You are on page 1of 10

Pangalan : Kristen Ann L.

Prado
Assignatura : FT 606
Propesor : Dr. Nancy Plasencia

KOMUNIKATIBONG GAWAIN
MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA

GAWAIN 1:

Makinig ng isang programa sa radyo o programa sa telebisyon at suriin ang barayti ng wikang
ginamit. Talakayin ito sa klase.

It’s Showtime.

Ang programang It’s Showtime ng ABS-CBN na napapanood natin sa telebisyon tuwing


tanghali na naghahatid ng saya sa mga manonood. Nakakalibang at nakakaaliw talaga itong
panoorin lalo na nga’t palaging goodvibes ang hatid ng mga hosts ng programa. Ang layunin
ng programang ito ay pasayahin ang madla at ipakita ang mga talento ng mga tao. May iba’t
ibang mga segment ang programang It’s Showtime para ipakita ng mga madla ang kanilang
talino at talento katulad na lamang ng Ms. Q and A, Reina ng Tahanan. Kalokalike. MiniMe,
That’s My Tomboy, I Am PoGay, at Tawag ng Tanghalan na kung saan ipinapakita ang
galling ng mga mang-aawit sa pagkanta.

Ito ang aming napiling programa dahil karamihan sa aming grupo ay nanonood nito sa
kadahilanang ang programang ito ay nagbibigay sa amin ng saya at sigla. Ang mga
tagapagdaloy sa programa o host ay talaga namangnakakatuwa , nakakaaliw at napakaaktibo
sa pagbibigay saya sa mga manonood. Hindi lamang ito nagbibigay ng saya at ngiti sa mga
manood , nagbibigay din ito ng kaalaman at inspirasyon sa pagkamit ng pangarap.

Ang mga hosts sa bawat segment ay nakikipagkwentuhan at nakikipaglokohan o biruan sa


mga kapwa host at sa mga kalahok katulad na lamang ng segment ng KALOKALIKE. Ang
mga midyum na ginagamit sa programa ay wikang Filipino at wikang Ingles.

Sa videong ito makikita na ang ginamit na barayti ng wika ay idyolek at sosyolek. Ang mga
salitang nabibilang sa idyolek ay "make some noise madlang people" at "the unkabogable vice
ganda" na kung saan ay kadalasang ginagamit ni Vice Ganda sa programang Its Showtime.
Ang idyolek ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya
ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng
kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. Sa madaling salita, ang
mga salitang binibigyang diin sa itaas ay isang halimbawa ng idyolek. Ang mga salitang
nabibilang sa sosyolek naman ay ang "shunga" at "push mo yan te" na bahagi ng awitin ni
Vice Ganda. Ang mga salitang ito ay isang Gayspeak na nabibilang sa sosyolek. Ang sosyolek
na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika
na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa
katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Kaya ang mga salitang naibanggit ay nabibilang sa sosyolek.

https://www.youtube.com/watch?v=1jzIodwdkZU&fbclid=IwAR21FEht-
1yQIDQZX3aHsUhI3dnWfJe6cIw4mj1kFLTgJjjFF_KF4CfTffo

GAWAIN 2:

Gumawa ng patalastas (poster/print ad, TV-ad/infomercial) tungkol sa pagpapahalaga


sa mga katutubong wika ng Pilipinas.
GAWAIN 3:
PANUTO: Batay sa tinalakay tungkol sa wika, sumulat ng pangungusap o talata upang makabuo ng
sariling pagpapakahulugan sa wika sa pamamagitan ng akrostik.

W
Walang makakapantay sa wikang kinagisnan. Wika mo, wika ng lahat. Ito
ang tulay sa pagbuo ng sambayanang Pilipino.Ito ay
. instrumento na ginagamit sa pakikipag komunikasyon upang maipahayag
. ang mga ideya, damdamin o saloobin ng isang indibidwal.

