo kaya hindi sumagi sa isip mo na malalaman ko?" Tumulo ang ilang butil
ng luha sa mga mata niya pagkatapos na sabihin iyon pero agad din niyang
pinunasan.

Mali ka, Mei... Mali ang pagkakaalam mo sa lahat.

Tumalikod saglit si Mei para tumingala at patigilin ang sarili sa pag-iyak.


Nang humarap siya ay mukha na ulit siyang matapang pero kahit na
nangingibabaw ang galit niya ay ramdam na ramdam ko na nasasaktan siya.

"Ano?! Speak up! Nasaan na iyong tapang mo noong mga panahong


magpapaalam ka sa akin para lang umalis at pumunta kay Jodi?" sigaw niya
ulit. Naglakad siya papalapit sa akin. Sinalubong ko naman siya at pinigilan
ang kamay niyang lalapat na sana sa dibdib ko.

"Mei, tama na—"

"Nasaan na iyong mga pinangako mo dati, Lerwick ha...na lagi kang


nandito para sa akin? Sa amin? Na gagawin mo ang lahat para maging
mabuting asawa at ama? Na sapat na kami ng mga anak mo para
makumpleto ang buhay mo? Nasan na iyong paulit-ulit mong sinasabi at
pinagmamalaki na ako lang?" dere-deretsong sabi niya. Wala na rin siyang
pakialam kung tuluyan nang dumaloy ang mga luha mula sa mga pisngi
niya.

Nakatitig lang ako kay Mei habang patuloy pa rin siya sa pagsasalita.

Hindi ko maikakailang nasasaktan ako sa mga sinusumbat niya sa akin


dahil na-reyalays kong tama siya... Hindi na nga ako mabuting asawa,
nakalimutan ko na rin maging mabuting ama.

Wala akong ibang magawa kung hindi sabihin ang mga katagang 'I'm sorry,
Mei," na hindi niya naman siguro napapakinggan dahil patuloy pa rin siya
sa pagsasalita.

"Mei..." umpisa ko nang huminto siya. Napasinghap naman siya, mukhang


nahimasmasan sa ginawa niya. Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko
bago padabog na inagaw ang kamay niya. Humakbang siya palayo sa akin
para umupo sa kama at pinunasan ang mga luha niyang walang tigil sa
pagpatak.

"Mei..." ulit ko pa pero hindi na siya lumingon sa akin. "Tama ka na ang


pinupuntahan ko at madalas na kausap ay si Ms. Jodi Andres pero hindi ko
siya babae—"

Tangina naman! Buo na sana ang desisyon kong ipaliwanag kay Mei ang
lahat pero naputol naman ako sa pagsasalita dahil sa malakas na pag-ring ng
selpon ko.

Mabilis kong kinuha iyon para tignan at agad na kumalat na naman ang
pag-aalala sa buo kong katawan nang makitang namber iyon n'ong ospital.

Shet! Sana hindi naman bad nyus!

Sasagutin ko na sana ang tawag pero bigla na namang nagsalita si Mei.

Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang ipinukol niya sa akin, ang alam
ko lang ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganito.

"Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi mo. Gabing-gabi


pinupuntahan mo siya, Lerwick. Tumatakas ka pa hindi, ba? Akala mo ba
hindi ko alam?" tanong pa niya.

Bumuntonghininga muli ako at pinpigilan ang sarili ko. Ito na naman ang
tapik namin. Hindi nga sabi ako nambabae.

Gustong-gusto ko nang sagutin ang tawag ng ospital pero hindi ko magawa


dahil nagsasalita pa rin si Mei. Ayoko naman kasing mai-brodkas pa sa mga
nars na may komplik kami ng asawa ko. Hindi magandang tingnan sa mag-
asawa na nalalaman ng ibang tao ang problema nila.

Pero hindi ko na yata kayang tanggapin pa iyong mga ibinabato ni Mei sa


akin na wala namang katotohanan.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko na para bang sa ganoong paraan ay
mapapahaba ko pa ang peyshens na natitira sa akin.

"Hindi pa ba sapat na buong araw na kayong magkasama, Lerwick—"

"Mei, ano ba?! Hindi sabi ako nambababae!" sabi ko.

Natahimik si Mei at nagulat dahil sa biglaan kong pagsigaw. Tangina...


Maging ako ay nagulat dahil kahit kailan ay neber kong pinagtaasan ng
boses si Mei. Gusto ko ring mag-sori pero masyado nang okyupayd ang
utak ko sa kadahilanang walang tigil pa rin ang pagtawag ng ospital kaya
sinagot ko na.

"Helo?"

[Hello, good evening. Is this Sebastian Lerwick po? Iyong guardian po


n'ong dalawang batang nagngangalang Chiasa Andres at Chikao Andres?]
tanong ng isang babae na sa tingin ko ay isang nars. Dama ko pa ang
pagmamadali sa pananalita niya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Oo," sagot ko.

[Ahm, Sir... I'm sorry to disturb your night pero kailangan po namin kayo
rito sa ospital.]

"Bakit? Ano ang nangyari?" mabilis na tanong ko. Petengene! Ito na nga ba
ang sinasabi ko. Sana hindi na lang ako umalis sa ospital. E di sana hindi
rin kami nagtatalo ni Mei ngayon.

[Kailangan po ni Chiasa na sumailalim sa panibagong operasyon. And


Chikao needs to undergo a series of tests po. Kaya kailangan po namin kayo
rito sa lalong madaling panahon dahil may mga kailangan po muna kayong
pirmahan bago gawin ang mga iyon.]

Pakingshet.

Huminga ako nang malalim dahil pina-prases ko pa rin sa utak ko iyong


mga dapat nilang gawin sa kambal.

Ampupu! Opera ulit? Tapos mga tes? Watdapak! Baka naman magmukha
nang chaki dal iyong katawan n'ong mga bata dahil sa kakabukas at
kakatahi?

Petengene! Pero wala naman akong choys, at kailangan kong sang-ayunan


ang desisyon ng mga doktor dahil ito lang din ang paraan para mapabuti
ang lagay n'ong kambal.
"Okey, papunta na ako," sabi ko at ibinaba na ang tawag. Tumingin ako kay
Mei para sana magpaalam pero naunahan niya akong magsalita.

"Did you raise your voice at me so you could pick up the call?" mahinang
tanong ni Mei. Hindi pa rin makapaniwalang sumigaw ako kani-kanina
lang.

Watda...

Hindi ako nakasagot.

Ito pa rin ba ang tapik namin?

Hindi ba't sinabi ko nang hindi ako nambababae?

Hindi na ba kayang pagkatiwalaan at paniwalaan ni Mei ang mga sinasabi


ko?

"So, it's true... At harap-harapan mo pa talagang kinausap at sinabing aalis


ka. Just wow, Sebastian," sabi pa niya at saka umiling.

"Mei—"

"Get out."

"Mei naman..." Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero ang masamang


tingin niya ang nagpahinto sa akin.

"Umalis ka na," mariing utos niya kaya wala na akong nagawa.

Inisip ko na lang na kailangan ko na ring makabalik sa ospital para magawa


na iyong mga dapat gawin sa kambal.

"Okey." Kinuha ko ang dapel bag na nasa kama at isang beses pa muli ay
lumingon ako kay Mei bago nagtuloy-tuloy na lumabas ng kuwarto.

Aym sori, Mei.

-
"Mis, mis, anong dapat kong gawin?" agad na tanong ko sa isang nars nang
makarating ako sa tapat ng aysiyu. Marami nang mga nars ang
nagkukumpulan sa nars isteshon malapit doon kaya tinawag ko na lang
iyong pinakamalapit sa akin.

"Sir, kayo po ba iyong kasama ng kambal na sina Chiasa Andres at Chikao


Andres?" tanong niya habang nakatingin sa polder na may papel sa loob.

"Ako nga," tumango ako.

"Mabuti naman po ay nandito na kayo, Sir," sabi niya. Nag-umpisa na


siyang maglakad at sinabihang sumunod ako kaya naglakad din ako.

"Kanina pa po tinatanong ni dok kung napirmahan na raw po itong mga


waiver dahil kailangan na talagang maoperahan ang pasyente," sabi niya pa.

Nanatili naman akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Mabuti na lang ay nakarating na ako.

Maooperahan na rin at matetes iyong mga bata.

"Ito po, Sir. Paki-fill up-an na lang po," sabi ulit n'ong nars pagkaabot niya
sa akin ng ilang pirasong papel.

Mabilis ko naman iyong kinuha mula sa kamay niya at inabot iyong bolpen
na nasa tabi at nag-umpisa nang pil ap-an iyong mga nasa papel.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Sulat lang ako nang sulat ng mga inpormeshon na hinihingi hanggang sa


naguluhan ako roon sa may part na maraming itsetsek. Ampupu naman!
May cheklis pa, amp!

"Ah... mis," pagtawag ko roon sa nars. Nang lingunin niya ako ay pinakita
ko agad iyong parte ng weyber na nakapagpalito sa akin. "Tama ba 'to?"
tanong ko.

Saglit niya iniskim ang papel bago tumango. "Yes po, Sir..."

Nagpasalamat naman ako at ipinagpatuloy na ulit ang pag-pil ap dahil


pakshet, napakadami pa nito. Tinalo pa yata iyong mga peyperworks ni Mei
sa opisina.

"Ah, Sir," pagtawag n'ong nars sa atenshon ko. Aktuwali ay kanina ko pa


naramdaman ang mga titig niya sa kagandahang lalaki ko simula noong
magtanong ako. Ngayon lang siguro siya nagkaroon ng lakas ng loob na
magtanong dahil s'yempre, Sebastian Lerwick ba naman ang makaharap
mo, eh. Hindi na rin naman nakakapagtaka.

"Yes?"

"Ikaw po ba iyong father n'ong dalawang bata?" tanong niya awt op nower.

Napakurap naman ako dahil bigla akong napaisip. "P-pader?"

Pader, ama, tatay...erpat.

Petengene, naalala ko naman bigla iyong mga anak ko.


-Flashback-

Pers dey na ulit ng pasukan ng mga bata nekswik kaya heto ang guwapong
padre de pamilya ng bahay, naglalakad papunta sa kuwarto ng bunso kong
anak na si Cody dahil napag-utusan kami ni Mei na mag-mol para mamili
ng gamit ng mga bata.

Pumasok ako sa kuwarto niya at agad siyang nilapitan. "Cody," pagtawag


ko habang tinatapik-tapik ang paa niya na nakabalot ng kumot. Hindi pa
rin siya nagigising hanggang ngayon.

Sumampa na ako sa kama niya at inalis ang unan na nakapatong sa ulo


niya para lang makitang naka-sheyds pa ang guwapo kong anak na
manang-mana sa akin.

Inalis ko ang sheyds sa mga mata niya na mukhang naramdaman nman


niya kaya dahan-dahan siyang magmulat ng mata at takte!

Doon ko lang na-reyalays na hindi nga pala siya nakapaghilamos kagabi


pagkatapos dumalo sa pa-parti ng isa sa mga anak ng empleyado ni Mei.
Dahan-dahang iminulat ni Cody ang mga mata niya at saka nagsalita.

"Bakit po, Erpat?" Namamaos pa ang boses nito na halatang bagong gising
lang at mukhang nasira ko pa ang panaginip.

Umalis ako sa pagkakaupo sa tabi niya at pinatay ang erkon dahil anong
oras na.

Petengene! Don't weys elektrisiti. Seb mader ert.

"May pupuntahan tayo kaya bumangon ka na," sabi ko at lumabas na.


Hindi ko na inintindi ang ginawa ni Cody sa kuwarto niya at saka sunod na
tiningnan ang kuwarto ni Kayden, pero wala na siya sa higaan niya.

Tiningnan ko ang pinto ng banyo niyang nakasarado at nang marinig ang


mahinang pag-agos ng tubig ay nasiguro kong nandoon na siya.

Bumaba na lang ako at nakitang naghahanda na ng agahan ang


magandang ermat ng naggugwapuhan kong mga anak kasama si manang.
"Gud morning, Mei," sabi ko nang makalapit ako sa kaniya. Naglalagay
naman ito ng jus sa baso kaya tumabi ako sa kanya at hinalikan siya sa
pisngi.

"Morning too, Lerwick."

Nilagay ni manang ang mga ulam sa lamesa. Tumulong na rin ako sa


paghahanda para mas mapabilis ang kilos niya.

Nakahain na ang lahat sa hapag habang si Kayden ay pababa na ng


hagdan.

Samantala si Cody ay hindi pa rin bumababa haggang ngayon. Tiningnan


ako ni Mei nang may nagtatanong na mga mata.

Takte! Hindi kaya bumalik sa pagtulog ang bunso kong guwapo na


manang-mana sa kagwapuhan ng ama niya? Agad naman akong tumayo
para balikan ulit si Cody sa kuwarto nito.

"Ekskyus mi, balikan ko lang ulit ang bunso natin," pagpapaaalam ko kay
Mei na tumango naman kaagad.

Mabilis pa sa alas kuwatro na pumanhik ako para tingnan ang anak kong
guwapo na nakumpirma kong bumalik nga sa pagtulog.

Napailing ako sa nakita kaya lumabas ako ng kuwarto niya sandali at


kumuha ng ispiker. Isinabay ko na rin ang selpon ko bago binalikan ang
kuwarto ni Cody.

Ikinonek ko na ang selpon sa ispiker at naghanap ng magandang


pampagising na myusik. Nilakasan ko ng bolyum ang selpon at ispiker.
Tinapat ko sa may bandang tainga niya para mas epektib.

Whoa! I feel good, and you know that I would, now.

Unang linya pa lang ang tumugtog sa kantang Ay Gat Yu ni Jems Brawn ay


parang pusang nakuryente na ang bunso kong guwapo dahil sa biglaan
nitong pagbangon at nahulog pa mula sa kama nito.
Gusto ko sanang pagtawanan siya, pero dahil kailangan na niyang
magmadali ay inalalayan ko na muna siyang makatayo hanggang sa
makapag-ajas na ito sa sitwasyon niya.

"Erpat?" parang wala pa sa reyalidad na wika niya.

Natatawa akong hinaplos siya sa may batok. "Anak kong guwapong mana
sa akin, kung hindi ka bumalik sa pagtulog mo, kanina pa sana tayo redi sa
pag-alis, hindi ba?" Napatingin naman sa akin si Cody at kinunutan ako ng
noo.

"Anong oras na po ba?" tanong niya saka inayos ang kumot sa kama bago
naghanap ng damit sa tukador niya.

Pero imbis na mahanap niya ang susuutin niyang pang-alis ay


nagsilaglagan lang ang mga damit kaya napakamot ako sa ulo at
sinenyasan siyang maligo na kaagad naman niyang ginawa.

Inayos ko muna ang nagulong damit niya at inilabas ang isusuot niyang
damit mamaya habang hinihintay siyang matapos sa pagligo.

Maya-maya ay lumabas na siya ng banyo kaya tinulungan ko siyang


magbihis para mas mapabilis.

