You are on page 1of 17

UNANG MARKAHAN

KAYA KO PO ITO!
IKA-LIMANG LINGGO
Ito ang mga kasanayang dapat matutunan pagkatapos
makumpleto ang mga aralin sa modyul na ito.

LAYUNIN:
Mga Kinakailangang Gamit
Pag-aaralan natin ang mga sumusunod:
sa Pag-aaral:
1. Nakikilala ang mga pangunahing emosyon.
Matabang lapis
(tuwa/saya, lungkot, galit, takot)
Kulay dilaw na krayola
2. Nakikilala ang dalawang magkakatulad na numero, Mga Gawaing Pagsasanay
letra, at salita sa bawat hanay.

___________________
LUNES
MAKIKINIG PO AKO!
Ipapaliwanag ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.

Lahat tayo ay may damdamin. Naipapakita natin ang ating damdamin sa iba’t ibang paraan.
Tayo ay ngumiti kapag masaya.

Tayo ay umiiyak kapag malungkot.

Tayo ay nanginginig kapag natatakot.

Tayo ay nangigigil kapag nagagalit.

Ipakita mo nga kung paano ka ngumiti, umiyak, manginig, mangigigil.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

GAWAIN #1 Basic Literasi


Ipatukoy sa bata kung ano ang damdaming ipinapakita ng larawan.
GAWAIN #2 Kasanayan sa Pagbibilang
Ipakilala ang bilang tatlo. Gumamit ng mga bagay na maaring bilangin na
makikita sa inyong tahanan.
GAWAIN #3 Sining
Paggawa ng emotion stick puppet.
Karagdagang Gawain ((Kasanayan sa Pagpapahayag)
Hikayatin ang bata na ipaliwanag ang kanyang ginawa.
Halimbawa: Ako po ay gumawa ng emotion stick puppet, ito po ay masayang
mukha...

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Lahat tayo ay may damdamin. Minsan tayo ay masaya, malungkot, nagagalit at nata-
takot. Mahalaga ang pag-unawa sa sariling damdamin at sa damdamin ng iba.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Nauunawaan ko po na tayo ay may ibat’ibang damdamin.

1
GAWAIN #1 Unang Markahan/Ika-limang Linggo/Unang Araw
(Basic Literasi)

I. Panuto: Masdan ang damdaming ipinapakita ng bawat mukha.


Bakatin ang salita sa tabi ng mga ito, pagkatapos bilugan ang
unang letra ng salita.

Karagdagang Gawain:
Panuto: Tingnan ang mga salita sa bawat hanay.
Kulayan ng dilaw ang parihaba na may salita na kapareho
ng nasa kaliwa.

galit tuwa galit takot

lungkot takot tuwa lungkot

tuwa tuwa takot galit

takot lungkot galit takot


2
GAWAIN #2
(kasananayan sa Pagbibilang)

Panuto: Bilangin ang mga emoji sa bawat kahon at kulayan ng dilaw


ang kahon na may tatlong emoji.

GAWAIN #3
Sining: Emotion Stick Puppet

Mga kagamitan:
cut-outs ng hugis bilog, glue, marker, popsicle sticks.
Gawain ng magulang:
Gumupit ng mga hugis bilog.
Gawain ng bata:
Gamit ang hugis bilog gumuhit ng mukha na nagpapakita ng iba’t –ibang emosyon,
gumamit ng marker sa pagguhit pagkatapos idikit ang bawat mukha sa popsicle
sticks .
Note:

3
__________________
MARTES
MAKIKINIG PO AKO!
Ipapaliwanag ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.

Lahat tayo ay may damdamin.


May mga pagkakataong tayo ay malungkot.
Tayo ay umiiyak kapag nalulungkot.
May mga dahilan kung bakit tayo nalulungkot.

Halimbawa:
Ako ay malungkot kapag ako ay maysakit.

Tanong para sa bata:


Ikaw ba ay nalulungkot din? Ano ang mga dahilan nito.
(pakinggan ang kanyang sagot upang lalo mo siyang makilala)

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

GAWAIN #1 Kaisipang Kognitibo

• Ipaunawa ang tamang pagkasunod sunod ng mga bagay o larawan sa isang hanay na
maaaring paulit-ulit. (Pattern)
• Gumamit ng mga bagay na nasa inyong tahanan. (mga kutsara at tinidor)
Halimbawa:
• Kutsara, tinidor, kutsara, tinidor, kutsara _________________
• Kutsara, kutsara, tinidor, kutsara, kutsara, tinidor, kutsara,_____________
• Ipabigkas din ito sa bata.

Karagdagang Gawain:
• Ipatukoy sa bata ng larawang nagpapakita ng malungkot na damdamin.

GAWAIN #2 Kasanayan sa paghawak


• Ngayon naman ipahawak sa bata ang kutsara at tinidor at hikayatin mo siya na gumawa
ng sarili niyang pattern.
• Ipakilala ang ang kulay-dilaw, magpakita ng halimbawa ng gamit sa kulay na makikita sa
inyong tahanan.

