Professional Documents
Culture Documents
Pormat NG Banghay Aralin
Pormat NG Banghay Aralin
I. Layunin
A. Pamantayang ng Programa: Nagagamit ang malaki at maliit na letra upang
makapag-sulat ng wastong pangungusap, magamit ang angkop at wastong letra
sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos
na pag-unawa sa paggamit nito sa pang araw- araw na pamumuhay.
B. Pamantayang ng Bawat Yugto: Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng
mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pagtukoy ng paggamit ng
malaki at maliit na letra sa pangungusap.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELCS): Nakasusulat
ng talata nang may wastong baybay, bantas at gamit ng malaki at maliit
na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang
paksa o isyu. F3KM-IIIi-3.2
D. Kasanayan sa Pagkatuto :
Nalalaman ang tamang paggamit ng malaki at maliit na letra sa
pangungusap o talata;
Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaki at maliit na
letra sa isang pangugusap;
Nakasusulat ng talata gamit ang wastong paggamit ng malaki at
maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon
sa isang paksa o isyu.
II. Paksang Aralin
Paksa/Akda: Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra
Genre: Gramatika
Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2. 2003.pp.120,133-134
Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra mula sa
https://youtube/cc2sU0ZDmE
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Komiks, Larawan
Kahalagahang Pangkatauhan: Sa ating mga tao nalalaman ang
kahalagahan ng paggamit ng maliit at malaking letra sapagkat
nakasalalay dito ang tamang pagbasa at pagsulat sa mga pangungusap
at talata.
III. Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
● Panalangin
Mga bata bago tayo magsimula ay
magkaroon muna tayo ng isang
panalangin na pamumunuan ni Nikki.
Panginoon sa aming pag-aaral ngayon,
turuan mo kami na matutong makinig
nang mabuti sa lahat ng mga mapag-
uusapan at gagawin namin. Makiisa
kami sa mga talakayan at gawain na
ibibigay ng aming guro. Higit sa lahat,
magamit ang aming napag-aralan sa
kabutihan lamang. Ito po ang aming
dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.
● Pagbati
Isang mapagpala at magandang araw
mga bata!
Magandang araw din po ma’am!
Kamusta naman kayo? Ayos lang ba
kayo?
Opo Ma’am ayos lang po kami at
masaya po kami ngayon.
Pagsasaayos ng Silid
Upang maisaayos naman ang ating silid
ay nais kong palaging tandaan ninyo si G.
Islin at ang kanyang Linis Tsek.
Pagtatala ng Liban
Ngayon mga bata kapag tinawag ko ang
inyong pangalan mangyaring sabihin ang
“kruu kruu” kapag kayo ay naririto.
Handa na ba kayo?
C. Analisis
Gamit ng Malaki at Maliit na Letra
Ngayon ay halina at ating tuklasin ang
iba’t ibang gamit ng malaki at maliit na
letra.
Halimbawa:
Mahusay!
Sa pangalawa naman sino ang maaaring
magbasa?
2. Sa tiyak na pangngalan (nouns)
Halimbawa:
Anna- TAO
Mongol- BAGAY
Bohol- LUGAR
Pasko- PANGYAYARI
Bantay- HAYOP
Mahusay!
Sino naman ang mayroong naiisip na
tiyak na pangngalan, ibahagi ito sa ating
klase? ( Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
sagot).
Cebu, Lito, Rolex, Mingming, Araw ng
Patay
HALIMBAWA:
HALIMBAWA:
Buwan Araw
Disyembre Huwebes
Ang buwan at araw ay saklaw din sa
paggamit ng malaking titik.
PANGYAYARI
kaarawan
binyag
anibersaryo
Huling paalala ni Bugs Bunny na ang
maliit na letra ay ginagamit kapag ang
salita ay pangngalang pambalana.
D. Abstraksyon
Dahil hindi pa natin natutunton kung
nasaan na nga ba si Elmer Fudd ay
kinakailangan ninyong dumaan sa baku-
bakong daan at sagutan ang katanungan
ni Bugs Bunny para sa ikalimang piraso
ng puzzle.
E. Aplikasyon
Upang makuha na natin ang huling piraso
ng puzzle at tuluyan na nating matunton
kung nasaan si Elmer Fudd ay halina’t
ating sagutin ang mga sumusunod:
Paghahalaw
1.Mula sa aktibiti ay matutukoy ng mag-
aaral ang tamang gamit ng malaki at maliit
na letra.
2.Ipaliliwanag isa-isa ang mga sagot sa
bawat bilang.
Pagpapahalaga
Bakit kailangan nating pag-aralan ang
tamang paggamit ng malaki at maliit na
letra? Kailangan nating pag-aralan ang
paggamit ng malaki at maliit na letra
upang sa gayon ay makasunod tayo sa
tamang gramatika at paraan ng
pagsulat na ating kinagisnan.
( Ang mga mag-aaral ay magbabahagi
pa ng kanilang mga kasagutan).
Paglalahat
Muli, ano ang tinalakay natin ngayong
araw? Ang ating tinalakay ay patungkol sa
Gamit ng Malaki at Maliit na Letra.
Sa tuwing kailan ginagamit ang malaking
titik o letra? Ginagamit ang malaking letra sa simula
ng pangungusap, sa tiyak na
pangngalan, sa pamagat ng aklat o
palabas at huli sa mga buwan at araw.
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang maling gamit ng malaki at maliit na letra sa
pangungusap.
V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng tatlong parirala at tatlong pangungusap. Gamitin ang tamang
paggamit ng malaki at maliit na letra at lagyan ng tamang bantas ang mga
pangungusap.
Pamantayan sa Pagmamarka
Tamang gamit ng malaki at maliit na letra- 5
Tamang gamit ng parirala- 5
Tamang gamit ng pangungusap- 5
Tamang gamit ng bantas- 5
___________________
Kabuuang Puntos: 20
Inihanda ni :
CLARISSE E. MACALINTAL
Gurong Nagsasanay
Binigyang-pansin:
JEAN D. DEL MUNDO
Guro sa Asignatura