You are on page 1of 3

FILIPINO 10

UNANG MARKAHAN

Pangalan: Petsa:
Baitang at Seksiyon: Iskor:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Gamit ng Pandiwa

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Upang maging mabisa ang pagsasalaysay, paglalahad at pagsusuri ng mga mito,
mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman sa gamit ng pandiwa.
Ang pandiwa ay maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari.
Ginagamit ito bilang AKSYON kapag may tagaganap o aktor ng kilos. Malinaw
itong nakikita sa pamamagitan ng panlaping -um, mag-, ma-, magma, mang, maki at mag-an.

Halimbawa: Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.


Pandiwa: Naglakbay Panlapi: mag- Salitang-ugat: lakbay
Tagaganap: Bugan (paksa ng pangungusap) Gamit: AKSYON

Ang pandiwa bilang KARANASAN naman ay kadalasang naipapahayag


naipahahayag kapag may damdamin ang pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o
damdamin na nakapaloob sa pangungusap.
Halimbawa: Nalungkot ang lahat sa masamang nangyari.
Pandiwa: Nalungkot (damdamin) Panlapi: ma- Salitang-ugat: lungkot
Tagaramdam ng emosyon: lahat (paksa ng pangungusap) Gamit: KARANASAN

Sa PANGYAYARI, ang pandiwa ay resulta ng pangyayari.


Halimbawa: Sumaya ang mukha ni Venus dahil sa magandang paraiso.
Pandiwa: Sumaya (resulta ng pangyayari) Panlapi: um- Salitang-ugat: saya
Dahilan: magandang paraiso Gamit: PANGYAYARI

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at
karanasan (F10WG-Ia-b-57)

Gawain 1
Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang pandiwa at salungguhitan
ang tagaganap o resulta ng isang pangyayari. Isulat ang gamit nito sa patlang.
1 Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang pagmamahal kay Cupid.
2 Si Venus ay nanibugho sa kagandahan ni Psyche.
3 Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari.
4 Ang lahat ng kababaihan ay umibig kay Bantugan.
5 Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
6 Si Psyche ay patuloy na naglakbay sa kaharian ng mga diyos.
7 Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
8 Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan.
9 Umuwi siya sa tahanan ni Venus.
10 Dahil sa paghihirap, natukso siyang tumalon.

Gawain 3
Bumuo ng pangungusap na nagpapahayg ng iyong sariling opinyon o pananaw
tungkol sa mga sumusunod na paksa gamit ang mga pandiwang ginamit bilang aksyon,
pangyayari, at karanasan.

PAKSA AKSYON PANGYAYARI KARANASAN


1. Community
Quarantine

2. Frontliner

3. CoViD-19

PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Matapos kong sagutan ang mga gawain, natutunan kong

You might also like