You are on page 1of 4

TSAPTER II

METODOLOHIYA

Ang tsapter na ito ay ipinepresenta ang disenyo ng pag-aaral, mga impormante, pangangalap ng

datos, lugar ng pag-aaral at pag-aanalisa ng mga nakalap na impormasyon. Ipinapaliwanag din nito ang mga

etikal na konsiderasyon na mga magpapakita ng katotohanan at kredibilidad ng pananaliksik.

PAMAMARAAN TEKNIK

STRUKTURAL
PANAYAM PAGLIKOM
BERBAL
KWALITATIBO INTERBYU NG DATOS

ESTRUKTU PAG-
DESKRIPTIBO RAL ANALISA
ANALYSIS NG DATOS

FIGYUR. 1.Disenyo at Metodolohiya ng Pag-aaral

Lugar ng Pag-aaral
Isinagawa ang mga interbyu ng pananaliksik sa paaralan ng Davao Oriental State University. Kung

saan maraming mga mag-aaral ang namamalagi at kilalang nangingibabaw ang mga salitang balbal.

Impormante

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay kinakailangang nasa labing-siyam (19) hanggang

dalawampu’t apat (24) taong gulang. Ginamit ng mga mananaliksik ang ‘random sampling’ bilang metodo

sa pagpili ng mga kalahok ng pananaliksik. Ito ang nakitaang pinakatugmang gamitin bilang metodo

sapagkat ang ‘random sampling’ ay tinitiyak nito na ang sample na pinili ay kinatawan ng populasyon at ang

sample ay pinili sa siyang walang pinapanigang paraan na ang pangunahing pakinabang ay ang bawat kasapi

ng populasyon ay may pantay na pagkakataon na mapili para sa pag-aaral. Masasabing ito ang pinaka-

angkop na metodong gagamitin ng mga mananaliksik lalo pa’t nasasangkot nito ang tiyak ng mga

impormante na makapagbibigay ng makabuluhang impormasyon. Sa pamamagitan rin ng ‘random

sampling’ mabibigyang pagkakataon ang bawat partisipante na makilahok sa nasabing pananaliksik. Kung

kaya’t sa pag-aaral na ito ay naglalayong kumalap ng mga salitang balbal na kadalasang ginagamit o

maoobserbahan sa mga mag-aaral sa loob ng nasabing unibersidad. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa

mga impormanteng mag-aaral ng DOrSU na hiningan ng pahintulot na makilahok sa isang malalim na

panayam na siyang isinagawa ng mga mananaliksik. Ang papel ng mga impormante ay tagapaghatid ng

impormasyo tungkol sa mga salitang balbal.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kwalitatibong disenyo ng pag-aaral na nagbubunga ng mga

paglalarawan sa mga kinagawiang pananalita ng mga mag-aaral sa Davao Oriental State University.
Pagkuha ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng interbyu iskedyul at pagpapatibay mula sa impormante at

boluntaryo itong nakilahok sa pananaliksik na siyang isinagawa sa pangangalap ng datos. Ito ay dahil nakita

ng mga mananaliksik ang pangangailangan na magkaroon ng interaksyon sa mga impormante dahil ang pag-

aaral ay nangangailangan ng malawak na pagtugon mula sa mga kalahok.

Dagdag pa dito nagkaroon ng kasunduan ang mga mananaliksik at ang mga impormante sa

isinagawang panayam. Kasabay ng pagtugon ng mga impormante sa kanilang pakikilahok sa pananaliksik

ang mga mananaliksik ay nirekord ang naging buong panayam, pagkuha ng litrato at maging ang pagsulat ng

mahahalagang punto ng mga ibinahaging kasagutan ng mga impormante.

Ang interbyu ay nakadisenyo sa paraang kalahating pagkakaayos ng mga katanungan kung kaya’t

ang mga mag-aaral ay naglalahad ng mga karagdagang katanungan kapag kinakailangan. Samakatuwid, ang

interbyu iskedyul ay nagsilbi lamang gabay ngunit inaasahan na may pagpapasubali sa ilang mga

pagkakataon. Dahil gumamit ng kwalitatibong metodo ang pananaliksik, ang mga datos na nakalap sa

panayam ay maituturing na primaryang datos

Pag-aanalisa ng mga Datos

Sa pag-aanalisa ng mga datos, masuring pinag-aralan ang mga salitang balbal na binatay sa mismong

pananalita ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng Davao Oriental State University. Ang mga mananaliksik ay

gumamit ng talahanayan upang lubos na maipaliwanag at mapadali ang pag-unawa sa pagkakaiba ng mga

datos. Itinukoy ang iba’t ibang salita na siyang nagpapatunay na maraming mga mag-aaral ang gumagamit

ng mga salitang balbal. Sa pamamagitan ng masinsinang pakikinig sa mga salita mula sa mga kalahok

idinaragdag ang mga kaalamang maaaring ibahagi sa iba pang mga mag-aaral sa nasabing unibersidad at sa

iba’t-ibang pangkat.

Istematikong Dayagram

PAG-USBONG NG BALBAL NA PANANALITA BILANG: MODERNONG WIKA NG MGA MAG-

AARAL SA DAVAO ORIENTAL STATE UNIVERSITY


MGA SALIK NA
DABAW ORYENTAL
STATE UNIVERSITY NAGDUDULOT NG
PAGKAKAIBA-IBA

You might also like