You are on page 1of 3

Characters:

Office Head- Stephen


Employee 1-Nadine
Employee 2- Justine
Employee 3- Elijah
Employee 4- Steven
Employee 5- Shanna

Sa panahon ngayon hindi pa rin naiiwasan ang pagdiskrimina sa kakayahan ng mga babae. Ang nananaig
pa rin sa tao ay ang kaisipan na mas magaling lalo na sa paggawa ang mga lalaki.

Si Nadine ay tatlong taon nang nagtatrabaho sa isang kompanya pero ni isang beses hindi nya naranasan
na umangat ang kanyang ranko sa kompanya. Sa isip nya, tama naman ang ginagawa nya, at natanggap
siya sa kompanya dahil alam niyang qualified siya sa posisyong kanyang inaplayan. Napansin din niya na
maliit ang sweldong kanyang nakukuha at iba rin ang pagtingin sa kanya ng boss nya, pati na rin ang isa
nyang ka office mate.

Office head (Stephen) - Nadine, alam mo bat kita pinatawag sa office ko?

Employee 1 (Nadine) - Sir? Yes po sir, may kailangan po ba kayong ipagawa sa akin? Do you need
assistance po?

Office head (Stephen)- bingo! Ayan ang gusto ko, kaya kita hinire eh napangiti

Employee 1 (Nadine) – hahaha what do you need po sir?

Office Head (Stephen) - gusto ko iedit mo itong mga papers na natapos ko na, and you are free to go.

Employee 1 (Nadine) – yun lang po ba sir? If may iba pa po ba kayong need na ifinalize or ayusin pwede
nyo pong ibigay sa akin.

Office head (Stephen) - no need yun lang kailangan mong gawin, ah but I like your dress hehe sana
medyo mas revealing- I mean more formal. Ang formal ng suot mo, napaka perfect role model ka talaga,
sana gayahin ka rin ng ibang ka office mates mo.

Employee 1 (Nadine) - hahahaha eto naman si sir nagbibiro *napilitang ngumiti*


Office Head (Stephen) - I’m not joking *intense atmosphere*. Anyways kapag tapos ka na you are free to
go.

Employee 1 (Nadine)- thank you po sir

Narrator (Nicole): Matapos ang kanyang meeting sa kanyang boss nais nya sanang ibahagi sa kanyang
mga kaibigan o kaoffice mate ang kanyang pinagdadaanan. Ngunit nung pumasok sya sa kanyang
workstation narinig nya ang mga lalaking kaoffice mate nya na pinag-uusapan sya

Employee 2 (Justine) – uy pre tinawag nanaman si Nadine ng boss

Employee 3 (Elijah) – Oo nga, something’s fishy ah. Btw kita nyo suot nya ngayon? Ganda talaga ng
katawan ni Nadine. I’m glad nakikita ko sya araw- araw and actually mag 3 years na.

Employee 5 (Shanna) – matanong lang, 3 years na ba syang nagtatrabaho dito? Bat di parin sya
pinopromote? She looks qualified naman para sa akin ah

Employee 4 (Steven)- Ah, sa tingin ko hinire lang sya dito dahil sa maganda sya, maganda katawan nya at
magaling sya sa communication skills and lastly you know kung ano…

Employee 2 (Justine) – woa SANAOL SIR-

Employee 4 (Steven)- huy. Wag kang maingay-

Employee 1 (Nadine) – Hello guys, pinapatawag nga pala kayo ni sir.

Narrator (Nicole): Sa mga sumunod na araw ipinatawag ulit si Nadine ng kanilang office head, mukhang
may malaking announcement syang ibibigay.

Office Head (Stephen) - as you can see, mapopromote ako as CEO ng company na ito at ang napapansin
ko, hindi ka pa napopromote for 3 years na. Soooo I’m offering you a special offer para tumaas ang
ranko mo dito sa companya *napangiti at tumawa*, before that sinabi mo na may kailangan ka sa akin?
Employee 1 (Nadine)- Yes po sir

Office Head (Stephen) - Yan talaga gusto ko sayo! Sige ano ba yon.

Employee 1 (Nadine)- I’m requesting for a resignation letter sir.

Ending: Sa nakita nating kwento ni Nadine, mapapansin natin ang “Glass Ceiling”. Ito ay isang
imaginaring hadlang na pumipigil sa mga kababaihan at mga minorya na mai-promote sa mga posisyon
sa pamamahala at antas ng ehekutibo sa loob ng isang organisasyon. Ang pariralang "basong kisame" ay
ginagamit upang ilarawan ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga kababaihan kapag sinusubukang
lumipat sa mas mataas na mga tungkulin sa isang hierarchy na pinangungunahan ng lalaki. Nakita rin
natin ang sexual harassment, kung saan nagjojoke or nag sasabi ng inappropriate words about sa suot at
appearance ng babae at nagkakaroon ng “terms and conditions” para siya ay ipromote.

You might also like