Tumuloy na kami sa kusina. Nandoon pa rin sina Kayden at Mei na


hinihintay kaming bumaba para sabay-sabay kaming kumain.

Maya-maya ay nagsalita si Cody habang kumakain. "Ermat hindi ka po ba


sasama sa amin?" tanong ni Cody kay Mei na agad namang inilingan ng
ermat nila.

"I can't. Miss Aemie has some urgent matter to discuss with me," ekspleyn
ni Mei. Medyo malungkot ang mukha ni Cody kaya sinabi ko na lang sa
kanya na marami pa namang neks taym. Dahil totoo naman.

Sabay-sabay kaming nagpunta sa garahe para sumakay na sa kotse at


magtungo sa mol. Pero bago kami dumeretso sa mol ay inihatid muna
namin si Mei sa tagpuan nila ni Miss Aemie.
"Ingat ka, Mei," paalam ko pagkahatid ko sa kanya sa tapat ng pinto kung
saan sila magmi-meeting ni Miss Aemie.

"Ingat po, Ermat," sabay na sabi ng dalawang bata kay Mei na agad
naman nitong nginitian bago siya pumasok sa loob.

Petengene hindi ako naka-kis.

Pagkarating namin sa mol ay una naming pinasukan ang Nashonal


Bukistor. Dito kasi bibili ng iskul suplays ang dalawa. Hinayaan ko na lang
sila at ako naman ay pumunta sa isang buk shelp dahil may mga nakita
akong librong nakaagaw ng pansin ko kaya kinuha ko 'yon at binasa ang
pamagat.

'Writer's block'. Mukhang maganda ang kober kaya kinuha ko na ito.


Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong bukstor hanggang sa mahanap
ko si Kayden na nagbabasa ng libro kaya nilapitan ko na ito.

"Ano'ng binabasa ng panganay ko?" tanong ko sabay tingin sa librong


hawak niya. Agad naman itong lumingon sa akin at ngumiti.

"Some educational books po, erpat," sagot nito sabay lagay sa basket na
hawak niya. Ngayon ko lang napansin na malapit na palang mapuno ang
basket niya.

"Nasaan pala ang kapatid mo?" tanong ko kay Kayden habang tumitingin
sa paligid. "Akala ko po kasama mo." Kumunot ang noo ko sa sagot niya
kaya agad naming hinanap si Cody.

Habang naglilibot kami sa plor ng mol, narinig ko ang anawnsment ng


isang mol anawnser.

"Paging Mr. Sebastian Lerwick. Your son is waiting for you. Please come to
the information desk on the first floor. Thank you."

Agad namang napabilis ang lakad namin ni Kayden papuntang pers plor.
Nang makarating kami sa impormeshon desk ay naabutan namin si Cody
na kalmadong nakaupo lang doon.

"Anak, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko agad pagkalapit ko sa kanya.

"Gusto ko lang naman pong ipa-anawns kay Miss Anawnser na ang


guwapo ko pero ayaw akong payagan," nakasimangot pang sabi nito.

Petengene?

-End of Flashback-

"Sir?"

"Sir?"

"Ha?!"

Napabalik ako sa reyalidad nang tawagin muli ako ng nars habang


ikinakaway pa ang kamay sa harap ng guwapo kong mukha.

Alanganing ngumiti iyong nars sa akin. "Ah, tinatanong ko po kung kayo


iyong tatay n'ong mga bata dahil magkaiba po kayo ng apelyido..."
pagpapaliwanag niya.

Petengene, napansin niya pa iyon?

"Ah, oo. Ako nga," sagot ko na lang at yumuko na para ipagpatuloy ang
ginagawa. At para na rin itago ang mapait na ngiti sa aking mga labi dahil
naalala ko na naman ang sinabi ni Mei at tama siya... Nawawala na nga ang
pagiging ama ko sa mga anak ko.

Kiniskis ko ang mga kamay ko sa magkabilang braso ko para makagawa ng


prikshon. Nilalamig na kasi ako dahil as yuswal, nakapuwesto na naman
ako sa isa sa mga istil bents dito sa ospital. Mukha na akong tambay rito
pero masyado namang masuwerte ang ospital na 'to kung magkakaroon sila
ng tambay na kasingguwapo at kasingganda na pangangatawan ko.
Nag-impake nga ako ng damit pero naiwan ko naman sa sasakyan ko,
ampupu. Nakalimutan ko ring kunin iyong jaket bago pumasok ng ospital at
wala ako sa mud bumaba at lumabas pa ng ospital dahil naghihintay ako ng
balita sa kambal.

Ongowing na ang opereshon ni Chiasa habang isinasagawa naman nila ng


mga tes kay Chikao. Hindi ko tuloy maintindihan kung saan ako pupuwesto
dahil magkahiwalay ang ginawang iyon sa dalawa.

"Shet. Buti na lang ang guwapo ko pa rin," bulong ko sa sarili ko dahil


pakiramdam ko ay debasteyted na talaga ako.

Bumuntonghininga ako at isinandal ang likod sa sandalan nitong stil bents


at ang ulo ko naman ay inihilig ko sa pader at saka pumikit. Hinayaan kong
maglakbay ang isip ko sa mga masasayang bagay pero mayroon talagang
pors na humahatak sa akin pabalik sa mga pagtatalo namin ni Mei kanina.

Nasaan na iyong mga pinangako mo dati Lerwick ha...na lagi kang nandito
para sa akin? Sa amin?

Na gagawin mo ang lahat para maging mabuting asawa at ama?

Na sapat na kami ng mga anak mo para makumpleto ang buhay mo?

Nasan na iyong paulit-ulit mong sinasabi at pinagmamalaki na ako lang?

Nasaan na nga ba ako?

Petengene! Paulit-ulit na nagre-repley sa utak ko iyong mga sinabi ni Mei


sa akin kanina kaya para na namang dinudurog ang puso ko.

Hindi naman kasi ako nawala sa kanila... Ang kaibahan nga lang ay may
ibang tao ngayon na mas nangangailangan ng tulong ko.

Gustuhin ko man maging mabuting ama at asawa sa ngayon ay hindi maaari


dahil ang ibig sabihin n'on ay kailangan kong maging masamang tao sa
ibang tao. At hindi ako makakapayag na ganoon.
Dahil naniniwala ako na kung malalaman lang ni Mei ang totoong dahilan
ng mga iyon ay sasang-ayon din siya sa mga naging desishon ko.

Kilala ko si Mei at alam kong mas malala pa ang pang-aaway na gagawin


niya sa akin kung sakaling malaman niyang napahamak ang kambal dahil sa
kapabayaan ko.

Pero...nasasaktan pa rin ako dahil ayokong nag-aaway kami ni Mei.

Ayoko ng ganito.

Ayoko ng may problema sa pagitan namin at mas lalong ayoko ng hindi


namin iyon napag-uusapan nang maayos.

Hindi naman kasi kami talaga ganito, eh...


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Nasaan na nga ba ako?

Petengene! Paulit-ulit na nagre-repley sa utak ko iyong mga sinabi ni Mei


sa akin kanina kaya para na namang dinudurog ang puso ko.

Hindi naman kasi ako nawala sa kanila...ang kaibahan nga lang ay may
ibang tao ngayon na mas nangangailangan ng tulong ko.

Gustuhin ko man maging mabuting ama at asawa sa ngayon ay hindi maaari


dahil ang ibig sabihin n'on ay kailangan kong maging masamang tao sa
ibang tao. At hindi ako makakapayag na ganoon.

Dahil naniniwala ako na kung malalaman lang ni Mei ang totoong dahilan
ng mga iyon ay sasang-ayon din siya sa mga naging desishon ko.

Kilala ko si Mei at alam kong mas malala pa ang pang-aaway na gagawin


niya sa akin kung sakaling malaman niyang napahamak ang kambal dahil sa
kapabayaan ko.

Pero...nasasaktan pa rin ako dahil ayokong nag-aaway kami ni Mei.

Ayoko ng ganito.

Ayoko ng may problema sa pagitan namin at mas lalong ayoko ng hindi


namin iyon napag-uusapan nang maayos.

Hindi naman kasi kami talaga ganito, eh...

-Flashback-
Dahil kabuwanan na ni Mei ay nag-desayd kami na huwag muna siyang
magtrabaho at baka kung saan pa siya abutan ng panganganak niya.
Nandito kami ngayon sa bahay. Si Mei ay nasa taas at nagpapahinga kaya
ako muna ang naglilinis ng bahay.

Sisipol-sipol ako habang nagba-bakyum ng sahig hanggang sa makarinig


ako ng dribol ng bola sa tayls kaya kunot-noo akong napatingin sa
pumasok.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Boul na kapapasok lang bitbit ang


maruming bola. Marumi rin ang sapatos nito na idineretso niya lang kahit
nakikita naman niyang naglilinis ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero
nagkibit-balikat lang ito at nagpatuloy sa sinasabi niya.

"Sabi ni Lampe, imbitahin daw kita sa court. Basketball daw tayo," sabi
niya at dere-deretsong nagpunta sa kusina namin na animo'y kanya ang
bahay na tinatapakan niya. Dahil marumi ang sapatos ng gago ay nag-
bakyum ulit ako. Ngunit maya-maya lang ay sunod na pumasok sina Lee at
Lampe kasunod pa nila sina Strife, Lionhart, at Blood na tahimik lang na
nakasunod at lahat sila ay marumi ang mga sapatos.

Petengene! Kalilinis ko lang ng sahig.

Kamot-batok akong tumigil muna sa paglilinis at hinintay silang matapos


sa pag-inom ng tubig sa kusina. Sabay-sabay silang lumabas at
nagtatawanan pa ang mga gago dahil may mga bitbit ding pagkain.

Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa mga pagkain sa kamay nila


na hindi ko inaasahang makikita nila nang gano'n lang kabilis.

Uupo na sana sila sa tabi ko nang tumayo ako at tumingin sa kanila nang
masama. Petengene, bawal sa akin—ay min kay Mei ang mai-stres dahil
kabuwanan niya.

Tinuro ko ang pinto at tiningnan sila isa-isa.

"Umalis na kayo."
"Baby Lerwick, hindi mo ba kami na-miss?" bigalaang tanong ni Lampe
nang makalabas na sa bahay namin.

"Hindi," sabi ko at akmang sasaraduhan na sila ng pinto nang makarinig


kami ng sigaw mula sa taas kaya agad akong napalingon.

"Wengya, si Meisha 'yon, ah," sabi pa ni Lampe.

Nang mag-prases na sa utak ko ang pagsigaw ni Mei ay kaagad akong


natauhan. "Petengene, ang asawa ko. Manganganak na yata!"

Hindi ko na pinansin ang mga mokong at dali-dali na akong umakyat.


Tarantang binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Mei na
nakasalampak sa sahig at hawak-hawak ang tiyan kaya nilapitan ko siya.

Tumingin ito sa akin na para bang may gustong sabihin at maluha-luha na.

Sumunod naman si Lampe na pumasok sa loob.

"Wengya, ano'ng tinutunga-tunganga mo r'yan? 'Yong kapatid ko!"


Napabalik ako sa reyalidad kaya naman agad kong binuhat si Mei palabas
ng bahay. Sina Lee naman ay tumulong din at pinaandar ang sasakyan nila.

"Damn." Mas lalong humigpit ang hawak ni Mei sa akin dahil sa


nararamdaman niya. Maingat ko siyang isinakay sa loob ng kotse.

Si Boul ang nag-drayb. Ang iba naman ay naiwan para may magbantay kay
Kayden.

"Kapit lang kayo at bibilisan ko ang pagmaneho." Hindi ko pinansin si


Boul dahil nakatuon ang atenshon ko kay Mei na ngayon ay humihilab ang
tiyan.

"Mei, natatandaan mo ba ang ginawa natin noong mag-leybor ka kay


Kayden?" Kahit na tensyonado ako ay pilit akong ngumiti. Hindi naman ito
pers taym na manganganak si Mei.

"Fuck, Lerwick. Nagmamadali yata itong anak natin." Mas lalong


napapikit si Mei sa sakit.
May nakita akong tawel sa likod at kinuha iyon para punasan ang pawis ni
Mei dahil kahit na nakabukas ang erkon ng kotse ay pinagpapawisan pa rin
ito.

Ipupunas ko sana ulit kay Mei iyong tawel nang pigilan ako ni Boul na
nakatingin sa salamin para makita kami sa likod.

"Petengene, bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Umiling ito at nagpokus na sa pagmaneho. "It smells like a rotten rat Lerwi
—Ow!" Kitang-kita sa mukha ni Mei na nasasaktan na ito.

Inamoy ko iyong tawel. Pakiningbits ang baho nga.

Agad akong bumaba ng kotse nang makarating kami ng ospital para


maalalayan ko si Mei.

Si Boul naman ay tumawag ng nars para agad na maasikaso si Mei.


Paglabas ni Boul ay may tulak-tulak na itong wilcher.

"Umupo ka muna rito, Mei." Natataranta na ako dahil bakit wilcher lang
ang dala ni Boul?! Wala man lang nars na sumunod sa kanya para
maasikaso ang asawa ko.

"M-masakit na," sabi nito. Napapikit pa si Mei sa sakit na nararamdaman


niya kaya hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig. Nginitian ko naman
ito.

Maya-maya ay napamura na naman si Mei sa sakit. Buti na lang at may


dumating ding nars at dinala na kami sa leybor rum.

Tumayo si Mei at nagsimula nang maglakad dahil mas nakakatulong daw


'yon para mas mabilis ang paglabas ng bata.

Ilang oras din ang itinagal ang pag-leybor kaya kung ano-anong
kataranduhan ang ginawa ko para hindi mapansin ni Mei ang sakit.
Ilang saglit pa ay hinawakan ako ni Mei nang mahigpit at sinabing
manganganak na siya kaya kaagad akong lumabas ng labor rum para
tumawag ng nars.

"Nars! Ang asawa ko, manganganak na!"

Agad naman silang kumilos at inasikaso si Mei. Sakto namang dumating si


Lampe na may dalang mga gamit ng bata kaya sinamahan ko na si Mei sa
loob ng deliberi rum.

Bawat ire na ginagawa niya ay napapaire rin ako. Itinigil ko ang ginagawa
ko dahil baka matae na lang ako bigla rito, mahirap na.

Hawak-hawak ko lang ang kamay ni Mei hanggang sa paynali ay nailuwal


na rin niya ang napakaguwapo naming anak.

"Congrats, misis. It's a bouncing baby boy."

Waw! Bawnsing beybi boy raw.

"Wengya. For sure, sa akin nagmana ng kagwapuhan ang bunso mo."

Nailipat na si Mei ng kuwarto at nandito kami ngayon ni Lampe sa tapat ng


narseri habang pinagmamasdan lang namin ang anak kong mahimbing na
natutulog.

"Petengene, ako ang erpat kaya sa akin siya nagmana," sabi ko kay Lampe.

"Dugo at pawis ko bumuo riyan." Sinamaan naman ako ng tingin ni Lampe


dahil sa sinabi ko.

