You are on page 1of 45

1

LOVE TRACK (Limang Maiksing Dula)

Dwight Angelo Y. Vito Cruz


Editor

Alindog ng Buwan
Ni Heleina Dela Cruz
Page 2

Birthday Surprise
Ni Aiko Marie Quiray
Page 11

Paalam, Patawad
Ni Nico Buenaflor
Page 20

Magbalik
Ni Benedict Adizas
Page 26

Butones ng Iyong Polo


Ni Amos Job Baltazar
Page 34

©2023 edition by Stagedreams Inc.


2

ALINDOG NG BUWAN
(A 10 Minute play)

Ni: Heleina Dela Cruz

Mga Tauhan:
Raven — 25 taong gulang, matangkad, may kalakihan ng kaunti ang katawan. Casual at
naka-jacket
Yuan — 24 taong gulang, kasintahan ni Raven, maliit at payat, maganda ang mukha
Tagpuan:
Gabi. Sa pagitan ng alas syete at alas otso.
Ang entablado ay rooftop ng apartment ang setup. Ang background ay madilim ngunit
puno ng mga bitwin sa bandang itaas. Sa kaliwang likurang bahagi ng entablado ay may
maliit na kwarto na magsisilbing daan pababa ng apartment. May pinto ito sa harapan. Sa
likuran at sa kanang bahagi ng entablado ay may magkadugtong na railings. Sa gitna ay
may platform na gawa sa kahoy; hindi masyadong malaki ngunit hindi rin masyadong
maliit; hindi gaanong mataas. Importanteng may mga ilaw sa paligid ng platform. Sa
magkabilang gilid sa harap ng entablado ay may lamppost.
(Dahan-dahang bubukas and dalawang lamppost at ang ilaw. Makikitang nakahiga sa
platform si Yuan; Nakapatong ang kanang braso sa noo.)
(Magbubuntong hininga. Tatayo para maguunat. Maglalakad sa Harapan; Papamewang,
titingin sa itaas.)
YUAN: Tamo nga naman! Kay ganda ng buwan ngayon! Kasing ganda ko! Tsk!
(Nagring ang cellphone na nasa platform. Agad itong kinuha. Ngingiti,
sasagutin ang tawag.)
YUAN: Hello? Raven! Napatawag ka?
RAVEN: (Kakantahan) Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday,
happy birthday. Happy birthday to you! Happy 24th birthday mahal!
YUAN: (Ngingiti) Salamat! ‘Nga pala mahal, makakapunta ka pa ba rito? Pinayagan ka
ba ni tita?
RAVEN: Ahh kasi mahal ano.. (Titigil saglit) ‘Di ulit ako pinayagan ni mama eh,
sorry.
YUAN: (Hihinga nang malalim, Uupo sa platform)
RAVEN: Babawi talaga ako next time! Promise na 'to! Pangako. Kahit ipaputol ko
pa ‘tong dalawang hinliliit ko sa kamay.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


3

YUAN: Sige Raven, okay lang. Naiintindihan ko rin naman na ayaw talaga ng
magulang mo sa relasyon natin.
RAVEN: Sigurado ka? Okay ka lang ba talaga?
YUAN: Oo nga! Parang tanga 'to. (Tatawa nang mahina.) Seryoso Raven okay lang
talaga! (Unti-unting nawala ang ngiti.) Eh ikaw, kamusta? okay ka lang
ba?
RAVEN: Kamusta naman ang birthday ng pinakamamahal ko? Did you have a Yuan-
derful day ba?
YUAN: Corny mo! (Tumawa nang mahina) Jokes aside, sumaya naman ang araw
ko. Mag-isa lang dapat akong magce-celebrate kaso may pa-surprise visit
yung dalawa kong tropa. Kilala mo naman siguro si Xion at Keon diba?
RAVEN: Syempre naman, sila pa ba! Buti pumunta ‘yang mga tropa mo diyan, para
naman may kasama ka magcelebrate. Hilig hilig mo talaga magdiwang
mag-isa!
YUAN: Edi sana sinamahan mo ko. (Pabiro)
RAVEN: Oo nga, tsk. Sayang kasi eh, sorry.
YUAN: Biro lang naman mahal. Don't worry, ayos lang.
RAVEN: Ano namang ginawa niyong tatlo diyan?
YUAN: Nagdala lang naman sila ng cake, soft drinks at iba pang snacks.
(Maglalakad papunta sa kanang bahagi ng entablado. Isasandal ang kanang
braso sa railings.) ta's nag movie marathon kami sa sala. Naglaro ng
baraha, alam mo naman si Keon, mahilig sa sugal pero lagi naming talo.
(Tatawa)
RAVEN: (Tatawa) ‘Di pa rin nagbabago yang tropa mo ha!
YUAN: Oo nga! Hinahanap ka nila kanina eh, ba’t daw wala ka.
RAVEN: Anong sabi mo?
YUAN: Sinabi ko sa kanila na hahabol ka kako maya-maya. Hindi ko naman alam
na ‘di ka pala makakapunta.
(Saglit na katahimikan)
(Haharap sa kanan si Yuan. Ipapatong ang kamay sa railings.)
RAVEN: Mahal, gusto mo ba pumunta ako ngayon?
YUAN: Pinagsasabi mo? (Matatawa)
RAVEN: Okay lang naman, pwede naman akong tumakas–

©2023 edition by Stagedreams Inc.


4

YUAN: Raven! Huwag na. Ayos lang!


RAVEN: Pero wala pa akong regalo sa’yo.
YUAN: (Ngingiti) Ayos nga lang! Ang kulit ha. Kahit magkausap lang tayo ngayon,
okay na ko ron. Huwag ka na mag-abala pang lumabas, baka mas magalit
lang sa’yo mga magulang mo.
RAVEN: (Dahan-dahang papasok ng pinto.)
YUAN: Pwede namang bukas ka nalang ng umaga o hapon pumunta rito. Sa
ngayon, diyan ka nalang muna sa inyo.
RAVEN: Eh diyan sa tabi mo? Pwede ba?
YUAN: (Kikiligin) Luh, Raven ano ba! Umayos ka nga, huwag mong subukan
pumunta rito nang hindi nagpapaalam sa magulang mo ha! Alam kong lagi
kang nagpapaalam sa kanila bago ka umails sa inyo. Huwag mong sirain
tiwala sa’yo ng magulang mo, baka masampal kita.
RAVEN: (Titigil saglit. Tatawa nang mahina. Tahimik na isasara ang pinto.) Eh
kung magpasampal nalang kaya ako sayo ngayon? (Maglalakad papalapit
kay Yuan.)
YUAN: Pinagsasabi mo? Mahal umayos ka, ‘di mo ako maloloko. (Tatawa nang
may nerbyos)
RAVEN: (Tatawa nang mahina. Ngingiti) Yuan, I love you.
YUAN: (Unti-unting mawawala ang ngiti.) Raven, huwag mo sabihing- (Dahan-
dahang lilingon) Raven…
RAVEN: Surprise!
(Tatakbo si Yuan papalapit kay Raven. Magyayakapan ang dalawa.)
RAVEN: Akala ko magagalit ka eh.
(Hihiwalay ng yakap, Hahampasin sa braso)
RAVEN: Aray! (Tatawa)
YUAN: Anong surprise?! Nagpaalam ka ba? Pinayagan ka? Alam ba nilang nandito
ka o baka tumakas ka lang?
RAVEN: Yuan, kumalma ka nga! Huwag kang mag-alala, pinayagan naman talaga
‘ko ni mama. Gusto lang kita i-surpresa kaya hindi ko sinabi sa’yo.
YUAN: Buti naman kung ganoon. Umupo ka muna dito. (Hihilain si Raven
papunta sa platform) Kumain ka na ba? Teka, kukuha lang ako ng pagkain
sa baba.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


5

RAVEN: (Hahawakan sa kanang braso si Yuan) Huwag na Yuan. Kumain na ako,


dito ka nalang sa tabi ko. Usap tayo. (Hihilain si Yuan para umupo sa
tabi nito.)
YUAN: Paano ka pala pinayagan ng mama mo? Himala ha!
RAVEN: Oo nga eh, pati ako nagulat. (Tatawa) Siguro naintindihan niya na tayo.
YUAN: Sana nga…
RAVEN: Alam mo bang lagi kitang kinukuwento kay mama simula noong high
school pa tayo? (Ngingiti) Kahit naiirita na siya sa’kin, dinadaldal ko pa
rin siya.
YUAN: Hoy! Ano namang pinagkukuwento mo sa mama mo tungkol sa’kin?! Baka
lahat ng kahihiyan na nagawa ko alam ng mama mo ha.
RAVEN: Huwag ka mag-alala, hindi ko naman ikukuwento na nadulas ka sa sinehan
at natapon mo yung popcorn sa mukha mo. (Tatawa)
YUAN: Pasalamat ka wala akong pagkukuwentuhan, naaalala mo rin ba nung
nasuka ka pagkatapos nating manood ng 3D movie na ‘yon?
RAVEN: Syempre naman. (Tatawa nang may nerbyos) Sumakit talaga ulo ko sa
palabas na ‘yon! Hindi na talaga ako manonood ng 3D! Ibang palabas
nalang panoorin natin sa susunod ha, pasensya ka na.
YUAN: Ano ka ba, ayos lang, naiintindihan ko naman.
(Saglit na katahimikan)
YUAN: (Titingin sa itaas) Pero seryoso, nag-alala na ako sayo simula nung araw
na ‘yon.
RAVEN: ‘Di mo na kailangan mag-alala Yuan, alam mo namang nagpapagamot na
ko ngayon. (pilit na ngingiti) Actually, kaya ngayong gabi lang ako
nakapunta dito kasi nagpacheck-up pa kami sa ospital ni mama kanina.
YUAN: Kamusta naman? Anong balita diyan sa… brain tumor mo? (Titingin kay
Raven)
RAVEN: Ooperahan na raw ako next month. (Tatahimik saglit. Yuyuko) Mahal, sa
totoo lang natatakot ako. Paano kung hindi maging maayos yung operasyon?
Edi tapos ako–
YUAN: (Hahampasin sa braso si Raven) Umayos ka nga! Kaya ka nga ooperahan
para gumaling. Tandaan mo, wala man ako sa tabi mo sa oras na
ooperahan ka pero nasa labas lang akong maghihintay sayo. Sorry kung
makasarili man ‘tong hihilingin ko sa’yo, pero sana lakasan mo ang loob
mo para sa’kin. Wala na kong magulang at wala na rin akong kapatid,

©2023 edition by Stagedreams Inc.