I
Ito’y ating tahanan na nagsisilbing nating kayamanan. Kung wala ang wika ,
walang bansang uunlad sapagkat hindi magkakaintindihan ang mga tao sa
. lipunan o bansa. Ito’y behikulong ginagamit sa pakikipag-usap , at
. pagtatago o pagsisiwalat sa katotohanan sa lipunang ating kinabibilangan.

K Kultura nakalimbag sa kasaysayan at sumasalamin sa kung ano ang wika


natin. Ito ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na panahon at
lugar. Hindi matatawag na isang lipunan ang isang grupo kung wala sila
. komon na ginagamit. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang
. kultura at matutuhan itong angkinin at ipagmalaki.

A Ang lahat na ito’y ating iingatan, sapagkat nagiging dahilan sa


pagkakaisa ng tao,umunlad ang bansa at makamit ang kalayaan. Ito
sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Kaya’t dapat natin itong pahalagahan.
at pagka-ingatan.
GAWAIN 4:
Panuto:

Gumawa ng diyalogo o usapan gamit ang iba’t ibang antas ng wika.


Bibigyan ng tatlo hanggang limang minuto ang presentasyon ng bawat pangkat.
Gamitin ang Rubrik sa ibaba para sa pagmamarka.

Sa paaralang Marites National High School ay may anim na magbabarkada na nag-uusap tungkol sa gaganaping
Ms. and Mr. Marites 2022. Ito ay pagdidiriwang sa anibersaryo ng paaralan.

FLORA MAE: Hoy! mga beks meron akong tsismis sa inyo.


IVY: Ano na naman n’yan? Alam mo araw-araw may baon ka talagang tsismis.
MARNY: Oo nga, pero ano nga iyon te?
JENNELYN: Agoy! saksi mo ha, isa ka rin, magpinsan talaga kayo, mahilig sa tsismis
ANGELICA: Tama na nga iyan, alam niyo pag-usapan na natin ang gaganaping patimpalak na lalahukan ni
Kristen.
FLORA MAE: Hala, bakit ngayon ko lang iyan nalaman, Kristen ang tahimik mo ha hindi lang si Mark ang
tahimik.
JENNELYN: Puro ka na lang kalokohan talaga, dumako na tayo sa seryosong usapan.
FLORA MAE: Okay po Master, tatahimik na po ako. Pasensya na po sa inyo sadyang malikot lang talaga ang
dila ko kaya ganito, ‘di maubusan ng sinasabe.
MARNY: Okay lang ‘yan beks, naiintindihan kita, kasangga mo ako mula sa ikabuturan ng aking puso. Charoot
(sabay tawa)
IVY: Naiintindihan ka rin namin, baka isipin mo’ng ‘di ka naming gusto ha, binibiro ka lang namin, seryoso mo
naman.
ANGELICA: Oo nga, pero pagsalitain muna natin si Kristen tungkol sa lalahukan niyang patimpalak. Sige na
Kristen, ipaalam muna sa kanila.
KRISTEN: Ito kasi mga beks, napili ako nang aming tagapayo na maging representante sa aming sekyon sa
darating na Ms and Mr. Marites 2022. Nais ko lang magpatulong sa inyo sa paghahanda kasi hindi lang pagandahan
ang labanan eh pati na rin sa talakan, alam niyo naman mahina ako pagdating sa ganyan.
JENNELYN: Sa talakan ba ay parang Q and A ba ng Showtime iyong pamamaraan nila?
KRISTEN: Hindi, debate ‘yong pamamaraan nila. Tulungan niyo naman ako oh, upang maging bihasa ako sa
pagsasalita sa harap ng tao. Diba kayong lima ay may kasanayan na sa isang debate.
MARNY: Sige, sige, tutulungan ka namin, basta manood o magbasa ka ng mga balita kasi batay sa karanasan ko
diyan, kadalasan na paksang pag-uusapan talaga ay mga mahahalagang balita sa ating bansa.
FLORA MAE: Tama, kadalasan din sa paksa ay tungkol sa kahirapan, korapsyon, pandemya, fake news ug uban
pa.
IVY: Basta Kristen, kami bahala sa’yo.
MARNY: Kasangga mo kami sa laban mo. (sabay tawa)
JENNELYN AT ANGELICA: Love ka namin eh.
FLORA MAE: Pa’no ‘yong sabay mga beks?hahaha