Tinanong kami ng nars kung gusto raw ba naming hawakan ang anak ko
kaya kaagad naman akong um-oo.

"Ano pong ipapangalan natin sa kanya, Sir?" tanong sa akin ng nars.


Napaisip naman ako at agad kong naalala ang sajeschon ni Miss Aemie
kaso hindi ko maalala kung ano 'yon. Mobi... Mobe... Kobe... Kode... Ayun!
Iyon daw kasi iyong isda na may nilalabas na tubig. Hindi ko alam kung
anong isda iyong tinutukoy niya dahil iilang isda lang bamab abg alam ko.

"Kode Dick, Miss Nars. Kode Dick Lerwick." Bigla akong tiningnan ni
Lampe pero hindi ko na lang siya pinansin.

Nag-rekwes ako na dalhin sa kuwarto ni Mei ang beybi namin na agad


naman nitong pinayagan. Sumama lang siya sa 'min upang umalalay.

Nadatnan naman namin si Mei na kagigising lang kaya agad siyang


nilapitan ni Lampe na siyang may karga sa anak namin ngayon.

"Nandito na ang napakaguwapo mong anak na nagmana sa Tito Kaizer


nila, Sis." Ibinigay ni Lampe ang beybi kay Mei at napangiti naman ito.

"Napakaguwapo pero napakabantot ng pangalan, wengya. Parang t—"


Hindi natuloy ang sasabihin ni Lampe dahil pinigilan siya ni Mei. "Shut up,
Max. Maganda naman ang Cody." Huh?

Watdapak? Ano raw? Parang mali ang narinig ko. "Kodidik 'yon, Mei.
Ano'ng Cody?" nagtatakang tanong ko.

"I saw the record at Cody naman ang nakalagay? Ikaw ba nagpangalan?"

"Kodidik 'yon, Mei..." nagpoprotestang sabi ko pa.

-End of Flashback-

Naramdaman ko ang biglang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko kaya


agad ko iyong pinunasan. Ampupu!

Tama naman kasi si Mei... Sinabi at ipinangako ko sa pamilya ko na lagi


akong nandiyan para sa kanila.

Tru awar aps end dawns. In siknes en in helt. Pero iyong ginawa ko ngayon
—kahapon pala ay talaga namang taliwas sa mga pangakong binitawan ko
noon.
Hindi ako naka-atend sa bertdey selebreshon ni Cody.

At kahit na sinabi niya sa akin na okey lang at hindi siya galit ay hindi pa
rin ako dapat makuntento roon. Hindi dapat matapos sa sori dahil bertdey
niya iyon, eh. Iyong iyong mga araw na dapat perpek atendans ang pamili
pero...wala ako.

Si Kayden...alam kong katulad ni Mei ay hindi lang nagsasalita si Kayden


pero may alam na siya sa mga nangyayari. Matalinong bata ang anak
naming iyon dahil sa akin nagmana.

Sa kanilang dalawa ni Cody ay siguradong siya ang nakakaisip ng mga


ganoong bagay.

Siya iyong magtataka, mag-iisip, magko-konklud, magri-rits awt.

Si Mei...

Siguradong hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob sa akin ni Mei.

Totoong mali ang iniisip ni Mei kay Ms. Jodi pero hindi ko siya masisisi
kung ganoon ang maging konkulsyon niya.

Kahit naman mga miyembro kami ng mapya ay normal na mag-asawa pa


rin kami. At katulad ng mga normal na asawang babae ay ganoon din si
Mei...mas ispeshal lang siya dahil sa katalinuhan, kagandahan at abilidad
niya. At s'yempre dahil sa guwapong-guwapo niyang asawa, pero wala pa
rin siyang pinagkaiba sa iba...at kami.

Na nakakaramdam ng selos, pagdududa, at may paminsan-minsang away


mag-asawa.

"Hay..." Nagpakawala ako ng hininga at napatitig sa pinto ng opereyting


rum kung nasaan ngayon si Chiasa.

Wans na gumaling at masiguro ko na nasa maayos na lagay ng kambal ay


babawi naman ako sa pamilya ko.

Kailangan kong bumawi.


Kay Mei.

Sa mga anak ko...sa mga anak namin ni Mei.

Pagkasikat na pagkasikat ng haring araw ay bumangon na ako mula sa


pagkakahiga ko stil bents at bahagyang nag-unat.

Petengene! Nananakit na ang mga buto-buto ko kakahiga rito sa istil bents


na nasa tapat ng opereyting rum.

Nakahinga ako nang maluwang nang malamam ko kaninang madaling araw


na naging saksespul ulit iyons operashon ni Chiasa. Howping daw ang mga
doktor na wala nang maging komplikeshons.

Iyong mga tes naman na ginawa kay Chikao ay porchuneytli maayos naman
daw ang naging resulta.

Isteybol na silang dalawa ngayon at hinihintay na lang na mas gumanda ang


kondishons nila para mailipat na sila sa praybeyt rum para doon tuluyang
magpagaling.

Magkatabi lang ng aysiyu iyong kambal kaya naman hindi mahirap sa akin
na silipin sila dahil natatanaw at nababantayan ko sila sa mga glas window.

Nang makitang ganoon pa rin naman sila simula nang malagay sila rito ay
napabuntonghininga na lang ako bago tumalikod at naglakad.

Dumaan muna ako sa nars isteshon na nasa tapat lang din halos para
magpaalam na iiwan ko muna iyong kambal.

Hinabilinan ko rin sila at sinabing tawagan ako kaagad kapag may chenjes
o kung anuman para makabalik ako agad dito.

Nang matapos ay tumungo na ako sa parking ispes nitong ospital at


sumakay sa. Sinimulan ko iyong paandarin patungo sa isa pang ospital, sa
ospital kung saan dinala n'ong tinawagan kong tauhan ang mga labi Ms.
Jodi.
Nang makarating ako roon ay dumeretso na kaagad ako sa inpormeshon des
para ma-kleym na ang mga labi ni Ms.Jodi.

At katulad sa kabilang ospital ay maraming mga papel pa ang pinapirmahan


sa akin. Sinabi ko rin sa kanila na i-krimeyt na lang nila ang katawan niya.
Mabuti na lang at may krematoryum sila rito.

Wala naman kasi akong alam na kamag-anak ni Ms. Jodi rito sa Pilipinas na
puwede kong pagdalhan ng mga labi niya para malibing siya nang maayos
sa sementeryo.

At isa pa, sa pagkakatanda ko ay madalas na sumusunod si Ms. Jodi sa


kultura ng mga Japanis kaya rin ganoon ang pinagawa ko. Oo nga 'no?
Siguro Japanis sila, bakit nga ba hindi ko naisipang itanong iyon noong
nabubuhay pa siya.

Mga ilang oras pa akong naghintay bago ako iginayd ng isang istap papunta
sa morgue at iabot sa akin ang isang jar. Nandoon na iyong mga abo ni Ms.
Jodi at ako na raw ang bahalang magpasya kung saan ko ito dadalhin.

Napabuntonghininga ako habang nakatingin doon. Iniisip kung anong dapat


kong gawin hanggang sa napagpasyahan kong iuwi na lang sa bahay nila.

Dumaan muna ako sa isang plawer shap para bumili ng dalawang bulaklak
at nagtungo na sa bahay ng mga Andres.

Nakalak ang pinto nang makarating ako roon pero hindi naman iyon naging
problema sa akin. Parang bomba lang naman ang mga lak ng pinto na
madaling i-lakpik.

Pagkapasok ko ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila.


Wala ang maingay na boses ng mga bata na minsan kong naabutan dito.
Wala sila rito at tahimik dahil parehas na nasa ospital.

Napailing ako at lumapit sa may istante na nasa sala. Inilapag ko roon iyong
jar ng mga abo ni Ms. Jodi. Sa tabi ng asawa niya.
Isa rin 'to sa mga dahilan kung bakit ko pina-krimeyt ang mga labi ni Ms.
Jodi.

Sa dalawang araw kasi ng pananatiliti ko rito ay lagi kong napapansin ang


jar na iyan. Sa kambal ko lang din nalaman na abo ng tunay nilang dadi ang
nilalaman niyan.

"Magkakasama na kayong dalawa..." mahinang sabi ko habang pabalik-


balik ang tingin sa dalawang jar.

Inilagay ko rin ang dalawang bungkos ng bulaklak sa tabi ng bawat isa at


nag-alay ng maikling panalangin para sa mag-asawa.

Bukod doon, sinabi ko rin sa kanila na babantayan, aalagaan, at mamahalin


ko ang mga anak nila sa abot ng aking makakaya at sa paraang hindi ko
makakaligtaan ang tunay kong pamilya. At higit sa lahat at ang
pinakaimportante sa lahat, palagi kong ipapaalala sa kambal kung gaano
sila kamahal ng mga tunay na magulang nila.

Hindi rin ako nagtagal sa loob ng bahay dahil nakakalungkot ang


nakakabinging katahimikan.

Lumabas at ni-lak ko iyong bahay.

At bago pa man ako tuluyang makalabas ng geyt ay ganoon na lang ang


gulat ko nang may isa pang kotse ang nakaparada sa likod ng kotse ko.

Nandoon si Lampe sa tapat isports kar niya. Nakasandal at naninigarilyo.


Nang makita niya ang paglabas ko ay agad niyang pinatay ang sigarilyo
niya at lumapit sa akin habang hindi inaalis ang matatalim at nakakamatay
na mga tingin niya sa akin.

Petengene. Ano na namang problema nito?

"Wasap, Baby Lampe—" Watdapak!


Malakas akong napadaing nang bigla niya akong sapakin sa panga.
Ampupu! Nawalan tuloy ako ng balanse at napasalampak sa sahig.

Nalasahan ko agad ang lasang bakal na likido na nagmumula sa gilagid ko


kaya iritable akong tumingin kay Lampe.

"Ano bang problema mo, p're?!"


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Iilan lang naman ang mga maaaring maging dahilan kung bakit nagagalit sa
akin iyang gagong iyan, eh. Si Mei o iyong mga pamangkin niya.

Pero sa mga oras na 'to ay siguradong tungkol iyon sa kapatid niya.


Siguradong nagtataka na 'tong gagong 'to simula pa noong bertdey ni Cody
dahil wala ako dat taym. At baka naikuwento na rin ni Mei kay Lampe
iyong tungkol sa pag-aaway namin kagabi.

Pero...imposible. Hindi naman kasi ganoon si Mei, eh. Hindi naman kasi
siya palakuwento sa iba lalo na ng mga bagay na tungkol sa aming mag-
asawa, kahit ano pa iyan. Parang kapag nagsasama-sama ang mga asawa
naming mga kalalakihan ay panay lang ang ngiti niya at paminsan-minsan
lang na nagsasalita.

"Ano bang problema mo, p're?!" malakas na tanong ko sa kaniya nang


makatayo ako mula sa pagkakasalampak pero sininghalan niya lang ako.
Hindi siya sumagot sa halip ay mabibigat ang mga hakbang niyang lumapit
sa akin at sa sobrang bilis ay hindi ko na naiwasan nang padarag niya akong
hilahin sa may kuwelyo ko.

Petengene!!

Napatayo ako nang hindi inaasahan at humawak sa mga balikat n'ong


gagong si Lampe para makakuha ng balanse. Mabilis niya naman akong
tinulak dahil doon. Petengene 'to. Buti ay hindi na ulit ako nawalan ng
balanse.
"Gago ka," sabi niya at sinugod na naman ako habang sumisigaw. "Wala ka
man lang bang natitirang malasakit para sa kapatid ko? Sa asawa mo?!"

Shet! Ampotek talaga! Sinasalag ko ang mga kamao niyang pilit niyang
pinapaabot sa guwapong-guwapo kong mukha. Medyo nahirapan ako dahil
buong puwersa talagang sumusuntok si Lampe.

"Ano ang nangyari sa mga pinagmamalaki mo sa akin noon? Ipinaubaya ko


na sa 'yo ang kapatid ko dahil ikaw na ang bahala sa kaniya? Na aalagan
mo? Wengya, Lerwick!" sigaw niya pa. Tinulak niya ako at sinubukang
tadyakan pero mabilis akong nakaiwas.

Ampupu! Kaya kong palagan si Lampe dahil bukod sa mas angat ako sa
kagandahang lalaki ay mas maabilidad ako sa kaniya pagdating sa
pakikipaglaban. Hindi ako pumapayag na masuntok o masipa niya ako pero
hindi rin ako lumalaban o gumaganti.

Sinubukan kong lumapit sa kaniya. "Lampe, ano ba kasing sinasabi—"

Suminghal siya at pinutol ang dapat na itatanong ko. "Hindi mo alam?


Malamang! Paano mo malalaman kung lagi kang wala? Kung saan-saan ka
nagpupunta eh hindi mo man lang inisip iyong kapatid at mga pamangkin
ko!" sigaw niya ulit na nagpatahimik sa akin ngayon.

Marahas akong nagpakawala ng isang malalim na hininga habang


nakatingin sa kaniya dahil...ito na naman. Petengene. Kailan ba ako
lulubayan ng pesteng tapik na 'to?

Malamang sa malamang ay alam na ni Lampe ang mga eskapeyd ko dahil


klows sila ni Mei at madalas na bumisita sa bahay. At naiintindihan ko ang
galit niya dahil tulad nga ng sinabi ko dati... oberprotektib talaga si Lampe
kay Mei.

"Ano?!" sumigaw siya ulit. "Hindi ka makasagot? Kasi tama ako. Tangina.
No'ng una si Cody. Nadisgrasya iyong anak mo pero nasaan ka, wala rin!
Wala ka bang konsensya, Lerwick? Tapos ngayon hindi ka man lang
nakonsensiya na nandito ka sa bahay ng babae mo tapos iyong kapatid ko
ay nandoon sa ospital! Nagluluksang mag-isa dahil nakunan samantalang
ikaw—"

"A-anong n-nakunan?" pigil na tanong ko sa kaniya. Gulat pa akong


napatingin sa kaniya at agad na naramdaman ang pag-init ng gilid ng mga
mata ko.

Paksyet ka, Lerwick! Ano'ng ginawa mo?

"H-hindi mo alam?" tanong ni Lampe. Nagbago ang ekspreshon ng mukha


niya at tulad ko ay napalitan din iyon ng gulat.

"N-na ano?" tanong ko pa kahit na alam ko naman na kung ano ang ibig
sabihin ng gagong 'to.

Tumingin sa akin si Lampe at lumunok bago sabihing, "Na buntis si Mei?"


Umiling ako. Kasabay ng pag-iling ko ay ang pagtulo ng mga luha ko.

"Wengya... Hindi mo rin pala alam?" tanong ulit ni Lampe. Hindi naman
ako sumagot dahil nakayuko lang ako. Tinatago ang mukha ko dahil walang
tigil ang pag-agos ng luha.

"Pero sabagay paano mo mapapansin kung lagi kang wala..." mahinang


dugtong niya pa.

Pucha, Lerwick. Petengene. Gago ka.

Halos mamura ko na ang sarili ko gamit ang lahat ng murang alam ko dahil
pakiningshet.