6

may sariling mga buhay at pamilya ang mga kaibigan ko, kaya ikaw lang
ang mayroon ako.
(Hihinga nang malalim) Ipangako mo sa’king aalagaan mo ang sarili mo,
magpapagaling ka at sabay tayong tatanda. (Hahawakan ang dalawang
kamay ni Raven. Ngingiti)
RAVEN: (Tatahimik) Eh paano kung hindi kayanin ng katawan ko? Alam mo ba,
pinilit ko lang si mama na payagan ako ngayon? Sabi ko mukhang ‘di na
kasi ako aabot sa next birthday mo kaya–
YUAN: Raven!
RAVEN: (Ngingiti) Ganito nalang, nakikita mo ‘yang kalahating buwan? (Tuturo sa
taas)
YUAN: (Titingin sa taas) Oo, ganda noh? Kahit half-moon lang, maganda pa rin,
parang ako. (Isasandal ang ulo sa balikat ni Raven.)
RAVEN: (Tatango) Huwag ka nang pumunta ng ospital sa araw na ooperahan ako at
dito ka nalang. Ayokong maalala mo akong nakahiga sa higaan ng ospital
nang walang buhay. Kapag hindi ako bumalik, isipin mong pumunta nalang
ako sa buwan, para kung may gusto ka mang sabihin kapag wala na ako,
dito ka nalang makipag-usap sa akin. Ayos ba?
YUAN: Raven ano ba yan.. pinagmukha mo naman ata akong tanga roon. Walang
pupunta sa buwan! Ayoko, ang pangit ng naisip mo.
RAVEN: Edi wag! (Tatawa)
YUAN: Ang dami nating magagandang ala-ala sa kalahating buwan na ‘yan, huwag
mong sirain.
RAVEN: Tulad ng?
YUAN: Nakalimutan mo na ba?
RAVEN: Medyo, hehe
YUAN: (Uupo nang maayos. Hihinga nang malalim) Una, noong umamin ka sa’kin
nung high school tayo. Naaalala mo ba?
RAVEN: Ako ba umamin sayo? (Tatawa)
YUAN: May practice tayo sa school that time. Gabi na tayo natapos at umuulan
nung gabing ‘yon, pero wala akong payong na dala kaya sumugod ako sa
ulan.
RAVEN: Nakasalubong kita at may dala akong pulang payong kaya hinila kita
papalapit sa’kin, tama diba?

©2023 edition by Stagedreams Inc.


7

YUAN: (Tumango) Naaalala mo ba ‘yung sinabi mo?


RAVEN: “Baka magkasakit ka.”?
YUAN: (Tumango) Tatlong salita lang ang sinabi mo, pero naramdaman ko pa rin
yung pag-aalala mo kaya dineretso kita at tinanong kung may gusto ka ba
sa’kin. (Tatawa)
RAVEN: Ang bilis mo nga eh! Sa totoo lang nabigla ako ron kaya hindi agad ako
nakasagot.
YUAN: Halata nga! Pero um-oo ka naman. (Tatawa)
RAVEN: Marupok eh!
YUAN: Eh noong birthday ko last last year? Naaalala mo ba?
RAVEN: Syempre naman! Teka, dito rin ‘yon diba?
YUAN: (Tumango) Hinding-hindi ko makakalimutan na half-moon din ang buwan
noong araw na iyon. (Titingin sa taas) Sa buwan lang ako nakatingin
habang iniisip na tapusin ang buhay ko at tumalon sa rooftop ng apartment
na ‘to. Alam mo ba na kung hindi ka pumunta at kumatok rito noong araw
na iyon, at kung hindi ka nagdala ng dalawang cup noodles, malamang
naunahan pa kitang magpunta sa buwan.
RAVEN: Ang tawag doon, tadhana. At bakit ka naman susunduin ni kamatayan sa
special day mo? (Pabulong) Siraulo ba siya?
YUAN: Posible naman ‘yon, walang pinipili si kamatayan. Kapag oras mo na, edi
oras mo na.
RAVEN: Yuan..
YUAN: Hm? Bakit?
RAVEN: Kapag nawala na ‘ko, pakisabi kay mama na lahat ng iniwan ko para sa
inyo ay nasa loob ng isang kahon sa ilalim ng kama ko. Nandoon lahat
ng password at iba pang mga sikreto ko. May mga sulat din doon para sa
inyo–
YUAN: Raven naman…
RAVEN: Naninigurado lang ako. Mas okay na yung handa kaysa sa mawala ako
nang walang iiwan sa inyo diba?
YUAN: Hay nako Raven, huwag mo kong paiyakin. (Tatayo, Lalapit sa pinto)
RAVEN: (Tatayo) Saan ka pupunta?

©2023 edition by Stagedreams Inc.


8

YUAN: Bibili lang ako sa 7/11 ng cup noodles, baka sakaling mapanatag ka.
Nagpapaalam ka na agad eh!
RAVEN: Samahan na kita.
YUAN: Huwag na! Ako na, diyan ka nalang, hintayin mo ’ko. Huwag kang aalis ha!
mabilis lang ‘to. (Maglalakad palabas. Mag ri-ring ang cellphone at sasagutin.)
Uy Xion! Napatawag ka? (Aalis at iiwang bukas ang pinto)
RAVEN: (Titingin sa labas ng pinto, Maglalakad sa gitna, Ngingiti) Ang galing nga
naman ng timing ni tadhana. (Ilalabas ang isang maliit na kahon mula sa
bulsa; bubuksan at makikita ang singsing. Tititigan)
RAVEN: Oras na para dagdagan ng panibagong pangyayari ang magagandang ala-ala
nating dalawa kasama ang buwan. (Titingin sa itaas) Patuloy kitang
bibigyan ng magagandang ala-ala habang hindi pa ako nawawala. (Dahan-
dahang maglalakad sa kanang bahagi ng entablado) Gusto kong sulitin ang
bawat araw, oras, minuto, at segundo na kasama ka.
Alam kong hindi na ako magtatagal o baka hindi ako umabot sa araw ng
kasal. Pero gusto kong iparamdam sayo ang pakiramdam ng may
magsusuot ng singsing sa maganda mong kamay at gusto kong ako lang
ang gagawa noon para sayo. (Maglalakad sa gitna.)
Sinabi kong isipin mo nalang na pupunta ako sa buwan dahil alam kong
kahit mawala ako sa tabi mo ay hinding-hindi ka iiwan ng buwan.
(Titingin sa taas) Gusto kong maalala mo na hindi mo man ako makita ay
mararamdaman mo pa rin ang presensya ko sa alindog ng buwan.
RAVEN: (Haharap sa kaliwa, Biglang iluluhod ang isang tuhod) Yuan will you
marry me?
(May maririnig na busina at nagsisigawan. Maglalakad papalapit sa railings sa kaliwa ngunit ‘di
mautuloy dahil magri-ring ang cellphone ni Raven. Isasara ang maliit na
kahon. Kukunin ang cellphone sa bulsa. Maglalakad papunta sa gitna.)
RAVEN: Hello? Xion? (Maguguluhan)
XION: Raven nasaan ka?!
RAVEN: Teka teka bakit? Nasa apartment ako ni Yuan… Anong meron? Bakit napatawag
ka?
XION: Si Yuan mukhang naaksidente!
RAVEN: Ha? (Matatawa nang kaunti) Pinagsasabi mo? Magkasama lang kami–
XION: (Natataranta) Alam ko! Pero ti-tinawagan ko siya ngayon ngayon lang dahil
naiwan ko yung baraha diyan. Nasabi niya rin saking pumunta ka raw diyan, na
magkasma kayo, nasa 7/11 siya tapos–

©2023 edition by Stagedreams Inc.


9

RAVEN: Tapos? (Magseseryoso ang mukha)


XION: Hindi ko alam Raven! May narinig nalang akong malakas na busina, sumigaw
nang malakas si Yuan at rinig ko rin na bumagsak yung phone niya at yung ibang
tao sa paligid rinig kong natataranta, n-na may nabangga raw ng truck, du-duguan
raw yung tao pero nung tinatanong ko si Yuan kung anong nangyayari, hindi niya
na ko sinasagot!
RAVEN: (Mabibitawan ang cellphone) Hindi… hindi pwede. (Mapapaupo sa gitna ng
platform)
(Kikislap ng dalawang beses ang mga lamppost)
RAVEN: Sabi niya huwag akong umalis dito. Sabi niya babalik siya. Hindi, hindi
ako aalis dito. Maghihintay ako!
(Kikislap ng dalawang beses ang mga lamppost. Dididlim nang kaunti ang mga ilaw)
RAVEN: Paano na ‘tong singsing? P-paano na ko? Akala ko madadagdagan ng
panibagong ala-ala ang araw na ‘to na kasama natin ang buwan pero b-
bakit ganito…
(Pipigilang umiyak) Ayoko… ayokong pumunta ng ospital. Dito lang ako. Ayokong
maalala kitang walang buhay at duguan. (Yuyuko. Maiiyak)
(Bubukas ang mga ilaw na nakapaligid sa platform. Unti-unting mamamatay ang mga
lamppost)
YUAN: (Dahan-dahang papasok ng nakaputing damit. Titingin kay Raven)
RAVEN: (Iiyak nang tahimik) Ipapangako ko sa’yo mahal, aalagaan ko ang sarili ko,
magpapagaling ako. (Buntong hininga) Hindi ko akalaing para sa’kin pala
ang mga sinabi ko kanina…
YUAN: (Aakyat sa platform, Pupunta sa bandang likod ni Raven at luluhod)
RAVEN: (Magpipigil ng iyak) Kapag hindi ka bumalik, iisipin kong pumunta ka sa
buwan, para kung may gusto man akong sabihin ngayong wala ka na, dito
nalang ako makikipag-usap sayo.
Ang sabi mo walang pupunta ng buwan, pero bakit mas nauna ka pa
kaysa sa’kin diyan? (Titingin sa itaas)
YUAN: (Maiiyak) Mahal… I’m sorry…
RAVEN: At bakit naman sinundo ka talaga ni kamatayan sa special day mo? Siraulo
ba talaga siya?
YUAN: Mahal... baka ito talaga ang tadhana ko.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


10

RAVEN: Parang hindi naman tama na nakatadhana kang mawala sa kaarawan mo...
(Magpupunas ng luha. Titingin sa itaas) Tatandaan mo Yuan, maghihintay
pa rin ako sayo ng isang araw, isang linggo, dalawang buwan man o
tatlong taon …
Tatlong taon… tatlong taon man na ang umipas pero bakit masakit pa rin?
(Magpipigi ng luha)
Sinabi mong sabay tayong tatanda… sa pagkakaalam ko ay isang taon lang
ang agwat ko sayo, pero bakit nanatili kang bente-kwatro at bente-otso na
‘ko ngayon?
YUAN: Mahal…
RAVEN: (Tatanggalin ang jacket) Gusto kong malaman mo na natupad ko ang hiling
mo. Nilakasan ko ang loob ko para sa’yo. Mahal… gumaling ako pero
hindi ko ‘yon ginusto. (Ibabato sa sahig ang jacket.)
YUAN: Raven naman…
RAVEN: Sana kasama mo na ang mga magulang mo para hindi ka na magdiwang
ng kaarawan mong mag-isa.
YUAN: Raven, hindi ako nag-iisa… (Yayakapin sa likod) Sorry at ikaw naman ang
iniwan kong mag-isa.
RAVEN: Kasama ko ang buwan, huwag kang mag-alala. (Kakalma. Yuyuko)
YUAN: Gusto kong tandaan mo na hindi mo man ako nakikita…
RAVEN: Hinding-hindi ko makakalimutan na kahit na hindi kita nakikita ay
mararamdaman ko pa rin ang presensya mo sa alindog ng buwan.
(Titingin ang dalawa sa buwan)
RAVEN: Ang tanging hiling ko lang sayo ngayong kaarawan mo ay maging
mapayapa ka sa buwan at makarating ka nang ligtas sa bago mong
tahanan.
YUAN: Huwag kang mag-alala. Matagal na akong ligtas at mapayapa… sa aking
tahanan, mahal. (Hahalik sa pisngi)
RAVEN: Mahal, ako naman ang hintayin mo at huwag kang aalis diyan… mabilis
lang ‘to.
(Unti-unting diidilim ang ilaw)
(Unti-unting mamamatay ang mga ilaw sa platform. Kadiliman)
-WAKAS-

©2023 edition by Stagedreams Inc.