GAWAIN #3 Kalusugan
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng katawan.

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Lahat tayo ay may damdamin. May mga pagkakataong ako ay malungkot. May mga
dahilan kung bakit ako nalulungkot.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Nauunawaan ko po ang ibig sabihin ng pagiging malungkot.

4
GAWAIN #1 Unang Markahan/Ika-limang Linggo/Ikalawang Araw
Kaisipang Kognitibo

Panuto: Iguhit sa patlang ang susunod na emoji upang mabuo ang pattern.

Karagdagang Gawain
Panuto: Kulayan ng dilaw ang larawang nagpapakita ng malungkot na
damdamin.

5
GAWAIN #2
Kasanayan sa Paghawak

Panuto: Bakatin ang mga larawan at salita gamit ang lapis pagkatapos kulayan ang
mga larawan gamit ang kulay-dilaw na krayola.

GAWAIN #3
Kalusugan

Panuto: Pagsipilyuhin ang bata at masdan kung magagawa niya ito ng tama.

6
______________________
MIYERKULES
MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.

Lahat tayo ay may damdamin.


May mga pagkakataong tayo ay masaya.
Tayo ay ngumiti o tumatawa kapag tayo ay masaya.
May iba-ibang dahilan ang kasiyahan.

Halimbawa:
Ako ay masaya tuwing kaarawan ko.

Tanong para sa bata:


Ikaw, anong nagpapasaya sayo?(pakinggan ang kanyang sagot upang lalo mo siyang makilala)

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

GAWAIN #1 Basic Literasi

Ang letrang Ii ay isang patinig (vowel letter). Ito ay may tunog na /ih/. Ipabigkas sa bata ang letra
at tunog ng Ii. (letter name and sound)
Magpakita ng bagay na may unang tunog na /i/ na makikita sainyong tahanan.
(Pasagutan ang gawain sa susunod na pahina.)

GAWAIN #2 Kasanayan sa Pagbibilang


Balik-aralan ang bilang tatlo. Magsanay sa pagbilang mula 1 hanggang 3 gamit ang iyong daliri o
counter.

GAWAIN #3 Musika
Awitin at sabayan ng indak ang “Kung ikaw ay masaya”

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

• Lahat tayo ay may damdamin.


• May mga pagkakataong ako ay masaya.
• May mga dahilan kung bakit ako masaya.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Nauunawaan ko ang ibig sabihin ng pagiging masaya.

7
GAWAIN #1 Unang Markahan/Ikalimang linggo/Ikatlong Araw
Basic Literasi

Panuto: Bigkasin ang pangalan ng mga larawang may unang


tunog na Ii.

/ih/ isa ilong isda ilaw

ilog ibon itlog ipis insekto

Panuto: Bakatin ang letrang Ii.

Karagdagang Gawain
Panuto: Bigkasin ang pangalan ng larawan, gumuhit ng masayang mukha
sa loob kahon kung ito ay may unang tunog na /i/ at ekisan naman
kung hindi.
Halimbawa:

8
GAWAIN #2
Kasanayan sa Pagbibilang

Panuto: Ikabit sa bilang tatlo ang bilog na may tatlong laman.

GAWAIN #3
(Musika)
Panuto: Awitin ang “Kung ikaw ay masaya”.

Karagdagang Gawain: Magsanay sa pagsulat ng titik Ii sa pad paper at

9
_______________________
HUWEBES
MAKIKINIG PO AKO!
Ipapaliwanag ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.

Lahat tayo ay may damdamin.


May mga pagkakataong tayo ay nagagalit.
Tayo ay nanggigigil kapag tayo ay magagalit.
May mga dahilan kung bakit tayo nagagalit.

Halimbawa:
Ako ay nagagalit kapag inaagawan ako ng laruan.

Tanong para sa bata:


Ikaw, nagagalit ka rin ba? Ano ang dahilan kung bakit ka nagagalit.
(pakinggan ang sagot ng bata upang lalo mo siyang makilala)

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

GAWAIN #1 Kaisipang Kognitibo

May mga bagay na magkapareho o magkatulad.


Magpakita ng dalawang magkaparehong bagay na makikita sa inyong tahanan.

GAWAIN #2 Kasanayan sa paghawak

Ipabakat at ipasulat ang bilang (3).

GAWAIN #3 Praktikal na buhay


Ipagawa ito: Ibuhos ang tubig sa baso na hindi natatapon. (Self-help #11)

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

• Lahat tayo ay may damdamin. May mga pagkakataong ako ay nagagalit.


• May mga dahilan kung bakit ako nagagalit.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

• Nauunawaan ko ang ibig sabihin ng galit.

10
GAWAIN #1 Unang Markahan/Ikalimang Linggo/Ika-apat na Araw
(Kaisipang Kognitibo)

A. Panuto: Lagyan ng tsek ang magkaparehong letra sa bawat


hanay.