Buntis pala si Mei.

Dalawa na sana ang tatawag na kuya kay Kayden.

Hindi na sana bunso si Cody.

May pag-asa na sana akong magka-onli doter.


Pero...nakunan si Mei.

"Ang sabi ng doktor anim na linggo na raw na buntis si Mei," sabi niya.
Mas mahinahon na ang boses niya ngayon kumpara kanina.

Tahimik akong nagpapasalamat dahil naisipan niyang magkuwento.

Anim na linggo... Anim na linggo na pa lang nasa sinapupunan ni Mei ang


onli doter namin at hindi ko man lang nalaman.

Bobo ka, Lerwick. Lagi mong kasama si Mei. Katabi mong matulog.
Kasabay mong kumain. Kasama mo sa bahay. Nakikita mo araw-araw.
Pero hindi mo man lang napansin ang mga pagbabago sa kaniya. Giben da
pak na dalawang beses nang nagbuntis ang asawa mo. Hindi ba dapat ay
mas pamilyar ka na?

"Kanina ko lang nakumpirma dahil nagpunta ako sa inyo at naabutang


dinugo iyong kapatid ko. Wala ka...kaya sinugod ko siya sa ospital.."

Napapikit pa ako habang inaalala ang pag-alis ko.

"Shit!" biglang sabi ni Lampe. Nakita ko sa periperal bishon ko na


pinunasan niya ang luhang tumulo dahil hindi na rin niya maiwasang
maging emoshonal katulad ko. "T-tangina mo kasi," minura pa ako n'ong
gago.

Suminghot-singhot siya bago magsalita. "K-kasi s'yempre kapatid ko si


Mei... Siya na lang ang nag-iisang pamilya na mayroon ako at nag-aalala
ako sa kaniya simula pa no'ng mag-umpisa iyang katarantaduhan mo,"
naiyak na sabi niya.

Mas lalo naman akong naiyak...kasi siya pa iyong nakakita kay Mei sa
ganoong sitwasyon na dapat ako. Gusto kong mahiya at magpasalamat at da
seym taym pero umuurong ang dila ko sa tuwing sinusubukan kong
magsalita.
"Last week, bumisita ako sa bahay ninyo at naabutang nagsusuka si Mei
kaya nagkahinala na akong baka buntis nga siya. Wala ka rin no'n kaya mas
lalo akong nag-aalala sa kaniya. Gustong-gusto kong magpunta sa bahay
ninyo palagi para matingnan ang kalagayan ng kapatid ko pero hindi ko
naman magawa dahil ayaw ni Mei. Pamilyado rin daw ako at huwag kong
ubusin ang oras ko sa kaniya dahil kaya niya naman daw ang sarili niya,"
dagdag pa niya.

Putapete. Las wik...nandoon ako kina Ms. Jodi ng dalawang araw.

Iyon siguro iyong araw na pumunta sa bahay si Lampe na wala ako dahil
nag-istey ako sa bahay ng mga Andres para bantayan iyong kambal.

Kung ano-anong wat ip tuloy ang pumasok sa utak ko. Wat ip tinanggihan
ko si Ms. Jodi no'n at hindi sinamahan iyong mga anak niya, hindi ba
mangyayari ang lahat ng ito ngayon?

Pero petengene, ngayon pa ba ako magsisisi? Ginusto ko rin naman iyon,


eh. Magaan ang loob ko sa kambal, hindi nalalayo sa kung paano ang
pakiramdam ko kina Cody at Kayden, kaya talagang gusto ko ang ginawa
kong iyon. Pero...

...pakshet lang.

Pamilyado rin daw ako at h'wag kong ubusin ang oras ko sa kaniya dahil
kaya niya.

Nasaktan ako sa mga salitang iyon dahil natamaan ako nang maalala. Iyon
kasi ang kasalanan ko sa pamilya ko at ayaw ni Mei na magaya sa akin
iyong kapatid niya...

"Puta," biglang sabi ni Lampe at humakbang ng ilang beses palayo sa akin.


Nakatalikod siya sa akin at tinatago ang paghikbi at pag-iyak niya.

"Sori, 'tol..." mahinang bulong ko. Pinunasan ko rin iyong mga luha ko.

Petengene. Neber in may layp kong naimajin na aabot kami ni Lampe sa


puntong mag-iiyakan kami. Ganito talaga iyong bespren gowls, eh.
"Hindi... Hindi ko alam. Hindi nasabi sa akin ni Mei kaya akala ko ayos
lang. Ayos lang na umalis-alis ako." Pinunasan ko muna ang luha ko at
suminghot pagkatapos n'on. Nahihirapan kasi akong magsalita, amp!

"Kung alam ko lang...tinanggihan ko na lang sana si Bossing..." mahinang


sabi ko.

En in an instant, humarap si Lampe. Pinupunansan niya ang mangilan-


ngilang luha sa mga mata niya nang tumingin siya sa akin at hindi
makapaniwala sa sinabi ko.

"S-si Mr. Roswell?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Si Bossing."

"Si Mr. Ros—"

"Petengene, p're. Si Bossing nga!" putol ko nang uulitin na naman niya.


Syet!

Sumama naman ang tingin niya sa akin. Pero hindi na katulad kanina. Hindi
na iyong parang makakapatay na ng tao.

"Oo nga! Anak ng tinolang may kangkong! Ang ibig kong sabihin, ano
bang inutos sa 'yo ni Mr. Roswell?" kyuryus na tanong niya.

Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa sasakyan para doon


sumandal. Sumunod naman sa akin si Lampe at inabutan pa ako ng yosi na
agad ko namang tinanggap at sinindihan.

Alam ko na nagagalit sa akin si Lampe dahil sa mga iniisip niya. May


pagka-obertingker pa naman 'tong gagong 'to, akala naman kayang habulin
ng pagligo ang kagandahang lalaki ko. Pero hindi ko siya masisisi dahil
katulad ni Mei ay wala silang alam. Kaya buo na ang loob kong sabihin kay
Lampe iyong mishon kasama si Ms. Jodi na ibinigay ni bossing para naman
kahit papaano ay malinis ko ang pangalan ko sa kaniya. Tapos kay Mei
naman.

"Iyong may-ari ng bahay na 'to, siya iyong naka-partner ko sa mishon na


inutos ni Bossing. Si Ms. Jodi," sabi ko. Huminga muna ako nang malalim
dahil naalala ko ang sinapit niya kanina, saka ako nagpatuloy. "Oo, babae
siya. Pero takte, hindi ko siya babae, ah?" sabi ko agad kasi nakita ko na
naman iyong pagkunot ng noo ni Lampe.

Tumango naman siya at humithit sa sigarilyo na kakasindi niya lang.

"Namatayan na siya ng asawa pero kasama niya pa iyong mga anak niyang
kambal," pagpapatuloy ko. "May isang beses na inutusan kami ni Bossing
na magpunta sa Japan para sa isang mishon. Nagpunta kami roon kasama
iyong mga anak niya. Iyon din iyong taym na mas naging klows ako sa mga
bata."

Napangiti ako habang inaalala iyong mga araw na nasa Japan kami. Masaya
iyong ekspiryens dahil walang araw na hindi ako nakangiti o tumatawa
dahil sa kambal. Panay pa ang gala namin kaya ang dami naming memoris.

Nagsindi rin ako ng sigarilyo at saka humithit muna at binuga ang usok n'on
bago nagpatuloy.

"Kaya noong... araw na sinabi mong nagpunta ka sa bahay na naabutan mo


si Mei na nagsusuka at wala ako...nandito ako no'n." Sinenyas ko iyong
bahay ng mga Andres. "Pinakiusapan kasi ako ni Ms. Jodi na bantayan ko
muna iyong mga anak niya dahil may importante siyang gagawin sa Japan.
S'yempre, pumayag ako. Napalapit na ako sa mga bata, eh."

"Ang social climber mo naman, 'tol," komento ni Lampe.

"Ulol! Lababol lang talaga ako," sabi ko pero umirap lang siya. Pfft!
Mukhang tanga, amp.

Umiling ako at pinagpatuloy na ang pagkukuwento.


"Tapos no'ng bertdey ni Cody..." Tumikhim muna ako dahil parang may
biglang bumara sa lalamunan ko.

"...wala ako noon dahil...nagkaroon ng emerjensi iyong mag-iina. Alam


kong ang gago ko dahil bertdey ng anak ko pero iyong unang aydiya na
pumasok sa isip ko ay tulungan sila. Kasi naging kaibigan ko na si Ms. Jodi
at napamahal na ako sa mga bata, eh. Pero...petengene. Sinakripays ko na
nga iyong parti ni Cody pero hindi ko pa rin sila naabutan. Pagdating ko, w-
wala na s-si Ms. Jodi. Inambush sila."

"Wengya..."

"Tapos iyong kambal, malala iyong tinamong tama ng bala sa katawan kaya
sinugod ko sa ospital. Kaya rin ako nandito dahil inuwi ko iyong mga abo
ni Ms. Jodi."

May tumulo na namang luha sa mata ko kaya mabilis ko iyong pinunasan.


Potek! 'Di na 'to naubos-ubos, ah?!

"Bakit 'di mo sinabi?" tanong ni Lampe.

Umiling ako. Dismayado dahil lamang na ako sa kagandahang lalaki,


lamang pa ako sa komprehenshon.

"P're, sikret nga. Sikret."

"Anak ng! Kahit sa kapatid ko?" angil niya.

"Alam niya. Sinabi ni Bossing sa kaniya na inuutusan niya ako. Maliban


tungkol sa pagkakakilanlan ng mga kasama ko na sina Ms. Jodi at mga anak
niya kaya pinaghinalaan niya ako..."

"Tsk! Kailan mo planong sabihin, ha?"

"Nasaang ospital ba si Mei?" tanong ko.

Pero imbis na sumagot si Lampe ay pinatay niya iyong hawak niyang


sigarilyo at naglakad papunta sa kotse niya. Sinenyasan niya akong
sumunod kaya ganoon ang ginawa ko.
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng pinto ng kuwarto ni Mei rito sa


ospital. Kanina pa rin ako panay hinga nang malalim para kumuha ng lakas
na pihitin ang dornab at buksan ang pinto para makita ko na si Mei.

Takte! Pinanghihinaan ako ng loob. Hindi pa ako handang makita si Mei


dahil sa nangyari kagabi pero gusto ko siyang makita ngayon dahil sa
nalaman ko.

Nakunan ang maganda mong asawa, Lerwick. Siguradong nasasaktan siya


ngayon at kailangan niya ng makakasama. Sa kanilang lahat, ikaw ang
pinakakailangan niya.

Hindi na kasi bumaba pa ng sasakyan si Lampe. Sinabi niya sa akin na uuwi


raw muna siya at bibisita na lang ulit kasama ang pamilya niya at mga anak
ko na nasa kanila muna pala pansamantala. Tinakot pa ako n'ong gago na
h'wag ko raw subukang iwan si Mei ulit kung hindi ay siya ang tatapos sa
akin.

Amp! As ip naman kaya kong mabuhay nang wala ang pinakamaganda at


pinakamamahal kong asawa!

'Kaya mo 'to, Lerwick,' sabi ko pa sa sarili ko at muli pang humugot ng


isang pagkalalim-lalim na hininga bago dahan-dahang inikot ang seradula at
binuksan ang pinto.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kuwarto. Nandito pala sa loob


sina Posha at Cassandra. Napatingin sila sa akin at awtomatikong umalis sa
kinatatayuan nila kaya nakita ko si Mei...

Nakaupo sa kama at umiiyak.

Nakatingin din siya sa akin habang mabagal akong naglalakad papalapit sa


kaniya. Sinubukan kong ibuka ang mga labi ko para sana magsalita at batiin
sila pero hindi ko magawa. Umuurong ang dila ko habang pinagmamasdan
ko ang kabuuan ni Mei.

Namumugto ang mga mata na punong-puno ng lungkot, hinagpis,


pagkasawi, at pagsisisi. Halo-halo pero sa hindi ko maipaliwanag na
dahilan ay ganoon din ang nadarama ko.

Nag-umpisa na ring manubig ang mga mata ko lalo na no'ng makita ko ang
mga kamay niyang nakayakap sa tiyan niya. Parang may
pinapakiramdaman at hindi pa rin matanggap na wala na ang munting
anghel namin.

Sino ba ang magulang na basta-basta na lang iyon matatanggap?

Sobrang bigat ng nararamdaman ko na sa sobrang bigat ay naging dahilan


kung bakit napakatagal kong maglakad. Hindi ko na mabilang kung ilang
segundo o minuto ang naubos ko sa paglapit sa asawa ko.

Parang tumigil ang oras naming dalawa habang naglalakad ako palapit sa
kaniya at nag-uusap kami gamit ang mga mata.

"Uhm...maiwan muna namin kayo," biglang sabi ni Posha na siyang


bumasag sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

Tumango si Cassandra. "Yes, we'll come back later."

Isang simpleng tango lang ang naibigay ko sa kanila bago ibinalik ang
tingin kay Mei. Lumapit din sila kay Mei at nagpaalam. Tinapik pa ako ni
Posha sa balikat habang isang magaang ngiti naman ang binigay ni
Cassandra bago sila tuluyang lumabas ng kuwarto.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luha ko. Huminto ako sa
gilid ni Mei at ngumiti nang mapait.

Inabot ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niyang walang tigil sa
pag-agos. Tinalo pa ang malakas na suplay ng tubig ng water probayder
namin.

"M-Mei..." nanginig na ang boses ko nang tawagin ko ang pangalan ng


asawa ko. "I'm so—"

"I'm sorry. I'm sorry," putol niya sa sasabihin ko dapat. Kinuha niya ang
kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon na para bang iyon ang sors op
enerji niya. "Kasalanan ko kung bakit. Hindi ako nag-iingat—"

"Mei, hindi mo kasalanan—"

"No. It's my fault," pilit niya. Mas lalong bumuhos ang luha niya. Panay
naman ang iling ko sa kaniya pero sadyang sarado na ang isip niyang
ibunton sa sarili ang nangyari.

"I should have known I was pregnant! Those morning sickness, dizziness,
and sensibility to smells that I experienced. I must have had suspicions
about the symptoms of the pregnancy. I should have figured that out."

Saglit siyang huminto para huminga. Nahihirapan na kasi siya sa sobrang


pag-iyak.

"Akala ko...akala ko stressed out lang ako sa mga nangyayari sa atin. But
that's not the case. I didn't even realize it was our baby...." sabi niya.

"Mei! Wala kang kasalanan! Hindi mo alam," malakas kong sabi.


Natahimik naman siya at nakatulalang nakatingin sa akin. Hinawakan kong
muli ang mukha niya at marahang pinunasan ang mga luha roon.

"Hindi mo kasalanan," ulit ko. "Bakit mo ba sinisisi ang sarili mo?"

"Because it's true," sagot niya. Umiling ako ulit.