11

BIRTHDAY SURPRISE!
(a 10-minute play)

Ni: Aiko Marie Quiray

Mga Tauhan:

SEVI – 22 taong gulang, Matangkad, Malaki ang pangangatawan, naka polo shirt, crush
ng bayan, sweet na best friend ni Ligaya.

LIGAYA/JOY – 21 years old,payat,maganda ,madaldal, nakapulang dress, may lihim na


pagtingin kay Sevi.

Tagpuan:

Gabi. Sa pagitan ng alas sais at alas siyete.

Ang buong entablado ay cinema set up, napupuno ng mga malalambot at komportableng pulang
upuan.Nababalot ng dilim at lamig ang bawat sulok nito. Naka pwesto siya sa gitnang parte ng
sinehan.Kaunti lamang ang tao rito, dahil inarkila ni Sevi ang sinehan para maging espesyal ang
birthday ni ligaya Ang tanging ilaw lang ay ang ilaw na tumatama sa direksyon ni Ligaya. Sapat
na para makita ang mukha at reaksyon niya. Matapos ito ay lilipat ang eksena sa condo ni Sevi,
isang dinner table sa bandang gitna ng entablado.

(hawak ni ligaya ang cellphone niya at aakmang tatawagan na si Sevi dahil malalate ito sa
papanooring nilang movie)

LIGAYA: (nababadtrip) Seviii sagutin mo to ! anong oras na! (pabulong na sinabi sa sarili)
(nag ring ng ilang segundo ang cellphone ,at sinagot na agad ito ni Sevi)

SEVI: chill ka lang bHie! HAHAHA ito na malapit na ko tadaaaa! HAPPY


BIRTHDAY SA PINAKAMAGANDANG BABAE SA BUONG EARTH!
LOVE YOU! (call hang up) (umupo na si Sevi sa tabi ni ligaya)

LIGAYA: hmpk alam mo sarap mong peltukan sa lungs! anyways thank you (smiles) (palihim
na Kinilig)

SEVI: bhie naman! sorry na please, nagka technical difficulties lang sa condo hehe (nag
puppy eyes)

LIGAYA: (pasigaw na nagsalita)ewan sayo Sevi lagi nalang e, kung di lang kita mahal e---
(tinakpan ni Sevi ang bibig ni ligaya)

SEVI: sssssshhh! huwag kang maingay mag sstart na yung movie!

LIGAYA: (kumalma) s-sorry bhie , okay...

©2023 edition by Stagedreams Inc.


12

SEVI: infairness, ganda ng ayos mo tonight huh, I like your dress and… uhm… your
lips… (pabulong niyang tugon)
LIGAYA: (kinilig ng palihim) duh ofcourse! Today is my birthday dapat lang na pretty ako
noh!

SEVI: oh bat nagbblush ka jan?kinikilig ka no? ( lalong namula si ligaya sa kilig)

LIGAYA: hoy hindi ako nag bblush ha!

SEVI: indenial pa nga ! bat di ka na lang mag thank you jan!

LIGAYA: Ediii thaaank youuu pooo! (sarkastikong tono)(tinarayan si Sevi)

SEVI: don’t worry, may dala naman akong Popcorn at paborito mong milktea (matatawa)
sorry na haaa ito oh (inabot ang dalang pagkain kay ligaya)

LIGAYA: hay nako! alam na alam mo talaga ako utuin ha hmpf!

SEVI: oo naman pampakalma mo yan e, ANG KUMAIN! lamon nang lamon


di naman tumataba (natatawa)

LIGAYA: pake mo ba?! grabe ka ha parang sinasabi mong Dead Hungry (patay gutom)
ako ha!
SEVI: hindi namaaan sa ganon bhie! we’re best buddies since highschool palang
tayo syempre kilalang kilala na kita no!

LIGAYA: heh! Sinisira mo birthday ko eh hmpf!

SEVI: sorry naa pleaase don't worry may birthday surprise ako sayo mamaya.

LIGAYA: eh di hindi na ko na surprise non! Sinabi mo na eh kaloka!

SEVI: Believe me, joy! Ma su Surprise ka pa rin later, Promise! (matatawa)

LIGAYA: siguraduhin mo lang ha! oh shut up na mag sstart na yung movie sshhh! (pabulong
na sinabi ni ligaya)

SEVI: Daldal mo kasi! (matatawa)

(tinarayan ni ligaya si Sevi)

(Nag start na ang movie,na kanilang pinapanood)

(habang seryosong nanonood , biglang sumandal si ligaya sa balikat ni Sevi)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


13

SEVI: kailan kaya ako mag ka karoon ng mala kathryn b. in real life! Hmmm.

LIGAYA: hay nako Sevi 2021 pero wala ka pa rin jowa! or baka naman hinihintay mo si jane
yung crush mo nung grade 7, kaso binusted ka kasi hindi ka pa raw tuli (hahagalpak
ng tawa)

SEVI: (pabirong sisimangot) gago ka! (tatawa) di ko naging crush yon no! Rememeber?
Ako ang crush ng bayan dito. (nag pogi pose)

LIGAYA: Wow ang yabang ha! Alam mo medyo nagtataka na nga ko sayo, bakit wala ka
paring jowa?...

SEVI: Hindi naman kasi ako nagmamadali sa love life ko e, syempre I’m waiting for
the right one yung mamahalin ako ng buong buo hundred percent kung sino man
ako.

LIGAYA: Wow ha! Daming chicks pero naghahanap ng right one? (katahimikan) eh kung
eko nalang kasi deba? Sevi? Nandito lang naman ako lagi sa tabi mo (mahinang
sabi ni ligaya)

SEVI: A-ano ulit yon joy?? Di ko narinig.

LIGAYA: (matataranta) Uhhm W- Walaa bhie nvm, (matatawa) please stop calling me joy,
ligaya nalang or yung tawagan natin "bhie" ganon.

SEVI: ang arte mo , Baket ayaw mo tawagin kang "joy"? Porket mukha kang sebo jan
(pagtatawanan si joy) joke lang!

LIGAYA: Alam mo sobra ka na e! Tampalin keta jan e (aakmang sasampalin si Sevi pero
napigilan agad ito)

SEVI: oops staaaph na! nood na ulet! Dun ka lumingon sa big screen, birthday gurl!

LIGAYA: Ewan sayo bhie, sayo lang naman ako lagi lilingon e. (pabulong niyang tugon)

(sa kalagitnaan ng palabas, ang eksena ay ang "kissing scene")

(sa di malamang dahilan para bang huminto ang oras at dahang dahang nagtama
ang mga mata nila ligaya at Sevi)

(nag slow-mo ang paligid, na para bang sila ang mga bida sa movie na kanilang
pinapanood)

(dahang dahan silang napatingin sa mga labi ng isa't isa, para bang gusto rin
nilang mangyari ang eksena sa palabas)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


14

SEVI: uyy joy, ayos ka lang? (hahawakan ni Sevi ang balikat ni ligaya)

LIGAYA: (magugulat at mapapahiya) o-oyy hehehe hahaha k-kakilig naman k-kissing scene
ng kathniel! Woooh Hahaha (nauutal niyang sabi)

SEVI: bigla kang natutulala jan e! (matatawa) cute mo talaga bhie!

LIGAYA: (matatawa din) wala yon, alam mo naman ako bigla bigla natutulala (unti unting
humina ang boses) nakaka inlove kasi mukha mo Sevi....

SEVI: haaayz kelan kaya ma kaka experience ng kissing scene?!!! My virgin lips, can't
wait.

LIGAYA: (maeexcite) gusto mo ngayon na e, try natin (pabiro niyang sabi)

SEVI: luh, in your dreams! (kunwaring nasusuka)

LIGAYA: grabe ka saken, diring diri lang??

SEVI: (matatawa) hindi naman sa ganon

LIGAYA: try lang naman e, birthday ko naman! (pabirong sabi)

SEVI: anong try try? don’t try me huh, baka bigla kitang sunggaban ng halik jan
sige! (nagulat si ligaya sa sinabi ni Sevi)

LIGAYA: Edi goo! sunggaban mo ko ng halik! (kinikilig)

SEVI: magtigil ka nga ligaya! birthday mo pero wag kang abuso okay?!

LIGAYA: parang hindi mo ko yinakap ng mahigpit nung humahagulgol ako sa lakas ng


kulog at kidlat non!

SEVI: ano ka ba bhie syempre bestfriend kita. Have you heard platonic love???

LIGAYA: ah bestfriends pala ah s-sige oo nga bff pala tayo (tatawa) (sarkastiko niyang
tugon)

SEVI: of course, kaya normal na protektahan kita kasi mahal kita at mahalaga ka
sakin Joy. Haynako ang drama! tara na nga sa condo ko!

(unti unting namatay ang mga ilaw sa entablado)

(muling bubukas ang mga ilaw sa entablado matapos ang chorus ng kanta, makikita ngayon ang
dinner set up sa condo ni Sevi)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


15

(nakapiring si ligaya, habang nasa likod naman niya si Sevi inalalayan siya)
SEVI: ooops dahan dahan bhie, baka mafall walang sasalo sayo sige (tatawa)

LIGAYA: Gago ka! Ang bad mo talaga

SEVI: Joke lang birthday girl!

(inalalayan ni Sevi si ligaya para maupo)

SEVI: oh bibilang ako ha 1,2,3 dilaaaat naaa!

LIGAYA: (dahang dahang dimilat) OMG omg! (nagulat) is this true??? Bhie nanaginip ba
ko? (naging emotional)

SEVI: do you like it bhie? (nakangiting tugon)

LIGAYA: (naiiyak) sobraaaa bhieee grabe I can't believe tinupad mo ang isa sa wishlist ko

SEVI: oooh don't cry naaa, papanget ang birthday gurl na yan sige ka!

LIGAYA: heh! (naiiyak parin) thank you so much Seviii, u da besttt!!!

SEVI: basta for your birthday joy, I gochuu (kikindat)

LIGAYA: awww love u bhiee thank you for making my birthday so special, I didn't expect it!
Pang mag jowa level lang ang peg?? Charot!

SEVI: baliw to! (matatawa)

LIGAYA: char lang! (matatawa din)

SEVI: Bouquet of tulips for you, birthday gurl!

LIGAYA: awww, alam mo talaga kung anong favorite ko! Thank you bhieee.

SEVI: syempre no, rinding rindi na nga ko sa kaka “sana all my tulips” mo! Boomerang
ka ba?

