You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

STA. MESA MAYNILA

GEED 10123: INTELEKTWALISASYON NG


WIKANG FILIPINO

Ipinasa ni:
Julius Renz V. Arangoso – BSED FILIPINO 2-1
Ipinasa kay:
Sir. Christo Rey S. Albason

Page | 1
Mga gabay na tanong:

1. Ano ang Araling Pilipino? (AP)


Ang “Araling Pilipino”, ito ay isang Akademikong disiplina sa pag-aaral sa isang wika,
maaring umugnay kultura, lipunan na ating ginagalawan at maging sa panitikan na maroon
ang mga Pilipino. Gamit ang mga tinatawag nating kaparaanang interdisiplinarya mula sa
antropolohiya, arkitektura, kasaysayan, identidad, lahi at etnisidad, lingguwistika, araling
islam, ekonomiya, araling sining, pilosopiya, musika, panitikan, sosyolohiya at iba pa.
Ang Araling Pilipino ay isang agham at Interdisiplinadong pag-aaral dahil mahalagang
ito ay maging pundasyon natin ng bawat Pilipino sa kritikal na pagsusuri sa lipunang ating
ginagalawan. Ito ay tahasang umuugnay sa ating Pilipino bilang ating identidad at ating lahi
maging etnisidad sa ating bansa.
Bilang isang sangay ng pag-aaral ang mga layunin sa pagkatuto ng Araling Pilipino ay
kinabibilangan ng pag-unawa, pagpapahalaga, at kritikal na pagsusuri ng Pilipinas sa
pamamagitan ng Kasaysayan ng Pilipinas, mga kontemporaryong isyu sa pamayanan ng
Pilipinas, at Philippine Humanities tulad ng pilosopiyang Pilipino, musikang Pilipino, sining
ng Pilipino, panitikan ng Pilipinas, at sayaw ng Pilipinas.
Ang pagsasama ng Philippine Ang humanities sa pamamagitan ng literary readings,
pakikinig sa musical recording, film viewings, at field trips ay nagbibigay ng pag-unlad ng
kultural na pagtanggap at aesthetic sense. Ang Philippine Studies ay umaabot sa pag-uugnay
ng mga kontribusyon ng mga taong may lahing Filipino sa mga bagong setting at kultura (tulad
ng mga Overseas Filipinos sa ibang mga bansa). Bukod sa pagbibigay ng edukasyon at
kamalayan tungkol sa Pilipinas, layunin ng Araling Pilipino na maimulat sa mga mag-aaral ng
Philippine Studies ang pagkakakilanlang etniko ng Filipino sa pamamagitan ng pagranas ng
kultura ng Pilipinas.

2. Ano ang Pantayong Pananaw? (PP)

Ang "Pantayong Pananaw" ito ay ang ang teoryang pangkasaysayang binuo ni Zeus
Salazar, at nagpapanukala na dapat pag-aralan ang ugat at kalagayan ng kapuwa Pilipinas at
Filipino alinsunod sa punto de bista ng Filipino at sa sariling diskurso na taglay nito. Ang tesis
ng nasabing teorya ay naging gulugod ng iba pang pag-aaral sa ibang lárang, gaya ng
antropolohiya, arkitektura, batas, edukasyon, panitikan, politika, sikolohiya, at sosyolohiya.

Hango ang salitang “Araling Pilipino”, sa mga ugat na salitang “tanáw” at “tayo” ang
“pantayong pananáw” [pang + tayo + na pang + tanáw]. Tumutukoy ang “táyo” sa panlahatang
Page | 2
tawag sa kapwa nagsasalita at sa nakikinig; samantalang ang “pananáw” ay nangangahulugang
paraan ng pagtingin o pagsagap ng tao sa bagay, kapuwa, at paligid. Sa paggamit ng
“pantayong pananaw,” ang “kasaysayan” ay ipinakahulugang “salaysay ukol sa nakalipas [na
panahon] na may saysay para isang grupo ng mga tao” at inihahayag sa wikang batid ng
dalawang panig.
3. Ano ang punto ng Awtonomong Agham Panlipunan? May pagkakaiba ba ito sa PP.
Ang punto “awtonomong Agham Panlipunan”, ng isang Malaysian iskolar na si Syed
Farid Alatas, (2006), ito ay binibigyang-kahulugan ang mga tradisyon sa agham panlipunan
na nagsasarili bilang isang yaong independiyenteng paglitaw ng mga problema, maaring
makalikha ng mga konsepto, at mapanlikhang gumagamit ng mga metodolohiya. Mula sa aing
nabasa sa artikulong ito, ay pagpapakita ng pagkakahawig nito sa Pantayong Pananaw ni G.
Zeus Salazar.
Subalit, tinukoy ni Alatas, ang mungkahi nito sa "Awtonomong Agham Panlipuanan",
na isa sa mga tunguhin ng “pagsasakatutubo” (indigenization) ng agham panlipunan na ito ay
mayroong “kabuluhan” (relevance) para sa sariling kultura at bansa.
Ayon sa kaniyang pag-aaral, bahagi ito ng pagbubuo ng tinatawag nating
“alternatibong diskurso” (alternative discourse) na tutugon at tatapat sa mga dominanteng
diskurso ng mga kanluraning agham panlipunan. Samantalang, hindi intelektuwal na
madodomina ng ibang tradisyon. Dahil hindi ito nangangahulugan na walang mga
impluwensiya at walang matutuhan mula sa ibang mga tradisyon. Hindi tinatanggihan ang mga
ideya batay lamang sa pambansa o pangkulturang pinagmulan ng mga ito.

4. Makatutulong ba ang mga pananaw sa akda para sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon


ng wikang Filipino.
Mula sa aking nabasang artikulo na ito, masasabi ko na makatutulong ito sa pagsulong
ng intelektwalisasyon ng ating Wikang Filipino. Dahil ito ay tahasang nagpapakita ng mga
ilang mga impormasyong kinakailanganna malaman at matutunan nating mga Pilipino at
maunawaan kung ano nga ba ang patuloy na nagiging problema at sanhi ng hindi paggamit o
tamang pagpapahalaga ng ating Wikang Filipino.
Mula sa mga pahinang nakaulat sa artikulo na ito, mga kilalang tagapag-ugnay o pag-
aaral ng ating wika upang ito ay dito malalaman natin kung ano-ano ang maaring maging
hakbang nito upang sa ika-uunlad o sa patuloy na maging intelektwalisado ang ating Wikang
Filipino. Patuloy na gamitin at pagpapakita ng kahalagahan nito nang sa gayon ay maipakita
ang pagsuporta ng bawat Plipino sa ating Wikan a mayroon sa atin.

Page | 3

You might also like