You are on page 1of 3

Salmo 23 (Ang Panginoon Ang Aking Pastol)

Ang Panginoon ang aking pastol


Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan

Inakay ako sa tahimik na batis


At dulot niya'y bagong lakas
Tapat sa pangakong
Ako'y sasamahan niya
Sa tuwid na landas

Ang Panginoon ang aking pastol


Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan

Daan ma'y puno ng dilim o ligalig


Hindi ako mangangamba
Tungkod mo't pamalo
Ang siyang gagabay sakin at
Sasanggalang tuwina

Ang Panginoon ang aking pastol


Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan

Ang Panginoon ang aking pastol


Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan

Sa mainam niyang pastulan


"Ang puso koy nagpupuri"

Ang puso ko'y nagpupuri


Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa 'king tagapagligtas

Sapagkat nilingap Niya


Kababaan ng Kaniyang alipin
Mapalad ang pangalan ko
Sa lahat ng mga bansa

Ang puso ko'y nagpupuri


Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa 'king tagapagligtas

Sapagkat gumawa ang Poon


Ng mga dakilang bagay
Banal sa lupa't langit
Ang pangalan ng Panginoon

Ang puso ko'y nagpupuri


Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa 'king tagapagligtas

Luwalhati sa Ama
Sa Anak at Espiritu Santo
Kapara noong unang-una
Ngayon at magpakailanman

Ang puso ko'y nagpupuri


Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa 'king tagapagligtas

Nagagalak ang aking Espiritu


Sa 'king tagapagligtas
TINAPAY NG BUHAY
PAPURI

I
Ito ang tinapay ng buhay,
Kanin mo’t makibahagi
Ito ang tinapay ng buhay,
kanin mo’t makiisa
Iyan ang katawang ibinayubay,
upang ikaw ay mabuhay
Iyan ang katawang naghirap,
upang iyong kamtan
Ang buhay na walang hanggan.

II
Ito ang saro ng bagong tipan,
inumin mo’t makibahagi
Ito ang saro ng bagong tipan,
inumin mo’t makiisa
Iyan ang dugong dumanak,
upang ikaw ay luminis
Iyan ang dugo ni Kristo, na para sa iyo
Doon sa kalbaryo ay tumigis.

(Koro)
Ito ang tinapay ng buhay,
ito ang saro ng bagong tipan
Iyan ang katawang nabayubay,
iyan ang dugong itinigis
Ito ang aking patunay,
ako’y kasama Niyang namatay
Ito ang aking ipahahayag,
na magbabalik si Hesus na buhay

You might also like