LIGAYA: sira ka talaga! Pero thank you, thank you so much talagaaa sa pa surprise
mo, nandito rin pala mga favorite food ko haaay u're da best talaga!

SEVI: oh diba! sabi ko sayo ma surprise ka pa rin e! (magtatawa)

LIGAYA: oo ngaaa (magtatawa) grabe never ko malilimutan to, This is my most unforgettable
birthday celebration and I'm happy that I celebrated my special day with you, Sevi.
(mapapatitig kay Sevi, dahilan para maging hindi kumportable ang sitwasyon)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


16

SEVI: alam mo, kumain na lang tayo! Masyado kang emotional e, lagi mo naman ako
kasama tuwing birthday mo (pilit tatawa)

LIGAYA: but it always feels special when I’m with you, Sevi---- (seryosong tugon ni ligaya

SEVI: (sasadyaing putulin si Joy) haaay! Oh siya! Let’s eat! (Pilit na tatawa)

LIGAYA: sev--- (kabado at seryosong tugon ulit)

SEVI: yes bhie? What is it? (tuloy sa pagkain)

LIGAYA: ah w-wala hahaha ang sarap ng pagkain (asiwa)

SEVI: I told you masarap yan! (asiwang tatawa) (katahimikan)

LIGAYA: uhhmm (tikhim) Seviii----

SEVI: yess?? Hindi ba masarap yung food b---

LIGAYA : uhhm bhie, I have something to tell you~~~ uhhmm (hingang malalim)

SEVI: go tell me, spill the tea (seryosong tugon)

LIGAYA: m-matagal ko na gustong sabihin sayo 'to Sevi p-pero napanghihinaan ako ng l-
loob, but now I think this is the right time to tell you na~~~ (nauutal niyang sabi)

SEVI: (pilit na tatawa) woaah may big revelation ha? (naiilang niyang tugon) Go
sabihin mo na sakin ya--- (di na natapos mag salita si Sevi, nang biglang sumabat
si ligaya)

LIGAYA: I like you! Ay hindi, S-saranghaeyo, mahal na kita Sevi! I have been keeping my
feelings for you since noong high school pa lang tayo, akala ko temporary feelings
lang but until now I still love you, I’m so in love with you Sevi.. (sunod sunod
niyang sabi, walang preno)(makikita sa mukha ni Sevi ang pagkagulat sa mga
narinig niya mula kay Ligaya hindi niya ito inaasahan )

(nabalot ng katahimikan at kahihiyan ang bawat sulok ng condo, nakayuko lang si Ligaya,
inaantay mag salita si Sevi)

SEVI: bhie naman? Are you okay? (asiwang tatawa) baliw ka ba?

LIGAYA: oo baliw ako, baliw na baliw sayo Sevi! For so many years ikaw lang ang minahal
ko ng ganto Sevi! Akala ko mawawala ‘tong feelings ko but I was wrong, ‘til now
ikaw pa rin, ikaw lang. (nanghihinang tugon ni ligaya)

SEVI: shuta joy wag mo ko idaan sa mga kalokohan mo. Prank ba to?? It’s not funny.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


17

LIGAYA: do you think nagbibiro ako Sevi??? Totoo lahat ng mga sinasabi ko ngayon Sevi!!!

SEVI: how can I believe you joy? we've been BESTFRIENDS FOR SO
MANY YEARS TAPOS SASABIHIN MONG MAHAL MO AK--!

LIGAYA: OO SEVI MAHAL KITA, SOBRRAA AND IT HURTS, EVERYTIME YOU'RE


SAYING NA KAIBIGAN MO LANG AKO!!

SEVI: well, that's the truth joy! KAIBIGAN LANG KITA, I LOVE YOU, BUT AS
A FRIEND!

LIGAYA: TELL ME BAKIT BA HANGGANG NGAYON AYAW MO PARIN BUKSAN


YANG PUSO MO SA MGA TAONG GUSTONG MAHALIN KA?! TELL ME
SEVI.

(di mapigil ang patulo ng kanilang mga luha)

SEVI: Siguro ito na rin ang panahon para sabihin ko 'to joy~~~ (Mahinahon niyang sabi)

LIGAYA: go tell me Sevi!! Bakit ayaw mo sakin??? Panget ba ako?

SEVI: No!

LIGAYA: Panget ba ang katawan ko??

SEVI: No!

LIGAYA: kapalit palit ba ako? (humahagulgol)

SEVI: No!

LIGAYA: THEN WHY?!!! BAKIT SEVIII BAKIITT??...

SEVI: Because I'm gay… bading, bayot, beki, DARNA! (katahimikan) bakla ako joy!
TANGINA HINDI KO GUSTO NG TAHONG, OK? SANA MALINAWAN KA
NA! I hide my sexual orientation for so many years! I tried my best para magka-gf,
pero di ko kaya, gaya mo, gusto ko rin ng hot boyfriend---

(babalot ang katahimikan, bakas ang pagkagulat kay ligaya pero tuloy parin ang agos ng mga
luha, kukuha si joy ang red wine at lalaklakin ito)

LIGAYA: Totoo ba? Or part pa rin ba ‘to ng surprise mo? kasi sobra akong na surprise
Sevi (pilit na tatawa)

SEVI: sana mapatawad mo ko ngayon ko lang inamin sayong gay ako, Im sorry joy –

©2023 edition by Stagedreams Inc.


18

LIGAYA: ssssshh! You don't have to be sorry Sevi, it's my fault---

SEVI: (luluhod si Sevi kay joy habang umiiyak) I'm really sorry joy, natakot ako na baka
di mo matanggap yung sexuality ko, natakot ako na baka itakwil mo ako bilang
kaibigan mo, ikaw nalang ang nakakaintindi sakin joy. Ayokong masira ang
friendship natin dahil dito sorry Joy (nagmamakaawa kay ligaya)

LIGAYA: tumayo ka jan Sevi, ano ka ba! Im happy for you kasi nasabi mo na kung ano ang
totoo sayo, there’s nothing wrong with you ---

SEVI: sorry joy if di ko kayang suklian ang pagtingin mo sakin, hanggang kaibigan lang
talaga joy sana matanggap mo yun.

LIGAYA: That’s okay Sevi if hindi mo pa kaya mag out, always rememeber that you deserve
a genuine happiness Sevi, tanggap kita kung sino ka man. Para saan pa at naging
mag bff tayo diba? (magyayakapan)

SEVI: bhie forever?

LIGAYA: bhie forever!

SEVI: (pupunasan ang mga luha) Ano, bhie? Nasurprise ka ba?

LIGAYA: sobraaa! (magtatawanan)

SEVI: kaloka! Na haggardo verzoza ang feslak ko sayo bhie!

LIGAYA: Pano ba naman kase, eto talaga ang birthday surprise!

SEVI: true ka jan! Pero look oh? Amfresh pa rin ng feslak at lips mo bhie! Sana all
dibaaa!

LIGAYA: Don’t worry bhie, I’ll give you this iyak proof lipstick

SEVI: OMG! For real?? Thank you bhiee

LIGAYA: of course! Alam kong bet na bet mo ‘tong lipstick ko kanina pa.

SEVI: you know what? Because of this I suddenly realized na mas lalong titibay ang
friendship natin!

LIGAYA: I agree with you bhie! (magyayakapan at magtatawanan ang dalawa)

SEVI: oh siya! kumain na lang ulet tayo! Sayang ang beauty natin sa kadramahan na to

LIGAYA: TRUE! See, yung steak dito umiiyak na rin oh.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


19

SEVI: (tatawa) OO NGA, YAWA KALOKA GURL!

(itutuloy nila ang pagkain, unti unting namatay ang mga ilaw sa entablado)

--WAKAS--

©2023 edition by Stagedreams Inc.


20

PATAWAD, PAALAM
(a 10-minute play)

Ni: Nico Buenaflor

Mga tauhan:

Nine - 18 taong gulang, maputi at chinito, katamtaman lang ang katawan, matalik na
kaibigan at karelasyon ni chen

Chen - 19 taong gulang, moreno, simple at may lahing tsino, katamtaman lang ang
pangangatawan

Teressa - 48 taong gulang, ina ni Nine, byuda at guro sa all-boys school na pinapasukan ni
Nine

Wang - 50 taong gulang, ama ni chen, istrikto, may-ari ng isang maliit na restaurant sa
bayan

Tagpuan:

(1) Taong 1993, ng mag-aalas sais ng gabi. Makalumang istasyon ng tren, sa bandang kanan ng
entablado ay isang upuan na kasya ang dalawa hanggang tatlong tao.

(2) Sala ng bahay nila Chen, sa bandang kaliwa ay may lamesa na may telepono, sa bandang
kanan ay pinto papasok ng bahay.

(3) Kwarto ni Nine, sa gitnang ibabang bahagi ng entablado ay ang mesang pang-aral ni Nine, sa
bandang kanan ay pinto palabas ng kwarto, sa bandang kaliwa ay pintuan ng banyo.

(4) kalye

(pagbukas ng ilaw makikitang nakaupo si Chen, papasok si Nine mula sa bandang kaliwa,
makikita niya si Cheng, pupuntahan at gugulatin niya ito.)

NINE: wooi!!!!

CHEN: (nagulat at lilingon) uy!? bwiset ka kala ko kung sino

NINE: (magtatawa) ano ba yang muka na yan ampangit magulat

CHEN: (kukunot ng noo) hmmp.... ewan sayo, oh maupo ka nga dito

NINE: (uupo sa tabi ni chen)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


21

CHEN: oh akala ko ba sabay kayo ng mama mo uuwi?

NINE: ah.. may kaylangan pa daw syang tapusin na lesson kaya mauna na daw ako,
(titingin kay chen) eh ikaw, bat ka namasahe? E diba may motor ka naman?

CHEN: (napakamot sa ulo) tsk eh yung motor naflat kaninang umga, pinaayos ni kuya

(sasandal si Nine sa balikat ni Chen)

NINE: (bubuntong hininga, ngingiti) haaaay...sana ganito nalang lagi

CHEN: (titingin kay nine habang nagsasalita)

NINE: gusto ko na lumayo na tayo dito, pumunta sa may kalayaan tayong magmahal,
doon sana tanggapin nila tayo, sana di na nila tayo husgahan, sanaa....

(biglang tatakpan ni chen ang bibig ni Nine)

CHEN: Sshhh! Hayaan mona sila ang mahalaga mahal natin ang isa’t isa.

NINE: (haharap kay Chen) paano nga pala pagkagraduate ntin san tayo magaaral ng
kolehiyo?

CHEN: sa siyudad… gaya ng napagusapan natin ,dun walang makakakilala satin malaya
tayo dun na abutin natin mga pangarap natin, dito tayo ulit magkikita pagpunta
dun

NINE: (malulungkot) hays sana nga.

(maririnig nila ang padating na tren)

NINE: uuy! Tara ayan na

(Mamatay ang ilaw, pagbukas ay sa sala ng bahay nila Mr. Wang)

WANG: (sa telepono) sige pare, salamat! (makikitang may inaantay at galit)

WANG: san ka na naman galing!!? anong oras na!

CHEN: ha? eh namasahe po ako diba pa?..

