You are on page 1of 27

NOT

9
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 25
Pag-uuri ng mga Tiyak na Bahagi at
Katangian ng Dula

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, Wk.8-9 - Module 25: Pag-uuri ng mga Tiyak na bahagi at
Katangian ng Dula
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

Development Team of the Module

Author: Maria Emelyn P. Don


Evaluators/Editors: Ruth B. Tomarong, Virgie B. Baoc
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 25
Pag-uuri ng mga Tiyak na Bahagi at
Katangian ng Dula

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

iii
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ………………………………
Alamin ………………………………
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Balikan ……………………………… 4
Aralin 1 ………………………………
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ………………………………

Tayahin ……………………………… 12
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 14
Karagdagang Gawain ………………………………
Sanggunian ………………………………

iv
This page is intentionally blank
Modyul 25
Pangkalahatang Ideya

Dahil sa pagtatag ng imperyong Mongol, ang pinakamalaking kumpol na


imperyo sa kasaysayan ng daigidig kung kaya tinatawag na Lupain ni Genghis Khan
ang bansang Mongolia. Pinaniniwalaan ng mga Mongol ang konsepto ng suwerte at
malas. Naniniwala sila na sa pag-apak sa mga bagay na sagrado sa diyos at
paglapastangan sa isang lugar ay magbibigay sa kanila ng kapahamakan.
(https://asiagroupfour.weebly.com/mongolia.html) Mababanaag sa kanilang panitikan
ang kanilang uri ng pamumuhay.
Maipamalas sa modyul na ito ang pag-unawa at pagpapahalaga sa dulang
“Munting Pagsinta” na hinalaw ni Mary Grace A. Tabora mula sa pelikula ni Sergei
Bordrov na nagmula sa Mongolia.Matutunan mo rin sa modyul ang mga tiyak na
bahagi at katangian ng isang dula.
Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang makakasulat ang mag-aaral ng sariling
dIyalogo na sinusunod ang mga bahagi at katangian ng isang dula.

Nilalaman ng Modyul
Mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula ang nilalaman ng nasabing
modyul. Sa pamamagitan nito magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa pag-
uuri ng mga tiyak na bahagi ng dula at mga katangian nito.

Alamin

Pagkatapos ng araling ito inaasahan na ang mga mag-aral ay:

1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi ng dula na nagpapakita ng karaniwang


pamumuhay batay sa napakinggang diyalogo/pag-uusap.(F9PN-IIg-h-48)

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang dula na pinamagatang Munting
Pagsinta
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat Gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na Gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba‟t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa aktibiti notbuk.

1. Ang dulang “Munting Pagsinta” ay hinalaw mula sa anong Pilikulang


Mongol?
a. The Rise of Yuan Dynasty c. The Rise of Qing Dynasty
b. The Rise of Genghis Khan d. The Fall of Genghis Khan
2. Sa anong Tribo nagmula ang angkan ni Temujin?
a. Merit c. Borjigin
b. Kudyapi d. Gokturk
3. “Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa akin.”
Anong uri ang ipinahihiwatig ng bahagi ng dula sa dayalogong ito?
a. Katotohanan c. Kagandahan
b. kaalaman d. wala sa nabanggit
4. Ano ang pakay ng mag-ama sa pagpunta sa Tribong Merit?
a. upang mamili ng mga bigas
b. Makipag-usap sa lider ng Tribo
c. maghanap ng mapapangasawa ni Yesugei
d. pipili ng mapapangasawa ni Temujin
5. “Darating ang panahon na tayo ay mamumuhay sa iisang bubong.
Magkatuwang na aarugain ang mabubuting anak.”
Sa nabasang bahagi ng dula, anong uring katangian ang napapaloob dito?
a. kaalaman c. a at d
b. Kagandahan d. Katotohanan
6. Bakit nais ni Yesugei na sa Tribong Merit pumili ang kanyang anak ng
mapapangasawa?
a. dahil maraming magagandang babae doon.
b. nais magkaroon ng lupain ni Yesugei sa Tribong Merit.
c. Maganda kasi ang pangangalakal sa Tribo ng Merit
d. Dahil malaki ang atraso ni Yesugei sa Tribong Merit at nais lamang
niyang makabawi.
7. Paano nakahanap ng mapapangasawa si Timujin?
a. Napadpad siya sa isang dampa kung saan nakatira si Borte.
b. Biglang nabuwal si Timujin nang mabigla siya sa hindi inasahang
pagbagsak ng pintuan ng kusina nina Borte.
c. Naglakas-loob siyang tanungin ang babae na maging asawa ito.
d. Wala sa nabanggit
8. Paano nakumbinsi ni Temujin si Borte na magtiwala sa kanya?
a. Nang pangakuan niya itong bibigyan niya ang babae ng mga alahas.
b. Nang sabihin niya na siya ang kaisa-isang anak ng Hari ng Tribong
Borigin.
c. Ipinagtapat niya na siya ang pinakamakapangyarihang bata sa kanilang
Tribo.
d. Nang tapatin niya ang batang babae na siya ang nais nitong
mapangasawa.

