You are on page 1of 3

Ang kakaibang tinig ni Raven

Narrator: Sa isang kagubatan ay may lugar kung saan ang mga ibon ay nagtataglay ng kani-
kaniyang magagandang tinig. Isang araw ay nag tagpo ang magkaibigan na sina Tweety at
Ayana. Nabalitaan nila na magkakaroon ng isang paligsahan ng pag-awit kaya pinag usapan nila
ito.

Ayana: Ako ay nagagalak sa paparating na paligsahan ng pag-awit. Handa na akong ipakita ang
aking talento. La-la-la (hum)
Tweety: Ako din hindi ko na ito mahintay pa!
Raven: Magandang araw! Narinig ko na pinag-uusapan niyo kanina ang isang paligsahan ng pag-
awit.
Tweety: Sino ka? At bakit tila ang tinig mo ay naiiba?
Raven: Ako si Raven
Ayana: Bakit ninanais mo ba na sumali sa paligsahan na iyon? Huwag ka na umasa dahil sa tinig
mo na iyan ay wala kang pag-asa na manalo pa. HAHAHA (tatawa)
Tweety: HAHAHA (tatawa), tama huwag ka nang mag-abala na alamin ang paligsahan dahil
sapat na sa amin ka na lamang mapahiya.
Raven: Ngunit nais ko din ang pag-awit.
Ayana: Kahit gaano mo pa kagusto ang pag-awit ay mismong pag-awit ang aayaw sayo.
HAHAHA (tatawa)
Tweety: Mabuti pa ay sumama ka sa mga lobo dahil duon ka nabibilang. HAHAHA (tatawa) Tara
na Ayana magsimula na tayong mag ensayo para sa paparating na paligsahan.

Narrator: Sa pag alis ni Raven sa dalawang mag kaibigan ay nakakita siya ng isang papel na kung
saan ay naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa paligsahan na nabanggit ng
magkaibigan kanina. Dali-dali niya itong kinuha at kaniyang binasa.

Raven: “Nais mo ba na ibahagi ang iyong talento? Halina at sumali sa paligsahan ng tinig! Dito
ay mapapakita mo ang iyong kakaibang tinig.” Kakaibang tinig? Susubukan ko ang paligsahan na
ito at ipapakita sa kanila na kaya ko at iba man ang tinig ko ay mahusay ito.
Narrator: Naisipan ni Raven na magsimula nang mag ensayo. Bigla ay napadaan ang dalawang
magkaibigan. At sa hindi inaasahan ay gulat silang napahinga sa kanilang nadinig. Ngunit mas
lalo nilang kinagulat ng makita na si Raven ang umaawit nito.

Raven: (nakanta), Sa wakas nakukuha ko na siya!


Ayana: Hindi Raven dahil nagkataon lamang iyun.
Tweety: Kung ikaw talaga ang umawit iparinig mo ulit ito sa amin ng harapan.
Raven: Sige susubukan kong muli. (kakanta ngunit hindi na muli maayos)
Ayana: Kita mo na Raven, kung ipagpapatuloy mo pa iyan ay umasa ka na lamang sa mga
pagkakataon mo.

Narrator: Matapos nang usapan nilang iyun ay malapit ng sumuko si Raven dahil kung kailan
akala niya ay mararating na niya ang tagumpay ay bigla naman itong niyurakan ng magkaibigan.
Ngunit biglang kumislap sa kaniyang mga mata ang papel ng paligsahan at parang isang mahika
ay nanumbalik muli dito ang lakas ng loob na magpatuloy. –-Dumating ang araw ng paligsahan
at kabado na pumunta si Raven, agad din niya na natagpuan ang magkaibigan.

Ayana: Raven susugal ka talaga hanggang sa dulo, tignan natin kung hanggang saan ang
kakayanin mo.
Raven: Ilalaban ko to naniniwala ako sa sarili kong kakayahan.
Tweety: Sige Raven, handa na ang mga tawa namin para sayo. HAHAHAHA (tatawa kasama ni
Ayana)

Narrator: Nagsimula na ang paligsahan at isa-isa na ngang nag awitan ang mga kalahok. Tahip-
tahip ang kaba na nararamdaman ni Raven. Hanggang sa sumalang na din sa kumpetisyon sina
Ayana at Tweety, maging ang mga ito ay nag pakita din ng kahusayan sa pag- awit. Hanggang sa
tinawag na ang huling kalahok na si Raven.

Raven: Ang aking awitin na ito ay inaalay ko sa mga katulad ko na nagtatangi ng kaibahan sa
iba. (kakanta)
Narrator: Tahimik ang buong kagubatan ng mag simula hanggang matapos ang pag- awit ni
Raven. Kitang-kita ang gulat sa mga mata ng mga ito. Kahit sina Ayana at Tweety ay hindi na
makapag salita ng kahit ano dahil sa paghanga kay Raven.

Narrator: Isang malakas na palakpakan ang bumungad kay Raven matapos niyang magtanghal,
hindi niya alam kung ano pa ang mas hihigit sa kaniyang nararamdaman. Matapos makapag
desisyon ay ipinahayag na ang nanalo--- walang iba kung hindi si Raven. Matapos matanggap ni
Raven ang parangal ay nilapitan siya ni Ayana at Tweety at kinausap.

Ayana: Ah, Raven patawarin mo sana kami sa mga nasabi namin sa iyo. Nakakahiya man ngunit
sana ay mapatawad mo kami. Binabati kita, napakahusay mo!
Tweety: Mapatawad mo din sana ako Raven, patawad kung hindi kami naniwala sa kakayahan
mo. Natakot lang siguro kami na magkaroon ng isang napakalakas na kalaban. Binabati ka
namin!
Raven: Huwag niyo nang alalahanin pa ang mga nangyari na, kayo ay akin nang pinapatawad.
Salamat din dahil natanggap niyo na kahit sino ay may kakayahan na linangin ang kanilang
pagkakaiba.
Ayana: Maraming salamat, sana nawa ay pumayag ka na maging kaibigan namin.
Raven: Kinagagalak ko na magkaroon ng mga kaibigan. Salamat sap ag tanggap sa akin.

Narrator: At dahil sa pinakitang kahusayan at kabutihang loob ni Raven ay naipamalas niya ang
kaniyang kakaibang talento at nagkaroon pa ng mga kaibigan. Maging isang paalala sana ito sa
lahat na ang pagkakaroon ng kaibahan sa iba ay hindi isang kakulangan kundi isang katangian
na mapaglilinang. Bigyang pahalaga ang bawat isa at hayaan ang mga ito na tumanyag sa sarili
nilang paraan. Tandaan na ang ating sarili ang magiging sandalan sa lahat ng pagkakataon.

You might also like