WANG: wala ka na bang kahihiyan sa pamilyang to?!! (duduruin si chen) wala akong anak
na pinalaki na abnormal na gaya mo.

CHEN: (natatakot at patuloy ang pagtataka)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


22

WANG: akala mo diko alam yung hindi mo pagdalo sa training ng pagsusundalo, pinahiya
moko sa kumpare ko!!
CHEN: ah.. eh...pa... e ayaw ko naman talaga magsundalo gusto ko tapusin yung kurso
ko.

WANG: (duduruin ng sa noo si chen) inutil!!di kaba marunong lumaban!!? Huh, kala mo
ba diko alam na may kayakap ka raw na lalaki sa istasyon ng tren kanina!?
Nakakahiya kayo!

CHEN: (pinipigil ang pag iyak) diko naman kasalanan na magmahal ng kagaya ko

WANG: wag mo ipagmalaki yan, isa kang kahihiyan! Wala akong anak na may diperensya
sa utak (susuntukin si Chen)

(matutumba si Chen, babangon at aambahan ng suntok ang ama)

WANG: (magugulat, at magpapautal-utal sa pagsasalita) i-i-ikaww!! di kana gumagalang


sakin!?

CHEN : diba sabi mo lumaban ako!? (mapapaikay sa galit)

WANG: kaya pala ayaw mo magtraining dahil sa walang kwentang yon.

CHEN: bakit kung sasabihin ko ba sa inyo kung bakit ayaw ko magtraining


maiintindihan nyo ba ako!? (Bibitawan ang ama at akmang aalis ng bahay)

WANG: hoy! San ka pupunta? di pa tayo tapos magusap!

CHEN: (hihinto sa paglakad, lilingon sa tatay bago tuluyan nang aalis)

WANG: ano di ka talaga makikinig?

(mamatay ang ilaw, patuloy sa pagsasalita sa Wang)

WANG: sige! Pag umalis ka sa bahay na ito itatakwil kita

(bubukas ng ilaw, makikita ang kwarto ni Nine, papasok si Teressa sa bandang kanan)

TERESSA: anak!? Kumain kana?

(magliligpit si Teressa sa kwarto ng biglang tutunog ang cellphone ni Nine, dadamputin ito mula
sa lamesa at matutulala dahil sa nabasa)

TERESSA: ano ba namang bata ito, napakakalat ng…

©2023 edition by Stagedreams Inc.


23

NINE: (lalabas ng mula sa bandang kaliwa, mukang katatapos lang maligo) oh ma


andyan kana pala, ano ginagawa mo dito sa kwarto?

TERESSA: anong meron sainyo ni chen? (pasarkastiko)

NINE: (kinakabahan) Hah? magkaibigan lang kami ma

TERESSA: saan nyo balak pumunta? (hawak-hawak ang selpon)

NINE: akin na muna ma ung selpon at sasabihin ko

TERESSA: (ibibigay ang selpon) ngayon pede mona bang sabihin san kayo pupunta?

NINE: (malungkot) kahit saan wag lang dito

TERESSA: (iiyak) bakit?

NINE: (pigil sa pag-iyak) hindi mo pa ba talaga alam? Ni wala kapa sagot sa tanong ko
dati kung di ako lalaki mahal mo pa rin ba ako?

TERESSA: oo naman, tatanggapin kita kahit ano ka pa anak... (umiiyak)

(magriring ang selpon ni Nine, pero di sasagutin)

TERESSA: wag moko iwan, ikaw nalang ang meron ako (umiiyak)

CHEN: (titingin sa ina habang tumutulo ng unti-unti ang luha)

TERESSA: (magmamakaawa) pwede ka maging ano man ang nais mo basta wag molang ako
iwan

NINE: magagawa ko kung anong gusto ko? dinala mo nga ako sa behavioral therapist,
kung aamin ako matatanggal ako sa school, kaya mo ba yun? (iiyak)

TERESSA: gagawin ko lahat, ang hinihiling ko lang wag moko iwan magisa, wala na ang
tatay mo, ikaw nalang ang meron ako

(magriring ulit ang selpon, sasagutin ni Nine)

CHEN: (sa kabilang linya) helloo??..., Nine ginagawa mo?

NINE: sorry naligo lang ako, kamusta ka jan sa inyo?

CHEN: tinakwil na ako ni papa nalaman nya na di ako pumunta sa training at alam nya na
hindi ako lalaki.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


24

NINE: seryoso ka ba??

CHEN: oo lumayas nako, naisip ko na baka aalis nako ng bayan ngayon, sumama kana

NINE: (lilingon sa ina) ngayon na ba talga?

CHEN: oo, tingen ko mas maganda ngayon

NINE: di ako makakasama ngayon

CHEN: (nagtataka) i-ibig mong sabihin dika sasama?

NINE: I’m sorry, (iiyak, lilingon sa ina) diko pede iwan si mama mag-isa

CHEN: (maririnig ang hikbi sa kabilang linya)

NINE: Chen? Hello??

CHEN: sabi mo sabay tayo aalis ng bayan kahit anong mangyari? tapos magbabago isip
mo dahil sa mama mo?

CHEN: (iiyak, magagalit) di mo ba alam yung tatay ko tinakwil nako dahil sayo!?
Nagsakripisyo ako, iniwan ko lahat para magkasama sayo!

NINE: (iiyak) sorry talaga...

CHEN: sorry? Sorry lang? sa tingin mo mababalik ko pa ba yung nawala sakin!?

NINE: Chen makinig ka sakin…

CHEN: bastaa!! ka-kalimutan mo nalang ang lahat, naging Mabuti lang naman ako sa’yo
kasi naawa lang ako (papatayin ang tawag)

NINE: Chen, Please…

CHEN: di ko na kailangan ng paliwanag mo malinaw na sakin na hindi moko kayang


ipagtanggol

(hindi mapapakali si Nine, sa huli di nya makakayang hindi puntahan si Chen, dali-dali syang
kinuha ang susi ng motor at akmang tatakbo palabas ng bahay)

TERESSA: anak saan ka pupunta!!?

NINE: (lilingon kay Teressa) kailangan kong puntahan si Chen ma

(mamatay ang ilaw)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


25

TERESSA: (iiyak) anak saglit… wag moko iwan… sira ang ang pren… anak…

(maririnig ang pagandar ng motor)

(Bubukas ang ilaw, naglalakad pauwi ng bahay si Wang at Chen)

CHEN: hay! Namiss ko itong lugar na ito ah.

WANG: anak! Balita marami raw mga dalagang nagkakagusto sa’yo roon ah? Manang
mana ka talaga sa tatay mo.

CHEN: hindi naman po sa ganun.

WANG: ay naku wag mo na itanggi pa, nabalitaan ko yon sa anak nung kumpare ko nung
umuwi dito

CHEN: pa!

WANG: (lilingon) oh bakit?

CHEN: pa, bat parang wala nang nakatira doon (tuturo sa bahay)

WANG: (tatawa) ah yun ba matagal na walang tao dyan simula nung mamatay yung anak
na lalaki ng teacher na nakaaway mo sa school nung bata kapa, naalala moba
yung araw na umalis ka nung araw nayon yun din ang araw na nabunggo ung
anak non andaming tao ang nakakita kalat na kaya dito sa bayan ang nangyari

CHEN: (gulat at pinipigil ang pag-iyak)

WANG: (ngingisi) haaay… ewan ko bas a mga kabataan, magmomotor tapos di naman
nagiingat

CHEN: (di mapipigilang lumuha, tititig sa lumang bahay, unti-unting mamatay ang ilaw)

- WAKAS -

©2023 edition by Stagedreams Inc.


26

MAGBALIK
(10 Minute Play)

Ni Benedict Adizas

Mga Tauhan:

Alfonso – 70 taong gulang, hindi mukhang matanda at may-katangkarang lalaki, naka-


stripes na polo lang at eyeglasses

Eva – 20 taong gulang, maganda at mukhang may lahi, may ka-pandakan, Old-
fashioned at pangmayaman ang kasuotan

Tagpuan:

Pagitan ng ika-lima at ika-anim ng hapon, bago lumubog ang araw.

Ang ayos ng entablado ay isang maganda, malawak at maaliwalas na parke. Napapalibutan ng mga
malalaking puno kung kaya’y mahangin ang kapaligiran. May dalawang park bench sa gilid na
may katabing poste ng ilaw. Ang mga damo'y maliliit lamang na sa paligid-ligid ay may mga
magagandang bulaklak. Sa gitna ng park nakatayo ang isang sobrang laki at matandang oak tree
na ang baba ay napapalibutan ng mga magaganda at makukulay na bulaklak. Sa gilid ng puno ay
may mga lumang siso at duyan.

(Marahang naglakad para maupo sa park bench na may katabing poste ng ilaw si Alfonso na
may dyaryong dala-dala.)

(Sasandal sa kinauupuan at magbubuntong hininga. Susuotin ang salamin na nakalagay sa


bulsa ng polo at maguumpisang ibuklat at basahin ang dyaryong dala-dala)

ALFONSO: Tila kay ganda ng panahon ngayong hapon (Napapangiti sa ganda ng tanawin
habang nililibot ang tingin sa paligid. Nang matapos ang ilang sandali ay
binaling muli ang atensyon sa pagbabasa ng hawak na dyaryo)

(Sandaling nabalot ng kapayapaan sa kapaligiran habang mag-isang nagbabasa ng dyaryo ang


matanda sa upuan)

(Hindi katagalan, nabasag ang katahimikan sa tunog ng yapak ni Eva na papalapit upang
tumabi sa matanda)

ALFONSO: Magandang hapon, iha! (Maligayang pagbati kay Eva habang patuloy parin ang
pagbabasa ng dyaryo)

EVA: Magandang hapon din po, senyor (Magalang na sinabi)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


27

(Saglit na tumahimik ulit at ang maririnig na lamang ay ang paglipat ng pahina ng dyaryo)

ALFONSO: Kamusta ka naman iha? (Pagbasag ni Alfonso sa katahimikan)

EVA: Ayos naman po ako senyor (Ngingiti) kayo po ba?

ALFONSO: Aba ayos na ayos ako iha (Pasaglit na tawa) Sumasabay sa akin ang magandang
panahon ngayong hapon.

EVA: Mabuti naman po kung ganun (Tatawa saglit)

ALFONSO: Ay iha, bago ka lang ba dito? (Pagtanong habang nagbabasa ng dyaryo)

EVA: Ah, hindi na po ako bago dito (Nakangiti) sakatunayan ay matagal na rin po
akong taga-rito.

ALFONSO: Parang di pa ata kita nakasalamuha dito noon?

EVA: Kakabalik ko lang po kasi, may nais lang akong balikan sa lugar na ito
(Nakangiti)

ALFONSO: Ahh kung ganun iha welcome back pala (Maligayang pagbati)

EVA: Salamat po, senyor (Ngingiti)

(Sandaling katahimikan sa pagitan ng dalawa habang si Alfonso ay patuloy parin sa pagbabasa


ng dyaryo)

ALFONSO: (Huminga ng malalim) Kay ganda at kay presko pa rin ng lugar na ‘to no?
Maraming taon na ang lumipas pero walang pagbabago

EVA: Oo nga, ang ganda parin po ng park na ito.