(Nagtawanan ang lahat at nagyakapan ang magkaibigan)


RUBRIK SA MALIKHAING PRESENTASYON

Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


ng Pagpapabuti
PANUKATAN (4 na puntos) (3 puntos) (2 puntos) (1 punto)

A. Pagkamalikhain Lubos na Naging Di-gaanong Walang


nagpamalas ng malikhain sa malikhain ipinamalas na
pagkamalikhain paghahanda pagkamalikhain

B. Pagkakabuo Lubos na nabuo Mahusay na Di-gaanong Di-nabuo ang


ang gawain nabuo ang nabuo ang gawain
gawain gawain

C. Pagganap Lubos na Makatotohanan Di-gaanong Di-makatotohanan


makatotohanan ang pagganap makatotohanan
ang pagganap ang pagganap

D. Paglahad ng Maliwanag at Maliwanag Di-gaanong Di-nakabuo ng


Paksa kumpleto sa subalit kulang sa maliwanag at detalye
detalye detalye kulang sa detalye

GAWAIN 5:
PAKSA: Kasaysayan ng Wikang Pambansa
PANUTO: Ibuod sa pamamagitan ng isang talata ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat
panahon ng kasaysayan ng wikang pambansa. Isulat ang sagot sa kahon.

Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, nagkaroon ng


Panahon ng pagtatakda ng ilang batas kaugnay ng paggamit ng wikang Kastila
Kastila partikular sa mga paaralan ng pamayanang Indio gaya ng ipinag-
utos ni Carlos IV noong 1972. Mula sa baybayin ay naipalaganap
ang paggamit ng alpabetong: Romano bilang palatitikang Filipino.
Ang palatitikang ito ang naging batayan ng ABAKADANG
Tagalog na binuo ni Lope K. Santos. Si Lope K. Santos ang may-
akida ng Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940. Mula sa 17
orihinal na titik ng baybayin ay idinagdag ang titik R at ginawang
lima ang patinig (A, E, I, O, U)
Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming makabayan
ng mga Pilipino. Dito naitatag ang kartilya ng Katipunan na
Panahon ng nakasulat sa wikang Tagalog. Sa panahong ito ay maraming
Rebolusyong naisulat na mga akdang pampanitikan na siyang nagpapagising sa
Pilipino damdaming makabayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.
Itinakda noong 1987 sa panahon ng himagsikan ang SAligang
Batas ng Biak na Bato .Sa pamamagitan ng Biak na Bato ,
nakasaad na ang wilkang Tagalog ang siyang magiging wikang
opisyal ng Pilipinas. Ito ang naging midyum sa mga pahatid- sulat
at dokumento ng Katipunan. Pawang mga akdang nagsasaad ng
pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila
ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.