3
9. Ano ang naging reaksyon ng batang si Borte nang marinig ang sinabi ni
Temujin sa kanya na siya ang gusting mapapangasawa nito?
a. Nagalit c. di-makapaniwala
b. Napahalakahak d. masaya
10. Anong ugali ang ipinapakita ni Borte sa ama ni Temujin nang siya‟y
ipinakilala dito?
a. Magaspang c. mayabang
b. magalang d. pasaway
11. Anong uri ng bahagi ng dula ang napapaloob sa dayalogo na nasa ibaba.
“Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin.”
a. Kagandahan c. Katotohanan
b. kaalaman d. b at c
12. Sino ang gustong kausapin ng ama ni Temujin?
a. Ang Lider ng Tribong Merit
b. Ang magiging mga ninong at ninang ng dalawa
c. Mga magulang ni Borte
d. ang Pari
13. “Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di nagpapalam sa inyo pero buo
po ang loob ko sa aking ginawa. Sana‟y maunawaan n‟yo po ako.”
Batay sa nabasang bahagi ng dula, anong uring katangian ang napapaloob
nito?
a. kaalaman c. Kagandahan
b. katotohanan d. a at b
14. Paano tinanggap ni Yesugei ang desisyon ng kanyang anak sa pagpili ng
kanyang mapapangasawa?
a. nagalit c. di-nagdalawang-isip sa pagsang-ayon
b.Nagmamatigas d. nagkibi‟t balikat
15. “Oo, anak. Tayo ay nabibilang sa Tribong Borigin kaya‟t ikaw ay pipili ng
babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.” Batay sa nabasang dayalogo,
anong uri ng bahagi ng dulang ito ang napapaloob nito?
a. Kagandahan c. kaalaman
b. a at c d. Katotohanan
Aralin Pag-uuri ng nga Tiyak na Bahgi at Katangian ng Dula

1
Balikan

Gawain 1: Pagtalakay sa nabasang kwento ng nakaraang aralin gamit


ang Story Grammar

Simula

Gitna

Wakas

Gawain 2: RAP Your Answer to Question.


(https://www.pinterest.ph/pin/381891243404179435/)

Paano naiiba ang maikling kwento sa isang dula? Sagutin ang tanong sa
pamamagitan ng paggamit ng RAP
(Restate the Question)

R
(Answer the Question)

A
(Prove your answer with example and evidence)

P
Tuklasin

Gawain 3: Pagtukoy sa mga paraan ng pamimili ng mapapangasawa ng mga


Pilipinong kristiyano, Muslim at mga Mongol.
Mga Paraan ng Pamimili ng
Mapapangasawa

Muslim
Mongol
Pilipinong
Kristiyano

Suriin

Munting Pagsinta
(mula sa Pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov
hinalaw ni Mary Grace A. Tabora)

Umaga noon nang isinama ni Yesugei ang kanyang anak na si Timujin


patungong Tribong Merit.
“Magmadali ka. Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong
magpatay-patay mahalaga ang ating
sasadyain.”
“Naguguluhan ako sa iyo Ama.
Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing
mahalaga ang ating sadya sa ating
pupuntahan?
“Ano ba iyon?”
“Ika‟y siyam na taong gulang na, sa
edad mong iyan Temüjin ay dapat ka nang
pumili ng iyong mapapangasawa.”
“ Huh? Ang bata-bata ko pa Itay
para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa
matatanda lamang.”
“Aba‟t ang batang ito, hindi naman
ibig sabihin na kapag nakapili ka na ng
babaeng pakakasalan mo ay magsasama
na kayo. Isang simpleng pamimili lamang
ng babae ang gagawin mo at pangakong
siya‟y iyong pakakasalan.
“Ganoon po ba iyon?”
“Oo, anak. Tayo‟y nabibilang sa
Tribong Borjigin kaya‟t ikaw ay pipili ng
babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.”
: ”Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon ang
ating tribo.”
“Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya‟t sa ganitong paraan ako‟y makababawi
sa kanila.”
“Sa tingin mo ba Ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila„yon nang
ganoon na lamang?”
“Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas mabuting may
gawin akong paraan kaysa sa wala.”
“ Kung iyan po ang sa tingin ninyo‟y tama.”
Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan nagpahinga
ang mag-ama. Ginalugad ni Timujin ang lugar hanggang mapapadpad si Temüjin sa
isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa di
inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang kusina na likha ng aksidenteng
pagkabuwal ni Temüjin.
„Aaay! May Magnanakaw! “ang sigaw ni Borte.. “Shhh (Tatakpan ang bibig ni
Borte). Wag kang sumigaw wala akong gagawing masama,” saad ni Temujin.
“Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako kang hindi ka na
mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako masama.” (Habang dahan-dahang inalis
ang kamay sa bibig ni Borte.)

”Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng


bibig mo kung mangangako kang hindi
ka na mag- iingay. Magtiwala ka sa akin
hindi ako masama.” (Habang dahan-
dahang inalis ang kamay sa bibig ni
Borte.)
(Sa isang mahinang tinig)” Bakit kita
paniniwalaan? Di naman kita kilala?‟
“ Kahit di mo ako kilala, kaya kong
patunayan sa iyo na ako‟y mabuti.”
Basta ba di mo ako pagtatawanan sa
sasabihin ko sa iyong patunay.”
“Tingnan natin,” pangiting sagot ni
Borte.
(Tila seryosong nag-iisip na may ngiti
sa labi si Temujin)
“Anong nginingiti mo riyan? Sabi mo „wag akong tatawa, ikaw lang pala ang tatawa.”
“Heto na, handa ka na ba?”
“Kanina pa, ang bagal mo naman.”
“Nais ko sanaaaannnng (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang babaeng
mapangasawa ko.” (Mababa ang tono)
“Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.”
“Seryoso ako. Ano payag ka ba?”
“Ganon-ganon lamang ba iyon?”
“Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo. Kasama
ko si Itay, kami‟y papunta sa tribo ng mga Merit upang pumili ng aking
mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili ko.”
“Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?”
“Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa
akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na ako. Hindi naman ibig
sabihin na pumayag ka at pakakasal na tayo.”
(Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman kung ano ang
dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige na nga.”
“Salamat sa iyo, ako‟y labis mong pinaligaya. Asahan mong hindi ka magsisi sa
iyong desisyon.”
(Nahihiya at halos di makapagsalita si Borte) “Paano na ngayon?”
“Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin kay Borte) pero
darating ang panahon na tayo‟y mamumuhay sa iisang bubong. Magkatuwang na
Aarugain ang ating mabubuting anak.”
“Matagal pa iyon,” sagot ng batang babae.
“ Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika puntahan
natin si Ama.” (Kukunin ang kamay ni Borte.)
Magkahawak kamay na naglalakad sina Temujin at Borte sa paghahanap sa
amang si Yesugei na kanilang makikita na nakatunghay sa ilog.

7
“Ama!” tawag ni Temujin sa ama.
(Mapapaharap at magpapalipat-
lipat ang tingin ni Yesugei sa
dalawa pati sa kanilang kamay)
“Anong…Sino siya…Bakit?”,
takang tanong ng ama.
“ Ama, siya po ang babaing napili
ko. Si Borte.”
“Magandang hapon po. Kumusta
po kayo?”
“Pero…”
(Agarang magsasalita si Temujin)
“Paumanhin po sa pagdedesisyon
ko nang di nagpapalam sa inyo
pero buo po ang loob ko sa aking
ginawa. Sana‟y maunawaan n‟yo
po ako.”
“Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong kagustuhan.
Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na titingnan si Borte) Okay lang
ba sa iyo?”
“Opo!‟
“Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga magulang mo Borte.”
Matapos makipagkasundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama ay naglakbay
pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mongolia. (Si Temüjin ay si
Genghis
(Mula sa Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino,
Kagawaran ng Edukasyon ng Republika ng Pilipinas)
Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa iilang yugto na
maraming tagpo.Pagtatanghal sa isang tanghalan ang pinakalayunin
ng dula.
May mga bahagi ang dula tulad ng mga sumusunod:
 Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilahad ang
tabing bawat yugto upang makapagpahinga ang mga
natatanghal gayon din ang mga manonood.

 Tanghal – pagbabago ng ayos ng tanghalan na ipinanghahati sa


yugto.

