You are on page 1of 2

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY

MATAAS NA PANGGRADWADONG PAG-AARAL


Iba, Zambales

Koda ng Kurso: LE501 Pamagat ng Kurso: Introduction To Descriptive Linguistics


Propesor: Dr. Baby S. Abagon Ipinasa ni: Beanila Barnachea- Gallardo

Ano ang Speech Act?


Ayon kay J.L. Austin (1962; sipi kay Hoff 2001), ang pakikipag-usap ay hindi lamang
paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi "paggawa ng mga bagay
gamit ang mga salita" o speech act.

Tatlong Sangkap ng Speech Act

1. Gampanin o tungkuling lokusyonari- ito ay ang tungkulin ng pagsasabi ng mga bagay na


makabuluhan o nauunawanaan sa paggamit ng wika at may kahulugan.

Halimbawa: patanong at pasalaysay

2. Gampanin o tungkuling ilokusyonari- ito ay isang tungkulin sa pagsasagawa ng isang


mensahe ayon sa naging intensyon o anumang sinabi ng nagsasalita

Halimbawa: pakiusap, utos, pangako

3. Gampanin o tungkuling perlokusyonari- ito ay ang tungkulin na idinulot ng ilokyusyonari


na ang pagkakasabi ng isang bagay ay madalas nagbibigay ng tiyak na konsikwensyal na epekto.

Halimbawa: pagtugon sa hiling, pagbibigay atensyon

Tingnan natin ang isang senaryo. Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa weyter ng
ganito: "Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?"

Sa nasabing halimbawa, ang illocutionary force ng kostumer ay angpaghiling na


madalhan siya ng inuming tubig na walang kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa locution na
patanong. Ang epekto nito o ang perlocution nito, ay ang pagsunod ng weyter sa kaniyang
kahilingan.

Gricean Pragmatiks

Isa ang Gricean Pragmatics ni Paul Grice sa mga batayang teorya ng pragmatiks. Para sa
kanya, ang bawat mensahe ay mayroong kahulugan para sa mgatagapagsalita (speaker meaning).
Para maituring naisang kahulugan ang mensaheng nabanggit, nararapatna may rason o dahilang
iisipin ang tagapakini, na mayintensiyon ang tagapagsalita sa paghahayag ng kahulugan nito.

Ang mga patakaran sa talastasan (conversational maxims) ay ginagamit para maging


akma ang mga pahayag ng prinsipyo ng pagtutulungan (principle of cooperation) ng mga kausap.
PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE UNIVERSITY
MATAAS NA PANGGRADWADONG PAG-AARAL
Iba, Zambales

Ang mga patakarang ito ay may kinalaman sa dami, uri, pagiging akma sa panahon at
pamamaraan.

URI NG MAXIMS

1. Tungkol sa dami (maxims of quantity)- Kailangang gawing impormatibo at naayon sa


hinihingi ng pagkakatao angkontribusyon ng nagsasalita sa usapan.

2. Tungkol sa uri (maxim of quality)- Hindi dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang
bagay nang hindinalalaman kung totoo, o kung kulang ang patunay.

3. Tungkol sa pagiging akma (maxim of relevance)- Ipinapalagay ng nakikinig na


makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang sinasabi ng nagsasalita .

4. Tungkol sa pamamaraan (maxim of manner)- Ipinapalagay na maliwanag at hindi malabo


ang sinasabi ng nagsasalita at hindinito ipinagkakait ang anumang bagay na mahalaga sa usapan.

You might also like