You are on page 1of 23

PANGALAN: _____________________________________________PETSA:__________________

TAON AT PANGKAT: ____________________________________SKOR:____________________

Week 1
Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga tema ng heograpiya;
2. Natutukoy ang katangiang pisikal ng daigdig;
3. Naipagmamalaki ang katangiang pisikal ng daigdig.

Paksa: Heograpiya ng Daigdig

MGA GAWAIN:

Gawain 1. GEOpardy!

PANUTO:
Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na
ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang
papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.

gubat
Pacific Ocean Antarctica

globo bundok
lahing Austronesian

compass bagyo Tropikal

Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig?


(Pacific Ocean)

1
Paksa: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
Gawain 2. Tukoy-Tema-Aplikasyon
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap.Pansinin ang bawat
sitwasyon tungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.


2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan
ng West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang
bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang
patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa
kalungsuran.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may
magagandang pasyalan.
8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

Pamprosesong Tanong:
1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon sa limang tema
nito.
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng
bansa?
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?

2
Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

Sagutin ang tanong sa ibaba:


Nasaan ang planetang daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa posisyon ng daigdig
sa solar system?

Paksa: Ang estruktura ng daigdig.

Gawain 3: Bahagi Ko! Tukuyin Mo!


Panuto: Tukuyin ang bahagi ng dagidig. Isulat ang sagot sa patlang.
1.______________________

__ 2.____________________

__ 3.____________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano –ano ang mga bahagi ng dagigdig?
2. Nahirapan k aba sa pagtukoy sa mga bahagi ng daigdig? Bakit?
3. Mahalaga bang malaman ang mga bahagi ng daigdig? Pangatwiranan.

3
Gawain 4. KKK GeoCard Completion
Panuto: Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format.
Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan
sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang
kataga na nasa loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng
nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:
Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at iba
pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan?

K
G

E Mga Kataga:
1. Planetang Daigdig
O 2. mantle
K 3. plate
C 4. pagligid sa araw
5. longtitude at latitude
A

D K

4
Paksa: Ang Klima

Gawain 5. Dito sa Amin.


Panuto: Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan
sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng impormasyon
tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin ang pangungusap
sa ilalim na bahagi ng diyagram.

Ako si _____________________.

Narito ako sa ______________.

Ang klima
Ang mga likas na
dito ay
yaman dito ay
_________
______________
____________ __________

Batay sa taglay na klima at likas na __________________________________________________________


yaman ng aming lugar, ang __________________________________________________________
pamumuhay dito sa amin ay __________________________________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang klima?
2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?
4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pagunlad ng kabuhayan
ng tao mula noon hanggang ngayon?

5
Paksa: Ang mga Kontinente

Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig?

Gawain 6: Story Telling


Panuto: Ipakuwento sa mga mag-aaral paano
nabuo ang mga kontinente sa daigdig. Isulat nila ito sa
isang buong papel.

Gawain 7. Three Words in One

Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/ hayop na tinutukoy sa bawat bilang?
Isulat ang sagot sa kahon.
1 2

Nile Rocky
Mountain
River Sahara
Desert Egypt Hudson Appalachian
Bay Mountains s

3 4

Cape
Andes Argentina
Horn
K-2 Tibet
Mountains Lhotse

5 6
Iberian Balkan
Tasmanian devil Peninsula Peninsula
Kangaroo Micronesia Italy

6
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?
2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng daigdig?

Paksa: Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Gawain 8. Illustrated World Map


Panuto: Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na
nasa loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo:

dagat,
bundok disyerto
look, golpo

ilog
bulubundukin

Anyong Lupa Anyong Tubig


Greenland Nile River
Madagascar Amazon River
Borneo Yangtze River
South China Sea
Mt. Everest
Mediterranean Sea
Mt. Kilimanjaro Caribbean Sea
Sahara Desert Bering Sea
Himalayas Mountain Range Arabian Sea
Andes Mountain Range Bay of Bengal
Appalachian Mountain Range Hudson Bay
Tibetan Plateau Gulf of Mexico
Scandanavian Peninsula Persian Gulf
Arabian Peninsula

7
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at tubig na makikita sa mapa?
2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan?
3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao?

