You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
DON ANDRES SORIANO NATIONAL HIGH SCHOOL
Don Andres Soriano, Toledo City

Name: ____________________________________ Grade Level & Section: ________________


Subject: Filipino Module No. : Q4- WEEK 2 Title: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Learning Competency:
Naisusulat ng sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna (F7PU1Vab-18)

Mga Layuning Pampagkatuto:


 Nagagamit nang sestimatiko ang mga nasaliksik na impormasyon gamit ang isang desinyong grapiko

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Piliin ang
pinakaangkop na titik ng sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Kailan naitala ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni Ferdinand Magellan?
A. Marso 16, 1521 C. Marso 15, 1521
B. Marso 16, 1565 D. Marso 15, 1565
2. Alin sa larangan ng panulaan napabilang ang akdang “Ibong Adarna”?
A. Awit B. Pasyon C. Korido D. Tulang Liriko
3. Ano ang ibig sabihin ng allegro sa konsepto ng Ibong Adarna?
A. may tono B. may mabilis C. may kumpas na ¾ D. May mabagal na himig
4. Ang mga sumusunod ay layunin ng mga Espanyol sa pananakop ng Pilipinas maliban sa isa.
A. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
B. pagpapalawak ng kapangyarihan
C. paghahanap ng mga pampalasa at likas na yaman
D. pagkakaroon ng maraming asawang Pilipino sa bansang Pilipinas
5. Ano ang ginawa ng mga Espanyol upang mapalaganap ang Katolisismo?
A. Nagpatayo sila ng simbahan sa Pilipinas.
B. Nagparami sila ng mga nasasakupang bansa.
C. Binayaran ang namumuno sa Pilipinas nang malaking halaga.
D. Sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno.
6. Ano ang ang pangunahing paksa ng akdang “Ibong Adarna”?
A. pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga maharlikang tao
B. pagtatagumpay ng mga tauhang may pambihirang lakas at kapangyarihan
C. pagtataksil ng mga lahing kumakalaban sa mga Kastila
D. paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa nangangailangan, at relihiyong Kristiyanismo
7. Ano ang pinagkaiba ng awit at korido batay sa paksa?
A. tungkol sa pakikipagsapalaran ng Hari ng Espanya
B. tungkol sa pakikipagsapalaran ng Hari ng Espanya
C. tungkol sa bayaning naninindigan sa kalagayan ng bayan
D. tungkol sa pagtataglay ng kapangyarihan ng mga tauhan
8. Ano ang pinagkaiba ng awit at korido batay sa katangian ng tauhan?
A. Ang mga Katoliko at Muslim ay hindi magkasundo.
B. Ang mga tauhang nagsipaganap ay mahihirap at mayayaman.
C. Ang mga tauhan ay kumakanta at itinatanghal sa entablado.
D. Ang mga tauhan ay may taglay na kapangyarihang supernatural.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang sistematikong paglalahad ng kasaysayan?
A. lugar- manunulat- panahon- bansang nakaimpluwensiya
B. manunulat- panahon- lugar- bansang nakaimpluwensiya
C. bansang nakaimpluwensya- manunulat- panahon- lugar
D. panahon- manunulat- lugar- bansang nakaimpluwensiya
10. Ang kasaysayan ay hango sa salitang Griyego na “historia”. Ito ay nangangahulugang....
A. pagtalakay sa pananampalataya sa Panginoon at pulitika
B. pagsasalaysay sa pisikal na katangian sa isang bayan
C. pumapaksa sa kababalaghang nangyayari sa lipunan
D. pananaliksik sa mga hindi nakasulat na tumutukoy sa mahahalagang pangyayari
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang una at ikalawang pangungusap sa bawat bilang. Piliin
ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel.
a. Kung ang parehong pangungusap ay TAMA
b. Kung ang parehong pangungusap ay MALI
c. Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ikalawa naman ay MALI
d. Kung ang unang pangungusap ay MALI at ikalawa naman ay TAMA

1. a. Ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong panahon Medieval.


b. Ang “Ibong Adarna” ay tungkol sa bayani’t mandirigma at larawan ng buhay.
Sagot: __________
2. a. Ang “Ibong Adarna” ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga
kababalaghang hindi magagawa ng karaniwang tao
b. Ang awit ay binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang taludtod at apat na taludtod sa isang tauhan.
Sagot: ________
3. a. Hindi tinangkilik ng ating mga ninuno ang “Ibong Adarna” sa panahon ng Espanyol sapagkat ito ay
nagdulot ng kaguluhan.
b. Ang dating pamagat ng “Ibong Adarna” ay awit at buhay na pinagdaanan ng tatlong prinsipeng
magkakapatid na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Sagot: _______
4. a.Ayon kay Pura Santillan- Castrence, ito ay maaaring hinango lamang sa kuwentong- bayan mula sa
mga bansa sa Europa.
b. Ang korido ay binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludturan, 4 na taludtod sa isang taludturan.
Sagot: ______
5. a. Nakarating sa Pilipinas ang “Ibong Adarna” noong 1610 upang mahimok ang mga katutubo na
yakapin ang relihiyong Katolisismo.
b.Ang “ Ibong Adarna: ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino sa dahilang hiram
lamang sa ibang bansa. Sagot: ______
_______________________________
Name and Signature of Learner

You might also like