"Wala kang kasalanan. Hindi mo alam, hindi natin alam. Naiintindihan mo
ba ako?" sabi ko. Mas matigas na ang boses ko dahil gusto kong
maramdaman niya ang kaseryosohan ko. Kahit na tumutulo rin ang mga
luha ko.

"Mahal na mahal kita at naintindihan ko kung ano'ng nararamdaman mo.


Nasasaktan ako na sinisisi mo iyong sarili mo sa bagay na hindi mo naman
sinasadya at inaasahang mangyari."

Umiling siya, mabilis na hinawakan ang mga kamay ko at sinubukang


magsalita. "Lerwick—"

"Kasi, Mei..." Napalunok ako dahil pinipigilan kong umiyak ng tuluyan


dahil baka di ko masabi ang mga gusto kong sabihin. "A-ako naman talaga
iyong may kasalanan, eh. Dapat ako iyong umako kung bakit nawala iyong
anak natin. Kasalanan ko dahil ang dami kong pagkukulang sa inyo, sa 'yo.
Imbis na ako ang unang makapansin sa mga pagbabago sa 'yo, ako ang
umaalalalay at tumutulong sa 'yo, kung naging mabuting asawa lang sana
ako, e di sana hindi mangyayari ang lahat ng ito," umiiyak na sabi ko at
niyakap siya.

"I'm sorry, Mei... I'm sorry," paulit-ulit ko iyong binulong sa kaniya habang
nakatago ang mukha ko sa balikat niya.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang paulit-ulit rin niyang sinasabi ang
mga salitang, 'It's not your fault' at 'Naging pabaya ako.'

"Mei! Hindi nga sabi! Wala kang pinabayaan! Please...makinig ka naman sa


akin."

"Then how come it became your fault? Huh? She was in my womb for six
weeks, Lerwick! Sa katawan ko—"

"S-She?" gulat na tanong ko.


Unti-unti siyang tumango. "You were hoping to have a daughter, right?"

Paksyet. Napatingala ako para pigilan ang mga luha ko. Hindi ako
makapaniwala.

Parang nagkukumawala ang puso ko sa sinabi ni Mei. Putapete! Hanggang


sa magiging susunod na anak namin ako pa rin ang kinokonsidera niya.
Alam niya kung gaano kong kagusto magkaroon ng anak na babae. Iyong
litol Mei.

"But I killed our baby..." bulong niya habang umiiyak pa rin.

"Tara dito," sabi ko sa kaniya at hinatak siya para yakapin nang mahigpit.

Ayoko nang marinig mula kay Mei iyong mga ganoong bagay. Hindi kasi
nakakadagdag sa kagandahang lalaki ko at hindi makabubuti pra sa
emoshonal helt niya. Alam kong nasasabi niya lang iyon dahil sa miskereyj
na naranasan niya nagyon.

"Tama na, Mei. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Huwag na nating
sisihin ang mga sarili natin kasi...siguradong hindi iyon magugustuhan ni
baby. Kahit pa—kahit pa wala na siya..." Suminghot ako. Ayoko na nga
sanang umiyak dahil gusto kong i-komport si Mei pero hindi ko mapigilan.
Putspa!

Masakit pa rin kasi iyong katotohanang wala na ang onli dotor sana namin
pero mas mahirap iyong mabuhay kami sa pagsisisi, 'di ba?

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ang mukha


ng maganda kong asawa.

"Sigurado ako na ang meyn ajenda niya sa pagdating buhay natin ay


mapasaya tayo...kahit sa sandaling pagkakataon. At ngayong wala na
siya...'di ba mas maganda kung ituloy natin iyong gusto niya para masaya
rin siya kung nasaan man siya?" tanong ko pa sa kaniya.
"Okey?" tanong ko ulit. Bahagya akong ngumiti sa kaniya at pinunasan ang
mukha niyang basa pa rin ng luha niya. Dugyutin pero maganda pa rin.

Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang tumango. "Okay...I'm


sorry," sabi niya at yumuko. Pinaglaruan niya ang mga kamay naming
nakapatong sa hita niya.

"Shhh. Ayan ns naman iyang sorry na iyan," saway ko sa kaniya. Mukha pa


siyang nagulat.

"Oh. Sorr—" Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Mei dahil mabilis ko


siyang hinalikan. Masama naman ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa
ko.

Takte! Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para hindi na niya mag-
sori nang mag-sori.

"Sori, Mei. At huwag ka munang magsasalita, plis," panimula ko.

Huminga ako nang malalim. Pers istep para mawala ang mga pagsisisi't
paghihinagpis ay ang aminin ang mga kasalanan ko. Saka ko na iisipin ang
sasabihin ni bossing kapag nalaman niyang sinabi ko kay Lampe at Mei
pero desidido na ako. Ayoko nang magtago pa sa asawa ko.

"Nasabi ko na 'to kagabi pero sori ulit. Sorry din kung hindi ko masabi kung
bakit ko ginagawa iyong mga iyon pero...handa na akong ikuwento ngayon.
Gusto mo pa rin bang marinig?"

Marahan naman siyang tumango.

Magsasalita na sana ako at mag-uumpisang magkuwento pero may


aydiyang biglang pumasok sa isip ko. "Gusto mong maglakad-lakad habang
kinukuwento ko sa 'yo? May gusto rin kasi akong ipakita..."

Bahagya siyang nagtaka dahil sa sinabi ko pero kalaunan ay pumayag din


naman. "Okay... But I still can't walk, though," sabi niya at itinuro ang
ibabang bahagi ng katawan niya.

Petengene! Oo nga pala.

Napakamot naman ako sa ulo.

"Ay, takte. Sori, weyt. Hihiram ako ng wilcher. Istey put ka lang diyan,
maganda kong asawa," sabi ko at mabilis na lumabas ng kuwarto ni Mei.
Agad akong nanghiram ng isang wilcher sa mga nars at bumalik na sa
kuwarto. Binuhat ko si Mei para makaupo roon nang maayos at nag-umpisa
na akong maglakad sa holwey habang nagsisimulang magkuwento.

Sinimulan ko muna noong unang-unang beses ni bossing mag-utos sa akin


ng kung ano-anong mga andergrawnd transakshon.

Tapos noong araw na pinakilala sa akin ni bossing si Ms. Jodi bilang


magiging partner ko sa lahat ng mga iuutos niya. Sinabi ko na rin kung ano-
ano iyong transakshons na ginawa namin ni Ms. Jodi nang magkasama.

Sunod ay iyong tungkol sa Japan. Sinabi ko na may inatendan kaming burol


na isang kilalang tao at may mahalagang bagay na pinakuha si bossing sa
akin. Pati na rin iyong banding moments namin doon n'ong kambal at kung
paano silang mas naging malapit sa loob ko sa buong isang linggo na
kasama ko sila.

Kinuwento ko rin iyong totoong rason kung bakit ako nagpunta kina Ms.
Jodi at nanatili roon ng dalawang araw.

Nakakatuwa na lahat ng iyon ay pinakinggan ni Mei. Nagtatanong siya


paminsan-minsan kapag may hindi siya naintindihan at nasasagot ko
naman.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil ngayon ay wala na akong tinatago sa


kaniya.

"Iyong kambal nga pala...nandito rin sila," sabi ko kay Mei. Napatingin
naman siya sa akin.
"What do you mean?" tanong niya. "And where are we going?"

Napansin niya na pala. Papunta kasi kami ngayon kung nasaan ang aysiyu.
Kung nasaan iyong kambal. Kanina ko lang nalaman noong ihatid ako rito
na parehas lang pala sila ng ospital ni Mei.

Kaya naisip ko ring igala si Mei para makita niya iyong kambal.

"Sila iyong pinuntahan ko noong bertdey ni Cody. Kaya ako


nagmamadaling umalis noon dahil inambush sila. Hindi ako nakaabot at
naabutan na wala nang buhay si Ms. Jodi habang iyong kambal ay nag-
aagaw buhay..." sabi ko at inihinto ang wilcher sa tapat ng bintana ng
aysiyu kung nasaan ang magkapatid.

"Kaya dinala ko agad sila rito. Hinintay ko hanggang sa matapos silang


operahan at mailipat sa aysiyu para makauwi ako. Iyong tumawag sa akin
nang gabing iyon sa bahay habang nagsasagutan tayo...isa iyon sa nars na
nag-aasikaso sa kanila. Binalita sa akin na kailangan ulit maoperahan si
Chiasa at mag-teyk ng maraming tes si Chikao."

Nanlaki ang mata ni Mei nang makita ang kalagayan n'ong dalawa.
Napatakip pa siya sa bibig at pinilit na tumayo na agad ko namang
tinulungan. Nakaalalay ako kay Mei habang magkatabi kaming nakasilip
mula sa glas window.

"Inaasikaso ko sila kasi...ulilang lubos na iyong mga bata. Wala na iyong


erpat nila noon pa, tapos ngayon, nawala rin iyong ermat nila," dugtong ko.

Lumingon sa akin si Mei. "W-wala ba silang ibang kamag-anak?"

"Hindi ko alam, Mei... Asasin si Ms. Jodi at alam mo naman kung gaano
kasikreto ang pagkakakilanlan ng mga ganoong tao," sagot ko.

Napabuntonghininga si Mei at muling nilingon ang mga bata. "They would


be very sad to learn about it," malungkot ding sabi niya. Kitang-kita sa
mukha niya iyong pagiging konsern. Katulad sa kung paano siyang maging
konsern at kaalaga sa mga anak namin.
Sariwa pa sa isipan ko ang pag-aalala ni Mei no'ng unang beses na
magkasakit si Kayden.

-Flashback-

Kanina pa hindi mapatahan sa pag-iyak si Kayden dahil siguro hindi


makatulog. Nilalagnat ito kaya pinainom na namin siya ng gamot ngunit
nagpapabalik-balik talaga ang lagnat nito.

"His temperature is rising. We should call a doctor," wika ni Mei habang


tinitingnan ang thermometer na nilagay niya sa kili-kili ni Kayden.

Tatlong buwan na rin simula no'ng ipinanganak niya ang anak naming si
Kayden kaya naka-lib muna siya sa kumpanya upang mas matutukan ang
pag-aalalaga sa anak namin lalo na at pinapa-brespid niya ito. Gusto ko
ngang mainggit pero anak ko naman iyon kaya iwinaglit ko na rin agad sa
isipan ko iyon.

"Lerwick!" Agad akong nabalik sa reyalidad nang tawagin niya ako ulit.

"You're spacing out. I asked you to call a doctor para tingnan ang
kalagayan ng anak natin," ekspleyn ni Mei kaya nagmamadali kong
idinayal ang namber ng pedya ni Kayden.

Ngunit nakailang ring na ang selpon ng pedya ni Kayden ay hindi pa rin ito
sumasagot. Natutulog na siguro.

Narinig ko naman ang natatarantang boses ni Mei at nang lingunin ko ito


ay nakita kong isinuka lang ni Kayden ang pinadede sa kanya ni Mei.

"Pangatlong beses na suka na niya 'to, Lerwick. Wala pang laman ang
tiyan niya," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mei. Natataranta na rin ako dahil
hindi ko alam ang gagawin ko pero hindi ko ito puwedeng ipakita.

Kaya kumuha ako ng makapal na blanket na para sa anak ko at ipinulupot


iyon sa maliit niyang katawan saka siya sinuotan ng sumbrero at medyas.

"Dalhin na natin siya sa ospital." Pagkasabi ko n'on ay dali-dali namang


kumilos si Mei saka namin tinahak ang daan papunta sa pinakamalapit na
ospital.

"As of now, maayos naman na ang kalagayan niya. Good thing at nadala
siya rito kaagad dahil maaaring mag-cause ito ng febrile convulsion kay
baby lalo na at mataas na po ang lagnat niya. Pero sa ngayon naman ay
mabuti na ang kalagayan ng anak ninyo. Nag-iwan na rin ako ng reseta
para sa mga gamot na maaaring inumin ni baby," ekspleyn ng doktor sa
amin. Agad namang napakapit sa akin si Mei dahil nakahinga na siya nang
maluwag.

Nginitian naman namin ang doktor bilang pasasalamat. Ngumiti naman ito
pabalik at iniwan na kami sa kuwarto kasama si Kayden.

Naramdaman ko naman ang paghikbi ni Mei kaya napatingin ako sa kanya.

"Mei...bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" nag-


aalalang tanong ko rito.

"I was just worried about our son. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag
may nangyaring masama sa kanya dahil lang sa kapabayaan ko, at sa hindi
tamang pag-aalaga ko sa kanya," humihikbing sabi naman nito.

"Shhh. Tumahan ka na. Maayos na ang kalagayan ng anak natin kaya wala
ka nang dapat na ipag-alala," pagpapatahan ko pa rito saka iniangat ang
mukha niya at pinunasan ang luha niya.

Nginitian niya ako bilang tugon pero hindi pa rin mawawala ang pag-
aalala sa mga mata nito, na normal na rin para sa mga inang iniisip lang
ang kapakanan at mabuting kalagayan ng anak nila.

-End of Flashback-
Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Ilang beses na ring nangyari iyon. Naalala ko rin no'ng umuwi si Cody na
umiiyak dahil binu-buli pala ito ng mga kaklase niya. Kung puwede lang ay
susugod sana siya eskwelahan para lang resbakan ang mga umapi sa anak
namin pero pinigilan ko rin agad ito. Nang kumalma ay doon niya rin na-
reyalays na sumobra din siya at nadala lang ng galit at pag-aalala para sa
anak namin. Pft, bangis din talaga ng asawa ko.

"Why are you smiling?" biglang tanong nito kaya tiningnan ko siya at
nginitian pang muli.

"Naalala ko lang bigla ang nangyari sa unang beses nating pagtapak sa


perenting isteyj," sagot ko kaya nginitian niya na rin ako pabalik.

"I thought madali lang maging magulang but I was wrong. Hindi madali
ang pagiging magulang. Lahat mararanasan mo simula sa pagtitiis ng gutom
dahil ayaw magpaiwan ng baby hanggang sa pagpipigil ng pag-ihi with the
same reason. Iyong mga simpleng pagsasakripisyo ng pansariling
pangangailangan para matugunan ang kanilang pangangailangan at
kagustuhan. It was never easy, but it was all worth it." Tumango ako bilang
pagsang-ayon dahil totoo naman ang sinabi ni Mei.

Napakasuwerte ko na si Mei ang napangasawa ko. Hinding-hindi ko


pagsisisihan ang kahihiyang nagawa ko no'ng tanungin ko siya kung
puwede bang manligaw sa kanya kung ito naman ang naging resulta.

Ang mapangasawa ang ganito katalino, kabait, kaalaga at kagandang


asawa.
-Flashback-

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt, suddenly goes away somehow

Kasabay ng pagkanta ng kinuha naming singer sa kasal na ito ay ang


pagbukas ng pinto ng simbahan kung saan tumambad sa aming lahat ng
nandito ang maganda kong...mapapangasawa.

One step closer...

Hindi ko alam kung paano pa mapapangalan ang sayang nararamdaman


ko sa puso ko habang unti-unting naglalakad papalapit sa akin si Mei.
Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa habang ako naman ay medyo
nagiging emoshonal na.

