You are on page 1of 8

Banghay Aralin

Sa Filipino III

I. Layunin:

Pagkatapos ng sesyon ang mga mag-aaral ay inaasahang,

A. Nakapaglalahad ng tatalakaying paksa patungkol sa kasaysayan ng


sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas,

B. Nakapagpapahalaga sa mga aral na natutunan mula sa paksa at,

C. Nakapagtatanghal ng pagsasadula tungkol sa paksang "ang sistemang


pang-edukasyon sa Pilipinas.

Paksang Aralin:

Paksa: Ang Kasaysyan ng Sistemang Pang-edukasyon sa Pilipinas

Manunulat: Nelia G. Proito, LPT PhD, Clotilde N. Arcangel, LPT PhD, Brenda B.
Corpuz, LPT PhD

Sanggunian: Ang Guro at ang Komunidad, Paaralan, Kultura at


Organisasyonal na Pamamahala.

Kagamitan: Kahon, kagamitang biswal, at pilot

Istratehiya: Pangkatan

Pagpapahalagang nakapaloob: Pagpapahalaga sa makabuluhang


kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas.
Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Pagdarasal na pangungulohan ng mag-aaral

Pag-sasaayos ng mga upuan

Pag-tsek sa atendans

Pagganyak

Magdidikit ang guro ng mga larawan sa pisara na may kauugnayan sa


paksa at magbibigay ng maikling paglalarawan ang mga mag-aaral base
sa mga imahe na kanilang nakita.

B. Pagtalakay sa aralin

Pagbasa ng inaasahang layunin sa klase.

Paglalahad

Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang tatalakayin sa klase at


pagkatapos ay ilalahad sa klase ang paksa. Bubunot isa-isa ang mga mag-
aaral sa “kahon ng pangyayari” at babasahin sa harap ng klase ang
nabunot na kasaysayang pang-edukasyon. Tatanungin sila sa mga
deskripsiyon na kanilang binasa at ang naintindihan nila rito pagkatapos ay
sisimulan na ng guro ang ganap na talakayan o diskusyon sa paksa.

Kasanayan sa Pagpapalawak sa Talasalitaan

Pupunta ang napiling mag-aaral sa harapan ng klase at bibigyan ng


kahulugan ang mga salitang nakadikit sa pisara na may kaugnayan sa
natalakay na paksa.

C. Malikhaing Gawain

Panuto: Papangkatin ang mga mag-aaral sa anim na grupo na may walong


miyembro. Ang bawat pangkat ay magsasadula patungkol sa nakatalaga
sa kanila na panahon ng kasaysayan sa sistemang pang-edukasyon sa
Pilipas. Halimbawa ay kung panahon ng Amerikano ang kanilang nabunot
ay isasadula nila ang sistema ng edukasyon sa panahong ito. Gawin ang
paghahanda sa loob ng limang minuto at itanghal ito sa klase sa loob ng
tatlong minuto bawat grupo.

Rubrik sa pagsasadula
PAMANTAYAN Lubhang Kasiya- Kasiya-siya Hindi kasiya-siya
siya 8 puntos 5 puntos
10 puntos
ISKRIP Ipinapakita ang Mahusay ang Hindi gaanong
buong husay sa pagpapakita ng malinaw ang
paggawa ng skrip sa iskrip sa
iskrip. pagsasadula, subalit pagsasadula .
may kaunting
kalinangan.
PARTISIPASYON Kasama ang lahat Kasama ang lahat May mga
ng kasapi sa ng kasapi ng kasapi sa
pangkat sa pangkat sa pangkat na
pagsasadula. pagsasadula subalit hindi nakitaan
may kalituhan ang ng pagganap
ilan sa kanilang
pagganap
KAHUSAYAN SA Makatutuhanan at Hindi gaanong ma Hindi
PAGGANAP kapani-paniwala makatutuhananang makatutuhanan
ang pagkakaganap ng ang
pagkakaganap mga tauhan mula pagkakaganap
ng mga tauhan sa pananalita, ng tauhan mula
mula sa galaw at esprisyon sa pananalita,
pananalita, galaw ng mukha galaw,
at eksprisyon ng eskprisyon ng
mukha. mukha

Mahusay na
paglalarawan ng
realidad na
sitwasyon sa
pagsasadula
D. Paglalahat

Ang mga mag-aaral ay tatanungin tungkol sa paksang tinalakay, kung


ano ang kanilang natutunang aral mula sa kwento.

IV. Ebalwasyon:

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa kasaysayan ng


systemang pang-edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng
iba’t-ibang mga dayuhan at ibigay ang tamang sagot. Bawat bilang na
may tamang sagot ay may katumbas na dawalang puntos. Sagutan ito sa
loob ng 10 minuto at isulat sa kalahating papel ang sagot.

1.Ito ang tawag sa mga gurong tribal noong panahon ng pre-


colonial.

2. Sa panahong ito, ang edukasyon ay pormal at organisado.

3. Itinuturo sa panahong ito ang patungkol sa relihiyon at


pananampalataya.

4.Sa Kasaysayan ng Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga


Amerikano, kailan muling binuksan ang mga naisaradong paaralan?
5. Ang kauna-unahang unibersidad na naitatag noong dumating
ang mga Thomasites sa Pilipinas.

6. Kailan pinasinayaan ang pamahalaang komonwelt sa gusali ng


lehislatura?

7. Sino ang pangulo ng pamahalaang komonwelt?

8. Ano ang naipasa bilang batas sa bisa ng RA. 4670?

9. Ito ang tawag sa wika ng mga hapones na kung saan, sa


panahon na ito ay nais nilang ituro sa paaralan upang maipalaganap.

10. Isa sa mga tuntunin ng mga hapones ay itaguyod ang


edukasyong _____________ at Pang-Elementarya.

V. Takdang Aralin:

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba sa loob ng


8-10 pangungusap. Isulat ang sagot sa isang buong papel at ipasa sa susunod
na pagtatagpo.

1. Gaano kahalaga ang edukasyon sa buhay ng isang tao?

2. Sa tingin mo, naging mabuting epekto ba ang mga pagbabagong


naganap noon sa sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas sa kasalukuyang
panahon?
3. Sa iyong palagay, dapat ba nating kamuhian ang mga mananakop sa
ginawa nila sa sistema ng ating edukasyon? Oo o hindi? At bakit?

4. Ano-ano kaya ang mga naging positibo o mabuting naiambag ng mga


mananakop sa sistemang pang edukasyon sa Pilipinas?

5. Bilang isang guro sa hinaharap, paano mo maibabahagi ang


kahalagahan ng edukasyon sa iyong mga mag-aaral?

Rubrik sa pagsagot ng Repleksyon


Pamantayan 10 5 3

Nilalaman (Ang mensahe ay


mabisang naipapakita at
napapaliwanag ng maayos)

Kaangkupan ng paksa (Angkop ang


pagpapaliwanag na sinulat sa
paksang binigay)

Kawiliwili (Nakaeengganyo o kawiliwili


ang nabuong akda
sa mga mambabasa)

Gramatika (Maayos ang pagkabuo


ng mga pangungusap/talata batay
sa tamang tuntunin ng gramatika)

Ipinasa nina:

Ballozos, Ricardo
Dagatan, Aimae
Macaranas, Ivy Grace
Nunez, Rica
Pimentel, Josa Mae
Varquez, Nenjel

Ipinasa kay:
Bb. Christine Mae Estologa.

You might also like