ALFONSO: Madami akong magagandang ala-ala dito kaya paborito ko itong lugar na 'to
(Nakangiti)

EVA: Mukha nga po, senyor !

(Sabay na tatawa si Alfonso at Eva)

EVA: Pwede nyo po ba akong kwentuhan? (Ngingiti)

ALFONSO: Aba oo naman iha (Bahagyang binaba ang dyaryong hawak at titigil sa
pagbabasa)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


28

ALFONSO: Noong kabataan ko'y may isang babaeng sobrang ispesyal para sa akin
(Pumaligid-ligid ang paningin sa ganda ng tanawin habang nagkekwento)

EVA: (Nakangiting nakikinig)

ALFONSO: Sya lang ang babaeng nagpapakilig sakin kahit hindi nya ako pansinin (Natawa)

EVA: (Sinabayan ang tawa ni Alfonso)

ALFONSO: Napakaganda nya (Napapangiti) at at syempre gwapo at makisig rin ako kaya
bagay talaga kami (Tumawa)

EVA: (Natawa) waw naman senyor !

ALFONSO: Totoo! At aba matagal-tagal ko rin syang niligawan ano.. sobrang tagal sa palagay
ko'y inabot ng isa't kalahating taon para lang mapatunayan ko ang sarili ko
sakanya ng lubos pati sa mga magulang nya.

EVA: (Nakangiti at seryosong nakikinig)

ALFONSO: Nung nililigawan ko pa lang sya, lagi ko syang binibilhan ng mga tsokolate ng
mga dayuhan, mga bulaklak at ipinapasyal ko sya kung saan-saang pasyalan..

ALFONSO: Kaso mapili kasi yun, may pagka maarte (Natawa)

EVA: Grabe naman yun senyor (Natawa)

ALFONSO: Sakatunayan sa mga lugar na dinala ko sya, lagi nalang sya umaayaw (Natawa)
kaya nahirapan rin akong ligawan sya.

ALFONSO: At dahil nga hindi ko makuha kung ano ba talaga ang karamihan sa mga gusto
nya, binabawi ko nalang sa paghaharana sa kanya kada-gabi (Ngingiti)

EVA: (Napangiti)

ALFONSO: Hanggang sa natuklasan ko itong lugar na ito.. puno pa ito ng mga bulaklak sa
kapaligiran at mga preskong puno ay pumapalibot dito. Wala pa itong parke
ngunit yang malaking puno sa gitna ay nandyan na (Nakangiting nagkekwento)

ALFONSO: Naku iha kung makikita mo lang talaga ! (Nakangiting binanggit)

EVA: (Masayang nakikinig kay Alfonso)

ALFONSO: Dinala ko sya dito at sa unang pagkakataon, nakuha ko rin ang kanyang
pagkatamis-tamis na ngiti sa pagkagusto nya sa lugar na ito.. mula noo’y dito ko
inaalay sa kanya ang mga sinusulat kong mga tula

©2023 edition by Stagedreams Inc.


29

EVA: (Binaling ang tingin sa malayo habang nakangiti)

ALFONSO: Aba hindi sa pagmamayabang ano, pero dito nya rin iniregalo sakin ang matamis
nyang oo ! (Masayang tono ng pagmamayabang) dyan mismo sa may bandang
gitna (Tinuro ang espasyo malapit sa malaking puno sa gitna)

EVA: (Natawa) Napakasugid nyo naman po kasing manliligaw senyor (Muling natawa)

ALFONSO: (Sinabayan ang tawa ni Eva) syempre! at pagkatapos nun.. Ay siya! Palagay ko'y
ako na ang pinakagwapong lalaki sa mundo!

EVA: (Umiling at natawa) napakahusay ~!

ALFONSO: O sya, mabalik sa kwento (Pasaglit na tatawa)

EVA: (Tumungo sa pagsasang-ayon sa sinabi ni Alfonso habang nakangisi parin mula


sa pagtawa)

ALFONSO: Naging masaya ang pagsasama naming dalawa at kahit kami ay magkasintahan
na, gabi-gabi ko pa rin syang hinaharana (Ngumisi) Hindi man maganda boses ko
pero.. hindi talaga maganda (Natawa)

EVA: (Pabirong magpapakita ng pagkadismaya at sasabay sa pagtawa ni Alfonso)


Diyos ko naman senyor !

ALFONSO: Makita ko lang syang tumayo sa balkonahe nila habang nakikinig sa aking
pagkanta ay tyak na ang gabi ko'y kumpleto na. (Ngingiti)

EVA: (Ilalagay ang kanang kamay sa dibdib at ihaharap ang ulo sa kabilang direksyon
sabay ngingiti)

ALFONSO: Tuwang-tuwa kaya sya! Kahit na hindi ko alam kung pinagtatawanan nya ang
boses ko sa pagkanta ko o sya'y napapakilig ko sa aking ginagawa (Natawa)

EVA: Maaaring parehas! (Lilingon sa direksyon ni Alfonso at sasabayan syang


tumawa)

ALFONSO: Palagi kaming nandito tuwing hapon.. Dito mismo sa upuang ito ay
pinagsasaluhan namin ang paborito nyang mga tsokolate ng mga dayuhan
(Hinawak ang isang kamay sa handle ng park bench habang nakangiti)

EVA: (Sa kabilang dulo ay hahawakan din ang handle ng park bench habang tinitignan
ito ng nakangiti)

ALFONSO: Sinusubuan nya pa ako na parang bata noon!(Natutuwang pagkakasabi)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


30

EVA: (Binaling ulit ang tingin kay Alfonso at napangiti habang patuloy itong
nagkekwento)

ALFONSO: At kahit sintunado ay kinakantahan ko parin sya habang sya'y nakahiga at


nakapwesto ang ulo nya sa ibabaw ng aking hita..(Ngumisi)

ALFONSO: Bilang tanda ng aming pagmamahalan ay sinulat naming parehas ang mga
pangalan namin sa loob ng ginuhit naming puso.. dyan mismo sa malaking puno
na pumapagitna sa parke na ito (Tinuro ang malaking oak tree) Sa mga bulaklak
sa paanan ng puno, pinili ko talaga ang pinakamaganda at ito'y binigay ko sa
kanya tanda ng pagmamahal ko sa kanya ng buong puso(Ngumiti)

ALFONSO: 20 anyos lang kami noon pero para na kaming mag asawa diba? (Ngingiti ng onti)
Masaya na kami.. (Nawala ang ngiti sa mga labi at unti-unting iba-baba ang
paningin) ngunit nangyare ang hindi dapat mangyare na paulit-ulit kong isisisi sa
sarili ko..

EVA: (Binaling ang tingin sa ibang direksyon at unti-unti ring mawawala ang ngiti)

ALFONSO: (Naging seryoso ang tono ng pananalita) sana pinaglaban ko sya.. sana mas inuna
ko sya.. sana hindi ko sya hinayaan (Kita sa mukha ang panghihinayang)

(Sandaling mababalot ng katahimikan)

ALFONSO: Isang gabi ay hindi ko sya naihatid kasi panggabi ang trabaho ko.. dito rin kami
galing noon (Huminga ng malalim) ngunit agad akong nagpaalam sa kanya dahil
baka ako'y mahuli sa trabaho ko..

ALFONSO: Sa totoo lang gusto ko syang ihatid ng gabi na iyon (Tumigil saglit) ngunit ang
sabi nya sa akin ay kaya nya mag-isa at mag-iingat nalang daw kaming dalawa at
bukas ay muli kaming magkikita dito lang din sa parke.. (Unti-unting maluluha)

EVA: (Tahimik at malayo parin ang tingin ngunit kasabay ni Alfonso, unti-unti ring
maluluha)

ALFONSO: (Huminga ng malalim) Bago kami maghiwalay noong gabi na yun ay hinalikan
nya pa ako.. halik na binaon ko hanggang sa aking trabaho..

EVA: (Kumuha ng panyo sa bulsa at tahimik na pinunasan ang unang patak ng luha)

ALFONSO: Kinabukasan nun.. kumalat ang isang masamang balita na ang isang dalaga ay
walang laban na ginahasa ng tatlong estranghero na kagabi lamang daw nangyari
malapit sa bagong parke.. (Tuluyang naluha)

EVA: (Inilagay ang isang palad sa dibdib at ang isa naman na may hawak na panyo ay
inilagay sa bibig habang patuloy sa tahimik na pagtangis)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


31

ALFONSO: Kinabahan ako.. syempre. Pinagdasal ko talaga na sana hindi sya yun (Tumingin
sa malayo at huminga ng malalim) agad akong pumunta sa bahay nila at doon
(Titigil saglit) nakumpirma kong… sya ang babaeng tinutukoy sa masamang
balita..

ALFONSO: Noong oras na yun ay nasa labas palang ako rinig ko na ang kaingayan sa loob ng
bahay nila.. kumatok ako at pinagbuksan naman ako ng tatay nya (Pinunasan ang
unang patak ng luha) nakita ko sya sa hindi kalayuan mula sa loob ng bahay nila
na lumuluha habang pinapakalma ng nanay nya..

ALFONSO: Tinignan nya ako mula sa labas at tinatawag nya ang pangalan ko habang labis na
tumatangis (Napatiglil at tuluyang iiyak) gusto ko syang lapitan!.. gusto ko syang
mayakap!.. agad akong pinagsusuntok ng tatay nya.. (Tinanggal ang salamin at
nagpunas ng luha) ako ang sinisi at pinagbuntungan ng galit ng tatay nya mula sa
nangyare..

ALFONSO: Hindi ko magawang magalit sa tatay nya dahil pati ako sising-sisi ako sa sarili ko..!.
tang ina! (Pabulong na pagmumura)

EVA: (Pinunasan ang luha habang nakapikit at patuloy parin sa pagtangis)

(Sandaling mapuputol ang pagkekwento at ang maririnig nalang ay ang mahinang pag-iyak ng
dalawa)

ALFONSO: Sa sobrang galit sakin ng tatay nya.. tuluyan kaming pinaghiwalay..


(Bahagyang hihinahon sa pag iyak)

ALFONSO: Di katagalan ay nalaman ko nalang na lumipat na pala sila ng tinitirahan..


nagpakalayo-layo.. hindi ko alam kung saan (Binaling ang tingin sa kalayuan)

ALFONSO: Nawalan ako ng koneksyon sa kasintahan ko at sobrang panghihinayang ang


sinapit ko para saming dalawa..

ALFONSO: Araw-araw, Gabi-gabi, Lagi kong dinadaanan ang bahay nila para abangan ang
pagbabalik nila.. kahit napaglipasan na ako ng panahon.. at kahit inabot pa ako ng
ilang taon (Napatigil saglit at bahagyang ngingiti ng kaunti) hanggang ngayon..
umaasa parin ako sa pagbabalik nya..

EVA: (Napatingin kay Alfonso habang lumuluha)

ALFONSO: (Huminga ng malalim) Lumipas ang ilang taon at wala na akong ibang minahal
pa.. Araw-araw rin akong bumabalik dito sa paborito naming lugar para balikan
ang mga masasaya naming mga ala-ala..