I have died everyday, waiting for you

Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

Sa bawat hakbang na ginagawa ni Mei ay nagiging malinaw na sa akin na


ang pyutyur na pinlano at pinangarap ko na kasama siya ay matutupad na
kaya hindi pa man nakakarating si Mei sa altar ay naramdaman ko ang
unti-unting pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. Takte!

Time stands still


Beauty in all she is

I will be brave

I will not let anything, take away

What's standing in front of me

Every breath, every hour has come to this

One step closer...

Tuluyan na nga siyang nakalapit sa altar kaya inalalayan ko siya sa


paglalakad papunta sa upuan naming dalawa sa harapan ng pari. Bago
magsimula ang pari sa kanyang misa para sa kasal namin ay tiningnan ko
muna si Mei. Naramdaman niya siguro ang titig ko kung kaya't lumingon
din siya sa gawi ko ng may nagtatanong na mga mata.

"Ay lab yu," sabi ko nang walang lumalabas na boses sa bibig ko.

"I love you, too," she mawted bak. Yown! Solb na agad ako.

Mabilis ang naging takbo ng buong misa hanggang sa namalayan naming


ekschenyjing op baws na.

Pinaghandaan ko ito kagabi. Sabi kasi nila ito raw ang pinakamagandang
part sa kasal dahil para din itong pinaghalong kompeshon at pramises.

"You may now say your own vows," instrak pa sa amin ni pader sabay abot
ng mayk kay Mei.

"I can't imagine being here in church, attending my own marriage. All the
more so because I don't expect you to be the one I'm marrying, Lerwick. You
still remember when you first met me?" Iyon 'yong ikinulong ko pa siya sa
isang kabin sa kruship no'ng may ginagawa kaming mishon kasama sina
bossing at Miss Aemie.

"I thought huli na 'yon, but I was wrong dahil nasundan nang nasundan
ang pagkikita natin kahit na hindi ko naman ginugusto, lalo na at ayaw na
kitang makita ulit after our first encounter. You were so determined to have
that 'date' with me kaya ilang beses mo akong kinulit mapa-teks man o chat
so I finally said yes... for the date... so you can stop pestering me," mapang-
asar na sabi pa nito.

"Pero hindi ko inaasahan na after the said 'date', I would think of you often.
I was in denial at first but then I realized that, 'Damn, you got me',"
natatawang sabi pa nito. Kaya natawa na rin ako.

"I am beyond grateful to have you in my life. And now, from this day
forward, I vow to cherish you, grow with you and be with you until the day
that I cease to breathe. I love you, Lerwick."

Petengene. Alam kong pinagtatawanan na ako n'ong tatlong gunggong


kung nakikita man nila ako dahil umiiyak na ako rito.

Nang ako naman ang magbibigay ng baw ay bigla akong nakaramdam ng


tenshon.

"Paano ko ba ito sisimulan?" Napakamot ako sa ulo at nagsitawanan ang


mga bisita dahil sa sinabi ko.

"Yow! Ipinatawag ko kayong lahat para sabihin na...ang guwapo ko," sabi
ko pa kaya muling nagtawanan ang mga tao.

"Pero seryoso na. Hindi man ako ang pers, pero ako naman ang las...en da
onli wan. Mahal mo ako ngayon so wat els maters, 'di ba? Maliban sa
kagwapuhan ko, ang dapat kong intindihin ngayon ay ang maging
mabuting asawa sa 'yo." Huminga muna ako saglit dahil naiiyak na naman
ako, saka nagpatuloy.

"Hindi ko kailanman pagsisisihang nakilala kita. Kaya ngayon, sa harap ng


Diyos, nagpapasalamat ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na
iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal, Mei. At sana ay bigyan pa tayo
ng maraming taon para patunayan ang pagmamahal natin sa isa't isa.
Mahal na mahal kita, Mei. Ikaw na ang magiging una't huli."

-End of Flashback-
Hinawakan ko ang kamay ni Mei kaya napatingin ito sa akin. Ngumiti
naman ako sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Mei. Ikaw na ang magiging una't huli," panggagaya
ko pa sa huling linya ko sa binitawan kong baw no'ng kasal namin.

"Kaya sana, huwag mo na akong pagdudahan dahil ipinangako ko iyon sa


harap ng Diyos, na ikaw lang ang una't huling babae na mamahalin ko...til
det do as part nga eh, 'di ba?"

Halos magdadalawang linggo na matapos ang miskereyj ni Mei sa


pangatlong anak namin. Dalawang araw lang na nanatili sa ospital si Mei
dahil mas ginusto niyang umuwi at doon na lang magbawi ng lakas sa
bahay.

Binilinan ako ng doktor na bantayan at damayan ang asawa ko sa lahat ng


oras dahil may posibilidad daw na makaranas siya ng depreshon at hindi
raw iyon maiiwasan. At sa tingin ko ay tama si dok...

Paminsan-minsan kasi ay naabutan kong tulala si Mei o 'di kaya ay umiiyak


habang natutulog. Sinamahan ko siya sa lahat ng oras na iyon dahil alam ko
na hindi madali ang pinagdaraanan niya. Ganoon din ako lalo na kapag
nakikita ko siyang nahihirapan.

Bat wi ken maneyj. Sa tulong na rin ng mga kaibigan namin na walang sawa
sa pag-komport kay Mei at sa akin. Maging sina Kayden at Cody ay mas
naging malambing dahil doon. Sa kuwarto na nga rin namin nakikitulog ang
mga iyon para yumakap sa ermat nila simula nang malaman nilang umiiyak
si Mei sa pagtulog.

Mahirap pero kinakaya namin dahil ayaw naming malungkot ang munting
anghel namin.

Magkahawak ang kamay namin ni Mei habang naglalakad kami sa holwey


ng ospital. Bibisitahin kasi namin sina Chiasa at Chikao. Halos araw-araw
kaming pumupunta rito para kumustahin ang kalagayan n'ong kambal.
Nakalipat na kasi sila sa praybeyt rum apat na araw pagkatapos nilang ma-
kompayn ulit sa aysiyu dahil nagkaroon na sila ng malay. At tulad ng
inaasahan, si Ms. Jodi ang unang hinanap nila pagkadilat na pagkadilat ng
mga mata nila.

Sobrang nahirapan ako kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang nangyari


sa mami nila. S'yempre, matindi at mahaba-habang iyakan ang nangyari. In
denayal sila at ayaw tanggapin ang katotohanan noong una. Buti na lang at
nandoon din si Mei noong mga panahon na iyon. Tinulungan niya akong
mag-ekspleyn at ipaintindi sa mga bata ang nangyari.

Tenkpuli, nakaka-kats ap naman sila.

Oldow, alam ko na malungkot at nasasaktan pa rin sila sa kadahilanang


wala na ang mga magulang nila. Kaya nga hangga't may oras ay binibisita
talaga namin sila rito. Kung puwede nga lang silang iuwi ay ginawa ko na
pero hindi pa raw puwede sabi ng doktor.

Kumuha na lang tuloy kami ng nagbabantay sa kanila kapag wala kami at


kapag gabi na.

Sa sobrang dalas nga namin dito ni Mei ay mami na rin ang tawag nila sa
asawa ko. Hindi nga lang alam nina Kayden at Cody dahil hindi pa namin
napag-uusapan ni Mei kung dapat ba naming sabihin o hindi.

Personali, kinakabahan ako para sa kambal dahil baka kamuhian sila ng


dalawa kong anak at maramdaman nila na may kaagaw sila. Pero alam ko
rin na mabubuting bata ang mga anak ko at maiintindihan nila.

"Hi, twins," bati ni Mei sa kambal nang makapasok kami sa kuwarto nila.

"Mami! Dadi!"

"You're here!"

Sabay na bati n'ong dalawa. Nagulat pa sila kahit alam naman nilang
pupuntahan namin sila.

Niyakap ko ang dalawang bata. Ganoon din ang ginawa ni Mei. Tapos ay
umupo kami sa hospital bed nila. Si Mei sa kama ni Chikao, ako naman sa
kama ni Chiasa.

"How are you? Hmm?" tanong ni Mei habang hinahaplos ang buhok ni
Chikao.

"Okay lang po, Mommy. Guwapo pa rin," sagot ni Chikao. Nag-tambs ap


ako sa kaniya dahil beri gud siya. Hindi dapat nawawalan ng oras ang isang
guwapo para maging guwapo.

"Ako po! Ako po!" sabi naman ni Chiasa. Nagtaas pa ng kamay na animong
nasa klas resiteshon. Tumingin naman sa kaniya si Mei. "Aym payn, Mami.
Tenkyu po," sabi niya tapos ay humagikgik.

"Wala naman kayong nararamdamang kakaiba? O masakit?" tanong ko


naman.

"Masakit po, wala. Pero kakaiba..." sagot ni Chiasa. Lumabi siya at nilagay
ang parehong kamay sa tiyan niya. Tapos ay bigla kaming narinig na parang
nagrambol doon. "Hehe."

Nagtawanan tuloy kami.

"Amp! Gutom na pala kayo! Bakit 'di n'yo sinabi agad?"

"Hindi n'yo ba kinain iyong sinerve dito sa hospital?" tanong din ni Mei.

Hindi naman sumagot iyong dalawang batang nagkatinginan. Nag-uusap


gamit ang mga mata na parang sinasabi sa isa't isa na hindi sila aamin.

Pfft!
Inilibot ko ang paningin ko sa kuwarto at nakita ang dalawang trey ng
pagkain sa mesa. Hindi pa nagagalaw at walang kabawas-bawas dahil naka-
kling rap pa rin.

"Hindi nga nila kinain, Mei," sumbong ko sa maganda kong asawa na agad
sumeryoso ng tingin sa kambal.

"Mami, puro bejtabols po kasi. Huhuhu," paliwanag agad ni Chisa.


Magkasalikop pa ang mga kamay nito na nasa ilalim ng baba niya.

Ang kyut talaga nitong batang 'to! Manang-mana sa akin. Syet.

"Pero kailangan n'yo iyon para gumaling kayo agad," sabi ni Mei, seryoso
na talaga. Parang handang-handa nang mag-lekchur sa kambal na mukhang
paiyak na ngayon.

Tama naman kasi si Mei. Talagang kailangan nilang kumain ng mga


masusustanshang pagkain para lumakas agad ang katawan nila.

Pero kahit ako ay nananawa rin sa pagkain ng ospital. At saka...

Pakshet! Bakit naman ganiyan ka-kyut iyang mga bata kapag naiyak?
Nanlalambot tuloy ang puso ko't hindi sila matiis.

"Ha-ha. Baka nagsawa na, Mei. Hayaan mo, bibili na lang ako sa restoran,"
sabi ko at ngumiti nang pagkaganda-ganda sa asawa ko para pumayag na.
Kawawa naman kasi iyong kambal, baka umay na umay na sa hospital pud.

Saglit akong binalingan ng seryosong tingin ni Mei tapos ay inirapan ako.


Ampupu!

"Fine," pagpayag niya. Agad namang nagsigawan iyong kambal dahil sa


wakas ay makakatikim na sila ng pagkaing kakaiba.

"Take care," sabi pa ni Mei bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto.


Sumisipol-sipol pa ako habang naglalakad papunta sa elebeytor at nag-iisip
kung anong masarap na pagkain ang ite-teyk awt ko para sa kambal.

S'yempre, iyong pagkaing masustansha at makakatulong pa rin sa mabilis


nilang paggaling. At para hindi rin magalit si Mei. Baka sabihin niya ay ini-
ispoyl ko ang kambal kahit hindi naman. Pinagbibigyan ko lang talaga sila
dahil ayoko silang nakikitang malungkot.

Sandali akong naghintay sa harap ng elebeytor. Pinindot ko ang dawn boton


tapos nang marinig ko ang pag-ping nito ay hinintay kong bumukas ang
pinto.

Papasok na nga sana ako kaso ay nakasalubong ko iyong mga lalaking


nakaitim na palabas ng elebeytor. Mga naka-mas at bonet pa na akala mo
naman ay mahahawa sila sa kaguwapuhang taglay ko.

"Ay sori," sabi ko at bahagyang tumabi para makadaan muna sila. Tinitigan
pa ako n'ong isa mata sa mata habang naglalakad at nilalagpasan ako. At
dahil likas akong pinagpala ay hindi naman ako nagpatalo. Aba matinde!
Anong problema nitong mga 'to?!

Naputol lang ang titig sa akin n'ong isang lalaki nang tuluyang na silang
makalayo.

Pasara na iyong elebeytor kaya kahit nagtataka pa rin ay pumasok ako roon.
Sumandal ako at magkakrus ang mga braso sa dibdib habang nag-iisip.

Tinahak n'ong mga lalaki iyong daan na pinanggalingan ko. Mukhang may
pupuntahan sila malapit sa kuwarto n'ong kambal.

Pero bakit ganoon iyong mga damit nila? Paano sila nakapasok kung
gano'n ang awtpitan nila? Balot na balot at halos wala nang balat ang
nakikita bukod sa mga mata. Hindi ako makapaniwalang pinayagan silang
pumasok ng nakagano'n dahil mahigpit ang sekyuriti sa ospital na 'to.

Hindi kaya... Pakingshet! Baka iyong kambal talaga ang punta ng mga
gagong iyon!

Mabilis pa sa alas kwatro akong gumalaw. Sinubukan kong pindutin ang


mga boton sa loob nitong elebeytor para bumukas ang pinto pero walang
nangyari. Petengene! Hinintay ko pang makalapag ako sa grawndplor bago
ulit pinindot ang plor kung nasaan ang kambal. Pabukas pa nga lang sana
iyong pinto pero pinigilan ko para umakyat na agad.

Pucha! Wala na bang ibibilis 'to?!

Nang makabalik sa palapag na pinanggalingan ko ay ginamit ko ang buong


lakas ko para tumakbo ng mabilis.

Tumakbo ako pabalik sa kuwarto nina Chiasa at Chikao. Akala ko ay


maabutan ko pa sila rito sa holwey pero wala na sila. Pagkabukas na
pagkaabukas ko ng kuwarto nina Chikao ay naabutan ko roon iyong mga
lalaki. Nakahilata na at panay ang agos ng dugo sa katawan.

"Petengene! Ayos lang ba kayo?" hingal na tanong ko. Lumapit ako kay
Mei na nasa harap n'ong mga lalaki at tinignan ang kabuuan niya.

"I'm fine, Lerwick," sabi ni Mei. Tumango naman ako at nilipat ang tingin
sa kambal na lumuluha. Magkatabi na sila ngayong nakaupo sa kama ni
Chiasa. Malamang ay inutusan ni Mei na lumipat doon si Chikao at doon
manatili. Mas nasa dulo kasi ang kama ni Chiasa.

"Ayos lang kayo, mga anak?" tanong ko sa kambal. Mabilis silang yumakap
sa akin nang makalapit ako sa kanila.

