You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
DON ANDRES SORIANO NATIONAL HIGH SCHOOL
Don Andres Soriano, Toledo City

Name: ____________________________________ Grade Level & Section: ________________


Subject: Filipino Module No. : Q4- WEEK 5 Title: Paggamit ng Dating Kaalaman at Karanasan sa Pag-
unawa at Pagpapakahulugan sa mga Kaisipan sa Akda

Learning Competency:
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda
(F7PS-IVc-d-21)

I. Tsek o Ekis Panuto: Suriin ang mga nakatalang pahayag. Lagyan ng tsek (√) ang kaisipang nakita sa akda at ekis (X)
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. pagiging mapanghusga sa kapwa
2. pagtupad sa pangako
3. pagiging malungkutin kapag iniwanan ka
4. pagiging masaya para sa minamahal kahit iniwan ka na
5. pagiging makasarili
6. paghahanap ng magagandang babae upang maging asawa
7. pagkamatapang at pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok
8. pagkabulag sa pag-ibig
9. pagiging suwail sa magulang
10.pagiging mapagmahal sa kapwa

II. Pagpipili Panuto: Basahin at unawain ang saknong mula sa koridong Ibong Adarna.

Piliin ang titik na akmang maiuugnay sa kaisipang inilahad ng saknong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anak na laki sa layaw
sumikat na isang araw
kaya higit kanino man sa
ama ay siyang mahal.

a. Kapag pinalaki sa layaw ang isang anak, siya ay sikat.


b. Kapag pinalaki sa layaw ang isang anak, paborito siya ng magulang.
c. Kapag pinalaki sa layaw ang isang anak, siya ay nakahihigit sa lahat.
d. Kapag pinalaki sa layaw ang isang anak, mahal siya ng kaniyang magulang.
2. “Di ba tunay, aking giliw
pangako mo walang maliw
ako’y iyong mamahalin,12
ano ngayo’t di mo tupdin?
a. Kapag ikaw ay magmamahal, dapat ay tunay.
b. Kapag ikaw ay tunay, mangangako ka nang tapat.
c. Kapay ikaw ay magmamahal, dapat kang mangako.
d. Kapag ikaw ay mangangako, dapat mo itong tuparin.

3. Ang matanda ay tumugon:


“Kawanggawa’y hindi gayon
kung di iya’y isang layon ang
damaya’y walang gugol.
a. Ang pagtulong sa kapwa ay may bayad.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay may motibo.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay walang kapalit.
d. Ang pagtulong sa kapwa ay gawain ng matatanda.

4. Diyos nga’y di natutulog


at ang tao’y sinusubok
ang salari’y sinusunog!
ang banal ay kinukupkop.
a. Ang mga kriminal ay pinarurusahan.
b. Ang mga mabubuti ay pinagpapala ng Panginoon.
c. Ang Diyos ay hindi natutulog, sinusubukan niya ang tao.
d. Ang mga taong walang kasalanan ay inaalagaan ng Diyos.

5. Ngunit sa taong may gutom


matigas man at lumang tutong
kung nguyain at malulon
parang bagong pinurutong.
a. Walang taong kumakain ng tutong.
b. Walang pinipili ang taong gutom ang sikmura.
c. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.
d. Walang matigas na tutong kung ito’y ngunguyain nang mabuti.

_______________________________
Name and Signature of Learner

You might also like