Panahon ng Nagsimula ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang


Amerikano mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Ginamit
nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng pampublikong
paaralan at pamumuhay na demokratiko. Sa kapangyarihan ng
Batas Blg. 74 ng Komisyong Pampilipinas noong 1901, ipinag-
utos na gamitin ang Ingles bilang wilang panturo sa mga paaralang
bayan na itatatag. Ang mga gurong sundalo na tinatawag na
Thomasites ang mga naging guro noon. Naniniwala ang mga
kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa
kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang
mga Pilipino at Amerikano.
Sa panahon ng pamahalaang Komonwelt noong 1935, nagkaroon
ng pagsulong para sa isang probisyong pangwika na magtatakda
ng kikilalaning wikang pambansa.Sa pamamagitan ng Batas 1935,
Artikulo XIV, Seksisyon 3, ang Pambansang Asembleya ay
Panahon ng naatasang gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
Komonwelt pagpapatibay ng lahat ng wikang pambansa salig sa isa sa mga
wikang katutubo.Sa panahong wala pang naitatakda ang batas,
Ingles at Kastila ang kinikilalang mga wikang opisyal. Bunga nito,
pinagtibay ng Pambansang Asembleya noong Nobyembre 13,
1936 ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng
Wikang Pambansa (SWP) na may tungkuling magsaliksik sa mga
diyalekto sa Pilipinas bilang magiging batayan ng wikang
pambansa.Naging saligan sa pagpili ay ang: 1. Ginagamit ng
mayorya ng mamamayang: Pilipino, lalo na sa Maynila na sentro
ng kalakalan, industriya,at pulitika 2. Ginagamit sa pagsulat ng
pinakadakilang panitikang Filipino. 3. Wikang may
pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at
madalingmatutuhan ng mga mamamayang Pilipino. Si Jaime C. de
Veyra ang unang tagapangulo ng SWP at matapos maisagawa ng
Surian ang atas ng batas, ipinahayag ni Pangulong Quezon ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na Taong 1940, sa bisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinahintulot ng Pangulo ng
Pilipinas ang pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabulary at
Ang Balarilang Wikang Pambansa. Sinimulan ding ituro sa mga
paaralang publiko at pribado ang wikang Pambansa na batay sa
Tagalog (Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2009).

Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagbunsod sa


pananakop ng mga Hapon sa bansa, ipinagamit nila ang
katutubong wika partikular ang wikang Tagalog. Nagbunga ito ng
pagdami ng mga babasahing nakalimbag sa nasabing wika at
naging masigla ang panahong ito para sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya
Panahon ng ng mga Amerikano. Sa bisa ng Order Militar Blg. 13 na ibinaba
Hapon noong Hulyo 1942, nag-utos na gawing opisyal na wika ang
Tagalog at ang wikang Hapon.
Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili
Panahon ng simula noong Hulyo 4 1946. Nagkabisa angBatas Komonwelt
Pagsasarili Blg.570 na pinagtibay ng batas na ito ang wikang Tagalog at
hanggang sa Ingles na naging opisyal na wika at dahil dito unti-unting bumalik
Kasalukuyan ang sigla ng edukasyon. Bagama’t may mga panitikang nakasulat
sa wikang Tagalog, naging paborito pa rin ng mga tao ang mga
nakasulat sa wikang Ingles sa kadahilanang nasanay sila sa
matagal na panahon. Sa ilalim ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose
B. Romero, ipinatupad ang Kautusang Pangkagawaran

Blg. 7 (1959) upang tawagin ang wikang pambansa na Pilipino na


lamang upang paiklin ang dati nitong katawagan. Nang sumapit
ang dekada 60, sinimulang gamitin ang Pilipino para sa mga
sertipiko at diploma sa paaralan gayundin sa mga edipisyo, gusali,
tanggapan, at mga dokumento sa pamahalaan. Pagkatapos ng
pangyayaring ito, ang mga sumunod na opisyal sa gobyerno ay
nagkaroon na ng kanya-kanyang batas at utos tungkol sa paggamit
ng Wikang Pambansa, katulad nila Pangulong Diosdado
Macapagal at Pangulong Ferdinand Marcos. Noong 1969
nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 187 na nag- uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang gamitin ang
wikang Pilipino hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa
at pagkaraan naman ay sa labas ng opisyal na komunikasyon at
transaksiyon.Noong 1974 naman, ipinatupad dito ang
pagpapatupad n Patakarang Edukasyong Bilinggwal na kung saan
wikang Ingles at wikang Pilipino ang gagamitin sa pagtuturo sa
bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 25.Pag-upo naman n
Pangulong Corazon Aquino noong 1987, mula Pilipino ay
pinalitan ang wikang pambansa sa Filipino ayon sa Seksiyon 6,
Arikule XIV ng Saligang Batas ng 1987.