Napapabuntonghininga akong napatingin kay Mei. Malamang ay iisa ang


nasa isip namin. Mukhang may trauma pa ang mga bata dahil sa nangyari sa
kanila kailan lang. Mabuti na lang nandito si Mei.

"The twins appear to be their primary target," sabi ni Mei habang


pinapanood kami ng mga bata.

Converted by lsbt
Lumapit din siya at tumabi ng upo sa mga bata. Kumalong sa kaniya si
Chiasa ngayon at sa kaniya yumakap. Ayaw nitong makita ang bangkay
n'ong mga lalaking may balak na masama sa kanila. Habang si Chikao
naman ay panay silip, kahit na umiiyak ay mababasa ang galit sa mga mata.
Mabuti na lang ay nakatayo ako sa harap niya para matakpan iyon.

"Mukha nga..." sang-ayon ko. Ginulo ko pa ang buhok ni Chikao para


mabaling sa pinagmanahan niya ng kagandahang lalaki ang paningin niya.
"Huwag mo nang tingnan, 'nak." Tipid akong ngumiti sa kanila.

It wil teyk taym. Pero syur na syur akong mao-oberkam din nila ang takot
na nararamdaman nila.

Tinignan ni Mei ang mga bata. "In any case, did Ms. Jodi—I mean your
mom, tell you something about other people? Or may binilin ba siya sa inyo
in particular?"

Saglit na nagtaas ng tingin si Chiasa kay Mei at nag-isip ng ilang segundo.


"Lagi niya pong sinasabi na huwag kaming sasama sa istreynjers," sagot
niya. "'Di ba, Kuya?"

"Opo. At huwag din daw kaming makikipag-usap o tatanggap ng kahit ano


mula sa kanila."

"That's good. Always keep that in mind, okay?"

Sabay na tumango ang mga bata.

"How about...those people who wanted to hurt the both of you? Like the
guys earlier? May sinabi ba siya sa inyo tungkol doon? Alam ko na aware
kayo sa buhay na mayroon ang mommy n'yo at kayo and I think it has
something to do with it," paliwanag ni Mei. Mukhang napaisip naman ang
dalawang bata.

"Ay... Ay don't remember eniting, Mami. Aym sori po..." sabi ni Chiasa
pagkatapos ng mahabang pag-iisip. Tumango naman si Mei at niyakap na
lang siya ulit.

"Ikaw, 'nak?" tanong ko naman kay Chikao. Hindi agad siya sumagot sa
akin at kunot-noong tumingin sa labas ng bintana. Mukhang inaalalang
mabuti kung may nasabi ba ang mami niya sa kaniya.

"I think..." panimula niya.

"Ano 'yon, 'nak?"

"Si Mommy...may binigay po siya sa aking papel noong nakaraan. Sinabi


niya po sa akin na itabi ko iyon at ilalabas ko lang daw po kapag—"
Nangilid ang mga luha niya at tumikhim bago ulit magsalita. "Kapag wala
na siya."

Syet! Papel? Ano kayang laman ng papel na iyon?

"Nasaan iyong papel, 'nak?" tanong ko.

"Anong mayroon sa papel?" tanong naman ni Mei.

Parehas na kaming kyuryus kung ano ang mayroon sa papel na tinutukoy


niya.

"Nakasulat po roon kung para kanino iyon sabi ni Mommy. Tinago ko po sa


kuwarto..." sabi ni Chikao at yumuko. Tuluyan nang bumuhos ang luha niya
kaya tinapik ko ang ulo niya.

Tumingin naman ako kay Mei na nakatingin din sa akin. Nangungusap ang
mga mata niya at sa isang tango ay naintindihan ko ang gusto niyang
iparating.

Gusto niyang kunin ko iyong papel at malaman ang laman n'on.


Lerwick

Sebastian Lerwick's POV

Mabilis akong kumilos. Nagpaalam ako kina Mei at sa mga bata na aalis
muna para kunin iyong papel na iyon at malaman ang nilalaman n'on.
Napagkasunduan din namin ni Mei na ipapalipat niya na rin ng kuwarto
iyong mga bata at siya na rin ang o-order ng pagkain habang hinihintay ako.

Saglit lang ang naging biyahe papunta sa bahay ng mga Andres.


Pagkarating ko ay agad akong naalarma dahil nakabukas ang pinto.
Sigurado akong ni-lak ko 'to no'ng huling punta ko rito at wala namang
ibang bibisita rito bukod sa akin. Maliban na lang kung...

Kinuha ko iyong baril kong nakaipit sa likod ng pantalon ko at itinutok sa


harap. Maingat kong tinulak ang pinto para hindi ako makagawa ng ingay at
hindi na ako nagulat nang makitang gulu-gulo iyong mga gamit dito sa
bahay. Para bang hinalughog nang mabuti. Mula sa kasulok-sulukan ay
napakagulo. Kulang na lang ay baliktarin itong bahay para makita kung ano
mang hinahanap ng mga nanloob dito.

May hinahanap sila. Sigurado ako roon dahil magulo man ang mga gamit
ay nasisiguro kong walang nawala.

Bigla akong nakarinig ng kalabog mula sa taas kaya napatingin ako roon.

Petengene! Mukhang nandito pa iyong mga nanloob, ah.

Dahan-dahan kong ikinasa ang baril ko at naglakad papunta sa taas. Wan


step at a taym lang at bago ako umabot sa pinakatuktok ay sumilip muna
ako. Nakita kong may lumabas na lalaki sa master's bedrum. Katulad ng
mga lalaki sa ospital ay pulos itim din ang suot niya. Nakatakip din ang
mukha at tanging mata lang ang kita.

Mukhang maglalakad siya papunta sa ibang kuwarto at bago pa niya


magawa iyon ay inasinta ko na siya at binaril.

Tsk! Wala pa namang saylenser ang baril ng inyong guwapong lingkod pero
'di bali na. Tinamaan siya sa may binti kaya napaluhod siya sa sahig at
napalingon sa akin. Hirap man sa pagtayo ay sinubukan niya ring kunin ang
baril niya at magtago sa pero bago niya pa magawa iyon ay nabaril ko na
ulit siya.

Sapul! Deds na deds na 'to por syur!

Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang mask niya onli tu paynd awt na
wala man lang binatbat ang itsura nito sa kaguwapuhan ko. Tsk!

Pero nabigla ako nang may maramdaman akong mga yabag mula sa likod
ko. Hindi ko agad napansin iyon kaya paglingon ko sa dalawang lalaki at
isang tadyak agad ang natanggap ko mula sa isa sa kanila.

Ampupu! Ang guwapo kong mukha!

Napasalampak ako sa sahig habang sapo-sapo ang panga ko. Hindi naman
na-dislokeyt pero syet! Lintik lang ang walang ganti. Lumapit naman sa
akin iyong isang lalaki at akmang sisipain ako ulit nang nasalo ko ang paa
niya. Hinila ko iyon at pinaikot kasabay ng pagluhod ko.

Panay ang sigaw niya dahil na-dislokeyt na ang buto sa tuhod niya. Tinulak
ko siya pasubsob sa sahig at mabilis na inilagan ang pagsugod n'ong isa pa
nilang kasama. Susuntukin niya sana ako pero hindi iyon tumama sa akin.

"Shado baksing ba 'to, 'tol?" pang-aasar ko sa kaniya nang paulit-ulit ko


lang na nailagan ang mga suntok niya.

At dahil pikon na siya ay ginamit na niya ang buong puwersa niya sa


pagsugod. Susuntukin niya sana ulit ako nang mabilis akong yumuko at
hinawakan sa may baywang at tinulak ng malakas sa pader.

Humampas naman nang malakas ang katawan niya kaya napasigaw sa sakit
n'on. Sinuntok ko siya nang sinuntok sa kung saan saang parte ng katawan
niya. Hinablot ko rin ang mask niya at tinarget ang mukha niya.

Sabog na ang labi at maga na may parteng mata niya kaya nakuntento na
ako. Hinayaan ko na lang siyang matumba sa sahig. Pinulot ko iyong baril
ko kanina na nabitawan ko dahil sa pagkasalampak ko at mabilis na binaril
iyong lalaki.

Nakita ko pang sinusubukang abutin n'ong isang lalaking bali ang tuhod
iyong baril na malapit sa kaniya kaya binaril ko ang kamay niya.
Napasigaw naman siya sa sakit kaya binaril ko pa siya ulit para matahimik
na ang buhay ng isang 'to. Maingay. Akala mo naman guwapo.

"Psh! Mga wik!" sabi ko habang pinupunasan ang namuong pawis sa noo
ko. Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang kinapkapan pero nang wala
naman akong mahanap na kapaki-pakinabang ay iniwan ko na sila.

Dumeretso na ako sa kuwarto n'ong kambal at parang nai-stres ang guwapo


nang maabutang gulo-gulo na rin ang mga gamit. Saan ako magsisimula
nito?

Imupisahan kong maghanap sa kama. Inangat ko ang mga unan, sapin, at


pati na rin ang kuchon.

Tapos ay inisa-isa ko ang mga drower sa tabi ng mga kama nila. Ganiyan
kasi ang mga bata, mahilig magtago ng mga bagay-bagay na madali nilang
makikita.

Pero nang wala akong nahanap na papel doon ay lumipat ako sa may istadi
teybol. Bawat papel ay tinitingnan at ini-iskan ko.

Bawat drower ay binubuksan ko.


Pati iyong bag nila ay hinalughog ko pero puro iskul peypers lang ang
nandoon. Napatingin ako sa bukshelbs at parang may bumbilyang umilaw
sa utak ko nang makita ko iyon.

Takte! Alam ko na 'to. Pasitib na pasitib ako na nandito na iyong hinahanap


ko. Kasi 'di ba ganoon iyong mga nasa pelikula? Iyong mga triler at misteri
ang janra. Mahilig silang magtago ng mga mahahalagang impormasyon sa
mga libro na nasa bukshelbs at doon na malulutas ang problema. Kung
minsan pa nga may sikret pasej sa likod ng mga bukshelbs, eh!

Ngiting-ngiti pa ako habang tinitingnan ang bawat libro pero nang matapos
ako roon at wala pa ring nakita ay bagsak ang balikat akong umupo sa
matres.

Petengene! Nasaan ba kasi?

Napakamot ako ng ulo dahil ngayon ko lang na-riyalas ang katangahan ko.
Putapete! Bakit ba hindi ko na lang tinanong si Chikao kanina kung nasaan?
Ampupu naman!

Umayos ako ng upo at kukunin na sana ang selpon kong nasa bulsa nang
pantalon nang may masagi ang paa ko.

"Ano 'to?" mahinang bulong ko. Yumuko ako para abutin iyon. "Pikchur
prem lang pala..."

Pamili pikchur ng mga Andres ang nakalagay roon. Ayon kay Chiasa, ilang
taon na ang nakalipas nang kuhaan ang litratong 'to na halata naman dahil
mas bata ang itsura nila dito kumpara sa ngayon. At kasama pa nila ang
dadi nila rito. Kinuwento niya 'to no'ng dito ako nag-istey ng dalawang
araw.

Napangiti tuloy ako nang mapait dahil naalala ko na naman ang kalagayan
ng kambal.

Lumapit ako sa sayd teybol para ibalik sa tamang pagkakalagay iyong prem
pero may naramdaman ang daliri ko sa likod n'on kaya tiningnan ko. Akala
ko ay may kung anong dumikit pero nakauwang pala iyong bakbord sa
bawat gilid. Para kasing may siniksik na kung ano sa loob ng prem. Nang
tingnan ko naman ulit sa harap ay pikchur lang naman nilang pamilya ang
nandoon. Pero kung titingnan mong maigi... parang mayron ngang papel sa
likod ng mismong pikchur. Sa tingin ko ay mas malaki iyon sa says ng
pikchur dahil lumagpas iyon.

Binuksan ko ang pikchur prem dahil sa kyuryositi. Nandoon iyong pikchur


nilang pamilya kasama ang...isang papel at isang kuwintas.

Syet!

Maingat kong kinabit ulit iyong pikchur preym at nilagay sa bed sayd
teybol. Hindi ko sinama iyong papel at kuwintas dahil sa tingin ko ay ito na
iyong sinasabi ni Chikao.

Sa lahat ng papel na nakita ko rito ay ito ang pinakakakaiba. At kam tu tink


op it, bakit naman itatago pa sa isang pikchur preym ang ganitong papel
kung wala namang halaga, 'di ba?

Ang talino talaga ni Chikao, mana sa akin. Akalain mong dito talaga naisip
na itago 'tong papel? Petengene! Kung hindi ko pa nasanggi kanina iyong
prem ay hindi ko rin 'to mapapansin, eh.

Muli kong hinawakan ang papel at pinagmasdan. Binuklat ko rin iyon dahil
nakatupi iyon sa dalawa.

"Waw, astig!" bulalas ko nang makita iyong border ng papel. Ang angas,
syet!

May isang ispeyd sa aper lep korner, isang hart sa aper rayt korner,
dayamon sa lower lep, at klober naman sa lower rayt. Tapos pinagsama-
samang ispeyd, hart, klober, at dayamod naman sa aper midel at lower mid.
May mga magagarbong linya ang nagkokonekta sa bawat isang iyon palibot
sa gilid ng papel na nakabuo ng magarbong border.
Shur na shur akong inspayrd ang luk nitong papel sa Japan. Ganito iyong
mga nakita ko noong nag-Japan kami, eh. Ang hilig nilang gumamit ng mga
maaangas at kyut na desayn. Pati iyong mga kulay, maangas rin. May
perpek kolor kombineyshon kaya 'di masakit sa mata. Astetik ba kumbaga.

Sunod kong tiningnan iyong kuwintas at syet! Parang natakot naman akong
hawakan dahil sa kintab n'on. May hugis dayamon na pendant din na shur
na shur akong dayamon din iyong batong nakadikit doon. Takte! Binalot ko
iyon sa hangkerchip na dala ko dahil baka magasgasan at mayari pa ako sa
may-ari.

"'Di ko naman inekspek na mahilig din pala si Ms. Jodi sa mga ganiyang
bagay. Mga astetik at jiwelri. Akala ko kasi ay hindi," bulong ko sa sarili
ko. Napailing pa ako bago binalingan ulit iyong papel at iyong mga
nakasulat doon.

"Shet. Para sa akin pala 'to?" tanong ko sa sarili ko nang mabasa ang
pangalan ko sa taas. Akala ko tu hum it mey konsern ang mababasa ko roon
pero laking gulat ko nang ang guwapong pangalan ko ang nandoon.

Pero bakit ako? Na-porsi ba ni Ms. Jodi iyong mangyayari sa kaniya at


alam niya na ako ang unang makakaalam n'on at tanging makakatulong sa
kaniya?

Ampupu! Pinagpawisan ako habang pinagpatuloy ang pagbabasa. Ang


ganda ng penmanship ni Ms. Jodi. Karsib pero hindi masakit sa matang
basahin. Parang liham n'ong mga sinaunang panahon ang istayl.

"Cari Lyn Omori..." basa ko sa pangalang nabanggit ni Ms. Jodi.

