You are on page 1of 5

Ikatlong markahang pagsusulit

I.Piliin ang titik ng wastong sagot


1. Ayon sa teoryang ito, ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya
at ritwal na kanilang ginagawa.
a. TARARA-BOOM-DEAY
b. YO-HE-HO
c. BOW-WOW

2. Ang tuon ng teoryang ito ay ang mga salitang nalikha dahil sa puwersang ginamit.
a. BOW-WOW
b. DING-DONG
c. YO-HE-HO

3. Isa sa mga halimbawa ng teoryang ito ay ang tunog na nalilikha ng mga karatista kapag
nakikipagkarate.
a. YUM-YUM b. YO-HE-HO c. DING-DONG

4. Ang likhang tunog na kwak-kwak ng pato ay nabilalang sa anong teorya?


a. BOW-WOW b. DING-DONG c. YO-HE-HO

5. Siya ang nagtipon sa karamihan ng mga uri ng tugmang de-gulong.


a. Dr. Patricio Casanova b. Dr. Paquito Badayos. c. Dr. Emmanuel Lubao

6. Ito ang pangunahing tema ng Tugmang de-Gulong.


a. Mga mensaheng may kinalaman sa pagtuklas ng mga bagong bagay
b. Mga mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
c. Mga mensaheng may kinalaman sa pag-aaral at paglalaro ng kabataan

7. Isang akdang patula na pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan at binibigkas nang patula.


a. Palaisipan
b. Bugtong
c. Tugmang de-gulong

8. Ito ang ibang katawagan sa rehiyonal na tunog o accent.


a. Intonasyon
b. Punto
c. Hinto o Antala
9. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.
a. Punto
b. Hinto o Antala
c. Intonasyon

10. Ang ______ naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.


a. Diin
b. Hinto o Antala
c. Punto

II. Panuto: Tukuyin kung anong akdang patula ang isinasaad ng bawat bilang.
1. May balbas ngunit walang mukha. (Sagot: Mais)
a. tugmang de-gulong
b. bugtong
c. palaisipan

2. Ang ‘di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.


a. tugmang de-gulong
b. bugtong
c. tulang panudyo

3. Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
a.tugmang de-gulong
b.bugtong
c.tulang panudyo

4. Itim ng binili ko, naging pula ng ginamit ko. (Sagot: Uling)


a.tugmang de-gulong
b.bugtong
c.tulang panudyo

5. Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
Sambitin ang "para" sa tabi tayo'y hihinto
a. palaisipan
b. bugtong
c. tugmang de-gulong

6. Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at unahan ng globo.


a. bugtong
b. palaisipan
c. tulang panudyo
7. Hawakan mo at naririto, hanapin mo ay wala ito.
a. bugtong
b. palaisipan
c. tulang panudyo

8. Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y ‘di mo kwarto.


a. bugtong
b. tulang panudyo
c. tugmang de-gulong

9. Ang layunin nito ay mambuska o mang-asar.


a. bugtong
b. tulang panudyo
c. tugmang de-gulong

III. DIIN AT HABA


Panuto: Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang
nakasulat sa malalaking titik. Suriin kung ito ay magkapareho ng bigkas o hindi.
1. Inuubo siya dahil may butas ang BAGA niya.
May BAGA pa sa kalan maaari ka pang makapagsaing.

a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

2. Ang pagdinig ay idinaos sa SALA ng hukom.


Siya, siya ang may SALA.
a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

3. Ang PASO ay taniman ng halaman.


Ang PASO ay kailangang lagyan ng gamot para hindi maipeksyon.
a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

4. Aalis kami BUKAS.


BUKAS kami aalis.
a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

5. PITO ang nakuhang mangga ni Ken.


Malakas na PITO ang nagpagising sa natutulog na drayber.

a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

6. Mabilis na ipinagawa ni Oscar ang nasirang TUBO sa kanilang kusina.


Mabilis ang pag TUBO ng mga halaman ni Anton.
a. PAREHO NG BIGKAS
b.MAGKAIBA NG BIGKAS

7. Maraming GABI at kamote ang naani ni Joseph.


Malalim na ang GABI nang umuwi si Joseph mula sa pag-aani.
a. PAREHO NG BIGKAS
b.MAGKAIBA NG BIGKAS

8. Ikaw LAMANG ang aking mahal.


Ikaw ang aking mahal kaya ika’y LAMANG sa kaniya.
a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

9. Ang aking kaibigang HAPON ay bumalik na sa kanilang bansa.


HAPON nang bumalik sa kanilang bansa ang aking kaibigan.
a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

10. BASA ang aking sapatos dahil sa mataas na baha.


Dahil sa malakas na ulan ang mga libro ay naabutang BASA sa aking silid.
a. PAREHO NG BIGKAS
b. MAGKAIBA NG BIGKAS

IV. TAMA O MALI

1. Walang may-akda ang mga kuwentong-bayan, nagpalipat-lipat lamang ang mga ito sa
bibig ng mga tao.
TAMA
MALI

2. Ang mitolohiya ay isang uri ng katha na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng


mga bagay.

TAMA
MALI

3. Ang alamat ay koleksiyon ng iba't ibang kuwentong-mito mula isang pangkat ng tao
sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng diyos o diyosa noong unang panahon.
TAMA
MALI

4. Ang tekstong “Bakit mabulaklak ang buwan ng Mayo?” ay isang halimbawa ng


kuwentong-bayan.
TAMA
MALI

5. Ang Bugtong ay inibigkas nang patula at kalimitang maiksi lamang.


TAMA
MALI

6. Ang palaisipan ay nasa anyong patula. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon.
TAMA
MALI

7. Ang diin at haba ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ipinahahayag
TAMA
MALI

8. Ang diin ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.


TAMA
MALI

9. Ang karaniwang tema ng tugmang de-gulong ay mga simpleng paalala sa mga


pasahero ng pampublikong sasakyan.
TAMA
MALI

10. Kilala rin ang tulang panudyo sa tawag na Pagbibirong Patula.


TAMA
MALI

V. Tukuyin kung ano ang isinasaad ng pahayag.

1. Doc, Alejandro ang pangalan ko.


Sinasabi mong ikaw si Doc. Alejandro.
Sinasabi mong Alejandro ang pangalan mo sa doctor.

2. Hindi, ako ang Kriminal.


Sinasabing mong hindi ikaw ang kriminal
Isinasaad mong ikaw ang kriminal

3. Hindi siya, si Emma ang kumuha ng hikaw.


Sinasabi niyang hindi si Emma ang kumuha ng hikaw
Sinasabi niyang si Emma ang kumuha ng hikaw.

4. Oo, hindi sa kanya ang papel na iyan.


Sumasang-ayon kang hindi sa kanya papel.
Sumasang-ayon kang sa kanya ang papel

5. Sir Karlo, Christopher, ang tatay ko,


Isinasaad mong ang pangalan ng iyong ama ay Karlo Cristopher
Ipinakikilala mo ang iyong sa iyong guro at kaibigan.

You might also like