You are on page 1of 1

ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

ISYUNG POLUSYON

Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran. Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang
polusyon ng hangin at polusyon ng tubig.

Maaaring hindi matatagalang tirhan ang mundo, hindi dahil sa mga bagyo o lindol na dumaan na ating
mga naranasan. Dahil unti-unting namamatay ang pinakamamahal nating planeta. Kung sakaling
magkatotoo mn ito hindi na kasalanan ng kalikasan kundi sating mga tao rin. Ang mga hanging ating
lalahangapin ay hindi na nakabubuti sa ating katawan at maaaring tayo pa ay magkasakit. Samantalang
ang tubig na ating iinumin ay mistulang magiging lason at makakadulot din ito ng sakit. Ito ang mga
maaaring dulot ng polusyon, ang ating pangunahing kalaban na hindi makikita.
Maraming bansang apektado ang nagwawalang bahala lamang sa polusyon isa ito sa mga dahilan kung
bakit marami rin ang nagkakasakit at namamatay. Karamihan sa industriya at pabrika sa mundo ay
sumusunod sa pagsugpo ng polusyon. May mga bagong tuklas ngayong mga pamamaraan upang ang
mga dumi at usok inilalabas ng pabrika ay malinis muna bago itapon. Ang mga sasakyan naman ay
nilalagyan ng mga makabagong gadyet upang ang usok na ibinubuga ay hindi mapanganib sa kalusugan.

Ang polusyon ng hangin o air pollution ay ay isang pangkapaligiran na kasalukuyang kinakaharap ng


buong mundo. Sanhi nito ang pagkakaroon ng mga mapinsalang kemikal sa hangin. Sa modernong
lipunan, ang polusyon sa hangin ay nagsisimula sa mga sasakyan at sa mga ibinubuga ng mga pabrika.
Maraming naging bunga ng bunga ang polusyon ng hangin. Isa rito ay ang ulang asido. Nangyayari kapag
may mga may mapinsalang kemikal tulad ng SO2 (Sulfur Dioxide) at NO (Nitrogen Dioxide) ay napupunta
sa ating atmospera at humahalo sa tubig ulan sa mga ulap, kung masyadong mababa ang ph nito ay
nagiging ulan asido. Ang ulang asido ay maaaring maging sanhi ng pagdumi ng mga lupa na maaring
taniman, pagkasira ng ilang konkreto o semento at pagkasira ng balanse ng buhay sa mga dagat, ilog,
lawa at iba pang malalaking katawan ng tubig.

Ang polusyon ng lupa ay pagkadumi ng ilang anyong lupa mula ng pagtatapon basura kahit saan at ang
pagputol ng mga puno. Kawalan ng disiplina ng mga tao ang dahilan nito. Nagiging epekto nito ay
pagkakaroon ng mga aksidente sa mga kalye.
Kaya nagkaroon ng polusyon sa lupa ay dahil sa maling pagtatapon ng basura kung saan-saan. Ang mga
basurang ito ay bumabarasa mga daluya nng mga tubig at nagiging sanhi ng pagkakaroon ng baha.

Ang pagputol naman ng mga puno sa kabundukan maging sa kapatagan ay isang sanhi din ng polusyon
sa lupa. Sa sobrang pagpuputol ng puno at hindi mapapalitan ng bago ay lubhang nakakasama sa
kalikasan. Ang pagkakalbo ng mga kagubatan ay maaaring magdulot ng matinding pagbaha.

Ang polusyon ng ingay naman ay nagiging sanhi ng stress at kawalan ng konsentrasyon.


Bukod sa mga tao, ang polusyon ng ingay ay may malaking epekto ng hayop.
Kapag malakas ang ingay ng kanilang habitat, ang kanilang mga normal na gawain gaya ng mating,
paghahanap ng pagkain ay lubhang nagbabago, dahilan upang malagay sila sa panganib.

You might also like