Ayon dito sa sulat, kapag nawala na si Ms. Jodi sa mundo ay kailangang


madala ko agad ang kambal sa isang babaeng nagngangalang Cari Lyn
Omori.

Bespren niya raw iyon at isa sa mga pinakapinagkakatiwalaan niyang tao.


Naka-indikeyt din dito iyong adres n'ong babae na kasalukuyang
naninirahan sa Japan.
As sun as ay day. Ilang beses ko yatang nabasa ang preys na iyan sa sulat ni
Ms. Jodi. Talagang nagmamadali, kahit sa sulat ay nararamdaman ko ang
erjensi. Na para bang alam niya na kapag nawala siya ay hindi titigilan ng
mga kalaban niya ang mga anak niya.

"Sino ba ang mga kalaban mo, Ms. Jodi?" pabuntonghiningang tanong ko


na para bang may sasagot sa akin. Para kasing biglang may sumagi sa isip
ko na nagtutulak sa aking tapusin ang mga kalaban niya. Para matapos na
rin iyong paghahabol sa kambal. Pero dahil wala akong alam ay wala rin
akong magawa.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Nakasulat din pala rito iyong tungkol sa


dayamon nekleys. Ang sabi ni Ms. Jodi ay kailangan ko raw 'tong ibigay
kay bossing at sabihin na ibigay sa susunod na magmamay-ari sa tamang
panahon.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang ipatago ni Ms. Jodi kay
bossing iyon kung p'wede namang ibigay na at hayaan iyong kambal ang
mag-ingat dahil sa tingin ko ay pamana naman iyon sa kanila.

Pero susundin ko na lang din dahil mas okey na rin siguro na nasa
pangangalaga muna ni bossing in da min taym dahil bata pa naman ang
kambal. Seypti kipings na rin dahil shur naman akong hindi pag-iinteresan
ni bossing iyon dahil limpak-limpak ang salapi n'on.

Binasa kong lahat ng nakaulat doon hindi lang dalawa, kundi limang beses.
Para sigurado pa sa siguradong nasaulo ko ang mga habilin ni Ms. Jodi at
ma-eksekyut ko nang tama.

Lumabas na ako ng kuwarto bitbit ang kwintas na nasa bulsa ko na ngayon


at iyong sulat. Nagpunta ako sa sala nila kung nasaan iyong payrpleys at
nilabas ang layter ko.

Sinindihan ko iyong sulat na binigay ni Ms. Jodi para sa akin dahil isa rin
iyon sa mga habilin niya. Kaya siniguro ko talagang natandaan ko ang lahat
ng nandoon dahil wala nang maiiwan sa aking kodigo. Istak nalejs na lang.

Nilapag ko iyong papel sa mga patong-patong na kahoy at hinayaang


matupok iyon doon bago lisanin ang bahay. Agad akong bumalik sa ospital
upang sabihin kay Mei ang lahat ng nadiskubre ko at nang mapagplanuhan
namin kung paano namin gagawin ang lahat ng iyon nang maingat...at
magkasama.

"Dadi...ayaw ko pong maiwan dito. Gusto ko po kasama kayo ni Mami.


Huhuhu," iyak ni Chiasa habang nakapatong ang pisngi sa balikat ko.

"Ako rin, Dad, Mom. Hindi po ba puwedeng sa inyo na lang po kami?


Mabait naman po kami ni Chia," sabi naman ni Chikao.

Napabuntonghininga naman akong tumingin kay Mei na umiwas lang ng


tingin sa akin. Kanina pa ganito sina Chiasa at Chikao. Simula noong
malaman nilang ihahatid namin sila ni Mei sa besprend ni Ms. Jodi na si
Cari Lyn ay wala nang tigil iyang dalawang iyan sa kakaiyak at pag-pawt.

Kilala naman daw nila si Ms. Cari Lyn at mabait naman daw. Totoong
bespren daw iyon ng mami nila simula dati pa. May anak din daw itong
nagngangalang Helene Omori na halos kaedad lang nila at ka-klows pa
kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila roon.

Pakshet!

Ang hirap talagang maging guwapo at lababol. Ayaw na tuloy humiwalay


sa akin n'ong kambal. Pero kahit naman ako ay ayaw ko na mapalayo sa
akin iyong kambal ay wala akong ibang choys. Kailangan kong sundin
iyong daying wish ni Ms. Jodi nang sa ganon ay makampante siya para sa
mga anak niya kung nasaan man siya sa ngayon.

"Anak...hindi p'wede. Kabilin-bilinan nang mami ninyo na ihatid ko kayo


kay Ms. Cari Lyn. Mas seyp at mapapabuti kayo roon," sabi ko habang
hinahagod ang likod ni Chiasa. Nakakalong kasi sa akin at nakayakap.
Ayaw bumitaw.

Mas lalo tuloy umiyak. Hindi naman humahagulgol pero nagpapaawa.

Si Chikao naman ay nakanguso at magkakrus ang mga braso habang


nakasandal sa gilid ni Mei. Naka-sheyds pa nga pero syur na syur akong
magkadikit na rin ang kilay niyan.

Nasa taksi na kami at papunta na sa bahay ng mga Omori. Sinulat ko na


lang iyong adres nila at binigay sa drayber kanina dahil hirap na hirap na
akong makipag-usap sa kaniya.

Petengene, ma men! Ang hirap naman kasi mag-Japanis.

"There's nothing to worry about, twins. We will visit you when there is an
opportunity and we will also be in frequent communication. Kaya kung
kailangan n'yo kami, we will get here as soon as possible," sabi pa ni Mei.
Tumango naman ako kahit kaunti lang ang naintindihan ko.

Masyado kasi akong pokus sa kagandahan niya habang nagsasalita kaya


medyo na-los ako.

"Yu herd yor mami. Wi wil go hir ip yu nid as so der is nating tu wori
abawt," pag-ulit ko pa.

Hindi naman sila sumagot kaya sa tingin ko ay naintindihan naman nila ang
sinabi ko.

"Huwag na kayong malungkot, mga anak. Nalulungkot din ako," sabi ko pa.

Kung puwede lang kasi namin talaga silang ampunin, ginawa na namin ni
Mei. Pero planado na ang kinabukasan ng mga batang ito at masisira iyon
kapag hindi namin sila ibinigay kay Ms. Omori.

"I think we're here..." anunsiyo ni Mei nang huminto ang taksi sa tapat ng
isang bahay. Nagkatinginan kami ni Mei bago tumango sa isa't isa at
bumaba na ng sasakyan. Buhat ko pa rin si Chiasa habang hawak naman ni
Mei si Chikao. Tinulungan pa kami ng drayber na ibaba ang ilang bagahe
ng kambal bago kami tuluyang iniwan.

Si Meisha ang nag-dorbel at maya-maya lang ay pinagbuksan kami ng geyt


ng isang maputing babaeng singkit.

"Hello, I am Meisha Lerwick. I am with my husband, Sebastian Lerwick.


And we're looking for a woman named Cari Lyn Omori. I believe she lives
here," sabi agad ni Mei.

Tumaas ang kilay niya. "What do you need from me—" Nawala ang
kasungitan sa mukha niya nang makita niya si Chikao na nakatingin din sa
kaniya ngayon. "Oh my god. Chikao?" gulat niyang tanong.

Maangas na tinanggal naman ni Chikao ang sheyds niya at isinabit sa


poloshert na suot. Nagpogi sayn pa kay Ms. Cari Lyn bago tumango. "Hello
po, Tita," bati niya.

Syet! Anak ko iyan!

"W-what are you—I don't understand. Who are you? Where's Jodi?"
gulong-gulong tanong niya. Palipat-lipat pa ang tingin niya sa aming mag-
asawa pati na rin sa kambal.

"Is that Chia?" tanong niya ulit nang makita ang batang buhat ko.

Tumango naman ako sa kaniya at bahagyang binulungan si Chiasa. "'Nak,


gusto kang makita ng tita mo."

Inangat niya ang mukha niya at lumingon kay Ms. Cari Lyn. "Yes, Tita?
He-he?"

"I'm sorry. I know you're confused about why we're here and why we're
with Jodi Andres' kids. But don't worry, we've come to explain everything.
Do you mind if we talk inside? We didn't think it would get this cold out
here," sabi ni Mei.

Saglit na napaisip si Ms. Cari Lyn. Mukhang hesitant pa kung patutuluyin


kami sa bahay niya dahil s'yempre sino ba naman kami? Bigla-bigla na lang
kaming nagdo-dorbel kasama ang anak ng bespren niya tapos ay
papapasukin niya kami?

Mga ilang segundo siyang natahimik bago tumango. Binuksan niya nang
malawak ang geyt at iginaya kami papasok sa bahay niya. Pinaupo niya
kami sa sopa sa sala at binigyan pa ng mainit na tsaa.

"Tenkyu, Ms. Cari Lyn," sabi ko at humigop n'on. Syet! Represhing!


Kanina pa naninigas ang dila ko sa lamig, eh.

"It's nothing. Now, can you tell me what brought you here with the twins?"
tanong niya sabay suyad sa kambal na nandoon kabilang parte ng sala.
Nakikipag-usap ang mga ito sa anak ni Ms. Cari Lyn na si Helena.

"Maybe you haven't found out yet, but your best friend is gone," pag-
uumpisa ni Mei na naghatid ng gulat sa mukha ng kaharap namin.

"W-what?!" hindi makapaniwalang tanong niya

"And then she left a note asking my husband to give you the twins at the
earliest possible time. And about Jodi, I'm so sorry for your loss,"
pagpapatuloy pa ni Mei. Tumango naman ako.

Aktuwali ay wala naman akong ambag dito. Napag-usapan na talaga namin


ni Mei na siya na ang kakausap kay Ms. Cari Lyn dahil mas magaling siya
sa pakikipag-usap at siguradong mas magkakaintindihan sila agad.

"What..." ulit niya pa pero mabilis ring umiling. Hindi pa rin yata
natatangap ng sistema ang narinig kanina lang. "Wait, what? I'm sorry. I just
can't accept that—Oh, shit." Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya
kaya bigla siyang tumayo. Inabot niya iyong tishu sa may istante bago
bumalik sa harap namin.
"We're so sorry," nakikisimpatiyang sabi ulit ng asawa ko.

Hinintay naming matapos si Ms. Cari Lyn at makabawi sa pag-iyak.


Pagkatapos n'on ay nag-umpisa na siyang magtanong ng mga nangyari na
matapat naman naming sinagot ni Mei. Ako rin ang sumasagot paminsan-
minsan dahil mas alam ko ang mga pangyayari. Buti na nga lang ay
nakakaintindi pala ng Tagalog si Ms. Cari Lyn kaya hindi ako nahirapan.

Natanong niya rin kung paano namin nakilala ang bespren niya kaya sinabi
ko na si bossing ang nagpakilala sa aming dalawa. Nagulat pa nga kami ni
Mei na kilala rin pala ni Ms. Cari Lyn si bossing. Hindi na lang din kami
nagtanong dahil hindi naman namin bisnes iyon.

Pinaliwanag na rin namin sa kaniya kung bakit namin hinatid ang kambal
dito na mabilis naman niyang naunawaan. Sinabi niya rin sa amin na usapan
na rin daw talaga nilang dalawa ni Ms. Jodi ang bagay na iyon. Na siya ang
mag-aalaga sa anak ni Ms. Jodi kapag nawala ito, at si Ms. Jodi naman sa
anak ni Ms. Cari Lyn kung siya ang mawala. Hindi lang niya raw inasahan
na mawawala na siya talaga.

Ilang oras din ang tinagal ng pag-uusap naming iyon hanggang sa ito na
kami ni Mei. Nasa labas na ng bahay pero hindi tuluyang makaalis dahil
nakalingkis na naman sa amin ang kambal at umiiyak.

"Mga anak," panimula ko. Lumuhod pa ako upang maging kapantay ko


silang dalawa. Hinawakan ko ang mga pisngi nila at ngumiti.

Kahit na para naiiyak na rin ako. Petengene!

"Lagi n'yong tatandaan na hindi namin kayo iiwan dito dahil ayaw namin sa
inyo. Hindi iyan totoo, hmm? Lab na lab kayo ni dadi pero dis is wat is bes
por yu," emoshonal na sabi ko.

"We are just one call away, okay?" sabi naman ni Mei. Lumuhod din siya sa
tabi ko at ngumiti sa mga bata. "Iniwan na namin ang contact information
namin kay Ms. Cari Lyn so you can call us anytime you want."
Converted by lsbt
"Pramis po? Sasagot kayo?" naninigurong tanong ni Chiasa.

"Oo naman, 'nak! Pramis, kros may hart," mabilis na sagot ko.

"Anak n'yo pa rin po ba kami kahit hindi n'yo na kami kasama?" tanong
naman ni Chikao. Nagkatinginan tuloy kami ni Mei bago maagap na
tumango sa tanong niya.

"Of course. Why are you even asking that, huh?" tanong ni Mei at ginulo pa
ang buhok ni Chikao.

"Let them leave, kids. You don't want them to miss their flights, do you?"
singit ni Ms. Cari Lyn.

Nasabi rin kasi namin sa kaniya na ngayon rin ang playt namin pabalik ng
Pinas. Gustuhin man namin ni Mei na manatili pa at maggala ay hindi
p'wede. May Kayden at Cody pa kaming dapat uwian.

Nakanguso namang lumapit sa akin si Chiasa. Yumakap sa akin ng


mahigpit at bumulong. "Ay lab yu, Dadi."

"Ay lab yu tu, 'nak," sabi ko at pinugpog pa siya ng halik sa chiks hanggang
sa makiliti siya. Sunod siyang yumakap at nagpaalam kay Mei. Habang si
Chikao naman ay lumapit sa akin at yumakap din. Kakatapos lang niyang
magpaalam kay Mei.

"Gudbay, anak. Olweys remember na guwapo ka dahil mana ka sa akin at


lab ka rin ni dadi."

"Love you, too, Dad. At opo, lagi po akong guwapo. Mas guwapo pa sa
'yo," sabi niya. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Aba't!

Pero hindi ko na lang pinatulan. Pagbibigyan ko muna siya ngayon dahil


kailangan na talaga naming umalis.

"H'wag kayong magpapasaway rito, ha?" paalala ko pa sa kanila. Tumango


naman sila sa akin at tipid na ngumiti. Hinawakan na rin ni Ms. Cari Lyn
ang mga kamay nila dahil nandito na ang taksing maghahatid sa amin sa
erport.

Pumasok na kami ni Mei sa taksi at nang makaupo ay binuksan pa namin


ang bintana para masilip sila sa huling pagkakataon.

"Gudbay, Dadi en Mami."

"Take care."

"Gudbay, mga anak," sabi ko. Sabay pang nag-playing kis iyong kambal na
pabiro ko namang sinalo. Isang huling sulyap pa at umayos na ako ng upo.

"We will see you again, Chiasa and Chikao," huling sabi ni Mei at tuluyan
nang umandar ang taksi. Palayo sa bahay ng mga Omori. Palayo sa kambal.

-DI EN-

Converted by lsbt

You might also like