ALFONSO: Antanga ko lang no? (Ngumisi habang naluha) labis kong sinisisi ang sarili ko!..
(Gigil ngunit pabulong ang pagkakasabi) napabayaan ko ang mahal ko.. sana

©2023 edition by Stagedreams Inc.


32

hindi ko sya hinayaan nung gabi na iyon.. edi sana, sana! Hindi kami
nagkahiwalay ng mahal ko.. (Mas nagpaigting ang pag iyak)

EVA: (Labis na iiyak habang tinitignan si Alfonso)

ALFONSO: Kahit matanda na ako.. kahit alam kong imposible na.. hihintayin ko ang
pagbabalik ng mahal ko.. mahal kong si Eva (Mas napaigting ang pang tangis)

EVA: Alfonso… (Mahinahong pagkakasabi habang patuloy ang pagluha)

ALFONSO: (Napatingin sa direksyon ni Eva at sa unang pagkakataon ay makikita ng mas


malinaw ang tumatangis na dalaga sa tabi nya)

ALFONSO: Eva?! Ang wangis mo.. ang itsura mo.. ang kasuotan mo..! Yan ang suot mo noon
huli kitang makita ! (Nagulat ngunit patuloy sa pag-iyak) Paano?!

EVA: Oo ako ito.. at ito ako matagal na panahon na.. Alfonso patawarin mo na ang sarili
mo..! Matagal na panahon na yun..! (Mahina ngunit pasigaw ang tono ng
pananalita habang mas nagpapaigting ang pagtangis)

EVA: Mahal na mahal kita at kahit na minsan ay hindi kita sinisi sa nangyari saakin
dahil hindi mo naman talaga yun kasalanan! (Hinawakan ang kamay ni Alfonso)

ALFONSO: Pero mahal hindi ko magawang patawarin ang sarili ko..! Labis kitang
napabayaan nung gabi na yun dahil hindi kita inuna ! (Humarap sa pwesto ni Eva
at hinawakan gamit ang dalawang kamay ang palad ni Eva habang naiyak at
pasigaw na sinasabi ang talata)

EVA: Oo alam ko wala ka noong naganap ang trahedya na yun sakin pero sana naman
huwag mong isisi sa sarili mo lahat kagaya ng ginawa sayo ng aking ama!

ALFONSO: Alam kong hindi sapat sa nangyare sayo kung sasabihin ko lang na patawad mahal
ko- (Pinutol ni Eva ang sasabihin)

EVA: Labis kitang mahal at alam mo yan.. Palagi kitang papatawarin pero sana kagaya
ko'y bigyan mo rin ng kapatawaran ang sarili mo!

ALFONSO: Pero ako ang may kasalanan kung bakit tayo nagkalayo, sa kapabayaan ko sayo!
(Pasigaw habang naiyak)

EVA: Hindi ka kailanman naging pabaya saakin mahal ko.. hindi mo batid at wala sa
atin ang nakakaalam na mangyayari ang ganoong trahedya (Mahinahon na
pagkakasambit habang lubos na umiiyak)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


33

EVA: Alam kong mahirap para sayo pero sana huwag kang magpakalubog sa madilim
na nakaraang nagdaan.. Kahit magsisi ka'y hindi mo naman kasalanan at hindi mo
na mababago yun.. (Hinawakang mahigpit ang kamay ni Alfonso)

ALFONSO: Pero mahal.. (Mahinahong sinabi habang lubos parin ang pag iyak)

EVA: Wala nang pero-pero, para sa akin ay wala kang kasalanan kaya huwag ka ng
magsisi ng lubos sa bagay na tapos na. Labis kitang minamahal kaya ayaw kong
nakikita kang nakakulong sa masakit na ala-ala (Ngumiti sa harap ni Alfonso
habang patuloy sa pag-iyak)

ALFONSO: Pero kasi.. kasi hindi ko kinaya nung inihiwalay tayong dalawa.. antagal kitang
hinintay..! Labis kong inaasam na makasama ka ulit..!(Mahinang pagkakasabi
ngunit patuloy ang pagtangis habang tinititigan ang itsura ni Eva)

EVA: Alam kong labis mo akong mahal.. pero huwag mong ikulong ang sarili mo sa
pagmamahal mo sakin.. matagal nang panahon yun.. alam kong minsa’y masaya
at minsan ay masakit din balikan.. pero hindi na natin yun mauulit pa..! Gusto
kong lumaya ka sa mga ala-ala natin.. Mahal na mahal kita Alfonso.. hindi ko
kayang hindi! At hindi ko rin kaya na makita kang hindi masaya dahil hanggang
ngayon ay nagsisisi ka.. Huwag mo na akong hintayin Alfonso..

EVA: Malaya ka na. (Seryosong tono ng pagkakasabi habang patuloy ang pagtangis)

ALFONSO: Bakit tila nagpapaalam ka? Iiwan mo ako ulit? Eva, mahal huwag naman.. mahal
na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka pa ulit sakin ! (Hinigpitan ang hawak
sa kamay ni Eva) Eva hindi ko kakayanin..

EVA: Kayanin mo.. dahil yun lang ang paraan para mapatawad mo ang sarili mo
(Mahinahon nitong sinabi habang patuloy na lumuluha)

(Dali-daling yayakapin ni Eva si Alfonso at biglaang didilim ang paligid. Bubukas ang ilaw ng
poste sa tabi ng park bench at kasabay nito'y magigising ng luhaan mula sa pagkakahimbing si
Alfonso. Magpupunas ito ng luha at ipapalibot ang tingin sa buong lugar upang hanapin si Eva
ngunit wala na. Sasandal sa upuan si Alfonso at tutungo ang ulo sa muling pagtangis. Magf-
flicker ang lights sa poste hanggang sa tuluyan itong mamatay at mababalot ng kadiliman ang
lugar. Unti-unting bubuhos ang ambon kasabay ang pagsapit ng dapithapon).

- WAKAS -

©2023 edition by Stagedreams Inc.


34

BUTONES NG IYONG MGA POLO


(a 10-minute play)

Ni: Amos Job Baltazar

Mga Tauhan:

Apollo - 29 taong gulang, katamtaman ang pangangatawan, mananayaw, simple.

Yazzy - 25 taong gulang, medyo mataba ang pangangatawan, bestfriend at minamahal ni


Apollo, simple.

Tagpuan:

Tirik na tirik and araw, mag aalas dose na ng tanghali

Ang entablado ay napupuno ng mga damuhan, mga dahon na nag si bagsakan galing sa mga
puno. Meron din mga bulaklak sa paligid. At sa gitna ng entablado ay may mga upuan at lamesa.
Sa ibabaw ng lamesa ay may mga tirang pagkain na tila ba ito ay hindi na gustuhan ng mga
kumain dito. At sa gilid naman ay may mga duyan na tila ba ito ay napaglumaan na(Kanan). At
sa kabilang gilid naman ay may isang malaking gate (Kaliwa).

(Mag sisibukasan ang mga ilaw sa entablado at makikita si Yazzy na naka upo sa duyan.)

(Papasok si Apollo mula sa kaliwang bahagi ng entablado; mula sa labas ng bahay. Dahan
dahan siyang susulyap mula sa labas ng bahay na tila ba ay nahihilo na kakahanap. Papasok
siya sa gate at pupunta sa likuran at muling lilingat lingat upang hanapin si Yazzy habang
ngumingiti sa mga bisita na paalis na galing sa bahay nila Yazzy.)

(Pupunta si Apollo sa kabilang gilid at doon ay sa wakas matatagpuan niya na si Yazzy na


malungkot na nakaupo sa duyan. At bigla niyang sisigawan si Yazzy at magugulat naman ito
dahil sa sigaw ni Apollo.)

Apollo: Yaz!

(Magugulat) O?! ano ba naman kase yan para kang tanga, kala mo nakakatuwa
Yazzy:
ka?
Luh sorry na bes (mapapakamot sa ulo), ikaw kase e hindi kita mahanap
Apollo: kanina tapos makikita kitang malungkot jan hehe kaya ginulat kita
(magtatawa)

Yazzy: (tatayo, magpapamewang) Tapos tatawa tawa ka pa jan ha?!

©2023 edition by Stagedreams Inc.


35

Apollo: Ang sungit mo naman Yaz aba, ano ba kase problema mo?

Yazzy: Ang kulit mo no. (maiinis kay apollo)

Ay wow! Bongga mo ha (gagayahin si Yazzy), eh kung kaltokan kita jan


Apollo:
ineng.

Yazzy: Ay! (matatawa sa akto ni apollo)

Apollo: Luh baliw ka nanaman sakin.

Yazzy: Yuckkkkk! (magtatawa) bagay kase sayo mag bading badingan!

Apollo: Heh! Halikan kita jan e ng makita mo.

Yazzy: Sige anong makikita ko aber?

Apollo: (pasimpleng bubulong) Yung langit.

Yazzy: Kiss mo nga ko bes kahit isa lang.

Apollo: Luh tanga ka? (magugulat at mapapahiya)

Yazzy: Oh baket baaa!? eh sa gusto kitang halikan e

Apollo: Tumigil ka nga jan para kang tanga e! (mapapahiya na muka ring natutuwa)

Yazzy: (pagtatawanan ang itsura ni Apollo) Sorry bes ang cute mo pag kinikilig ka.

Apollo: Hoy sino nag sabing kinikilig ako? Cringe nga e duh.

Yazzy: (seseryoso) Bakit bes, hindi ba ko maganda?

Apollo: Ikaw ha tigil tigilan mo ko at baka kaltokan na talaga kita jan.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


36

Yazzy: Sorry na bes.

Apollo: (malambing sa sasabihin) Pero maganda ka nga no.

Yazzy: (maooffend) Bat ngayon mo lang nalaman!?

Apollo: (mangaasar) Di pansinin beauty mo bes

Yazzy: Hmp!!!

Apollo: Joke lang to naman di mabiro.

(Biglang uupo uli sa duyan si Yazzy at mistulang malulungkot)

Yazzy: Hay nako.

Apollo: O? Bat bigla kang nalungkot nanaman jan?

Yazzy: Di wala to.

Apollo: Luh, ano nga bes.

Yazzy: Wala nga toooo!

Apollo: Ikaw pipitikin ko na yang bibig mo aba lagi ka na lang nakasigaw sakin.

Yazzy: So what?!

Apollo: Di mo na ko love no?

(Papaupuin si Apollo sa tabi nito, at sasandal si Yazzy sa balikat nito)

Yazzy: Halika nga at umupo ka dito.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


37

Apollo: Sabi na may problema to e.

Yazzy: (sasandal sa balikat ni Apollo) Kase bes e.

(puputulin ang pagsasalita ni Yazzy, waring manunugod ng kaaway) Ano sino


Apollo:
nang away sayo?

Yazzy: Weh feeling matapang. (patawang sasabihin)

(Matatawa, pilit pagagaangin ang usapan) Sino nga kase yan bat ka
Apollo:
malungkot?

Yazzy: Si Jes kase….

Apollo: (magagalit) Anong ginawa sayo nung loko na yon!

Yazzy: Chill ka lang! (matatawa) Tara kumain ka muna don.

Apollo: Ano nga aba! Pabitin naman to!

