You are on page 1of 2

FILIPINO 5

Ika-apat na Markahan - Summative Test 1


(LAS 1 at 2)
Pangalan:___________________________ Baitang at Seksiyon:___________________ Iskor:_____
I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang uri ng
pangungusap sa kasunod na mga bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pasalaysay Padamdam
Patanong
Pautos Pakiusap

1. Isang bahay ng tricycle driver ang nasunog dahil sa paglalaro ng bata ng cigarette lighter.
2. Bakit hindi kaagad nakapasok ang firetruck sa lugar na pinangyarihan ng sunog?
3. Tumawag kayo sa Fire Station dahil may nasusunog na bahay sa Sitio Cayutan, Barangay
Cagniog, Surigao City.
4. Naku! namatay ang aso sa loob ng nasunog na bahay dahil hindi nakalabas.
5. Sa mga gustong tumulong pakibigay ng inyong donasyon sa pamilyang nasunugan.

II. Panuto: Pagtambalin ang angkop na sanhi at bunga sa pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
A B
6. Hindi kumain si Jay ng kanyang tanghalian A. kaya walang lamok sa kanila at hindi
7. Palaging naglilinis si Minda ng kanilang bakuran marumi.
8. Nahulog si Roy sa hagdan B. dahil siya ay nadulas
9. Mahilig kumain ng maalat si Fred C. dahil nasira ito ng bagyo
10.Hindi makatawid si Ana sa ilog D. kaya sumakit ang kanyang tiyan
E. kaya siya ay nagkasakit sa bato.

III. Panuto: Tukuyin ang posibleng solusyon sa hanay B sa mga nararanasang suliranin sa hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. SULIRANIN
11. Matinding pagbaha ang naranasan sa lungsod ng Surigao at iba pang karatig na lugar dahil sa
nagdaang bagyo.
12. Sa mga nakaraang buwan mataas ang presyo ng mga gulay, sibuyas at kamatis.
13. Naglipana ang mga langaw sa paligid ng bahay ninyo dahil sa nakatambak na basura ng
kapitbahay.
14. Ang pagkabutas ng Ozone Layer ay nakababahala dahil sa nakapaglalagos na ang matinding
sikat ng araw sa ating daigdig. Nakaramdam na tayo ng labis na init at ito ay maaaring
magdulot ng kanser sa balat at iba pang sakit at pagkasira ng kabuhayan.
15. Problema yung doble-dobleng pag parke ng mga sasakyan sa kalye.

B. SOLUSYON
A. Ang pagkabutas ng Ozone Layer ay dahil sa epekto ng paggamit ng mga hairspray, singaw ng
pampalamig na nanggagaling sa air conditioner, refrigerator, freezer at iba pang gamit sa
industriya. Bawasan ang paggamit nito.
B. Dapat magkaroon ng sariling garahe ang mga may-ari ng sasakyan sa ganun hindi nakaka-
abala sa mga dumadaang sasakyan dahil sa kung hindi isa ito sa magiging sanhi ng trapiko.
C. Sasabihin ko sa magulang ko ang aking napapansin. Sila na ang makikipag-usap nang
mahinahon sa kapitbahay tungkol sa kanilang basura.
D. Magtanim ng mga gulay, kamatis, sibuyas at iba pang halaman sa mga bakuran o sa paso
upang makatipid sa mga gastusin.
E. Huwag putulin ang mga puno sa kagubatan dahil napipigil nito ang pagbaha.
16. Si Nerry ay ang pinakamahusay sa Matematika sa kanilang klase. Napansin niya na mababa
ang nakuhang marka ng kanyang ilang kamag-aral sa pagsusulit sa Matematika.

Ano kaya ang angkop na solusyon para sa suliraning ito?

A. Pangaralan ang mga kaklase na pagbutihin ang pag-aaral.


B. Hikayatin ang mga kaklase na sama-samang mag-review sa mga aralin sa Matematika.
C. Pakopyahin ang mga kaklase sa tuwing mayroong pagsusulit sa Matematika.
D. Hindi kakaibiganin ang mga kaklase dahil hindi marunong sa Matematika.

IV. Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga tanong kaugnay dito. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Marami sa mga Pilipino ang hindi pabor sa pagpapalibing kay Ferdinand Marcos sa libingan ng
mga bayani. Marami ang hanggang sa ngayon ang nagpoprotesta sa desisyon ng Supreme Court kaugnay sa
nabanggit. Marami ring mga Pilipino na idinaan sa Social Media ang kanilang hinaing at sentimyento
kaugnay sa isyu. Maging ang mga artista at mamamayan ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa isyung
ito. Ngunit mayroon ding nagsasabi na ituloy na lamang ang buhay at may mas mabigat na problemang
kinahaharap ang ating bansa kaysa sa isyu na ito tulad ng droga at patayan. Masakit para sa akin ang
nagyaring ito ngunit di pa tapos ang laban. Patuloy akong mag-iingay sa pamamagitan ng aking panulat
tungkol sa isyung ito.

17. Ano ang paniniawala ng may-akda tungkol sa isyu?


A. Tama ang desisyon ng SC na ilibing si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.
B. Hindi tamang ilibing si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.
C. Walang pakialam ang may-akda sa desisyon ng Supreme Court
D. Wala sa nabanggit.
18. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang pangyayari?
A. Nagdesisyon ang SC na ilibing si Feredinand Marcos sa libingan ng mga bayani.
B. Marami ang nagpoprotesta kaugnay sa pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga
bayani.
C. Patuloy na mag-iingay ang may-akda sa pamamagitan ng kanyang panulat kaugnay sa
isyu.
D. Walang pakialam ang may akda sa issue tungkol kay Ferdinand Marcos.
19. Ano ang gagawin ng may-akda upang maipakita niya angkanyang panig sa isyu?
A. mag-rarally
B. Regular na mag-popost ng kanyang panig sa social media
C. Mag-ingay sa pamamagitan nga kanyang panulat.
D. Wala sa mga nabanggit.

Pabor ako sa ipinatupad ng gobyerno na magkaroon ng mga lugar na maaari lamang manigarilyo ang
mga mamamayan. Pabor ako na bawal manigarilyo ang mga tao sa mga pampublikong lugar sapagkat ang
usok mula sa sigarilyo ay masama at delikado para sa kalusugan ng mga nakalanghap nito. Ang ordinansang
ito ay makakapagpapabuti sa kalusugan ng mga tao higit sa mga bata. Ito ay isang magandang simula para
sa ikabubuti ng nakakarami.

20. Ano ang paniniwala ng may-akda sa isyu?


A. Makakabuti kung hindi na maninigarilyo ang mga tao sa anumang lugar.
B. Makakabuti kung wala ng maninigarilyo.
C. Makakabuti na ipinagbawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar.
D. Makakabuti kung hindi ipinagbawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Prepared by: Edited and Reviewed by:

ROSEMARIE N. REYNA YVONNE B. CHOCO


Filipino Teacher Master Teacher II

You might also like