8
PANGALAN:___________________________________PETSA:__________________

TAON AT PANGKAT:__________________________________SKOR:_____________

Week 2-3
Most Essential Learning Competency:

Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa


daigdig (lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig):

Mga Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga wika ng iba’t ibang bansa;


2. Natutukoy ang mga sinaunang tao sa daigdig;
3. Naipagmamalaki ang pamana ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig.

Paksa: Heograpiyang Pantao


Gawain 9. Crossword Puzzle
Panuto: Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng
pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.
Pahalang Pababa
1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming
3. Sistema ng mga paniniwala at tagasunod
rituwal 4. Pamilya ng wikang may
7. Pagkakakilanlang biyolohikal pinakamaraming
ng pangkat ng tao taong gumagamit
9. Pamilya ng wikang Filipino 5. Salitang-ugat ng relihiyon
10. Matandang relihiyong umunlad sa 6. Salitang Greek ng “mamamayan”
India 8. Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan

1 2
3 4

5 6

10 9
Gawain 10. Modelo ng Kultura
Panuto: Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang
inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at
bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng iyong
pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong
kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng
kasuotang suot ng kapangkat.
6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito
batay sa ibinigay na rubric.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa
kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili
ng iyong kapangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa
batay sa gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?

Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman ng Kasuotan Wasto ang impormasyong nakasulat at mga 10
bagay o simbolong nakaguhit sa damit;
nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng
aralin
Disenyo ng Kasuotan Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay 10
at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit;
malinaw ang mensahe batay sa disenyo
Pagmomodelo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa 5
klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o
bansang kinakatawan ng modelo
Kabuuan 25

PANGALAN: ___________________________________PETSA:__________________
10
TAON AT PANGKAT: __________________________________SKOR:_____________

Week 4
Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa
panahong prehistoriko

Mga Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga panahon sa yugto ng pag-unlad ng kultura;


2. Nakapagpapahalaga sa mga tanyag na prehistorikong tao;
3. Naipagmamalaki ang mga kontribusyon ng mga sinaunang tao sa kasalukuyan.

Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao

Gawain 11. Kung Ikaw Kaya?


Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.
Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong pang
arw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang Dahilan ng iyong
pagpili.

apoy bato

banga kahoy

buto ng hayop

Pamprosesong Tanong
1. Alin ang iyong mga pinili ?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang bagay na pinili?
Ipaliwanag ang sagot.

Gawain 12. Ano Ngayon? Char


11
Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng
pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa
kasalukuyang pamumuhay.Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa
kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan.
Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t
ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat
sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwang
kahon,

Paggamit ng apoy

Pagsasaka

Pag-iimbak ng labis na pagkain

Paggamit ng mga pinatulis na bato

Paggamit ng mga kasangkapang


metal
Halimbawa:

Pagtatayo ng mga permanenteng


tirahan

Pag-aalaga ng mga hayop

Pamprosesong Tanong
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?

12
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking
epekto sa kasalukuyan

PANGALAN: ___________________________________PETSA:__________________
13
TAON AT PANGKAT: __________________________________SKOR:_____________

Week 5
Most Essential Learning Competency: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;


2. Naiisa-isa ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;
3. Nakapagpapahalaga sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig sa kasalukuyan.

Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Gawain 13. WQF Diagram

Panuto: Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan ng


WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito

1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuugnay sa paksa.
2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa Bilog “F” (facts). Pabalikan ito pagkatapos ng Pagnilayan/
Unawain.
Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

W Q
F

Gawain 14. Geography Checklist


Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist sa ibaba.
1. Makilahok sa iyong pangkat.
2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin:
(1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang
Egyptian, (3) Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5)
Kabihasnang Mesoamerica.
3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong
pangkat. Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa manila
paper) sa tulong ng sumusunod na panuto:

14
Isulat ang kabihasnang nakatalaga sa pangkat

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikalng kabihasnang nakatalaga sa pangkat.

4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang pangkat.


5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat.
6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto:
Isulat ang pangalawang
kabihasnang
Isulat ang pangatlong
ihahambing
kabihasnang ihahambing

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:
1.
2.
3.

Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung taglay ng mga


kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpikal
ng kabihasnan ng inyong pangkat.

7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng


paghahambing ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal .

Pamprosesong Tanong
1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may
malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang
kabihasnan?
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?
4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na
mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.

15
Gawain 15.Data Retrieval Chart

Panuto: Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang bawat column.


MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG

KABIHASNAN HEOGRAPIYA KATANGIAN KONTRIBUSYON


1.
2.
3
4.
5.
6.

16
PANGALAN: ___________________________________PETSA:__________________

TAON AT PANGKAT: __________________________________SKOR:_____________

Week 6-7
Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt,
Mesopotamia, India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at
Lipunan

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;


2. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;
3. Naipagmamalaki ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig sa
kasalukuyan.

Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Gawain 16. Complete It!

A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra sa
patlang.
1. ___ ___ M ___ ___ - Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia
2. ___ K ___ ___ ___ - Unang imperyong itinatag sa daigdig
3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ - Kabisera ng Imperyong Babylonia
4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ - Imperyong itinatag ni Nabopolassar
5. ___ ___ T ___ ___ ___ - Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia
6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ - Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia

B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang


makumpleto ang pangungusap.
1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil
__________________________________________________________.
2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang
__________________________________________________________.
3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _________________________
__________________________________________________________.
4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang
__________________________________________________________.
5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa
Imperyong Persian ang _______________________________________
__________________________________________________________.

Pamprosesong Tanong
1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?
2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo?
3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?
17
4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at pagbagsak ng mga
kabihasnan”

Gawain 17. Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya


A. Iguhit sa loob ng kahon ang pyramid ng Sistemang Caste. Punan ang bawat
baitang ng mga kinakailangang impormasyon

Ang Sistemang Caste

B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at Panahong Vedic. Sa
pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa kasalukuyan.

AMBAG NG KABIHASNAN KAPAKINABANGAN NGAYON

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito.
2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?
3. Ano ang iyong opinion tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa
sistemang Caste? Ipaliwanag ang sagot.
18
Gawain 18. Empire Diagram
Panuto: Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya. Sa
mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga
ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang
bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag na
imperyo sa Timog Asya.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo?
2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?
3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang kabihasnan?

19
Gawain 19. Pagbuo ng K-Web Diagram
Panuto: Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan – Web Diagram.”
1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang.
2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.

Mesopotamia
Egypt

Mesoamerica
Sinaunang
Kabihasnan Indus

Tsino

1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian


2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus
3. Sagradong aklat ng mga Aryan
4. Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”
5. Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America
6. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu
7. Bahay-sambahan ng mga Sumerian
8. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt
9. Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng diyos”
10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa “Seven Wonders” ng sinaunang daigdig
11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop
12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng Mexico, Guatemala,
at El Salvador
13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt
14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan
ang China
15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian

20
PANGALAN: ___________________________________PETSA:__________________

TAON AT PANGKAT: __________________________________SKOR:_____________

Week 8
Most Essential Learning Competency: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;


2. Naiisa-isa ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig sa kasalukuyan;
3. Nakapagpapahalaga sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Aralin 3: Mga Pamana ng Sinaunang Kabihasnan


sa Daigdig

Gawain 20: Data Retrieval Chart


Panuto: Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang bawat kolum

Mga Kabihasnan Pamana


1 Mesopotamia
2 Indus
3 Tsino
4 Egypt

ILIPAT AT ISABUHAY
Sa pagkakataong ito, isagawa ang huling yugto ng Modyul 1, ang ILIPAT. Gamit ang
kaalamang natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto at pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang
sarili sa pagbuo ng susunod na proyekto.

Gawain 21 – Differentiated Instruction


Panuto: Hahatiin ang klase ng 6 na pangkat. Bawat pangkat ay may nakaatang na gagawin.

Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia- Dula-dulaan


Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia- Jingle
Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian- Pagsasayaw ng Pantas (Interpretative Dance)
21
Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus- Pagkanta
Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino- Sabayang Pagbigkas
Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica- Tula

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Kaangkupan sa paksa 20
Pagkamalikhain 20
Praps at kostyum 10
Kabuuan 50

22
REFERENCES
https://commons.deped.gov.ph/MELCS-Guidelines.pdf
https://www.academia.edu/33398547/Kasaysayan_ng_Daigdig_Araling_Panlipunan
http://icomets.org/wh/chap01.pdf
http://icomets.org/wh/chap02.pdf
https://www.facebook.com/ap.grade9/photos/pcb.2261313297218218/2261313213884893/?
type=3&theaterhttps://www.slideshare.net/whosign/araling-panlipunan-kasaysayan-ng-daigdig-module

23

You might also like