(Pumunta sila sa gitna ng entablado at umupo at kumain.)

Yazzy: Pollo mag propropose na saken si Jes!

Apollo: (biglang mabubuga ang iniinom na tubig) Ano! Luh bakit?

Yazzy: Luh weh? Ayaw mo ba kong sumaya!?

Apollo: E ang lungkot mo nga kanina jan e.

Yazzy: Eh kase siguro sadness of joy?

Apollo: Ay tanga.

(magtatawa) E wala lang syempre napapaisip lang ako di na ko makakakilos


Yazzy:
ng tulad ng dati syempre malapit na ko ikasal e.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


38

Apollo: So nag yes ka na pala.

Yazzy: Oo, sorry di kita nasabihan agad.

Apollo: Awts gege.

Yazzy: Luh (magtatawa, aamuhin si Apollo) sorry na besss.

Apollo: (kumuha pa ng madaming kanin)

Yazzy: Hoyyy pansinin mo ko!

Apollo: Wag ka magulo kumakain yung tao e.

Yazzy: Tao ka pala bes? char (aasarin si Apollo, pilit patatawanin)

Apollo: Are we close?

Yazzy: Wehhhh?

Apollo: (seseryoso) Bat kasi di mo ko agad sinabihan?

Yazzy: Baka busy ka sa work e.

Apollo: Hoy Yaz wala akong dance workshop pag Friday.

Yazzy: Ay sorry oo nga pala (magpapacute) sorry na kasiiii.

Apollo: Ok ok!

Yazzy: Tara bes buksan ko yung videoke namin kanta tayo!

Apollo: Bes para kang tanga.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


39

Yazzy: Luh bakit nanaman?

Apollo: Dancer nga ko diba kaltokan kita jan e!

Yazzy: Ay loka loka!

Apollo: Oh baket nanaman?

Yazzy: May dancer na singer sira ka ba?!

Apollo: Bes?

Yazzy: Oh?

Apollo: Bespren ba kita talaga. (malungkot na sasabihin)

Yazzy: Luh nag eemote nanaman.

Apollo: (biglang kakaltokan si Yazzy) Hayop ka alam mo namang hindi ako nakanta!

Yazzy: Aray!

Apollo: Oh ano ang sakit no?

Yazzy: Parang tanga naman to kala mo nakakatuwa e!

Ikaw e mga pinag gagawa mo sa buhay, umayos ka ha baka itakwil kita bilang
Apollo:
bespren.

Yazzy: (magtatawa) Sowwy na bes (magpapacute)

Apollo: Luh ang cute mo naman bes.

Yazzy: Ikaw ha baka nafafall ka na sakin!

©2023 edition by Stagedreams Inc.


40

Apollo: Hoy mag kaka asawa ka na ganyan ka pa den mag salita aba!

Yazzy: Joke lang to naman!

Yazzy: Bes wait lang ha puntahan ko lang sila mama. (lalabas ng entablado)

Apollo: Sige doon muna ako sa duyan.

(Pupunta si Apollo sa may duyan at mag iisip-isip at bumubulong bulong)

Bakit ba ko nahulog sayo Yaz, hindi naman dapat ganto maramdaman ko sayo
Apollo: lalo na magkababata tayo at dapat ay kapatid lang ang turing ko sayo, sorry Yaz
hindi ko agad sinabi to. (pipikit) Ang tanga tanga ko, napaka torpe ko kase!

(Pag mulat ng mata ni Apollo ay magugulat ito at makikita niya si Yazzy na nasa harapan niya)

Yazzy: Bes….

Apollo: (utal utal na mag sasalita) O-o-ooh?

Yazzy: Tama ba yung narinig ko?

(mauutal) Cha-cha-charot lang na-nag pa-papractice lang ako sa gagawin kong


Apollo: drama, you know naman mag aaudition ako sa starstruck baka sakaling
maging artista (pilit na pagpapatawa)

Yazzy: Sira ka talaga kinabahan naman ako sayo!

Apollo: Sorry! (tatawang pilit)

Yazzy: Oh anong oras ka uuwi?

Apollo: Ayaw mo na ko kasama ha?

Yazzy: Gusto, parang sira naman to!

Apollo: (tatawa) Joke lang, sige na uwi na ko.

©2023 edition by Stagedreams Inc.


41

Yazzy: Bye bess mwaapss!

Apollo: Byeee mwaaa!

(Aalis silang dalawa sa entablado at mamamatay ang mga ilaw, pagbukas muli ng ilaw makikita
na tila ba magkikita sila sa ibang araw)

(Papasok uli mula sa kaliwa si Apollo at pupunta kay Yazzy na makikita agad na naka upo sa
duyan)

Yazzy: Oy hi bes! (mapapalingon siya)

Apollo: Oy musta ang tulog ng bebegorl ko?

Yazzy: Kadiri ka naman bes, jeje mo kamo! (hahampasin si Apollo)

Apollo: Aray!

Yazzy: Saket no!?

Apollo: Mas masakit yung nalaman ko na ikakasal ka na pala sa iba. (yuyuko)

Yazzy: Luh (pagtatawanan si Apollo) drama nito!

Apollo: Yung mga narinig mo Yaz kahapon, totoo yon…

Yazzy: Huh? Sira ka talaga! (magtatawa, di makapaniwala)

Apollo: Sorry kase di ko agad sinabi sayo… (malungkot nitong sabi)

Yazzy: Ano ba! Wag mo ko pagtripan jan aga aga e!

Apollo: Mahal kita Yaz, nahihiya lang ako mag sabi sayo.

Yazzy: Ano ba! Tama na Pollo!

©2023 edition by Stagedreams Inc.


42

Apollo: Sorry…

Yazzy: Bestfriend tayo Pollo bat ka naman ganyan!

Apollo: Kaya nga sorry Yaz, hindi ko din naman akalain na ganto mangyayari.

Sigurado ka ba na mahal mo ko? Baka naiinggit ka lang kay Jes kase siya lagi
Yazzy:
kong kasama, baka inggit lang yan Pollo!

Apollo: Hindi Yaz… (Mapapayuko niyang sasabihin)

Yazzy: Umalis ka na. (Tinulak si para paalisin)

Apollo: Yaz… (malungkot, titigan si Yazzy bago tuluyang umalis)

(Ilang sandal pa, tutunog ang cellphone ni Yazzy at makikita niya na may message sa kanya si
Apollo at nag send sa kanya ng litrato.)

(Bubuksan ni Yazzy ang kanyang cellphone at biglang iiyak ng matapos makita ang pinadalang
mensahe sa kanya)

Bakit mo naman nagawa sakin to Jes! Hindi ko kaya na makita to at lalaki pa


Yazzy:
ang ipinalit mo sakin! (malakas na hagulgol ni Yazzy habang sinasabi niya ito)

(Agad na tatawagan si Apollo)

Yazzy: Apollo sagutin mo yung tawag ko! (nanginginig nitong sabi)

Apollo: O-oh hello? Nag dridrive ako Yaz sandali. (utal utal nitong sabi)

Yazzy: Bakit mo sinend yon?!

Apollo: Malamang gusto ko malaman mo na niloloko ka lang ng jowa mo!

Yazzy: Sana personal mo na lang sinabi di ba?!

©2023 edition by Stagedreams Inc.


43

Apollo: Eh pinaalis mo ko e, paano ko sasabihin di ba?!

Yazzy: Gusto mo lang akong saktan ang sabihin mo!

Bat ko gugustuhin yon ha?! Mahal na mahal kita Yaz kaya ko yon nagawa
Apollo: para maligtas ka don sa hayop na lalaki na yon. (maayos na pagpapaliwanag
ni Apollo)

Yazzy: Hindi! Tumigil ka na sa sinasabi mo jan!

Apollo: Yaz hindi naman ako yung nanloko sayo bat ka ba galit na galit sakin?

Yazzy: Di mo kase nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko ngayon!

Yaz ayaw na ayaw ko na nasasaktan ka tandaan mo yan at never ko pang


Apollo:
pinagdasal na masaktan ka o may mangyari sainyong masama ni Jes!

(Biglang tutunog ng malakas ang busina ng kotse ni Apollo.)

(Matutulala si Yazzy dahil natatakot siya na baka may nangyaring masama kay Apollo.)

Yazzy: Apollo?!! (takot na takot habang nagsasalita) (uupo sa sahig)

Hoyy! Anong nangyari sayooo?! Apollo?! Mahal na mahal din kita Apollo
Yazzy: simula bata pa lang tayo, gusting-gusto na kita… Hindi ko kaya na mawala ka
sakin Apollo! (nanginginig nitong sabi)

Apollo: Ya-Yaz? (Mabagal na pagkakasabi)

Yazzy: Apollo! (umiyak)

Apollo: I love you too…

Yazzy: Ano bang nangyari sayo?!

Apollo: Muntik ko ng masagasaan yung pusa bigla kaseng tumawid (matatawa).

Yazzy: Hay nako! (napakamot sa ulo at biglang mapapangiti)

©2023 edition by Stagedreams Inc.


44

Apollo: Sorry (matatawa).

(Mamamatay ang ilaw ng ilang segundo)

(Pag bukas ng ilaw ay makikita na sila Apollo at Yazzy na mag kayakap sa gitna ng entablado.)

(Habang sila ay sumasayaw ng dahan dahan ay may sinasabi si Apollo at Yazzy sa isa’t isa.)

Apollo: Yaz…

Yazzy: Pollo?

Apollo: Pwede bang ako na na lang ang mahalin mo?

Yazzy: Sabi ko nga sayo nung una pa lang ikaw na talaga ang mahal na mahal ko.

Apollo: Hu-huh?! (magugulat at matutulala kay Yazzy)

Yazzy: Kaso babaero ka e. (pabiro nitong sabi)

Apollo: Lagi nga kong iniiwan ng mga naging jowa ko, babaero ba tawag don?

Yazzy: (magtatawa) joke lang!

Apollo: Minsan lang ako mang iwan ha!

Yazzy: Proud ka pa ha!

Apollo: Joke lang

Yazzy: Alam mo para akong butones, at alam mo ba kung bakit Pollo palayaw mo?

Apollo: Ha? Bakit?

©2023 edition by Stagedreams Inc.


45

Yazzy: Hindi mo magagamit ang polo pag walang butones diba?

Apollo: Magagamit kaya!

Yazzy: Tanga di mo masasara sige mag suot ka ng ganon!

Apollo: (matatawa) o sige tuloy mo sinasabi mo.

(hahawakan ang kamay ni Apollo) Kase tulad ng isang polo hindi ito
makokompleto at hindi ito maayos kung walang butones na kasama, parang
Yazzy:
ikaw di mo kaya Pollo na wala si Yaz na butones ng buhay mo at kukumpleto
sa buhay mo. I wuv you!

(kikiligin ng bahagya at matatawa) (matatawa) Parang tanga naman, di ko


Apollo: inexpect na ganyan ka kasweet, mahal na mahal kita Yaz at lagi mong tandaan
na para sakin ka lang. I love you so much!

(Mamamatay ang ilaw ng dahan dahan dahan habang sila Apollo at Yazzy ay magkayakap.)

Wakas!!!

©2023 edition by Stagedreams Inc.

You might also like