Ii Ss Mm Ii
Mm Ii Mm Aa
Mm Aa Ss Aa
Aa Ss Ss Mm
B. Panuto: Kulayan ng dilaw ang magkaparehong numero sa bawat
hanay.

0 0 1

2 1 2

0 1 1

3 2 3

11
GAWAIN #2
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Bakatin ang bilang 3.

Karagdagang gawain:

• Magsanay sa pagsulat ng bilang tatlo (3) sa pad paper


• Isama sa pagpasa ng modyul na ito.

GAWAIN #3
(Praktical na buhay)
Panuto: Ibuhos ang tubig sa baso na hindi natatapon. (Self-help #11)

12
________________________
BIYERNES
MAKIKINIG PO AKO!
Ipapaliwanag ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng ara-

Lahat tayo ay may damdamin.

May mga pagkakataong tayo ay natatakot.


Tayo ay nanginginig kapag tayo ay natatakot.
May mga dahilan kung bakit tayo natatakot.

Halimbawa:
Ako ay natatakot kapag kumukulog at kumikidlat.

Tanong para sa bata:


Ikaw, natatakot ka rin ba? Ano ang dahilan kung bakit ka natatakot?

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

GAWAIN #1 Kamalayan sa Ponolohiya


Turuan ang bata sa pagbigkas ng mga tunog ng mga letrang Ii, Ss, Mm. at Aa.

GAWAIN #2 Kasanayan sa Pagbibilang


Turuan ang bata na magbilang mula 1 hanggang 3

Karagdagang Gawain:
Pabilugan ang larawan na nagpapakita ng pagkatakot.

GAWAIN #3 P.E
Ipagawa sa bata: Lumundag ng tatlong beses gamit ang isang paa. (gross motor #11)

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

• Lahat tayo ay may damdamin. May mga pagkakataong ako ay natatakot.


• May mga dahilan kung bakit ako natatakot.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

• Nauunawaan ko ang ibig sabihin ng takot.

13
GAWAIN #1 Unang Markahan/Ikalimang Linggo/Ikalimang na Araw
Kamalayan sa Ponolohiya
Panuto: Bigkasin ang tunog ng sumunod na mga letra.

Mm Ss Aa Ii
m m m m m
s s s s s
a a a a a
i i i i i

i a m s
s m a i
Panuto: Bigkasin ang tunog ng bawat letra at subukang pagsamahin ang
kanilang tunog upang makabuo ng pantig.

m a ma m i mi

s a sa s a sa
14
Panuto: Bilugan ang larawan na nagpapakita ng pagkatakot.

GAWAIN #2
(Numeracy)

Panuto: Bilangin ang mga larawan sa bawat basket at isulat ang katumbas
na numero sa nakalaang patlang.

GAWAIN # 3
( P.E)

Panuto: Lumundag ng tatlong beses gamit ang isang paa. (gross motor #11)

15
__________________
SABADO
MAKIKINIG PO AKO!
Ipapaliwanag ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.

Itanong sa bata kung ano ang kanyang natutunan sa buong isang linggo
aralin. Bigyan siya ng pagkakataong sabihin ang mga ito.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

(Mga Gawain na may Kaugnayan sa Edukasyong Pampalakas ng Katawan)


Gawain #1: Ipaawit at ipasayaw ang awiting ‘Kung Ikaw ay Masaya”

Mga Karagdagang Gawain: (Kasanayang Socio-Emosyonal)


Gawain #2: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pag galang sa damdamin ng iba.
Ipatukoy ang mga damdaming ipinapakita ng nasa larawan.

Mga Karagdagang Gawain: (Kasanayan sa Pagsasalita)


Gawain #3: Bukod sa saya, lungkot, takot at galit, mayroon ka pa bang ibang na-
raramdaman? Sabihin ito? (Hikayatin ang bata sa pagsagot sa iyong tanong)

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

• Lahat tayo ay may damdamin.


• Masaya, malungkot, nagagalit at natatakot.
• Mahalagang malaman ang mga dahilan ng damdaming ito upang higit na
maunawaan ang sarili at ang ibang tao.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Kaya ko na pong sabihin ang dahilan ng mga damdamin:

Ako ay masaya kapag_________________.


Ako ay nalulungkot kapag___________________.
Ako ay nagagalit kapag______________________.
Ako ay natatakot kapag_______________________.

16
GAWAIN #1 Unang Markahan/Ikalimang Linggo/Ika-anim na Araw

Panuto:Awitin at sabayan ng indak ang kantang


“Kung Ikaw ay Masaya”

GAWAIN #2

Panuto: Kulayan ng dilaw ang wastong damdamin na angkop


sa bawat sitwasyon.

GAWAIN #3 Kasanayan sa Pagsasalita

Panuto: Sabihin ang iyong nararamdaman at ang dahilan nito.

17

You might also like