 Tagpo –paglabas-masok ng mga tauhan na gumaganap sa


tanghalan.
(https://www.myph.com.ph/2011/09/dula.html#.XsqaHf8zbIU)

8
Gawain 4: Unawain Mo!

Sagutin ang mga tanong at isulat ang mga sagot sa aktibiti notbuk
1. Isulat ang sagot gamit ang Spider Map ang hinihingi sa gitna ng biluhaba.

Isa-isahin ang
mga bahagi
ng dula na
naglalarawan
ng karaniwang
pamumuhay

2. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?
3. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasiya? Bakit?
4. Anong damdamin ang nangingibabaw pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.
5. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa magulang na nagpapasiya para sa
kanilang anak gamit ang “Speech Baloon”

6. Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaeng mapapangasawa


ng isang lalaking taga-Mongolia. Ipalaiwanag.
7. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa maagang pag-aasawa Sang-ayon ka ba
rito? Pangatwiranan.

Pagyamanin
Gawain 5: Krusigrama

Ibigay ang kahulugan sa kolum ng pahalang at pababa.Gamitin ang titik na nasa


krusigrama bilang karagdagang palatandaan upang matukoy ang sagot nito.

9
1. K 1.N

2.L

2. M

3. B

PAHALANG PABABA

1. Karima-rimarim na piitan 1. Buhay naman ang nakataya


2. Masuyo ang pagkakatingin 2. Galugarin ang paligid
3. Siraulo

Gawain 6: Pag-uuri ng mga Bahagi ng dula batay sa nabasang dayalogo.


Nauuri ang mga bahagi ng dula na nagpapakita ng Pinakamataas na Antas
ng Katotohanan, Kaalaman, at Kagandahan batay sa napakinggang dayalogo.Iguhit
ang sumusunod sa loob ng kahon. Magbigay ng maikling paliwanag sa napiling
sagot.

- Katotohanan - Kaalaman - Kagandahan

Guhit: 1. “Ang tanging alam ko lamang a ito ang ibinigay ng


pagkakataon sa akin.”
Paliwanag

Guhit: 2. “Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin.”

Paliwanag

Guhit: 3. Darating ang panahon na tayo ay mamumuhay sa iisang


bubong. Magkatuwang na aarugain ang mabubuting
anak.
Paliwanag
Guhit: 4. “Oo, anak. Tayo ay nabibilang sa Tribong Borigin kaya‟t
ikaw ay pipili ng babaeng mapapangasawa sa Tribong
Merit.”

Paliwanag

Guhit: 5. “Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di


nagpapalam sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking
ginawa. Sana‟y maunawaan n‟yo po ako.”

Paliwanag

Isaisip

Gawain 6: Pagnilay-nilay
Ibigay ang kaisipang nabuo mula sa Mahalagang Tanong sa tulong ng Caravan at
Concept Map.

1. Paano mabisang makabubuo ng pahayag o diyalogo ng dula?

A. B. C.

Bakit naging mabisa ang


2. dula sa paglalarawan sa
karaniwang buhay ng
tao?

Isagawa

Gawain 7: Sumulat ng sariling diyalogo na sinusunod ang mga bahagi at katangian


ng isang dula.

11
Ang mga dayalogong nabuo ay tatayain gamit ang mga sumusunod na pamantayan:

Mga Pamantayan Laang Nakuhang


Puntos Puntos
1. Ang dayalogo ay naglalaman ng positibong
mensahe na naipahayag nang buong husay at tumatak 5
sa puso‟t isipan ng mambabasa.
2. Epektibo ang pagpapahayag ng diyalogo 5
3. Pumukaw sa atensyon ng mga mambabasa ang 5
nabuong diyalogo.
. 4. May taglay na lakas ng puwersa na nagpapaantig 5
sa mga mambabasa.
Kabuuang Puntos 20
5 – Napakagaling 2 - Magaling
4 – Sadyang di-magaling 1 – Di-masyadong magaling
3 – Katamtaman ang galing

