You are on page 1of 7

Ang panunuluyan ni Jose at Maria at ang pagsilang

ng Panginoong Hesukristo.

1 (Magsisimula ang dula ng panuluyan sa isang maikling salaysay)


2 (Ley) Taon taon ay ating ipinagdiriwang ang pasko. Ito ang panahon kung saan ang
bawat
3 miyembro ng pamilya ay masayang nagkakatipon. Ito rin ang pagkakataon kung saan
4 ating binibigyang pansin ang halaga ng pagbibigayan at pagmamahal sa ating kapwa
5 tao. Ngunit higit sa lahat, ito ang panahon upang ating gunitain ang pagsilang ng
6 ating tagapagligtas at Panginoong Hesukristo..
7(Vene) Kaya naman sa gabing ito ay ating sandaling alalahanin ang sakripisyong
8 ginawa ng Mahal na Birheng Maria at ni San Jose ang magulang ng ating Panginoong
9 Hesus.
10 Ating sandaling balikan ang panunuluyan ni Jose at Maria at ang pagsilang ng mahal
11 na Panginoong Hesukristo sa sabsaban.
(Music Score) (Kasabay ng pagsasalaysay ay papasok si Maria at si Jose)
12 (Vene) Si Maria (Papasok ng may dalang timba) na siyang ina ng ating
Panginoong Hesukristo ay isang dalaga na ubod ng
13 ganda, magiliw, mapagkumbaba at higit sa lahat tunay na kinalulugdan at alipin ng
14 Diyos. *5 secs interval
15 (Ley) Ito namang si Jose (Papasok na may dalang kahoy )ay isang payak na
mamamayang naninirahan sa Nazareth isang
16 karpintero ,masipag, mabuting tao, nanggaling sa lipi ni haring David at tulad ni
17 Maria isa ring tagapaglingkod ng Panginoon.
( Panandaliang iiwan ni Jose ang mga kahoy na kanyang itinatali upang
lapitan si Maria at alukin ng tulong sa pagbuhat ng kanyang sinalok na tubig
sa ilog) (Tatayo si Maria at lalapit naman si Jose kay Maria
18 Jose: Magandang araw Maria.
19 Maria: Magandang araw naman Jose.
20 Jose: Maria, mukang mabigat ang iyong dala hayaan mong tulungan kita.
21 Maria: Maraming salamat.( Lalayo ng kaunti kay Jose) Ngunit hindi na Jose kaya
22 ko na ito, ayoko din naman
23 na maabala ka pa sa iyong trabaho.
24 Jose: Kung gayon ay magiingat ka lagi.
25 Maria: Maraming salamat. Mauna na ako.
26 (Vene) Noong panahong iyon si Jose at Maria ay nakatakda nang ipakasal, ngunit
bago pa sila maipakasal ay natagpuang nagdadalang tao si Maria.
27 Lingid sa kaalaman ng lahat si Maria ay nagdalang tao sa pamamagitan ng Espiritu
Santo.
28 Ito ang unang hakbang ng Panginoon upang bumaba sa lupa at iligtas ang
sanlibutan.
(Music Score)
( Papasok sa loob entablado si Maria.Habang siya ay nananalangin ay
magpapakita sa kanya ang isang anghel na may dalang magandang balita)
32 Gabriel: Maria.
33 Gabriel: Ako si Gabriel, Isinugo ako ng Panginoon upang maghatid saiyo ng isang
34 balita. Matuwa ka! Ikaw ay kalugod lugod sa Diyos, sumasaiyo ang Panginoon
35 Gabriel: Huwag kang matakot Maria sapagka’t kinalulugdan ka ng Diyos.
37 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki magiging dakila Siya
38 at tatawaging Anak ng kataas taasan. Ibibigay sa Kanya ng Panginoong Diyos ang
39 trono ng kanyang amang si David at maghahari siya sa angkan ni Jacob
40 magpakailanman at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.
41 Maria: Paanong mangyayari ito, gayong ako’y isang birhen?
42 Gabriel: Sasaiyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng
43 kataastaasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos.
44 Natatandaan mo ang iyong kamag anak na si Elisabet? alam ng lahat na siya’y
45 baog ngunit naglihi sya sa kabila ng kanyang katandaan at ngayo’y ikaanim na
46 buwan nang kanyang pagdadalantao, sapagkat walang hindi mapangyayari ang
47 Diyos.
48 Maria: Ako’y alipin ng Panginoon mangyari sa akin ang inyong sinabi.
49 (Ley) Sa pagpapatuloy ng kwento, Itong si Jose ay isang matuwid na tao kaya
naman
50 nang malaman niyang nagdadalang tao si Maria ay binalak nitong hiwalayan na
51 lamang si Maria ngunit sa dahilang ayaw niyang mapahiya ang magandang dalaga
52 ay nais niya itong gawin ng palihim, pero sa kalagitnaan ng kanyang pagiisip ay
53 napakita kay Jose ang isang anghel sa pamamagitan ng isang panaginip.
(papasok si Jose sa entablado nang naguguluhan at nagiisip)
Jose: Ohh Maria? Papaano nangyari ito? kailangan ng magiging anak ni Maria
54 ang totoo nitong ama. Kailangan ko siyang hiwalayan ngunit pag ginawa ko ito
55 tiyak na mapapahiya at mapapahamak siya. Alam ko na! ang mabuti pa ay gawin ko
56 ito ng palihim bukas na bukas din ay pupuntahan ko sya para kausapin. Tama.. ito
57 ang mainam na gawin.
58 Jose: Sino ka?
59 Gabriel: Ako si Gabriel isinugo ako ng Diyos upang ikaw ay paliwanagan, Jose
60 anak ni David huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria sapagka’t siya’y
61naglilihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Magsisilang siya ng isang batang lalaki
62at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang
62 bayan sa mga kasalanan.
63 (Ley) Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon at
64 pinakasalan niya si Maria.
(Ang pagdalaw ni Maria kay Elizabeth)
65 (Vene) Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa
66 bulubundukin ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elizabeth. )
67 Maria: Elizabeth, kamusta ka na at ang iyong anak?
68 (Vene) Nang marinig ni Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang
sanggol sa
69 kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espirtu Santo. Napasigaw siya sa
70 galak.
71 Elizabeth: Oh Maria! (pupuntahan si Maria habang ; nagagalak ang itsura ng
mukha)
72 Bukod kang pinag pala sa babaeng lahat at pinagpala din naman ang sanggol sa
73 iyong sinapupunan: sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon sapagkat
74 pagkarinig ko ng iyong bati ay nag gagalaw ang sangol sa aking sinapupunan.
75 pinagpala ka Maria, sapagkat nananalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng
76 Panginoon.
( Maaring kantahin ang Awit ng pagpupuri ni Maria)
( Ang pagsilang ni Hesus)
77 (Ley) Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus
sa
78 sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa
79 noong si Cirenio ang gobernador ng Siria, Kaya’t umuwi ang mga tao sa sarili nilang
80 bayan upang magpatala.
81 Mula Nazaret, isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Betlehem
82 na baying sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa angkan ni David.
83 kasama rin niyang umuwi upang magpatala si Maria na kanyang magiging asawa na
84 noon ay nagdadalang tao.
85 (Vene) Malamig at gabi na nang makarating si Maria at Jose sa Betlehem
86 at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatakda na ring ipanganak ni Maria
87 ang Panginoong HesuKristo ng mga oras na iyon.
88 Jose: Maria kaunting tiis na lamang makakahanap din tayo ng matutuluyan
89 Maria: Oo Jose, ngunit kaunting bilis lamang sapagkat malapit nang lumabas
90 ang sanggol.
91 Jose: Oo Maria, tulong … tulong..tulungan ninyo kami, parang awa niyo na tulungan
92 niyo kami,
93 (Vene) Sa sandaling yaon ay nakakita si Jose ng isang sabsaban ng mga
94 hayop at dahil walang nagpapatuloy sa kanila ay napagpasyahan niyang dito
95 na lamang dalhin si Maria upang mailuwal ang sanggol na si Hesus.