Sa kasalukuyang panahon, wikang Filipino pa rin ang katwagan sa


ating wikang pambansa at hanggang wala pang dekrito o atas na
magpapabago dito, mananatiling Filipino ang tawag dito.
GAWAIN 6:
PAKSA: Ang Wikang Pambansa sa Konstitusyon

PANUTO: Ibigay ang sariling pagpapakahulugan o interpretasyon sa bawat seksyon ng Artikulo


XIV Seksyon 6-9 ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Isulat ang sagot
sa kahon.
ARTIKULO XIV

Ang naging Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ang pangunahing


wikang sinasalita sa Pilipinas sa pakikipagkomunikasyon at sa pagtuturo.
Seksyon 6 Upang maging maunlad ang isang wika ay dapat na ito ay linangin. Ang
wikang Filipino bilang midyum at opisyal na wika ng Pilipinas ay nagsisilbing
ugnayan o pagkakaisa g bawat mamamayang Pilipino. Mas mainam na ang
isang Kongreso ay siyang mangunguna sa pagpapalaganap ng wikang opisyal
at magsasagawa ng mga hakbang para umusbong ito sa ating bansa. Layunin
ng bawat isa na ipalaganap ito dahil ito ang ating Pambansang Wika na nag-
uugnay sa mga katutubo, di nakapag-aral at iba’t ibang tribo dito sa Pilipinas
upang magkaroon ng maayos na komunikasyon. Simple man salita ito na
natutunan noong pagkabata o napag-aralan sa akademya, importante pa din na
mahalin at ipagmalaki ang Wikang Filipino. Maaaring sa Pilipinas lamang ito
Sa Artikulo
madalas XIV Seksyon
nagagamit nagyon,7, malay
ang aking
natinsariling
ay bakainterpretasyon
sa mga susunoday ang atingay
na taon
pangunahing wika ng
makaimpluwensya pa komunikasyon sa Pilipinas
tayo ng mas maraming lahi.ay Filipino. Sa iba’t ibang
Seksyon 7 rehiyon naman pwedeng gamitin ang mga lenggwahe sa kanilang partikular
na rehiyon bilang pantulong na wikang opisyal at pantulong na wika sa
pagtuturo sa Sistema ng edukasyon. Dahil dito sa unang mga taon ng
elementarya, mga rehiyonal na wika ang ginagamit. Ito ay alinsunod
sa mother-tongue based learning. Hanggat walang ibang itinadhana ang
batas, mainam na paunlarin ang wikang opisyal na ginamit sa Pilipinas dahil
base sa obserbasyon, karamihan sa mga komunikasyon sa edukasyon at
pamahalaan ay nasa wikang Ingles na. Pati sa pagtuturo Wikang Ingles na
ang ginamit maliban sa asignaturang Filipino. At kung titingnan natin ang
mga website ng mga sangay ng gobyerno halos lahat ay nasa Wikang Ingles.
At pwede ring aralin ang mga salitang Español at Arabo.

Seksyon 8 Sa pakikipagkomunikasyon at sa sistemang edukasyon, ginagamit ang


Filipino at Ingles. Isinaad sa 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 8,
na Filipino at Ingles ang mga wikang opisyal ng Pilipinas. Ang wikang
opisyal ay ang mga wikang maaaring gamitin sa mga legal na usapin at
pangkalahatang komunikasyon ng gobyerno. Ang Pilipinas ay napabilang
sa demokratikong bansa kung saan ito ay pinamumunoan ng Pangulo na
itinalaga ng mga tao. Kung ating babalikan ang Talumpati sa Kalagayan ng
Bansa o State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III
Isinasaad sa Seksyon na ito na kailangan magtatag ang Kongreso ng
Komisyon ng Wikang Pambansa at dapat na may representate sa bawat
Seksyon 9 rehiyon ng Pilipinas upang nang sa ganon ay magkakabuklod-buklod ang
bawat isa saan mang panig ng bansa. Ang kumakatawan bawat rehiyon ay
siyang magpapalaganap sa wikang opisyal ng bansa. Sa pamamagitan nito,
mas mapapadali ang pagpapaunlad at pagpapalaganap ng ating Wikang
Pambansa.

You might also like