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin


ang titik ng tamang sagot.
1. Ang dulang “Munting Pagsinta” ay hinalaw mula sa anong Pilikulang
Mongol?
a. The Rise of Yuan Dynasty c. The Rise of Qing Dynasty
b. The Rise of Genghis Khan d. The Fall of Genghis Khan
2. Sa anong Tribo nagmula ang angkan ni Temujin?
a. Merit c. Borjigin
b. Kudyapi d. Gokturk
3. “Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa akin.”
Anong uri ang ipinahihiwatig ng bahagi ng dula sa dayalogong ito?
a. Katotohanan c. Kagandahan
b. kaalaman d. wala sa nabanggit
4. Ano ang pakay ng mag-ama sa pagpunta sa Tribong Merit?
a. upang mamili ng mga bigas
b. Makipag-usap sa lider ng Tribo
c. maghanap ng mapapangasawa ni Yesugei
d. pipili ng mapapangasawa ni Temujin
5. “Darating ang panahon na tayo ay mamumuhay sa iisang bubong.
Magkatuwang na aarugain ang mabubuting anak.”
Sa nabasang bahagi ng dula, anong uring katangian ang napapaloob dito?
a. kaalaman c. a at d
b. Kagandahan d. Katotohanan
6. Bakit nais ni Yesugei na sa Tribong Merit pumili ang kanyang anak ng
mapapangasawa?
a. dahil maraming magagandang babae doon.

12
b. nais magkaroon ng lupain ni Yesugei sa Tribong Merit.
c. Maganda kasi ang pangangalakal sa Tribo ng Merit
d. Dahil malaki ang atraso ni Yesugei sa Tribong Merit at nais lamang niyang
makabawi.
7. Paano nakahanap ng mapapangasawa si Timujin?
a. Napadpad siya sa isang dampa kung saan nakatira si Borte.
b. Biglang nabuwal si Timujin nang mabigla siya sa hindi inasahang
pagbagsak ng pintuan ng kusina nina Borte.
c. Naglakas-loob siyang tanungin ang babae na maging asawa ito.
d. Wala sa nabanggit
8. Paano nakumbinsi ni Temujin si Borte na magtiwala sa kanya?
a. Nang pangakuan niya itong bibigyan niya ang babae ng mga alahas.
b. Nang sabihin niya na siya ang kaisa-isang anak ng Hari ng Tribong
Borigin.
c. Ipinagtapat niya na siya ang pinakamakapangyarihang bata sa kanilang
Tribo.
d. Nang tapatin niya ang batang babae na siya ang nais nitong
mapangasawa
9. Ano ang naging reaksyon ng batang si Borte nang marinig ang sinabi ni
Temujin sa kanya na siya ang gustong mapapangasawa nito?
a. Nagalit c. di-makapaniwala
b. Napahalakahak d. masaya
10. Anong ugali ang ipinapakita ni Borte sa ama ni Temujin nang siya‟y
ipinakilala dito?
a. Magaspang c. mayabang
b. magalang d. pasaway
11. Anong uri ng bahagi ng dula ang napapaloob sa dayalogo na nasa ibaba.
“Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin.”
a. Kagandahan c. Katotohanan
b. kaalaman d. b at c
12. Sino ang gustong kausapin ng ama ni Temujin?
a. Ang Lider ng Tribong Merit
b. Ang magiging mga ninong at ninang ng dalawa
c. Mga magulang ni Borte
d. ang Pari
13. “Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di nagpapalam sa inyo pero buo
po ang loob ko sa aking ginawa. Sana‟y maunawaan n‟yo po ako.”
Batay sa nabasang bahagi ng dula, anong uring katangian ang napapaloob
nito?
a. kaalaman c. Kagandahan
b. Katotohanan d. a at b
14. Paano tinanggap ni Yesugei ang desisyon ng kanyang anak sa pagpili ng
kanyang mapapangasawa?
a. nagalit c. di-nagdalawang-isip sa pagsang-ayon
b.Nagmamatigas d. nagkibi‟t balikat
15. “Oo, anak. Tayo ay nabibilang sa Tribong Borigin kaya‟t ikaw ay pipili ng
babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.” Batay sa nabasang dayalogo,
anong uri ng bahagi ng dulang ito ang napapaloob nito?
a. Kagandahan c. kaalaman
b. a at c d. Katotohanan

13
Susi sa Pagwawasto

1. B 6. D 11. A
2. C 7. A 12. C
3. C 8. D 13. C
4. C 9. C 14. C .
5. D 10. B 15. D

Karagdagang Gawain:
. Gawain 8: Magsaliksik ng isang dula mula sa Silangang Asya. Suriin ang
nabasang dula ayon sa bahagi at katangian nito gamit ang Episode Web.
(KARAGDAGANG GAWAIN)

Habi ng Pangyayari

Nabasang
dula

Mga Sanggunian

 (https://asiagroupfour.weebly.com/mongolia.html)
 (https://www.pinterest.ph/pin/381891243404179435/)
 Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, Kagawaran
ng Edukasyon ng Republika ng Pilipinas
 (https://www.myph.com.ph/2011/09/dula.html#.XsqaHf8zbIU)

14
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like