Ang mga Pastol at ang mga Anghel


96 (Ley) Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga
tupa
97 ng gabing iyon. At tumayo sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at
98 nagliwanag sa kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na
99 na lamang ang kanilang pagkatakot ngunit sinabi sa kanila ng anghel.)
100 Gabriel: Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang magandang balita para sa inyo
101 na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang sa inyo ngayon sa
102 bayan ni David ang tagapagligtas, ang Kristong Panginoon. Ito ang inyong
103 palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at
104 nakahiga sa isang sabsaban.
105 (Ley) Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay
nagusap - usap.
107 Pastol 1: Tayo na sa Betlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa
108 atin ng Panginoon.
109 (Ley) Nagmamadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at
110 naroon ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Nang makita ng mga pastol ang
111 sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol dito.
112 Pastol 1: nagpakita sa amin ang isang anghel dala ang isang mabuting balita mula
113 sa langit.
114 Pastol 2: Ayon dito, isisilang ang anak ng Diyos na magliligtas sa ating lahat mula
115 sa kasalanan. At upang matupad ang nasasaad sa propesiya ipanganganak ito sa
116 isang sabsaban ng mga hayop.
117 Pastol 3: Gng. Naniniwala kami na ang iyong anak ang ipinangako ng Panginoon
118 na siyang maghahari sa sanlibutan at magdadala ng kaligtasan at kapayapaan sa
119 ating lahat ano ang kanyang ngalan!
120 Maria: Hesus, Hesus ang kanyang ngalan!!
139 (Bilang pagpupugay ang tatlong pantas kasama ng mga pastol ay
140 maninikluhod at susubsob sa lupa sa harapan ng sanggol at ng kanyang Ina)
141 (Ley) At ito ang nangyari noong unang pasko. Ipinanganak si Hesus sa
142 isangsabsaban ng mga hayop. Ipinakita rin nito sa atin kung gaano tayo kamahal
143 ng Panginoon na maging ang kanyang anak ay ibinigay niya sa atin upang tayo ay
144 kanyang iligtas mula sa kasalanan.
145 (Vene) Maaaring paulit-ulit na natinng naririnig ang kwento tungkol sa
146 Panuluyan ni Maria at Jose at kung paano isinugo ng Diyos ang Bugtong na Anak
147 sa ating mga tao ngunit nawa ay huwag tayong magsawang alalahanin at gunitain
148 ang araw na ito kung saan tayong lahat ay nagkakatipon –tipon hindi lang upang
149 magsaya kundi bigyang Parangal at Pagsalubong sa ating tagapagligtas na si
150Hesus. Ihanda natin an gating sarili at Pagnilayan natin kung ano ba para sa buhay
151 natin ang ibig sabihin ng Pagsilang ng ating Panginoon na ating Tagapagligtas.

You might also like