You are on page 1of 3

JAMES: Magandang Hapon sainyong lahat ako si James Cedrick Amazona

ANGEL: Ako naman Si Angel Pangilinan


JAMES: Narito kami ngayon sainyong harapan upang ipresinta ang sanaysay
na Alegorya ng Yungib na isinulat ni plato

ANGEL: Ano pa ba ang hinihintay natin, simulant na natin


JAMES: Nabasa mo naba ang sinulat na sanaysay ni Plato na pinamagatang
Alegorya ng Yungib?

ANGEL: Oo, nabasa ko ang sanaysay na isinulat ni Plato.

JAMES: Kung nabasa mo ang sanysay ni plato, tungkol saan ang sanaysay na
ito.

ANGEL: Ito ay isang sanysay na isinulat ni Plato na tumatalakay sa


edukasyon at katotohanan at ang Alegorya ng Yungib ay katotohanan sa mga
tuntunin ng representasyon ng tao na nasa kabuuan ng tao, na ginamit ni Plato.
Nais niyang patunayan na ngyaon na ang mga tao ay likas na magagaling, ngunit
kailangang maipakita angtalino ng mga ito upang maging kapaki-pakinabang.

JAMES: Mayroon akong karagadagang katanungan kung totoong binasa ang


sanaysay na isinulat ni Plato. Ano ang mga pahayag ni Plato sa kanyang sanysay.

ANGEL: Ang mga pahayag ni Plato sa kanyang sanaysay ay pagbibigay ng


pagsasalarawan ng mga anyo na dapat natin malaman at mga bagay na hindi dapat
mapansin sa ating kalikasan.
At ito ay nangangahulugang may mga bagay na dapat pa nating
malaman o matutunan, may mga bagay na hindi naman dapat nating bigyan ng
pansin,

ANGEL: Unang pananaw, kakaibang mga bilanggo. Ang patunay sa unang


pananaw na ito ay may dala-dala silang mga monumento at larawan na mga hayop
na likha sa mga kahoy at bato.
JAMES: Ano naman ang nasa ikalawang pananaw?
ANGEL: Ikalawang pananaw, pag sila ay lumingon sa liwanag sila ay
magdurusa sa sakit. Ang patunay sa ikalawang pananaw na ito ay kung sila ay
mapapalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad, at tumingin patungo sa
liwanag.
Sa ikalawang pananaw naman pinapakita nila dito na, kung gusto
mong guminhawa, matuto tayong magparaya, kailangan natin alisin ang galit at
lungkot ng sa ganon ay makahinga na tayonang maluwag.

JAMES: Ano naman ang masasabi mo sa ikatatlong pananaw?


ANGEL: Ikatlong pananaw, mga anino. Paano nila makikita ang ano man
kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At mga
bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo,
sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila
ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila? Tunay nga
Sa ikatatlong pananaw naman, paano natin malalaman o
maiintindihan kung hindi natin pinaiiral ang ating pa-iisip, at paano natin
malalaman ang mga bagay-bagay kung puro sinasabi ng iba ang ating sinasabi.

JAMES: Paano naman ang ika-apat pananaw?

ANGEL: Ika-apat na pananaw, sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay


walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan
muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay
maging Malaya at ‘di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa
kanila ay mapapalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad, at tumingin patungo
sa liwanag.
Para naman sa ika-apat na pananaw, ang katotohanan ay ang mag
sasabi sa ating sarili, hindi ang ibang tao. Ang katotohanan ang nag papatunay sa
ating mga pagkakamaling nagawa.

JAMES: At higit sa lahat ano naman ang ika-limang pananaw

ANGEL: Ika-limang pananaw, ipinalalagay pang muli na sita ay atubiling


hinila pataas sa matarik at bako-bakong hanggang sapilitab siyang makarating sa
harap mismong araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan
niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilat at hindi niya
magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan ang katotohanan.
Para naman sa pinahuling pananaw, Hindi natin makukuha agada gad ang ating
mga kagustuhan kung hindi natin ito pag hihirapan at hindi natin ito gagawing
makatotohanan.

JAMES: At higit sa lahat ano ang kabuuang pananaw ni Plato sa kaniyang


sanaysay?

ANGEL: Ang kabuang pananaw ni Plato sa kanyang sanaysay ay ang


nagpapahiwatig sa atin ng tunay na kaganapan sa lipunan kung saan ang karamihan
sa atin ay mga nabulag, nagbubulag-bulagan, o hindi nakikita ang katotohanan sa
likod ng mga katotohanang iniharap sa atin. Ito ay nagpapakita sa atin ng pagtutuos
sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan.
JAMES: Mahusay Angel, nabasa mo talaga ang sinulat na sanaysay ni Plato.
Sana maisapuso natin ang sanaysay na ito, at sana madami kayong napulot na aral
sa aming binahagi. At dito na nag tatapos ang aming presentasyon, MARAMING
SALAMAT PO

You might also like